You are on page 1of 1

“Presidente ng Indonesiya Kinansela ang State Visit sa Australya Dahil sa Jakarta

Protest”
Isinulat ni Bombo Ma. Irmina Fidelis Garcia
______________________________________________________________________
Kinansela na ng Presidente ng Indonesiya, Joko Widodo, ang kaniyang nakatakdang
pagbisita sa Australya makaraang mauwi sa karahasan ang isang kilos protesta sa
Indonesiya makaraan ang ginawang pang-iinsulto umano ng isang Christian governor
sa mga Muslim.
Bukas dapat naka-ischedule dumating sa Australya si Widodo para sa tatlong araw na
state visit sa Sydney at Canberra.
Ayon sa Foreign Ministry ay piniling manatili ni Widodo sa kaniyang pinamumunuang
bansa bunsod ng sitwasyon partikular na sa seguridad.
Personal na tinawagan ng Indonesian president ang Prime Minister ng Australya,
Malcolm Turnbull, para ipaalam sa kaniya ang postponement ng kaniyang pagbisita.
Sa kabila nito ay inatasan na rin ng Pangulo ang kaniyang mga foreign ministers na
mag-set ng panibagong petsa sa para sa panibagong petsa ng pagkikita ng dalawang
lider.
Saad naman ni Turnbull na naiintindihan niya ang biglaang postponement ni Widodo
lalo na at mas kailangan daw siya ng Indonesia sa mga sandaling ito.
"I said we were sorry we would not be able to welcome him to Australia tomorrow but
entirely understood the need for him to remain in Indonesia at this time," saad ni
Turnbull.
Una rito ay mahigit sa 10,000 Muslim ang nagsagawa ng kilos protesta kung saan isa
ang namatay habang nasa 100 ang sugatan.
Layon ng mga nagsagawa ng kilos protesta na sibakin sa pwesto at ikulong ang
Jakarta's Christian Governor Basuki Tjahaja Purnama dahil sa pang-iinsulto nito sa
Koran na siyang banal na aklat ng relihiyong Islam.

You might also like