You are on page 1of 1

Ang Pandemya at ang Edukasyon ng mga Kabataan

Mula nang magsimula ang pandemiya maraming tao ang apektado mula dito hindi lamang mga mag-
aaral pati na rin ang mga tao na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Ngunit maraming mga mag-
aaral ang lubhang naapektuhan mula dito dahil sa biglaang paglipat ng pag-aaral sa online mode na kung
saan ang ilang mga mag-aaral ay hindi pamilyar dito dahil ito ay bago sa kanila. Karamihan rin sa mga
mag-aaral ay hindi lamang nahihirapan mula sa hindi pamilyar na klase sa online, ngunit dahil ang ilan ay
walang tamang kagamitan at ang ilan ay walang matatag na koneksyon sa internet na lubos na
nakakaapekto sa kanilang edukasyon at ang ilan pa nga ay hindi na maaaring magpatuloy dahil dito.

Sa una ay hindi naisip ng mga mag-aaral na ang pandemiyang ito ay makakaapekto sa kanilang
edukasyon, ngunit habang tumatagal ang mga mag-aaral ay nagkaroon na ng problema sa kanilang
kalusugan ng kaisipan na kung saan sila ay nakakaranas na ng matinding pagkabalisa at kalungkutan at
nagpapatuloy ang mga negatibong damdamin ukol pandemya. Hindi lamang ang kalusugan ng isip ang
apektado pati na rin ang kanilang pisikal na kalusugan, ang ilang mga mag-aaral apektado at hindi na
nakakapag ehersisyo. Nagiging kulang na ang aktibidad upang mapanatili ang kanilang kalusugan.
Nararapat lamang na mabigyan ng pansin ang pangkalusugang pangkaisipan ng mga estudyante at
mapangalagaan ang kanilang sarili sa araw araw. Ang mga guro at mga magulang ay may malaking
ambag sa kinabukasan ng mga kabataan.

You might also like