You are on page 1of 3

Anim kawani ng mining firm tinamaan ng virus

DINAPIGUE, Isabela, Philippines — Anim na empleyado ng isang mining company na nasa liblib
ng coastal town ng bayang ito ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa social media advisory ng pamahalaang bayan ng Dinapigue ang mga naitalang kaso ay
pawang empleyado ng Dinapigue Mining Corporation na may kasaysayan ng paglalakbay sa
iba’t ibang lugar.

Ayon sa pabatid, ang unang kaso ng virus ay pinapasok sa Dinapigue noon pang Marso 6
matapos ipakita ang negatibong resulta nito sa COVID-19.

Gayunman, nagkaroon ito ng sintomas ng ubo at sipon at napagpasyahan ng kumpanya na


isailalim ito sa quarantine ng kanilang pasilidad at kalaunan ay nagpositibo sa virus.

Ang iba pang kaso ay mga nagbakasyong empleyado na bumalik sa Dinapigue at sumailalim sa
antigen test noong Marso 13 na nagkaroon ng positibong resulta kaya sila isinailalim sa RT-PCR
test at naglaon ay kinumpirmang tinamaan din ng virus.

Ang lahat ng mga tinamaang empleyado ay nasa pangangalaga ng pasilidad ng mining company
at bagama’t nakakaranas ang mga ito ng pag-ubo ay hindi na kinakailangang ma-confine sa
pagamutan.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga


nagpositibong minero upang masawata ang pagkalat ng virus sa Dinapigue.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Openning Prayer)

Ama namin, sumasalangit Ka,

Sambahin ang ngalan Mo.

Mapasaamin ang kaharian Mo.

Sundin ang loob Mo

Dito sa lupa, para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo kami sa aming mga sala,


Para nang pagpapatawad namin

Sa mga nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,

At iadya Mo kami sa lahat ng masasama,

Amen.

( Close Prayer )

Purihin nawa ang Panginoon, Ngayon at Magpakialanman

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You might also like