You are on page 1of 445

One Sweet Glimpse

ONE SWEET GLIMPSE

COPYRIGHT © 2012 BY Marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any


electronic,mechanical or other means,now known or hereinafter invented,is forbidden
without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names .
They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the
author, and all the incidents are merely inventions.

PROLOGUE

Alexander De Silva

Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10.

Mabait pero masama kung magalit.

Isang gentleman kung maituturing.

Nagsisilbing kuya ng nakararami.

Ngunit hindi batid sa kaalaman ng iba ang kanyang sikreto mula sa nakaraan

Nakaraan kung saan nahubog ang kanyang personalidad sa kasalukuyan.

Ang kanyang nakaraan ang tanging pinanghahawakan niya hanggang sa hinaharap.

Maangas...

Tahimik...
Suplado...

Maikli ang pasensiya...

Madaling magalit...

Kinakatakutan ng marami...

Mahilig makipag-basag ulo...

Iresponsable...

Sa madaling salita...

Isang rebelde...

Yan ang dating Alex.

Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagbabago?

****

"Alex, anak, baon mo. Dumiretso ka na at wag mo ng pansinin ang daddy mo, okay?"
Mahinahong paalala ng kanyang ina sa kanya. Hindi sumagot si Alex, bagkus ay kinuha
lamang nito ang pera mula sa kanyang ina.

Kinuha niya ang kanyang back pack at isinukbit sa likod niya. Saka ito lumapit sa
pinto palabas ng kwarto niya. "Alis na ako..." Mahinang sambit nito.

"Ingat anak.." pahabol ng ina.

Hindi na kumibo si Alex. Tuloy-tuloy lang siyang bumaba ng hagdan. Diretso ang
tingin niya at walang pakialam sa paligid niya.

"Alexander... Halika rito..."

Napahinto siya nang marinig ang tinig ng kanyang ama. Hindi siya lumapit dito kaya
ang ama na mismo ang lumapit sa kanya. "Tumawag sa akin ang Guidance Councilor niyo
at sinabing binato mo raw ng bola ang P.E teacher niyo. Ano naman ba 'tong ginagawa
mo?!" Galit na galit ang ama. Nag-echo ang baritonong boses nito sa buong mansion
nila.

"Wala kang pakialam," malamig na sagot nito sa ama saka ito naglakad palayo.
Ngunit, hinila agad ng ama ang polo nito mula sa likuran at binigyan ng isang
malakas na suntok sa kanyang mukha. Sa lakas nito ay napasalampak sa sahig si Alex.

"You're a total pain in the @ss! Sh*t, kung 'di lang kita anak... Umalis ka na nga
at baka hindi lang yan ang abutin mo sa akin!" Sigaw nito. Tumayo si Alex na para
bang walang nangyari sa kanya. Ngumiti lang ito at umiling.

Nabigla naman ang ina na kasalukuyang bumababa ng hagdanan. Tumakbo ito sa


kinaroroonan ng anak na binata at niyakap, "Ernest, 'di ka na ba nagsasawa sa
pananakit sa anak mo?!"

Alex chuckled sarcastically, "It's okay, mom. Almusal ko na yan sa umaga. Sanay na
ako, thanks dad. You're the fcking best!" Saka nito binawi sa ina ang braso nito ng
marahas at naglakad palabas ng mansion nila.
"Don't you ever come home, Alex!!! I despise you!!!" pahabol na sigaw ng ama.

Napatawa nalang sa sarili si Alex. Despise you despise you, mukha nila, ani sa
sarili. Ilang beses na kasi nilang itinakwil si Alex. Handa naman ang binata sa
pinansyal dahil nag-iipon ito ng sariling pera. Yun nga lang, lagi siyang sinusundo
ng kanyang ina at pinapabalik sa mansion nila. Mansion nga pero nakatira naman ay
kwago.

Alexander De Silva, kasalukuyang nasa first year highschool, 14 years old at nag-
aaral sa East High Academy na kung saan isa sa mga stockholders ang pamilya niya.
Wala siyang kaibigan sa eskwelahan dahil nga kinakatakutan siya ng marami.

"Move out..." Maangas na utos nito sa lalaking umokupa ng upuan niya sa classroom
nila. Nasindak naman ang lalaki kaya nagmamadali itong umalis roon. Umupo si Alex
at ipinasak ang headphones sa tenga niya saka ito umub-ob sa lamesa niya para
matulog.

"Alexander, bantayan mo ang kapatid mo habang naglalaro," sabi ng ama sa walong-


taon na anak na si Alex. Tinutukoy nito ang bunso nitong anak na si Alexis na anim
na taong gulang na. Nasa park silang buong pamilya dahil ito ang nakagawian nila
tuwing sasapit ang araw ng linggo.

"Alex, sama ako. Wait for me," nagmamadaling sabi ni Alexa, ang nakatatandang
kapatid niya, 15 years old na. Nagmamadali itong ubusin ang pagkain niya pero
umiling lang ina nito, "Alexa, don't rush eating. Hayaan mo na sila Alex at Alexis
na maglaro dun."

"Kuya! Tara, let's ride on a bike! Let's go..." Tuwang-tuwang hinila ni Alexis ang
kuya nito palayo sa picnic mat nila. Ngunit 'di pa sila nakakalayo ay sumigaw na
ang ama nito, "Alexis, Alex, 'wag kayong magbabike! Maglaro nalang kayo sa
playground! Wag masyadong magpakapagod!"

Lumingon lang si Alex sa kinaroroonan ng ama at nakangiting tumango ito, "Yes po,
dad!" Tinignan niya ang nakababatang kapatid na humihila sa kaliwa niyang kamay
habang papalayo sila. "Alexis, tara buhatin kita. Piggy-back! You want that, don't
you?" Nagtatalon si Alexis sa sobrang saya. Binuhat niya ito sa likuran at naglakad
palapit sa nagtitinda ng cotton candy para ibili ang kapatid.

Si Alexis Marie De Silva ay isang normal na bata sa paningin ng ibang tao. Pero
lingid sa kalaman ng iba na ang energetic na 6-year old na batang ito ay may
malalang sakit. She has a brain disorder, she's epileptic that's why her parents
are over-protective of her. They don't let Alexis gets too much tired. Tuwing
napapagod kasi ito o 'di kaya'y nakakaramdam ng sobrang excitement, takot o kung
ano pang pakiramdam ay inaatake ito ng sakit niya.

"Kuya, I want you to teach me how to maneuver a bike." Nakalabing sambit nito sa
kapatid. Umiling lang si Alex at bahagyang ginulo ang buhok nito. "No Alexis, bawal
tayong sumakay dyan or perhaps ikaw. Alam mo naman na delikado para sayo yan diba?"

"But Kuya... I really want to! Gustong-gusto ko talaga!"

"No... Magagalit sina Mom and Dad. Tsaka isa pa, bawal kang mapagod ng sobra. Dun
nalang tayo sa swing," sabi nito sa kapatid at saka hinila ito sa wrist. Pero dahil
sa mapilit ito ay bumitaw ito sa pagkakahawak sa kuya at tumakbo sa Bike rentals.

"ALEXIS!" sigaw nito sa kapatid habang hinahabol ito. Nang makalapit na siya rito
ay hinawakan niya ito sa magkabilang braso at ipinaharap sa kanya. Umupo siya para
lumevel sa mukha niya ang mukha nito, "You really wanna ride on that?" She nodded
while pouting. He sighed. Naaawa siya sa kapatid niya dahil hindi nito magawa ang
mga normal na ginagawa ng isang bata.

"Alexis, promise me hindi mo sasabihin ito kina Mommy at lalong lalo na kay Daddy,
ok?" She smiled widely and nodded energetically. "I promise, kuya! I want the pink
bike!"

Nagsimula na siyang turuan ang kapatid. Medyo lumayo-layo sila sa pwesto ng mga
magulang niya para 'di sila makita. Sa nakikita niya sa kapatid ay tuwang tuwa ito.
Ngayon lang kasi niya naranasan ito. Mabilis na natuto si Alexis sa pagmamaniobra
ng bike. Kaya naman ng matuto na ito ay hinayaan na ni Alex na magsolo ito. Siya
naman ay rumenta ng sarili niyang bike.

"Kuya Alex, let's race!" Sigaw ng kapatid. "Marunong na ako!"

"Sige sige!"

Nagsimula na silang magkarera. Pero dahil sa bata pa si Alexis ay pinagbibigyan ni


Alex ito. Lagi siyang nagpapahuli para hayaang manalo ang kapatid. 'Di nagtagal ay
mabilis ng magpatakbo si Alexis. Sa di inaasahang pangyayari ay nasira ang break ng
bike nito kaya naman nabunggo siya sa puno at napadausdos ang katawan niya sa
semento. And the worst part... She banged her head on a big stone...

"ALEXIIIIIIIIISSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!"

Nagising si Alex sa masamang panaginip. Simula ng mangyari iyon ay lagi-lagi nalang


niya ito napapanaginipan. Since that accident, his father blamed him and started to
treat him as a nobody. He even despised him since then.

"Alexander, sagutin mo ang problem solving sa board. With solution and explanation!
Lagi mo nalang tinutulugan ang klase ko. If you wanna sleep, just go out of this
room! I don't need a student like you!" Sigaw ng guro nito sa kanya. And as Alex,
he just smirked and stood up... "Thank you, Ma'am... I don't need you too... I'd
prefer sleeping than staying here listening to your boring discussions." Then he
walked out of the room with his hand on his pocket.

That was the typical Alexander De Silva...

-1-

***1***

ALEX'S POV

3rd week of September. 5:45AM na. Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa E.H.A, ang
school ko. Ang school na isa ang pamilya ko sa nagmamay-ari. Sa totoo lang, ayaw na
ayaw kong mag-aral. Pero kahit gago ako, iniisip ko pa rin ang future ko. Gago na
nga ako ngayon, ano pa kaya ang mangyayari sa akin sa hinaharap kung 'di ako mag-
aaral.

Nalasahan kong may matamis na likido na naman sa may labi ko. Dugo... Pinunasan ko
ito gamit ng likod ng palad ko. Yeah, he hit me again. This is my dad's breakfast
for me every morning. Hindi ata mabubuo ang araw nung taong yun hangga't hindi ako
nasasapak.

"Toffer, I'm gonna pick you up after your dismissal. I'm gonna wait fo' you here.
'Pag di ka lumabas, magtatampo ang mommy mo. Sige ka!"

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko na naman ang eksena ni Toffer pati na
rin ang nanay niya. Ganyan yan tuwing umaga. Her mom's always love to cuddle her
son. But Toffer? He seemed embarrassed. "Mom, okay po! Just go away. Bye, mom!"

Pumasok na sa kotse ang mommy niya pero binuksan pa nito ang bintana. She blowed a
kiss and exclaimed, "I love you, Toffie!"
Toffer scratched the back of his head and smiled shyly. "I love you too, mom..."
Her mom giggled then drove away her car.

I chuckled. Naturingang siga sa loob ng campus, Mama's boy naman pala. Tsk.

Napalingon sa gawi ko si Toffer at nakita kong namula ang mukha niya. Tss. I don't
give a sh*t anyway. I walked passed him but suddenly, I felt someone grabbed my
arm. I looked back at him with my cold stare.

"Alexander, please don't tell anyone. Ayokong mapahiya. First year highschool na
ako pero... Ah basta!"

Binawi ko ng malakas ang braso ko saka ako tumalikod at naglakad papasok ng school
gate. Narinig ko pa siyang sumigaw kaya lumingon ako. "I don't fcking care about
your sh*ts!" I shouted and made my way inside the campus.

He's Kristoffer Miguel Tan. One of my childhood friends. He had been my friend
since I was in gradeschool, before that nightmare happened. Sampu kaming
magkakaibigan noon, kaibigan dahil na rin sa mga business ng mga parents namin. We
became friends but things change. After what happened to my family, I decided not
to be happy anymore. After all, it was my damn fault. I should have been the one
who died.

Papasok na ako sa classroom namin ng marinig ko na naman ang boses ni Kurt, one of
former friends. "SHUT THE FCK UP, WAYNE! You're so effin' noisy! Cant you see? I'm
sleeping!"

"Sorry, Kurt! Natatawa ako sa mukha ni Dustin eh. Nakikiliti na, ayaw pang tumawa!
AHAHAHAHAHA!" Si Wayne yun. The nastiest among them.

Napailing nalang ako. Sa araw-araw na ginawa, ganyan lagi ang bumubungad sa akin.
Siyam na mga lalaki na naging kaibigan ko noon;

Kurt; the bossy one.

Derrick; loves playing with girls at very young age.

Dustin; cold guy.

Toffer; mama's boy.

Arthur; the geek/smartest.

Kent and Brent; war freak twins

Wayne; loves fooling around

Jake Clarence; weird sometimes.

Pumasok na ako sa room, and yeah, silang siyam pa lang ang narito. Maaga sila
talagang pumasok dahil gumagawa sila lagi ng kalokohan around the campus. Pag
sinabing kalokohan, nantritrip sila. 7:30 ang klase namin kaya wala pang masyadong
tao. Maaga akong pumasok dahil ayokong makita ang pagmumukha ng ama ko. Pero sa
kamalas-malasan, maaga pala siya nagising kaya pinaalmusalan ako ng suntok. Nang
mapansin nila akong siyam, tumahimik sila. I sat up on my arm chair on the last
row, left corner and took a nap. Maya-maya pa ay biglang may kumalabit sa akin kaya
kunot-noong napatingin ako rito.
"Alexander, gusto mo sumama? Tara, cutting!" Yaya sa akin ni Kent.

I frowned and kicked the arm chair infront of me. Napaatras naman siya kaya
napailing ako. "'Pag natutulog ako, walang mang-iistorbo sa akin! Ta^&*na!" Saka ko
inub-ob ulit ang ulo ko sa arm chair. Ang lalakas ng loob kausapin ako!

"Tara na nga! Nakakatamad naman eh." Boses ni Kurt yun. Narinig ko nalang na
lumabas na sila. Medyo lumalim na ang tulog ko nang marinig kong may nagsisigawan
at nagtatakbuhan papasok sa room namin. Pabagsak pang sinarado ang pinto kaya
napaangat na ako ng ulo.

"Sh*t! Mga seniors yun ah! Ano na namang kalokohang ginawa mo Derrick? Bat galit na
galit sayo?!" Sigaw ni Kurt kay Derrick. Ipinatong ko ang dalawa kong paa sa arm
chair sa harap ko.

"Eh, Kurt... 'Di ko naman alam na girlfriend nung isa si Lyza. Sinulot ko raw?
Lang'ya! 'Di naman sinabi sa akin nung babaeng yun na may boyfriend na pala siya!"
Sagot nito.

Napatawa nalang ako ng mahina. Ang aangas. Mga duwag naman pala. Napatingin sa gawi
ko si Kurt kaya nakipagtinginan rin ako. Nilagay ko sa likod ng ulo ko ang dalawa
kong kamay habang nakapatong ang paa ko sa arm chair.

"Sinong Lyza?" Tanong ni Arthur. Halatang kabado, pawis na pawis eh.

"Si Lyza Santiago! Kaklase natin!" Sagot ni Derrick.

"1st year pa lang, tapos ang boyfriend ay senior na?!" Komento ni Wayne. "YUCK!"

Nabatukan naman siya ni Brent. "Sus, kung hindi lang pinatos ni Derrick yun, baka
pinatulan mo na rin yun eh. Yuck yuck! Yuck yakin ko yang pagmumukha mo eh. Kanina
ka pa! Ang ingay mo. Itong ungas na 'to, bangasan kita dyan eh!"

"Parang nag-ingay lang, babangasan na agad?! Ikaw nga pag nag-iingay, kinikonyatan
lang kita eh. Unfair dude!" Depensa naman ng sira-ulong si Wayne.

Tinulak naman siya ng malakas ni Jake. At tumama siya kay Kent kaya muntikan na
itong matumba, "Ay, tupa! Masakit yun ah! Ba't ka pa kasi pinanganak sa mundo eh!?
Ano yun, joke?!"

Ang iingay naman nitong mga 'to. Magkakalapit nagsisigawan. Anim na taon ko na rin
silang tinuturing na hindi kilala o di kaya'y simpleng kaklase lang. Wala na akong
pakialam sa ibang tao eh. Kaibigan? Wala ako nun. Mas mabuti pang mag-isa nalang
ako kesa sa magkaroon nun. Mahawa pa sila sa kamalasan ko.

Maya-maya pa ay may bigla nalang na kumalabog sa pintuan. Malakas na akala mo ay


wawasakin na ito.

"Mga t@r@nt@do! Lumabas kayo dyan! Ang lakas ng loob niyong kalabanin kami!?
Pupunta-punta pa kayo sa teritoryo namin?! Mga weak!" Sigaw nung taong nasa labas.

"Syempre, hindi mahina ang loob kasi may lakas ng loob." Pilosopong sabi ni Dustin
with his poker face.

"Oo nga! Ang lakas ng loob mong mag-girlfriend, mukha ka namang dilis! Ang laki-
laki ng katawan mo, gamunggo naman ang utak! Mga sira-ulo!" Natatawang sigaw ni
Wayne. Ako naman, parang nag-eenjoy panuorin ang mga ito. Mukha silang masaya kahit
nasa bingit na ng peligro. Tsk tsk.
"Eh mga g@go pala kayo eh! 'Di niyo ba alam kung sinong binangga niyo!? Ang aangas
niyo, mga freshmen pa lang kayo!! Kami pa pagtritripan niyo??!! Lagi nalang may
vandals sa lockers namin. Idagdag niyo na rin ang pag-agaw kay Lyza!!! The nerve!"
Sigaw nung nasa labas. Mukhang marami rin yung nasa labas. Hula ko nasa mga 8-10.

Hinayaan ko nalang silang magsigawan dun. Tumingin ako sa labas ng bintana,


maliwanag na rin. Narinig ko na rin sa labas na nagsisidatingan na ang ibang mga
estudyante.

"Dude, yung mga kaklase natin parating na. Hindi naman pwedeng nakasarado lang
yan." Sabi ni Arthur saka ito umupo na sa arm chair niya sa 1st row.

"Lumabas kayo dyan! Mga duwag!" Sigaw ulit nung nasa labas. "Bakit ayaw niyong
lumabas dyan?!"

"Eh mga timang pala kayo eh! Bakit kami lalabas dyan!? Eh alam naman namin na
bubugbugin niyo kami. Ano kami bobo?! Baka kayo, oo!" Bulyaw ni Kurt.

'Di ko na talaga mapigilan na tumawa. Tinakpan ko ang bibig ko saka ko yumuko. Mga
natatakot na nga, maangas pa rin. Walo silang nakaharang sa pinto para hindi ito
mabuksan. Kung makikita niyo lang, nakakatawa talaga ang posisyon nila. Tumayo na
ako at lumapit sa second door. Yeah, may second door. Mga t*nga, hindi nila naisip.
Mga senior pa naman. Tsk tsk tsk!

I opened the door coolly and sneaked outside. "Hoy! May pinto pa dito!" Sigaw ko sa
mga seniors. Tama, nasa walo sila at may tig-iisang hawak na baseball bat.

"Alexander! Ba't mo binuksan yan!? Pinapahamak mo kami! Mabubugbog kami ng mga yan
eh!" Galit na sigaw ni Kurt.

"The hell I care..." I murmured.

"Tara!" Tumakbo na palapit sa pintong kinatatayuan ko ang mga seniors. "Padaan!


Alis dyan, bata."

"Bakit ko kayo papadaanin?"

"Kailangan bang may dahilan? Umalis ka nalang dyan nang hindi ka madamay dito!"
Sigaw nung isa sa akin.

"Ikaw ang umalis habang nakakapagpigil pa ako!" I retorted.

Bigla nalang ako ng kinwelyuhan ng lalaking tingin ko ay lider nila. "Maangas ka


rin noh! Porket nakatapak ka ng highschool, nagmamaangas ka na!"Tinignan niya ako
mula ulo hanggang paa saka ito ngumisi. "Eh totoy na totoy ka palang eh!"Saka sila
nagtawanan.

"Matapang ka lang kasi may mga baseball bats kayo!" Kalmadong sabi ko.

Dahil sa alas syete na ay marami ng pakalat-kalat na estudyante sa hallway. Marami


na ring nanunuod sa eksena namin. Tinulak ko siya ng malakas saka ko inayos ang
polo ko. Tsk. Ginusot ng walangya.

"Sige ba. Lalaban ka sa akin ng walang bat?"Tanong nito at ngumiti ako bilang
pagtugon. Bago pa siya magsalita ay tinadyakan ko na siya sa sikmura. Napaatras ang
mga kasama niya, tanda na one-on-one ang mangyayari sa amin.

Napahawak siya sa sikmura niya at saka ito sumugod sa akin. Atake lang siya ng
atake, samantalang ako ay umiiwas. Pero nang makahanap ako ng tyempo ay sinuntok ko
siya ng malakas sa pisngi. Malakas iyon, dahil nailabas ko ang galit na naipon ko
sa loob ng anim na taon. Iniisip ko nalang na siya ang tatay ko. Tatay ko na
binubugbog ako tuwing umaga. Iniisip ko yun dahil hindi ko naman magagawa sa kanya
ito dahil kahit papano ay ama ko pa rin siya.

Napansin ko nalang na walong lalaki na ang nakahilata sa harapan ko at may apat na


lalaking umaawat sa akin. Sa galit ko, napatumba ko ang walong ito?

"Alexander, awat na! Bugbog-sarado na oh!" Awat ni Jake.

"Cool mo, dude. Seniors napatumba mo?! IDOL!!!" Sabi naman ni Arthur. Binawi ko ang
braso ko sa kanila saka ko pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Galing..." Expressionless na komento ni Dustin.

Dahil sa nangyaring yun ay nadetention kaming sampu. Yung walong nabugbog ko ay


dinala sa ospital. 'Di ako makapaniwala na napatumba ko yung walong yun. Sa edad
kong ito, natalo ko sila?

"Alex, idol na kita! Ang galing mong makipagbakbakan!" Puri ni Derrick sa akin. 'Di
na ako sumagot, kinalikot ko nalang ang phone ko. Siguradong tatawag na mamaya-maya
ang tatay ko dahil sa kalokohan na namang ito.

"Saan mo nakuha yung lakas mo?" Tanong ni Kent.

"Sa puso mo daw..." Biro ni Brent kaya nabatukan siya nito.

"Grabe, napanganga talaga ako dun! Hindi ka ba gangster, Alexander?" Tanong ni


Toffer. Di pa rin ako umimik. Bat naman ako sasagot sa mga walang kwentang tanong
nila?

"Wow! Alexander the Gangster! Rhyme, dude!" Natatawang sabi ni Wayne.

"Bat hindi nalang tayo gumawa ng sarili nating gang? Yung mga ginagawa kasi natin
ay gawain ng grade school students. Highschool na tayo eh! Vandal dito, vandal
doon. Daldal dito, daldal dun. Trip dito, trip dun. Nakakasawa!" Si Kurt yan.
Tinaas niya ang paa niya sa desk.

"Gangsters? Eh ang babata pa natin ah... Tsaka ang cool kaya ng mga ginagawa natin.
Dati pentel pen lang, ngayon air brush na! Aba, sosyalin!" Sabi ni Toffer. "Tsaka
magagalit si Mama. Masama kaya yun! Puro basag-ulo!"

"Basag-ulo? Hindi naman tayo makikipagbasag-ulo ng walang dahilan. For defense na


rin! Tsaka mag-explore na rin tayo! We're growing up!" Sagot ni Kurt. "Ikaw, Alex?
Payag ka ba na bumuo ng gang kasama namin?"

Napaisip ako. May punto siya. For defense. Kaso kapag pumayag ako, masasama ako sa
grupo nila na ibig sabihin ay papakisamahan ko araw-araw. Napaupo ako ng maayos at
pinunasan ang pawis sa noo ko. Mainit kasi dito sa detention.

"Ano naman mapapala ko dyan? Tahimik ang buhay ko, guguluhin niyo." Sagot ko.

"You could be friends with us. You will be no longer a loner." Sagot ni Kurt saka
ito tumabi sa arm chair sa tabi ko.

"I don't give a fck on having friends. Kaibigan? Hindi ko kailangan nun."
Nagkatinginan silang lahat saka ito napatingin sa akin.

"Yeah right. We understood, Alexander. But don't you miss having someone to talk
to, to fool around, to play with or something like that? Hindi naman pwede na
ganyan ka nalang palagi. Anim na taon mo na kami tinuturing na parang wala tayong
pinagsamahan. I believe that it wasn't your fault. Don't blame yourself about your
sister's death."

I sighed in exasperation. Anim na taon na palang wala si Alexis. Anim na taon ko na


rin sinisisi ang sarili ko. Anim na taon na rin nang maging ganito ako. Loner, war
freak, and doesn't give a damn on what goes around.

My brows form a straight line then looked at Kurt. "Gimme one reason why I should
join your crap?"

He smirked, "If you don't need a friend, well, let's just say that we can be your
siblings 'coz you lost one. We can be brothers. Hindi lang naman ikaw ang may
ganyang problema sa pamilya."

Hindi ako sumagot, umiwas nalang ako ng tingin saka ako nag-isip ng malalim. To be
honest, I miss talking to my friends like this. Ako lang ang nagbabawal sa sarili
ko na hindi ko 'to pwedeng gawin when in fact pwede naman talaga. Pero friends?
Kadikit na sa salitang friends ang kasiyahan... Na matagal ko ng tinanggal sa
vocabulary ko. Hindi ako pwedeng maging masaya dahil ako lang naman ang naging
dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko.

"Loko! Natatawa ako kanina. Ngayon ko lang narealize na hinaharangan nating siyam
yung pinto, eh pwede naman nating i-lock! Hahaha...!! Pinahirapan natin ang sarili
natin. Mga engot din sila kasi may second door naman... Pero engot din tayo!
Ahahahaha!!" Boses yun ni Wayne.

"Dinitention pa tayo, parang 'di tayo kilala na mga anak ng may-ari nitong E.H.A."
Boses ni Derrick.

Napatingin ako sa kanilang walo na nagkakatuwaan. Kung iisipin mo, parang inienjoy
pa nila ang detention. Lagi silang nagbibiruan at kung ano-ano pa na ordinaryong
ginagawa ng mga kabataan. Anim na taon na akong miserable. Siguro, panahon na para
magkaroon na ako ng kaibigan. Tutal, miserable naman ang buhay ko sa pamilya ko. If
I join them, I can have a family... without any problems at all.

"Okay... I'll join your gang..." I interrupted them.

Nagkatinginan sila sa akin saka sila nagpalipat-lipat ng tingin sa isa't isa.


Nagulat sila pero naging masaya sila sa pagtanggap sa akin. They asked me to teach
them how to do the moves in fighting which I did earlier. I just told them to
release your anger and put your focus on the fight. Nagpapatrain pa nga sila sa
akin eh. Our gang leader is Kurt since he's the brain of this gang.

"Ano pa lang name nung gang natin?!" Tanong ni Toffer habang kumakain ng sandwich
na pinabaon daw sa kanya ng mommy niya.

"Oo nga noh..." Kurt shrugged his shoulders.

"It should be more manly. Dapat maangas! Yung tipong, pagkarinig nila sa pangalan
ng gang natin ay matatakot sila!" Sambit ni Jake.

"Power rangers nalang..." Wayne suggested.

"Pag yan ang pangalan, magququit ako." I said calmly.

"Hehehe! Ninja Turtles?" Sabi niya ulit.


"Takte! Kakornihan mo..." Naiinis na sabi ni Dustin.

"Trainsformers"

"Isa, tatamaan ka na sa akin, Waynepot!" Banta ni Dustin.

Nagpout lang siya saka humalumbaba, "Eto seryoso na 'to." Huminga muna siya ng
malalim saka ito tumingin ng seryoso sa amin...

"Ben 10!"

They kept on thinking and suggesting on what to name our gang. Ako, wala naman
maisip kaya I kept my mouth shut. Naeenjoy ko na ang company nila and I guess,
tuloy-tuloy na ito.

"Yan yung iniisip niyo, samantalang ako, iniisip ko yung quiz natin sa Algebra
ngayon. Sayang din yun, di ako nakapagtake!" Naiiritang sabi ni Arthur saka ito
tumayo at nagsulat sa may white board.

"Ikaw na kasi ang palaaral. Manahimik ka nalang. Kita ng nag-iisip kami ng


ipapangalan sa gang eh. Dapat yung pangalan ng gang is mala-extreme!" Sabi ni
Derrick saka ito sumubsob sa bag niya.

"10x + 3xy -x10 is equals to-------" Napahinto sa pagsosolve si Arthur nang


magsalita si Kurt.

"Yeah right, Arthur. We will name our gang as X10... Short for Xtreme 10..."

-2-

***2***

Simula nang mabuo yung gang namin, medyo naging mature na sa pag-iisip ang siyam na
mga kaibigan ko. Nakakahiya man isipin pero masarap sa pakiramdam ang may matawag
kang KAIBIGAN. Noon, puro vandals lang ang alam na gawin na pagtritrip nila, pero
ngayon nagkakaroon na sila ng lakas ng loob sa pisikalan. Masaya. Masaya kasi hindi
lang kaibigan ang turingan namin, kundi parang magkakapatid na rin. Kapag may
problema ang isa, dinadamayan ng lahat. At pag sinabi kong problema, ang tinutukoy
ko ay tungkol sa pamilya. Hindi lang naman ako ang may problemang ganyan. Katulad
nalang ni Kurt, may problema yan sa nanay niya na lagi nalang siyang binibigyan ng
punishment. Halata naman eh, matigas ang ulo nyan.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ng mabuo ang gang namin. At masasabi kong marami
na rin kaming naexplore na mga bagay. Ako, dahil sa likas na lapitin ng away sa
labas ng eskwelahan ay napapaaway ako madalas. Ewan ko ba sa kanila kung bakit. Ako
ang nakukursunaduhan ng mga lintek dahil ang angas ko raw. Naalala ko noong araw na
bago pa lang ang X10, pinagtulungan nila ang mga nakasagupa ko. Nanalo naman kami,
yun nga lang, mukhang mas mukhang bubog sarado kami kaysa sa kanila.

Simula nun, sabihin na nating parang nasabik ang X10 sa away na tipong kami na ang
naghahanap ng gulo. Syempre, pinipili naman namin ang kakalabanin namin. At pag
sinabi kong pinipili, it means we're choosing those gangs which are really fcking
bad as hell. Yung tipong mga higher profiles na. Pinipili namin yun dahil na rin sa
mas malaki ang pustahan nun. Nung una, hindi kami sumasabak sa mga pustahan pero
dahil sa may naghamon sa amin isang beses at sinabihan kaming cowards, well,
pinatulan na namin. Hanggang sa naintroduce kami ng paunti-unti sa underground
society. Sa loob ng anim na buwan, nakilala kaming young yet wild ones dahil
madalas naming mapatumba ang mga mas nakatatanda sa amin.

Kung pa'no kami naging malakas sa pakikipaglaban? Well, Kurt, being the richest yet
the spoiled-brat-of-his-goodie-good-dad, naghire siya ng magtuturo sa amin ng judo,
kick boxing, taekwondo, arnis, at iba't ibang martial arts.

LAST WEEK OF JUNE NA. Yeah, we're already in our second hell year in highschool.
Matagal-tagal na kaming magkakasama ng X10. Nung una, nanibago ang lahat sa
biglaang pagsama ko sa grupo nila dahil kilala ako ng buong school na galit sa
mundo. Nang malaman nalang nila ang tungkol sa gang profile namin ay wala ng
nakakalapit sa amin. They get scared of us even those good-for-nothing seniors.

"Dude, anong oorderin natin?" Tanong ni Toffer saka niya nilagay ang kamay niya sa
bulsa ng pantalon niya. "Si mama kasi hindi ako pinabaunan ng paborito-----"

"Fck it off... Masisira ang reputasyon natin dyan sa pagiging Mama's boy mo, Toffie
the baby." Naiiritang sabi ni Kurt saka siya tumingin sa menu sa upper part ng
counter dito sa loob ng campus cafeteria.

"Psh... Fine, master..." Sagot ni Toffer na halatang sarcastic naman. Kung bat
master ang tawag niya kay Kurt? It's because he was proclaimed the blackbelter of
judo and taekwondo of our trainer. Pabiro siyang tinawag ng trainer namin nun ng
'master' and as being the leader of the gang, natripan na siya ng X10 na tawagin sa
ganun.

"Baked spag nalang! Paulit-ulit nalang ang menu' dito. Pwe!" Naasar na sabi ni
Jake.

"Kambal, kayo na mag-order. Hihintayin nalang namin dun sa table natin." Utos ni
Derrick.

After some minutes, naiserve na rin sa amin ang baked mac at coke in cans. Sa
cafeteria na 'to, may sarili na kaming table kaya madali kaming nakakain dito kahit
na maraming estudyante.

"Tonight, naghahamon yung mga gurang na SIXTO." Pagbubukas na topic ni Dustin.

"Anong pusta?" Tanong ko.

"Yung motorbike daw. 'Di ko alam ang tatak."

"Tss. 'Di pa natuto, pangatlong beses na natin nakaharap yun ah. Laging talo..."
Sabi ni Kurt.

"HAHAHA! Master, putok pa nga yung kilay nung isa dun eh. Hanggang ngayon papilay-
pilay pa rin yun. Eh 3 weeks ago na, di pa nakakarecover." Natatawang sabi ni
Wayne. Si Wayne ang laging pinipili nung SIXTO kapag nakakalaban namin. Palibhasa,
patpatin nga naman ang mokong. But hell, looks can be deceiving. Muntikan pang
gawing comatose yung kalaban niya.

"PFFT! Potek, ano 'to?!?!?" Pagalit na tanong ni Brent. Inangat niya yung tinidor
niya na may spaghetti pa saka niya hinarap sa amin.

"Ang alin? Gag* ka, Brent. Ang OA mo lang ah!" -Kent


"Itong mukhang galamay oh.."

Huminto na ako nun sa kinakain ko at uminom nalang ng coke ko. Sh*t, baka kung ano
kasi yun eh.

"Wala yan, cornbeef lang yan." Bored na sagot ni Arthur saka ito nagpatuloy na sa
kinakain niya. "Minsan kasi cornbeef ang hinahalo sa ganito."

"Hindi cornbeef 'to. Takte, nawalan na ako ng gana." Pinagdikit na niya ang
kutsara't tinidor niya saka siya lumagok ng coke. Maya-maya lang ay si Kurt naman
ang sumigaw.

"SH*T! SH*T! What the fck is this?! Cockroach's head?!"

Simula nun ay 'di na kami kumain sa cafeteria. Pa'no naman kasi, yung nakita pala
ni Brent sa baked mac niya ay ang paa ng ipis at yung kay Kurt naman ay ulo nito.
Pinatalsik ni Kurt yung cook ng cafeteria. Kung sa bagay, sila ang main owner ng
eskwelahan na ito. Nagpapadeliver nalang kami sa fastfood ng lunch namin. Ginawa pa
naming tambayan ang rooftop ng school building namin para dun nalang tumambay kapag
class break.

Kinabukasan, same routine. Ang pinagkaiba lang ngayon, hindi na ako naglakad
papasok sa school. Dahil sa nanalo ako kagabi sa fight ay nakuha ko ang motorbike.
Si Dad? Syempre nagtataka yun kung saan ko nakukuha lahat ng mga bago kong gamit.
Pakielam ba niya? Hindi naman ako nanghihingi ng pera sa kanya. Makaipon lang
talaga ako ng pera, bubukod na talaga ako ng tirahan. Sawang-sawa na kasi ako sa
mga masasakit na salitang natatanggap ko mula sa kanya.

Nang makarating ako sa school, as usual, nandun na ang X10 sa classroom. At as


usual, mga naka-nap silang lahat. Puyat eh. Alas tres ng umaga na kasi kami nakauwi
lahat. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang mga classmates namin. Tss. Ang
iingay, lalo na ang mga babae. Akala mo, ngayon lang nagkita-kita. Napatingin ako
sa gawi ni Derrick, tss, may nakakandong na naman na babae sa lap niya. Sanay na
ako dyan.

"Monteverde! This isn't a place for flirting! Wanna have a detention?" Pagalit na
sigaw ni Mrs. Clemente nang madatnan niya sa ganoong pwesto ang dalawa. Natatawang
pinaalis nalang ni Derrick yung babae. Saka siya sumenyas sa akin ng tatlo sa
daliri niya. Ibig sabihin ay 3rd year highschool na iyon. "And you! 1,2,3,4,5,6,7
and 8 at the back! Wake up!"

Pakamot-kamot naman na nag-angat ng ulo sina Dustin, Wayne, Kent, Bent, Jake,
Toffer, Arthur at Kurt. Sa totoo lang, malakas ang loob nilang lumbag sa teacher
namin kasi alam namin na hindi kami bibigyan ng detention ng mga yan. Pag
nadetention kasi kami, alam nilang mas inieenjoy namin yun. At kapag binigyan naman
kami ng community service, for example ay maglilinis ng buong campus, ay
kabaligtaran ang ginagawa namin. And yeah, they have nothing to do with the owner's
sons.

"Good afternoon, class!" Mrs. Clemente greeted contemptuously. We're section 2 and
yes, we belong to PM class.

"What's good in the afternoon after seeing your pretty face, Ma'am?" Pa-cool na
sabi ni Kurt. Palibhasa tahimik na sa room kaya napansin siya ng lahat. And in a
snap, nagtawanan ang buong klase.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"What? What are you laughing at? I said, pretty right?" Painosenteng tanong ni Kurt
na halatang inaasar yung terror adviser namin. Umismid lang si Mrs. Clemente sa
inasal ni Master. Hanggang salita lang naman kasi yan.

"Alright, class. Stop laughing..." Fierce na sabi niya. Medyo pinalo niya pa yung
libro sa desk niya para maagaw ang atensyon namin. Nung tumahimik na ang lahat, she
cleared her throat and fixed her eyeglasses. "You're having a new classmate. She
isn't a transferee thought. Shecame from 2nd year highschool section 1. Well, let's
leave the introduction to her." Naglakad siya palapit sa pinto saka niya ito
binuksan. "Come in, Ms. Eugenio..."

Napalingon ako sa likuran ko nang maramdaman kong kinalabit ako ni Wayne. "Dude,
may chick." Kinunutan ko lang siya ng noo saka ko ibinalik ang tingin ko sa harapan
para makita yung babae. As if I'm interested.

"Ms. Eugenio, introduce yourself to the class."

Nakayuko lang yung babae. Estimated height niya is 5'2, medyo may kahabaan ang
buhok, naka-pig tail, maputi, average lang ang katawan... in short, she's like a
gradeschooler.

Nung inangat niya na yung ulo niya, inilibot niya yung tingin niya. She smiled and
her cheeks flushed red. She's just a typical girl for me.

"Hi, I'm Fatima Grace Eugenio. You can call me, Fatima or Grace. Either of the two.
I'm 14 years old, I'm from section 1." Mahinhin niyang sabi. Medyo mahina pa nga
pagkakasabi niya pero rinig na rin ng lahat kasi tahimik.

"Tell them the reason why you decided to transfer in this section, Ms. Eugenio."

Napakagat labi pa siya saka niya inilbot na naman ang paningin niya sa amin. "My
parents wanted it for me. Kasi po I'm always alone at home pag pang-umaga ako since
1PM ang dismissal time. So, napag-usapan po namin na ilipat nalang ako sa PM class
para pag-uwi ko eh nandun na sila sa bahay. We don't have a nanny by the way."

"That's all? Eh you're grown up na. You can stay in your house alone. Tss." Singit
ni Kurt.

Napatingin lang siya kay Kurt at tingin ko ay nadaanan niya rin ako ng tingin kasi
nagtama ang paningin namin then yumuko siya. "Don't mind him, Fatima. Anyway, let
me find you a seat." Mrs. Clemente roamed her sight around the room. Napatingin pa
nga siya sa tabi ko kasi vacant yung sa left side ko. Well, not vacant, my bag is
sitting peacefully there.

"De Silva, kindly take your bag on your left chair. Fatima is goin' to sit beside
you."

My brows form a straightline, sign of annoyance. I'm not comfortable sitting beside
a girl. Tsk. "Bakante pa yung nasa 3rd row, katabi ni... Yao Ming..." Yao Ming
nalang sinabi kong pangalan since 'di ko tanda ang pangalan nung lalaking kamukha
ni Yao Ming. Narinig kong nagtawanan na naman yung mga kaklase ko. Am I funny?!
Tsk.

"No, absent lang si Mitch..." Sagot ni Mrs. Clemente tapos saktong may kumatok sa
pinto. Pagkabukas nito, pumasok na yung Mitch. "Sorry Ma'am, I'm late." Tumango
lang si Mrs. Clemente.

"Fatima, maupo ka na sa tabi ni De Silva."


Padabog kong kinuha ang bag ko saka ko nilagay sa arm chair ko. Napalingon na naman
ako sa likuran ko kung saan isang hilera na nakaupo ang X9, mahina silang
nagtatawanan. Sila kasi ang pinakalast row. I just shot them my glare that made
them shut their mouths.

Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko na nakayuko. She's obviously a shy and
quiet girl. Hours has passed, I never heard her neither talk nor make a noise.
Mapapanisan ng laway 'to at magkakastiff neck 'to sa kakayuko eh. Kung sa bagay,
ganyan din naman ako dati. Tss. Why do I give a damn on her? I don't even know her.
She's so weird. Weird? Does it mean weird din ang tingin ng iba sa akin noon?

"Make an essay about; 'What do you think is your life 20 years after now?'" Sabi ng
Values Education teacher namin na si Ms. Fajardo. Values education means the last
subject of the day. And yeah, just count 1... 2... 3...

"Ma'am, time na po!!! Assignment nalang yan!" Jake said happily then packed his
things. Tumingin naman sa watch nito ang teacher namin. "Uh, okay. Assignment niyo
nalang yan. See you tomorrow! Goodbye class... Cleaners remain..."

Nag-pray lang then after that nagsibatan na ang mga kaklase namin. Tumayo na rin
ako saka ako lumapit kina Derrick sa last row. Kanya-kanya naman silang ayos sa
sarili nila. Itong si Arthur, inaayos ang buhok at eye glasses niya. "Saan tayo?"

"Punta tayo sa bar! Alas otso na rin eh." sagot ni Jake.

"Lul. Menor de edad tayo." Cold na sagot ni Dustin.

"Nagbibiro lang eh." Napakamot si Jake saka niya tinapik ang balikat ko. "Tara,
billiard nalang. Pusta ko kay Alex. HAHAHA!"

"Kayo nalang, nagpromise ako sa kapatid ko na magmomovie marathon kami mamaya."


Sabi naman ni Wayne. "Disney films na naman yun for sure. Sana, justice league
nalang."

Nang matapos ng maglinis yung mga cleaners eh lumabas na rin kami. Pero napansin ko
na nakaupo pa rin sa upuan niya si Fatima. Nagsusulat lang siya dun sa notebook
niya at parang walang pakielam na mag-isa nalang siya. Wala bang balak umuwi yun?
Gabi na ah. Sinenyasan ko lang na mauna na ang X9 na bumaba. Nagpaiwan ako sa room
saka ko ipinamulsa ang kamay ko.

"Pssst! Are you staying here for the night?" Seryoso kong sabi.

Napaangat naman siya ulo niya saka siya tumingin sa akin at umiling. Ipinasok na
niya sa bag niya ang notebook niya at tahimik na naglakad palabas ng room.

So weird...

Nang makarating kami sa tambayan namin, (apartment wherein dito tumatambay


afterschool or afterfight) nawalan ako ng ganang maglaro ng billiard kaya naman
sila Brent at Kent ang pinagpustahan nila. Pustahan sa property, I mean, kung
sinong mga nanalo, sila muna gagamit ng gusto nilang gamiting pagmamay-aari ng
losers.

"Alexander, after so many years, may nakatabi ka na namang babae ah. Kamusta naman
si ... ano bang pangalan nun?" Sabi ni Derrick habang kumakain ng chips. "Patricia
ba?"

"Loko! Fatima Grace ang pangalan nun." Sabat naman ni Wayne saka nito nilipat ang
TV channel kaya naman nabatukan siya ni Derrick. "Bwisit 'to! Nanunuod ng NBA eh!"
"Weird, isn't she?" Napalingon ako kay Kurt nun na naglalaro ng PSP.

Napatango nalang ako saka ako sumandal sa single couch. Itinaas ko pa ang paa ko sa
center table. "One weird of a hell girl. Hindi man lang nagsasalita o gumagalaw."

"Kaya nga! Stiff eh..." Komento ni Kurt. May pinindot siya dun sa PSP niya saka
niya ibinato sa trash bin.

"Hey, bat mo tinapon yun?" Cold na tanong ni Dustin.

"Eh natalo ako eh... Tara na nga.. uwi na tayo. Nakakatamad dito."

1 week has passed, ganun pa rin ang routine. Pasok sa eskwela, tambay o gala,
underground life, then uwi. 'Di kami gumigimik, palibhasa bawal pang pumasok sa mga
bars or clubs. Alam na ng mga magulang namin na may gang kami na nabuo, dahil na
rin sa nanay ni Toffer na nagpaimbestiga pa talaga dahil sa lagi nalang daw may
pasa sa mukha ang mahal niyang bunso. Kinontra nila kami sa una pero anong magagawa
nila kung gusto namin ang ginagawa namin? Ito na nga lang ang tinuturing naming
pamilya eh. Mga workaholic kasi sila.

"Get one half –lengthwise paper. We'll be having our quiz in a minute." Sabi ng
teacher namin sa Asian History, si Mr. Faustino. Naglabas naman ako ng isang pad
saka ako pumunit ng pitong papel at walang lingon-lingon na inabot ko sa likuran
ko. Eh kasi naman yung nasa likod, mga mayayaman yan pero walang pambili ng papel.
Si Arthur lang ang kumpleto ang gamit sa kanila. Ako? Syempre meron ako ng mga may
importante gamit lang.

"Okay number one.." Narinig kong sabi ni Sir. Ako naman sinulat ko na ang pangalan
ko. "Ano ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na
ikatlong bahagi ng mundo?"

Napatingin ako sa likuran ko... Tss... Inaagaw nila ang papel ni Arthur. Palibhasa,
kahit 'di nag-aral, laging perfect sa quiz at exams. Ako naman, hindi naman
matalino, hindi rin naman bob*. Kumbaga, average lang. Patuloy lang sa pagtatanong
si Sir nang mapansin ko na nakayuko lang si Fatima habang iniikot ikot ang ballpen
na hawak niya. Wala siyang papel, at hindi siya sumasagot ng quiz.

Nang nasa number 7 na ang question eh pumunit na ako ng papel saka ko inabot sa
kanya. Tingnan niya lang ito saka siya tumingin sa akin na parang nagtatanong.
"Malamang, susulatan mo yan. Mukha kang ewan dyan. Lahat kami nagququiz,
samantalang ikaw parang nagdadasal dyan." Inilagay ko na sa arm chair niya ang
papel. Ano bang klaseng babae 'to? Sira-ulo ba 'to? Napakaweirdo niya. One week na
kaming magkaklase pero wala pa rin nagbago sa kanya. Patagal ng patagal, nagiging
misteryosa na siya sa akin.

Napatingin na naman ako sa kanya. I mean sa papel niya. Sinusulat na niya yung name
at date sa papel. At nang makita kong sinulat niya ang number 1 ay... binigay ko sa
kanya ang papel ko. Napatigil naman siya saka siya tumingin sa akin ng nagtataka.
"Kopyahin mo... Kung ayaw mong makakuha ng itlog."

Nagpatuloy lang sa pagtatanong si Sir. Ako naman, dahil sa na kay Fatima ang papel
ko ay pansamantalang sinusulat ko ang sagot ko sa isang papel nang sa ganun ay
mailipat ko na rin yun pag binalik na sa akin ang papel ko. Nung matapos na ang
quiz ay inilahad ko ang palad ko kay Fatima. "Are you done yet? Amin na..."

She just smiled at me and nodded. Kaso hindi niya sa akin inabot ang papel niya
kundi sa katabi niya sa left side niya. 'Exchange papers' daw kasi. Mga kaklase ang
magchecheck ng quiz namin. Sh*t! Kamusta magiging score ko nun? 7 out of 15 lang
ang nasagot ko. Mabuti kung tama pa yun lahat???

Napunta sa akin ang papel ni Fatima at nagulat ako ng makakuha siya ng 13 out of
15. Ang nakapagtataka pa ay hindi niya sinunod ang mga sagot ko. Well, yung iba
naman ay katulad ng akin pero karamihan ay hindi.

Nang mag-alpahabetical call si Mr. Faustino para sabihin ang scores ay napabuntong
hininga ako. Shete! Pahiya sigurado ako sa score ko. Napayuko ako nang mapunta na
sa letter 'D'... De Silva kasi ako.

"Dalias, John Ervis?"

"Singko po Sir!" Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko. Pusha! Eh ano pa yung
akin? Dalawa lang yata nakuha kong tama.

"Quiet class! De Silva, Alexander?"

"Perfect 15, Sir!" Ha? Ako, perfect? Napatingin ako nun kay Fatima. Nakayuko lang
siya pero may maliit na ngiti ang nakaukit sa labi niya.

"Sigurado ka?" Hindi makapniwalang tanong ni Sir Faustino sa katabi ni Fatima na


nagcheck ng papel ko. "Opo, sir!"

"Nice dude! Paburger ka naman mamaya."Narinig kong sabi ni Jake sa likuran ko.
Napatingin na naman ako kay Fatima. Siguradong siya may gawa nito. Pero bakit?
Perfect ako, samantalang siya 13?

I cleared my throat and faced her... "Thanks..." I murmured.

Sumulyap naman siya sa akin saka siya ngumiti ng matamis. I don't know if it's me
or what but I saw her eyes sparkled.

-3-

***3***

Simula nung tulungan ako ni Fatima sa quiz sa Science ay parang nagkaroon ako ng
utang na loob sa kanya. Ilang araw na rin ang nakalipas since that day pero ganun
pa rin siya, tahimik at sobrang hinhin. Ni hindi nga siya nagrerecite sa klase eh.
Kaya minsan, tinatawag siya ng teacher at tinatanong siya. And surprisingly, she
was able to answer it perfectly.

"Pwede na kayong magrecess..." Sabi ng teacher namin sa Filipino bago ito lumabas.
Nagsitayuan na ang iba kong kaklase. Miski ang X9 ay nagsitayuan na rin. "Alex,
MCDO nalang daw ang pinadeliver ni Jake. Ayos na sayo?" Tanong ni Derrick.

"Whatever..." Bored na sagot ko habang pinapasok ang binder ko sa loob ng bag ko.
Binder na ang gamit ko kahit na highschool pa lang ako. Tamad kasi akong magdala ng
maraming notebooks.

"Anong order mo?" He asked again.


"Kung anong inyo, ganun na rin ang akin."

Nagyaya na silang pumunta ng rooftop. Dun na kasi kami nag-sspend ng recess namin
or break time. Nagkatrauma na yata kasi kami sa ipis-sa-baked-mac-phenomenon sa
cafeteria. Nang palabas na kami ay napansin ko na naman si Fatima na nakaupo dun sa
upuan niya. Nagsusulat lang siya sa notebook niya ng tahimik. Siya nalang mag-isa
ang naiwan sa loob ng classroom.

Lumabas ako saglit ng kwarto saka ko tinawag si Dustin na siyang nahuhuling


maglakad. "Dustin, mauna na kayo. Susunod nalang ako." Tumango lang siya sa akin
saka siya nagpatuloy na naglakad. Bumalik ulit ako sa loob ng classroom saka ako
lumapit kay Fatima.

"Hey, wala ka bang balak kumain?" Seryosong tanong ko. Napapansin ko na siyang
ganyan tuwing recess time. Lagi siyang naiiwan dito sa loob ng room mag-isa.

Tumingin lang siya sa akin saglit saka siya yumuko ulit. "Dito nalang ako."

"Tss. Ano bang meron dito at ayaw mong lumabas? Inaalala mo ba ang bag mo? Pwede mo
naman dalhin yan."

"Hindi. May baon ako..."

"May baon o wala, bakit ayaw mong lumabas at makipaghalubilo sa mga tao? Anti-
social ka ba?" Naiirita na ako sa sarili ko. Bakit ko ba siya pinapakielaman, eh sa
ganyan din naman ako dati. Nahawa na yata ako sa pagkaweird niya.

Umupo ako sa desk ng arm chair sa bandang kaliwa niya. Siya naman ay nakatingin
lang sa akin pero umiiwas din agad. "Wala akong kaibigan. Mas okay ng nandito
nalang ako kesa magmukhang ewan sa labas."

She's getting into my nerve. Kulang sa self-esteem itong babaeng ito. "How will you
gain friends if you aren't letting yourself to get along with them? Why don't you
try to talk to them?"

She lowered her head again then played her own fingers. "How can I be friends with
them when they don't like me in the first place?" She paused for awhile. "I'm a
loner and I accepted that fact."

Loner. That strikes me. Mahirap maging loner when everyone's laughing and you're
there sitting at the corner alone.

"Everybody doesn't want to be friends with me. Okay lang naman sakin yun eh. Sanay
na ako. Buti nga kinausap mo ko eh and I'm glad." Nakangiti niyang sabi habang
nakayuko pa rin.

Napalunok nalang ako saka napakamot sa batok ko. Sh*t. Pwede ko naman siyang
dedmahin. Pero.. What's with this girl? Why can't I even resist her? Ah, nakikita
ko lang ang dating ako sa kanya. Yeah right.

Tumayo na ako saka ko kinuha mula sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko. I pressed
Arthur's contact since he's the first to appear in my phone book.

"Hello, kainin niyo na yung pagkain ko. I'm not gonna eat with you..."

["Bakit?"]

"Basta..."
Then I hung up. Ibinulsa ko na ang phone ko saka ako huminga ng malalim. I extended
my hand to her and says, "Hi, I'm Alexander. You can call me Alex for short.
Friends?"

She looked up at me with her surprise expression. Tumingin rin siya sa kamay ko na
nakalahad na parang takang-taka siya. "What? Aren't you goin' to accept my offer?
Friendship? Minsan lang 'to. I mean, ngayon lang. Nakakangalay..."

She beamed and accepted my hand eventually. Sobrang lambot at init ng kamay niya.
"I'm Fatima... Salamat. Friends na talaga tayo?" She asked shyly while smiling.

"Yeah," I answered then we shook hands. Tumayo siya saka niya kinuha yung hand bag
niya na maliit. May isa pa kasi siyang back pack. Tumingin siya sa akin saka siya
ngumiti na naman. She looks better when she smiles like that.

"YEHEY! MAY KAIBIGAN NA AKO FOR THE FIRST TIME!!!" \(*u*)/ Sigaw niya habang
pumapalakpak pa.

***

"Eh anong favorite color mo, Alex?"

"Black... Whatever color..." Bored na sagot ko.

"What's your favorite genre of music?"

"Rock and RNB."

"What's your favorite subject?"

Tumingin na ako ng seryoso sa kanya. Simula ng offer-an ko siya ng friendship,


parang may kung anong sumaping madaldal na maligno sa kanya. Nasaan na yung Fatima
na tahimik?

"Is that really you?" I asked irritatingly. Napakagat siya sa kuko niya sa
hintuturo niya saka siya tumango-tango. Nairita naman ako sa ginawa niyang yun.
"Stop biting your nail. Dalaga ka na tapos nag-gaganyan ka pa."

Tumigil naman siya tapos ngumiti. "Sorry... Ayaw mo ba sa madaldal, Alex? Pasensya
ka na. Sabik kasi ako sa kaibigan." Bumuntong hininga ako saka ako kumagat sa
chicken sandwich na binigay niya sa akin. May dalawang sandwich kasi siyang baon.
Nakaupo kami ngayon sa bench located sa garden. "Masarap ba yung sandwich? Gawa ni
Mama ko yan..."

Tumango lang ako nun. "Salamat dito. Bakit nga pala wala kang kaibigan?" Hinaplos-
haplos niya pababa yung pig tailed-hair niya sa kaliwa saka siya tumingin sa
malayo. "Home-schooled na kasi ako simula pa nung bata pa ako. All my life, si Yaya
Ana lang ang kaibigan ko. Nung nagkasakit si Yaya Ana at bumalik na sa probinsya
niya last year, pinakiusapan ko sina Daddy na ienrol na ako sa real school."

"Eh bakit ka naman home-schooled?"

She shrugged her shoulders and shifted his sight to me. "Ganun ang gusto ni Daddy
eh. Kaya alam mo ba na yung mga tinuturo ngayon sa atin ay napag-aralan ko na?
Advanced kasi pag home-schooled. Hihihi..."

Simula nun ay napapadalas na kaming magkasama sa recess ni Fatima. Siya na rin ang
sumasagot sa pagkain ko. Ilang beses ko na tinatanggihan kaso pinipilit niya pa din
ako dahil masama daw tumanggi sa grasya. Ilang weeks rin kaming naging ganun. Hindi
ko na nga namamalayan na matagal tagal na rin kaming naging close. Nagtataka na nga
ang X9 tungkol sa amin ni Fatima pero hindi na rin sila nangielam.

Isang beses, sabay kaming lumabas ng building nun. Dahil alas otso ng gabi ang
uwian namin ay madilim-dilim na. Nagpaalam ako sa X9 na susunod nalang ako sa
apartment dahil sasabayan ko pa si Fatima. Pinagcheck pa kasi siya ng quiz sa
T.L.E. kaya natagalan siya sa pag-uwi.

"Alex, alam mo ba kung bakit Fatima Grace ang pangalan ko?" Nakangiting tanong niya
habang naglalakad kami sa hallway. May mangilan-ngilan pang estudyante sa daan.

"Hindi, bakit nga ba?" I asked.

"Kasi dati, sila Mommy at Daddy hindi magkaanak nun. Na kay Mommy daw ang
deperensya. Pero dahil naniniwala sila sa himala ay nanalig sila. Si Mommy, dahil
sa ang pinakamalapit sa amin na simbahan ay ang Fatima Church ay dun siya
nagdadasal palagi. And months had passed, nabuo ako. They named me after Fatima and
Dad added Grace to my name kasi isa daw akong malaking grasya sa pamilya nila."

Nakatitig lang ako habang nagkukuwento siya. Sa pagkakakilala ko sa kanya,


palangiti siyang babae. She's so sweet, bubbly and funny at times. Masarap siyang
kasama na para bang nakakawala siya ng pagod dahil sa lively aura niya. Ako lang
nga ang kinakausap niya sa room eh.

Nung nakalabas na kami sa hallway ay umupo muna kami sa long bench sa waiting area
kung saan dun pwedeng maghintay ang mga estudyante na naghihintay sa mga sundo
nila. Naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa bulsa ko saka ko sinindihan
gamit ang lighter ko. I was about to puff out a smoke when someone grabbed then
stepped on it on the ground. Kunot-noong napatingin ako kay Fatima. She's frowning
at me like an old woman.

"Alam mo bang kapag naninigarilyo ang isang tao ay nababawasan ng 2 years ang life
span niya? That's a fact, Alex. So you better stop smoking..." Saka siya ngumuso at
sinuklay saglit ang pigtailed-hair niya.

Napakamot nalang ako sa batok sa inis. Pakielamera eh. "Naniniwala ka sa ganun. Eh


kung oras na ng tao, eh oras na niya. Kukunin at kukunin talaga siya."

She rolled her eyes and watched the cars passing by infront of us. "Concern lang po
ako sa health mo. Ang bata-bata mo pa tapos nagsusunog-baga ka na? Buti ka nga..."
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "You look healthy compared to others
that are so frail. Kaya dapat pangalagaan mo yang health mo..."

Minsan talaga ang ugali ni Fatima ay isip-bata. Minsan naman ay napakaseryoso.


She's unpredictable and... I find her mysterious.

"Alex, ayan na pala ang sundo ko oh..." May tinuro siyang itim na kotse sa harapan
namin. Nakita kong unti-unting bumubukas ang bintana nito kaya naman nakita ko ang
taong nasa loob. I saw a middle-aged woman on the backseat and she was waving at
us. "Alex, tara. Papakilala kita kay Mama."

Tatanggi pa sana ako kaso nahila niya na ako patayo papalapit sa kotse nila. "Mama,
si Alex po oh! Siya yung sinasabi ko po sayong friend ko."

Ngumiti naman ang Mama niya nakadungaw sa bintana. "Nice to fin'lly meet you, Alex.
Maraming nakukwento sa akin si Fatima tungkol sayo. Mind if you join us for
dinner?"

Napatingin ako kay Fatima, she's showing her puppy-face. Nang maibalik ko na ang
tingin ko sa Mama niya ay ngumiti ako ng pilit. "Thanks po, pero may pupuntahan pa
po kasi ako."

Nagpaalam na sila sa akin bago umalis. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa apartment


ng X10 para tumambay. We didn't do anything much. Nagpa-tutor lang sila kay Arthur
about our assignments then played billiards as usual. Nakaupo ako katabi ni Kurt sa
couch habang siya ay pumipindot sa phone niya. Medyo aburido ang mukha niya at
maya-maya pa ay binato na niya ang phone niya sa pinakamalapit na trash bin.

"Master, bat mo tinapon ang cellphone mo? Samsung pa man din yun. Sayang! Kawawa
naman yung Mama mo. Tapon ka ng tapon ng gadgets mo tapos siya naman itong bili ng
bili." Nanghihinayang na sabi ni Brent bago tumira sa billiard. Kalaban sa laro ni
Brent ay ang kambal niyang si Kent.

"Tss... Yeah, Toffie the baby." He answered sarcastically. "Ang kulit nung babae
eh. Text ng text. Hindi ko naman kilala, sabi niya girlfriend ko daw siya." Tumayo
na siya saka niya inayos ang polong suot niya. "Girlfriend niyang mukha niya. Mukha
siyang bisugo na may lahing tinapa ng nanay niya."

"Pwede namang sim card lang ang itapon. Nagsasayang ka ng cellphone." Sabi ko.

"HAHAHA! Master, nung isang beses na tinapon mo yung PSP mo, kinuha ni Wayne.
HAHAHA!" Sumbong naman ni Derrick.

"Loko, tinapon na nga eh. Buti nga ayos pa." Sagot naman ni Wayne habang nagdradrum
dun sa sulok. Katabi niya dun sina Dustin at Jake na nag-gigitara. Jumajamming
yata.

"By the way Master, may naghahanap nga pala sayo kanina nung naghahands-on tayo sa
Computer lab. Tinanong ako kung ano daw ang bago mong number. Girlfriend mo daw
siya eh. Hindi ko sana papansinin kaso nakakaawa eh. Naglakas-loob na kausapin ako.
Hahaha!" Umupo siya sa may center table kaharap ni Kurt. "Tapos tinanong ako kung
free ka ba daw tonight? Wow, lang Master! Kakaiba talaga ang mga ganung klaseng
babae... Tsk tsk!"

Napatingin ako kay Kurt. He was just showing his bored expression and obviously, he
wasn't interested on what Derrick said. "Nice, story dude. You know what? I have a
story too." He smirked then gulped the soda in can and afterwards, he shoot it
straight on the trash bin. He, then eyed Derrick infront of us with his arrogant
look. "Once upon time, I don't give a damn on what you said. The end."

"PFFFT!! Hahahaha... Great story!" Toffer commented jokingly. Kanya-kanya namang


pigil sa pagtawa ang iba.

"Tss... Whatever... By the way, we'll not wear our sh*tty uniform starting
tomorrow." Kurt announced in an authorative tone. Nagkatinginan naman kaming lahat
na tipong iisa lang ang tumatakbo sa isip namin. Bakit naman? "Mom cut-off my
allowance for 2 weeks that's why I told her that I'm gonna do something that she'll
surely doesn't wanna see."

"And that is?" Dustin asked.

"And that is we'll stop wearing this sh*t." Hinila niya ang sarili niyang uniform
na parang inis na inis siya. "Sabi niya, don't you dare. But I will definitely
dare... Not just only me, but all of us 10. Stubborn me..."

***

Dahil wala namang ginawa sa apartment bukod sa magdaldalan ay umuwi na ako sa bahay
namin. Naabutan ko pa sila Daddy at Mommy na nag-uusap sa sala pero 'di ko nalang
sila pinansin at tuloy-tuloy nalang ako sa pagpanhik sa taas.

"Hindi mo na talaga kami ginalang, Alexander!!" Napahinto ako nang marinig kong
sumigaw na naman ang magaling kong tatay. Humarap ako sa kanila with my irritated
expression, "Good evening, mom and dad." I smiled forcedly then tightened my grip
on my bag strip. "Now, can I go to my room?"

Naibagsak niya ang papeles na hawak niya sa center table saka siya mabilis na
naglakad palapit sa akin kasunod si Mommy. Another drama scene again. Story of my
life.

"Wala ka ng ginawang mabuti sa buhay mo! Sumali ka pa dyan sa gang na yan. Perwisyo
ka talaga, Alexander! Kailan ka ba magbabago?!"

Hinawakan siya ni Mommy sa braso na para bang inaawat siya. "Dad, tama na yan."

"Hindi! Sumosobra na yang anak mo. Hindi na tayo ginalang. Kung ganyan lang din
naman siya na lumaki, eh di sana pala eh hindi ka na binuhay sa simula't simula
pa." He paused for awhile then removed her wife's grip on his arm. "Sana, ikaw
nalang ang namatay at hindi si Alexis!"

Shoot. There, he said it. Sana ako nalang talaga ang namatay o di kaya ay 'di na
nila ako tuluyang binuhay kung ganito lang din naman ang turing sa akin ng ama ko
sa paglaki.

"Tapos ka na, dad?" I smiled to him as if I didn't hear something painful.


Napatigil naman siya at tingin ko ay mas lalo pa siyang nagalit. "Kung tapos ka na,
aakyat na ako dahil gagawa pa ako ng homework ko."

Hinintay ko siyang magsalita pero he didn't answer back. "Alex, umakyat ka nalang.
Please, 'nak." My mom said almost begging. Napatingin ako sa mga mata ni Mommy.
Malungkot siya at yun ang kahinaan ko. I sighed then turned my back on them.

"Goodnight..." I murmured then went upstairs.

Dire-diretso ako sa kwarto ko at isinalampak ang sarili ko sa malambot kong kama.


Ibinato ko sa couch ko ang bag ko saka ko tinakpan ang mga mata ko gamit ang kaliwa
kong braso.

Wala naman akong kasalanan sa pagkamatay ni Alexis pero bakit niya sa akin sinisisi
ang lahat. Bilang isang kuya, ginampanan ko naman ang tungkulin ko ng maayos. I
protected and took care of her. Hindi ko naman kasalanan na epileptic siya kaya
nang mabagok ang ulo niya ay nawala siya ng ganun-ganun nalang. Aksidente lang
naman yun. But why is life being unfair to me?

Sana nga namatay nalang ako...

Napasinghap ako ng maramdaman kong magvibrate ang phone sa bulsa ng pantalon ko.
Inalis ko ang braso sa mata ko saka ko inilabas ang phone ko. Napansin ko nalang na
basa ang braso ko pati na rin ang mga mata ko. Fck this, iniiyakan mo yung
matandang yun, Alex. He's not worth your tears. Malakas ka, wag kang papaapekto sa
tatay mo.

***Fatima calling...

Bakit naman napatawag 'to? Psh... Masagot na nga lang. I cleared my throat before
pressing the answer button. Saka ako pumikit at bumuntong-hininga.
["Hello, Alex my friend!"]

"Hmm? Bakit?"

["Err... Bakit ganyan ang boses mo?"]

"..Ahh, ginising mo kasi ako kaya ganito. Ba't ka ba napatawag?"

["Ah ganon ba? Wala lang. Makikipagkwentuhan lang. Ganun naman ang magkakaibigan
diba, talking over the phone at night?"]

"Is that so?"

[Yeaaaah! Kumain ka na ba? Anong dinner niyo? Sana kasi sumama ka na sa amin nila
Mama! If you worry about my Dad, well, I'm telling you, he's so coooool! Alam mo
ba, ang sarap ng di------"]

"Prrttt..." I faked a whistle. "Time first. Baka gusto mo naman akong pagsalitain?"

["Hehehehehe! Sorry, go ahead..."]

I chuckled in amusement. "Dinner ko? Chips and soda. Hindi ako sumama sa inyo kasi
pinuntahan ko pa ang tropa ko. And about your dad, he's cool? Nice..." Sana ganun
din ang dad ko.

["Eeeeeeeeeeh! Ang galing naman! Ang haba ng sagot mo!"] Medyo nilayo ko saglit ang
phone sa tenga ko. Ang sakit sa eardrums ng boses niya. ["Alex, bakit soda and
chips? Dapat rice ah!!! Naku, you don't have a healthy living!"

"Busog pa naman ako."

["Kahit na! Masisira ang metabolism mo. Hmm, maiba tayo... Pwedeng magtanong?"]

"Go..."

["Sure?"]

"Ge lang..."

["Alex, bakit mo ako kinaibigan?"]

Napamulat ako ng mata sa sinabi niya. Bakit nga ba? Bakit hindi pa ako kuntento sa
X10 bilang kaibigan ko? Bakit ko nga ba kinaibigan ang weirdong babaeng ito?

["Alex? Ayaw mo sagutin? Waaah! Okay lang, baka ayaw mo na ako maging kaibigan nyan
kasi nakukulitan ka-----"]

"'Ssshh..." Tumigil siya sa pagsasalita niya at narinig kong bumuntong hininga siya
sa kabilang linya. "I don't know. Siguro kasi may kung ano sayo na... ano kaya
ganun. Tsk... Goodnight na nga. Inaantok na ako."]

["Waaaah! Daya! Oh sige na nga. Goodnight, Alex. Cotton candy dreams!"]

"C-cotton candy dreams?"

"Yeap, para maiba... I sent you a goodnight hug na rin...!!"

*TOOT TOOT TOOT*


Nang marinig kong binaba niya na ang phone niya ay napatingin ako bigla sa picture
frame sa bedside cabinet ko.

***

"Alexis, matulog ka na. Bukas na ulit tayo maglalaro ng puzzle, promise. Gabing-
gabi na oh..."

She pouted her lips then headed off to her bed. Humiga siya saka siya nagkumot ng
katawan niya. "Kuya, goodnight! Cotton candy dreams! Mwah!"

I smiled then kissed her forehead. "Cotton candy dreams too, Alexis. Sleep good."

***

Hindi ko alam pero nahuli ko nalang ang sarili kong nakangiti habang tinititigan
ang picture frame ni Alexis. "Cotton candy dreams... Fatima..."

-4-

***4***

---

FROM: Fatima Grace~

Good morning! Saan ka na?

---

Napailing nalang ako ng bahagya nang mabasa ko ang text ni Fatima. Marami na naman
siguro itong load kaya tinetext ako. Ako lang naman daw kasi pati ang parents niya
ang tinetext niya. Huminto muna ako sa paglalakad at medyo gumilid sa daan saka ako
nagsimulang magtype ng irereply ko sa kanya.

---

TO: Fatima Grace~

OTW. Papasok na ako ng gate ng schoOl.

---

Pagkasend na pagkasend ko ng text sa kanya ay tumuloy na akong pumasok sa gate. As


usual, sa tuwing dadaan ako sa hallway ay nahahawi sila. I don't know why they're
scared of me. Hindi ko naman sila ginagalaw.

Nang makarating na ako sa classroom namin sa 3rd floor ng Evangelista Building,


(Evangelista, dahil ang pamilya nila Arthur Evangelista ay isa sa mga stockholders
ng E.H.A/E.H.U) ay medyo nakarinig ako ng malakas na pagbagsak. Huminto muna ako
saglit sa gilid ng pinto saka ako sumilip sa maliit na salamin sa pintuan. Napansin
ko lang sa loob na may pinapalibutan sila. Hindi ko makita kung ano o kung sino ito
kaya pumasok na ako.

"Tabi! Nandyan na si Alexander!" Narinig kong sabi ng isa kong kaklase na lalaki.
Natatarantang nagsialisan sila sa pagkukumpol nila kaya nakita ko na kung sino ang
pinagtitinginan nila. Nakita ko si Fatima na nakaupo sa sahig at umiiyak habang
nakayuko. Halatang bumagsak siya sa pagkakaupo niya. Nakita ko kasi na may arm
chair sa tabi niya na putol ang isang paa.

"Fatima, ayos ka lang? Gusto mong pumunta ng clinic?" Tanong ni Jean sa kanya.

"Sh*t! Sinong may gawa sa kanya niyan?!" Singhal ko sa kanila. Lumapit na ako kay
Fatima saka ko sana siya aalalayang tumayo kaso bumabagsak siya.

"A-Alex, masakit yung hips ko." Naiiyak niyang sabi saka niya pinunasan ang luha
niya. Nung makita ko siyang humihikbi, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako
ng matinding inis.

Tumayo ako saka ko tinadyakan ng malakas yung inupuan niyang sirang arm chair.
Halata namang nagulat silang lahat. Wala ni isang nagsalita even the X9.

"Sinong nagpalit ng upuan niya?!?" I retorted with my gritted teeth. Wala na namang
sumagot sa akin. Great, ayan ang ayaw ko. Yung nagsasalita ako tapos walang
sasagot. Sobrang galing, nakakag@go lang.

"A..A-Alex, wag ka ng sumigaw. Wag kang magalit..." Nanginginig na sabi ni Fatima.


Ngayon ko lang nakitang umiyak si Fatima, at pakiramdam ko, ayoko na siyang makita
ulit na inaapi o sinasaktan.

Napatiim-bagang ako kasabay ng paghigpit ko ng kamao ko. Pinalipat-lipat ko ang


tingin ko sa X9. Tsk... Posibble... They're ex-pranksters.

"Who?!" I said calmly yet dangerously.

Bigla nalang ako dinaanan ni Kurt kaya nasa kanya na ang attention ng lahat. Then,
he raised his right hand habang nakatalikod siya. "Okay, it's me. Why do you care
anyways?" He asked coolly.

Dahil sa nag-iinit na ang ulo ko, bigla ko nalang hinablot ang polo niya mula sa
likuran saka ko siya kinaladkad hanggang sa sulok. Nagpanic naman ang mga kaklase
ko kaya dumistansya sila.

"WHAT THE FCK?! ANONG PROBLEMA MO ALEXANDER?!" Pagalit na sigaw niya sa akin.
Marahas kong hinawakan ang kwelyo niya saka ko siya tinignan ng mata sa mata.

"You know what, Master?" I tightened my grip on his collar. X8, on the otherside,
was trying to stop us pero hindi sila makalapit. "You're just showing how@sshole
you are!"

"Fck off! Pakielam mo ba?! Parang yun lang!!" Tumingin siya saglit sa direksyon ni
Fatima sa likuran ko. "Nag-iinarte lang yan!"

"ANG MGA BABAE DAPAT GINAGALANG!!! HINDI PINAGTRITRIPAN PARA PAGTAWANAN, AT


SINASAKTAN PARA UMIYAK!! SO YOU FCK OFF OTHERWISE, I WILL BREAK YOUR NECK!!
UNDERSTAND?!?"
Hindi naman siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin mata sa mata. Pero halata
kong uneasy na siya. Nakumpirma kong natatakot na siya nang makita kong lumunok
siya. "What if your little sister Misty experienced the same thing? How would you
react?!"

"Fine..." He answered in a low tone. Binitawan ko naman ang collar niya pero bago
ko pa siya iwanan ay nginitian ko siya and left him with a strong punch on his
stomach. Napahawak agad siya sa tiyan niya saka siya napayuko. I heard him cursing
under his breath. Napuruhan ko ata.

I slowly faced the X8 and pointed Kurt behind me. "That's what you get when you
hurt a girl. You understand?!!"

***

Dahil nalaman na ng advicer namin ang tungkol sa nangyari kay Fatima ay sinabihan
niya ako na samahan siya sa clinic. Alam naman ng lahat na ako lang ang kaibigan ni
Fatima sa buong klase kaya ako ang pinasama niya. Medyo masakit daw ang balakang ni
Fatima kasi napalakas daw ang pagbagsak niya sa sahig. That's the reason why she
couldn't get up awhile ago and I had to carry her all the way to the clinic.

Pinaliwanag naman ni Derrick na hindi daw si Fatima ang pinupuntirya nila kanina
kundi yung maangas naming kaklase na si Mike. Nung dumating daw si Fatima ay
nakaupo ito sa upuan niya kaya sinabihan siya na sa iba na muna siya umupo kasi
kinakausap niya pa si Ney. Umupo naman si Fatima sa upuan ni Mike sa harapan nito
and yes... that happened.

In short, Kurt didn't mean to do that... but technically, it's still his fault.

"Hihihihihi! Kung nakita mo lang kung pa'no ako lumagapak kanina, baka matawa ka,
Alex! Hahahaha!" Tawa lang siya ng tawa habang kumakain ng biscuit. Nakasemi-lying
position siya sa cot (kama) dito sa clinic.

Seryoso ko lang siyang tinignan. She's really impossible. How could she laugh at
herself that way? Kanina pa siya tawa ng tawa at kanina pa rin magkasalubong ang
kilay ko habang pinapanuod siya. "Alex, bat 'di ka nagsasalita dyan? Okay na talaga
ako! Swear..." Nagthumbs pa siya habang nakangiti ng malapad. "Kaya wag ka ng
seryoso diyan! Cheer up, my friend!"

Umayos naman ako ng upo sa monobloc chair sa side ng kama saka ako nagdekwatro ng
hita. "Fatima... Grace... Eugenio... Are you really sure you didn't bang your head
somewhere when you fell off the chair?"

Ngumuso naman siya saka niya hinawakan ang ulo niya. Tapos ay umiling siya at
kinapa-kapa pa ang ulo niya. "I didn't. Butt ko lang yung lumagapak. Hindi ako
nauntog! Ano ka ba naman..."

"Tsk tsk tsk!" Umiling-iling ako saka ako naglean ng malapit sa kanya. Kinapa-kapa
ko rin ang ulo niya to check kung may bukol pero wala naman kaya bumalik nalang ako
ng ayos ng upo. "It seems like you banged your head that made you crazy like that."

"Ngek?! Hahaha! Joke ba yun?" Tumawa siya ng malakas saka siya humiga na ng kama at
humarap sa akin ng nakatagilid. She smiled warmly at me. "Alex, from now on, hindi
na kita hahayaan na magalit." Mahina niyang sabi.
"Bakit naman?"

"Eh kasi..." She bit her lip then her finger nails again. Tinampal ko naman ng
mahina ang kamay niya kaya tumigil siya. Baka makasanayan eh. "Sorry.." She sighed.
"Sa totoo lang, natakot ako sayo kanina. Parang hindi ikaw si Alex na kaibigan ko.
Kaya huwag ka ng magagalit ng ganun ha?"

Tinignan ko naman siya ng seryoso saka ako tumingin sa ibang direksyon. May kung
ano kasi akong naramdaman. "Huwag kang matakot sa akin. Ayaw na ayaw ko lang
talagang may nakikitang umiiyak at nasasaktan na babae..."Saka ako yumuko at
tinignan ang sapatos ko. "Lalong-lalo na kung importante sa akin."

She giggled softly then felt her tapped my head. Napatingin naman ako sa kanya ng
nagtataka. "Glad to know that I'm important to you. Importante ka rin sa akin kasi
ikaw ang kaisa-isa kong kaibigan in the whole wide world!"

Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya. Para kasing walang nangyari sa kanya
kanina at masayang masaya pa siya ngayon. Napatingin na naman ako sa mga mata niya.
Pansin ko nalang lagi na ako napapatingin sa mga mata niya. Lagi kasi akong
nakakakita ng spark dun and I find them beautiful.

"Alex, tara na?" Bumangon siya saka siya umupo sa edge ng cot. Inabot niya ang
sapatos niya sa sahig saka siya tumayo hawak-hawak ang hips niya. "Nalagyan naman
na ng pain killer itong hips ko, hindi na masyadong masakit. Balik na tayo sa
klase."

Tumayo na rin ako saka ko siya hinawakan sa braso para alalayan siya. "Kaya mo na?
Gusto mo buhatin kita?"

Tumawa naman siya saka niya ako sinundot sa tagiliran. "Ayoko nga! Ayokong mapagod
ang friend ko..."

Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Friend lang?"

"Oo..." She nodded unsurely. "Bakit? Ayaw mo na?"

I smiled to her and messed her hair. "Let's level up, Grace."

"Grace? Paiba-iba ka ng tawag sa akin." Natatawang sabi niya.

"I'm comfortable calling you Fatima and Grace."

"Okay, what do you mean by level up?" Nakangiti na naman niyang sabi saka kami nag-
umpisa ng maglakad. Hindi ko muna siya sinagot, kinausap muna namin ang school
nurse na babalik na kami sa klase since she's okay already. Nang makalabas na kami
ng tuluyan sa clinic ay nagsalita na naman siya. "Ano muna yung level up?"

Tinignan ko siya ng nakangiti. Ngiting totoo... "Be my bestfriend and I'll take
care and protect you as might as I can..."

Halata naman siyang nagulat saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Yehey,
bestfriend!!!"

Napatawa nalang ako sa kanya. She's really like her.


***

"Sa mga walang dalang illustration board, kindly go to the art room. Marami dun...
May mga art materials din dun if ever kukulangin kayo." Sabi ng teacher namin sa
Asian History. Pagkatapos nun ay may sinulat siya sa whiteboard. Instructions ata
ng ng gagawin naming activity.

"Psstt... Alex..." Tumingin naman ako sa kaliwa ko. "May illustration board kang
dala?" Hindi na ako sumagot basta tumingin nalang siya sa gamit ko. "Ay, wala pala
hehehehe..."

"Ikaw, meron?" Hindi rin siya sumagot basta pinakita niya lang yung illustration
board niya na nakapatong sa arm chair niya. Binalik niya ulit ang tingin niya sa
board, tapos binasa niya ang nakasulat dun. "Mamili ng isang bansa sa Asya at
iguhit ang tao, lugar, o bagay na naglalarawan sa napiling bansa." Tumingin ulit
siya sa akin. "Marunong kang mag-drawing?"

I just shrugged my shoulders as my respond. "Marunong pero hindi magaling."

"Partner tayo? Please, bestfriend naman na tayo eh!" Nagpuppy face look pa siya sa
akin.

"Partner?" Nagtatakang tanong ko. May tinuro naman siya sa harapan, nakasulat dun
na find your own partner. Napatingin naman ako sa likuran ko, nahuli kong
nakatingin sa akin si Arthur pero nag-iwas din ng tingin. Tss. Takot na sila sa
akin dahil dun? Di na namansin eh.

"Okay..."

Dahil sabi naman ng teacher namin na pwedeng lumabas ng room para gawin ang
activity kasi medyo kulang sa space pag lahat kami ay dun sa room, we decided to go
to the garden. We agreed to draw the 'The Great Wall Of China' para mas magandang
i-explain kung saka-sakaling ipaexplain sa 'min. Nagulat pa nga ako kay Fatima nun
ng magsimula na siyang magdraw. She's really good at it... no, let me rephrase
it... She's the best for me so far.

Wala naman akong masyadong ginawa. Siya kasi ang nag-dro-draw, samantalang ako ay
pinapanuod lang siya. "Alex, bat nga pala kayo hindi nakauniform? Yung 9 mong
friends pati."

Nakafocus pa rin siya sa ginuguhit niya. Ako naman ay ipinatong ang dalawa kong
kamay sa bench na inuupuan namin. "Master's order."

"Order?" Tumingin siya sa akin saglit.

"Basta... All for one, one for all."

Binigyan lang kami ng 1 hour for the activity pero kapos pa rin. May tumawag nalang
sa amin na isa naming kaklase dahil time na raw kaya bumalik na kami sa classroom
namin.

"Ipagpatuloy niyo lang yan sa bahay. Assignment nalang yan kasi English time na..."
Sabi ni Ma'am Roxanne saka niya kinolekta ang gamit niya from the teacher's desk.
"Yung mga hiniram niyong art materials sa art room, pakibalik nalang ng maayos.
Bukas ang submission niyan, hindi na pwede sa ibang araw. Goodbye class."
Nung makalabas na si Ma'am Roxanne ay bigla nalang may nangalumbaba sa desk ko.
Nakatingin siya sa akin ng nakangiti habang tinataas-baba niya ang kilay niya.
"What?"

She smiled widely. "Tomorrow 9:30AM, fetch me in my house. Sa bahay niyo Alex tayo
gagawa!! Yieeee! Makikita ko na ang bahay niyo!"

Nanlaki naman ang mata ko saka ko tinulak ng mahina ang ulo niya. "No, sa inyo
nalang."

"Pleaseeeeeee! Inyo nalang! Gusto ko naman makapunta sa ibang bahay bukod sa mga
relatives ko! Gusto ko naman maranasan sumakay ng tricycle, jeep, o MRT man lang.
Please, Alex? Please!! Magpapakabait ako sa bahay niyo. Hindi na ako magiging
madaldal. I'll behave properly! Please, bestfriend!!"

I sighed. What can I do? I really can't resist this girl. Kahit na kinakahiya ko
ang bahay namin, tsk...

"Fine... Bukas sa bahay namin."

-5-

***5***

Dahil sa ang napag-usapan namin ni Fatima kahapon ay sa bahay namin itutuloy ang
activity ay maaga akong gumising para linisin ang kwarto ko. Kahit kailan kasi ay
ayaw kong ipaubaya sa housemaids namin ang paglilinis ng kwarto ko kasi baka may
kung ano silang maitapon. Isang beses kasi ay naglinis ang katulong namin sa kwarto
ko, napansin ko nalang na nawala na sa study table ko ang mga coloring books at art
works ni Alexis. Nalaman ko nalang na naitapon daw niya ang mga ito. Gumawa talaga
ako ng paraan nun para mabalik sa akin ang lahat ng yun. Iyon na nga lang ang mga
naiwang ala-ala sa akin ng kapatid ko, mawawala pa dahil sa isang kapalpakan.

Quarter to 9 ng umaga ako umalis ng bahay. Ni hindi na ako nag-almusal basta dire-
diretso na akong lumabas ng bahay at nag-commute. Isang jeep lang naman ang
sinakyan ko papunta dun sa subdivision nila. 15 minutes away lang mula sa bahay
namin. Medyo nagkaaberya pa nung papasok ako sa gate ng subdivision. Hindi kasi daw
basta-basta sila nagpapasok ng kung sino sa loob.

"Saglit lang ho." Sabi ko dun sa guard saka ako tumalikod. Inilabas ko mula sa
bulsa ko ang phone ko saka ko tinawagan ang numero ni Fatima. Sa isang ring pa lang
nito ay sinagot na niya ang tawag ko.

["Hi, bestfriend! Where na you?"]

"Ayaw akong papasukin ng guard ng subdivision niyo. Pa'no kita masusundo dyan?"
Naiirita kong sabi.

["Ayyy! Ako nalang ang lalabas dyan, Alex!"]

"Bakit kailangan mong sumigaw?"


["Hihihi! Sorry... Wait muna lang ako dyan."]

"Ayoko, gusto kong sunduin kita dyan para malaman ng Mama mo na ako talaga ang
kasama mo."

["Ay oo nga! Wait lang, papatawag ko kay Mama yung guard dyan para maconfirm na
bisita ka namin."]

"Ge... Baba ko na 'to."

["See ya' in a bit!"]

*TOOT TOOT TOOT*

Maya-maya lang ay pinayagan na akong pumasok ng guard. Pinatagal pa, eh papapasukin


din naman pala ako. Tsk. Nag-offer pa sila na sasamahan ako ng isa sa kanila pero
tinanggihan ko nalang. Para saan pa ang asense of direction ko? Naibigay na rin
naman sa akin ni Fatima ang exact address ng bahay nila.

Couples of minutes had passed when I reached the exact address given by Fatima.
Tinitigan ko muna sa labas ang bahay nila. Masyadong malaki para sa tatlong tao ang
tinitirhan niya. Parang yung amin lang din, ang pinagkaiba lang ay may mga katulong
naman kami. Yung nakatatanda kong kapatid na si Ate Alexa ay wala ngayon sa bahay
dahil nag-aaral siya sa America ngayon.

Lumapit ako sa doorbell nila at pinindot ito ng dalawang beses na magkasunod. Bigla
namang nagfeedback ang intercom sa tabi nito. ["Alex, ikaw na ba yan?"]

"Yeah, ako nga." Bored na sagot ko saka ko ipinasok ang kaliwa kong kamay sa bulsa
ko.

["Yay! Wait lang!"]

Napailing nalang ako sa pagkachildish niya. Hmm, naiintindihan ko rin naman siya
kasi lumaki siyang walang kaibigan. Sabik nga siya. Yun din naman ang nagustuhan ko
sa kanya eh. She's true to herself.

Biglang nalang bumukas ang maliit na gate at iniluwa nito si Fatima na nakasuot ng
backpack niya at may bitbitbit na paperbag sa kaliwa niyang kamay. Naka-pedal jeans
siya at white printed shirt. Nakaflip-flops din siya for her footwear. "Good
morning, bestfriend! Nagcivillian muna ako kasi baka madumihan ang suot ko pag nag-
uniform ako. Ito yung uniform ko, dala ko na!" Inangat niya ang paper bag na hawak
niya.

Tumango nalang ako sa kanya saka ko tinuro ang backpack niya. "Ako na ang magdadala
niyan. Mukhang mabigat eh."

"Ah sige!" Tinanggal niya naman mula sa likuran ang bag pack niya saka niya
isinukbit sa braso ko pataas ng balikat ko. "Nagpaalam ka na sa Mama mo?"

"Ay, hindi pa pala." Humarap siya sa loob ng bahay nila saka ikinulong ang bibig
niya. "MAMA! AALIS NA PO KAMI NG BESTFRIEND KO! BYEEEE!"

Kumunot tuloy ang noo ko. Kailangan ba talagang isigaw nalang?

Lumabas na ng tuluyan si Fatima saka niya ako hinila kaso narinig namin na
humahabol sa amin ang Mama niya kaya piniit ko siya. "Grace! Wait lang naman,
anak."
"Ma, bakit na naman po?"

Ngumiti lang ang Mama niya. Lumapit pa siya dito at yumakap. Humarap naman siya sa
akin at tinap ang ng dalawang beses ang balikat ko. "Ingat kayo ha? First time yang
magcocommute, Alex."

"Sige po."

"Ma, alis na po kami." Hinila na ako palayo ni Fatima kaya lang narinig ko na naman
na sumigaw ang Mama niya kaya lumingon ulit kami.

"Alex, huwag mong hayaang mapagod si Fatima. Hikain yang batang yan eh!"

"Ma, mag-do-drawing lang kami! Hindi yun nakakahika! Bye, Ma! I love you!"

Nung makalabas na kami ng subdivision nila ay grabe kung makakapit sa braso ko si


Fatima. Parang ngayon lang nakalabas sa lansangan kung umakto. Kung sa bagay, first
time daw eh. Pangalawang jeep na dumaan ang pinara ko. Yung una kasi ay masikip.
Pinauna ko munang sumakay si Fatima pagkatapos ay ako. Napansin ko na naman na ang
lapad-lapad ng ngiti niya.

"Alex, ako ang magbabayad ha?" Sabi niya sa akin.

"Ikaw? Hindi pwede. Ako nalang," sagot ko naman saka ko nilabas ang wallet ko at
kumuha ng twenty pesos.

"Sige, pera mo pero ako ang mag-aabot." Inagaw naman niya sa akin ang bente pesos
saka niya inextend ang kamay niya sa harapan. "Ito po ang bayad naming dalawa!
Paabot po, thank you!"

Hindi ko maiwasang tumawa sa ginawa niya. Pagbigyan, first time eh.

Tumingin siya sa akin saglit, "Alex, saan daw tayo baba sabi ni driver?"

"Sabihin mo sa Greenland Subdivision."

Humarap na naman siya sa pwesto ng driver. "Sa Greenland Subdivision daw po.
Dalawa!"

Nung maibigay na sa kanya ang sukli ay inabot niya sa akin iyon. She went closer to
my ear and whispered, "Mamaya pagpasok natin sa school, magjeep ulit tayo ha?"

I chuckled, "Oo na..."

Nung huminto ang sinasakyan naming jeep dahil traffic ay humawak sa bakal na
nakakabit sa bandang itaas si Fatima habang nakatingin sa labas. Nakatingin lang
siya dun ng tahimik pero nakangiti pa rin. Hanga na talaga ko sa kanya. Ibang
klaseng babae siya para sa akin.

"AYY!"

Napakunot-noo ako ng napagaw siya. Napansin kong yumuko siya kaya napatingin na rin
ako dun. Dun ko lang nakita ang isang batang pulubing lalaki na iniisang
pinupunasan gamit ng bahasan ang mga paa ng bawat pasahero. Sa bawat punas niya ay
siyang abot naman niya ng isang sobre. Pagkatapos nun ay umupo muna ang bata sa
entrance ng jeep.

"Akala ko kung ano na yang umaano sa paa ko." Narinig kong sabi niya saka niya
kinuha mula sa lap niya ang sobre na binigay ng bata. "He's asking for a lil amount
of money." She murmured while taking something out of his jean's pocket. Maya-maya
pa ay napansin kong may nilabas siyang fifty pesos mula sa wallet niya saka niya
inilagay sa loob ng sobre.

"Hey, anong ginagawa mo? Kunin mo nga yan." Aagawin ko sana ang sobre sa kanya kaso
inilalayo niya. "Sinasayang mo lang ang pera mo sa walang kwentang bagay."

She pouted her lips and smacked my arm weakly. "He needs it more than me. Isipin mo
nalang na sagana tayo sa material na bagay at pagkain, pero siya," tumingin siya
saglit sa bata. "Hindi natin alam kung nakapag-almusal nab a siya o kung ano diba?"

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. This girl is really something. "Fine, pero
hindi mo alam kung sa pagkain niya ba yan gagamitin. Malay mo nagdrudrugs pala
yan."

"Bata, ibili mo yan ng pagkain ha? Ibili mo ng ulam tsaka bigas. Huwag ka ng
sumakay ng jeep para manghingi ng ganito next time ha? Delikado eh." Napatingin
ulit ako sa kanya. Kinakausap na pala niya yung bata. "Kuya, para po muna! Baba po
yung bata!"

Fatima Grace Eugenio is damn kind.

***

"Alex, ang ganda naman ng bahay niyo." Manghang-manghang sambit ni Fatima habang
inililibot ang paningin niya sa bahay namin.

Hinila ko agad ang wrist niya paakyat ng hagdan papuntang second floor. Mahirap na,
ayokong maabutan siya ng nanay ko dito sa baba. "Tara na, dun tayo sa kwarto ko."

"Sige-sige!"

"Ssshh... Wag ka maingay. "

Panghuling-hakbang nang saktong nakasalubong namin si Mama. Napahinto kami sa pag-


akyat at tiningnan si Mama. Kung minamalas ka nga naman oh. Tsk.

Nagpalit-lipat naman siya ng tingin sa aming dalawa ni Fatima saka siya ngumiti.
"Alexander, pakilala mo naman ang kaibigan mo sa akin? Who's she?"

"... I am Fatima Grace po," nahihiyang sabi ni Fatima saka siya yumuko.

Tumingin naman sa akin si Mama saka tinaas-baba ang isa niyang kilay habang
nakangiti. "She's your?"

"My bestfriend, ma." I replied in a bored tone. "Now, can we go to my room now?
Gagawin lang namin yung activity namin sa Asian History."

Tumingin naman siya kay Fatima saglit pagkatapos ay sa'kin. "Activity? Bakit sa
room mo pa, Alexander? Ano bang klaseng activity yan? You know, girlfriend mo siya,
mga teenagers na kayo---"

"Ma! Activity lang yun. Magdraw-draw lang kami ng Great Wall of China kaya wag na
pong madumi ang utak. At ibang iba po ang girlfriend sa bestfriend. Psh. Excuse
us..." Hinila ko na si Fatima paakyat, papunta sa room ko. Narinig ko pa si Mama na
tumatawa at sumigaw, "Alexander, I'm just kidding! Dadalhan ko kayo ng miryenda!"

"Psh... Whatever..."

Nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ko ay tumingin ako kay Fatima. Napansin
ko na nakatingin siya dun sa kwarto sa pinakasulok. Hinila ko naman siya agad at
nang makapasok na kami ng tuluyan sa kwarto ko ay binitiwan ko na ang wrist ni
Fatima at nagmamadaling umupo sa swivel chair. "Upo ka, Fatima." Umupo naman siya
dun sa edge ng kama ko saka niya inilibot ang tingin niya sa loob ng kwarto.
"Pagpasensyahan mo na ang Mama ko. She's not used to me bringing visitors in this
house."

"Okay lang, ganun din naman sina Mama."

Kung idedescribe ko ang kwarto ko, simple lang naman at typical room for boys. May
isang single bed covered with blue comforter, study table na instead of books ang
nakadisplay ay puro mga comics, at mga anime' magazine. Meron din isang stand dun
na puro action superheroes figure ang nakadisplay. Just like any other rooms, may
closet, DVD, flatscreen TV, at sofa bed. The only things that made my room
different are the art works posted on one part of my room's wall.

"Sinong gumawa ng mga yun?" She asked all of a sudden. Napatingin ako sa tinitignan
niya. Siya naman ay lumapit din dun ang pinagmasdan ng mabuti ang mga ito. "Ale---"

"Tara na, simulan na natin ang gagawin natin. You draw it and I'll be the to put
colors on it." I said in my most serious tone, dismissing her question. Ayaw ko
kasing mabuksan ang topic na yun.

"Your room's is cool."

"Thanks... Let's start."

Nagsimula na siya sa pag-guhit niya sa illustration board. Konti nalang naman ang
idagdag kasi malaki-laki na rin ang naidrawing niya kahapon. Pinagmamasdan ko lang
siya sa ginagawa niya, nakadapa siya sa kama samantalang ako ay nakaupo sa sahig.
Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa mga nakadisplay na art works ni
Alexis.

"Alex, panget ba?"

Napatingin ako ng mabilis sa illustration board na hawak niya. Maganda, parang


totoo talaga, parang buhay na buhay. "Beautiful..."

***

"Kuya, maganda ba ito?" Tanong ni Alexis habang pinapakita niya sa mukha ko ang
isang puting papel na may drawing niya. "Ano kuya, maganda ba?"

Ibinaba ko muna ang binabasa kong libro sa study table saka ko kinuha mula sa kanya
ang papel. Pinagmasdan ko ito ng mabuti, hindi naman kagandahan pero nakakatuwa
lang na malaman na kapatid ko ang may gawa nito.

"Beautiful..."I replied with a smile.

"Thanks, Kuya!"

"Akin nalang, I'm gonna keep it. Maganda eh."


"Suuuuuuuuure! Hihihi!"

***

"Huy! Ano na, Alex? Beautiful lang?!" Pinagmasdan niya ang drawing niya. "Nambobola
ka lang eh! Dali na, sabihin mo na yung kulang para maayos ko na."

Inagaw ko naman sa kanya yung illustration board saka ako tumayo at pumunta sa may
study table. Umupo ako dun sa swivel chair saka ko hinila palabas ang drawer para
kunin ang coloring materials ko.

"Kukulayan mo na agad?!"

"Oo, sabi naman kasi sayo maganda eh." Kumuha ako ng isang kulay saka ko ito
sinimulang kulayan pero napahinto ako saglit at tumingin sa kanya. "Fatima Grace,
pagkatapos i-check ni Ma'am ito, pwedeng akin nalang? I'm gonna keep it. Maganda
eh."

"Suuuuuuuuuure! Hihihi!"

Napablink ako ng mata. She's really like her. "Alam mo, kaugali mo talaga siya." I
murmured out of idling.

"Haa? Sino?"

Napailing nalang ako ng bahagya saka ko binalik ang focus ko sa pagkukulay ng


drawing niya. "Never mind."

Saglit lang ay nakarinig na kami ng katok sa may pintuan. Bumukas naman agad ito ng
kusa, at pumasok si Mama na may dala-dalang tray. "Hi, pinaghanda ko kayo ng
miryenda. Alam ko si Alex hindi pa nagbrebreakfast yan."

Inilapag ni Mama ang tray sa study table kaya iniiwas ko ang illustration board.
"Thanks po, Tita." Fatima murmured shyly.

"No, problem."

Nung lumabas na si Mama ay nagkatinginan kami ni Fatima. Inginuso ko ang dinalang


Ham Sandwich at orang juice ni Mama, parang sinasabing magsimula na siyang kumain.
"Alex, ilan kayo dito sa bahay niyo?"

"Me, my mom, dad, 3 housemaids, the gardener, the driver and the houseguard.
Bakit?"

"Nothing..." Kinuha niya na yung ham sandwich at binuksan ito. "Wala ka bang little
sister?"

Napakunot-noo naman ako sa tanong niya saka ako nagresume na sa pagkukulay. "Ang
ate ko si Ate Alexa, nasa America. Dun siya nag-aaral ng College. Bat mo naman
natanong?"

"... may nakita kasi ako kanina, little girl. Dun sa may---" she stopped and
shrugged her shoulders. "Never mind. Imagination ko lang siguro yun."

"LAGI KO NALANG NAPAPANSIN NA MAY BAGONG MOTOR BIKE DYAN SA GARAHE NATIN! HINDI NA
AKO MAGTATAKA KUNG ISANG ARAW, MAKULONG YANG ANAK MO. WALA NG PATUTUNGUHAN SA BUHAY
NIYA! PERWISYO YAN SI ALEXANDER!"

Padabog kong tinungo ang pintuan at isinarado ko ito ng malakas. Hindi pala
naisarado ni Mama ang pinto kaya rinig na rinig na naman ang sermon ng tatay kong
magaling. Bumalik ako sa swivel chair na naiinis. Nasira na ang mood ko. Lagi naman
eh. hindi ako makatagal dito sa bahay na 'to.

"Dad mo, Alex?"

I sighed in exasperation. "Yeah. My one and only dad. Cool, isn't he? Sa sobrang
cool niya, ang sarap niyang buhusan ng kumukulong tubig!" Sa sobrang gigil ko ay
naibato ko ang pangkulay. Naihilamos ko ang sarili kong palad.

"Alex, wag ka naman ganyan. He's still your father. Give him some respect."
Malumanay na sabi niya sa akin. Sa narinig ko ay mas lalong nag-init ang ulo ko.
Wala siyang alam sa nangyayari, kaya wala siyang karapatan na magsalita ng ganyan.

I stood up and went closer to the wall where Alexis' art works are posted. Tumingin
ako kay Fatima saka ko tinuro ang mga yun. "Nung 7 years old pa ang kapatid kong si
Alexis, naaksidente siya sa pagbibisikleta! Nabagok ang ulo niya sa bato na siyang
dahilan ng pagkamatay niya... Since then, ako na ang sinisi ng tatay ko. Lagi niya
akong pinagbubuntungan ng galit niya! Lagi niya akong pinapaalmusalan ng sapak,
mura, insulto at ng kung ano-ano pang masasamang salita!" I chuckled bitterly and
looked away. "Nakakatuwa nga eh, sinabi ng sarili kong tatay na pinagsisisihan niya
daw na binuo nila ako, na sana ay ako nalang ang namatay! Ang saya diba? Now tell
me, how could I give him respect when he doesn't respect me as a person in return?!
I just feel that I'm treated like a sh*t!"

Sumisikip na naman ang dibdib ko pag pinag-uusapan ito. Naramdaman ko nalang na may
tumutulo ng likido mula sa mga mata ko. Fck, napaiyak ako sa harapan ng babae.
Tumalikod na ako saka ko pinunasan ng marahas ang pisngi ko. Sh*t! She saw the
other side of me.

"A...Alex..." Naramdaman ko nalang ang presensya ni Fatima sa likuran ko. Pinaharap


niya ako sa kanya saka siya tumingin sa mga mata ko. There, I noticed that she's
crying too. "Sorry, hindi ko alam." She pulled me for an embrace. Nagulat pa nga
ako, kaya nastiff ang buong katawan ko. "Don't worry, Fatima Grace is here. I will
let you feel that you're loved, cared and respected."

Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata. Sincerity reflects her eyes. Nakaramdam
tuloy ako ng kaba sa mga sinabi niya. She smiled eventually and stood up. "Alex,
gusto ko ng tubig. Bababa lang ako ha? Ako na ang kukuha. Ipagpatuloy mo na yang
pagkukulay." Then she hurriedly stepped out of the room.

***

Pagkatapos ng seryosohang usapan kanina sa bahay ay pinili ko nalang na tumahimik


at 'wag umimik pansamantala. Hindi ko talaga mapaniwalaan ang sarili ko na nag-open
up ako sa isang kaibigan ng mga problema ko. But I guess, that made me feel better.
Parang nabawasan yung sama ng loob ko kahit papa'no. Hindi ko talaga alam kung
anong meron kay Fatima Grace at nagawa niyang pagaanin ang pakiramdam ko ng ganito.

"Your 1st monthly examination will be next week. All major subjects will be taken
on the first day and the rest are on second day. Alam niyo na naman yan diba?
Tuesday and Wednesday is for girls, and Thursday and Friday is for boys. No permit,
no exam." Our advicer declared.

"Pssst... Alex...." Napatingin ako kay Fatima. Siya lang naman kasi ang sumusutsot
sa akin ng ganyan eh. Wala ng iba. "Magkahiwalay ang boys at girl pag nag-exams.
Hindi tayo magkikita ng dalawang araw."

"Yeah... 4 days tayong hindi magkikita. Idagdag mo ang Saturday and Sunday."

Nag-pout naman siya saka siya tumingin sa harapan. "Loner na naman ako."

"Okay class, you may have your recess."

Pagkalabas na pagkalabas ng advicer namin ay tumayo na agad ang mga classmates


namin at nagmamadaling lumabas ng room. Si Fatima naman ay kinokopya pa sa notebook
niya ang nakasulat sa board. Hinintay ko muna siyang matapos saka ako tumayo.
Napatingin naman ako sa X9 sa last row, napansin ko na nagbubulungan sila. Medyo
may murahan pa akong naririnig. Tsk.

"Tara na, Fatima." Yaya ko sa kanya.

"Wait lang naman," may hinahanap siyang kung ano sa bag niya. Maya-maya pa ay
napahinto siya at napakagat sa kuko niya kaya tinampal ko na naman yun ng mahina.
"Anla, Alex! Wala akong baon. Nakalimutan kong ilagay sa bag ko yung fruit cake na
pinabaon sa akin ni Mama."

"Tss. Tara na..." Hinila ko na siya sa wrist para tumayo kaso nagpapabigat siya
kaya pwersahan ko siyang itinayo.

"Bibili tayo? Edi diba sabi mo hindi safe ang pagkain sa cafeteria?"

Tinignan ko lang siya ng seryoso saka ko inangat ang paper bag na hawak ko. "Akong
bahala sayo."

Dali-dali kaming pumunta sa may outdoor stage. Umakyat kami dun at pumwesto sa may
gitna. Dito ang napili naming lugar, kasi obviously ay lumalayo kami sa karamihan
ng tao. Umupo ako sa may edge nito samantalang siya naman ay nag-indian sit lang.
Dahil sa above the knee-length ang uniform ng mga babae sa school na ito ay hinubad
ko ang blaser ko at pinatakip sa hita niya.

"Ikaw ang may gawa nito, Alex?" Tanong niya saka siya sumubo ng mango crepe'.

Tumango naman ako ng bahagya saka ako tumingin sa harapan ko. Napansin ko na naman
ang X9 na nagtutulakan papunta sa diresyon ko. Medyo malayo sila mula dito sa
pwesto ko. "Oo, gumising ako ng maaga para gawin yan."

"Wow, ang sarap bestfriend!"

I smiled to her and murmured my thanks. "Favorite niya yan. Lagi niya sa akin
nirerequest na gumawa kami ng mango crepe'" Malungkot na sabi ko at yumuko. Sh*t,
nasasanay na yata akong mag-open kay Grace.

Naramdaman ko naman na tinapik niya ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya.
Nginitian niya lang ako saka niya inilapag sa sahig ng stage ang tupper wear ng
mango crepe'. Pagkatapos nun ay tumayo siya at ikinulong ng dalawa niyang palad
niya ang bibig niya.

"I, FATIMA GRACE EUGENIO, PROMISE THAT FROM NOW ON I'LL BE A GOOD BESTFRIEND TO
ALEXANDER DE SILVA!! I WON'T LET HIM FEEL THAT HE'S ALONE. I'LL MAKE HIM SMILE,
LAUGH AND CRY YET IN HAPPINESS! I WILL MAKE HIM FEEL THAT HIS LOVED, CARED, AND
RESPECTED! NO MORE HATRED, JUST GENUINE HAPPINESS!"

Nabigla ako sa pagsigaw niya. Napatingin tuloy ako sa harapan ko. Sh*t, ang dami ng
students. Talagang gumawa ng eksena.... Ang bestfriend ko. But I can't help myself
from smiling. Akala ko si Alexis lang ang kayang magpangiti sa akin ng ganito...

Si Fatima Grace din pala.

"Oo na, tara na nga. Nakakahiya ka." Kinolekta ko na ang kinainan namin saka ako
tumayo at hinila na siya pababa ng stage. Narinig ko pang nagsigawan ang iba sa mga
classmates namin. Ge lang, pagpatuloy niyo yan. Tatandaan ko mga mukha nila. Tss.

"Nakakahiya nga, Alex! Wahahaha! Okay lang, para sayo naman yun eh. Yieee, tignan
mo nga oh! Napangiti kita... Wag na kasing malungkot. Cheer up!"

Huminto kami sa paglalakad nang makalayo na kami sa stage. Itinapon ko muna sa


basurahan na katapat ko ang paper bag saka ko siya nginitian. I messed her hair a
bit and murmured, "Thanks, bestfriend..."

Hinampas niya naman ng mahina ang braso ko saka siya tumawa, "That's nothing..."

Nagulat kami ni Fatima nang biglang may bumangga mula sa likuran namin at kung
hindi ako nagkakamali ay tao yun. Muntikan na kami masubsob pero buti nalang hindi
natuloy. Inis na humarap ako sa taong yun.

"Mag-iingat ka nga!" Dun ko lang napansin na ang X9 pala ang nasa likuran namin at
si Kurt ang bumangga sa aming dalawa. "Oh, ano na naman? Mantritrip na naman
kayo?!"

Kurt gave them his death glare. Si Wayne naman ay tinutulak-tulak pa si Master
papunta sa amin. "Fck it, Wayne! Makatulak ka ah! Apurado? Eto na nga oh!"

"Sorry naman... Excited eh hehehehe..." Saka yumuko si Wayne. "Yieeeee! Magsosorry


na yan."

Lumingon na naman si Kurt sa kanya na halatang napipikon na. "Alam mo yung bwisit?
Ikaw yun eh... Ikaw na kaya dito?"

"Sorry ulit, master. Wag na kasing etorps."

Nagkatinginan kami ni Fatima na para bang nagtataka sa nangyayari. Nagkibit-balikat


lang ako saka ako tumingin ulit sa kanila. "Ano na namang kalokohan yan?"

Napailing lang si Kurt saka siya naglakad palapit sa amin. May nilabas siya mula sa
likuran niya at inabot ito kay Fatima sabay yuko niya ng 90 degrees. Napakunot-noo
tuloy ako sa ginawa niya. He's giving Fatima a Ferrero Chocolate? What the fck is
he up to?!

"Aren't you gonna take this? Tss." Maangas na tanong niya. Napatingin na naman sa
akin si Fatima na para bang nagtatanong kung kukunin ko ba raw yun.

Instead of answering her, I just looked at Kurt intently. "Hoy, Koreano! Nanliligaw
ka ba sa bestfriend ko?!"

Nagulat ako nung tumawa ng malakas ang X9 particularly Wayne. Si Kurt naman ay
umayos na ng tayo at tumingin sa akin ng magkasalubong ang kilay. Sa lahat ng
babae, si Fatima pa ang pinupuntirya!
"What the hell are you saying?!" Maangas na sabi niya saka siya tumingin kay
Fatima. Kinuha niya ang kamay nito saka niya nilagay sa palad niya ang chocolate.
After that, he turned his back on us and muttered, "My apologies..."

Tsk. I thought... Psh.. Buti naman...

"Princess mo yan eh. I will find my own Princess, Alex. I'm glad that she's making
you return in your old self again..." Pahabol niya saka na siya naglakad palayo
kasunod ang X8.

Napatingin na naman ako kay Fatima nang marinig ko siyang humagikhik ng mahina.
"Sorry, Fatima..." Basa niya sa sticky-note na nakadikit sa Chocolate.

"KURT! NO NEED TO GIVE ME EXPENSIVE CHOCOLATE! A SIMPLE SORRY IS ENOUGH. YOU'RE


FORGIVEN!" Sigaw niya kay Kurt na medyo nakakalayo na. Narinig naman niya yun kasi
nagthumbs up lang siya without looking back at us.

Tumingin na naman sa akin si Fatima ng may ngiti sa labi niya. "Ganun dapat, Alex.
Kapag may nagsosorry sayo, you must forgive them wholeheartedly para wala ka ng
burden na dinadala dyan sa dibdib mo." Tinuro niya pa ang dibdib ko. "Oopps, ang
tigas hihihi!"

Sorry? May gusto ba siyang iparating sa sinasabi niya?

"So... ?"

"Kapag ba nagsorry sayo ang Daddy mo, papatawarin mo na siya?"

Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Why the random question? At
ang nakakatawa pa ay yung imposibleng mangyari.

I chuckled then put my right hand in my pocket. "Impossible. That won't ever
happen." Tinuro ko ang sarili ko saka ako tumawa na naman. "Si Daddy, magsosorry sa
akin? In my wildest dreams..."

She tapped my shoulder and smiled to me meaningfully. "That wildest dreams of yours
may come true, bestfriend. We can never tell." Tumayo siya ng diretso saka niya
ikinawit ang kamay niya sa braso ko. "Tara na, late na tayo! Hihihi!"

-6-

***6***

Nalasahan ko na naman ang likido sa labi ko. Pinunasan ko ito gamit ang hinlalaki
ko saka ako nagpatuloy na sa paglalakad sa madilim na subdivision namin. Alas dos
na ng madaling araw, at kagagaling ko lang sa underground fight namin. Napasabak
ako sa isang laban, and fortunately, I won the fight. Katumbas ng pasa na natanggap
ko ay ang isang Honda Civic na sasakyan. Ipinaubaya ko muna kay Jake, malamang kasi
ay babarilin na naman ako ng katanungan ng mahal kong tatay 'pag may inuwi akong
kotse.

Pagpasok na pagpasok ko sa gate ng bahay namin ay napakunot-noo ako. Bakit bukas


ang main door? Baka nakalimutan lang isarado. Pagkapasok ko ay ni-lock ko na ang
pinto pero naramdaman ko na may nagmamasid sa akin kaya hindi muna ako lumingon.
Nakapatay pa naman ang mga ilaw at tanging dim lights lang ang naka-on.

"Bakit ngayon ka lang?"

Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga bago ko siya harapin. I saw him
sitting on the stair case. Kahit reflection lang niya ang nakikita ko ay kilala ko
pa rin siya. Bibigyan niya ba ako ng early breakfast? "Alam mo na naman, dad diba?
Ba't mo pa tinatanong?" Lumakad na ako paakyat at lalagpasan na sana siya kaso
narinig ko siyang nagsalita ulit. Dahil dun ay napakuyom ang kamao ko.

"Let's talk..." I heard him heave out a sigh. "Son..."

Son? Did I hear him right? After hearing him call me his son, para bang nanlambot
ako. I unconsciously released my fist and bowed my head.

"Alexander, umupo ka muna. It'll take only few minutes."

I sighed and sat on the step I'm standing. Dalawang baitang ang taas niya sa akin
kaya siya ang nakakakita sa akin. Ako naman ay nakayuko lang at nakatingin sa
sapatos ko. Nakatalikod sa kanya.

"I know I'm giving you a hard time since..." he paused for awhile before
proceeding. "Since the accident happened."

Accident? Wow, he considered that an accident now. What made him changed his mind?
He thought that it was my fault.

"Mali ako na isinisi ko sayo ang lahat. Hindi ko lang talaga matanggap na nawalan
ako ng anak." Napapikit nalang ako sa sinabi niya. I also felt a lump on my throat.
Sh*t, napakavulnerable mo talaga Alex pagdating kay Alexis.

"P-pero nawalan din naman kami ng kapatid ni Ate Alexa."

"I know. Sorry for treating you like a sh*t. Patawarin mo rin ako kung hindi ako
naging mabuting ama sayo. Hanggang ngayon kasi hindi maalis sa isip ko na---" He
sighed. "Please give me another chance to be a good father to you. Susubukan kong
magbago. Susubukan kong ibalik ang sigla ng pamilya natin katulad ng dati.
Nahihirapan na rin kasi ako na gumising araw-araw na may sama ng loob. Nagsasawa na
ako."

Yun ang mga salitang hinihiling ko na sabihin ng tatay ko. Tumayo na ako at lumapit
sa kanya. Then I gave him a son-to-father hug. After 6 long years, ngayon ko lang
naramdaman na may tatay ako. Sa yakap naming ito, sa isang iglap lang nawala lahat
ng hinanakit ko sa kanya.

"I missed you, dad...."

"Sorry, son. I missed you, too."

***

Simula nung nagkaayos kami ni dad, parang bumalik na ang sigla ng bahay namin. Dad
tried his best to spend quality time with mom and me. He even contacted Ate Alexa
in the States to come home for awhile. Hindi pa nga makapaniwala si Ate Alexa na
ayos na kami kaya tumawag pa siya sa akin para masiguro. The main reason why Ate
decided to study abroad is because she couldn't stand living in a house full of
agony and pain.
"Alex... Alex... Alex...." Napatingin ako sa humihila ng sleeve ko. Sino pa nga ba?
"Bakit ka nakangiti? Naks! You look so happy today bestfriend!"

Monday na naman. First day of classes of the week. Ilang araw na rin ang nakalipas
nung nagbati kami ni Dad. Hindi ko naman nakwento kay Fatima yun kasi out-of-reach
siya nung weekend. Kung bakit? Ewan ko.

Umiwas lang ako ng tingin saka ko inayos ang gamit ko. Kahit anong gawin ko sa
sarili ko, hindi ko talaga maalis ang ngiti ko. "'Wag mo na nga akong pansinin.
Magreview ka nalang dyan. Bukas na pa naman ang exams niyo." Palusot ko nalang.

Dahil break time naman ay walang masyadong tao sa classroom. Malamang nasa labas
ang mga classmates namin. Kami kasi ni Fatima ay dito nalang kumain sa room para
malamig at nag-uumpisa na rin kasi siyang magreview. Hindi raw kasi siya
nakapagreview nung weekend kasi may pinuntahan sila.

"Fatima, san kayo nagpunta at bat di ka man lang nakapagreview?" Tanong ko habang
nagbabasa-basa na rin sa Asian History.

"Ah... May dinalaw lang kami." Sagot naman niya. "Ikaw, ba't ka masaya? Kanina ka
pa nakangiti dyan eh! Siguro may crush ka na noh? Uyyyyyy!" Sinusundot-sundot niya
ang tagiliran ko.

Tinampal ko nga ang kamay. Nakalimutan yata nito na lalaki ako. "Crush ka dyan.
Crush lang ba ang pwedeng dahilan kung bakit sumasaya ang tao?" Seryosong sabi ko
pero takte, napapangiti na naman.

Tinitigan naman niya ako ng mabuti. Naconscious ako kaya iniiwas ko ang mukha ko.
"Hindi naman pero kasi normal sa edad natin na magkacrush diba? Ah, basta!" Saka
siya yumuko na at nagpatuloy na sa pagsusulat. Anong sabi niya? Crush?

"Normal nga, pero ikaw may crush ka ba?" Tanong ko. Nacucurious din naman ako sa
babaeng ito. Kahit kailan kasi ay 'di siya nag-sasabi sa'kin kung anong tingin niya
sa mga classmates namin. Wala akong maisip kung sinong gusto niya.

"W-Wala ah~ mag-review ka na nga!" At ako pa ang pinag-review. Psh.

"Bahala ka..." I mumbled to myself then resumed on what I was reading. Pero dahil
sa likas na madaldal si Fatima ay hindi na naman nakatiis na hindi manahimik.

"Ang crush ay paghanga diba? Oo, may crush ako pero secret kung sino yun."

Napatingin naman ako sa kanya. "Eh sino nga?" Napansin ko naman na parang
natataranta siya sa pagsulat. Halatang malala ang tama nito sa crush niya. Sino
kaya yun? "Uy, sino nga?"

"Secret nga. Aasarin mo lang ako eh."

"Ewan ko sayo..."

Natapos na ang recess time pero nagrereview pa rin kami. Hindi na kasi nagdiscuss
ang mga teacher namin. Next week nalang daw para sakop ng first periodical test.
Baka daw kasi maguluhan kami sa lessons kaya hinayaan nalang kami na magreview.

"Alex... Alex..." Tumingin naman ako sa kanya. Immune na ako sa kaka-Alex nyan sa
akin. Hindi mabubuo ang araw ko kapag 'di ko marinig na tawagin niya ang pangalan
ko. Psh. "No permit, no exam policy diba?" I nodded lazily. "Okay..."
"Bakit?"

"Wala lang. Nagtanong lang." Nakangiting sabi. "By the way, may itatanong ako
sayo."

"Ano yun?"

She smiled widely then leaned closer to me. "Bakit ka masaya?"

My brows formed a straight line. "Hindi ka rin makulit noh?" I asked sarcastically.
At dahil si Fatima siya, she just giggled.

"Hihihihi... Bakit nga?"

I shook my head in amusement and smiled. "My wildest dream became true."

"Woah! Ayos na kayo ng dad mo?"

"Yes..."

"Wow, I'm so happy for you. Lagi kong sinasama sa prayers ko na magkaayos na kayo."
Then she beamed.

"Thank you, Grace." I said then messed her hair.

"Hihihihi!"

Two days ding wala akong pasok. Tuesday and Wednesday kasi ang examination day for
girls. Tinext ko lang si Fatima ng 'goodluck' kanina pero ang reply lang niya ay
isang tumataginting na smiley. Weird. She never texted me that way. Laging nobela
ang text niya sa akin eh. Ah, baka nagrereview lang.

I spent my days reviewing the scope of the exams. Nahawa na yata talaga ako kay
Fatima na puro basa lang ang inaatupag. Kahit ano kasing yaya sa akin ng X9 na
lumabas ay hindi ako pumapayag. Parang may kung anong humihila sa akin para
magbasa.

"Anak, magmiryenda ka muna. Kanina ka pa dyan eh. Baka naman malagpasan mo na ang
TOP1 niyo dyan ah. Baka maging TOP 0 ka na ah? Hahaha," narinig kong sabi ni Mommy
habang nilalapag ang tray sa study table ko.

Nilapag ko muna ang librong binabasa ko. "Ngayon lang po ako sinipag mom." Saka ako
kumuha ng cupcake at isinubo iyon. "Thanks, mom."

Ngumiti naman siya sa akin saka siya umupo sa sofa katapat ko. "Mukhang good
influence yang bestfriend mo ah." Habang sinasabi niya ang salitang bestfriend ay
nagquote sign pa siya sa kamay niya saka siya tumawa.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin dun eh. She doesn't believe that we're just
friends. Kung sa bagay, marami nga nagsabi na mukhang more than friends nga daw
kami, maging ang X10. "She's just my bestfriend."

"I didn't say anything. Diba sabi ko bestfriend mo nga?" Tumawa na naman siya.
"Kamusta na pala siya?"

I smiled warmly. "She's fine, mom. Makulit at madaldal pa rin."

"Hindi kaya magkadevelopan kayo nung bestfriend mo? Hindi imposible!"


Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "No, mom! 'Di yun mangyayari. Parang
kapatid nalang ang turing ko kay Fatima."

She smiled to me mischiviously. "Yeah right. Ganyan din ang sinabi ng dad mo sa mga
kaibigan namin dati. Na kesyo, I'm like a sister to her lang daw... But mind you,
nagkaroon pa kami ng tatlong anak hahaha!"

I frowned in disbelief. "Ma, iba naman kasi yung inyo eh."

She giggled childishly and stood up. "Blah blah blah! Hindi mo alam kung anong
mangyayari in the future. Baka nga 'di mo alam na may crush ka na sa bestfriend mo
eh." Then she stepped out of the room.

Ako? May crush kay Fatima Grace? Hahaha!

***

Thursday. Dumating na ang unang araw ng exams para sa mga lalaki. Dahil sa
nakapagreview naman ako ng maayos sa dalawang araw na walang pasok ay medyo
confident ako.

"Dude, alam na. Pakopya mamaya ah? Hahaha!" Sabi ni Wayne kay Arthur, ang genius ng
X10. Napailing na lang ito at lumapit sa akin.

"Ikaw ba dude? Nakapagreview ka na?" Tanong ni Arthur sa akin habang sumasabay


silang siyam sa paglalakad sa akin papunta sa classroom.

"Oo, kaya nga hindi ako sumama sa inyo ng dalawang araw para naman makapag-aral
ako." Bored na sagot ko.

"Nakakatamad mag-review. Tss." Iritadong sabi ni Kurt.

"Ako rin tinatamad magsulat ng reviewer, lectures at kung ano-ano pa. Kaya naman
tinatamad din magreview." Cold na sabi ni Dustin.

"Pinilit nga lang ako ni Mama na magreview kagabi eh. Napingot pa ako ng waaaala~
pero mahal ko pa rin si Mama kahit minsan may tililing yun." Medyo pabulong na sabi
naman ni Toffer.

"Tinatamad kayo sa ngayon. Tignan nalang natin kapag nagbigayan na ng class cards.
Malamang sasabunin na naman kayo ng sermon ng mga parents niyo." Medyo natatawa
kong pangaral sa kanila.

"Woah! Ikaw ba yun, Alexander? Wow, great." Si Jake naman yan.

Napayuko nalang ako at napangiti. Pakialam nila. Eh sa hindi makaget over eh.
Natutuwa ako dahil tuloy-tuloy na nagiging masaya ako. "My dad and I are okay now."
I murmured to them.

"Wow, we're happy for you."

1:30PM. Start na ng examination. Naidistribute na ang mga test papers sa amin


individually nang bigla nalang may tumawag sa adviser namin at pinapunta ito sa
registrar's office. Dahil dun ay lumabas muna siya at nagbilin sa isang co-teacher
na bantayan muna kami.

1st subject, English. Madali ko na itong nasagutan dahil naituro na rin naman ito
sa amin nung 1st year pa kami. Parang narecall nalang ang progressive tenses sa
amin. After a couple of minutes ay nakabalik na rin ang adviser namin. Hindi na ako
nag-aksayang tingnan siya, basta madali na akong makatapos sa subject na ito.

"Sa'n mo gustong umupo, Miss Eugenio?"

Pero sa pagkakataong ito ay dali-dali akong napaangat ang ulo. Teka, si Fatima
nandito? Bakit?

"Ma'am, I want to sit near my bestfriend nalang po."

"Okay, you may sit there."

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan habang tinutungo niya ang upuan sa kaliwa ko. She
just smiled at me na para bang ordinary day lang ito. Dahil sa curious ako kung
bakit siya nakikisabay sa boys na magtake ng exams ay binulungan ko siya.
Kalahating dipa pa naman ang layo ng upuan ko sa kanya.

"Pssst..." Lumingon naman siya. "Bakit ngayon ka lang nag-exam? Diba sabay ka sa
girls, Monday to Tuesday?" Bulong ko.

"No permit, no exams policy."

"So?"

She shrugged her shoulders. "I didn't pay my tuition fee for this month that's why
they didn't give me a permit to take exams. Kanina lang ako nagbayad kaya ngayon
lang ako mag-eexam."

Napakunot-noo na naman ako. Siya? Hindi nakapagbayad ng tuition fee? Impossible.


Ang yaman-yaman eh. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla kaming sitahin ng
adviser namin.

"Ms. Eugenio and Mr. De Silva, kung gusto niyong magkamustahan, ibalik niyo na sa
akin ang mga test papers niyo at lumabas na kayo."

***

RECESS

"Ayaw maniwala nito! Sabi ngang hindi ako nakapagbayad ng tuition fee kaya hindi
ako binigyan ng permit eh." Natatawang sabi niya saka siya sumubo sa baon niyang
maki.

"Weh?" I gave him my unbelieving look. "Hindi bumenta Grace. Try again."

Hinampas niya naman ng mahina ang braso ko saka siya tumawa. "Joke lang. Sinadya
kong hindi ibayad yung tuition fee ko last week para naman hindi ako bigyan ng
permit. Ayoko kasing sumabay sa girls kasi wala akong ka-close eh!!"

Napangiwi naman ako sa tining ng boses niya. "Fine, ayaw mo talagang humiwalay sa
akin eh noh?" Natatawang sabi ko. "Kaya pala nung tinext kita nung Tuesday ng
goodluck, smiley lang ang reply mo."

"Tomaaaaaa! Hihihihi..."

Nang magresume na ulit kami sa examination ay hindi na ulit kami nag-usap ni


Fatima. Galit-galit daw muna sabi niya para daw makapagconcentrate sa pagsasagot.
Napansin ko na may nalaglag na papel sa harapan ni Fatima. Inabot niya yun pero
maya-maya lang ay biglang may umagaw sa kapirasong papel. Pagkatingin ko ay ang
advicer pala namin. Mukhang galit na galit habang binabasa ang nakasulat dun.
"Ms. Eugenio! Kodigo 'to ah?!" Inilagay niya sa bulsa ng uniform niya ang kodigo
saka niya tinignan ng masama si Fatima. Putek! Kilala ko si Fatima, hindi yan
nangongodigo. "Come with me... Principal's office..."

"Pero Ma'am, hindi po sakin yan..." Fatima reasoned.

"Dun ka na magpaliwanag. Let's go."

Wala ng nagawa si Fatima kundi ang tumayo pero bago pa sila makalabas ng pinto ay
tumayo na ako. "I'm coming with you. Sa akin yang kodigo. Nalaglag ko lang." Saka
ako naglakad palapit sa kanila. "Wala pong kasalanan si Fatima kaya ako nalang ang
isama ninyo, Ma'am."

Nakatingin lang sa'kin si Fatima ng seryoso pero umiling din siya at humarap sa
adviser namin. "Ma'am, actually ako po talaga. Huwag po kayong maniwala kay
Alexander!"

"No, that's mine. Sa akin po yung kodigo kaya ako ang may kasalanan." Sabi ko naman
na may diin pa sa bawat salita. Hindi na maipinta ang mukha ng adviser namin.
Malamang gulong-gulo na siya.

"No, Ma'am. Wag po kayong maniwala sa kanya! Ako po talaga. Actually, kaya po niya
sinasabi na sa kanya kasi inooffer ko sa kanya yang kodigo kaso tumatanggi siya."

Napansin naman namin na nagkakagulo na ang buong klase. Tinatake advantage na pala
nila ang pagkaabala namin dito kaya nakakapagkopyahan at tanungan na sila.

"BOTH OF YOU IN THE PRINCIPAL'S OFFICE NOW!!"

On the way to Principal's office ay tahimik lang kaming dalawa ni Fatima. Ni hindi
kami nagbubulungan pero tingin ko ay kinakabahan na siya. First time siguro. Ako
naman, suki na dito. Kaya immune na ako. Nang makapunta na kami sa office ay
katulad lang din sa classroom ang explanation namin. Inaako niya, inaako ko rin
kaya naman naiinis na sa amin ang Principal. Epic nga ang mukha eh. Iisa lang ang
expression.

"Alam niyo bang seryoso yang ginawa mo, Fatima?"

"Ma'am, pero ako nga po. Hindi naman ------"

"Ako talaga po-----"

"ENOUGH! Tatawagan ko nalang ang mga parents niyo." Pagalit na sabi ng Principal.
"De silva and... what's your full name miss?"

Napatingin ako kay Fatima. Kinakagat na naman niya ang kuko niya kaya tinampal ko
ng mahina. Lagi naman ako ang nag-gaganyan eh. "F-Fatima Grace Eugenio po."

"Bukas na bukas din, gusto kong makausap ang parents niyo."

Bigla naman inangat ni Fatima ang ulo niya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa
desk. "Ma'am, please don't. Ayoko pong maabala sina Mama. Marami na po silang
iniisip tapos dadagdagan ko pa. Please po, I will do anything wag niyo lang pong
patawag sina Mama." Nanginginig na yung boses niya. Kung bat naman kasi inako niya!

The principal sighed then closed her folder she was holding. "Okay, Detention.
Community service for two Saturdays. Kayong dalawa ni Alexander."
I saw a small smile formed Fatima's lips. Not bad. Kung siya naman ang makakasama
ko. I'll surely enjoy my detention with her.

-7-

***7***

10AM, Saturday. Sinabihan kami ng principal na pumunta ng 10AM dito sa E.H.A. Dahil
hindi pa dumadating si Fatima ay umupo nalang ako sa long bench sa may hallway,
malapit sa entrance. Okay na ditong maghintay para makita ko kaagad siya pagdating.

Naging maayos naman ang examination namin noong Thursday and Friday. Medyo hindi na
ako nangamote sa pagsasagot dahil nagreview naman ako. Mas mabuti talaga ang may
inaral ka kesa wala kang maisagot sa exams. Yung tungkol sa kodigo? Alam ko na kung
kanino galing yun.

~~

"Alex, 'wag niyo ng gawin yung detention."

Napatingin ako kay Wayne ng seryoso. Siya naman ay pakamot-kamot lang sa ulo niya
habang nakaupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa apartment, naglilibang. Tutal,
wala na naman proproblemahin na gawain. Tapos na ang exams eh.

"Bakit? May alam ka ba kung kanino ang kodigo na yun?"

May inilabas siyang kapirasong papel mula sa bulsa niya saka niya inabot sa akin.
"Sa akin talaga yun eh. Pasensya na, tsk!"

Halos nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Tinulak ko siya sa braso pero
hindi naman kalakasan, "Eh bakit hindi mo inamin kahapon? Leche ka! Alam mo bang
muntikan ng ipatawag ang magulang ni Fatima kahapon?"

"'Di ko naman alam na aabot sa ganun yun eh. Sasabihin ko na sana kaso----" Hindi
ko na siya pinatapos sa pagsasalita basta tumayo na ako at pumunta na sa pintuan
para lumabas. "Alexander, naman oh! Kinokonsensya ako ng waaala~ Ako na ang gagawa
ng detention niyo bukas!"

Pinihit ko na ang doorknob at hindi na lumingon sa kanya.

"Okay lang... Fatima and I will do it together."

~~

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit hindi ko hinayaan nalang
si Wayne na gumawa ng community service na 'to. Siya naman ang may kasalanan at
willing siya na ang magkaroon ng detention, kaso ako naman itong parang ewan lang
na inako nalang. Okay lang, wala naman akong gagawin ngayon at isa pa, si Fatima
naman ang kasama ko.

"ALEX! ALEX!" Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Fatima na tumatakbo


palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko saka niya ako nginitian. "Good morning,
Aleeeeeex."

"Morning..." I greeted back in a lazy tone then looked at my wrist watch. 10:12AM
na. "Bat ngayon ka lang?"

"Wala kasing maghahatid sa akin dito. Muntik na nga akong hindi payagan eh, kasi
nga naman daw ano daw ang gagawin ko dito sa school. Sabado na Sabado." Sinasabi
niya yun habang inaayos ang pig-tail hair niya. "Buti nga pinayagan ako eh."

"Oh, anong dinahilan mo? Sinabi mo bang may detention ka?"

She just gave an unbelieving look then rolled her eyes, "'Pag sinabi kong may
detention ako, edi parang hinayaan ko na rin ang principal na ipatawag ang parents
ko. So, I just lied to them." Tumingin siya sa akin saka siya ngumuso. "Minsan lang
akong magsinungaling, Alex! Kailangan mo akong samahan mamaya sa simbahan."

Samahan sa simbahan? Napakarelihiyoso naman ng babaeng ito. Bagay na bagay talaga


sa kanya ang pangalan niya. I just shot him the 'are you kidding' look.

"Simbahan? Ano'ng gagawin mo dun? Sabado pa lang ah. Bukas pa ang simba."

"Eeeeeeeh! Nagsinungaling ako sa parents ko. Magbabawas ako ng kasalanan!" Saka


niya hinawakan yung braso ko. Napatingin tuloy ako dun. "Please?!"

Inalis ko naman ang pagkakakapit niya sa braso ko saka ako tumingin sa harap ko.
"That was just a white lie. You didn't want them to worry about you kaya mo yun
ginawa. At isa pa, hindi naman ikaw ang may kasalanan nun. Hindi naman sayo ang
kodigo eh."

"Kahit na! A lie is still a lie. Kaya kailangan mo akong samahan sa simbahan mamaya
kasi ikaw ang maghahatid sa akin mamaya sa bahay! Yieeeeee! Magjijeep ulit tayo."

Yeah right. May point siya. A lie is still a lie and Fatima is Fatima. Pambiharang
babaeng ito.

Tumayo na ako saka ko siya hinarap. "Tara na, hanapin na natin si Mang Cardo nang
makapag-umpisa na tayo."

Tumayo naman siya saka siya kumapit na naman sa braso ko. "Dali na! Samahan mo na
ako mamaya sa simbahan. Saglit lang tayo promise!" She's giving me her puppy-face-
look while shaking my arm. Nagpapapadyak pa siya habang ginagawa yun.

Ugh, what kind of girl is this?

"Ang kulit mo talaga... Oo na... Oo na!"

***

"Linisin niyo daw yung CR ng girls at boys sa second floor ng Ignazio Building.
Tapos daw i-trim nyo yung mga damo sa may garden."

"WHAT?!" Ako? I mean kami ni Fatima, maglilinis ng CR?! What the hell!

"Yan yung ibinilin ni Mrs. Salcedo na ipagawa sa inyo..." Sabi ni Mang Cardo saka
ito yumuko. "Pasalamat nga ho kayo at sinabi kong yung mga damo nalang sa garden
ang i-trim niyo kesa sa open field."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sagutin ang matandang ito. Kaysa sa sagutin
siya, tatanggapin ko nalang kesa sa madagdagan ang detention namin. "Wow, thank
you." Note the sarcasm.

"Thank you po, Manong." Narinig kong sabi ni Fatima sa janitor saka niya hinila ang
sleeve ko. "Tara na, Alexander. Mag-umpisa na tayo para maaga na tayong matapos."

"Tsk!" Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palayo. Narinig ko pa si Fatima


na kinakausap yung janitor.

"Manong, san nga po pala yung mga panlinis na gagamitin namin?" Saka siya sumigaw,
"ALEX! WAIT LANG NAMAN!" Huminto naman ako saka ko siya nilingon. Nakita kong may
inaabot ang janitor sa kanya na tig dalawang balde, mop, at kung ano-ano pang gamit
panlinis. "Tulungan mo naman ako dito, Alex."

Hindi na kami nagsayang ng oras. Dumiretso na kami sa Ignazio Building at hinanap


na ang comfort room sa second floor. Hindi naman ako pamilyar sa building na ito
kasi bihira lang ako mapadpad dito. Sa third at fourth year highschool kasi itong
department na ito.

"Alex, pik pak boom tayo."

As usual ay pinagkunutan ko lang siya ng noo. Ano na namang kabaliwan ito? "What
for?"

"'Pag nanalo ka, ang una nating lilinisin ay ang CR ng boys. Pag nanalo naman ako,
yung girls naman ang uunahin. Game?" Ngiting-ngiting sabi niya.

Inalapag ko muna ang dalawang balde sa sahig. Nasa tapat na kasi kami ng CR ngayon.
What's the difference kung anong uunahin naming lilinisin? Tss. Hindi ko nalang
siya sinagot, basta kinuha ko nalang ang rubber gloves sa loob ng balde at inabot
sa kanya.

"Isuot mo na yan kesa maglaro pa tayo." I said lazily while wearing mine. Siya
naman ay nakatitig lang sa gloves niya kaya kinuha ko na yun at ako na ang nagsuot
sa kanya. "Boys' CR muna..."

"Pik pak boom na muna! Bato-Bato pik! Rock, paper, scissors!"

"Boys na muna... Hindi naman masyadong makalat dun compare sa girls." Medyo
naiiritang sabi ko.

"Eeeeh! Girls nalang, hindi ako sanay pumasok sa CR ng boys." Saka siya nag-cross
arms at sinimangutan pa ako. Ang gara din nitong babaeng ito eh.

"No, boys muna. Mas lalo na ako. I've never entered a girl's restroom."

"Bato-bato pik na kaseee~" She stompped her feet, as if she's throwing tantrums at
me. Nice side of her. Tss.

"Fine... If I win, we'll clean the boys' comfort room first. If you win, we'll
clean the girl's restroom." Saka ko itinapat sa kanya ang nakatikom kong kamao. She
smiled triumphantly and extended her fist to me.

"Bato bato pik!!"

I smiled in victory, siya naman ay napanguso lang at nagkunot-noo. Bato ang akin,
gunting ang kanya. "Pa'no ba yan, panalo ako."

"Eh 'di congratulations!!!" Itinaas niya pa yung kamay niya saka siya ngumiti ng
malapad. Napatawa tuloy ako sa ginawa niya pero nabalik na naman sa pagkunot-noo ko
nang kinuha niya ang isang balde at pumasok na sa girl's CR. "Girl's restroom first
hihihi!"

"Ang daya mo! Ako ang nanalo ah..." Sinundan ko na siya sa loob ng CR ng girls
bitbit-bitbit ang balde at mop ko. Nahuli ko naman siya sa loob na para bang ini-
examine ang buong CR. "Oy, boys muna..."

"Amp! Parehas lang naman yun kung anong uunahin. Tsaka isa pa, damay ka lang naman
dito. Ako dapat ang masusunod kasi para sa akin naman itong detention eh," Humarap
siya sa akin at ngumiti. "Anong una nating gagawin?"

"Bah! Malay ko... Unang beses ko pa lang na maglinis ng C.R eh." I said
irritatingly. Ako daw ang damay, eh parehas lang naman kami. As if it was her
fault.

"Ako din. Pero common sense nalang siguro ang dapat nating pairalin." She wandered
her eyes around the room, seems she's looking for something. At nang parang nakita
na niya ang hinahanap niya ay kinuha niya ang balde at lumapit sa may corner ng mga
sink. Lumapit naman ako dun, dun ko lang nakita na may gripo dun at sinasahod niya
ang balde.

"Anong unang step?" I asked.

"I-scrub muna natin ang tiles gamit ang sabon. After that, i-ririnse na natin.
Syempre, basang-basa naman ang sahig nun diba? Kaya pagkatapos nun ay papatuyuin
naman natin gamit ang mop." Then she smiled brightly na para bang napakadali ng
gagawin namin.

"Pa'no yung mga toilet bowls?"

"Oo nga pala noh?" She holds her temple as if she's thinking. "Well, before
scrubing the tiles, uunahin muna natin linisin ang toilet bowls. Dahil may 6
cubicles dito, tig-tatlo tayo para fair for the both of us!"

Sinimulan na namin ang mga dapat naming gawin. As she has said, tig-tatlo nga
kaming cubicles. Pero dahil si Fatima ang kasama ko, syempre with matching story-
telling ang paglilinis namin.

Habang kinukuskos namin ang tiles sa sahig by means of a scrub (built-like mop na
scrub) ay nagkwekwento siya. Nakapwesto ako sa may bandang pinto, siya naman ay
nasa aisle.

"Never pa akong na-principal's office, Alex. Malamang kasi home-schooled ako. Pero
enjoy naman kasi bago sa akin ito." Then she giggled like a kid. Binuhusan na naman
niya ng tubig na may halong sabon ang tiles saka niya kinuskos ulit nung scrub.

"Pero bakit mo inako yung kodigo, eh di naman sayo yun?" Tanong ko naman sa kanya.
Instead of cleaning quietly here, makikipagcooperate nalang ako sa story-telling
niya.

"Sasabihin ko naman kay Ma'am na hindi sa akin yung kodigo kaso sumingit ka. Okay
na ako nalang ang mapagalitan kaysa naman ikaw. Makokonsensya naman ako kasi hindi
naman sayo yung kodigo eh!"

Tumigil ako sa pagscrub saka ko hinawakan ang stick nito at tinignan siya ng
suspiscious. "Pa'no mo naman nasabing hindi sa akin yun?"

She stops from scrubbing then shot me the look. "I just knew it."
Nagkatinginan lang kami ng ilang segundo bago ko maisipan na ipagpatuloy na ang
pag-iiscrub ko. "Eh ano namang dinahilan mo sa parents mo para payagan ka na
pumunta dito sa school?"

"Hmm... I just told them na may pinapagawa sa atin yung adviser natin. Sabi ko na
nagvolunteer tayo na i-decorate yung room natin. Hihihihi..."

Nakatapos na rin kami sa paglilinis ng dalawang C.Rs. Dahil sa na ka-two hours din
kami ni Fatima sa paglilinis ng banyo ay nagpahinga muna kami at kumain ng lunch sa
pinakamalapit na fastfood-chain. Ang Jollibee.

"Libre mo 'to, Alex?" She asked while getting the plate of Fried chicken and rice.
May fries pa akong inorder at dalawang regular coke. Nakakagutom maglinis eh.

"Oo, ayaw mo ba?" I asked back in a bored tone.

"Syempre, gusto!" She exclaimed happily, and then I noticed that she closed her
eyes and did the sign of the cross. "Okay, let's eat."

I can't help myself to smile. This girl is something. Napakapambihira niyang babae.
Kung i-dedescribe ko ang ugali niya sa mahigit one month naming pagkakaibigan,
she's kind, sweet, helpful, sincere and a very optimistic girl.

"Oh? Why are you staring at me, Alex?" Pinunas-punasan niya ang gilid ng labi niya
consciously. "May dumi ba ako sa mukha?"

Dun lang ako natauhan. Shet. Natulala na ako sa kanya. "W-wala. Napansin ko lang na
ang cute mong kumain. Ang hinhin mo."

"That's how a real lady acts." Then she winked at me. I don't know why but after
she winked ay napaiwas ako ng tingin saka ako lumagok ng tuloy-tuloy sa coke ko.

Strange feeling.

***

Pagkatapos naming kumain ng lunch namin ay nagpahinga muna kami saglit ni Fatima.
Knowing Fatima, she's a health conscious. Baka daw kasi magka-appendicitis kami
'pag naglililikot kami after naming kumain. Busog pa naman daw kami. Binigay na rin
sa amin ng gardener yung grass cutter na gagamitin. Napabuntong-hininga nalang ako
sa inis. Ang swerte nila. Tss.

"What's with the sigh, Alex?" She asked while smilling. One more thing about her,
she has a sweet smile.

"Ang swerte ng mga hinayupak -------"

"Oh my! Don't say bad words. Ang sakit sa tenga," sabi niya habang tinatakpan ng
dalawang kamay niya ang tenga niya. "Pwede ka naman magsalita ng hindi gumagamit ng
bad words."

I looked weirdly at her, "Tell me honestly, laking kumbento ka ba?"

Binelatan niya lang ako saka siya tumayo na sa pagkakaupo sa bench at pumwesto na
sa pag-titrim ng damo. "Hindi ah. Pero isipin mo nalang na all my life, sa bahay
lang ako nakakulong. Lalabas lang 'pag magsisimba o di kaya'y family day... so,
parang ganun na nga." Saka siya tumawa ng mahina na halata namang hindi totoo.

Tumayo naman ako at lumapit na sa kanya. Medyo may 2 meter away distance kami at
nagsimula na rin akong mag-trim, "Eh bakit hindi ka katulad ng mga ordinaryong bata
na pinag-aaral sa school?"

She just shrugged her shoulders and giggled, "Yan ang tinatanong ko kina Mommy.
Ewan ko ba dun, masyado kasing strict. Buti nga ngayon, pinayagan na ako na mag-
aral dito sa E.H.A." Huminto siya saka siya tumingin sa akin. "Anyway, back to the
topic. Sinong maswerte?"

"Malamang yung janitor at gardeners, nakalibre sa serbisyo ngayon." Saka ko


pinutol-putol na yung mga damo na akala mo ay gigil na gigil.

"Wew? Hayaan mo na. Ang isipin mo nalang, natulungan natin sila. Binigyan natin ng
day-off!" Here she goes again! Playing Little Miss Sunshine. "Didn't you realize?
Ang hirap nung paglilinis ng CR ah! What more pa kaya kung nilinis pa natin ang
ibang rooms dito. Anong mararamdaman mo?"

I gave her my irritating look while still trimming the grass. "Of course, I'll get
tired. Ang laki ng E.H.A oh."

"Exactly, ang hirap ng trabaho nila diba? That's why they deserve to have a day-
off. Nakakaawa nga sila eh!" She said while pouting.

Nawiwirduhan na talaga ako sa babaeng ito. May pananaw siya lagi sa lahat ng bagay.
"Bakit ka naman naaawa? Trabaho naman nila yun."

"Eh kasi naman, yung mga estudyante eh tapon dito, tapon doon. All they think is
may naglilinis naman kaya kahit magkalat sila okay lang. Hindi nila alam na hindi
biro maglinis ng buong campus. Tayo pa nga lang eh CR lang nalinis natin pati na
rin ang pagtitrim pero nahihirapan na tayo. "

I chuckled on what she said. She's really damn right. Hindi ko alam kung inuuto
lang niya ako pero tingin ko lahat ng sinasabi niya ay tama. Lagi akong sumasang-
ayon. "Yeah right..."

Mabilis na rin kaming natapos sa pag-gagrass cutting. Mas okay talaga kapag may
kasamang kwento sa ganito kasi nalilibang ako at 'di ko na iniisip kung anong oras
na. I really enjoyed my detention with her. Naghugas muna kami ng kamay namin sa
may gripo sa may garden hose saka kami nagpaalam na kay Mang Cardo na aalis na
kami.

Naglalakad na kami sa hallway, daan palabas ng E.H.A nang magsalita na naman siya.

"Alex, basketball player pala si Russel?" Napatingin ako sa tinitignan niya. May
makakasalubong pala kaming grupo ng mga lalaki. Mga varsity players ito for our
school's basketball team. Si Russel ay classmate namin.

"Yeah, obviously. Mag-prapractice yata." Sagot ko saka ko pinatong ang kaliwang


kamay ko sa balikat niya. No malice, just a friendly gesture.

"Wow..." She murmured in amusement. Napatingin tuloy ako sa kanya wearing my


confusing expression. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa kanila. Nang medyo
malapit na kami sa kanila ay tumabi lang ang grupo nila Russel saka kami pinadaan.
Malamang, takot ito sa akin, particularly sa X10. Weak.
Napatingin na naman ako kay Fatima. Kahit nakayuko siya ay kita ko pa rin ang
pamumula ng mukha niya. Aha, gotcha. Fatima's got a crush on him.

To confirm my conclusion, I tapped Russel's shoulders when we got closer to them.


Mukha naman siyang nagulat but eventually ay ngumiti din siya. Malamang, 'di ko
naman yan pinapansin kahit kailan. Ngayon lang. "Hey, basketball practice dude?"

"Yeah, kayo Alex?" Tumingin siya kay Fatima saka ito ngumiti. "Hello, Fatima."

"H-Hello.. Russel." She smiled back nervously.

"Had our detention. We'll go ahead..."

Tahimik lang kaming lumabas ng E.H.A. Si Fatima naman ay nakayuko lang simula nung
makasalubong namin sina Russel. Wow, ganito pala ito 'pag nakaharap ang crush niya?
Kung sa bagay, ganyan naman ang babae 'pag kinikilig eh.

"Oy, ayos ka lang Fatima?" Hinawakan ko siya sa baba niya at inangat ang ulo niya.
She's still flushing red. Cute... "Hahaha, ang cute mong magblush. Tell me, crush
mo si Russel no'?" Tinitigan ko lang siya pero siya itong nag-iwas ng tingin.

"No, he's not my crush."

Hinarap ko na naman ang ulo niya sa akin. "Eh bakit ka nagblublush dyan? Okay lang
naman na sabihin mo sa akin eh. Ganun naman ang magbestfriend diba?"

Pero pansin ko na hindi siya makatingin ng diretso sa akin, mukhang sa ilong ko


nakatingin eh. "No, no, no. Russel is not my crush."

"Halata na eh..." Natatawang sabi ko. Inalis naman niya yung kamay ko sa baba niya
saka siya tumingin kung saan.

"Punta na tayong simbahan para makapagdasal na ako at makauwi na..." She said
coldly without looking at me. Anong problema nito?

"Hey, are you alright?" Sinilip ko ang mukha niya pero iniiwas lang niya. "Tignan
mo 'to, bakit ka nagagalit sa akin?"

She just shot her brow heavenwards then wrinkled her nose, "I'm not. Pinipilit mo
kasing may crush ako dun, eh wala naman talaga!!!"

Napaatras naman ako ng isang hakbang saka ko inangat ang dalawa kong kamay in
surrender. "Woah! Relax. Masyadong mainit ang ulo mo. Tara na nga dun sa terminal,
sasakay pa tayo ng tricycle." Saka ko siya hinila sa wrist niya para tumawid.

Nung nasa bandang gitna kami ng kalsada ay narinig ko siyang nagsalita, "Sorry,
Alex."

I looked to her with a confusion expression. "Oh, bakit ka nagsosorry?"

"Eh kasi... sinungitan kita." Saka siya yumuko. "Meron kasi ako."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Anong meron sa kanya? "What?"

"Teka, wala ng sasakyan oh. Tawid na tayo dali!" Tumawid naman kami. Ang bagal niya
ngang tumakbo eh. Para bang may mabigat na dinadala. Tss.
"Ang bagal mo naman tumakbo. Tandaan mo, kapag nasa kalsada ka, huwag pabagal-
bagal. Alisto dapat!" I said seriously when we reached the other side of the road.
"Mabilis dapat kumilos."

"Eeeeh... Sorry naman, meron nga po kasi ako." Bulong niya sa akin na hindi naman
kahinaan. Enough for me to hear, nasa kalsada nga kasi kami. Maiingay ang mga
vehicles.

"Ano bang meron sayo?" Medyo naiirita na ako. Hindi pa ako diretsuhin eh. Ano 'to
guessing game?

Hawak ko pa rin siya sa wrist niya kaya tangay-tangay ko siya papunta sa terminal
ng tricycle. Pinauna ko muna siyang sumakay, pagkatapos ay ako.

"Sa church, manong!" Sabi ko sa trike driver saka ako tumingin kay Fatima. "Anong
meron sayo?"

She bowed her head and bit her nails again. What do you expect did I do? Tinampal
ko na naman. "Meron akong ano... Yung ano... Sa babae."

Halos magkasalubong na ang kilay ko sa sinabi niya. Ang labo eh! "Go straight to
the point Miss Eugenio."

She raised her head and looked at me hesitantly. Nakakagat labi pa siya. "Err...
Minsan kasi ang babae kaya masungit, may buwanang-dalaw sila. And I have it right
now." Saka siya yumuko na naman.

Napalayo tuloy ang ulo ko sa kanya. Yun ba yun? Aww, sh*t. "You shouldn't have said
that." Napaiwas ako ng tingin saka ako napailing nalang. Leech, bat ba kasi pinilit
ko pa siya. "I... I understand, may kapatid din akong babae."

There has been an awkward silence on the way to the church. Ito ang mahirap sa may
kaibigang babae eh, may mga topics na hindi maopen up sa opposite sex. Katulad
nalang sa crushes and stuffs, tingin ko naiilang si Fatima na mag-open sa akin ng
mga ganung topics. Iba talaga 'pag girl-to-girl/boy-to-boy talk.

Tinitignan ko lang si Fatima habang nakaluhod dun sa may luhuran dito sa simbahan.
Pinagdaop niya ang dalawa niyang palad at mataimtim na nagdadasal. No doubt,
maganda ang pagpapalaki ng magulang niya sa kanya. Lumaki siyang may takot sa Diyos
at may magandang pananaw sa buhay. Ako? Minsan lang akong dumalaw sa simbahan. Once
a year lang yata. Yeah right, once a year lang naman kung magbirthday diba?

Napansin ko na umupo na si Fatima sa tabi ko saka siya tumingin sa akin. Tapos na


magdasal, obviously. "Hindi ka ba magdadasal, Alex?"

I just showed her my 'are you insane?' look then I shook my head in disbelief. "Ano
naman ipagdadasal ko? Sinamahan lang naman kita dito."

Sinimangutan niya lang ako saka siya tumingin sa harapan namin, ang altar. "There
are lots of things to thank for. You have your life, friends, and especially your
family and many more to mention. Those are considered as blessings from Him."
Seryoso lang ang boses niya na akala mo ay hindi siya ang Fatima na kilala ko. Para
bang nagmature. "And why not say sorry for all the things you've done wrong?"

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. Is this because of what she has right
now? Monthly visitor? Tss. Weird girl.

Tumayo na siya saka siya tumingin sa akin. Nakangiti na siya ngayon. Wow, ang bilis
magpalit ng emotion. "It's not too late to talk to Him. Kung sa bagay, kahit naman
saan o kahit kailan, pwede mo siyang makausap basta ba bukal sa puso mo. Tara na,
hatid mo na ako, Alex. I'm so tired."

Ano daw???

***

Gaya nga ng gusto niya ay sumakay nalang kami sa jeep pauwi sa kanila. Kahit
nawiwirduhan ako sa kanya, enjoy pa rin siyang kasama. Pa'no ba naman kasi sa jeep,
pumwesto siya sa pinakaunahan, malapit sa driver. Ang dahilan? Para daw siya ang
mag-abot ng mga bayad ng mga pasahero. Bumalik na naman ang jolly mood niya na
gustong-gusto ko sa kanya.

Nang makapasok na kami sa subdivision nila ay kwentuhan pa rin kami ng kwentuhan.


Actually, siya lang. Taga-tanong lang naman ako. Ewan ko ba kung paano ko
nasasakyan ang trip ng babaeng ito. Nawiwirduhan na rin ako sa sarili ko eh.

"10 years na kaming nakatira dito sa subdivision na ito pero never ko pang nalibot
ito." She said happily na para bang wala lang sa kanya yun. "Naririnig ko nga na
may playground daw dito, pero never ko man lang nakita yun. Hehehe!"

"Grabe naman ang pagkastrict ng Mama at Papa mo. Kahit kailan ba hindi pumasok sa
utak mo na tumakas man lang?"

She shook her head quickly and smiled at me. Natatanaw ko na ang bahay nila mula
rito kaya binagalan ko muna ang lakad ko. Sumabay naman siya. "No, never. Inexplain
kasi nila Mama sa akin na para sa akin din naman yun. Kaya naiintindihan ko."
Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko saka niya ito tinapik-tapik. "Hindi
naman nila ibibilin sa akin yun kung wala lang diba? Kaya naman sinusunod ko
nalang. Ang tanging kaibigan ko nga lang ay si Yaya, yung teacher ko, books,
internet at phone eh."

Dahil nasa tapat na kami ng bahay nila ay huminto na kami. I messed her hair and
smiled at her warmly. "Glad that we're friends, Grace."

Sincere ako sa sinabi ko. Totoo yun pero tingin ko, kung patuloy lang siya na
malapit sa akin, mananatiling ako lang ang kaibigan niya. Naisip ko kanina, mas
mabuti kung may mga kaibigan siyang babae. Pero pa'no mangyayari yun kung sa akin
siya nakakapit at nakadepende?

"I'm happy that I have a friend like you." Then she smiled sweetly at me. "Natutuwa
nga ako kasi may tiwala sa'yo sina Mama. Pinapayagan nila ako na maexperience yung
mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon kasama ka."

I breathed deeply before pinching her cheek. Halata rin sa kanya ang pagkagulat sa
ginawa ko.

"Pero alam mo Fatima, mas mabuti kung magkaroon ka ng kaibigan bukod sa akin.
Kagaya nga ng sabi mo diba, first time mong makapag-aral sa tunay na school. Why
not take the opportunity to win more friends?" Binitawan ko na ang pisngi niya saka
ko ipinasok ang kamay ko sa bulsa ko. "Mas maganda kung magkaroon ka ng kaibigan,
hindi yung ako lang. Pero hindi yun mangyayari kung sa akin ka nakakapit. Takot nga
sila sa akin diba? Kaya hindi sila makalapit sayo. Masayang magkaroon ng babaeng
kaibigan."

Nakatitig lang siya sa akin ng matagal na para bang pinag-iisipan yung sinabi ko sa
kanya. Mukhang gulat siya na para na rin nagtataka at the same time.
"I'll give you one month para magkaroon ng bagong kaibigan. Don't be too attached
to me. Mas mabuti pang huwag mo muna akong kakausapin para naman may maglakas-loob
na makipagkaibigan sayo." Then I gave her my assuring smile. "You can do it without
me. Nakadepende ka kasi sa akin. Huwag kang matakot na magreach out sa kanila.
They're nice like you. Sila ang bagay na maging kaibigan mo. Don't worry, I'm still
your friend. I'm just giving you a month para mag-explore without me by your side.
Off-switch muna tayo."

Matagal din siyang nanahimik pero ilang saglit lang ay tumango siya at ngumiti sa
akin. Nagulat pa ako nung niyakap niya ako. I hugged her back anyway. Friendly hug
it is.

"I understand, Alex. You're right." She pulled way from the hug and smiled at me
weakly. "One month... Magkakaroon ako ng kaibigan." Tumalikod na siya at umakyat ng
ilang baitang sa hagdan palapit sa gate nila saka siya humarap ulit sa akin. "We
won't talk to each other for a month. One month lang ha?! Off-switch."

"Yeah, one month lang. Off-switch."

***

One month. I'm giving her one month to stand on her own. I'm sure she'll gain lots
of friends when I'm away from her. I meant to say, not literally away. Away in a
sense of not too attached to each other. It's for her sake anyways. Mas magiging
masaya siya kung magkakaroon siya ng maraming kaibigan. Yun kasi ang alam kong
dahilan kung bakit walang nakikipagkaibigan sa kanya. It's because of me. They're
scared of me.

Nakatingin lang ako sa phone ko ng matagal. Usually, may 'goodnight, bestfriend'


text message akong marereceive ng ganitong oras from Fatima. Pero dahil nga sa off
switch namin, malamang hindi na rin siya magtetext sa akin.

Inilagay ko nalang sa ilalim ng unan ko ang phone ko saka ako pumikit. It has been
a tiring yet enjoyable day for me. Masaya, I really had fun.

"There are lots of things to thank for. You have your life, friends, and especially
your family and many more to mention. Those are considered as blessings from Him.
And why not say sorry for all the wrong things you've done?"

"It's not too late to talk to Him. Kung sa bagay, kahit naman saan o kahit kailan,
pwede mo siyang makausap basta ba bukal sa puso mo."

Napamulat ako nang maalala ko ang sinabi na yun ni Fatima. Blessings? Apologize to
Him? Nagpasalamat na ba ako sa Kanya sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay
ko ngayon? Did I apologize for the wrong things I've done in the past?

"Dear God, thanks for giving me wonderful people in my life."


-8-

***8***

1 month, off-switch. Binigyan ko si Fatima ng isang buwan para mag-explore ng mga


bagay-bagay mag-isa. Pero sa nagdaan na isang lingo, parang nagsisi na ako kung bat
ko pa siya binigyan ng ganun. Bakit? Ito lang naman ang nangyari sa isang buong
Linggo.

Monday. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay naabutan kong nasa sariling


upuan na niya si Fatima. Nagsusulat siya sa kanyang notebook kaya hindi niya
napansin ang pag-upo ko sa arm chair sa tabi niya. Napatingin siya sa akin saglit
saka siya ngumiti. Tinanguan ko lang siya bilang pagsagot pagkatapos ay tahimik na
bumalik na siya sa pagsusulat niya. Nakakapanibago pero ayos lang. Para sa kanya
naman yun eh.

Lumipas ang ilang subjects ay ganun lang ang scenario namin ni Fatima.
Magtitinginan lang saglit saka iiwas din. Wala ng imikan.

"Reporting tayo. Pick your partner. At kapag nakahanap na kayo ng partner niyo ay
lumapit kayo sa akin at bubunot kayo ng topic niyo sa bowl na ito," sabi ng teacher
namin sa Biology habang hinahalo ang bowl na hawak niya. Ilang subjects na rin ang
nakalipas at pagkatapos ng subject na ito ay recess na.

Napansin ko na kanya-kanya na ng hanap ang mga classmates ko ng partners nila.


Napatingin ako kay Fatima at akmang kakausapin na siya nang maalala kong off switch
nga pala kami. Tsk. Nasanay na kasi akong siya ang partner ko sa mga ganito.

She looked to me while biting her lower lip. Dahil kilala ko na ang mga ganung
tingin ni Fatima ay alam ko na kung anong ibig sabihin niya dun. On how she looked
at me, she's asking if I could be her partner kaya umiling ako sa kanya.

"Make your move now, Fatima. You can do it..." I encouraged her.

She looked around our classroom, seems like searching for somebody. Tumayo siya at
mabagal na naglakad papunta sa second row kung saan maraming girls. Napangiti
nalang ako nang makita ko siyang kinausap yung mga kaklase kong babae. Halata pa
siyang nahihiya. Pfft! Sa una lang yan tahimik pero 'pag nagtagal na dadaldalin na
kayo niyan.

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko. Pagkalingon ko si Toffer
pala. "Alex, tayo nalang ang partner. Ayoko sa mga kumag na yun eh. Ang gugulo
kausap..."

I nodded lazily and signaled him to sit on Fatima's vacant chair beside me. Umupo
naman siya dun, "T-teka, himala yata at hindi kayo masyadong nag-uusap ngayon ni
Fatima babes. At halata pang hindi kayo magkapartner..."

"Don't call her 'Fatima babes.' Ang laswa lang, dude." I answered boredly while
watching Fatima talking with her new buddies. Mukhang maayos naman sila. "Off-
switch kasi kami."
"Off-switch???" He exclaimed surprisingly kaya kunot-noong tinignan ko siya. OA eh.
"Yung totoo? Kayo na ba?"

"Eh ikaw, g@go ka ba? Inamo pala eh," Iritado kong sabi sa kanya.

"Alexander, para kayong nag-cool off eh. Para saan ba yang off-switch niyong yan?"
Tanong niya habang ipinapatong ang dalawang paa niya sa kaharap na bakanteng arm
chair sa harapan niya.

"Para sa buhay ng nanay at tatay mo..." Pambabara ko sa kanya.

"Ha? Anong kinalaman ng magulang ko dyan?" Nagtatakang tanong niya. Slow din itong
mama's boy na 'to eh.

"Itanong mo sa ina mong nagmamahal sayo."

"Luh! Bat naman kay Mama? Bat 'di nalang kay Papa? Teka, huwag mong agrabyaduhin
ang ina ko. Gusto mo agrabyaduhin ko rin ang ina mo? Walang yurakan ng pagkatao.
Mahal ko ang nanay ko, kaya mahalin mo rin ang nanay mo. Huwag mong dinadamay ang
nanay ko sa off switch niyo ah." Inis niyang sabi.

"Eh ikaw pala magulo kausap eh. Napaghahalataang Mama's boy ka. Alam mo ba yung
namimilosopo? Ako yun eh. Slow mo, g*go."

"Oy, anong nangyayari sa inyo dyan?" Pansin sa amin ni Kurt na nasa likuran namin.

"Bad trip kasi itong si Alexander De Silva." Saka siya tumayo at nag-unat na. "Ako
na ang bubunot ng topic natin."

Nang makaalis na siya ay umub-ob na ako sa desk ko. Makaidlip na nga lang hanggang
sa mag-recess. Nakakatamad at nakakabagot kapag walang nangungulit sa akin.

"Wala na bang bubunot? Lahat ba may partners na?" Narinig kong sabi ni Miss Nevado
ilang minuto na ang nakalipas. Hindi ako makaidlip, ang iingay ng putek eh.
"Faster, class. Mag-tatime na tayo. Kung sino ang nakabunot ng topic for tomorrow
ay sila ang unang magrereport bukas."

May 15 minutes na rin yata ang nakalipas at nakakairita pa rin yung ingay. Halo-
halo ba naman kasing boses ng X9 sa likuran ko na ang lalakas ng boses kasabay ng
mga kaklase kong babae na akala mo ay nag-eeskandalo. Tss! Para na kaming nasa
public market nito!!!

"Sino ang nakabunot ng topic for tomorrow which is The Level Of Organization?"
Narinig kong sabi ni Miss Nevado kaso wala yatang pumansin sa kanya kaya may
pinukpok siya. Kung ano yun, ewan ko. Naka-nap pa rin kasi ako. "Quiet class!
Please pay attention. You may now go back to your seats."

Inangat ko na ang ulo ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko, si Fatima.
Hindi man lang siya tumingin sa akin basta nakatitig lang siya sa may harapan.

"So, sino ang nakabunot ng topic for tomorrow?

Nagtaas naman ng kamay si Russel na nakaupo sa may third row. "Kami po Ma'am..."

"Who's your partner, Mr. Lorenzo?" Miss Nevado asked while taking down notes.

Nakita ko namang lumingon ito si Russel sa banda namin at bahagyang ngumiti. "Si
Miss Fatima Grace Eugenio po..."
I frowned on what he has said. Si Fatima ang kapartner niya? Bat naman sa lahat ng
makakapartner niya ay lalaki pa? Pwede namang babae ah. I looked at Fatima beside
me but I saw her smiling at Russel, too.

"Seriously? Kayo ang magkapartner? Akala ko si----- Oh well, never mind." Komento
ni Miss Nevado at sakto namang nag-bell for our recess. "Russel and Fatima, prepare
your report for tomorrow. You may now take your recess, class."

Habang sila ay nagmamadali ng lumabas ng room, ako naman ay nakunot-noo lang na


nakatingin kay Fatima. Akala ko ba babae ang kapartner nito?

Nagliligpit lang siya ng gamit niya. Magsasalita na sana ako para usisain siya
tungkol dun nang biglang may tatlong babaeng lumapit sa kanya.

"Hi Fatima... Diba sasabay ka sa amin mag-recess? Sabi mo sa amin yun kanina eh,"
Tanong ng kaklase namin na si Lyza Santiago.

"Ah oo, pwede ba?" Nahihiyang sagot naman ni Fatima.

"Sure!!" Masayang sabi ni Lyza kaso napatingin siya sa akin ng naaalangan, "How
about you, Alex? Uhm ayos lang ba sayo na ka------"

"Yeah, I'm with my gang anyway." Sagot ko saka ako tumayo at lumapit na sa X9 sa
likuran. "Tara na, kain na tayo."

Nagkatinginan pa silang walo na parang bang takang-taka. Si Toffer naman ay


natatawa lang, malamang alam na niya eh. Wala rin silang nagawa kundi ang lumabas
na kaya sumunod na ako sa kanila. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng classroom
ay narinig ko pa sina Fatima na nag-uusap.

"Sis, break na kayo ni Alex?"

"Huh? Hindi k-kami ah!"

"Ay, akala namin kayo na. Anyway, that's a good news! Let's go to the cafeteria."

~~~

"Dude naman! Ayoko na nga dun eh. Si Derrick nalang ang isama mo. Babalik na ako sa
rooftop!" Naiinis na sabi ni Toffer. "Pa'no kung magkasakit ako dahil sa pagkain
dun? Mag-aalala si Mama. Ayoko pa namang nag-aalala yun dahil sa akin."

"Sasamahan mo lang naman ako sa cafeteria, Toffer. Eh di wag ka kumain!" Sigaw ko


sa kanya.

"Bakit ba kasi?? Aish naman oh!"

"May babantayan lang ako... Tara na nga!" Sapilitan ko na siyang hinila papunta sa
cafeteria. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito pero kasi may nagtutulak
sa akin na sundan siya... Si Fatima. Pakiramdam ko kasi ay mali ang kinaibigan
niya. Si Lyza? Kabaligtaran ng ugali niya. Kung gaano kabait si Fatima ay
kabaligtaran ng ugali ni Lyza.

The moment we got inside the cafeteria, all of the students went silent. Tss! Wala
naman akong gagawing masama ah. Hindi na nabago ang tingin nila sa akin.

Pinabili ko muna si Toffer ng chips at coke in can saka ko hinanap sa loob ng


cafeteria kung saan nakapwesto sina Fatima. Nang makita ko sila na nasa bandang
center ay pumwesto agad ako sa table sa corner nila. 3 tables apart para hindi ako
mapansin.

"Makikiupo lang ha? Nag-iisa ka naman eh," pasintabi ko sa babaeng nakaupo sa


pwestong iyon. Nagulat naman siya but eventually ay tumango siya at pinagpatuloy na
ang pagkain niya. Mukha naman hindi ako nahalata nila Fatima dahil tuloy-tuloy pa
rin sila sa pagkukuwentuhan.

"Fatima, akala ko talaga boyfriend mo si Alex! By the way, ex-boyfriend ko yung X10
member na si Derrick. Just sayin'," narinig kong sabi ni Lyza. Tss... Yan ang ayaw
ko sa mga babae eh. Tinatratong trophe ang mga lalaki. Kung makapagmayabang siya eh
pinaglaruan lang naman siya ni Derrick.

"Ah, bestfriend ko lang siya..." Narinig kong sabi ni Fatima.

"Ah, I see. By the way sis, you don't have to bring your baon na. Pang elementary
lang yan eh. You know what? You should always come with us para may friends ka na
rin." Narinig kong sabi nung isa. I can't remember her name.

Patuloy lang sila sa pagkukuwentuhan nila nang mahanap na ang pwesto ko ni Toffer.
Agad niyang inabot sa akin yung binili niya tapos ay nakipagkilala siya dun sa
babae na nasa table namin. Hinayaan ko nalang siya para hindi ako madistruct.

"Sis! Guess, who's coming..." Parang kinikilig na sabi ni Lyza. "Si Russel..."
Russel? Agad akong lumingon sa pwesto nila at tama nga, si Russel ang lumapit.
Umupo pa siya sa tabi ni Fatima at may inabot na bottled juice. Bat ganun-ganun
nalang yung pagtabi niya kay Fatima?

"Russel ooh! Diba sabi mo sa amin dati type mo siya?" Lyza teased then the the two
other girls giggled. Si Fatima naman pulang-pula na ang mukha. Tsk! Crush niya kasi
yan eh.

"Wag nga kayong ganyan. Baka mailang na sa akin si Fatima niyan," natatawang sagot
ni Russel. "Diba partner?"

After hearing him called her 'partner' I don't know why but I felt annoyed. Hindi
talaga maganda ang nasamahan ni Fatima na kaibigan. Ipinapain siya sa lalaki eh.

"Fatima, after class, pwedeng mag-usap tayo sa garden? You know, we'll talk about
our report."

"Uh, s-sure..."

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay niyaya ko na si Toffer na lumabas ng cafeteria.


Bahala nga siya! Bat ba ako nangingielam pa sa pagpili niya ng kaibigan? Mas alam
niya ang tama at mali kesa sa akin eh. She can handle herself well.

~~~

Tuesday. Ganun pa rin, walang imikan sa pagitan namin ni Fatima. But this time,
lagi na siyang lumilipat ng upuan. She always sat on the second row beside her new
friends. Nakikita ko na rin siya na nakikisabay sa kwentuhan nila.

Nang dumating na ang Biology subject namin ay agad-agad na tumayo na sa harapan


sina Fatima at Russel. Sila nga pala ang unang magkapartner na magrereport. Hindi
ko na ieelaborate ang nangyari pero sapat ng si Fatima lang ang deserving na bigyan
ng 85% ang grade. Highest kasi sa first grading ang 85% . Taga-basa lang naman si
Russel, samantalang si Fatima naman ang taga-explain.

Nang matapos na ang Biology time ay recess na, nagtaka ako nang lumapit si Russel
kay Fatima habang inaayos nito ang gamit niya.

"Fatima, sabay na tayong kumain. Tara sa gym," yaya ni Russel. Tumayo na ako at
lumapit kina Kurt. Napansin ko naman na nakatingin sila sa pwesto nila Fatima.

"Sige... Teka, ano ba yang dala mo?" Dahil sa tahimik ang room ay narinig ko ang
mahinahong boses ni Fatima.

"Lunch box for the both of us..." Sagot nito. Wow, parang kahapon lang silang
naging magkaibigan tapos pinag-gagawa na ng lunch?

"Dude, bat hindi na ikaw ang kasama niyan?" Bulong sa akin ni Dustin.

Tss. Nawala na ako sa mood kaya naglakad na ako palabas ng room, "Ang babagal niyo.
Tara na nga sa rooftop." And then I slammed the door.

~~~

Wednesday. It was a usual day for me. But somewhat strange, because I saw Russel
walked in the campus with Fatima. Bitbit-bitbit pa nito ang dalang bag ni Fatima sa
balikat niya. Nagtataka na talaga ako kung bakit ganun nalang agad sila ka-close.
Knowing Fatima, parang -------- ay, ewan ko.

The day went well not until after class. Nakita ko kasi Fatima sa may waiting shed
na nakatayo mag-isa. Waiting for her Mom, maybe. Lalapitan ko sana siya para
makausap, forgetting about the off-switch for awhile. Nang makalapit na ako, 2
meters away, ay napabagal ang lakad ko. May kausap kasi siya sa phone. I don't want
to approach her while she's talking on phone. That's kinda rude.

".... Uh, bat mo naman natanong Lyza?.... Hala! Eh bat mo naman alam ang tungkol
dyan?..... Hindi ko alam.. Ang bilis kaya. Nung Monday pa lang kami nagkausap ni
Russel tapos ganito agad?..... Ayoko muna.... Sinabihan ko nga siya na 'wag siyang
magpadalos-dalos eh kaso sabi nga niya na ganun nga.... I don't know if I should
believe him..... He's nice but I don't know him well. At saka ayoko pang
magkaboyfriend eh... Bahala na....."

Napaatras ako nang marinig ko ang sinasabi niya sa kausap niya sa phone. What the
hell? Hindi ako t*nga para hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Nanliligaw?
Agad-agad????

"Alex?" Napatingin ako sa direksyon niya nang marinig kong tinawag niya ang
pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan nang mapansin kong
lumalapit siya sa akin. Pakiramdam ko ay parang kinakabahan ako. Napatulala pa ako
sa kanya nang makita kong nakalugay na ang buhok niya. Dati kasi ay naka-pig tail
siya. Mas bagay sa kanya ang ganyang ayos. Sh*t! Ngayon ko lang ito naramdaman ah.
"Fatima... Uhm..."

*Beep! Beep! Beep!*

Napatingin ako sa kotseng huminto sa gilid namin. Dumating na pala ang Mama niya.

"Alex, may sasabihin ka?" Tanong niya sa akin.

Napalunok ako saka ako napahawak sa batok ko. Ilang araw na rin kaming hindi nag-
uusap. Namiss ko rin ang kakulitan niya... Ano nga bang sasabihin ko..? Aish!
Namental block pa ako.

"F-Fatima..."

"Hmm?" Ngumiti siya ng tipid saka siya tumingin sa kotse ng Mama niya at sumenyas
na maghintay.

"F-Fatima... Uhm..... Hello..... Sige una na ako!" Saka ako tumalikod at naglakad
na ng mabilis palayo.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako nablangko nang makaharap siya. That was my
first time I stammered infront of a girl! Damnit!

~~~

Thursday. Hindi ako nakapasok sa school dahil nagkasakit ako. Bigla nalang kasing
sumakit ang ulo ko kinabukasan. Nilagnat pa ako! Tsk!

["Woah? Nilalagnat ka rin pala, dude?"]

"Malamang, tao ako eh. Huwag mo akong igaya sayo. Lul!" Kausap ko si Toffer. Malay
ko kung bat ito ang napili kong tawagan sa siyam kong kaibigan.

["Luh? Tao ako uy! LOVENAT LANG YAN EH! HAHAHA! Anyway, hindi ka kasi umiinom ng
vitamins. Ako kasi laging nag-tetake ng Vitamin C. Si Mama-------"]

"Cut it off, Toffer. Gumagana na naman ang pagka-Mama's boy mo. .. Ugh! Sumasakit
lalo ang ulo ko sayo..."

["Eh? Sorry naman! Bat ka nga pala tumawag?"]

"... Wala..." Bat nga ba ako tumawag?

["Nagdedeliryo ka na ba, Alex? Hay nako! I'll hang up na. Magpahinga ka na..."]

"Wait!"

["Bakit?"]

I closed my eyes and massaged the side of my head, "Si Fatima, anong ginagawa?"
["Yooooown! Miss na si bestfriend!! Lovenat nga!!"]

Aish! Kinakamusta lang eh! "Bahala ka nga sa buhay mo! Bye!"

["Hahaha! Ayun, kasama na naman ni Russel. Nanliligaw na pala yun sa bestfriend mo?
Naku! Chickboy yun-------"]

*TOOT TOOT TOOT*

Tinapos ko na ang pag-uusap namin dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa sinabi
niya... Fatima, may tiwala ako sayo. Alam kong hindi ka basta-bastang babae na
naniniwala sa mga matatamis na salita. Hindi ka madadaan sa mga bola ng lalaki.
Ugh! What if sagutin niya?! Eh crush niya pa naman yun? Argh!

"Yayaaaaaa! Paracetamol pa nga po!!!!!"

~~~

FRIDAY. Kahit nahihilo pa ako ay pinilit ko nang pumasok sa school. Pakiramdam ko


kasi ay mas lalo akong magkakasakit kapag nag-stay ako sa bahay maghapon. Inusog ko
sa pinakagilid ang upuan ko, slightly away from Fatima's chair saka ko inub-ob ang
ulo ko sa bag pack ko. Iidlip muna ako. Tsk.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang mga kaklase ko na nagsisipagdatingan. Dahil


talagang nahihilo pa ako ay hindi pa rin ako nag-aangat ng ulo ko.

"Alex, ayos ka na?" Narinig kong tanong sa akin ni Jake, X10 member.

"Uhmmm..." Sagot ko. Naramdaman ko naman na nawala na yung presence niya sa may
gilid ko. Pumunta na yata sa upuan niya. Naririnig ko na rin kasi dun ang boses ng
X9.

"Fatima, ang ganda mo ngayon ah?"

"Oo nga! Blooming si Fatima~ Ayieee! Lumalovelife na kase~"

"Thanks... Inayusan ako ni Lyza. Love life ka dyan, Wenny."

Nang marinig ko ang mahinhing boses ni Fatima ay nag-angat na ako ng ulo at


tumingin sa harapan. Bahagyang kinusot ko pa ang mata ko kasi napaka-blur ng
paningin ko. Ngunit, ilang sandali lang ay unti-unting lumilinaw na ito. Halos
lumaki ang dalawang singkit na mata ko nang makita ko si Fatima na naglalakad
palapit sa upuan niya sa tabi ko. Medyo wavy ang dulo ng buhok niya at nakalugay
ito. She even has a light make-up on her face.

"Alex, balita ko nagkasakit ka daw? Kamusta ka na?" Napablink ako ng mata nang
mapansin ko na nakaupo na siya sa tabi ko... Is she talking to me?

"Are y-you talking to me?" I asked blankly. She nodded smilingly and then tucked
her hair on the back of her ear. She looks so fabulous. "Uhm, y-yeah. But I'm kind
of okay now."
"Ahhh... Buti naman." Pagkatapos ay parang may kinapa siya sa likuran ng upuan
niya. Tumayo siya para tignan kung ano yun. Nabigla nalang siya nang makitang may
three red roses sa gilid (bandang likod) ng upuan niya. Wow, sweet. Note the
sarcasm.

She looked to me confusedly while holding the roses. "Kanino galing ito?"

"Malamang, galing sa manliligaw mo. Tss," saka ako umub-ob na ulit sa desk ko. Mas
lalo yatang sumakit ang ulo ko!

~~~

Natapos ang klase ko na naka-nap ako. Eh sa mas lalo akong nilagnat eh! Pinipilit
nga ako nina Derrick na pumunta nalang sa clinic kaso tumanggi ako. Nakakabagot
naman dun eh.

"Ano, Alex? Hatid na kita sa inyo," Derrick volunteered.

"Lagnat lang ito. Kaya ko pa. Hindi pa ako mamamatay. Pumunta ka na nga sa tambayan
natin. Pakisabi hindi ako makakasama sa inyo sa underground," mahinang sabi ko sa
kanya. Pakiramdam ko, iba ang boses ko ngayon.

Nagpumilit pa si Derrick na ihatid na ako sa bahay. Kesyo baka daw mahilo ako sa
daan. Pero napapayag ko rin siya na kaya ko pa. Umupo muna ako sa pavement sa may
car park ng E.H.A, malapit sa waiting shed. Sisiguraduhin ko lang na susunduin si
Fatima ng Mama niya. Mahirap na, may mga kaibigan pa naman siyang halang ang
bituka. Alam ko kasi na nasa faculty room siya dahil kakausapin daw siya ng adviser
namin about sa 'Inter-High Battle Of The Brains' sa ibang school. Sampung minuto
rin akong nag-abang sa kanya. Sinigurado ko muna na masundo talaga siya pagkatapos
ay umalis na rin ako.

Dahil maganda ang panahon ngayon at medyo breezy ay napagdesisyunan kong maglakad
nalang papunta sa Terminal ng tricycle sa kanto. Pag dun kasi ako sumakay ay
diretso na akong makakauwi. 10-minute walk din yun pero kaya ko naman kahit medyo
nahihilo ako.

Bago makarating ng terminal ng tricycle ay may madadaanan na isang playground.


Napatingin ako dun at napansin ko na wala ng tao. Gabi na kasi kaya wala ng
naglalaro. Hindi ko alam pero dinala na ako ng sarili kong paa sa may swing. As I
held the swing, memories played on my mind again. Lagi ko kasi nun binabantayan si
Alexis tuwing naglalaro kami sa playground sa subdivision namin. 'Pag bata ka
talaga ang babaw ng kaligayahan mo.

"Lyza, huwag na kaya nating ituloy. Nakokonsenya ako eh. Walang kaalam-alam yung
tao tapos idadamay mo."

"I don't care, hon. It's all about the bet. I have to win or else pagtatawanan nila
ako. Kapag binasted kanya, matatalo ako. Ayokong mangyari yun. Ayokong matalo!"

I snapped back in reality when I heard two people talking behind me. Dahil sa
pamilyar ang boses ng nagsasalita ay napalingon ako. Yun nga lang ay hindi ko
makita dahil may garden na nakaharang sa pagitan namin at medyo madilim pa.

"Bakit niyo ba kasi ako pinagpustahan eh? Ako pa talaga ah. Parang hindi mo ako
boyfriend..."

"Stop the drama, Russel. We're doing this for fun. Hello? P1,000 yun pag nanalo
ako. Papasagutin mo lang naman si Fatima tapos kinabukasan, makipagbreak ka na
agad."

"Eh yun na nga eh! Bat si Fatima pa? Ang bait-bait nung tao eh."

Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalan ni Fatima ay nagpanting ang tenga ko.


Tumayo ako at sinilip sila behind the garden. Hindi naman nila ako napansin dahil
nakaharap sila sa south. At tama nga ako ng hinala. It's Russel and Lyza...

"Para naman may challenge, hon! Kapag kung sino-sino lang na babae, madaling
bibigay sayo yun. Ang gwapo mo kaya, Hon." Malambing na sabi ni Lyza saka ito
yumakap kay Russel. "And duh! Panalo ang ego mo kapag napasagot mo ang baduy na
yun."

"Fine, hon. I'll do it. Basta konting encourage mo lang sa kanya ha? Pakiramdam ko
ay malakas din ang tama nun sa akin eh. Konting push nalang, sasagutin niya na
ako."

Napapikit ako at napahawak sa sentido ko nang umikot na ang paningin ko. Sh*t! Kung
hindi lang sana masama ang pakiramdam ko susugurin ko na sila. Kailangan kong
masabi kay Fatima ito. But damn, I really have to go home. My head hurts like hell!

~~~

Saturday. Pasalamat talaga at medyo maayos na ang pakiramdam ko. I tried to call
Fatima last night kaso naka-off ang phone niya. Hindi ako mapakali kaya pumunta na
ako sa bahay nila dala ang motorbike ko. Nang makapag-doorbell na ako ay nagtaka
ako kung bakit katulong na nila ang nagpapasok sa akin. May maid na pala sila.

"Bababa na raw po si Ma'am Fatima. Hintayin niyo nalang po," sabi sa akin ng
katulong nila saka nito nilapag ang mango juice at clubhouse sandwich sa center
table. "Kumain muna kayo, sir."

"Salamat..."

Dadamputin ko sana ang baso ng juice nang marinig ko ang hakbang pababa sa
staircase nila. Pagkatingin ko ay napatayo ako at halos lumaglag ang panga ko nang
makita kong pababa si Fatima na nakasuot ng yellow dress at white high heels.
Nakalugay na naman ang magandang buhok niya.

"Hi, Alex. Bat na--------"

I cut her off, "May pupuntahan ka?"

She nodded, "Susunduin daw ako ni Russel kasi birthday niya ngayon."

"Russel na naman..." I mumbled to myself. Kumunot naman ang noo niya. Hindi niya
naintindihan ang sinabi ko. "W-wala... Ahm, may sasabihin sana ako sayo."
She motioned me to sit. Kaya umupo naman ako, at siya rin ay sa tabi ko. Enough
distance apart. "Anong sasabihin mo, Alex?"

Napaiwas ako ng tingin saka ko inabot ang juice at ininom ito. Nakakatuyo ng
lalamunan! "Uhm... Uh, let's forget about the off-switch. Wala namang saysay eh.
Balik na tayo sa dati."

Nakatitig lang siya sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko. "Bakit naman?"

"Eh kasi... Bad influence yung mga kinaibigan mo."

"Sila? Bad influence? Pa'no?"

"Basta..." Iritadong sabi ko sa kanya. "At saka 'wag mong sasagutin si Russel kasi
ano... Basta!"

"Huh? Basta?"

"Basta, okay? Hindi siya totoo sa'yo. Kahit pa na crush mo siya, 'wag kang basta-
basta na magpapadala sa ka-sweetan niya. At bilang babae, wag ka namang magpahalata
na may gusto ka rin sa kanya... Kaya yun nag-tetake advantage eh... Nagpapaganda ka
pa para sa kanya."

Bigla siyang tumayo at parang inis na inis na tumingin sa akin, "Hindi ko nga siya
crush sabi eh! Ang kulit mo naman, Alex. At saka hindi ako nagpapaganda sa kanya
ah!"

Tumayo na rin ako at tinignan siya ng seryoso, "Good then, wag mo ng kakausapin
yun. At saka si Lyza pati yung mga kaibigan niya, iwasan mo na."

"Bakit nga kasi???"

I sighed in exasperation. Ang kulit talaga ng babaeng ito!"Eh kasi nga bad
influence sila. Hindi sila bagay na maging kaibigan mo. Itutulak ka lang nila sa
bangin."

"What? Bangin?" Naguguluhan niyang tanong. "Ang labo mo, Alex."

"Aish! Basta! Basta ako nalang ang kaibigan mo. Ako lang ha? Nakakamiss rin kasi
yung boses mo, yung kakulitan mo, yung text mo, yung pagtawag mo sa pangalan ko ng
paulit-ulit, yung kasama ko tuwing recess... Namiss kita, Fatima."

"...."

"At simula ngayon, sasabihin mo na sa akin lahat ng gusto mong sabihin. Kahit girl
stuffs pa yan, wag kang mahihiya. Kahit tungkol pa sa crush mo, i-open mo sa akin.
Bestfriends nga diba? Kaya wag ka ng mahihiya sa akin na aminin na crush mo si
Russel. Normal lang naman-----"

"Hindi ko nga kasi crush si Russel! Ang kulit-kulit mo talaga, Alex!" Saka siya
nagcross arms at nagpout.

"Tignan mo 'to, buking na tapos i-dedeny mo pa. Normal lang naman yan eh..."

Pinagkunutan niya lang ako ng noo saka siya mapaghamong tumingin sa akin, "Eh ikaw
sinong crush mo? Wala ka ngang sinasabi sa'kin! Sino bang crush mo? 'Pag sinabi mo
sa akin, I promise sasabihin ko rin sayo ang crush ko."
Napaiwas ako ng tingin saka ako umupo ulit sa sofa. "W-wala..."

"Sino?"

"Wala sabi eh..."

"Sino nga?"

Tumingin ako sa kanya at pinagkunutan siya ng noo.

"Oo na! Crush kita. I like you so much, Fatima... Masaya ka na?"

"..."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nanlaki kasi ang mga mata niya eh. Aish! Pati
rin naman ako nagulat eh. Bigla nalang kasing lumabas sa bibig ko yun. Here comes
the strange feeling again... Very strange feeling.

Matagal naghari sa amin ang katahimikan. Magkatitigan pa rin kami na tila gulat na
gulat sa nasabi ko. Wala na. Wala ng bawian. Nasabi ko na eh. Tss.

"Oh, Alex! Nandito ka pala." Sabay kaming napatingin ni Fatima sa bumababang ginang
sa hagdan. She's smiling warmly at us. "What happened to you both? Bat parang
nakakita kayo ng multo?"

"Maaaa! Si Alex po may--------" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay tinakpan
ko na agad ang bibig niya. Shet! Magsusumbong ba siya sa Mama niya?

"Uhm.. Uh! Tita, kamusta na po kayo?" Natataranta kong sabi sa kanya saka ko
tinanggal ang pagkakatakip ko sa bibig niya. Ang Mama naman niya ay takang-taka sa
aming dalawa. Malamang, nawiwirduhan na siya sa amin.

"I'm very much fine... Anong meron?" She looked weirdly at us.

"Wala po... May sinabi lang po ako kay Fatima kaya ako napadalaw dito. Nakapatay po
kasi yung phone niya eh."

"Ah, nawala daw kasi yung phone niya sa school kaya out-of-reach siya."

*BEEP! BEEP! BEEP!*

Agad na napatayo si Fatima saka niya inayos ang nagusot niyang damit. "Ma, si
Russel na po yata yun."

"Eh pa'no si Alex, Fatima? Kasama ba siya sa inyo?"

Hindi sumagot si Fatima kaya sumingit na ako, "Tita, aalis na po ako. Masama po
kasi yung pakiramdam ko."

"Ah ganun ba? Gusto mo ihatid kita sa bahay niyo? Baka kasi mapaano ka sa daan,"
alok ng Mama niya.

I smiled gratefully at her, "No, thanks po. Dala ko po yung motorbike ko. I'll go
ahead na po."
Saka ako lumabas ng bahay nila nang hindi nagpapaalam kay Fatima. Ngayon ko lang
kasi narealized na nakakahiya yung sinabi ko sa kanya.

I like Fatima?

Nyemas, wala na akong maihaharap na mukha sa kanya sa Monday. That was so


embarrassing... What if she gets rid off me? What if mailang na siya sa akin? What
if hindi na kami maging katulad ng dati? Ayoko...

But I really do like her... Bahala na! At bahala rin siya kung sasama siya sa
pesteng Russel na yun.

-9-

***9***

Bangag akong pumasok ng school ng Lunes ng tanghali. Dalawang araw akong hindi
nakatulog ng maayos. Kahit na anong paglilibang ko sarili, hindi ko maalis sa isip
ko yung sinabi ko kay Fatima nung Sabado ng hapon.

"Oo na! Crush kita. I like you so much, Fatima... Masaya ka na?"

Sh*t! Yan na naman! Kusa nalang nag-pe-play sa utak ko yung linya kong yan. Pati na
rin yung reaksyon ni Fatima lagi kong naaalala. Galit kaya siya sa akin? Iiwasan
niya kaya ako? Maiilang kaya siya?

Isinubsob ko ang mukha ko sa bag ko na nakapatong sa arm chair ko. This is darn
frustrating! I shouldn't have said that to her. Kaso ayoko namang isikreto sa kanya
yung nararamdaman ko. Crush? Crush ko siya? Takte naman! Tingin ko, ang babaw ng
definition ng crush para sa kanya eh.

"Oy, Alexander. Hindi ka pa rin ba magaling?" Boses ni Jake yun.

"Magaling na ako. Wag mo na akong intindihin." Iritadong sambit ko sa kanya.


Naramdaman ko nalang na umalis na siya. Napabuntong-hininga ako. Nahihiya akong
magpakita kay Fatima. Uuwi nalang kaya ako? Tama, uuwi nalang ako.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Maglalakad na sana ako nang makita kong pumasok
si Russel. Hindi ko alam ang dahilan pero bigla nalang ako napabalik sa pagkakaupo
ko. I won't go home. Lalapitan na naman ni Russel si Fatima kapag wala ako sa tabi
niya.

Ugh! Damnit! Ano bang nangyayari sa akin??? Why do I think this way? This is so
fcking gay!!! "Sh*t!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsuntok ko sa arm chair
ko. Napatingin tuloy sa akin yung mga classmates ko. I just gave them my deadly
stare and they went back on their business. Isiniksik ko ang upuan ko sa corner.
Half-a-meter away from Fatima's chair. Ang weird ko talaga, adafdghjkl!

Maya-maya lang ay naramdaman ko nalang ang presence ni Fatima sa tabi ko. Dahil sa
nakayuko ako ay hindi ko siya masyadong makita. I just twitched my head sideways to
see her, and I saw her writing something on her notes. Tumigil pa siya sa
pagsusulat tapos ay tumingin siya sa akin saglit. Napaiwas naman ako ng tingin at
saka ako nag-nap. Bakit hindi ako makahinga ng maayos?

"WALA DAW SI MA'AM! MAY FACULTY MEETING SILAAAA!"

Kanya-kanya namang hiyawan ang mga kaklase ko. Ang iba naman ay nagsilipatan ng
pwesto. Tss, malamang makikipagdaldalan na sa mga kaibigan nila. Ganun naman sila
eh. They do whatever they want whenever our teacher's not around. Napatingin na
naman ako kay Fatima. Unlike kanina, hindi na siya nagsusulat. Nag-i-scroll na siya
sa phone niya. Fck this! Kung kailan tinigil na namin ang off switch namin, saka
naman magiging ganito? Eh 'di wala rin! Kasalanan ko 'to eh.

"Oh, anyare sayo dude?" Arthur asks as I move my arm chair next to him. Kapag
nagtagal pa ako sa pwesto ko sa tabi ni Fatima, pakiramdam ko ay masusuffocate ako.

"Don't talk to me. I'm not in the mood."

"Tch..."

"Cutting nalang tayo. Nakakatamad naman mag-stay pa dito. Nagmimeeting lang naman
sila for this evening's Homeroom meeting." Narinig kong sabi ni Jake.

"Homeroom meeting?" Tanong ko sa kanila. Bakit parang wala akong alam dun?

"Yeah, absent ka yata nung inannounce yun Alex. Kuhanan na ng class cards mamaya."
Sabi naman ni Arthur.

"Tss. Ako nalang kukuha ng card ko. Aabalahin ko pa sila Mom." Bored na sagot ko
saka ko inusog ang arm chair ko palapit kay Wayne. Nakita ko kasing kumakain siya
ng cookies. Kumuha naman ako since dumadampot din sila dun.

"Hindi daw pwedeng tayo nalang ang kumuha ng cards. Dapat daw parents or
guardians." Aburidong sabi ni Derrick habang pumipindot sa phone niya. "Kainis! Ang
arte ng school na 'to."

"Bakit, mababa ba ang scores niyo sa recent exams?" Tanong ko. Medyo inalis na rin
nila sa pwesto yung mga arm chairs na para bang nakabilog kami. Ganun din naman ang
ginagawa ng iba kaya ayos lang.

"Tss. Sa sobrang taas ng scores ko, baka maipadala na ako sa States nito. Sh*t,
ayoko pa naman dun!" Kurt answered annoyingly.

"Aba! Ako nga, sa sobrang taas... Mahihiya ang scores ni Arthur. Hahaha!" Sabi
naman ni Kent.

"Ako din eh... Leche kasi yang Asian History na yan. Kailangan bang kabisaduhin
talaga ang mga dates? Pwede namang mga pangalan nalang." Singit naman ni Brent.

"Bwisit pati yang right minus wrong sa T.L.E." Singit naman ni Toffer.

Napatingin naman ako kay Dustin na kasalukuyang nakapwesto sa left corner, katabi
ng girlfriend niya. Nakasubsob pa ang mukha ng babae sa desk ni Dustin habang
hinahaplos-haplos niya ang buhok nito. Sweet lang ah. Tch.

"Sino yun? Bagong girlfriend ni Dustin?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila.


Sinundan naman ng X8 ang tinitignan ko at narinig ko nalang na tumawa ng mahina si
Wayne.

"Nah, 8 months na kaya sila Dustpan at Jenine... Going steady..."

"Yeah, binabakuran na yan ni Dustin eh. Tinamaan ang loko kay Jenine." Jake
commented.

Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa dalawang yan. Wala naman akong pakialam sa
paligid ko eh. At isa pa, ang alam ko sa barkada ko ay hindi nagseseryoso sa mga
babae. Sa edad naming ito, malabo pa.

Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng classroom namin. Nung una, nagpanic ang
mga kaklase namin, baka kasi ang teacher na namin yun.

"Andyan na si MA'AM!!! Andyan na si Ma'am!!!"

Yun pala, inexcuse lang ng taga-section 1 na babae si Kurt.

"Excuse daw kay Kurt sabi ni Stephanie!" One of my classmates yelled.

"Master, sino yun?" Tanong ni Toffer.

"... Girlfriend ko daw. Ewan ko sa kanya." Sagot nito saka siya tumayo at nilabas
na ang humahanap sa kanya.

At the age of 15, nambababae na sila. May mga gatas pa sa labi eh.

"Ikaw, Alex? Wala ka pa bang girlfriend?" Nakangiting tanong ni Derrick sa akin.

I just shot him the look and rested my back on the back rest of the armchair. "2nd
year pa lang tayo tapos yan na ang iniisip niyo? Pareho kayo ng nanay ko. Mas
excited pa siyang magkagirlfriend ako kesa sa akin."

"Eh lalaki naman tayo eh. Kaya walang mawawala sa atin." Komento naman niya.

"Marami pang oras. Hindi ako nagmamadali para magkagirlfriend."

Tumawa naman ng mahina si Wayne saka niya ako tinitigan. "Huweh? Life's too short,
Alex. Oh sige, ganito nalang, may natitipuhan ka ba dito sa E.H.A?"

Nagfake cough naman si Toffer... "Ehem! Fatima... Ehem! Grace... Ehem! Ehem!"

"Woah! Si bestfriend?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kent.

Dahil sa sobrang inis ko kay Toffer ay ibinato ko sa kanya ang bag ko. Epal!
Pahamak!

"HAHAHAHAHA! Guilty ka naman Alexander..."

"G@go... Wala akong gusto sa kanya."

Mas lalo akong nabwisit ng humagalpak na sila sa pagtawa. Kaya ayun,


pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.
"Wala daw gusto~ Eh bakit namumula ang tenga mo? Pfft! Iba ka pala kiligin eh.
Nagbablush ang tenga! Ahahahahahahahahaha!" Kantyaw naman sa akin ni Toffer. "Hindi
raw gusto pero nung absent siya, kinakamusta sa akin si bestfriend! Yooooown oh!"

Sh*t! This is fcking embarrassing. Kaya ayokong magkaroon ng kaibigan eh.


Nilalaglag ka pa kesa tulungan ka.

Tumahimik nalang ako bago ko pa sila masapak isa-isa. Nakakabwisit!

"Naku, Alex! Ligawan mo na. Hahayaan mo na bang mafriendzoned ka? Aba, masakit yun
sa damdamin," payo ni Wayne na may pahawak-hawak pa sa left chest niya. Feel na
feel ampot@.

Inilapit naman ni Derrick ang mukha niya sa amin sabay bulong, "Kaya nga! Dapat
nililigawan mo na eh. Balita ko kasi na nililigawan na siya ni Russel."

"Luh! Papayag ka nun? Mauunahan ka pa." Komento naman ni Brent.

Medyo pabulong na ang boses nila since agaw atensyon na kami.

"Lul! Para namang sinabihan mong torpe si Alex." Tinignan ako ng makahulugan ni
Jake. "Torpe ka nga ba?"

"Pakyu." Iritadong sagot ko. Bwisit, bat napunta sa akin ang usapan?

"Ouch! That's so harsh of you, Alex. Bahala ka, baka magsisi ka sa huli."

I looked to him intently, "Hindi pa siya nagpapaligaw kaya there's no way na


sasagutin niya yung t@r@nt@dong yun."

They laughed again upon hearing my answer. Inilapit pa ni Wayne ang upuan niya sa
tabi ko sabay akbay niya sa akin. "Alex, hindi mo rin masasabi yun. Kahit na hindi
pa nagpapaligaw ang isang babae pero nahulog na talaga ang damdamin niya dun sa
manliligaw, well, isasantabi niya na yun. Kaya nga may mga babaeng isinisikreto ang
pagboboyfriend sa mga magulang niya diba?"

They all smirked at me as if something's running on their minds. Why do I have


friends like them?

"Let's describe Russel as a guy." A mocking smile formed Arthur's lips. "I heard
he's sweet , smart, sporty, nice and responsible guy."

"At stick to one daw yan, dude." Dagdag naman ni Toffer kaya dun na ako umalma.

"Stick to one? What the heck? Eh girlfriend niya na si Lyza eh."

Napalakas yata yung boses ko kasi biglang nagreact si Lyza na nakapwesto sa mga
grupo ng mga babae sa harapan.

"Did you just mentioned my name?"

I grinned, "You're not worth to talk about, okay?"

Nagroll eyes naman siya pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkakaupo. Napahiya e.


Napatingin naman ako sa pwesto ni Fatima at halos magsalubong ang kilay ko nang
makita kong kakwentuhan niya na si Russel.

"Chill... Yan naman kasi ang sinasabi namin sayo, Alex. Russel's now making his own
moves to get Fatima. And you're here, just sitting cooly doing nothing. Like what
the fck dude? Ikaw lang yata ang torpe sa X10." Derrick retorted arrogantly tapos
bumulong siya. "Lyza is one heck of a --- never mind. Akala ko, boyfriend niya yung
senior? Ano 'tong Russel na ito?"

"Baka naman pinagsabay-sabay kayong tatlo, dude. Kinaganda niya yun eh." Sabay tap
ni Brent sa balikat ni Derrick. "Move on, dude. Alam kong nasasaktan ka. Ilabas mo
lang yan, wag mong kimkimin."

"Lul! Ikaw kaya saktan ko dyan! Hahahaha!"

***

Liligawan si Fatima? That is bullsh*t. Bestfriend ko tapos liligawan ko? Ayos na


ako sa ganito eh. Yung kaibigan lang... Kaibigan lang? Eh potek, hindi na kami
nagpapansinan eh. Nakakabwisit kasi itong dila na ito! Pahamak! Argh!

"Alex, pwedeng favor?"

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang nagsalita. Si Jenine pala, yung girlfriend ni
Dustin.

"What?"

She smiled nicely, "Mag-tatransfer na kasi ako ng school next week. We're moving to
States for good and I want all my classmates to fill this up," sabay abot niya sa
akin ng isang autograph notebook. "Just for remembrance..."

"This is gay. Pasagot mo nalang yan sa iba."

"No, hindi ito gay. As a matter of fact, kayong X9 nalang ang kulang dito. The rest
of our male classmates answered it already... Sige na, favor lang."

I sighed, "Fine."

Tuwang-tuwa naman siya sa pagpayag ko. Umalis muna siya para masagutan ko raw ng
maayos yung questions. I can't believe girls. Why do they need to collect this
craps?

Pagkabuklat ko pa lang ng first page ay nakita ko na ang pangalan ni Jenine Reyes.


Medyo binasa ko pa ng konti yung mga sagot niya... hanggang sa mapunta ako sa love
section. I found out that she's into relationship with Dustin for about 9 months.
Si Dustin ang first kiss, first date, first boyfriend and first love niya. Fck. Why
are these kinds of questions provided?

Flinip ko na hanggang sa mapunta sa blank section. Finill up ko na yung personal


info ko, tapos ang favorite stuffs hanggang sa mapunta na ako sa love section. This
is so gay. Bakit kailangan pang sagutan ito? Well, bahala na.

Everything went well not until I saw these questions. Non sense questions deserves
non sense answers. Psh.
What is love?

Love is L-O-V-E.

Who is your crush?

Ask your Mom. Who knows?

Describe your crush.

Ths time, napatingin na ako sa left side ko. Fatima's currently taking a nap.
Nakaharap yung mukha niya sa side ko kaya kitang-kita ko ang mukha niya. At ngayon
ko lang napansin na naka-pig tail na ulit siya. Balik na siya sa normal niyang
ayos. Yung simple pero elegante.

Napatingin na naman ako sa notebook na sinusulatan ko. Hindi ko alam pero


nanginginig ang kamay ko habang inilalapit ko ang tip ng pen ko sa papel.

Describe your crush.

She's sweet, smart, and nice, never fails to make me smile, and has a good sense of
humor, adorable and thoughtful. She's simple yet beautiful.

I took out a deep breath after re-reading all my answers. Nagbigay muna ako ng
konting message for Jenine at akmang isasarado na yung notebook when something
striked me.

After that, I just caught myself reading Fatima's site.

She loves to eat mango crepe which is my favorite food too.

She loves to watch sci-fic movies which I really find boring.

She's fond of playing guitar and listening to FM Static's songs.

She likes capturing things through her tripod.

Likes: Nice, sweet, approachable, honest, down to earth.

Dislikes: Mayabang, presko, mapang-asar at sinungaling.

Napangiti nalang ako habang binabasa ang mga iyon. Lahat yun, alam ko na. Sa
sobrang daldal ba naman ni Fatima, halos talambuhay niya naikwento niya na sa akin.

Inilipat ko na naman sa last page ng site niya, which is the love section. At
first, naghehesitate pa ako kung babasahin ko pero hindi naman siguro niya isusulat
ang mga sagot niya dito kung secret lang yun.
What is love?

Love? It's an undescribable feeling. Ewan ko, wala pa akong alam dyan :)

Who is your crush?

I can't write it here.. Sorry ^.^v

Describe your crush.

He's cool, quiet, nice, masungit, sweet sometimes, and a very good friend of mine.

A very good friend of hers? Really? Bukod sa akin, sino pa ba ang kaibigan niyang
lalaki? Parang wala naman.

I just shook my head in anticipation as I closed the notebook. Why do I think of


that? Crush. Sabi nga niya normal lang yun. Mawawala rin yun in time. Tumayo na ako
at nilapitan na si Jenine na ngayon ay katabi ni Dustin. Isinoli ko kaagad sa kanya
saka ako bumalik na sa upuan ko.

"Alex, tara recess na!"

The day went on doing nothing. Busy kasi ang faculty members para sa meeting
mamaya. Maaga ang uwian namin ngayon kaya maaga rin kaming pinag-ayos ng room.
Nagtext pa sa akin si Dad na siya na raw ang kukuha ng class card ko. Himala lang,
hindi ako sanay.

Nang pinauwi na kami ng Class President namin ay dumiretso muna ako sa locker room
para kunin ang marumi kong polo shirt. Nakalimutan ko kasing kunin yun last week.
Hindi tuloy nalabhan. I'm about to close my locker when a janitor approached me.

"Alex, bakit hindi na kayo nagpunta dito nung Sabado? Diba two Saturdays yung
community service niyo ni Fatima?"

I gawked. Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Oh darn, nakalimutan ko ho eh. Anyways, maysakit din ako nung araw na yun kaya
hindi talaga ako makakapunta."

Nagpatuloy na siya sa pagma-mop ng sahig. "Buti nalang, nagpalusot ako sa


Prinicipal niyo. Hinanap kasi kayo eh. Sabi ko, na-late lang kayo."

"Ow, salamat Manong. I'll make it up to you on Saturday."

"Wow, bait ah."

Lalabas na sana ako ng locker room nang makita ko si Russel na nakatayo sa pasilyo.
May kausap siya sa phone habang nakatalikod sa akin kaya hindi niya ako napansin.
Wala pa man ding masyadong tao dito since nakaseparate ang locker room naming X10
sa ibang students.

Nagsimula na akong maglakad ng dahan-dahan palapit sa kanya. Madadaanan ko siya


kasi nandun ang hagdanan. Habang palapit ay naririnig ko ang boses niya. Bahala na,
wala akong pakialam sa kanya. Basta, dadaanan ko nalang siya.

"Sorry Lyza, I can't come with you... Tsk! Lyza, pwedeng cool off muna tayo?
Nagsasawa na kasi ako eh. Hindi ako makapagconcentrate... Reason? Hindi ko
mapasagot si Fatima. Tingin ko nagdududa na siya sa atin..."
I stopped walking the moment I heard Fatima's name.

"... 'Pag napasagot ko siya, eenjoyin ko muna siya then if I don't enjoy her
company then I'll break her up at babalikan kita.... Pag na-enjoy ko naman siya,
sorry Lyza pero we better break up... Mabait naman kasi yung tao. Hindi siya
mahirap mahalin... Sa totoo nga lang gusto ko na siya... Give me time, Lyza..."

What the fck did I just heard? Russel is a total @ss.

Sa sobrang inis ko ay bigla ko nalang hinigit ang collar niya mula sa likuran.
Nabitawan niya pa ang phone niya at syempre nagitla siya sa ginawa ko.

"SH*T! ANONG GINAWA KO SAYO?!" Ipinaharap ko siya sa akin at marahas na hinawakan


ang panga niya. "Alex?!"

Itinapat ko ang kamao ko sa mukha niya saka ko siya tinignan ng masama. "Leave her
alone or else I'm gonna let you taste my evil side. Try me, idiot."

"Ano bang sinasabi mo?!" Natatarantang niyang sabi kaya sinuntok ko siya ng malakas
sa sikmura. Napasalampak naman siya sa sahig. "Accck!"

"Mamili ka ng pagtitripan mo Russel! Huwag si Fatima... Hindi lang yan ang aabutin
mo sa akin!! Hindi mo pa yata ako kilala!"

Nakahawak siya sa sikmura niya. Namimilipit sa sakit. Tss. Weak.

"H-Hindi ko pinagtitripan si Fatima! Seryoso ako----Acck!"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tinadyakan ko ulit siya sa sikmura.
"Ako pa g@g@guhin mo eh narinig ko na ang usapan niyo!"

"A—ano ka ba niya!? Kaibigan ka—ah sh*t!"

Matigas 'tong isang 'to. Lumuhod na ako sa harapan niya saka ko hinablot ang collar
niya. I gave him a hard smack on his face.

"Kaibigan? Oo sa ngayon. Makikita mo sa susunod... Layas!"

Marahas ko siyang tinayo at hinayaan na siyang tumakbo pababa ng hagdan. Buset!!


Oo, kaibigan lang ako. Eh ano naman sa kanya? Pasalamat siya, nakakapagtimpi pa ako
kundi baka binawian ko na siya ng buhay sa sobrang bwisit ko sa kanya!

Si Fatima pa ang piniling pagdiskitahan? Eh t@r@nt@do pala siya eh! Hindi ko na


talaga hahayaang lumapit yun kay Fatima.

***

Hours passed... Nakuha na rin ni Dad yung class card ko. He told me to wait for him
para sabay na kaming umuwi kaya yun nga ang ginawa ko. Sa sobrang badtrip ko, dun
ako naghintay sa rooftop. Mabuti na rin dun para makapag-isip-isip. Kaya ayokong
maattached sa tao eh, ito ang napapala ko. Pinoproblema ko ang dapat na hindi
problemahin.

"Alex, ayos ang grades ah. Tumataas..." My Dad complimented while we're walking
towards Dad's car.

"Psh... Compliment me Dad if I get into to the honor's list." Bored na sagot ko.
"Konting push pa anak, mukhang kakayanin mong ma-top." Binuksan na niya ang pinto
ng kotse saka siya sumakay. Sumunod na rin syempre ako. "But hey, I'm not
pressuring you."

"I know. Huwag niyo lang hong iexpect na ma-top ako."

"Why not? Kung si Arthur nga kaya. Ikaw pa kaya?" Sabay tawa niya. Sinenyasan niya
na ang driver na magsimula ng paandarin ang kotse.

"Don't compare me to Arthur, Dad. Wala pa ako sa kalahati ng IQ ng ugok na yun." Si


Arthur ang TOP 2 ng first grading. Yeah, he's smart. Yun nga lang, natalo siya ni
Fatima. Top 1 kasi yun.

"Nah, just belive that you can do it. Tiwala lang, ngayong mukhang inspired ka."
Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "How's Fatima by the way?"

"Dad..."

"What? Kinakamusta ko lang siya?"

I sighed, "She's fine, I think."

"Sa tono ng pananalita mo, parang 'di naman. May problema ba?"

I shook my head no and looked out of the car's window. "Nothing, Dad."

Bigla-bigla nalang siya tumawa kaya tinignan ko siya with my annoyed look. What's
funny?

"Your mom told me that you're just her bestfriend. How come?"

"How come? Ganun talaga, Dad. Eh ganun kami eh." This topic is annoying.

"You look good together. Wala ka bang nararamdaman sa kanya? Like do you find her
special? Do you like her more than friends? Ang bait ng batang iyon eh. Sayang!"

I frowned in disbelief. Bakit ganito ang topic simula kanina?

"Dad, what kind of questions is that?"

He smiled mischieviously at me. "I saw something spark between the two of you.
Hindi mo ba nararamdaman yun?"

Spark? The hell is that?

"Okay let me put it this way," hinarap niya ang katawan niya sa akin. Ang driver
naman namin patawa-tawa pa. "Ano'ng nararamdaman mo 'pag kasama mo siya?"

"Wala! Dad naman. This is non-sense!"

Tumawa na naman siya, but this time nakitawa na rin ang driver.

"Sir Ernest, totoy pa ho yata si Sir Alex. Hahaha!"

Damnit. Ayoko sa lahat yung sinasabihan ako ng totoy eh. Tssk!

"Binata na 'tong anak ko, Jose." Natatawa pa ring sabi ni Dad saka niya tinap ang
balikat ko. "Just answer me the whole truth and nothing but the truth. Understand?"
I nodded boredly. Weird people.

"Do you feel different whenever you're with your bestfriend? Like, something's
rumbling in your stomach?"

I jerked my head in irritation. Different feeling?

I sighed, "Sometimes..."

Nagtawanan na naman sila. Parang mga baliw lang. "Nakakatagal ka ba ng tingin sa


mga mata niya?"

This time, pinagkunutan ko na ng noo si Dad. "Dad, ano ba yang-----"

"Hey, relax son! Pa'no kita matutulungan sa problema mo kung ganyan 'yang mga sagot
mo?" Nakangising sabi ni Dad sa akin. Isinandal ko nalang ang likod ko sa backrest
at huminga ng malalim. Pa'no niya nalaman na may problema ako?

"I don't have any problem, Dad. Kaya tigilan mo na po yan."

Umupo siya ng maayos saka niya ipinatong ang dalawang kamay niya sa lap niya.

"Kahit 'di man tayo naging close sa mahabang panahon, I still know you very well.
Nakikita ko ang sarili ko sa'yo nung kabataan ko eh. Now tell me honestly, ano ang
mismong problema mo?"

I heaved out a sigh. Problema ba talaga 'to? Actually, napakasimpleng bagay lang
naman ito pero pinapalaki ko lang. Masyado ko kasing inaalala ang treatment namin
sa isa't-isa ni Fatima. Hindi ako sanay ng ganun. Sanay ako sa laging pangungulit
niya sa akin, sa pagtawag niya ng walang kamatayang 'Alex', sa pagsabay-sabay namin
tuwing recess at pati na rin ang mga kwentuhan namin over the phone na akala mo ay
hindi kami nagkakasama araw-araw. Lahat yun namimiss ko na ng sobra.

I looked to him seriously, "Could you cite the difference between crush and..."
Lumunok muna ako. "...and love?"

***

The next day, Tuesday. Maaga ako nagising. Well, scratch it. Hindi ako nakatulog
dahil magdamag akong gising. Ewan ko ba! Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa kukote
ko. Puro Fatima! Fatima! Fatima! Fatima! At isa pa... Fatima! Natutuliro na ako.

Idagdag na rin ang mga sinabi sa akin ni Dad kahapon on the way home.

~~~

"Hahaha! Crush and love? Oh well, yung crush naman simpleng paghanga lang sa isang
tao. Usually, nagkakacrush ka sa tao kapag pinakitaan ka nito ng mabuti or
something like that. Pero ang crush, hindi mo namamalayan na nawawala nalang yun ng
basta-basta. Ang crush kasi natural lang yan. Pero kapag love na ang pinag-uusapan,
dyan ka kabahan."
"Kabahan? Bakit naman po?"

"Dun mo na mararamdaman yung weird feeling dyan sa dibdib mo. You can say it's gay
but it's true. For unknown reason, nagiging masaya ka kapag kasama siya. Namimiss
mo naman siya when she's not around. You always think of her... I mean, bigla-bigla
nalang siyang pumapasok sa isip mo, hinahanap-hanap mo siya, and most especially,
nagiging sensitive ka 'pag siya ang pinag-uusapan."

"Kalokohan yan, Dad. What if she's only a sister to you? Malamang, yan din ang
mararamdaman mo kasi she's special."

"Tss... Yeah right. Pero kapag nakita mo siyang kasama ng ibang lalaki, anong
nararamdaman mo? Do you get jealous? If yes, that explains it all. You're inlove
with her... You're inlove with Fatima."

"Daaaaaaaad! Of course not! Tsk! Hindi naman siya ang pinag-uusapan natin."

"In denial pa, Alexander."

~~~

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan ko. Nakakafrustrate! Sh*t! Ang sakit sa ulo
nito!

Bumangon na ako ng kama para sana bumaba na at mag-almusal kaso darn! Ang sakit ng
ulo ko... Para akong may hangover. Kung bakit kasi ako napuyat?!

***

Maaga ako pumasok sa E.H.A sa kadahilanang nababagot na ako sa bahay. Hindi naman
ako masyadong maaga, 30 minutes before the class lang. I decided to sit on the
bench near our building since mahangin naman dito. Akala ko mapapag-isa ako kaso
bigla nalang may tumabi sa akin. Sina Toffer, Wayne, Arthur at Kurt.

"Yow, Alex. What's up?" Bungad sa akin ni Toffer. Pinagitnaan pa ako ng dalawa ni
Kurt. "Bat ang aga mo?"

"Bored sa bahay. Kayo?"

"Nagpasama si Master sa akin. Ibebreak daw kasi niya yung Stephanie na


nagproclaimed na boyfriend niya."

Napatingin ako kay Kurt nun at akmang maninigarilyo pa ng hablutin ko yun at


tinapakan. "What the heck, Alex?"

"Tch. Kung maninigarilyo ka, lumabas kayo ng campus. Baka gayahin ka ng ibang
estudyante."

Tumayo na siya at ipinamulsa ang kamay niya. "Tara Arthur, lumabas daw tayo sabi ni
Father Alex." He said sarcastically. Tumayo naman si Arthur at sumama kay Kurt.
Napailing nalang ako sa inasta nila. Talagang asal gangster na ang mga walangya.

"Dude, mukhang bangag ka ah? Problema mo?"


Napayuko ako at tinignan ang sapatos ko. Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni
Wayne.

"Uy, tignan mo Alex oh. Fatima is with Russel again."

This time ay nag-angat na ako ng ulo at tinignan ang direksyon ng nginunguso ni


Toffer. At tama nga, that @sshole again. Ang tibay ng atay ng damuhong yun ah.

"Oy, saan ka pupunta, Alex?"

Hindi ko nalang sila pinansin basta diretso na akong umakyat sa classroom namin. I
think, I have to start making my own move.

Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko pa si Lyza na nagsusuklay ng buhok sa arm


chair niya. Papunta ako sa upuan ko ng bigla siyang mag-spray ng cologne niya. Sa
sobrang tapang ng scent, nabahing ako kaya huminto siya at tinignan ako na parang
naasar. Hindi ko na siya pinansin nun, basta tuloy-tuloy na ako sa upuan ko.

"Hi, Alex? May problema ba? Why are you frowning? Just smile..." Sabay smile niya.
Umupo pa siya sa desk niya at pinagcross ang legs niya. Tsk. Is that her way of
seducting guys here? Showing her legs?

Tinignan ko lang siya ng masama. "You know what? Matagal na akong nabwibwisit sayo.
Can you just go tell your boyfriend to stop fcking around with Fatima?"

She gawked in astonishment. "Boyfriend? Duh! I'm single."

"Sabihin mo yan sa maniniwala sayo. Tigilan niyo na ni Russel si Fatima kundi


makakatikim kayo sa akin. At hindi niyo yun magugustuhan."

After what I've said, she just left with her teary eyes. Single? Pakyu.

Maya-maya lang ay dumating na ang ilan sa mga classmates namin, including Fatima
and the @ss. Sa sobrang pagiging gentleman ni Russel ay hinatid niya pa si Fatima
hanggang sa seat niya. Tinignan niya lang ako saglit sabay punta niya sa pwesto
niya. Muntik pa kong matawa nang makitang putok ang labi niya.

"Alex, pwede ba kitang makausap?"

I caught my breath when I heard her say my name. Darn this weird feeling.

"Alex..."

"What?" Naiirita ako sa sarili ko... hindi sa kanya.

"Bat mo naman sinaktan si Russel?"

My brows formed a straight line. "Oh, nagsumbong siya sayo? Oh ano binaligtad ba
niya?"

She pouted and looked away. Cute...

Tumayo ako at kinuha ang bag niya. Tumingin tuloy siya sa akin.

"Bakit mo kinuha ang bag ko?"

Nilagay ko lang ang bag niya sa pwesto ko sabay tingin sa kanya. "Palit tayo ng
upuan..."
"Why?"

"Just move..."

Tumayo naman siya agad at nagpalit kami ng upuan. Ngayon ay nasa aisle na ako,
samantalang siya ang nasa corner.

I smiled to her, "I won't let him stay near you... anymore."

***

I won't let him stay near you. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko sa kanya.
Hindi naman siguro kailangan ng dahilan para masabi sa kanya yung nasa isip ko.
Basta yun lang ang gusto kong malaman niya... na ayaw ko siyang palapitin kay
Russel o kahit kanino pang lalaki sa loob ng campus.

Ganun pa rin ang scenario. Hindi kami nag-uusap pero lagi akong sumusunod sa kanya.
Nung recess, hindi ko na siya pinalabas ng room. Tutal naman may baon siya. Si
Russel, hindi makalapit. Takot lang niya sa akin.

Hindi naman ako makausap ni Fatima since we're aloof. Siguro naiilang siya sa akin,
ganun din naman ako. Kampante na ako na walang lalaking katulad ni Russel na
umaaligid sa kanya. Hindi ako matahimik kung ganun. Habang pinagmamasdan ko si
Fatima, pakiramdam ko ay hindi ako naiinip. Kahit hindi kami mag-usap, basta ba ay
nasa tabi ko lang siya... swak na sa akin.

This is really weird.

But I think this is the answer to all my unanswered questions.

"Fatima..."

Lumingon naman siya sa akin habang nag-aayos siya ng bag niya, medyo nagulat pa
siya. Dismissal na kasi.

"... Naiilang ka ba sa akin?"

Isinabit niya ang strap ng bag niya sa kaliwang balikat niya. Kinuha ko naman iyon
para ako na ang magbitbit. Medyo umalma pa siya pero wala na rin siya magawa.

"Naiilang? Hmm, medyo."

I smiled and messed her hair, "Ang cute mo."

Namula naman ang pisngi niya sa sinabi ko. Para lang ako nakikipag-usap sa bata eh.
She's so cute.

"Alex naman kasi~ Bakit mo sinaktan si Russel?"

I frowned upon hearing Russel's name. Tumalikod ako at tinungo na ang pinto.

"Russel na naman. Banggitin mo pa yang pangalan na yan, dadagdagan ko pa ang galos


niya." Nilingon ko pa siya. Kita kong nagulat siya sa sinabi ko. "Serves him right.
Pinagtitripan niya ang babaeng espesyal sa akin."
Kung nung dati ay naiilang ako sa mga pinagsasabi ko kay Fatima, hindi na ngayon.
Pakiramdam ko ay may kung anong naalis na bara sa dibdib ko. Nakakahinga na ako ng
maluwag at para bang sumaya ako.

"Bye Fatima, see you tomorrow..." Paalam ko sa kanya nang maihatid ko siya sa kotse
ng Mom niya. Hindi na siya ngumiti sa akin, she just waved her hand off me. Yung
Mom naman niya ay nanatiling nakatayo lang sa labas ng kotse. She's smiling
brightly at me.

"Alex, mas gusto kitang maging kaibigan ng anak ko. You're trustworthy."

Tumingin ako saglit sa loob ng kotse and there I saw Fatima lying on the backseat.
Napangiti tuloy ako.

"Thanks, Tita. Mabait po kasi si Fatima eh."

"Yeah right, makulit lang yang anak ko kasi you know, walang masyadong friends."

Nag-nod nalang ako tapos ay yumuko. Kinakabahan ako pero kailangan kong sabihin sa
Mom niya ito. I've decided. That's what my Dad told me, at yun ang dapat kong
gawin.

"So sige, Alex. Mauna na kami sayo ha? Gusto mo bang ihatid na rin kita?"

Umiling lang ako, "No thanks, Tita. May motor bike ho ako."

"Okay, sige..." Tumalikod na siya kaso lumingon siya nang magsalita pa ako.

"Tita, pwede po bang magtanong?"

"Sure, what is it?"

I took a deep breath and composed myself.

"Pwede po ba akong humingi ng permiso para ligawan ang anak niyo?"

-10-

***10***

"Pwede po ba akong humingi ng permiso para ligawan ang anak niyo?"

Halos higitin ko na ang hininga ko pagkatapos kong itanong yun sa mommy ni Fatima.
Yumuko pa ako ng konti para naman hindi ko makita ang reaksyon niya. Pakshet, I've
never been this nervous before.

"Of course..."
Napatingin ako sa kanya at talagang lumaki ang mga mata ko sa sagot niya. "Seryoso
po kayo?"

Tumawa siya ng mahina tapos ay hinila niya ako few meters away from her car. "Pwede
naman. Hindi naman sa inuudyukan ko na magboyfriend yang anak ko ha, pero kasi
normal naman yan sa teenagers eh. At saka kasi natutuwa ako sayong bata ka.
Talagang pinaalam mo pa sa akin!"

I smiled widely. "Thanks po, Tita."

"No problem. Buti nalang talaga, kilala ko ang first ever suitor ni Fatima." Tapos
ay tinap niya ang balikat ko at nginitian ako. "Baka naman kayo na talaga, tapos
kunwari lang yang panghihingi mo ng permiso sa akin ah."

I waved my hands off her, dismissing her thought. "No, Tita. We're just
bestfriends."

She smiled, "Nakakatuwa ka talaga. May tiwala ako sayo..." Mas lalo tuloy akong
napangiti sa sinabi ni Tita Janice. I really felt relieved, "Ang kaso Alex, hindi
siya nagpapaligaw eh."

"Uh..."

"Okay lang yan. Basta, ikaw na ang bahalang mapapayag na ligawan siya ha? Don't
worry, I'll encourage her for you. Malakas ka sa akin eh..."

Pagkatapos ng usapan namin ng Mommy ni Fatima ay umuwi na ako na may pangiti-ngiti


pa. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ngumiti-ngiti mag-isa. Mapagkakamalan
akong baliw nito eh. Ewan. Hindi ko matago kung gaano ako kasaya ngayon. Buti
nalang talaga, legal ako sa panliligaw kay Fatima.

"Alex, good mood?" Bungad sa akin ni Dad pagkapasok ko ng bahay. "Kamusta?"

"Been good..." Sagot ko tapos ay umupo ako sa tabi niya sa hagdan. If you're going
to ask me why Dad always sits here, forget about it. I don't know either. He's just
that weird.

"Uuwi na si Alexa bukas dito."

"For good?"

"Nope, nag-leave of absence lang siya for 1 week. She's going to pay us a visit."

"That's nice. Tell her that my size is 10."

"Nasabi ko na yan. Lumaki nga raw ang paa mo."

I laughed a bit, "Matagal na kasi siyang hindi nakakauwi dito kaya hindi niya na
nasubaybayan ang paglaki ng paa ko, even my body and height."

"Anyway, kamusta yung gang mo?"

I looked back at him. He sounded interested about my gang. "We're going strong.
Ayos. Masaya. Brotherhood. All-in-one na."

"Good... Just don't you dare kill somebody, okay? I don't wanna see you in jail,
Alex."

I chuckled in reply. Killing is not in our vocabulary. We treat humans as humans.


Hindi kami katulad ng ibang gang na kahit makapatay ng tao, ayos lang sa kanila.

Silence. It has been a minute of silence. I sighed and changed my position. I'm now
sitting beside him. "Dad, can I ask you again?" He nodded. "Pa'no po ba..."

"Ano?"

"Never mind..."

Tatayo na sana ako kaso pwersahan akong pinaupo ulit ni Dad. "What is it?"

"I shouldn't ask you this."

"What?"

Napakamot ako sa batok ko habang nakatingin sa sapatos ko.

"Pa'no ba manligaw?"

Tumawa siya ng malakas habang nakaakbay sa akin. May hangin ba siya sa utak? Bakit
lahat ng itatanong ko sa kanya, kailangan niyang tawanan?

"I'm... sorry. It's just that... Never mind. Tara sa kwarto mo, tuturuan kita. Baka
makisawsaw pa nanay mo sa atin."

***

Kinabukasan, same routine lang. Tinanghali na ako ng gising dahil napuyat ako sa
underground fight namin kagabi. Hindi naman kami sumalang, pumusta lang ang mga
gangmates ko sa kanila. Palibhasa, nagtatapon lang ng pera kung gumasta.

12:30 ako pumasok sa E.H.A. Papasok na sana ako ng main gate nang makita ko si
Wayne na palabas mula sa direksyon ko. Seryosong-seryoso yung mukha niya. Usually,
yun ang expression niya 'pag lumalaban siya. Mukhang mapapasubo yata siya, kaya
sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa isang eskinita ilang metro mula sa
campus.

"Wayne!"

Lumingon siya at tumango sa akin, still wearing that serious face.

"Laban?"

He nodded. "Nangpepeste eh."

"Bakit?"

"Nang-gag@go ang langya."

"What?" Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang dala kong paper bag na
naglalaman ng ginawa kong mango crepe for Fatima. Mahirap na, baka matapon.

"Tinat@r@nt@do yung kapatid ni Jake." He said in a calm yet dangerous tone. "Nakita
kong umiiyak siya dun sa sulok. Kung 'di ko pa pinilit na magsumbong sa akin, hindi
niya pa sasabihin."
"Alam ni Jake 'to?"

"No, hindi niya masumbong kay Jake. Natatakot siya." Nagstretch siya ng mga kamay
niya, at para bang nanlilisik yung mga singkit niyang mata sa galit. "Binabastos
na, Alex."

"T-Teka, ano bang nagyayari?"

"Nag-shower si Hazel nung nagswimming class sila sa P.E. Hindi niya alam na may
nag-vivideo raw sa kanya habang nagshoshower siya. Nalaman nalang niya yun nung
kinantyawan siya. Tinakot niya yung mga lalaki na isusumbong niya sila kay Jake
pero blinockmail pa siya na ipopost daw sa internet yun at ikakalat niya sa buong
campus kapag ginawa niya yun."

"What the fck?! Nandyan ba sila?"

"Oo, tara..."

Ayoko talaga sa lahat kapag binabastos ang babae. Kaya pati ako nang-galaiti na rin
sa galit nang marating namin ang hideout nila. Mukhang squatters area pa na akala
mo ay hindi sila estudyante ng E.H.A. Kinatok ni Wayne ng malakas ang pinto na
halos masira niya na iyon.

Bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang senior student. Namumukhaan ko ito.

"P*+@! Sino-----"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tinadyakan na siya ni Wayne sa sikmura.
Inilagay ko muna sa gilid ang bag ko pati na rin ang paper bag saka ako pumasok at
nakipagbakbakan na. Lima lang naman sila at puro mga payatot pa.

"T^r@nt@do ba kayo?! Bat ba kayo bigla-bigla nalang pumapasok sa teritoryo namin?!"


Bulyaw nung isa. Bwisit, ang ingay kaya ipinukpok ko sa kanya yung beer na naabot
ko.

In just 2 minutes, napabagsak na namin sila lahat.

"Mga g@go kayo... Dapat sayo pinuputulan ng ano eh." Iritadong sabi ni Wayne tapos
ay kinapkapan niya isa-isa yung mga bulsa nila. Kinuha niya lahat ng mga phones,
USB nito pati na rin ang mga laptop na nakapatong sa mesa. "Tara, Alex."

"Anong gagawin mo dyan?"

"Ito?" Inangat niya yung garbage bag at hinarap sa akin.

"Oo," sagot ko habang kinukuha ko yung paper bag ko at yung bagpack ko. Sinilip ko
pa ang mango crepe, buti nalang hindi nasira.

"Sunugin natin para wala ng kopya ng video." Sabi niya tapos ay tinignan ang dala
kong paper bag. "Ano ba yan, Alex? Kanina mo pa yan hawak."

"Mango crepe."

"Penge?"

"Pakyu. Hindi ko 'to ginawa para sayo."

"Suuus! Nakakatampo." Nakapout niya pang sabi kaya binatukan ko siya. Bumalik na
naman sa pagiging kolokoy si Wayne. Bipolar talaga 'to. "Kanino ba yan?"

"Tss... Sikretong malupet."

***

Dahil sa sinunog namin ang mga gadget ng mga hinayupak na yun ay nalate kami sa
first subject namin. Sira-ulo kasi si Wayne eh, may balak pang ibenta yung mga
gadgets. Kaya ayun, ako na ang nagsunog.

"Why are you two late?" Bungad sa amin ng teacher namin sa Values Education.

"Si Alex kasi Ma'am eh."

Napatingin ako kay Wayne nun. Loko talaga, ako pa sinisi.

"May inasikaso lang po, Ma'am. Minsan lang naman malate, Ma'am. Kayo naman."
Malambing na sabi ni Wayne sa kanya.

"Fine, go to your seats now."

Pumunta naman ako sa seat ko. Napatingin pa ako kay Fatima, nakayuko lang siya.
Sinabi na kaya ng Mama niya sa kanya yung pinag-usapan namin?

"Fatima..." Tumingin naman siya sa akin. "Ayos ka lang?"

Tumango naman siya na para bang nawiwirduhan sa tinanong ko. "Eh ikaw, ayos ka
lang?"

"Oo naman."

"Eh bat may sugat ka sa labi mo?"

"Ha?" Napahawak ako sa labi ko. Wala naman akong makapang sugat. "Wala naman ah."

"Ito oh..." Inusog niya ng konti yung arm chair niya palapit sa akin tapos marahang
hinawakan ang sugat ko. Napapitlag ako nang mahawakan niya. Dun ko lang naramdaman
na mahapdi pala. "Nakipag-away ka, Alex?"

"Nakipag-away?"

She pouted. "Obvious naman eh. Ano yan, nakagat mo lang?" Inabot niya sa akin ang
panyo niya. Anong gagawin ko dito? "Punasan mo..."

Pinunasan ko gamit ang thumb ko ang sugat sa labi ko. "Samahan mo ako."

"Saan?"

"Sa clinic."

"Eh may seatwork eh." Tumingin siya sa harapan. Nabasa ko dun sa whiteboard na may
nakasulat na, 'Do pages 35-37.'

"Ah sige..." sabi ko nalang.


Nilabas ko muna yung book ko sa Values Education tapos iflinip ko sa pages na
sasagutan. Kaso napansin ko na sumusulyap-sulyap sa akin si Fatima at parang hindi
pa mapakali kaya tumingin ako sa kanya at pinagtaasan ng dalawang kilay, asking her
'what's the matter?'.

Hindi niya lang ako sinagot instead, she raised her right hand.

"Ma'am..." Tumingin naman si Ma'am sa kanya. Anong gagawin niya? "Can I take Alex
to the clinic now, Ma'am? His wound needs to be cured."

Everyone in the class looked back at me as if something's wrong happened to me.


"Anong nangyari?"

"Nagdudugo po yung sugat niya sa lips."

Tinitigan naman ni Ma'am ang sugat ko. "Okay... Gawin niyo nalang dalawa assignment
yang seatwork. You may go to the clinic now."

Here goes my strange feeling again. Sumisikip na naman ang dibdib ko habang papunta
kami sa clinic. Kalalaki kong tao pero nakakaramdam ako ng ganito. Nakakapakshet.

"What can I do for you?" The campus nurse asks as we get inside the clinic.

"Papalagyan po sana ng gamot yung sugat niya sa labi pati po sa braso." Braso?
Anong meron sa--- Ay, tupa! Why is my left arm bleeding? Bakit 'di ko naramdaman
kanina ito?

Inexamine naman nung nurse ang braso ko. Hindi naman malalim yung sugat. Para lang
nagasgas. Sht naman, hindi ko alam kung pa'no ko 'to nakuha kanina. "Sige, upo ka
na sa cot, Alexander."

"Kilala mo ako?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Bago lang kasi siyang nurse eh.

"Oo naman. Naririnig ko sa mga estudyante dito." Nakangiti niyang sabi.

"Miss Ramirez, pinapatawag ka raw po sa gym. Inaatake na naman ng hika si Lyza."

Napalingon kami sa nagsalita. Hindi ko siya kilala pero sure akong teacher siya
dito. Dahil dun ay iniwanan niya na kami at pinaubaya na sa amin ang paggagamot sa
sugat ko. Medyo ininstruct pa niya kami kung anong gagawin. Tss. Alam ko na yan,
first aid treatment eh.

"Alex..."

Gulp. "Oh?"

"Diba kasali ka sa gang?"

"Yeah, why?"

"Wala lang." Sabi niya habang nilalagyan ng alcohol yung cotton tapos idinampi niya
sa sugat ko sa braso ko. Nang matapos na niyang linisan ang sugat ko ay isinunod na
niya ang betadine.

"Fatima, gusto mo bang maging nurse?" I asked all of a sudden.

Napangiti naman siya tapos ay kumuha na naman ng panibagong bulak at nilagyan iyon
ng alcohol. She held my chin carefully and slowly touched the cotton on the side of
my lips. Napapikit ako sa hapdi. Masakit talaga pag alcohol.
"Gusto kong maging nurse talaga."

Napamulat ako at tinitigan siya. Ang lapit lang ng mukha niya sa mukha ko kaya
natitigan ko ang mga mata niya. "May tatanong ako, Fatima."

"Ano yun?" Binitawan niya ang chin ko tapos ay naghanda naman para sa betadine.

"May nasabi ba sayo ang Mama mo kagabi?"

"Tungkol saan?"

"About me."

Hinawakan na naman niya ang chin ko at dinampian ng ointment. "Wala, ano naman
sasabihin niya tungkol sayo?"

"Secret."

"Ha? Ang daya mo, Alex. Nacurious tuloy ako." Tapos nag-pout pa siya.

I chuckled, "Huwag ka ngang ngunguso. Mukha kang bibe."

Sinimangutan niya naman ako at inirapan. "Eh ikaw? Ang haba naman ng baba mo." What
the...?!

"Tss."

Natapos na rin siya sa paglilinis ng sugat ko kaya umupo muna kami saglit sa cot ng
tahimik. Nakatitig lang ako sa kanya, kasi nakakapanibago. Hindi yata siya makulit
ngayon.

"Fatima, bat ang tahimik mo ngayon?"

Tumingin naman siya sa akin at nagshrug. "Eh ikaw, bat ang daldal mo ngayon, Alex?"
Madaldal ba ako ngayon? Iba na yung pakikitungo niya sa akin, pansin ko. Dahil ba
sa nadulas ako sa kanya na crush ko siya?

I sighed and looked at her. Nakatingin lang siya sa sahig habang sinu-sway ang paa
niya. "Fatima, pwedeng magtanong?"

"Ok."

"Sabihin mo muna 'oo'."

Tumingin siya sa akin ng nagtataka. "Bakit?"

"Sabihin mo muna 'oo'."

"Bakit nga?"

"Oo muna..."

Nagpout na naman siya tapos nagkagat-labi. "Oo... Ano na?"

I grinned to her and messed her hair. "Tatanong ko sana kung..." Gulp. "Pwedeng
m..manligaw sayo?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tinanong ko. Her cheeks flushed red. She looked away
and combed her pigtail hair with her fingers. Kinakabahan ako sa isasagot niya kaya
inunahan ko na siya.

"Alex naman---"

"You said 'yes' already kaya liligawan na kita."

"Ha?"

"Umoo ka na kanina diba?"

"Eh?"

Tumayo na ako at humarap sa kanya. Hindi pa rin naiiba yung expression ng mukha
niya kaya napatawa pa ako ng mahina. "Tara na, balik na tayo sa room?"

"Aleeeex, huwag ka naman ganyan. Hindi pa ako nagpapaligaw."

"Kung yan ang gusto mo, sige. Pero liligawan pa rin kita hanggang sa marealize mo
na gusto mo na ako. 1 week, 1 month, 6 months, 1 year o kahit matagal pa,
maghihintay pa rin ako. Hindi naman ako nagmamadali."

"..."

"So, tara na?"

Ayaw niya pa tumayo kaya hinila ko na siya sa right wrist niya at bumalik na kami
sa klase namin. Payo sa akin ng dad ko kagabi na lakasan ko ang loob ko 'pag
itatanong ko yun sa babae kaya yun ang ginawa ko. Kabado talaga ako kanina pero
hindi ko lang pinahalata.

The class went on. Kagaya kahapon nagpalit kami ni Fatima ng pwesto. Ako sa aisle,
siya naman sa corner. Hindi ako kinakausap ni Fatima kaya nabother ako. Itinabi ko
pa sa kanya ang arm chair ko sinilip ang mukha niya.

"Fatima, galit ka ba sa akin?" Hindi niya ako pinansin, patuloy lang siya sa
pagsusulat. "Fatima Grace, ano na?"

Tinignan niya ako ng seryoso. "Alex naman ehhhhh."

"Hahaha, bakit?"

"Huwag ka na kasi magbiro."

"Hindi nga ako nagbibiro. Seryoso ako... sayo." Nagblush na naman siya.

"Bata pa ako~"

"Bata pa rin naman ako. Oh, ano naman?"

"Ayoko pa magboyfriend."

Pinisil ko ang pisngi niya, pink na pink na kasi. "Sa ngayon, hindi pa. Hihintayin
ko yung araw na pwede ka ng magboyfriend. As for now, liligawan muna kita."

Naaliw ako sa expression ng mukha ni Fatima. Parang siya yung nahihiya sa aming
dalawa eh. Narinig ko nalang na nagsalita yung teacher namin sa Computer subject sa
harapan.
"Sinong secretary dito? Pasulat lang ng lecture sa board." Sabi nung teacher.

"Absent, Ma'am eh." Sagot nung isa naming classmate.

"Eh sinong maganda ang sulat dito?" Tanong ulit niya.

Nagulat nalang si Fatima pati na rin ako ng tawagin siya ni Ma'am. Napansin daw
kasi niya na maganda ang sulat niya kaya siya nalang ang pinagsulat. Kaya ayun,
nasa harapan na siya at nagsusulat na sa whiteboard. Kainis, tamad naman ng teacher
na ito. Papagurin pa kamay ni Fatima.

"Alex... Yow."

Napatingin ako sa umupo sa pwesto ni Fatima sa corner, si Jake pala. "Oh?"

Nagsimula na akong magsulat pati na rin si Jake. "Napalaban daw kayo ni Waynepot?"

"Oo..." Napahinto ako at tumingin sa kanya. Alam na kaya niya ang nangyari sa
kapatid niya?

"Oh, ayos naman ba?" Tumango lang ako. Mukha namang wala pa ring idea ang isang
ito. Alam kong malakas makasagap ang radar niya pero 'pag tungkol sa mga taong
malalapit talaga sa kanya, humihina na ang pagkafortune teller niya. That's how
weird he is.

"Anong meron? Bat nagpalit kayo ni Fatima ng pwesto?" Tanong na naman niya pero
nakafocus pa rin siya sa pagkopya ng lecture.

"Paki mo?"

"Eh, ano yang lunch box?" Nguso naman niya sa paper bag sa pagitan namin.

"Paki mo?"

"Para kay Fatima ba yan?" Saka siya ngumisi.

"Eh alam mo naman pala."

"Tch. Oh, ano? Damoves na dude?"

"Ano pang magagawa ko? Edi oo."

"WOOOOOOOAH!"

Napalakas yung boses ni Jake kaya napatingin sa amin ang buong klase. Tahimik kasi
kaya rinig na rinig. Binatukan ko nga. Bwisit, eskandaloso.

Yumuko siya at tinignan ako ng nakakaloko. "Alex, level up ka na."

"Tss."

I raised my head and looked at Fatima infront. Maganda nga ang sulat niya. Neat at
talagang naiintindihan.

"Fatima, ano yung number 5? Custom, what?" Tanong ng papansing si Russel. Eh clear
namang CUSTOM VIEWS ang nakasulat, nagtatanong pa.

Lumingon naman si Fatima. "Custom views."


"Thanks, Fatima."

"Ballpen mo naman, dude. Mababali na oh.. Nagtanong lang, selos ka kaagad."

Tinignan ko lang si Jake ng masama. Hindi ko rin napansin na napapahigpit na ako ng


hawak sa ballpen ko. Papansin kasi amputek eh.

"I'm not jealous. Sino ba yang lalaking yan para pagselosan ko?"

"Wew? Gwapo yung lalaking yun tapos maganda pa ang tabas ng baba. Hahaha! Joke..."
Bulong niya.

"Oh tapos? Bigti na, Jake."

"Joke lang naman. Seryoso ka masyado. Edi magtanong ka rin kay Fatima para pansinin
ka." Then he chuckled.

Magtanong? Bahala na.

"Fatima, ano yung number 8?"

Lumingon naman siya sa akin. "8? Freeze panes."

"Thank----"

Sumingit naman si Jake. "Pfft! Huwag ka maniwala dyan, Fatima. Nagtatanong ng


number 8, eh nasa number 2 pa lang naman siya. Hahahaha!" Sabi niya habang
winawagayway pa ang notebook ko.

"Bwisit ka, Jake." Sabay agaw ko sa notebook ko. Nakarinig tuloy ako ng asar mula
sa buong klase ko kaya yumuko na ako at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Sensya, dude."

"Mukha mo."

Tumayo na si Jake at akmang babalik na sa pwesto niya nang magsalita ulit ang
bwisit. "Fatima, ang ganda raw ng mukha mo. May pag-asa ba raw si Alex sayo ngayong
nililigawan ka na niya?"

Pakshet ka, Jake. Mamaya ka sa akin.

"Ayiiiieeeeeeeeeee!"

"Wiwit!"

***

Kanina pa ako nababadtrip kay Jake dahil sa ginawa niya kanina sa akin. Ipahiya raw
ba ako? But on the second thought, he helped me out, didn't he? Dahil dun, nalaman
ng lahat na nililigawan ko na si Fatima. At dahil dun, nalaman na rin ni Russel na
nanliligaw ako kay Fatima kaya magkamali lang siya na lumapit sa kanya, talagang
madudurog ko ang baba (chin) niya.

"Masarap ba?"

Fatima nodded and smiled shyly. "Oo naman, favorite ko 'to eh."

"Ganyan ka na ba talaga sa akin? Naiilang? Hindi ako sanay."

Sumubo ulit siya ng mango crepe. Nandito kami ngayon nakapwesto sa outdoor stage.
Matagal ko rin hindi nakasabay si Fatima sa pagrecess dito ah. Nakakamiss.

"Eh kasi parang... parang 'di na tayo bestfriend." Saka siya yumuko.

"Bestfriend mo pa rin naman ako kahit nanliligaw na ako sayo. At bestfriend mo pa


rin ako kahit sagutin mo ako."

Tumingin ulit siya sa akin, seems worried. "Hindi ako papayagan ni mama na
magpaligaw, Alex."

I smiled widely at her. "Mas nauna pa akong nagpaalam sa kanya kesa sayo."

"Eh?"

"Hindi nga kasi ako nagmamadali. Kahit abutin pa tayo ng college, maghihintay ako."

Mukha na siyang hopeless kaya napatawa na naman ako. "Naman kasi eh! Bat mo ba kasi
ako nililigawan? Ang dami naman dyang babae."

The bell rang. Hudyat na tapos na ang recess time. Inayos ko na ang pinagkainan
namin at inalalayan siyang tumayo. Bago kami bumaba ng stage, sinagot ko ang tanong
niya.

"Marami ngang babae dyan pero si Fatima Grace Eugenio ang bukod tanging gusto ko."

***

"Class dismissed."

Agad-agad nagsitayuan ang mga classmates ko. Yung iba naman, kanya-kanyang ayos ng
sarili. Unlike sa katabi ko, nagsusulat ng list of homeworks niya. Isa yan sa mga
nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya yung tipong makolorete sa katawan. Simple lang
siya and that's what makes her beautiful.

"Tara na... Hatid na kita sa kotse niyo."

Tinulungan ko siya sa pagdala ng gamit niya palabas ng campus. Nakatingin lang ako
sa kanya habang naglalakad kami. Ang ganda niya kasing tignan kahit na nakapigtail
siya.

Lumingon siya sa akin. "Alex, may tanong ako."

"Ano yun?"

"Hindi mo ba ako pinagtritripan?"


I gawked. "Hindi kita pinagtitripan."

"Talaga?" Nakatitig pa siya sa mga mata ko.

"Oo." Sakto naman na nakarating na kami sa waiting shed. Madilim na naman. Sanayan
talaga na gabi ang uwi namin dahil PM class kami.

"Maninigurado lang, Alex ha?" Nagulat ako nang sapuhin niya ang pisngi ko tapos ay
tinitigan niya ang mga mata ko. "A..anong ginagawa mo?"

"Sabi nila, kapag sincere daw ang tao sa sinasabi nila, malalaman daw yun sa mga
mata nito." Tinitigan niya ng mabuti ang mga mata ko at medyo inilevel sa mukha
niya. "Ngayon, sabihin mo sa akin Alex na sincere ka. Na hindi mo ko pinagtitripan.
Hindi naman ako magagalit eh."

Fck this strange weird feeling of mine. Hindi ako makahinga ng maayos. Bwist!

"What now, Alex?"

I gulped.

"Gusto kita, Fatima. Gustong-gusto... At hindi kita pinagtitripan. Mamatay man


ako."

Binitawan niya naman bigla ang mukha tapos ay nagcross arms. "Huwag naman mamatay."
Sabay lapit niya dun sa gilid ng shed at kumatok. "Knock on wood, 3 times. Baka
magkatotoo."

I laughed out loud. "Oh ano na? Naniniwala ka na?"

*beep! beep! beep!*

Napatingin ako sa kalsada nang marinig namin ang pamilyar na busina ng kotse.
Dumating na pala ang mama niya.

Fatima took her bag from my grip. Tinignan niya lang ako ng seryoso at maya-maya ay
ngumiti siya na halatang nahihiya naman.

"Talagang maghihintay ka? Kahit gaano katagal?"

"Oo nga, paulit-ulit ka."

"Promise?"

I smiled a little. "Promise."

Naglakad na siya palapit sa kotse ng Mommy niya at bago niya buksan ang pinto sa
backseat ay lumingon siya sa akin.

"Okay, basta ba wala munang 'dating' at bestfriends pa rin tayo." I nodded and
smiled. "Oo na, pumapayag na akong ligawan mo ako, Alex."

-11-

***11***

"Next next week na pala ang fieldtrip natin."

"Oo nga! Excited na ako. Yieeee!"

"Yeah right, hindi ko naman habol yung itineraries. Ang habol ko ay yung bonding!
I'm so excited na!"

September na. Dalawang buwan na rin nang simulan kong manligaw kay Fatima. If
you're going to ask how my courtship is going, I must say that it's been fine.
Hindi naman maarte si Fatima at naappreciate niya lagi ang mga ginagawa ko para sa
kanya. Ganun pa rin naman ang relationship namin, we're still bestfriends.

"Alex... Alex... Alex..." Tumingin ako kay Fatima nang marinig ko ang mahinhin
niyang boses. Nakita ko naman na malungkot yung mukha niya kaya binitawan ko muna
ang pen ko at hinarap siya.

"Oh, what's wrong?"

"Pwede favor?" Tumango ako habang nakatitig lang sa kanya. "Pwede bang mag-take
down notes ka sa fieldtrip?"

"Huh? What for?" Bat naman ako mag-tetake down notes? Aanhin ko yun?

"Eh kasi..." Naghalumbaba siya sa desk sabay yuko niya. She really looks sad. "Eh
kasi hindi ako makakasama sa fieldtrip."

"What? How come?" I moved my chair closer to her. By the way, simula nang ligawan
ko si Fatima, nagpalit na kami ng pwesto. Nasa sulok na siya... Ayoko lang na may
makalapit sa kanyang peste. Tch.

"Hindi ako pinayagan eh." She looked to me sadly. "Ayos lang yun. May next time pa
naman."

"Gusto mo ipagpaalam kita sa parents mo?"

"Huwag na, Alex. Hindi talaga ako papayagan nila Mama eh."

"Bakit?"

"Basta..."

Sa pagkakakilala ko kay Fatima sa ilang buwan naming pagkakaibigan, hindi dapat


siya pinipilit kung ayaw niyang sabihin ang isang bagay. Nabubugnot kasi siya kapag
ganun. Kaya hinayaan ko nalang siya. Ayoko naman na mabadtrip siya dahil sa akin.
Eh 'di bawas points yun. Tss.
Ilang saglit lang ay pumasok na ang MAPEH Teacher namin. Dahil Friday ngayon ay
Physical Education ang ita-tackle ngayong araw. Kaya naman, pinalabas na kaming
lahat at pinapunta sa gym.

Tumabi ako kay Fatima sa bleachers. Ganun naman lagi eh. Siya lagi ang sinasamahan
ko. Mahirap na, baka may sumalisi.

"So today, we're gonna play volleyball. Separated ang game ng boys sa girls para
fair. All of you should play ha? Oh, except to Lyza... Ang hindi maglaro, walang
grade. The winning teams will get an additional grade for today's activity." Sabi
ni Sir Elimar sa amin. Lyza can't play because she has asthma. Lagi nalang yun
hinihika 'pag napapagod.

Kanya-kanya na silang pag-team up samantalang kami naman ni Fatima nakaupo pa rin


sa bleachers.

"Wala ka bang balak mag-volleyball?" Tanong ko sa kanya.

She just shrugged and looked at me blankly, "'Di ako marunong nyan."

"Pa'no ka matututo kung 'di mo susubukan?" Hinila ko na siya patayo at dinala na


siya pababa sa court. Pumwesto muna kami sa gilid kasi inaayos pa nila yung net sa
gitna. Yung iba naman ay nag-uusap pa kung saang team sila sasali.

"Alex, ayoko. Natatakot ako sa bola." She said uncomfortably while stomping her
feet.

"All of us should play daw eh. Sige na, subukan mo na." Inilevel ko pa ang mukha ko
sa mukha niya. Masyado kasing maliit ang height niya para sa akin. "If you don't
play, you won't get a grade in this activity."

Nag-pout lang siya tapos tumingin siya sa iba naming classmates saglit. "Fine, I'll
play."

Kapag grades talaga ang pinag-uusapan, gagawin talaga ni Fatima kahit ayaw niya.
Ganyan siya ka-studious eh.

I messed her hair and smiled to her, "I'll cheer you. Don't worry..."

"Huwag na, Alex. Nahihiya ako!"

"Okay, just do your best." Sabi ko sa kanya saka ko siya hinawakan sa balikat niya.
"Kaibiganin mo yung bola. Huwag mong katakutan."

Papanuorin ko sana si Fatima na maglaro kaso sabay pala ang game ng boys sa girls.
Nasa left side sila ng gym, samantalang nasa right side naman kami. Ilang minuto na
rin kaming naglalaro. Minsan sinusulyapan ko siya during our game kaya naman ....

"SH*T!!!"

Napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ko ang noo ko. Natamaan kasi ako ng bola.
Putek naman oh!

"Ayos ka lang, Alex?" Tanong sa akin ng hindi ko kilalang lalaki pero malamang
classmate ko siya.

"Alex, may dugo???" Tanong naman ni Jake sa akin. Nakapalibot na sila sa akin kaya
pakiramdam ko ay masusuffocate na ako.
"Alexander, kilala mo pa kami???" Peste 'tong Wayne na 'to! Ano 'to amnesia?

"D.mn! Layuan niyo nga ako! Papatayin niyo ba ako sa suffocation? Peste naman."
Nagsilayuan naman sila sa akin kaya tumayo na ako. Sh*t, nahilo ako dun ah.

"De Silva, ayos ka lang? You want to go to the clinic?" Narinig kong tanong sa amin
ng teacher namin.

"Can I just sit there?" Sabi ko habang hawak-hawak pa rin ang noo ko. Umoo naman
siya kaya dali-dali akong tumawid sa left side ng gym at umupo sa first row ng
bleachers. Kaya ko pa naman maglaro... Palusot ko lang yun para mapanuod si Fatima
sa pagvovolleyball.

I started watching the girls play. Hinanap agad ng mata ko si Fatima at nang
magtama ang mga mata namin, she showed me her thumbs up, asking me if I'm okay.
Ngumiti naman ako sa kanya tapos ay tinanguan ko siya. That's what I like about
her... She's so thoughtful that makes me feel that I'm special.

Halata kay Fatima na hindi siya marunong maglaro pero gaya ng advice ko sa kanya,
hindi niya tinatakbuhan ang bola. Instead, nilalapitan niya pa yun at dini-dig or
tinotoss. Nakakatawa pa nga siya kapag nag-dig ng bola, imbes na papuntahin niya sa
kabilang team, pataas yung hagis niya ng bola.

They're in the middle of the game when I saw Fatima excused herself and talked to
our teacher. Then, tumingin siya sa akin saglit tapos dumiretso na siya palabas ng
gym. Baka pupunta sa restroom... But what the hell? Ilang minutes na ang nakalipas
pero hindi pa rin siya nakakabalik.

Hindi na ako nagpaalam kay Sir Elimar. Basta lumabas na ako ng gym at hinanap na si
Fatima kung saan. Ano'ng nangyari dun? Bat bigla-bigla nalang lumabas?

Dumiretso ako sa classroom namin to check if she's there... and yes, I'm right,
nandun nga siya. Nakatalikod siya sa air-con habang umiinom ng bottled water.
Mukhang nagulat pa siya sa pagpasok ko kaya ibinaba niya ang blouse niya. Kung
bakit kasi hindi ako kumatok!! Tsk!

"Sorry..." I murmured.

"Okay lang..." She looks embarrassed and I hate it.

"Sorry talaga..." Umupo ako sa upuan ko habang nakatingin sa kanya. Nakatutok pa


rin siya dun sa aircon sa kabilang row. "Bakit ba kasi inaangat-angat mo yung
blouse mo dyan? Nakalimutan mo bang nasa school ka???"

She pouted. "Eh mainit kasi."

"Kahit na. Pa'no kung iba yung pumasok?" Yumuko na ako at ipinatong ang dalawang
paa ko sa armchair sa harapan ko. "Anyways, bakit bigla ka nalang umalis dun?"

"Ayoko na eh. Pagod na ako."

Narinig ko yung footsteps niya palapit sa akin kaya ibinaba ko na ang paa ko para
padaanin siya.

"I'm not really into sports." She walked passed me and sat next to me. Tumingin ako
sa kanya at nakita ko siyang umiinom pa rin ng malamig na tubig.

"Mukha nga. Hindi bagay sayo magvolleyball eh."


"Pang academics lang talaga ako." Then she giggled. Mukha namang may naalala siya
kaya tumingin siya sa akin with her surprised expression. "Oo nga pala, Alex! May
meeting pala kami mamaya after recess."

"Meeting?"

She nodded quickly. "Yup! For Battle Of The Brains. Sa Tuesday na kasi yung laban
namin diba?" Sabi niya. Oo nga pala, kasali pala siya sa quiz bee na gaganapin sa
ibang school next week. Matalino nga pala itong nililigawan ko.

"Ahh..."

***

Nakaupo ako dito sa labas ng lobby ng main building, dito pa rin sa loob ng campus.
Hinihintay ko kasi si Fatima. Mula kasi after recess, hindi na siya bumalik ng
classroom namin. Tinanong ko naman yung adviser namin kung bat 'di pa siya
bumabalik hanggang sa mag-uwian, yun pala nirereview daw sila. I decided to bring
her bag and wait for her here in the lobby para 'di na hassle. Siguro naman
matatapos na sila few minutes from now. Kanina pa sila dyan sa loob eh.

Nakatingin lang ako sa hawak kong hair clip habang hinihintay si Fatima. Habang
tinitignan ko kasi ang mga gamit ng baby sister ko kagabi ay nahagip ng attention
ko ang clip na ito. Nakakagaan ng pakiramdam habang pinagmamasdan ko ito.

Maya-maya lang ay may narinig akong yabag ng mga paa pababa ng staircase. Pagtingin
ko dun, nakita ko ang limang naka-eyeglasses na mga estudyante kasama si Fatima.
Kahit sino siguro ang makakita sa kanila, maiisip mong mga matatalino sila.

Tumayo agad ako at lumapit kay Fatima.

"Alex... Hinintay mo ako?" I nod in respond. Humarap naman siya sa mga kasama niya
at ngumiti. "See you tomorrow, guys."

"See you, Fatima."

Tahimik lang kami habang papunta sa car park. Kahit 8PM na ay medyo maliwanag naman
dahil sa mga post eng ilaw dito sa car park ng E.H.A. Tumingin ako kay Fatima at
napansin kong nakangiti din siya habang nakayuko.

"Uhmm, you look happy."

She raised her head and looks to me. "Wala lang. Enjoy lang kasama yung mga kasama
ko sa quizbee."

Naalala ko bigla yung sinabi ni Fatima sa mga kasama niya kanina. 'See you
tomorrow?' "Magkikita-kita ba ulit kaya bukas?" Tumango-tango siya. "Akala ko ba
self-study ka?"

"Mas maganda raw mag-group study eh, at isa pa, irereview daw kami ni Mrs.
Estofila."

Review review... Psh. Sakit sa ulo.

"Anong oras ba yan? Sunduin kita..."

Tumingin siya sa akin ng mabilis saka niya winave yung kamay niya sa akin. "Huwag
na, Alex."

"Bakit?"

Nakarating na kami sa waiting shed at umupo kami sa bench doon. "Bawal daw ang
chaperone para raw makapagconcentrate kami."

"Tsk. Kalokohan." Bulong ko.

"Huh? May sinasabi ka, Alex?"

Umiling naman ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, ang KJ naman ni Estofila." It's about
time... I took the hair clip from my pocket and stared at it for some seconds.

"'Di siya korny noh... Tama naman----"

I didn't let her finish what she's about to say, I quickly held her head and put
the hair clip on it. Nagulat naman siya kaya napahawak siya dun sa bangs niya. "Ano
'to, Alex?"

I smiled to her and touched the clip quickly. "This is Alexis' favorite hair clip.
Itago mo yan ha? Inalagaan ko yan ng ilang taon. Mahalaga yan sa akin kaya naman
binigay ko rin sa mahalagang babae para sa akin."

"You're giving this to me?" She asked unbelievingly.

"Oo... Bagay sayo eh. Maganda..."

"Thank you..."

Narinig na namin ang pamilyar na busina ng kotse ng Mama ni Fatima kaya hinatid ko
na siya doon. Bago pa siya tuluyang makasakay ay may sinabi siyang ikinagulat ko.

"Alex, thanks for this clip. This is my best birthday gift ever."

Birthday gift?

***

Wala ako sa huwisyo habang pauwi ako. Birthday gift daw? What the eff? Is today's
her birthday? Bakit hindi ko alam? Ayan tuloy, 'di ko napaghandaan.

Isinalampak ko lang ang katawan ko sa kama saka ako nagtakip ng unan sa ulo ko.
Puch@, bakit hindi ko inalam ang birthday niya? Ano ba ngayon? September 1? Argh! I
am a lame suitor for Pete's sake!

Bigla ko nalang narinig ang message alert tone ng phone ko kaya kinuha ko ito mula
sa bulsa ng pantalon ko. Si Arthur pala ang nagtext. Isang tumataginting na 'good
evening with smiley lang naman.' Tss.

"Matawagan kaya si Fatima?" I immediately pressed the speed dial #2 and placed it
on my ear. Ilang rings pa lang ay sinagot niya na ang tawag ko kaya pumikit ako.

["Hello, Alex?"]

"Fatima... Sorry."

["Para saan? Wala ka namang ginawang masama diba?"]

"I didn't know that today is your birthday."

["Hahaha! Okay lang yun. Hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday eh."]

"Bakit?" Napamulat ako. Parehas kaming hindi nagcecelebrate ng birthday... Parehas


din kaming month of September pinanganak, September 12 to be exact. Napangiti tuloy
ako.

["I just don't feel like celebrating."] Malamyang sabi niya pero eventually, naging
masaya naman ang tono. ["Thanks ulit sa clip ha? Don't worry, I'll keep it."]

"Parehas tayo..."

["Parehas? Saan?"]

"I don't like to celebrate my birthday."

["Bakit?"]

I sighed and closed my eyes again. "3 days after my birthday was the day Alexis
died."

["I am sorry..."]

"Don't be... Pasensya na. Anyway, huwag mong itago ang clip na yan. I want you to
wear that, okay? Sige na, Fatima.. I'm hanging up now. Goodnight..."

["Goodnight din, Alex."]

"Sweet dreams... I---- never mind."

*TOOT TOOT TOOT*

Face palm. You're really lame, Alex.

***

2 days din hindi ko nakita si Fatima. Hindi ko rin siya nakatext or nakatawagan.
Busy kasi sa pagrereview. Ayoko namang maging asungot sa pag-aaral niya and
besides, naging busy din kami ng X10. Buti nalang at nanalo na naman kami nung
Sabado... And this time, it's 100,000 cash. Puro mga mayayaman kasi ang pumusta
nung gabing yun kaya malaki ang premyo.

"Master, ayos ah. Bagong motorbike na naman ito." Kent said in amazement as he
examined Kurt's motorbike.

"Dad, bought that for me."

"Hi, Kurt."

Napatingin kami sa nagmamay-ari ng boses and there we saw a gorgeous girl walking
towards us.

"Why the hell is she here?" Kurt murmured and we just shrugged our shoulders in
respond. Nandito kami sa tapat ng gym na pinagwowork-out-an namin kaya
nakakapagtaka na nandito siya. Napagkasunduan kasi naming X10 na mag-work out
tuwing Monday ng umaga since afternoon class naman kami.

"Hi Kurt, how are you?" Nakangiti niyang tanong kay Kurt nang makarating siya sa
tapat namin. She doesn't mind our presence... Si Kurt lang ang tinitignan niya.

"Obviously, I am fine." Bored na sagot ni Kurt saka ito nagsindi ng sigarilyo at


hinithit ito.

"That's good to know." Then tumingin siya sa motorbike at hinaplos ito na para bang
nang-aakit. "Is this your motorbike? Can I ride on it with you?"

Kurt glared to her. "What the fck, Tracy? Are you playing with me?"

The girl named Tracy Palermo. Classmate namin siya mula grade 4 up to now... Bihira
lang siya pumasok kasi lagi siyang nagka-cutting classes. And needless to say,
she's head over heels inlove with Kurt. Pity her.

"Can I? I would love to play with you! That would be... fun!" Then she giggled.

"Oh, don't talk to me. You're so fcking annoying." Sumakay na si Kurt sa motorbike
niya tapos ay kumaripas na ng takbo. Imba talaga itong si Tracy... She's so
gorgeous but Kurt keeps on rejecting her. I don't know why.

"Tracy, sa akin ka nalang. Ibibigay ko ang full attention ko sayo." Sabay kindat ni
Derrick kay Tracy but she just rolled her eyes.

"Sa akin ka nalang, Tracy. Pag sa akin ka, sure ka sa future mo. Hahaha!" Sabi
naman ni Jake.

"Whatever, talk to my hand!" She raises her left hand sophisticatingly.

Pumunta na kami sa campus at exactly 12:30PM. As usual ay hinintay ko na si Fatima


sa hallway along the entrance kaya sinalubong ko kaagad siya.

"Kamusta ang review niyo?" I ask her.

"Ayos naman. Masaya." Then she smiled. Wow, basta sa mga matatalino, minamani lang
ang pag-aaral. Tss. "Alex, would you mind if you accompany me to my locker? Nandun
kasi yung manila paper ko."

"Sige lang."

Nung makarating na kami sa locker niya, nagtaka kami kasi may nakita kaming
nakasabit sa handle nun. Isang medium-sized na white paper bag.

Tumingin siya sa akin, "Hala, ano 'to?"


"I don't know..."

Kinuha niya yun at sinilip yung laman. Pati ako, nakisilip na rin. I saw a brown
box inside it and there's a sticky note on top of it says, To: Fatima Grace
Eugenio. 'Di na kami nagtaka kung para kanino yun kasi obvious naman na nakasabit
sa locker niya at may nakasulat pang para sa kanya iyon. Sino namang hinayupak ang
naglagay nyan dito?

"Woooow! Cuuuuute..." Tuwang-tuwang sambit ni Fatima nang buksan niya ito.


Pinahawak niya pa sa akin yung paper bag para mapagmasdan niyang mabuti ang laman
nitong white teddy bear. What the fck? Ano yan?

"Kanino galing yan?" Kalmado kong tanong sa kanya pero peste, naiinis ako.

She just shrugged while hugging the stuffed toy. "Walang nakasulat, Alex eh. Ang
cute-cute naman!!"

Nabwibwisit ako. Ewan ko kung bakit, basta naiinis ako sa kung sinuman ang nagbigay
nyang cheap na teddy bear sa kanya. May paganyan ganyang pang nalalaman.. Tch!

***

Tuesday, araw ng laban nina Fatima para sa Battle Of The Brains. Nagcutting classes
pa ako para mapanuod siya sa ibang Academy. Fortunately, they won the quiz bee.
Hapon na ng magpunta kami sa E.H.A para raw makausap sila ng principal. As usual,
hinintay ko na naman siya sa harapan ng Principal's office.

"Kamusta ang pakikipag-usap sa principal?" Tanong ko nang makalabas na sila mula sa


loob ng office. Nagpaalam na rin siya sa mga kasamahan niyang mga nerd dahil may
dadaanan pa kami sa locker niya.

"She just congratulated us." Nakangiti niyang sabi.

"Congratulations ulit... Kahit hindi ko mapasok sa utak ko yung Q&A niyo dun, nag-
enjoy naman ako sa panunood sayo."

Napakagat-labi siya tapos yumuko, suppressing her smile. "Thanks, Alex... Pero sana
'di ka nalang nagcutting."

"Eh gusto kitang mapanuod eh. Pakialam nila?"

"Kahit na..." Nakarating na kami sa tapat ng locker niya at may napansin na naman
kaming isang paper bag. Oh not again... "May ganito na naman?"

"Tss. Walang magawa sa buhay." Iritadong bulong ko at saka ako sumandal sa katabing
locker niya. Hindi naman niya ako pinansin, basta binuksan niya ulit yun and this
time, isang box ng Ferrero chocolate.

"Aleeeex, favorite chocolate koooo!!" She exclaimed happily then put the chocolate
back in the paper back. May napansin naman akong nakadikit na sticky note ulit sa
labas na parte ng paper bag kaya kinuha ko yun.

"To Fatima Grace, congratulations for winning the inter-high quiz bee blah blah
blah." Pagbabasa ko dun sa sulat. Tss. Ang corny naman ng sumulat nito. Pangit pa
ang penmanship. Kasing pangit niya din siguro. Tsk.
Inagaw naman ni Fatima sa akin ang papel tapos tinignan niya rin yun saglit. "Alex,
sino kaya ang nagbibigay nito?"

My lips twitched in irritation. Sa akin pa tinanong. Tss.

"Baka galing sa terorista..." Nang-aagaw ng teritoryo eh. Tsk!

***

Ilang araw na rin ang nakalipas at patuloy pa rin sa pagbibigay ng kung ano-ano ang
secret admirer ni Fatima. 3 days na rin siguro. Eto naman si Fatima, tuwang-tuwa at
naappreciate pa ang mga natatanggap niya mula sa terorista. Nakakainis! Hindi ba
halata na binabakuran ko na si Fatima? Bat pa may dumidiskarte pa rin sa kanya?

"Hoy!"

Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Medyo lumingon-lingon pa siya sa


paligid niya para manigurado kung siya nga ang tinawag ko. Naisip ko kasing
bantayan itong damuhong ito sa labas ng gate bago siya pumasok sa campus.

"Ako ba?"

"Ikaw nga." Naglakad ako palapit sa kanya saka ko siya kwinelyuhan. Makapal mukha
ng taong ito eh!

"A-Alex..."

"Diba sabi ko sayo huwag mo ng gagaguhin si Fatima?" Hinigpitan ko pa lalo ang


pagkakahawak ko sa kwelyo niya at inilapit ko pa sa akin. "Gusto mo ba talagang
mabugbog para magtino ka, Russel?!"

"Hindi ko alam yang sinasabi mo. N-Nananahimik na ako, 'di na kita pinapakielaman!"

"Eh g@go ka pala eh! Ano yung mga pinapadala mo pa sa kanya?!?" Alam ko naman na
may interes si Russel kay Fatima kaya siya ang pinaghihinalaan ko na nagbibigay ng
mga regalong patapon.

"Wala talaga akong alam sa sinasabi mo."

Marahas kong binitawan ang polo niya saka ko inayos ang polo ko na medyo nagusot.
Shet, kung hindi siya, eh sino?

***

Before class, dumaan na muna kami ni Fatima sa locker niya gaya ng nakagawian.
Nawiwili na kasi siya sa pagtanggap ng mga regalo mula sa unknown terrorist na yun.

"Ano na naman yang ginagawa mo, Fatima?" Nakita ko kasi siyang may isiniksik sa
loob ng paper bag na nakasabit sa locker niya. As usual, may regalo na naman kasi
siyang natanggap and this time, isang sci-fic book naman.

"Titignan ko lang kung magrereply siya sa sulat ko. Gusto ko kasing malaman kung
sino siya eh."
My brows formed a straight line. "Pinag-aaksayahan mo ng oras 'yang walang kwentang
tao na yan. Wala yatang mukha kaya ayaw magpakilala eh."

Nagpout naman siya sa akin tapos hinampas niya ng mahina ang braso ko. "Ang bad
mo... Nakakatuwa kaya siya, Alex."

"Tss. Dyan ka na nga." And then I walked out.

Mukhang may karibal pa ako. Putek!

-12-

***12***

"Oh bakit busangot ang mukha mo, Alexander?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Toffer
sa akin. I just keep on walking 'till we reach our classroom. Ang bilis ng araw,
Monday na naman.

"Basted ka na, Alex?" I heard Wayne ask me. Umupo lang ako saka ko siya nilingon.

"Of course not. Bat naman ako mababasted eh hindi pa ako kumikilos ng todo." And
then I took a nap.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang school bell na hudyat na magsipasukan na ang
mga estudyante sa kanya-kanyang mga classrooms. Umayos na rin ako ng upo. Sigurado
naman na padating na rin si Fatima. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko siya
hinintay sa hallway, eh sa ayoko eh. Nagtatampo ako. Magpasundo siya dun sa admirer
niyang terorista.

Nagtatampo? Bading ka ba, Alex? Tss.

Nang makita ko na pumasok na si Fatima sa pinto ay tumingin lang ako sa desk ko.

"Good afternoon, Alex." Bati niya sa akin kaya tumingin lang ako sa kanya. "May
goodnews ako."

Wow, good news? Sasagutin na ba niya ako? Mukhang 'di big deal sa kanya ang hindi
ko paghintay sa kanya sa gate ahh. Wala yata siyang angry hormones.

"Ano yun?"

She smiled brightly at me as she sits on her chair. "Nagreply sa sulat ko yung
lalaking nagpapadala sa akin ng kung ano-ano."

"Lalaki?" I questioned irritatingly. "Sino raw siya?" Nang mabangasan ko


pagmumukha. Lakas ng loob ah. Tch.

Inayos niya muna yung buhok niya at napansing kong gamit niya ngayon yung binigay
kong hair clip sa kanya.

"He didn't mention his name. Basta raw malalaman ko nalang 'pag nagmeet kami mamaya
sa playground ng elementary division." Tapos tumingin siya sa akin at nagpuppy face
pa. "Alex... Alex... Pwede bang samahan mo ako mamaya?"

Tinignan ko lang siya ng seryoso. "Kahit hindi mo ako sabihan, sasamahan talaga
kita. Pa'no kung rapist yun?"

She pouted her lips. "Hindi naman siguro. Ang bata naman yata niyang rapist."

"Tss. Nagtitiwala ka kaagad. Pa'no mo nalamang bata aber?"

May nilabas siyang kapirasong papel mula sa bulsa niya tapos pinakita niya yun sa
akin.

---

To: Fatima

Nakakatuwa naman kasi naging interesado ka sa akin. If you really want to see me,
let's meet at the playground located at Elementary division here in E.H.A, tonight
after your class. 2nd year highschool section 1 kasi ako kaya hindi magtama yung
sched natin. And to answer your question, yes, I am a dude.

---

Binalik ko naman sa kanya yung papel saka ako tumingin sa harapan. "Gabi pa ang
nais."

"Samahan mo ako ha? I'm sure kilala ko kung sino siya kasi naging section 1 naman
ako kahit saglit lang." I looked to her and I saw her arranging her books on her
desk. "Nakakatuwa kasi may taong nag-----"

I didn't let her finish what she's about to say, I just stood up and get my stuffs.
Tapos, naglakad na ako papuntang pinto habang wala pa yung adviser namin. Nawala na
ako sa mood. Nakakabadtrip!

"Ei, Alex, saan ka pupunta?"

"Cutting classes." I replied without looking back and I stormed out of the room.

Dumiretso na ako sa rooftop at doon nalang nagpalipas ng pagkabadtrip. Sumandal


lang ako sa pader saka ako pumikit.

Naiinis ako... Mahigit 2 months na akong nanliligaw kay Fatima pero tingin ko, mas
lumamang yung unknown terrorist na yun sa akin. May pabigay-bigay pa ng kung ano-
ano sa kanya. Tsk. Ayoko naman siyang bigyan ng material na bagay kasi mas maganda
kung ipapakita ko nalang sa kanya yung pagmamalasakit at pagpapahalaga ko sa kanya
bilang babae. Alam ko namang hindi siya materialistic eh. Sadyang appreciative lang
siya sa mga natatanggap niya.

"Sino ba kasi yung t@r@nt@dong yun!?!" Naisigaw ko nalang. Wala namang nagpupunta
dito sa rooftop kasi restricted area ito at para sa X10 lang.
Kaso nagulat ako nang biglang may tumawa ng malakas, pagkaangat ko ng ulo nakita ko
yung pagmumukha ni Kurt. Great Alex, he caught you talking to yourself.

"Alex, how frustrated eh?" He still laughs as he sat on a monobloc chair infront of
me. Maarte kasi yan eh. Ayaw niyang umuupo sa lapag. Ayaw niya kasing madumihan.

"Anong ginagawa mo dito, Master?"

"Cutting classes... Tracy is getting into my fcking nerves." Iritadong sabi niya
tapos naglabas na naman siya ng sigarilyo at sinindihan iyon.

"Bat ba ayaw mo sa kanya? Mahilig ka naman sa babaeng maganda ah."

He gave me his glare. "Ibahin mo 'yang si Tracy. Maganda nga pero... argh!
Nabubwisit ako sa kanya. Kung makalingkis sa akin, akala mo walang dibdib eh.
Walang siyang pakielam kung madikit-dikit niya sa akin yung dibdib niya. Tsk!" Saka
siya humithit ulit.

"Sexy naman... At saka mabait naman siya ah." Sa ilang taon kong naging classmate
si Tracy, naobserba ko naman na mabait siya sa mabait. Yun nga lang, huwag mo
siyang susubukan dahil masama siyang kung magalit.

"Eh 'di sayo nalang."

"Are you nuts? Kay Fatima lang ako," matawa-tawang sabi ko.

He sighed in exasperation. "Ayoko kasi sa mga babaeng naghahabol sa lalaki. Turn


off yun eh... Kahit maganda pa siya o sexy, ayoko talaga. At isa pa, ayoko sa mga
ganung beauty. Gusto ko yung mala-angelic..."

Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Isa rin kasi yan si Kurt na playboy eh. He's
not into serious relationships, instead, he collects girls as his flings. Believe
it or not, hindi niya tinuturing na girlfriend ang mga babaeng nilalandi niya... He
considered 'em as flings. Nothing more, nothing less.

"Eh bat hindi mo gawing fling si Tracy? Tutal naman, dreamboy ka nun eh. Elementary
pa lang tayo, mahal ka na nun. Pagbigyan mo na," pinaningkitan niya lang ako ng
mata niya saka niya tinaktak ang upos ng sigarilyo niya.

"Asa! 'Pag nilandi ko yun, malamang hindi na yun sa akin bibitaw. Hindi siya bagay
maging princess ko... Pasaway eh. Pasaway na nga ako tapos pasaway pa siya. Ano
nalang mangyayari sa aming dalawa?"

I grinned to him. "Eh sino bang gusto mong maging prinsesa?"

Tumingin lang siya sa akin tapos tumayo na siya at inupuan ang sarili niyang bag sa
tabi ko.

"Gusto ko yung babaeng hindi kumakain ng ube flavored ice cream at magaling mag-
organ o mag-keyboard... And of course, she's beautiful and smart."

I looked weirdly at him. "Talaga? Weird naman. Mabuti kung mahanap mo ang ganyang
klaseng babae?"

He laughs again. "Nakita ko na siya. Ang tanong eh kung magkikita kaya ulit kami
nun." Tapos yumuko siya at bumulong na rinig ko naman, "Crystal..."

"What?"
Tumawa naman siya sabay iling niya. "Wala... Tara, tulog nalang tayo."

Remembering his puppy love again... tsk tsk!

***

Bumalik na ako sa classroom nang humupa na ang pagkabadtrip ko. Sakto namang recess
kaya diretso agad ako, kasama syempre si Fatima, sa outdoor stage. Tinanong niya
naman ako kung galit ba raw ako... And as my reply, I just shook my head.

Gaya nga ng napag-usapan ay sasamahan ko si Fatima after dismissal. She's


supposedly one of the cleaners pero pinull out ko na agad siya ng classroom.

"Alex... Cleaner ako. Baka magalit sila sa akin." Sabi niya habang hila-hila ko
siya palabas ng building namin.

"Hayaan mo na sila dun. Kaya na nila yun." Tumingin ako sa kanya at nakita ko
siyang pawis na pawis kaya huminto muna kami. "Magpunas ka nga ng mukha mo."

Inabot ko sa kanya ang handkerchief ko but before she takes it, ako nalang ang
nagpunas sa noo niya.

"A-Alex..."

I wipe her sweat all over her face. Pawis na pawis eh. "Bakit ka ba pawis na
pawis?"

Inayos niya ang buhok niya at may kinuhang pangtali mula sa bulsa ng skirt niya.
Tapos, tinali niya ang buhok niya ng ponytail. "Ang kapal kasi ng buhok ko kaya
naiinitan ako 'pag nakalugay."

Pagkatapos nun ay ibinalik ko na sa bulsa ko ang panyo niya. Tumuloy na kami sa


meeting place nila ng secret admirer niyang walang hiya.

"Nasaan kaya siya?" Fatima asks as she sits on the swing. Umupo naman ako sa katabi
niyang swing.

"Babae pa ang pinaghihintay." Mahinang sabi ko kaya tinignan ako ni Fatima.

"Baka may pinuntahan lang saglit."

Magsasalita pa sana ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ni Fatima mula sa
likuran namin. Sabay naming nilingon iyon ni Fatima at nakita ko ang isang lalaking
nerd na patpatin at ang buhok ay abot na sa balikat niya. Naka-tack in pa siya...
And unlike to other nerds, hindi siya nakabraces instead naka-jacket ang ngipin
niya.

"Errol?" Fatima calls him in surprise. Tumayo siya at humarap dito. Tss. Basta ako,
nakatitig lang sa lalaking ito.

"H-Hi Fatima." Lumapit siya sa amin at tingin ko ay naiilang siya sa akin.

"Ikaw ang nagbibigay ng gifts sa akin?" Bakas sa boses ni Fatima ang pagkagulat.
"Y-yes." Sabay yuko ni Errol habang inaayos ang makapal niyang eyeglasses.

"Errol naman, nahiya ka pa." Teka, bakit nga ba sila magkakilala? Ah, naging
section 1 nga pala siya dati kaya siguro magkakilala sila. "By the way Alex, siya
pala si Errol Martinez. Kasamahan ko siya sa Battle Of The Brains."

Ah no doubt. Mukha namang mataba ang utak ng nilalang na ito.

"Nice to meet you, Alex." Sabay lahad niya ng kamay sa harapan ko. Tinignan ko lang
ang kamay niya saka ako umiwas ng tingin. It's not nice to meet you...

"Tara na, Fatima. Naghihintay na ang Mama mo sayo sa parking lot." Tumayo na ako at
hinawakan na siya sa wrist tapos ay tinignan ko ng seryoso si Errol. "Alis na
kami." And I pulled her away from the place.

"Ang daya mo naman, Alex. Bakit umalis agad tayo dun?" Yung boses niya parang
nagtatampo lang. Hindi naman siya marunong magalit eh.

"Gabi na eh. At saka huwag ka ngang masyadong magtitiwala sa tao." Saka ako
bumulong sa gilid ko. "Well, hindi naman siya mukhang tao."

"Kaibigan ko naman siya. Actually, naging close kami sa quiz bee. Nakakatext ko pa
nga siya eh. Hindi ko naman alam na siya yung guy na nagbibigay sa akin ng gifts."

Tumingin-tingin ako sa paligid ng car park para hanapin kung dumating na ba ang
mommy niya. Nakita ko naman ang kotse nito sa tapat ng waiting shed. Humarap muna
ako kay Fatima saka ko pinisil ang tenga niya.

"Alex naman..."

"Huwag mong ibibigay kung kani-kanino ang number mo. Hindi ko tuloy alam kung may
nanliligaw sayo bukod sa akin..." Saka ko binitawan ang tenga niya. Hindi naman
madiin yung pagkakapingot ko kaya hindi yun masakit.

Tumawa naman siya ng mahina. "Pfft! Bukod sayo, wala pa pong nagkakamali na
manligaw sa akin. Ikaw lang kaya ang may sira sa paningin!"

"May sira sa paningin?" I rebuked in astonishment and laugh eventually. "Sila ang
malabo ang paningin. Hindi nila makita ang tunay kagandahan."

Narinig naman namin ang sunod-sunod na pagbubusina ng mommy niya kaya hinila ko na
si Fatima palapit sa kotse niya. Nagbukas agad ang mommy niya ng bintana sa side
niya.

"Wait, are you officially on?" Natatawang tanong niya.

"Hindi pa po, Tita." I reply with a smile. Si Fatima naman sa tabi ko, nakayuko
lang at halatang nahihiya.

"Parang kayo na kung umasta kayo eh. Oh well, wait patiently Alex ha? You need more
patience. Huwag mong susukuan ang anak ko."

"Ma naman... Eeeh!" Binuksan na ni Fatima ang pinto sa backseat at sumakay na.
Nahiya na eh... Haha!

Tumingin ulit ako sa Mom niya. "No, I won't Tita." I smiled a little. "Ang kulang
nalang po talaga ay ang sagot niya." Ganun naman talaga kami eh. We're acting as a
couple pero hindi naman talaga kami. Ewan ko, ang labo.
"Yeah I noticed that. Oh sige, una na kami Alexander ha?"

"Wait po," pigil ko sa kanya sa pagsarado ng car window. "Hindi po ba ninyo talaga
pinayagan si Fatima sa pagsama sa fieldtrip? Sa Friday na po yun eh."

She shook her head. "Hindi eh."

"Bakit po?"

"Ayaw siyang payagan ng Papa niya and besides, hindi kami kampante na pumunta siya
sa malayong lugar lalong-lalo na kung hindi kami kasama. I asked her if I could
come with her, but she said no. Nahihiya raw siya."

Miski naman ako, mahihiya rin kapag may chaperone. 2nd year highschool na eh.

"Kaya naman po niya ang sarili niya."

She flashed a smile. "Sorry Alex, pero hindi talaga pwede."

Ang weird. Why not let Fatima join the fieldtrip? Malaki na rin naman siya para
samahan pa ng parents. She's not a gradeschooler anymore. But yeah I admit, she's
like one. Tch. They're too over protective of her. D.mn that paranoia.

***

The day of the fieldtrip came, Friday na. Kahit ayaw kong sumama sa lecheng
fieldtrip na ito ay sumama pa rin ako. Humingi kasi sa akin ng favor si Fatima na
magtake down notes ako during the trip since may exams na ipoprovide ang school
namin sa 2nd periodical exam namin about sa Educational trip na ito. Kung hindi
talaga ano eh. Tsk!

"Patabi, Alex ha?" Uupo na sana si Arthur nang ilagay ko ang back pack ko sa vacant
seat sa tabi ko dito sa bus. Ayoko ng may katabi. Tch.

"May nakaupo na, can't you see?" I retorted without looking at him. Ang tagal naman
naming umalis. Naiinip ako!

"Tss. Loner na naman si De Silva. Wala kasi si Eugenio." Asar niya sa akin saka
siya tumuloy na sa likuran. Napabuntong hininga ako. Nasanay na talaga akong kasama
si Fatima. Nakakalungkot tuloy ngayong wala siya. Tsk!

"Are we complete already?" Our class adviser asks but I don't give a d.mn on what
she says. Pumikit nalang ako, isinandal ang ulo ko sa glass window at nagtaklob ng
jacket sa ulo ko.

"YES MA'AM! ALIS NA TAYO!"

"Okay, let's pray first."

Narinig kong nagpray na sila for the safety of our trip. Ako? Ang pinagdasal ko
lang ay sana kasama si Fatima sa trip na ito para hindi na ako nababanas dito.
Nakakamiss din talagang kakulitan yun.

"So I would like you to meet Sir Jack. He's going to be our tour guide for the
entire trip. Keep silent students... Magbibigay ng trivia si Sir Jack during our
trip."

"WAG NA! SOUNDTRIP NALANG!"

"BLAH! BLAH! BLAH! BLAH!"

"ALAM NA NAMIN YAN! PAULIT-ULIT NALANG YUNG TRIVIA! TUNGKOL SA MONUMENTO LANG
NAMAN!"

"SOUNDTRIP! SOUNDTRIP! SOUNDTRIP! SOUNDTRIP!"

Ang ingay naman oh! Marahas kong tinanggal ang jacket na nasa ulo ko at tumingin sa
harapan. Umaandar na ang bus kasabay ng pag-aalburoto ng mga classmates kong may
sayad sa utak. Well, particularly the X9. Malas ng tour guide, dito siya sa bus
namin naassign. Eh mga ugaling preso ang mga students sa section namin. According
to our principal, our section is the worst of all the E.H.A's sections. Worst in a
way na sobrang ingay lang at talagang nabubwisit na ang mga teacher sa amin.

"Class, quiet!"

Hindi nila pinakinggan ang adviser namin. Instead, itong si Wayne, nagpatugtog sa
Ipod niya at kinonekta sa speaker nito kaya naman umalingawngaw ang tunog sa loob
ng bus.

NP: Teach me how to dougie

*~? Aye! Aye!

Teach me how to dougie (aye! ) *~?

*~? They be like Smoove (what?)

Can u teach me how to dougie?

You know why?

'Cause all da bitches love me (aye! )

All I need is a beat that's super bumpin'

And for you, you, you to back it up and dump it! *~?

Naghiyawan naman ang lahat nang sumayaw si Jake sa gitna kahit na umaandar na ang
bus. Dancer yan eh, dougie master ang bungul.

*~? Put your arms out front, lean side to side

They gon' be on you when they see you hit dat dougie right?

Ain't nobody fuckin' wid my bro from morningside

He go by Bubba and he hit dat dance wid thunder

I ain't from Dallas but I D-town boogie

I show my moves off and errbody tryna do me

I leave da function and all da ladies tryna screw me

You just do you and I'ma do me (all day)

Niggas love to hate so they try to shoot me

Bitches be stuck to me I think they tryna glue me

I make the party shine bright when it's started boomin'

Dis beat was bubblegum so I had to chew it *~?

"Tss. Mga timang, nanghawa pa ng iba." I mumbled as I resumed myself in sleeping.

***

Manila Ocean Park ang una sa listahan ng itineraries namin. Puro isda, isda, isda,
isda, isda at higit sa lahat ang pinakamahalaga ay ang isda lang ang nakikita ko.
Mukha na akong timang sa kaka-take down notes ng mga scientific name at kung ano-
ano pa habang nasa loob kami nun. Tsk, if not for Fatima I won't do this sh*t.

Next stop is SM Science Discovery in SM MOA. Tsh! Anytime naman pwede akong pumunta
dito. Napakalapit lang. Nakapila lahat ng sections sa harapan ng Science Discovery
para hintaying papasukin kami sa loob nang biglang may umakbay sa akin. Si Brent
pala.

"Dude, pautang ako."

Siniko ko siya. "Mas mayaman ka pa sa akin. Bakit sa akin ka pa nangungutang?"

Napakamot naman siya sa batok niya at tumawa ng pilit. "Epal kasi si Kent. Tinago
ang wallet ko. Ayan tuloy, cellphone lang ang laman ng bulsa ko."

"Tss. Edi hanapin mo sa kanya." Naglakad na ako palayo. Maglilibot-libot muna ako,
tutal naman ang tagal kaming papasukin sa loob.

"Alex, 2 thousand lang naman." Tch! Sinundan pa pala ako.


Nahagip ng tingin ko si Kent na naglalakad kasama ng isang babae. Mukhang
girlfriend niya yata. Hinila ko kaagad ang kwelyo ni Brent at kinaladkad siya
palapit sa pwesto nila Kent.

"A-Alex, kailangan ba talagang mangaladkad?!"

"Shut up," I hissed as we approach Kent and his girl. "Kent!"

Napahinto sila at lumingon sa akin. "Oh, bakit?" Takang tanong niya tapos tinignan
niya saglit ang babaeng katabi niya. Mukhang taga-ibang section. "Nga pala, si
Stephanie. Girlfriend ko. Steph, sina Alex at ang kambal kong pangit."

Stephanie? Familiar.

Tumango lang ako sa kanya samantalang si Brent naman ay nakatingin sa ibang


direksyon. Lagi nalang nag-aaway ang kambal na ito.

"Kent, balik mo na nga ang wallet niya. Walang kapera-pera ang kambal mo oh."

Ngumuso lang siya at tinignan saglit si Brent. "Pakisabi sa kambal kong pangit na
ibalik muna sa akin ang phone ko para quits lang."

"Wala nga sabi sa akin ang phone mo kumag!!" Sa inis ko nabatukan ko si Brent.
Kailangan pa talagang sumigaw. Pinagtinginan tuloy kami. Sinenyasan ko sila na
tumabi sa railings.

"Edi wala rin sa akin ang wallet mo." Sabay ngisi ni Kent.

"Kent naman, wala akong pera. Nandyan ang ATM's ko." Tinapunan ni Brent ng tingin
si Stephanie. "Miss, snatcher yang kambal ko kaya layuan mo na yan." Stephanie just
laughed silently.

"Bahala ka sa buhay mo." Nilabas na ni Kent ang wallet na tingin ko ay kay Brent
saka nito hinagis sa kambal. But sh*t really happens. Imbes na masalo ni Kent ay
nahulog iyon sa railings at bumagsak sa 1st floor. "T*ngengot naman, 'di nasalo."

"Ugh! Pakyu."

Mga timang talaga. Tsk!

Hinayaan ko lang na tumakbo si Kent pababa para kunin ang wallet niya. Ako naman ay
dumiretso na sa CR. Nang makalabas ako ng CR ay nakasalubong ko pa si Errol.
Nginitian niya ako pero tinitigan ko lang siya. Close ba kami? Tch.

Sa loob ng Science Discovery, ganun pa rin ang ginawa ko pero hindi na ako masyado
nagtake down notes since parang arcades at laruan lang naman ang nanduon. Sa bawat
section, may assigned tour guide din. Bago kami pumasok dito ay sinabihan na kami
ng adviser namin na huwag humiwalay sa pila. Korny naman, hindi na kami bata.

Dahil sa nakokornihan ako, humiwalay na ako sa pila namin at nagsolo nalang sa


paglilibot-libot. Ayos naman dito, parang nasa ibang bansa lang ako. Meron ding
planetarium na mukhang mamaya pa namin papasukin.

Nasa gitna ako ng paglilibot nang biglang may humila sa wrist ko. Pagkatingin ko,
isang teacher pala. "Hey, can you take us a picture?" Inabot na niya sa akin ang
DSLR niya. Nagtanong pa eh inabot na niya sa akin. Pumwesto na ako para kuhanan ng
picture ang isang grupo ng mga nerds nang may mahagip ang lens ng camera na hawak
ko.
"Fatima?" Ibinaba ko pa ang DSLR para masiguradong si Fatima nga ang nakita ko. And
yeah, it's really Fatima. Nakangiti lang siya sa akin habang nakapose.

"Nangangawit na kami. Kuhanan mo na kami, mister!"

*CLICK!*

"Thanks." The teacher murmured and off she went away. Lumapit ako kay Fatima at
hinila siya palayo sa grupo nila.

"Why the hell are you here?"

She pouted but eventually she smiled. "Last minute, na convinced ko si Papa na
sumama ako dito. Biglaan lang talaga, Alex. Buti nalang libre ako at walang bayad
kasi treat daw sa amin ng principal. Nanalo nga kasi kami diba kaya yung mga kasama
ko sa quiz bee libre rin." And she giggled.

"Bakit hindi mo ako tinext?"

"Lowbat phone ko eh. Hindi ko nacharge kagabi kasi nga biglaan."

"Bakit hindi ka sa bus namin sumakay? Wala akong katabi."

Nagcross arms siya. "Eh kasi kaming mga kasali sa quiz bee, dun pinasakay sa bus ng
ilang faculty members. Are we clear yet?"

I sighed. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano pero hindi ko itatanggi na napangiti
ako. "Tss. Sana kanina sa Manila Ocean Park, hinanap mo ako. Para akong timang dun
na nagtetake down notes eh andito ka pala."

"Sorry," she pouted her lips. "Huwag ka na magalit."

Inilabas ko mula sa bulsa ng jacket ko ang handy notebook at inabot sa kanya.


"Pinaghirapan ko yan."

"Thank you, Alex."

"Tss."

"Sorry na."

"FATIMA! TARA NA, PAPASOK NA TAYO SA PLANETARIUM!"

Nilingon namin ang nakakarinding boses na yun, si Errol, tinatawag na siya. Wow,
napaka-close naman yata nila.

"Alex, bawal pala kaming mahiwalay sa pila."

Ipinamulsa ko lang ang dalawang kamay ko at hindi siya sinagot.

"Balik na ako sa kanila ha?"

She was about to walk away when I grab her hand. Tinignan niya ako ng nagtataka.
"Huwag..."
"Huh?"

"Sa akin ka lang tatabi. Tara na," sabay hila ko sa kanya sa loob ng planetarium at
walang ano-ano ay pumasok kami. Kahit hindi pa namin turn sa pila, nauna na kami.
Paki nila, ganun din naman. Papasok din naman kami, papatagalin pa.

Sa loob ng planetarium, nakakahilo. Pabilog kasi sa loob, at kagaya sa movie house,


pababa din ang seats pero yun nga lang nasa taas ang screen. Umupo kami sa
pinakacorner at hindi na inisip na kung anong section na ang katabi namin.
Inoorganize pa kasi nila na dapat section per section ang sitting arrangement.

"Ano bang gagawin natin dito?" I ask her while looking up at the screen. Para
kaming nasa loob ng isang malaking globo at nakaikot sa kisame ang screen.
Nakakahilo...

"May papanuorin tayo." She replies and felt her hold my hand tight. Napatingin ako
sa kanya at ngumiti. It's such a great feeling. Tumingin siya sa akin bigla pero
hindi ako nag-iwas ng tingin. "Bakit, Alex?"

I chuckled, "Nothing."

Napansin yata niya na magkaholding hands kami kaya sinubukan niyang kumalas pero
hinigpitan ko pa lalo. "Alex, y-yung kamay ko?"

Biglang nalang nagstart ang ipapalabas sa screen. Mukhang under the sea ang theme
ngayong araw.

"Manuod ka nalang, Fatima." I said as I intertwined my fingers onto hers.

Nang matapos ang pinanuod namin na parang 3D dahil naparealistic at akala mo na


parang may isang malaking aquarium sa itaas namin ay nasatisfied naman kami.
Lumabas na kaming lahat mula sa Science Discovery since nalibot na namin lahat ng
stations doon.

"Dun ka nalang sa bus namin, Fatima." Tumingin lang siya sa akin at umiling.

"Eh kasi binilinan na ni Papa si Ms. Fajardo na bantayan ako. Masyadong protective
sa akin si Papa eh. Kaya, hindi pwede kasi hahanapin ako ni Ms. Fajardo." Paliwanag
niya sa akin.

"Uhm sige." Sagot ko nalang tapos hinatid na siya sa bus #15. Bago siya sumakay na
sa loob ay tinignan niya ulit ako.

"Alex, kita nalang tayo sa next stop? Sa Butterfly house, right?"

Tumango ako. "Sure. Wait, sinong katabi mo sa loob? Si Ms. Fajardo?" I ask her.
Parang gusto kong lumipat ng bus kasi nababagot na ako sa bus naming maingay.

"Si Errol."

Upon hearing that good-for-nothing guy's name, my face forms a frown. "Si Errol?"

"Yups," sabay tango niya. "Vacant seat kasi yung sa pinakadulo. Tatlo lang kaming
nakaupo dun."

Nagmake faces lang ako. "Okay, pumasok ka na."

Hinintay ko muna siyang pumasok ng tuluyan sa bus nila saka ako pumunta na sa bus
#12 which is our bus. I just got my stuffs and went back hurriedly to bus #15.
Nakita ko si Ms. Cruz na papasok na sa loob ng bus na iyon kaya tinawag ko siya.

"Ms. Cruz!" Lumingon naman agad siya and gave me her 'what?' look. I walk towards
to her and flash a smile. "Can I transfer here?"

"Nagpaalam ka na ba sa adviser mo?"

"No need, she won't mind. Pwede po ba?"

Tumingin muna siya sa bintana ng bus then tumingin na naman sa akin. "Fine, just
behave properly. Puro teachers pa naman ang nandyan."

"Thanks, Ms. Cruz."

Pumasok na nga kami sa loob ng bus. Puro nga teachers at ang mga athletes, kasama
rin ang mga nerds ang nasa loob. Diretso agad ang tingin ko sa back seat at dun ko
nakita si Fatima na kumakain ng cookies next to Errol. Tsk.

"I'm here." I said as I approached them. Tumingin naman sa akin si Fatima at


halatang nagulat siya dahil nandito ako.

"Alex, dito ka na sa bus namin?"

"Yeah, excuse me." Gumitna ako sa kanila ni Errol. Nasa window side kasi si Fatima.

"Yey, masaya ito." Tapos nilagpasan niya ako ng tingin at kinausap si Errol sa
right side ko. "Errol, hindi ka na nahihilo?"

Tss. Nag-iinarte pa pala 'tong nerd na 'to.

"Not anymore, thanks."

"Good." Fatima looks to me with a smile on her face. "Alex, samahan mo akong bumili
ng food sa Marikina ha? Wala kasi akong baon." Next on the list ay ang Marikina.
Nandun kasi ang shoe museum, doll museum, bag factory at butterfly house.

"I don't bring foods too. Sabay nalang tayo kumain." Sabi ko sa kanya.

"Guys, marami akong extrang food. Gusto niyo share tayo?" Singit naman ni Errol sa
tabi ko. Epal talaga ang bwiset.

"No, thanks. Mas kailangan mong kumain ng marami..." Saka ako bumulong.
"Malnourished."

"Aleeeex," saway ni Fatima. I just ignored her and rested my back against the back
rest. Nilabas ko ang Ipod ko at ipinasak sa tig-isang tenga namin ni Fatima ang
earphones para wala ng istorbo.

The day went well. It was kind of fun. Kind of, kasi kahit saan ko hilain si
Fatima, kabuntot namin si Errol. Hindi lang yun, lagi pa siyang umeepal. Umeepal to
the point that he's getting on my nerves.

"Fatima, bagay sayo 'yang bunny headband." Errol complimented her.

"Thank you."

"Gusto mong bilhin ko yan para sayo?"


"Naku, 'wag na! Nakakahiya naman."

Kanina pa ako nagtitimpi. Para lang akong isang hangin dito at sila lang ang nag-
uusap. Kapag naman, kinakausap ko si Fatima, lagi naman sumisingit itong Errol na
ito.

"Fatima, pang-bata yan." Tinanggal ko na ang bunny headband sa ulo niya at binalik
ko na sa shelf nito. Tapos ay hinila na siya palabas ng shop. Kung bakit kasi ang
daming shops dito sa Star City. Buti nalang, last stop na ito.

"Fatima, sakay tayo sa Wild River."

"Ayoko, delikado dun!"

Hinila niya ang free hand ni Fatima pero tinabig ko lang yun. Syempre, nagulat siya
sa gesture ko na yun.

"Alex..." Saway ulit sa akin ni Fatima.

"Listen, kanina pa ako nagtitimpi sayong Malnourished ka. Will you just leave us
alone?!" Kalmado kong tanong sa kanya pero bakas sa boses ko na naiirita na ako.

"Niyayaya ko lang naman siya na suma---"

"Shut the fck up." I hissed and pulled Fatima away from him. Kahit hanggang 10PM pa
ang binigay na oras sa amin para bumalik sa bus namin ay hinila ko na palabas si
Fatima ng Star City.

"Alex naman," pigil niya sa akin pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paghila sa kanya.
Huminto nalang kami nang makarating kami sa tapat ng bus #15.

Silence. I took out a deep breath as I took a cigar from my pocket. Naiinis ako!

I lit up the cigar and turn my back on her. Humithit muna ako ng dalawang beses
saka ko ito binagsak sa paanan ko at tinapakan ito. I forgot, she hates seeing me
smoke.

"Alex, galit ka sa akin?"

I sighed. "Hindi ako galit sayo." Humarap ako sa kanya at sigurado akong
nakabusangot na ang mukha ko. "Nababanas ako dun sa malnourished na yun!"

She pouted and looked down the ground. "Huwag ka ngang mainis sa kanya. Mabait
naman siya eh."

"Tss, sa sobrang bait, nagiging epal na siya!"

"Kahit na... Hindi mo dapat siya ginanun." Mahinang sabi niya saka siya tumingin sa
akin. "Kaibigan ko siya eh."

Sasagutin ko pa sana siya pero narinig ko na naman ang boses ng malnourished na


iyon mula sa likod namin.

"Fatima, manunuod na raw tayo sa theater."

Napahigpit na ang sarado ko sa kamao ko. Isa talagang epal ang lalaking ito.

"Sige susunod na kami sa loob, Errol." Narinig kong sabi sa kanya ni Fatima.
Humarap ako sa kanya at marahas na kwinelyuhan siya. "ALAM MO YUNG EPAL? IKAW YUN
EH. HINDI MO BA TALAGA KAMI TATANTANAN?"

"Aleeeex! Bitawan mo nga siya!"

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Halatang natatakot na ang nerd na ito sa akin.
Isang pitik ko lang baka mapatumba ko na ito sa pagkapatpatin ng nerd na ito. Weak!

"Lulubayan mo ba kami o ano!?"

Namumutla na ang mukha niya pero sinubukan niya pa ring magsalita. "B-Bakit ba?
Parehas lang naman tayong nanliligaw sa kanya ah!"

Mas lalong nagpintig ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Marahas ko siyang
binitawan dahilan para mapasalampak siya sa semento. Kinapa-kapa pa niya ang
nahulog niyang eyeglasses sa semento at isinuot ulit ito. Ang kapal talaga ng
mukhang kalabanin ako!

"Alex! Stop it." Natatarantang pigil sa akin ni Fatima habang nakayakap sa kaliwang
braso ko. But I just ignored her.

"Matuto kang lumugar, malnourished! Gusto mong makipagkumpitensya sa akin? Then go


ahead, get your butt up!" Sabay sipa ko sa binti niya.

"Alex, tigil na! Errol, pwede bang umalis ka muna?!" Sigaw ni Fatima. Tumayo na si
Errol at pinagpagan ang P.E. Uniform niya.

"Ang yabang mo, Alex. Matuto ka ring lumugar. Hindi ka naman bagay sa kanya ah!
Matalino siya samantalang ikaw," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're
wasted. Bobo!"

Eh ginag@go pala talaga ako nito eh! Sasapakin ko na sana siya nang humarang sa
harapan ko si Fatima habang mahigpit na hinahawakan ang laylayan ng shirt ko.

"Errol, huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan! Hindi mo kilala si Alex, kaya huwag
mo siyang husgahan!" Napatigil ako nang medyo nagcrack na ang boses ni Fatima.
Umiiyak siya?

"F-Fatima..." I tried to stop her.

"Kahit ganito si Alex, hindi lang siya mabuting kaibigan kundi isa rin siyang
mabuting tao!" Pinunasan niya ang luha niya. Ako naman ay hinawakan ang kamay
niyang nakahawak sa shirt ko. "Sinabi ko na naman sayo na hindi kita gusto diba?
Sabi ko kaibigan lang tayo. Pero sa ginawa mong yan, parang ayaw ko ng
makipagkaibigan sayo."

"Fatima, let's go." Sinubukan ko na siyang hilain papasok ng bus pero hindi siya
nagpatinag.

"Alex is way way better than you, Errol."

***

Tahimik lang kami hanggang sa makauwi na kami. Si Errol, hindi na sumabay sa bus
namin. Narinig kong nagpasundo nalang daw siya sa driver niya. Si Fatima, ayun,
nakatulog sa balikat ko.

I'm so touched by what she did. Ininsulto na ako ni Errol pero pinagtanggol niya pa
ako. Halo-halong emosyon na ang naramdaman ko nung mga oras na iyon. I'm
overwhelmed and felt sorry at the same time. First time ko kasing nakitang umiyak
si Fatima sa harap ko at dahil pa sa akin.

Nakatitig lang ako sa picture namin ni Fatima sa phone ko. Naiinis ako kasi isang
picture lang ang nakuha ko kanina. Epal kasi si Errol eh. Pero ayos na rin ito,
para remembrance. This is my most memorable birthday of my life, I must say.

Yeah it's my 15th birthday today.

Nakasalampak lang ako sa kama ko habang nakatitig sa picture namin ni Fatima.


Because of what she did awhile ago, I realized something.

I looked for her number on my phonebook and pressed the call key. In just 3 rings,
sinagot niya agad ito.

"Hello, Fatima?"

["Uh, Alex... Bat napatawag ka? 11:30 na ah."]

I sighed. "Anong ginagawa mo?" Lame question, Alex.

["Nakahiga na. Matutulog na sana."]

Great, naistorbo ko pa siya. "Me, too. Ayos ka na ba? I mean, you cried right?"

Ilang segundo rin bago niya ako sinagot. ["Ako kasi yung nasaktan nang pagsabihan
ka ni Errol ng harsh words eh. He shouldn't have said------"] Shoot, points for me.

"Sssshhh... It's done. Pero, Fatima. Thanks."

["Hehehehe!"] Napangiti ako nang marinig kong tumawa siya. I'm sure, nawawala na
naman yung mata niya ngayon. Ganun kasi siya pag tumawa. ["It's nothing, really."]

Bigla akong may naalala. Sinabihan niya si Errol kanina na kaibigan nalang daw
sila. Does it mean---- "Fatima, nanligaw sayo si Errol?"

["Hmm, manliligaw pa lang siya pero nireject ko na siya in a nice way."]

"Oh bakit?"

["Hmm... Tama na ako sa isang suitor. At saka hindi ko naman talaga siya gusto
eh."]

W-wait, hindi niya gusto si Errol kaya hindi siya nagpaligaw dito? So that means to
say----

"Fatima, do you like me?" I closed my eyes and waited for her answer.

.
.

["Yes, I like you... Sige, Alex. Inaantok na ako. Goodnight."]

Napamulat ako nang marinig ang sagot niya. A smile automatically forms my lips.
Napahawak ako sa dibdib ko. This strange yet wonderful feeling again...

I'm falling deeper and deeper everyday, Fatima.

-13-

***13***

"Yes, I like you... Sige, Alex. Inaantok na ako. Goodnight."

10 months. Sampung buwan na rin ang nakalipas since Fatima admitted that she likes
me too. After that, hindi na naulit yun. Lumipas na ang Christmas, New Year, summer
at ngayon ay 3rd year highschool na kami, pero hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin
ako sa kanya. Wala naman kaso sa akin yun kasi kaya ko namang maghintay sa sagot
niya. Wala na ring mga lalaki na umaaligid sa kanya. Si Errol? Wala na akong balita
dun at wala na akong balak makibalita sa buhay niya.

Sa 10 months na lumipas at sa one year na panliligaw ko sa kanya, nabigyan ako ng


pagkakataon para makilala pa ng lubos si Fatima at ganun din siya sa akin. Mas
naging close kami at naging open sa isa't-isa. Yun na lang naman talaga ang kulang
eh.

Yung sagot niyang 'oo'.

Kung ikukuwento ko sa inyo kung anong nangyari sa amin ni Fatima sa loob ng sampung
buwan, well, it went good. Nung December which is Christmas vacation, nagbakasyon
ang buong pamilya ni Fatima sa probinsya nila. Syempre, time to spend our vacation
with our family kaya kami naman ay nagbakasyon sa States para makasama si Ate Alexa
dun. But before going away, I asked my mom if I could invite Fatima to have dinner
with us. And then, Mom suggested if I could also invite her family as well.
Pinaunlakan naman ng parents ni Fatima ang invitation namin kaya naman for the
first time ay nagmeet ang aming mga parents. Fatima and I also exchanged presents.
I received a pair of eyeglasses from her kasi sabi niya bagay daw sa akin ang
magsalamin. Niregaluhan ko naman siya nun ng laptop case since namomroblema siya
nun kasi nasira daw ang casing nito.

Same goes in January... Balik school na naman kami. Nag-exchange ulit kami ng
pasalubong sa isa't-isa. Nung mga panahon na yun, atat na atat na akong tanungin
siya kung sinasagot na ba niya ako. 6 months na kasi ako nun na nanliligaw. But I
decided not to ask her instead mas lalo kong pinagbuti ang panliligaw ko sa kanya.

February... Love month. Dahil hindi ko pwedeng yayain makipag-date (dahil na rin sa
favor niyang walang dating na mangyayari) si Fatima ay dinala ko nalang siya nun sa
rooftop. Not in X10's restricted area though. Dun ko siya dinala sa ibang building.
Dahil hindi naman ako romantic na tao, walang romantic dinner na naganap.
Nagpaorder lang ako nun ng pagkain mula sa isang fastfood chain at nagpatugtog na
rin gamit ang Ipod ko. We sat on the ground and had the chance to hold her hand
while listening to the music. And that night, made me realize something towards
her...

Mahal ko na talaga siya at ayoko na siyang pakawalan pa...

Since then, times 10 na ang pagbabantay, pagsunod-sunod, pag-aalaga, at pag-


gagwardya ko sa kanya. Kahit hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na mahal ko siya,
pinaparamdam ko naman sa kanya yun. Kaya naman nung nagtapos na ang school year,
nakakatawa mang isipin pero nalungkot ako. Unlike before na excited ako sa
pagtatapos ng school year, noon ay ayaw ko pang matapos ito kasi mamimiss ko si
Fatima sa summer. But then again, naisip ko na kung hindi niya ako makita araw-araw
baka mamiss niya rin ako. Nabuburyo na ako sa tinatakbo ng isip ko. Ang bading
namputek! We didn't see each other for two months... Nag-bakasyon kasi ulit sila sa
probinsya raw nila. Pero walang araw naman na hindi kami nagtetext. I always make
sure to call her everynight...

Monday, month of July na ngayon. Naglalakad ako sa garden sa loob ng campus para
sana manigarilyo nang may mapansin akong gulo sa dadaanan ko. Walang masyadong
tumatambay dito kasi strikto raw ang gardener dito at pinapagalitan ang mga
students na tumatambay dito. Medyo binagalan ko pa ang lakad ko para malaman kung
may nagkakagulo nga o baka naghaharutan lang. Pansin ko, puro mga seniors itong mga
'to eh.

"AAAHHH! Tigilan niyo nga ako! Papasok pa ako!"

"Ganyan ka na Tracy ah. Parang wala tayong pinagsamahan dati ah."

"Hello!? Are we friends? Hindi tayo close!"

"Tara na, saglit lang naman eh! Huwag ka nang mag-inarte."

"Bastos ka ah! Don't touch me you jerk!"

Napansin kong pinagtutulungang hilain ng limang lalaki si Tracy papunta sa isang


abandonadong kwarto sa may sulok kaya nagmamadali na akong lumapit sa pwesto nila.

"Hey, anong ginagawa niyo kay Tracy? Huwag niyong pilitin kung ayaw." I said calmly
as I got near them. Napahinto naman sila tapos ay nilingon ako. Nakita ko naman na
kanya-kanya silang bitaw sa pagkakahawak kay Tracy that's why I took the chance to
pull her on my side.

"Alex, thanks." She murmurs.

"Bakit ka ba nangingielam? Kaibigan naman namin si Tracy, pare." Pa-cool na sabi


nung isa.

"Kaibigan man o hindi, 'pag sinabing ayaw sumama... A-yaw. Lalaki kayo samantalang
nag-iisang babae siya." Tinignan ko sila isa-isa na animo'y sinusuri sila. "Sa
itsura niyo pa namang yan, halatang mga t@rant@do kayo."
"Eh g@go ka pala eh!" Susugurin sana ako nung isa kaso pinigilan siya ng mga
kasamahan niya. "Bitawan niyo nga ako!" Pagpupumiglas niya sa kapit ng mga kasama
niyang halatang natatakot na.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Tracy sa braso ko. "Mahiya nga kayo. Senior year
na kayo tapos kayo pa ang nanggugulo dito. Tara na nga."

Tumalikod na kami ni Tracy sa kanila at nagsimula nang maglakad palayo. Ramdam ko


ang sobrang higpit na pagkapit ni Tracy sa akin. Gusto ko sanang alisin kaso
pakiramdam ko nanginginig siya. Huminto kami nang makarating kami sa tapat ng
building namin.

I faced her, "Tracy, ayos ka lang?"

She nodded weakly and looked down. "Thanks, Alex ha?"

"It's nothing. Ano ba kasing ginagawa mo dun? Alam mo naman na walang katao-tao dun
tapos dun ka pa tumambay."

She just looked at me with her teary eyes. Medyo pinunasan niya pa yun at bahagyang
ngumiti. "Si Kurt kasi eh."

Hanggang ngayon, naghahabol pa rin pala itong si Tracy kay Master.

"What about him?"

"Nag-usap kami kanina dun, tapos nagpaalam lang siya sa akin na mag-CCR siya. Kaso
hindi na siya bumalik."

"Eh sana umalis ka na."

"Hinintay ko siya eh."

I sighed exasperatingly. Ano bang klaseng lalaki yan si Kurt? Bakit niya iniwan sa
isang tagong lugar si Tracy?

Tinignan ko siya ng seryoso. "Kayo na ba ni Master Kurt?"

She just smiled a little as her respond. Okay, I'll take that as a yes.

"Tanggalin mo muna 'yang kamay mo sa akin," sabi ko sa kanya habang inaalis dahan-
dahan ang braso niya sa pagkapit sa braso ko. Baka kung ano pang isipin ng mga
makakita sa amin.

"Ay, sorry..."

I shook my head in anticipation then looked at my wrist watch. 5 minutes nalang


bago mag-start ang class namin. Tinignan ko si Tracy sa left side ko at napansin
kong hinihilot niya ang sarili niyang wrist. "Tara na, sabay na tayo papunta sa
classroom. Baka malate pa tayo."

I don't mind being late. Inaalala ko lang si Fatima. Malamang nandun na yun sa room
namin.

Lalakad na sana ako papasok ng building nang pigilan ako ni Tracy sa kaliwang braso
ko. "Wait, Alexander." Napalingon naman ako sa kanya at kunot-noo pa. "C-can you
accompany me to the clinic?"

"Why?"
Ngumuso siya sabay tanggal niya sa kamay niya sa braso ko. "My wrist is swollen."
Sabay angat niya ng right wrist niya at tama nga siya, sobrang namumula ito. "Ang
higpit kasi nung pagkakahawak nila sa akin."

My brows formed a straight line. Ayos 'tong babaeng ito ah. Abusado?

"We'll be late." I murmured and looked again on my wrist watch. Pagkaangat ko ng


ulo ko sakto namang dumaan sa harapan namin si Kurt kasama si Jake, kaya naman agad
ko itong tinawag.

"KURT!" Tumigil sila sa paglalakad at lumingon sa direksyon namin. Nilapitan ko


naman agad siya, kasunod ko si Tracy.

"What?" He asked lazily and glanced on Tracy quickly. Yung parang walang nangyari.

"Bakit mo iniwan si Tracy kanina sa garden?"

"Why are you asking?" Sabay tingin naman niya ulit kay Tracy sa tabi ko. "Nag-CR
ako tapos nakalimutan kong kasama pala kita."

Sa sinabi niya parang wala lang sa kanya yun kaya medyo nag-init na ang ulo ko.
"What the hell, Kurt? Sana pinauna mo nalang siya sa classroom. Hindi mo ba alam na
may mga seniors na pilit siyang sinasama?"

Tinignan naman niya mula ulo hanggang paa si Tracy saka ito sarkastikong tumawa.
"Kasalanan ko bang bastusin siya ng mga t@r@nt@dong iyon? Eh kung di 'yan nagsusuot
ng 5 inch-skirt at hindi bakat yang black strapless bra niya, hindi yan
babastusin."

Ipinamulsa niya ang kaliwang kamay niya at tumalikod na. "Magsusuot-suot ng ganyan
tapos iiyak-iyak 'pag binastos? I don't blame those @ssholes for doing that 'coz
you look indecent in the first place..." He walked away, followed by Jake.

"Sira-ulo ka talaga, Kurt." Bulong ko sa sarili ko at tinignan si Tracy sa tabi ko.


Nakayuko lang siya habang pilit na hinihigit pababa ang maikli niyang skirt. Tama
nga si Kurt, she's wearing a flimsy uniform. Bakit ba hindi siya sinisita ng
student's council?

"Pagpasensyahan mo na si Master. Talagang g@go yun eh," mahinang sabi ko sa kanya.


Pansin ko rin na marami ng mga estudyante ang nagmamadaling pumasok sa kani-
kanilang classrooms.

"It's okay. It's my fault anyway. He must be thinking that I'm a slut." Bakas sa
boses niya na nadisappoint siya.

"Don't say that." Yun nalang ang nasabi ko dahil wala na akong masabi. I'm not good
at giving advices though.

She raised her head and looked at me with a sad smile on her lips. "Thank you
talaga, Alex. Hindi ko alam na ganyan ka pala kabait."

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sinabi niya. She finds me nice...
Just wow. That's unusual. Madalas si Fatima lang ang nakakakita ng tinatagong
'kabaitan' ko.

"Aleeeeex..."

Napalingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin. Speaking of, nakita ko si Fatima na


naglalakad palapit sa akin. Boses niya pa lang, kilala ko na. I smiled to her as
she got near me.

"Alex, ngayon ka lang dumating? Late ka na ah," sabi niya tapos ay tinignan niya si
Tracy sa tabi ko at nginitian ito saglit.

"Ahh... Kanina pa ako. Naglibot-libot lang. Eh ikaw? Ngayon ka lang din dumating?"
I asked her. Nakakapagtaka lang kasi wala siyang dalang kahit ano.

"Naku! Hindi noh. Nagbayad lang ako ng tuition fee ko sa office." Lumapit siya sa
akin. "Tara na Alex, malelate na tayo." Tumingin siya kay Tracy. "Let's go, Tracy?"

Nginitian niya lang si Fatima at napansin kong hinihilot-hilot niya pa rin ang
wrist niya. Tsk. Sobrang namumula na yun. Mukhang masakit nga. "Mauna na kayo.
Dadaan pa ako sa clinic eh."

"Bakit, Tracy? Masama ba ang pakiramdam mo?" Bakas sa boses ni Fatima ang pag-
aalala sa kaklase naming hindi naman niya gaanong kalapit.

Tracy shook her head. "Nope, may masakit lang sa akin. Pasok na kayo, baka malate
pa kayo." Then she looked to me. "Alex, thanks again. Babawi ako sayo next time."
Sabay lakad nito papunta sa kabilang building kung nasaan ang clinic.

Pinagmasdan ko lang si Tracy habang naglalakad palayo. Naaawa ako sa kanya dahil
kay Kurt. He's just playing with her feelings and obviously, he's just taking her
for granted. Ewan ko ba kung bakit naghahabol si Tracy kay Kurt eh isa't kalahating
t@r@nt@do naman ang master namin.

"Alex, let's go?"

I snapped back on my senses when I heard Fatima speaks to me. I looked to her
blankly, "Huh?"

"Ang sabi ko... Tara na. Late na tayo."

Napatingin ulit ako sa direksyon ng dinaanan ni Tracy kasabay ng pagtunog ng school


bell. Napansin kong wala na ang mga kapwa ko estudyante sa campus.

"Ano na, Alex?" She asked and I looked back at her.

"Fatima, una ka na. May pupuntahan lang ako." Saka ako tumakbo na para sundan si
Tracy sa clinic.

I think she needs my help.

***

Hindi ko alam kung bakit ko sinundan si Tracy. Siguro kasi naawa lang ako sa ginawa
sa kanya ni Kurt. Come to think of it, he left her alone at the garden and got
dragged by some bastards. Kung hindi ako napadpad dun, baka kung anong nangyari sa
kanya. Idagdag na rin ang below-the-belt-words-of-wisdom ni Kurt. He's somewhat
right but Tracy is still a girl... He shouldn't have said harsh words to her and to
think that she's his girlfriend? Tss... May saltik talaga sa utak ang lalaking yun.

Nabigla pa si Tracy nang malaman niyang sinundan ko siya. But I cleared up her
mind, baka kung anong isipin eh. Sinabi ko lang na baka kailangan niya ng tulong ko
kaya sinundan ko siya. Wala namang masyadong ginawa sa swollen wrist niya. Nag-cold
compress lang ito.
"Ikaw na ang kumatok, Tracy."

Nandito na kami ngayon sa tapat ng classroom namin. Late na kami ng almost 20


minutes.

"Okay..." She said as she knocked at the door thrice. Pinagbuksan agad kami ng
teacher namin sa Chemistry at sinalubong kami ng kanyang kunot-noo.

"You're too early for the next subject, Mr. De Silva and Ms. Palermo," she
sarcastically said as we enter the room.

"Nagpunta po kami ni Alex sa clinic, Ma'am. Here's our excuse slip by the way,"
inabot na ni Tracy ang excuse slip sa kanya. Binasa niya ito saglit at tinanguan
kami, signal na umupo na kami sa seats namin.

I went directly to my seat located on the rightmost corner of the classroom. Si


Tracy naman ay naupo na sa first row. Yung seating arrangement namin parang ganun
pa rin naman katulad nung 2nd year kami. Apat lang naman kasi ang nadagdag na
bagong classmates namin kaya ganun pa rin naman.

Before sitting, I glanced on my gangmates at the back. Tinanguan lang nila akong
walo except to Kurt na pailing-iling at pangisi-ngisi lang. Sira-ulo talaga.

Tinignan ko si Fatima sa gilid ko. Seryoso siyang nagsusulat sa notebook niya.


Mukhang nagpalecture ang teacher namin.

"Fatima..." Bulong kong tawag sa kanya.

She jerked her head to me, blankly. "Bakit, Alex?"

"Wala, tawag lang." Mukhang sira-ulo talaga ako. Wala naman akong sasabihin pero
tinatawag ko siya. Tss.

"Ahh... Magsulat ka na, Alex." She said as she continued on copying the lecture
from the whiteboard. This time, mas mukhang seryoso na ang mukha niya. This is so
unusual.

Bakit parang wala yata sa mood si Fatima ngayon?

Dumating ang recess time pero pansin ko hindi masyadong hyper si Fatima. Usually,
bago magrecess, kakalabitin niya na ako at maririnig ko na naman ang tanong niya
na: Alex, Alex, Alex... Anong baon mo?

Pero iba ngayon eh... She just quietly writes something on her notebook without
throwing even a single glance on me. What the heck is wrong with her?

"Okay, you may take your recess."

Pagkasabi na pagkasabi ng teacher namin nun sa Social Studies ay tumayo na ang mga
classmates ko. As usual, kanya-kanya na silang pagreretouch sa mga pagmumukha nila.
Tinignan ko na si Fatima sa gilid ko. I saw her putting her books inside her bag.

"Fatima, ayos ka lang ba?" I ask her.

Mukha namang nagtaka siya sa tinanong ko kaya agad siyang tumango at nginitian ako.
"Okay lang ako, Alex. Bakit mo naman natanong?"

"You are... too quiet today. It's unusual. Hindi ako sanay."
She smiled widely, "Tara na nga. Kain na tayo. Ako ang nagluto ng baon ko today,"
she said sweetly as she got off her seat. Nilabas niya na ang baunan niya at
humarap na sa akin. "Let's go?"

I smiled in relief. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya. "Ano naman yang niluto
mo?" Tumayo na ako at kinuha na rin ang baon ko. Mas gugustuhin ko pang magdala
nalang ng sariling baon kesa bumili sa labas. By means of this, nabibigyan ako ng
chance para masolo si Fatima.

"I cooked Pork Hamonado!" She said energetically causing me to pinch her cheek. Ang
cute niya kasi pag hyper siya. Mukha siyang bata...

"I'm looking forward to taste it... Let's go."

Dumiretso na kami papunta sa pinto. Lalabas na sana kami nang mapansin kong may
nakaupo sa first row on the left side. Tinignan ko ito mabuti at narealize kong si
Tracy pala iyon. She's sitting quietly there alone.

"Fatima, wait lang." I murmured to her and she stopped. Nilapitan ko naman si Tracy
at sakto naman na nilingon niya ako. Tinanggal niya ang earphones na nakapasak sa
tenga niya at pilit na nginitian ako.

"Alex..."

"Ayos ka lang, Tracy? Masakit pa rin ba yan?" tinignan ko ang wrist niya at nakita
kong hinihilot niya ito.

She pouted, "Masakit pa rin eh. Sabi nila Wenny, hilutin ko raw ito para gumaling."
Wenny is our classmate.

"Hilutin?" I asked back.

She nodded, "Yup. Pinahiram pa nga nila ako ng oil oh." Sabay nguso niya sa oil
bottle na nakapatong sa desk niya. "But I don't know how. Marunong ka ba, Alex?"

I gawked. Eh ano naman kung marunong ako? Ako pa maghihilot sa wrist niya? Tch.

Nilingon ko si Fatima. She's looking blankly at me. "Marunong ka ba, Fatima?"

"Hindi ako marunong eh. At saka, hindi dapat hinihilot yan. Cold compress ang
katapat niyan, Tracy."

"I already did. Kaso wala pa rin eh..." Maarteng sabi ni Tracy.

"You did?" Fatima asked again and she just nodded. "Naku, cold compress tapos
hihilutin mo? Naku, Tracy... Don't massage it. It'll make your wrist more swollen."

Tracy looked at me and pouted her lips. "But I want to massage it. Please, Alex?
Can you massage it for me?" She said while batting her lids.

"Where's Kurt anyway?"

"He's outside. Making-out with some slut for sure..." She rolls her eyes.

G@go talaga yun... Wala ba siyang pakialam dito kay Tracy?

Nilingon ko muna si Fatima. "Fatima, give me five minutes. Wait lang." Saka ko
nilapitan na si Tracy. Inabot agad niya sa akin ang right wrist niya kaya naman
dinampian ko ito ng oil. It's really swollen.
I started massaging her wrist gently.

"Ouch... Ahhh..."

I stopped and shot her my frown. "Am I hurting you?"

"No, just keep on. Don't mind me," then she smiled sweetly to me. Napailing nalang
ako at pinagpatuloy na ang paghihilot ko.

I stopped when she jerks her head closely. Hindi ako nag-angat ng ulo dahil isang
maling galaw ko lang, baka may mangyaring 'di ko magugustuhan.

"Alex, may sasabihin ako sayo," She whispered to me giving me goosebumps.

"A-Alex, m-mauuna nalang ako sa pagrecess huh? M-Maiwan ko na kayo dyan..." Narinig
kong sabi ni Fatima kaya agad kong binitawan ang kamay ni Tracy at nilingon siya.

"Wait, Fati----" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil nagmamadali na siyang


lumabas ng classroom namin. Aish, why can't she wait me?

Narinig kong bumungisngis si Tracy kaya tinignan ko siya. "What?" Maangas na tanong
ko.

She shook her head while smiling, "Nothing. Anyway, can you resume on massaging my
wrist?"

Hinawakan ko ulit ang wrist niya at hinilot ulit ito. "Bibilisan ko nalang kasi
iniwan na ako ng kasama ko." I murmured.

I was focused on massaging her wrist when she told me something that gave me
goosebumps again.

"Alex, crush na kita."

Dahil sa pagkabigla ko ay marahas kong binitawan ang wrist niya at tumayo na. What
the eff she just said?

"Aww! Why did you do that? Ang sakit!" She said as she pouts her lips while
caressing her affected wrist.

Tumayo na ako at tinignan siya ulit. "Don't say that again. We're neither close nor
friends."

"Crush lang naman eh..."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa pisngi ko saka siya
bumungisngis ulit. Sh*t! Bat ang bilis ng babaeng ito?

"What the fck, Tracy!" Marahas kong pinunasan ang pisnging hinalikan niya. "Tss.
Huwag mo na nga akong kakausapin." Tumalikod na ako at pumunta na sa pinto. But
before stepping out of the room, I heard her speak again.

"I realize that you're better than Kurt. Basta, crush na kita!"

I shook my head in anticipation. Now I know why Kurt gets so annoyed of her. She's
so clingy and liberated.

"Whatever you say, Tracy. Kahit maganda o sexy ka man, wala ka pa ring panama kay
Fatima ko." I mumbled to myself as I walked along the corridor.

***

Fatima never did talk to me on the entire class. She didn't ignore me though.
Tuwing tatanungin ko kasi siya, kundi tango o kibit-balikat eh iling lang ang
isasagot niya. Nung recess naman, sinundan ko siya sa stage kung saan kami usually
kumakain pero wala siya dun. I found out na dun pala siya kumain sa cafeteria
kasama ang ilan sa mga classmates namin. Kaso nung akmang sasamahan ko na siya,
bigla namang nagbell, hudyat na tapos na ang recess time. Hindi ko tuloy natikman
ang pinagmamalaking luto niya.

"Fatima, sigurado ka bang walang masakit sayo o ano?" I asked her. As usual,
hinahatid ko ulit siya sa car park. Kakadismissal lang kasi.

She shook her head while looking down.

"You sure?"

She nodded.

"Eh bakit wala kang imik?"

She just shrugged her shoulders and gazed around the car park. Tumingin siya sa
akin at dun ko lang napansin na matamlay siya. What the hell is wrong with her?

"Alex, nandun na pala si Mama," sabay turo niya sa left side namin, 6 meters away
from us. "Una na ako. Bye."

Maglalakad na sana siya palayo nang pigilin ko siya sa braso. "Tatanungin ulit kita
ha? May problema ba? Galit ka ba sa akin?"

She pouted and looked away. "Wala nga, Alex. Sige bye. Ingat sa pag-uwi." Saka niya
hinila ang braso niya at naglakad na palapit sa kotse ng Mama niya.

I just watched her as she gets near her Mom's car.

That expression...

I never saw her with that sad set of eyes.

What's with her?

Kung ano-ano ang nasa isip ko habang pauwi ako sa amin. Mabuti nalang talaga at
hindi ako naaksidente sa pagmomotorbike ko. Naabutan ko pa sila Dad na nagtetake na
ng dinner nila kaya sumabay na ako sa kanila. After that, I went straight in my
room and took a half-bath. Pagkatapos nun ay sumalampak na ako sa kama ko at
nakatitig sa puti kong kisame.

"Sh*t," I mumbled in annoyance. Hindi ako mapakali. Bakit ba ganun si Fatima


kanina? Mukhang galit siya sa akin eh. Galit? Nah... She has this set of sad eyes.
Bakit hindi siya mag-open sa akin?

I find myself texting Fatima... I told you, my night wouldn't complete without
texting or calling her before the day ends.

---

To: Fatima Grace


Fatima, ayos ka lang ba talaga? I know, makulit na ako... But I really sense that
there's something wrong.

---

I waited for 5... 10... 15... 20... 30 minutes... 1 hour...

"Tsk! Bakit hindi ka nagrereply?" Para na akong g@go na kinakausap ang phone ko. As
if naman sasagutin ako nito! Umupo na ako at tumingin sa alarm clock sa bed side
cabinet. Quarter to 9 pa lang. Hindi pa yun natutulog ng ganitong oras.

Humiga ulit ako at dumapa. "Aish, may problema nga sa akin si Fatima." And I
covered my head with a pillow.

What the fck did I do to her?

***

The following day, I went to school early. Gaya ng nakagawian, hinintay ko si


Fatima sa hallway malapit sa entrance. Nang makita ko na siya ay agad ko siyang
sinalubong.

"Fatima... Uhm, hi." I greeted her awkwardly.

She smiled a forced one though. "Alex, sorry. Hindi ako nakapagreply sayo kagabi.
Wala na akong load eh."

I smiled in relief. So, that's the reason.

"Ayos ka na ba?" Kinuha ko na ang back pack niya at binitbit ito. Nagsimula na rin
kaming maglakad sa hallway.

"Yup... Sorry kung wala ako sa mood kahapon ha? Just bear with me nalang. You know,
girl's stuff."

"Aaahhh..." Yun nalang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanya. Shet, bakit ba
lalong gumaganda si Fatima? I'm speechless. I'm out of d.mn words.

"Bakit ka namumula, Alex? May sakit ka ba?" Nabigla ako nang idampi niya ang kamay
niya sa noo ko. Iniwas ko kaagad ang mukha ko at tinakpan ang noo ko.

"I-I am okay, really."

"Namumula ka eh," hahawakan sana ulit niya ang noo ko kaya umaatras ako ng dalawang
hakbang palayo sa kanya. "Suplado mo. Hahawakan lang naman eh!"

"Huwag na. Ayos lang talaga ako," I murmured silently and we continued on walking.
Kaso ang mga mata ko, pilit na tumitingin sa mukha niya. I saw a small smile curves
her lips as she looks upfront. "Fatima..."

Lumingon siya with her questioning eyes. "Hmmm?"

"You're beautiful..."

On cue, her cheeks flushed red that made her more beautiful. She just stuck her
tongue out... "Bolero! Bleeh!"

Napatawa nalang ako ng mahina sa reaction niya. She never fails to amaze me
effortlessly.

***

Puro graded recitations lang ang naganap sa first period namin. Next week kasi ay
examination na naman. Within this week ay submission na rin ng projects and stuff
kaya busy din ang iba. Nung nagrecess na ay niyaya ko na agad si Fatima sa stage
para kumain. Kailangan kong bumawi ngayon kasi hindi ako nakasabay sa kanya
kahapon.

"Hindi ko natikman ang baon mo kahapon," sabi ko sa kanya habang inaalalayan siyang
umupo sa floor ng stage. Umupo na rin ako sa harap niya.

"Don't worry, mas masarap itong ginawa ko ngayon. With effort pa and creativity."
She smiled widely as she takes out her lunchbox from its bag. "Chadan!"

"Pfft! Amin na nga, buksan ko na." Kukunin ko sana sa kanya ang lunchbox kaso
tinampal niya ang kamay ko.

"No no no! Ako ang magbubukas nito." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at nilapit
niya ng bahagya ang mukha niya paharap. "Pikit ka muna~!"

"Huh?"

"I said close your eyes, Alex. Please?"

Bat may papikit-pikit pa? "Pwede bang wag nalang? Baka exotic food yan ah," biro ko
sa kanya.

"Nope," she pouts. "Please?"

"Yeah.. Y-yeah." Tsk! Nagpacute pa. Cute na nga tapos nagpapacute pa. Pumikit
nalang ako as my Princess told me. "What now?"

"Wait lang, bubuksan ko muna." Narinig kong binuksan niya na yung lunchbox niya
tapos tingin ko ay nilapit niya pa sa mukha ko ito. "Smell it first. Bango diba?"

"Yeah, can I open my eyes now?" Natatawang sabi ko.

"Go, open mo na!" Binuksan ko naman agad ang mata ko. And I was like wow! "Hihihi!
Food art it is!"

"Wow, ikaw gumawa nito?" Kinuha ko mula sa kanya ang lunch box at pinagmasdan ito
ng mabuti. As what she said, it's a food art. Mukha ito ng isang tao... And if you
want me to describe it, basta pahabang mukha siya.

"Yeaaaaah! I decided to make this for you since naging suplada ako sayo yesterday.
So, ayan! Masarap yan."

"Colorful... I'm sure it tastes good. Ikaw gumawa eh."

She giggles childishly, "Wait, Alex. Titigan mo mabuti." I looked at it closely.


"Wala ka bang napapansin? Ikaw kaya yan. Inspired ako dahil sayo," sabay ngiti niya
sa akin. Napakurap-kurap naman ako. Wow, inspired sa akin?

"Look! Ang haba ng baba. Ikaw na ikaw yan... Hehehe!"

My lips twitched sideways, "Whatever. Nagsalita ang mahaba ang nguso." Sabay pisil
ko sa pisngi niya. "Thanks, Fatima Grace."
"No problem, tara hati na tayo dyan?"

"Sure, dito ka. Tabi ka sa akin," pinat ko yung left side ko at umupo naman siya
agad dun.

"Aleeeeexandeeeer..."

Sabay kaming napatingin sa right side ko nang biglang umupo dito si...

"Tracy, what are you doing here?"

She smiles as she bats her eyelids, "I want to eat with you guys. Nagbaon din kasi
ako and you know what, Alex?" May nilabas siya mula sa likuran niya. "I cooked this
for you! I hope you like it. I'm a good cook afterall."

Tumingin ako saglit kay Fatima and I saw her looking at me too.

"Let me open this for you," nilapag ni Tracy ang lunchbox sa sahig since sa sahig
din kami nakaupo then she opens it. Nagulat ako nang makita kong isa rin itong food
art but compared to Fatima's, it looks more creative and professional. "See? Ang
cute diba?"

"Tracy, salamat pero hindi mo na dapat-----"

"No problem. I did this to thank you for saving me yesterday." Tapos yumuko siya.
"Ow wait, food art din?" Tinuro niya yung gawa ni Fatima.

"It's hers..." I'm pertaining to Fatima. "She made it for me."

"Aww, that's so sweet of her. But can you atleast give mine a shot? Mas mukhang
masarap naman ito diba? Obviously~" maarteng sabi niya sabay flip ng bangs niya at
nagulat pa ako nang itulak niya palayo ang lunchbox ni Fatima. Kukunin ko pa sana
iyon kaso napakunot noo ako nang makita kong tinakpan ito ni Fatima.

"Tracy, salamat. Sige, umalis ka na." It may sound like a joke to her but I'm darn
serious. Asungot eh.

"Hahaha! Mapagbiro ka naman, Alex." Then she looked to Fatima, "Fatima, hati tayong
tatlo. I swear, masasarapan kayo dito."

Napatingin ako kay Fatima. I saw her pouting her lips but eventually, parang
pinipilit niyang ngitian si Tracy. Oh darn this... Dalawang araw nang hindi ko
nasosolo si Fatima.

***

After recess, I noticed that Fatima ignores me. Unlike yesterday, hindi na siya
tumitingin sa akin. I tried to ask her several times if she's mad at me... pero
wala eh. Nakakafrustrate. Fck!

T.L.E subject na namin, 3rd subject after recess. Nagpapalecture si Miss Camilon
kaya naman tahimik ang buong klase. Ni paghinga wala akong marinig. Ganyan sila
katakot sa matandang dalagang teacher na yan. Grabe kasi yan magparusa. Akala mo,
major subject. Tsk.

Hindi ako makapagconcentrate sa pagsusulat ko. I always take glances on Fatima.


Pansin ko na sobrang seryoso ng mukha niya at talagang nakapoker face pa.
"Fatima..." I whispered. Kaso di niya ako pinansin o kahit man lang sulyap, kaya
naman huminto muna ako sa pagsusulat.

"Fatima, hey... Are you mad?"

Nagbibingi-bingihan pa rin siya.

"Hey, ano ba? Galit ka ba sa akin?"

Ow sh*t. I'm getting pissed.

"Bakit ba ayaw mo ako sagutin? Kanina pa ako nagtatanong dito kung galit ka ba
pero----"

She shot me her irritated look that made me stop from speaking.

"OO NA! OO NA! AYAN HA? SINASAGOT NA KITA. PWEDENG WAG KA NG MAKULIT, ALEX?"

My eyes rounded in shock. That's the first time Fatima nags at me. She's really
that mad at me?

Silence.

"Yiiiiiiiiieeeeeeee!"

"After 1 year, sinagot ka rin!"

"Yooooown oh!!!!"

"Kyaaaaaaaaaahhhhh! Congratulations...."

"Magpaburger ka naman!"

"BURGER! BURGER! BURGER! BURGER! BURGER!"

"Keep silence class! Kung ayaw niyong magsquat sa quadrangle. Mainit dun! Gusto
niyo?!" The teacher yelled and all of us went silent.

Great. Just great. Maling akala naman itong mga kaklase ko. Eh galit nga sa akin
itong nililigawan ko! But I admit, I couldn't control my lips to smile. Darnit.

Tumingin ulit ako sa gawi ni Fatima. Muntik pa akong mapatawa nang magtama ang mga
mata namin at dali-dali siyang nag-nap. Sobrang namumula na ang mukha niya... I
think dahil sa kahihiyan?

I got myself off my seat and cleared my throat that made them all look at me.
"Ma'am, excuse." Lumingon naman ang matandang dalagang teacher namin. "May I go
out... with Fatima?"

"Yoooown! Alex, parang Baygon lang ah!" Narinig kong boses iyon ni Wayne kaya
nilingon ko sila. Kasabay nun ang kanya-kanyang kantyaw nila sa amin.

"Tado! Lewis and Pearl yun. Timang!" Jake corrected him.

"Ganun na rin yun... Yown! Binata na si Alexander!"

"SHUTTAP! MARK WAYNE MADRIGAL, TUMAYO KA SA UPUAN MO AT MAGSQUAT."

"Ma'am naman!"
"Squat here or squat in the quadrangle? You choose!"

"Here nalang. Ididisplay pa ang kagwapuhan ko dun. He-he-he!" Sabay tayo nito sa
upuan niya at nagsquat.

"Ma'am, lalabas muna kami ni Fatima. Pwede ho ba?" I asked again.

"Fine... I'll mark you both absent."

"Fine, whatever. Hindi ka magtatagal dito sa E.H.A sa ugali mong yan. Batas-militar
ba 'to?" Hinawakan ko na ang kamay ni Fatima at hinila na siya palabas ng
classroom.

Dinala ko si Fatima sa corridor ng building namin, dito sa lugar na walang dumadaan


na estudyante. Medyo nasa sulok ito at walang tao dahil na rin sa class hours.

Binitawan ko kaagad si Fatima at tinignan siya ng mabuti.

"Now tell me, bakit ka galit?"

She pouted and looked down. "Don't mind me. Mawawala rin agad ito."

"Bakit nga?" Sinusubukan kong silipin ang mukha niya pero iniiwas niya.

"Kasi naman Alex eh! Wag ka nga!"

I hushed her, "Sssh! Wag kang maingay."

She sighs, "Bakit mo ginanun si Miss Sungit?"

"Diverting the topic?" I asked chuckling. "Walang may gusto sa teacher na yun. Do
you think tama ang paraan niya ng pagtuturo? Puro lectures lang, hindi naman
nagdidiscuss. Aside from that, puro pareport pa."

"Kahit na~"

"Aish, this is not the issue okay? Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka galit sa
akin? May ginawa ba akong mali?"

Tinignan niya na ako sa mga mata ko. Kita ko rito na nalulungkot siya. "Eh k-
kasi... never mind."

"Bakit nga? Hindi tayo babalik sa classroom hanggat hindi mo ako sinasagot ng
matino dito."

She sighs again, "Fine. Nakakatampo! Bakit hindi mo kinain yung ginawa ko
sayo-------"

"HI ALEEEEEEX!"

Sabay kaming napatingin sa baba ng railings, sa labas. Narinig kasi namin na may
tumawag sa akin... at kung binubwisit ka nga naman! Argh!

"What the hell Tracy? Nag-uusap kami oh!" Sigaw ko rito.

She pouts and flips her hair, "Binati lang kita. What's wrong with that?"

"You're disturbing us for whoever's sake!"


"Hihihi! Kayo na ba ni Fatima?" I shook my head. "Good for me, then! Pwedeng
samahan niyo ako dito? Pinalabas kasi ako ni Miss matandang dalaga!"

Hinila ni Fatima ang left sleeve ko kaya napatingin ako sa kanya. "Wag kang
sumigaw. Baka masita tayo."

"Tss, tara nga." Hinila ko si Fatima palayo dun sa railings, leaving Tracy there.
Nakakairita yung babaeng yun.

"Samahan mo raw si Tracy dun sa baba." Sabi sa akin ni Fatima.

"Why would I?"

She smiled sarcastically, "Because you're friends with her."

"Nope... Wala akong ibang kaibigang babae kundi ikaw lang."

She looks to me, astonished. "Really?"

"Yeah... Kaya huwag mo ng isipin si Tracy. She's just a classmate to me. She's
nothing. I swear."

After that, she smiles to me that can make my heart melt.

***

"Suuuus! Kayo na eh! Idedeny pa."

"Grabe! Isang taon na panliligaw? Akalain mo yun? Kinaya mo yun? At kinaya ka niya?
At kinaya niyong dalawa? Hahahaha! Hindi ko yata kakayanin yun!"- Derrick

"Paburger ka naman! Yung may cheese ha? BURGER! BURGER! BURGER! BURGER!"- Wayne.

"Si Wayne i-murder! MURDER! MURDER! MURDER! MURDER! MURDER! MURDER! MURDER!
MUR----"

Binatukan naman siya ni Wayne, "Tama na! Tama na! Nasiyahan ka na. Kesong
manooooooy~" Sabay daan pa nito ng kanyang index finger sa ilong ni Arthur.

Isa-isa ko silang pinagsasapok. Makulit! Sinabi nang hindi pa ako sinasagot.


Pinaliwanag ko na lahat-lahat pero ayaw pa rin maniwala.

"Hindi nga! Namisinterpret niyo lang yun. Kapag sinagot naman niya ako, kayo naman
agad ang makakalaam eh."

"Iba ka rin, mainlove noh?" Kurt commented as he lifts a dumbbell. We're here in
the X10's apartment, spending leisure time after class.

Muntik ko ng makalimutan! "Hey, Kurt! Si Tracy, bakit mo inabandona na yun?"

He stopped for awhile. "I told her to wear decent clothes before going with me.
Kaso nagsawa na yata sa akin... Bahala siya sa buhay niya."

"Ugh, ewan ko sa inyo." Tumayo na ako at nag-ayos na ng sarili. "I'm going home.
Wala namang fight diba?"

Kent answers, "Yeah, Saturday night nalang daw."


Pagkauwi ko, tulog na ang mga tao sa bahay namin. Kumain muna ako ng dinner ko bago
umakyat sa kwarto ko. I took a quick shower and laid myself on my bed... Staring
again on the white ceiling.

I chuckled all of a sudden upon remembering my conversation with Fatima. "She's


hella extraordinary... Kaya mahal ko yung babaeng yun."

Before going to sleep, nagsend muna ako ng message kay Fatima. 11PM na. Mga
ganitong oras, tulog na yun.

---

TO: FATIMA GRACE

Goodnight, Fatima... I'll see you again tomorrow. :)

---

Binalik ko na sa ilalim ng unan ko ang phone ko saka ako pumikit nang may ngiti sa
labi ko. I had a happy day...

Akala ko, makakatulog na ako nang tuluyan pero isang oras na yata akong nakapikit
pero hindi pa rin talaga ako makatulog.

"OO NA! OO NA! AYAN HA? SINASAGOT NA KITA. PWEDENG WAG KA NG MAKULIT, ALEX?"

"OO NA! OO NA! AYAN HA? SINASAGOT NA KITA. PWEDENG WAG KA NG MAKULIT, ALEX?"

"OO NA! OO NA! AYAN HA? SINASAGOT NA KITA. PWEDENG WAG KA NG MAKULIT, ALEX?"

I covered my head with a pillow. Why does it keep on flashing on my mind?

I smiled on my thought. Nakakatawa mang isipin pero hinihiling ko talaga na sana


yun na ang sagot niya sa panliligaw ko sa kanya.

*You got a message!*

I gawked when I heard my phone beep. Who would text me at this hour? Kinuha ko ang
phone ko at tinignan ang message.

But I got surprised realizing who the sender is...

---

FROM: FATIMA GRACE

SENT: 11:57PM

.. Alex, hindi ko alam kung pa'no ko 'to sasabihin... Err. Nahihiya ako!

---

What was that supposed to mean?

Magtatype na sana ako ng reply ko nang bigla na naman may pumasok na new message,
galing ulit kay Fatima.

---
FROM: FATIMA GRACE

SENT: 11:59PM

I'm sure tulog ka na at this hour... Sinadya ko yun. Hehehe! Ah, hindi ko talaga
alam kung pano ko sasabihin ito... Oh well, let me get this straight.

(Daming spaces noh? Para suspense!)

Girlfriend mo na ako from now on at boyfriend na rin kita... Aww, panget ng


pagkakasabi ko! Waaah! Sige, goodnight :*

---

Buffering...

Buffering...

Buffering...

"Sh*t!"

Agad-agad akong tumakbo palabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto nila Dad.


Niyugyog ko si Dad habang natutulog pa.

"Dad! Sinasagot na niya ako! Daaad!"

"Hmmm..." He groaned while sleeping saka niya tinabig ang kamay ko. "...You must be
dreaming. Baligtarin mo unan mo, Alex."

"Aish! Totoo 'to, Dad! Hey!"

I heard him snoring. Tulog talaga.

Bumalik agad ako sa kwarto ko at dumiretso sa calendar. I marked the 26th of July
(A/N: Nakaheart shape yung pag-mark niya)

"The day she said yes..."

Napapunas ako sa pawis ko sa noo ko at umupo gilid ng kama ko. "Thank God, after
one long year she's now mine." I mumbled without removing my smile. Kinuha ko
kaagad ang phone ko. "Gising pa siguro yun!"

Dialling Fatima's number...

1...
2...

3...

4...

5...

["H-hello, Alex? B-bat napatawag ka? Inaantok na ako... Sige night na. Bukas
nalang... Sweet dreams."]

"Fatima, w-wait----"

*TOOT TOOT TOOT*

Napailing na lang ako habang nakangiti. Nahihiya siya?

I pressed the speed dial number 2.

["H-hello----"]

"Don't hang up. May sasabihin ako."

["A-ano yun? Eeeeh! Pwedeng bukas nalang?"]

"1 minute lang..."

["O-okay..."]

I took out a deep breath. "Tayo na ba talaga? Hindi ito false alarm or prank o baka
naman panaginip 'to?"

She sighs, ["Ayaw mo ba? Edi wag nalang..."]

"Hey, hey! Don't take it back! Nasabi ko na sa dad ko tapos babawiin mo? You're
being unfair, Fatima Grace Eugenio."

["Hihihi! Joooooke."]

SILENCE.

Humiga ako at napapikit.

I think it's about time...

"Fatima..." I called her name softly.

["Hmm?"]

"I love you... Goodnight. Thanks."

*TOOT TOOT TOOT*

Huminga ulit ako ng malalim. This is the first time ever na nagsabi ako ng I love
you. Not even to my parents or sisters...

I gawked when I heard my phone rings.

FATIMA CALLING...
"Si Fatima?" Nakakapagtaka. Tumawag pa siya. I pressed the answer button and placed
it on my ear. "Hello, Fatima?"

Narinig kong huminga rin siya ng malalim sa kabilang linya.

["I love you too, Alex... Goodnight... See you tomorrow."]

-14-

***14***

"Good morning, mom. Good morning, dad." I greeted them as I placed the breakfast on
the top of the table.

Mom just looked at me with her surprised set of eyes. "Alexander, anong meron?"

I chuckled. "What, mom?"

"Are you sick, son?" Tanong naman ni Dad.

"Dad, mom, I am not sick." Nakangiting sagot ko at umupo na sa seat ko.

"Then, what's wrong with you, Alex? Bakit tumutulong ka yata sa pagluto ng
breakfast?" My mom asked again and looked to dad.

"I'm just in my very good mood. Nothing's wrong with me. Don't worry, I'm great." I
answered confidently.

Nagkatinginan na naman silang dalawa as if there's weird happening.

Tumawa ng mahina si Dad habang umiinom siya sa cup of coffee niya. "Napanaginipan
ko anak, sinagot ka na raw ni Fatima. Sana nga!" Sabay tawa niya.

Napailing nalang ako habang nagpapalaman ng strawberry jam sa bread ko. "Dad, you
were not dreaming. That's real... Fatima is now my girlfriend." I replied as a
matter of factly.

Nagkatinginan na naman silang dalawa but this time, they seem surprised.

"Wow, really? That's a great news." Dad exclaimed and then moved next to me. He
placed his left arm across my shoulders and tapped my left arm. "Binata na ang nag-
iisang lalaking anak ko."

"Dad, matagal na akong binata."

"Alex, you should bring your girlfriend here. I want to meet her after your class."
Sabi ni Mom sa akin na nakangiti.

I smiled genuinely. "Sure, mom. Dadalhin ko dito ang girlfriend ko."


***

Excited akong pumasok sa school dahil excited na akong makita ang girlfriend ko.
Girlfriend. Finally, after a year, matatawag ko na siyang 'akin'. Matatawag ko na
siyang girlfriend. That sounds so good to me.

"Hey, Alex."

I jerked my head to see who called me. Si Jake pala. Tumabi siya sa akin sa bench
na inuupuan ko dito malapit sa entrance gate kasunod ni Wayne. Pinagitnaan nila ako
ng upo saka nila tinap ang balikat ko.

"Ngingiti-ngiti ka dyan, dude. Mukha ka ng baliw." Asar sa akin ni Jake.

"Alexander, good mood ka ah..." Komento naman ni Wayne.

I laughed a little. "I'm in my best mood. Don't try'na ruin it, dudes okay?"

"Naks!" Siniko naman ako ni Jake. "Anong balita? Bakit masaya ka?"

Inayos-ayos ko muna ang buhok ko bago ko sila sagutin. "Kami na ni Fatima..."

Bigla silang natahimik. Mahirap bang paniwalaan ang balitang iyon? Psh.

"For real? Wow! Galing naman umacting! Muntik na akong maniwala! Hahahahaha! Pang-
Oscars ang waaaaala~" Sabay akbay sa akin ni Wayne.

Binatukan ko naman siya. Baliw. Sira-ulo. Loko-loko. Damuho. Hindi naniwala. "Totoo
yun! Sapakan nalang para malaman mo."

"De joke lang. Alam ko naman ang sinasabi mo ay tunay, tapat at totoo. Walang
kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan. Kay Fatima Grace ka
lang. Yooooooowwwn! Ang cute ko talaga." Sabay peace sign niya at nagflip hair.
Bading. He sings, "I whip my hair back and forth~* I whip my hair back and
forth-------- Ay, hindi gumagalaw buhok ko. Hahahaha! Para akong timang."

Minsan talaga, gusto ko ng dalhin itong si Wayne sa rehabilitation center eh.


Parang nakadrugs palagi eh.

"Yieeeee! Kayo na rin sa wakas. Masaya ako para sayo, pare!" Ngiting-ngiting sabi
sa akin ni Jake.

"... Tss. Oo na." I tried to suppress my smile but the hell, ayaw tumigil ng labi
ko sa pag-ngiti eh.

"Lumalovelife si Alexander! Buti ka pa! Inggit ako!" Siniko ko si Wayne. Ang lakas
ng boses eh.

"'Wag nga kayong maingay."

Kaso wala eh, mahaharot ang dalawang ito kaya sinimulan nila akong siku-sikuhin.

"Si Alex~ Gumigirlpren na!"

"Yooown! Namumula na ang tenga! Kinikilig na yan!"

"Tumigil kayo! Hahambalusin ko kayong dalawa!"

Mga sira-ulo talaga ito. Pag sinabing tumigil, mas lalo pang mang-aasar. Tell me,
ganito ba talaga ang mga tunay na kaibigan?

"Hi, Alex."

Napahinto kami sa pagbabakbakan nang marinig namin ang pamilyar na boses ng babae.
We all stared at her.

"Hi, Tracy! Ang ganda mo ngayon ah?" Jake compliments her.

"Kamusta naman ang langit nang lumayas ka? Aminin mo nga Tracy, angel ka noh?"
Banat naman ni Wayne sa kanya.

Tss. Matinik talaga sa babae ang mga 'to.

Tracy just shot her brow upwards. "I know right, I'm beautiful and I look like an
angel. But sorry to tell you guys, I am not talking to the two of you. Kayo ba si
Alex?"

Siniko naman ako ni Jake kaya napatingin ako sa kanya. "Anong nangyari? Bakit sayo
dumidikit yan?" He whispered and I just shrugged my shoulders as my reply.

"Hi, Alex! I know naman na aware ka na crush kita diba? So," hinila niya ang collar
ko kaya naman napatayo ako. "Can you go out on a lunch date with me? Tara, cutting
classes?"

Napakunot-noo ako. Agresibo.

I slowly removed her grip on my collar and smiled menacingly to her. "Sorry, but
I'd rather go on a date with my girlfriend than you."

Mukha siyang nabigla sa sagot ko then smirked eventually. "Girlfriend? The question
is, do you have a girlfriend?"

I grinned. "I wouldn't have said that if I don't have a girlfriend, right?"
Napatingin ako sa entrance gate, hoping that Fatima has arrived already. At mas
lalong lumapad ang ngiti ko nang makitang papasok siya ng gate while the guard is
checking on her bag.

"Girlfriend... Girlfriend... Girlfriend... Sus, you can't fool me, Alexander!


C'mon, just say you like me and I'll be yours." Sabay yakap nito sa braso ko kaya
naitulak ko siya bigla. Napaupo naman siya sa lap ni Jake kaya nagmamadali siyang
tumayo. Si Jake naman nakangising aso.

"Why are you being like that? If you don't like me, then just say it to my
beautiful face. Hindi yung gumaganyan ka. You see, I can make you like me." Then
she smiled seductively to me.

"Psh. In your face, Palermo." Tapos ay tumingin ako ulit sa direksyon ni Fatima.
Then, there I saw her walking towards my direction. Nagtama ang mga mata namin. On
cue, I saw her blushed. Ako naman ay napaiwas ng tingin.

Alex, bakit ngayon ka pa kinabahan at nahiya ng ganyan? ... My conscience told me.

"Nakakainis ka! Crush nga kita, Alex! Tara na kasi~ Cutting na tayo~" She said as
she clings to my arm again. Ang kulit ng lahi ng babaeng ito.

"Ugh, get the hell off, Tracy. Ayun ang girlfriend ko oh..." Sabay tingin ko kay
Fatima na konti nalang ay nasa harap na namin.
"Si Fatima?"

"Yeah..." Sabay alis na naman ng braso niya sa braso ko. "I hate to say this but...
Stop the madness, Tracy. Wala akong gusto sayo kayo lumayo-layo ka sa akin bago ako
mainis ng tuluyan sayo."

She pouts her lips and stomps her feet on the ground.

"Fine, edi kayo na." Tumingin siya kay Fatima na ngayon ay nasa tabi ko na.
Pakiramdam ko, ang sikip sikip ng suot kong shirt. But the hell, loose shirt 'to
eh. "Congratulations Fatima and Alex. Best wishes..." Tracy looks to Fatima and
flashed her a sweet smile. "You're lucky. You're boyfriend is one of a kind."

Narinig ko lang na tumawa ng mahina si Fatima sabay yuko nito.

"And you!" Nagulat ako nang duruin ako ni Tracy. Few inches apart ang index finger
niya sa ilong ko. "Huwag kang feeling! Crush lang kita! Hindi kita mahal! Kay Kurt
pa rin ako huh! Toodles... I gotta go find my love~" sabay lakad niya palayo in a
model like way.

Napatulala nalang ako sa pag-alis niya. What kind of a girl is she?

"Yieeeeee, happy first daysarry!" Narinig kong asar ni Wayne sa akin.

"G*go! May daysarry ba?" Bulyaw sa kanya ni Jake.

"Wala... Pauso lang. Yown! Si Alex, may girlfriend na! Si Fatima, may boyfriend na!
Lovers na sila!! Inggit ako pero ayos lang. Mas gwapo naman ako!" Sabay palakpak pa
ni Wayne.

Nagkatinginan nalang kami ni Fatima saglit. She smiled to me and I smiled back,
awkwardly.

"Tara na sa classroom, Fatima? Iwanan na natin ang mga sira-ulong yan."

***

Panakaw tingin lang ako kay Fatima during the class. Pagtitingin siya, iiwas naman
ako. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh! Bakit ngayon pa ako nahiya sa kanya? Putek
naman, Alex.

But I noticed, ganun din siya. Mukhang naiilang din siya sa akin. Pagtitingin siya
sa akin, ngingitian niya lang ako sabay iwas ng tingin. Ni hindi nga niya ako
kinakausap eh.

Lumabas ang Math teacher namin dahil pinapatawag daw siya ng guidance councilor.
So, here we are, doing our Math activity on the book silently.

Tahimik na eh... Kaso napapansin ko yung mga bulungan. Parang mga bubuyog. Nahuhuli
ko pang tumitingin sa akin ang mga kaklase ko. Papalagpasin ko sana kaso na-
overheard ko na ang pangalan ko sa kanila.

Tumayo na ako at humarap sa kanila.

"What the hell is wrong with you people? Pinagchichismisan niyo ba ako?" I blurted
out. Ayoko sa lahat yung pinag-uusapan ako. Sh*t.

Natahimik naman sila lahat habang nakatingin sa akin. The only sound I can hear is
the air-conditioner.

"Ano, hindi kayo sasagot?!"

Akala ko, hindi nila ako sasagutin pero nagsalita si Tracy. "Pinagchichismisan nila
ang kumakalat na GM sa room natin. That's all. Huwag ka ngang mag-roar dyan!"

I frowned. "GM?"

"GM! Group message. Group text." Sagot ulit ni Tracy na parang sinasabing ang slow
ko sabay lingon niya sa likuran kung saan nakaupo ang X9. "You better ask Wayne...
Siya ang source ng GM. Pinapakalat niya na kayo na ni ever loving girlfy Fatima
mo." Sabay hagikhik niya na tila kinikilig.

Kasabay nun ay ang pag-aasar na naman ng buong klase sa akin, perhaps sa amin ni
Fatima.

"Yieeeeeeeeeeeee!"

"Fatimalex...!!!"

Psh... Umupo na ako habang umiling-iling pa. The fck? Sira-ulong Wayne. Lagot ka sa
akin mamaya. Pfft.

Wala namang masyadong ginawa kaya maaga kami pinag-take ng recess ng teacher namin.
Ewan ko ba. I feel uncomfortable today. Para kasing iba eh. Tsk!

Tahimik lang kami ni Fatima habang tinutungo ang stage. The usual hang-out place
namin during recess time. Inalalayan ko siyang umupo at mabilis na rin akong
pumwesto sa harapan niya.

"Uhhmm... I cooked something for you, Fatima." Sabi ko sa kanya habang nilalabas
mula sa paper bag ang lalagyan ng niluto ko. Napansin ko na nanginginig pa ang
kamay ko. Fck, bat ba napaka-uneasy ko ngayon?

"Ano yan, Alex?" Tanong niya habang binubuksan ko ang baunan.

"Hindi ako marunong magluto. Tocino lang yan..."

"Aahhh... Favorite ko rin yan. Let me help you with that, Alex." Tinulungan niya na
akong buksan ang baunan. Ako naman ay nilabas na ang spoons and forks.

We started eating in silence. Nakakailang. Hindi naman kasi kami ganito eh.
Usually, ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa tinatackle ng mga previous teachers
namin before the recess. Pero ngayon? The heck! Tahimik.

Uminom muna ako sa bottled water ko bago ko siya tignan. Napansin ko na suot pala
niya ngayon ang hair clip na binigay ko sa kanya. Napangiti tuloy ako.

"Ahmm, Fatima?"

Napatigil siya sa pagsubo tapos ay pinunasan niya ang gilid ng labi niya gamit ang
handkerchief niya. "Hmmm?"

"Uhmm... Ano..." Oh sh*t, why am I lost of words?


"Ano yun, Alex?"

I sighed and forced to smile. "Nothing, never mind. Sige, ipagpatuloy mo muna yang
pagkain mo. Masarap ba?"

Nginitian niya ako ng nakakaloko. "Prinito mo lang naman ito eh! Hehehe!"

I scratched the back of my head. "I know... Sa susunod mag-aaral na akong magluto."

She smiled widely to me. "I appreciate it. Thanks, Alex. You're the best!" Sabay
thumbs up niya sa akin.

Natapos na rin siyang kumain. We collected our trashes and stuffs tapos ay umalis
na kami sa stage. We were about to enter our building when I pulled her right hand.
Tumingin naman siya sa akin with her questioning eyes. I really have to ask her
this question.

"Fatima, tayo na ba talaga?"

Para akong tumakbo sa sobrang bilis ng heartbeat ko. The fck is this feeling? Para
ngang kinakapusan ako ng hininga eh. Sh*t.

Bigla ngumiti si Fatima sa akin. Yung ngiti na para bang naninigurado. Eventhough,
there are lots of student walking back and forth to where we are standing, I don't
give a darn about them. Gusto ko lang masigurado na hindi ako nananaginip kagabi.

"Fatima..." Tawag ko ulit sa kanya. We're just staring at each other's eyes. Para
bang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Ugh, I must have been dreaming
last night. That wasn't true. Sh*t!

Napatingin ako sa kamay na hawak ko nang maramdaman kong hinigpitan niya ito. She
then pulled me near herself and motioned me to lower my head. Mukhang may ibubulong
siya, so I did.

"Diba sinagot na kita kagabi, Alex? Wag mo ng ipaulit sa akin. Nahihiya akoooo~"

Para bang pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko. Sa sobrang tuwa ko ay pinisil ko
ang magkabila niyang pisngi, sabay gulo ko ng buhok niya.

"Ay!"

"I'm sorry." I tried to fix her hair but that's not my thing. Mas lalo tuloy
gumulo. "You don't know how happy I am. Akala ko, nagbibiro ka lang kagabi."

She giggled while looking away. Parang tinatago niya ang pagbablush niya.

"Pangit ba ng pagkasagot ko sayo kagabi? Hindi ako marunong eh. Sorry..." Sabay
yuko pa nito. Nagulat pa ako ng ipag-intertwine niya ang mga daliri namin. This
simple gesture makes me want to hug her.

"Eh bakit ayaw mo akong kausapin kanina?" I asked.

"Eh kasi... Hindi ko alam. Amp! Hindi ko alam kung paano kita pakikitunguhan
ngayong err... boyfriend na kita?" Nagulat ako ng sampalin niya ang noo niya.
"Eeeh! Nahihiya ako..."

"Hahaha! Masasanay ka rin. Ganun pa rin naman eh..." I hold her chin up to catch my
sight. I showed her my assuring smile without releasing my hand to hers. "Ang
pinagkaiba lang, karamay mo na ako sa kahit anong pagdadaanan mo sa buhay mo at mas
lalong tight na ang relasyon natin. Aight?"

She smiled sweetly to me. "Okay... Boyfriend."

"Sounds good to me. Boyfriend mo na talaga ako, wala ng bawian ha?" Tumango-tango
naman siya habang nakaukit ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. "Tara na
girlfriend, balik na tayo sa classroom. Ginaganahan akong mag-aral eh."

The class went on smoothly. Unlike awhile ago, I feel so comfortable right now.
Dahil siguro nakumpirma ko na kami na nga ni Fatima. Inaamin ko, mukha na akong
sira-ulo na pangiti-ngiti mag-isa. Naupakan ko na nga pala si Wayne kanina matapos
niyang ilagay pa sa website forum ng E.H.A ang balita na kami na nga ni Fatima.
Kabugnot yang lalaking yan. Lakas ng trip. Psh. But thanks to him, at least alam na
ng lahat na kami na officially ni Fatima.

"Yan na pala si Mama oh!" Sabi ni Fatima habang nakaturo ang kaliwang kamay niya sa
kinaroroonan ng kotse ng Mama niya. Needless to say, I'm holding her right hand.
Kami naman na diba? Matagal ko rin itong gustong gawin.

"Tara na, may sasabihin pala ako kay Mama." Sabi ko pero tumingin siya sa akin at
pinagkunutan ako ng noo.

"Mama?"

I grinned. "Mama mo. Hindi pa ako tapos. Tara na nga..."

Hinila ko na siya palapit sa itim na kotse. Sakto namang lumabas ang Mama niya mula
dito. She approached us and gave me a quick hug. Medyo nabigla pa ako. What was
that for?

"Congratulations, Alex. Kayo na pala ni Fatima." Nakangiting bati niya sa akin.


Tinignan ko naman si Fatima sa tabi ko at binigyan niya lang ako ng ngiti.

"Thanks po, Tita."

"Masaya ako kasi sinagot ka na ng anak ko. Thanks kasi hindi ka napagod sa kanya.
Naniniwala ako na maaalagaan mo siya ng mabuti." Sabay pat niya sa balikat ko at
lalong lumawak ang ngiti niya. I don't know why. "Aww! Holding hands na agad kayo?"

On cue ay bumitaw sa kamay ko si Fatima. Natawa naman ako ng mahina. She's really
shy.

"Si Fatima Grace, nahihiya pa! Legal naman kayo sa akin eh."

"Mama naman~"

Kailangan ko pa lang magpaalam kay Tita. Ayoko kasing madisappoint si Mommy sa


bahay ngayong umoo ako sa kanya na dadalhin ko si Fatima sa bahay after class.

"Uhm Tita, can I ask something po?"

She smiled, "Sure. Ano yun?"

"Pwede po bang isama ko si Fatima sa bahay? Gusto po kasi siyang mameet ni Mommy."
Tinignan ko saglit si Fatima sa tabi ko. Nakatingin lang din siya sa akin kaya
ipinagpatuloy ko na ang sinasabi ko. "At gusto ko sana pong ipakilala siya ng
pormal sa parents ko ngayong kami na po."

Tita Janice gave me her warm smile. "Actually, may sasabihin din sana ako sa inyong
dalawa, Alex."

"Ano po yun, Mama?" Fatima asked.

"Ganito kasi yun... Now that you two are officially on, pumapayag akong ikaw na ang
maghatid-sundo sa anak ko, Alex."

Agad akong tumingin kay Fatima sa sobrang saya ko. Ayos yun! Mas masaya kung
ihahatid-sundo ko si Fatima. That way, makakasama ko siya ng matagal-tagal.

"Ma, paano si Daddy?"

"Don't worry about your dad, Fatima. Nakausap ko na siya tungkol dito." She said
while looking at her daughter. "Ang gusto ko lang naman ay mamulat ka sa outside
world. I mean, all this time nasa bahay ka lang, anak. I'm now letting you explore
with your boyfriend. No crazy stuffs, okay? I trust you both... Very much."

"Makakaasa po kayo, Tita. I'll take care of your daughter." I assured her.

Pagkatapos ng usapan namin nina Tita Janice ay masaya kaming nagcommute ni Fatima.
Hindi na rin namin dinala ang bag niya para raw hindi na kami mahirapan sabi ni
Tita Janice. Nag-jeep lang kami dahil request niya ito sa akin. Kagaya ng dati,
ininsist niya na siya nalang ang mag-aabot ng bayad namin. Ewan ko ba kung bakit
niya gustong gawin yun. Parang bata lang eh. Haha!

"Ganito ka ba lagi, Alex?"

Tumingin ako sa kanya habang hawak-kamay na naglalakad papasok ng village namin.


Mabagal lang ang paglakad namin. Seems like we're enjoying every minute passing by.

"Madilim dito. Dapat nagpang-umaga ka nalang ng section, Alex." Sabay tingin niya
sa akin with a worried expression on her lovely face.

I shook my head while laughing in anticipation. "Kaya ko ang sarili ko. Masaya
ngang umuwi mag-isa eh."

"Bakit naman masaya?"

"Wala. Ang dami mong tanong. Tara na nga, bilisan na natin."

"Si Alex, madaya. Tinatamad na naman magkwento." She pouted.

I pinched her right cheek. "Gutom na kasi ako."

We arrived at home few minutes later. Nakakatuwa lang isipin kasi dati ay umuuwi
ako dito na parang pasan ang daigdig. Pero ngayon, daig ko pa ang nanalo sa lotto.

"Yaya, girlfriend ko po si Fatima." Sabi ko sa housemaid namin nang pagbuksan kami


ng gate.

Nginitian niya naman ako ng malapad. "Aba, kayo na pala, sir? Masaya ako para sa
inyo."

"Salamat. Sila Dad po? Nasa loob na?"

"Opo, sir. Kanina pa nga ho kayo hinihintay eh."

Pinauna ko munang pumasok si Yaya kasi kanina ko pa nahahalata na napapahigpit ang


hawak ni Fatima sa laylayan ng shirt ko. Remember, I'm no longer wearing my uniform
as master's order.

"What's wrong, Fatima?" Iniyuko ko ang ulo ko para maging ka-eye level ko siya.
Then, I saw her pinkish cheeks at para bang hindi siya mapakali. "Are you alright?"

Nabigla ako nang hilain niya ang kamay ko. Parang ginigiya niya ako palabas ng gate
ng bahay namin. "Eeeeeeeeh! Nahihiya ako."

Hinila ko naman siya. "Bakit ka nahihiya, eh nameet mo na sila Daddy dati diba?" We
also had dinner last year during Christmas vacation. Magkakilala na ang parents
namin. This is not the first time they're going to see each other.

"Eh kasi... kasi... Basta! Eeeeeh!" Sabay hila na naman niya sa akin. Para na
kaming bata dito na naglalaro ng thug of war.

"Fatima, hinihintay na tayo sa loob. Don't be shy... Gusto ka naman nila eh. Tsaka
kilala ka na nila."

She stomped her feet on the ground and sat down. Nakayakap pa siya sa sarili niyang
binti. Pfft! Ano bang nangyayari sa kanya? Para akong nag-aalaga ng batang
nagtatantrums.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at sinubukan kong patayuin siya kaso 'di umubra.
"Fatima... Ipapakilala lang kitang girlfriend ko ngayon. Yun lang. Wala namang
pinagkaiba sa ginawa natin noon."

"Nahihiya talaga ako eh."

Umupo na ako para lumevel sa kanya. I touched her cheeks softly and smiled to her.
"Excited na silang makita ka. Ayaw mo bang ipakilala kita sa parents ko? Ikaw pa
namang ang unang babaeng pinakilala ko sa kanila tapos ayaw mo?"

Nakipagtitigan lang siya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang
magkabilang tenga ko. What's with my ears?

"Bakit namumula ang tenga mo, Alex?"

Ugh. Napaiwas ako ng tingin. Hirap makipagtitigan sa babaeng ito. Bat sa lahat ng
mamumula sa akin eh tenga ko pa? I'm really darn weird.

"Namumula yan kasi nagugutom na ako. Ano na, Fatima?" Sabi ko nalang.

She smiled sweetly to me. "Ay, nagugutom na ang boyfriend ko? Hala, pasok na tayo.
Let's go." Sabay tayo niya at harap sa akin. Humawak na ako sa mukha ko. Sh*t, bat
ang init? "Halaaaaaaa... Yung tenga mo mas lalong namula!"

"Ugh, don't mind me. Ang kulit mo kasi!"

Nagpout na naman siya. "Makikipagbreak ka na sa akin kasi makulit ang girlfriend


mo, Alex?"

Natawa nalang ako sa sinabi niya. I just held her right hand and pulled her towards
in.

Very weird... weird... weird feeling.


***

"Fatima, glad you came." Salubong sa amin ni Mom nang dire-diretso kaming pumunta
sa dining room. Nilapitan ni Mom si Fatima and gave her a peck on both cheeks. "How
are you doing? Have a seat by the way."

Pinaghila ko naman si Fatima ng upuan saka ako tumabi sa right side niya.
Napalingon pa ako sa likuran ko nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si
Dad pala.

"I'm good po, Tita. Kayo po? Pinapakamusta nga po pala kayo ni Mama." Fatima
replied shyly.

"Oh well, we're fine. First time ba namang magdala ng girlfriend dito si Alex eh,"
Mom said playfully. I just groaned and looked at my dad who is behind Fatima.
Nakita ko siyang nagta-thumbs up sa akin kaya ngumiti ako.

"Ahmm, good evening po, Tito." Fatima greeted.

"Good evening... So, totoo nga ang sinabi ni Alexander sa amin kanina. Sinagot mo
na pala siya, hija." Saka sila nagbeso rin.

"Dad, paulit-ulit ka." Mahinang sabi ko sabay inom ko sa baso ng tubig sa harapan
ko.

Dad chuckled, "Naninigurado lang. You know Fatima, inistorbo kami ni Alex kagabi
para lang ibalita na kayo na raw. Akala ko nga nananaginip lang ako, yun pala totoo
na."

"DAD NAMAN! Why are you so talkative?" Nakakainis. Kailangan ba sabihin yun?
Tinawanan tuloy ako ni Fatima.

"Alex, namumula na naman ang tenga mo." Pansin sa akin ni Fatima. Ugh!

"Hahahaha! Sign yan na kinikilig si Alex, Fatima. Ganyan na ganyan din ang asawa ko
ng kabataan namin eh. Right, Ernest?"

"No, that's not true," and there, I saw Dad's ears turned red. Now I know.

The dinner went very well. Medyo ako ang tampulan ng asar the entire dinner kasi
sina Mom and Dad ay nagkukwento pa ng mga childhood habits ko. Sh*t! Kailangan ba
talagang ikwento na umiihi pa ako sa kama nung 8 years old ako? That's so darn
embarrassing.

"Fatima, balik ka ulit ha? Next time, ipagluluto naman kita ng specialty ko. Ang
Menudo..." Sabi ni Mom sa kanya habang hinahatid kami sa labas ng bahay. It's
already 9:30PM and I have to bring her home already.

"Sure po, Tita. Thanks po ulit. I had a great time with you po. Sa inyo rin po,
Tito."

"It's my pleasure... Thank you din. Ang swerte ni Alex sayo, hija. Isa kang
mabuting babae eh." Sabi naman ni Dad. Kanina pa ako dito walang imik. Kanina pa
kasi ako napapahiya eh.
"Uhmmm... Ako po ang maswerte kay Alex. He's a very good man po."

Nabigla ako sa sinabi ni Fatima. She just smiled at me warmly and I felt that she's
true to what she has said. Yan naman ang gusto ko sa kanya eh. She never fails to
make me feel that I am special.

"Osya, ingat kayo ha?"

Tahimik lang kami ni Fatima sa buong byahe. 15 minutes drive lang naman pero
pakiramdam ko napakabilis ng byahe. Bitin amputek. Ang bilis kasi magdrive ng
driver eh. Kung pwede lang sana ako ang magdrive kaso wala pa akong license.

Pinagbuksan ko na si Fatima ng pintuan ng kotse. Umakyat muna kami hanggang sa


tapat ng gate ng bahay nila saka humarap sa akin si Fatima.

"Alex, thank you ulit ha? May take home pa ako. Ang nice diba?" She giggled like a
kid. Hindi tuloy ako makapaniwala na ang mukhang batang ito ay may boyfriend na at
ako yun. Wow.

"No problem. Eh ako, kailan mo ako ipapakilala sa parents mo na boyfriend mo?" I


tried not to smile but darn, wala na. Para tuloy akong timang na nagpipigil ng
ngiti.

"Hmm, sa Saturday nalang, Alex. Wala kasi si Papa ngayon. Nasa business trip. At
mas maganda sa Saturday nalang kasi darating si Yaya Ana ko. So, ayun...
Ipapakilala kita sa bestfriend ko."

Nakita ko na naman ang sparkle sa mga mata ni Fatima tuwing ngumingiti siya. Yun
ang pinakapaborito kong pagmasdan sa mukha niya. Ang mga mata niya.

"Okay, I understand. So, paano?" Tumayo ako ng maayos at ipinamulsa ang kaliwang
kamay ko. "I'm going... Goodnight, Fatima Grace."

She smiled and waved her hand off me. "Goodnight... Ingat. Uwi agad. Huwag nang
kung saan-saan pa pumupunta." Paalala niya.

I just shook my head while grinning at her. "Yes, Ma'am. Ikaw boss ko eh. Sige,
pasok ka na muna. Hihintayin muna kitang pumasok saka ako aalis."

Tumango-tango naman siya at agad siyang pinagbuksan ng security guard nila sa gate.
Bago pa siya makapasok ng tuluyan ay humarap ulit siya sa akin at nginitian ako.

"Goodnight, sweet dreams, Fatima." Pahabol ko.

"Ikaw din... Goodnight. Bye!"

Pagkasabi niya nun ay nagsarado na siya ng gate kaya naman tumalikod na ako at
humarap sa kotse. I was about to open the car's door at the backseat when I heard
her voice again.

"Alex!"

Mabilis akong lumingon sa kanya at nakita ko siyang nakasilip sa maliit na awang ng


door gate, "Hmm?"

"Tara muna!" Sinenyasan niya ako na lumapit kaya lumapit naman ako.

"Oh bakit?" She pursed her lips and went outside of the gate again. Ang dalawang
kamay niya ay nakatago sa likod niya. "Bakit, Ma'am?" I asked, half-kidding.

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

1... 2... 3... 4... 5 seconds. Para tuloy huminto ang paligid ko.

"I just want to say it once again, Alex. I love you..."

Boom. Napangiti ako ng 'di oras. Sh*t, this is gay. I can't move my arms. I wanted
to hug her back but I feel like I'm paralyzed. Nervous breakdown it is.

"Fatima, huwag ka ngang mambibigla ng yakap. Para akong aatakihin sayo sa puso eh."
I managed to say, breathless perhaps. Hindi ko man siya mayakap ay hinalikan ko
nalang siya sa ulo niya. Isang magaan na dampi lang.

"Mahal din kita, Fatima. Sobra." Dahan-dahan kong tinanggal ang yakap niya sa akin
at dinampian ulit ng halik ang noo niya. "Kaya pumasok ka na po, Ma'am. Kasi
masamang magpuyat..."

-15-

***15***

Saturday na naman. Ilang araw na rin ang nakalipas nang pormal kong ipakilala si
Fatima sa mga magulang ko bilang girlfriend ko. Actually, hindi maalis sa isipan ko
yung sinabi niya sa akin na ipapakilala niya raw ako bilang boyfriend niya ngayong
araw sa parents at bestfriend niya which is her Yaya. So, probably, today is the
day. Kaso nababadtrip ako kasi 'di man lang ako tinetext nor tinatawagan ni Fatima
kung anong oras ba ako pupunta sa bahay nila o pupunta pa ba ako? Ni hindi nga niya
ako pinaalalahanan kahapon eh. Ugh.

"ALEX!"

"Oh?"

Tumakbo palapit sa akin si Toffer habang pinapatalbog ang bola sa sahig. Nandito
kami ngayon sa isang covered court, malapit sa bahay nila Master Kurt. Obvious
naman na naglalaro sila ng basketball. Ako naman ay nakaupo lang sa bench. Wala sa
mood maglaro eh.

"Ayaw mo maglaro?"

Umiling lang ako tapos ay nilabas ang phone ko mula sa pants' pocket ko. Ugh, still
no texts from her. Mas lalo pang dumagdag sa pagkabadtrip ko ang biglang
pagshutdown ng phone ko.

"Pakshet. Lowbat na agad. Kakacharge ko lang nito kanina ah." I muttered in


irritation.
"Bat mukhang badtrip ka, loverboy?" Tanong ulit ni Toffer.

I glared at him, "Don't call me that!"

"Pfft. Edi wag," natawa lang siya. "Ano na? Let's play. Kulang kami ng isa. Lima sa
lima nga eh."

Narinig ko naman na sumigaw si Jake dun sa may mismong court. "Tara na, Alexander!
Minsan lang 'to eh."

Napaisip ako. Minsan na nga lang ako makasama sa mga trip ng gang ko. Pero sumasama
pa rin naman ako sa mga gang fights. Talagang nasentro lang ang oras ko sa
panliligaw kay Fatima ng nakaraan.

I stood up and took my shirt off. Wala kasi akong dalang extra shirt.

"Fine!"

Nagsimula na kaming maglaro. As usual, ang teammates ko ay sina Toffer, Jake,


Dustin, at Kent. Kakampi naman ni Master Kurt sina Brent, Derrick, Wayne at Arthur.
Enjoy naman, kaso tambak kami. Wala nga kasi ako sa mood maglaro kaya tuwing
nagshoshoot ako, laging pumapalya.

"Dude, bat hindi ka yata nakakashoot?" Kurt asked me as I guarding him off. Nasa
kanya ang bola.

"Wala."

Dribble lang siya ng dribble kaya ako naman ay sige pa rin sa pagbantay. "LQ?"

"Nah..."

He ran as fast as he could, jumped and shet... Nakashoot na naman! He then turned
back and smirked. "The game is lame. No sweat!"

Yabang. Tsk. Sanay naman na kami sa Master naming yan. Spoiled eh.

Natapos na ang laro namin kaya kanya-kanyang upo kami sa bench. Nakaisang hanay
kami habang sabay-sabay na umiinom ng tubig at nagpupunas ng pawis. Buti nalang,
laging handa si Toffer, kumpleto ang gamit kaya nakahiram ako ng extra towel sa
kanya. Pagkatapos nun ay sinuot ko na rin ang shirt ko.

"Busangot ang mukha ni Alex oh! Hahaha!" Asar sa akin ni Arthur.

Hindi nalang ako umimik. Wala akong masabi eh. They know me that much. Alam nila
kapag badtrip ako o hindi.

"LQ yan sigurado!" Umupo siya sa sahig sa may harapan ko. Pinagkunutan ko lang siya
ng noo. "Anong problema?"

"Kaya nga! Kaya pala sablay si Alex kanina eh. May LQ pala!" Sige, pagduldulan niyo
sa akin yang LQ na yan. Ayan, nasapul ko tuloy ng towel sa mukha si Jake.

I sighed, "Wala kayong pakialam."

Tumayo naman itong si Wayne at hinila pa niya ang kambal. "Wala naman pa lang
problema eh! Sige, dyan na kayo. May date pa kami ng mga girlfriend namin."
"Ay oo nga pala! Bye!" Sabi naman ni Brent. Balita ko, itong si Kent may bago na
namang girlfriend. He dumped her girlfriend after he knew that he has just been
used to make Kurt jealous. Apparently, ex-girlfriend pala ni Kurt ang girlfriend ni
Kent.

"Hoy, yung psycho pa rin ba na yun ang girlfriend mo?" Pahabol ni Kurt kay Kent.

Kent looked back and a smug formed his face. "Si Stephanie? Pota! I dumped her."

"Good!"

Tatlo nalang kaming natira dito sa court. Lumayas na rin kasi sina Derrick, Arthur,
Jake, and Toffer dahil may mga designated dates din sila. Bale kami nalang nina
Kurt at Dustin ang natira. Ganun ba talaga tuwing Sabado? Araw ng date?

"How about you, Dustin? Aren't you going on a date today?" Kurt asked him. As usual
he just showed him his infamous poker face.

"How can I? We're million miles away from each other. Cyber date?"

Ah, about Dustin? Intact pa rin ang relationship nila ng girlfriend niyang si
Jenine na ngayon ay nag-aaral na sa USA.

"Edi maghanap ka ng iba. Magtitiis ka dun, eh ang layo nun!" Hilaw na payo ni Kurt.

"I can't. I love Jenine..."

"I can't blame you, Dustin." I commented. Mahirap talaga pag nainlove. Gusto mo, sa
taong mahal mo lang nakasentro ang atensyon mo. That's love.

"Ugh, cheating once in a while is not bad. You guys are so fcking lame." Natatawang
sabi naman ni Kurt kaya nagkatinginan kami ni Dustin. Napailing nalang kami sa
sinabi niya.

"You're gonna swallow what you've said in no time, Kurt. Try to fall inlove. Baka
mas malala ka pa sa amin." Tumayo na ako at sinabit ang towel sa balikat ko. "And
if that time comes, for sure, sa ugali mong yan, baka maging over-protective and
possessive boyfriend ka. Anyway, I'll go ahead. I gotta go visit my girlfriend."

Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa covered court ay narinig ko pa ang pahabol na


komento ni Kurt.

"Alex is such a corny patootie. You suck dude! Hahaha!"

Napatawa nalang ako at umiling. I'll wait for the time our master gangster falls
inlove with someone who can make him swallow her darn words.

***

Dahil maaga pa naman ay hindi muna ako umuwi sa bahay. Okay lang naman siguro na
bumisita kay Fatima diba? Girlfriend ko naman siya. Oh fck! Hindi ko pa talaga alam
ang usual na ginagawa ng isang lalaki sa girlfriend niya. Kurt is somehow right.
I'm such a lame boyfriend. So, what? This is my first time having a girlfriend.

"Good afternoon. Si Fatima po?" I asked the guard.


"Nasa loob ho sir. Pasok kayo." Pinagbuksan ako ng gate ng guard tapos ay hinatid
ako sa loob ng bahay. Ngayon pa lang, alam ko ng magugulat si Fatima sa sudden
visit ko sa kanya. Bored eh. "Nasa kusina lang po si Miss Fatima, Sir. Puntahan
niyo nalang po dun."

I smiled to him. "Salamat."

Iniwanan na ako ng guard kaya naman inayos-ayos ko muna ang buhok ko. Then, sniffed
myself. Hindi naman ako amoy pawis eventhough nagbasketball kami kanina. Chineck ko
rin ang bouquet of white rose na hawak ko. Bago kasi ako dumiretso dito ay dumaan
muna ako sa isang flower shop to buy her a bouquet.

Tahimik akong pumasok ng kitchen. Sumalubong agad sa akin ang aroma ng binebake ni
Fatima. I saw her back while taking a pan out of the oven. Ang cute niyang tignan
sa suot niyang white pajamas at lavender shirt. Nakabraid ang buhok niya. She looks
so simple yet cute.

"Ehem!" I faked a cough that made her look back.

Mukha namang siyang nagulat and she smiled eventually. "Aleeeeex! Anong ginagawa mo
dito?" Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mabilis na yakap.

"Wala lang. Dinadalaw ka. Oh," inabot ko sa kanya ang bouquet.

"Waaaah! Thank you, Alex! Ang ganda."

I smiled widely. "Anything for you, Ma'am. Mahilig ka sa flowers?" Sinenyasan niya
ako na umupo dun sa high stools kaya sumunod naman ako.

"Yes, very much. Mahilig akong magtanim ng mga halaman. Ako nga ang nag-alaga ng
garden namin sa likod eh!" Then she giggled.

Nakakainis. Mahilig pala siya sa flowers. Eh pangalawang beses ko lang siya


nabigyan ngayon ng bulaklak. I am really lame.

"Anyway, anong binebake mo?" I asked.

"Uhmm, cookies lang." Tumayo siya at kumuha ng cookies para sa akin. "Try it.
Tikman mo kung pasado." Hindi muna ako kumuha. I just stared at her for awhile with
my very serious face. Mukha naman siyang nagtaka. "Err... May problema ba?"

"You said that you will introduce me to your------"

"Oh! That? Halaaaa! Wala sila Mama dito ngayon. They'll be attending a conference
meeting in HK. Pero nandito naman si Yaya Ana. Wait!" Tapos tumayo siya at lumapit
sa pinto ng kitchen. "YAYA ANAAAAAAA!"

Kailangan bang sumigaw? Ito talagang si Fatima. As if on cue, may narinig na akong
footsteps towards us. At ayun nga, pumasok ang isang middle-aged woman. Nilapitan
niya ako at tinitigan ako na para bang sinusuri ang itsura ko.

"Ikaw ba ang kinukwento sa akin ni Fatima na boyfriend niya? Aba'y kagwapo naman
pala eh! Akala ko ba mahaba ang baba, Grace?"

What the? Kailangan bang ikwento ang baba ko. Tss.

"Hihihi! Peace tayo, Alex?" Tumabi sa akin si Fatima at hinila ang kanang kamay ko.
"Magmano ka kay Yaya."
"Okaaaay." Nagmano naman ako. I'm not used to it.

"Kaawaan ka ng Diyos. Aalagaan mo ng mabuti ang batang ito ha? Balita ko,
mapagkakatiwalaan ka naman kaya may tiwala na rin ako sayo. Huwag na huwag mong
sasaktan at papaluhain si Grace kundi papaluin kita ng arnis. Nagkakaintindihan ba
tayo hijo?"

I nodded like a kid. "Makakaasa po kayo."

"Nakuuuuuu! Dalagang-dalaga na ang alaga ko. Ang bilis ng panahon."

Niyakap naman siya ni Fatima habang hinahagod ang likuran nito. "Yaya naman~"

Medyo nagkakwentuhan pa kami kasama si Yaya Ana. Halata naman sa kanya na mabait
siyang tao, kaya naging comfortable na ako sa kanya. Yun nga lang, madaldal siya.
Medyo naging advantage naman ang pagiging madaldal niya kasi naikwento niya kung
ano si Fatima nung bata.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay nagpaalam muna saglit si Yaya Ana. Maglalaba pa


raw kasi siya ng mga damit nila. Kaya ito kami, naghuhugas ng mga pans and stuff na
ginamit ni Fatima sa pagbebake. Medyo marami-rami rin ito.

"Fatima, bumalik ba ang Yaya mo para magstay na dito for good?" Tanong ko habang
pinupunasan ang mga nabanlawan ng kitchen stools ni Fatima.

Tumango-tango siya. "Yup, dito nalang daw siya ulit. Namiss daw kasi niya ang
pagsilbihan kami."

"Nice..."

Nang matapos na kami sa paglinis sa kitchen niya ay hinila nito ang kaliwang kamay
ko.

"Saan mo ako dadalhin?"

Hila-hila pa rin niya ako hanggang sa umakyat kami sa grand staircase nila. "Punta
tayo sa kwarto ko. Nakita ko na ang kwarto mo pero yung akin hindi mo pa nakikita."
Nakangiting sabi niya habang paakyat kami.

Pangatlong pinto sa kaliwa nakalocate ang kwarto ni Fatima. Sa pinto pa lang,


nakita ko kaagad ang mga stickers na nakadikit dito. Cartoon character stickers to
be exact.

"Tara..."

Marahan niyang binuksan ang pinto nito at hinila na ako sa loob.

"Ang ganda ng kwarto mo." I commented and she just smiled at me in reply.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Parang may mini library siya sa rightmost
corner ng kwarto niya. May isa kasi dun na malaking shelf na punong-puno ng libro.
Color crimson ang kwarto niya. Tulad sa isang ordinaryong babae, may mga stuffed
toys din siyang collection. Yun nga lang puro mga cartoon characters. May isang
malaking flatscreen TV din siya at queen sized bed na may orange curtains around
it.

"Ang linis ng kwarto mo." Sabi ko sabay upo ko sa white couch niya. Umupo naman
siya sa edge ng kama niya paharap sa akin.
"Malinis din naman ang kwarto mo eh."

"Pero mas malinis ang sayo. Nag-expect ako na kagaya ang kwarto mo sa kwarto ng ate
ko. Makalat kasi yun eh."

Bumungisngis naman siya. "Ganun talaga. Mas masayang mag-stay sa malinis na kwarto
kesa sa magulo." Pinagpagan niya ang white bedsheet niya. "You know, your room
reflects your own personality."

Panay pa rin ang libot ng paningin ko sa kwarto niya hanggang maagaw ng atensyon ko
ang nasa bandang kaliwa ko. May nakasabit kasing color pink at black na gitara sa
pader.

"Marunong kang mag-gitara?" I asked, half-surprised.

She nodded and walked towards to it. Kinuha niya ang pink na gitara at umupo sa
tabi ko sa couch. Dun ko napansin na customized yung design ng gitara. I bet, siya
ang nagdesign nito ng iba't-ibang colored glue.

"Marami pa pala akong hindi alam sayo." I murmured as I looked at her.

Ngumiti lang siya at inayos ang gitara na mukhang tutugtog siya. "Kung anong
pagkakakilala mo sa akin Alex, yun ang tunay na personality ko. Besides, marami pa
tayong oras para kilalanin ang isa't-isa, diba?"

May punto siya. "I know, napakamisteryoso mo lang talaga para sa akin." Umayos ako
ng upo at humarap sa kanya. "Play a song for me, please."

"Nahihiya ako."

"Nahiya pa. Dali na..."

She pouted her lips. "Basta wag mo kong aasarin na boses palaka ako ha?"

I chuckled, "I won't."

Nag-smile lang siya sa akin at binalingan na ng tingin ang gitarang hawak niya. She
started strumming its strings softly. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa bawat
pisi na kinukulbit niya.

♪♪ Tonight I'm falling and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And everynight I miss you

I can't just look up

And know the stars are holding you

Holding you tonight ♪♪

SILENCE. Maikli lang ang kinanta niya at sigurado ako na yung chorus part lang
iyon. But sh*tty hell, literal na napatulala ako sa kanya. She has a sweet voice...
Nakakapagpagaan sa pakiramdam.

"Uy, Alex! Pangit ba?"

Napakurap ako nang bigla niya akong kalabitin sa braso ko. Nginitian ko lang siya
sabay akbay sa kanya. "May hidden talent ka pala? Ang ganda ng boses mo, Ma'am."

She pouted and I guess she's suppressing her smile. "Nakakainis ka! Pampalubag loob
lang yan eh."

"Totoo nga. Ang ganda nga ng boses mo."

"Hindi kaya! Ang pangit nga eh~ Boses palaka ako."

Natawa nalang ako. "I said you've got a sweet voice."

"Hindi! Boses palaka talaga ako. Ayaw mo lang ako maoffend, sir."

Ang labo niya kausap. Sabi niya kanina bago kumanta, wag siyang asarin na boses
palaka siya. Tapos ngayon, ayaw naman maniwala sa compliment ko sa kanya. Labo ng
mga babae. Pfft!

Bumitaw na ako sa magaang akbay ko sa kanya tapos ay umupo na ako ng maayos. "Osya,
pangit na ang boses mo. Boses palaka ka na!"

"Hihihi.... Thank you..."

Tinignan ko siya. Sige lang siya sa pagbubungisngis. Labo talaga.

"Anong title nung kantang kinanta mo? Maganda ah." Pag-iiba ko ng topic.

"Tonight by FM Static." Inangat niya ang dalawang paa niya sa couch saka siya
humarap sa akin. "Pahawak ako ng buhok mo, Alex."

"Bakit?" Anong trip na naman nito?

"Wala lang... Pahawak lang." Hindi na ako nagsalita basta hinawakan ko nalang ang
kamay niya saka ko nilagay sa ulo ko. Hinaplos-haplos lang niya yun. Psh. Para
akong ginawang batang babae.

"FM Static? Diba favorite band mo yun?" Naalala ko lang. Yun kasi ang nabasa ko sa
slam note na pinasagutan sa akin ni Jenine, yung girlfriend ni Dustin.

"Hmmm... Sobra. May bago na naman nga silang album ngayon eh. Hindi pa ako
nagpapabili kay Mama." Tumigil na rin siya sa paglaro sa buhok ko. Medyo
naconscious naman ako sa pagtitig niya sa mukha ko ngayon.

I pinched her nose tip. "Stop staring, Fatima. It's annoying."

"Ngayon ko lang napansin na may mahahabang pilik-mata ka pala. Ang cute!" Bakas sa
boses niya ang amazement. Tss. Ayoko ngang napapansin ang pilik-mata ko eh. Dati
kasi sinabihan akong bading ng mga pinsan ko dahil sa mga ito.

"Yeah I know, nagwapuhan ka naman agad sa akin nyan." Tumayo na ako at nag-unat
saglit. "Fatima, let's go on a date today."

Wala namang masama na magdate kami diba? Besides, kami na. That's what ordinary
couples do.
"Ayaw..."

Ha? "Bakit?"

Nagpout lang siya. "Basta..."

"If you're worrying about your parents, I'll call them up to ask for their
permission."

She stood up and shifted to the floor. Humiga siya sa sahig na para bang
komportableng kompartable siya doon. "I don't want to go out."

Tumayo naman ako at umupo sa tabi niya. "Bakit dyan ka nahihiga? May kama naman
oh!"

"Masarap humiga sa sahig! Malamig sa likod!"

"Fine," I surrender. Medyo stubborn pala siya pag nasa loob siya ng bahay nila.
"Anyway, how about tomorrow? Date tayo."

"Ayoko pa rin..."

Ano bang problema niya? Tinignan ko lang siya na para bang binabasa ang expression
ng mukha niya. "Bakit? Pupunta lang tayo sa mall. Ipapasyal kita. Ibibili rin kita
ng album ng FM Static. Come with me, please?"

Umiling lang siya ng dahan-dahan. "I don't want to go on a date."

"Sasamahan mo lang akong bumili ng bagong phone. I'll make sure you're gonna enjoy
our date." Kaso umiling na naman siya. "What's the matter, Fatima?"

She sighed and looked to me worriedly. "Eh kasi... Nahihiya akong lumabas. You
know, we're just junior highschool students. Tapos magdedate tayo? Ano nalang
sasabihin ng ibang tao? Na ang babata pa natin at imbes pag-aaral ang inaatupag eh
pakikipagdate?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Wow, she's ashamed? Tumayo na ako at seryosong tumingin
sa mga mata niya. "Kinakahiya mo ako, Fatima? Kinakakahiya mo na may boyfriend ka
na? Eh bat mo pa ako sinagot?"

Hindi siya sumagot kaya naman yun na ang signal ko na lumabas na ng kwarto. I heard
her call my name but I did not dare to look back. Knowing that she's ashamed having
me as her boyfriend, that hurts like hell.

***

Kinabukasan, maghapon akong nagkulong sa kwarto ko. Maghapon lang akong nakatutok
sa laptop ko. I'd rather watch videos online than going out. Before you think in a
dirty way, I'm not watching porn. Nanunuod ako ng mga anime' videos. Hindi naman
ako katulad ni Derrick na pervert eh. Tss.

Idagdag na rin ang tuluyang pagkasira ng N70 phone ko. Argh, pakshet! Malas naman
oh! Nawalan pa ng cellphone. Ayan, out of reach tuloy ako.

Mabilis akong mainip kaya nagsawa na ako sa panunuod ng Naruto Shippuden. Papatayin
ko na sana ang laptop ko nang maisipan kong mag-log in sa Yahoo Messenger ko.
Magbabakasali lang na online si Ate Alexa. I need someone to talk to.

"Ayos..." I muttered when I saw her on my online list. Nagset agad ako ng video
call and in just a matter of seconds ay inaccept niya ito. Bumungad sa akin si Ate
Alexa na kumakain ng dinner. Nighttime kasi ngayong oras sa USA.

["What's the matter, lil bro?"]

"Hindi ka man lang ba mangangamusta?" Tanong ko habang sumasandal sa headboard ng


kama ko.

She giggled on screen. ["Oh kamusta ka na, Alex? Balita ko sinagot ka na raw ng
matagal mo ng nililigawan."]

I closed my eyes remembering what Fatima told me yesterday. "Yes, but... I think
napilitan lang siyang sagutin ako."

["Oh, bakit mo naman nasabi yan? Hindi ka pa rin ba niya mahal?"]

I sighed. Alam kong mahal na ako ni Fatima. "She does love me."

["Yun naman pala eh! What's wrong then?"]

Ikwinento ko na sa kanya ang nangyari kahapon. Na niyaya ko siya magdate, she


rejected me and her non-sense reason.

["What? Iniisip niya ang ibang tao? Hayyy... You know what, Alex? Naninibago lang
siya."]

"Saan naman?"

["Na may boyfriend na siya. Syempre, hindi niya alam kung anong ginagawa ng magBFGF
diba? Ikaw naman. Masyado mong dinibdib ang sinabi niya."]

"Eh kahit na! Sa kanya na mismo lumabas na nahihiya siyang makipagdate sa akin.
Masyado niyang iniisip ang sasabihin ng ibang tao... Pakialam ba nila? Eh buhay
namin ito. Wala naman kaming gagawing masama! Magsasaya lang kami, that's it! F^ck
it."

["Woah! Relax, Alex. Masyadong tumataas ang blood pressure mo. Kausapin mo kasi,
hindi yung ikaw ang nag-iinarte dyan."]

"Ewan ko sayo, ate. Bye na nga!"

Pinatay ko na ang laptop ko saka ko nilagay sa study table ko. "Eh ano naman kung
bata pa kami? Eh may mas bata pa naman sa amin na nagsisipaglandian na! Bullsh^t!"

***

Lumipas na naman ang isang araw. Monday na naman, pero wala pa rin akong ganang
lumabas ng kwarto ko. Ang sama kasi ng nararamdaman ko ngayon. Parang masikip ang
dibdib ko. Ugh! Sa sama kasi ng loob. Tupa!

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pero dahil nga tinatamad ako ay
sumigaw nalang ako.

"WHAT?!"

Narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko makita kung sino ang pumasok kasi
nakataklob ako ng kumot at nakadapa pa. "Aren't you gonna go to school? 11:30 na.
Baka hinihintay ka na ni Fatima sa bahay nila." Boses ni Mom.

"I'm not in a mood, Mom."

"How come? Kahapon ka pa nagkukulong dito sa kwarto mo. Do you have a problem?"

Pumikit ako ng mariin saka ako sumubsob sa unan ko. "Don't mind me, Mom. Just go,
please. Hindi ako papasok."

Narinig ko na ang yabag ng sapatos niya palayo. "Alex, kung may problema kayo, pag-
usapan niyo. Naku naman oh..." Then, I heard her close the door.

Bumangon ako bahagya at tumingin naman ako sa pinto na nilabasan ni Mom.

"KASALANAN KO BA?! HINDI NAMAN AH! SIYA ANG MAGSORRY, HINDI AKO! BAHALA KA,
FATIMA!"

Lunch, snacks and dinner. Dito na ako kumain sa kwarto ko buong maghapon. Ayokong
lumabas. Ayokong mahanginan. Nakakabwisit! Nahihiya siya? Pwes, nahihiya rin akong
lumabas. Hindi na ako lalabas dito kahit kailan. Pakshet!

Habang nanunuod ng news sa TV ay nilalantakan ko na ang dinner ko: Rice and sweet
and sour pork, and one can of beer. Nakapwesto ako sa mini living room dito sa
kwarto ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain nang mapansin kong walang tubig sa tray
na dinala ng maid sa akin.

"YAYA! WALANG TUBIG! PUTEK NAMAN OH! ANO BA NAMANG KLASENG BUHAY 'TO OH!
YAYAAAAAA!"

Kaso, ilang minuto na akong naghihintay eh wala pa rin ang magaling naming
katulong. Akala mo 'di sinuswelduhan.

"YAYAAAAAA! ANO BA! TANGN^NG YAN! NABUBULUNAN NA AKO! BWIST! PAPATAYIN MO BA


AKO????!!! YAYAAAAAAAA!"

Kainis. Ano 'to, beer lang ang iinumin ko? Maya-maya lang ay narinig ko na ang
pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko na yun nilingon dahil alam kong yung maid
ang pumasok.

"Tagal mo! Mabibilaukan na ako dito!" I said without looking back. Pinapapak ko
nalang ang ulam ko. Wala na kasing kanin.

"Oh, ito na po ang tubig niyo, sir..."

Napakunot-noo ako. Para kasing boses ng girlfriend ko yun eh. Dahan-dahan akong
lumingon sa kanya at tama nga ako... I saw my girlfriend with her very bothered
face.

"Hindi mo ako sinundo kanina, Alex." Sabi niya habang umuupo sa tabi ko. Pinagsalin
niya pa ako ng tubig sa baso at inabot sa akin ito. Bakit siya ang nagdala nito
dito? Naman oh!

"Eh hindi ako pumasok eh." I replied coldly. Tinuon ko lang ang atensyon ko sa
kinakain ko. Kahit gusto ko siyang tignan, pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakamiss
siya pero bahala siya sa buhay niya.

"Sorry..."

I stopped. There, she said it. Tinignan ko siya at nahuli ko siyang nakayuko.

"I'm sorry... Hindi ko alam na maooffend ka sa sinabi ko sayo nung Sabado."


Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kaliwang braso ko. "Hindi kita kinakahiya,
Alex. Proud pa nga ako kasi ikaw ang boyfriend ko. The best ka kaya!"

Ikiniskis ko ang sarili kong palad sa noo ko. Ibang klase! She's the only girl who
can make me smile in serious times like this. Pero hindi ko pinahalata sa kanya
yun. Seryoso ko siyang tinitigan.

"Ikaw naman kasi! Ayaw mong makipagdate sa akin. Akala mo naman yung tanong ko
sayo, napakahirap. Magreact ka ng ganyan kapag niyaya kitang makipag-s*x sa akin!"

Nanlaki bigla ang mga mata niya. Nangamatis rin ang mga pisngi niya. Shet! The hell
is this mouth. Conservative nga pala ang kausap ko.

"Don't get me wrong, hindi kita yayayain nun. Date lang kasi ang hinihingi ko, ayaw
mo pa akong pagbigyan." Paglilinaw ko.

Ngumuso naman siya agad tapos ay isinandal ang ulo niya sa braso ko. "Narealize ko,
hindi dapat ako mahiyang makipagdate. Hindi ko rin dapat isipin ang sasabihin ng
ibang tao. Boyfriend na kita eh, at girlfriend mo na ako.... Mahal kita at mahal mo
rin ako... I therefore conclude, na walang masama sa pakikipagdate."

This time, pakiramdam ko tenga ko naman ang namula sa sinabi niya. F^cking sh^t. Sa
susunod nga magpapahaba nalang ako ng buhok para matakpan ang tenga ko. Bwist na
tenga 'to!

Tumingala siya sa akin. "Sige, sa Saturday date tayo.------ Hala! Namumula na naman
ang tenga mo, Alex." Natataranta na siya kaya hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Huwag mo ng intindihin ang tenga ko. Intindihin mo nalang ang iyo. Nangingielam ka
ng tenga ng may tenga eh." Straight face.

She smiled like an angel. "Bati na tayo, Alex?"

I smirked dangerously, "In one condition, Ma'am Fatima."

"What?" Her brow arched upwards.

"Kiss me..."

SILENCE.

Her cheeks flushed red again. Cute. "Ayoko nga! Nakakahiya! Alex naman eh!" Umupo
na siya ng maayos at nagcrossed arms. Hahaha! Pinagtitripan ko lang naman siya eh.

"Tignan mo 'to. Nahihiya ka na naman. Kiss lang eh... Nanghihingi lang ako ng kiss,
hindi kita niyayang makipag-s*x kaya wag kang OA." Natatawang sabi ko.

"Kyaaah! Bat naman dyan mo kinocompare? Goosebumps, Alex." Nagpapanic na siya.

"Eh nagpapanic ka eh. Dun ka magpanic sa make love. I'm just asking for a kiss."
She pouted her lips. "Fine... Sa cheek lang ha?"

I nodded. Aba, tototohanin nga. "Game..."

"Pikit ka muna..."

I closed my eyes as she said. Nararamdaman ko naman na palapit na siya sa akin. Ang
tagal naman. May pasuspense pa---------

"ALEX!"

As if on cue, lumayo bigla sa akin si Fatima at pumwesto sa pinakadulong bahagi ng


couch. Narinig ko kasi ang boses ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko habang
kumakatok sa pinto. Natatawang tinignan ko lang si Fatima. Pulang-pula na kasi ang
mukha niya.

Sabay kaming lumingon nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Si Mommy, pumasok
na. "Keep the door open kapag may kasama kang babae dyan sa kwarto mo."

"Bakit, Mom?"

She grinned, apparently something's running on her mind. "Because you're a guy,
Alex. You're a young guy."

"So, what?"

"You're too young to do crazy stuff." Then she opened the door widely saka siya
umalis.

What the hell does she mean by that?

"Tara na, Alex. I just dropped by to apologize to you. Naghihintay si Mommy sa


baba." Tumayo na si Fatima saka niya ako hinila patayo. "Dalhin mo na yang tray ng
pinagkainan mo, Alex. Ang laki-laki mo na tapos palautos ka pa, SIR."

Wow, she's scolding me. "Nahihiya nga po kasi ako Ma'am na lumabas katulad mo."

"Sorry na nga diba? C'mon, let me help you with that." Aabutin na sana niya ang
tray sa center table nang pigilan ko siya sa braso. "Hmmm?"

"Payakap muna..." Hindi ko na siya pinasagot. I just pulled her to give her a warm
embrace. Kahit hindi natuloy ang kiss kanina, swak na ako dito sa yakap ni Fatima.

"Namiss kita, Fatima."

-16-

***16***
Weeks passed by, walang date na naganap sa amin ni Fatima. Naging busy kasi kami sa
school. Hindi naman ako gaanong naging busy kasi wala naman akong sinalihan na
school clubs. Pero si Fatima? Kasali siya sa 5 clubs kaya naman sobrang naging busy
siya. Idagdag na rin ang mga projects at ang examination week kaya nawalan kami ng
pagkakataon na makapagdate ng weekend.

August 26th. Today is the day of our first date. Sabado ngayon at sinigurado kong
free day ngayon ni Fatima. Besides, last week ko pa pinagpaalam si Fatima na
magdedate kami ngayong araw. Sakto pa na one month na kaming magkarelasyon ni
Fatima ngayon. Ang bilis ng araw, parang kailan lang nililigawan ko pa si Fatima.

Nagsuot lang ako ng plain white shirt, blue cardigan, a pair of jeans and black
shoes for my footwear. Inaayos-ayos ko pa ang buhok ko at nag-spray ng cologne sa
buong katawan ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pababa na sana ako ng staircase nang may makalimutan ako. "Shet, muntikan na."
Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang body bag ko. Nandun kasi nakalagay ang
regalo ko kay Fatima.

Pababa na ako nang staircase nang makita kong nakaupo si Daddy sa pangatlong
baitang nito. Lumingon siya sa akin nang mapansin niya ang presence ko. Nginitian
niya lang ako.

"Dad, pinayagan ba talaga siya?" I asked as I went downstairs.

Tumayo siya at sinundan ako hanggang sa main door. "Oo, pinayagan siya."

"Really? How come?"

He smiled, "Sinigurado ko sa kanya na iuuwi mo siya at exactly 12 midnight at


kasama mo pa ang personal bodyguards mo."

Nakakapagtaka. Buti pinayagan si Fatima hanggang alas dose? Sabi ko naman kasi kay
Dad kahit hanggang 10PM lang, kaso mapilit siya eh. Hindi raw kami makakauwi ng
10PM dito sa dami raw ng gagawin namin. I know you're getting confused. Si Daddy
kasi ang nagplano ng date namin ni Fatima. Sumasakay lang ako since I'm a pathetic
boyfriend. Tss.

"Just don't do crazy stuffs, Alex ha? Huwag mo akong ipahiya kay Larry." Si Tito
Larry ang daddy ni Fatima. I think, they're friends already.

"Yeah, dad. I know. You don't have to repeat that a hundred times on my face."
Paulit-ulit nalang kasi. Nung isang araw niya pa ako pinapaalalahanan.

Tumawa lang siya saka niya tinapik ang balikat ko. "Enjoy your date, son. Do what I
said, alright? "

While on the way to Fatima's house, kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. First
date namin ito ni Fatima. I have to make sure na maging perfect date ito. Buti
nalang talaga ay tinulungan ako ni Daddy. Nung una kasi ay naisip kong sa mall
nalang kami magdate kaso umayaw si Daddy. He told me that it's so informal kung sa
mall ko siya dadalhin. Napaka-typical daw kasi nun. Kaya ayun, tinulungan niya ako
na magplano. At sa plano niyang iyon, talagang naexcite ako. For sure, maeenjoy
namin ito.

Dumating ako sa bahay nila Fatima at exactly 8AM. Pinapasok agad ako ni Tita Janice
hanggang sa living room at naabutan ko na nagbabasa si Tito Larry ng tabloid dun sa
sofa bed nila.
"Good morning po, Tito." I greeted courteously.

Ngumiti siya sa akin. "Good morning, have a seat." Tinapik niya ang right side niya
kaya umupo naman ako dun. "Would you like something to drink?"

I shook my head, "No, thanks."

Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Alam ko na kung saan namana ni
Fatima ang mga magagandang mata niya. Sa Daddy niya. "Hindi ko sana papayagan si
Fatima na makipagdate sayo."

Napalunok ako. Shet. This is dad's fault. Sino ba namang magulang ang papayagan na
iuwi ng 12MN ng boyfriend ang nag-iisang anak nila? Tss. Pwede naman kasing 10PM.
Dad is such a bad influence.

"But, as what Ernest told me, malayo ang pupuntahan niyo. And I realized that,
Fatima has to explore other places without us para naman matuto siya." He said,
half-smiling. "Kasama niyo raw ang personal bodyguards mo?"

I nodded, "For security purposes, Tito."

"Good," he murmured and looked to me intently. "Eh secured naman ba ang anak ko
sayo?" I suddenly showed him my 'what are you talking about?' look. Napatawa siya.
"Just kidding. You're too serious."

I breathed deeply. Bakit ba kasi ang pormal ng Dad ni Fatima? Just like mine
though.

"I trust you, Alex. Alam kong mabuting tao ka. Basta, ibalik mo si Fatima dito ng
buo. Walang labis, walang kulang." He said seriously.

Napatango ako ng sunod-sunod. "Yes, Tito. I will."

"Ingatan mo siya gaya ng pag-iingat namin sa kanya," he murmured again as he looked


up to the staircase. Napatingin na rin ako dun. There I saw Fatima wearing pink
loose shirt, denim in blue shorts and flat shoes. May mga accessories pa siya na
mas lalong nagpaganda sa kanya. She's also wearing a simple yet natural make up on.

Literal na napatulala ako sa kanya kaya naman napablink ako ng ilang beses nang
yayain na niya ako.

"Tara na, Alex?"

***

Kasalukuyan kaming nakasakay sa twelve seater van kasama ang apat na bodyguards ko.
Tahimik lang ako sa byahe. Hindi ako makatingin kay Fatima. Ano ba kasi yang suot
niya eh? Tsk.

"Alex, Alex, Alex!" Niyugyog niya ang braso ko kaya tumingin na ako sa kanya.

"What?"

"Saan tayo pupunta?" She said with a bright smile on her face.

Umiwas ako ng tingin sabay sandal ko sa backrest ng seat at pikit ng mata ko.
"We're going to Cebu City." I said in a bored tone.
And as expected, she screamed on my face. "WHAAAAAAAAAAT?! HINDI AKO PAPAYAGAN NI
PAPA!"

Medyo natawa ako sa boses niya kahit nakapikit ako. Para akong may girlfriend na 8
years old eh. "Pinayagan ka na. Pinaalam ka na ng Daddy ko."

"Daddy mo?"

I smiled, still with my eyes closed. "Oo... Papakilala kita sa grandparents ko.
Iuuwi naman kita bago mag twelve midnight."

"WHAAAAAAAAAAT?!"

I laughed out loud while turning my back on her. "Huwag ng maingay, Fatima. Don't
worry about your Dad. Pinayagan ka niya. I swear."

Hinila-hila naman niya ang suot kong cardigan pero hindi ako lumingon sa kanya.
"Alex, wag kang matulog! Usap tayo."

"Ayoko."

"Bakit? Eeeeh! Dali na!" Patuloy pa rin siya sa paghila. Naramdaman ko nalang na
pinisil niya ang pisngi ko kaya nagmulat na ako. Nagtama ang mga paningin namin.
"Galit ka ba sa akin, Alex?"

"Hindi ah." Tanggi ko.

"Eh bat ayaw mo akong kausapin?" Nagcrossed arms pa siya.

I sighed and looked down her shorts. Putek! Mas lalong umikli ngayong nakaupo siya.
Paano kasi, nabanat pataas.

"Bat ganyan kasi ang suot mo???"

Ngumuso siya at tinignan ang sarili niyang suot. "What's wrong? Sabi ni Mama
maganda naman daw ito. Siya ang bumili nito para sa akin eh." Then she sighed, "I
knew it. Hindi talaga bagay sa akin ang ganito! Si Mama kasi eh~ Sabi niya mukha
daw akong manang sa jeans ko. Wala raw dating."

Nakatitig lang ako sa kanya. Nakasimangot na siya. Sh*t, I think I'm ruining her
mood. Kanina lang ay ngiting-ngiti siya tapos ngayon nakasimangot na. Tsk!

"Hindi naman sa ganon," lumayo ako ng konti sa pagkakaupo at tinignan ang damit
niya. "Bagay naman sayo. Maganda... Ang kaso, ang ikli ng shorts mo at ang nipis pa
niyang shirt mo," nakaturo pa ako sa loose shirt niya.

She pouted even more. "Hindi ito maikli. Syempre, nakaupo lang ako kaya mukha
siyang maikli." Hinawakan naman niya ang loose shirt niya. "Manipis nga ito pero
may tank top naman ako under it."

I took a deep breath, "Fine. Just don't wear that again. Nagmumukha kang artista.
Pagtitinginan ka ng mga lalaki mamaya."

After 3 and a half hours, nakarating na rin kami sa destination namin, ang Cebu
City. Sumakay kami kanina sa isang private plane para lang mabilis kami makarating.
Kung bakit kami may private plane? It's because my family own an airline. After
that, we rode in a helicopter to go straight in my grandparents' ancestral house.
In just 15 minutes ay nakarating agad kami sa hacienda nila. Sinalubong agad kami
ng mga security guards pati na rin nina Lolo at Lola pagkalapag ng helicopter sa
helipad.

"ALEX, APO!" Niyakap ako ni Lola Celina ng mahigpit. She even gave me a wet kiss on
my forehead. Sanay na ako dyan. "Kamusta ka na? Binatang-binata ka na ah!"

I smiled, "I am very much fine."

Mukha naman siyang nabigla. Tinignan niya si Lolo Zandro na halatang nabigla rin.
Ano bang ginawa ko? Mga matatanda nga naman oh.

"You just smiled? Ngumiti ka, apo! Wow!"

Straight face. "Yeah, what's the matter, Lolo?"

"Hindi ka na nakabusangot!" Natatawang sambit ni Lolo saka niya tinignan si Fatima


sa kaliwa ko. Humigpit tuloy ang hawak nito sa kamay ko. I think she's shy. "Is she
your girlfriend, Alexander?"

I nodded proudly, "She's Fatima. The reason why I smile."

Nagtawanan naman ang dalawang matanda. "Sus, ginoo! Kegandang dilag. Tara nga sa
loob nang makapagkwentuhan ng maayos. Alam kong nagugutom na kayo."

Nagsimula na kaming maglakad nang kalabitin ako ni Fatima sa braso. Tinignan ko


naman siya, "Bakit, Ma'am?"

Ngumuso siya. "Magmamano ako." Bulong niya sabay tingin niya sa Lolo't Lola ko na
nauuna nang maglakad. "Kaso nahihiya ako."

I chuckled and pulled her near my grandparents. "Lolo, Lola... Magmamano raw po si
Fatima sa inyo."

Huminto naman sila sa paglakad at humarap kay Fatima. "Sure, napakagalang na bata
nito." Sabay extend ng kamay nila sa girlfriend ko.

Nang makapasok na kami sa ancestral house ay sinalubong ako ng isang dalagita.


Shoulder length ang itim at kulot nitong buhok at nakacasual light blue dress pa
ito. At kung eestimahin ko ang tangkad ay pantay siya sa height ni Fatima. Nabigla
pa ako ng yakapin niya ako.

"KUYA ALEX! NAMISS KITA!"

Bumitaw naman ako at pinagmasdan ang nakangiting babae sa harapan ko. "Joan? Ikaw
na ba yan?" Tumango-tango naman siya. "Wow, ang laki mo na ah!" Sabay gulo ko sa
buhok nito.

"Kuya Alex, lalo kang gumwapo! Hihihihi."

I smiled to her and looked at Fatima beside me, "Si Fatima nga pala. Girlfriend ko.
Fatima, si Joan. Kinakapatid ko." Tapos bumulong ako sa kanya, "Playmate ni Alexis.
Yung little sister ko."

"Oh, hi Joan." Bati ni Fatima.

Nagpout naman si Joan. "Girlfriend??? Akala ko ba kuya, hihintayin mo akong lumaki!


Diba magpapakasal pa tayo?"

What the heck? Isip-bata pa rin pala ang isang ito. Almost 5 years na akong 'di
umuuwi dito pero ganyan pa rin siya. Hahaha! "Joan, may papakilala nalang ako
sayong ibang lalaki." Pinisil ko ang ilong niya. "Mas gwapo pa sa akin. Ilang taon
ka na ba?"

"12... Ikaw, Kuya?"

"Magsisixteen pa lang."

Tumingin naman siya kay Fatima, "Eh ikaw, Ate?"

"Uhm... Mag-sisixteen din."

She sighed hardly, "Bagay kayo. Nagjojoke lang ako. Hehehehe! Tara na sa dining
room, kakain na yata tayo."

***

During lunch, as usual, nagkwentuhan lang kami nila Lolo't Lola. Hindi pala sila
makapaniwala na ngumingiti na ako. Noon kasi ay parang masama ang loob ko sa mundo
simula nang mawala ang kapatid ko. But thanks to Fatima, she makes me smile like no
one else can do.

"Ayos na ba kayo ng Daddy mo, Alex?"

Nginitian ko si Lolo. "We're cool now, Lolo. Hindi ko alam kung paanong bigla
nalang kinausap ako ni Daddy at humingi ng tawad. But I'm thankful na bumalik na
ang sigla ng pamilya namin."

"That's nice," masayang tugon niya. "Pwede na kaming dumalaw sa bahay ninyo sa
Maynila." Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi sila makapunta sa bahay namin
dahil sa tension ng pamilya namin. Bakit pa nga ba sila dadalaw kung puro problema
ang nakapaloob sa bahay namin. Baka maputukan lang daw sila ng ugat sa puso kapag
nakunsime sila sa amin.

"Eh kamusta naman kayo ng nobya mo, Alexander? Aba'y bagay na bagay kayo!" Tanong
naman ni Lola Celina.

"We're doing good, Lola. Actually, bago pa lang po kami. 1 month pa lang po."

"First girlfriend mo?" Tanong ulit ni Lola.

I nodded and smiled to Fatima, "She's my first girlfriend and hopefully my last."
Nakita ko naman ang pagkabigla ni Fatima. Nakakagat labi pa siya habang namumula
ang mga pisngi niya. Gusto ko siyang asarin kaso nasa tapat nga pala kami ng hapag-
kainan.

"Ay sus! Nakakatuwa naman kayo. Kaso unahin niyo muna ang pag-aaral mga apo. Huwag
kayong magmamadali ha? Alam kong mapupusok ang mga kabataan ngayon pero tiisin niyo
muna. Para sa kinabukasan niyo rin yan." Ang pangaral ni Lola.

"Lola naman po, hindi pa po kami magpapakasal. Wala pa kami sa tamang edad eh,"
tumingin ako kay Fatima. "Right, Fatima?"

She smiled shyly, "Ewan."

Halos matawa na ako sa sobrang pamumula ng pisngi niya. Ang cute. Parang mansanas
lang eh.

"Alam ko naman yun, apo. Ang kaso, huwag muna kayo gagawa ng apo namin sa tuhod
ah?"

"Acccck!" Nabulunan ako sa pagkabigla. "Lola n-naman! Parehas kayo nila Daddy."

They all laughed on what I've said. "Nagpapaalala lang, apo."

I showed them my straight face. "Busog na busog na po ako sa paalala. Bata pa po


kami. Alam po namin yun." Saka ako bumulong sa gilid ko, "Aish, nakakahiya naman
ang pinagsasasabi nila."

Nagulat nalang ako nang magsalita si Fatima. "Lolo, Lola... Don't worry po,
hinding-hindi po namin yun gagawin. Sa ngayon po, focused po kami sa pag-aaral. Ako
nga po ang private tutor ni Alex eh."

And there, siya na ang ininterview ng grandparents ko.

Pagkatapos namin kumain ng lunch ay nilibot kami ni Lolo Zandro sa mango plantation
niya dito pa rin sa permiter ng hacienda. Manghang-mangha si Fatima kasi ngayon
lang daw siya nakakita ng malawak na lupain kung saan puro puno ng mangga lang ang
nakatanim. Namasyal din kami sa garden ni Lola Celina. And as expected, Fatima got
so amazed seeing different kinds of flowers.

Kasalukuyan kaming nagbibisikleta ngayon. Namiss ko kasing magbike. Although, medyo


nag-aalangan akong magbike simula nang maaksidente dahil dito si Alexis, hindi pa
rin naalis sa akin ang pagkasabik dito.

"Alex, ang babait nila Lolo't Lola mo." Fatima broke the silence. Nakaupo siya sa
bakal ng bike sa harapan ko habang nakahawak siya sa maniobre nito. "Kaninong
parents sila?"

"Kay Dad," I replied. "Half-Spanish and Half Filipino si Lolo Zandro at pure Pinay
naman si Lola Celina. Natatawa nalang ako tuwing kinukwento nila ang lovestory nila
sa aming magkakapatid."

"Bakit? Paano ba sila naging mag-asawa?" She asked curiously. Huminto na ako sa
pagbabike nang tumapat kami sa isang puno ng Narra. Napangiti ako ng malapad nang
makita ko ang duyan dito. Hindi na ito katulad ng dati, bago na ang duyan na
nakasabit dito. Mukhang pinalitan na ang malaking duyan dito noon.

"Baba ka muna, Fatima. Nandito na tayo."

Bumaba naman siya agad. Sinandal ko naman ang bisikleta sa may puno tapos ay
nilapitan ko si Fatima, "Ano nga bang tinatanong mo sa akin?"

Humarap siya sa bandang kaliwa niya. Kitang-kita mula rito ang buong hacienda. Nasa
taas kami ng isang maliit na bundok kaya naman ang ganda ng view dito. "Kung paano
nag-end up bilang mag-asawa ang grandparents mo?"

Nag-unat muna ako ng mga braso bago ako humiga sa duyan at sumagot, "Ninakawan daw
ni Lolo ng halik sa labi si Lola Celina. Nag-iiiyak daw noon si Lola Celina kasi
napakainosente niya." Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin, "Inakala ni
Lola na baka mabuntis siya sa simpleng halik na yun. Kaya ayun, sabi ni Lolo na
papanagutan niya daw si Lola."

"Grabe naman."
I laughed a little, "Ganun daw noong unang panahon. Besides, kaya pala ginawa ni
Lolo yun ay dahil matagal niya ng mahal si Lola." Nagmulat ako ng mga mata at
tinignan siya habang nakangiti. "Tara, Fatima. Dito ka sa tabi ko."

She bit her fingernails that made me frowned. "Fatima, stop that."

Tumigil naman siya at yumuko. "Ayoko nga. Bat ako tatabi sayo? Ang sikip dyan eh.
Baka may makakita sa atin."

"Matutulog lang po tayo, Ma'am. That's all." Nakita ko siyang bumuntong hininga at
maya-maya lang ay lumapit na siya sa akin. Iginiya ko siyang humiga sa tabi ko dito
sa duyan. Kampante naman ako na matibay ito kasi makakapal ang mga lubid sa
magkabilang dulo nito.

"Baka mapigtas, Alex."

Hinubad ko muna ang cardigan ko saka ako humiga ulit. I chuckled as I placed my arm
under her head. Inilapit ko rin siya sa akin. "Fatima, remember what I said
earlier?"

"Alin dun?"

Sinimulan kong haplusin ang buhok niya habang nakatingala sa puno, "Na ikaw ang una
at hopefully ang huling girlfriend ko." Mahinang sabi ko sa kanya. "I'm serious
about that. Kahit alam kong masyado pa tayong bata para magdesisyon, alam ko at
nararamdaman ko na ikaw na ang babae para sa akin."

I heard her heavy sigh. Naramdaman ko rin ang pagsiksik niya sa braso ko. "Sana
nga, Alex. I also feel the same way. Kaso... Marami pa ang mangyayari sa buhay
natin."

"May point ka... But I really want you to know that you're the one I wanna end up
with. I'm sure of that... And I promise that I'll study hard para pag nagtapos na
tayo ng college, maipagmamalaki mo na ang isang g^gong Alex ay naging isang
responsableng Alex na."

Narinig ko ang mahinang bungisngis niya sa braso ko. "I'll wait for that to happen,
Alex."

I smiled as I picture myself 7 years from now. Iba talaga pag may inspirasyon ka.
Kung saan-saan lumilipad ang utak mo. "I'm thankful that God has sent one of her
angels to me eventhough I've got two long horns."

Naramdaman kong gumalaw ang ulo niya kaya tinignan ko siya. She touched my cheek
gently as she looked straight in my eyes. I'm fcking sure that my ears turned red
again. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin.

She smiled sweetly to me, "I promise then, I'll be your angel no matter what
happens. I'll guide you to the right path all the way, Alex."

***

Ilang oras din kaming nakatulog sa duyan. 3 hours, maybe? Bago kami tuluyang
lisanin ang puno ng Narra na iyon ay kumuha muna kami ng pictures ng lugar. Cliché'
may it seemed, but we still carved our names on the branch of the tree.
Alex & Fatima's first date. <3

Yun ang nakasulat and we also took a picture of it as a remembrance.

"Alex at Fatima, mag-iingat kayo ha, mga apo. Bumalik ulit kayo kapag may oras
kayo," malambing na sabi ni Lola Celina habang sabay na nakayakap sa amin.

We pulled away from the hug and smiled to my grandparents genuinely, "We're going
back here, Lola. I promise." Binalingan ko naman ng tingin si Fatima, "Isasama ko
po ulit si Fatima."

"Opo, sasama po ulit ako. Salamat po sa pagwelcome sa amin pati na rin po dito!"
Nakaturo pa siya sa mga basket na nasa paanan namin. Pinagpitas kasi kami nila Lolo
Zandro ng mga mangga kahit hindi pa mango season. Meron ding take home na ulam si
Lola Celina para raw pasalubong sa mga parents namin.

"Walang anuman. Ikaw na ang bahala sa apo naming si Alex, hija ha? Minsan kasi eh
may sayad yan sa utak."

Napaungol nalang ako sa asar ni Lolo Zandro sa akin.

I checked the time on my wrist watch and I found it's already 4PM already. "Lola,
Lolo... We gotta go na po. Alam niyo na po, kailangan pa naming bumili ng ibang
pasalubong. Igagala ko na rin po si Fatima sa City."

"Sure~ Have a safe trip mga apo."

Para mapabilis ang byahe ay sumakay na ulit kami sa helicopter papuntang city. It
took 15 minutes para makarating kami sa helipad ng isang Hotel doon. Buti nalang ay
may permission ng hiningi si Daddy sa may-ari nito which happened to be his friend
in the business world.

"Mr. Alexander de Silva?"

Napalingon kami sa nagbanggit ng pangalan ko. Kasalukuyang nasa lobby kami ng isang
hotel.

"Kayo po ba si Mr. Alexander de Silva?" A middle-aged man asked us. He's wearing a
black suit just like my personal bodyguards are wearing.

I nodded, "Yes, I am."

He smiled and extended his hand to me. I accepted it hesitantly and we shook hands,
"I am going to be your tour guide today. Kindly follow me, Ma'am and Sir."

Hinawakan ko ng mahigpit si Fatima sa kaliwang kamay niya. Medyo pinisil ko pa ito


kaya tumingin na siya sa akin. I wiggled my eyebrow. "We're going on a fildtrip-
like-date today, my angel."

Nakita ko na naman na nagspark ang mga mata niya. She seemed so excited. "Can I
take down notes?"

"Ugh, wala tayo sa school, Fatima. So, please." Saka ko siya inakbayan. "Let's go,
my angel. Lapu-Lapu must be waiting for us..."

"Hihihihihi!"
Higit pa sa inaasahan ko ang nangyari sa araw na ito. I'm beyond happy. Makita ko
lang ang mga ngiti ni Fatima on the entire tour ay talagang solved na ako. Ni wala
ngang pumapasok sa isip ko kung anumang trivia ang sinasabi ng madaldal naming tour
guide.

We travelled to Fort San Pedro, Casa Gorordo, and now the Magellan's Cross whereas
the Sto. Nino Basilica is located. Mataimtim na nagdadasal si Fatima habang
nakapikit ito. Seeing her in that position makes me feel so calm. Ewan ko ba but I
really see her as an angel to me.

Nag-sign of the cross na siya. Tapos na siguro siyang magdasal. She jerked her head
to me and hugged my left arm. "Thank you for bringing me here, Alex. I will never
forget this date. I promise."

Medyo nagtagal pa kami doon sa Magellan's cross kasi napakaganda ng tanawin ang
nakikita namin. You know, the fresh air, blue sea and the sunset. Sinusulit lang
namin kasi bukas ay balik polluted surroundings na naman kami. Watching the sunset
with Fatima makes me feel peaceful. Para tuloy ako naging isang hopeless romantic
na gangster.

"Alex, 6:05 na pala." Fatima said while her arms are crossed. Medyo nira-rub niya
pa ang mga braso niya kaya naman hinubad ko na ang cardigan ko at isinuot sa kanya.
"Thanks, Alex."

"Puro ka thanks ng thanks. Pwede namang kiss nalang," biro ko. Believe it or not,
one month na kami pero hindi pa ako nahahalikan ni Fatima. Miski ako, hanggang ulo
at noo lang ako.

Her cheeks flushed red again, as usual. Inilibot niya pa ang tingin niya sa
paligid. "Ayoko, maraming tao eh."

"Eh tao rin naman tayo eh. Tsaka 'di naman natin sila kilala."

She pouted, "Alex... Namaaan."

I chuckled and placed my arm across her shoulders, "I am just joking. Tara, we're
running out of time. Remember, iuuwi pa kita sa inyo at exactly 12 midnight and
we're not yet done."

Last stop is the Mactan Beach resort. Dito na kami nakabili ng mga souvenirs at mga
pagkain pangpasalubong. We bought a lot of danggit, dried mangoes, otap, chorizo de
Cebu, chicharon and many more. We even bought a pair of clothes to wear. Kanina
kasi ay nagswimming kami sa dagat for about half-an-hour lang. Nakasummer outfits
na kami ngayon. Si Fatima naman ay nakasummer dress at flip-flops. Siya naman ang
pumili sa beach shorts and a black t-shirt na may nakaprint na 'I love Cebu' para
sa akin. Actually, tig-isa kami. Yellow naman yung kanya.

Time Check----- 8:00PM

"This way po," sabi ng tour guide namin. 8PM na at apat na oras nalang ay tapos na
ang date namin.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papuntang tabing-dagat. Parehas kaming


napangiti nang makita naming may apat na babaeng nakabikini at dalawang lalaking
topless na nagfifire dance doon. Meron ding buffet table na nakapwesto sa bandang
kaliwa ng mga dancers pati na rin ang bar counter kung saan pwedeng umorder ng
alcohol drinks.

"Kain na tayo ng dinner?" Yaya ko kay Fatima. Kaso ayun siya, naglakad palapit sa
mga nagfafire dance. Sinundan ko naman siya at pumwesto sa likuran niya. Bakas sa
mukha niya na natutuwa siya sa pinapanuod. She even clapped her hands whenever the
dancers do their exhibitions.

"A...ang galing nila." She giggled out of amusement.

"Gusto mong i-try?" Tumingin siya sa akin na para bang sinasabing 'Pwede?' "You can
try it. Wait lang..."

Kinausap ko yung isa sa mga fire dancers. They are also called as poi dancers.
Pwede namang makipagparticipate ang mga viewers. Actually, isa nga iyon sa
attractions nila. They would teach the guest the basic moves in fire dancing.
Kagaya nalang ni Fatima. Nakaspread ang dalawa niyang braso ngayon at iniikot ng
dahan-dahan at maingat ang mga poi. She seemed enjoying the dance. Although, she's
not really dancing. On the other hand, ako naman ang nagtetake ng video kay Fatima
through my digital camera.

Nang matapos na siya sa pagfafire dance ay niyaya ko na siyang kumain ng dinner.


Kumuha kami ng inihaw na isda, BBQ, at kung ano-ano pang nakahain sa buffet table.
Afterwards, medyo lumayo kami sa crowd at naglatag ng blanket sa white sand ng
beach. Ang relaxing talaga 'pag nasa ganitong klaseng lugar. Para bang malilinis
yung baga mo sa kakasinghot ng sariwang hangin.

"Alex, ang saya ng araw na ito! Hinding hinding hinding hinding hinding hinding
hinding hindi ko ito makakalimutan. I swear!" She blurted her girly girl giggle
while eating her BBQ. Tumingin siya sa malayo. "Sana parati natin 'tong gawin. I
mean, kapag bakasyon, ulitin natin ito."

Nakatitig lang ako sa kanya. She really has the sweetest smile a girl could have or
is it just me because I'm inlove with this girl? "Sure. I'm glad that I made you
enjoy our first date."

Tumingin siya sa akin na hindi inaalis ang ngiti niya. "Grabe, hindi ko talaga
inexpect na dadayo tayo ng Visayas para sa first date natin, Alex."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Medyo lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ang
kaliwang kamay niya na nakalapag sa blanket. "Thanks to Dad. If not for him, we
wouldn't have enjoyed our first date. Hindi kasi ako hopeless romantic na lalaki.
You know, yun ang gusto ng mga babae diba? Yung gagawa ng paraan para pakiligin ang
girlfriend nila. Too bad, I'm not that kind of guy."

Tumingin ako sa langit nang marinig at makita ko ang pamilyar na helicopter. I


guess, it's time for us to go home. Sinusundo na kami eh.

She rested her head onto my shoulders. "Kahit saan naman tayo mapunta. Basta ikaw
ang kasama ko, ayos na ayos na."

I can't help but kiss her hair. Before I forgot, nilabas ko mula sa loob ng bag ko
ang isang small gift box sabay abot ko sa kanya. "Fatima, here's my gift."
Magsasalita pa sana siya kaso inunahan ko na. "Okay lang kahit wala kang gift.
Isipin mo nalang na patuloy pa rin kitang nililigawan kaya kita binibigyan nito."

She blushed and glanced on the red gift box. "Thanks, Alex. Babawi ako sa susunod."
Tumayo na ako at nilahad ang kaliwang kamay ko sa kanya. "Ayan na naman ang thanks
mo. Sabi ko kasi sayo kiss nalang eh," I said half-kiddingly. "Let's go. It's time
to home."

Then I led her to the island's hotel helipad.

Madali talaga kapag may sarili kang masasakyan. Mabilis lang makakarating sa
destination. Kagaya nalang namin. Sumakay kami sa helicopter papuntang airport and
it only took 10 minutes papunta doon. At pagkatapos nun, we rode in our private
plane going to Manila. Almost 1 hour and 15 minutes lang ay nakarating na kami sa
Maynila. Yun nga lang, natraffic kami sa EDSA. But it's okay, we arrived at
Fatima's house at exactly 11:45PM.

"Nandyan na pala kayo, Fatima. Tulog na ang Mama at Papa mo eh," salubong sa amin
ni Yaya Ana nang pagbuksan kami nito ng gate. Tumulong naman ang mga personal
bodyguards ko at security guard nila Fatima na ipasok ang mga dala naming baskets.

"Natraffic nga po kami eh..." Sabi ni Fatima habang nagmamano dito. Sinenyasan din
ako ni Fatima na gayahin siya kaya ginawa ko naman. Darnit, I told you. She
influences me a lot.

"Hinintay ko talaga kayo eh. Baka kasi hindi ka iuwi ng nobyo mo. Ako na ang
magpapablotter 'pag nagkataon. Hahaha! Biro lang," pabirong sabi ni Yaya.

"Yaya naman~ Sige po, Yaya. Una na po kayo sa loob. May sasabihin lang po ako sa
aking nobyo. We still have 15 minutes left. Wala pa pong 12...," Fatima said with a
bright smile and took a glance on me. Napaiwas naman ako ng tingin at napakamot sa
ulo. Ang ganda ng pag-address niya sa akin eh.

"Osya, basta pumasok ka kaagad pagkatapos ah?"

Hinintay muna naming makapasok sa loob si Yaya Ana pati na rin ang mga personal
bodyguards ko sa loob ng van ko. Ano kayang sasabihin ni Fatima sa akin?

"Oh, nobya ko. Anong sasabihin mo sa akin?" I said jokingly. Nakigaya sa kanila.

She giggled and took steps forwards to me. Nakangiting nakatitig lang kami sa
isa't-isa. I can see how happy she is in her eyes. I wish I could let her eyes be
like that forever.

Masuyong sinapo niya ang mga pisngi ko at nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Hmm, ayaw mo na akong magpasalamat sayo, Alex diba?"

I nodded absent-mindedly. Her eyes are so attractive that I can't think of anything
else.

She smiled that made my heartbeat raced. She then tiptoed and closed her eyes. Our
faces are just inches away. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ang noo ko sa
sobrang kaba kaya pumikit na rin ako.

Is she going to kiss me?

Kiss.

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko ang halik niya sa chin ko. What the-----
argh! I thought she'll kiss me---- "Pfft! Hahahahaha!" Natawa nalang kaming dalawa.
"Bakit sa chin lang yung kiss?"
She stucked her tongue out childishly. "First date pa lang eh! Unti-unti dapat.
Bleeeh!"

"Sa cheeks nalang dapat." Humawak pa ako sa baba ko. Sa chin niya talaga kiniss eh.
Pwede namang sa pisngi nalang para mas mukhang sweet.

She giggled and hopped towards their white gate. Lumingon siya sa akin at nagwave
ng kamay. "Goodnight, Alexander!"

"Hey, bakit kasi sa chin?" I asked eagerly while laughing.

"Eh kasi nga... Ang cute ng chin mo!"

Lagi niya nalang inaasar ang chin ko. Samantalang inaasar ko naman ang nguso niya.
Pfft! That isn't fair.

"Pumasok ka na... Bago ko pa mapagdiskitahan 'yang nguso mo, Fatima!"

Kahit madilim ay kitang-kita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Adorable.

Agad-agad siyang pumasok ng gate. Kita ko pa ang security guard nila na patawa-tawa
lang sa loob. Mukhang inieenjoy ang pinapanuod.

"Kase naman eh! Wag kang ganyan. Susumbong kita kay Papa! Sige ka, Alex!"

Napailing nalang ako. "Joke lang, Ma'am!"

August 29. This is a night to remember.

-17-

***17***

February na. Ang bilis ng panahon. 6 months going 7 na kami ni Fatima as a couple.
We're very happy together. Syempre, normal lang sa magkarelasyon ang away. Pero, sa
aming dalawa, hindi namin pinapatapos ang isang araw na hindi kami nagkakabati. We
also had our dates every month. Once a month lang naman cinecelebrate ang monthsary
diba? So yeah, we often go to mall para mamasyal kaming dalawa. Sa loob ng 6
months, I must say Fatima Grace influenced me a lot. Every Sunday, sinasama niya
ako pag nagsisimba silang buong pamilya. She would scold me kapag mabilis uminit
ang ulo ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Being with Fatima is like having a
therapy.

"Alex, anong oras na?" Tanong sa akin ni Fatima sabay inom niya sa malamig na
bottled water na hawak niya.

Sinilip ko naman saglit ang QWERTY phone ko. Parehas kami ng phone ni Fatima.
Actually, couple phone yung niregalo ko sa kanya nung first monthsary namin.
"2:30PM."

She eyed me with her rounded eyes, "Halaaaa~ Kailangan pala nating pumunta sa
Chelae's." She was talking about Chelae's boutique. "Susukatin ko kasi yung gown ko
for the prom. Baka may aberya kasi. You know, the fittings and such."

Tumango-tango naman ako. Next week na kasi ang JS Prom kaya ipinag-aalala niya ang
susuotin niyang gown. Actually, dun din ako nagpagawa ng Tux ko para well-partnered
sa susuotin na gown ni Fatima.

"Tara, punta na tayo dun?"

She pouted and shook her head gently. "Paano yung booth natin? Nag-excuse lang tayo
para magbreak tapos tatakasan natin? Unfair."

"Sus, dami nating kaklase dun. Hindi naman mawawalan ng tao dun."

Actually, ngayon ang Valentines Day. Kaya eto, busy ang buong school campus para sa
isang malaking fair. Open to the public ito kaya maraming tao ang pumapasok. Sa
section namin na-assign ang marriage booth. Yung iba naman, may radio jock kuno
wherein pwede kang magrequest ng songs at idedicate sa crush or
girlfriend/boyfriend nila, meron ding mini-carnival dito, at kung ano-ano pa at ang
total na kikitain ay mapupunta sa good cause. Bale, free-day ng buong E.H.A ngayon
kaya pwede kaming lumabas whenever we want to.

"Hmm, huwag na! Mamaya nalang hapon. 8PM pa naman magsasara yung boutique eh,"
hinawakan ako ni Fatima sa kamay ko. Naramdaman ko tuloy na sobrang lamig ng palad
niya.

"Ang lamig naman ng kamay mo..."

She giggled, "Nagyeyelo pa yung mineral water eh."

"Ubuhin ka nyan eh." Tumingin ako sa paligid. Habang tumatagal, lalong dumadami ang
mga outsiders. Meron pang mga taga-ibang schools. "Ano, tara na? Katamad naman dito
eh."

"Babalik pa tayo?"

I eyed her, smiling. "Nah, after going to boutique, we'll go straight to the mall."

"Bakit?"

Napasimangot ako sabay bitaw sa kamay niya. "Hindi na kita nakakasama ng matagal.
Paano naman kasi, bakit ka pa sumasali-sali sa cotillion na yan?"

Cotillion. Sumali siya dun para sa JS Prom. She's not a dancer-type pero sumali pa
rin siya. Reason? Dahil, sinabihan siya ng adviser namin na mababa raw ang E.C.A
grades niya (Extra Curricular Activities).

"Eh, alam mo naman na diba?" Nagpout pa siya. "Eh 'di dapat sumali ka rin, para
tayo ang partner."

I gawked. "Hindi nga kasi ako marunong sumayaw. Tsk! Gagawin ko lang kahiya-hiya
ang sarili ko sa Prom."
Bumungisngis na naman siya. "Madali lang naman yun eh! You don't have to sway your
hips. Ako nga, paa lang ang ginagamit ko at pati syempre, kamay..."

"Psh. Yun na nga eh... Imbes na ako lang ang humahawak sa kamay mo," tumalikod ako
sa kanya. "...Pati si Toffer, nakaholding hands ka na rin."

Pinakiusapan ko si Toffer na sumali sa cotillion kahit labag sa kalooban niya. Mas


ipagkakatiwala ko naman ang kamay ni Fatima sa katropa ko kesa sa ibabang lalaki.
Hygienic naman yung Mama's boy na yun eh. Laging nakasanitizer ang loko. And most
importantly, may tiwala ako dun.

"Hahaha! Tara na nga," hinawakan na naman niya ang kaliwang kamay ko at hinila
papunta sa main gate ng campus. "1 week nalang, Alex... Tiis-tiis din ng another 1
week at matatapos na ang practice namin. Sa next Saturday na ang prom diba?"

"Hindi pa ba ititigil ang practice niyo? Tama na siguro yang 1 week! Kabisado niyo
naman na ang sayaw niyo."

Hindi na nakasagot si Fatima kasi bigla nalang may nagposas sa mga kamay namin. Oh
no, not now. Psh!

"Arestado kayo! Mouhahahaha!" Si Wayne yan kasama ni Jake.

"Shet! Tanggalin niyo 'to. Lalabas pa kami ng campus. We don't have time to play
with your sick games."

"Let's be fair..." Sambit naman ni Jake. "Parehas kayong nakaputing damit. White
shirt ang dress code na hinahanap namin. At dahil dun, arestado kayo..."

Epal! Inakbayan lang ako ni Wayne at tinangay na kami papunta sa Jail booth. Not
literally a jail. Gawa lang ito sa tabla at square ang hugis. Ni wala ngang
bintana. Pinto lang.

"Pucha... Magkano ba ang babayaran nang makaalis na kami dito?" Tanong ko habang
tinutulak kami ng bahagya ni Jake papasok. Umupo naman kaming dalawa sa sahig.
"Aish! Init pa dito!"

"Huwag na magreklamo, Alex! Alone time yan. Pfft!"

"G*go! Ano na, magkano na? Teka, ilang oras ba kami makukulong dito?"

Kaso imbes na sagutin ako ni Jake, sinaraduhan na kami ng pinto. Great! Just fcking
great. Mabuti kung may air-con dito, pwede pa eh! Pwede kaming umidlip ni Fatima...
Tutal, napuyat ako kagabi dahil sumabak kami sa underground ng X10, kaso hindi eh.
Para kaming nasa oven.

Tinignan ko si Fatima at nakita kong nakayuko lang siya. "Are you okay, Fatima?"

She just twitched her lips and according to her body language, that only means
she's annoyed. I know her better. "Sabi ko naman sayo, Alex, huwag kang magmumura
sa harapan ng babae."

Boplaks! Nagmura ba ako? Ugh. "Okay, I'm sorry."

She smiled to me and leaned her head over my shoulder. Gusto ko sana siyang akbayan
kaso nakaposas ang kaliwang kamay ko at kanang kamay niya. "Alex, 1 and a half
hours tayo makukulong dito. Nabasa ko sa poster sa labas ng booth eh."
Napasimangot ako. Humanda talaga sa akin yang sina Jake at Wayne. Malamang, pwede
namang magpiyansa kuno dito. Kainis! Bat ba ayaw magpabayad ng dalawang yun?

"Ugh, ang init pa naman dito..." Iritado ako pag mainit. Nyemas.

"Yaan mo na, Alex... Mabilis lang ang oras."

BLAAAAAAAG!

Napatingin kami ng sabay sa pinto ng booth. Ang lakas kasi ng pagkakabukas eh.
Parang wawarakin ang pinto. My eyebrows formed a straight line when we saw Kurt and
Tracy being pushed by Wayne. Nakaposas din ang mga kamay nila. Ay potek! Pati sila
natripan ng mga ugok.

"Sh*t! Magbabayad ako! Just let me fcking go!" Kurt yelled and glared at Wayne. "I
don't want to be with this brat! Sa lahat pa ng babae sa campus, bakit ito pa
makakasama ko?!"

Tracy stepped on his foot. "As if I like to be with you, b@stard?! Nakakainis!
ARRRGGGGGHHH! I'll pay the fine... Just please, I don't want to be stuck with this
evil monster! SHREEEKKKKKK!"

Tinakpan ko ang tenga ni Fatima. Grabe, puro mura ang bukambibig ng dalawa eh.

"Magbabayad ba kayo ng 25,000 pesos? We want a cold cash." Wayne asked with a smug.

"Fc.k! What the hell did you just say? Bat ang mahal ng piyansa?! Daig pa ang totoo
criminal ah!?" Kurt tried to go near Wayne but he failed 'coz of the handcuff
attached to Tracy's.

"Ouch! You b@stard! You're hurting my wrist!"

Kurt glared at her. "Shut up! Arte mo!"

BLAAAAAAAG!

Wayne took the chance to close the door. Tinignan ko naman si Fatima. She just
smiled at me. Parehas na kaming pinapawisan ang mukha. I bet, pati likod namin basa
na sa pawis.

"Huhuhu! I can't take this! Why am I even with you, jerk!?" Ngawa ni Tracy while
wiping her face. Pinapawisan na rin kasi.

Bigla namang umupo itong si Kurt sa sahig kaya nahila na rin paupo si Tracy. "Don't
call me jerk, B^TCH!"

Sumingit na ako sa dalawa. Ang ingay eh! Nakakarindi. Mga bitter amputek.

"Shut up you two! Bakit ba galit na galit kayo sa isa't-isa?" I scowled. Hinigpitan
naman ni Fatima ang hawak niya sa kamay ko, seemed to be controlling me.

Sabay naman akong tinignan ng dalawa.

"B-Because he threw my Prada bag, wallet, imported make-up, and even my ATM and
credit cards on the bridge! What an @s$ right?!"

Kurt groaned. "That was so ages ago... Last year pa yun ah! September? Move on,
b^tch! February na ngayon at matagal na tayong break..."
Tracy rolled her eyes and laughed sarcastically. "You ogre! I also caught you
making out with my bestfriend!!! Kadiri ka!!" Sabay hampas niya pa dito.

"UGH! STOP IT!------- OW! BREAK NA NGA TAYO DIBA? ANO PANG KINAGAGALIT MO DYAN?"

She stopped and looked away. "Oo nga noh? May boyfriend na din ako... Ugh, I still
hate guys like you~ You're like a trash... Sarap itapon sa basurahan."

"Tss... Edi babayaran ko lahat ng tinapon ko sayo para manahimik ka lang!


Nakakairita eh!"

"Talaga??? If you do so, I'll forgive you frog prince!"

"WHAT THE HELL DID YOU JUST CALL ME??"

Nagkatinginan kami ni Fatima at sabay na natawa. We have nothing else to do but to


wait for the next 1 ½ hours and get stuck with these two people with mental issues.

***

Right after kaming palayain mula sa jail booth ay dumiretso na kami sa Chelae's.
Hinihintay ko si Fatima na lumabas mula sa fitting room. While waiting, tumingin-
tingin muna ako sa mga nakadisplay na cocktail gowns. Magaganda ang mga designs. A
red fitted cocktail dress caught my attention kaya naman kinuha ko ito mula sa
pagkakahang at pinagmasdan ito. It's a backless type. Napaisip ako. What if Fatima
wears this kind of gown, would it suit her well?

I shook my head dismissing my thought and brought the gown back to its hanger.
"Pangit... Hindi siya magmumukhang Fatima 'pag sinuot niya yun."

"Sir," may tumawag yata sa akin kaya nilingon ko ito. Yung assistant pala ni Miss
Chelae. "Ito na po yung Tux niyo. Would you like to fit it in?"

I nodded, "Okay."

"This way, sir."

Sinukat ko nga sa loob ng fitting room ang Black Tuxedo na pinagawa ko. I stared at
myself on the mirror. Mukhang ayos naman. Cream color ang bow, since cream color
ang gown ni Fatima.

"Alex..."

Napalingon ako sa sliding door ng fitting room nang marinig ko ang boses ni Fatima
mula sa labas. Lumabas naman ako para tignan siya at sumalubong sa akin si Fatima.
I almost dropped my jaw seeing her wearing a cream color cocktail gown. It was a
tube-typed gown that reveals her knees... Pero yung bandang likuran na parte ay
sumasayad sa sahig. Darn, I'm not good at describing. All I know is she's so
beautiful.

"Maganda ba, Alex? O medyo revealing?" She asked consciously.

Natawa nalang ako habang nilalapitan siya. "Ang ganda... Bagay sayo. Makakasayaw ka
kaya ng maayos sa cotillion?" I joked.

"Hmm, siguro. Nirequest ko talaga na hanggang knees lang yung harapan ko para 'di
ko ito matapakan." Then she turned around. "Yun nga lang, ang problema ay 'pag may
tumapak na ibang tao sa gown ko mula sa likuran. May buntot eh."
"Cute nga eh... I'm sure, ikaw ang magiging princess of the night sa Prom." I
grinned.

Napanguso naman siya at halatang nahiya sa sinabi ko. Namula na naman kasi ang mga
pisngi niya eh. "Weh? Ang daming magaganda babae sa E.H.A. Imposible yang sinasabi
mo, Alex!" Then she walked back and forth infront of me. Parang tinest niya kung
comfortable ba sa kanya ang gown.

"Hindi imposible yun. Maganda ang girlfriend ko eh!"

She stopped and faced me. Nakapameywang pa ang dalawa niyang kamay. "Ayokong mag-
expect... Pero pwede rin! Basta ba ikaw ang Prince of the night." Then, she winked.

Natawa naman ako. She sure knows how to make me smile. "Pwede rin... Paghahandaan
ko ang gabing yun." I said half-kiddingly. "But I won't expect that to happen."

Ngingiti-ngiti siyang lumapit sa akin at nilahad ang kamay niya sa harapan ko. I
just looked at her in confusion and accepted her hand anyway. "Bakit, Fatima?"

"Gusto kong subukan kung comfortable ba ako 'pag sumayaw ako na suot ito. Let's
dance, Alex."

I gawked. "Pfft! Hindi nga kasi ako marunong sumayaw."

Sumimangot naman siya kaya tumahimik na ako. "Me neither~ Saglit lang naman eh.
Please!" Oh, ginamitan pa ako ng pagpapacute niya.

I sighed in defeat. "Fine, pero saglit lang ah!" Then I looked around the room.
Nasa isang malaking fitting room kasi kami ngayon. May cubicles lang na
nakaseparate sa harapan namin for the separated fitting area. Then there, I saw two
of Chelae's assistants watching us. Napasimangot ako.

"Bakit, Alex?"

I pointed my lips on where they standing. "I don't want them to watch us. Can you
please get out for awhile?"

They bowed their heads first before leaving. Napahagikhik naman itong si Fatima.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at nilagay sa bewang niya. Tapos ay inangat
niya ang magkahawak naming kamay. Nasamid tuloy ako bigla. Nahiya ako eh.

"Game?" She asked with her cute smile. Tumango naman ako. "Move to the left then to
the right lang. Mga five times, then iikot mo ako. Tapos, balik ulit sa waltz~"

"Waltz?"

She nodded, "Yung first step natin. Left and right." Tumango naman ako. Marunong
naman talaga akong sumayaw eh. Ayoko lang talaga mapahiya. Baka magkamali kasi ako.

She clears her throat first. "...~Lalalalala~"

We started to do the waltz perfectly. Imbes na siya ang magdala sa akin, ako na ang
naglead sa kanya. That's what I guy must do when dancing. Sa 4 days nilang
pagpapractice ng cotillion, 4 days na rin akong nanunuod sa kanila. Not because I
am interested to the dance, but because I'm watching Fatima while he's holding
another guy's hand. Dahil sa pagbabantay ko sa kanya, nakakabisado ko na tuloy ang
steps nila.

Lumawak tuloy ang ngiti niya habang nag-aadlib siya ng tune.


"...~Lalalalala~"

I chuckled while turning her around. Hindi na basic yung ginagawa naming steps,
perhaps we changed our position. Halos, nalibot namin ang apat na sulok ng fitting
room.

"...~Lalalalala~"

We both stared at each other's eyes while swaying. Parehas kaming may nakaukit na
maliit na ngiti sa mga labi namin. 7 months na kaming dalawa pero we still have
this wonderful feeling while staring at each other. I know it may sound gay, but I
admit, like girls, we also do have these butterflies in our stomach.

Natapos na rin ang pagkanta ni Fatima kaya naman bumitaw na siya sa kamay ko. She
then, held the side of her gown and bowed like a princess.

Bigla nalang siyang pumalakpak ng malakas. She seemed so amazed of how we danced.
"Galing! You're so good... Akala ko ba------"

I cut her off, "Marunong lang akong sumayaw kapag walang tao."

She giggled and clung to my arm. "Hindi man ikaw ang first dance ko sa gabing iyon,
sisiguraduhin ko naman na ikaw ang last dance ko."

I pinched her nose. "You really should, Ma'am."

***

Pagkatapos ng fitting namin ay kinuha na rin namin ang mga susuotin namin sa Prom.
Wala na rin namang irerepair kasi perfectly fit na sa amin. Gaya nga ng sinabi ko
kay Fatima ay dumiretso na kami sa mall. Friday ngayon kaya ang daming tao sa loob
ng mall. Buti nalang ay nakacasual lang kami ni Fatima kaya naman hindi kami
mukhang nagcutting.

"Alex," tawag sa akin ni Fatima. "Bili tayo ng fruit shake?"

"Mahilig ka talaga sa malamig eh noh?"

"Hehehe! Mainit eh~ Dali na!"

Kung saan-saan lang kami naglibot ni Fatima sa loob ng mall. We also decided to
watch a movie bago kami umuwi. Pagbigyan na, Valentines Day naman eh, at first time
kong magcecelebrate ng Heart's Day na may girlfriend.

"Happy Valentine's Day, Fatima," I greeted her as we reached to their gate. 7PM na
kaya madilim na.

"Happy Valentine's Day din." She greeted back with a smile, but eventually she
pouted. "Sayang, wala akong gift sayo."

"Ayos lang... At least nagmovie date tayo diba?"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Thank you, Alex. I feel special
everytime I'm with you."
Nilapit ko naman sa mukha ko ang magkahawak naming kamay at hinalikan ito. "Sa
kamay nalang kita hinalikan. Nahihiya ako sayo, Ma'am eh. Baka maramdaman mong
viniolate kita kapag kiniss kita dyan." Sabay nguso ko sa mukha niya.

She stucked her tongue out. "Bleeeeh! Naggirlfriend ka ng conservative kaya magtiis
ka, SIR!" Saka siya umakyat na sa hagdan hanggang sa pintuan ng gate nila. You
heard her right. We still haven't kissed each other like couples do. Hanggang noo
at buhok lang ako.

"Yeah I understand. Nag-girlfriend ako ng toddler." I said jokingly.

Humarap naman siya sa akin. "...Ampf! Hindi ako toddler. 3rd year highschool na ako
eh!"

"Yeah right, pasok ka na. May naghihintay sayo sa kwarto mo."

Napakunot-noo naman siya. "Sino?"

"Hindi sino, kundi ano."

"Eh ano?"

Instead of answering her, I just turned my back and started walking away. "Text mo
ako 'pag nakita mo na. Goodnight, Fatima~ I love you..."

Pagkauwi ko, naabutan ko pa sila Daddy na nagdidinner pa lang kaya sumabay na ako
sa kanila. Minsan ayokong sumabay sa kanila sa pagkain eh. Kasi naman iniinterview
ako.

"Bakit ngayon ka lang, Alexander? Diba may fair lang naman sa E.H.A ngayon?" Asked
Dad while serving rice to Mom.

"Fatima and I had to claim our outfit for the Prom."

Mom interfered. "Is that so? May I see your tux, Alex?"

I flashed a smile. "It's in my room already. You can check it later, Mom." Bigla
nalang akong may naalala. "By the way, Mom... Can you accompany me to the mall
tomorrow?"

"What for?"

"I'll buy a pair of shoes I'm going to wear for the prom." Then I cleared my
throat. "... And I want you to help me to pick a gift for my girlfriend. Can you?"

Mom and Dad looked at each other while grinning. Dad then switched to look at me.
"No, she can't, son. We'll be having a conference meeting in Malaysia... But
anyway, would you like to come with us there? Pwedeng dun nalang tayo mamili..."

I smiled. "Sure, Dad."

My QWERTY phone suddenly beeped. So, I murmured my excuse and fished out my phone
from my pocket. It's Fatima who's calling.

"Hello, Fatima?"

["Aleeeeeex~ Ang cute ng teddy bear! Thank you talaga!!!~ Ang laki nito. Mas malaki
pa sa akin eh."] I smiled imagining Fatima cuddling with her teddy bear. Binili ko
yun last Wednesday sa Mall. My Valentine's gift for her. I had it delivered to her
house this afternoon while Fatima's not around in the house.

"Do you like it?"

["...Hmm hmm! Sobra~ Nahiya tuloy ako. Wala akong gift sayo. Ikaw naman kasi eh,
akala ko wala kang gift sa akin. Tapos may surprise ka pala!"]

"It's okay, Ma'am." I chuckled.

["... Sige, Alex... I'll hang up na. I love you..."]

I controlled myself to smile. Kinover ko pa ang bibig at phone ko tapos ay yumuko


ng konti sa gilid. Mahirap na! It's awkward... My parents are infront of me.

"...I love you, too."

Then she hung up. Ngingiti-ngiti akong bumalik na sa pagkain ko. But then again, I
told you, it's really awkward. You guys should not do what I did for your parents
might tease you like this.

"May pa- I love you I love you pa ang anak ko ah! Ikaw ah~"

"My baby Alex is so cute~"

***

Monday na. Kahapon lang ako nakauwi from Malaysia. I bought myself a pair of shoes
there and a gift for Fatima on the night of the Prom. Special ang gabi na yun kaya
naman kailangang may special din akong ibibigay sa kanya. Habang pinapanuod sila sa
GYM dito pa rin sa E.H.A, pinagmamasdan ko naman ang silver white diamond necklace
na binili ko. Patago ko yung pinagmamasdan. Excited na akong isuot sa kanya ito sa
gabi ng Prom.

"Ganda ah. How much does that cost?"

Agad-agad kong ibinalik sa velvet box nito ang necklace at itinago sa bulsa ng
pants ko. Nabigla ako kay Kurt eh.

"Tss... That's not for me. So, why hide it anyway?"

I shifted my sight on the hardcourt, kung saan nagpapractice ang mga


nagcocotillion. I asked Kurt, Derrick, Jake, Dustin and Kent to accompany me here
in the gym. Nagcutting kami, tutal naman gardening lang ang topic sa T.L.E. Hirap
kasi ng walang kasama sa panunuod sa kanila. Mukhang t*nga lang na walang kausap.

"Huwag mo na nga akong pansinin, Master." Tumingin ako sa bleachers sa baba,


kasunod namin. Nandun kasi nakapwesto sina Derrick, Jake and Kent. "Makisali ka
dyan sa tatlong yan oh."

Tumingin ako kay Dustin. Kasalukuyan lang siyang natutulog. Nakahiga siya sa
bleachers. Ito namang nasa baba namin, tinuturuan ni Derrick na mag-rate ng babae.

"How about that girl in white fitted tee?" I heard Jake asked.

Sumagot naman itong si Derrick, ang expert sa mga babae. "Yung naka-gray jogging
pants?" Tumawa pa siya. "Hipon yan, dude!"

"Hipon?" Sabay pa sila Jake at Kent.


"Kain katawan, tapon ulo. Tsk tsk! Sexy lang, hindi naman maganda."

Sabay tawanan pa ng mga tukmol. G*go talaga 'tong si Derrick. Tinuturuan pa ng


kabalastugan ang dalawa.

"Eh yung nakayellow na sleeveless shirt? Yun oh, yung nakanumber 19?" Sabay turo pa
ni Kent sa posisyon ng tinutukoy na babaeng sumasayaw.

"Ah yun? Hmm, she belongs to the Lollipop."

"LOLLIPOP?"

Derrick hushed them, "Kain ulo, tapon katawan. Maganda lang siya, chubby pa. I bet
27 ang waistline nyan. Chubby!"

"Chubby na yun sayo?" Binatukan siya ni Kurt.

Lumingon naman si Derrick habang himas-himas pa ang ulo. "Ang mga sexy ladies
master, ay may 24 na waistline at 36 cup C na boobs."

"D@mn you, ano yun, porn star? Syempre bata pa sila! Hindi pa makikita yung totoong
curve ng babae." Bira naman ni Kurt.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na kagaya nila. Mukhang may mga
kalawang sa utak eh. Tsk tsk!

"Eh yun namang si Tracy? Sige nga, ano naman siya?" Kurt asked while smirking.
"Maganda at sexy lang yan pero isusuka mo ang ugali nyan."

"Si Tracy?" Derrick looked at Tracy. "Hmm, Ice cream yan, Master! Kain ulo, kain
katawan. Kainin ng buo... Masarap eh."

"Manyak mo, Derrick..." Natatawang asar sa kanya ni Kurt. "She should be classified
as a grape instead of ice cream."

"Ha? Bakit?"

Kurt smirked, "Kain balat, kain laman. And then spit out the seed."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Natawa nalang ang mga ugok. Ako naman napailing nalang
at nakangiti. Mga sira-ulo. Daming alam na kalokohan.

"Ssssssshhhhhhh! Can you please be quiet, guys up there? You're interrupting us."
Saway sa amin ng instructor na nagtuturo ng sayaw sa kanila. Tumahimik naman kami.
Sila Kurt naman, patawa-tawa pa rin.

Pinagtiisan ko lang na makasama ang mga lokong kaibigan ko hanggang sa matapos ang
practice ng cotillion. Agad-agad akong bumaba at nilapitan si Fatima. Naawa ako
bigla. Parang pagod na pagod eh... She's sweaty.

"Fatima, oh..." Abot ko sa kanya ng towel.

Hindi naman siya sumagot at umupo lang siya sa bleachers. Tinabihan ko naman siya.
Ilang minuto na ang nakalipas pero tahimik pa rin siya.

Maya-maya ay lumapit sa amin si Toffer. "Fatima, ayos ka na?"

I wrinkled my forehead. "What's wrong?"


"Hinihi------"

Fatima cut him off. "I'm alright. Kapagod lang! Ang iniiiiiiiiiit!" Sabay inom niya
sa malamig na tubig niya sa sariling tumbler niya. She then, coughed. "E-excuse me!
*cough cough*"

"May ubo ka na... Bat umiinom ka pa ng malamig?" I asked and she just showed me her
peace sign.

"Mainit eh, kaya masarap uminom ng malamig~"

Umalis na rin si Toffer dahil sinundo na siya ng girlfriend niya. Binalingan ko


ulit ng tingin si Fatima. Namumutla kasi siya eh.

"Are you really okay?"

She smiled. "I am..."

"Punasan mo nga ang pawis mo. You're sweaty."

Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. "Alex, magshoshower nalang ako. Naiinitan at
naglalagkitan na talaga ako eh. Can I use the shower room?" Sabay turo niya sa
shower room.

Tinignan ko lang siya ng seryoso. "Magpunas ka muna ng pawis, Fatima."

Kaso hindi niya ako pinansin, tuloy-tuloy siyang pumunta sa shower room. She
shouted...

"Hindi ako sanay ng nalalagkitan sa pawis, Alex... Wait me up here."

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya palayo. I am looking forward to put
on her neck the necklace I bought for her. Sana, mag-Saturday na...

-18-

***18***

Saturday night. The special night has finally arrived. JS Prom na namin ngayon kaya
naman nag-ayos na ako ng sarili ko. I look so decent tonight, I must say. And I'm
confident on how I look now.

Nakatayo lang ako sa labas ng hotel na pinagdadausan ng prom namin. Needless to


say, ang pamilya ni Toffer ang nagmamay-ari nito. Pinipigilan kong huwag mabadtrip
ngayon. Ang gusto ko kasi ay ako ang magsusundo kay Fatima sa bahay nila at sabay
na kaming pupunta dito. Ang kaso... ang daming arte ng E.H.A. Particularly the
Student Council. Na kesyo dapat daw ay ang lahat ng mga lalaki ay maghihintay daw
sa mismong venue para sa mga date nila. Kailangan daw ay surprise ang arrive ng mga
babae... I know, it's fcking corny.

"Ang ganda talaga ni Tracy oh," Jake murmured in amusement. Tinignan ko naman ang
tinutukoy niya and there, I saw Tracy wearing a very revealing red cocktail dress.
Kita pa ang cleavage. Tsk tsk!

"May boyfriend na. Sayang," sabi naman nitong si Derrick.

"Maghihiwalay din yan... At liligawan ko yan pag nagkataon."

"Asa! Bago mo magawa yan, kami na."

"Dream on!"

"Dream on...? Lul, katext ko na si Tracy lagi. Naunahan na kita." Nakangising


sambit ni Derrick.

Lumayo nalang ako sa X9 at naghintay nalang sa may fences ilang metro ang layo sa
kanila. Nacocorrupt ang utak ko kapag sila ang kasama ko eh. Ang daming kalokohan
na alam sa buhay nila.

Minutes later, may humintong pamilyar na White Volvo sa harapan ng red carpet.
Agad-agad kong nilapitan ito, at pinagbuksan ng pinto ang backseat. A beautiful
lady wearing a color cream gown with a wavy hair and a small crown on top of her
head stepped out of the car.

Halos malaglag yata ang dalawa kong mata nang nginitian niya ako ng pagkatamis-
tamis.

"Good evening, Alex."

I blinked my eyes twice and slightly shook my head. Nginitian ko rin siya, "...A-
ang ganda mo, Fatima."

I'm just being honest. Wow... Wala akong masabi. Napakaganda niya sa suot niyang
gown. She was only wearing a light natural make up on. I looked at her from head to
toe. Kaya pala siya tumangkad ng kaunti kasi nakasuot siya ng high heels.

"Thank you. Ang gwapo mo, Alex..." Sabay taas-baba ng isa niyang kilay.

Natawa nalang ako ng mahina at nilahad na ang kaliwa kong kamay sa kanya. Magiliw
naman niya itong tinanggap.

"Hijo..."

Lumingon ako ulit sa kotse at bahagyang yumuko para silipin ang tumawag sa akin.
Hindi pamilyar kung sino. Ngayon ko lang nakita ang middle-aged man na ito. "Yes?"

"Sabihin ko raw sayo na iuwi mo raw siya ng 12:30AM... Kailangan nasa bahay na
siya."

I smiled warmly, "Okay."

"Siguraduhin mo na ang magdadrive ay ang driver mo ha? Osya, nakaharang na ako sa


daan. Pakisara na ang pinto. Enjoy the night, mga anak."

I nodded and slammed the car's door. I eyed Fatima again, and mouthed 'sino yun?'
to her.

"Bagong family driver."

"Ahhh," ipinulupot ko ang braso niya sa braso ko. "Nasaan si Tita? Bakit hindi siya
ang naghatid sayo?"

She just shrugged. "Somewhere in Europe. 3 weeks nang hindi umuuwi sila Mama at
Papa. Busy sa work."

I just smiled to her mouthed, "Let's go?"

Pagpasok namin sa function hall, sumalubong agad sa amin ang RNB music. Like any
other prom, may mga well-arranged tables dito. Ang motif ay pink and red... Sa
harapan naman ay may flatform na maraming nakaattached na designs. Puro balloons at
roses lang ang nakita ko... At may band set sa gitna. Tutugtog kasi ang banda ng
X10 mamaya.

I carefully assisted Fatima to sit down on the chair. 8 persons per table nga pala
kaya hindi kami solong dalawa. Umupo agad ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay
niya.

I leaned closely to her. Baka kasi hindi niya marinig ang sasabihin ko kapag sinabi
ko sa kanya. Malakas kasi ang music. "Fatima, after the prom, may ibibigay ako
sayo."

"Ako din..."

I smiled to her. Kahit naman wala siyang ibigay, ayos lang.

Maya-maya lang ng kaunti ay tinawag na ni Toffer si Fatima. Introduction daw kasi


ng prom ang cotillion. Kaya ayun, tinanguan ko lang sila and murmured 'break a
leg.'

"Alex, dito muna si Tiffany sayo ha? Exchange partners muna tayo saglit."

"Ah sure," sabi ko habang pinapaupo niya ang girlfriend niya sa tabi ko. Nakita ko
pang humalik sa pisngi ng girlfriend niya si Toffer. Psh. Hindi ako naiinggit.

Tiffany faced me with her sweet smile. She looks so stunning in her sky blue
cocktail gown. "Hello, I'm Tiffany Parco... And you are?"

"Alexander de Silva..." I extended my hand to her and we shook hands. "So, you're
Toffer's girlfriend?"

She nodded, "3 months na."

"Anong year ka na?"

She replies, "3rd year and I belong to the section 3."

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang nag-lights off. Narinig namin ang ingay ng
mga co-students ko. Parang mga bubuyog lang. After some seconds, biglang bumukas
ang dim lights sa harapan.

"Ladies and gentleman. Juniors and seniors... Good evening everyone. We are all
gathered tonight as we celebrate the junior and senior promenade. To start the
party, may we call on the selected junior and senior students to dance the
cotillion. Let's all give them a big warm of applause."
Ang adviser namin nung first year highschool kami ang nagpaunang bati. As if on
cue, bigla nalang nagplay ang music. Sa dalawang linggo na panunuod ko kay Fatima,
nagsawa na ako sa kantang yan.

Hinanap kaagad ng paningin ko si Fatima. He was with Toffer and started gliding
against him. Kagaya nga ng napanuod ko lately, nagform silang lahat ng circle at
nagpalit-palit ng partners. Bale, yung mga babae ang umaalis sa pwesto.

We all clapped when the cotillion has ended. Wala naman akong ibang tinignan kundi
si Fatima lang.

"You're so graceful," I complimented her as she came back to her seat. Sinundo na
agad ni Toffer ang girlfriend niya kanina kaya naman si Fatima na ang kasama ko.

"Ang sakit nga ng paa ko eh. Look," tapos bahagyang tinaas niya ang left ankle
niya. Pagkatingin ko, may paltos ang likurang bahagi nito.

"Sabi na eh. Good thing, nagdala ako ng band-aid." Then I fished out one piece of
band-aid from my chest's pocket. Naisip ko lang kanina na magdala nito. Baka kasi
gaya nga ng nangyari ay magkapaltos ang paa niya sa heels gayung hindi siya sanay
dito.

"Bakit ka may dalang ganyan, Alex?"

Dinikit ko muna sa paltos niya ang band-aid at ibinaba na ang paa niya ng maingat
sa sahig. "Eh kasi po, Ma'am... In case of emergency."

"Hihihi! Boysco---- *cough couch*"

I frowned. Lumalala ang ubo niya ah. "Umiinom ka ba ng gamot para sa ubo mo,
Fatima?"

"Hindi... Papabili nalang ako bukas. Nakalimutan ko eh," tapos ay uminom na naman
siya ng malamig na tubig. Sasawayin ko sana siya kaso bigla nalang may humila sa
kamay ko. Pagkatingin ko, si Tracy pala. Muntik pa akong matawa nang mapatingin din
ako sa table. Nice, terno. All-red.

"Alex~ Let's dance!"

"No, sorry. I don't dance."

Nagpout naman siya at yumakap sa braso ko. "Please?! Fatima, you won't mind, will
you?"

Fatima shook her head, "No, I won't." She looked to me then. "Isayaw mo na siya,
Alex... Para quits tayo."

"You sure?"

"Yes..."

***

Pagkatapos naming sumayaw ni Tracy, nasundan pa siya ni Lyza. Ang hirap namang
tumanggi since she already tagged me along on the dance floor. Kaso imbes na silang
dalawa lang ang isinayaw ko, nagrequest pa ang mga kaibigan ni Lyza na isayaw din
sila. So, there, after 30 minutes na ako nakabalik sa table namin.

Napasimangot pa ako nang makita kong wala si Fatima sa seat niya. Where is she?

"Looking for Fatima?" Sabi nung ka-table naming lalaki.

"Where's she?"

Imbes na sumagot. May itinuro siya sa dance floor. She was dancing with Wayne.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung sino pa ang sumayaw sa kanya eh.
Nakita ko pa na ipinasa siya kay Jake, next is Dustin, and so on and so forth.
Basta ang gangmates ko except to Kurt. Maingat na ibinalik naman nila sa akin ang
girlfriend ko kaya pinasalamatan ko sila.

"Masakit pa ba ang paa mo?"

"Hindi na masyado."

Tahimik lang kaming kumaing dalawa. Kapag may nagyaya sa aming sumayaw ay
tinatanggihan namin ng maayos. Pagod na kasi kami eh. Nang matapos na kaming kumain
ay nanuod nalang kami ng mga sumasayaw sa dance floor. Si Fatima, napansin ko
nalang na hindi na nagsasalita.

"Fatima, are you fine?"

She flashed a smile, "I am fine. Napagod lang ako." Saka siya umubo. "Excuse me~
Nangangati lalamunan ko." Then coughed again.

"Umiinom ka pa kasi ng malamig."

"Sanay kasi ako sa cold water eh. Tsaka mainit kaya~" Tapos hinawakan niya ang
kamay ko. "Samahan mo ako sa restroom, Alex."

"Okay."

Hinintay ko lang si Fatima sa labas ng restroom. Habang hindi pa siya lumalabas,


tinanaw ko si Jake sa malayo. Sakto naman na nagtama ang mga paningin namin. He
showed me his thumbs up, asking me I'm ready. Tumango naman ako sa kanya, signal na
umpisahan na ang hiningi kong pabor sa kanila.

The moment Fatima got out from the restroom, I immediately pulled her back to our
table and assisted her to sit.

"Excuse me, ladies and gentlemen. Music out muna, pwede?" Automatic namang namatay
ang music. Si Jake ang nagsalita sa flatform. May nakasabit ng gitara sa balikat
niya.

"Tutugtog yata ang banda nila eh!"

"Uwaaaah! Maririnig ko na naman ang boses ni Dustin~ Lagi ko siyang pinapanuod na


magperform sa restobar eh."

"OMG! I think I'm going to faint."


That's what we overheard sa kabilang table. Nagkatinginan naman kami ni Fatima at
nginitian ko lang siya.

"Our band, namely X10, will perform right now. Is it okay with you, people?"
Nagtilian naman ang lahat. Yung iba, pinalo-palo pa ang mga glasses gamit ang
kutsara.

"Thanks everyone..."

I saw the remaining boys climbed up the stage. Wayne on the drums, Arthur on the
electric guitar, Jake on the bass and Dustin as the frontman. Lalo tuloy
nagsitilian ang mga tao. Pati teachers nakitili rin. Nice one.

"Actually, a very good friend of ours requested to play a song for her beloved
girlfriend." Puchaks! Dinaga ako bigla. Shet! Nakakanerbyos.

"...And he would like to dance with his girlfriend daw. Her name is Fatima Grace---
ano bang last name niya?" Natawa ako ng mahina nang nagtanong pa siya kay Dustin sa
tabi niya. Humigpit tuloy ang hawak sa kamay ko ni Fatima. Hindi ko siya matignan.
Nahihiya ako. Nyemas.

"...I'm sorry. Fatima Grace Eugenio pala. Kaklase ko pa naman, hindi ko alam ang
fullname. Hahaha! Osya, may we call on Miss Fatima and our gwapong-gwapong tropa na
si Alexander de Silva!"

Nabingi ako sa malakas na palakpakan, tilian, at sipol. Halos mabulag din ako sa
tumapat na spotlight sa mukha namin. But anyway, I held Fatima's hand and led her
to the dance floor... At sakto sa timing, nagsimula nang tumugtog ang banda na
pinangungunahan ni Dustin kasabay na pag-lights off at pagtapat ng spotlight sa
aming dalawa ni Fatima.

I remember the times we spend together

All those drives

We had a million questions

All about our lives

And when we got to New York

Everything went right

I wish you were here with me

Tonight~

Naka-dancing position kaming dalawa. Ang dalawa kong kamay ay nasa bewang niya at
ang kanya naman ay nasa magkabilang balikat ko. We were staring at each other with
a smile on our faces. Napansin ko rin na mas lalong namula ang pisngi ni Fatima.
I remember the days we spent together

Were not enough

And you still feel like dreaming

As if we always woke up

Never thought not having you

Right now it hurts so much

"Kaya pala ayaw mo akong isayaw, kasi gusto mo solo tayo dito sa gitna no'?"
Natatawang tanong niya sa akin.

"Hindi noh."

"Weh?" She giggled in a cute way, "Favorite song ko yan, Alex."

I smiled to her, "That's why I requested them to play it for you."

Maybe because of the dim light and some flashes, I saw her eyes sparkled again and
she smiled sweetly. What a wonderful sight. "For us, perhaps."

Tonight, I'm fallin'

And I can't get up~

I need your loving hands

To come and pick me up~

And everynight I miss you

I can't just look up

You know the stars are holding you

Holding you, holding you tonight~

We kept on swaying through the rhythm of the song, with our eyes locked to each
other. Kagaya ng pamumula ng pisngi niya, sigurado akong namumula rin ang tenga ko.
Pakiramdam ko, nag-iinit ang mukha ko hanggang sa matapos ang kanta. Sh*t!

Bumalik na ulit kami sa table namin ng tahimik. No, I mean, kami lang ang tahimik.
Makatili lang kasi ang mga schoolmates namin. Akala mo, eh isa kaming loveteam sa
isang drama series. But anyway, I think it's okay. Confident ako na ang girlfriend
ko ang nag-i-stand-out sa lahat ng juniors ngayon dito. Si Tracy? Ayos sana siya
eh, kundi lang talaga siya nagmukhang mattress ng table. So, I'm confident that
Fatima would be the one to get the 'Princess of the night' title. Oh well, kung
siya ang princess, I'm looking forward to be entitled as the Prince. Over-exposure
naman na kami sa dance floor eh. Don't get me wrong, gusto ko kasi, sa lahat ng
bagay, kami ang magkapartner ni Fatima.

Mabilis ang usad ng oras, sayaw dito, sayaw doon ang tanging ginagawa ng mga kapwa
ko estudyante. Buti nalang, dumating na kami sa announcement ng mga titles.
Nakahawak lang sa kamay ko si Fatima sa buong gabi. Malamig ang kamay niya,
malamang dahil sa malamig na tubig na naman.

"... Okay, the Prince of the night is...."

Bumulong sa akin saglit si Fatima, "Ikaw yan, Alex." I just smiled to her in
respond.

DRUM ROLLS.

"... Kristoffer Miguel Tan from third year highchool section 2!"

Tilian, palakpakan at kung ano-ano pa. Yan ang narinig namin sa loob ng malawak na
function hall. Wow, si Toffer? Nagkatinginan kami ni Fatima. Ngumiti siya ng
bahagya. "Yung partner ko ang prince..."

Napasimangot ako. "Partner mo lang siya sa cotillion. Ako ang partner mo habambuhay
kaya wag mo na siyang tawagin na partner ulit. Maliwanag ba?"

She pouted, and eventually giggled. "Okay, SIR."

Tumingin ulit kami sa harapan. Nandun na si Toffer sa gitna habang ngiting-ngiti


ang loko. Ang dami pang camera flashes sa paligid. Tsk tsk!

"I won't take this any longer... The Princess of the night crown goes to...."

Yumuko ako saglit at pinagkrus ang aking mga daliri. I wish it's not Fatima. Kung
ako pa ang Prince, siya dapat ang Princess... Pero, hindi sa akin napunta ang
titulong iyon eh.

"... Miss Fatima Grace Eugenio of Third Year Section 2!! Wow, parehas taga-section
2 ah!"
Hell... A frown automatically appeared on my face. Nagkatinginan kami ni Fatima.
Wala na akong pakialam sa mga bulung-bulungan ng mga nasa paligid namin. Na kesyo
raw, bat hindi ako ang naging Prince o bat hindi kami naging sweethearts of the
night? PWEDE BA NAMAN KAMING MAGING SWEETHEARTS OF THE NIGHT KUNG PINARTNER NA SI
FATIMA SA IBANG LALAKI!?! PUCHA! PRINCE AND PRINCESS? Darnit.

"... Miss Fatima Grace Eugenio... Please come infront?"

Hinigpitan ni Fatima ang hawak niya sa kamay ko. Para bang ayaw niyang pumunta sa
harapan. "Aleeeeex~"

I sighed, "Punta ka na dun. It's no big deal."

"... Prince, pakisundo mo nalang ang princess mo."

KAKAURAT YANG ANNOUNCER NA YAN! Sh*t. Tinignan ko yung nagsasalita. Yung President
ng Student Council pala. Psh.

"Alex," tumingin ako sa nagsalita. It's Toffer na hindi ko namalayan na nandito na


pala sa harapan namin. Ayaw kasing tumayo ni Fatima kaya siguro sinundo na niya.
"Wala akong kasalanan, Alexander ah." Guilty.

"Psh, bilisan mo. Dalhin mo na siya sa harapan."

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Fatima at inalalayan siyang tumayo. Ngumiti pa
ng nakakaloko sa akin ang Pambansang Mama's boy. "Kasalanan ko bang mas gwapo ako
sayo, Alex?"

I glared at him, "Pagbilang ko ng tatlo, 'pag 'di mo pa siya dinala sa gitna,


tataob ka dito." Yumuko ako. "Isa...."

"Fine, binibiro lang eh. Oy, may girlfriend ako. Walang talo-talo!"

Pinagmasdan ko lang sila na sumayaw sa gitna kasama ang King And Queen Of The
night. Hindi ako ipokrito para hindi aminin na nag-expect ako kahit konti, na ako
ang Prince of the night. Ang gusto ko lang naman, sa lahat ng oras, ako ang partner
ni Fatima eh.

Dala na siguro ng pagkadismaya ay lumabas muna ako ng function hall. Naglakad-lakad


ako sa garden hanggang sa huminto ako sa isang pavilion. Umupo ako sa hagdan at
nagsindi ng isang stick ng sigarilyo. Minsan na lang naman ako manigarilyo, 'pag
badtrip o 'di kaya ninenerbyos lang. Sa mga oras na ito, badtrip ako.

Nakakadalawang buga pa lang ako ay bigla akong nakarinig ng mahinang pag-iyak.

"... huk... Huuuu!"


Lumingon ako sa likod ko. Dun ko kasi narinig banda ang iyak. Madilim pa naman sa
pavilion na ito kaya 'di ko makita kung may tao ba o wala. Binagsak ko ang
sigarilyo ko at tinapakan iyon.

"Huuuu... Huhuhu!"

Napakunot-noo ako. Babae ang umiiyak. May natanaw pa akong dalawang pares ng white
stilettos sa sahig. Tumayo ako at kinuha iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa loob
ng pavilion at nang marinig ko na naman ang paghikbi ng umiiyak ay sinundan ko kung
saan iyon nanggagaling. Nakalabas na ako sa likurang bahagi ng pavilion.

"Huhuhu!"

Tumingin ako sa kaliwang banda ko. Tama nga ako, may nakita akong babae na nakaupo
sa gilid ng fountain. Nakayuko siya kaya hindi ko malaman kung sino ito. Pero,
familiar ang suot niyang gown. Hindi ako pwedeng magkamali. She must be my
schoolmate.

Nilapitan ko siya. "Miss, sayo ba 'to?"

Huminto siya sa paghikbi at tiningala ako. Parehas pa kaming nagulat nang makita
ang isa't-isa.

"Alex?" "Tiffany?"

She wiped her tears with her handkerchief. "Anong ginagawa mo dito, Alex?"

Imbes na sagutin ko siya, binaba ko nalang sa semento ang dalawang pares ng


stilettos niya at dali-daling umupo sa tabi niya. 5 inches apart.

"Dinidibdib mo rin siguro ang pagkatalo over the Princess title noh?" I asked her.

Yumuko naman siya. "Hindi talaga ako mananalo dun. Galit sa akin ang mga nasa
Student Council eh. Sila ang judges sa pagpili dun." She tilted her head to face
me. "Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

I just shrugged. "We're on the same boat. Ang girlfriend ko, at ang boyfriend mo
ang Princess at Prince of the night. Lumabas ako kasi ayokong makita silang
sumasayaw for the second time." Tinignan ko rin siya. "Umiiyak ka dahil hindi ikaw
ang naging Princess?"

Ngumuso siya at parang babagsak na naman ang luha niya. "Inexpect ko kasi na ako
yung Princess eh, since si Toffer nga ang Prince." Bumuntong-hininga siya at
tumingin sa malayo. "Okay lang yun. May next year pa naman. Nakakadisappoint lang
kasi pinaghandaan ko ang gabing ito. Kay Rajo Laurel ko pa kaya pinatahi itong gown
ko!"

Tumawa ako ng mahina. "Fatima and I are wearing Chelae's. Wala sa damit yun, nasa
nagdadala yun." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Maiwan na kita dyan. Papasok na
ako sa loob. Tapos na siguro silang sumayaw."
Naglakad na ako palayo sa kanya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Buti
nalang eh naka-wax ang buhok ko kaya steady lang ito.

"Araaaay~ ARAY!"

Narinig kong umaray si Tiffany kaya huminto ako at nilingon siya. Nakita ko naman
na nakayuko siya habang kinukusot ang isa niyang mata.

"Geez!" Sige pa rin siya sa pagkusot.

"Oy, napuwing ka?" I asked her.

"Obvious ba?" Mataray na tanong niya. "Can you blow it for me, Alex? Parang may
nakapasok eh!"

Sumimangot ako. "Ayoko nga. Bahala ka dyan."

Tatalikod na sana ako kaso narinig ko ulit siyang nagsalita. "Eeeeh! Please? Kapag
ako nabulag, ikaw ang sisisihin ko! Susumbong kita kay Toffer!"

Great. Magsusumbong pa. As if kasalanan kong umihip ang hangin at pasukan siya ng
alikabok sa mata.

Kahit ayaw ko ay nilapitan ko nalang siya at hinila patayo. Sinapo ko ang magkabila
niyang pisngi. "Saan ba? Kaliwa o kanan?"

Sobrang naluluha na talaga siya. "Kaliwa! Bilisan mo!"

Para matapos na ito, nilapit ko ang bibig ko sa kaliwang mata niya at hinipan ito.
"Oh tapos na. Ayos na?"

Kinusot-kusot ulit niya. "Hindi pa! Huhuhu!"

"Aish," nilapit ko ulit ang bibig ko at hihipan na sana ito nang....

"ALEX??"

Pagkarinig na pagkarinig ko sa boses ni Fatima ay binitawan ko kaagad si Tiffany at


humarap sa gawi niya. I saw her with Toffer and a shock expression plastered on
their faces.

"Fatima..." Nilapitan ko siya. "Buti natapos na kayo, tara na?" Hinawakan ko ang
kamay niya pero iniwas niya ito. "Fatima?"

She looked so furious while looking at me. "... Niloloko mo na ba ako, Alex?"

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Ha? Of course not."

"Nakita ko! Nakita namin ni T-Toffer." Her voice cracked.

"Ha?" Tumingin ako kay Toffer. Nakasimangot din siya habang nakatingin kay Tiffany
sa likuran ko. "What did you see?"

"You kissed her!"

Tumakbo na si Fatima. Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya ay pinigilan ko siya sa


kaliwang braso niya. Hindi pa kami nakakalayo kaya alam kong rinig pa rin kami nila
Toffer at Tiffany.
"Fatima, mali 'yang iniisip mo. Hindi ko siya hinalikan!" Lumingon ako sa kanila.
"Tiffany, explain mo nga!"

Fatima interrupted, "Nagmamang-maangan ka pa, Alex? Nakita ko na. Basta, ayoko na!
Niloko mo ako!" Saka niya marahas na inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya at
tumakbo na palayo.

"FATIMA!" I called her out but she didn't dare to look back. Hahabulin ko sana siya
kaso naramdaman kong tinapik ako ni Toffer sa balikat ko.

"Dude, para sa akin, walang talo-talo. Eh bakit sayo meron?" Umiling-iling siya.
"Akala ko pa naman loyal ka kay Fatima. Akala ko lang pala."

I grabbed his collar. "I didn't kiss your girlfriend!!!"

Inawat kami ni Tiffany. Pumagitna siya. "We didn't kiss, Toffer! ANO BA!"

He glared at her. "I saw both of you!"

"BAKIT? NAKITA MO BA NG KLARO NA NAGLAPAT ANG MGA LABI NAMIN? NAKITA MO BA? HA?!"
Tiffany nudged.

Marahas kong binitawan ang collar niya. "Parehas kayong walang tiwala sa amin!
PAKSHET!"

Tiffany grabbed Toffer's arm. "Let's talk this out, Toffer. I PROMISE, we never did
kiss."

Inalis niya ang kamay ni Tiffany sa braso niya at tumalikod na sa amin. "Ako nalang
ang maghahatid kay Fatima. Ikaw muna ang bahala kay Tiffany, Alex. Magpapalamig
lang siguro kami ng ulo."

I sighed in defeat and massaged the bridge of my nose out of stressed. Hindi ko
alam na mangyayari ito. "Okay. Siguraduhin mong iuuwi mo siya ng diretso sa bahay
niya, Toffer. I'll be following you."

***

Buong araw ng Linggo, hindi ako kinausap ni Fatima. Tinetext ko siya pero hindi
siya nagrereply. Tinatawagan ko siya sa cellphone o sa landline niya pero hindi
niya sinasagot. I even went to her house to pay her a visit pero hindi man lang
niya ako hinarap. Kahit walang ideya si Yaya Ana niya kung bakit kami nag-away ay
sinabihan niya ako na palamigin ko lang daw ang ulo ni Fatima. Kaya ayun ang ginawa
ko. And hopefully, ngayong araw (Monday), ay ayos na ang mood niya.

Kagabi, nagkausap na kami ni Toffer. Nagkaayos na raw sila ng girlfriend niya at


naintindihan niya ang nangyari. Namisinterpret lang nila ni Fatima ang nakita nila
sa amin ni Tiffany. Sana kami rin ni Fatima magkaayos na. I admit, I got scared of
what she told me.... Na ayaw na niya. Does she hate me already? I hope not.

Sinalubong ko kaagad si Fatima sa gate ng campus nang makita ko siya. Hindi kami
nagsabay kanina kasi sabi ni Yaya Ana niya sa akin na ayaw daw nito na sumabay sa
akin at sasabay nalang daw siya sa Papa niya.

"Fatima..."

Nilagpasan niya ako at nagmadali sa paglalakad. Hinabol ko naman siya. "Fatima,


pwede bang kausapin mo na ako? Hindi mo sinasagot mga tawag at text ko. Nag-aalala
na ako."
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siyang naglakad at nang makarating kami sa hagdan
ay pinigilan ko siya sa braso. Wala na akong pakialam kung mga matang umaaligid sa
paligid. Mga chismo't chismosa!

"Fatima, nagkaayos na sina Toffer at Tiffany. Hindi pa ba tayo magbabati?


Ipapaliwanag ko naman sayo ang lahat eh. Makinig ka lang sa akin."

Tinignan niya ako sa mga mata. Napansin ko tuloy ang eyebags niya. Parehas ko ay
hindi rin siya nakatulog ng maayos, I assumed.

"... I hate you..."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na wala na pala siya harapan ko. She
hates me?

"Dude," may tumapik sa balikat ko pero hindi ko ito nilingon. Nakayuko lang ako at
nakayukom ang kamao ko. Ayoko siyang magalit sa akin. Ayokong ayawan niya ako. Ayaw
kong magsawa siya sa akin. Para akong binugbog sa sinabi niya. Masakit.

"Dude, ang mga babae, sinusuyo yan. Kapag mahal ka niyang talaga, at sinsero ka sa
sinasabi mo sa kanya, mararamdaman niya yan at papatawarin ka nyan. Huwag kang
susuko, dude." Sa boses pa lang, alam kong si Toffer ito.

Nilingon ko siya at nakita kong kasama niya pala ang girlfriend niyang si Tiffany.
"Alex, gusto mo kausapin ko siya para sayo? I'll clear things up."

I sighed and brushed my fingers on my hair. "Tiffany, can you? Hindi kasi ako
magaling sa pag-eexplika eh."

She smiled, "Of course."

"Thanks..."

Pagdating namin ni Toffer sa classroom ay umupo ako sa tabi niya. Hindi muna ako
umupo sa tabi ni Fatima kasi medyo tensionado pa siya eh. Dahil hindi pa dumadating
ang teacher namin at may 20 minutes pa kaming free time ay nag-nap muna ako. Puyat
ako! Bukod sa may underground fight kami kagabi eh hindi pa ako nakatulog dahil sa
kakaisip kay Fatima.

"Alexander," bulong sa akin ni Toffer.

Nakapikit na ako. "Oh?"

"Inexcuse na ni Tiffany ko si Fatima mo. Mag-uusap na sila sa labas."

Pagkasabi niya nun ay inangat ko ang ulo ko at tumingin sa upuan ni Fatima. Wala na
siya dun. She must be outside with Tiffany. I hope we can settle things up.

***
"Class, go to the Multimedia room. In 5 minutes, the film review will start. Foods
and beverages are allowed but no littering inside, okay?"

3 subjects na ang nakalipas pero hindi pa rin ako kinakausap ni Fatima. Tahimik
lang siya sa upuan niya. Lumipat na ako sa tabi niya pero kung ituring niya ako ay
parang hangin lang, hindi nag-eexist.

Nauna na siyang lumabas ng classroom. Kami naman ng X10 ay nagpahuli. Nang


makalabas na kami ay inakbayan ako ni Toffer at bumulong siya. "Katext ko si
Tiffany. Sabi niya, hindi naman galit sa kanya si Fatima."

I sighed, "Eh bakit sa akin galit pa?"

Nagkibit balikat lang siya. "Baka meron siya?"

"What?"

He grinned and whispered to me again, "Baka may buwanang-dalaw. Intindihin mo


nalang."

Tinulak ko siya. "Sira-ulo!"

Patawa-tawang nilagpasan ako ni Toffer ng lakad. "Bilisan mo, Alex. Baka maunahan
ka ng kung sino. Baka iba na ang katabi ni Fatima sa Multi-media room. Mauna na ako
sayo! Nandun na si Tiffany ko!"

Pagkatakbo ni Toffer ay tumakbo na rin ako. Ang X9, mga nakangising aso. Paano
kasi, malamig dito sa loob ng multi-media room at madilim pa. Tiyak, kanya-kanyang
chansing na ang mga yan sa mga babae nila.

Medyo marami ng students sa loob. Pinagsama kasi ang mga PM sections ng junior and
senior students for the film viewing. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Fatima. At
nakita ko siya sa second to the last row on the center. Lumapit agad ako sa kanya
at buti nalang ay bakante pa ang kaliwa niya.

"Fatima..."

Sakto naman na namatay ang lahat ng dim lights at nagsimula na ang historical film,
kaya naman focus ang mga mata niya sa screen.

"Fatima... Talk to me, please?" Ginagap ko ang kanang kamay niya. Lihim akong
napangiti nang humawak din siya pabalik.

With eyes focused on the screen, she said, "I forgive you... Sorry sa paghinala ko
sayo, Alex."

I sighed in relief. Nilagay ko sa pagitan ng mga daliri niya ang mga daliri ko at
inilapit ito sa mukha ko. I kissed her hand. "Let's forget about it, Fatima. Huwag
mo na ulit ako paghihinalaan. Ayoko na rin maulit ang nangyari. Napaiyak kasi kita
eh."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "From now on, I'll trust you."

"I trust you, too. Do you still hate me?"

She shook her head. "I lied. Nothing's changed. I still love you, SIR."

Bigla naman siyang nagpout at umiwas ng tingin. Para bang may naalala siya na hindi
maganda. "... About the kiss, Alex?"
"About that, hindi naman talaga kami nagkiss. Akala ko ba-------"

Natulala ako.

Para bang huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng puso ko.

I hung up by a moment.

"There..." Umiwas siya ng tingin after she pressed her lips onto mine. Yes, she
kissed me on my lips HERE INSIDE THE MULTI-MEDIA ROOM FOR THE FIRST TIME OF BEING A
COUPLE FOR 7 MONTHS.

She focused her eyes back on the screen with a playful smile on her lips.

"I didn't mind seeing you kiss another girl. Naparanoid lang ako at medyo nadismaya
na hindi ako ang first kiss mo. Pero masaya ako na hindi pala kayo nagkiss. At bago
pa ako maunahan ng ibang babae sa halik mo---" She faced me. "--- Kinuha ko na ang
first kiss mo. Don't worry, vice vera yun. That was my first kiss, too."

Speechless. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. She was smiling shyly at me.

"Err... Mukha ba akong ano? Err..." She asked hesitantly. She seemed couldn't find
the words to use. "--- Malandi ba ang dating ko, Alex?"

I chuckled while shaking my head in amusement. Para ako ang babae dito ah! Kung may
nakakarinig man sa usapan namin, malamang tatawanan kami. Buti nalang ay
nagbubulungan lang kami.

"Okay lang. Pero dapat, sa akin ka lang ganyan ha?" I grinned.

"Oo naman." She nodded smiling. "Tara, nuod na tayo? Gagawa pa tayo ng Movie Review
nyan, Alex, kaya dapat manuod na tayo."

But before focusing my sight on the screen, I cupped her cheeks to face me and then
I kissed her lightly on the lips.

"Kinuha mo ang first kiss ko, kinuha ko naman ang sayo. Quits na tayo, Ma'am?"

After watching the movie, we hurriedly got out of the Multi-media room. Sinamahan
ko si Fatima papuntang restroom. Syempre, sa labas ko siya hinintay habag kagat-
kagat ko pa ang labi ko. Ano nga bang date ngayon? February 22nd? So, February 22nd
ang first kiss namin ni Fatima. May ugali kasi ako na every significant events na
mangyayari sa buhay ko, isinusulat ko yun sa mini-notebook ko. Not totally a diary,
one-liner sentence lang naman ang pinopost ko dun eh.

"Ang tagal naman niya," sambit ko habang nakasandal sa pader. 10 minutes na yata
ang nakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas.

May nakita akong babaeng lumabas mula sa restroom. Matanong na nga! Baka kung ano
na nangyayari kay Fatima sa loob. "Miss, nakita mo ang girlfriend ko sa loob?" I
didn't bother telling her Fatima's name. Kilala naman ng buong campus kung sino ang
girlfriend ko.

"Ahh, opo. Nasa loob po siya. Ubo po ng ubo dun sa sink."

"Okay, thanks."

Ubo ng ubo? Ang tagal na ng ubo na yun pero 'di pa gumagaling. 2 weeks na yata yun
eh!

Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako sa loob ng female restroom para i-check
sa Fatima. Mukha namang walang tao kaya tumuloy na ako. At ayun nga, nakita ko
kaagad si Fatima habang umuubo dun sa sink. Yung tipong may laman na yung ubo niya.
Parang ang daming plema.

I patted her back, "Are you really alright?"

She gawked while facing me. "ANONG GINAGAWA MO DITO SA LOOB?"

"Ang tagal mo eh kaya pumasok na ako. Umiinom ka ba ng gamot mo?"

She nodded while pointng something on top of the tiled sink. May anti-biotic dun.
"Dapat kanina pang 2:30 ko ininom yang Ambroxol. Na-late ako ng 45 minutes.
Nakalimutan ko kasi dahil sa film review. At least, uminom ako."

"Nagpacheck up ka na ba?"

She shook her head no. "Ubo lang naman 'to eh." Umubo ulit siya kaya humarap siya
sa sink. Tuloy-tuloy lang ang pag-ubo niya pero maya-maya lang ay napatulala siya
doon. Pagkatingin ko, yung plema niya may halo ng dugo.

"Bakit----"

She cut me off, "Huwag mong alalahanin yan. Masyado kang paranoid. Ganito talaga
'pag umuubo." Hinaplos niya ang leeg niya. "Sabi ni Yaya Ana, 'pag yung plema raw
ay may dugo, ibig-sabihin nun nagasgasan lang ang lalamunan sa kakaubo. No big
deal." She smiled.

Kung sa bagay, may times din na nagkakaganyan ako.

"So, ayos ka na ba?"

"Oo," hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go, Alex. Baka ma-late tayo sa T.L.E."
Lumabas na kami ng restroom nang may makasalubong kaming grupo ng mga babae. They
threw us their suspicious look. Mukhang marurumi ang mga utak ng mga ito.

"Why the hell are you staring? Is this your first time seeing a guy came out of the
restroom? If yes, you six are ignorant."

"Alex, tara na nga~" Hinila na ako ni Fatima palayo. Badtrip yun ah! "'Di mo na
sana sila pinansin." Umubo ulit siya kaya tinap ko ang likod niya.

"Pag di pa nawala yang ubo mo this week, magpacheck up ka na." I said, ignoring
what she has said.

Tumango siya. "Anyway, finals na pala next week, Alex! Pag-igihan natin ang
pagrereview ha? Gusto ko, mataas ang grades mo."

I laughed a little, still walking hand by hand on the hall. "Bakit ba pinoproblema
mo pa ang grades ko?"

"Eh kasi malay mo, may naiinspire pala sayo sa paligid mo tuwing gumagawa ka ng
mabuti. Who knows?"

I smiled to her and messed her hair. "Ikaw lang yun eh! Paligid-paligid ka pang
nalalaman dyan," inakbayan ko siya. "Ikaw talaga ang angel ng demonyong tulad ko."
She nudged me. "Uy, huwag kang magsalita ng ganyan. You're not a demon!"

"Yeah right... Osya, tara na. I promise, mag-aaral akong mabuti para mainspire ka."

-19-

***19***

Mabilis lumipas ang araw. March na naman, at ngayon ang Recognition Day ng
Highschool ng E.H.A. Nandito kami ngayon sa Campus Auditorium. Kahit hindi ako
honor student ay nagpunta pa rin ako para suportahan si Fatima. She's the TOP 2 of
our section. Ang TOP 1 naman namin ay si Arthur, ang gangmate kong mataba ang utak.
Kahit anong gawing aral ni Fatima, lagi nalang siyang nalalamangan ng genius na
yun. Palibhasa, may photographic memory yung loko na yun. Kung baga, isang basahan
lang niya sa isang libro, kabisado na agad niya. Ganun yun katalino.

Ang bilis talaga ng usad ng araw kapag March na. Siguro kasi dahil na rin sa mga
exams, projects, activities, clearance and such. Masyado kaming naoccupied dahilan
na rin para hindi namin namalayan na ngayon na ang huling araw namin bilang junior
student.

"Alex, hindi na yata sila dadating eh..." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni
Fatima para na rin mabawasan ang kaba niya. Kanina pa kasi yan ganyan eh. Inaalala
ang hindi pagdating ng parents niya from Europe.

"Ano bang sabi nila sayo?"

Umayos siya ng upo at saglit na tumingin sa stage. She held back my hand.
"Susubukan daw nilang dumating on time."

"Darating yun. Malay mo, natraffic lang diba?" I smiled warmly at her.

2nd year highschool students na ang kasalukuyang inaaward-an. Ilang sections pa ay


sila Fatima na ang sasalang. Sobra niyang inaalala ang parents niya. Lagi niya sa
akin sinasabi na miss niya na ang mga ito. 2 months na kasi raw sila hindi umuuwi
sa bahay nila dahil busy sa business nila in Europe.

"Alex, kami na... Pa'no na yan?" Medyo nagpapanic na si Fatima.

"Kung hindi man sila dumating, nandyan naman ang Yaya Ana mo para sabitan ka diba?"
Tapos nagkibit-balikat ako. "Nandito rin naman ako. Ako nalang ang magsasabit
sayo?" I grinned.

Nagpout naman siya at sumandal sa backrest ng inuupuan niya. "Nakakahiya eh..."

I frowned. Hanggang ngayon mahiyain pa rin siya? "Kinakahiya mo pa rin ako?"

She shot me the look. "Hindi ah~ Sige na nga... Ikaw na ang magsasabit ng medal sa
akin..."

Napatawa ako ng mahina. Minsan, inaalala ko rin ang ugali niyang yan eh. Madali
kasi siyang maniwala sa sinasabi ng tao. Madaling maloko kumbaga.
Fortunately, nakahabol naman ang parents ni Fatima. Akala ko, ako na ang magsasabit
sa kanya ng medal eh. Pfft! Buti nalang ay dumating sila. Medyo nakakahiya nga na
ako ang magsabit ng medal sa kanya kasi lahat sila ay parents nila ang tumatanggap
ng medal. Tapos kay Fatima, eh ako? Medyo nakakahiya nga.

"Second Honorable, Miss Fatima Grace Eugenio...."

Syempre, pinalakpakan ko ang girlfriend ko habang pinapanuod siyang pumanhik sa


stage kasama ang Daddy niya. Bale ngayon, ang katabi ko na ay si Tita Janice.
Nakangiti lang ako habang pinapanuod kong isinusuot ng Daddy niya sa kanya ang
medal niya. I'm very proud that I have a smart girlfriend despite of me being a
rebel.

"Buti nakaabot kami," tinignan ko si Tita Janice nang marinig ko siyang nagsalita.
"Natraffic kasi kami, tapos nagkaproblema pa sa baggage namin sa airport."

I nodded, "Ahhh... Nag-aalala nga po si Fatima kasi wala raw magsasabit ng medal
niya sa kanya. Congratulations nga pala po. Matalino ang anak ninyo."

She eyed me with a proud smile on her face. "Thank you, Alex." Tapos tumingin na
naman siya sa harapan. "Namayat si Fatima ah..."

Napansin ko rin ang pamamayat ni Fatima. Dati naman, hindi ganun ang katawan niya.
Medyo maputla rin ang kutis niya ngayon. Siguro kasi dahil sa pagpupuyat. Masyado
kasi siyang seryoso sa pagrereview ng kung ano-ano pati na rin sa paggawa ng
projects niya eh. Minsan nga, nag-aalala na rin ako sa ubo niya. Iniinom naman niya
ang gamot niya pero magdadalawang buwan nang hindi iyon gumagaling.

Nang makabalik na sa pwesto namin sila Fatima ay nagyaya na rin siyang umalis na.
Nagugutom na raw kasi siya, at hindi naman na importanteng tapusin pa namin ang
program. Kanina pa nga ako naiinip dun eh.

"Alex, join us in dinner. For celebration lang," sabi sa akin ni Tito Larry habang
naglalakad kami palapit sa kotse nila.

Ngumiti lang ako at tinignan saglit si Fatima. "Sure, Tito."

"Good. Anyway, saan ka sasabay Fatima? Sa amin o sa driver?"

Hinawakan niya ang kaliwang braso ko. "Sabay na po kami sa driver, Pa---" naputol
ang sinasabi niya dahil sa pag-ubo niya.

"Grabe ang ubo mo, anak ah." Huminto kami sa paglalakad kasi sobra na yung ubo ni
Fatima. Parang pati yung baga niya ay sobrang apektado rin sa ubo niya. "Umiinom ka
ba ng gamot mo?"

Tumango lang siya habang patuloy pa rin sa pag-ubo.

"Nagpapatuyo ka na naman siguro ng pawis sa likod, Fatima ano? Alam mo namang


hikain kang bata ka. Tsk! Tara na nga..." Tita Janice assisted Fatima towards their
SUV. Sinenyasan naman ako ni Tito Larry.

"Tara Alex, sa amin ka na rin sumabay..."

***

Althroughout the trip, Fatima just coughed her lungs out. Inaabutan ko na nga siya
ng mineral water para kahit papaano ay maibsan yung ubo niya pero wala pa rin. Sa
buong byahe rin ay pinapagalitan siya ng Mama niya, na kesyo nagpapatuyo na naman
daw ng pawis sa likod si Fatima kaya inuubo o 'di kaya'y inom ng inom ng malamig na
tubig.

Napabuntong-hininga nalang ako habang hinahagod ang likod ni Fatima. Totoo naman
kasi yung sinabi ng Mama niya. Mahilig siyang uminom ng ice cold water kahit inuubo
na siya. Ang palaging dahilan naman niya ay mainit kasi. Tsk! Hindi masaway.

Kahit nasa loob na kami ng isang expensive restaurant, sinesermunan pa rin ng Mama
niya si Fatima.

"You know that you have weak lungs, Fatima... Huwag namang matigas ang ulo, anak."
Her mom said irritatingly.

"Janice, mamaya mo na sa bahay sermunan ang anak natin. Let's eat already, okay?"

"Ack! Ack! E-excuse me po. Restroom lang po..." Bahagya siyang yumuko tapos tumayo
na rin at dumiretso na papunta sa kinaroroonan ng restroom. Sinundan ko lang siya
ng tingin. Tama nga ang parents niya. Bakit ang laki ng pinamayat ng girlfriend ko?
Halos bumagsak na ang balikat niya eh.

"Alex," nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita Janice.
"—Matagal na ba yang ubo ni Fatima? Wala kasi siyang nasasabi sa amin tungkol sa
ubo niya tuwing tumatawag kami sa kanya."

Tumango ako ng dahan-dahan. I've just realized how strange her cough is. Kapag
inuubo naman ako, usually wala pang one week, magaling na ako. Bakit kay Fatima
almost two months na hindi pa rin gumagaling?

"Nagsimula ho yung ubo niya before our Prom. Almost two months ago po," I replied.

Nagkatinginan naman silang mag-asawa. Yung tipong may pag-alala sa expressions


nila. Unang bumaling sa akin si Tito Larry. "Hindi niya ba nasabi sayo na hikain
siya?"

Umiling ako. Ngayon ko nga lang nalaman na hikain siya nung sinermunan siya ni Tita
Janice. "Ngayon ko lang po nalaman. Hindi ko pa naman po siya nakikitang inaatake
ng asthma."

Tinanong pa nila ako ng ilang bagay tungkol kay Fatima. Indefinite answers naman
ang sinasagot ko sa kanila dahil wala talaga akong alam kung bakit lumala ng ganyan
ang ubo ni Fatima. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin nakakabalik
sa table namin si Fatima. Hindi ko maiwasan na mag-alala kaya naman nagpaalam muna
ako kina Tito Larry na mag-CCR ako.

Sa labas ng restroom ko inabangan si Fatima. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam


ko kasi ay sumisikip ito. Kinakabahan ako. Sh*t, ano na bang nangyari sa kanya?

Biglang bumukas ang pinto ng female restroom kaya naman napatingin ako dun. Lumabas
ang isang middle aged woman na para bang natataranta.

"Can someone help us in here? May nagcollapse na babae sa loob!"

Without any second thought, pinasok ko na ang restroom ignoring what girls would
react inside. Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko na si Fatima na walang malay
at nakahiga sa sahig. May dalawang babaeng alalang-alala na tinatapik ang dalawa
niyang pisngi.

"Miss! Wake up!"


"Ang taas ng lagnat niya!"

"Excuse me!" Natatarantang lumuhod ako sa harapan niya at binuhat ang upper body
niya. Idinampi ko ang likuran ng palad ko sa maputlang pisngi niya. Sobrang taas ng
lagnat niya. "Sh*t! Tumawag kayo ng ambulansya!"

***

Sa ospital, wala akong ginawa kundi ang pagmasdan lang si Fatima habang wala siyang
malay. Umaga na, pero hindi pa rin ako umuuwi sa bahay namin. Gusto kong malaman
kung anong condition niya. Mamamatay ako sa pag-alala kung mananatiling wala akong
alam.

"Fatima, bakit hindi mo sinasabing may asthma ka?" I touched her palm gently
without disconnecting my sight on hers. "—Ang putla mo na. Yung lips mo, hindi na
reddish. Nagsisikreto ka pa rin ba sa akin?" Humugot ako ng malalim na hininga.
"Pagkagising na pagkagising mo, pupukulin kita ng maraming tanong."

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko nilingon kung sinuman ang pumasok.

"Alex," pero nung narecognize ko na ang Daddy ni Fatima ang tumawag sa akin ay
lumingon na ako. Tinanguan niya ako. "Tara, may sasabihin ako sayo."

Sumunod naman ako sa kanya. Hindi na kami lumayo. Nasa tapat pa rin kami ng ward ni
Fatima. Napatingin ako sa envelope na hawak niya. Ewan ko ba kung bakit pero
nakaramdam ako ng kaba.

"Kamusta raw po si Fatima?"

Bagsak ang balikat niya na inabot sa akin ang envelope. "X-ray result ni Fatima
yan. Buksan mo para malaman mo."

Nung una, nag-aalinlangan ako kung bubuksan ko ba yun pero sinenyasan na ako ni
Tito Larry na buksan na iyon kaya ginawa ko naman. Pinagmasdan ko ang X-ray result.
I tried to analyze what it is trying to show or illustrate pero wala akong
maintindihan. Tanging itim at puting kulay lang ang nakikita ko.

I eyed Tito Larry in confusion. "I'm sorry but I don't understand a thing, Tito."

Tinuro niya yung puting bahagi ng result. "These are her lungs. Yung kaliwang baga
niya, kung mapapansin mo, half of it ay may kulay puti. Yung kanan naman, halos
puti na lahat."

Napalunok ako. "Ano hong ibig sabihin nun?"

"Yun yung phlegm niya na hindi niya nailabas. Naipon na sa baga niya." Bumuntong-
hininga siya bago nagsalita muli. "—Binalikan na naman siya ng sakit niya.
Pneumonia."

Napalunok ako ng sunod-sunod. Naguguluhan ako. Binalikan ng sakit? Walang


nakukuwento tungkol dun si Fatima sa akin. Ang alam ko, she's perfectly fine.

"I didn't know that she had pneumonia."

He shook his head in disbelief. "Sa kanya mo nalang itanong yan, Alex. Huwag ka na
rin masyadong mag-alala. Sabi naman ng doctor niya, maaagapan pa ang sakit niya.
Buti nalang ay nalaman natin habang hindi pa masyadong napupuno ng plema ang baga
niya. Kailangan lang ng pahinga, continous na pag-inom ng gamot at fresh air.
Magiging okay na rin siya..." He smiled a little. "Salamat Alex sa pagbabantay sa
anak ko... Umuwi ka na muna sa inyo."

"Hihintayin ko nalang po siyang magising," mahinang sabi ko. Sobra akong nag-aalala
sa kanya kaya naman ayokong umalis sa tabi niya. Kahit ano pang sakit niya, malala
man o hindi, gusto kong bantayan siya.

"Baka nag-aalala na ang mga magulang mo, Alex. Kagabi ka pa nandito sa ospital.
Itetext nalang kita kapag nagising na siya."

"Pero Tito, gusto ko talaga siyang bantayan." I said almost pleading.

Wala ng nagawa si Tito Larry kundi ang payagan ako na bantayan si Fatima. Umuwi
muna sila saglit para raw makapagpahinga sila. May jetlag pa raw kasi sila. I told
them not to worry. Itetext ko nalang sila kapag nagising na ang anak nila.

"Hmmmm...."

Napabalikwas ako sa pagkakaupo sa sofa bed nang marinig ko ang pag-ungol ni Fatima.
Gumalaw siya ng bahagya at kitang-kita ko ang dahan-dahang pagmulat ng mata niya.

"... Fatima?" I called her out as I walked towards her. Tumingin naman siya sa akin
at halatang nabigla sa presence ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo???"

"Alex, bat nandito---" Naputol ang sinasabi niya at natatarantang inikot ang
paningin niya sa kwarto. "Halaaaaaaa~ Nasaan ako? Nasaan tayo?"

Napangiti ako ng bahagya. Mukhang okay na siya. Energetic na kasi ang boses niya
eh. "Nasa ospital tayo... Nawalan ka ng malay dun sa restroom sa resto kagabi."
Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Kamusta ang girlfriend ko? May masakit ba sayo?"

Imbes na sagutin niya ako, pilit niyang inaalis ang swero sa pulso niya. Pinigilan
ko naman siya. What the hell is wrong with her?

"ALEEEX! AYOKO DITO~! UMUWI NA TAYO!!!"

"Fatima, ano ba? May sakit ka kaya nandito ka... Gusto mo bang lumala ang sakit mo?
Ako kasi, ayoko eh..." I pulled her to give her a tight embrace. "Gusto kitang
pagalitan. Gusto kong mainis sayo, pero pinipigilan ko. Kaya kung pwede lang,
magpagaling ka nalang ha? Huwag ng matigas ang ulo mo..."

Nabigla ako nang yakapin niya ako pabalik. Isang mahigpit na yakap. Nakasubsob ang
mukha niya sa dibdib ko. Bawat hikbi niya para bang sumisikip ang dibdib ko.

"H..Hindi mo k..kasi alam, Alex eh! Ayoko d..dito... Uuwi nalang ako sa a..amin!"

"Bakit ba ayaw mo dito?" Humiwalay ako sa yakap at sinapo ang pisngi niya. I looked
straight in her eyes. "Akala ko ba gusto mong maging nurse? Eh bat ayaw mo dito sa
ospital?" Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko. "Huwag ka na ngang
umiyak... Alam mo namang ayaw kitang nakikitang umiiyak diba?"

Nagpout naman siya at tila ba hirap na hirap kontrolin ang paghikbi niya.
"A...Alex, tawagan mo sila Mama... Gusto ko s...silang makausap..." Napatutop siya
sa bibig niya. Inuubo na naman siya.

I sighed deeply and kissed her on the forehead. "Magpagaling ka, Fatima Grace. Kung
pwede lang, ilipat mo nalang sa akin yang ubo mo, ipinalipat ko na eh. Mas
gugustuhin ko pang ako ang mahirapan kesa ikaw."
***

Pinaalam ko kaagad kina Tita Janice at Tito Larry na nagising na si Fatima. Agad
naman silang bumalik ng ospital... Si Tito Larry, kanina pa hinahaplos ang likuran
ni Fatima. Si Tita Janice naman, kanina pa parit-parito sa paglalakad habang
pinapagalitan si Fatima. Wala naman akong magawa kundi panuorin lang sila habang
nakaupo ako sa sofa bed.

"WHAAAT?! Sumali ka pa sa cotillion?!" Pumameywang pa si Tita Janice habang mataman


na nakatingin kay Fatima. "Fatima Grace! What's wrong with you? Napag-usapan naman
natin ang tungkol sa bagay na yan diba? You, your Dad and I had agreed na hindi ka
sasali sa mga ganyang activities."

Napayuko si Fatima. "Sorry po, Mama... Nalaman ko kasi na mababa po ang E.C.A
grades ko eh kaya naisipan kong sumali..."

"Bakit? Hindi ka ba nagkakagrade dun sa pagsasali mo sa clubs at sa quiz bee


competitions?" She sighed exasperatingly while massaging her nose bridge. "I can't
believe this, Fatima Grace! Mas inuuna mo pa yang grades mo kesa sa health mo!
Cotillion? Syempre, mapapagod ka dyan! Papawisan... and worst, matutuyuan ka pa ng
pawis..."

"Mama, sorry po..."

"Sorry? You don't need to apologize, Fatima. Dapat iniisip mo ang kalusugan mo...
Hindi mo sila katulad, anak." Medyo kumalma na ang Mama niya at umupo na sa edge ng
kama. "Alam mo naman na hindi ka pang physical activities diba? Napagkasunduan na
natin ito bago ka namin pinayagan na pumasok sa E.H.A diba? No activities..."

Fatima hugged her mom while bursting in tears. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil
ayoko talagang nakikita ang mga luha niya. Sh*t, ano ba 'to. Nahihirapan ako.

"Mama, I swear... Hindi na ako magpapagod. Hindi na rin po ako magpapatuyo ng pawis
sa likod. Hindi na rin po ako maliligo kapag pawis na pawis ako at most
importantly, I won't drink cold water anymore..." She pulled away from the hug and
wiped her own tears. "I promise I won't be pasaway again."

Napangiti nalang ako sa inakto niya, ganun din ang parents niya. She is darn
cute...

"Just do it, Fatima... Ang baga mo, alagaan mo..." Her dad told her with a small
smile on his face.

She nodded energetically. "Aye aye, Dad!"

"Good then, tomorrow, we're heading to Tagaytay. You need to breathe fresh air..."

***

2 weeks... Dalawang linggo na makalipas simula nang i-admit si Fatima sa ospital. 2


weeks na rin kaming hindi nagkikita dahil umuwi sila ng family niya sa probinsya
nila, sa Tagaytay.

Umahon ako mula sa swimming pool at nagsuot ng bathrobe. Sinilip ko ang phone ko,
napangiti ako nang may text message akong nareceive from my girlfriend.

--

FROM: Fatima_girlfriend
Alex, hindi kita namimiss :(

--

Napailing nalang ako habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Takte, hindi ko
yata kaya na patext-text at patawag-tawag lang kami ni Fatima sa buong summer
vacation. Nasanay na akong kasama siya sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh.
Mamamatay yata ako sa sobrang pagkamiss sa girlfriend ko.

Nagtype ako ng reply ko sa kanya.

--

Ako rin, hindi rin kita namimiss... Miss na miss na miss na miss na kasi kita...
Punta na kaya ako dyan?

--

Wala pang dalawang minuto, nagreply na agad siya. Umupo muna ako sa seat paharap sa
pool namin saka ko binasa ang message niya.

--

FROM: Fatima_girlfriend

Cge cge! Pero paalam ka muna kay Tito Ernest...

--

"Kahit hindi ako payagan, pupuntahan pa rin kita dyan..." I murmured as I typed it
on my phone. Tumayo na ako at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Sakto naman na
nadatnan kong pababa sa staircase si Dad together with Mom.

"Dad, mom, morning..." I greeted as I approached them. "Dad, pwede bang magbakasyon
ako sa vacation house nila Fatima sa Tagaytay? I don't take no as an answer...
Namimiss ko na siya. Sobra. Payagan mo na ako."

Natawa siya ng mahina. "Fetch first your sister at the airport. She'll be arriving
this afternoon. Afterwards, pwede mo nang puntahan ang girlfriend mo." He tapped my
shoulder lightly. "Book a hotel reservation, Alexander. Nakakahiya kung dun ka mag-
i-stay sa bahay nila."

I smiled widely. "Thanks, Dad!"

-20-

***20***

Nagpahatid ako sa driver ko sa Tagaytay matapos kong sunduin si Ate Alexa sa


airport. Pinipilit pa nga ako ni Ate na bukas ko nalang daw puntahan si Fatima sa
probinsya nila kasi gusto niya raw ako makakwentuhan kaso wala eh, gusto ko na
talagang makita si Fatima.

"Sir Alex, eto na yata ang bahay nila Ma'am Fatima. Ito yung nakalagay na address
eh," sabi ng driver ko. Ibinaba ko nang bahagya ang rayban shades ko sabay silip sa
harapan.

"Sigurado ho ba kayo?"

"Oo, sir. Gusto mo bang ako nalang ang magtanong kung dyan nakatira ang girlfriend
mo?"

Umiling lang ako at ibinalik na ang shades sa ayos. Lumabas na ako kotse at
pinindot ang buzzer sa green na gate ng bahay. Kitang-kita mula sa labas ang 3
storey house. Hindi naman kasi kataasan ang wall at ang gate kaya kitang-kita iyon
mula dito.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si Yaya Ana na lumabas ng bahay. She welcomed me
with a warm smile while opening the gate. Ayos, ito nga ang vacation house nila
Fatima.

"Alex, mabuti nakarating ka? Tara, pasok." She opened the gate widely. "May kasama
ka ba? Isama mo na dito."

"Ah oho, yung driver ko."

Nagpumilit pa si Yaya Ana na papasukin ang driver ko pero sinabi ko na next time
nalang kasi hahanap pa si Kuya Jun ng hotel na pwede kong pag-i-stay-an habang
nandito ako. Sabi kasi ni Dad, habang nandito ako sa Tagaytay, eh sasamahan daw ako
ni Kuya Jun... Ang driver ko. Ayaw pa kasi niya akong pag-drive-in ng mag-isa
although my student's driver license na ako.

"Tara, pasok..." Anyaya niya sa akin. Pagkapasok namin ng bahay, bumungad agad sa
amin ang living room. Typical living room lang siya pero hindi nakaligtas sa akin
ang mga paintings na nakasabit sa pader. Hindi ko alam kung anong naghila sa akin
pero lumapit na ako dun sa pader at isa-isang pinagmasdan ang mga iyon. Napangiti
pa ako nang mapansin kong may signature ni Fatima sa bawat canvass nito.

Hindi ako artistic na tao. Ni minsan, hindi ko naappreciate ang mga abstract
paintings pero hindi ko alam kung bakit parang may mensaheng ipinapahiwatig ang mga
paintings na ito.

She really has great hands.

"Si Fatima ang nag-paint nyan. Tuwing bakasyon, yan ang pinagkakaabalahan niya,"
nilingon ko si Yaya Ana. She was smiling brightly at me. "Napakatalented talaga ng
alaga ko. Biro mo, nakabenta na siya ng dalawang paintings noong nasa 6th grade pa
lang siya?"

"Wow, gifted child siya." I said to her as I roamed my eyes around. "Nasaan po
siya?"

"Ahh, tara. Nasa garden siya---- Teka, naaamoy mo ba yun?" Suminghot-singhot siya
kaya naman gumaya na rin ako. Bakit amoy sunog? "Ay, santisima! Yung niluluto ko~
Alex, pumunta ka nalang sa likod. Wag kang mag-alala. Walang aso dun!" Sabay takbo
niya sa kitchen (sa palagay ko).

Dahil nga hindi na ako masasamahan ni Yaya Ana sa garden ay pumunta nalang ako dun
mag-isa. Hindi naman kalakihan ang perimeter ng looban nila kaya hindi ako
maliligaw. Pagkarating ko dun, nakita ko kaagad ang mga roses at orchids at iba't-
iba pang halaman... At syempre siya. I saw her watering the plants.

Lumapit ako sa kanya nang nakangiti. Nakatalikod siya banda sa akin kaya naman
tinakpan ko gamit ang dalawa kong palad ang mga mata niya mula sa likuran.

She flinched a little, "Sino ka?" Hinawakan niya pa ang dalawa kong kamay.

"It's me." I smiled.

"Alex?" Tinanggal niya ang pagkakatakip ng palad ko sa mga mata niya sabay harap sa
akin. She gradually smiled widely and in just a second, she hugged me tightly.
"Aleeeex~ 2 weeks! 2 weeks tayong hindi nagkita. Namiss kita ng sobra~!"

Yumakap na rin ako pabalik, syempre. Sa tangkad ko, hanggang dibdib ko lang siya.
Para akong may yakap na bata. Pfft! "Sabi mo sa text, hindi mo ako namiss."

"Joke lang yun~~ Thank you. Dinalaw mo ako dito." She pulled away from the hug and
smiled brightly at me. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Hindi ko yata kayang hindi kita makita ng ilan pang Linggo."

Nakita kong nag-pink lalo ang mga pisngi niya kaya pinisil ko yun. Pinisil din
naman niya ang baba ko. "Alex, nagmiryenda ka na?"

I shook my head. "Hindi pa, pero hindi ako gutom."

"Pero pagod ka na?"

"Hindi rin. Bakit?"

She smiled as she tagged her left arm to mine. "Samahan mo ako sa favorite place
ko~ Picnic tayo..."

***

"Saan mo naman nahiram itong bike?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaniobra ako ng
bike. Nakaupo siya sa harapan ko. Siya kasi ang GPS kuno ko. Taga-turo ng direksyon
kung saan kami pupunta.

She giggled, "Sa pamangkin ni Yaya Ana. Bawal nga kasi akong magbisikleta kaya wala
akong ganito diba?"

Napaisip ako. She kept secrets from me. Wala akong kaide-ideya na nagkaroon siya ng
pneumonina nung bata pa siya.

"Fatima, may ipapaliwanag ka sa akin." Medyo nawala sa pwesto sa likuran ko ang


gitara. Nakasabit kasi ang strap nito sa balikat ko paikot sa likuran ko. Pinadala
ito ni Fatima sa akin pati na rin ang picnic basket sa harapang banda ng bike.
Picnic na picnic ang dating namin nito.

"Ano naman?" May tinuro siya sa harapan. Isa itong bakanteng lote. Not really
vacant though. May mga halaman akong nakikita sa loob. "Dun tayo, Alex."

Inihinto ko naman dun at ipinwesto ang bike sa gilid ng kalsada. Pinagmasdan ko ang
lote. Ito ang favorite place niya? Para namang walang ka-epesyal-espesyal sa lugar
na ito.

"Tara, Alex..." Nakita kong inangat niya ang harang na barbwire na nagsisilbing
courtyard ng lote saka siya lumusot dun. Pagkatapos nun, kumaway siya sa akin na
para bang walang nangyari. What the heck did she do?

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Fatima, trespassing yan!"

She giggled, "Kilala ko ang caretaker dito. Don't worry!"

"Mamaya mabaril tayo dyan ah!"

Napatawa na siya ng malakas. Nakita ko ulit tuloy ang sparkle ng mga mata niya.
From frown, my face formed a calm expression.

"Hindi noh~ Walang baril yun. Lusot ka na, Alex~ Baka makalimutan mo yung picnic
basket natin ah?"

Nagtalo pa kami ni Fatima kung lulusot ba ako o hindi pero in the end, siya naman
ang nanalo. Sa laki kong ito, napalusot niya ako sa barbwire na yun. Yun nga lang,
sumabit ang damit ko. Napunit tuloy ng maliit sa bandang sleeve.

"Hala, sorry~ Napunit."

"Okay lang. Marami akong baong damit." Pinagmasdan ko ang paligid. Para itong
naabandonang garden. Yung tipong natuyo na ang mga halaman. Tsk tsk~ "Ano bang
meron dito?"

She hugged my arm, "Dun tayo sa favorite place ko~"

Natuklasan ko na malaki pala ang bakanteng lote na ito. Nakailang bakod pa kaming
dinaanan hanggang sa mapadpad kami sa isang puno ng Acacia. Hindi katulad sa
bandang harapan ng lote na ito na puro lantang halaman, dito naman ay puro
namumulaklak na halaman ang nakikita ko. Berdeng-berde ang maiikling damo at
idagdag na rin ang cliff. Kitang-kita mula rito ang Taal Volcano. What a wonderful
scenery it is.

"W-wow..." Yun lang ang nasabi ko habang nakatanaw sa Taal Lake.

"Breath taking diba?" I heard her girly giggle again, kaya tinignan ko siya. Kung
isa akong photographer, masasabi kong magandang subject ang mukha ni Fatima pati na
rin ang kulay kahel na background ng paligid dahil sa paglubog ng araw.

"Maganda talaga..." I said with a smile. Tumingin naman siya sa akin na parang
clueless. I laughed a bit and placed my arm across her shoulders. "Anyway, paano mo
naman natuklasan ang lugar na ito?"

"Nung bata pa ako, lagi akong inililibot ni Yaya Ana sa lugar na ito... Kaya naman,
tumatak na sa isip at puso ko ito..." Humiwalay siya sa akin at may kinuha mula sa
loob ng picnic basket. Yung blanket pala. Inilatag niya ito sa damuhan at umupo
siya roon. "Tara, dito Alex."

Sumunod naman ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at inalapag sa tabi ko ang
gitara niya. Magsasalita sana ako kaso naunahan niya na ako.

"Favorite ko itong lugar na ito kasi ang peaceful dito... Bukod sa nakakalanghap
ako ng fresh air na kailangan ko, busog na busog pa ang mga mata ko sa scenery.
Sabi ko nga sa caretaker nito, bigyan niya ako ng 20 years. Ako nalang ang bibili
ng lote na ito. For sale kasi ito eh~"

"I agree... Maganda nga. Akala ko, walang espesyal sa lugar na ito pero mali pala
ako. Masarap siguro kung nandito sa site na ito ang bahay mo."
"Yeah, yan din ang naisip ko. Sabi ko nga sa sarili ko, pag-iipunan ko itong lupa
na ito. Gusto ko, dito ako magtatayo ng bahay. Dito ako magkakapamilya. Dito ako
tatanda. Dito ako mamamatay. Pakiramdam ko kasi tuwing nandito ako, nakakalimutan
ko ang magulong mundo." She sighed and rested her head to my shoulder. "Sorry Alex
kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa sakit ko."

I managed to tap her head for comfort. Nag-iba kasi ang tono ng pananalita niya. It
became so sad yet serene.

"I thought hindi ko na kailangan pang sabihin sayo yun dahil nakaraan na yun at
nakarecover na ako sa pneumonia matagal na. 7 years ako nung nagka-pneumonia ako.
As being a child, I didn't know what kind of pneumonia I had in my system." She
eyed me with her teary eyes, "Alam mo ba kung bakit ayaw kong magcelebrate ng
birthday ko?"

Hindi ako sumagot. Sapat na yung pagtitig ko sa mga mata niya bilang kasagutan.

"Kasi nung 7 years old pa lang ako, naoverheard ko na kausap nila Mama ang doctor.
Narinig ko na hindi na raw ako aabot ng 8 years old dahil sa sakit ko." Tuloy-tuloy
na tumulo ang mga luha niya kaya pinunasan ko yun gamit ang palad ko. "2 months
before my birthday, narinig ko yun... Dahil bata pa ako, sabi ko sa sarili ko, ayaw
kong magbirthday. Ayaw kong mag-8 years old kasi ayoko pang mamatay. Ayoko pang
iwanan sina Mama at Papa." She said between her sobs.

I cupped her cheeks and stared at her eyes. "Pero nandito ka ngayon sa tabi ko.
Ilang taon ka na ba? Diba magse-seventeen ka na?"

Ngumiti siya. "Nalagpasan ko ang pagiging 8 years old... I have survived."

"Iyon naman pala eh," I stoke her hair strands and planted kissed on her eyes. "Ma-
susurvive mo rin yang pesteng pneumonia mo ngayon diba?"

Napanguso siya. "Bibig mo naman, Alex~"

I chuckled. "Promise me, gagawin mo ang lahat para maalis ang phlegm dyan sa lungs
mo, ayt?"

She smiled, "I don't want to promise you that... Gagawin ko nalang. Sina Mama,
Papa, Yaya Ana at syempre ikaw na ang rason ko para magpagaling. Bibilhin ko pa ang
lote na ito eh~"

"Right... Magka-college pa tayo tapos magtatrabaho. Ako nalang ang bibili ng lote
na ito para sayo." I assured her.

Pinangatawanan nga namin ang picnic namin. Hindi ko alam na may binake palang
cookies and cupcakes si Fatima kaya naman pala nagyayang magpicnic dito. She also
brought lemon tea especially made by herself.

"Hindi ka lang magaling mag-paint, magaling ka pang mag-bake. Ano pa bang talent ng
girlfriend ko?"

She smiled as she drank on her lemon tea. "Puro naman hindi pang-physical
activities ang talent ko~" Kinuha niya mula sa tabi ko ang gitara niya... There are
lots of doodles on it. Kumbaga, customize na customize. Napangiti pa ako nang
makita ko ang pangalan ko dun.

The best boyfriend of mine--- Alex

"Wow, nandyan ang pangalan ko ah."


She started strumming random strings of it. "Ganun talaga, Alex... Gusto mo bang
kantahan kita? Nasa mood ako ngayon eh. Hihihi~"

"Yes, of course," I murmured as I took my phone out of my pocket. "Vivideo-han kita


ha? Para may mapanuod ako pag badtrip ako. Stress-reliever..."

She blushed, "Nakakahiya pero sige."

Tinapat ko na sa kanya ang video set-up ng phone ko. She tuned out her guitar first
before playing it. Hindi ako pamilyar sa tinutugtog niya pero tingin ko ay
malungkot na kanta ito. Introduction pa lang kaya nagsalita muna siya.

"This song is for you, Alex... One of my favorite songs ko ito..."

Yumuko siya habang nakatitig sa bawat pisi ng gitara niya.

?? Every now and then

We find a special friend

Who never lets us down

Who understands it up

Reaches out each time you fall

You're the bestfriend that I found ??

She glanced at me for some seconds. Iba talaga 'pag boses ni Fatima ang naririnig
ko. Ramdam na ramdam ko ang kantang kinakanta niya. She sings with her heart.

?? I know you can stay

A part of you will never ever go away

Your heart will stay ??

Kahit na kinukuhanan ko siya ng video. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.


Imbes na sa cellphone's screen ko ako nakatingin, sa mukha niya ako nakafocus. No
doubt why I've fallen with this girl. Ang swerte ko kasi tinanggap niya ang
pagkatao ko. Siya ang dahilan kung bakit nagtino ako. Para sa akin, isa siyang
anghel. Simula nang dumating siya sa buhay ko, lahat ng mali, naging tama.

?? I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life will just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way ??


?? I don't need eyes to see

The love you bring to me

No matter where I go

And I know that you'll be there

Forevermore a part of me in every way

I'll always care ??

Nadadala ako sa kanta niya. This is obviously a sad song for friends yet for me
it's a song that shows the bond of friendship. Sa buhay ko, hindi lang isang
girlfriend si Fatima. She is also my bestest friend I ever had in my life. Kahit
pala rebelde ako noon, binigyan pa rin ako ng Maykapal ng isang biyaya sa katauhan
ni Fatima.

?? I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life will just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way ??

She closed her eyes for a moment while still strumming the guitar. Napatingin ako
sa mga maliliit niyang kamay. There I noticed, her pale skin. Hindi pa rin siguro
siya nakakarecover ng maayos.

?? And I'll be right behind your shoulders watching you

I'll be standing by your side in all you do

And I will never leave as long as you believe

You just believe ??

She moved her head against the rhythm and I find her cute when she does that. This
time, tumingin na siya sa camera ko. Her eyes were fixed to it. Then bright smile
formed her lips.

?? I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life will just be kind

To such a gentle mind


If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way ??

Natapos na ang kanta nang walang umiimik. All I can hear are the chirping birds.
She snapped her fingers before my face and giggled to break the silence.

"Natulala na si Alex. Ayaw pa i-stop ang video... Hihihi!" She cleared her throat.
Itinapat niya pa ang mukha niya sa phone ko. "I love you, Aleeeeeex~" Then she
kisses the lens of it. Inagaw niya sa akin ang phone at mukhang ini-stop na niya.

I just laughed on what she did. Ginulo ko ang buhok niya. What an adorable
girlfriend I got!

"Ganda ng boses mo, Fatima." Then, I whispered to her left ear. "I love you, too."

***

We arrived back at their vacation house at exactly 6:30PM. Ngiting-ngiti si Yaya


Ana nang salubungin kami sa gate. She teased us that we had our date daw... Na miss
daw namin ang isa't-isa. That's true, pero sana huwag nang asarin diba?

Sa ngayon, nasa tapat kami ng hapag-kainan. We're obviously having our dinner.
Nakakapagtaka. Bakit tatlo lang kami? Where are her parents anyway?

"Oh, kumain kayo ng kumain ha?" Pinagserve kami ni Yaya Ana ng adobo with
pineapple. Ito naman si Fatima, nilalagyan pa ako ng kanin sa plato ko. Pinigilan
ko nga.

"Kaya ko na ito." Inagaw ko sa kanya ang bowl ng kanin. "Ako dapat ang nagseserve
sayo, Ma'am."

"Ako dapat~ Bisita ka eh~"

"Nah, babae ka. Ikaw dapat ang sineserve-an."

She pouted, "Hindi~"

"Stubborn, Fatima." I said sternly to her.

Napatigil nalang kami nang marinig kong tumawa si Yaya Ana. "Tama na yan mga
bagets. Ako nalang ang magseserve sa plato niyo para wala ng away."

Gaya nga ng sinabi niya ay pinagserve niya kami. We didn't eat in silence though.
Paano naman kasi. Madaldal ang Yaya ni Fatima. Kung ano-anong kinukwento.

Sumingit na ako. "Kayo lang ho bang dalawa ang nandito sa bahay?"

Yaya Ana shook her head no, "Lumuwas saglit si Janice para ibili ng gamot si
Fatima. Naubusan na kasi eh. Si Larry naman, bumalik saglit sa Europe para
asikasuhin ang naiwang trabaho nila dun."

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay tinulungan pa namin si Yaya Ana na magligpit


ng pinagkainan. At first, she refused pero dahil sa makulit si Fatima eh napapayag
na namin siya.
"Alam mo bang nababagot ako dito, Alex?" Sabi ni Fatima habang nagpupunas siya ng
mga pinaghugasan namin. Ako naman pinupunasan ang table.

"Kahit naman siguro ako mababagot dito. Ang tahimik eh."

"Kaya thank you kasi dinalaw mo ako." Humarap siya sa akin. Mukhang tapos na siyang
magpunas at nasa lalagyanan na rin naman ang mga plato, baso at utensils. "Ihahatid
kita sa kwarto mo."

I gawked. Oo nga pala. Kamusta na si Kuya Jun? Nakahanap na kaya siya ng hotel?

"I won't be sleeping in here." I replied.

"Bakit naman?"

I was about to answer her when we heard a loud beep of a car. Nagkatinginan kami ni
Fatima. She then, smiled. "Si Mama na yun. Tara!"

Lumabas kami ng bahay nila at sinalubong sa garahe si Tita Janice. I saw Fatima
kiss her mom on the cheek. Nung nakita ako ni Tita Janice, ngumiti lang siya. She
then approached me.

"Alex, you're here... Saan ka mag-i-stay?"

I glanced at Fatima, "Sa hotel po. I'm waiting for my driver to come back."

Umiling siya. "Maraming kwarto sa bahay na ito. Dito nalang kayo, mas safe! Tara!"
Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni tita Janice papuntang second floor.

***

Tama nga si Tita Janice. Marami ngang kwarto sa bahay na ito. There are 3 rooms on
the second floor and 3 on the third floor. Dalawa naman sa first floor. Bumalik na
rin ang driver ko para sana sunduin ako kaso pinilit siyang dito na rin mag-stay.
Syempre, separate rooms kami.

9PM na rin. I'm kinda tired. Gusto ko nang magpahinga.

"Alex, goodnight... Cotton candy dreams..." Fatima kisses me on my chin. Hinalikan


ko naman siya sa noo niya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa kama sa kwarto ko.
Tinulungan niya kasi akong maglagay ng bed cover kaya nandito siya.

"Cotton candy dreams..." I murmured. Nagwave goodbye na siya sabay labas ng kwarto
ko. Bago ako humiga sa kama ay nag-half bath muna ako sa bathroom. Sinigurado kong
presko ang pakiramdam ko bago ako matulog.

After a couple of minutes, I slumped my body on the bed.

That minute turned into hours...

"Fck!" I mumbled. Bat di ako makatulog? Argh, homesick. Hindi ako sanay dito.
Pabalu-baluktot lang ako. Hindi mapakali ng higa. Dahil sa bugnot ko kinuha ko
nalang ang phone ko at pinanuod ang video ni Fatima kanina. Nakailang ulit na ako
pero hindi pa rin ako makatulog. Sh*t, 11PM na ah.

Dahil sa hindi ako mapakali, napagpasyahan kong bumaba muna sa kitchen to drink a
glass of water. Pagkainom ko ng tubig ay umakyat na ulit ako sa taas. But for some
unknown reason, napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Fatima. Bahagya itong
nakabukas. Syempre, lumapit ako para isarado sana iyon kasi baka nakalimutang
isarado lang iyon ni Fatima... Pero nang makalapit na ako, narinig ko ang boses
nina Tita Janice at Yaya Ana sa loob...

Sumilip ako. I snapped when I saw Fatima covered with a thick blanket. Nanginginig
siya... I saw her face full of sweat. Panay ang ungol niya. Para siyang
kinukumbulsyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumasok. Napalingon sila sa
akin. Of course, there was a hint of surprise in their expression but they didn't
mind me eventually.

Lumapit ako sa kama at pinagmasdan si Fatima. She is having chills. Nilapat ko ang
palad ko sa noo niya. She's freezing cold.

"Tita, dalhin na kaya natin siya sa ospital?" I said panickly to her.

She sighed, "Ganyan ang may pneumonia, Alex. Hyper sa araw, nilalagnat sa gabi.
She's been like that for two months and so, according to her. Hindi niya sinabi sa
amin ang tungkol dito... We just found it out nang i-confine siya sa hospital. Ito
rin ang dahilan kung bakit bigla siyang nangayayat."

Hindi ko matignan si Fatima ng diretso. Ang hirap... Nahihirapan ako pag nakikita
siyang nahihirapan.

"Don't worry, Alex... Bababa din ang temperature niya mamaya. Babalik din siya sa
normal." May inabot siya sa akin na x-ray result kaya kinuha ko naman yun.
"Yesterday, we went to the hospital para ipa-X ray ulit si Fatima. And we're glad
that her lungs are getting better than before."

Pinagmasdan ko ang result. Kumpara sa unang resulta ni Fatima, hindi na puno ng


puti ang kanang baga niya. Dati kasi, halos mapuno na yun. Ngayon naman, nasa
kalahati na. Yung kaliwang baga naman niya, konti nalang ang puti.

"Konti nalang, Alex. Konti nalang at gagaling na si Fatima. Kailangan lang


continous ang pag-take ng gamot para mawala na ang bacteria sa lungs niya."

***

I was up all-night. I'm so hella worried about Fatima. Kahit na sabihing umaayos na
ang condition ng baga niya, hindi pa rin maaalis ang pag-aalala ko. Gusto ko, 100%
fully recovered na siya para makaramdam na ako ng relief. 6AM nang mapagpasyahan
kong bumaba na sa baba. Nakita ko kaagad si Fatima na nasa living room. Pinapainom
yata siya ng gamot ng Yaya niya. Compared to last night, she seemed fine now.

Bumaba ako sa stairs at nilapitan sila.

"Good morning," I greeted.

"Good morning, Alex! Did you sleep well?" She asked me with full of energy.

Bago ko siya sagutin ay nilapat ko muna ang palad ko sa noo niya. Her mom's right.
Normal na ang temperature niya. Napatingin ako saglit kay Yaya Ana. She just showed
me her faint smile.

"I slept well..." I lied. Hindi nga ako nakatulog kahit limang minute lang eh.
"Inumin mo lahat ng gamot mo ha?"

She smiled, "Sure thing~!!"

I think I want to stay here for the entire summer vacation. Gusto kong alagaan ang
girlfriend ko hanggang sa gumaling siya.

-21-

***21***

Buong summer vacation ay nasa tabi lang ako ni Fatima para alagaan siya. Lumuluwas
naman ako ng Maynila once a week para umuwi sa amin pero bumabalik din ako agad. Sa
sobrang pag-aalaga ko nga sa kanya ay parang ako na ang pumalit kay Yaya Vera eh.
Pabor naman sa kanila yun kasi natututukan naman ang continous na pag-take ng meds
ni Fatima.

Dalawang buwan din kaming nag-stay dun sa Tagaytay. Dahil sa bilis ng usad ng araw,
hindi na namin namalayan na June na pala. At next week na ang umpisa ng klase.
Tinawagan na nga ako ni Dad kagabi. He said that I was already enrolled in school
and that I belong to the section one now. Parehas naman kami ni Fatima. Sabi kasi
ng Mom niya ay mas mabuting sa section one din siya, para daw mas mahaba ang
pahinga pag-dismissal. Sa E.H.A, hindi naman basehan ang grades para masali ka sa
star section, kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ako napunta dun. Medyo nadismaya
lang ako kasi hindi ko na kaklase ang X10. Malamang sa malamang kasi ay mas
gugustuhin pa nilang sa section two sila kesa sa section one.

Now we're back to Manila. Hindi muna kami dumiretso pauwi sa kanya-kanya naming
bahay. Tita Janice wanted Fatima to be checked-up. Kanina lang ay nakuhanan na ng
x-ray si Fatima at ngayon ay nasa loob kami ng clinic ni Dr. Jimenez. Needless to
say, he is Dustin's uncle.

"Kamusta po ang condition ng anak ko?" Bungad ni Tita Janice sa doctor pagkaupo na
pagkaupo sa swivel chair nito.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa envelope na hawak niya. Instinctively, I reached


for Fatima's hand. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako ng tipid.

"Good news, Mrs. Eugenio." Nilabas nito ang result ng x-ray mula sa envelope at
iniharap niya ito sa amin. "As you notice, konti nalang ang bacteria na bumabalot
sa lungs niya. Although, may natitira pang konti," pinaikot nito ang hintuturo niya
sa parte ng baga na may konting puti. "Kailangan lang na ituloy-tuloy ang pag-inom
ng gamot hanggang sa mawala ng tuluyan ang ubo niya."

Napangiti ako sa narinig kong magandang balita. Kitang-kita ko sa result na konti


nalang ang bacteria sa right lung niya. Kumpara sa baga niya two months ago, mas
mabuti-buti na ang condition nito.

"I advice you not to exhaust yourself, Fatima. Higit sa lahat, huwag na huwag kang
magpapatuyo ng pawis sa likod. Huwag na huwag ka ring maligo kapag basa ng pawis
ang likod mo." Nakangiting sabi ni Dr. Jimenez kay Fatima.

"I will po," she replied with a smile. "Hanggang kailan ko po iinumin ang gamot?"

"Hmm, dapat regular kang magpa-check up para sa ganun, dun mo malalaman kung kailan
ka mag-i-stop sa pagtake ng meds mo."
We went out of the clinic with a small smile on our lips. Buti nalang ay gumaling
na ang condition ni Fatima. Hindi pa nga lang siya talagang magaling, pero mabuti
na rin yun... That only means na unti-unting nawawala ang bacteria sa lungs niya.
Hindi naman kasi ganun-ganun nalang mawawala yun eh.

Naglalakad kami nina Tita Janice, Yaya Ana, at Fatima sa hallway nang hospital nang
makasalubong namin si Toffer. Anong ginagawa nito dito?

"Oy, bakit ka nandito?" Tumigil ako sa paglalakad tapos humarap ako kina Tita
Janice na ngayon ay nakahinto rin. "Tita, excuse lang po."

"Sige lang, una na kami sa parking lot."

Tumango naman si Fatima. "Mama, may pupuntahan po pala kami ni Alex. Mauna nalang
po kayong umuwi."

"Saan?"

"Mall po..."

Nagpaalam na rin agad sina Tita Janice at Yaya Ana. Buti nalang ay pumayag si Tita
Janice na sumama sa akin si Fatima. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na gusto siyang
makilala ni Ate Alexa. Hindi naman dapat ngayong araw sila magkikita eh kaso
masyadong excited itong si Fatima. Naikwento ko kasi sa kanya na mabait ang Ate ko
kaya naging interesado siya.

"Kamusta, Toffer?" Nabalik ang atensyon ko sa kanya.

Napakamot naman sa batok nito si Toffer at para bang nag-aalangan, "Ano kasi... Si
Master, na-dengue."

Kumunot ang noo ko. "Dengue? Kamusta na siya?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko, kapag nasalinan na siya ng dugo, magiging ayos na ang
condition niya."

Tss. Akalain mo nga naman. Isang lamok lang pala ang magpapabagsak kay Kurt.

"May magsasalin na ba? Ano bang blood type niya?"

Nagkibit-balikat siya, "Type AB. Royal blood si Master eh. Si Arthur na ang blood
donor."

Tinignan ko si Fatima sa tabi ko. I then placed my arm across her shoulders.
"Fatima, dalawin muna natin si Kurt bago tayo magpunta sa mall ha?"

"Sure..."

***

***MONDAY***

First day of class na. Nakakapanibagong routine ito. I should be up at 5AM and be
at school at 6:30AM. 6:45 kasi ang flag ceremony tuwing Monday at Friday kaya dapat
ay maaga.

About Kurt, he's already well. Nasalinan na kasi siya ng dugo ni Arthur. Medyo nag-
alala rin ako para sa kanya pero nung makita ko na nakikipag-asaran na siya sa
kambal at kay Wayne eh nakaramdam na ako ng relief. Inaasar kasi siya na baka bigla
siyang tumalino dahil sa dugo ni Arthur na dumadaloy sa mga ugat niya. Syempre,
knowing Kurt na pikon, nakipag-sagutan siya. That's how childish they are. Teasing,
pissing, and then shut up.

Kung tatanungin niyo naman kung kamusta ang naging meet-up nina Ate Alexa at
Fatima, well, it went good. Medyo na-out of place pa ako sa dalawa dahil wala
silang ginawa kundi ang magkwentuhan. Nandun nga lang kami tumambay sa foodcourt.
We didn't stroll around the mall. Mahirap na, baka mapagod pa si Fatima. It's so
nice, thinking that Fatima and my older sister become so close together kahit na
first time nilang magkita. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Fatima. In fact,
Fatima has this aura that will make you feel calm.

"Alex..."

Nag-angat ako ng ulo at tinanggal na rin ang earphones na nakakabit sa tenga ko.
Nandito na pala si Fatima.

"Good morning..." I greeted her.

Ngumiti naman siya, "Good morning din. Alam mo na ba kung saan ang classroom
natin?"

I nodded my head slightly, "Fourth floor ng Tan building. Tara?"

Medyo marami-rami ang mga estudyante na nakakalat sa paligid. Yung iba, kasama pa
ang mga magulang nila. Siguro, mga freshmen pa lang sila. Agad naman naming
narating ang classroom namin. Walang ano-ano ay pumasok na kami sa loob. Iilan pa
lang ang mga estudyante na nasa loob ng classroom kaya napansin ko na napatigil pa
sila sa pakikipagdaldalan sa isa't-isa. But I didn't mind them. Big deal ba sa
kanila na may bago silang kaklase?

"Fatima, dito nalang tayo pumwesto." Tinuro ko yung second row to the last. Pinauna
ko siyang umupo sa corner at sumunod naman ako sa aisle.

"Nakakapanibago noh, Alex?" Sabi niya sa akin.

"Masasanay din tayo." Nginitian ko siya, "Ayaw mo nun? Tuwing uwian, pwede na
tayong mamasyal kung saan. Syempre, tanghali na uwian natin eh. Hindi na gabi."

She bit her lower lip and looked away. "Puro pasyal naman ang nasa isip mo, Alex."

"Pfft! Joke lang..." Nag-nap muna ako sa desk ko. Naghikab pa nga ako kasi
nakaramdam ako ng antok. Hindi talaga ako sanay na gumigising ng maaga. "Fatima..."

Tumingin naman siya sa akin, "Oh?"

"Huwag na tayong umattend ng flag ceremony. Inaantok kasi ako eh..."

Nag-pout naman siya sabay gulo niya sa buhok ko. Tsk! Maayos pa naman ang porma ng
buhok ko ngayon. "First day of school naman, Alex.~"

"Paki ba nila? Inaantok ako eh." I groaned irritatingly and then closed my eyes.
Maya-maya lang ay naramdaman ko nang hinaplos-haplos ni Fatima ang likuran ko.

She whispered softly and I felt her rested her head onto my back, "Sige na nga..."

***

"WAKE UP! I SAID WAKE UP!!"


Agad-agad akong napaangat ng ulo nang marinig ko ang matining na boses ng isang
babae. Pero shet lang... Sa pagkakabigla ko ay naramdaman kong may umuntog sa
likurang bahagi ng ulo ko. Nakasandal nga pala sa likuran ko ang ulo ni Fatima.

"Ouch!"

"Sorry, Fatima..." Hinawakan ko ang ulo ni Fatima at bahagyang hinaplos-haplos


iyon. Putek naman! Kailangan bang manggulat? "Sorry... Masakit?"

"Okay lang... Hindi naman gaanong masakit." Sabi niya.

Tinignan ko ang sinumang nanigaw sa amin kanina. At kung nalintikan nga naman, isa
pala siyang teacher. Tss. I shot her my glare anyway. Who cares? Badtrip eh.

"Hindi na nga kayo umattend ng flag ceremony tapos maaabutan ko pa kayong natutulog
dito?!?" She roared.

"Tss. Edi sorry." Pabalang kong sagot.

Fatima nudged me. I just looked to her and she just narrowed her eyes at me in
return. "Ma'am, sorry po. We won't do it again next time."

"Dapat lang! Ganyan ba talaga ang mga estudyanteng galing sa PM section? Puro
pasaway." She walked back infront of the class.

Ako naman ay yumuko nalang at bumulong, "At ganyan din ba ang mga teacher sa AM
section? Judgemental. Tss. Patalsikin ko yan eh."

Narinig ko na naman ang mahinhing boses ni Fatima. "Alex naman~ Kasalanan naman
natin eh."

"Eh bw*sit siya eh. Nagsorry na nga tapos dumadakdak pa rin."

This time, sumimangot na siya at inismiran na ako. I was caught off guard by her
gesture. Wala na tuloy pumasok sa tenga ko sa sinasabi ng lecheng teacher namin sa
harapan.

"Uy, Fatima... Sorry..." I whispered.

Hindi naman niya ako pinansin. She just stood up, took her bag from the arm chair
and transferred seat in the second row infront. Napa-sh*t tuloy ako na dahilan nang
pagkarinig ng teacher namin.

"Out of the class now, de Silva!"

"What did I do?" I asked annoyingly.

Tumaas na ang kilay niya. "You're cursing me!! Do you want me to take you to the
Principal's office?"

Anak ng tupa. Principal's office agad? Unang araw pa lang ng klase ah. Ni hindi ko
pa nga kilala ang teacher na 'to. At sigurado ba siya na siya ang minumura ko?

"I'm not cursing you, Ma'am. Napa-curse lang ako kasi umalis si Fatima sa tabi ko."
Kalmado kong sabi pero sa loob-loob ko eh nabubw*sit na talaga ako.

She places her hands on her waist and shot me the look. "I told her to move there.
Hindi ka ba nakikinig, Mr. de Silva? Inaayos ko ang sitting arrangement according
to your surnames' alphabetical order!" Tapos lumapit siya sa second row sa kaliwa.
"You sit here, Mr. de Silva. Lahat ng boys ay sa kaliwa, at ang mga girls naman ay
sa kanan."

I sighed exasperatingly, "Sanay na po akong katabi si Fatima. Dalawang taon ko na


siyang seatmate eh. Tsk!"

Ewan ko ba kung bakit tahimik ang buong klaseng ito. Ganito ba talaga sa section
one? Napakapormal? Mas gugustuhin ko pang magpalipat nalang sa section two. Napag-
iinitan yata ako ng teacher na 'to eh.

"Whatever, de Silva. Hindi sa lahat ng oras ay magkatabi kayo. Darating din ang
panahon na kailangan niyo ring maghiwalay." She said seriously to me. "Now move or
else I'll take you to the Prinicipal's office."

***

Hindi ko alam kung paano ko napagtiisan ng anim na oras yung section na yun.
Napakapormal ng mga kaklase ko. Wala yatang ginawa ang mga yun kundi ang huminga at
sumipsip sa teacher. No fun, really. Pakiramdam ko, hindi talaga ako nararapat sa
section na ito eh. Akala ko ba hindi nababase sa grades para mapapunta sa star
section? Eh bat puro matataba ang mga utak nila?

"Alex!"

Hindi ko na pinansin si Fatima. Tuloy-tuloy lang akong pumunta sa principal's


office. Kung kanina ay ayokong pumunta dito, pwes ngayon kating-kati na akong
makipag-usap sa principal.

"Alex!"

Nilingon ko na si Fatima. "What?"

She pouted her lips, "Bati na tayo? Please?"

Huminga ako ng malalim bago ko siya niyakap ng mabilis. I tapped her head and
smiled to her faintly, "Bati na tayo pero hindi mo ako mapipigilan na magpalipat ng
section."

"Huwag na kasi~"

"Ayoko nga kasi dun sa adviser natin. Pinag-iinitan ako," nakasimangot na sabi ko.
Eh totoo naman kasi eh. Pati pagiging anak ko daw ng isa sa mga may-ari ng E.H.A
pinakeelaman niya. Namemersonal na. "Nakakaleche yung teacher na yun."

Tinakpan naman niya ang bibig ko gamit ang palad niya. Hindi ko alam kung matatawa
ba ako o maiinis sa ginawa niya pero kasi nakakatuwa yung posisyon niya. Sa tangkad
ko at sa pagiging maliit niya eh kinailangan niya pang tumingkayad para maabot ang
bibig ko.

"Ayoko talaga 'pag nagmumura ka, Alex."

Tinanggal ko naman ang palad niya sa bibig ko saka ko siya hinila pagilid sa pader.
Nasa hallway kasi kami at daanan ng mga tao.
"Sorry. Minsan na nga lang ako magmura eh. 'Pag naiinis lang o kaya ano... Basta,"
hindi ko nalang sinabi kasi baka pagtawanan niya ako. Normal din naman sa mga
katulad naming lalaki ang kiligin eh.

She stomped her foot on the floor. "Alex naman kasi~~ Huwag ka nang magpalipat ng
section. Paano na ako??"

Natawa ako sa tono ng boses niya. Para siyang batang iniwan ng nanay niya.

"Edi magpalipat ka rin. Magpapalipat tayong dalawa. Ang pangit namang magturo ng
teacher na yan."

"Balik-panghapon na tayo??" Nagkibit-balikat ako. "Baka magalit si Mama kapag


nagpalipat ako?"

"Hindi yan. Ang balita ko naman, ang section 1 ng senior ay pang-umaga rin."

Umiwas siya ng tingin. Para siyang may iniisip. I reached for her hand that made
her look back to me. "Alex, huwag ka nalang magpalipat. Malay mo, may PMS lang si
Ma'am Peralta."

Hindi na ako nagtaka kung anuman ang ibig sabihin ng PMS. Sa dalawang taon ko ba
namang kaibigan si Fatima, alam ko na rin yang mga girl stuff na yan.

"Nagkakaroon pa ba yun ng PMS? Mukha namang menopause na yun eh," natatawa kong
sabi sa kanya saka ko siya inakbayan. "Sige na nga, hindi na ako magpapalipat ng
section."

***

Ala-una ang uwian ng AM section kaya naman pwede ko nang ipasyal si Fatima kahit
saglit lang. Ito ang advantage ng pang-umaga ang pasok eh. Kapag pang-hapon kasi ay
wala ng oras gumala kapag uwian na.

Dito ko dinala si Fatima sa park sa loob ng subdivision nila. Medyo marami rin ang
mga tao ngayon dito. Typical public park lang. May ice cream and cotton candy
vendor, may mga batang naglalaro sa playground, may mga teenagers din na animoy
nagdedate at kung ano-ano pang klase ng tao.

Hinila ko si Fatima sa swing at pinaupo siya dun. Medyo tumataas pa ang mga
balahibo ko nang lumakas ang ihip ng hangin. Tumingin ako sa kalangitan.

Madilim. Mukhang uulan pa yata.

"Alex, uulan yata. Wrong timing ang punta natin dito," sabi ni Fatima habang
nakatingala sa akin. Nakapwesto ako sa likuran niya at nakahawak sa dalawang bakal
na nakakabit sa taas ng swing.

"Hindi pa naman umaambon eh. May dala ka bang payong?"

Tumango siya. "In case of emergency," she giggled. "Tulak muna ako. Huwag malakas
ah!"

Bumwelo ako at dahan-dahan siyang tinulak. May alalay at suporta ko naman ang bawat
tulak ko sa kanya.
"Fatima, hawak ka ng mabuti."

"Hahaha! Para akong bata nito."

Ilang minuto ko ring tinulak-tulak dun sa swing si Fatima nang bigla nalang pumatak
ang ambon sa balat namin. Patagal ng patagal ay bigla nalang bumagsak ang ulan kaya
naman natataranta kaming sumilong dun sa ilalim ng slides.

"Hihihihi! Para tayong evacuees~" Natatawang sabi ni Fatima habang nilalabas ko ang
payong mula sa bag niya. Ako kasi ang nagbitbit ng gamit niya.

"Tawa ka pa dyan. Mababasa na nga tayo."

"Maligo nalang tayo sa ulan, Alex."

Pinagkunutan ko lang siya ng noo. "Ayos ka lang? Ikaw, pwede kang maligo kasi
nandyan lang ang bahay niyo. Eh ako? Babyahe pa ako."

Humagikhik na naman siya habang nakatutop ang palad niya sa bibig niya. "Ay, oo nga
noh? Ikaw nalang ang gumamit ng payong ko. Maliligo ako sa ulaaaaaan~"

Pinagmasdan ko lang si Fatima habang nagtatatakbo sa gitna ng ulan. Para siyang


bata na sabik na sabik sa paglalaro. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na i-
video na naman siya habang ako ay nasa ilalim pa rin ng slides. Mahigit thirty
minutes din yata siyang naglaro sa ulan kaya naman niyaya ko na siyang umuwi.

"FATIMA!"

Napatigil siya at tumingin sa akin. "Oh?"

"Tama na yan. Iuuwi na kita. Baka magkasipon ka pa dyan. Kagagaling mo lang sa


sakit."

She smiled brightly at me, "Sige~"

Gaya nga ng sinabi ko ay hinatid ko na siya. Ilang metro nalang naman ang layo ng
park mula sa bahay nila Fatima since nasa loob lang ng subdivision ito. We're
walking side by side under the rain. Not really under the rain though. Nakapayong
kasi ako para hindi ako mabasa pati na rin ang mga bag namin ni Fatima samantalang
ang girlfriend ko eh naglalaro pa rin sa ulan.

"First time mo bang maligo sa ulan, Fatima? Para kang sabik na sabik eh."

Tumawa naman siya sabay hampas nito sa braso ko. Sinimangutan ko naman siya kasi
medyo nabasa ako. "Hihihi! Sorry... Second time ko nang maligo sa ulan. 8 years old
ako nung una akong nakaligo sa ulan."

"Aahh... Kaya pala naiignorante ka." Asar ko sa kanya. Nagpout naman siya sabay
sipa niya ng tubig sa semento sa akin. Mabilis naman akong umiwas. "Fatima, ah.
Sumasalbahe ka sa akin ah."

Humagikhik na naman siya. "Sorry~"

Nakarating naman agad kami sa harapan ng bahay nila. Sa pangatlong pagpindot ng


doorbell nila ay pinagbuksan na kami ni Yaya Ana. Nagulat pa nga siya nang makitang
basang-basa si Fatima sa ulan.

"Diosmiyo kang bata ka! Bakit ka nagpaulan??"


"Yaya, pagbigyan niyo na po ako." Tumingin sa akin si Yaya Ana na para bang
sinasabing bakit ko siya pinayagan, kaya naman hinarangan na ako ni Fatima. "Yaya,
huwag niyo siyang sisihin. Ako po talaga ang may gustong maligo sa ulan~ Please,
please! Huwag na po kayong magalit."

"Oo na, oo na. Amin na nga yang bag ni Fatima, Alex." Inabot ko naman kay Yaya Ana
ang bag ni Fatima. "Pumasok na kayo sa loob. Pagluluto ko kayo ng soup."

Pumasok na si Yaya Ana sa loob. Nanatili kaming nakatayo ni Fatima sa harapan ng


gate nila. May bubong naman dito kaya hindi na ako gaanong nababasa.

"Uwi na ako Fatima. Pahiram muna ng payong ha?"

"Pasok ka muna sa loob." Hinila niya ang kamay ko.

"Hindi pwede. Magkikita pa kami ni Ate Alexa sa coffeeshop ng pinsan ko." Sabi ko
sa kanya. Nagtext kasi kanina sa akin si Ate Alexa na daanan siya dun sa
coffeeshop. Hindi ko lang alam kung bakit.

"Ahh, sige. Ingat!"

Nginitian ko siya at hinila siya sa kaliwang kamay niya. I planted a soft kiss on
her forehead. "Magshower ka kaagad para hindi ka magkasakit. See you tomorrow. I
love you."

She smiled shyly at me, "I love you, too."

-22-

***22***

Tama nga sila. Mahirap ang maging graduating student. Kailangan ay hands-on na kami
sa grades namin kundi ay hindi kami makakagraduate. To think na adviser pa namin
ang dragonesang adviser na ito. Kainis. Bakit ba ang init ng ulo sa akin ni Mrs.
Peralta? Hindi na nabago ang impression niya sa akin simula nung first day of
class. Ano na ba ngayon? Last of week of July na ah. Psh.

Anyway, buti nalang ay nagpalipat ng section ang X9. Bale, kaklase ko na sila
ngayon. Hindi ko alam kung anong rason nila kung bakit sila lumipat. Ang sinabi
lang naman nila sa akin eh ayaw daw nila ng classroom nila. I know, lame reason but
I still thanked them. Gusto ko talaga sila maging kaklase since nasanay na talaga
ako sa mga pagmumukha nila.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa wrist watch ko. Malapit ng mag-bell pero hindi pa
rin dumadating si Fatima. Papasok pa ba siya? Wala naman siyang tinetext sa akin
kagabi na aabsent siya ngayong araw. Grade-conscious pa naman yun. Gusto niyang
macomplete ang attendance niya.

Maya-maya lang ay nag-ring na ang bell ng E.H.A kaya naman pumasok na ako sa
classroom nang nag-iisa. Kahit nag-umpisa na ang klase ay patago akong nagcompose
ng text message para kay Fatima.
--

To: Fatima Grace~

Saan ka na? Absent ka na ba?

--

Habang nagdidiscuss si Mrs. Peralta sa harapan ay lumilipad ang isip ko. Wala na
akong pakialam kung major subject ba ang tinuturo niya. English lang naman yan.
Kayang-kayang aralin. Tss.

Almost half an hour na ang lumipas pero hindi pa rin nagrereply si Fatima. I
supposed absent na siya ngayong araw. Bakit kaya? Kahapon, ako yung absent eh.
Nagkafamily gathering kasi kami kahapon. I had to skip classes dahil sa Batangas pa
kami nagpunta. Nagpaalam naman ako kay Fatima ng maayos at naintindihan naman niya.
Ano kayang nangyari sa kanya?

***

After class, I decided to visit Fatima in their house. Pinatuloy naman ako agad ni
Yaya Ana at napansin ko na uneasy siya.

"Yaya, si Fatima po? Bakit po siya absent?"

"Tara sa taas," inakay niya ako paakyat sa staircase. "Ang taas kasi ng lagnat
niya. Nagtaka nga ako kanina kasi hindi pa siya bumabangon. Mag-aalas-syete niya
eh. Tapos ayun, nalaman ko nalang na nilalagnat siya."

Nakarating na kami agad sa tapat ng kwarto ni Fatima. Dahan-dahan namang binuksan


yun ni Yaya Ana. Pagkapasok namin, nakita ko kaagad si Fatima na balot na balot ng
kumot. Nakapikit siya at nagchi-chill ang buong katawan. Napabuntong-hininga nalang
ako. Ayoko sa lahat kapag nakikita siya sa ganitong condition. Sobrang hina ng
katawan niya and I don't think she can bear with this.

"Fatima..." Nag-squat ako sa gilid niya para lumevel sa mukha niya. Pansin ko ang
pamumula ng mukha niya. I touched my palm to her forehead. Nilalagnat nga siya.
"Fatima, pagaling ka ha? Ako na ang magsasabi sa adviser natin na may lagnat ka
para pwede kang mag-absent nang hindi inaalala ang grades mo."

Hindi ko alam kung naririnig niya ako. I even don't know if she's awake or sleeping
already. Half-open kasi ang mata niya at nanginginig pa siya. Oh God, magaling na
siya diba? Huwag niyo naman ibalik ang sakit niya. Ako ang nahihirapan eh.

"Nagpapagod ba siya sa school, Alex?" Yaya Ana asked suddenly kaya naman umayos ako
ng tayo habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko kay Fatima.

"I don't let her join physical activities in school. Ako naman ang nagbubuhat ng
gamit niya sa pag-uwi." Tinignan ko si Yaya Ana ng seryoso. "Hindi ko lang po alam
kahapon. Absent kasi ako eh."

Bumuntong-hininga siya saka siya umupo sa edge ng kama ni Fatima. She eyed him
pitifully, "Sana mali ang iniisip ko kung bakit siya nagkakaganyan. Hinihika na
naman kasi siya simula nung isang linggo."

Natigilan ako. "What do you mean po?"

"Wala," iniling niya ang ulo niya. "Ang ibig kong sabihin, baka nag-P.E si Fatima
kahapon." Tumingin siya sa akin. "Alex, pakitanong naman bukas sa mga kaklase mo
kung nag-P.E siya. Palagay ko kasi ay oo."

***

Napaisip ako sa sinabi ni Yaya Ana kahapon. Posibleng nag-P.E si Fatima nung isang
araw. Every Wednesday kasi ang P.E class namin. Simula't-simula pa lang ng pagiging
fourth year highschool namin ay hindi ko siya pinapasali sa mga physical
activities. Ako kasi ang natatakot para sa kanya. Although, pinipilit niya ako na
sumali siya tutal, simple exercises lang naman ang ginagawa. Yung tipong Locomotion
and Non-Locomotion exercises lang naman daw. But nah, I still never let her join.
Kung si Lyza nga na hikain noon ay exempted sa ganito, siya pa kaya na may
pneumonia?

Friday na. Hindi ko inaasahan na pumasok ngayon si Fatima kasi mataas nga ang
lagnat niya kahapon. Nilapitan ko si Toffer sa last row ng classroom. Si Dustin pa
lang ang katabi niya at wala pa ang ibang X10. Malamang, gumagala pa yun ngayon sa
campus.

"Toffer, may itatanong ako." Umupo ako sa kaliwang arm chair at pinaharap ko ito sa
kanya. "Nag-P.E kayo nung Wednesday?"

He nodded his head, "Oo... Diniscuss yung Basic Rules in Track And Field. Bakit?"

Shet. Track and field... Takbuhan. I hope Fatima didn't join that crap.

"Si Fatima ba sumali dun? Nagkasakit kasi siya kahapon eh. Napagod yata," mahinang
sabi ko sa kanya.

Halos magsalubong na ang kilay niya sa sinabi ko tapos ay tumango siya ng dahan-
dahan. "Oo, kasali siya. Hindi niya ba sinabi sa inyo? Nahimatay pa nga siya
kahapon eh. Bigla nalang kinapos ng hininga."

Natigilan ako. P*ta! Sabi na nga eh! "Anong nangyari bukod dun?"

"Ayun, hinika siya. Wala naman siyang dinaing na iba. Tahimik lang siya for the
entire time eh. After a couple of minutes ay naayos din siya." Then he paused for
awhile, waring may inaalala. "Ganun din siya nung tuwing nagpapractice kami para sa
cotillion noon eh. Napansin ko na sa kanya na inaasthma siya pero magaling siyang
magpakalma ng sarili niya. Nakakarecover naman siya agad."

Napahimas nalang ako sa sentido ko matapos ko malaman na noon pa pala hinihika si


Fatima. Shet. Bakit 'di ko alam yun? Tuwing magkasama naman kami, wala akong
napapansin na kakaiba sa kanya.

"Dude, medyo concern ako kay Fatima. Kahit hindi kami close, kahit papaano,
kaibigan ko na rin siya," bakas sa boses ni Toffer ang pag-alala. "—Kamusta ang
health condition ng girlfriend mo? Ang laki kasi ng pinayat niya eh."

Hindi ko nasabi sa X9 ang health condition ni Fatima. Ni wala nga silang ka-ide-
ideya kung bakit ako sumama sa probinsya nila Fatima kaya hindi na ako magtataka
kung mag-aalala sila ng ganyan.

Napalunok nalang ako at isinandal ang likod ko sa backrest ng upuan. "Na-diagnose


siya na may pneumonia right after the Recognition Day nung March. Akala ko,
simpleng ubo lang yung sakit niya. Yun pala, pneumonia na. Nagsimula raw yun nung
nagpapractice kayo ng cotillion."

Nabigla siya sa sinabi ko. "Sorry to hear that. Kaya pala ganun nalang si Fatima
tuwing nagpapractice kami. Bigla nalang siya mananahimik sa isang tabi. Yun pala,
kinakapusan na ng hininga."

I shrugged my shoulders in respond. "Buti ka pa, mas naunang nalaman yan. Eh ako na
boyfriend, walang idea eh. Bakit naman hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dyan?"

"Aba, malay ko ba na hindi mo alam? Akala ko, alam mo na yun kasi lagi mo siyang
binabantayan eh. Tsaka, lagi mo pati siyang kasama."

Naramdaman ko nalang na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko kaya


nilabas ko ito at tinignan ang screen. My brows formed a straight line when I found
out it's Fatima.

---

FROM: Fatima_girlfriend

Alex, nand2 ako sa gate ng skul...Sunduin mo aq pls? (:

---

"Shet," agad-agad kong binalik sa bulsa ang phone ko at nagmamadaling tumayo. Bakit
pumasok pa siya? Ang taas-taas na ng lagnat niya kahapon ah.

"Alex, saan ka pupunta?"

"Susunduin si Fatima. Pumasok daw eh," I replied without looking back at Toffer.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating ng mabilis sa gate. Tsk! Bakit ba ang
tigas ng ulo ni Fatima? Alam naman niyang maysakit siya, pumasok pa. Paano kung
mabinat siya o lumala pa ang sakit niya?

Hindi pa ako nakakarating sa gate ay nakasalubong ko na si Fatima sa hallway. Ang


dami niyang bitbit na gamit. May nakasukbit na backpack sa likod niya at may hawak
pang miniature house sa dalawa niyang kamay.

"Fatima, bakit ka pa pumasok?" Bungad ko sa kanya. Inagaw ko kaagad ang miniature


house sa pagkakahawak niya at inilapag iyon sa bench sa gilid namin.

"Kailangan kong ipasa itong project eh. Ngayon na kasi ang deadline ng submission
nyan." Napakamot pa ako sa batok ko nun sa inis nang marinig kong namamalat ang
boses niya. Halatang kagagaling pa lang niya sa sakit.

"Edi sana tinext mo nalang ako para ako nalang ang magpasa niyan o 'di kaya
pinadala mo nalang sa driver niyo." Tinanggal ko naman sa likod niya ang back pack
niya at isinukbit iyon sa kaliwang balikat ko. "Alam mo namang may sakit ka. Tignan
mo oh, namumutla yang mukha mo."

Idinampi ko ang palad ko sa noo ni Fatima. Napabuga nalang ako ng hangin dahil
naramdaman kong may sinat pa siya.
"Fatima, ang mabuti pa, umuwi ka nalang muna. Ihahatid na kita."

Sumimangot siya. "Ayoko~ Kailangan kong i-explain ang flow ng electricity dyan sa
miniature house na yan. Kapag walang explanation, automatic babawasan ang grade.
Pinagpuyatan ko pa naman yan ng ilang gabi."

"Fatima naman... Grade lang yan. Mababawi mo yan."

Inagaw na naman niya sa akin ang bag niya. "May quiz pa sa Economics, T.L.E at
Music ngayon kaya hindi ako pwedeng umabsent. May hands-on pa nga tayo sa Computer
eh." Tumigil siya saglit tapos hinawakan niya ang kamay ko. This time, naging
kalmado na ang boses niya. "Alex, magkakasakit ako lalo kapag wala akong ginagawa.
I am really fine... Kaya ko 'to... Huwag kang masyadong mag-alala."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hilain siya para yakapin ng mahigpit.


Pakiramdam ko, mamamatay ako sa sobrang pag-aalala.

"Fatima, huwag naman matigas ang ulo." Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at
isinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan
kami ng mga kapwa ko estudyante dito sa hallway. "Tuwing nagkakasakit ka, ako ang
pinapatay mo sa pag-aalala eh."

"Huwag ka sabing mag-alala, Alex. Kung nakaya kong gumaling nung bata pa ako, pwes
mas kakayanin ko ngayon." Yumakap na rin siya sa akin pabalik.

"Simula ngayon, huwag ka ng magsisikreto sa akin. Sasabihin mo sa akin kapag may


nararamdaman ka ha? Kasi konti nalang talaga, maiinis na ako sayo... Ang tigas ng
ulo mo eh... Mas matigas pa ulo mo kesa sa akin..."

I kind of felt relieved when I heard her cute giggle against my chest. Ngayon ko
lang narealize na si Fatima Grace Eugenio ang kahinaan ko...

***

Paranoid may it seemed, pero lagi kong sinusubaybayan si Fatima. Lumipas na ang
apat na subjects pati na rin ang recess pero wala pa naman akong napapansin sa
kanya na kakaiba. In fact, she's back to her old self again. Yung Fatima Grace na
walang iniindang sakit. Yung girlfriend ko na matakaw sa Mango Crepe.

Paakyat na kami sa hagdan para bumalik sa classroom namin. Kakatapos lang kasi ng
recess at kailangan naming bumalik sa classroom on time kundi i-mamark as absent
kami ng Computer teacher namin.

"Ang galing ng explanation mo sa Miniature house ng group niyo ah. Walang silbi
yung groupmates mo. Nakaasa sayo. Ikaw na nga gumawa ng house, electricity, pati ba
naman explanation ikaw rin? Sana ikaw lang ang binigyan ng grade."

I'm talking about the miniature house Fatima has made for our Physics subject.
Unfortunately, hindi kami groupmates ni Fatima dun since random ang groupings ng
teacher namin dun.

"Okay lang yun. May contribution naman sila kahit papaano eh." Mahinang paliwanag
niya. Humawak siya sa braso ko habang papaakyat kami.

"Tss. Anyway, nabalitaan ko na sumali ka raw sa P.E. nung isang araw. Bakit mo
naman ginawa yun aber? Umabsent lang ako, naging pasaway ka na." Sermon ko sa
kanya.

"Eeehh kasi naman... Sabi ni Mr. Leo, wala raw grades yung mga hindi sasali. Kaya
ayun sumali na ako. Natamaan pa ako sa sinabi niya na ang aarte raw nung ibang
babae. Ayaw magpapawis... Kaya ayun, blangko raw ang grades tuwing may P.E.
activity."

"Sana sinabi mo, hikain ka kaya hindi ka sumasali. Oh anong reaksyon niya nung
nahimatay ka? Epal din yang teacher na yan eh noh?"

Nakita ko na nagpout siya kaya pinisil ko kaagad ang nguso niya. Mahaba na nguso,
nagpapout pa. Pfft!

"Alex naman eh~ Kapag pinagdiskitahan ko yang baba mo ah, lagot ka sa akin."

"Hahaha! Oo na, hindi na po, Ma'am..."

Nakarating na kami sa floor ng classroom namin. Nakasalubong tuloy namin ang mga
kaklase namin na mukhang bababa na. Hinawakan ko si Fatima sa kamay at sinalubong
ang X9. Sila lang naman ang pinapansin ko sa classroom bukod kay Fatima.

"Saan ang punta niyo?" I asked them.

Sumagot naman si Jake, "ComLab. Hands-on daw eh..."

Tinignan ko si Fatima. "Dapat pala hindi na tayo umakyat. Bababa rin pala tayo.
Tara na nga..."

Sumabay nalang kami sa X9 pababa ng hagdan. Kailangan pa kasi namin lumipat ng


building dahil naka-locate ang Computer Laboratory sa 2nd floor ng Lee Building.
Kung bakit ba kasi ang layo eh. Tsk.

Ilang minuto lang ay nasa loob na kami ng Lee Building. Kasalukuyang umaakyat kami
nang biglang humigpit ang kapit sa kamay ko si Fatima. Bukod dun ay hinila-hila pa
niya ang kamay ko kaya tumigil kami sa paglalakad.

"Fatima, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nakahawak na ang isa


niyang kamay sa railings, at yung isa naman ay ibinitaw niya sa kamay ko at isinapo
iyon sa kaliwang dibdib niya. Kinabahan ako lalo nang makita siyang naghahabol ng
hininga.

"...A...Alex... C-clinic... H-hindi a..ako m..m..makahinga..."

"Sh*t!" Bubuhatin ko na sana siya kaso bigla siyang bumagsak sa sahig. "FATIMAAA!
Sh*t!! Tulungan niyo ako! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!"

Please, huwag Niyo siyang pabayaan.

-23-

***23***
For the nth time, I stared at my girlfriend's peaceful face. Kahapon ko pa siya na
isugod dito sa ospital pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising.
Ipinadaan ko ang hintuturo ko sa pilik-mata, sa ilong at pababa sa mga labi niya.
Hindi na ito kagaya noon na mapupula. It is now pale and dry.

I sighed, "Ano na naman ba ang nangyari sayo, Fatima? I thought you've recovered
already."

Pinagtuunan ko naman ng pansin ang mga maliliit na daliri niya. Napapangiti nalang
ako kapag ginagawa ito sa kanya. Lagi ko kasing pinagdidikit ang mga palad namin.
Her hand fits mine well.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa maamong mukha niya. Kahit pa siguro titigan ko
siya ng ilang taon dito, hinding-hindi ako magsasawa sa pagtitig sa mala-anghel na
mukha niya. Pero mas maganda siyang titigan kapag gising siya. So that I can be
able to see her beautiful set of eyes. Siya kasi ang tipo ng tao na kahit hindi
niya sabihin kung anong nararamdaman niya, malalaman mo pa rin ito sa pamamagitan
ng pagtitig sa mga mata niya.

Narinig ko nalang bigla na tumunog ang phone ko. I immediately fished it out from
my pant's pocket and looked at its screen. Hindi na ako nagulat nang makitang si
Dad ang tumatawag.

I took a deep breath before pressing the answer key.

"Dad?"

["Where are you right now, Alexander? Hindi ka umuwi kahapon. Hindi ka man lang
tumawag."]

Napahilot ako sa sentido ko at marahan na pinikit ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo
ko dahil sa puyat. Ilang araw na kasi akong hindi makatulog kakaisip kay Fatima.
And now, here we go again, Fatima's ill for the nth time.

"Sorry, Dad. I couldn't be able to call you yesterday. Natataranta ako. I'm now
here in the hospital. Fatima was rushed here yesterday."

I heard him sigh on the other line, ["Okay, I understand. We'll try to drop by
there if we have time later."]

"T-thanks, Dad."

Sinabi ko rin kay Dad na uuwi rin ako mamaya saglit to take a bath tapos ay babalik
rin agad ako dito. Sa mga ganitong sitwasyon, ayaw na ayaw kong iiwanan si Fatima
kahit saglit. I've stayed with her when she was ill last summer. Alam na alam ko
kung gaano siya naghirap noon, at ayaw ko na yun maulit sa kanya ngayon.

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko. Hindi pa man ako
nakakalingon ay narinig ko na ang boses ni Tito Larry.

"Alex, come with me."

Tumayo naman ako at hinarap siya, "Saan po, Tito?"

"Mas mabuti na kasama ka namin sa pag-alam ng kalagayan ni Fatima."

Dun ko lang napansin na blangko ang expression ng mukha niya. Nakaramdam ako ng mas
matinding kaba. Sa totoo lang, tuwing nandito kami sa ospital, automatikong
lumalakas na ang kaba sa dibdib ko. Para bang sumisikip ang pakiramdam ko.

Sumundo na rin naman ako sa kanya sa paglabas ng kwarto. Nakita ko kaagad sa labas
sa tapat ng kwarto ang Doctor na nakaassign kay Fatima kasama si Tita Janice.

Seeing the doctor's expression made me feel so anxious.

"Kamusta na ang anak namin, 'doc?" Si Tito Larry na ang nagtanong sa kanya.

I was literally holding my breath as I waited for the doctor to speak.

"Based on her X-ray result," parang déjà vu na nilabas nito ang X-ray result mula
sa puting envelope. I swallowed very hard as I analyzed the X-ray result myself.
Panigurado, masamang balita ang sasabihin sa amin ng doctor dahil nakita kong
maraming puti dito. "As you can see, marami ng bacteria ang right and left lung ni
Fatima. Kung mapapansin niyo, yung left lung, puno na ng puti iyon samantalang ang
right lung naman niya, malapit na rin mapuno ng puti. At yung puti na yun ay yung
plema na hindi niya mailabas. In that case, yung bronchules niya ay nahihirapan na
mag-entertain ng air. Dahil na rin sa may asthma ang pasyente at mahina rin ang
puso niya, hindi na niya kinaya that's why she passed out. Na-cardiac arrest siya
kahapon."

Napabagsak ang balikat ko sa narinig kong balita. Maging sina Tita Janice at Tito
Larry ay tila nanghina rin sa narinig. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko
na gusto kong itanong sa Doctor pero para bang napipi ako sa mga oras na ito. Sh*t,
why is this happening to her?

"P-paano ho nangyari yun, 'Doc? Nung last time na pina-check up namin siya, she was
almost getting well. Konti nalang ang bacteria sa baga niya," Tita Janice cracked
her voice. Tumingin pa siya sa akin saglit pero agad naman akong yumuko para itago
sa kanya na hindi ko rin maabsorb ang binalita niya. "Kumpleto naman siya sa meds
para macontrol ang pagdami ng bacteria niya... B-but what happened?"

"Janice, calm down..." Alo sa kanya ni Tito Larry.

"How can I calm down, Larry?! Alam mo naman na kapag napuno ng bacteria ang----"

He hushed him, "Ssshhh... Everything will be fine." Niyakap niya na ang asawa niya
at humarap na sa doctor. "Doc, pwede bang paki-explain kung bakit nangyayari ito?
Pagaling na ang anak namin eh."

The doctor's expression is still blank again. "I am sorry to tell you Mr. and Mrs.
Eugenio. But I believe your daughter has already stopped taking meds. Dahil dun ay
nagtuloy-tuloy na or let me say, lalong lumala ang pagkalat ng bacteria sa lungs
niya... Naimmune na kasi ang lungs niya sa bacteria kaya naman bumalik ang sakit
niyang Bronchopneumonia."

Halos magsalubong na ang kilay ko sa sinabi ng doctor. All this time, hindi ko na
napansin kung iniinom nga ni Fatima ang mga gamot niya. Although, lagi ko siyang
pinapaalalahanan. Hindi ko pa rin masasabi kung iniinom niya ito sa oras.

"Mahina rin ang immune system ng anak niyo. Nakakalanghap siya ng iba't-ibang
viruses. Kung itinuloy-tuloy niya sana ang pag-inom ng gamot, siguro hindi siya
hahantong sa ganito."

This time, it is me who ask him. "What do you mean, Doc?"

Bumuntong-hininga siya saka niya pinagdaop ang palad niya. He really looks so sorry
for what he is about to say.
"I'm sorry... Mahihirapan na tayong lunasan ang sakit niya... "

***

Hindi ko na alam ang gagawin ko matapos naming makausap ang Doktor. Parehas kaming
napatulala nila Tita Janice at Tito Larry. Nanlumo kami sa narinig namin. We all
sat on the aligned seats outside Fatima's designated room.

I placed my elbows on my knees as I buried my face on my hands. Pakiramdam ko,


literal na pinagsakluban kami ng langit at lupa. Masakit. Yun lang ang masasabi
kong nararamdaman ko ngayon.

"O-Oh, God..."

"Ssshh... Janice..."

Para akong kinapusan ng hininga. Ang sama sa pakiramdam. Ang hirap pala na sa
doctor mismo narinig ang masamang balitang iyon. Sh*t, tell me, it's only a dream.
Ang hirap paniwalaan...

"Tita, I think it's all my fault." Yun agad ang lumabas sa bibig ko. Nanahimik
naman sila kaya tumingin na ako sa kanila. "Hindi ko siya binantayan ng mabuti..."

"Alex, huwag kang magsalita ng ganyan." Hinaplos-haplos ni Tito Larry ang likod ko.
"Simula pa noon, mahina na talaga ang katawan ni Fatima. Masaya nga kami dahil
kasama pa namin siya ngayon."

"Don't blame yourself, Alex," I shifted my sight to Tita Janice who is still in her
tears. "Alam ko kung gaano mo siya inalagaan. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil
kahit nahihirapan ka na, hindi ka pa rin nagsasawa kay Fatima."

"Ito ang dahilan kung bakit alagang-alaga namin siya. Ni ayaw namin siyang
makalanghap ng polusyon sa labas kaya home-schooled siya all her life. Kung hindi
nga lang siya nagpumilit na gustong-gusto niya nang pumasok sa real school, kung
hindi lang siya umiyak sa harapan namin, malamang hanggang ngayon ay home-schooled
pa rin siya."

Para bang may humarang sa lalamunan ko kaya hindi na ako nakapagsalita. My jaw
clenched as I control my emotion.

"2 months old pa lang siya nung una siyang madiagnose na may pneumonia. Nalagpasan
niya ito, pero bumalik naman ulit ito nung 7 years old siya." She paused for awhile
and seemed finding the right words to utter. "Akala ko noon, mawawala na siya sa
amin dahil tinaningan na siya ng Doctor, but she's still with us now miraculously."

MIRACLE. Now I believe in miracles.

Hindi ko na napigilan ang luha ko na pumatak. Agad ko 'tong pinunasan gamit ng


palad ko. "T-Tita, she can get over with this, can't she? Kung nakaya niya noon,
kakayanin niya pa rin ngayon." I tried to smile to them para maalis ang kanina pang
kaba na nararamdaman namin. "Ililipat natin siya ng hospital, Tita. We'll transfer
her to Jimenez Hospital. Mas high-tech ang ginagamit nilang facilities at
equipments dun. K-Kapag wala pa rin silang solusyon para sa sakit ni Fatima,
hihingi ako ng tulong kina Dad na maghanap ng sponsors para ipagamot siya sa ibang
bansa."

I reached for Tita Janice's hand.

"Don't lose hope... She can get through this..."

And with that, they showed me their hopeful smile.

***

Right that day, Fatima was transferred to Jimenez Hospital. For the nth time, they
ran some diagnostic and stuff to check on Fatima's health condition. Dahil sa ito
lamang ang hospital sa Pilipinas na high-tech ang mga facilities and stuff, medyo
nakaramdam ako ng pagkakampante. It's already past 10 in the evening pero hindi pa
ako umuuwi.

"Tita, huwag po kayong mabahala sa hospital bills. Kakausapin ko po si Ninong


Daniel na bigyan kayo ng discount," I said to them with my assuring smile. "Siya ho
yung may-ari ng ospital na ito."

"S-salamat, Alex ha? Ang laki na ng naitulong mo sa amin." Tita Janice gave me a
quick hug.

"It's nothing, Tita. I love Fatima that's why I'm doing all of these," hinawakan ko
ang kamay niya at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Tito Larry. "Don't lose
hope... Gagaling siya... Gagraduate pa po kami sa highschool at College...
Magpapakasal pa po kami... Magiging son-in-law niyo po ako..."

Kahit na malungkot ang atmosphere sa pagitan naming tatlo, napatawa ko naman sila
saglit. Tito Larry placed his arm across my shoulders. "You're right... Hindi ako
papayag na hindi ikaw ang magiging son-in-law namin."

Later that night, I went home to catch up some sleep. Kahit sa panaginip ko ay
naiisip ko pa rin si Fatima. How fragile she is. How she lost consciousness in my
arms.

"God, please... Maybe it's too late for me to ask forgiveness to you... Sorry for
what I've done in the past... Please, please, give Fatima more strength to surpass
this trial..." I sighed, "Amen..."

I rolled over my bed and then covered my face with a pillow. "De Silva, think of
happy thoughts with her... Happy thoughts... Happy thoughts..."

And then, our happy memories flashed on my mind. Yung first date namin sa Cebu,
tuwing hinahatid ko siya papuntang school at sa pag-uwi, tuwing nagsasalo kami sa
hinanda naming baon... Lahat ng masasayang memories...

With that, I fell into a deep sleep with a small smile on my lips.
***

The next day, I suddenly feel excited remembering this special day. Bago ako
pumunta sa hospital para dalawin si Fatima ay nakareceive ako ng text mula sa Dad
niya saying she's already awake. At ang good news pa ay may pag-asa pa raw na
macontrol ang pagpuno ng bacteria sa lungs niya through the help of Jimenez
Hospital. Eventhough, maliit na pag-asa nalang daw ang natitira para mapagaling pa
si Fatima... I still hold on to that...

Sabi na eh... Mas mapagkakatiwalaan ang ospital nina Dustin. Although, mahal ang
bayad... Priceless pa rin naman si Fatima....

"Surpised~" I exclaimed as I stepped in the room, trying to cheer up the


atmosphere. Habang hawak-hawak ko ang bouquet of red roses ay lumapit na ako sa
kama ni Fatima. Nginitian naman ako nina Tito Larry, Tita Janice pati na rin ni
Yaya Ana and then they left us.

"Hi, girlfriend..." Bati ko kay Fatima na ngayon ay naka-pout pa. Binaba ko muna
ang bouquet sa monobloc chair sa tabi ko. I then kissed her first on both cheeks,
to her nose, on her forehead and to...

Bago ko pa idampi ang mga labi ko sa labi niya, agad na niyang tinakpan ang bibig
ko. I gave her my 'what?' look. Oh, man... Hindi nab a talaga masusundan ang first
kiss namin?

She sighed and pulled me to give me a bear hug. Yung tipong mahigpit na yakap na
medyo gigil pa. Syempre, niyakap ko naman siya pabalik.

"You were about to kiss a sick person, Alex." Sabi niya habang nakayakap pa rin.

I chuckled silently and looked to her eyes intently, "So, what? Kahit may AIDS,
SARS, ketong at kung ano-ano pang nakakahawang sakit ang meron ka, I don't mind at
all."

Nagpout pa siya lalo tapos nagcross arms pa. "Nah, ayoko namang parehas na tayong
may sakit. Okay na, ako lang."

I smiled as I kissed her again the forehead. "That was so sweet... Pero hindi...
Ayoko... Mas mabuti pang wala kang sakit. You know, back to normal..." Kinuha ko
ulit ang bouquet of roses at inabot iyon sa lap niya. "For you, Ma'am..."

"Ang ganda... Thanks, Alex..." Then she coughed hard. Hinaplos-haplos ko naman ang
likod niya para maibsan kahit papaano ang nararamdaman niya. "I'm sorry..."

"It's okay..." I smiled to her. "Kahit gusto kitang pagalitan, dahil sa katigasan
ng ulo mo, hindi ko yun gagawin ngayon. Alam mo kung bakit?"

She showed me her questioning look and then pouted again her lips. "I don't know...
All I know is my parents already scolded me about that matter. I admit, tinigil ko
yung pag-inom ng gamot kasi naman akala ko magaling na ako. At saka, I really felt
okay~ And I don't want to take that meds anymore kasi ang pangit sa lasa. Pero,
promise, Alex--" tinaas niya pa right hand niya as if she's taking an oath.
"Promise, I really felt okay..."

I just chuckled and messed her already-messy-hair. Napasimangot naman siya sa


ginawa ko. "Kaya nga, hindi na kita papagalitan eh. Kahit kating-kati ako na
sermunan ka, napakatigas kasi ng ulo mo. But I have another reason... Guess what?"
Ngumiti siya. "Of course... How could I forget that? Happy first anniversary,
Alexander..."

I hugged her again. "Happy anniversary... I love you so much..."

"I love you, too." She replied and I felt her press her lips on my shoulders. Kaya
naman niyakap ko pa siya ng mahigpit. "Ugh, hindi ako mahingaaaa~"

"Ay, sh*t... Sorry..." Agad ko siyang binitawan at pinagmasdan siya. Pero nagtaka
ako nung makitang nakasimangot siya. "What's wrong?"

"Nagmura ka na naman... Isa nalang talaga, Alex, makikipagbreak na ako sayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumayo naman ako agad at kinuha ang hinanda
kong mango crepe na ginawa ko para sa kanya. "Don't joke around, Fatima. Nagpaalam
na nga ako kahapon sa parents mo na papakasalan pa kita after College graduation
eh."

She smiled brightly at me. Yung tipong wala siyang iniindang sakit.

"Right... Nagjojoke lang ako..."

"Good, oh ayan," inabot ko sa kanya ang mango crepe. "No sugar added para hindi ka
ubuhin lalo."

"Gagaling pa ako diba, Alex?"

I tapped her head and smiled at her assuringly, "Of course, gagaling ka."

July 26th... Isang taon na rin pala kaming magkarelasyon ni Fatima. Sana ay
magtagal pa kami ng maraming taon. No, hindi Sana. Kundi, dapat magtagal pa kami ng
maraming maraming taon. Hindi ako susuko... Gagaling pa si Fatima...

-24-

***24***

Lumipas ilang linggo pero nakaconfine pa rin si Fatima dito sa Hospital. Ano na ba
ngayon? Last day of August na pero parang hindi nag-iimprove ang health condition
ni Fatima. Kinukumbulsyon siya tuwing gabi, ubo naman ng ubo sa araw. Oh God,
pagalingin niyo naman siya. Hirap na hirap na akong nakikita siyang hinihika.
"Acck! Acck! Acck!"

Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo ko sa couch saka ko siya nilapitan. "Fatima,
huwag mong lunukin. Iluwa mo."

Daig ko pa ang mga magulang ni Fatima sa pagpapaalala na huwag lulunukin ang plema
niya. Yun kasi ang cause ng pagpuno ng bacteria sa lungs niya. The least thing I
can do is to remind her to spit it out.

"I know, I know... Thank you..." Sabi niya tapos humiga na siya ulit. Bumalik naman
ako sa couch para mag-resume sa paggawa ng project ko sa Economics. Supposedly, by
two's itong project na ito pero sabi ko magsosolo nalang ako. Kaya ko naman eh.

"Alex," napahinto ako sa pagtatype nang tawagin niya ako. Unlike before, she has
now a very weak and hoarse voice. Tila ba araw-araw, nanghihina siya. I mentally
shook my head to dismiss my thought. Malakas si Fatima. She can surpass this.

"Do you need something?"

"Kamusta na ang pag-aaral mo?" Huminga muna siya ng malalim, "Namimiss ko nang
pumasok."

Hindi ko maiwasan na huwag maawa sa girlfriend ko. Almost two months ay nandito
lang siya sa hospital. Sa palagay ko, nabobore na siya dito. Nilapitan ko ulit siya
at umupo sa gilid ng kama niya. Hinaplos ko ang mga pisngi niya. Mas lalo pa itong
pumutla kesa noon.

"Pagaling ka ng mabuti, Fatima. Kahit na mauuna akong gagraduate sayo, hihintayin


pa rin kita. Sabay tayong magka-college ha?" I showed to her my hopeful smile. She
had to drop out of school because of her health condition. "Siguro, magte-take up
nalang ako ng nursing para maalagaan kita."

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at nagcross arms pa. "Huwag kang ganyan.
Dapat kunin mo yung course na gustong-gusto mo."

"Sure sure..."

Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Napapansin ko, these past few days
nagiging sobrang lambing niya na sa akin. Yung tipong bigla nalang nangyayakap o
nanghahalik sa pisngi o 'di kaya sa baba ko nang wala man lang pasabi.

"Fatima, nangyayakap ka naman dyan bigla." Niyakap ko na siya pabalik. A type of


hug where she can feel sanity.

"Alex..."

"Hmmm...?"

"Let's break up..."

My mind went blank after hearing that from her. Break-up?

"Fatima, ano ba yang pinagsasasabi mo? Look at me," sinubukan kong kumalas sa yakap
namin para tignan siya sa mga mata niya pero hindi ko yun nagawa dahil hinigpitan
niya pa lalo ang yakap niya sa akin.

I felt some hot liquids on my shoulders. Nabasa na ng luha niya ang shirt ko.

"Fatima... What's wrong?"


"M...Maghiwalay na tayo, Alex."

Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib...


kaba, takot, pangamba at sakit. Halo-halo na ang nararamdaman ko.

"F-Fatima, don't joke around. Hindi ka nakakatuwa..."

She sniffed against my shoulder and felt her caressing my back up and down, "Hindi
ako nagbibiro. Maghiwalay nalang tayo..."

"Bakit?!" I forced her to get off me. I cupped her cheeks and looked straight into
her eyes. Pained expression, that's all I can see on her face. "Inaalagaan naman
kita diba? Dinadalaw kita araw-araw. I even sleep here with you everynight.
Nagseseryoso na ako sa pag-aaral. Tell me, what's wrong with me this time? Dahil ba
nagmumura ako?" I hugged her again. "Fatima, I promise, I won't curse anymore."

Humagulhol na siya sa dibdib ko. Hinahaplos-haplos ko ang likod niya dahil kasabay
ng pag-iyak niya ay ang matinding pag-ubo niya. I can feel the vibration of her
lungs against my chest.

"Fatima, ssshhh.!! Inuubo ka na, tahan na..."

"Acck! Acck! Acckk!"

I closed my eyes as I caressed her back from up to down. "Kahit anong gawin mo,
hindi ako papayag na makipagbreak sayo. Bahala ka sa buhay mo kahit mainis ka sa
akin."

"Eh k-kasi naisip ko na pabigat na ako sayo... napapabayaan mo na ang sarili mo


pati ang pag-aaral mo dahil sa akin," tinignan niya ako sa mga mata. "Tignan mo oh,
nangangayayat ka na. Kapag nagbreak tayo, wala ka nang proproblemahin. P-Pasakit
ako sayo eh! Pabigat..."

I quickly kissed her on the lips to shut her up. "I love you, okay? Kaya tigilan mo
yan. Huwag mo akong alalahanin. Kapag lumakas ka, mas lalakas ako." Pinunasan niya
ang pisngi ko. Naiyak na rin pala ako.

"Magpapagaling ako... Promise... I'm sorry."

I smiled to her, "Huwag mo nang uulitin yun. Tinakot mo ako. Ikaw talaga..."
Niyakap ko ulit siya. "Kahit matigas ang ulo mo, mahal na mahal pa rin kita.
Magpapagaling ka ha?"

"Hmm... Hmm... Madaya ka, Alex. Second kiss natin yun!"

***

The next day, I've prepared well for this one special day. Tinext ko na ang dapat
itext. Binili ko na rin ang dapat kong dalhin sa hospital. Kasama ko ang parents ko
pati na rin si Ate Alexa papunta sa hospital.

"1... 2... 3..."

Pagkabilang ni Yaya Ana nang hanggang tatlo ay bigla nalang nitong binuksan ng
malawak ang pinto ng hospital room ni Fatima.

"SURPRISE~!!! Happy birthday, Fatima!"

Yeah, today is Fatima's 17th birthday. Kanya-kanya kaming may dala ng pagkain,
regalo, at kung ano-ano pa. Hindi syempre, mawawala ang balloons and cake.
Nilapitan ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi.

"Happy birthday, Ma'am..."

Bakas sa expression ng mukha niya ang kasiyahan. Although, lumuluha siya, hindi pa
rin mapagkakaila na napakasaya niya dahil sa ngiti niya.

"W-Wow, thank you..."

Tumayo ako katabi ng parents namin ni Fatima pati na rin nina Ate Alexa at Yaya Ana
at sabay na kinantahan siya ng...

♪♪ Happy birthday to you... Happy birthday happy birthday happy birthday to you~ ♪♪

"Make a wish, Fatima..." Si Yaya Ana na ang naglapit kay Fatima ng cake na may
dedication pa. "Wish wish wish!"

Fatima smiled as she closed her eyes and after a few seconds, she flew her eyes
open. She then blew the candles. "Thank you..."

"Anong wish mo, anak?" Tanong sa kanya ni Tita Janice.

Fatima smiled a little as she handed a piece of paper to her mom. Lately, binibusy
niya ang sarili niya sa kakasulat ng kung ano-ano sa notebook niya. Maybe, it's her
diary.

"Nandyan po ang wish ko, Mama. Hope your grant it for me."

Ngayon ko lang nakita si Fatima na may malawak na ngiti simula pa nung maconfine
siya dito sa hospital. Matagal-tagal din kaming nagkasiyahan hanggang sa isa-isa
nang umalis sina Mom at Dad. Si Ate Alexa naman ay may interview pa raw kaya
nagpaalam na rin.

"Fatima, babalik kami mamaya ha? May i-mimeet lang kaming clients." Narinig kong
sabi sa kanya nang Mama niya.

"Sige po, Mama. Ingat po kayo. Salamat po ulit dito ha?"

Her parents hugged her, "We love you... Happy birthday ulit."

Nang makaalis na sila lahat kasama nila Yaya Ana ay binuksan ni Fatima ang mga
binigay namin sa kanyang regalo. May mga stuffed toys, pillow, pair of clothes and
etc.

"Ang daming regalo... Kahit na wala akong masyadong friends, may nareceive pa rin
akong regalo. I'm so happy," sabay hagikhik niya tapos tumingin siya sa akin at
bigla nalang nilahad ang kamay niya sa akin. "Where's yours?"

I smiled slyly, "Sorry, Ma'am. Nashort ako eh. Bumili kayo ako ng cake... Mahal yan
ah! Pati yung balloons pa. Nagluto pa ako ng spaghetti---"

She raised her palm in mid-air. "Ep! Ep! Okay lang kahit wala kang gift." Hinalikan
niya ako sa chin ko. Sanay na ako dyan. 'Di pa idiretso sa lips. "You're the best
gift ever."

Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha niya. Nakaramdam na naman kasi ako ng pang-
iinit ng mukha pati na rin ng tenga.

"Ano ba, Alex~"

I laughed heartily but I stopped when I heard her cough very hard for the nth time.
"Okay ka lang?"

She nodded, "Oo naman."

Meron naman talaga akong gift sa kanya. Actually, matagal ko na 'tong gustong
ibigay sa kanya. Now's the right time, I think.

I fished out the rectangular velvet box from my pant's pocket. Iniharap ko yun sa
kanya at dahan-dahan ko yung binuksan.

"Dapat nung prom ko pa sayo ito naibigay. Yun nga lang, nag-away tayo nun," inalis
ko mula sa box ang white gold necklace na may diamond stone mula sa velvet box at
dahan-dahan ko yung sinuot sa leeg niya. "It looks perfect on you..."

Hinawakan niya ito na para bang yun ang pinakafragile na bagay sa buong mundo.

"Halaaa, ang mahaaaaaal~"

I chuckled and tapped her head, "Huwag nang maarte, Fatima. Regalo ko yan sayo."

She smiled as she hugged me, "Thank you..."

Naitulak niya ako bigla nang makarinig kami ng katok sa pinto. She eyed me with her
questioning eyes, "Sino yun?"

"Ah, sila na siguro yan. They're late."

Tumayo na ako para pagbuksan ko sila and as expected, pagkabukas ko sumambulat sa


akin ang mga mapopormang gangmates ko...

"HAPPY BIRTHDAAAAAAY!!!"

Ang X10...

I smiled sheepishly at Fatima, "Looks like the party hasn't finished yet. You said
you have few friends, well then, please consider my friends as YOUR friends as
well..."

***

Out of exhaustment ay nakatulog kami ni Fatima. Siya sa cot, ako naman sa couch.
Hanggang sa panaginip ko yata, hindi mabura sa isip ko ang ngiti ni Fatima. She's
really happy in her special day. Nagpapasalamat ako sa X10 dahil dinalaw nila si
Fatima kanina. Kahit naman na hindi sila gaanong ka-close ay naging comfortable
naman ang girlfriend ko sa kanila. Syempre, hindi pwedeng wala silang dalang
regalo. Ang yayaman eh, dapat may pakimkim.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ng pants


ko. Tinignan ko naman ang phone ko. Classmate ko pala ang nagtext. May meeting daw
kami bukas ng groupmates ko sa Social Studies. Nagreply lang ako na sasaglit ako
bukas tapos ay binalik ko na agad ito sa bulsa ko.

Tinignan ko si Fatima sa hospital bed and I literally jumped out from the couch
when I didn't see her there.

"FATIMA?!"

Tinignan ko ang apat na sulok ng kwarto pero wala siya. I even checked the Comfort
Room, but heck, she's still not there!

Lumabas na ako sa kwarto at pinagtanong-tanong siya sa mga nurses na nakasalubong


ko. Yung unang nurse na pinagtanungan ko, walang alam.

"Nurse!" Tawag ko sa nurse na papunta sa kaliwang pasilyo. Huminto naman siya at


sinalubong ako.

"Bakit, Alex?"

Siya si Mina, ang assigned nurse ni Fatima.

"Nakita niyo po si Fatima? Nawawala kasi eh. Pagkagising ko, wala na siya."
Nagpapanic na talaga ako. Sh*t, nasaan na ba siya?

"Relax," she patted my shoulder. "Nandun lang siguro siya sa garden o 'di kaya sa
Room #803. Check mo nalang... Dun lang naman siya lagi nagpupunta eh."

"Okay, thanks!"

Halos takbuhin ko na ang hallway para hanapin ang sinabing room ng nurse. Wala na
akong pakialam kung halos mabangga ko na ang mga nakakasalubong ko.

"803... 803... Where the eff is 803?" I mumbled as I roam my eyes around.
Pagkaharap ko sa south direction ko, nakita ko si Fatima na kakalabas lang mula sa
isang kwarto.

"Alex?"

I ran towards her and wrapped my arms around her. Ang lakas ng kaba ko.

"Fatima, don't do that again!"

"Ha?"

"Huwag kang aalis nang hindi ka nagpapaalam! You kept me worried!"

She hugged me back as tight as she can, "Dinalaw ko lang yung friend ko. Dinalhan
ko ng handa ko... Tara na nga, Alex."

I sighed in relief as she pulled me and started to walk away hand by hand. Oh God,
mawala pa lang siya saglit, natatakot na ako. Kahinaan ko talaga si Fatima Grace
Eugenio.
Pagbalik namin sa hospital room ni Fatima ay sumalubong agad ang mga nakabusangot
na mukha ng parents ni Fatima. Nakapameywang pa si Tita Janice.

"Where have you been people?"

I chuckled secretly and pointed at Fatima. "Si Fatima po, tumakas."

"Luh! May dinalaw--- Ack! Ack!"

Pinat ko kaagad ang likod niya. Inuubo na naman kasi. "She visited a friend, Tita.
Hinanap ko po siya kaagad. Nawala kasi bigla."

Tita Janice sighed, "Don't do that again. You scared me!" Niyakap niya ang anak.
"Alam mo namang mahina ka kung saan ka pa nagsususuot."

"Sorry, Mama."

"Haayy! What can I say? Balik ka na sa kama mo," she assisted her back to the bed.
"Sleep, Fatima."

"Mama, how's my wish?"

"Fatima, 'di pwede. I'm sorry..."

"Pero, mama—"

"No... Hindi talaga pwede. Huwag na matigas ang ulo, Fatima."

Fatima glanced on me for a second. Kita ko sa mga mata niya ang determination,
"Sorry po."

And there it goes her cough again... Fck those bubbling vibration on her chest.
Nasasaktan siya physically tuwing inuubo siya ng ganyan.

"Ack! Ack!"

She coughed again kaya naman lumapit na ako sa kanya at hinaplos-haplos ang likod
niya, "Fatima, how do you feel?"

"I am fine... Ack! Ack!"

Napansin ko na kinakapusan na naman siya ng hininga. Bago pa man ako magreact ay


pinindot na ni Tita Janice ang intercom para tawagin ang doctor. Sh*t...

"Fatima... Relax... Relax... Fck!"

Hindi ko na napansin na dumating na ang doctor at ang mga nurse sa kwarto. Bago pa
ako pinalayo ng mga nurse ay may inabot pa sa akin si Fatima na piece of paper
kagaya ng binigay niya sa Mama niya.

From where I am standing, I saw her took a glimpse on me with those teary eyes.
With that glimpse, I feel the pain she's suffering...

I told her with my shaking voice, "Fatima... Kayanin mo..."

Patuloy sa pagpump ng oxygen ang mga doctor kaya napayuko na ako para magdasal.
Please God, heal her...

Naramdaman kong hinawakan ako ni Tito Larry sa balikat ko kaya tinignan ko siya. He
was looking intently at Fatima.

"Fatima, kayanin mo... We'll grant your wish, promise..."

Kinabahan ako nang dahan-dahang pinikit ni Fatima ang mga mata niya. She became
calm. Inihinto ng doctor pati na rin ng mga nurse ang kung anumang ginagawa nila.

Humarap sa amin ang doctor, "She's fine... She needs to rest."

I sighed in relief. Thank God... Huwag Niyo po siyang pababayaan.

-25-

***25***

Almost two weeks na rin ang nakalipas nang magcelebrate ng birthday si Fatima.
Habang tumatagal, lalo akong nababahala sa kondisyon ng kalusugan niya. Mas madalas
na siyang kinakapusan ng hininga ngayon kaysa dati. Mas lalo ko tuloy gusto siyang
alagaan. Ni ayaw ko na ngang pakinggan kung anuman ang observation sa kanya ng
doctor. Lagi-lagi nalang kasing negative ang binabalita niya sa amin. Ayoko nang
paulit-ulit na naririnig yun. Basta para sa akin, gagaling siya. Kung hindi man sa
tulong ng mga gamot, mas umaasa naman ako sa Panginoon.

Halos oras-oras akong nananalig sa Kanya na sana gumaling si Fatima. Kahit na


sinasabi ng mga doctor na konti nalang ang pag-asa para gumaling siya, hindi ako
naniniwala. Mas pinaniniwalaan ko ang kapangyarihan ng Diyos.

I know, this is not the usual me. What else can I do? Siya na lang ang tanging
maaasahan ko sa mga panahong ito. Besides, Fatima taught me how to talk to Him.
Walang tamang oras o lugar para kausapin Siya. I know he can hear our prayers.

Kakauwi ko lang galing sa klase pero dito na ako dumiretso sa ospital. Simula pa
noong ma-confine si Fatima dito, ito na ang nagsilbing pangatlong bahay ko. Ang
ospital.

Naglalakad ako sa hallway nang hospital nang bigla nalang akong may nabanggang
babae. Napaupo pa siya sa sahig kaya tinulungan namin siya ng kasama niyang nurse
para tumayo.

"Sorry, miss..."

"Tsk! Eto ang problema ng bulag! Lagi nalang nababangga!"

Napatingin ako sa mukha niya. I even waved my hand on her face. Nakumpirma kong
bulag nga siya nang magsalita ang kasama niyang nurse.

"Sir, ako nang bahala sa kanya... Pagpasensyahan mo na po siya. Bulag po eh..."

Napaatras ako nang tabigin siya ng babae. "Wow! Ako na nga ang nabangga, sa kanya
ka pa humingi ng pasensya. Mga tao nga naman! Alis nga!" Tumabi ako nang tabigin
niya ako.
"Sorry, hindi ko sinasadya..." Pahabol ko sa kanya at tumakbo na ako papunta sa
direksyon ng hospital room ni Fatima. I took in a deep breath before turning the
knob.

"Good afternoon, Fa-----" Napahinto ako sa pagsasalita nang makita kong malinis ang
kwarto. Inikot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Ang tanging nakita ko
lang sa loob ay ang nurse ni Fatima. Pinapalitan na niya ng bagong bed cover ang
hospital bed. "Nurse... Asan ang pasyente dito?"

"Dinischarge na po eh..."

"What? Since when?"

Humarap siya sa akin, "Kaninang umaga lang po."

"Paano nangyari yun?" I thought aloud before looking to her again. "Miss, kamusta
na ang health condition ni Fatima?"

Biglang lumungkot ang mukha niya kaya bigla akong kinabahan. "Pinipigilan nga po
sila ni Doc na i-discharge si Fatima... Kaso mapilit ang Nanay niya, sir."

"Oh sh*t... Sige, salamat, miss," I said before storming out of the room.

Pumunta agad ako sa car park at sumakay sa service car ko. Agad-agad kong tinawagan
si Tita Janice dahil sa sobrang pag-aalala ko.

["Hello, Alex?"]

"Tita Janice, bakit niyo po pina-discharge si Fatima sa ospital? Hindi pa naman


siya---"

She cut me off, ["Ssshhh... That's what she asked me. Ayos lang ba kung sumunod ka
dito sa Tagaytay, Alex? Gusto kitang makausap ng personal. Ipagpapaalam kita sa Dad
mo. Weekend naman na bukas diba?"]

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa headrest ng backseat. "Bakit
naman po biglaan yan?"

["...Alex, dito nalang natin yan pag-usapan. Please, can you come over?"]

I sighed, "Of course, Tita. Bukas na bukas pupunta po ako dyan."

["Thanks..."]

"Pakikamusta nalang po ako kay Fatima..."

Pagkababa ko ng cellphone ay sinabihan ko kaagad si Kuya Jun na iuwi na ako.


Ibabalik ko na sana sa loob ng bulsa ng pantalon ko ang phone nang mapansin ko ang
maliit na papel sa inuupuan kong seat. Ito yung binigay sa akin ni Fatima nang
magbirthday siya.

Kahit na nabasa ko na ito ng ilang beses ay binuksan ko ulit ito.

--
My second wish is to create more memories with you.

--Fatima <3

--

***

Gaya nga ng sinabi ko kay Tita Janice ay bumyahe agad kami ni Kuya Jun kinabukasan
papuntang Tagaytay. Pinayagan naman ako ni Dad na mag-stay muna ako sa Tagaytay ng
ilang araw. They even sent an excuse letter to E.H.A saying that I am going to be
absent for 3 days... Bale sa Thursday na ako makakapasok. Pabor naman sa akin yun
dahil mas matagal kong makakasama at maalagaan si Fatima since nasa Tagaytay nga
siya. Naisip ko tuloy, hindi ko na siya pwedeng dalawin ng madalas gaya ng pagdalaw
ko sa kanya sa ospital. Medyo malayo na kasi ito mula sa Maynila.

"Alex, buti nakapunta ka? Ginabi ka yata," nagmano agad ako kay Yaya Ana nang
salubungin niya kami sa gate.

"Ah opo... 3PM po kami umalis sa bahay kaya natraffic kami," I replied to her while
roaming my eyes around the house. "Si Fatima po?"

"Nasa balcony siya... Nagpapahangin."

"Puntahan ko nalang po siya dun, pwede?"

Tumango naman siya bilang pagpayag kaya naman nagmamadali na akong pumunta sa third
floor ng bahay na ito. Pagkarating ko sa balcony, naaninag ko kaagad si Fatima na
nakaupo sa rocking chair paharap sa magandang scenery ng lake. Pinagmasdan ko muna
siya sa ganoong posisyon mula dito sa pinto ng balcony. I smiled as I saw a small
smile formed her lips while she's sleeping. Napakapayapa ng mukha niya.

I walked towards her silently. Lumuhod pa ako sa kaliwa niya at dahan-dahan kong
kinuha ang mga kamay niya.

Her eyes immediately flew open in surprise, pero agad-agad naman siyang ngumiti
nang makita niya ako. "Ginulat mo naman ako, Alex..."

I sighed as I heard his hoarse voice. Napakahina na ng boses niya gaya ng katawan
niya.

"How do you feel?"

She smiled to me, "I feel alright. Mas komportable ako sa lugar na ito, Alex. Dito,
mas masaya ako." Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako dun. "Thank you for
following me here..."

"Puro ka nalang thank you." Dahan-dahan kong ginulo ang buhok niya. "Wala naman sa
akin ito. Alam mo naman na ginagawa ko ito para sayo, diba?"

Hinang-hina siyang tumango. "Masaya ako kasi tinupad ni Mama yung wish—Ack! Ack!
Ack! Excuse me," hinaplos-haplos ko ang likod niya habang umuubo siya. Napapapikit
nalang ako tuwing naririnig ko ang bubbling sounds ng baga niya.

"Bakit ka ba kasi nandito sa labas? Mahamog na oh," inalalayan ko siyang tumayo.


"Ang mga sakitin, kung magpapahamog man sa gabi, dapat nakasuot ng jacket o 'di
kaya'y bonnet o sumbrero."

Tumawa naman siya ng mahina habang inaalalayan ko siyang pumasok sa loob. "Para ka
nang tatay magsalita... Ang matured mo..."

"Natuto lang ako sa'yo, Ma'am... Pwedeng makikain? Nagugutom na kasi ako."

"Oo naman..."

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay agad-agad kong hinatid si Fatima sa kwarto


niya. Nung una nagtaka ako kasi hindi ko nakita ang parents niya dito. Ang sabi
naman niya, nagpunta lang daw sa bayan para mamili ng grocery stuffs. Nanuod muna
kami ng TV habang nakaupo kami sa kama niya. Kung dati ay nahihiya akong tumambay
sa kwarto niya dahil sa parents niya, ngayon naman ay nasanay na ako. Basta daw ba
laging nakabukas ang pinto eh.

"Alex," binalingan ko ng tingin si Fatima. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-


pisil yun. "Malapit na ang birthday mo, diba?"

"Sa Tuesday na... Bakit?"

Ngumiti siya sa akin. "Diba, may wish ako sayo?"

I nodded my head, "Create more memories with me? Para saan naman yun?"

Isinandal niya ang ulo niya sa braso ko kaya hinahaplos-haplos ko ang buhok niya.
"Gusto kong maulit yung first date nating dalawa. Naalala mo yung sa Cebu?"

"Oo naman... Hindi ko pwedeng kalimutan yun..."

Umubo na naman siya kaya hinaplos ko ang likod niya. "Sana maulit ulit yun... Kahit
hindi na sa Cebu. Kahit dito nalang sa Tagaytay...."

"Seryoso ka ba, Fatima? Kaya mo pa bang gumala?"

Humagikhik siya ng mahina. "Kakayanin ko... Dun ako sasaya eh."

***

Kinabukasan, nagpaalam kami ni Fatima na magde-date kami. As expected, hindi kami


pinayagan ni Tito Larry. Paano raw kung sa gitna ng pagdedate namin ay kapusin ng
hininga sa Fatima? Paano kung mapagod siya? Paano kung matuyuan na naman siya ng
pawis?

"It's okay, Fatima... We can still create memories here in your house."

Nagpout naman siya, "Gusto kong magpicture taking tayo. Gusto kong makakita ng
ibang lugar." Bumuntong-hininga siya saka ako tinignan sa mga mata. "Please, Alex?
Convince them for me..."

"No, Fatima." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa railings. Nandito ulit
kami sa balcony over-looking the lake. "Para sayo rin naman yun eh. Promise, kapag
gumaling ka na, ipapasyal kita kahit saanmang lugar na gustuhin mo. Kahit sa ibang
bansa pa eh..."
"P-Paano kung hindi na ako gumaling? Hindi ko na mararanasan yun!"

My face hardened on what I heard. Inakbayan ko kaagad siya at hinalikan ang ulo
niya. "Huwag ka ngang ganyan magsalita, Fatima. Alam mo namang nagagalit ako kapag
nagiging pessimistic ka diba? Tsk!"

My voice is shaking as well as my body. Hindi dahil sa malamig na temperatura ng


lugar, kundi sa mga pinagsasabi ni Fatima. Iniisip ko pa lang na mahihiwalay sa
akin si Fatima, hindi ko na kaya.

"Joke lang... Ang OA mo, Alex." Sa boses niya, halatang malungkot siya. I abruptly
hugged and squeezed her pero agad ko rin siyang binitawan.

"Puro ka joke... Hindi magandang biro yan."

"Fine, you can go out..."

Napahinto kami nang marinig namin ang boses ni Tita Janice sa likod namin. Agad-
agad naman naming siyang nilingon. We saw her with Tito Larry beside her.

"Mama?"

Ngumiti si Tita Janice at pinagkrus ang dalawa niyang braso. "You can go on a date
now. Be sure to be back before the sunset..."

"No physical activities... You're both not allowed to get exhausted. Kapag
naramdaman mong napapagod ka na Fatima, uuwi agad okay?" Mabilis na tumango si
Fatima sa dad niya. "Take your meds on time. Isama niyo ang driver mo, Alex."

Fatima and I took a glimpse on each other before answering them.

"Yes po!"

***

Our date went so well. Una kaming pumunta sa Picnic Grove para kumain ng lunch.
Supposedly, we should eat together alone. Yun nga lang, kasama sina Kuya Mario at
Yaya Ana na nakikihati pa sa Jollibee na take-out namin. Hindi kasi kami
nakapaghanda ng baon dahil biglaan nga ito. Naisip tuloy namin ni Fatima na parang
double date ito kaya naman inasar namin sila. At ayun, nagblush pa sila. Pfft!
Parang teenagers lang.

We wandered around the park. As much as we wanted to try the zip line, we still
controlled ourselves not to do so. Remember, no physical activities. Pwede sana
ako... Kaso si Fatima? Nah... Baka bigla nalang siyang hikain habang nasa ere kami.
I don't want that to happen.

Shot pictures here and there... Yun lang ang ginawa namin. Kuya Mario, as a
photographer, parang enjoy na enjoy din siya sa ginagawa namin. Si Yaya Ana naman,
laging chinecheck kung basa na ba ng pawis ang likod ni Fatima. Kahit na cautious
kami sa kalagayan ni Fatima, we still enjoyed our date.

Bago namin lisanin ang Picnic Grove ay sinubukan namin ang horse-back riding. Hindi
naman ito gaanong nakakapagod dahil depende naman sa rider kung gusto mo ay dahan-
dahan lang ang paghila sa kabayo. As for our case, dalawa kami ni Fatima ang
nakasakay sa kabayo. Nasa likod ko lang siya habang may dahan-dahan na humihila sa
paglakad ng kabayo. Napakabagal lang ng lakad kaya hindi nakakapang-alala.

Our second iterinary was Residence Inn Zoo. As being me, I'm not really into
animals. Wala talaga akong kahilig-hilig, pero nang makita ko si Fatima na enjoy na
enjoy na makita yung mga hayop kagaya ng camel, snakes, fishes, rabbits, reptile
animals, at iba pa, natuwa na rin ako. Sabihin niyo nang mababaw ako pero mas
iniienjoy kong makita ang mga ngiti ni Fatima.

For our last itinerary, we decided to go to the People's Park in the sky. Sobrang
tarik ng daan kaya napagpasyahan naming lakarin nalang pataas. Pero syempre, hindi
ko hinayaan na maglakad si Fatima. Piggy back-ride ang ginawa namin para hindi siya
mapagod. Yun nga lang, kahit napakagaan na ni Fatima, hindi pa rin maiwasan na
hingalin ako. Potek! Ang taas eh.

"Worth it ang pagod mo, Alex..." Sabi sa akin ni Fatima habang nakapwesto kami sa
viewing deck. Napakataas ng lugar kaya ito ang best spot para makita ang Taal Lake.
Napakaganda. Breath-taking scene.

"Ang ganda ng view." Tinuro ko ang Taal Lake sa kanya, "Kita mo yung crater ng
bulkan? Kitang-kita mula dito oh..."

"Oo nga! Teka muna, saan na sina Yaya at Kuya Mario?"

Inilibot namin ang tingin namin sa paligid. Hanggang sa makita namin ang dalawa dun
sa may malaking pinya na parang playground.

"Pfft! Nagde-date rin yata oh. Magkakalovelife na ang Yaya mo, Fatima."

Humagikhik naman siya. "Edi masaya..." Tumingin ulit siya sa akin. "Alex, picture
ulit tayo?"

"Sure..." Nilabas ko ang digicam sa bag ko at kinuhanan namin ang sarili namin ng
picture.

Matagal-tagal din kami sa viewing deck. Pahapon na kaya mas lalong lumalamig.

Agad kong inakbayan si Fatima at ibinaba ang hood ng jacket niya sabay scroll sa
mga pictures sa digicam namin.

"Thanks for creating memories with me, Alex. Ipangako mo sa akin, huwag na huwag
mong kakalimutan ito..."

And with that, he kissed me lightly on my lips.

***

Sobrang nag-enjoy kami ni Fatima kahapon sa date namin. Needless to say, naenjoy
din nila Kuya Mario at Yaya Ana ang date. Mukha namang compatible sila sa isa't-
isa. Matandang binata ang driver ko. Matandang dalaga naman ang Yaya ni Fatima. Not
bad, right?

Pababa ako sa staircase ng bahay nila nang makita ko si Fatima sa living room na
para bang gumagawa ng project. Ang daming scrap materials sa paligid niya;
scissors, different colors of papers, crayons, highlighter pens, glue, newspapers,
at kung ano-ano pa. Lumapit agad ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Good morning... What's up with all these craps?"


She busied herself on cutting some papers, "Gumagawa ako ng scrapbook."

"For?" Pinahinto ko siya sa paggupit. "Kain na muna tayo..."

"Tapos na ako... Ikaw nalang..." Nginitian niya ako. "Tanghali ka na nagising eh."

My brows creased. "Is that so? Nakakahiya. Nasa ibang bahay pa naman ako."

She giggled but she stopped when she coughed, "Ack! Ack! Alex, kumain ka muna tapos
tulungan mo ako dito."

"Ayos ka lang?"

She smiled assuringly at me, "Ayos pa sa alright..."

Gaya nga ng sinabi sa akin ng girlfriend ko ay kumain muna ako ng breakfast.


Pancakes and juice lang naman ang kinain ko kaya mabilis akong nakabalik kay
Fatima.

"I'm done... Nahugasan ko na rin ang pinagkainan ko." Napansin ko na may kalendaryo
sa center table kaya kinuha ko iyon. "Anong gagawin mo dito sa kalendaryo, Fatima
Grace?"

"Scrap book nga... Ang kulit?"

Baragin daw ba ako? "Stop it... Bibili nalang ako sa bayan ng scrap book na
ididikit mo nalang ang pictures. Masyadong matrabaho kapag recycled eh."

She eyed me amusingly, "Trust me on this, Alex. An artistic person doesn't need new
materials. Maganda kung todo-effort, okay?"

I pinched her cheek, "Cute ng girlfriend ko. Minsan, nagiging isip-bata ka. Kung
minsan naman, nagiging matured ka." I showed her my thumb up, "Okay then. Anything
for my girlfriend. Kahit anong kalokohan pa ito, tutulungan kita."

She beamed, "Kalokohan ba yang pictures natin?"

"Oh," I grimaced. "Ang bilis ma-iprint ah? Parang kahapon lang 'to ah."

"May printer po kami... So, let's get started, sir?"

I nodded my head, "Sure, Ma'am..."

Collecting our pictures together from last year up to now is the best activity we
have ever done. It made us to reminisce all those memories... From being strangers,
friends, bestfriends, partners and as a couple... Who knows what's next? It might
be our wedding picture together. I'm hoping to it.

-26-

***26***
Two days na rin ang nakalipas matapos ang date namin. Hindi naman big deal sa akin
ang araw ng kapanganakan ko. Kahit kailan kasi ay hindi ako nagcecelebrate. I just
started my day with a simple prayer and off I went to jog outside. After an hour,
bumalik na rin ako sa bahay at as expected, gising na si Fatima. She's having her
breakfast in the living room with Yaya Ana.

"Good morning, Ma'am..." I said as I sat beside her on the sofa bed. Pinagmasdan ko
lang ang mukha niya. She's becoming paler than ever. Bagsak na bagsak na ang buong
katawan niya. Even her smiles are getting weaker.

"Good morning din... S-saan ka galing?" Umubo na naman siya kaya hinaplos-haplos ko
ang likod niya.

"Nag-jog lang sa labas. Kamusta ang pakiramdam mo, Fatima?"

She just smiled weakly to me, "I'm trying to be okay."

Medyo kinabahan ako sa sinagot niya. Tuwing tatanungin ko kasi siya tungkol sa
pakiramdam niya ay kung hindi 'ayos lang ako' ay 'I'm okay' lang ang sinasagot
niya.

"Bakit? Nahihirapan ka ba?"

She shook her head weakly, "Ayoko nang magsinungaling pa. Mas gusto kong magsabi ng
positive kesa ng negative. Imbes na sabihing hindi ako okay, mas magandang sabihin
nalang na susubukan kong maging maayos."

I took a glance on Yaya Ana beside her. Umiwas lang siya ng tingin at nakita kong
pinunasan niya ang mga mata niya. I cleared my throat and smiled to her, trying to
brighten up the atmosphere.

"Ehem! Nakikinobena na ako kasama nila Yaya Ana at ang parents mo, siguro naman
papagalingin ka na ni Lord nyan," I touched her cheek and gave her my assuring
smile. "Huwag nang magdrama, Fatima. Gagawan kita ng mango crepe para sumaya ka.
Dyan ka lang ah..."

I stood up and headed to the kitchen. Dire-diretso ako sa kitchen counter at saglit
na natigilan nang maalala ang sinabi ni Fatima.

"She'll get well... I belive in You..." I mumbled as I felt a single tear fell from
eye.

***

Nagising ako sa pagkakaidlip nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng phone ko.
With my eyes closed, I tapped the answer key and placed it on my ear.

"Yes, hello?"

["Happy birthday, Alexander. Hope you have a great day today."]

Napamulat ako nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Tinignan ko pa ang screen
ng phone ko para malaman kung tama nga ang hinala ko.
"Dad, thanks..."

["Enjoy your stay there, anak. I'll try to pay Fatima a visit kapag nakaluwag-luwag
na sa schedule."]

"Salamat ulit, Dad!"

I ended up the call and caught myself smiling. Ngayon lang yata ako binati ni Dad
after several years. Naalala ko bigla na nandito nga pala ako sa loob ng kwarto ni
Fatima. Dito ako natulog sa couch malapit sa kama niya dahil oras nga ng afternoon
nap. Tumingin agad ako sa kama kung saan nakahiga si Fatima pero agad-agad akong
napabalikwas nang makitang wala na siya doon.

Pakamot-kamot ako sa ulong lumabas ng kwarto. "Tsk. Di man lang ako hinintay ni
Fatima na magising," bulong ko sa sarili ko habang pababa ako ng hagdan.
Nakasalubong ko si Tito Larry kaya umayos agad ako ng tindig. Kahit papaano ay
nahihiya pa rin naman ako sa tatay ng girlfriend ko.

"Oh, Alex, kagigising mo lang?"

Tumango-tango ako, "Opo. Mukhang napatagal ho ang tulog ko kasi hindi na ako
hinintay ni Fatima na gumising." Usually naman, nag-aantayan kami ng gising at
sabay na lumalabas ng kwarto. Ano bang meron?

"Ah, umalis sila ni Ana kanina eh. Hindi ko alam kung saan sila pumunta," nagkibit-
balikat siya at nilagpasan na ako paakyat ng hagdan. "Kasama din nila ang driver
mong si Jun."

My brow creased. "Tito, bakit niyo naman po pinayagan?"

Imbes na sagutin ako ay nagkibit-balikat lang siya sa akin at tuloy-tuloy nang


umakyat ng hagdan. Sa sobrang pag-alala ko ay tumakbo na ako pababa at dumiretso sa
garden. Nakita ko naman dun si Tita Janice na nagwawalis ng mga tuyot na dahon kaya
lumapit na ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin ang orange na kapaligiran. Palubog na ang araw.

"Tita, si Fatima po?"

Huminto muna siya sa ginagawa niya saka ako hinarap, "May pinuntahan kasama sina
Jun at Ana. Hindi ko lang alam kung saan."

"Ha?" Napakamot na ako sa batok ko dahil sa frustration. Lintek naman oh! Bakit 'di
man lang ako sinama? "Tita, pagabi na po oh... Mahamog na pa naman. Anong oras po
umalis?"

"Alas-kwarto y medya siguro?"

Hindi talaga ako mapakali kaya nagpaalam na ako kay Tita Janice at umalis na muna
sa bahay gamit ang bike. Bahala na kung saan mapadpad. Ang gusto ko lang ay mahanap
sila. Ayoko pa naman na gumigising ako na biglang nawawala si Fatima sa paningin
ko. Ang hirap. Shet!

Habang nagpepedal ako ay biglang sumanggi sa isip ko ang lugar kung saan ako dinala
ni Fatima noon.

Ang bakanteng lote.

Ang cliff.
Dumiretso agad ako sa lugar na yun saka ko isinalampak ang bike sa gilid ng gate
nito. Lumusot ako sa ilalim ng barbwire para makapasok sa loob. Naalala ko tuloy
nung summer. Pinilit akong palusutin dito ni Fatima kaya naman napunit ang sleeve
ko.

Saglit akong natigilan nang makitang naka-park ang service car ko sa loob ng lote.
"Paano nakapasok 'to dito?" Tumingin ulit ako sa gate. Nakita ko na hindi na ito
naka-lock. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Bukas naman pala pero lumusot pa ako sa
barbwire na yun. Tss.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid habang binabagtas ko ang loob ng loteng ito.
Sobrang lawak naman kasi ng lugar. Puro mga halaman pa ang nandito kaya hindi ko
maiwasan na matakot kahit konti.

"Fatima naman... Nasaan ka na ba?" Nilabas ko ang phone ko at ginawa iyong


flashlight. Nasa gitna ako ng paghahanap nang biglang may humila sa braso ko. Bago
pa ako magpumiglas ay nagsalita na siya.

"Ser, ako 'to. Si Jun..."

"Takte! Ginulat mo ako."

"Teka muna sir," nagtaka ako nang bigla niya akong suutan ng piring sa mata.
"Pasensya na. Napag-utusan lang."

"Kuya Jun! Ano ba 'to?!" Tsk! Na-set-up ba ako? Alagad yata ng sindikato si Kuya
Jun. Sh*t! Tatanggalin ko sana ang piring kaso pinigilan niya ang kamay ko. "Sir,
huwag ka nang killjoy. Sumama ka nalang sa akin... Wala naman akong masamang balak
sayo. Pfft!"

"Dapat lang! Subukan mo lang talaga!"

Wala na akong choice kundi ang magpaubaya nalang sa kanya. Medyo mabato pa ang
daanan kaya muntik na akong magkandatali-talisod. Ilang saglit lang ay tumigil na
kami. Naramdaman ko ang marahang pagtapik niya sa balikat ko.

"Ser, bilang ka ng hanggang lima bago mo tanggalin ang piring. Iiwan na kita dyan."
Narinig ko pang nilakasan ang boses niya, "TARA NA!"

"Sh*t! Ano bang kagaguhan 'to, Kuya Jun? Saan ka pupunta?!"

"Bilang na ser!"

Naramdaman kong may humila sa kamay ko. Malambot at medyo malamig na kamay.
Kilalang-kilala ko ang may-ari nito. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Fatima?" I shivered as the wind blew through my skin. Napakalamig ng simoy ng


hangin. Halatang galing mula sa lake.

"Bilang ka muna..."

I took in a deep breath as I ran my fingers on my hair, "Fatima... Ano bang


kalokohan 'to?" Narinig kong umubo siya kaya nagmamadali na akong bumilang.
"1234...5!"

Tinanggal ko kaagad ang piring sa mata ko. Nagulat ako sa nakita ko. Ito ba ang
dahilan kung bakit sila nawala kanina? Ito?
"W-Wow..."

Pumunta sa harapan ko si Fatima. She fainted a smile as she held my hand, "Happy
birth..day, Alex."

Hindi na ako nagdalawang isip pa. I abruptly wrapped my arms around her as I
sniffed her scent. Nakatingin lang ako sa mga kandila na nakaform as 'Happy b-day
Alex'. Napansin ko rin ang tent na nakatayo sa kaliwang banda pati na rin ang banig
na nakalatag sa damuhan.

"Fatima, hindi mo naman kailangang gawin ito eh."

"Ayaw mo ba?" Naging malungkot ang boses niya kaya agad-agad akong sumagot.

"Hindi naman sa ganun." I pulled away from the hug and then looked into her eyes
intently, "Simpleng presence mo lang, ayos na sa akin. Baka pinagod mo pa ang
sarili mo."

"Hindi naman eh," she pouted her lips. "Sina Yaya Ana at Kuya Jun lang ang kumilos
kanina. Supervisor lang ako."

"Ikaw talaga..." Ginulo ko ang buhok niya saglit saka ko isinuot sa ulo niya ang
hood ng jacket niya. "Maraming salamat, Fatima. I really appreciate this."

Ngumiti naman siya sa akin sabay hawak niya sa kamay ko, "Tara, kain na tayo?
Nagluto si Mama at Papa ng baon natin."

Nagulat ako kasi kasabwat pala ni Fatima ang parents niya. At talagang nag-abala pa
silang magluto ng meatballs spaghetti, fried chicken, lumpiang shanghai at may cake
pa. Mukha tuloy akong nagcelebrate ng 7th birthday ko. Napakasaya ko, kasi ngayon
lang ako nagcelebrate ng birthday ng ganito. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa
pagkabata.

"Bakit may tent dito?" I asked while placing all the foods we ate back to its
basket.

"Overnight tayo dito..."

"Ha? Pumayag sila Tita?"

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Napansin ko tuloy ang mapuputla niyang
labi. Hindi na siya nakakangiti ng masaya katulad noon. "Kilala ka na nila. Sobra
na ang pagtitiwala nila sayo."

I chuckled, "As if I'm gonna do something nasty with you. Syempre, hindi ko gagawin
yun. Ang ibig kong sabihin ay baka malamigan ka dito. Ang lakas ng hangin oh."

Naubo muna siya kaya nilapitan ko siya at bahagyang hinagod ang likod niya. Bakit
ba hindi na nag-improve ang kalusugan niya? Iniinom naman niya ang gamot niya ah?

"Ayos na, Alex," pinigilan niya ako at saka siya humarap sa akin. "Hiniling ko 'to
sa kanila. Ito yung last wish ko... Ang icelebrate ang birthday mo kasama ko. Yung
tayong dalawa lang."

Tumayo siya at nagtaka ako dahil pumasok siya sa tent, "Fatima, anong gagawin mo?"

"Kukunin ko lang yung gift ko para sayo," sagot niya mula sa loob. Maya-maya lang
ay lumabas na siya mula rito. I saw her carrying the scrapbook we've made last
Sunday. Nagtaka ako nang iabot niya ito sa akin. "Yan ang gift ko para sayo..."
"Your gift for me?" I asked unbelievingly.

Umupo siya ulit sa tabi ko sa banig, "Oo... Pasensya ka na kung yan lang ang gift
ko para sayo ha? Alam mo naman na hindi na ako nakakapag-ipon."

I flipped the pages and viewed all our old pictures together up to the latest.
Napapangiti tuloy ako nang wala sa oras. "This is the best gift ever. Thanks,
Fatima."

"Oopps! Meron pa pala."

Nangunot ang noo ko nang makita siyang may kinukuha sa bulsa ng pants niya. "Meron
pa?"

"Ito oh. Akin na yang ankle mo," hinila niya dahan-dahan ang kaliwang paa ko.
Nakita ko nalang na sinusuutan niya ito ng isang personalized anklet. Blue and
black in color. Simple yet you can feel the effort through it. "Ginawa ko yan noong
nasa hospital pa ako. Nahiya kasi ako sa bigay mo na mamahaling necklace eh."

Nakita kong tinignan niya ang suot niyang necklace. I just smiled as I stared on
the anklet she gave me. "Sobrang ganda... It's priceless."

"Mabuti nagustuhan mo, Alex. Akala ko, makokornihan ka kasi simple lang eh."

Inakbayan ko siya at sabay na humarap sa cliff sa tapat namin. Madilim na ang buong
paligid. Visible na rin ang mga bituin sa langit. This night is so special for me.

Pinasandal ko ang ulo niya sa balikat ko saka ko dinampian ng halik ang ulo niya.

"You're so thoughtful. That's one of my reasons why I love you so much... Thanks,
Fatima. You let me feel that I am loved in your own special ways."

***

Nagkwentuhan pa kami ni Fatima tungkol sa ilang bagay. Ilang bagay na para sa akin
ay mahalaga. Pinag-uusapan kasi namin kung anong plano niya kapag gumaling na siya
ng tuluyan. Umabot na yata kami nang mahigit dalawang oras pero hindi kami
nauubusan ng kwento. Ganito kami ni Fatima, walang sawaan. No dull moments kumbaga.

"I'd want to be a nurse someday. Gusto ko ring maging pediatrician para mapagaling
ang mga batang maysakit," bumuntong-hininga siya. "Mas inaalala ko kasi ang mga
bata. Kailangan nila ng proper care habang may sakit sila kasi hindi biro ang
injectionan sila nang ilang beses. Been there, done that..."

Humiga ako sa banig saka ko siya sinenyasan na humiga rin. Nung una ay malayo pa
siya sa akin kaya ang ginawa ko ay pinaunan ko sa kanya ang braso ko saka ko siya
hinapit sa katawan ko.

"Huwag ka nang mahiya. Ayos lang yan..."


She giggled silently. Naputol ito nang ubuhin ulit siya. Tsk.

"Ayos ka lang, Fatima?"

Hindi niya ako sinagot. Tumuro siya sa kalangitan. "Ang daming stars~ Ang daming
constellations."

"Ibig-sabihin lang nyan, maganda ang panahon ngayon. Hindi uulan..." Sagot ko.

"Sana may dumaan na meteor..."

Hinaplos ko ang buhok niya, "Pwede ka namang magwish kahit walang meteor eh. Go
ahead, make a wish..."

"Ah sige," nakita kong pumikit siya habang may nakaukit na maliit na ngiti sa labi
niya. "I wish Alex to stay good and happy as he is whatever life may bring us.
Huwag Niyo po siyang hayaan na bumalik sa dating siya. I like the way he is now.
Yung masaya, sweet, mabait, maalalahanin, maangas pero cool at mapagmahal na Alex."

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya tapos ay ngumiti siya sa akin. I also
smiled at her in return. "Hindi naman wish yan eh. Sinasabi mo lang yan sa akin."

"Mag-promise ka sa akin na hindi ka malulungkot. Gusto ko lagi kang nakangiti,


Alex. Ayoko nang masungit na Alex. Ayoko ng aloof na Alex. Gusto ko ang current na
Alex. Promise me that you'll stay the way you are. Please?"

The way she spoke, I kinda felt a pang of pain in my chest. It's like her words
touches my heart.

"I promise..."

Napansin ko na nangingilid ang luha sa mga mata niya kaya hindi pa man iyon
bumabagsak ay pinunasan ko na ito. She murmured lovingly, "I love you..."

"I love you more..." Inalalayan ko na siyang bumangon. "Tara na sa loob ng tent?
Masyado nang mahamog eh."

"S-sige..."

Inalalayan ko siyang pumasok sa loob ng tent. Medyo nagulat ako kasi makapal na
comforter ang nakalatag sa loob. Kumpleto rin sa kumot at unan. Talagang
pinaghandaan ah.

We laid side by side, staring at each other's face.

"Tulog na tayo?" I whispered to her.

"Picture muna tayo," gamit ang phone niya ay kumuha pa kami ng picture. Buti nalang
ay may flash kaya maliwanag naman ito. "Last request, Alex..."

"Ano yun?"

"Sing for me..."

"Ha? Hindi ako marunong."

"Please?"

I sighed in defeat. Inayos ko muna ang kumot sa katawan niya at bahagyang hinaplos-
haplos ang buhok niya. "Huwag kang tatawa ah." I cleared my throat first. "Tutal,
ito ang favorite mong song. Ito nalang ang kakantahin ko para sayo."

♪♪ I remember the days we spent together

All those drives

We had a million questions all about our lives

And when we got to New York everything felt right

I wish you were here with me tonight ♪♪

♪♪ I remember the days we spent together

Were not enough

And you still feel like dreaming except we always woke up

Never thought not having you

You know it hurts so bad ♪♪

♪♪ Tonight I'm falling and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And everynight I miss you

I can't just look up

And know the stars are holding you

Holding you tonight ♪♪

"Ang galing mo," nakangiti niyang sabi habang nakapikit na. Sobrang hina na ng
boses niya. Siguro inaantok na siya. "Thank you... Goodnight, Alex."

I kissed her hair and placed my arms across her waist, "Goodnight... Cotton candy
dreams..."

***

The next morning, I woke up with a smile on my lips. Nakayakap sa akin si Fatima at
mahimbing pa rin ang tulog. Mahina kong niyugyog ang braso niya para gisingin siya.

"Fatima, wake up..."

Hindi man lang siya gumalaw kaya mas nilakasan ko ng konti ang pagyugyog. I even
touched her cheek to wake her up, "Gising na, Ma'am. Uuwi na tayo..."
She didn't even move a little. That's when I started to get nervous. Bumangon ako
at niyugyog na siya ng malakas.

"Fatima... Fatima! Wake up!"

Nakahinga ako ng malalim nang imulat niya ang mga mata niya, "Good morning,
Alex..."

Without any second thought, I hugged her tightly. Sobra akong nakaramdam ng takot.
Akala ko... Akala ko... Sh*t!

"Alex, buhay pa ako... Huwag kang mag-alala."

"You scared me..." Inalalayan ko siyang lumabas ng tent. Napansin ko na hinang-hina


na siya dahil sobrang lamya at lambot na ng bawat kilos niya. Nahirapan pa nga
siyang tumayo. She coughed hard for the nth dam-n time. Napansin kong babagsak siya
kaya inunahan ko na nang ipulupot ang kaliwang kamay ko sa bewang niya.

"Are you okay?"

She smiled weakly to me, "P-piggy back ride, Alex? Buhatin mo ako pauwi."

"Paanong itong mga gamit?"

"Iwan nalang natin dito. Pabalikan nalang natin kina Yaya," napansin ko ang
pagtingkayad niya para abutin ang mukha ko. She places her hands on either sides of
my face. Napansin kong malamig ang palad niya. Tila nangangatal din ang mga labi
niya.

"Ayos ka lang ba talaga, Fatima?"

Instead of answering my question, she tiptoed even more and then brushed her lips
onto mine. I closed my eyes abruptly when I felt her warm lips presses mine. It was
sweet and full of love.

She smiled to me as she pulled away from the kiss. "I love you... Please, Alex?"

I sighed and gave her a soft kiss on the forehead. Tumalikod na ako sa kanya at
nag-bend para mabigyan siya ng access sa pagsampa sa likod ko. Yumakap naman siya
agad sa leeg ko kaya hinawakan ko na rin ang magkabilang niyang hita at tumayo na
nang maayos. That's when I felt her cold skin and her weight. Napakagaan niya na
talaga.

I started walking in silence. Walang kaimik-imik si Fatima hanggang sa makalabas na


kami ng tuluyan dun sa gate. Kaya medyo nagulat ako nang magsalita na siya. There,
I noticed that she's breathing so hard. Kinabahan tuloy ako.

"A-anong nagustuhan mo sa akin, Alex?"

Hindi agad ako nakasagot. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. "You're the only girl
who tamed me. Gusto ko ang lahat sayo. Para sa akin, ikaw ang tipo ng babae na
mahirap bitawan. Mahirap i-explain... Basta, mahal kita... Mahal na mahal." Sunod
sunod ang paglunok ko bago ako magsalita ulit, "How do you feel, Fatima? Masama ba
ang pakiramdam mo?"

"T-thank you for being there for me..." She said hoarsely. "Thank you for e-
everything, Alex... Yung promise mo sa akin ha? Tutuparin mo..."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa leeg ko pati na rin ang pagsandal ng
kanyang ulo sa balikat ko. Nakaramdam naman ako ng sobrang kaba kaya binilisan ko
na ang paglakad ko para makauwi na kami agad.

"Ayan na naman yang thank you mo. Tutuparin ko yung wish mo..." Hindi ko alam kung
bakit pero nahihirapan na akong magsalita. First time kong maramdaman ang ganitong
klaseng kaba. "Fatima, ipagluluto kita ng breakfast ha?"

"A-Alex, h-hindi ko na kaya. M-magpapahinga na ako," mahinang bulong niya sa akin.

Tila, umurong na ang dila ko. Dahil sa malalaking hakbang ko ay mabilis kaming
nakarating sa bahay. "Inaantok ka pa rin ba? Sige, matulog ka nalang muna...
Gigisingin nalang kita kapag nakaluto na ako."

Pagkapasok namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto niya. Dahan-dahan ko


siyang nilapag sa kama. Nakapikit na ang mga mata niya at napansin ko ang pagpatak
ng luha sa gilid ng mga mata niya.

"Fatima," I held her hand softly. It was cold, maybe because of the temperature.
Malamig dito sa Tagaytay eh. "Mango crepe? Gusto mo?"

She didn't answer me but I felt her hold my hand back. Pinagmasdan ko lang ang
maamong mukha ni Fatima. She's really like an angel to me. Ang hirap pa rin
paniwalaan na itong anghel na ito ay minahal ang isang demonyong katulad ko. Binago
niya ako nang hindi ko namamalayan. I really thank God for sending one of her
angels to me.

Hanga din ako sa lakas ng loob ni Fatima. Kahit alam kong nahihirapan na siya sa
condition niya, pilit pa rin siyang lumalaban. Nagagawa pa rin niyang ngumiti sa
kabila ng paghihirap niya.

"I love you so much, Fatima..." I whispered to her.

Napansin ko ang dahan-dahang pag-luwag ng pagkakakapit niya sa kamay ko. Kahit alam
kong natutulog lang siya ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi makaramdam ng
nerbyos. Agad-agad kong tinapik ang pisngi niya.

"Fatima... Fatima..."

Nakailang beses na akong tapik sa pisngi niya pero hindi man lang siya sumasagot.

"FATIMA! FATIMA!"

Narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga paa papasok ng kwarto pero hindi ko yun
nilingon pa. My only concern is Fatima.

"Anong nangyayari, Alex?"

My eyes started to water. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Para bang nanghina
ang mga tuhod ko kaya naman napaluhod na ako sa gilid ng kama. "FATIMA! Gumising ka
nalang! Kakagising pa lang natin diba? Matutulog ka na agad dyan."

Naramdaman ko ang pagtapik ni Tita Janice sa akin. Kagaya ko ay umiiyak na rin


siya. Si Tito Larry naman ay pinakiramdaman ang pulso ni Fatima. His face went
blank as he continued feeling her pulse.

"Larry, ano? Dalhin na natin siya sa ospital?"

Literal na huminto saglit ang pagtibok ng puso ko nang makita kong napaluha na si
Tito Larry.
No, this can't be...

Wala na akong pakialam na humagulhol na ako. Hindi pwedeng mangyari ito. Please,
wag naman! "Fatima! C'mon, wake up! Huwag ka namang mang-iwan oh!"

"Alex, tama na..." Hinila na ako patayo ni Tito Larry. Agad-agad naman akong
niyakap ni Tita Janice.

"Tita, h-hindi pwede 'to! Dalhin na natin siya sa ospital!"

She softly caressed my back as sobs ecaped from her mouth, "T-Tama na, Alex...
Magpasalamat nalang tayo dahil natapos na ang paghihirap ni Fatima..."

-Epilogue-

-EPILOGUE-

♪♪ I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life will just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way ♪♪

Natapos na ang kanta nang walang umiimik. All I can hear are the chirping birds.
She snapped her fingers before my face and giggled to break the silence.

"Natulala na si Alex. Ayaw pa i-stop ang video... Hihihi!" She cleared her throat.
Itinapat niya pa ang mukha niya sa phone ko. "I love you, Aleeeeeex~"

That made me smile and whispered, "I love you more, Fatima."

As the video ended, I turned off my Ipad and set it aside. Hindi ako nagsasawang
ulit-uliting panuorin ang video na yun ni Fatima. It was taken 6 years ago before
Fatima died. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil dito rin sa lugar na ito
yun nangyari. Dito kung saan paborito ni Fatima ang lugar.

Ang cliff.

5 years ago, Fatima brought me here. Kung noon ay parang isang abandonadong lote
ito, ngayon naman ay animo'y isa na itong garden. Sa loob ng apat na taon, marami
na akong napagawa para sa lugar na ito. I still may be a student but then I tried
my best to buy this lot. Not the whole lot though. I only paid for the ¼ of the
land particularly the most favorite spot of Fatima.

Una siyang nilibing sa Maynila pero makalipas ang isang taon ay nailipat na rin ang
mga labi niya dito sa Tagaytay matapos kong bilhin ang lote na ito. Sa una,
tumanggi ang mga magulang ni Fatima sa alok ko. Na kesyo, bakit kailangan ko pang
pagkagastusan si Fatima gayung marami na akong naitulong sa kanila. Kung hindi ko
pa sinabi na isa ito sa mga pangarap ni Fatima noong nabubuhay pa siya, malamang
hindi pa rin sila papayag.

Paunti-unti kong tinutupad ang pangarap niya kahit na sumakabilang buhay na siya.
Tandang-tanda ko pa noon na sinabi niyang gusto niya itong bilhin kaya yun ang
ginawa ko. Gustuhin ko man na bilihin ang buong lupa, pero inaamin ko na hindi ko
pa kaya yun gawin sa ngayon. Hindi pa naman kasi kalakihan ang naiipon na pera ko
na nakukuha ko sa tuwing lumalaban ang gang namin sa underground fight. And
besides, I don't have to do that anymore for her parents already bought the whole
lot and built a house.

Tumayo ako at muling tinitigan ang puntod kung saan inilibing si Fatima. Anim na
taon na ang nakalipas nang iniwan niya kami. Sa limang taon na yun, marami ang
nangyari sa akin. Inaamin ko, sobrang nalungkot ako nang mamatay si Fatima. I even
got back into my rebel self again. Tatlong buwan din akong hindi naging aktibo sa
eskwelahan. Dumating pa nga sa punto na kitilin nalang sana ang sarili kong buhay
dahil sa sobrang depression na dinanas ko.

"Mag-promise ka sa akin na hindi ka malulungkot. Gusto ko lagi kang nakangiti,


Alex. Ayoko nang masungit na Alex. Ayoko ng aloof na Alex. Gusto ko ang current na
Alex. Promise me that you'll stay the way you are. Please?"

"Thank you for e-everything, Alex... Yung promise mo sa akin ha? Tutuparin mo..."

But something struck in my mind. I've thought of what would Fatima feel if she's
still by my side. Alam kong ayaw niya akong mapariwara na naman. Besides, she was
the one who changed me. Kahit na mahirap, kinaya ko pa rin na tanggapin na wala na
si Fatima. No, she didn't left me... I know she's just up there watching over me.
Nangako pa ako sa kanya na hindi ako magbabago kapag nawala siya. Ayoko siyang
biguin.

I brushed my palm gently on the tombstone, removing some dirt from it.

"Fatima, kamusta ka na dyan? Alam kong napunta ka sa langit dahil mabait ka."
Umayos ako ng upo habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito. "Alam mo bang mabait
na ako? Well, I'm trying to be nice and I think it's working. Magpapakabait na ako
ng totoo para dyan din ako mapunta sa langit kasama mo."

Napangiti ako nang maimagine ko kung anong isasagot ni Fatima sa akin. Malamang,
ngingiti lang yun at sasagutin ako ng; 'Tama yan, Alex. Just stay the way you are.'

"Gagraduate na rin pala ako sa March. Syempre pagkatapos nun, magtatrabaho na ako.
Mas mapapaganda ko pa ang garden na ito para sayo." I paused for a brief moment and
sighed deeply. "Miss na miss na miss na kita, Fatima Grace. Kahit na gusto ko na
kayong sundan dyan ni Alexis, alam kong hindi yun pwede. Kasalanan yun sa Diyos
diba? At alam kong 'di ka matutuwa kapag ginawa ko yun. Hihintayin ko nalang ang
araw na magkakasama tayo."

September 12, 20** nang magcelebrate ako ng 17th birthday. September 13th naman ng
parehas na taon nang pumanaw ang girlfriend ko. Kahit papaano, malaki ang
pasasalamat ko dahil nakasama ko pa si Fatima sa special na araw ko. Minsan nga,
napapaisip ako kung swerte ba o malas ang buwan ng September sa buhay ko. It was
also the same month my little sister has died. But on second thought, I should not
consider it as an unlucky month for me for Fatima and I were born on the same
month.

"Babalik ako dito next week ha? Sembreak na kasi namin. Dito muna ako magbabakasyon
sa Tagaytay," I murmured as I touched it again. I collected my stuff and got up
with a smile. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nagpupunta ako dito,
gumiginhawa ang pakiramdam ko. Kahit na wala naman talaga akong kinakausap,
pakiramdam ko, nailalabas ko pa rin ang kung anuman ang nasa dibdib ko kapag
nandito ako. That's why I always find time to visit this place as well as Fatima.

I stepped out of the musoleo and locked it again. Bago pa ako tuluyang umalis ay
sumulyap pa ako sa painting na nakadisplay mula sa loob nito. May kalakihan ang
musoleo na pinagawa ko kay Fatima. Para itong normal na bahay na malayo sa siyudad.
Syempre, ang structure ng musoleo na ito ay binase ko sa personality ni Fatima...
It is white and pink in color.

As always, I felt relaxed as I got away from the place. Kahit limang taon na ang
nakalipas, wala pa rin nagbago sa pagtrato ko kay Fatima. For me, she's still my
girlfriend. Alam ng X9 na hindi ko kayang palitan si Fatima sa puso ko. Ni hindi
ako nangahas na pumasok sa isang relasyon dahil hindi ko kaya. Sa loob ng limang
taon, iniisip ko pa rin na buhay si Fatima. I still celebrate her birthday and our
anniversary. Who cares? That's what I want. Dun ako sasaya. Para sa akin, si Fatima
ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at hinding-hindi ko yun pwedeng kalimutan
nalang.

Nang makarating ako sa bukana ng lote ay natigilan ako sa nakita ko. Alam kong
nabili na nila ang natitirang lupa na ito. Katunayan nga ay nakapagpatayo na sila
ng 4 storey house dito.

Hindi pa man ako nakakalapit ay napansin na agad ako ni Tito Larry kaya nginitian
ko na siya. "Alex, dinalaw mo si Fatima?"

"Opo. Wala naman po kasi akong ginagawa kaya naisipan kong dalawin siya." I smiled
at the thought of talking about Fatima like she's still existing. "Bakit nga po
pala kayo nandito? Akala ko po sa summer pa kayo lilipat dito?"

Summer is four months away from now. December na ngayon at malapit nang magsembreak
kaya ko naisipan pumunta dito.

Si Tita Janice ang sumagot para sa akin. Nakita ko pa siyang may buhat-buhat na
isang storage box kaya kinuha ko ito mula sa kanya. "Naisipan naming lumipat nalang
ngayong araw since wala naman kaming ginagawa ng asawa ko at ayos na rin naman ang
bahay."

Tumuro siya sa bandang gate kaya napatingin na rin ako dun. There I saw Kuya Jun
and Yaya Ana carrying huge boxes. By the way, they got married after two years
since Fatima died and they now have a little girl named Faith. Ginawa pa akong
ninong ng anak nila. Well, I'm happy for them. Nung nabubuhay pa kasi si Fatima,
lagi niyang tinutukso ang dalawa at tignan mo nga naman ang tadhana, sila pa talaga
ang nagkatuluyan.

"Hindi pa nga lang nagagawa yung gate pero ayos na rin ito. Gusto naming
magcelebrate ng Christmas season dito." Patuloy pa ni Tita Janice.

"Ahh, mabuti po kung ganun. Let me help you with these then. Saan ko po ito
dadalhin?" I'm referring to the storage box I am holding.
"Sa third floor. Alam mo naman kung saan ang kwarto ni Fatima diba?"

Napatingin agad ako sa hawak ko nang banggitin niya ang pangalan ni Fatima. "Kay
Fatima po itong gamit?"

"Oo... Marami pa dun sa van."

Kung sa iba, kapag may namatay silang mahal nila sa buhay ay sinusunog ang mga
natitirang gamit nito, pwes, iba sina Tita Janice. Hindi nila ito sinunog dahil ito
na nga lang naman ang natitirang alaala ni Fatima para sa kanila.

Pagkadating ko sa loob ng kwarto ni Fatima ay hindi ko maiwasang mapangiti. Katulad


ng bahay nila sa Maynila ang interior design ng kwarto. Walang pinagbago kahit na
isang furniture. Mukhang nailipat na nila ng mas maaga ang ilan sa mga gamit dahil
nasa ayos na ang mga ito.

Ipinatong ko ang box sa ibabaw ng study table at pinagmasdan ang paligid. Nakasabit
na sa pader ang dalawang customized na gitara ni Fatima. Lalo ko tuloy namimiss ang
girlfriend ko.

Lalabas na sana ako para tulungan pa sila sa baba nang magawi ang tingin ko sa
storage box. May nakita akong ilang libro at notebooks mula sa loob nito. Ayoko
sanang mangielam pero ewan ko ba... Parang may kung anong tumutulak sa akin na
kunin ang pink na large notebook dito.

I sighed and murmured, "Sorry, Fatima Grace. Curious lang."

Napalunok ako nang kunin ko ang notebook. May lock pa nga ito pero hindi naman
nakasara. I realized that it's a journal or a diary perhaps, when I flipped on its
first page. May nakasulat pang; My Trustworthy Diary.

Napailing nalang ako at napangiti. Trustworthy Diary?

Ang unang entry dito ay may petsa na June 27th, 20***. Napaisip tuloy ako. Second
year highschool kami nung mga panahon na ito.

---

June 27th 20**

Dear kumareng diary,

Nagdecide ako na magkaroon na ng diary simula ngayong araw since first day ko sa
section II ng 2nd year. Wala lang, gusto ko lang may mapagsabihan ng nangyayari sa
buhay ko ngayon since wala na nga si Yaya Ana. So far so good. Tingin ko ay masaya
naman silang maging kaklase kesa dun sa section I. Dun kasi sa pinanggalingan ko na
section, binubully ako ng mga kaklase ko. Mild bully lang naman yun pero hindi ko
magawang lumaban. One year din ako nagtiis na sundin ang mga bully na yun...
Nakakapagod kayang gawan ng homeworks at projects yung mga yun. Buti nalang
inilipat ako nina Mama sa section II TT______TT

So ayun nga kumare, mukha naman silang mababait. Pero isa lang ang nag-stand out sa
kanila para sa akin. Alexander yung name niya. Gusto ko sanang makipagfriends kaso
nagdadalawang isip ako. Hindi kasi siya nag-i-smile. :3
PS: Sana maging friends kami. Mukha naman siyang harmless although kilala siya sa
buong campus bilang bad boy. Pero para sa akin, parang may bumubulong sa akin na
mabait siya.

PPS: Gwapo pati siya. Kamukha niya yung nakikita kong Koreano sa pinapanuod kong
Music Video ng Super Junior.

---

"Wow, first entry pa lang, namention na ako," pangiti-ngiting sabi ko. Unang araw
pa lang pala, napansin niya na ako. Well, ako rin naman. Tandang-tanda ko pa ang
araw na yun. Yung araw na may nagpakilalang 5'2 tall, mahinhin at nakapig tail na
babae sa harapan ng klase namin.

I flipped on again another page and sat on the chair. Pinagpatuloy ko pa ang
pagbabasa at 'di ko na inisip kung hinihintay pa ako sa baba. Nakakaenjoy kasing
basahin ito. Kahit papaano ay naiibsan nito ang pagkamiss ko sa kanya. Sorry talaga
Fatima kung pinapakielaman ko ito.

Napangiti pa ako lalo nang mabasa ko ang 12th entry niya.

---

July, 12th...

Dear Diary,

Eeeeeeeh! Friend ko na si Alexander~~ Natutuwa ako, promise! Para tuloy akong


ginanahan lalo na pumasok sa school. Yun nga lang, medyo masungit siya pero okay
lang yun. Nakakatuwa kasi for the first time, may nakipagkaibigan sa akin. Ang saya
saya saya saya saya saya talaga promise~

PS: Natuwa si Mama nung sinabi kong may friend na ako. Si Papa naman, medyo
pinagsabihan ako na kilalanin daw munang mabuti ang kaibigan ko. :)

---

Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa hanggang sa may madiskubre akong isang bagay.
Siya...? Siya ang naging paraan para magkaayos kami ni Daddy?

---

August 15th...

Dear diary,

Masaya ngayong araw. For the first time, naranasan ko kasing sumakay sa jeep.
Grabe, hindi ko talaga alam kung anong pakiramdam ko. Sobrang saya ko eh~ Pumunta
kasi kami sa bahay nila Alex... Gumawa ng activity sa History. Kaso, pagkadating
namin sa bahay nila, nalaman ko yung dahilan kung bakit ganun ang personality ni
Alex. Alam mo yung aloof kumare? Well, ganun din naman ako. But unlike me, I can
see through his eyes the sadness. Alam kong malungkot siya at napatunayan ko yun
nang malaman kong hindi sila okay ng Daddy niya. Kung gaano kasungit si Alex, five
times naman ang pagkasungit ng Daddy niya. Nagulat nga ako ng mag-open ng saloobin
sa akin si Alex. :'( Sa totoo lang, naawa ako sa kanya. Hindi ko alam na ganun pala
kabigat ang problema niya. Kaya ayun, pakialamera na kung pakialamera pero
nagpaalam ako kay Alex na kukuha lang ng tubig kahit ang totoo ay kinausap ko ang
Daddy niya.

Sinabi ko sa daddy niya ang sama ng loob ni Alex... Na patawarin nalang siya kung
anuman ang nagawa niya. Nahihirapan na kasi ang kaibigan ko at ayoko siyang
nakikita nagkakaganun. Biro niyo, sa kabila ng tapang ni Alex, may tinatago pa lang
siya weak side niya? I hope magkaayos na sila kasi nangako sa akin si Tito Ernest
na kakausapin niya ang anak niya at hihingi siya ng sorry sa mga pagkukulang niya.
Nagpasalamat pa nga siya sa akin tapos sinabihan niya pa ako na ang ganda ko...
Tapos, ligawan ko daw sana ang anak niya. Luh?! Ako pa manliligaw? O______O

PS: Alam kong ito ang first ever entry na ang daldal ko... Pero pagbigyan mo na
ako. Anyway, ang creepy ng bahay nila bestfriend. May nakita kasi akong tumakbong
bata na nakawhite dress dun sa doorway. Sabi naman ni Alex na wala daw nakatira
dung bata. Hala, sino yun? >.>

PPS: Sabi ko sa Dad ni Alex na wag ipaalam na kinausap ko siya. Wala lang, gusto ko
lang :3

---

"Fatima Grace, anghel ka talaga ng buhay ko." I murmured with a smile.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nagbabasa ng diary dito. Walang
entry ang pinalagpas ko. Miski yung araw na nagpaalam akong ligawan siya nakasulat
din dito. Nalaman ko tuloy kung anong reaction niya nung nililigawan ko pa siya.
Masyado kasing mahinhin si Fatima kaya hindi niya pinapakita sa akin kung kinikilig
ba siya o kung ano.

---

July 26th...

Dear Diary,

Hala, may boyfriend na ako. Okay lang ba na sinagot ko si Alex? Naiinis pa naman
ako dun sa ibang teenagers na nakikita ko sa paligid na may mga BF na at
naglalambingan pa sa kalsada. Tapos eto ako ngayon, isa na rin sa kanila.
Halaaaaaaaa~ Nakakainis. >.< Pero ayoko nang pahirapan si Alex eh. One year niya
akong pinagtiisan na ligawan. Tsaka, higit na rin pagiging magkaibigan ang
nararamdaman ko para sa kanya. Eeeeh! Crush ko nga siya diba??? Pero parang hindi
crush. Parang like yata? Love? Ah ewan! Basta, masaya ako tuwing nakikita siya.
Dumadating pa nga sa punto na pati sa panaginip ko ay kasama na siya. And that's
when I realized that I am inlove to my bestfriend. Sana huwag niya akong saktan
noh? Sana talaga...

PS: Buti nalang boto sila Mama sa kanya noh? Ang bait kasi ng bestfriend ko eh...
este boyfriend ko <3

---

Sinaktan ba kita, Fatima? Sa pagkakaalam ko, hindi ko naman nagawang saktan ka.
Pero malay ko ba... Baka nga nasaktan kita unintentionally. Ah, I suddenly
remembered the prom. Yung namisinterpret niya yung ginagawa namin ng girlfriend ni
Toffer. Siguro nga... Yun.

Minsan napapatawa nalang ako habang binabasa ang diary ni Fatima. Naiimagine ko
kasi ang reaction ng mukha niya habang sinusulat ito. Kapag malungkot ang nilalaman
ng entry, napapabuntong-hininga naman ako sa lungkot. Pati nga nung nabasa ko yung
entry niya kung kailan niya naramdaman na bumabalik ang pneumonia niya, pakiramdam
ko, bumabalik din yung paninikip ng dibdib ko.

Natuklasan ko kung gaano siya naghirap nang madiagnose siyang may bronchopneumonia.
Sa bawat letra na naisulat niya, nararamdaman ko dito ang sakit na dinanas niya.
Hindi ko rin maiwasan ang mapaluha nang mabasa ang entry kung kailan sinubukan
niyang makipaghiwalay sa akin.

---

August 31th

Dear diary,

I tried to break up with Alex... But seeing him cry made me feel how bad I was
towards him. Nakapagdesisyon ako na hiwalayan na siya para hindi ko siya masaktan
kung saka-sakaling mawala ako. Pero pakiramdam ko, mas lalo siyang nasaktan nang
makipaghiwalay ako sa kanya. Ginawa ko lang naman yun para sa kanya. Ginawa na kasi
niya akong priority sa buhay niya. Nakakalimutan niya na ang sarili niya dahil sa
akin.

Alex, I love you... Huwag mo naman akong pahirapan na iwanan ka. Sana bago man ako
mawala, maihanda ko na ang sarili mo para sa ganun, kahit mamatay man ako, hindi
ako manghihinayang na tuluyang iwan ka.

---

Napabuntong-hininga nalang ako habang nililipat ang page ng diary. Bakit ba imbes
na sarili nalang niya ang inisip niya nung mga panahon na yun ay nagawa niya pa
akong alalahanin?

---

September 1...

Dear diary,
Masaya ako dahil 17th birthday ko na ngayon. At the same time, nalulungkot din kasi
baka ito na ang huling beses na icecelebrate ko ang birthday ko kasama ng pamilya
ko. Iniisip ko pa lang yun, sumisikip na ang dibdib ko. Pero ayos lang... Hinanda
ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari. Mahal ako ng Panginoon... Ipinapaubaya
ko nalang sa kanya ang kapalaran ko. Tatanggapin ko kung anumang ibigay Niya sa
akin. Nagpapasalamat nalang ako kasi nagkaroon ako ng masayang pamilya pati na rin
ng boyfriend sa katauhan ni Alex. Sana po, huwag Niyo silang pabayaan pag nawala na
ako. Gusto ko, maging masaya pa rin sila kapag namatay na ako. Malulungkot ako
kapag magiging malungkot din sila.

Diary, ito na rin siguro ang huli kong entry para sayo. Bukod kasi sa wala ng
space, hindi ko na rin kayang magsulat dahil nanghihina na ang mga kamay ko.
Nagpapasalamat ako sayo kasi ikaw yung nagsilbing secret locker ko. Kung mamamatay
man ako one of these days, tatanggapin ko. At least naranasan kong mabuhay ng 17
years. Masarap palang mabuhay... Nagpapasalamat ako kina Mama at Papa kasi kahit
kailan hindi nila pinaramdam sa akin na pabigat ako sa kanila dahil sa sakit ko.
Alam mo bang mas mahal ko sila pati na rin si Yaya Ana ng higit pa sa buhay ko? And
as for Alex na kinokonsider ko na rin na buhay ko at ang dahilan kung bakit ako
lumalaban, sana po huwag Niyo po siyang pabayaan. Kahit po na gangster yun, mahal
na mahal ko po yun! Nang dahil sa kanya, naranasan kong mag-jeep, mag-mall,
magdate, at maligo sa ulan. Yun nga lang matigas ang ulo ko... Hindi ko sinasabi sa
kanila na mahilig akong uminom ng malamig na tubig kahit inuubo na ako, magpatuyo
ng pawis sa likod ko sa harapan ng air-con at pati na rin ang paghiga sa malamig na
sahig. Well, pinagsisisihin ko naman yun pero tanggap ko naman na hanggang dito
nalang ako. Nararamdaman ko yun. Kaya po, God, hinihiling ko po na bigyan Niyo po
si Alex ng babaeng magbibigay sa kanya ng mga pagkukulang ko o 'di kaya yung
magpapatuloy ng nasimulan ko para sa boyfriend forever ko. Basta para sa akin,
napakaswerte ng magiging girlfriend ni Alex. Hindi po ako magseselos promise! Basta
maging happy lang si Alex, ayos na ako. HE IS THE BEST BOYFRIEND EVER! Although,
siya lang naman ang naging BF ko.

For the last good deed I am about to make, I decided to donate my eyes to my
friend. Kahit na masungit yung friend ko dahil ayaw niyang ipaalam sa akin kung
anong pangalan niya, nararamdaman ko na magaan pa rin ang loob ko sa kanya. She
needs her sight back. Hindi ko alam kung bakit ako lapit ng lapit sa kanya kahit
inaaway niya ako. Siguro kasi, naalala ko si Alex sa katauhan niya. Pumayag na rin
naman si Mama kanina sa desisyong pumirma na ako sa agreement ng Eye Bank. Well,
anyway, this is where I'll end this diary. I LOVE YOU and THANK YOU SO MUCH FOR
BEING THERE FOR ME! <333

PS: Let's keep it as a secret...

---

Agad-agad kong nilipat ang page nito pero wala na akong makitang entry. Pinaulit-
ulit ko pa na binasa ang last entry at dun lang nagregister sa isip ko na dinonate
ni Fatima ang mga mata niya.

"B-Bat di ko alam yun?"

Para akong natuyuan ng lalamunan sa nabasa ko. Bakit hindi man lang nabanggit sa
akin ni Fatima ang tungkol dun? Maging sina Tito Larry, wala talagang nasabi sa
akin.

Natigilan ako nang marinig kong may kumatok sa pinto sa likuran ko. Pagkatingin ko,
si Tita Janice pala.

"Alex, akala ko nakatulog ka na dito. Mahigit one hour ka nang 'di bumababa ah."
Pumasok na siya ng tuluyan ng kwarto at nilapitan ako. Medyo nagkasalubong pa ang
kilay niya nang makalapit na siya sa akin. "Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?"

Napabuga ako sa hangin nang ilang beses parang kalmahin ang sarili ko. Sh*t! 5
years... Bakit ngayon ko lang nalaman ito?

Napalunok ako. "T-Tita, pasensya na po pero kung hindi ko pa binasa ang diary ni
Fatima, hindi ko malalaman na dinonate niya ang mga mata niya sa ibang tao."

That made her bother for a minute but then she managed to answer me clearly. "Oh, I
am sorry."

"Tita, bakit po di ko ito alam?"

Bumuntong-hininga siya bago umupo sa upuan na kaharap ko. "Nakiusap sa akin si


Fatima na huwag kong ipaalam sayo. Gusto niya, ikaw mismo ang makaalam. Ito na
siguro ang sign..."

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Kung hindi ko pa nabasa ang diary, hindi ko pa
yun malalaman!

"Kanino po niya dinonate ang mga mata niya?" I questioned with my trembling lips. I
felt the excitement however. But sh*t, why did she has to donate her eyes? Paano
kung iresponsable ang pinagbigyan niya? Paano kung hindi niya ito alagaan?

Yun pa naman ang pinakapaborito kong parte kay Fatima. Ang mga mata niya.

"Her name is Yasmin Jacinto ... She's a 20 year old girl... Naging kaibigan daw
siya ni Fatima nang maconfine siya sa hospital. She lost her sight to a car
accident and I think she deserves it anyway."

Napatayo na ako at tinitigan si Tita Janice. "Tita, saan siya nakatira? Can you
give me her exact address? I want to see her now."

"Ha? Bakit?"

Napaiwas ako ng tingin at napasuklay ang mga daliri ko sa sarili kong buhok. Hindi
ko rin alam kung bakit gusto ko siyang makita. Pero sapat na siguro yung dahilan na
gusto ko ulit makita ang mga mata ni Fatima.

"Please po?"

Nagkibit-balikat siya. "Okay..."

***

Hindi ko na alintana kahit na ginabi pa ako sa pagluwas pabalik ng Maynila. Sa


nalaman ko kanina, hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito na hindi ko man lang
makikita kung kanino napunta ang mga mata ng girlfriend ko.

Butil-butil ang pawis sa noo habang nagdadrive sa masikip na daan ng kalsadang ito.
Balita ko, kilala ang lugar na ito sa mga low profile gangs na nagbabakbakan dito.
Patay kung patay. Walang sinasanto.
"Aish, sa lugar na ito nakatira ang babaeng yun?" Nabulong ko nalang sa sarili ko
pagkalabas ko ng kotse ko. Nagulat ako nang palibutan agad ako ng mga marurungis na
bata. May mga nagsusugal pa sa paligid. Napakakalat at maalinsangan ang lugar kahit
na gabi na.

Squatter's area.

"May kilala po kayong Yasmin Jacinto?" Tanong ko sa shirtless na lalaking


nakasalubong ko. Nagulat pa ako nang may bumangga sa akin na tomboy. Nang lingunin
ko ito, dun ko lang napansin na may nag-aaway na pala sa likuran ko. May mga
balisong na dala. Ano bang klaseng lugar ito?

"Pare, tara dito. Baka matamaan ka nyan." Hinila ako sa gilid ng lalaking kausap ko
kaya gumilid naman ako.

"Hindi niyo ba sila aawatin?"

Natawa siya. "Sus, papansin lang yang mga yan. Mamaya din magkakaayos na yan. Sino
bang hanap mo?"

"Yasmin Jacinto..."

Naningkit ang mga mata niya pagkarinig sa sinabi ko. "Hanap mo si bulag? Syota ka
ba nun?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pa nakuntento, inikot pa
niya ako. "P*ta! Nakajackpot!"

I shoved my hand on him. "Nagkakamali ka. Hindi ko siya kaano-ano."

"Ha? Eh sino ka?" Ang kaninang mahinahong boses ay naging maangas na ngayon. Tsk!
Wrong answer, Alex. "Sugar daddy ka ba? Bugaw o ano?"

Napatikhim ako sa sinabi niya. Para matapos na ang lahat ay naglabas nalang ako ng
500 bill mula sa wallet ko at inabot sa kanya. "Dude, pwede bang ihatid mo nalang
ako sa kanya? Importante lang. Wala akong gagawin sa kanyang masama."

Ngumisi siya. "Eh kung galante ka, aba repa na kita!" Inakbayan niya ako at inakay
na kung saan.

Napapangiwi nalang ako sa bawat eskinita na dinadaanan namin. Ang daming dumi ng
aso sa paligid. Napatagay pa ako ng wala sa oras sa mga nag-iinuman sa daan. Tss...
Sh*t. Alam ko sa sarili ko na hindi ako maarte at matapobreng tao pero
pakinshet.... Hindi ko masisikmura na tumagal sa ganitong klaseng lugar.

Napansin ko na huminto kami sa paglalakad kaya tinignan ko si Boy Negro. Yun ang
pakilala niya sa aking pangalan kanina.

"Ayun ang hinahanap mong chick oh." Sabay nguso niya sa harapan ko kaya napatingin
naman ako dun.

"BILI-BILI NA KAYO! ISAW, ADIDAS, BBQ, DUGO, ATAY, BALUN-BALUNAN, HOTDOG AT


KALAMARES! MAY LIBRENG KISS SABAY HUG! HIHIHIHI!!"

Napaatras ako ng isang hakbang nang makita ko ang nasa harapan ko.

Isang bading na tingin ko ay kasing edaran ko lang.

Nakasuot ng mini-shorts, sleeveless shirt at nakatali pataas ang buhok niya. May
makapal din itong make-up sa mukha.
What the fck?!

"Ganda noh? Chick na chick!" Bulong sa akin ni Boy Negro.

Napaubo nalang ako at umiwas ng tingin. "Bading siya? Siya ba si Yasmin?"

Nagulat ako ng batukan niya ako. Fck! X9 nga di ako mabatukan, siya pa kaya?

"G*go ka ba?! Hindi yun uy!" Sabay turo niya ulit dun kaya sinundan ko naman yun ng
tingin. "Ayun oh~ Yung naka t-shirt na itim. Siya ang hinahanap mo..."

Napahinga ako ng malalim nang makita ang tinuturo niya. Malayong-malayo siya sa
itsura ni Fatima. Kung gaano kahinhin ng girlfriend ko, siyang angas nitong
hinahanap ko.

"P*ta! Bayaran mo ang utang mo! Ipapabarangay kita!!"

At nagmumura pa.

Parang pamilyar siya sa akin. Nakita ko na ba siya noon?

Muli ko siyang tinitigan mula sa kinatatayuan ko. Halos manigas ang paa ko sa lupa
nang magkasalubong ang mga paningin namin.

Those sweet set of eyes.

I almost held my breath when I saw those eyes again after 5 years.

Naputol ang titigan namin nang pagtaasan niya ako ng kilay. "Anong tinitingin-
tingin mo dyan?!?"

Her one sweet glimpse that I've always wanted to see everytime I'm with Fatima made
me feel weird again... but heck, of all people, why her? I don't think she deserves
it anyway.

--

END

>> Yasmin Jacinto on the side~

----

AUTHOR'S NOTE (MUST READ)

Hindi ko alam kung bakit niyo nirerequest na buhayin ko si Fatima kahit na sinabi
ko na dun sa last update na wala na siyang pulso. :3 Sorry kung ganito ang
kinahantungan ng story ni Alexander. Yun kasi ang original plot ko bago ko pa lang
ito isulat. Kaya nga siya mabait kasi may pinagdaanan siya.

One Sweet Glimpse ang title dahil alam na~!! Pag sinabing GLIMPSE, mata ang unang
papasok sa isip niyo. Malamang yun lang naman an sumusulyap haha XD~

Ito ang pinakamahirap na story na ginawa ko so far. Bawat update ko kasi dito,
nilalagay ko talaga yung puso ko. Mahirap, kasi iisang POV lang ang nilalaman nito
tas lalaki pa. Sana nabigyan ko ng justice ang pagkalalaki ni Alex dito. :)

Sa mga interesado sa season 2 nito, proceed nalang po kayo sa next part nito.
Nakacompile na. :) Thank you for reading!

One Sweet Glimpse Season 2 Prologue

ONE SWEET GLIMPSE SEASON 2

PROLOGUE

Life must go on...

... With or without her...

That's what I stick to myself...

Anim na taon na rin pala ang nakalipas simula nang iwan niya ako...

... pero siya pa rin, si Fatima Grace Eugenio pa rin ang mahal ko.

Sa pagkawala niya, maraming nagbago sa akin... sa positibong perspektibo ng buhay


ko.

Isinasapuso at isinasaisip ko ang bawat salitang ipinabaon niya sa akin. Hanggang


ngayon, hindi ko pa rin siya kayang palitan sa puso ko...

Lahat ng tungkol sa kanya ay namimiss ko...

... ang kanyang ngiti

... ang kayang paghagikhik

... ang kanyang pagnguso

... ang kanyang mga galaw

... ang bawat tingin niya sa akin


Ang mga mata niyang paborito kong titigan...

... Her one sweet glimpse that once captivated my heart

What if I see those sweet set of eyes again with another person?

How could I completely move on when I know for sure that her eyes are gazing around
me?

... Would I move on or just stay where I've been left?

***

Last week of October na. Isang Linggo na rin ang nakalipas nang malaman ko ang
katotohanan tungkol sa pagdodonate ni Fatima ng mga mata niya sa isang babaeng
nagngangalang 'Yasmin Jacinto'. Since then, lagi nalang ako nababagabag tungkol
dun. Bakit sa isang squatter girl pa niya dinonate ang mga mata niya? Pa'no kung
hindi niya ito alagaan ng mabuti? Yun pa naman ang pinakapaborito kong parte ni
Fatima; Her sweet set of eyes.

"Puch-a! Tigil-tigil niyo ngayon!"

"G-agooo!! Huwag kang maingay!!"

Takte. Hindi ko rin alam kung ba't na naman ako nandito sa madumi at maingay na
lugar na ito. Parang nung isang Linggo lang, nandito ako para makita ang babaeng
tinutukoy nila. Ewan ko ba. Hindi ako matahimik. Gusto ko siyang makita ngayon.
Gusto ko ulit makita ang mga mata ng girlfriend ko.
Kasalukuyan akong nagmamasid sa paligid habang nasa loob ako ng kotse ko nang bigla
nalang may sumulpot na mukha sa nakabukas na bintana nito. I saw that guy again who
helped me last week.

"Repa! Nandito ka na naman?"

I smiled a little. One wrong move, they'll surely judge me. "Ah... Napadaan lang."

"Hahaha! T-angna! Sisilay ka lang kay bulag eh."

"Bulag?"

Humagalpak na naman siya ng tawa. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba talaga. "Si
Yasmeng! Nabansagan na kasi siyang bulag dito. Kahit na nakakakita na siya,
nakasanayan na rin ng mga tao na tawagin siya nun."

"Aahh..."

"Tara, repa! Labas ka dyan. Shot tayo?"

Iniling ko ang ulo ko. Mahirap nang makipag-inuman sa mga taong 'di ko kilala.
"Salamat nalang. Baka malasing ako, 'di na ako makapagdrive pauwi."

"Kaunti lang! Anokaba! Nandun si Yasmeng sa tapat ng bahay namin. Nagtitinda. Baka
kako gusto mo siyang makita. Hindi ako mag-iingay!" Sabi niya pa na may malawak na
ngiti. Mukha naman siyang mabait though, para siyang harmful dahil sa mga tattoo
niya. "Huwag mo ngang tignan ang mga tattoo ko! Henna lang yan. Pang-porma lang!
Hahaha!"

"Okay," sabi ko at lumabas na ng kotse. Wala naman akong gagawin. Kaya ayos lang.

Bago pa namin iwanan ang kotse ko, nakita ko pang sinenyasan ng lalaking ito ang
mga bata sa kalsada. Nagsilapitan naman agad sila sa amin.

"Mga bata, bantayan niyo ang kotse ng kaibigan ko. Huwag niyo papadumihan. Huwag
niyong pabubutasan ang gulong. Yari kayo sa akin 'pag may gasgas yan!"

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa lugar kung saan una kong nakita si Yasmin.
Ewan ko ba dito sa lalaking ito kung ba't panay ang tawag niya ng Yasmeng dun. Ni
hindi ko nga rin alam ang pangalan niya.

"Hey, ano nga bang pangalan mo?"

Natawa siya. "Sosyal ka! Hey hey ka pa dyan. Hoy lang eh. Pfft!" Tinapik niya ang
braso ko. "Boy Negro tawag sa akin dito, pero Bruno ang pangalan ko."

"Oh, Bruno. Ako si Alex."

"Aahh," inakbayan niya ako at hinila palapit sa harap ng isang sari-sari store kung
saan may limang lalaki na nag-iinuman. "Mga repa! Si Alex nga pala. Alex siya
si..."

Wala na akong naintindihan sa mga sinasabi ni Bruno. Yung mga mata ko, automatikong
napatingin nalang sa pwesto ng nag-iihaw sa kabilang bahay. Kagaya nung unang kita
ko sa kanya, naka-sleeveless pa rin siya at naka-mini shorts. Nakatali pataas ang
buhok nito at busy sa pagbibilang ng pera.

"... At si Jolas. Oy, Alex! Nakikinig ka ba?"

I blinked my eyes twice and awkwardly smiled to them. "Oh, sorry."

"Hahaha! Maupo ka na nga lang," alok ni Bruno kaya umupo ako sa katabi niya.
Inabutan niya ako ng shot glass. Nagtaka ako. Bakit kulay orange ang inumin nila.

"Ano 'to?"

"Orange juice na may halong Gin!"

What the fvck? Pwede ba yun?

"Ano'ng lasa nito?"

Nagtawanan silang lahat. Napatingin ako dun sa pulutan nila. Puro maliliit na
junkfoods.

"Masarap yan! Tikman mo na."

Nasarapan nga ako. Hindi ko na namamalayan na nakakailang shot na ako. Yun nga
lang, wala namang tama sa akin. Alam ko sa sarili ko tuwing may tama na ako. Medyo
inaantok lang... Pero, malinaw pa rin naman ang paningin ko. Halos isang oras na
pala kaming nag-iinuman.

"Shet! Wala na. Ubos na. Bitin! Manang, isa pa ngang gin. Palista nalang!"

"Utang ka ng utang! Haba na ng listahan mo!"

At nagtawanan na naman sila. Kakaiba. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. I mean,
everybody is still awake even it's already late. 11PM na.

"Badtrip si Manang!"

Nang marinig ko yung reklamo ni Bruno at ng mga kasama niya, nilabas ko ang wallet
ko at kumuha ng 500 bill. Saka ko ito inabot kay Bruno.

"Oh, ano'ng gagawin ko sa perang 'to?"

Tumango ako, signal na tumayo na siya. "Pulutan at maiinom. Ayos na ba yan?"

"AYOS NA AYOS!"

"Bigtime si Alex hahaha!"

Habang hinihintay namin na makabalik si Bruno kasama ng dalawa niyang kasama sa


pagbili ng maiinom, tinignan ko ulit ang pwesto nila Yasmin. Tuloy-tuloy pa rin ang
pag-iihaw niya. Gabing-gabi na. Bakit 'di pa siya natutulog? Dapat niyang
pagpahingahin na ang mga mata niya.

"Type mo?"

"Huh?" Napatingin ako sa nagsalita. Nasa harapan ko siya at nakatingin din kay
Yasmin. Isa siya sa mga kainuman namin.
"Si Yasmin yan. Disi-nuebe na. College na yan eh."

Hindi nalang ako kumibo. Hindi naman ako nagtatanong pero inaamin ko, interesado
ako sa sinasabi niya.

"Maganda siya. Yun nga lang, astang-lalaki."

"Saan siya nag-aaral?" Natanong ko nalang.

"Hindi ko alam eh. Hindi naman kasi nag-uuniform yan si Yasmin," ngumiti siya sa
akin ng mapang-asar kaya bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya sa itinanong ko.
"Type mo si Yasmin?"

"Hindi ah," diretsong sagot ko.

"Ba't interesado ka sa kanya?"

Iniling ko ang ulo ko. "Interesado ako sa kanya pero hindi dahil sa iniisip mo.
Kaibigan siya ng girlfriend kong..."

I immediately shook my head and smiled faintly at the thought. Ayoko talagang
nababanggit ang salitang yun. Para sa akin, buhay pa rin siya.

"Girlfriend mong...?"

"Never mind."

Maya-maya lang ay dumating na sina Bruno na may dala-dalang hard beverage. Yun nga
lang, hindi sila nakabili ng pulutan. Napatingin na naman ako sa pwesto nila
Yasmin. Gusto ko siyang makita ng malapitan pero... sh*t, bahala na.

"Dun nalang kaya tayo bumili?"

Sinundan nila ng tingin ang tinitignan ko.

"Oo nga. Kay Yasmin nalang. Tara!" Hindi ko alam kung ba't ako sapilitang itinayo
ni Bruno. Pero nung makita ko ang mapang-asar na ngiti niya, parang alam ko na ang
kung anumang itinatakbo ng utak niya. "Mas maganda siya sa malapitan," bulong niya
habang hinihila niya ako palapit sa pwesto nila.

'It's not what you think', yan ang gustong-gusto kong sabihin, pero bahala na.
Nandito na rin naman ako, might as well, do this.

"Yasmeng!"

"Bruno, uutang ka na naman??!!"

"Grabe ka naman... May pera ako ngayon. Bigyan mo nga kami ng... BBQ, isaw, hotdog,
betamax.. Basta, lahat ng klase!"

Napatulala nalang ako habang tinititigan siya. Nah, she's not who I'm staring at.
I'm staring at her eyes perhaps. Automatikong kumabog ang dibdib ko. Nanlamig ako
nang dumapo ang tingin niya sa akin.

... I never thought that I'll still be able to see those sweet set of eyes again
after 6 years.

"Tinitingin-tingin mo dyan?"
Natigilan ako nang pagtaasan niya ako ng kilay. Tama nga sila, maangas siya.

"W-wala."

"Sino yan, Bruno?" Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa habang nag-iihaw.

"Yasmeng naman, bisita ko yan," sagot nito sabay pasimple niya akong siniko. "Alex,
si Yasmin. Yasmin, si Alex."

I pulled my guts together as I held out my hand to her. "Hi..."

"Tch."

Hindi niya inabot ang kamay ko kaya ibinaba ko nalang ito. Fine, I understand.
She's not that friendly.

"Pagpasensyahan mo na 'yan. Suplada eh," bulong ulit sa akin ni Bruno at tumango


nalang ako.

Pagkaabot sa amin ni Yasmin ng mga inorder namin, binayaran na agad ito ni Bruno.
Hindi pa man kami tuluyang nakakabalik sa tapat ng sari-sari store, may narinig na
kaming malakas na lagabag.

"Tsong!! 'Wag po!"

"'Wag nang matigas ang ulo. Amin na ang mga kinita mo!! Hinihintay pa ako ng mga
ka-tong-its ko dun!"

Nakita ko kung paano maltratuhin si Yasmin ng isang matandang lalaki. Sa palagay


ko, lasing pa ito dahil may hawak itong isang bote ng beer. Pilit niyang kinukuha
ang body bag ni Yasmin, pero iniiiwas niya ito.

PAAAAK!

"Sh*t," nasambit ko nalang ng mahina nang makita siyang pinagbuhatan ng kamay.


Aawatin ko na sana sila nang...

"Alex, 'wag ka nang makialam. Hayaan mo na yan," pigil sa akin ni Bruno.

"Hahayaan niyo nalang bang may makita kayong sinasaktan na babae sa harapan n'yo?"

Umiling siya at bumuntong-hininga. "Magkakagulo lang. Sanay na yan si Yasmin. 'Di


niya kailangan ng tulong natin..."

Muli kong tinignan ang pwesto ni Yasmin. The old man left her devastated. Hindi ko
alam kung bakit, pero nagtaka ako.
... Ang mga matang yun, ba't 'di man lang lumuha? Hindi ba siya nasaktan?

-1- Finding Out Her Secrets

***1*** Finding Out Her Secrets

"Alex, ayos ka lang ba?"

Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko. Sh*t, how could I be so careless?
Hindi dapat ako nagpakalasing.

"Pipikit lang ako saglit. Mawawala rin 'tong tama ko."

Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at sinundan ko siya hanggang sa loob.
Maliit ito at hindi sa nagmamalaki ako pero kasing liit lamang ito ng banyo ng
kwarto ko.

"Dito ka na muna umidlip, Alex. Ay, hindi! Dito ka na magpalipas ng gabi.


Pagpasensyahan mo na ang kwarto ng kapatid ko. Bading kasi yun."

Umupo ako sa gilid ng kama at iniikot ang paningin ko sa paligid. Kaya pala kulay
pink at puro posters ng mga lalaki ang nakadikit sa pader, bading pala ang
umuookupa dito.

"Nasa'n ang kapatid mo? Nakakahiya naman kung dito ako matutulog."

Ngumiti siya at binuksan ang electric fan sa harapan namin. "Nakikitulog siya
ngayon kina Yasmeng. Ganun naman yun tuwing minamaltrato ang kaibigan n'ya. Dun
siya natutulog para may makausap si Yasmeng. Teka nga pare, ano bang meron sa inyo
nun eh hindi ka naman niya kilala?"

Nagkibit-balikat ako at nilapitan ang bintana. At ang pagkakataon nga naman...


Pader lang ang pagitan ng bahay nila Bruno sa bahay nila Yasmin.

"Honestly, interesado ako sa kanya dahil..." Huminga ako ng malalim at muling


humarap sa kanya. "...Siya yung nakatanggap ng mga mata ng namayapa kong
girlfriend."

"Oh..." Halata ang pagkagulat sa kanya. "Kaya pala. Pero 'di ka niya kilala?"

"Obviously," I shrugged.

"Wala kang balak magpakilala?"

I shrugged again. "Sa susunod nalang siguro. Mukha naman kasing 'di siya
kumportable sa akin."

Tumango nalang siya sa akin at dumiretso na sa pinto. "Matulog ka na. Feel at home
lang, Alex."
"Sige, salamat."

Wala naman talaga akong balak na mag-stay pa dito sa bahay nila Bruno. Talagang
nahihilo lang ako at inaantok. Inalok naman niya ako na makitulog dito ngayong gabi
at dahil mukha naman siyang mapagkakatiwalaan ay pumayag na ako.

Ilang minuto rin akong nakahiga sa kama. Pabaling-baling at hindi mapakali sa


pwesto.

"Siguro namamahay lang ako," I said to myself.

Ipinatong ko ang braso sa aking noo at ipinikit ang mga mata ko. Pipilitin ko
sanang matulog pero nagflashback sa akin yung nasaksihan ko kaninang pagmamaltrato
kay Yasmin. Ni hindi ko man lang siya nakitang pinanghinaan ng loob. Pagkatapos
kasi nun ay bumalik na siya sa pagbebenta ng tinda niya na para walang nangyari.

"Huk... huk... huhu..."

Napamulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nawala ang
tama ko.

"Huhu..."

This time, I can't help but to get up from bed. I could clearly hear the sobs from
somewhere up the ceiling.

Lumapit ako dun sa nakabukas na parte ng kisame ng kwarto na ito. Nagtaka ako.
Bakit may hagdan?

"Huhuuu... huhu..."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-akyat sa kisame. Hindi na ako nagtaka


nang makita ko ang attic ng bahay. Pero ang kinagulat ko ay may makipot na
passageway paakyat sa bubong.

"Hanep, ang liit ng bahay pero may attic," I mumbled to myself as I climbed up at
the roof.

Tama nga ako. Bukod sa tama akong sa bubong nga ang labas ko dito, nakita ko pang
may nakaupong babae sa kabilang bubong.

Si Yasmin Jacinto...

"Bakit ka umiiyak?" Bigla ko nalang naitanong.

Nagulat naman siya sa boses ko at agad nitong pinunasan ang luha niya. Tumayo siya
at sinamaan ako ng tingin.

"Mag-iingat ka. Baka mahulog ka!" I warned.

"T$%^&na! Sino ka? Ba't ka nandito?"

Napasinghap ako. D-amn, napakalutong niyang magmura. Para siyang hindi babae.

"Bisita ako ni Bruno. Ako yung bumili--"

"UMALIS KA DITO! NAUNA AKO DITO!"


Napa-woah nalang ako sa kanya. Hindi ko naman intensyon na agawan siya ng teritoryo
ah.

"Uhm... Narinig ko kasing may umiiyak kaya umakyat ako dito," tumawid na ako
papunta sa bubong nila. Umatras naman siya ng isang hakbang palayo sa akin. "Watch
out, Miss. Baka malaglag ka. 'Di ka ba natatakot?"

She rolled her eyes and went back to sit. Pinagkrus niya ang mga hita niya at
tumingin sa harapan namin. Dun ko lang napansin na may kataasan din pala ang pwesto
namin ngayon. Nasapo ko tuloy ang ulo ko. Fcvk, mukhang bumalik ang pagkahilo ko.

"Tsk! Wala na. Nakita mo na akong umiiyak. Nakakahiya."

Tinignan ko siya. Nakasimangot siya habang pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi.
"No big deal."

"Kaano-ano mo si Bruno?"

"K-kaibigan." Kaibigan nga ba?

Tumingin din siya sa akin. Nakita ko na naman ang mga mata ni Fatima sa kanya. My
heart thumped hard as I saw that sparkle again.

"Pa'no ka naging kaibigan ni Bruno? Sa itsura mo pa lang, alam kong yayamanin ka


na."

I smiled and chuckled then. Bakit parang lagi siyang naghahamon ng away sa tono ng
boses niya? "Basta kaibigan ko siya."

A moment of silence...

Nakatitig lang siya sa malayo. Nakakarinig na ako ng mga tilaok ng manok. Sh*t,
inantok ako bigla.

"Alex diba?"

"Oo..."

"Yasmin ang pangalan ko. Yasmin Jacinto. Ikaw? Teka nga, umupo ka nga! Tangkad mo
eh!!"

Umupo naman ako sa tabi niya. Enough distance from her. "Alexander de Silva. Alex
nalang..."

"Aahh," tumango-tango siya at bumulong na rinig ko naman. "Mayaman nga."

Big deal ba talaga sa kanila yun? Tss.

"If you don't mind, sino yung kaninang... nanggulo--"

Inunahan niya na ako. "Well, of course I mind, mister."

"Sorry," bulong ko. Fc-k, bakit nga ba ako nagiging pakielamero?

"Si Tsong yun."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo at malungkot na nakangiti.


"Hindi ko siya tatay. Anak ako ng nanay ko sa pagkadalaga. Bale, step-father ko
siya. Tatay na rin kung maituturing. Yun nga lang, hindi niya naman yata ako
tinuturing na anak."

Nakangiti siya pero ramdam ko ang sama ng loob sa bawat salita niya. Bigla akong
may naalala sa kanya. Parehas na parehas sila.

"Simula ng mamatay ang nanay ko 7 years ago sa isang aksidente, lagi nalang akong
pinag-iinitan ni tsong. Na kesyo daw, sana ako nalang ang namatay. Hahaha! Wala e.
Nabulag lang ako nun."

Yun nga ang dahilan ng pagkabulag niya. She lost her sight to a car accident with
her mom. That made sense.

"Nakaka-letse lang talaga ang buhay. Tama si tsong, sana ako nalang yung namatay at
hindi si Mama. Edi sana, hindi na ako naghihirap ngayon. P-^ta! TAMA DAW BANG
MAGDRAMA SA TAONG HINDI KO NAMAN KILALA?"

Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Hindi yun simpleng tawa para sa
akin. Alam kong nagbubuhos siya ng sama ng loob.

"Salamat, Alex," tumayo siya at sinaluduhan ako. "Matutulog na ako. Salamat. Mabuti
rin pala yung kumausap ng taong hindi kilala tungkol sa mga problema ko. Kahit
papa'no nabawasan ang nandito," at tinuro niya ang dibdib niya.

Umiwas agad ako ng tingin. Tumingin nalang ako pataas sa mukha niya. Sh*t, how
wouldn't I notice her fitted shirt?

"W-walang anuman."

"Oo nga pala. Wala sanang may makaalam ng pinag-usapan natin ha? Sige, goodnight.
May pasok pa ako sa school bukas," she said with a smile on her lips and left.

Ilang minuto rin akong naiwang nakat*nga dito. That eye-smile... That made me lost
for awhile. Huminga ako ng malalim. Ngayon, nalaman ko kung gaano ko nang namimiss
si Fatima...

Yasmin... I definitely know what she feels. I can see my old self in her.

***

Kinabukasan, nagising ako nang may marinig akong kaluskos sa paanan ko. Nasa kwarto
na ako, at nakita kong may kinukuhang damit si Bruno sa cabinet ng kapatid niya.
Humingi siya ng dispensa sa akin dahil nagising niya ako, pero wala naman akong
magagawa. Mabuti na't nagising na ako kaagad kesa ang magpatanghali pa dito sa
bahay na ito. Nakakahiya naman.
"Alex, 'wag kang mahihiya. Kain lang ng kain!"

Ngumiti lang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko ng pandesal na may


palaman na butter at syempre kape.

"Nakatulog ka ba ng ayos?"

"Oo, salamat."

"Wala yun. Ano ka ba!"

Humigop muna ako sa kape at tumingin sa kanya. Napakunot ang noo ko nang makita
kong sinawsaw niya ang pandesal na may palaman na butter sa kape. Anong lasa nun?

"Taga-saan ka nga pala, pare?"

"Alabang pa."

"Oh," tumango-tango siya. "Welcome ka dito anytime. 'Wag kang mahihiya. Kami lang
naman dito ng utol ko eh. Akong bahala sayo!"

I smiled. "Thank you..."

Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay nagpaalam na ako kay Bruno. He insisted me


to accompany me to my car. Kung 'di lang siya mapilit... Well, maybe he's just too
hospitable.

"Salamat, Bruno."

"Walang anuman. Balik ka ha?"

Pagbukas ko ng pinto sa driver's side, nahagip ng paningin ko si Yasmin na


naglalakad sa kalsada. May hawak-hawak siyang libro at mukhang pormal ang ayos
niya.

"Papasok na si Yasmin?"

Napatingin din sa tinitignan ko si Bruno. "Ah, oo. Ganitong oras yan umaalis araw-
araw. Gabi na ang uwi n'ya kasi iba-iba daw ang schedule niya."

"Tapos 'pag-uwi niya, magtitinda pa siya?"

Natawa siya. "Ganun na nga."

Pumasok na ako sa kotse at umalis na agad sa lugar na iyon. Althroughout my


driving, I admit I was smiling. Worth it din pala ang pakikipag-inuman ko sa
kanila. May mga nalaman akong importanteng bagay tungkol kay Yasmin.

Speaking of Yasmin...

The street lights turned red. Nasa intersection kami at nakahinto ang mga sasakyan.
I noticed a very familiar face on my left side. She was riding in a jeep, holding a
phone.

"Yasmin," nasabi ko nalang.


The streetlight went green. Umandar na ang mga sasakyan. Hindi ko alam kung anong
nagtulak sa akin pero nakita ko nalang ang sarili ko na sinusundan ang jeep na
sinasakyan niya.

"D-amn," I said in gritted teeth out of frustration. May humarang na pulang Honda
Civic sa harapan ng kotse ko. Buti nalang, nakita kong bumaba na si Yasmin sa jeep.
Pumasok siya sa isang street kaya ipinasok ko din dun ang kotse ko.

Pasimple ko siyang sinundan. Buti nalang, hindi siya nakakahalata. Putek, ano ba
'tong ginagawa ko? Para na akong stalker!

Nagtaka ako bigla. Akala ko ba College student siya? Bakit hindi sa eskwelahan ang
punta niya ngayon? Bakit sa isang...

"Karinderia?"

Tama. Pumasok siya sa isang Karinderia. Pero dahil nagbabakasali ako na baka kakain
lang siya diyan, hinintay ko siya na makalabas mula dun. Pero umabot nalang ako ng
halos dalawang oras dito sa kotse ko, HINDI PA RIN SIYA LUMALABAS.

"Sh*t, bahala na."

Lumabas ako ng kotse at pumasok dun sa Karinderyang pinasukan ni Yasmin. Umupo ako
sa pinakagilid at pinagmasdan ang paligid.

Yasmin, nasaan ka na ba?

"Sir? Ano po ang sayo?"

Tumingin ako sa kaliwa ko at parehas kaming nanlaki ang mga mata nang makita ang
babaeng hinahanap ko.

"Alex?" "Yasmin?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Akala ko ba...

"Nag-aaral ka ba talaga?" I asked frankly.

"Uh..."

Tinitigan ko siya sa mga mata. Naalala ko bigla nung mga panahong tuwing nababahala
si Fatima. Sa mga mata niya, sigurado akong nabahala siya sa tanong ko. Hindi ko
maipagkakailang bawat expression ng mga mata niya ay kaparehas ng kay Fatima.

"Yasmin, nag-aaral ka ba?" I repeated.

Bumuntong-hininga siya na may halong inis saka ito padabog na umupo sa upuan sa
harapan ko. "Bakit ba lahat ng sikreto ko ikaw ang nakakaalam?"

"Ako?"

"Oo! Ikaw lang ang pinaglabasan ko ng sama ng loob... bukod sa nanay ko. At ngayon,
nalaman mong hindi ako nag-aaral? Puc-ha. Anong susunod?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman sinasadya. Bakit siya nagagalit? Pambihira!

"I didn't mean to--"


"Sus! Mukha mo. Pa'no mo nalamang nandito ako? Nagkataon lang, ganun? Let-se! Hindi
ako naniniwala dyan. Ang sabihin mo, sinusundan mo ako!"

Natigilan ako. Totoo naman kasi. Sinundan ko siya. But should I admit that to her?
Psh.

"Of course not."

Tumaas ang kilay niya. "Alanga namang sabihin mo na suki ka dito? Eh ngayon ko nga
lang nakita ang pagmumukha mo dito! 'Wag ka nang magsinungaling pa. Bistado ka na!
STALKER!"

Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang may nagsalita sa likod namin.

"Yasmin! Ba't ka nakikipag-away sa customer?"

Napayuko si Yasmin. Lumapit sa amin ang isang matanda. She must be the owner of
this eatery.

"Sir, may problema ba dito?"

I smiled. "Wala naman po. Nag-uusap lang kami."

"Magkakilala kayo?" She asked and I nodded. "Tch. Akala ko, nang-aaway na naman
s'ya ng customer. Kakain ka ba, hijo? Bawal dito ang tambay."

"Aahh," tumingin ako kay Yasmin. Kakain ba ako? Kakakain ko lang eh. "Ah, opo. Si
Yasmin nalang po ang bahala sa akin."

Tumango nalang siya at umalis na. Naiwan ulit kaming dalawa ni Yasmin sa table.
Tahimik lang kami at hindi nagsasalita. Bakit ba siya nakayuko?

"Yasmin..."

Bumuntong-hininga siya. "Oo na. Hindi" na ako nag-aaral. Teka nga, ba't ba
nangingielam ka? Stalker ka talaga eh no'?"

"Stalker na kung stalker."

"Bwsit," she hissed.

"Ba't sinasabi mong nag-aaral ka pero hindi naman talaga?"

She rolled her eyes in annoyance and blew away some hairstrands that blocked her
face. "This year lang naman. Nagastos kasi ni tsong yung pang-matrikula ko ngayong
3rd year. Kaya eto ako ngayon, nagtatrabaho. Hindi ko naman masabi ang totoo sa
kanila dahil madudumi ang mga bunganga ng mga tsismosa sa lugar namin. Tiyak!
Pagtatawanan lang nila ako dahil nagmamayabang akong College student ako! MASAYA KA
NA?!"

She's really different. Hell, may ganito pa lang klase ng babae?

"You're thinking about your pride?"

Ngumisi siya at umiling. "Ma-pride na kung ma-pride. Wala ka pa ring alam."

Tinitigan ko siya ng matagal. Siya naman itong tumayo at akmang lalayasan na ako
kaya pinigilan ko siya sa kamay.
"Ano ba?!?"

Magaspang at banat ang balat niya. Halatang banat siya sa trabaho. D-amn, mas lalo
akong hindi mananahimik ngayong nalaman kong naghihirap ang babaeng pinagbigyan ng
mga mata ng girlfriend ko.

"I'll fetch you after your work. We'll talk about some important matter."

-2- A Friendly Offer

***2*** A FRIENDLY OFFER

Wala ako sa huwisyo buong araw. Habang nagkaklase kami, umiisip ang utak ko ng
paraan kung pa'no ko tutulungan si Yasmin. Ewan ko ba. Hindi ko naman siya kaano-
ano. Ni hindi ko rin siya kaibigan, pero may kung anong bumubulong sa akin na
responsibilidad ko siya. There must be a connection between us... And maybe that is
Fatima.

"Class dismissed."

Agad-agad akong tumayo at dumiretso na palabas ng classroom. Pumunta ako sa dean's


office ng College namin para kausapin si ate Alexa. Sa limang taon na lumipas, heto
si Ate Alexa, ang naging dean ng Business College.

"Oh, Mr. de Silva? May problema ba?" Ngiting tanong niya pagkaupo ko pa lang sa
harapan ng kanyang desk.

"Wala namang tao. 'Wag ka ng maging pormal."

"Tch, I'm just being fair to the students," tumikhim siya pagkatapos. "Fine, what
brings you here, bro?"

"Hihingi ako ng pabor. Matutulungan mo ba akong ipasok sa scholarship program ng


E.H.U ang kaibigan ko?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Kaibigan mo? May bago kang kaibigan? Sino?"

Tch. Ayan na naman siya. Palibhasa, alam niyang hindi ako sociable na tao. Kilala
niya ang lahat ng mga bago kong kaibigan. So, what's the matter with it?

"She's not totally a friend of mine. Kakakilala ko lang sa kanya and I don't think
she considered me as one though," I shrugged my shoulders, looking for the right
words to say. "Basta. Siya yung babaeng nakatanggap ng mga mata ni Fatima."

Natulala siya sa pagkagulat. Alam niya ang tungkol dun dahil siya lang naman ang
sinabihan ko nun. Ni ang gangmates ko, walang alam tungkol dito.

"Seriously?"

"Yeah, could you help me?"


She nodded slightly. "Pero kailangan niyang mag-take ng admission exam para
maqualify siya sa University."

"Pwede bang 'wag nalang? C'mon, Ate. Let her in," I replied. Paano kung hindi siya
makapasa? Hindi ko alam kung kakayanin niya. Tch.

"Alexander, admission exam lang ang i-tetake niya. Don't worry about the
scholarship program. Once na makapasa siya sa admission, then, she doesn't need to
take the scholarship's exam. Exempted na siya. Basta, ssshhh ka lang," sabi niya
habang nakaawang ang hintuturo sa labi niya.

I smiled widely. "Thanks. Babawi ako sayo."

Tinulungan na rin ako ni Ate Alexa sa pagkuha ng form na fifill-up-an ni Yasmin.


Buti nalang talaga, may back-up ako sa mga ganitong bagay kaya mas madaling
naisaayos ang mga kakailanganin ni Yasmin para makapag-take ng exams. Supposedly,
September ang admission examination sa E.H.A kaya maswerte na rin na kahit October
na ay pagbibigyan pa siya.

8PM nang mapagdesisyunan kong puntahan na si Yasmin sa karinderia na


pinagtatrabahuan niya. Timing na nagsasarado na sila. Ilang saglit lang ay nakita
ko na si Yasmin na palabas ng kainan. Sinalubong ko kaagad siya at sinalubong niya
rin ako ng pagtaas niya ng isang kilay.

"Ano na namang ginagawa mo dito?!"

"Easy," itinapat ko sa kanya ang dalawang kamay ko para pakalmahin siya. "Diba
sinabihan na kitang susunduin kita pagkatapos ng trabaho mo? Nakalimutan mo na ba?"

Inikot nito ang mga mata niya at humalukipkip. "May sinabi ba akong sasama ako
sayo? Paano kung gahasain mo ako? Paano kung kasali ka pala sa wakwak tiyan gang?"

What the hell?

"Listen, hindi ako masamang tao. Magtiwala ka lang sa akin. Iuuwi kita sa bahay
ninyo ng walang galos. Hindi kita hahawakan. May pag-uusapan lang tayo."

"Edi mag-usap na tayo dito!"

Napakunot na ng tuluyan ang noo ko. Bakit ba lagi siyang nakasinghal? "Yasmin,
hindi ako kaaway. Kumalma ka lang."

"Tss, saan ba tayo mag-uusap?" Medyo huminahon na siya.

Binuksan ko na ang pinto sa passenger's side at sinenyasan siya na sumakay na.


"We'll eat dinner. My treat."

"Hindi ako pwedeng magtagal. Magtitinda pa kami."

I sighed in surrender. "Give me 30 minutes of your time."

Sa isang Pizza Parlor ko siya dinala. Balak ko sanang dalhin siya sa fine dining
restaurant ng sa ganun ay makapag-usap kami ng maayos dahil sa tahimik na ambience
pero napaisip ako na 'wag nalang. Mag-uusap lang naman kami tungkol sa offer ko,
bakit ko ba siya dadalhin sa ganung lugar?

"Ano bang pag-uusapan natin?" Patuloy lang siya sa pagkain ng Peperoni Pizza. Para
siyang hindi babae kung kumain. Tch. "Oy, ikaw. Hindi ka ba kakain? Baka ako
pagbayarin mo nito ah."

Natawa ako ng bahagya. "'Wag kang mag-alala. Umorder ka lang. Babayaran ko."

"Baka may kapalit ito ah!"

"Ssshh, tone down your voice." Lagi nalang nakasigaw. Bingi ba siya?

"Ano ngang pag-uusapan natin?"

Uminom muna ako sa soda ko bago ko siya tignan ulit. Nakatitig lang siya sa akin at
halatang hinihintay ang kung anumang sasabihin ko. "May iooffer ako sayo. Gusto
mong mag-aral diba?"

Hindi siya umimik, kaya naman nilabas ko ang folder kung saan nakalagay ang form at
pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.

"Makapasa ka lang sa admission sa E.H.U, scholar ka na dun sa kahit anong kursong


gusto mo."

"Huh?" She eyed me unbelievingly.

"Don't worry about the expenses. Yung allowance mo at books, everything you need,
hindi mo na dapat yun alalahanin pa."

"T..Teka. Para saan ito? Bakit mo ako inoofferan nito? Hindi mo pa ako lubusang
kilala ah," nauutal na sabi niya.

"This is a friendly offer," matipid kong sagot.

Umiling siya. "Ano'ng kapalit? Katawan ko? Hindi maaari! May dignidad ako. Hindi
porket mayaman ka, bibilihan mo na ang mahihirap!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano bang akala niya sa akin?

"Hindi ako ganun. At pwede ba... Hindi sa akin galing yan," sh*t, I need to cover
up. Baka tanggihan niya ang offer kung malalaman niyang ako ang may plano nito.
"May mabait na taong nagmagandang loob sayo."

"Paano niya ako nakilala?"

I let out a heavy sigh. No choice but to continue the lies. "Nairekomenda kita.
Kinwento kita sa kanya."

"Gusto ko siyang makausap."

Mabilis akong umiling. "Ayaw niyang magpakita. Gusto lang niyang tumulong. Walang
kapalit." Kasinungalingan. Kailangan ko 'tong gawin dahil matigas ang ulo niya.
Tss!

"S...sigurado ka?"

"Oo."

Katahimikan. Mukhang nawala na siya ng ganang kumain. Panay lang ang inom niya sa
tubig niya.

It's me who broke the silence.


"He'll take care about your tuition fee, allowance, anything... Even your shelter."

Natigilan siya. "Pati tirahan?"

I have to offer this also. Hindi mabuti ang pagtira niya kasama ng step-father
niya. Bukod sa pinagmamalupitan at kinakamkam ang pera niya, hindi imposibleng
pagsamantalahan pa siya nito. Delikado ang kalagayan niya.

"Oo. Walang kapalit, Yasmin. Hindi mo na kailangang magtrabaho. This will last
until you graduate."

Napatungo siya. "H-hindi pwede."

"Ha?"

"Paano si Tsong? Ako nalang ang bumubuhay sa kanya," umiling na naman siya, "Pero
sayang."

"Sayang talaga."

"Tsk, pero hindi pwedeng umalis ako sa poder ng tsong ko." Tumayo na siya at kinuha
na ang mga gamit nito. "Pakisabi sa kung sinumang gustong tumulong sa akin,
salamat."

Paalis na sana siya nang pigilan ko siya sa braso. D-amn, is she nuts? Why can't
she leave his step-father?

"Ano?"

"Pag-isipan mo. Scholar, allowance, tirahan at kung ano-ano pa. Saglit lang,"
pahabol ko at kumuha ng pen mula sa bag ko. Sinulat ko ang cellphone number ko sa
tissue at inabot sa kanya. "Text me anytime if you ever change your mind."

Isang blangkong tingin ang pinukol niya sa akin bago siya lumabas ng Pizza Parlor.
Marahil hindi niya pa ako lubusang pinagkakatiwalaan.

***

Three days have been passed yet still I haven't seen a sign of Yasmin. Mukhang wala
nga siyang balak na pumayag sa offer ko. Maganda naman ang alok ko ah? Bakit niya
ba yun tinanggihan?

"Alex, ano'ng iniisip mo dyan?" Tanong sa akin ni Arthur. Kasalukuyan ako


nagdadrive pauwi. Itong si Arthur, nasiraan daw ng kotse kaya sa akin nakisabay
ngayon.

"Iniisip? Nagdadrive ako."

"Nakakunot ang noo mo habang nagdadrive. Hindi naman traffic," sagot niya.

Genius ba-s-tard. Lahat nalang ng kilos ng tao, alam niya ang ibig sabihin. Psh.

"Wala. Don't mind me."

I'm in amidst of driving when I heard my phone rang. Dali-dali ko yung inabot mula
sa bulsa ko at tinap ang answer key kahit 'di ko pa tinitignan ang screen.

Loudspeaker on.
Naririnig ko ang maingay na background sa kabilng linya. Puro sigawan, murahan at
kung ano-ano pa.

"Hello?" I said while driving.

["A...Alex."]

Natigilan ako. Hindi kaya si... "Yasmin?"

["S..si Yasmin ito..."]

Agad-agad kong tinabi ang kotse sa bangketa at in-off na ang loudspeaker. Sumulyap
pa ako kay Arthur na ngayon ay takang-taka sa nangyayari.

"Yasmin, may problema ba?" Humihikbi siya.

["Tatanggapin ko na ang offer. S-sunduin mo na ako ngayundin. A..ayoko na dito."]

"Wait for me."

That's it. I hung up the phone and glanced at Arthur on my right side. "Arthur,
hihingi ako ng pabor."

"Chick mo yun?"

Napa-tsk nalang ako. "Labas muna. May pupuntahan ako. Mag-taxi ka nalang."

"Ano? Papababain mo ako sa lugar na ito? G#$^%! Ayoko nga!"

"Dali na," lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto, saka ko siya
sapilitang inilabas. "Pasensya na."

"Alex! What the hell! Sasama nalang ako. Hindi ako magdadaldal!" Sigaw niya, pero
nagmamadali na akong sumakay at pinatakbo ang kotse ko patungo sa lugar nila
Yasmin.

Nandito na naman ako sa maalinsangang lugar na ito. Eskinita... Puno ng vandals ang
paligid. Ipinarada ko ang aking kotseng sa dating pwesto at nagmamadali akong
pumunta sa bahay nila Yasmin. Pero iba ang naabutan ko dun... Nakakalat at
nakatumba ang mga ihaw-ihaw na paninda nila. May mga damit pang nakakalat sa labas
ng bahay. Halatang ibinato ito mula sa loob.

"Si Yasmin?" Tanong ko sa batang katabi ko.

"Nandun po siya kina Kuya Bruno," sagot niya.

Hindi na ako nag-atubili pang puntahan siya sa bahay nila Bruno. Nasa pinto pa lang
ako nang makarinig na ako nang paghikbi. Pagkapasok ko, nakita ko si Yasmin na
inaalo ng isang bakla. He must be Bruno's brother.

"Alex..."

Napatiim-bagang ako nang makita ang mga pasa sa braso niya. Namumula pa ang kanang
pisngi niya. Sh*t. Napakahayup ng gumawa sa kanya nito.

"Tara na."

Inabot ko ang kamay niya at dahan-dahan siyang hinila patayo. Kailangan niya
talagang lumayo sa lugar na ito.
"Alex, saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Bruno habang hila-hila ko si Yasmin
palabas ng pinto ng bahay.

"Sasama siya sa akin."

"Saan?"

"Bruno," tawag ni Yasmin sa nanginginig na boses. "Ayos lang ako. Sasama ako sa
kanya."

-3- Getting To Know Her

***3*** GETTING TO KNOW HER

Sa lumang apartment ko dinala si Yasmin. Hindi naman ito gaanong kalumaan. Sa


katunayan, bagong renovate pa nga ito. Dito kami tumatambay ng X10 noong nasa
highschool pa kami. Wala ng umookupa dito kaya wala namang masama kung dito ko siya
dadalhin. Maayos naman ang unit na ito, yun nga lang, bukod sa malaking couch, pool
table, drum set at dining set good for 10 persons ay wala ng ibang gamit dito. Ni
walang kama o TV man lang.

"Dito ako titira?" Tanong niya na agad ko naman sinagot ng pagtango. "S...sinong
makakasama ko dito?"

Naglakad ako patungo sa pool table at umupo dito. "Wala. Gusto mo ba ng


kasambahay?"

"Naku! 'Wag na!" She waved her hands on me. Umupo siya sa couch habang
pinagmamasdan ang paligid. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito.
Tatlong taon na rin. "Ang ibig kong sabihin, ako lang talaga mag-isa ang titira
dito? Walang renta?"

I smiled. "Wala. Tubig, kuryente at kung ano-ano pang bill... You won't pay
anything."

"Sigurado ka? Matrikula, allowance, kuryente, tubig... Wala akong iintindihin?


Ano'ng kapalit?" She asked back and continued, "Nakooo! 'Wag mong sabihing puri at
dangal ko ang kapalit!?" Tumayo siya at akmang lalabas na. Kumunot tuloy ang noo
ko. "Yung mga ganyang mukha, kunwaring mabait pero nasa loob ang kulo!"

Hinabol ko siya hanggang sa pinto at pinigilan siya sa braso. "Yasmin, 'wag kang
paranoid. Walang kapalit." I let go of her arm and eyed her seriously. "All you
need to do is study. 'Pag nakagraduate ka na, ititigil ko na ang pagtulong sayo.
Unless, you would want to ask for help para makahanap ng trabaho?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ilang taon ka na ba, Alex? Parang magkasing-edad lang
tayo ah. Parang parehas pa yata tayong estudyante. Saan ka nakakakuha ng pera?"

Dun ako natigilan. Napaiwas agad ako ng tingin, parang naghahanap ng tamang salita
na maisasagot sa kanya. Kung sabihin ko kaya sa kanyang ako mismo ang tumutulong sa
kanya, pag-iisipan pa kaya niya ako ng malisyoso?

"M...May kilala akong willing magprovide ng financial assistance. He's a good


friend of mine. Ako ang... ang humingi sa kanya ng pabor na tulungan ka niya," I
then breathied deeply. It is a white lie. "Bale, instrumento lang niya ako sayo."

"Kung ganun, maaari ko ba siyang makausap?"

Nagkibit-balikat ako. Eto na nga eh. Kausap mo na. "Gusto niya lang tumulong.
Masyado kasing busy ang taong yun at mahirap makapagset ng appointment sa kanya.
Don't worry, I'll tell him that you want to meet him in person."

Tumango siya. "Okay." Pumasok na ulit siya ng unit at bumalik na sa pagkakaupo sa


sofa. "Pakisabi sa kanya, maraming salamat ha?"

I nodded and smiled. 'You are very welcome' I thought. "Did you bring your school
transcripts? Kung oo, pwede ka nang mag-take ng Entrance Exam bukas at pagkakuha ng
pagkakuha ng resulta, ieenrol na agad kita. Yun ay..." I paused and looked at her
with scrutinizing eyes. "--Makakapasa ka."

Sinimangutan niya ako. "Hoy! Kahit ganito ako, may utak naman ako. Aba,
nakagraduate ako sa highschool ng Valedictorian. Dean's lister din ako nung First
year college."

"Then, that's good. Pagtiyagaan mo muna ang maliit na couch na yan. Bukas na bukas
mamimili tayo ng gamit dito sa bahay mo. I'll pick you up at 8 tomorrow. Be
ready..."

Hindi na siya sumagot pero sapat na yung pagtango ng ulo niya para malaman kong
nakuha niya ang sinabi ko. Lumabas na ako ng unit niya at dumiretso na sa kotse ko,
pero bigla akong may naalala.

"Nakakain na kaya siya?"

Hindi ko man alam ang sagot sa sarili kong tanong ay nakita ko nalang ang sarili ko
na pumunta sa pinakamalapit na fastfoodchain at binilhan siya ng pagkain.
Pagkatapos ay bumalik ako sa apartment unit niya at kumatok ng dalawang beses sa
pinto nito.

Pagbukas niya ng pinto ay iniabot ko na agad sa kanya ang paper bag. "Baka hindi ka
pa kumakain. Pagkatapos nyan, matulog ka na. Goodnight."

"Uh... Ge." At pinagsaraduhan na ako ng pinto. Napailing nalang ako ng ulo. Ibang
klase. Hindi man lang magpasalamat. Ibang-iba talaga siya kay Fatima.

***

Kinabukasan, gaya ng napag-usapan ay sinundo ko kaagad si Yasmin sa unit niya.


Kumain muna kami sa fastfood chain ng breakfast bago ko siya dinala sa E.H.U.
Masyadong mabilis ang oras. Eto ako ngayon, nasa gitna ng klase ko. Sa palagay ko,
naglibot-libot na si Yasmin sa buong campus sa mga oras na ito. Malamang tapos na
niya ang Entrance Exam.

I felt my phone vibrated inside my pocket so I secretly fished it out and looked at
its screen. Si Yasmin ang caller.

"Hello?" Bungad ko pagkatapat ng phone sa tenga ko.

["Alex!! Nawawala yata akooo!!"]

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Halata nga sa boses niya ang panic. "Nasaan ka?"

["Hindi ko alam! Basta maraming puno dito. Shet! Ba't kasi ang laki ng campus??"]

Huminga muna ako ng malalim. "Sige, dyan ka lang. Hintayin mo ako," at ibinaba ko
na ang phone. I raised my hand to catch the prof's attention.

"Yes, Mr. de Silva?"

"Need to go out. May I?"

He nodded. "Sige."

Buti nalang mabait ang prof namin kanina kaya pinayagan niya agad akong lumabas.
Iisa lang ang mapunong lugar sa loob ng campus kaya yun ang una kong pinuntahan.
Wala pang sampung minuto ay nakita ko na si Yasmin. Nakaupo siya sa paanan ng puno
habang inaayos ang cellphone niya.

"Shet lang 'tong CP na ito! Makisama ka naman! Grr!" Nanggigil na sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at agad naman niyang napansin ang presence ko. "Oh, Alex? Buti
nahanap mo ako?"

"Tapos na ba ang exam mo?" I said ignoring what she said. Tumango naman siya. "How
was it?"

"Tss. Petiks lang!"

Tumayo siya habang inaayos pa rin ang cellphone niya. Lumang model ito at gasgas na
ang housing. Napansin ko pang sira na ang LCD nito.

"Gumagana pa ba yan?" Tanong ko.

"Oo naman," sagot niya. "May klase ka pa ba? Kung meron pa--" Napakamot siya sa ulo
niya at nahihiyang tumingin sa akin. "P-pwede bang pahingi nalang ng pang-kain?
Kahit singkwenta lang!"

Medyo natawa ako sa sinabi niya. "Tara na. Sumama ka nalang sa akin."

Sa mall ko siya dinala. At halata nga sa kanya na nagutom nga siya nang dalhin ko
siya sa isang restaurant. Mas mukha pa siyang lalaki sa akin kung kumain. Ang
nakakatuwa lang, hindi na siya masyadong nahihiya sa akin. Wait up, did she really
get shy whenever I'm around? I guess not. Wala yata sa bokabularyo niya ang
salitang 'hiya'.

"Walangya... Ang dami nating pinamili!" Sabi niya nang makauwi na kami sa apartment
niya. Napapailing nalang ako habang pinagmamasdan ang pagtalon-talon niya sa kama.
"Potek lang! Ang laki ng kama! Yay!"

"May kulang pa ba?" Tanong ko. May grocery storage na siya, appliances, school
supplies, new phone at... I stopped when my phone rang. Pagkatingin ko sa screen,
yung administrator pala ng E.H.U.
"Yes?" I turned my back on her direction.

["Good evening, Sir. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo yung result ng Entrance
Exam ni Miss Jacinto."]

"Oh." D-amn, how could I forget about this matter? Sinabihan ko nga pala ang admin
office na balitaan ako sa magiging result ng exam. "Kamusta po?"

["She got 189 out of 200. Maaari niyong makuha ang resulta bukas. "]

I smiled widely at what I've heard. Wow, that was amazing. 189/200? Napatingin ako
kay Yasmin na gumugulong na ngayon sa kama. Hindi nga siya nagsisinungaling.
Matalino nga siya. "Thanks, Ma'am. Pwede na ba siyang ipasok ngayon sa scholarship
program?"

["Oh yes. Actually, inaasikaso na yan dito. Pwede na siyang pumasok next week. She
can get her schedule as well as her books and uniform tomorrow."]

"Salamat, Ma'am."

["No problem."]

Pagkababa ko ng phone ay hinarap ko kaagad si Yasmin. Napagod na yata siya sa


pagtatalon dahil nakaupo na siya. "Yasmin, nakapasa ka. Pwede ka nang pumasok next
week."

"Oh yes! Sabi sayo eh!!"

Mukhang hindi nga niya ako madidisappoint. Sa palagay ko, si Yasmin ang tipo ng tao
na masikap para makatapos ng pag-aaral...

***

Weeks had passed. Almost one month na akong hindi nakakapunta sa apartment unit ni
Yasmin. The last time I went there was when I had to pick her up for school. First
day ng klase niya yun at mas mabuti kung sasamahan ko siya. Pagkatapos nun, hindi
na kami halos nagkakausap. Kung minsan naman ay nakikita ko siya sa campus pero
hindi ko siya nilalapitan. Base sa observation ko sa kanya, napaka-outgoing naman
niya. Lagi ko siyang nakikitang may kasama.

Creative Writing ang kinukuha niyang course. Third year college, second semester at
mukha namang maayos ang pag-aaral niya dito sa E.H.U.

"Malayong-malayo siya kay Fatima."

I maintained a straight face when I heard that from Arthur. Nasa campus kaming
dalawa, habang nakaupo sa isang bench. Mula sa kinauupuan namin, tanaw na tanaw
namin si Yasmin kasama ng mga kaibigan niya na nakaupo sa isang baitang ng hagdan.

"Malayong-malayo naman talaga. Friendly siya, samantalang si Fatima, mahiyain."

Arthur chuckled. "Fatima was pleasant and Yasmin's not."


I know... She's way, way, different from Fatima. Ang isa lang na pinagkaparehas
nila ay ang pagiging matalino niya. Aside from that, wala na.

"How's she, Alex?" Arthur asked. Si Arthur ang sinasamahan ko sa ngayon dahil
kailangan niya ng companion. Kakagagaling lang niya kasi sa depression. To sum up
everyting, it's all about his first real girl who had left him in vain. "Oy,
nakikinig ka ba?"

"Tss. Mukha naman siyang maayos."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin," sabi niya at hinarap ako. "What I mean is, did
you get to know her well?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Siya pa lang ang napagsasabihan ko
tungkol kay Yasmin. Balak ko namang sabihan ang X10, pero hindi muna sa ngayon. Mga
problemado pa kasi sila.

"Do I need to? I guess, she's nice. Don't be judgmental," I said flatly.

"Hindi naman sa pagiging judgmental, dude. Ni hindi mo nga pinabackground check si


Yasmin. Ang sabi mo, nakatira siya noon sa squatter's area. Hindi mo pa siya kilala
ng lubusan. Pa'no kung maisahan ka nyan?"

Napaisip ako sa sinabi sa akin ni Arthur kanina. Hanggang sa pag-uwi, yun lang ang
tumatakbo sa isip ko. Hindi ko pa nga siya lubusang nakikilala. Pero kailangan pa
ba yun eh ako naman itong nagvolunteer na tulungan siya?

Phone rings...

I snapped back from my reverie when my phone rang loudly. Speaking of, Yasmin's on
the line.

"Yasmin?"

["Alex, kamusta?"]

I sat up on bed and ran my fingers through my hair. Himala... Bat yata nangamusta
ito? "I'm fine. Anong meron?"

She sighed. ["Alex, hihingi sana ako ng pabor."]

"Ano'ng pabor?"

["P...pwede bang bumale? Kailangan ko lang ng pera."]

Dun na ako napakunot ng noo. Three weeks pa lang ang nakakalipas nang magdeposit
ako sa ATM card niya. Ubos na ba yun?

"Magkano?"

["10, 000..."]

10, 000?! I suddenly felt uneasy on what she said. Is this what Arthur told me?

["---Pero 'wag kang mag-alala! Kahit sa isang buwan, 'wag mo na akong bigyan ng
allowance. Kailangan ko lang talaga ang perang yun bukas."]
"Para saan ba?"

["B-basta..."]

I released a breath. Nagdadalawang-isip ako kung bibigyan ko siya. Pero


nararamdaman ko yung urgency sa boses niya.

"Fine, I'll have it deposited on your account tomorrow. Sasabihan ko muna yung
financier mo," then I hung up.

Tama ba ang ginawa ko?

-4- Her 5 Reasons

***4*** Her 5 Reasons

Tama ba ang ginawa ko? Yun lang nasa isip ko buong gabi matapos humingi sa akin ng
sampung libo si Yasmin. Kahit nagdadalawang-isip ako ay napagdesisyunan kong
magdeposit nalang sa ATM card niya. Ewan ko ba. Tuwing naaalala ko ang paraan ng
pakikipag-usap niya sa akin kagabi sa phone ay parang may naramdaman akong pag-
aalala. Saan niya kaya gagamitin ang pera?

Nababahala talaga ako kung saan niya gagamitin yun. Wala naman na siyang dapat
pagkagastusan sa pag-aaral niya. Zero balance na yun dahil sponsored na siya.
Kumpleto na rin naman siya sa gamit. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip sa sinabi sa
akin ni Arthur nung nakaraan. Hindi ko pa nga lubusang kilala si Yasmin.

"Alex..."

Tumingin ako sa tumawag sa akin. Si Bruno. Tinanguan ko lang siya at sinenyasan na


umupo sa kaharap kong upuan.

"'Tol, ba't naman dito?" Inikot niya ang paningin sa coffee shop kung saan ko siya
pinapunta. Kailangan ko siyang tanungin tungkol kay Yasmin kaya ko siya pinapunta
dito. "Wala akong budget ngayon. 'Di pa ako sumusweldo," bulong niya.

I smiled assuringly to him as I glided the frappe and the cheesecake toward him.
"Ako ang magbabayad. 'Wag kang mag-alala."

"Yun naman pala," huminga siya ng maluwag at sinimsim na ang kanyang frappe. "Bakit
mo nga pala ako pinatawag? May pupuntahan sana ako pero mas inuna muna kita."

"Saglit lang 'to. Pasensya na kung nakaabala ako. May itatanong lang ako sa'yo."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Tungkol ba kay Yasmin?"

Medyo nabigla ako sa tinanong niya sa akin. Am I that easy to read now? "Oo. I want
you to keep this talk as a secret. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko yun magawa.
Baka lumabas na naman akong stalker kapag nahuli niya ako." At ayokong tinatawag na
ganun.

Sumubo siya ng cheesecake, habang ako naman ay humigop sa cappuccino ko. "Sige,
tutal naman, ikaw ang tumutulong sa kanya ngayon. Ano ba yun?"

"Si Yasmin kasi, humingi ng 10 thousand sa sponsor niya. Wala siyang sinabing
dahilan. May alam ka ba tungkol dito?" Diretso kong tanong.

"Sampung libo?" Tanong niya at tumango naman ako. "Kailan siya humingi?"

"Kahapon lang..."

Napatingin siya sa kaliwang gilid niya na tila ba'y nag-iisip. Maya-maya ay


napatango siya at tumingin na sa akin. "Mukhang alam ko na kung bakit."

"Ano?"

Mabilis niya munang inubos ang cheesecake at kinuha ang frappe bago siya tumayo at
sinenyasan akong umalis na. "Tara, mas mabuti pa kung pupuntahin natin siya. Siya
na ang pagpaliwanagin mo."

Ang hindi masabi sa aking dahilan ni Yasmin ay alam ni Bruno. Hindi pa rin ba niya
ako kayang pagkatiwalaan?

***

"Dito ako dapat pupunta, pero tinawagan mo ako." Yan ang sabi sa akin ni Bruno nang
makarating kami sa tapat ng isang pampublikong ospital. Nakatitig lang ako sa
entrance nito mula sa loob ng kotse. Ano namang gagawin ni Yasmin dito?

"Sigurado ka bang nandito siya?" Tanong ko.

Bago siya sumagot ay binuksan muna niya ang pinto sa gilid niya. "Oo. Tara na,
'tol. Pumasok na tayo sa loob."

I don't know why I felt my chest pounded as hard as it could. Kinakabahan ako. Sh-
it. Ewan ko ba. Matapos ng nangyari kay Fatima ilang taon na ang nakakalipas ay
hindi na ako kumportableng pumunta sa ospital.

"Ano bang ginagawa niya dito, Bruno?" I asked while following his pace. Maraming
tao ang nandito. Hindi ko yata kakayanin ang amoy ng ospital na ito kung magtatagal
pa ako dito. Nakakahilo.

"Nandito nga si Yasmin. Tara," lumiko siya sa isang pasilyo kaya sumunod naman ako
sa kanya. Medyo nahuhuli ako ng lakad dahil sa mga taong nakakasalubong ko. Nakita
ko na namang lumiko si Bruno sa isang pasilyo kaya mabilis kong nilagpasan ang mga
taong nakakasalubong ko hanggang sa makalapit ako sa kanya...

*PAAAAAAK!

Natigilan ako sa nasaksihan kong eksena. Maging si Bruno ay tila napako din sa
kinatatayuan niya. Ilang metro ang distansya namin sa kanila, pero sa sobrang lakas
ng impact ng sampal ng babae kay Yasmin ay aakalain mong malapit lang siya sa amin.

Si Yasmin... Sinampal siya ng isang babaeng nasa mid-20's kung eestimahin ko ang
edad. Bakit siya nito sinaktan?

"Kapag may nangyaring masama kay Papa, ikaw ang mananagot! Kasalanan mo 'to,
Yasmin! Pinabayaan mo siya!!" Asik nito sa kanya.
Sapo-sapo ang pisnging sinampal, parang walang nangyaring sinagot niya ang babae.
"H...hindi ko naman sinadya, ate. Sorry..."

Ate? Kapatid niya ba ang babaeng yan?

"Galit na galit ka sa akin dahil naglayas ako, pero ikaw rin naman itong iniwanan
lang din si Papa! Napakaipokrita mo!" Dagdag pa ng babae. May katabi siyang isang
lalaki na pilit siyang inaawat, pero mas nananaig yata ang galit nito dahil patuloy
siya sa pagtulak kay Yasmin.

Lalapitan ko na sana siya nang pigilan ako ni Bruno sa braso. "'Wag ka nang
mangielam."

"Kita mong sinasaktan na siya. Hindi pa ba natin aawatin?" Mahina pero inis kong
bulong sa kanya. Pangalawang beses na itong pinigilan ako ni Bruno. Ano bang
problema niya?

"Ayaw ni Yasmin na pinapakielaman siya."

Muli akong tumingin sa direksyon nila Yasmin. Napamura nalang ako nang makitang
malakas siyang itinulak ng babae na dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Lalapitan
ko na sana siya para itayo, pero nakita kong lumapit ang lalaking kasama ng babae
sumampal sa kanya at inalalayan siya.

"Bitawan mo ako!" Tinulak ng pagkalakas-lakas ni Yasmin ang lalaki bago ito tumayo.
Muli ay napatigil ako sa paglapit sa kanya.

Isang malakas na Yasmin ang nakita ko sa puntong ito.

"Nakakasakal na kayo! Hindi niyo alam kung gaano kahirap pakisamahan si tsong.
Hindi niyo yun alam dahil binigay mo sa akin ang lahat ng responsibilidad para pati
ang sarili ko ay napabayaan ko na. Hayaan niyo naman akong mabuhay, Ate!" Asik niya
at humarap na sa direksyon ko para umalis. Bahagya siyang natigilan nang
magkasalubong ang mga paningin namin. She then, gazed away and headed quickly out
of our sight.

"Yasmin!"

Hinabol ko siya hanggang sa labas ng ospital. Tumatakbo siya palayo sa akin.


Sinundan ko siya hanggang car park, hanggang sa tumigil siya at umupo sa bakanteng
pavement. Tumigil ako sa harapan niya, isang metro ang distansya mula sa kanya. She
was staring blankly at the ground while her lips are trembling. She's controlling
her emotions, perhaps.

"Yasmin."

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Matigas na tanong niya.

"Hindi naman importante yun. Na-curious lang ako kung saan mo gagamitin ang pera
kaya tinanong ko si Bruno," naglakad ako palapit sa kanya at umupo rin sa pavement
katabi niya. "Sinabi mo sana agad sa akin. Tutulungan naman kita kung sinabi mo
kung para saan ang pera."

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Halatang problemado siya.


"Nakakahiya na sa inyo ng sponsor ko. Pinagkakagastusan niyo ako, pero hindi niyo
pa naman ako kilala."

"Kagaya ko... Hindi mo rin ako kilala."


Tumingin siya sa akin at umiling. "Pero sa tingin ko, nasira na yung tiwala mo sa
akin dahil sa pagsisinungaling ko."

"Hindi ka naman nagsinungaling. Hindi mo lang talaga sinabi ang dahilan kung para
saan ang pera," I smiled assuringly to her. Ngumiti rin siya sa akin. Bumalik ulit
ang tingin niya sa semento at bahagyang pinasadahan ng palad ang pisnging nasampal.
"Masakit ba?"

T-anga. Malamang ngang masakit yun. Sa lakas at sa sobrang pula ba naman ng psingi
niya, hindi ba siya masasaktan dun?

"Ayos lang. Sanay na ako. Ewan ko ba, pero parang minana yata ni Ate Lea yung
pagiging bayolente kay tsong," sabay tawa niya pa na halata namang peke lang.

Ate Leah? Mukhang nakukuha ko na. "Step-sister mo siya?" Tumango naman agad siya.
"Kung ganun ay anak siya ng tsong mo? Hindi mo siya kadugo?"

"Hindi. Halata naman sa trato niya sa akin diba?" Ngiting sagot niya. "Dati pa yung
ganun sa akin. Simula ng magsama ang nanay ko at ang tatay niya, lagi niya lang
akong kinagagalitan."

Naguguluhan ako. Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Ano nga bang dahilan kung
bakit nandito ang step-father niya sa ospital at bakit galit na galit ang Ate niya
sa kanya?

"Yasmin, bakit nga ba nandito---"

She cut into my question. "Nasaksak si Tsong kahapon. Ang sabi ng mga kapit-bahay,
parehas daw lasing si Tsong pati na rin yung sumaksak sa kanya."

Sumeryoso ang boses pati na rin ang mukha niya. Pumulot siya ng maliliit na bato sa
paanan niya at inihagis ito sa kalsada. "Umutang yata si Tsong sa kanya ng dalawang
libo. Siningil daw siya nun, pero hindi siya nakapagbayad dahil wala ngang pera.
Hanggang sa nauwi sa sagutan... Ayun, nasaksak si Tsong ng patalim para tapusin ang
usapan. Nagkainitan eh."

Hindi ko maintindihan kung bakit kaswal lang ang pagkukwento niya sa akin. Para
bang hindi naman nasaksak talaga ang tsong niya.

"Ayos lang ba siya?" Tanong ko.

She let out a sigh. "Sa ngayon, inooperahan siya. Yung sampung libo mo, pati na rin
yung sampung libo na paunang allowance ko ang pinambayad ko. Kulang pa nga eh.
Kailangan daw ng 40 thousand. Plus yung hospital room at mga gamot pa..." Yumakap
siya sa sariling hita at napatulala. "Lech-eng buhay 'to. Marami na nga akong
problema, pero dinadagsa pa rin ako ng problema. Ako na yata ang pinakamalas na tao
sa buong Pilipinas."

I felt a sudden twinge on my chest as she said those words. Not because of her
voice, but because of how her expression showed. Pinipilit niyang ngumiti, pero
unting-unti namang tumutulo ang mga luha niya.

"That's not true. There are lots of people out there that seemed to have worse
problem than yours."

"Sinasabi mo lang yan dahil wala ka pang alam masyado sa akin," sabi niya
pagkapatong nito ng baba niya sa kanyang tuhod.
Nakatitig lang ako sa kanya ng matagal. The moon shone on her face, that made it
lighten up a little. Ngayon ko lang napansin na maganda siya. May mahahaba siyang
pilik-mata, may matangos na ilong, maliliit at mapupulang labi at makinis na mukha.

"Magtiwala ka lang sa akin. Kahit anong sabihin mo, makikinig lang ako."

Matagal siyang nakatitig sa semento. Pasimple niya ring pinunasan ang mga luha
niya. Kung nabubuhay pa rin kaya si Fatima, nakakausap ko kaya siya kagaya ng
ganito ngayon?

"Bibigyan kita ng limang dahilan kung bakit sinasabi kong malas akong nilalang..."

Hindi ako sumagot, sa halip ay hinayaan ko lang siyang magpatuloy sa sinasabi niya.

"Una, hindi ko kilala ang tunay kong ama. Highschool student si Mama nang mabuntis
siya ng kanyang boyfriend. Nang malaman ng ama ko na buntis si Mama, bigla nalang
itong naglaho ng parang bula. Sa madaling salita, tumakas siya sa responsibilidad."

Anak siya sa pagkadalaga? Not too bad. Maswerte siya dahil binuhay pa rin siya ng
nanay niya.

"Pangalawa, nag-asawa si Mama. Yun ay si Tsong. Masaya ako nung una dahil may
pamilya na ako na maituturing. Pero, pamilya nga ba yung minamaltrato ako 'pag nasa
trabaho si Mama? Pakiramdam ko nga ay ako si Cinderella," sabay tawa niya ng
mapakla.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng matipid.

"Pangatlo, nung namatay si Mama sa isang aksidente ay nabulag naman ako. Pinaramdam
nila Ate at tsong na wala na akong silbi. Buti nalang ay naoperahan ako at bumalik
ang paningin ko pagkatapos ng ilang taon."

Napatingin ako sa mga mata niya. Lumakas ang kaba sa dibdib ko nang salubungin niya
ang mga tingin ko. Ang matang yun... Pagmamay-ari ng babaeng minamahal ko kahit
ilang taon na ang nakalipas.

"Pang-apat, hindi ko alam kung sasabihin ko 'to sayo, pero sige, sasabihin ko na
rin. May tiwala ako sayo, Alex." Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya. Through
this, I can get to know her better. "Nagkaboyfriend ako. Naging masaya ako kahit
papa'no dahil sa kanya. Pero ipinagpalit niya ako sa taong hindi ko inaasahan na
ipapalit niya sa akin."

Mababaw na dahilan. Bata pa naman siya. Bakit niya pinoproblema ang bagay na yun?

"Pang-lima, binigay sa akin ni Ate ang responsibilidad niya kay Tsong. Nilayasan
niya kami. Simula nun, kahit gusto ko nang layasan si tsong, hindi ko magawa.
Bakit? Ako na kasi ang bumubuhay sa kanya." Umiwas siya ng tingin at umiling. "At
hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya bubuhayin. Nasasakal na ako."

Hindi agad ako nakapagsalita. Gusto ko sana siyang kumbinsihin na hindi siya malas,
pero hindi ko alam kung paano ko yun sasabihin.

"Maswerte ka," nasabi ko nalang. Napatigil siya at tumingin sa akin. "Sabi mo,
nabulag ka, pero bumalik din ang paningin mo."

Ngumiti siya ng bahagya sa sinabi ko. "Yun na yun? Tsamba lang yun."

"Dumating ako para tulungan ka. Malas ka pa rin ba sa tingin mo?"


Napatitig lang siya sa akin. Marahil hindi niya alam ang isasagot kaya ngumiti na
ako. "Ang iniisip mo kasi palagi ay negative. Ika nga nila, look at the brighter
side. Walang mangyayari sa pagse-self pity mo."

Inalala ko ang mga pinabaon sa aking payo ni Fatima. Hindi ko mapigilan ang
pagngiti ko tuwing inaalala ko ang mga yun.

"I had a friend who was optimist at heart. Tuwing may problema siya, lagi niya lang
itong dinadaan sa pagngiti. Sabi nga niya, lahat ng problema ay nalalagpasan.
Trials lang yan." Yun ang natutunan ko sa kanya.

"Kaibigan mo? Babae ba?"

"Oo," I retorted honestly. "Hindi siya simpleng babae. For me, she's an extra-
ordinary being."

"Girlfriend mo?"

I was stunned at her question but I still managed a smile. "Yeah. Mas maganda kung
magiging optimistic ka rin tulad niya."

Ngumiti rin siya sa akin. It reached up her eyes, and I can't help myself not to
tell her how beautiful her eyes are.

"Ang ganda ng mga mata mo..."

She smiled and her cheeks beet red. "Salamat."

Phone rings...

Sabay kaming napatingin sa direksyon ng pinagmulan ng ring. Nilabas ni Yasmin ang


cellphone niya at sinagot ito sa harap ko. "Bruno?... Ha?..."

Napakunot-noo ako nang mapansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Yasmin.


Para siyang kinakabahan.

"Pupunta na ako dyan..." Binaba niya ang cellphone at nagmamadaling tumayo.


Sinundan ko siya at ang narinig ko nalang na sinabi niya ay, "Tsong... 'Wag ka
munang umalis."

Pagbalik namin sa loob ng ospital ay dumiretso agad kami sa harap ng operating


room. Nakita nalang namin na nakatulala ang Ate ni Yasmin pati na rin ang kasama
nitong lalakipati na rin si Bruno na parang wala sa sarili.

"Bruno! Kamusta si Tsong??" Tanong agad ni Yasmin pagkatakbo niya sa pwesto ni


Bruno. Hindi pa man nakakasagot si Bruno ay sumugod agad ang Ate nito kay Yasmin na
agad ko namang hinarangan.

"KASALANAN MO 'TO! NANG DAHIL SAYO, WALA NA SI PAPA! UMALIS KA DITO!!!!"

Acceptance... That's what people should apply at this very moment.

***

Sa loob ng ilang Linggo kong pagkakakilala kay Yasmin ay tinuring ko na siyang isa
sa mga kaibigan ko. Oo, hindi ako palakaibigan pero nakikita ko ang dating sarili
ko sa kanya. Kailangan niya ng makakausap. Kailangan niya ng kaibigan na
masasandalan sa mga ganitong panahon.
"Yasmin."

"Ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala."

Isang Linggo na ang nakalipas nang mamatay ang tinuturing niyang ama. Isang Linggo
rin itong binurol sa bahay nito, pero ni isang beses ay hindi siya nakasilip sa mga
labi nito. Siya ang sinisisi ng kapatid niya sa pagkamatay nito kaya ayaw niya
itong makita man lang. Ngayong araw na nakatakda ang libing. Isang oras na yata
kaming nakatayo ilang metro dito mula sa puntod ng ama-amahan niya. Hindi kami
nagpapakita sa kanila. Ayaw kasi ni Yasmin na mag-eskandalo ang kanyang tinuring na
kapatid kapag nakita siya nito.

"Pwede na siguro tayong lumapit? Wala na rin namang tao," mahinang sabi ko. Hinila
ko siya palapit sa apartment na puntod. Public cemetery ito, kaya hindi na ako
nagtataka kung bakit ito medyo magulo.

"Gusto ko lang namang mag-sorry. Sorry, pero hindi ko naman kasalanan na iwanan
siya diba?" Yasmin said while staring blankly at it. She placed a fresh set of
tulips on it and took step back beside me. "Hindi ko namang kasalanan na nasaksak
siya. Hindi ko rin naman kasalanang sumama sayo, Alex diba? Iniisip ko lang naman
yung kinabukasan ko. Para sa kanya rin naman yun eh..."

"Bakit 'di mo yun sabihin sa kanya?"

She smiled weakly. "Kahit naman na sinasaktan mo ako, hindi naman ako nagtanim ng
sama ng ng sama ng loob sa'yo, tsong. Ikaw ang tatay ko eh. Okay lang... May you
rest in peace nalang."

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Para kasing labas sa ilong
yung mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Tara na, Alex."

Humawak din siya sa payong na hawak ko. Medyo nabigla ako nang mapahawak din siya
sa kamay kong nakahawak sa handle ng payong. Naglakad kami paalis na tila
magkahawak ang kamay. Hindi ako sanay. Sh-t.

"Y-Yasmin..."

Tumingin siya sa akin saglit pero bumalik din ang tingin niya sa harapan. Medyo
lumalakas na ang ulan. At nawawala yata ako sa huwisyo. Tch.

"Ito na siguro ang simula ng bagong buhay ko, Alex. Wala na si tsong. Tinakwil na
rin ako ng Ate ko. Wala na akong pamilya," mahinahong sabi niya sabay higpit ng
hawak sa kamay kong nasa payong. "G-ag*! Nababasa ako, Alex!"

I snapped out from the reverie. G*g0? Isang malutong na mura mula sa kanya. Tsk.
Kailan ba siya magiging discreet? Kailan ba siya magiging kasing-hinhin ni Fatima?

-5- She's Broken

***5*** SHE'S BROKEN


Simula nung namatay ang step-father ni Yasmin ay naging abala na kami sa pag-aaral
namin. Ni hindi ko na nga nasusubaybayan si Yasmin. Kinakamusta ko naman siya once
in a while, pero hanggang text lang yun. Marahil malapit na kasi ang sembreak kaya
busy na ang lahat ng E.H.U students.

December na, at ilang tulog nalang ay sembreak na. Kahit papaano ay


makakapagpahinga na ako. Masyado kasi akong na-stress, hindi lamang sa pag-aaral
kundi dahil na rin sa personal issues ng tropa ko.

Napasapo ako bigla sa ulo ko nang maramdaman kong may bumato sa akin. Lumingon agad
ako at nilibot ang paningin ko sa paligid. Nandito ako sa parteng maraming puno sa
loob pa rin ng campus, napadaan lang. Pauwi na sana ako, at may daan dito palabas
ng gate.

Teka, sino ba yung bumato sa akin? Wala namang tao dito. Yumuko ako para hanapin
kung ano yung tumama sa ulo ko. Isa itong crumpled paper na hindi ko alam kung saan
galing.

"Psst!!!"

Sinundan ko ang direksyon ng pinagmulan ng sumutsot. I looked up at the tree only


to see Yasmin, sitting comfortably on its branch.

"Ano'ng ginagawa mo dyan? Get down, Yasmin. Baka malaglag ka," medyo lumapit pa ako
sa puno habang nakatingala pa rin.

Inirapan niya lang ako at pinakita ang hawak niyang notebook. "Tulungan mo nga ako
dito, Alex."

Napa-tsk nalang ako at napailing ng ulo. Hanggang ngayon pala ay astang lalaki pa
rin siya. Minsan nga, hindi ko maiwasan na mapaisip na tomboy kaya siya? Who knows?

"Ano ba yan?" I asked.

"Poem about love," sagot niya at muling binalingan ang hawak na notebook.
"Nahihirapan ako sa pag-rhyme eh. Tulungan mo nga ako."

Napakamot ako sa ulo. It's like there's no way I could refuse her request. "Bumaba
ka muna dyan."

Napansin ko na sumimangot siya, pero dahan-dahan na rin naman siyang bumaba. Hindi
ko pa nga sinasadyang makita ang mga hita niya. Walang malisya. Naka-shorts naman
siya sa loob.

"Oh? Dali na."

Umupo siya sa ugat ng puno, kaya naman pumwesto na rin ako sa harap niya. "Ba't
dito? Sa bahay mo nalang kaya."

"Saglit lang naman 'to, Alex. Oh, tignan mo," sabay abot sa akin ng notebook.
Tinignan ko naman kung anong naisulat na niya. Maraming erasures, pero malinis ang
pagkakasulat niya.

"One last glimpse?" Halos pabulong na tanong ko. Yun ang nakita kong pamagat ng
poem na ginawa niya.
Ngumiti naman siya ng tipid at tumango. Binalik ko ulit kaagad ang tingin ko sa
tula.

'Your glimpse that made me fall

Your smile that amaze us all

Made me love you even more

Not even thinking to be loved back at all'

Unang stanza pa lang ay napatango na ako. Napansin yata yun ni Yasmin kaya lumipat
siya ng pwesto sa tabi ko. Umusog naman ako ng kaunti palayo. "Ano, ayos ba?"

I nodded slightly. "Akala ko ba about love? Bakit parang... parang bigo yata?"

Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Ang t-anga mo eh no'? Syempre, hindi naman
lahat ng tao sa mundo ay minamahal pabalik. Dali na! Tapusin mo na."

Tumango nalang ako at bumalik na ulit sa pagbabasa. Nat-anga pa ako. Siya na nga
'tong tinutulungan. Tsk.

'My heart that is afraid to fall

Afraid not to be caught by someone I fall for

But there's a thing that changed my mind

A glimpse that fixed the brokenheart of mine'

Huminto ako pagkabasa ko ng second stanza, pagkatapos ay tinuro ko ang salitang


'heart' dito. "I suggest to put the word fragile before the word 'heart'. It's the
best way of describing a heart that's afraid to love someone."

Tumango siya sa akin bago niya kinuha ang notebook mula sa kamay ko. Marahil ay
ginawa niya ang sinabi ko, pagkatapos ay binalik niya rin ito agad sa akin.
"Sabihin mo sa akin 'pag may mali ha?" Tumango ako at bumalik na ulit sa pagbabasa.

'I tried to let go and walk away

'Coz there's nothing to do with it anyway

But I can't ignore you even for a day

So, I'll just admit it to you in my own special way'

Napahinto ako at tinignan siya ng makahulugan. Tinaasan niya naman ako ng dalawang
kilay na para bang sinasabing 'ano? kamusta?'. Ngumiti ako. "May pinagdadaanan ka
ba, Yasmin?"

Lumabi siya, sabay hablot ng notebook mula sa kamay ko. "Wala ah!"

"Kulang yan. Dagdagan mo pa."

Tumayo siya at nagpagpag ng palda, kaya tumayo na rin ako. Mukhang sumama yata ang
timpla niya dahil nakasimangot na siya. Did I hit a nerve?

"Are you alright?" I asked, concerned.


Bumuga siya ng hangin bago niya ako tinignan ulit. Her expression turned soft
eventually. "Bukas ko nalang ito tatapusin. Sa Monday pa naman ang pasahan," she
paused and tucked some loose hairstrands behind her ear. "At saka, 'di pa ako
sigurado."

"Sigurado saan?" Para talagang may pinagdadaanan siya eh.

Ngumiti siya ng pilit sa akin, saka siya muling bumuga sa hangin. "Ah, basta! Sige,
bye na!"

"Ihahatid na kita."

"Sige."

Kung ibang babae ito, malamang, tumanggi siya sa alok kong paghatid sa kanya pauwi.
Pero dahil siya si Yasmin, wala sa bokabularyo niya ang salitang 'pakipot'. I took
few glances from her while we're walking side by side. Sa paraan ng lakad niya ay
masasabi mong 'one of the boys' siya. Magagalit kaya siya kung tatanungin ko ang
tungkol dun?

"Paks-het. 'Wag tayo dito," natatarantang asik niya sabay hablot sa braso ko.

Nagtaka naman ako. Anong nangyayari sa kanya? "Bakit? Anong problema?"

"Basta! Tara na---"

"Yasmin!"

Napatingin ako sa direksyon ng sumigaw. Napansin ko rin na napahigpit ang hawak ni


Yasmin sa braso ko. At 'di lang yun, ang sama pa ng tingin niya sa akin.

"Hello, Yassy!" Bati ng babae nang makalapit sa amin. Katabi nito ang isang
lalaking nakangiti rin kay Yasmin.

"Hi," tipid na sagot nito bago bumitaw sa braso ko. Napatingin pa nga sa akin ang
babae, at hiyang-hiya na nginitian ako. Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin
kong napanguso si Yasmin. "Carlene, si Alex nga pala---"

"Everybody in the campus knows him. X10 eh," putol nito sa kanya sabay lahad ng
kanyang kanang kamay sa akin. "Hi, I'm Carlene. You can call me C."

"Hello," sabay abot ng kamay niya. Ganun din sa lalaking kasama niya na
nagpakilalang... "I'm Blue."

"Nice to meet you."

Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Yasmin saka nito hinawakan ang


laylayan ng shirt ko. "Sige na, alis na kami, C, Blue! Bubye!"

Hihilain na sana ako ni Yasmin palayo nang pigilan kami ni Carlene. "Wait lang!"

Lumingon naman kaming dalawa. "Bakit na naman ba?" Tsk. Ang taray talaga nito.

Carlene flashed a smile and took step closer to us. May nilabas siyang light blue
na envelope mula sa kanyang bag at inabot iyon kay Yasmin. "Yassy, tomorrow's my
debut. I hope you'd come." Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "I'd be glad if
you come too, Alex. Sige, mauna na kami sa inyo."

Pinagmasdan lang namin sina Carlene at Blue na maglakad palayo. Medyo nabigla pa
ako nung padabog na naglakad si Yasmin palayo.

"Saan ka pupunta? Nandito ang kotse ko."

Huminto siya at humarap sa akin. Halatang naiinis siya. Bakit ba siya


nagkakaganyan? "Pupunta ka ba?"

I shrugged. "Kung pupunta ka, edi pupunta ako. Ikaw naman itong niyaya talaga at
hindi ako."

Kinagat niya ang ibabang labi at binuksan ang hawak na invitation. Pinanuod ko lang
siya habang binabasa ito hanggang sa mapansin ko na napangiwi siya. "Luh?! Pool
party? Bikini?"

Pool party ang theme ng debut ni Carlene? Mukhang hindi ko ito magugustuhan.

***

Kinabukasan, sinundo ko kaagad si Yasmin sa bahay niya. Ala-syete nung makaalis


kami. Sakto namang alas-otso ng makarating kami sa venue sa isang private resort sa
syudad. Napansin ko na hindi ako kinikibo ni Yasmin sa byahe hanggang sa makarating
kami. May problema ba siya? Kahapon pa ako naninibago sa kanya.

"Yasmin."

Palabas siya ng kotse nung tinawag ko siya. Nilapitan niya naman ako at sinukbit
ang dalang body bag sa kaliwa niyang balikat. "Bakit?"

"May problema ba?"

Umiling siya. "Wala naman," huminto siya at tinignan ang kamay ko. "Wala ka bang
dala? Pool party ito. Hindi ka magsuswimming?"

Bored na iniling ko ang ulo ko. "Hindi. Tara na nga."

Pumasok kami sa private resort nang tahimik. Halata kay Yasmin na hindi siya
kumportable sa lugar. Puro mga nakaswimsuit ang mga bisita, samantalang kami ay
naka-casual attire lang. Marami-rami na ring bisita ang nandun. May mga nag-
iinuman, at meron ding nagtatampisaw sa pool. Napapailing nalang ako sa mga
nakikita kong nagsasayawan na kulang nalang ay ikiskis nila ang mga balat nila sa
isa't-isa. Been there, done that... But it's too much for their age.

"Tara, maupo muna tayo dun," turo ni Yasmin sa pinakasulok na bakanteng lamesa.
Pumwesto kami dun at timing naman na napansin kami ni Carlene.

"Wow, you really came!"

They did a cheek-to-cheek greeting. Inabot pa ni Yasmin ang regalo nito sa kanya,
saka ito ngumiti na halata ko namang pilit. "Happy birthday, Carlene."

"Thank you. Enjoy yourselves, guys. Kain lang kayo. Feel free to use the pool. I'll
be back in a bit," paalam nito at umalis na.

Naiwan na naman kaming nakat-anga dito. Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba ako
nandito? Dapat si Yasmin lang eh, pero ba't ako napasama?

"Psst..." Sitsit sa akin ni Yasmin. Nawiwili na talaga siya sa pagsutsot sa akin.


"Sa paningin mo, maganda ba yun si Carlene?"
"Bakit mo natanong?"

"Basta!"

Kahit na nagtataka ay hinanap ng mata ko si Carlene. Sakto pa na nagtagal ito ng


robe, dahilan para mareveal ang suot-suot nitong black two-piece bikini na mas
lalong nagpaputi sa kutis niya. Tumalon ito sa pool at nagsimula ng lumangoy. Kahit
sinong lalaki siguro ay mapapahanga niya, pero hindi ako. Ewan ko ba. Kahit kailan
naman ay hindi ako mahilig sa babae. Nakatuon lang ang atensyon ko sa iisang babae
at yun ay si Fatima... hanggang ngayon.

"Sa tingin ko, oo. Halata naman sa malagkit mong tingin eh," sabi ni Yasmin kaya
naibalik ko ang tingin sa kanya.

Tumayo siya at kinuha ang body bag niya. "Saglit lang. Pupunta lang akong CR."

Yung paalam ni Yasmin na pupunta siya ng CR ay umabot ng kalahating oras, kaya


naalarma na ako. Umalis ako sa table at hinanap siya. Una kong pinuntahan ang labas
ng comfort room. Ilang beses pa akong napaatras tuwing may nakakasalubong akong mga
babaeng may maliliit na saplot sa katawan.

"Miss, may nakita ka bang babaeng maputi na nakaitim na shirt at pantalon?" Tanong
ko sa babaeng nakasalubong ko na nanggaling sa loob ng ladies' room.

"Wala po."

"Sige, thank you."

Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanya. Nasaan na ba yun? Ang paalam niya ay


pupunta lang siya ng CR. Sh-t.

"Yasmin, ano ba!"

"Blue..."

Napahinto ako sa gilid ng pasilyo nang may marinig akong pamilyar na boses. Wala ng
tao sa lugar na ito dahil nasa bandang likod na ito ng resort. I took out a deep
breath and sneaked behind the hall only to see Yasmin and Blue talking. What the
hell are they doing here? Not to mention, Yasmin is only wearing a white two piece
revealing her flawless and voluptuous body. Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa gulat.

"Alam kong sobrang bilis nito, Blue. Pero 'di ko mapigilan eh. Ikaw yung una kong
naging kaibigan sa E.H.U. Hindi ko naman sinasadya eh."

"Yasmin, 'wag ka namang ganyan oh."

Nakita ko na napakagat si Yasmin sa kanyang labi habang nakatitig ng matigas sa


lalaking nakatalikod mula sa direksyon ko. Yasmin, what's wrong with you?

"Blue naman eh! Hindi ko nga sinasadya na mahulog sa'yo!"

Tama ba ang narinig ko? May gusto siya kay Blue?

"Alam mo namang iba ang gusto ko..."

Napahikbi na si Yasmin. Ngayon alam ko na ang nangyayari. Napabuntong-hininga ako.


This is too soon. "Mahal kita, Blue."

"Lasing ka lang. Tama na."


"Mahal kita! Ano ba!"

Nakita ko na napasapo sa sariling noo si Blue sabay mura niya. "F-ck, Yasmin!
Kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Hindi ikaw ang tipo ko. Pwede ba? Tigilan mo na
ako! Sh-it!"

Nagtago ulit ako sa hall nung makita kong naglakad na palayo si Blue sa pwesto
nila. Mula dito ay naririnig ko ang bawat paghikbi ni Yasmin. Alam kong nasasaktan
siya. Who wouldn't? The guy she loves dumped her.

"Sige na. Lumabas ka na dyan."

Nagulat ako nung makita si Yasmin sa kaliwa ko. Napapikit ako ng mariin. Nakita
niya pala ako.

"Sorry. Hinanap lang kita. Hindi ko naman sinasadya na marinig yun."

"Okay lang," sabi niya at sumandal na sa hall na pinagtaguan ko. Unti-unti siyang
umupo sa sahig kaya pinigilan ko siya.

"Yasmin---"

Humikbi siya ng malakas. Tinakpan pa niya ang bibig niya para pigilan ito. "Mga
pangit... silang lahat! P-unye-ta!!"

Huminga ako ng malalim at napahilot sa sentido ko. Ayoko talaga sa lahat ang mga
babaeng nagmumura. Actually, lahat kaming X10 ay ayaw sa ganung klaseng babae, pero
sige, exceptional siya since alam ko kung saan siya lumaki.

"Tara na nga. Umuwi na tayo." Kinuha ko ang kamay niya pero mabilis niya yung
iniwas. "Yasmin..."

Sinapo niya ang mukha niya at pinakawalan ang kanyang hikbi. "Porque... mahirap
ako, ayaw na niya sa akin! Magsama silang mga bwsit!!"

Sigh. Fine, pagbibigyan kita. "Lasing ka ba?"

"Hindi naman maganda ang babaeng yun! Maputi lang siya! Eh ako? Maputi rin naman,
at maganda pa!"

Napaikot nalang ang mga mata ko. Mukhang nakainom nga. "Ang bilis mo namang
mainlove. One month ka pa lang sa E.H.U ah?"

"Eh mabait siya sa akin! Paasa! Isa siyang g-agong paasa!" Muli kong inabot ang
kamay niya at pwersahan siyang itinayo. "Ano ba!!"

"Madumi dyan. Ganyan pa naman--- Teka, bakit ka nga ba nakaganyan, Yasmin?"


Tinutukoy ko ang suot niyang bikini.

Pero imbes na ang sagot niya ang marinig ko ay puro malulutong na mura ang
natanggap ko. Hindi ko nalang siya pinansin at ipinaikot nalang ang kamay ko sa
bewang niya. Iuuwi ko nalang siya... Wala na siya sa sarili eh.

"Yung tula, siya ba ang inspirasyon mo dun?" Tanong ko, kahit na alam kong wala
siya sa sarili.

"Tatanong-tanong ka pa eh halata naman!" Sabay hawak niya sa braso ko. Palabas na


kami ng resort at dun kami dumaan sa likod. "A...Alex?"
"Oh?"

"Gusto ko pang uminom, please? Samahan mo ako. Sige na! Kahit sa bahay nalang!
Gusto kong makalimot! Gusto kong kalimutan ang le-tseng Blue na yun!"

I drew a deep sigh. Ganito ba ito kapag brokenhearted? "Yasmin, 'wag kasi puro
lalaki ang inaatupag. Pag-aaral muna."

She fell inlove with a guy. Therefore, she's not lesbian.

---

A/N: Credits to my younger sister, Kathleen Ann, for the poem entitled One Last
Glimpse. Ginawa niya ang poem na yun nung second year pa siya. XD So, yeah,
vomments guys? Slow-update po ito ha? Hindi ko kering isabay ang updates nito sa
dalawang on going stories ko. Si Yasmin nga pala yung nasa pic :)

-6- New Friend

***6***

"Nakakainis!!!"

Pinagmamasdan ko lang si Yasmin na maglabas ng sama ng loob habang umiinom. Ayoko


sana siyang pagbigyan na uminom pa pero mapilit siya. Kaya eto, pinagbigyan ko na.
This would be the last time I'll let her get drunk. Mabuti sana kung kaya niyang i-
manage ang sarili niya, pwede pa siyang uminom, kaso hindi eh. Para siyang
nagwawalang bata ngayong lasing siya.

"G-ag0 siya! Isa siyang malaking paasa. Ang bait-bait niya sa akin, tapos wala
naman palang malisya yun? Eh !@#$% pala siya eh!!"

Napahilot ako sa sentido ko nang marinig na naman ang malutong niyang mura, kasabay
nun ay ang pagtungga niya ng tuloy-tuloy sa bote ng beer na hawak niya. Da-mn this
woman! Ang lakas uminom.

"Nakakahiya! Hindi ko na sana... s-sana tinuloy 'to," itinakip niya ang dalawang
palad niya sa kanyang mukha at saglit na nanahimik. Wala akong masabi. I have never
expected this thing to happen. Masyadong mabilis ang pangyayari. Almost 2 months pa
lang siya sa E.H.U. How come she fell inlove that fast?

"Yasmin..." Tawag ko sa kanya, hindi siya sumagot. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa
sa bandang kaliwa niya. "Yasmin, ba't mo ba yun nagustuhan? Masyado naman yatang
mabilis 'yan."

Natigilan ako nung biglang niyang hinampas ang gilid ng sofa. "Mabait nga kasi
siya! Gwapo! Maasikaso! Palangiti. Ahh, basta! Gustong-gusto ko siya!"
"Hindi kaya nabibigla ka lang? Come to think of it, masyadong---"

Nabigla ako nung tignan niya ako ng masama sabay sigaw ng, "WALA KANG ALAM!"

Tsk. Marahil wala nga akong alam. Hindi pa naman ako well-experienced sa mga
ganitong bagay, pero nag-aalala lang naman ako sa kanya. Hindi dahil ako ang
sumusustento sa kanya kundi bilang kaibigan na rin.

"Yasmin," kalmadong sabi ko. "Sige, gustong-gusto mo nga siya, pero you should face
the truth. Ayaw niya sayo." I paused, waited for her respond. She didn't utter a
word nor blinked her eyes. "So, ang mabuti pa, kalimutan mo na siya."

Lumabi siya, halatang pinipigilan ang pagtulo ng luha niya. "P-paano ko gagawin
yun, eh blockmates kami? Lagi ko silang nakikita nung Carlene na yun!"

"Edi pilitin mong 'wag pansinin. Lilipas din yan. Hangga't maaga pa, pigilan mo na,
okay??" Madiing ko sabi na para bang pinapahiwatig ko na sundin nalang niya ang
sinasabi ko.

Matagal siyang hindi umimik. Nakatitig lang siya sa akin na may matigas na
ekspresyon. Mayamaya lang ay sumandal na siya sa headrest ng sofa at pumikit.
"Susubukan ko, Alex."

I shook my head as I smiled. "Do it rather."

One thing is for sure. Yasmin may be tough yet inside, she's fragile. Girls are
girls.

***

Kinabukasan, napabalikwas ako sa pagkakaupo nung makita ko ang sarili ko sa sofa.


Dito na pala ako nakatulog kagabi. Medyo ginalaw-galaw ko pa ang leeg ko dahil
medyo nangangalay ito. Medyo malabo pa ang mga mata ko, pero pinilit ko pa ring
tumingin sa mahabang sofa kung saan ko naiwanang natutulog si Yasmin kagabi.

At wala siya dun. Nasaan na yun?

"Yasmin???"

Tumayo ako at nag-unat. Pumunta ako sa kusina para hanapin siya, at dun ko siya
naabutang nagsusulat sa lamesa. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya.

"Good morning," I greeted, catching her attention.

Huminto siya at tinignan ako saglit, pagkatapos ay bumalik ulit sa ginagawa niya.

"May binili akong pandesal dyan. Magtimpla ka nalang ng kape," sabi niya.

Naghilamos muna ako't nagmumog sa lababo bago ako humila ng upuan sa harapan niya
at dun pumwesto.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?"

"Yung assignment ko."


"Yung poem?"

Bumuntong-hininga siya at nangalumbaba sa mesa. Kung pwedeng sumayad ang nguso sa


mesa ay malamang nakasayad na yan. Kapansin-pansin ang malamlam nyang mga mata na
halatang galing sa pag-iyak.

"Malandi ba ako, Alex?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Ha?"

"Ang sabi ko, kung malandi ba ako?"

"Hindi," matigas kong tugon. "Hindi ka ganun, Yasmin. Tungkol na naman ba 'to sa
nangyari kagabi?"

Hindi siya sumagot. Napatitig lang ako sa mga mata niya na nakatulala sa mesa. D*mn
it. She looks hopeless.

"Yasmin, diba sabi ko sayo na kalimutan mo nalang si Blue? Pag-aaral mo muna ang
atupagin mo."

She sighed and glided the paper towards me. I then took and read it silently. It's
the poem she wrote since the day before yesterday.

'Your glimpse that made me fall

Your smile that amaze us all

Made me love you even more

Not even thinking to be loved back at all'

'My fragile heart that is afraid to fall

Afraid not to be caught by someone I fall for

But there's a thing that changed my mind

A glimpse that fixed the brokenheart of mine'

'I tried to let go and walk away

'Coz there's nothing to do with it anyway

But I can't ignore you even for a day

So, I'll just admit it to you anyway'


One day, I saw you beside the window alone

Out of your mind while listening to a song

There I saw a chance to tell you

This strange feeling of mine towards you

I was about to approach you

But I guess that rumors are true

I saw you holding a girl's hand

Saying how much you love her too

My body stiffened,

I saw you kissing her hand

Asking her "Would you be mine?"

She said "Yes." that hurts me for the nth time

Your glimpse that once made me smile

Now became a glimpse that made me cry

Your glimpse that made me fall

A glimpse that broke my heart like a broken glass wall

Before I stepped away,

I looked at your face once again

There I saw your glimpse with full of happiness

one last glimpse of you before my tears flow once again


Dahan-dahan kong inilapag ang papel sa mesa. Naramdaman ko yung lungkot niya sa
bawat salita. I managed to sigh and smiled it off.

"It's wonderful," I commented.

Ngumiti siya pero bakas pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan. "Nangyari ito bago
yung debut ni Carlene. Hindi na sana ako umamin. Wala rin pa lang mababago."

My smile swept off my face. Tinamaan nga siya ng lintek kay Blue. Iba pala siyang
magmahal. Mabilis pero malalim...

"You know what, Yasmin? Forget about him. Gusto mo bang sumama sa akin sa Tagaytay
ngayong Christmas Vacation?" alok ko. One week from now ay semestral break na
namin. Naisip kong isama siya sa Tagaytay dahil wala naman na siyang pamilyang
uuwian. At tiyak, matutuwa ang parents ni Fatima kapag nalaman nilang kinaibigan ko
ang pinaglaanan ng mga mata ng anak nila.

"Tagaytay? Anong gagawin natin dun?"

Ngumiti ako. "Malamang, bakasyon. Dun tayo magcecelebrate ng pasko pero babalik din
tayo dito sa Maynila para salubungin ang bagong taon. Ano? Sama ka?"

Hindi siya nakaimik agad. Binalingan niyang muli ang papel na hawak niya, at
mayamaya'y nagkibit-balikat.

"Sige. Sasama ako."

***

Kinabukasan, Lunes na naman. Ipokrito ako kung sasabihin kong natutuwa ako dahil
pasukan na naman. Kadalasan pa naman, puro recitation ang ginagawa namin tuwing
Lunes kaya nababagot ako. Katulad nalang kanina. Reciation at quiz namin sa ENDEV.
Nakalimutan ko pa namang magreview dahil na kina Yasmin ako buong maghapon kahapon.

Kanina pa ako nakapwesto dito sa bench sa tapat ng College Building nila Yasmin.
Binilinan ko siya na isasabay ko na siya pauwi dahil ipag-gogrocery ko pa siya.

"Hello..."

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Carlene. Nakangiti siya sa harapan ko kaya


umayos ako ng upo.

"Hi," bati ko pabalik.

"Pwede ba akong makiupo sa tabi mo?"

Napatingin ako sa paligid. Marami namang bakanteng benches pero bakit dito pa sa
kinauupuan ko? Umusog nalang ako pakaliwa at tinapik ang kanang parte ng bench.

"Sige."

She smiled and sat down next to me. "Nag-enjoy ba kayo sa party ko nung Saturday?"

"Yeah." But the truth is not. Paano ako mag-eenjoy kung depressed ang kasama ko?

"Salamat ulit sa pagpunta ha?"


Tumango nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa. Tumingin ako sa wristwatch ko
para icheck ang oras. Akala ko ba hanggang 3:30 lang sina Yasmin ngayon? 4:00 na
ah?

"May hinihintay ka ba?"

Tumango ako sa tanong niya. "Si Yasmin."

"Ow? Si Yasmin? Ang alam ko nag-audition raw siya sa theater club. Baka matatapos
na rin yun. Nandun din kasi si Blue."

Blue... Oo nga pala. Boyfriend niya si Blue na kinahuhumalingan ngayon ni Yasmin.

"Kaibigan mo pala si Yasmin?"

"Oo," tipid na sagot ko.

Narinig ko ang marahan na paghagikhik niya kaya tinignan ko siya. "Natutuwa ako
dahil naging kaibigan din kita."

Kumunot ang noo ko. Kaibigan? Siya? Kailan pa? Napansin niya yata ang pagkunot-noo
ko kaya lumabi siya.

"Oh, sorry. FC na ba ako?"

"FC" Anong FC?

Ngumiti siya. "Feeling close. Sorry."

"Hindi. Ayos lang," sambit ko at ngumiti ng bahagya. "Ikaw, may hinihintay ka ba?"

"Yep, si Blue."

"Ahh... Yung boyfriend mo?"

Napaawang ang bibig niya kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya. Nagiging usisero na ba
ako?

"Hindi ko siya boyfriend. Well, yeah. Suitor. Pero boyfriend? Hindi pa," saka siya
tumawa't umiling. "And I think he'll never be."

"What?" I almost whispered.

She smiled meaningfully to me and took out her phone from her bag. "Alex, pwede ko
bang makuha ang number mo?"

Oh... Number?

"Hindi ako---"

"Please?" Nagulat ako nung umusog siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko. Woah.
"Sige na. Friends naman na tayo diba?"

Wala na akong nagawa kundi ang i-type ang number ko sa phone niya at ganun din siya
sa akin. I never thought I'd have conversation like this with her. Besides, I don't
consider her my friend. I just can't. Mataas ang definition ko sa salitang
kaibigan. At hindi yun basta-basta.
"Salamat, Alex. Saan ka pala magbaba---"

"ALEX!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Yasmin, patakbong lumalapit sa akin habang


nakasimangot pa. Nasa likod niya si Blue at nakapamulsa pa ito habang naglalakad ng
marahan palapit sa amin.

"Hi, Yasmin," bati sa kanya ni Carlene. Ngumiti lang sa kanya si Yasmin at alam
kong pilit yun dahil nakataas ang dalawa niyang kilay bago niya ako binalingan.

"Alex, anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka. Diba?"

Napapukpok siya sa ulo niya. "Ay, t*nga! Oo nga pala. Pasensya ka na pala. Dumaan
kasi ako sa audition ng Theater," saka niya ako hinawakan sa braso at hinila na
paalis sa pwestong iyon.

"Bye, Yasmin! Bye, Alex!"

Napalingon ako kay Carlene at nginitian siya. Mukha naman siyang mabait at
palakaibigan.

"'Wag ka ngang lumingon," asik sa akin ni Yasmin. "Pati ba naman ikaw may gusto sa
kanya?"

"Wala akong gusto sa kanya."

Halos kaladkarin niya na ako papunta sa car park. Maliit si Yasmin, kaya nagmumukha
siyang freshman sa paningin ko. Cute.

"Tinabihan mo siya dun eh. 'Wag ka nang magdeny."

Natawa nalang ako at napailing. Si Carlene ang tumabi sa akin at hindi ako. I think
I don't owe an explanation.

"Pa'no kaya kung sulutin mo siya kay Blue no'?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Nasisiraan na ba siya? Sabi naman sa akin ni Carlene
ay hindi sila magkarelasyon. Sh*t. Pati ako nalilito na rin.

Humarap siya sa akin at ngumisi. "Ano, Alex? Payag ka?"

"Hindi. Ayoko ng ganyan, Yasmin. Walang patutunguhan."

Ngumisi siya lalo. "Bakla ka siguro?" Kumunot ang noo ko kaya natawa siya lalo.
"Ang tamlay mo kasi. Oo nga't medyo astig kang pumorma pero... lalaki ka ba
talaga?"

"This is non-sense," I seriously retorted.

Humalukipkip siya at tinignan ako mula hanggang paa. "Kung tunay na lalaki ka,
patunayan mo. 'Wag kang lalambot-lambot," saka niya ako iniwanang nakatanga.

Ako, malambot? What the fvck?

6PM na ako nakauwi sa bahay. Matapos kong samahan na mamili ng grocery items si
Yasmin ay umuwi na rin ako kaagad. Dumiretso muna ako sa shower para maglinis,
pagkatapos ay umupo na ako sa kama.

Tumunog ang phone ko kaya inabot ko yun sa bedside cabinet. Si Yasmin ang nagtext.

Yasmin: Hoy, lambot! 'Wag mo na akong sunduin bukas ah? Ge.

Napailing nalang ako't napatawa. Hanggang sa text ay maangas pa rin siya. At


tinawag niya akong lambot? Tss. If you only knew, Yasmin. I'm part of a gang for 8
long years.

Nagreply muna ako ng 'okay' kay Yasmin at ibinalik na ang phone sa cabinet nang
bigla na naman itong tumunog. Akala ko si Yasmin pa rin ang nagtext pero hindi...

Carlene: Goodnight, Alex. Sleep well. Cotton candy dreams. :)

I sighed as I remembered Fatima again texting me 'cotton candy dreams' everynight


way back in highschool. Napangiti ako sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na may
magsasabi pa ulit sa akin ng mga salitang yun matapos ang ilang taon.

-7- Sembreak

***7***

"Sem break na!!!"

Conscious akong tumingin sa paligid namin. Nagkita kami ni Yasmin sa tapat ng


building nila at yun agad ang binungad niya sa akin kasabay ng pagdipa niya. Tsk
tsk tsk! Iba talaga siya kung kumilos.

"Makakahinga na ako ng maluwag!!"

Nagsimula na akong maglakad kaya sinabayan niya na ako. Yakap-yakap niya ang
kanyang mga mga libro habang nakangiti ng malawak. "Excited na akong pumunta sa
Tagaytay. Bukas na diba? Alam mo bang 7 years old pa ako nung huli ako pumunta
dun?"

Pinakinggan ko lang siya't hindi muna umimik. Kapag nagsasalita siya, ang gusto ko
lang ay makinig.

"-- Naalala ko, may pinuntahan kami ni Mama sa Cavite nun tapos dumiretso kami sa
Tagaytay. Dun sa Picnic Grove. Well, dun lang. Yun lang ang napuntahan ko."

"Kung ganun, dadalhin kita sa iba pang magagandang lugar dun."

Pumalakpak siya at naging 'skip' yung bawat hakbang niya. Pinagtitinginan tuloy
kami ng bawat makakasalubong namin. Agaw pansin kasi ang exaggerating moves niya.

"Kasama ba dun ang pagzizip line? Boom panes!"


Napapailing nalang ako sa mga expressions niya. Siya si Yasmin, ano pa bang
magagawa ko?

"Oo, dadalhin din kita dun."

Pagkarating namin sa tapat ng kotse ko ay pinagbuksan ko na siya. Mabilis akong


nakasakay sa driver's seat, at habang nagsiseatbelt ako ay napansin kong nakatingin
sa harapang direksyon si Yasmin.

"Nag-aaway yata yung dalawa oh."

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya. Nakita ko sina Carlene at Blue na mukhang
nagtatalo nga sa harapan ng puting VIOS.

"Sabi sayo eh. Maghihiwalay din yan," she assumed that made me frowned.

"Don't talk like that," saway ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Yung tipong parang sinasabing 'problema mo?'. "Maganda
lang yan si Carlene pero peksman, masama ang ugali nyan."

Umiling nalang ako at ini-start ang kotse ko. Tama ba namang pag-usapan namin ang
relasyon ng ibang tao?

"... Ang gusto kasi niya ay maraming lalaki ang magkagusto sa kanya."

Hindi ko nalang siya pinansin at pinaandar nalang ang kotse ko. Ayoko talaga sa
lahat ay ang pag-usapan ang ibang tao kapag nakatalikod sila, dahil iyon ang
pinakaayaw kong gawin ng iba sa akin.

Kinagabihan, pagkatapos naming kumain sa fastfood ni Yasmin ay hinatid ko na siya


pauwi. Sinabihan ko siyang mag-empake na para sa pagpunta namin sa Tagaytay bukas.
Habang nag-eempake ako ng mga damit ko ay nagvibrate ang cellphone sa ibabaw ng
kama. I thought it was Yasmin but it turned out to be Carlene saying;

Carlene: Alex, can we talk? Gusto ko lang ng makakausap.

Matagal kong tinitigan ang message na iyon, pero sa huli ay napagpasyahan ko na


hindi nalang yun replyan at bumalik nalang sa ginagawa ko. After a few minutes or
so, it suddenly vibrated again. It was now a phone call.

I drew out a sigh and picked it up anyway. Baka nga may problema ang tao, pero
bakit sa lahat ng kaibigan ay ako pa?

"Hello?"

["Alex..."]

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang hikbi niya. So, it was true. She's got a
problem. "Carlene, are you okay?" Of course, she's not. Why the heck did I ask that
anyway?

["Please, gusto ko lang ng makakausap."]

"I'm sorry pero bakit ako?"

[""Coz everyone knows that you're nice. Please?"]


Wala na akong nagawa kundi ang puntahan si Carlene. Mukha ngang kailangan niya ng
makakausap. Hindi kaya tungkol ito sa nakita namin ni Yasmin na eksenang nagtatalo
sila ni Blue sa car park? Nah, I better shouldn't think this way. Nahahawa na ako
kay Yasmin.

Pinuntahan ko ang address na ibinigay ni Carlene sa akin at nalaman kong bahay pala
nila 'to. Nakamotobike lang ako kaya habang binabaybay ko ang daan papunta sa
address nila ay kitang-kita ko na siyang nakaupo habang nakayuko sa gutter.

Nag-angat siya ng ulo nung mapansin niya ako. Huminto ako ilang dipa mula sa kanya
at nilapitan siya.

"Carlene, anong problema?"

Umupo ako sa tabi niya. Siya naman 'tong kagat-kagat ang labi niya. "Alex, pasensya
na sa istorbo ha? Wala kasi akong makausap."

"It's fine with me. You can talk to me anytime if that's the way I can help you."

Ngumiti siya pero malungkot ang mga mata niya. Nabigla ako nang humilig siya sa
balikat ko at dun nagsimulang humikbi. "Legalize na ang divorce ng parents ko."

Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya. If I were also in her position, I'd feel
the same way.

"Everything has a purpose, Carlene. Magiging maayos din ang lahat."

I was hesitant to put my hand across her shoulders to tap her. That's the only way
I can do to comfort her aside from my words.

"... Hindi ka naman siguro iiwan ng parents mo. They might be apart from each other
but they won't probably abandon you."

"Pero kasi Alex, kung kailan magpapasko saka pa naging ganito. Nakakalungkot. Mag-
isa lang ako sa bahay. Uuwi ang mga kasambahay sa bahay nila. Ako lang ang
matitira."

Matagal akong hindi nagsalita. Nag-iisip ng paraan para kahit papaano ay makatulong
ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kayang pabayaan siyang ganito. Siguro
dahil ako ang nilapitan niya para dito. Wala siyang makausap bukod sa akin kaya
siguro ay wala siyang kaibigan. Sino nalang ang tutulong sa kanya?

I pulled away from her and thought deeply for a moment. Bahala na. Alam kong hindi
okay si Yasmin sa kanya pero...

"Gusto mo bang sumama sa amin bukas sa Tagaytay?"

Napatitig siya sa akin at ngumiti. Sapat na yun para malaman ko ang sagot niya.

***

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa apartment ni Yasmin para sunduin siya. I had
informed her that I'll pick her up at 8AM, so most probably, she's ready by 8:30.

"Akala ko ba alas-otso? 8:30 na ah? Kupad mo naman kumilos," bungad niya sa akin
pagkabukas niya ng pinto.

Hindi nalang ako sumagot at nagkibit-balikat nalang. Kailangan ko na talagang


masanay sa paraan ng pananalita niya. She's naturally harsh.
"Teka lang ha? Kukunin ko lang ang gamit ko."

Habang hinihintay siya sa doorstep ay tumingin ako sa relo ko. 9AM ang sinabi kong
oras kay Carlene na susunduin ko siya. Darn, paano ko ba ipapaliwanag kay Yasmin
ang tungkol dito? Tiyak mura ang abot ko sa kanya.

"Okay na! Tara lets?!"

Yakap-yakap niya ang isang body bag habang nakasukbit naman sa likod niya ang
backpack. Kinuha ko muna sa kanya ang body bag, pati na rin ang backpack. Kababaeng
tao, nagmumukhang porter.

"Kaya ko naman yan. Grabe!" komento niya at tumakbo na papunta sa kotse ko. Hindi
man nga lang ako hinintay.

Dumiretso na rin ako sa driver's side at inilagay ang mga bag niya sa backseat.
Pagkatingin ko sa kanya, kumakain naman siya ng malutong na chicharon. Malutong
kasi maingay siyang ngumuya. Tss.

"Buckle up first," I murmured.

"Hmm," nagseatbelt siya pati na rin ako. Nung pinaandar ko na ang kotse, nagsimula
na siyang magsalita. "Saan pala tayo mag-i-stay dun?"

"Sa bahay ng..." I stopped and tried to find the right words to say. May priviledge
akong mamalagi kung minsan sa bahay ng parents ni Fatima sa Tagaytay, at
nakapagpaalam na rin ako sa kanila na magsasama ako ng kaibigan ngayong bakasyon.
Good thing, aprubado naman nila.

"Bahay ng ano?" Saka siya tumawa ng mapakla. "Malamang ng tao, alanganaman ng hayop
diba? So, kaninong bahay nga?"

Bumuga ako sa hangin at napapasada ng kamay sa buhok ko. "Basta, you'll find out
later."

"Ay, may suspense? Ayaw pang sabihin. Pfft!"

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Bukod kasi dun ay nag-iisip pa ako ng paraan
kung paano ko sasabihin kay Yasmin na isasama namin si Carlene sa Tagaytay. Sa
ilang buwang pagkakakilala ko kay Yasmin, medyo may pagka-nagger siya. Nah, hindi
pala medyo. Sobra pala.

"Oh, kakain ba tayo?"

Yun ang naitanong ni Yasmin nung huminto kami sa tapat ng isang bakeshop. Dito
nagpapasundo sa akin si Carlene kaya nandito kami ngayon.

"Gusto mo bang kumain?" I asked.

Sumimangot siya. "Busog pa ako. Kakachibog ko lang. Pero kung gusto mong kumain,
sige lang."

Sinama ko siya sa loob ng bakeshop. Nag-order ako ng choco mousse at brewed coffee
para sa aming dalawa habang wala pa si Carlene. Okay na rin ito para hindi siya
masyadong mabigla.

"Kung ganito lang ang lagi kong kakainin, malamang tataba ako," hagikhik niya.
Tinignan ko lang siya ng seryoso. Maybe it's about time to tell her about Carlene.
"Yasmin..."

"Hmm?"

"I've something to tell you."

Huminto siya at napatingin sa akin. Her brows furrowed in curiousity. "Ano yun?"

"May kasama kasi tayo---"

"Alex!"

Darn with the timing. Kasabay ng pagtunog ng windchime ay ang pagtawag sa pangalan
ko ng isang pamilyar na boses. Si Carlene. Sabay namin siyang nilingon ni Yasmin at
literal na nalaglag ang tinidor niya sa sahig sa pagkabigla. Now this is what
bothers me.

Lumapit sa amin si Carlene habang si Yasmin naman ay yumukod para abutin ang
nalaglag na tinidor sa sahig. Medyo nabigla ako nang humilig sa akin si Carlene at
binigyan ako ng mabilis na greet to greet cheek.

"Thanks talaga, Alex ha? And oh, hi, Yasmin!" sabi nito saka humalik din kay
Yasmin.

Bahagyang kumunot ang noo niya at ngumiwi sa inis. Napatitig ako sa kanya at
binigyan siya ng apologizing look. I could sense something wrong will happen later.

"Kasama ka pala, Yasmin?" asked Carlene and then turned to me bemused. "You didn't
tell me last night. This would be a fun vacation for sure."

"Ah, oo. Excuse muna. CR lang," Yasmin then pulled herself away from our table and
got to the restroom's direction.

Humawak naman sa braso ko si Carlene kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Alex, galit
ba siya sa akin? Bakit ang cold niya?"

"I don't think so. Ganun naman talaga siya." Dahilan ko nalang.

She nodded her head and seemed to buy my reason. Pagkatapos nun, kung ano-ano ng
ikikunuwento niya sa akin. I ordered her a slice of cake and a coffee but Yasmin
still didn't come back from the restroom. Ano ng nangyari dun?

"... What's taking Yasmin so long in the restroom?"

Pati si Carlene ay nakahalata na rin kaya nagtaka na ako. I wiped my lips with the
napkin and got up. "Excuse me muna, Carlene."

Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na siya nilingon pa. Pumunta ako sa
restroom para hintayin siya dun pero hindi pa rin siya lumalabas. I even asked one
girl from inside if she saw her but she said no.

Fvck, nasaan na ba ang babaeng yun?

Paglabas ko mula sa hallway ay nahagip ng tingin ko ang babaeng nakasandal sa kotse


ko mula sa labas. She seemed pissed by the way she looked. She seemed to murmur
something that I couldn't hear because there's a glasswall that separated us.

Lumabas ako ng shop at nilapitan siya. Pagkakita niya sa akin ay sinalubong niya
agad ako ng isang malutong na salita.

"T@ng!na naman, Alex! G@guhan? Alam mo namang nabubuwisit ako sa babaeng yan, tapos
isasama mo pa?! Akala ko ba kaya mo ako sinasama sa Tagaytay dahil gusto mo akong
makalimot? Eh ano 'tong lecheng ito?"

Inangat ko ang kamay ko sa harapan niya para patigilin siya. Literal na parang
armalite ang bibig niya sa sunod-sunod na salitang sinasabi niya.

"Calm down, will you? May problema ang tao. Kailangan niya ng karamay."

"Wow, karamay? Sa lahat ng tao sa Pinas, ikaw pa ang napili niya? Eh diba kailan
lang nung ipinakilala kita sa kanya?"

"Yasmin, huminahon ka nga. Pwede ba kahit ito lang ipaubaya mo muna sa akin? She
just needs me. Mahirap siyang tanggihan lalo na sa sitwasyon niya."

Nanlisik ang mga mata niya sinabi ko at binigyan ako ng sapok sa braso. Typical
girl does that but not as hard as she did.

"Alam mo, bakla ka talaga! Pwede ka namang tumanggi. Ang lambot mo!!!"

My face turned hard at what she blurted out. Pinagsigawan niya pa talaga yun sa
publiko sa harap ko? This is too much.

"Leave it to me, Yasmin. Tinulungan kita, kaya hayaan mo rin akong tulungan ang
iba," seryoso kong sabi sa kanya na nagpatahimik sa kanya. "This is a serious
matter just so you know. Naghiwalay ang parents niya at wala siyang karamay."

Napatulala siya sa akin. Mukhang nakukuha na niya ang sinasabi ko. Sana naman
maintindihan niya rin ang punto ko.

"Now, I am asking you for a few days to be patient with her. I know you're not in
good terms with her. Siguro nga ikaw lang yun eh, at hindi siya aware dun. Pero
Yasmin, napagdaanan mo na yun. Iniwanan siya... Don't you think it's about time to
give back?"

Matagal siyang hindi nakaimik. Yumuko siya at napaayos ng buhok, saka niya binuksan
ang pinto sa backseat.

"Dito ako pupuwesto. Pakibilisan kamo."

Pinapuwesto ko si Carlene sa passenger's seat dahil hindi mabuting ideya na


pagtabihin silang dalawa ni Yasmin sa backseat. Nagtaka pa siya kanina kung saan ba
raw ako nanggaling, pero hindi ko na siya sinagot dahil sinabi kong pakibilisan na
ang pagkain. Medyo mahinhin kasing kumain si Carlene kaya medyo mabagal.

"Uy, Cavite na tayo. Medyo malapit na," masayang sambit ni Carlene matapos ang
ilang oras na byahe.

Nakatulog na si Yasmin sa backseat habang nagkukuwentuhan pa rin kami ni Carlene.


It wasn't really what you called a conversation though because she's been the only
one speaking and I on the otherhand is the one who's been listening.

"Alex, maiba tayo. Saan pala kayo nagkakilala ni Yasmin?"

I was taken aback by her question. Hindi naman pwedeng sabihin sa kanya ang tunay
na dahilan kaya sinabi ko nalang na... "Somewhere. Had a little chat with her
somewhere and then we became friends."
"Are... you guys dating?"

"Of course not," I straightforwardly retorted that made her give me the look. "Uh,
we're just friends. Besides, I'm not up for dating."

Ngumiti siya at tumango. Para bang may kung anong tumatakbo sa isip niya sa
makahulugang ngiting ipinupukol niya sa akin.

"So, if you don't mind me asking, do you have a girlfriend?"

I was about to open my lips to answer when some voice from behind interrupted me.

"Meron na, Carlene. So, hands off tayo sa kanya." Si Yasmin. Pagtingin ko sa kanya
sa rear view mirror ay nakataas ang kilay niya. After an hour, she's finally awake
and probably still in a wrecked mood.

"Oh! I didn't know."

Narinig kong bumulong si Yasmin pero hindi ko na naintindihan. She must be


murmuring hate words towards Carlene.

"... Eh ikaw, Carlene? May boyfriend ka diba?"

Dun na nagkaroon ng katahimikan sa kotse ko. Sumulyap ako kay Carlene at napansin
ko ang pag-iwas niya ng tingin. She told me she hasn't gotten a boyfriend, hasn't
she?

Naputol ang katahimikan nang biglang may sumulpot na tricycle sa harapan ng kotse
ko dahilan para biglaang matapakan ko ang break.

"Oh, sheez!"

"Shet naman, Alex! Magdahan-dahan ka nga!"

Bumuga ako sa hangin. Bahagya akong kinabahan dun. Muntik na. "Sorry, ayos lang ba
kayo?"

Carlene said she's fine but Yasmin didn't give any respond instead I heard her
whisper...

"Pasalamat ka. Napaghahalataang umiiwas sa tanong..."

Yasmin, ano bang problema mo kay Carlene? She seemed to be nice though.

-8- Share A Room

***8*** SHARE A ROOM

"Nandito na tayo," anunsyo ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse sa gate ng


Eugenio's Residence. Narinig ko pang pumalakpak at humagikhik si Carlene, at
automatiko namang napadako ang tingin ko kay Yasmin sa rear-view mirror.
Nakasimangot siya habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

At last, we finally arrived after almost 3 hours of trip. Traffic din kasi sa may
bandang Cavite kaya medyo natagalan kami.

"Yay, ang ganda naman dito!" energetic na sabi ni Carlene habang ina-unbuckle ang
seatbelt niya.

I quickly unbuckled mine too and turned off the engine. "Wait," I murmured before I
stepped out of the car. Bago ko man pagbuksan ng pinto si Carlene sa passenger's
side ay inuna ko muna si Yasmin sa backseat. Padabog naman siyang lumabas at
halatang badtrip pa rin.

"Kaya ko naman. 'Yang bisita mo nalang ang pagsilbihan mo," asik niya sa akin sabay
irap pa.

"Mag-uusap tayo mamaya," mahinang sabi ko at patakbong pinuntahan si Carlene sa


kabilang side ng kotse para pagbuksan siya.

Lumabas naman agad siya nang nakangiti, hindi gaya ni Yasmin na nakasimangot pa
rin. "Ang ganda-ganda dito. So refreshing!"

"Alex!"

Nilingon namin ang tumawag sa pangalan ko, at abot sa tenga ang ngiti ko nang
makita sina Tita Janice at Tito Larry na palabas ng bahay; ang mga magulang ng
girlfriend ko.

"Tita..."

Tita Janice welcomed me with a big hug like she always does whenever I came by. Sa
paglipas ng panahon, tinuturing na nila akong anak at sila naman ay magulang para
sa akin. "Buti naman nakarating na kayo. Kamusta?"

"Okay naman po. By the way, I'm with--" humiwalay ako sa yakap saka ko binalingan
si Yasmin sa kaliwa ko, "-- Yasmin Jacinto..." Binigyang diin ko ang pangalan niya.

Hindi na ako nagtaka nang mapatulala si Tita Janice kay Yasmin. It took up a few
seconds before she recovered. There was a dead air between them. Parang katulad
lang nung reaksyon ko noong una kong makita si Yasmin.

"... Oh! Siya ba? H...hi, Yasmin. Nice to finally meet you!" Nilapitan niya si
Yasmin at binigyan siya ng yakap. It wasn't a simple hug that's why Yasmin turned
to me looking so puzzled. "Sorry," sabi ni Tita bago siya humiwalay. "Enjoy your
stay here, hija."

"Salamat po. Nakakahiya naman po kasi dinamay lang ako ni--"

"No! Don't be shy. Feel at home lang, Yasmin!" Tita Janice laughed awkwardly.
Nakikita ko pa ang pangingilid ng mga luha niya, kaya naman agad siyang inalalayan
ni Tito Larry.

Yasmin beamed a little, more likely confused. "Thanks po."

"Tara, Yasmin. Ihahatid kita sa kwarto mo." Hinila niya sa kamay si Yasmin at
akmang papasok na nang maramdaman kong humawak si Carlene sa braso ko. Sh1t,
nakalimutan kong kasama nga pala namin siya.

"Uh, Tita!"
Huminto silang dalawa at nilingon kami. "Si Carlene nga po pala, kaibigan namin."

Napasinghap siya, tila'y nagulat. "Hello, Carlene. Naku, dalawa pala ang kasama mo,
Alex. Paano yan, dalawa lang ang guestrooms?"

"Lalaki naman ako, Tita. Ayos na po ako sa sala."

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa braso ko ni Carlene kaya tinignan ko siya.


"Tita, okay lang pong magshare kami ng room ni Yasmin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What the fvck? Hindi pwede. Kanina pa nga lang
sa kotse ay bwsit na bwsit na sa kanya si Yasmin, sa iisang kwarto pa kaya?

"You sure? You don't mind?" tanong ni Tita Janice sabay baling kay Yasmin. "Yasmin,
ayos lang ba sayo na magshare kayo?"

"Uh..."

Lumipat ang tingin niya sa akin. Pasimple ko siyang tinanguan. Ewan ko ba pero
kahit malapit na ako sa loob nina Tita Janice ay nahihiya pa rin ako sa kanila.
Ngayon lang kasi ako nagdala ng babaeng kaibigan sa lugar na ito. Ang X9? Isang
beses ko lang silang dinala dito.

"Yasmin," tawag ko sa kanya.

Yasmin breathed deeply before she replied, "Okay lang po."

Hinatid na sila Yasmin at Carlene sa kwarto nila. Hindi ko maiwasang hindi mabahala
sa dalawang babaeng 'yon. I don't have a problem with Carlene though. Si Yasmin
lang talaga. Kailangan ko talaga siyang makausap mamaya.

Inayos ko muna ang kwarto ko kung saan palagi akong natutulog tuwing pumupunta ako
dito. Para ko na nga itong sariling kwarto dahil may mga damit na akong nakatago
dito. Katapat nito ay ang kwarto ni Fatima na hanggang ngayon ay puno pa rin ng mga
kagamitan niya. We considered that room sacred and we don't let anyone enter it—
most especially the guests.

"Alex!" Narinig ko ang boses ni Tita Janice kasabay ng pagkatok sa pinto. "Alex,
baba ka muna. Lunch muna tayo!"

"Sige po, Tita. Susunod na ako."

I quickly unpacked my things before I got out my room. Pagkalabas ko pa ay siyang


labas din ni Yasmin mula sa kwarto sa kaliwa. Inirapan niya ako at tinalikuran.

Tsk. Napakasungit niya talaga.

"Yasmin." Sinundan ko siya at pinantayan ng lakad. "'Wag ka namang magsungit kay


Carlene. May pinagdaanan 'yung tao e'."

"Nakalimutan mo na bang may pinagdadaanan din ako? Leche."

"Pero mas grabe 'yung kanya."

"Lakompake."

Pinigilan ko siya sa braso saka ko siya pinaharap sa akin. "Pakisamahan mo muna


siya ngayon. Ngayong bakasyon lang, Yasmin. Okay?"
"Okay, your face," sabay irap pa.

I grumbled irritatingly. Mahina ang pasensya ko sa mga nagtatantrums. "Yasmin,"


seryosong sambit ko. "Nakikiusap ako."

Tumitig muna siya sa akin ng ilang saglit bago siya bumuntong-hininga. Hinila niya
ang braso niya mula sa akin, saka siya umirap ulit. "Hindi ako kasing bait mo.
Pasensya na," she said and descended the stairs.

Napailing nalang ako ng ulo habang sinusundan siya pababa. She's indeed a stubborn
girl. Kung anong magustuhan niya, 'yun ang gagawin niya. Tsk.

Bago pa man kami makapasok sa dining area ay binulungan ko siya. "Mag-uusap tayo ng
maayos mamaya," I whispered before we appeared inside. Nandun na silang lahat sa
harapan ng lamesa pati na rin Carlene.

"Maupo na kayo, Yasmin at Alex," ani Tito Larry habang nakangiti pa.

Pumwesto naman kami at nasa pagitan ako nina Yasmin ay Carlene. As we ate, Tita
Janice kept on asking questions on Yasmin. Kinakamusta siya pati na rin ang pag-
aaral niya, kung may boyfriend na ba siya... random questions. Kami ni Carlene, eto
nananahimik lang.

"3rd year College irregular po ako," sagot ni Yasmin nang itanong sa kanya kung
anong year na niya. "Creative Writing ang kinukuha ko pong kurso."

"Good. So, Alex is helping you?"

I broke off into Tita's question. "I helped her find a sponsor. Hindi po ako,"
pagtatama ko. She knew I was lying. Alam niyang pinag-aaral ko si Yasmin pero ayaw
ko 'yong ipagsabi. Mabuti naman ay nakuha niya at agad siyang tumango.

"Oo nga, buti tinulungan mo siyang maghanap ng sponsor, Alex. Kapag may kailangan
ka pa hija, feel free to approach me. I'm willing to help you."

Yasmin turned to gawk at me. Marahil dahil nahihiwagaan na siya kina Tita Janice at
Tito Larry. I already told them a lot of things about her. Every single strand of
her story has been told. Kung sinumang walang alam dito, iyon ay si Yasmin. Hindi
na rin naman niya kailangan pang malaman na sila ang mga magulang ng taong naglaan
sa kanya ng mga mata.

"Nakakahiya naman po."

Tita Janice just smiled and so did Tito Larry. Si Carlene, nakatingin lang sa akin.
Well, she's kind of out of place. Miski rin naman ako.

"Tita, pwede pong magtanong?" Yasmin asked, her voice was concern. Tita Janice
nodded her head as her respond. "May anak po ba kayo?"

Saglit kaming natigilang tatlo. Nagkatinginan kami ni Tita Janice at halata sa mga
mata niya ang pangamba.

"Yasmin--" I called her out but Tito Larry interfered.

"Meron kaming anak at katunayan, malapit sa kanya si Alex."

And that ended up the discussion over lunch. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay
nakiramdam si Yasmin dahil naging tahimik na ang paligid matapos niyang itanong
'yon. Kahit anong pilit namin sa sarili namin ay nagiging sensitibo pa rin kami
tungkol kay Fatima. Para kasi sa amin ay buhay pa rin ang girlfriend ko.

Pagkatapos mag-late lunch ay dumiretso ako sa corridor para magpahangin. Tanaw na


tanaw mula sa kinatatayuan ko ang garden sa likod bahay. Masarap sa pakiramdam ang
simoy ng hangin. Naalala ko tuloy na dito kami madalas tumambay ni Fatima noong
nagpupunta kami dito.

"Alex."

Bago pa ako makalingon ay nasa tabi ko na si Carlene. Nakangiti siya sa akin habang
nakayakap sa sarili niya. "Carlene, akala ko nagpapahinga ka?"

"Hindi ako makatulog eh. Oo nga pala, thanks sa pagsama sa akin dito."

Ngumiti lang ako. Gusto ko sanang sabihin na 'ayos lang 'yon' pero hindi ko masabi.
Para kasi kay Yasmin, sagabal siya sa bakasyong ito.

"Kaano-ano mo si Tita Janice?"

Saglit akong natigilan. Bago pa man ako makasagot ay naunahan niya na ako.

"Oo nga pala. Tita ang tawag mo, so, Aunt mo siya," she laughed softly as she
leaned on the railings. "Ang close nila ni Yasmin no'?"

Hindi na ako sumagot. I knew she'll wonder why. Alam niya kasing parehas niya ay
first time rin ni Yasmin na mameet sina Tita.

She switched her eyes to me from the sight. "Teka, Alex, pwedeng magtanong?"

"Sige."

"Galit ba sa akin si Yasmin? Hindi niya kasi ako kinakausap. Kung kakausapin man
niya ako, ang sungit naman niya."

Umiwas ako ng tingin, at hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa baba kung
saan nagdidilig ng mga halaman sina Yasmin at Tita Janice. Bahagyang napailing pa
ako ng ulo sa suot ni Yasmin. Sleeveless shirt and short shorts? Tss.

"Alex..."

"Oh," nabalik ako sa huwisyo sa pagtawag sa akin ni Carlene. "Ano nga ulit 'yon?"

"Kung galit ba sa akin si Yasmin?"

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'oo, dahil kay Blue'.
It's not my business, isn't it?

"Wala 'yon. Ganun lang talaga si Yasmin, mainitin ang ulo. Pwede bang
pagpasensyahan mo nalang siya?" pakiusap ko. "Kung pwede, ikaw nalang 'yung gumawa
ng paraan para magkalapit kayo."

She smiled to me before she nodded. "Sure," sabay tingin niya sa direksyon nila
Yasmin. Napaiwas agad ako ng tingin sa nakita ko. Fvck, may banyo naman pero bakit
sa garden pa nagtampisaw sa tubig ang babaeng 'yon?

***

Kinagabihan, ganun pa rin ang nangyari sa hapag-kainan. Si Yasmin na naman ang


topic. Pero hindi kagaya kanina, mas close na siya kina Tito at Tita ngayon. Hindi
ko rin sila masisisi. Ngayon lang kasi nila na-meet ang recipient ng mga mata ni
Fatima kaya naman ganun ang pagkasabik nila.

8PM pa lang pero nauna na akong pumasok sa kwarto ko. Ngayon pa lang kasi ako
nakaramdam ng pagod, pero kahit ganun, hindi pa rin ako inaantok. Kaya eto ako
ngayon, kausap si Arthur sa cellphone.

["So, dal'wa ang kasama mong babae dyan?"]

"Yeah, but we're not together literally."

["Wala akong sinasabi. 'Wag defensive, dude. Alam na ni Yasmin ang tungkol kay
Fatima?"]

I switched to the other side of the bed and shut my eyes. "Wala akong balak sabihin
'yon. Para ano pa?"

["Wala lang. Pwede ba akong pumunta dyan? Nakakatamad dito sa bahay. Ako lang mag-
isa."]

I sighed in irritation. Nadagdag na nga si Carlene, dadagdag pa si Arthur. Tss.


"Next time nalang, dude. 1 week lang naman kami dito."

Bigla nalang may kumatok sa pinto kaya napabaling ako ng tingin sa direksyong iyon.

"Hold a second," sabi ko kay Arthur bago bumangon at lumapit sa pinto. Pagbukas ko
nito ay bumungad sa akin si Yasmin na nakasimangot.

"Yasmin...?"

["Alex, anong Yasmin ka dyan?"]

I frowned when I heard Arthur's voice. Nakadikit pa pala sa tenga ko ang cellphone.
"I'm hanging up, bye."

["Ale---"]

Toot.

I pocketed my phone before I glanced at Yasmin. "May kailangan ka ba, Yasmin?" I


asked and realized it sounded so stupid. "I mean, what brought you here?"

"Pwede bang dyan nalang ako matulog?"

My brows arched upwards. Dito? Matutulog? What the hell?

"Nahihilo kasi ako sa pabango ni Carlene. Hindi ako makatulog. Ano na? Kahit sa
sahig nalang ako," sabi niya saka niya itinulak ang pinto para makapasok siya ng
tuluyan. "May sofa pala dito eh! Dito nalang ako!"

Humiga siya sa sofa at tinalikuran na ako. Abot-abot naman ang pagkunot ng noo ko.
Seryoso ba ang babaeng ito?

"Yasmin, you can't sleep here."

Humarap siya sa akin habang yakap-yakap ang isang throw pillow. "At bakit hindi?
Dahil babae ako at lalaki ka? Pangit tignan sa babae't lalaki na magkasama sa
iisang kwarto? Takteng yan! Wala namang malisya! Baka sayo, may malisya!"
My face hardened. She's impossible. Wala na talaga akong masabi sa babaeng ito.
Kung anong nasa isip, siyang labas sa bibig niya.

"Wala akong malisya sayo," sabi ko at umupo na sa one seater sofa sa kaliwa niya.

"Kung sabagay, lalambot-lambot ka nga pala," ngumisi siya at umiling. Nalaglag


naman ang panga ko sa sinabi niya. "So, wala na akong kailangang ipangamba. Kahit
pala magtabi tayo sa kama ay ayos lang."

What the fvck?

"Oh, bakit ka ganyan makatingin? Hoy! Wala akong pagnanasa sa'yo! Safe ka sa akin.
Sanay na akong matulog kasama ang mga katulad mo. Sa kapatid pa lang ni Bruno eh,
swak lang."

Sinamaan ko siya ng tingin. Dumapa naman siya habang hindi inaalis ang tingin niya
sa akin.

"Pero mukhang 'di ka kumportable, kaya dito nalang ako sa sofa. Kaya pala,
kumportable ako sa'yo, isa ka pa lang paminta."

"Paminta?" tanong ko.

Tumawa naman siya habang umiiling pa. She heaved a sigh before she closed her eyes.
"Never mind. Alex..."

"Oh?"

"Nakailang girlfriend ka na?"

Napaayos ako ng upo sa tanong niya. What's with the random question? Pinagmasdan ko
lang siya habang nakapikit siya. "One..."

"One? Seryoso?" she giggled teasingly. "Ako, five. Nakatatlong boyfriend ako noong
highschool at dalawa naman nitong College. Alam mo ba kung sino 'yung last
boyfriend ko?"

"Syempre hindi," sagot ko.

She giggled again, dreamily. "'Yung asawa ngayon ng Ate ko, 'yun ang ex boyfriend
ko. Wala eh, uso pala 'yung sulutan no'? Pakshet sila sagad."

Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung limang rason niya kung bakit
daw siya malas. Ito na nga siguro ang tinutukoy niya noon.

"Tapos packing tape na tadhanang 'yan, bakit pinaglalaruan ako? 'Yung dahilan ng
pagkasira-ulo ko ngayon, siya pa ang kasama ko kanina sa kwarto. Seryoso, Alex?
Isinama mo ako dito para makalimot pero ito namang si Carlene, sumabit pa. Naku,
'di na ata ako mag-aasawa nito."

I sighed deeply, guilt dawned into me. Fine, it's my darn fault. I shouldn't have
played as a nice guy around Carlene. Hindi talaga 'yon magandang ideya.

"Sorry..."

Hindi agad siya sumagot, pero nagulat ako nang makita ang pagtulo ng luha sa mga
mata niya habang nakapikit siya.
"Naiinis ako. Putek na 'yan..."

She was sobbing with her eyes closed. And I could feel that she's in pain now.

"Alex..."

"Hmmm...?"

"Paibigin mo naman si Carlene oh? Gustong-gusto ko kasi talaga si Blue."

I was caught off guard by her request but I ended up chuckling though. Alam ko
namang biro 'yon. Gaya ng sabi niya sa akin noon, isa lang 'yong 'joke'.

Pero mali yata ako ng naisip...

She opened her eyes slowly and stared at me seriously....

"Seryoso ako, Alex. Tulungan mo ako..."

-9- Favor

***9***

Tok! Tok! Tok!

"Alex!"

Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang nagpagising sa akin. Kahit na hindi ko pa


kayang imulat ang mga mata ko ay natataranta akong bumangon para pagbuksan ang kung
sinumang kumakatok. Tsk! Ayoko talaga sa lahat 'yung iniistorbo ako kapag natutulog
ako. Panigurado badtrip na ako buong araw ngayon.

"Alex??"

Isa pang pagkatok at tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-
aalalang mukha ni Tita Janice kasama si Carlene, at dahil dun, para akong binuhasan
ng malamig na tubig. Sh1t! Wala nga pala ako sa bahay.

"Tita, sorry. Kakagising ko lang po." Kumamot pa ako sa ulo ko at naging conscious
sa sarili ko.

She waved her hand on me while she shook her head. "Ayos lang. Pasensya na kung
naabala ka namin. Ano kasi eh, si Yasmin, nawawala raw."

She then glanced at Carlene on her side that was intently looking at me. Napaiwas
tuloy ako ng tingin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako disenteng tignan
ngayon.

"Nawawala si Yasmin, Alex. Basta paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Hinanap
namin siya sa buong paligid pero wala siya," malamya niyang sabi.
Automatikong kumunot ang noo ko. Yasmin? That ring a bell on me. Automatikong
napalingon ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang babaeng naging dahilan
kung bakit napuyat ako kagabi.

"Nandito ho siya," wala sa sariling sabi ko at naramdaman ko nalang na itinulak ni


Tita Janice ang pinto para mabuksan ito ng bahagya. She took step forward as she
looked at its direction. I glanced back at her to see her reaction and I was kind
of felt like taking back what I've said. Bakas sa itsura niya ang pagkagulat, ganun
din si Carlene.

Fvck, baka kung anong isipin nila.

"Bakit dyan siya natulog, Alex?" tanong ni Carlene.

Muli akong napakamot sa ulo ko saka ako nagkibit-balikat. "Pinuntahan niya ako dito
kagabi. Hindi raw kasi siya makatulog sa kwarto niyo."

"At dito siya natulog? Pwede naman niya akong gisingin," pasubali niya.

"Nahihilo siya sa pabango mo."

"Hey, I took a shower last night. I did not use perfume or something. Lotion lang."

Iniling ko nalang ang ulo ko. Whatever Yasmin's reason was, I won't say it. Basta
ang alam ko ay naiinis siya kay Yasmin. That's it. End of story.

"Hindi lang siguro siya sanay nang may katabi," sabi ko at sinadya kong balingan
ang sofa kung saan ako natulog kaya naman ay napatingin din sila dun. "Sorry, Tita,
kung napag-alala kayo ni Yasmin."

Tita Janice's face was blank. Well, I couldn't read her face. Nakatingin lang siya
kay Yasmin sa kama bago niya ako tinignan ulit sabay buntong-hininga. Sigh of
relief, I guess. "Okay. Akala ko kung napaano na ang batang 'yan. Sige, sumunod
nalang kayo sa veranda for breakfast, Alex."

"Sure, thanks po. Good morning, by the way."

Tita Janice just smiled at me as her reply before she left. Naiwan si Carlene na
makahulugang nakatingin sa akin. Tinaas ko ang dalawa kong kilay, tila ba'y
tinatanong siya kung may kailangan pa ba siya.

She shook her head and beamed. "Tell her I don't snore, Alex."

As if on cue, we heard Yasmin snore. Sabay namin siyang tinignan at pagkatapos ay


nagkatinginan kami ni Yasmin at natawa nalang. "Well, she does," I said.

"I don't mind. I just wanna be friends with her. Could you help me?"

Automatikong naglaro sa isip ko ang sinabi sa akin ni Yasmin kagabi.

'Seryoso ako, Alex. Tulungan mo ako...'

Her pleading eyes that no one could refuse her--- Tila ba pinapalambot ang puso ko
sa bawat pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya. At dahil dun, hindi ako
nakatulog nang maayos kagabi. Hindi ko alam pero parang dinudurog ang puso ko
tuwing nakikita siyang umiiyak.

"Alex? Hey," Carlene snapped her fingers before my face making me return from my
deep thoughts. Umiling ako at napangiti naman siya.
"Anong iniiling mo dyan? Please, Alex? Help me befriend Yasmin. Hindi ko alam kung
bakit siya ganyan sa akin. I swear, hindi ko alam. Nafufrustrate na nga ako
kakaisip eh. We used to be good friends until she became cold to me all of a
sudden." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. "Please? Pretty
please, Alex? Christmas gift mo na 'to for me."

"Uh..." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago ko pinagpatuloy ang


sasabihin ko. "Okay, sure." Yun nga ang gusto kong mangyari. Buti naman at naisipan
ito ni Carlene.

"Yay, thanks. Sige, I'll see you at the veranda ha? Tutulong ako sa pagluto ng
almusal," she said before she skipped out of my sight.

Napailing nalang ako ng ulo sa ugali niya. Mabait si Carlene, oo. Kung tuusin, wala
akong problema sa kanya. Kundi lang naman dahil kay Blue hindi sila magkakalabuang
dalawa.

I shut the door close as I returned inside my bedroom. Nakita kong gumalaw si
Yasmin at muli na namang humilik. Parang hindi babae. Tsk.

"Yasmin," bulong ko at yumukod sa gilid niya para gisingin siya. "Yasmin, gumising
ka na. Hinihintay na nila tayo sa baba," I shook her a bit on her arm, "Yasmin...
Hey."

"Uggh! Peste naman!"

My lips curved into a smirk. Hindi ko siya matutulungan sa pabor niya sa akin, pero
isa lang ang maisisigurado ko, at 'yon ay ang pagtulong sa kanya na baguhin ang
ilan sa ugali niya. Kung kinaya ko sa sarili ko noon, malamang kakayanin din niya.

"Yasmin..."

"ANO BA!"

I couldn't help but to chuckle when I saw her make weird facial expressions with
her eyes closed. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan siya saglit. Gusto ko lang
siyang tignan para malaman ko kung ano pang maitutulong ko sa kanya sa pisikal na
aspeto.

"Kaya ka hindi nagugustuhan ni Blue eh. Mas lalaki ka pa kung umasta kesa sa
kanya," bulong ko at automatikong napamulat siya ng mga mata. She frowned from brow
to brow while throwing daggers at me.

"Anong sabi mo??"

I smirked, a playful smirk. I stared at her more deeply, and that's when I found
out that she has a very light skin tone. Sa sobrang puti nga niya ay namumula-mula
ang mga pisngi niya. Her eyelashes were beautifully long, too. She's indeed---

"Pretty..."

Kumunot ang noo niya. "Ha?"

Dun ko lang napagtanto kung ano ang sinambit ko. Pretty? What the hell? Did I say
that aloud? Napaiwas ako ng tingin. Darn, nagugutom na yata ako.

"Ha! Pretty pala ah! Inggit ka sa kagandahan ko no'? Kung makapang-okray ka dyan,
akala mo kung sino akong tomboy. Insekyo ka lang, Alex." Bumangon siya sa kama,
napaatras naman ako. "Pretty talaga ako. Oy, baks--"

"Baks?" Tama ba ang rinig ko?

Tumango siya at ngumiti ng malaki. "Yeah, baks. Ayaw mo?" Hindi ako sumagot. What
the fvck is 'baks'? "'Yung favor ko ha??"

I got to my feet and looked to her confusedly. "Ano'ng 'baks'?" I asked,


disregarding her question.

"Baks!" Sambit niya at tumawa ng nakakaloko. Kumunot tuloy ang noo ko. "Short for
bakla!!!" My jaw dropped. She covered her mouth with her palm. "Ooppss, sorry.
Napalakas yata."

Did she seriously mean it?! What the hell?

"Yasmin, stop it. Hindi nakakatuwa." Tinalikuran ko siya at pinuntahan ang bag ko
para kumuha ng damit pampalit. Maliligo na ako. Umagang-umaga pinapainit ni Yasmin
ang ulo ko.

"Baks naman. Diba yung favor ko? Paibigin mo si Carlene. Kitang-kita naman na
kumikirengkeng yun sayo kahit may boyfriend na. Patusin mo na, baks."

I got a pair of denim and a white shirt before I zipped it close. Pretend you
didn't hear her, Alex. Such a wuss.

"Baks!"

"Maliligo na ako. Maligo ka na rin dun sa kwarto niyo. Wala ka sa sarili mong bahay
kaya 'wag masyadong pakumportable," sabi ko bago pumasok sa banyo para maligo.
Akala ko hindi na siya sasagot pero narinig ko pa siyang kumatok sa pinto.

"Bakla ka nga talaga! Parang liligawan lang eh! Dyan ka na nga!"

Medyo nagbabad ako sa shower dahil gusto kong maalis ang pagkasira ng mood ko.
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Yasmin dahil lang sa lalaki. Ang dami-
daming lalaki sa mundo, pero sa Blue pa na 'yun siya nabaliw.

I toweled my hair dry before I changed into my pair of clothes. Paglabas ko ng


banyo, maayos na ang buong kwarto. Nakatupi na ang mga kumot at nakaayos na rin ang
mga unan. Inayos na siguro ni Yasmin. Dumiretso ako papunta sa veranda sa 3rd
floor. Nakita ko si Carlene at Tita Janice na naghahanda ng lamesa. Wala pa si
Yasmin.

"Alex, si Yasmin? Gising na ba?" bungad sa akin ni Tita nang makita niya ako.
"Maupo ka na. Tinulungan ako ni Carlene na magluto."

I sat down next to Carlene and we exchanged smiles. "Naliligo pa po ata."

"Good morning!" Speaking of, boses 'yon ni Yasmin. Napalingon kami sa pintuan at
talagang bumagsak ang panga ko nang makita ang suot na naman niya. Umupo siya sa
harapan ko, at nang magtama ang mga paningin namin ay inirapan niya ako.

"Good morning, Yasmin. Did you have a good sleep?"

"Opo, himbing na himbing ang tulog ko. Thank you po."

"Buti naman," nakangiting tugon ni Tita Janice saka ito bumaling sa akin. "Sige,
kumain na kayo. Bababa muna ako."
Katahimikan ang sumakop sa amin nang umalis si Tita Janice. Panay ang sulyap ko kay
Yasmin at napansin ko namang magana siyang kumakain ng pagkain.

"Yasmin, hindi ka man lang nagsabi na ayaw mo nang may katabi," Carlene broke the
silence. Tumingin sa kanya si Yasmin at nagkibit balikat lang. Tsk, Yasmin, what
will I do to you?

I saw Carlene's eyes filled with disappointment. Yumuko siya at kumain nalang ng
tahimik. Hindi ako kumportable sa set-up namin. Walang nag-iimikan. Nakakapanis ng
laway.

"Uh, Carlene." She looked to me blankly. Words, I need words. "Maayos naman ba ang
tulog mo?"

"Oo naman. Thanks," she retorted. "Ikaw ba?"

"Hindi masyadong maayos," sagot ko at sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong


tumingin sa akin si Yasmin. "Ang sakit ng likod ko. Pinagkasya ko ang sarili ko sa
sofa," I answered honestly. Malaki akong tao pero nagawa kong pagkasyahin ang
sarili ko sa maliit na sofang 'yun. Hindi ko naman pwedeng hayaan na matulog doon
si Yasmin samantalang nasa kama ako. Babae pa rin naman siya kahit na astang lalaki
siya.

"Pwede naman kasing sa sofa ako. Bakit ba kasi nilipat mo ako?" sabat ni Yasmin
kaya binalingan ko siya.

"Sasakit lang ang katawan mo sa sofa."

"Sanay na ako."

"Ayaw mo pa. Ikaw na nga ang nilipat."

"Hindi ko naman sinabing ilipat mo ako."

"No big deal, Yasmin."

"Eh, nagpaparinig ka eh."

"I was not."

"I was not, I was not ka pang nalalaman dyan. Baks talaga. Tss," umiling-iling siya
at bumalik na sa pagkain niya. Kita mo 'to. Siya na nga ang pinagmamagandang loob,
siya pa 'tong galit.

I just shook my head in surrender. I give up. Siya na ata ang may pinakamatigas na
ulo na nakilala ko.

"Ang cute niyo. Para kayong aso't pusa," nakangiting komento ni Carlene kaya
nakatanggap siya ng irap mula kay Yasmin. Talaga naman oo. "Saan ba kayo
nagkakilala?"

I was about to speak back when Yasmin broke in. "Dyan dyan lang. Hindi mo naman
kailangan malaman 'yon."

My eyes narrowed at her answer. That was rude. Carlene surely got offended based on
her reaction. Namula si Carlene sa pagkapahiya pero agad din nagpeke ng ngiti.

"Oh, sorry. Off-limits pala."


"Carlene--"

I wasn't able to finish what I was about to say because Carlene stood up and
excused herself. "Excuse me, C.R lang," she left wordlessly.

Nagtama na naman ang mga paningin namin ni Yasmin. Siya ang unang umiwas ng tingin
at may pailing-iling pa ng ulo.

"That was rude, Yasmin. Sumosobra ka na."

Sumimangot siya. "Edi, sorry sayo, pero hindi sa kanya."

"Yasmin, she's being nice to--"

"Wala akong pake. Naiinis ako sa kanya. Period." She rolled her eyes inwards.

Paano ko ba maaalis ang galit niya sa kanya? Pakshet naman oh.

Naibagsak ko ang kubyertos sa plato ko. Napatingin siya sa akin at napatahimik


nalang. "Hindi pwedeng ganyan ka nalang sa kanya."

"Hangga't sila pa ni Blue, hindi maaalis ang inis ko sa babaeng 'yan. Kaya, Alex,
pagbigyan mo na ang pabor ko. Hindi mo ako maiintindihan dahil lalaki ka. Desperada
na kung desperada... Gustong-gusto ko talaga si Blue."

I was stuck by her words. Ganyan na ba talaga siya kainlove kay Blue? I can't
believe this. Ano bang meron sa lalaking yun at ganito siya kabaliw sa kanya?

"Alex..."

"No," I said firmly. "Kung tutulungan kita, hindi sa ganung paraan, Yasmin. Hindi
pwedeng dahil nasasaktan ka ay sasaktan mo na rin ang ibang tao. That's a selfish
act. Paano kung gawin din yan sayo? Matatanggap mo ba?"

Hindi siya nakasagot. Matagal siyang nakatitig sa akin, at napansin ko na naman ang
pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Sh1t, akala ko ba matapang siya?

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa patungo sa veranda, at kasunod no'n ay naramdaman
ko nalang na umupo na si Carlene sa pwesto niya. Nakabalik na siya galing sa banyo.

"Tapos na ba kayong kumain?" she asked, seemed like she already got over with what
happened earlier.

"Tapos na ako," sagot ko.

"Okay lang ba na mamasyal tayo ngayon? Sayang ang ganda ng panahon ngayon kung dito
lang tayo mag-i-stay."

Hindi ako sumagot, ganun din si Yasmin. Awkward silence filled in among us. Until I
felt a foot nudges on mine. Pasimple akong sumilip sa ilalim ng mesa at nakita kong
ay Yasmin ang paang iyon.

"Guys, let's go out," Carlene said joyfully.

Yasmin kept on nudging my foot. Yung mukha naman niya walang karea-reaksyon. Ano
'tong pasipa-sipa niya sa paa ko?

"Kayo nalang ni Alex, Carlene. Dito nalang ako," sabi niya.


"Ha? Sure? Ano, Alex? Pasyal tayong dal'wa?"

The nudge became harder that made my frown deepened. What's with the nudge?

"Sige na, Alex," sabi ni Yasmin.

Tongue in the side of my mouth, I thought about it for awhile. Hindi pa rin pala
talaga titigil si Yasmin sa pagkumbinsi sa akin na paibigin si Carlene.

"Sige, pero dapat kasama si Yasmin," I said, dismissing everything.

Sa Picnic Grove kami unang pumunta. Sa totoo lang, wala ako sa mood. Ala-una na ng
hapon pero hindi masyadong mainit ang paligid. Tama nga si Carlene, maganda ang
panahon ngayon.

"Taragis, zipline?!" bugnot na sambit ni Yasmin sa gilid ko. Nasa Zip line kami
ngayon. Request ni Carlene. Gusto niya raw kasi itong maexperience pero mukhang
ayaw naman nitong si Yasmin.

"My treat! Sige naaaaaa!"

"Ikaw nalang. Ikaw may gusto eh."

Nilingon ako ni Carlene at ngumuso pa. Mukhang gusto niya talaga kaming kumbinsihin
ni Yasmin na mag-zip line. Wala naman 'yong kaso sa akin dahil hindi naman ako
takot sa heights. Nasubukan ko na rin naman noon na magskydive kasama si Kurt kaya
wala itong problema sa akin.

"Yasmin, subukan mo. Masaya yan," sabi ko.

Umirap naman siya at nagkrus pa ng mga braso. "Ano ka? T*nga? Magbabayad ka ng
mahal para lang sa walang kwentang 'yan?" sabi ni Yasmin kay Carlene.

"Hindi 'yun katangahan. Ang tawag dun adventure," sabat ko. Yan na naman siya sa
masasakit niyang salita. Kinuha ko ang kamay niya at pilit na hinila paakyat sa
zipline flatform. Nagpupumiglas siya pero 'di ko siya binitawan.

"Ano ba, Alex!! Pakshet naman oh!"

Binalingan ko si Carlene na halatang nag-aalala. "Kaya mo bang mag-solo?"

"Oo naman."

"Good. Sabay kami ni Yasmin. Kita nalang tayo sa kabila."

Ngumiti lang siya sa akin saka tumango. Nagpakabit siya ng harness at ilang saglit
lang ay sumalang na sa zipline na habang may hawak na monopod sa kaliwang kamay.

"Mahulog sana siya. Una mukha. Peste," narinig kong bulong ni Yasmin sabay hila sa
kamay niya. "Alex, ano ba!"

"Natatakot ka? Parang 'yung bubong niyo lang yan. Tara na."

Habang kinakabitan kami ng harness ay nagpupumiglas si Yasmin. Wala ng atrasan,


sabi ko sa kanya. Dito ko makikita kung talagang matapang siya.

"In 1... 2... 3..."


"AAAAAHHHHH!! SH1T!! AAAAAHHHHHH!"

Wala akong narinig maliban sa sigaw ni Yasmin. Naka-sitting position kami habang
tumatawid kami sa lubid. Nakapikit si Yasmin kaya naman sinabihan ko siya.

"Open your eyes, Yasmin. Maganda ang view."

"G*go!"

"Just do it!"

Her eyes flew open and that's when she saw the beautiful scenery of the Taal Lake.
Napanganga siya at hindi na nagpanic. Hanggang sa makaabot kami sa kabilang dulo ng
lubid.

"How was it?" I asked as they crews unbuckled the harness off us. Tumingin sa akin
si Yasmin at napangiti nalang.

"Ang ganda..."

I smiled when I saw her sweet smile. "I told you."

"Ang gan-- Oh!" Nasalo ko siya sa magkabilang braso nang akmang babagsak siya.
"Nakakahilo!"

"Pero maganda?"

"Oo, salamat sa experience." She said without disconnecting her eyes on me. My
chest thumped hard as I stared at her deeply. Ang ganda talaga ng mga mata niya.

"Alex! Yasmin! You did it!!"

Napabalikwas kaming dal'wa nang bigla nalang sumupot si Carlene sa gilid namin. Sa
isang iglap, bumalik na naman ang masamang timpla ni Yasmin. She walked out on us,
leaving us dumbfounded.

Yasmin, what the hell is wrong with you?

***

7PM nang mapagpasyahan naming kumain ng dinner sa restaurant na malapit sa Picnic


Grove. Ginabi na kami sa kakasubok ng mga attractions ng park. Kung may nag-enjoy
man, iyon ay si Carlene. Si Yasmin? She was quiet all the time.

"Sa susunod, dapat may dala na tayong baon para picnic tayo!" Carlene said while
we're in the middle of our desserts.

"May susunod pa?"

My eyes switched to Yasmin who was murmuring something. Ayan na naman ang bibig
niya. Hindi mapreno.

"Ayoko na. Kayo nalang."

"Bakit? Ang saya kaya."

Umismid si Yasmin saka niya tinignan si Carlene. "Carlene, matanong ko lang, hindi
ba nag-aalala si Blue sayo ngayon? Sa amin ka sumasama. Baka hinahanap ka ng syota
mo."

Syota? Hindi maganda sa pandinig.

Carlene turned sad. It was like Yasmin hit a sensitive part of her. Darn, she
should know when to shut up. Si Yasmin talaga.

"Yasmin, hindi mo dapat--"

Carlene cut me off. "We're not in good terms right now, and please, we're not
together. Bestfriend ko lang siya."

"Bestfriend?" Natawa nang mapakla si Yasmin. Gusto ko na tuloy yayain silang umuwi.
This is not good. "Sure ka?"

"Yasmin, stop it," I firmly said and called on the waiter for the bills. Pagkabayad
ko ay niyaya ko na silang umalis. Hindi pa rin pala nakatulong ang bonding na ito
para magkaayos sila. Mas lalo lang lumalala.

Sinadya kong tabihan si Carlene habang naglalakad kami papuntang car park. We're
walking ahead of Yasmin. She's probably worn out and I felt sorry about it.

"Carlene, ako na ang humihingi ng sorry sa asta ni Yasmin."

She smiled and didn't say a thing. Mas lalo tuloy akong nangamba. I brought her
here with me to cheer her up from misery but it turned out worst.

"Kakausapin ko si Yasmin para sayo."

"Ayos lang. No worries."

For some reason, I looked back to check on Yasmin. Natigilan ako nang wala na siya
sa likuran namin.

"Carlene, teka, si Yasmin nawawala."

"Tara, balikan natin, Alex."

We returned on our tracks to look for her. Hindi pa man kami nakakalayo ay
naulinagan ko ang likod ni Yasmin mula sa kinatatayuan namin. She was on her knee,
tieing her shoelace. I sighed in relief. Akala ko nawala na siya.

"Yasmin!" tawag ko, pero hindi niya ako narinig. Until I noticed a guy walk towards
her and help her to stand up. Naramdaman ko ang pagkapit sa akin ni Carlene. I knew
who the guy is.

At kagaya namin ni Carlene, nakita ko sa mukha ni Yasmin ang pagkabigla.

That was Blue. The reason behind the chaos.

-10- Revelation
***10*** REVELATION

Ngayon ko napagtanto sa sarili ko na maling isinama ko si Carlene dito sa Tagaytay.


Gusto ko siyang tulungang makatakas saglit sa pinagdadaanan niya ngayon, pero
mukhang hindi ako ang tamang tao para gawin iyon. Isang bagong kaibigan lang naman
ako. Nandyan naman si Blue para damayan siya. Naging pakielamero pa yata ang
kinalabasan ko nito.

"Ano kayang pinagtatalunan nila, 'no?"

Nagkibit-balikat nalang ako sa tanong ni Yasmin. Nakaupo kami ngayon sa compartment


ng kotse ko, hinihintay na matapos si Carlene sa pakikipag-usap kay Blue.

Muling nilingon ni Yasmin ang direksyon kung saan nag-uusap ang dalawa-- sa
kabilang kalsada, dun sa puno. Hindi matao dun kaya naman rinig na rinig namin ang
mga boses nila mula rito sa kinaroroonan namin.

"Nagsisigawan sila," sabi ni Yasmin. They were yelling at each other but their
voices weren't clear. Hindi rin naman maintindihan kung anong pinag-uusapan nila.
Napailing nalang ako ng ulo.

"Umuwi na kaya tayo?"

"Pa'no si Carlene?"

"Nandyan naman si Blue. Hayaan na natin silang mag-usap."

Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Yasmin sa braso. "Baliw. Ikaw ang nagdala sa
kanya dito tapos iiwanan mo lang siya sa ere?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kung
sabagay, tama siya. "At saka, mag-aalala si Tita Janice kapag hindi tayo umuwi nang
kasama si Carlene."

Tumingin nalang ako sa harapan namin at pinagmasdan ang bawat sasakyan na dumadaan.
Nagtataka ako kung bakit nandito si Blue. Ano 'yon, nagkataon lang? Instinct na
nandito sa Tagaytay si Carlene? Tss. Ang laki-laki ng Pilipinas, pero nagkataon na
dito siya napadpad? That's bull.

"Paano nalaman ni Blue na nandito si Carlene? Pati ako, naguguluhan na rin kung ano
ang relasyon nilang dalawa," seryosong sambit ko.

Binalingan ko si Yasmin nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. Kumunot ang noo
ko. Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan niya. "Nakita ko kasi sa status sa
facebook ni Blue nung isang gabi na namimiss niya na raw si Carlene."

"So it's you who told him?"

Ngumiti siya nang nakakaloko sa akin, samantalang halos magkasalubong naman ang
dalawang kilay ko. Ginawa niya 'yon?

"Yasmin, ano bang ginawa mo?"

"Bakit ba? Okay na 'yon para makauwi na si Carlene. Hindi mo ba naisip na may nag-
aalala sa kanya? Gaga kasi itong si Carlene eh. Pa-self pity! Hindi pa naman
katapusan ng mundo niya kapag naghiwalay ang parents niya. OA!"

Napasapo nalang ako sa noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan na talaga ako sa takbo ng
utak niya. Kanina lang sinabi niya na hindi ko dapat iwanan si Carlene sa ere. Ako
na nga itong hinahayaan siya kay Blue ngayon pero pinigilan pa ako. What the hell
should I do now?

"I give up," I raised both of my hands in surrender as I shook my head slowly.
"Hindi ko kaya ang takbo ng utak mo. Sobrang gulo, Yasmin."

"Anong magulo dun?"

"Ayaw mong iwanan natin si Carlene kay Blue ngayon, pero gusto mo naman pauwiin na
siya sa Maynila kaya mo sinabi kay Blue na nandito siya. What the fvck should we do
to her now? Tell me."

She burst out laughing as she clutched her stomach. Halos mahiga na siya sa kotse
at hindi na halos makahinga sa kakatawa. This girl is weird. Oh, Fatima,
pakibulungan naman ang babaeng ito para tumino. Tsk!

"Shet ka! Pinapatawa mo ako!" sabay tawa na naman niya. Kasabay no'n ay narinig ko
ang pagbukas ng pinto sa passenger's side kaya napalingon ako roon. Nakita ko ang
blangkong mukha ni Carlene.

She glanced at me with that straight face of hers. "Alex, tara na. Umuwi na tayo,"
she said as she stepped in the car and then slammed the door close.

"Ooh! Taray!" komento ni Yasmin na natatawa pa rin. Bumaba na ako, at ganoon din si
Yasmin. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ni Carlene para tignan si
Blue, at nakita ko siyang nakatayo roon habang nakatingin sa amin.

"Hi, Blue!" bati ni Yasmin sa kanya.

Nilingon ko siya. Namumula ang mga pisngi niya at kitang-kita ko 'yon kahit gabi
na. Iba talaga ang tama niya sa lalaking 'yon.

"Sige!" sabi niya pa. Nung nilingon ko si Blue, nakita kong sumesenyas siya---
itinataas niya sa ere ang kanyang cellphone. Mukhang alam ko na ang usapan ng
dalawa.

Gulong-gulo pa rin ang utak ko habang tinatahak namin ang daan pabalik sa bahay.
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Mukhang napasubok yata ako sa pakikisama
kay Yasmin. Kakaiba ang andar ng utak niya, paliko-liko-- nakakahilo.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Nagpapakiramdaman kami ni Yasmin sa isa't-isa.


Nakatulala kasi si Carlene sa passenger's side. Mukhang malalim ang iniisip.

"Carlene, are you okay?" I asked.

She breathed deeply before she glanced at me smiling. "I'm okay. Don't worry about
me. Sorry if I spoiled our day. Masaya na, naging gloomy pa."

"Oo, ang saya nga!" komento naman ni Yasmin at hindi ko alam kung seryoso ba 'yon o
sadyang nang-aasar lang siya.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong agad kami ni Tita Janice sa pintuan. Nakangiti
pa siya at mukhang kanina pa kami hinihintay.

"Kamusta ang pamamasyal?" tanong niya. Papasok na kami sa bahay at si Yasmin ang
sumagot para sa amin.

"Ang saya po, Tita."

"Good. Marami pang ibang lugar na magandang pasyalan dito. Habang nandito pa kayo
sa Tagaytay, sulitin niyo na."

"Excuse me po." Napalingon kami kay Carlene. Nilagpasan niya kami at tumungo na
pataas sa kwarto niya. Mukhang nasira na nga ang mood niya. I wonder what's going
on between her and Blue. Yasmin told me that they're together but Carlene denied
and said they're bestfriends instead. Ano ba talaga?

"Anong nangyari kay Carlene?"

"Ay, wala po, Tita. Napagod lang yata," Yasmin answered with a smile before she
glanced at me. "Pagod na rin ako. Una na po ako sa taas, Tita."

"Hindi na ba kayo kakain?"

Umiling ako at ngumiti nalang. "Hindi na po. Salamat nalang. Kumain na po kami sa
labas."

Dumiretso na ako sa kwarto ko nang mapansin kong kasunod ko pa rin si Yasmin, kaya
naman nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. "'Wag mo sabihing dito ka na naman
makikitulog?"

"Masama ba?" Nakipagtamaan siya ng tingin sa akin.

"Nasasanay ka na. Hindi na maganda 'yan. Samahan mo si Carlene sa kabilang kwarto."

She stucked her tongue out to me. "Matutulog lang ako dun kapag nakaalis na siya,"
tinulak niya ako para makapasok siya saka siya tumakbo sa kama para humiga. Tignan
mo 'tong babaeng 'to. Tsk. "YEY!"

"Yasmin, 'wag ka dito."

Huminto siya at tinignan ako. "Bakit ba?"

"Hindi magan--"

She cut through me. "Dahil may girlfriend ka? Magagalit siya? Alex! Wala naman siya
dito. At saka wala kang dapat na ikabahala. Bukod kasi sa alam kong wala ka
talagang girlfriend, eh isa ka pang baks. We don't have anything to worry about!
Uy, English 'yon!"

Napabuga nalang ako sa hangin at kumuha ng pampalit na damit. Tinalikuran ko siya


at bago pa man ako makapasok sa banyo ay huminto na ako. "Una, hindi ako bakla.
Pangalawa, may girlfriend ako at anim na taon na kami. Pangatlo, gusto ko,
pagkatapos kong maligo, wala ka na sa kwartong ito."

I took a quick shower with thoughts running on my mind. Nakakabwsit tuwing


pinagpipilitan ni Yasmin na bakla ako. Kahit kailan, hindi ako sinabihan ni Fatima
noon ng ganun. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya para maging ganun
ang tingin niya sa akin. Fvck! Nauubos na talaga ang pasensya ko.

I dried myself and changed into a white shirt and a comfortable shorts. I was
expecting not to see Yasmin on bed, but expectations lead to disappointment indeed.
There she was, reading a book.

"Sorry kung naoffend kita," she said as she flipped another page.

Napabuga nalang ako ulit sa hangin at dumiretso na sa sofa. Hindi ko alam kung
sinsero ba siya sa pag-apologize niya dahil wala namang kaemo-emosyon ang
pagkakasabi niya.
"Gusto ko ma-meet ang girlfriend mo, Alex. Baka nagseselos na siya sa akin sa
pagdikit-dikit ko sayo. Naikukwento mo ba ako sa kanya?"

"Oo, madalas." Through my mind, yeah.

"Kung gano'n, bakit hindi siya kasama dito sa bakasyon natin?"

"Nasa malayo siya." She's up above.

"Ahh, siguro mabait siya, ano? Kung ako ang girlfriend mo at nalaman kong may isang
magandang dilag ang laging kasama mo, panigurado mag-uusok ang ilong ko sa selos."

My lips automatically curved into a small smile. Naalala ko tuloy nang unang
nagselos sa akin si Fatima noon. JS Prom. Sa girlfriend pa ni Toffer. At dahil dun,
nangyari ang unang paghalik niya sa akin sa Multimedia room--- dahil sa selos.

"Uy, bakit ka napapangiti diyan?"

I shook my head a little as I slumped on the sofa. Tinalikuran ko siya at pumikit


na ng mga mata. Bahala na kahit basa pa ang buhok ko. Gusto ko nang magpahinga.

"Alex, kapag sinundo na ni Blue si Carlene, hayaan mo na silang umuwi sa Maynila


ha?"

I groaned aloud. "Akala ko ba gusto mo si Blue? Bakit mo siya hahayaang iuwi si


Carlene?"

"Ngayong pasko lang naman. Sa January na ako babawi. Naisip ko na kawawa si Carlene
ngayon. Broken family na nga sila, mabobrokenhearted pa kay Blue. Papalagpasin ko
muna ang Pasko!"

Hindi na ako umimik. I was drifting to sleep when I heard her voice again.

"Alex, hindi ako makatulog."

"Makinig ka ng music."

"Hindi ako mahilig sa music."

"Magbasa ka ng book. Aantukin ka na nyan maya-maya."

"Boring."

Ibang-iba talaga siya kay Fatima. Fatima loves to listen to music and was a
bookworm. Si Yasmin? Hindi ko alam kung anong interes niya.

"Ikuha mo nalang ako ng gatas."

"Ikaw na. Inaantok na ako."

"Ayoko. Natatakot ako."

"Walang multo dito."

"Natatakot ako. Langya, may nakita akong babaeng nakaputi sa veranda kagabi eh.
Ikaw na kasi!!"

Bumangon na ako at napakamot nalang sa ulo. Kung totoo man 'yung nakita niyang
babae, malamang si Fatima 'yon. Sige lang, Fatima, pagpakitaan mo pa siya. Sobrang
tigas ng ulo. Pati ulo ko naapektuhan na rin niya.

"Oo na," sabi ko.

"Thanks, Alex!"

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso na pababa sa kitchen. Buti nalang at may


Cowhead's milk sa fridge kaya hindi ko na kinailangang magtimpla pa. Kinuha ko na
'yung buong karton at isang baso para hindi na ako bumalik sa kitchen. Nang
makaakyat na ako sa ikalawang palapag, nabigla ako nang makita sa doorway si
Carlene. Humarap siya sa direksyon ko at siya naman itong nagulat.

"O, Alex."

"Saan ka pupunta?"

"Sa veranda sana sa taas. 'Di ako makatulog eh."

Dun siya pupunta? She's brave, isn't she? Wala nang ilaw ang buong kabahayan pero
ang lakas pa rin ng loob niyang magpunta dun mag-isa. "Kailangan mo ng kasama?"

"Okay lang ba?"

I smiled and shrugged my shoulders. "Hintayin mo ako. Ibibigay ko lang 'to kay
Yasmin."

Dumiretso na ako pabalik sa kwarto ko. Naabutan kong nananunuod ng TV si Yasmin.


Nagsalin ako ng gatas sa baso.

"Thanks, Alex!" Yasmin extended her hand to me and I handed her the box instead of
the glass of milk. Kumunot tuloy ang noo niya. "Ano 'to?"

"Dyan ka nalang uminom. Sasamahan ko muna si Carlene sa veranda. Goodnight."

"Ugh, Alex! 'Wag mo akong iwan dito!"

Tinalikuran ko na siya at tinungo ang pintuan. Ang angas niya pero duwag naman sa
multo. Paglabas ko ng kwarto, wala na si Carlene sa doorway. Dumiretso na pala sa
veranda. Nakita ko siyang nakasandal sa railings habang pinagmamasdan ang view mula
sa kinatatayuan namin. Wala pa ring pinagbago. Maganda pa rin.

"Gatas, o."

Carlene smiled to me as she got the glass of milk. "Thanks, Alex."

Hindi na ako kumibo. Mukhang malalim ang iniisip niya. Kinukuha ko ang pagkakataon
na titigan si Carlene. Maganda siya, maputi, medyo mapintog ang mga pisngi at
maliit ang mga labi. Ang ganda niya pang pagmasdan sa paglipad ng buhok niya dahil
sa hangin. Mukhang alam ko na kung bakit kinahuhumalingan siya ni Blue kung totoo
ngang magkarelasyon sila.

"Alex, pasensya na talaga kanina ha?"

Binawi ko ang tingin ko nang binalingan niya ako. Wrong move, sh1t. "Ah, wala
'yon."

"Si Blue kasi eh. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako sa
Tagaytay."
Bumuntong-hininga ako. Wala akong masabi. Hindi ko pwedeng sabihin na dahil yun kay
Yasmin.

"Bestfriend ko siya. Magkaibigan na kami simula pagkabata, pero nabago ang lahat sa
amin nang umamin siyang gusto niya ako."

I took a glance at her. Nakatingin siya sa harapan. Ang ganda niya talagang
pagmasdan kahit na medyo magulo ang buhok niya. Now I get the whole idea. Yasmin is
insecure of Carlene.

"... Sa totoo lang, gusto ko naman siya pero bilang kaibigan lang, bilang kapatid.
Not more than that. Kaya pala walang nanliligaw sa akin dahil sa kanya. Hinaharang
niya."

Hindi ko alam kung bakit niya kinukwento ito sa akin. Wala akong masabi kaya pinili
ko nalang na makinig.

"... Sinabi 'yon ng blocmate ko. Tinakot daw siya para matigil ang panliligaw sa
akin, tapos eventually, kumalat nalang sa mga kaibigan namin na pinamalita niyang
kami na raw. Kahit hindi naman talaga."

Darn.

"Hindi talaga kayo?"

"Hindi."

I blinked my eyes, digesting the whole picture. Sa desperation ni Yasmin, mali ang
lahat ng akala niya. Fvcksh1t.

"Bestfriends lang?"

"Oo. Kaya nga ako galit sa kanya ngayon kasi dahil sa ginawa niya. Para niya akong
tinatali sa kanya. Gusto kong makipagkaibigan sa iba pero hindi ko magawa. Siguro
sa girls, pwede. Pero sa boys, it's a big no for him. Kaya nga natuwa ako noong
naging friends tayo..."

My mouth gaped open in confusion. "Bakit?"

Ngumiti siya. Ngiting tipid. "Kasi threatened siya sayo. X10 ka. Kinakatakutan ng
lahat. Hindi ka niya malapitan para i-threat o kung ano pa man, dahil siya mismo
ang threatened sayo. Kung ibang lalaki ang makikipagkaibigan sa akin ng ganito,
tiyak na tatakutin niya, pero iba ka, Alex. Siya ang takot sayo."

Now, I feel like I've been used. Not only by Yasmin, but by her as well.

A/N: New portrayer of Yasmin Jacinto >> Jiyeon of T-ara

-11- No Malice

***11***
Now, I'm sure of it. Ginagamit lang pala ako ni Carlene. I never thought she'd use
me this way. Simula nang maging kaibigan ko siya ay mas lalo yatang nagulo ang
buhay ko. Akala ko, si Yasmin lang ang dapat kong alalahanin, pero pati siya ay
nakisabit na rin.

Am I that gullible?

"... Okay lang sana kung si Yasmin, e. Tutal ako naman ang pumasok sa buhay niya.
Might as well help her when she's in need, right? But not to the extent that we'll
harm anybody. Simula nang mapagdesisyonan kong tulungan siya ay responsibilidad ko
na siya, hindi ba, Fatima?"

I groaned aloud as my right arm landed on my forehead. Dalawang araw na akong


nababagabag sa ideyang ginagamit lang ako ng dalawang babaeng kakakilala ko lang.
At dalawang araw na rin ang nakalipas nang mag-usap kami ni Carlene. Since then,
I've always got myself away from them. Gusto kong mapag-isa.

"Fatima, tama ba talagang tinulungan ko si Yasmin? Ginawa ko lang naman 'yon dahil
nag-alala ako sa kalagayan ng taong pinagbigyan mo ng mga mata mo. Pero tama pa ba
'tong ginagawa ko? Parang mali na, e. Parang sobra na."

Nandito ako ngayon sa puntod niya. Nakahiga sa sahig sa loob ng munting bahay na
ipinatayo ko para sa kanya. Dal'wang araw na rin akong pabalik-balik dito. Kung
pwede nga lang akong matulog dito ay ginawa ko na pero hindi ko pwedeng gawin 'yon
hangga't nandito pa sina Yasmin at Carlene. Ayokong malaman nila ang lugar na ito.

"Tsk! This is frustrating," I mumbled as I got up, staring down at the gravestone.
"Pagkatapos ng bagong taon, iiwasan ko na sila. Tutulong ako kay Yasmin pero sa
financial lang. Other than, I don't wanna be involved with her."

Bigla na namang bumalik sa isip ko ang ngiti ni Carlene habang sinasabi niyang isa
akong threat kay Blue. Napailing nalang ako ng ulo. Threat? Wala akong pakielam
kung itinuturing niya akong threat. His existence doesn't matter to me at all.

"Alex? Nandito ka lang pala."

Nilingon ko ang nagsalita. Relieved, I breathed deeply when I saw Tita Janice
standing by the door. She was all smiles as usual.

"Nagbreakfast ka na ba? Ang aga mo naman dito."

"Binibisita ko lang po si Fatima."

Her face softened, her smile never vanished. "Hindi mo pa rin talaga kinakalimutan
si Fatima, 'no?"

Umiwas ako ng tingin at binalingan ang lapida ni Fatima. Hindi ko siya makalimutan
dahil mahirap... at dahil ayoko.

"Alex, why don't you move on?"

Natigilan ako. Sa anim na taong lumipas, ito ang unang pagkakataon na sinabihan ako
ni Tita Janice ng ganito. It's just so... unusual.

"Tita..."

"I mean, it's been 6 years, Alex. Alam kong sobra mong minahal ang anak ko pero
hindi mo ba naisip na kailangan mo na ring sumaya? Na kailangan mo na ring maghanap
ng... pa'no ko ba sasabihin 'to?" She stopped and then glanced at me hesitantly.
"You know, new girlfriend?"

My chest tightened at the idea of me getting a new girlfriend. Ayoko. Hindi ko


kaya. Para sa akin, si Fatima pa rin ang girlfriend ko. "Tita--"

Tila nabasa niya ang ekspresyon sa mukha ko kaya pinutol niya ang sasabihin ko.
"'Wag mong sabihing ayaw mo?" She gawked at me, surprised. "Oh, no, Alex. Don't you
dare say a word. Six years of grief is enough. I'm not telling you to forget about
my daughter dahil alam kong mahirap yun para sayo. Ang akin lang, itinuturing na
kitang sariling anak, gusto kong sumaya ka naman. "

She heaved a sigh as she flashed a casual smile to me. My mind was still blank
though.

"Fatima wouldn't be happy seeing you like this. Knowing her, she would want to see
you happy even without her."

"I'm happy," I murmured.

"But not definitely this way, Alex. Not this way." She said as she gave me a single
nod. "Anyway, let's go? Nagbe-bake si Carlene ng butter cookies for our breakfast."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang binuksan ni Tita Janice ang usaping iyon sa
akin. I mean, for the past 6 years, she has not been bringing up that topic. Hindi
ba ako mukhang masaya ngayon sa buhay ko? Ako kasi, alam ko sa sarili kong kuntento
ako sa kung ano at meron ako ngayon.

"Accckk! Ugh--!"

"Yasmin, ayos ka lang ba?"

"Aaaacccccccck!"

Papasok na ako sa kitchen nang marinig ko ang pagduwal ng kung sinuman. I just
confirmed who it was when I finally entered the kitchen. It was Yasmin and she was
being tapped by Carlene on her back.

"Yasmin, hey..."

Panay ang pagduwal niya sa sink. Napansin ko rin ang mga butter cookies na
nakaserve sa lamesa. Maski ang amoy ng kitchen ay mula sa butter cookies. It
smelled tasty though.

"Ugh!"

"Are you okay, Yasmin?" I asked when she finally stopped from puking. Lumingon
silang dalawa sa akin, at pagkatapos ay bumalik sa sink si Yasmin para magmumog.
She looked like she's gonna faint anytime. She was pale.

Kumuha ako ng tubig at inabot 'yon sa kanya. She willingly drank it in just one
gulp. "Tsk! Nasusuka pa rin ako."

"How come? Aren't you feeling well?"

Automatikong umikot ang mga mata ni Yasmin bago siya tumingin sa akin. "Pasensya
na. Hindi ko nagustuhan ang lasa ng butter cookies ni Carlene kaya naisuka ko."

"Kung ganun, magtitimpla nalang ako ng kape para sayo. Gusto mo ba ng pancakes?
Ipagluluto kita," Carlene volunteered as she ran into the kitchen counter, looking
for some stuff.

Napatingin sa akin si Yasmin at napailing nalang ng ulo. "Gusto kong kumain sa


labas."

"Ipagluluto ka naman ni Carlene eh," bulong ko.

"Ayoko. Hindi masarap. Nakakasuka," she said before she left. Narinig ko nalang ang
mga yabag ng paa niya paakyat sa kwarto namin.

Paano ko ba sila mapag-aayos ng Carlene?

"Alex..."

Nilingon ko si Carlene. She obviously looked hurt when Yasmin left. Mapagbati ko
lang silang dalawa ay lulubayin ko na ang dalawang ito. Then, I could live my life
the way it used to be. Normally though.

"Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkakaganyan sa akin," sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako napahilot sa sentido ko. "I'll work on it.
Pagpasensyahan mo muna siya."

"Sige."

Umakyat ako sa kwarto namin para kausapin si Yasmin. Hindi siya pwedeng ganito
nalang palagi. Sumosobra na siya. Para akong nag-aalaga ng bratinella. I knocked at
the door thrice before I entered the room but I didn't see her inside. Nasaan na
ang babaeng 'yon?

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si Tita Janice sa doorway. Hindi pa man


ako nagsasalita ay inunahan niya ako.

"Si Yasmin ba? Kakalabas lang. Nakasalubong ko sa labas. Sabi niya, sa labas daw
siya kakain."

Napabuga ako sa hangin. Darn that girl. "Uh, sige po, Tita. Sasamahan ko lang
siya."

I didn't wait for Tita's retort and descended the stairs quickly. Bago pa man ako
tuluyang makalabas ng pinto ay may tumawag na naman sa akin.

"Alex!"

Huminto ako at nilingon ang kung sinumang 'yon. Si Carlene. Tumakbo siya palapit sa
akin at nakangiting inabutan ako ng isang pirasong butter cookie na nakabalot na.
"Gusto ko sanang tikman mo 'yan. I don't think it tastes awful."

"Okay, thanks. Maiwan na muna kita."

I quickly stepped out of the house. Sumakay agad ako sa kotse ko at mabilis 'yong
pinaharurot. Hindi alam ni Yasmin ang lugar na ito kaya hindi siya pwedeng umalis
nang mag-isa. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko na agad siyang naglalakad sa
gilid ng kalsada. Pinabagalan ko ang pagtakbo sa kotse ko bago ko binuksan ang
pinto sa passenger's side.

"Yasmin!" Tumigil siya at nilingon ang direksyon ko. Huminto ako sa gilid niya.
"Sakay na!"
With a cranky face on, she hopped into the passenger's side as I sped the car off.
Walang umimik sa aming dalawa. Panay ang pagsulyap ko sa busangot niyang mukha
habang nagdadrive ako. Umagang-umaga pero mukhang pasan na niya ang problema ng
buong mundo.

Naalala ko bigla yung binigay sa akin na cookie ni Carlene. Kinuha ko iyon mula sa
dashboard saka ko iyon kinagatan. At isa lang ang nasabi ko, "Masarap naman ah."

"Masarap? Ha! Nakakasuka!"

Natawa nalang ako. Wala namang kasuka-suka sa lasa ng cookie na ito. Inubos ko muna
'yon bago ako nagsalita ulit. "Nakakahalata na ako, Yasmin. Hindi kaya insecure ka
lang kay Carlene?"

"G*go! Mas maganda ako sa kanya. Anong ikaka-insecure ko?"

"Nang dahil lang sa butter cookie, nagkakaganyan ka na. Hindi kita maintindihan," I
grinned.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong mas lalo siyang sumimangot. "Oo, hindi
mo talaga ako maiintindihan kaya manahimik ka nalang dyan, Alex."

"Edi ipaintindi mo sa akin."

"Bwsit! Nagugutom ako kaya 'wag mo akong bwisitin."

Napangiti nalang ako sa sarili ko. Just now, I realized that she's amusing when
she's mad.

"Anong nginingiti mo dyan??"

Pinigilan ko kaagad ang sarili ko sa pagngiti. Tinignan ko siya. Halos magsalubong


na ang dal'wang kilay niya sa inis. "Wala. Masama bang ngumiti?"

"Para kang engot. Ngumingiti kang mag-isa dyan."

Natigilan ako saglit bago umayos ng upo habang nagdadrive.

"Saan mo gustong kumain?" I said, getting back on my normal self. Mukha ba talaga
akong engot? Nah, this is not me.

Dahil sa panay ang reklamo ni Yasmin na kumukulo na raw ang tyan niya ay bumagsak
kami sa KFC sa 'di kalayuan. Siya ang nag-order para sa aming dalawa, at hindi ko
alam kung bakit kami naka-bucketmeal gayung dadalawa lang naman kaming kakain.

"Sobrang nagutom ka ba kaya marami nakabucket meal tayo?" tanong ko.

She rolled her eyes heavenwards before she spoke. "Noon, naglalaway lang ako tuwing
pinapatalastas sa T.V itong bucket meal kasama si Daniel Padilla. Kaya bumabawi
lang ako ngayon," sabi niya bago siya kumagat sa fried chicken niya. "Masarap
diba?"

"Yeah."

Napakunot noo nalang ako nang makita kong isinabaw niya yung gravy sa kanin niya.
Napansin niya yata 'yon kaya tinasaan niya ako ng kilay. "Ano? Tinitingin-tingin mo
dyan? Kain na, Alex."
"Tapos na ako."

"Ano? Ang bilis naman!"

Kinuha ko yung krushers na binili niya para sa akin saka ako uminom dun. Tinanguan
ko lang siya at pinanuod na kumain. Why didn't I notice before that she's amusing?
I mean, despite her flaws, she's got a likeable side afterall.

"Katext ko si Blue kagabi."

I got back on my senses when she spoke. Ano raw? Katext niya sino?

"Sino?"

"Si Blue." Diniinan niya pa ang pangalan ni Blue kaya naman ay napakunot noo ako.
"Sabi niya, gusto raw niyang makipag-ayos kay Carlene. Hindi raw siya uuwi hangga't
'di sila nagkakaayos."

"Anong gagawin mo?" Hindi ko alam kung anong meron kay Blue at nakikipag-usap pa
rin siya kay Yasmin. Alam naman niyang may gusto sa kanya ang tao pero
pinagpapatuloy pa rin niya. Just doesn't he think of Yasmin's welfare?

Nagkibit-balikat siya. Uminom muna siya bago siya tumingin muli sa akin. "Ewan ko
ba. Gusto ko silang magkaayos pero parang ayaw ko rin. Paano naman ako diba?"

Tinitigan ko siya. Mata sa mata. "Paano ka? Bakit sumasali ka? Silang dalawa lang
ang may problema. Hayaan mo sila."

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Napaatras tuloy ako. "Sinasabi mo bang umeeksena
ako sa kanilang dalawa? Well, tsong, pakyu. Wala kang pake."

Crap! Here goes her cursing habit again.

"What I'm trying to say is don't meddle with them. Hayaan mo muna sila. Kung
magkakaayos sila, edi ayos. Kung hindi, edi hindi."

Ngumuso siya. Katulad nang ginagawa noon ni Fatima tuwing natatalo siya sa mga
argumento namin. Tuwing nalulungkot siya. Tuwing nag-aalala siya. Tuwing...

"Takte naman, Alex. Walang basagan ng trip." Dumampot siya ulit ng fried chicken
bago siya kumagat ng malaki dito. With food in her mouth, she said, "Basta! Alam
kong gusto niya rin ako. Yun ang nararamdaman ko."

Mas matigas pa ang ulo niya kesa sa mga kaibigan ko. Buti pa ang X9, tuwing
pinagsasabihan ko sila, nakikinig sila sa akin kahit papa'no. Eh siya? Tss.

"At paano mo naman nasabi na may gusto siya sayo?"

Tinaas niya ang kamay niya sa akin bago siya uminom sa krusher niya. "Mabait siya
sa akin. First day ko pa lang sa E.H.U, siya yung una kong naging tropa. Nililibre
niya ako at sinasamahan kahit saan. Siya pa nga ang gumagawa ng assignments ko
kapag naboboplaks ako. Hinahatid-sundo pa niya ako. Katext ko siya gabi-gabi.
Hmm... Ano pa ba?" She paused to think for more. "Pinagluluto niya pa ako ng
pagkain. Ngayon sabihin mo sa akin kung wala siyang gusto sa akin?"

I stared at her for a little while before I looked away. That's strange. Bakit 'yon
ginagawa ni Blue kung wala siyang gusto kay Yasmin? Unless...

"Baka tinuturing ka niyang matalik na kaibigan? Don't put a color on it, Yas."
"May gusto siya sa akin!"

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. Napapalakas na kasi ang boses niya. Tsk.
Nakakahiya talaga siyang kasama minsan.

"Come closer," I whispered before I leaned forward a bit. Humilig naman siya ng
bahagya nang nakasimangot pa rin. "Yasmin, kung minsan talaga, binibigyan natin ng
malisya ang mga ginagawa ng taong gusto natin."

"T*nga," she hissed harshly before she moved away. "Hindi ako manhid. Ramdam ko
'yon, Alex."

"Si Bruno ba, kapag nagmamagandang-loob siya sayo, napaisip ka ba kahit isang beses
na may gusto siya sayo?" I asked again, controlling myself not to chuckle.

Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata bago siya tumawa ng sarkastiko. "Ha-ha-ha!
Nakakatawa."

"Hindi diba?"

"No way! Over my dead body."

I laughed a bit as I sipped on my krusher. "See? Wala lang sayo yung kay Bruno.
Ibig sabihin, binibigyan mo lang ng malisya ang mga ginawa ni Blue dahil may gusto
ka sa kanya."

Umiling-iling siya. Defeat reflected her face. Pikon-talo. "Hindi mo kasi


maintindihan, e."

This girl is unbelievable. Nalalason ang utak sa ideyang may gusto sa kanya si Blue
pero ang totoo ay wala naman dahil kay Carlene siya may gusto. Paano ko ba maaalis
sa isip niya iyon?

"Yasmin..."

"Alam mo, tara na. Uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo nina Tita Janice," she said
before she got up to her feet.

Mabilis naman akong tumayo para pigilan siya sa braso. "Yas, last question."

I know this question is very trivial but if it's the only thing that could wake her
up, then so be it.

"Yas... Yas ka pa dyan. Pauso ka."

I breathed deeply, hesitant to ask her this.

"Eh ako? Hindi mo ba binibigyan ng malisya ang mga ginagawa ko sayo?"

I felt her froze to the floor. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya.
Umiwas siya ng tingin mula sa akin. Now she's acting so odd.

"Ano bang k...klaseng tanong 'yan?"

"Just answer me. Ang dami ko nang itinulong sayo, pero kahit ba minsan 'di ka
nagbigay ng malisya sa mga pinaggagagawa ko?"

I noticed her breath out, before she got herself off my grasp. Tumingin siya sa
akin saka niya ako pinagtaasan ng isang kilay. "Spell asa?"

I laughed. "See? Hindi mo ako gusto kaya walang malisya. You only put colors on
whatever Blue has done to you because you like him." I tapped her cheek before I
smiled. "Tara na?"

Yasmin didn't talk on our way back to Eugenio's residence which is weird. Alam kong
may mali dahil hindi normal na hindi siya nagsasalita. Sa pagkakakilala ko sa
kanya, ayaw niya sa katahimikan.

"Yasmin, is there something wrong?"

"Wala."

Malapit na kami sa subdivision pero nahuli pa kami sa traffic. Darn.


Magtatanghalian na. I waited for her to talk but she never did. Now, I'm starting
to worry about her.

"Okay, I'm sorry if I offended you." Siguro dahil ito sa pinagpipilitan kong hindi
siya gusto ni Blue. "Pero..."

"Oo na."

"Pero alam mo---"

"Oo na nga, Alex!"

"Anong oo na?" I asked confused. Ayan na naman ang pag-irap niya sa akin. Sh1t.
Medyo nakakainis na. "Hey, ano bang ginawa ko at nagagalit ka na naman dyan?"

"Wala!"

Darn that moodswings.

"Fine," I mumbled and stared infront of us. Bumper to bumper ang traffic. Parang sa
Maynila. "But you know what Yasmin, stop assuming sh1ts."

I think she needs to know about it anyway...

"Carlene and Blue aren't together. Kaya tama na ang pagmumukmok. Wala silang
relasyon."

"ANO?"

The vehicles started moving so I started mine too. Mabilis kaming nakarating sa
loob ng subdivision. Yasmin got back on herself again because she's forcing me to
explain everything.

"ANO NA, ALEX?!"

"Wala nga silang relasyon." I plainly explained. "Carlene told me about it. Si Blue
lang ang nagpapakalat na sila raw pero ang totoo ay hindi naman. Now, happy?"

Natahimik siya kaya sinulyapan ko siya sa rear-view mirror. She was smiling like an
id1ot for heaven's sake.

"Ngayon, sino ang mukhang engot? Ngingiti-ngiti ka mag-isa dyan," I teased.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya pero mabilis ding napawi iyon. "Baka talksh1t
lang yan ha?"

"Tss."

"Totoo?"

"Oo nga at wala raw siyang gusto kay Blue."

"AAAAAAAAHH!" sigaw niya. Para siyang batang nagtatatalon-talon sa passenger's


seat. Napapailing nalang tuloy ako ng ulo nang makapasok na ng tuluyan ang kotse sa
garahe.

"Shet, 'kala ko kung ano na!" sigaw niya at mabilis na lumabas ng kotse para
tumakbo papasok sa bahay. Anong nangyari dun?

I followed her suit and got surprised when I saw her instantly beside Carlene on
the couch of the receiving area. She was fancied speaking to her like some kind of
a kid. Hindi ko siya maintindihan.

"Carlene, sana sumama ka sa amin kanina."

"Huh-- ah eh..."

"Sorry pala kanina ha? Hindi lang talaga ako kumakain ng butter cookie."

"O...okay lang."

I got more confused when I saw bags on the doorstep. Teka, anong nangyayari?

"Carlene, kanino ang mga bag na 'yan?" tanong ko.

Napatingin din doon si Yasmin at nabigla sa nakita niya. "Aalis ka na, Carlene?"

"Uh--"

"'Wag muna. Dito ka nalang magpasko. Sabay-sabay nalang tayong umuwi."

What the fvck?

Just then, I heard some footsteps descending the stairs. Pagtingin ko roon ay
nakita ko sina Tito Larry at Tita Janice na pababa ng hagdanan. Nakabihis ng
kaswal. Saan sila pupunta?

"Alex," Tita Janice called as she approached me. "Sorry but we have to leave for
Christmas. Urgent lang. Pinapapunta kasi kami sa Cebu ng in laws ko. Okay lang ba
na iwanan namin sayo ang bahay?"

Hindi ko alam pero bigla akong nadismaya. Pero mukhang importanteng lakad nga ito
kaya tumango nalang ako.

"Ayos lang po, Tita."

"Salamat, Alex. Babalik kami sa Huwebes." Thursday? That is 4 days away. "Contact
me if you need something, okay?"

I sighed as I nodded again. "Sure."

***
Sabi nina Tita Janice at Tito Larry kanina ay darating daw sina Yaya Ana at Kuya
Jun para samahan kami dito sa bahay. Ewan ko ba pero naging gloomy sa paningin ko
ang buong bahay simula nang umalis kanina sina Tita.

Nakahiga ako ngayon sa kama sa loob ng kwarto ni Fatima. Wala pa ring pinagbago ang
ayos nito kahit ilang buwan na akong hindi nakakabisita dito. All is pink.
Napangiti nalang ako nang mapadako ang tingin ko sa gitarang customized na
nakasabit sa dingding. Kulay pink at ang isa naman ay itim.

Naalala ko tuloy noong araw na malaman kong marunong pa lang maggitara si Fatima.

Tonight I'm falling and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And everynight I miss you

I can't just look up

And know the stars are holding you

Holding you tonight

"Uy, Alex! Pangit ba?"

"May hidden talent ka pala? Ang ganda ng boses mo, Ma'am."

"Nakakainis ka! Pampalubag loob lang yan eh."

"Totoo nga. Ang ganda nga ng boses mo."

"Hindi kaya! Ang pangit nga eh~ Boses palaka ako."

"I said you've got a sweet voice."

"Hindi! Boses palaka talaga ako. Ayaw mo lang ako maoffend, sir."

"Osya, pangit na ang boses mo. Boses palaka ka na!"

"Hihihi.... Thank you..."

I can't help but to chuckle everytime I tend to reminisce the memories we've shared
together. Wala talagang makakapantay o makakahigit sayo, Fatima. For me, you are
the best thing I've ever had.

For some reason, I glanced at the wall clock. Nabigla ako nang makitang ala-sais na
ng hapon. Napatagal pala ang pagtambay ko sa kwarto ni Fatima. Lumabas na ako at
siniguradong ni-lock ang kwarto. Pababa na sana ako sa sala nang makitang may clip
sa sahig ng hagdanan pataas sa third floor. Napatingin ako sa itaas noon bago ko
kinuha ang clip. Sigurado akong hindi kay Yasmin 'to dahil hindi naman iyon
naglalagay ng ganito sa buhok.

Marahil nasa veranda na naman si Carlene kaya pumanhik ako para puntahan siya. At
tama nga ako. Nakahilig na naman siya sa railings habang nakatingin sa malayo.
Pinagmamasdan niya ang kulay kahel na mga ulap.

"Favorite spot mo 'to?" I asked, catching her attention.

Lumingon siya at napangiti nang makita ako. "Alex, saan ka galing?"


"Dyan lang," I shrugged as I stepped on her side. Pilit kong inaalis sa isip ko na
ginagamit niya lang ako. Just for now, I don't wanna think about it. Pagkatapos
naman ng bakasyon ito ay iiwasan ko na sila. It's just a good thing Yasmin and her
are now good, aren't they?

"Kamusta kayo ni Yasmin?"

Ngumiti siya at bahagyang natawa. "I don't know what you told her but thanks to
you, we're now good."

"Cool."

Sabay naming pinanuod ang paglubog ng araw at nang sumibol na ang dilim, kasabay
nito ang pagdating ng isang itim na kotse mula sa ibaba. Nakita namin ang paglabas
ni Yasmin at magiliw na sinalubong ang kung sinumang may lulan ng kotseng iyon.

Bumukas ang pinto nito, at kagaya ng reaksyon namin noong makita siya noong isang
gabi, ganun din ang bumakas sa mukha namin ni Carlene.

"Si Yasmin ba ang nagsabi sa kanya na nandito ako, Alex?" tanong ni Carlene sa akin
at wala na akong nagawa kundi ang tumango bilang pagsagot.

Lagot ka sa akin mamaya, Yasmin. You sneaky brat. Tsk.

A/N: Si Blue po yung nasa pic.

-12- Claiming What's Not Hers

***12***

"Ano na naman ba ang pumasok sa isip mo at pinapunta mo dito si Blue, Yasmin?"

Uminit ang ulo ko sa ginawa niya. Una, dahil akala ko ay okay na silang dalawa ni
Carlene--- na wala na siyang gagawin na ikakasama ng loob nito. Pangalawa, dahil
hindi man lang niya ako sinabihan na iimbitahin niya ang lalaking yan gayung hindi
naman namin ito sarili bahay. Nakakahiya sa may-ari. At pangatlo, naiinis ako sa
presensya ng lalaking iyon dahil inaabuso niya ang pagkagusto sa kanya ni Yasmin
para lang makuha ang gusto niya.

Guess I have to control myself not to tell him to grow up his own balls. Dammit.

"Problema mo ba? Ako na nga itong nagmamaganda--- este, nagmamagandang loob tapos
papagalitan mo pa ako? At aray ha! Ang sakit ng hila mo sa akin."

Hinila ko kaagad si Yasmin dito sa kitchen noong pagkapatuloy na pagkapatuloy niya


kay Blue sa living room. I didn't give a darn even Carlene was left with him there.
Basta ang unang pumasok sa isip ko ay kausapin ang may pasimuno nito.

"Yasmin--"

"Ano? Oo na. Kasalanan ko na, 'tol. For the sake of Christmas, nagiging mabuting
kaibigan lang ako kay Carlene. Masyado akong naging hard sa kanya kaya naisip kong
pagbatiin nalang sila. Okay na ba 'yung paliwanag ko?"

Umiwas ako ng tingin at napailing nalang sa inis. Inis dahil hindi ko talaga kayang
masabayan ang takbo ng utak niya. Akala ko ba matalino siya pero bakit baluktot
yata ang mga plano niya?

I pulled a chair for myself and sat on it. "Ewan ko sa'yo. 'Wag mo nang uulitin
ito."

Umupo rin siya sa tabi ko at nangalumbaba rin. "Aba, hindi na talaga. Once na
nagkabati na sila, after Christmas, i-pupush ko na ulit yung agenda ko."

Tinignan ko siya nang nagtataka. "Agenda?"

"Oo, agenda ko."

"At ano 'yon?"

Ngumisi siya--- isang ngising alam mong may binabalak na naman siyang baluktot na
plano. "Kailangan kong magpaka-goodshot kina Blue at Carlene. Para naman tulungan
ako ni Carlene kay Blue, at para naman magustuhan din ako ni Blue. Oh, diba?"

I mentally frowned at her idea. Ano ba talaga ang nagustuhan niya kay Blue at
nagkandabaliw-baliw na siya sa lalaking 'yon?

"Ano, ayos diba? Naisip ko kasi na kailangan dapat na 'one step at a time' lang.
Kumbaga, 'slowly but surely'." She said it with her dreamy eyes.

Napa-'tsk' nalang ako't napailing ng ulo. Habang abala siya sa pag-iisip kung pa'no
niya mapapaibig si Blue, ako naman 'tong nag-iisip kung pa'no siya magigising sa
kahibangan niya.

"Tara na nga! Puntahan na natin ang dalawa sa labas," yaya niya pero mabilis ko
siyang pinigilan sa balikat. "Oh, bakit?"

"Let them talk. Sabi mo, gusto mo silang magkaayos. Edi hayaan muna natin silang
dalawa roon." Tumayo ako at pumunta sa kitchen counter. Nararamdaman ko ang
pagsunod ng tingin niya sa akin. "Dito muna tayo. May dinner na ba?"

"Wala pa. Magluluto ka?"

"Hindi ako marunong magluto."

I heard her soft chuckle that made me look back at her. Tumayo siya at tinabihan
ako sa kitchen counter. "'Di ka pa pwedeng mag-asawa. Hindi ka marunong magluto e."

""Yon ba ang batayan sa pag-aasawa?" tanong ko.

Umiling naman siya at medyo natawa pa. "Hindi, pero 'yon ang unang dapat mong
matutunan. Nga pala, hindi na natin kailangang magluto. Dadalhan daw tayo nina Yaya
Ana mamaya ng pagkain."

Si Yaya Ana... Siya ang Yaya ni Fatima noon, at hanggang ngayon ay naninilbihan pa
rin sa pamilya nila kasama si Mang June, ang driver ko noon. They've been married
for years and I bet Fatima is happy seeing them ended up together.

"Na-meet mo na sila?"
"Oo, kanina. Wala ka kasi e, kaya ako na 'yung kumausap sa kanila. Saan ka nga ba
galing?"

Ngumiti nalang ako at nagkibit-balikat. Ayokong sabihin na galing ako sa isa sa mga
kwarto ng bahay na ito. Ayokong ma-curious pa siya roon.

Sumandal nalang ako sa kitchen counter at nagkrus ng mga braso. Walang magawa.
Nakakainip na tuloy.

"Christmas na pala bukas," bigla nalang lumabas sa bibig ko. Hindi ko namamalayan
ang takbo ng araw. Ilang buwan nalang pala at gagraduate na ako... sana.

"Ay, oo nga pala! Anak ng tupa, wala pa akong regalo."

Tinignan ko siya. Halata ang pagkataranta sa mukha niya. "Regalo? Sinong


reregaluhan mo?"

"Ikaw. Ikaw lang naman ang kaibigan ko."

Natigilan ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako natigilan sa sinabi niyang 'yon.
Wala namang kakaiba sa mga salita niya pero bigla ko nalang naramdaman ang
paninikip ng suot kong shirt. Napaayos tuloy ako ng tindig at hinila ng bahagya ang
shirt ko para lumuwag.

"'Wag ka nang mag-abala pa."

"G*go, ang laki ko na ngang abala sa'yo tapos simpleng regalo lang mula sa akin
pero iniisip mo nang abala 'yon?"

"Hindi naman sa gan'on pero--"

"Ano bang gusto mong regalo?"

"Sabi ko naman sayo, huwag--"

"Ano nga kasi?"

I sighed out of exasperation. Hindi naman ako mahilig sa mga regalo kaya wala akong
maisagot. "'Wag na talaga. Ayos lang ako. Salamat nalang."

"Ay, hindi pwede 'yan. Kailangan may regalo ako sa'yo. Ano nga bang pwede? Hmmm..."
She pinched her chin and thought deeply. "Ang hirap magregalo sa mayamang katulad
mo. Na sayo na kasi ang lahat ng gusto mo."

"Don't bother giving me gifts. Ayos lang talaga ako."

"Gifts!? Ha!" Natawa siya nang mapakla. No, correction. She burst out laughing with
full of sarcasm. Napakunot tuloy ang noo ko. "Gift lang! Maka-plural ka naman.
Singular lang, 'tol. Worth P500 lang dapat."

I shook my head a little and laughed along with her. Nakakadala ang tawa niya.
Mukhang t*nga pero nakakatuwa talaga siya. She's amusing, really.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin at huminto
na siya sa pagtawa. That scrutinizing look... It made me feel conscious instantly
so I had to stop abruptly.

"What's with the look?"


Umiling siya at ngumiti ng tipid. Tinalikuran niya ako at kumuha ng tubig para
uminom. I find it strange of her. Bigla nalang kasi siyang nanahimik.

"Yasmin, ayos ka lang?"

Nilapag niya ang baso ng tubig sa counter at tinignan ako. "Sira. Ayos lang ako.
Teka, ang labo. Ikaw ang sira--" tinuro naman niya ang sarili niya-- "at ako ang
ayos."

I can't help but to smile at her. Her sillyness can sometimes be infuriating yet at
the same time astonishing.

"Sayang ka." I murmured at her.

"Sayang? Anong sayang?"

"Maganda ka naman pero nagpapakat*nga ka sa maling lalaki," I told her honestly


that made her eyes narrow. "I mean, come on, Yasmin. You possess amusing attitude.
You're tough, you're cute. Kakaiba ka. Maraming lalaki dyan na magugustuhan ka,
hindi 'yung ginag*go ka."

Her cheeks beet red, and when our eyes met, she blushed even more and then looked
away. "Ano bang ibig mong sabihin? Ginag*go?" tanong niya.

"Oo," I firmly said. "'Find it out yourself. Basta, 'wag mong sasayangin ang sarili
mo. Marami pang iba dyan. Kung gusto mo tutulungan pa kita pero hindi sa lalaking
yan."

Tinignan ko siya sa mga mata. Hindi ko alam kung sadyang matangkad lang ako o
talagang maliit lang siya, pero kinailangan niya pang mag-angat ng tingin sa
akin... and that's how I find her cute.

Lalo na ang mga mata niya.

"Ang ganda talaga ng mga mata mo."

Her eyes blinked twice and then she moved away from me. Tumawa siya pero alam kong
pilit lang 'yon. "Aba, syempre naman of course! M-mana ako sa mata ng Nanay kong
maganda rin katulad ko. 'Ge, maiwan na muna kita dyan," sabi niya bago siya lumabas
ng kitchen.

I just stared at the door while my heart flared up. No, you can't lie to me,
Yasmin. You don't own those eyes...

***

Nasira ang gabi ko sa pagsisinungaling sa akin ni Yasmin. Medyo naging sensitibo


lang ako tungkol doon dahil alam ko at alam niyang hindi siya ang tunay na
nagmamay-ari ng mga matang iyon kundi si Fatima lang. At dahil dun, naisipan kong
matulog nalang sa kwarto ni Fatima. Hinayaan kong gamitin muna ni Blue ang kwarto
ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naabutan ko si Yaya Ana na nagluluto na ng


almusal namin. Sila Yasmin, Carlene at Blue ay mukhang tulog pa. Mabuti na rin
'yon. Wala pa ako sa mood para harapin si Yasmin.

"Dun na kami nakatira sa kabilang bahay. Nabili na kasi namin 'yon nung nakaraang
buwan, kaya kung may kailangan kayo ng mga kaibigan mo, puntahan mo lang ako roon
ha?"
"Thanks, 'Ya."

Pinatay niya ang kalan saka niya ako hinarap. Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan
ako. "Kamusta na, Alex? Kamusta na ang boyfriend ng paborito kong alaga?"

Automatikong napangiti ako sa sinabi niya. She treats Fatima like she's still alive
just like I do. Kaya nga magkasundo kami ni Yaya Ana. "Ayos naman po, 'Ya. Ikaw?
Kayo ni Mang June?"

"Ayos din," sagot niya at medyo hininaan ang boses niya. "Alam mo ba, muntik na
akong mapaiyak nang makita ko si Yasmin? Gusto ko siyang yakapin kahapon pero
pinigilan ko lang ang sarili ko. Pakiramdam ko, si Fatima ang nakatingin sa akin
noong kaharap ko siya."

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko sa sinabi niyang yun. It actually sent a
warmth in my heart but on second thought, I felt fvcked up when I remembered what
she told me last night.

"Ah, 'Ya," tumayo na ako dahil nag-iba na ang timpla ng mood ko. "Maiwan na muna
kita dito. Maglalakad-lakad muna ako sa labas."

Wala naman akong ibang mapupuntahan kundi ang munting bahay ni Fatima. Wala akong
magawa. Nilinisan ko lang ang paligid ng puntod niya. Sa nakalipas na anim na taon,
ganito lang ang ginagawa ko-- ang dalawin siya dito. Kaso bihira ko nalang 'yon
gawin simula nang tulungan ko si Yasmin. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatagal
talaga ako ng ilang oras dito sa kabila ng nakakabinging katahimikan dito. Ni hindi
ko na nga namalayan na nakatulog na naman ako at nagising nalang nang marinig ko
ang pagtunog ng phone ko.

Nagmulat ako ng mga mata at sinagot ang tawag nang 'di na tinitignan ang screen.
Nanlalabo pa ang mga mata ko kaya naman pinikit ko ulit ang mga ito.

"Hello?"

["Pakshet ka, Alex. Kanina pa kita hinahanap. Nasaan ka na ba?"]

Bumuga ako sa hangin. Boses ni Yasmin. Nag-init na naman tuloy ang ulo ko. "Bakit?"

["Anong bakit? Paggising ko kaninang umaga, wala ka. Hanggang sa nagtanghalian,


wala ka. Nagmiryenda na nga lang kami't iniwanan na ako nila Carlene at Blue pero
wala ka pa rin. Aba, nasaang lupalop ka ba ng Tagaytay ngayon? Mag-isa lang ako
ngayon sa bahay!"]

I groaned in irritation as I opened my eyes slowly. Nakatitig lang ako sa kisame.


Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang kulay kahel na mga ulap. Palubog na pala ang
araw. Napasarap na naman ang pamamalagi ko dito. Nalipasan na ako ng gutom.

["Alex?"]

"Uuwi ako mamaya."

["Ayos ka lang ba? Ba't ang tamlay ng boses mo? Nasaan ka ba?"]

"Basta mamaya na ako uuwi. Bye."

I hung up and shut the phone off. Hindi ako mapalagay. Naiinis ako sa isinagot niya
sa akin kagabi. Hindi niya dapat inaangkin ang mga mata ni Fatima. She just can't.
Muli na naman tumunog ang cellphone ko. Si Yasmin na naman ang tumatawag. Hinayaan
ko 'yon hanggang sa tumigil.

Missed call: Yasmin

Matagal akong nakatitig sa phone ko, particularly sa picture ni Fatima. Napokus ako
sa mga mata niya. Ang mga matang 'yon na pumukaw sa akin ilang taon nang
nakakalipas. I closed my eyes and let myself reminisce those memories with her, but
I suddenly opened my eyes in aghast when a different face registered in my mind.

"Sh1t."

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Bumangon ako at idinikit ang palad ko sa kaliwang
dibdib ko. Fvck this!

I snapped back from my deep thoughts as my phone sounded again. This time, it was
an SMS. Hindi ko napansin na may 11 unread messages na pala ako at puro iyon galing
kay Yasmin. Binasa ko ang huling SMS.

From: Yasmin

Bwsit ka. Natatakot na ako dito. Mag-isa lang ako.

A sudden rush of worry pulled me to stand and leave. Mabilis kong tinungo ang bahay
at dumaan sa back door. Wala siya sa living room kaya nagpunta ako sa kitchen,
maging sa 2nd floor at corridor. I cursed repeatedly under my breath as I descended
in the stairs and went out of the front door. I stopped when I finally saw her
sitting on the outdoor stair, as if waiting for someone to arrive.

Nanikip lalo ang dibdib ko nang marinig ko siyang humihikbi.

I breathed out as I calmed myself. Umupo ako sa tabi niya, at gaya ng inaasahan ko
ay nabigla siya.

"Leche ka!" Hinampas niya ako sa braso nang paulit-ulit. "Bakit ka ba biglang
nawala?"

I stopped her hands from hitting me, and wiped her tears with my free hand. Gaya ng
dati, kahinaan ko ang mga mata ni Fatima.

... at hanggang ngayon, nananatili pa ring kahinaan ko ang mga matang iyon.

"G*go ka talaga! Mag-isa lang ako dito oh! Walang ilaw sa taas. Hindi ko naman
mabuksan kasi natatakot---"

Napatigil siya sa pagsasalita nang sapuin ko ang mukha niya. Namilog ang mata niya
habang nakatitig sa akin. Ang mga matang 'yon...

I just miss my girlfriend so much and I don't give a fvck now even she's claiming
them as her own. The important is I'm able to see them again.

"Alex, a...no ba?!"

Ngumiti ako sa kanya, at pinunasan ang natitirang luha sa mga mata niya. "Sorry na.
Hindi na kita papaiyakin."
Namula ang mga pisngi niya at pagkatapos no'n ay tinulak niya ako sa dibdib bago
tumayo. "Ang drama mo ha! Natakot lang naman ako sa dilim e. Peste ka kasi."

"Saan mo gustong pumunta? Babawi ako."

She looked back at me in astonishment. "Bisperas na kaya ng Pasko."

"So? Bakit sina Carlene at Blue umalis? Tayo hindi?"

She made faces before she glanced at me again. "Sky Ranch?"

"Sure."

I sighed in relief. I realized that instant that I was just confused... and that I
just miss my girlfriend so much. So, you better pull yourself, man. Si Fatima lang.

It was Christmas Eve yet the place was still crowded. Gaya ng sabi ko kay Yasmin ay
bumawi ako sa kanya. I treated her to the Sky Ranch and gave her what she wanted.
Rides, souvenirs, food and everything. Yasmin seemed exhausted after our 8th ride
so we decided to rest for awhile and have something to drink.

"Grabe, napaos yata ako do'n!" sigaw niya habang umiinom ng tubig.

Hindi nalang ako kumibo at pinagmasdan nalang ang mga taong dumadaan sa harap
namin. Naramdaman ko ang titig sa akin ni Yasmin kaya nilingon ko siya.

"Alex..."

I gave her a 'what?' look and she gave me shrug in return.

"Saan ka ba nagpunta kanina?"

"Dyan-dyan lang," sagot ko nalang.

"Saan 'yon?"

I sighed and faked a smile. "Basta, dyan-dyan lang."

"Tss," she rolled her eyes upwards. "Alam mo, para sa akin matalik na tayong
magkaibigan kaya dapat 'di ka nagsisikreto sa akin. Mapagkakatiwalaan naman ako e.
Peksman, hindi ko ipagkakalat."

"I'm fine. Namiss ko lang ang girlfriend ko."

Her lips formed into a small smile as she bit the straw of her drink. "Mahal na
mahal mo nga talaga ang girlfriend mo no'?"

"Sobra."

"Siguro mabait siya? Siguro maganda rin. Sexy? Matalino?"

Natawa nalang ako nang automatikong pumasok nga sa isip ko ang itsura ni Fatima.
"Yes, she's nice and kind. She's sweet, optimistic and smart. She's cute when she
pouts. Matalino siya... Sexy? I don't mind about that. Basta mahal ko siya."

Inilapag niya ang iniinom niya sa mesa bago siya tumayo. Huminga muna siya ng
malalim saka niya ako tinignan. "Tara, simba tayo? May nakita akong church sa
malapit," sabi niya bago niya ako iniwan.
I am not a religious type. You won't see me either reading a bible or pray the
rosary. I admit that. Pero gaya nga ng natutunan ko kay Fatima, walang pinipiling
lugar ang pagdadasal. I pray whenever and wherever. And it's kinda new to me
attending a mass during the Christmas Eve.

Kitang-kita ko sa mukha ni Yasmin ang pagiging seryoso sa pagdarasal. And here goes
this strange feeling inside of me when our eyes met...

"Peace be with you. Merry Christmas," sabi niya.

Tumango naman ako. "Merry Christmas din."

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakipagpalitan ng 'Peace be with you' sa ibang


tao hanggang sa may mahagip ang paningin ko na dalawang tao.

They stared at each other before they murmured their peace messages and hugged each
other.

Sina Blue at Carlene...

Napansin kong nabitawan ni Yasmin ang panyo niya. Pinulot ko iyon at bago ko pa man
'yon maiabot sa kanya ay lumabas na siya ng simbahan. Sinundan ko siya sa may
stoned bench, nakatulala sa kawalan.

"Yasmin," I called as I sat next to her. Hindi siya kumibo. Ni hindi rin siya
kumilos. I shrugged my shoulders and decided to buy her something to eat.
Pagkabalik ko, wala na siya sa stoned beach. Naalarma ako, pero kumalma ako nang
makita siyang nakahiga sa damuhan sa 'di kalayuan. Nilapitan ko siya at inabutan ng
binili kong bibingka.

"Ikain nalang natin 'yan," sabi ko.

Bumangon siya at pilit na tumawa. Alam kong pilit 'yon dahil hindi ko makita sa mga
mata niya ang tuwa. "Alam mo, Alex, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Well..."

She grabbed the rice ckae and took a big bite on it before I saw a tear fell from
her eye. I could also feel something break inside my chest upon seeing it.

"Yasmin, ayokong nakikitang umiiyak ang mga matang 'yan." Inangat ko ang mukha niya
at pinunasan ang mga luha mula sa mga mata niya. "Gusto ko, puro kasiyahan lang ang
makikita ko sa mga matang ito. Sabihin mo sa akin kung sinong magpapaiyak sayo, ako
ang bahala."

I don't mind going along with her madness. The important is her happiness. Consider
it done. Merry Christmas, Yasmin.

-13- New Year


***13*** NEW YEAR

Days went by so fast. So fast that I didn't notice that today's December 31. New
year's eve na pero ewan ko ba at tinatamad akong bumangon sa kama. Pakiramdam ko,
ang bigat ng katawan ko. Sinubukan kong bumaling pero umikot bigla ang paningin ko.

"Dammit," daing ko at napahawak sa sentido ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang
binibiyak.

Wala naman akong hangover o kung ano pa man. Wala naman kaming ginawa dito sa bahay
kundi ang maglinis, magdilig ng mga halaman sa garden o kung minsan ay namamasyal.
Walang magawa e. Lalo na't na-extend pa ang out-of-town vacation nina Tita Janice
at Tito Larry. Dapat nga ay uuwi na kami ni Yasmin noong isang araw, pero dahil
hindi namin maiwanan ang bahay nang wala ang mga may-ari nito ay nanatili nalang
kami dito.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Sh1t talaga. Sobrang
sakit. Nag-iinit pa ang sulok ng mga mata ko. Parang nag-aapoy. Sobrang hapdi kaya
ang hirap magmulat.

"Alex!! Kakain na raw sabi ni Yaya Ana!"

Narinig ko ang sigaw ni Yasmin. Hindi man klaro pero alam kong nasa ibaba siya.
Pinilit kong buksan ang mga mata ko para tumingin sa oras at napasinghap ako nang
makitang 9AM na.

Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang katawan ko. Bakit ba kasi ngayon pa sumama
ang pakiramdam ko?

I went out of my room and headed downstairs. Dahan-dahan lang ako sa pagbaba dahil
umiikot talaga ang paningin ko. I sat down and buried my face when I reached the
last step. Fvck, my head's throbbing in pain.

"Hoy, Alex! Anyare sayo dyan?" boses ni Yasmin.

"Wala."

"Anong wala?"

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Her stare made me feel conscious
instantly, so I l perked up to meet her gaze. "Sumasakit lang ang ulo ko."

"Ang duwag mo naman. Masakit lang ang ulo mo pero umiiyak ka na dyan," ngumisi
siya.

What the hell did she just say?

"Hindi ako umiiyak."

"Namumula ang mga mata mo. Loko."

"Tss," umiwas ako ng tingin sabay huminga nang malalim. "Medyo masama lang ang
pakiramdam ko."

"Patingin nga!" Ilalapat niya sana ang palad niya sa leeg ko pero mabilis akong
tumayo. Muntikan na nga akong matumba dahil nahihilo pa ako pero mabuti nalang ay
napasandal ako sa hagdanan. "Ay, ang arte! Titignan lang eh."

"Ayos nga lang ako."

"Sus. Labnat lang yan e. Namimiss mo na siguro ang girlfriend mo." She grinned and
got up to her feet. "Tara na nga. Kumain na tayo. Luluwas pa tayo ng Maynila diba?"
She stopped and by the look of her, she seemed to realize something. "--- pero kung
hindi mo kayang bumyahe, siguro ang mabuti pa dito nalang tayo magcelebrate ng
bagong taon."

"Hindi. Ayos lang ako."

Hindi naman talaga ako maayos. Katunayan, sobrang sakit talaga ng ulo ko. Buti na
nga lang at nakainom ako ng gamot kanina kaya medyo nababawasan na ang pagkirot ng
sentido ko habang bumabyahe kami paluwas ng Maynila.

"Hindi ba talaga magagalit sina Tita Janice na umalis tayo nang 'di sila
dumadating?" tanong niya no'ng maipit kami sa traffic. Kaunti nalang at malapit na
kami sa dating bahay niya.

"Okay lang 'yon. Siya na rin naman ang nagsabi na next week pa sila uuwi. Hindi
naman pwedeng magstay tayo do'n hanggang next week. May pasok na tayo sa January 3
eh."

"Nagpaalam ka ba ng maayos?"

"Oo, tumawag ako kanina sa kanya."

Nauna nang lumuwas ng Maynila sina Blue at Carlene kinabukasan ng Pasko. Sabi ni
Blue, hinahanap na raw kasi ng parents ni Carlene ang huli. Well, it's not my
business anymore. If they want to go, then go. Mabuti na rin 'yon at medyo
tumahimik na ang buhay ko nang umalis sila.

"Dyan mo nalang i-park sa gilid! Dyan... Okay! Naks! It's nice to be back!"
energetic na sambit ni Yasmin nang makarating na kami sa dati niyang lugar. Ni
hindi niya na ako nahintay at agad na siyang lumabas ng kotse.

Napailing nalang ako habang pinapanuod siyang nakikipag-apiran sa mga batang


sumasalubong sa kanya.

Palabas na sana ako ng kotse nang tumunog ang cellphone ko. Si Arthur ang
tumatawag.

"Hello?"

["Hey, dude. Nasa Maynila ka na ba?"]

"Yeah, good timing."

["Good then, sa bahay nalang daw tayo ni Toffer magcelebrate ng New year's eve.
Iniinvite kasi tayo ng Mama niya. Kawawa naman. Baka magtampo si Baby Toffy kung
'di natin pagbibigyan."]

"Hindi ako pwede." Napatingin akong muli kay Yasmin. Lumapit siya sa bintana ko at
kinatok ito. "Pass muna ako. Pasensya na."

["Loko! Kung 'di ka pupunta, ikaw lang ang wala. Kumpleto ang X10 na pupunta e."]

"Hindi talaga pwede."


["Bakit?"]

"Si Yasmin kasi---"

["At lumabas din sa sarili mong bibig ang dahilan. 'Yon naman pala e. Edi, ayos.
Naiintindihan namin. Keep it up, Alexander. Bawi ka nalang next time. Unahin mo
muna 'yang chick mo. 'Ge, bye."]

"Hey---! Sh1t!"

Binabaan niya ako ng tawag. Hindi ko tuloy maintindihan kung totoo ba o sarcastic
ang dating ng sinabi niya sa akin. Chick? Si Yasmin? Hell no.

Tok! Tok! Tok!

Nabalik ako sa huwisyo nang kumatok na naman si Yasmin sa bintana ng kotse ko.
Lumabas naman ako agad, at bahagya pa akong napasapo sa ulo ko. Sh1t. Sumasakit na
naman.

"Ayos ka lang?" she asked, her voice was filled of concern or was it just me?

"I'm fine."

She rolled her eyes inwards. "Weh? 'Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng 'I'm
fine' sayo."

"Ayos nga lang talaga ako. 'Wag mo akong intindihin."

Ngumuso siya saka siya tumango sa akin. "Eh sino 'yong kausap mo sa cellphone
kanina?"

"Uh... Just my--"

"Dyowa mo?"

"No." Tss. Si Arthur lang 'yon.

"Sus, deny pa. Siguro galit siya no'?"

I sighed in exasperation. Hindi ko girlfriend ang tumawag, pero parang galit nga
ang kausap ko kanina base sa boses niya. Ngayon lang kasi ako tumanggi sa
invitation nila. Ngayon lang.

"Oh, ba't 'di ka makasagot? Hmm... Siguro totoo no'?" Ngumisi siya nang nakakaloko
sabay hampas niya sa dibdib ko. Nasamid tuloy ako. "Sige na. Puntahan mo na siya.
Basta ba bumalik ka dito bago mag-alas-dose."

Pinakatitigan ko siya. Seryoso ba siya?

"Sige na. Umalis ka na." Tinulak niya ako sa kotse ko. "Go na. Balik ka ha? Maaga
pa naman e."

She smiled at me and I smiled too in return. She nodded her head before she did the
'shoo' gesture to me. "Babalik ako mamaya," I murmured before I stepped in my car.

***

"Oy, Alex! Regalo ko? Akala ko ba 'di ka pupunta?"


Kanina pa ako inaalaska ng mga barkada ko. Kanya-kanya sila nang iniihaw sa harapan
ko. Ilang oras nalang kasi ay bagong taon na.

"Ba't dito niyo naisipang magbagong taon?" tanong ko. Usually, we spend our
holidays out-of-town o kung minsan ay sa Midas Bar na pagmamay-ari ng isa sa
barkada kong si Derrick. Kaya nagtataka ako dahil naiba ngayong taon.

"Nalulungkot daw kasi ang Mama ni Toffer kaya gusto ng karamay. Eh yung mga
kasambahay naman niya ay umuwi ng probinsya nila. So heto tayo ngayon," sagot ni
Jake.

Kumpleto kami. Nandito sina Derrick, Jake, Kent, Brent, Arthur, Wayne, Toffer,
Dustin at Kurt na kanina pa tahimik. Naiintindihan naman namin kung hindi pa siya
kumportable sa amin dahil sa amnesia niya. Mahirap naman talaga kasi ang kundisyon
niya ngayong iniwan din siya ng babaeng mahal niya.

"Wait lang. Baka tapos na si Mama sa niluluto niya. Dyan muna kayo," sigaw naman ni
Toffer bago umalis.

"Boring! Ba't ang tatahimik niyo?" tanong ni Wayne saka siya umupo sa log sa kaliwa
ko.

Boring. Tahimik. Walang buhay.

Tama si Wayne. Bukod sa akin, ang tatahimik nga nilang lahat. Exceptional si Kurt
dahil may pinagdadaanan ang tao, pero hindi natural sa barkadahan namin ang
pagiging tahimik.

"May problema ba?" tanong ko. Kasi ako, oo. Mag-aalas-onse na pero nandito pa rin
ako. Hinihintay na ako ni Yasmin panigurado.

Tumawa si Wayne kaya napatingin kami sa kanya. "Etong kambal na 'to, may
pinagdadaanan 'yan. Hindi kasi sila nagkasundo ng mga girlfriends nila kung saan
magcecelebrate ng New Year eh."

"Eh kasi sabi ni Sandy, sa Hongkong nalang daw. Ayaw naman kaming payagan ni Mama.
Diba, Brent?" Siniko ni Kent si Brent.

Tumango si Brent. "Oo, nagtatampo na nga ang nanay namin sa amin e. Pa'no ba naman
kasama na namin sina Sandy at Lovely noong Christmas sa Japan, pati ba naman daw sa
New Year? Anak ng... Umiinit na naman ang ulo ko, kumag."

"Hayaan mo. 'Di rin nila tayo matitiis, amag."

I mentally laughed at the both of them. Minsan talaga, hindi kapansin-pansin sa


kanila na gangsters sila. Mga nakadepende pa rin kasi sa mga magulang.

"E ba't nandito kayo ngayon? Dapat nasa bahay niyo pala kayo ngayon e." Si Derrick.

"Dadating ang parents namin mamaya. Ininvite din sila ng Mama ni Toffer."

Napatingin ako kay Kurt. Mukhang malalim ang iniisip niya habang nag-iihaw.
Napabuntong-hininga tuloy ako. Hindi yata magiging masaya ang pagsalubong namin sa
bagong taon ngayon.

"What's with the sigh?" asked Dustin in his usual cold voice.

Napatingin ako sa relo ko. Fvck, 11:15PM na. Malamang, tumatawag o nagtetext na sa
akin si Yasmin. Nangako pa naman akong babalik ako bago mag-alas-dose.

"Wala," matipid kong sagot.

"Hinihintay na 'yan ng chicks niya." At dahil dun ay napatingin kaming lahat kay
Arthur na nakangising aso. "Oh? Kayo lang ba ang may karapatan magkagirlfriend?"

"Whoa, may girlfriend ka na?" si Jake.

"Angas! Aba, dapat double celebration. Ano, maganda ba? Sexy?" si Derrick.

"Ang daya nito! 'Di man lang pinakilala sa---"

Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Wayne. Mali sila nang iniisip. "Hindi ko
girlfriend si Yasmin."

Natahimik ang lahat, pati na rin ako. Dun ko lang narealize na... fvck.

"YASMIN?!"

"WOAH!"

"Ganda ng pangalan!"

"Pangalan pa lang, chicks na!"

Ugh. Darn these arses. Tumayo ako at naramdaman ko na naman ang pananakit ng
sentido ko. Tumaas pa ang mga balahibo ko dahil sa pag-ihip ng hangin. Nilalamig
ako. Mas lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Brent.

Huminga ako ng malalim. Ngayon lang naman 'to. Sa susunod na taon nalang ako
babawi.

"Happy new year nalang. Uuwi na ako."

Napahampas nalang ako sa steering wheel sa pahinto-hinto kong byahe. Panay na kasi
ang pagpapaputok sa kalsada kaya kinailangan kong huminto. Idagdag pa 'yung mga
malakas mangtrip sa daan. Yung tipong hahagisan ang kotse ko ng maliit na paputok.

Unfortunately, I arrived at Yasmin's placed at 12:17AM. Pahangos-hangos akong


tumakbo sa bahay nila. Napahinto ako nang makita siyang nakikipag-inuman sa mga...
kaibigan niya. Hindi ako sigurado, pero nakita kong kasama niya sina Bruno maging
ang kapatid nitong bakla. Tsk, mukhang lasing na siya.

I exhaled before I took steps towards them.

"Naks, Tagaytay? Ang ganda naman do'n! Swerte mo naman sa syota mo," sabay halakhak
ni Bruno. Nadagdagan pa ng kantyawan ng mga kasama niyang babae't lalaki. Nasa anim
sila. Marahil mga kapit-bahay niya. Napahinto tuloy ako dahil sumakit na naman ang
ulo ko. Sh1t.

"'Di ko siya syota. At kahit kailan 'di ko siya magiging dyowa!"

Napatingin ako kay Yasmin. Wala na siya sa katinuan. Lasing na nga siya.

"Bakit naman?" tanong nung bakla.


"G*ga, hindi ako magugustuhan no'n!"

"Maganda ka naman e. Magugustuhan ka no'n. Ano ka ba! Kaya nga siguro tinutulungan
ka niya kasi may gusto siya sayo. Ayiiee!"

Humalakhak na naman si Yasmin. Napapailing nalang tuloy ako. Ako ang pinag-uusapan
nila?

"Hindi talaga niya ako magugustuhan. At saka, hindi ko magugustu...han ang


tar@ntadong 'yon. Never! Never! Never! Walang isang salita! Punyemas! AAAAAHHH!
AYOKO SA KANYA! BWSIT!!!"

Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko
sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko, para akong sinapak sa likod nang 'di ko alam.

"Uy, tama na yan, Yasmeng." Awat sa kanya ni Bruno hanggang sa mahagip ako ng
paningin niya. Nabigla siya. "Alex?"

My jaw clenched as well as my fist. Masama na nga ang pakiramdam ko, tapos ito pa
ang maabutan ko?

Bullsh1t.

"AYOKO SA KANYA! Ipapabarangay ko siya!! 'Di ko siya bati! Ayoko sa kanya!"


pagwawala ni Yasmin hanggang sa mawalan siya ng malay.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang kunin siya kay Bruno at buhatin siya papasok
ng bahay. "Buti alam mo. There's no way I will like you either, Yasmin. There's no
way," inis na bulong ko sa walang malay na babaeng ito.

-14- Putting On A Smile

***14***

Back to school. Christmas vacation is finally over and I'm thankful for that. At
least, hindi na ako mababagot sa bahay. Since New year, hindi na muna ako
naglalalabas ng bahay. Gusto ko lang munang manahimik. Gusto kong magpalamig.

Habang naglalakad ako sa campus, nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakaupo
sa bench sa harap ng College of Business. As usual, nag-iisa siya. Malalim na naman
ang iniisip. Nilapitan ko siya at tinabihan.

Huminga muna ako ng malalim bago siya kinausap. "Nakasimangot ka ba noong


sinalubong mo ang bagong taon kaya ka nakasimangot dyan?" I tried to crack a joke
but I think I failed. Nice try though.

Malapit na kaibigan ko si Kurt. Kung naging tar.antado man ako noon, isa siya sa
mga dahilan kung bakit ako naging malakas ngayon. Dahil sa isang kalokohan,
nagbunga ang grupo namin. Hindi lamang grupo kundi brotherhood--- isang pamilya.

"Magiging ayos din ang lahat, Master," I said, trying to cheer him up.
"Sa tingin mo?" tanong niya.

"Oo, babalik siya."

Binalingan niya ako saka ito umiling. "Nasa huli talaga ang pagsisisi. Siya dapat
ang pinili ko."

Bumuntong-hininga ako. Wala akong ibang magagawa kundi ang maging isa sa mga
sandigan niya ngayong lugmok na lugmok siya.

"Mahal mo naman pala kasi siya, pero pinakawalan mo pa. Wala na. Nangyari na. Tapos
na. Pasasaan pa't naging pinuno ka namin," sabi ko at bahagyang ngumiti. "Habang
wala siya, subukan mo munang mabuhay ng wala si Gail. You can't stay like this for
long. You need to be tough."

Tumungo siya at bumalik na naman sa pag-iisip ng malalim. At least, I tried


consoling him.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos no'n. The day was so gloomy that I
could even feel so lazy to attend class.

May mangilan-ngilan na akong nakikitang mga kaklase ko na papasok na sa building


namin. I assumed they're going to attend the class too. Kahit na tinatamad na ako
ay tumayo na ako. Mas nakakatamad kung uuwi ako sa bahay. At least dito may iba
akong ginagawa.

"Mauna na ako sa'yo. May klase pa ako, Kurt."

Tumango lang siya kaya naman naglakad na ako paalis. I was about to take the stairs
when I heard someone call my name.

"Alex!"

Nilingon ko ang kung sinumang iyon. Nakita ko si Carlene na natatarantang tumatakbo


palapit sa akin. Nagtaka tuloy ako.

"Carlene..."

She breathed deeply before she held on to my wrist. "Alex, si Y...asmin. Sinugod sa
clinic."

Hindi na ako nagdalawang-isip na takbuhin ang clinic sa admin building. Ni hindi ko


na rin napansin na naiwan ko na si Carlene sa pagtakbo. Basta ang nasa isip ko ay
si Yasmin. Anong nangyari sa sa kanya?

"Si Yasmin?" tanong ko sa nurse nang makarating ako sa clinic. She was writing
something on the paper so she perked up to look at me.

"Yasmin Jacinto? Nasa loob siya. Nagpapahinga."

"Is she okay?"

Matipid siyang ngumiti saka siya tumango. Sigh of relief it is. Sa sobrang hingal
ko ay umupo muna ako sa silya sa harapan niya. Inabutan naman niya ako ng tubig
kaya tinanggap ko 'yon. "Thank you," I answered. "Ano nga palang nangyari kay
Yasmin?"

Before she could answer, Carlene appeared in the clinic. She was also panting real
hard, so I tapped the chair next to me and handed her the bottled water I was
drinking.

Hindi niya agad 'yon tinanggap kaya naman inilagay ko ito sa kamay niya. "Sorry,
naiwan kita."

"Uh, a-ayos lang."

I waited for her to calm down as she drank the water. Namumula pa ang buong mukha
niya at basang-basa ng pawis.

"Ang bilis mong tumakbo," sabi niya.

I chuckled. "Nataranta ako e. Ano nga bang nangyari kay Yasmin?"

"Nawalan siya ng malay kanina sa gitna ng seminar namin."

"Nag-almusal ba siya?"

"Hindi ko alam. Pero panay ang daing niya na nahihilo raw siya, tapos ayun, bigla
nalang siyang nawalan ng malay. Teka, is she okay now?"

"She's fine now." I looked back at the nurse who was smiling at us. "Can we come
in?"

"Sure."

We were walking side by side as we entered the room. Bukas ang pinto kaya madali
kaming nakapasok. At dun namin naabutan si Blue na papalabas na. Napatigil siya
nang magkaharapan kami. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakangiti ito.

"Blue?" Carlene broke off.

He trailed his way out of the room without any word. Sinundan namin siya ng tingin.

"Yasmin, ayos ka na ba?"

Napalingon ako nang marinig ko ang tanong ni Carlene kay Yasmin. Yasmin was looking
down, smiling for no apparent reason. What the hell is going on?

"Ayos na ako. Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. 'Di kasi ako nag-almusal kanina
kaya nalipasan ako ng gutom," sabi niya saka niya ako binalingan at automatikong
tinaasan ako ng kilay.

At siya pa ang naiinis sa akin? Hindi ba dapat ako ang mainis sa kanya dahil sa
nangyari noong Bagong Taon?

"Uuwi na ako," Yasmin declared as she fixed herself.

Tumingin sa akin si Carlene saka niya ako nilapitan. "Alex, pwede bang pakihatid
nalang siya sa bahay niya? Hindi kasi ako pwedeng umalis since on-going pa rin ang
seminar. Sayang din 'yung certification." Then she looked to Yasmin. "And Yas,
don't worry about your certification. I'll handle it for you."

Hinintay muna naming pumirma si Yasmin sa record ng nurse bago kami sabay-sabay na
lumabas ng clinic. Nahalata ko kay Yasmin na medyo nanlalambot pa rin siya kaya
hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Bakit ba kasi hindi siya kumain ng almusal
kanina?

"Mauna na ako. Yasmin, get well soon!" Carlene bade goodbye before she ran away.
Naiwan kaming dalawa ni Yasmin na nakatayo sa labas ng admin building.
Pinapakiramdaman ko siya. Ni hindi man lang niya magawang tumingin sa akin.

I was caught off-guard when she started to walk away... slowly. Nanlalambot pa rin
kasi siya.

"Ihahatid na kita." Sinundan ko siya saka ko siya hinawakan sa magkabilang braso


mula sa likod niya. Tinabig naman niya ako.

"Ano ba! Kaya ko 'to!"

"Magcocommute ka? Kita mo na ngang may sakit ka."

"Ayos lang ako! Magtataxi ako! Alis nga dyan!" I stepped infront of her and blocked
her way. That made her raise a brow at me again. "'Di ako nakikipagbiruan, Alex.
Tabi nga dyan."

"Iuuwi na kita."

"Punyemas. 'Di makaintindi?"

"Bakit ka ba nagagalit?"

Umirap siya bago siya huminga ng malalim. "Hindi ako galit, okay? Gusto ko lang
umuwi nang mag-isa. Kaya kung pwede---"

"Tungkol ba 'to sa nangyari nung New Year's eve? Well then, I'm sorry. Naipit ako
sa kalsada kaya na-late ako ng balik," I said firmly before I faced my back on her.
"Now, get on. Iuuwi na kita."

"Sinungaling. Wala ka rin nung gumising ako."

"Umalis kasi ako ng maaga."

Hindi man lang siya kumilos o nagsalita. Nanatili siyang nakatingin sa akin.

"In a count of three, kapag 'di ka pa sumakay, isusumbong kita sa sponsor mo na


naglalasing ka. Ayaw na ayaw pa naman niya 'yon," sabi ko nalang. Half truth-half
lie. Ako ang sponsor niya at oo, ayoko nang naglalasing siya.

"Tch! May okasyon naman no'n. KJ ah!"

Lihim akong napangiti nang sumakay siya sa likod ko. Piggy-back ride. Buti nalang
ay nakatapis sa bewang niya ang coat niya kaya secured naman. 'Di ko alam kung
bakit ayaw niya 'yong suotin. Siguro naiinitan siya.

***

Inuwi ko siya sa apartment niya at nagpadeliver na rin ng pagkain. I just watched


her pig out in the dining table while I drank my soda.

"Psst!"

Nagtaas ako ng dalawang kilay. Ayan na naman siya pagsutsot niya. "Bakit?"

"Bakit hindi ka nagparamdam ng ilang araw?" tanong niya.

Bakit nga ba? Dahil naiinis ako sa mga pinagsasasabi niya noong bagong taon. Hindi
ko rin maintindihan ang sarili ko. I shouldn't give a darn though but why did I act
like this? Eh ano naman kung hindi niya ako--- Fvck. Stop it.

"Hoy, bakit nga? Pinagbabawalan ka na ba ng girlfriend mo na makipagkita sa akin?


Akala ko ba nasa malayo siya?"

I shook my head no. "Wala. Wala siya dito sa Pilipinas."

"E bakit 'di ka nagparamdam? Trip-trip mo lang, ganon?"

I shrugged it off. "Yeah, trip-trip lang."

Katahimikan. No, there wasn't actually a silence between us. Maingay kasi siyang
kumain. Tss.

"Yasmin..."

"Hmm?"

I let out a sigh as I placed back the soda in can over the table. "What do you
think of me?" I asked quietly before I realized it was kind of an id1ot move for
me. "No, forget about it." Sh1t.

Ilang araw ko nang bumabagabag sa isip ko kung anong tingin sa akin ni Yasmin.
Hindi ko rin alam kung bakit. I always told myself to fvck it off but it always
occurred to me. Natamaan lang siguro ang ego ko nang marinig ko sa kanya na
hinding-hindi niya ako magugustuhan.

Am I not that likeable?

"Ba't mo naman natanong yan?"

I suddenly felt uncomfortable around her for no reason. Hindi ko alam kung bakit.
Gusto ko tuloy na umalis na pero parang ayaw ko rin. Ugh, sh1t.

"Never mind."

Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Siguro kung irarank kita from one to ten,
bibigyan kita ng..."

Ng ano?

"10," she answered truthfully and I felt my insides pounded crazily. "Eh kasi full
package ka na. Mabait, mabait, mabait, mabait, at mabait. Hehehe!"

Napasapo ako sa ulo ko. What a description. "Well, thanks."

"Natutuwa nga ako sayo kasi kahit mayaman ka at sige na nga, gwapo ka, eh sobrang
down to earth mo pa rin--- Teka, shet! Nagbablush ka!" She doubled in laughter as
she looked at me.

Napahawak tuloy ako sa mukha ko. Fvck, seriously?

"Hindi sa mukha. Sa tenga! Takte, ang cute!! Teka lang ha?" Tumayo siya at tumabi
sa akin, saka niya nilabas ang phone niya at inangat sa ere. "Selfie tayo, 'tol."

I wasn't prepared for the picture. Basta narinig ko nalang ang shutter sound bago
siya bumalik ulit sa upuan niya. Now what the fvck was that?

"Ipopost ko 'to sa facebook ko. 'Wag kang mag-alala. 'Di ko naman itatag sayo dahil
'di pa tayo friends. Potek! Epic!"

Hindi ko alam pero imbes na maasar ako ay natawa nalang din ako sa ginawa niya.
This is really weird. Am I still sane now?

I stayed the night with her in the apartment. Gaya lang ng dati, nanuod kami ng
DVD. She was blabbering a lot about her gay friend as well as Bruno about what
happened during New Year's Eve, but I didn't give any attention. 'Di naman kasi ako
interesado.

"Ayos ka na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" I asked.

"Ayos na ako. At saka eto pa pala, si Bruno, may girlpren na!"

Ayan na naman siya kung ano-ano na namang ikinukwento. I pretended I was listening
until she asked something about me. Nahuli tuloy ako.

"Ano sa tingin mo?"

"Ha?"

Hinampas niya ako sa braso. "Hindi ka naman nakikinig e," she spatted before she
lied down the couch. "Alex... May ikukwento pa pala ako."

"Si Bruno na naman?"

"Hindi."

"Yung kaibigan mong bakla?"

"Tsk! Hindi. Tungkol kay Blue..."

That made her catch my attention. Bumaling ako sa kanya at napatigil sa pagsubo ng
popcorn na minicrowave ko kanina. "What about him?"

Then, Blue's face automatically registered my mind. 'Yung ngiti niya kanina noong
nakasalubong ko siya palabas ng clinic.

"Was it all about what happened earlier?"

"Oo," nakangiting sabi niya. "Alam mo ba, sobrang nag-alala talaga si Blue sa akin
nung nahimatay ako? Siya nga yung nagdala sa akin sa clinic eh."

Umiwas ako ng tingin at bumalik nalang sa panunuod ng movie. "Oh tapos?"

"Sabi niya pinag-alala ko raw siya."

"Then?"

"Ang gwapo niya. Kinikilig tuloy ako."

"Tss."

Here goes her delusional admiration towards Blue again. I almost forgot about it.
Oo nga pala, may gusto nga pala siya kay Blue.

"Niloko niya pa ako na ang bigat ko raw. Ha! Asa, ang sexy ko kaya. Syempre magaan
ako," sabay hagikhik niya.
Hindi na ako sumagot. I wasn't interested at all. It honestly spoiled the moment,
really.

"Alex..."

I didn't respond. I was pretending not to hear her.

"Alex, pakiabot nga 'yung mango crepe sa ref."

My brows creased to her. "May mango crepe ka?"

"Oo, pakiinit nalang."

Without second thoughts, I headed to the kitchen and heat the mango crepe in the
oven. Naalala ko tuloy si Fatima. Lagi ko siyang dinadalhan nito noong highschool
pa kami. I smiled to myself. Mahilig din pala si Yasmin dito.

Pagkatapos kong initin ang mango crepe, bumalik na ako sa sala. Naabutan kong
mahimbing nang natutulog si Yasmin.

"Pinainit mo pa. Matutulog ka na rin naman pala," I whispered.

Nilapag ko sa center table ang mango crepe pagkatapos ay pinatay ko ang TV. Umupo
ako sa tabi niya, at pinagmasdan siya.

I was tempted to brush my fingertip against her nose down to her lips. I smiled as
I saw her sigh deeply.

"Thanks for coming into my life," I whispered softly. Napailing nalang ako sa
lumabas sa bibig ko saka ako umiwas ng tingin. Napadako ang mga mata ko sa
cellphone na nakalapag sa sahig. Bukas pa ang screen nito. I took it and was
tempted to look at its screen so I did.

Nakita ko ang sarili niyang timeline, pati na rin ang newly updated status niya.

Thanks for putting a smile on my lips today. :)

I expelled a heavy sigh as I locked the phone. Tinignan ko si Yasmin. Marahil si


Blue nga lang ang nakapagpapangiti sa kanya ng ganito. And as what I've promised to
myself, I must do what's need to be done even it's... kind of sh1t.

With that, I found myself calling Carlene over the phone...

"Carlene, can you do me a favor?"

-15- Favor

-15- FAVOR
"Sure!"

Napahinga ako ng maluwag sa isinagot sa akin ni Carlene. I asked her out to have a
coffee with me in this late evening. Sa isang coffee shop malapit sa kanila ko siya
dinala at kahit na disi-oras na ng gabi ay pumayag naman siyang sumama sa akin.

"Thank you," I replied with a smile before I sipped through my cafe' latte'.

"Dati ko pa nga silang pine-pair up e. I just stopped when I found out that, you
know, Blue is into me."

"Pa'no mo matutulungan si Yasmin?"

I asked her to become the bridge for Yasmin and Blue. Seeing Yasmin's smile after
Blue threw concerns on her made me think of going on with this decision. Kung dati
ay gusto kong gisingin sa kahibangan si Yasmin, ngayon ay nagbago na ang ikot ng
mundo. Just like what I've thought back in Tagaytay-- 'consider it done, Yasmin.'

"I know Blue very well. Alam ko 'yung mga gusto't ayaw niya sa isang babae. I could
make Yasmin his ideal type. I'll start it with her transformation," she said with
her voice full of enjoyment. "Perhaps, I will play the role of a fairy godmother to
her."

Akala ko ay magiging mahirap na hingian ng pabor si Carlene lalo na't involved dito
si Blue. Pero mukhang magiging enjoy pa siya sa gagawin niya. Napahinga ako ng
maluwag. Good thing it is.

"Kaunting ayos lang sa kanya, tapos 'yung proper etiquette at way of speaking niya,
magiging successful din tayo." Huminto siya at humilig sa mesa kaharap ko. "Pero
Alex, bakit mo 'to gustong gawin?"

Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro, gusto ko lang talagang maging tunay na masaya
na si Yasmin.

"Dahil kaibigan niya ako and I just want her to be happy," I answered straight into
her eyes.

"I see," she smiled as she nodded her head. "Akala ko, may gusto ka sa kanya."

"Ako? May gusto sa kanya?" Is she insane?

"Oo, hindi ba?"

Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. Si Yasmin? Gusto ko? Okay, siguro oo,
gusto ko siya pero hindi bilang babae. Hinahangaan ko siya bilang tao dahil
matapang siya.

"She's my friend. 'Yun lang 'yon," mariin na sagot ko at ngumiti siya sa akin ng
nakakaloko. "Carlene, parang kapatid nalang ang tingin ko sa kanya."

"Talaga ba?"

Huminga ako ng malalim at napailing nalang ng ulo sa kakulitan niya. Kaibigan ko


lang talaga si Yasmin. Yun lang yun. Siya na nga rin naman ang nagsabi na hindi
niya ako magugustuhan. Saan pa patungo ito? Syempre hanggang pagiging 'kaibigan'
lang.

"Okay, chill. Anyways, back to the topic, naeexcite ako sa role ko sa kanya. I
can't believe we'll be friends again. Kailan ako magsisimula?"

"When do you want?"

"Bukas!" She clapped her hands in excitement while giggling like a kid. Napangiti
nalang ako sa ginawa niyang iyon. Mukhang magiging madali lang para sa amin ito.
"Pero, Alex..."

"Hmm?"

"Should we tell Yasmin about this plan?"

Sumandal ako sa backrest ng inuupuan ko bago ako umiling. No, she shouldn't know
about it. "It's gonna be a secret for the both of us, Carlene."

"Okay," she bit her lip while nodding her head. "Kung sabagay, baka maging conflict
kapag nalaman niya. She will feel manipulated by us to think na friends niya tayo."

I smiled mentally at her assumption. No, it's not that she'll get mad by that. Ang
akin lang, ilang beses ko siyang pinangaralan na tigilan na si Blue pero ano 'tong
ako pa ang tumutulong sa kanya para mapalapit silang dalawa ngayon?

That's just fvcking odd.

"I think I need to take you back to your house now already, Carlene. It's getting
late. May pasok pa bukas." Tumayo ako at tinanguan siya para yayain na siyang
umalis. "Pasensya na kung inabala pa kita."

"Wait lang. Maupo ka muna. May sasabihin ako."

Curious, I sat back on the seat facing her. Naging seryoso bigla ang mukha niya.
What's up with her sudden change of mood?

"Carlene, what's wrong?"

She gave out a sigh before she looked straight into my eyes. "Can you do me a favor
too?

***

The next day was so gloomy for me. Siguro dahil nadagdagan ang iniisip ko.

Carlene and her favor.

I shook it off for awhile as I waited for someone outside the Arts and Science
building. Kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko para tignan ang oras. 15 minutes
ko na siyang hinihintay pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nagdidismissal.
Nagugutom na ako. Tss. Ang tagal niya.

I waited for another 15 minutes before I decided to leave. Hindi ako nag-almusal
kanina kaya talagang kumukulo na ang tiyan ko. Paalis na sana ako nang may tumawag
sa pangalan ko.

"Alex! Wait lang." At kasabay no'n ay ang pagtulak sa likod ko. "Dismissal niyo na
rin? Lunch tayo. Libre kita!"

Si Yasmin.

Hindi ko siya tinext o ininform na gusto kong maglunch kasama niya. How dumb of me
not to inform her. Well, it's kind of lousy doing so. Alam ko namang ganitong oras
ang dismissal niya kaya 'di na ako nag-abalang itext siya.

"Ililibre mo ako?"

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, ipinatong niya ang palad niya sa balikat
ko. "Hinintay mo ako no'?"

"Of course not." Pa'no niya nalaman yun?

"Sus, hinintay mo ako e. Kanina pa kita tinitignan mula dun sa 4th floor."

Tignan mo 'to. Kanina pa pala niya ako nakita pero hindi man lang ako nilapitan.
Binilisan ko ang paglakad ko kasunod siya. "Bakit naman kita hihintayin?"

"Ewan ko," nagkibit-balikat siya. Palabas na kami ng west gate, papunta sa car park
kung saan nakaparada ang kotse ko. "Bakit naman hindi? Ang layo ng College of
Business dito. Nasa kabilang lupalop pa yung building niyo pero napadpad ka sa
College namin? Edi wow."

Ugh, sh1t. Oo nga pala. Bakit ko ba 'yun nakalimutan?

"Tss. Napaupo lang ako dun."

"Napaupo raw! Ang dami namang upuan dun banda sa building niyo." Tumawa siya nang
nakakaloko bago siya kumapit sa braso ko. Napatingin tuloy ako ro'n.

Pakiramdam ko, nanlamig ako sa ginawa niyang yun. Hindi ako kumportable kaya
pasimple ko yung tinanggal. "Sa mall nalang tayo maglunch?" sabi ko bago ko siya
inunahan ng lakad.

Sa mall ko siya dinala. She insisted that she'll be the one to treat me to lunch
but I refused. Bakit ako magpapalibre eh galing naman sa akin yung pera?

"'Wag na. Ako na." I pulled out my wallet from my pocket but she stopped me so I
looked to her.

"Ako na. Lagi namang ikaw e. At saka, mas marami akong inorder kesa sayo kasi ang
alam ko ako ang manlilibre ngayon," she insisted. Ang kulit niya. Sa Max's kami
kumain gaya ng request niya. Gusto niya raw kasing makatikim ng lutong-bahay para
maiba naman.

"Ako na."
"Alex, 'wag matigas ang ulo. Ako na sabi e."

"Ikaw ang 'wag matigas ang ulo. Ako na ang magbabayad."

"Ako."

"Yasmin--"

"Sir..."

Napatigil kami sa pagtatalo nang sumingit ang waiter sa amin. By the looks of him,
he seemed to find the both of us weird. Who wouldn't? Ang tatanda na namin pero
nagtatalo kami sa publiko. Darn.

"Basta ako," mariin na sabi ni Yasmin bago niya nilapag ang one thousand bill sa
cash tray. Napailing naman ako't dinagdagan iyon ng five hundred bill.

"Keep the change," sabi ko bago tumayo at lumabas ng Max's. Kulang ng P230 ang
bayad niya. Hindi yata niya chineck ang bill namin. Yasmin, why are you so
stubborn? Lahat nalang yata ng babaeng dumadaan sa buhay ko ay matigas ang ulo.

"Alex! Sukli mo!"

Nilingon ko si Yasmin nung narinig ko ang boses niya. Nung nakalapit na siya sa
akin ay inabot niya sa akin ang... teka. "Ano 'to?"

"Sukli mo. Sira-ulo ka. Sayang din yan! Keep the change ka pang nalalaman," sabi
niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinundan ko naman siya. Pambihirang babaeng
'to.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Now that she has
mentioned it, I fished out my phone to check my messages na buti nalang ay ginawa
ko.

"Alex, saan mo gustong pumunta? Nuod nalang tayo ng sine? Ano bang magandang movie
ngayon?"

Nagreply muna ako sa nagtext sa akin bago ko siya tinignan. "I'm sorry. Pardon?"

Inirapan niya ako. "Nuod tayo ng sine."

"Nakauniform pa tayong dalawa. Hindi tayo pwede," sagot ko at mabilis siyang


sumimangot. At isa pa, hindi kami pwedeng manuod ng sine dahil may gagawin pa kami.

"Eh ano? Uuwi na tayo?"

Before I could answer her question, I felt someone tapped my shoulder from behind.
As I looked back, I confirmed who it was.

"Hi!"

Si Carlene... Bumalik tuloy sa isip ko 'yung pinag-usapan namin kagabi. Fvck it off
for awhile, will you, Alex? She's about to start what you've asked her to do.

"Uy, Carlene. Nandito ka rin. Sinong kasama mo?" tanong ni Yasmin sa kanya. Wala
siyang kasama. Yun ang plinano namin kagabi. We had to meet her at the mall to
start our plan and that's what happening right now.
"Wala. Naglunch lang ako mag-isa dito and then, I saw you, guys." Carlene looked to
me with those innocent eyes of hers. She looked innocent in her school uniform,
really. "Hello, Alex."

Her smile made me feel anxious right at the moment but then again, I tried to flash
my casual smile though. "What's up?"

"Good seeing you here," she said. Is she flirting with me?

"Ehem!" Tumikhim si Yasmin kaya bumaling kami sa kanya. "Uuwi na yata kami ni Alex
e. Ikaw, Carlene Saan ang punta mo?"

"Oh! I'm thinking of shopping. Gusto mong sumama?"

"Naku--"

"Tara!"

Wala nang nagawa si Yasmin nang hilain siya ni Carlene sa mga clothing shops na
dinadaanan namin. Ako naman itong umuupo lang sa mga upuan para hintayin sila. I've
never done this before. Si Fatima kasi, hindi mahilig sa shopping. Kung sabagay,
ilang taon na siya nung pinayagan siyang lumabas ng bahay dahil sa sakit niya.

"OMG! How cute!"

Napaangat ako ng ulo nung marinig ko ang boses ni Carlene. I found out that she's
looking at Yasmin who just stepped out of the fitting room wearing a floral dress.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. She looks feminine yet... I can't say she looks
good on it because she's hoesntly not.

"What do you think, Alex?" Umupo sa tabi ko si Carlene. Nakatitig lang ako kay
Yasmin sa harapan ko. How can I reject this one without offending her feeling?

It took me a moment before I could answer.

"Uh..."

"Oo na. Hindi bagay sa akin!" Yasmin cut me off as she rolled her eyes. "Carlene,
hindi talaga ako pinanganak para magsuot ng dress. Hindi bagay sa akin. Siguro
sayo, oo, pero sa akin? Tss."

"Try another one."

Tumayo si Carlene para iabot sa kanya ang isa pang dress bago pumasok ulit sa loob
ng fitting room si Yasmin. Carlene then faced me, frowning and pouting.

"Alex, bagay naman sa kanya ah? Ganyan yung mga sinusuot ko e."

Hindi ko talaga gusto yung dress na yun para kay Yasmin. Masyadong expose ang
dibdib niya at 'di talaga kaaya-ayang tignan. Tch.

"Ayoko."

"Mga ganun yung gusto ni Blue," bulong niya sa akin.

"Ayoko," I answered again. As if on cue, the door burst open again and in there,
Yasmin appeared with another revealing dress. This time, it was kind of revealing
her bare back. Napailing nalang tuloy ako kaya napasimangot na naman si Yasmin.

"Tsk! Akala ko ba ikaw ang magshashopping, Carlene? Peste naman."

Napatingin ako sa paligid ko. Puro mga dress ang nakadisplay. May isang damit dun
na pumukaw sa atensyon ko. Automatikong naisip kong suot yun ni Yasmin kaya naman
kinuha ko iyon at iniabot yun sa kanya.

"Try this one," I suggested.

Padabog niyang kinuha yung damit bago siya bumalik ulit sa loob ng fitting room.
Pagkabalik ko sa upuan ay narinig ko pa siyang sumigaw.

"Last na 'to ha! Ayoko na!"

In just a matter of minute, she stepped out of the fitting room wearing the dress I
gave her. It was a simple knee-length orange dress which perfectly matched her
complexion.

Napaawang tuloy ang bibig ko. Ngayon ko masasabing mukha siyang babae.

"I love it! Geez, magandang i-pair yan ng doll shoes. Wait, hahanap ako." Carlene
disappeared into the shoe section leaving only the both of us. Nakatitig lang ako
sa kanya mula ulo hanggang paa. Now, it looks perfect on her.

"Ano?" kunot-noong tanong niya.

"What?"

"Ini-english mo lang ang sinabi ko e. Ayos lang ba sa akin ito?"

I bit my own tongue as I studied her whole again. "Okay naman sabi ni Carlene,"
sagot ko nalang.

"Sabi ni Carlene? Yung opinyon mo ang gusto kong malaman. Ano? Ayos ba?" Hindi ako
sumagot. Baka lumaki ang ulo niya sa compliment ko, mahirap na. "Tss. Sabi na nga
e. Pangit."

"Wala akong sinabing pangit. Sa isip mo lang yan."

She stomped her foot to the floor as she folder her arms against her chest. "Alam
mo ba kung kailan ang huling beses na nagsuot ako ng dress? Syempre hindi,"
pagtataray niya. "Edi nung binyag ko."

Ewan ko ba pero natawa nalang ako sa sinabi niya. Tama bang idamay ang binyag niya
sa pagsusuot ng bestida?

"Yasmin..." I stood up and approached her. I held both sides of her shoulders
before I made her face the mirror inside the fitting room. "Look at yourself. Bagay
sayo ang dress na 'yan."

Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin. Halatang nabigla siya. Namumula pa ang
dalawang pisngi niya. Lagi naman e. She naturally blushes.

"You look beautiful."

"Talaga?" mahinang tanong niya.

"Oo, maganda ka... sa damit na yan," mabilis na sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin
bago niya ako tinulak palabas ng fitting room. "Sige na. Labas na. Baka magkagusto
ka pa sa akin kakatitig dyan. Joke!"

She said before she shut the door close. Ako? Magkakagusto sa kanya? She said
she'll never like me so might as well not to like her too... by any chances, no
way.

***

"Salamat sa pagtulong sa akin sa pagshashopping," sambit ni Yasmin nang palabas na


kami sa mall. Almost 7PM na kami natapos. We even had our dinner together before we
decided to go home. Full package ang shopping ni Yasmin. She has now all the stuff
from head to toe. Buti naman at naging kumportable na siya sa pamimili pagkatapos
niyang makabili ng dress.

"I really had fun with you, guys. We must do it again next time," sabi ni Carlene.

Hindi man ako gaanong nag-enjoy dahil ako ang tagabitbit ng mga paper bags nila ay
naging satisfied naman ako. At least, these two girls bonded well today.

"Sige. Salamat ulit."

Bumaling sa akin si Carlene bago siya ngumiti sa akin. Hinawakan ko ang ulo niya
bago siya nginitian ng tipid. "Sabay ka na sa amin? Hatid na kita."

"No, thanks. Naghihintay sa akin ang driver ko e." Kumaway siya sa akin habang
humahakbang siya paatras. "Ingat sa inyo. See you tomorrow!" she then left.

We watched her off before we left the place. Habang nagdadrive ako ay tahimik
namang nagchecheck ng cellphone si Yasmin.

"Napagod ako sa pagshashopping. At ang bigtime ni Carlene ah? Siya ang nanglibre ng
lahat ng pinamili ko," sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Ang hindi
niya alam credit card ko ang gamit ni Carlene kanina. "Napansin ko lang ah. Ba't
biglang naging close yata kayo ni Carlene? Hindi naman kayo ganun ka-close nung
nasa Tagaytay kayo."

Sinulyapan ko siya at nagfocus ulit sa kalsada. What does she mean by that?
"Close?"

"Oo, ang touchy niya kaya sayo kanina. Hindi naman siya ganun dati e. Naku, yan
yung mga galawang Carlene Sy eh," pang-aasar niya na natatawa pa. "Yung tipong
pahawak-hawak sa braso mo, uupo sa tabi mo, makikipagtitigan sayo. At ikaw naman
itong nakikipagngitian sa kanya at may kasama pang paghaplos sa ulo niya kanina ah.
Imba ka, pre!"

Hindi nalang ako sumagot. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya yun ng malisya. Para
sa akin, natural gestures ko yun except dun sa parteng hinawakan ko ang ulo niya.
Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa. Siguro bilang pasasalamat na rin sa
ginawa niya? Hell maybe.
"Ba't 'di ka makasagot? Ayiee! Kinikilig na 'yan. Patingin nga ng tenga mo," tukso
niya sa akin pero nanatili lang akong walang reaksyon. "Ay, isnabero?"

"Nagdadrive ako, Yasmin. 'Wag kang magulo."

"Hmp! Suplado," sambit niya at bumalik na ulit sa pagchecheck sa cellphone niya.


"Pero nagtaka talaga ako kay Carlene. Biglaan ba naman akong pinagshopping?"

"Nagustuhan mo ba yung mga pinamili niyo?"

"Oo naman."

I smiled to myself as I drove into the subdivision's gate. Buti naman at nag-enjoy
siya. "Good then, wear them all. Magugustuhan ka na niyan ni Blue."

Napasulyap ako sa kanya nung hindi siya sumagot. I expected that she'll answer back
in her giddy self but she did not. Siguro hindi niya ako narinig dahil mahina ang
pagkakasabi ko.

After a few minutes, we arrived infront of her apartment. Tinulungan ko siyang


bitbitin ang mga paper bags papasok sa apartment niya. Inalok pa niya akong
magjuice pero tumanggi na ako.

"It's late. May homework pa akong 'di nagagawa," sagot ko nung palabas na ako ng
gate niya. Humarap ako sa kanya nung tuluyan na akong nakalabas at naabutan ko
siyang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. "Sige, ingat."

"Sige."

I stepped in the car and was about to speed off when she knocked at the window. I
rolled it down and looked at her questioningly. "What?"

"Wala lang. Salamat sa pagsama sa akin ngayong araw," nakangiting sabi niya bago
siya kumaway sa akin.

Weirdly enough, I smiled back and drove off. Lagi naman kaming magkasama pero bakit
ngayon niya lang ako pinasalamatan ng ganun?

***

Pag-uwi sa bahay, nagshower muna ako bago ako dumiretso sa desktop ko para gumawa
ng assignment sa Humanities. Madali ko lang yun nagawa kaya natapos agad ako. Isha-
shut down ko na sana ang desktop ko pero parang may nakalimutan akong gawin. Hindi
ko alam kung ano yun. And then I found myself logging on to Facebook. Bumungad sa
akin ang daan-daang friend requests na nakatambak sa pending ko.

I also got dozens of messages in my inbox but only one caught my attention so I
clicked on it.
Carlene Sy: Hi, Alex. It's me. Can you accept my friend request?

I clicked on her profile and confirmed her friend request. Then, I typed in my
reply immediately. It was sent 8 minutes ago. Baka online pa siya.

Me: Done. Thanks for the help today.

I saw 'Carlene is now typing' so I waited for her reply.

Carlene: No biggie. =) One last favor, Alex. Check mo yung notifs mo. I need to log
out now. Goodnight.

I replied her with an 'okay, goodnight' before I checked on my notification. My


brows creased as I saw another request from her. I was hesitant to click for the
approval and it took me some minutes before I accepted it.

"Phew. Bahala na," bulong ko sa sarili ko nang makitang umulan na ng likes at


comments ang post na iyon. For some reason, I found myself searching Yasmin's
account. Mabilis ko naman yung nahanap at nagsend agad ako ng friend request.

I ignored the incoming notifications and just browsed on Yasmin's Facebook wall. I
flinched as I saw her newly updated status few minutes ago.

Yasmin Jacinto

Will you love me like I love you? :)

Napatitig ako roon at napakurap nalang nang makitang nagpop up sa notification na


in-accept niya na ang friend request ko. Online pala siya. I was waiting for her to
send me a message but I waited for nothing.
It's been half an hour but she never sent me a anything. Bakit ko nga ba siya
hihintaying imessage ako kung ako naman ang nag-add sa kanya? Tss.

I clicked on the message on her profile and typed in my message. She wasn't
appeared online on the chat list so I assumed that she's on invisible.

Me: Gising ka pa?

2 minutes ago.

Seen.

Napakunot ang noo ko. Naghintay pa ako ng limang minuto pero 'di ako nakatanggap ng
reply mula sa kanya. For some reason, I clicked on the home button and her post
appeared on the top of the newsfeed.

Yasmin Jacinto

What's worse than knowing you want someone, besides knowing you can never have him?
:(

... and another notifications popped up.

Yasmin Jacinto likes your relationship status.

-16- Go Or Stay?
***16***

"Totoo bang may girlfriend ka na?"

Naglalakad ako sa campus nang makasalubong ko si Ate Alexa. At imbes na kamustahin


niya ako ay yun agad ang ibinungad niya sa akin.

"Long story to tell," I remarked indignantly.

"I don't want you to tell the whole story. Oo o hindi lang ang gusto kong malaman
na sagot mo. Baka kasi na-hack lang yung Facebook account mo at may crazy fangirl
na---"

"Ate, walang naghack. Totoo yun."

She gawked open-mouthed as she looked to me. "Finally!"

"But it's not what you think it is."

"You're confusing me pero I'm happy for you." Niyakap niya ako at hinawakan ang ulo
ko gaya ng ginagawa niya noong mga bata pa kami. Pero iba na ngayon. Sa tuwing
gagawin niya yun ay nayayamot ako.

"Stop it. Tsk."

"Natutuwa lang naman ako kasi finally, nagkagirlfriend ka na rin. Akala ko forever
in despair ka, bro e," she said in a sing-song voice before she tapped my arm and
added. "When will you introduce her to the family?"

I pursed my lips as an answer. There's no way I will introduce her to my family.

"Hmp! Masyado ka nang secretive ngayon, bro. Basta ipakilala mo ako sa kanya ha?
What's her name again? Carla... Ty? Carla Sy?" She paused for a bit more before she
clapped her hands. "Sounds like Chinese diba?"

"It's Carlene Sy..."

"Mismo!"

Kung ano-anong itinatanong niya sa akin tungkol sa bagong girlfriend ko kuno. At


dahil wala naman akong maisasagot ay panay ang pagkibit-balikat lang ang ginagawa
ko. Pinipigilan ko nalang na 'wag mairita sa kaingayan ni Ate Alexa. Naturingang
Dean ng College of Business pero nawawala naman ang pagiging sopistikada kapag ako
ang kaharap niya.

"Creative Writing ang course niya? That's cool. Sayang, hindi siya sa Department
ko," sabi niya habang binabaybay namin ang E.H.U campus. Maaga pa naman para
maglunch at mamaya pa naman ang next class ko kaya ayos lang na maglakad-lakad.

"Siya ba yung acceptor ng---"

"No, she's not," mabilis kong putol sa sinabi niya. There was a brief silence
between us until she broke it off. Hindi si Carlene ang nakatanggap ng mga mata ni
Fatima kundi si Yasmin.

"I see." Humarap siya sa akin kaya napatigil kami sa paglalakad. She had to raise
her head to meet my gaze because she wasn't that tall. "Basta kapag ready ka nang
ipakilala siya, nandito lang ako ha? I'm glad that you've moved on already,
Alexander."

Have I moved on already?

"S...sure, Ate. Thanks."

"Yuko ka ulit. Gusto kong hawakan ang ulo mo," nakangiting sabi niya kaya
sumimangot ako. "Joke lang. Sumobra ka naman sa tangkad, bro. Parang mas matanda ka
pa sa akin."

I maintained a straight face as she smiled expectantly to me. "Wala ka bang naiwang
trabaho sa office mo?"

"Meron. Babalik na ako sa office ko. Hatid mo ako."

"Ang laki mo na pero nagpapahatid ka pa," nakangiting sabi ko sa kanya kaya


sinabayan ko na siya sa paglalakad. Hindi pa man kami nakakalayo sa lugar na 'yon
ay nakasalubong namin sa daan si Yasmin. Nang magsalubong ang mga mata namin ay
yumuko siya at lumihis ng daan.

Was there something wrong with her again? Kagabi pa siya malungkot. Hindi naman
siya ganyan nang ihatid ko siya sa bahay niya kagabi.

"Alex?"

I snapped back from my deep thoughts as Ate Alexa called me and there I noticed
that she's already 2 feet ahead of me.

"Uy, Alex."

"Wait," I muttered under my breath as I followed Yasmin's track through my eyes.


Nakita niya ako pero ba't 'di man lang niya ako binati. Kagaya kagabi, minessage ko
siya pero 'di man lang niya ako nirepyan. Seen.

Lumapit sa akin si Ate Alexa at tinignan din ang tinitignan ko. Unti-unting
nawawala si Yasmin sa paningin ko dahil nakaabot na siya sa itaas ng hagdanan.
"Sino ba yung tinitignan mo?"

I shook my head and breathed out. "Hindi na kita maihahatid, Ate. Pasensya na."

"Alex!"

Walang lingon-lingon ay tumakbo na ako at iniwan si Ate para habulin si Yasmin. I


find it strange of her not to flash a smile or even greet 'hi' to me when in fact
she saw me back there.

Nang makita ko siya ay binagalan ko na ang paglakad ko. I took few deep breaths
before I walked towards her. Nakayuko siya habang naglalakad. Parang wala sa
sarili.

"Yasmin."

She flinched upon hearing my voice. Napatigil siya at tinignan ako ng wala man lang
reaksyon na nakabakas sa kanyang mukha. "O..oh, hi Alex."

"Are you okay?"


"Ha... ha ha! Ang weird mo. Ayos naman ako," sabi niya at nagpatuloy na ulit sa
paglalakad kaya sinabayan ko siya. Ako pa ang weird?

"Hindi ako naniniwalang okay ka. Tell me, what's your problem this time?"

"Wala. Wala lang ako sa mood ngayon." Huminto siya para umupo sa blocks sa garden
at ako naman itong umupo sa tabi niya-- enough distance from her.

"Sigurado ka ba? Baka masama na naman ang pakiramdam mo."

"Ayos nga lang sabi ako."

"Eh ba't 'di mo man lang ako pinansin dun nung nagkasalubong tayo?"

"Ah, yun ba? Nakakahiya kasi. Kasama mo si Dean." Sumimangot na siya at naglabas ng
salamin para mag-ayos ng buhok. Dun pa lang ay nanibago na ako sa kanya. Napansin
ko tuloy na may suot siyang clip sa buhok. Sa pagkakatanda ko, isa yun sa binili
niya kahapon sa mall.

"Bagay sayo," I complimented honestly.

"Ganyan ka naman e. Sinasabi mo lang yan para pagaanin ang loob ko."

Hindi na ako sumagot pa. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalagay ng face powder
at kung ano-ano pang kulay sa mukha.

"Siguro nga tama si Carlene. Kailangan kong mag-ayos ng sarili. Bagay kaya sa akin
ang short hair? E ipa-curl ko kaya ang buhok ko sa dulo kagaya ng kay Carlene,
bagay kaya sa akin?"

Ibinuka ko ang bibig ko para sagutin siya pero isinara ko kaagad iyon dahil
naramdaman ko ang malakas na pagvibrate ng cellphone sa bulsa ko kaya naman
inilabas ko yun at sinagot ang tawag. Si Carlene ang caller.

"Carlene?"

["Hi, Alex. Lunch naman tayo."]

"Uh, sure."

["Nasaan ka?"]

"Nasa..." Napatingin ako sa paligid. Nasa likod pala kami ng isang building. "Nasa
garden ng College of Business. Kasama ko si Yasmin."

["Oh, good. Yayayain ko si Blue na sumama sa atin. See you!"]

I stared at the emptiness as she hung up the phone. Bigla akong kinabahan sa sinabi
niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Tama ba 'tong pinasok ko?

Well, it should be.

"Yasmin," tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tumingin sa akin. Hindi gaanong
makapal ang make-up niya. Sakto lang para magmukhang natural. "Naglunch ka na ba?"

"Kayo na pala."

Tatlong salita lamang iyon pero parang umurong yata ang dila ko. Nakangiti man siya
nang sabihin yun pero iba ang nakasalamin sa mga mata niya. It was more like
disappointed.

"Y...yeah," I looked away and lowered my head. "Sorry if I did not tell you about
it."

"Sus! Ba't ka ba nagsosorry? Wala lang naman 'yon," natatawang sabi niya.
"Nakakapakshet lang talaga kasi 'di mo man lang sinabi sa akin. Pabebe ka pa kapag
inuudyok kita sa kanya noon. Wala e. Iba talaga ang kamandag ni Carlene."

Tinulak niya ang braso ko at tinanguan ako.

"Sabi na e. Kaya pala ang touchy niya sayo kagabi. Congrats, 'tol." Iniharap niya
sa akin ang nakasarang kamao niya kaya napatitig ako roon. Natawa siya't hinawakan
din ang kamay ko at pinag-fist bump ang mga kamao namin. "Pero may tanong ako--"

"Yasmin, gawin mo na yung gusto mo."

Nagtaas siya ng kilay habang nakaawang ang bibig niya. "Ha?"

"Si Blue..."

Napangiti siya at napatango ng ulo. "Tama. Si Blue." Bumuntong-hininga siya at


binigyan ako ng magaang suntok sa braso. "Ang g*go mo talaga. Akala ko ba may
girlfriend ka? Ikaw ha! Si Carlene lang pala ang makakabihag ng puso mo. Naks!"

Right then, I felt guilty. It has been Fatima all along. It has been only her but
because of my thoughtless decision, I set aside everything for a trivial favor.

"Wala akong girlfriend. Nagbibiro lang ako no'n," sabi ko nalang kahit mabigat sa
kalooban ko. "I'll let you know everything between me and Carlene soon."

Natawa siya habang umiiling. "Kahit 'wag na. Wala naman akong pake. Pakasaya ka
nalang sa kanya," sabay tapik niya sa braso ko. "Ayan naman pala ang girlfriend
mo."

Napalingon ako sa tinitignan ni Yasmin. Nakita namin si Carlene kasunod si Blue na


papalapit sa amin. Sinulyapan ko si Yasmin sa tabi ko habang nakatingin siya kay
Blue. Hindi ko maintindihan pero wala na yung kislap sa mga mata niya gaya ng dati
tuwing nakikita niya ito.

"Hi, Alex." Nagulat ako nang yumuko si Carlene para halikan ako sa pisngi.
Naningkit ang mga mata ko sa ginawa niyang yun, at sinuklian niya lang ako ng isang
kindat. Was that kiss needed? "Hi, Yasmin!"

"Hello..."

"Blue, I've wanted to introduce Alex to you formally. So, Blue this is Alex, my
boyfriend and Alex, this is Blue, my bestfriend."

Nagtama ang mga mata namin ni Blue bago siya ngumiti ng tipid at tinanguan ako.

"Lunch tayo? Double date?" yaya ni Carlene.

Tumayo si Yasmin at ngumiti sa amin. "'Wag na. Makakaistorbo lang ako sa inyo.
Salamat nalang."

"Pero kasama naman si---"

Blue cut Carlene's words off. "Yasmin's right. Both of you probably need to be
alone, so I won't be coming with you, guys too."

"Ang daya mo. 'Di ba pumayag ka na, Blue? Babawi ako sayo e."

"No need," Blue retorted before he saluted and left. Naiwan kaming tahimik sa pag-
alis niya. Hindi ko siya masisisi. Hindi naman ako tanga para 'di maintindihan na
hindi niya pa kayang makisalamuha sa amin.

"Aalis na rin ako. Enjoy kayo," paalam naman ni Yasmin at tuluyan na ring umalis.

Nagkatinginan nalang kami ni Carlene nang mawala na siya sa paningin namin, saka
siya umupo sa tabi ko.

"This is only the first day. At least, we tried right?" mahinang sabi niya.

At least, we did try.

***

Days passed like a blur. Nasasanay na rin ako sa ganitong set-up namin ni Carlene
kahit papaano-- ang maging pretend boyfriend niya. I could see how persistent she
is on how to get Yasmin and Blue close together again. Gaya nga ng sabi niya noon,
gusto niyang maibalik ang closeness nilang dalawa.

Si Blue? Mukhang tanggap na rin na may boyfriend na si Carlene. Kung minsan pa nga
ay sumasabay siya sa amin sa pagkain o 'di kaya'y minsan ay nakikipagkwentuhan din
sa amin. That's how our pretend relationship goes...

"So, hindi mo talaga girlfriend si Carlene Sy?" tanong sa akin ni Arthur isang araw
nang dumalaw siya sa condo unit ko. I've been living for a year here which was
rewarded by some people who had given us a mission years ago.

"Hindi."

"Nagpapanggap kayong magkarelasyon? Ikaw ba yan, Alex?" Hindi makapaniwalang tanong


niya sa akin.

I was seated comfortably in the sofa while having coffee with him. He has been
persistent to meet my girlfriend so I told him the truth. Hindi ko girlfriend si
Carlene.

"Hindi mo ako maiintindihan, Arthur."

"Bored ka na ba kaya mo 'yan ginagawa? Langya! Hindi ako makapaniwala na magagawa


mo yan."

Ikinwento ko sa kanya ang tungkol sa puno't-dulo ng lahat. Yung pabor na hiniling


ko kay Carlene hanggang sa paghiling nito sa akin na magpanggap bilang boyfriend
niya.

"3 weeks na rin kaming nagpapanggap," sabi ko at napabuga siya sa hangin. "Okay
naman. Mabait naman si Carlene e. Madaling pakisamahan." Minsan... Pero kadalasan,
ang kulit niya.

"Teka, si Carlene at Yasmin ay magkaiba?"

"They're two different people."


"E bakit ka niyang pinagpapanggap na boyfriend niya? Taking advantage, dude? Use
your head, Alex. Baka iniisahan ka nyan."

Nag-gagamitan nalang din naman kami, naisip kong gawin nalang ang dapat. Lalo na't
nakikita kong napapalapit na nga sina Yasmin at Blue. I felt satisfied after all
the sh1ts I've done just to do this favor.

"May gusto yung Blue kay Carlene. In order for him to move on, she wanted to show
him that she's got a boyfriend and that she'll never like him more than a friend.
At ako yun, Arthur. Pumayag akong magpanggap na boyfriend niya nang mapadali para
kay Carlene na gawin ang hiniling kong pabor sa kanya."

Humigop muna siya sa kape niya bago niya ako tinignan ng masama. "You suck, dude.
Para lang sa babae, nagawa mo yan? May gusto ka ba kay Yasmin at nagpapakamasokista
ka?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "No, it's not--"

"Eh anong idadahilan mo? Dahil kaibigan mo siya?" Tumayo siya at napailing nalang
ng ulo na akala mo ay nahihibang na ako. "Hindi ganyan ang Alex na nakilala ko.
Wala ka namang mapapala sa ginagawa mong yan. Kung ako sayo, tigilan mo na yan.
You've done enough, bahala na sila," and with that he left me dumbfounded.

Hindi ko nalang inisip yung mga pinagsasabi ni Arthur. Inisip ko nalang na kaya
siya nagkakaganun dahil may problema din siya sa buhay niya. No, Alex. Ignore what
he said. Wala siyang alam. Hindi niya alam ang nangyayari sayo.

Today's Saturday so I had nothing else to do at home. I lied on my bed and decided
to browse online through my mobile. Partikular sa Facebook na kung saan bumungad sa
akin ang pangalan ni Yasmin sa Today's Birthday section.

Pumunta ako sa profile niya at tinignan ang mga bumati sa kanya. Natawa pa nga ako
dahil halata sa mga ito ay mukhang nakatira kung saan siya nanggaling. Halata kasi
sa shortcut words nito na may halong alphanumeric.

As I was busy browsing her wall, one post caught my very attention. It was Blue's.

Aaron Blue Andrada

Happy birthday sa pinakacute na babaeng nakilala ko. Stay as you are. Ehem, mango
crepe lang ayos na sa akin. :)

Dahil sa kuryosidad ko ay tinignan ko ang mga comments ng post na ito.

Yasmin Jacinto:

Haha! Sh1t ka.

Aaron Blue Andrada:

Here you go again, Yasmeng. Stop saying 'sh1t'. Alam mo naman kung anong tagalog ng
salitang 'yon diba? Hindi ako ganun.

Yasmin Jacinto

Sorry na. Sh1t means tae nga pala in tagalog. Hindi ka ganun. Tao ka kasi. Oh,
sige. Papalitan ko. 'You, human!' LOL
Aaron Blue Andrada

Better. ;)

Ibinaba ko ang phone ko at napatitig sa kisame. Masyado na nga silang malapit sa


isa't-isa. Kaya naman sa 3 weeks na nakalipas ay hindi man lang siya nagparamdam sa
akin. Iniiwasan mo ba ako, Yasmin?

Iniiwasan man o hindi pero naisipan kong puntahan siya sa apartment niya. Nagdala
ako ng chocolate cake at pizza para may mai-share man lang ako sa birthday niya. Sa
limang beses na pag-doorbell ko ay lumabas siya. She was all-smiles yet it vanished
when she saw me.

"Alex?"

I tried to crack a smile. "Happy birthday?"

"Uh, salamat. Hehe." Awkward ang tawa niya nang papasukin niya ako sa loob ng
apartment niya. Dahil hindi naman ako iba sa kanya ay dumiretso na ako sa couch
nang walang pasabi.

"Kamusta?"

"Paano mo nalaman na birthday ko ngayon?"

Nagkibit-balikat ako. Sagutin daw ng tanong ang tanong ko. "Sa Facebook. Hindi ba
ako welcome?"

Umupo siya sa tabi ko at binuksan niya ang pizza box na dala ko. "Sus, ano bang
klaseng tanong yan?"

Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya. "Kamusta?"

"Ayos naman," nakangiting sagot niya. "Ikaw? Kayo ni Carlene? Balita ko--"

"Kumain na tayo," putol ko sa sinasabi niya. Kahit ngayon lang, ayokong isama si
Carlene sa usapan. Tutal naman, 3 weeks na puro si Carlene nalang ang kasama ko.

Habang kumakain kami ng Pizza, tumunog ang phone niya. Nakangiti siya habang
binabasa ang kung anuman yon. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na magkomento.

"Smiling like crazy huh?" I said, teasing her. "Si Blue ba?"

Napatigil siya bago niya ako tinignan nang nakataas ang isang kilay. "Tss."

"It's been awhile, Yasmin. How's it going with Blue?" I asked trying to sound
interested when the truth is not. Sa araw-araw na kasama ko si Carlene, nauumay na
ako sa kakakwento niya sa pangyayari sa pagitan nina Blue at Yasmin.

"Ayun..."

"Ayun?"

"'Wag nga nating pag-usapan 'yon!" Natawa siya habang tumatayo. Mukhang pupunta
siya sa kitchen. While she's away, I received an sms from... Carlene. As usual.
Lagi niya naman akong tinetext.
Carlene: Hi, Alex. May ginagawa ka ba? Roadtrip tayo. =)

I was about to send a reply when Yasmin appeared again in the living room. Kumuha
lang pala siya ng juice. I sighed as I read the message again. Should I go? Another
messaged came and it was from Carlene again saying; "Please? I'm bored. :("

Napa-tsk ako't tinignan si Yasmin na nakatingin din pala sa akin. "Yasmin,


kailangan ko na pa--"

"Alex, magluluto ako ng hapunan mamaya. Dito ka nalang matulog. Magmovie marathon
tayo."

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya dahilan para mapatulala ako. Her eyes
tell the same way though. They were as if telling me to say yes...

Should I go or stay?

-17- Falling In and Out

***17***

I chose to stay with her.

"Alex, may itatanong ako," she suddenly said after watching our 4th movie tonight.
Nakakain na kami ng hapunan dalawang oras na ang nakakalipas at hindi ko alam kung
bakit pulutan na ang kinakain namin ngayon. Niyaya nga pala niya akong uminom.
Pinagbigyan ko naman dahil birthday niya ngayon.

"Ano yun?" Lumagok muna ako sa beer na hawak ko bago ko siya tinignan. Nakaupo siya
sa sahig at ako naman ay nakaupo sa one-seater sofa.

"Yung sponsor ko--- kailan ko siya makikita?"

Saglit akong natigilan sa kanya. Sa loob-loob ko ay nataranta ako sa paghahanap ng


salita. "In the right time, I guess?"

"Ayaw niya ba akong makita?"

"Hindi naman sa ganun." Lagi mo naman akong nakikita.

"Ahh. Busy siya?" Tumawa siya nang pagak bago siya sumubo ng pulutan naming fish
cracker. "Alam mo ba, nacucurious talaga ako sa sponsor ko."

"Bakit?"

"Biro mo, dinoble niya yung allowance ko para sa buwan na ito? Gusto ko sanang
magpasalamat sa kanya." Pinili kong gawin yun dahil naisip kong kakailanganin niya
yun gayung hindi na kami madalas na magkasama. Hindi ko na siya nalilibre tuwing
lunch break, at hindi ko na rin siya naihahatid-sundo sa E.H.U.
My phone suddenly sounded and I found out that Carlene's calling. Hindi ako nag-
atubiling patayin ang phone ko at nilapag iyon sa center table. Sometimes, I get
tired of her clinginess. Parang hindi na naaayon sa pinag-usapan namin. Kung minsan
tuloy ay napapaisip ako na hindi yata tama itong naging desisyon ko pero lagi
namang sumasagi sa isip ko si Yasmin kaya naman naiisip ko na worth it ang lahat.

"Sino yung tumawag?" tanong niya. Malamlam na ang mga mata niya. Mukhang tinamaan
na siya ng alak.

"Ilang bote na ang nainom mo?"

Tumawa lang siya habang nakatingin sa akin. "Tatlo. Ikaw nga apat e," sabi niya.
"Sino nga yung tumawag?"

I stared at her face unbelievably. Ibang klase. Sanay na nga yata siya sa inuman.
"Si Carlene."

"Galit na?"

Bago pa ako makasagot, yung phone naman niya ang nag-ring. Tinignan niya lang yung
screen at gaya ng ginawa ko ay pinatay din niya. "Bakit mo pinatay?"

"Si Blue lang naman 'yon," sabay hagikhik niya. Si Blue lang naman 'yon? Napakunot
na nang tuluyan ang noo ko. Kung dati ay hindi siya mapakali sa kilig kapag
binabanggit ang pangalan ng lalaking 'yon, iba na ngayon. Mukhang nawalan na siya
ng interes. Hindi ko alam.

"Why didn't you answer it then?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay isinandal niya ang ulo niya sa sofa at ipinikit ang
mga mata niya. Lumagok siya sa beer na hawak niya at muli na namang nagpakawala ng
pagak na tawa.

"Hindi ko rin alam. Ayoko lang..."

Napakurap ako sa sinabi niya. Marahil dahil sa espiritu ng alak kaya siya
nagkakaganyan. Pinakatitigan ko lang siya habang nakapikit ang mga mata niya.
Napansin ko na lumalalim na ang bawat paghinga niya.

"Yasmin..." Tinapik ko ang pisngi niya. Hindi siya gumalaw pero narinig kong
sinambit niya ang pangalan ko.

"A---lex, dito ka muna, please."

***

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw. Naalimpungatan ako't nakita ang
sarili ko na nakahiga sa sahig. Pinagmasdan ko ang paligid at napahinga ng malalim
nang maalala kong nasa kwarto nga pala ako ni Yasmin. Automatikong napabaling ako
kay Yasmin sa kama. Mahimbing ang tulog niya. Sigurado ako dun dahil naghihilik pa
siya.

"Parang 'di babae. Tsk tsk tsk," mahinang sabi ko. Our faces were inches apart.
Isinandal ko ang baba ko sa kama at kinuha ang pagkakataon na pagmasdan siya. Hindi
ko alam pero nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam sa sarili ko. Hindi ko
maintindihan. It was like there's something twisted inside of me.

Lumayo ako na tila ba'y napaso ako nang gumalaw si Yasmin. Nag-unat siya ng mga
braso at napansin kong natamaan na siya ng sinag ng araw sa mukha kaya naman ay
bumangon na ako't isinara ang mga kurtina. Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng
pantalon ko at binuksan iyon. Kagabi ko pa kasi pinatay iyon.

Napatingin ako sa paligid. Kagabi ko pa napansin na makalat ang kwartong ito.


Maraming papel ang nakakalat sa sahig. Gusto ko sanang pulutin ang mga iyon kagabi
nang ilipat ko si Yasmin dito pero tinamaan na rin ako ng antok.

Inumpisahan kong pulutin ng paisa-isa ang mga papel. Napapailing nalang ako ng ulo
dahil sobrang daming papel ang nakakalat. "Hindi man lang naglinis," sabi ko sa
sarili ko.

I was busy picking those crumpled papers, when I got curious of what's written on
it. Binuksan ko ang isang papel para basahin ang laman nito. Itinapon niya na rin
naman at mukhang basura na sa kanya kaya siguro hindi na masamang basahin iyon.

Alam mo bang naguguluhan na rin ako sa sarili ko? Nakakainis na nga, pakshet
talaga.

I stared at the paper for a minute. What the hell is this one? Sa isang papel, iyon
lang ang nakasulat. Sa gitna pa mismo. Nagsasayang ba siya ng papel?

Tinapon ko iyon sa trash bin sa ilalim ng study table niya at binasa naman ang isa
pang papel.

Medyo magulo ang utak ko pati na rin ang puso ko. Hindi ko alam kung sino ba
talaga.

"Sino ang ano? Tss." Sunod-sunod kong binasa ang mga crumpled papers. Bawat papel
ay isa hanggang dalawang pangungusap lang ang laman. Mas lalo tuloy akong tinutulak
ng kuryosidad ko.

Nagising nalang akong gusto ko siya. Tingin mo, magugustuhan niya rin ako?

Wala kang pag-asa, Yasmin. Tigilan mo yan.

Ang sakit.

Natigilan ako sa nabasa ko sa huling papel. Dalawang salita lang yun pero hindi ko
alam kung bakit nalungkot ako para sa kanya. Obvious na si Blue ang tinutukoy niya
dito. Akala ko ba ayos na sila? Na nagkakamabutihan na sila? Iyon ang sinabi sa
akin ni Carlene at iyon din ang naoobserbahan ko tuwing tinitignan ko sila mula sa
malayo.
Bumuntong-hininga ako bago ko pinulot ang mga natitira pang mga papel sa sahig.
Kagaya ng nauna kong nabasa ay puro negatibong mga salita ang nabasa ko. Sa
pagpupulot ko ng mga papel ay may nakita akong notebook sa ilalim ng cabinet.
Kinuha ko iyon at matagal yung tinitigan. Gusot-gusot ito... at base sa papel nito
ay dito nanggaling ang mga papel na nakakalat sa sahig.

I pulled my guts together as I flipped a page of it. Walang nakasulat. Bakante.


Nilagay ko yun sa ibabaw ng mesa at dun ko lang napansin na may nakaipit na gusot
na papel dito. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero hinila ko yun at
tinignan iyon.

And just like the other crumpled papers, there was something written on it...

Alam kong mali ito pero gusto ko talaga si

Naputol ang pagbabasa ko nang tumunog ang cellphone ko. Napasimangot ako nang
makitang si Carlene ang nasa screen. Sana hindi ko na muna binuksan ang phone ko
kung siya rin lang pala ang tatawag.

"Hello?"

["Where are you? Nasa condo mo ako."]

I frowned and let out a groan. "Ang aga mo namang pumunta."

["At ang aga mo namang wala sa condo mo. Where are you right now?"]

"Carlene--"

["Umuwi ka na!"]

Narindi na ako sa boses niya kaya naman pinatayan ko siya ng phone. What's with
that girl? Bakit bigla-bigla nalang siyang naging ganun sa akin?

Unconsciously, I put the crumpled paper I was reading awhile ago inside my pocket
and went towards Yasmin on bed. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Mukhang
nalasing nga siya kagabi.

"... Lex."

Did she just mention my name? Napaayos ako ng tayo habang nakatingin sa kanya.
Nanikip bigla ang suot kong shirt kaya huminga ako ng malalim.

What the hell, Alex? Matagal na nang huli kong maramdaman ito. This can't be.

***

I'm confused.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin kung bakit ko ito nararamdaman. Nagkakagusto
na ba ako kay Yasmin? I shook my head dismissing the thought that's messing my head
since I left the apartment. Ni hindi na nga ako nagpaalam pa kay Yasmin dahil
masyado na akong natutuliro.

Fvck, hangover lang 'to. This is nothing but a hangover.


Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman nagmamadali akong naglakad palabas. Nasa
floor na ako ng unit ko nang naabutan ko si Carlene na nakatayo sa harapan ng pinto
ng condo ko. Sh1t, isa pa 'to. Nakalimutan kong hinihintay nga pala niya ako.

"Alex."

Dahil wala ako sa mood ay tinignan ko siya ng malamig. Nanginginig ang mga labi
niya habang nakatingin sa akin. Maging ang mga kamay niya ay nakakuyom.

"Where have you been?! Alam mo bang tawag ako ng tawag sayo kagabi? You did not
even bother to answer my calls, tapos pinatayan mo ako? How dare you!"

Pumikit ako saglit para pakalmahin ang sarili ko. Ask her to leave nicely, Alex.
You should. "Not now, please. I am not in the mood, Carlene. You should leave."

"Kanina pa ako dito naghihintay tapos papaalisin mo lang ako? God, Alex!
Ipapakilala pa naman kita sa Dad ko ngayon tapos--"

"Why the hell would you do that? Hindi naman tayo diba?" I broke her off as firmly
as I can. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata niya. Umiwas ako ng
tingin. Totoo naman ang sinabi ko.

"Malinaw na malinaw ang usapan natin. You just wanted me to pretend as your fake
boyfriend infront of Blue. Hindi tayo, Carlene. You're not my girlfriend,"
kalmadong sabi ko at binuksan na ang pinto ng condo ko. Pumasok ako at hinarap
siyang muli. "Tatlong Linggo pa lang tayong nagpapanggap pero nadadala ka na. Wala
akong balak mahulog sayo, Carlene so we better quit it."

"P-- pero akala ko ayos--- tayo, Alex? Nagkakamabutihan naman tayo diba?"

This girl is delusional. I never thought I dealt with her.

"No, we're not. Excuse me," sabi ko at isasarado na sana ang pinto nang iharang
niya ang kamay niya sa pagitan nito.

"May gusto ka ba kay Yasmin?"

Natigilan ako. Pakiramdam ko, nanigas ang mga paa ko sa sahig sa tanong niyang yun.
Yan din ang tanong ko sa sarili ko pero hindi ko pa iyon kayang sagutin. Not now...
I am still confused.

"Alex."

"Paano kung meron?" I asked, her jaw dropped in surprise so I took the chance to
shut the door close and headed to my room.

Paano kung meron?

I got upset and frustrated at the same time by my answer to her question. Paano
kung meron? Sh1t, hindi ko rin alam ang gagawin ko kung meron na ba akong gusto kay
Yasmin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon. Paanong nagkakagusto
na ako sa kanya? Paanong nangyari yun? Hindi ko man lang namalayan na nahuhulog na
pala ako sa kanya.
Si Yasmin... Siya yung tipo ng babae na hindi ko magugustuhan... noon. As days went
by, I realized that she's attractive. Perhaps, I'm attracted to her.

"Oh, goddarnit!" I groaned as I switched to the other side of the bed. Fvck, gusto
ko na ba talaga siya?

My phone suddenly beeped out of the blue. I reached for it from the bedside table
and saw to it who texted and my chest reacted like fvck when I saw her name.

Yasmin: Hoy, bakit mo ako iniwan!?

I dropped the phone on the side of the bed and caught myself staring at the
ceiling. So what if I like her? She likes someone else now. Wala kang pag-asa,
Alex. Gaya nga ng sabi niya, hindi ka nga niya magugustuhan.

Hindi ko napansin na nakatulog ako. Nagising ako ng ala-una ng tanghali at


naramdaman ko ang matinding pagkulo ng tiyan ko kaya naman ay tumawag na ako ng
magdedeliver ng pagkain ko. As I waited for the food to arrive, something pushed me
to log in my facebook again. Automatikong napunta ako sa wall ni Yasmin dahil
isinet ko yun bilang bookmark sa phone ko.

And I found out that she has newly updated status again.

Yasmin Jacinto

I'm falling. Falling in love with him and falling out for the other. Is that
falling even possible? -- feeling wonderful.

Matagal akong nakatitig sa cellphone ko habang binabasa ng paulit-ulit ang status


niyang iyon. Nagpagulo pa sa isip ko ang mga status niya noong nakaraan. Sumakit
lang ang ulo ko kaya naman ay ibinaba ko nalang cellphone ko at napatingin nalang
sa kawalan. Hanggang sa maalala ko ang papel na inilagay ko sa pantalon ko.
Inilabas ko iyon at binasa ulit.

Alam kong mali ito pero gusto ko talaga si Alex, kaso kailangan ko 'tong pigilan.
Hindi pwede. Hindi kami pwedeng dalawa. Hindi pwede dahil mas lalong magiging
kumplikado.

My heart stopped and my body froze. What the hell did I just read?

-18- All Of A Sudden

***18***

Para akong tangang nakamasid sa kanya mula sa ikaapat na palapag ng College of Arts
and Science. Simula nung makilala ko siya, hindi ko namalayan na nagiging habit ko
na ang pagpunta dito. Dahil lang kay Yasmin.
Isang Linggo na ang nakalipas noong aksidente kong nalaman na gusto niya pala ako.
Aksidente nga ba iyong maituturing? Hindi ko dapat kinuha ang papel na 'yon. Darn,
mas lalo tuloy nagugulo ang isip ko.

With my clasped hands, I continued watching her as she laughed along with her
friends. Naiinis ako sa sarili ko. Halos mabaliw na ako kakaisip sa kanya pero siya
naman itong mukha namang walang pakielam. Of course, she doesn't give a darn about
it. Hindi naman niya alam na alam ko nang may gusto siya sa akin.

Napabuga ako sa hangin at iniyuko ang ulo ko. Nakakairita. Natutuliro na ako. Hindi
ko alam kung paano ko siya haharapin gayung wala naman siyang ideya sa lahat ng
nangyayari sa akin ngayon. Mas mabuti na rin na pinili kong iwasan muna siya. Gusto
kong mag-isip muna.

"Yow, dude! Ba't nag-iisa ka dito?"

Nilingon ko ang nagsalita. Nakita kong naglalakad palapit sa akin si Arthur habang
nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko't ibinalik na naman ang tingin ko sa ibaba.
Kay Yasmin.

"Nakita kita mula sa ibaba. Wala akong magawa kaya pinuntahan kita dito." Tumabi
siya sa akin at sinundan ng tingin ang tinitignan ko. "Tss, sabi na e. Yun ba 'yung
Yasmin? 'Yung mahaba ang buhok?"

"'Yung nakatali ang buhok."

"I see. Laki nang pinagbago. Chicks na ah," komento niya at automatikong bumaling
ang tingin ko sa kanya. Tumawa naman siya at bahagyang tinapik pa ang balikat ko.
Tss. "Masusugatan ako ng tingin mo, Alexander. Biro lang 'yon."

Hindi na ako nagsalitang muli. Wala ako sa mood makipagkwentuhan sa kanya.

"Alex, kaya kita pinuntahan dito kasi mukha kang tanga mula sa ibaba. Kitang-kita
ka kayang dumudungaw dito. Ba't ayaw mong lapitan?"

"Tss." Inalis ko ang tingin ko at tinalikuran ang railings. Sumandal ako at


ipinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Inaamin ko, napahiya ako sa sinabi niyang
yun. Mukha ba talaga akong tanga dito?

"Lapitan mo na. Gusto mo rin e."

Tinignan ko siya ng masama. "Nagpapalipas lang ako ng oras dito, Arthur. Nagkataon
lang na nandyan siya nakapwesto kaya akala mo eh tinitignan ko siya."

"Pucha, tantanan mo nga ako sa palusot mong 'yan, De Silva," natatawang niyang
sagot na siyang nagpasama lalo ng tingin ko sa kanya. "Sa edad nating 'to,
nagpapatweetums ka pa?"

"G*go."

"At saka sa lahat ng building, dito ka pa talaga laging nagpapalipas ng oras ah!
Whoa, nandun ang building natin, Alex." Tumuro pa siya sa bandang kaliwa namin.
"Baka nakakalimutan mo, hindi natin building ito. Araw-araw ka nalang nandito at
'wag mong i-deny dahil lagi kitang nakikita ka."

I glared at him before I glanced back again on the ground floor. But I frowned when
Yasmin was not there anymore.
"Ayun oh, nagtapon lang ng basura. Kalma, dude." Arthur tapped my shoulder that
made my irritation rise up.

"Arthur, tantanan mo nga muna ako."

Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko habang umiiling-iling pa. "Halata naman
kasing may gusto ka sa kanya e. Ba't mo pa pinapahirapan ang sarili mo? 'Wag mong
sabihing natotorpe ka?"

"Hindi ako natotorpe. Naguguluhan pa lang ako," mabilis kong sagot.

"Naguguluhan saan?"

Umupo ako sa sahig at isinandal ang likod ko sa pader. Napasapo ako sa noo ko at
alam kong ramdam ni Arthur na nafufrustrate ako.

"Alex, ano ba kasing problema? Kung gusto mo siya, edi hayaan mo ang sarili mo.
Matagal na rin nung huli kang---"

"I am fvcking confused," matigas na sambit ko na siyang nagpatigil sa pagsasalita


niya. "Siya ang acceptor ng mga mata ni Fatima. Hindi ako sigurado kung kaya lang
ako nagkakaganito sa kanya dahil sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya ay si
Fatima ang nakikita ko at hindi si Yasmin. Gusto kong makasigurado, Arthur, pero
hindi ko alam kung paano."

Aminado ako na gusto ko si Yasmin. I realized just now that how much I'm into her.
Sa kabila ng kaangasan at malutong na pagmumura niya sa akin, hindi ko alam kung
bakit ko pa rin siya gusto. Pero sa tuwing titingin ako sa mga mata niya, pumapasok
sa isip ko si Fatima. Mas lalo lang naguguluhan ang isip ko. Siya ba talaga ang
gusto ko o si Fatima pa rin?

"Ikaw lang naman ang makakasagot nyan eh. Gusto mo ba siya?"

Humugot ako ng malalim na hininga at napasuklay nalang sa buhok ko. "Hindi ko


alam."

"Alex--"

"Basta ang alam ko, ayoko siyang nasasaktan. Gusto ko siyang nakikitang masaya
palagi. Kahit nga sarili ko ay isinakripisyo ko na para lang makita siyang masaya."
Ginawa ko yun kahit wala naman akong mapapala.

Napahinto ako sa kusang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko, natuyuan ako ng
lalamunan kaya sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Sa akin na rin kusang
nanggaling ang mga salitang iyon. Napaisip ako. Kahit sarili ko ay kinalimutan ko
na para sa kanya.

"Alexander, sa tingin ko ay hindi mo siya gusto." Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni


Arthur. Umupo siya sa harapan ko na may ngisi sa labi. "Baka nga mahal mo na siya
e. Who knows?"

Do I love her already?

"Alam mo, para kang g*go. Ikaw yung taga-advice sa amin kapag may problema kami,
tapos ngayong ikaw ang nangangailangan ng payo e nagmamatigas ka naman? I-apply mo
nga sa sarili mo lahat ng pinapayo mo sa amin!" natatawang sermon niya sa akin.
"Kausapin mo siya. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, at dude, pakiusap, bago
pa maging problema 'yang pagtatago mo bilang sponsor niya at pati na rin yung
tungkol sa mga mata niya e sabihin mo na sa kanya ang totoo."

I gaped at him open-mouthed as I stared at him unbelievingly. Hindi pa ako sigurado


pero alam kong 'yun ang dapat gawin.

Gusto ko siya. Gustong-gusto.

He grinned and got up to his feet. "Admit everything to her before it's too late."

Kinakabahan ako. Kanina pa ako nandito sa labas ng apartment ni Yasmin. Sigurado


akong nasa bahay na siya ngayon ng mga ganitong oras tuwing Lunes. Alas-singko ng
hapon.

I took few deep breaths as I swallowed the lump formed in my throat. Wala man lang
akong dala para sa kanya. Paksh1t talaga! Could I postpone it until tomorrow?

"Yasmin--- uh, may aaminin ako sayo. Gus-- fvck!" Napahampas ako sa manibela ng
paulit-ulit. Ngayon ko lang 'to ginawa sa tanangbuhay ko. Darnit, I looked like an
idiot talking to myself now.

"Alex, kaya mo 'yan. Aamin ka lang naman," bulong ko sa sarili ko at huminga ulit
ng malalim. Aamin ka lang, Alex. Aaminin mo kung ano ba talaga si Yasmin sayo at
pati na rin yung mga tinatago mong sikreto.

Magagalit kaya siya sa akin?

"Kaya ko 'to," bulong ko sa hangin at humugot ng lakas ng loob na lumabas ng pinto


sabay diretso sa gate ng apartment niya. Atras-abate ang hintuturo ko sa pagpindot
ng doorbell. Tumalikod ako at napasuklay sa buhok ko. Bukas nalang kaya?

I was about to walk to my car when I stopped and shook my head in dismay. No, you
can't procrastinate this fvcking one, Alex. You just can't.

Hingang malalim.

Pinindot ko ang door bell ng tatlong beses. Tila bang may nagkakarera na putakte sa
dibdib ko sa ingay nito. You can't back out, Alex.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring Yasmin na nagbubukas para sa akin.
Baka wala siya? I thought as I fished out my phone from my pants. I tried to call
her but she never answered it hanggang sa pinatayan niya ako ng cellphone.

Baka na-lowbat lang? Yan ang itinatatak ko sa isip ko nung gabing iyon. Leche,
nalowbat? Tatlong araw na ang nakalipas pero wala man lang akong nakita ni anino ni
Yasmin sa E.H.U. It's been three fvcking days yet she never appeared again.
Nagpabalik-balik na nga lang ako sa apartment niya pero hanggang ngayon ay wala pa
rin siya.

"Absent po eh," sagot nung classmate niya na tinanungan ko isang araw.

"Sige, salamat."

Lagi nalang yun ang isinasagot ng mga classmates niya. Hindi naman ako naghihinala
sa kanila dahil hindi ko talaga nakikita si Yasmin. Dumating na nga ako sa puntong
naghihintay ako sa labas ng classroom nila. Darnit! Where the hell are you now,
Yasmin?

"Three days na siyang absent," sabi ng boses na nasa likod ko. Nilingon ko siya at
nakita ko si Carlene na naglalakad palapit sa akin. She was holding a thick folder
as she walked to me with all-smiles. Napaisip ako. Baka napapag-iwanan na si Yasmin
sa mga lectures nila.

"Wala ka pa rin bang balita sa kanya? I'm worried about her," she said and I can't
say that she's sincere when she said that.

Aminado ako, hindi ako kumportable sa kanya simula nang kumprontasyon namin sa
condo unit ko ilang Linggo na ang nakalipas. This is the first time she talked to
me after what happened.

"Wala."

"Baka may sakit? Laging masama ang pakiramdam niya e," sabi niya. Sumibol ang pag-
aalala sa dibdib ko. Umiwas ako ng tingin at automatikong inilibot ang tingin sa
paligid, nagbabakasakaling makita ko siya.

"Alex..."

"Mauna na ako sa'yo."

Paalis na sana ako nang magsalita siya ulit. "I'm inlove with you," her voice
croaked. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, pero mabilis din akong nakabalik sa
huwisyo at ipinagpatuloy na ang paglalakad ko palayo.

I don't have time for her non-sense confession. Kailangan kong makita si Yasmin.
Paano kung maysakit nga siya? I can't afford to lose another woman in my life. I
might as well take care of her.

"Alex, I love you!"

Dun na ako napahinto. Nilingon ko si Carlene at nakita kong luhaan siya. Nakatingin
sa amin ang mga estudyante sa paligid. Darn, she's making a scene.

"Talk to me when you finally realize I don't have feelings for you," I said and
started to walk away again. May narinig pa akong isinigaw niya pero hindi ko na yun
pinansin.

Darn, Yasmin. Nasaan ka na ba?

***

Kinagabihan, wala ako sa huwisyo. As usual, I waited for Yasmin outside her
apartment, thinking that she'll come home anytime soon. Nakasandal ako sa kotse
habang pinagmamasdan ang bahay niya nang tumunog ang cellphone ko.

I got dismayed that the message was from Carlene.

Carlene: Meron akong alam pero hindi ko sasabihin.

"Nababaliw na siya," pailing-iling pa ako nang ibalik sa bulsa ng pantalon ang


cellphone ko. Akala ko, matino siyang babae. Akala ko lang pala yun.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay ko ay tinignan ko ang wrist watch ko.
Alas-nuebe na. Siguro, kailangan ko nang umalis. Babalik nalang ako bukas.

With heavy feet, I hopped in my car and started to drive off. Tinapunan ko pa ng
sulyap ang apartment bago ako tumingin sa kalsada nang may makasalubong akong
pamilyar na tao. I slowed down my car as I looked at the guy passing by.
Nakamotorbike siya at tila iniisa-isa ng tingin ang bawat bahay na dinadaanan niya
habang may hawak siyang kapirasong-papel. Inihinto ko ang kotse sa tabi niya at
napalingon siya sa gawi ko, kaya naman ibinaba ko ang bintana upang kumpirmahin
kung tama ba ang hinala ko.

"Alex?"

"Bruno."

Nakumpirma kong si Bruno nga iyon nang tanggalin niya ang suot niyang shades.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng camouflage pants, black
shirt, black cap at nakashades sa ilalim ng buwan.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked and an idea hit me. "Hinahanap mo ba si Yasmin?"

"Hindi. Hinahanap ko ang apartment niya. Pinakiusapan niya kasi ako na kunin ang
mga damit niya," sagot niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nalaman kong
alam niya kung nasaan si Yasmin pero nangibabaw sa akin ang pagtataka. Bakit
pinapakuha sa kanya ang mga damit nito?

"Nasa inyo si Yasmin?"

Nanlaki ang mga mata niya sabay kamot sa batok niya. Para siyang nahuli sa trapo.
"Nyeta naman o'," bulong niya na rinig ko naman.

"Bruno, nasa inyo ba si Yasmin?" tanong ko ulit. Alanganin siyang tumingin sa akin
at tumango. Nakahinga ako ng maluwag. "Kamusta na siya? Bakit siya biglang umalis?
Hindi man lang siya nagparamdam. May sakit ba siya?"

"Alex, siguro ang mabuti pa--"

"Wait there," I said as I stepped out of my car. Mukhang alam ko na ang nangyayari.
Ayaw ba ni Yasmin na malaman ko kung nasaan siya? "Bruno, I need to talk her. Ilang
araw na akong nagpapabalik-balik dito. Hindi ko pa siya macontact. Nag-aalala na
ako sa kanya."

"Pupuntahan ko siya ngayundin," sabi ko at binuksan ang pinto sa driver's seat.

"Alex, 'wag muna!"

"'Wag muna? Bigla siyang nawala. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Kailangan ko
siyang puntahan ngayon." Ba't 'di ko naisip na nagpunta siya kina Bruno? Darn!

Papasok na sana ako ng kotse nang pigilan niya ang pagbukas ng pinto. Isinara niya
yun kaya sinamaan ko siya ng tingin. "O, eto. Tawagan mo siya. Kausapin mo muna,"
sabi niya habang inaabot ang cellphone niya sa akin.

Hindi ko yun tinanggap. Bakit ko pa kakausapin si Yasmin kung pwede ko naman siyang
puntahan?

"I'd rather talk to her personally than talk to her over the phone."
Sapilitan niyang ibinigay sa akin ang cellphone kaya kunot-noong tinignan ko iyon.
"Alex, ayaw niyang magpakita sa ibang tao. Respetuhin mo muna ang kagustuhan niya.
Sa ngayon, tawagan mo muna siya. Bago na ang sim card niya. Gamitin mo 'yang
cellphone ko para sagutin niya."

Kahit naguguluhan ako, ginawa ko yung sinabi niya. Pangatlong ring nang sagutin
niya ang tawag ko. Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang marinig ko ang boses niya sa
linya.

["O ano? Naliligaw ka na ba? Katabi lang yun ng green na gate, Bruno!"]

Hindi ako sumagot. Namiss ko ang boses niya. Namiss ko ang kaangasan niya. Namiss
ko siya. Sobra.

["Bruno? Anak ng... Hoy, sumagot ka nga dyan. Porque naka-unli ka, panay na---"]

"Yasmin."

There was a brief silence over the line. I could hear her breathe deeply before she
spoke.

["S..sino 'to? Hindi ka si B...runo!"]

"Yasmin, ako 'to. Si Alex."

["Alex?"]

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Tinalikuran ko si Bruno at kinausap si


Yasmin. "'Wag mong ibababa ang tawag, Yasmin. Nag-aalala ako sa'yo. Ilang araw kang
nawala. May problema ba? Bakit mo pinapakuha ang mga damit---"

My words stopped upon hearing her seriously say;

"Salamat sa lahat pero itigil mo na 'to. Ayoko nang mag-aral." And then the line
went dead.

-19- Her Secrets

***19*** Her Secrets

"Anong ginawa mo dito? Naku, magagalit na naman nito si Yasmeng," nagpapanic na


sabi sa akin ni Bruno.

Pumunta ako sa lugar nila kinabukasan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog
kagabi sa kakaisip ng dahilan kung bakit nagagalit sa akin Yasmin. Ano bang nagawa
ko?

"Gusto ko siyang kausapin. Hanggang kailangan ba siya magtatago sa akin?" Nag-iinit


na ang ulo ko pero pinipilit ko pa ring maging kalma. You won't like it when I'm
mad. Hindi biro ang temper ng isang Alexander de Silva.

Lalagpasan ko na sana si Bruno nang harangan niya ako't itinulak sa dibdib.


Didiretso na sana ako sa bahay nila nang makasalubong ko siya sa daan, at eto siya
ngayon, pinipigilan ako.

"Ano bang problema? Ba't ba kayo nagkakaganyan?!" I asked darkly.

Huminga siya ng malalim at napakamot nalang sa ulo niya. "Pasensya na talaga. 'Yun
ang bilin sa akin ni Yas--"

"Pagkatapos ng lahat, iiwanan niya lang ako?! I am fvcking worried, Bruno. Why
don't you let me see her?!!" I've reached my limit. My temper rose up. Naikuyom ko
ang mga kamay ko kasabay ng pag-igting ng panga ko. "Pakiusap. Kailangan ko siyang
makausap."

Kahit labag sa kalooban niya ay tumango siya sa akin at sinamahan ako sa bahay.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakielam. Huminto si
Bruno nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila saka ito humarap sa akin.

"Hindi ko naman gustong itago sayo si Yasmin. Siya ang humingi ng pabor sa akin na
ayaw niyang humarap sa kahit sino. Ikaw na mismo ang umalam ng dahilan niya.
Ayokong makielam," seryosong sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ito ang unang beses na nagpunta ako sa bahay nila. Walang pinagkaiba. Maliit
pa rin katulad ng dati. Bumungad agad sa mga mata ko si Yasmin na nakatalikod sa
direksyon ko. Nakasuot siya ng bestida habang nagluluto sa kusina. Napahinga ako
nang maluwag nang makita maayos siya. Wala siyang sakit.

Tinanguan ako ni Bruno bilang signal sa akin na lalabas muna siya. May sinenyasan
pa siya sa likod ko kaya napalingon ako. Nakaupo pala dun ang kapatid niyang bakla.

"Okay," sagot nito at tumayo na. Palabas na sana sila nang magsalita si Yasmin.
Parang binayo ang dibdib ko sa kaba pagkarinig ko pa lang sa boses niya.

"Mag-almusal na tayo. Nakabili na ba si Bruno ng pandesal?" tanong nito nang 'di


man lang lumilingon. "Bakla!" tawag pa niya.

Walang umimik kahit isa sa amin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Halos huminto
ang hininga ko nang lingunin ni Yasmin ang direksyon ko.

"Tara--"

Naputol ang sana'y sasabihin niya't naibagsak ang hawak-hawak na kutsara nang
makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong na tanong niya. "Bruno, anong
ginagawa niyan dito?!"

"Yasmin, let's talk."

"Nakapagpasalamat na ako sayo diba? Wala na tayong dapat pag-usapan," seryosong


sambit niya saka siya tumalikod. "Pwede ka nang umalis."
Sinenyasan ko ang magkapatid na iwanan muna kami. Pagkasarado pa lang ng pinto ay
halos mabingi na ako sa kaba sa dibdib ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya
pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

Humarap siya't naningkit ang mga mata nang magtama ang mga paningin. Marahil akala
niya ay nakaalis na ako.

"Kailangan nating mag-usap."

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umatras naman siya ng isang hakbang kaya
napahinto ako. Naguguluhan ako. Bakit ba siya nagkakaganyan? "What's wrong? May
ginawa ba akong mali kaya ka nagagalit sa akin ng ganyan? C'mon, tell me, Yasmin.
Wala akong matandaan."

"Umalis ka na."

"Ganito nalang ba? Pagkatapos ng mga ginawa ko, aalis ka nalang nang 'di man lang
nagpapaalam?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumaas ang boses.

Kitang-kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Napasandal siya sa lababo


habang nakayuko ang ulo. Umiiyak na naman siya.

"Ano bang nagawa ko?"

"Nanunumbat ka na ba?" Nanginginig na sabi niya at tumalikod na naman sa akin.


"Alex, pakiusap. Umalis ka muna. Hindi ko pa kayang makipag-usap sayo."

"Yasmin, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan! Sabihin mo sa akin. Mababaliw


na ako kakaisip sayo."

"TAMA NA!" She screamed as her hands covered her both ears. She started to sob and
I hate seeing her cry. "Tama na, please! Umalis ka na!"

Ayokong nakikita siyang nasasaktan at alam ko kung bakit ako nagkakaganito sa


ganyan.

"Umalis ka na!!" Muli na naman niya akong tinalikuran at hinarap ang lababo.
Nakapatong ang dalawa niyang kamay dito at walang katapusang hikbi ang lumalabas
mula sa bibig niya.

Wala ano-ano'y nilapitan ko siya't niyakap mula sa likod. Ramdam ko ang pagkabigla
niya sa ginawa kong 'yon.

"A..lex--"

"Gusto kita. Gustong-gusto kita, Yasmin," mariin na pag-amin ko. Hinigpitan ko ang
yakap sa kanya. I let her feel how much I missed her. "'Wag ka namang ganito."

Nanatili kami sa ganoong pwesto. I was comfortable in her warmth. Matagal ko nang
hindi nararamdaman ang ganitong pakiramdam.

"... I like you so much."

"Alex, h..hindi pwede," hikbi niya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa
sinabi niya. Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at nilagpasan ako. "Umalis
ka na."

"Yasmin--"
"Please, Alex. Umalis ka na."

Sinundan ko siya't pinigilan sa braso. Hinawakan ko ang mukha niya at ipinaharap


iyon sa akin. Namamaga ang mga mata niya at maitim na ang paligid ng mga ito.
Nakakapagpahinga ba siya ng maayos dito?

"Bumalik ka na sa apartment. Marami tayong pag-uusapan. Hindi ka pwedeng tumigil sa


pag-aaral. Ilang buwan nalang, Yasmin. 'Wag ka namang---"

"BUNTIS AKO!"

"BUNTIS AKO!"

"BUNTIS AKO!"

"BUNTIS AKO!"

"BUNTIS AKO!"

Natigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Napakurap
nalang ako nang umalis siya sa harapan ko at pagkatapos ay pumanhik sa itaas.
Mabilis siyang bumalik at inabutan ako ng isang maliit na puting bagay.

"Buntis ako, Alex. Narinig mo ba ako? Buntis ako!"

Tila nabingi ako sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa dalawang pulang guhit na
ibinigay niya sa akin. P..paanong nangyari 'to?

"Don't joke around, Yasmin," I faked a laugh as I combed my hair with my fingers
out of frustration. Hindi 'to pwedeng mangyari.

"Alex, hindi ako nagbibiro."

"No... No, stop it. Tara na, bumalik na tayo sa apartment mo," sabi ko at hinila
siya sa kanyang kaliwang kamay. Binawi niya naman iyon kaya napatingin ako sa
kanya.

She's crying madly.

"Papatunayan ko sayong totoo ang sinasabi ko. Samahan mo ako."

Sa pinakamalapit na Ob-gyne clinic ko siya dinala. Kahit labag sa kalooban ko ay


sinamahan ko siya. Hindi. Hindi maaaring buntis siya. Imposible. How would that
happen?

"It's positive. You are two and a half months pregnant. Congratulations," masayang
anunsyo ng doktor habang iniaabot sa amin ang resulta pagkatapos ng ilang minutong
paghihintay namin. Para akong napako sa kinauupuan ko.

Hindi maaari.

"I advise you to have a regular check up every 3 weeks lalo na't maselan ang
pagbubuntis mo," dagdag pa nito.

Natanga ako sa kawalan. Wala sa sarili akong lumabas ng clinic nang walang pasabi.
Napasandal ako sa pader. She's fvcking two and a half months pregnant for Pete's
sake! Paano nangyari 'yon? Tang1na.

"Alex."

Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Yasmin. Umiiyak na naman siya.
Pumikit ako. Sumisikip ang dibdib ko kapag nagkakaganyan siya.

"Alex, I'm sorry. Sorry kung nadisappoint kita---"

"Sino ang ama?" putol ko sa kanya. She's been hiding it to me for two and a half
months! I felt betrayed. Halos apat na buwan pa lang ang nakalipas simula nang
magkakilala kami. This bull sh1t!

"Alex---"

"WHO GOT YOU PREGNANT?!"

Umalingawngaw ang echo sa gusaling kinaroroonan namin. Naguguluhan ako. Gulong-gulo


ang utak ko sa nangyayari. How did it happen?

"Si Blue..."

Kusang kumuyom ang mga kamao ko sa narinig ko. Did I hear her right?

"Si B...lue ang ama, Alex." Lumakas ang paghikbi niya habang sapo-sapo ang dibdib
niya. "I'm sorry... I...I'm sorry."

Napapikit ako ng mariin. Pinapakalma ang sarili ko. Tinago niya ito ng halos
tatlong buwan sa akin. Hindi ko man lang napansin. That fvcking bastrd!

"Kaya ba ganun-ganun nalang ang paghahabol mo sa kanya?" Nandilim na ang paningin


ko. Now I get it.

"Alex... I'm sorry."

"Fvcking bastrd!" sigaw ko at nilisan na ang lugar na iyon. Makikita ng hayop na


'yun ang hinahanap na niya.

"ALEX!"

***
Dumiretso ako sa E.H.U. Alam kong may pasok sila ngayon kaya dito ako nagpunta.
Nandidilim na ang paningin ko. Gusto ko siyang harapin. T*rantado siya!

Nag-init lalo ang ulo ko nang makita ko siyang palabas ng campus gate. Lumabas agad
ako sa kotse at hinarangan siya.

"Oh, Alex. Si Yasmin ba? Hindi pa rin siya---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sumalampak na siya semento. Sinuntok ko
siya sa pisngi at tuloy-tuloy ko siyang pinagbabayo ng sapak sa mukha.

"Sh1t!"

Panay ang daing niya pero tila nabingi ako. May mga umaawat sa amin pero hindi ako
nagpatinag. Pinagtatadyakan ko siya sa sikmura at pinahilamos siya sa kanyang
sariling dugo.

"HAYOP KA! Bakit mo 'yun ginawa sa kanya?! T*ng!na ka!" Ipinaikot ko ang braso niya
bago ko siya sinuntok ulit sa mukha.

"A..alex! Ano b-b-bang ginawa ko-- Sh1t!"

Tumayo ako't bibigyan pa sana siya ng malakas na tadyak sa mukha nang may marinig
akong pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"ALEX! TAMA NA!"

Kusa akong napaatras nang marinig ko iyon. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula
sa likuran. "Alex, please. Tama na..."

Umubo-ubo si Blue sa sarili niyang dugo. Kulang pa sa kanya yan. Hayup siya.

"Ano.. g...ginawa ko?!"

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Nagkamali siya ng babaeng pinaglaruan.

"Alam ba niya?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa g*gong ito.

"Alex--"

"DOES HE FVCKING KNOW?!" singhal ko. Mas lalong lumakas ang hikbi ni Yasmin. Hindi
ko na kayang makita siyang nasasaktan. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin
at naglakad na palayo nang marinig kong nagsalita na naman ang babaeng
kinababaliwan ko ngayon.

"Buntis ako, Blue, at ikaw ang ama," sabi nito at naramdaman ko nalang ang pagguho
ng mundo ko.

-20- Depression
A/N: Sorry for making you confused in the last chapter. Nagkamali ako ng type. 2
and 1/2 MONTHS pong buntis si Yasmin at hindi weeks. Hehe. Sarreh. Na-edit ko na
rin naman. Buti may nagcomment. Lol. Di ko kasi naproof read yun bago iupdate e.

***20*** DEPRESSION

Walang katapusan na paglagok sa alak ang ginawa ko. Hindi ko na alintana ang mainit
na pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Sobrang sakit. Kung kailan mas lumalalim na
ang nararamdaman ko para sa kanya ay nangyari pa ito. Tang1na.

"Alex, himala. What brought you-- hey, are you drinking?" Narinig ko ang boses ni
Daddy mula sa likod. Gusto ko sana siyang lingunin pero unti-unti nang umiikot ang
paningin ko. Hindi ko na kaya.

"Alex."

I went straight home. Hindi sa condo unit ko o sa kahit saan pa man. I'm feeling
helpless and my parents are the only people I know who can console me in times like
this.

"Dad." Nanghihinang tawag ko sa kanya. Sumubsob ako sa bar counter at ipinikit ang
mga mata ko. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto kong makalimutan ang
lahat ng nangyari ngayong araw. This is one hell of a bad day for me.

"Alex, anong problema?" Dad asked as I felt him tap my back carefully.

Marami. Marami akong problema...

"C'mon, Alex. I'm your father. You can rely on me."

Hindi ko alam kung dulot lamang ng alak ang nararamdaman ko ngayon pero kusang nag-
init nalang ang mga sulok ng mata ko.

"Ang sakit. Sobrang sakit." Parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit na
nararamdaman ko ngayon. "Are the Gods punishing me? Bakit lagi nalang ganito, Dad?"

Naramdaman ko ang pagtulo ng maliit na likido mula sa mga mata ko. Nag-angat ako ng
ulo at marahas iyong pinunasan. "Ngayon ko nalang ulit 'to naramdaman para sa ibang
babae pero--"

"Are you inlove with someone else now, Alexander?" tanong niya na siyang
nagpabaling ng tingin ko sa kanya. Naikuyom ko ang mga palad ko at kusang
napasuntok sa bar counter.

Hindi ako sumagot. Naalala ko na naman ang mga salitang sinabi sa akin ni Yasmin
kanina.

"Buntis ako, Alex. Narinig mo ba ako? Buntis ako!"

Nag-igting ang panga ko sa galit. Alam kong wala akong karapatang magalit, pero
hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano niya 'to nagawa?

She broke my trust on her.


"Seems like it," sabi ni Daddy at mula sa gilid ng mga mata ko ay nagsalin siya ng
alak sa rock glass niya. "Hindi ko alam kung anong dapat na reaskyon ko ngayong
nalaman kong nakamove on ka na sa nangyari sa ex-girlfriend mo. Tell me about this
girl you like, Alex. Could you?"

I took a deep breath as I stared at my Dad. He was waiting for my answer as he met
my eyes. I trust my Dad next to anyone else. Kahit pa na hindi naging maayos ang
relasyon namin noong bata pa ako ay naramdaman kong bumawi siya sa akin simula nang
magkaayos kami.

"H...Her name's Yasmin," panimula ko. "And she got Fatima's very own eyes."

Napaawang ang bibig niya sa gulat pero mabilis din siyang nakabalik sa sarili.
Sinalinan niya ako ng whiskey bago niya ako tinanguan ulit. "Go on."

"Kailan ko lang po nalaman 'yon at aksidente pa. When I found out about her, there
was something that bugged me to help her. I got interested in her. Nasa kanya ang
mga mata ni Fatima. Why wouldn't I be, right?"

She lived in a squatter area under the hands of her cruel step-father.

"I understand. How did you help her?

Tumingin ako sa mga mata ni Dad. He did not know everything because I didn't let
him. "Tinulungan ko po siyang mag-aral. I even took her away from her dad's
cruelty. I provided everything that she needed, because..."

Naputol ang sasabihin ko. Dahil nga ba ano?

"Because what?"

"Because I could see Fatima in her eyes. I could feel the sincerity through them.
Dahil namimiss ko si Fatima."

"Alex, hindi kaya nagustuhan mo lang siya dahil--"

I broke into his words. I know where this talk is heading. "Gusto ko siya hindi
dahil kay Fatima, sa mga mata niya o kung ano pang walang kwentang rason. Gusto ko
siya bilang siya."

Napahampas ako sa bar counter. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko sa tindi
ng emosyon na nakapaloob sa akin.

"Hindi ko alam kung ano nangyari at ba't bigla ko nalang ito naramdaman sa kanya,
Dad. Nababaliw na ako. Hindi ko siya dapat ginugusto pero tang1na lang! Gusto ko
siya. Sobra!"

I was catching my own breath after what I blurted out. Pumikit ako saglit at
pinilit pakalmahin ang sarili ko.

"Alex, what's wrong then? If you really like her, then pursue her. Ano pa bang
problema?"

"She's pregnant with another man."


"Buntis ako, Blue, at ikaw ang ama."

Natahimik siya. Nakaramdam na naman ako ng matinding kirot sa dibdib ko. Direktang
lumagok ako sa alak at naibato yan sa sahig. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Alex--"

"Minsan na nga lang ako magmahal, pero mas madalas pa akong nasasaktan," I broke
down. I don't care about anything now. I don't fvcking care if I look like some
kind of an id1ot now. I feel hopeless.

"Lasing ka na. Tara na, ihahatid na kita sa kwarto--"

Tinabig ko ang mga baso at nagwala. Bakit nagkaganito? "TANG1NANG LALAKING 'YON!
MAMATAY NA SIYA! SA LAHAT NG GAGAGUHIN, YUNG TAONG GUSTONG-GUSTO KO PA!"

"Alex, calm down!"

Umikot ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig. Kasunod ay


ang pagdilim ng paningin ko nang may luha sa mga pisngi ko.

***

Halo-halong sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang binibiyak ang ulo
ko sa sakit. Ni hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Sana ay 'di nalang ako
nagising para sana ay natakasan ko na ang lahat ng ito.

"Alex, are you awake now?" boses ni Mommy.

Sinubukan kong gumalaw pero ang bigat ng katawan ko. Ano bang nangyari sa akin?

"Alex..."

"Hayaan mo muna siya. Baka hindi niya pa kaya."

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Unti-unti pumasok sa akin na ako ay nasa
sarili kong kwarto. My mom and dad were looking down at me worriedly. Hinaplos pa
ni Mommy ang buhok ko.

"Mom--"

"Bakit ka ba kasi naglasing ng sobra kagabi, Alex? You have no idea how much we're
worried about you! Akala ko na-alcohol overdose ka na. Akala ko--"

Inawat siya ni Daddy. "Hon, calm down. Ayos na ang anak natin. Stop worrying. Alex,
kamusta na ang pakiramdam mo?"

Napasapo ako sa ulo ko. Sobrang sakit. Naramdaman ko pa ang pagkirot ng kaliwa kong
kamay. Nagtaka pa ako nang makitang may benda iyon at may bahid ng dugo. "What
happened?"
"Wala kang matandaan?"

Ugh. Sh1t. Parang nilalagare sa sakit ang ulo ko. Sa sobrang kirot ay gusto kong
ipukpok ito sa pader. "I can't remember what happened last night."

"Masyado kang nalasing," sabi ni Dad.

"What am I gonna do with you, boys? Bakit dinadaan niyo sa paglalasing ang problema
niyo? God, sumasakit din ang ulo ko sa inyo. Makalabas muna," sabi ni Mommy at
nilisan na ang kwarto ko.

I was left with Dad alone and I noticed him staring at me blankly. "Everything's
gonna be alright, son. Kung nalagpasan mo ang nangyari noon, mas malalagpasan mo
ito."

Ngumiti siya sa akin ng tipid at hinawakan ang ulo ko. "Kung nabubuhay pa ang
bunsong kapatid mo, malamang matatakot yun sa inasal mo kagabi. Muntikan mo na
kaming patayin sa pag-aalala."

Hindi ako nakasagot. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi pero sakit sa ulo
lang ang nakuha ko. Sh1t, ano ba kasing nangyari? All I remember is that I got
drunk alone, Dad came into the bar and that was it.

"Ipapahatid ko nalang kay Manang ang breakfast mo. Magpahinga ka na muna," sabi ni
Daddy at akmang lalabas na nang tawagin ko siya.

"Dad, what happened last night?"

"Ipinasok mo sa ulo mo ang alak kaya nawala ka sa sarili." He explained and I got
more curious. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone sa loob ng
pantalon ko. "Your phone's ringing. Answer it. Kanina pa yan nagriring."

I fished out my phone from my pants' pocket and looked at the screen. Natigilan ako
nang makitang si Bruno ang caller.

"Hello?"

A panting voice sounded on the other line. My heartbeat started to race so fast for
some reason. Was there something wrong?

["Alex, si Yasmin--"]

Tila nagising ang buong sistema ko sa pangalang sinambit niya. "What happened to
her?"

["Sinugod sa ospital. Dinudugo siya!"]

I rushed to the hospital eventhough I still feel disoriented. Nagkandaleche-leche


na talaga. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa amin?

"May pasyente ba kayong Yasmin Jacinto?" I asked the nurse in the front desk. Mas
lalong nakadagdag sa sama ng pakiramdam ko ang init at sikip ng pampublikong
ospital na ito. Fvck, mas lalo tuloy akong nag-aalala para kay Yasmin.
"Nasa room 309 po," sabi niya at walang sabi-sabi akong napasugod sa loob para
hanapin ang kwarto niya.

The hospital was crowded and noisy. Pakalat-kalat ang mga tao. Ni hindi ko nga
maiwasan na mabangga ang mga makakasalubong ko pero hindi ko na yun inanlintana.

Napahinto ako nang maramdaman ko na naman ang pagkahilo. Napasabunot ako sa buhok
ko at napasandal nalang sa pader. Pakshet na hangover 'to. Bakit ngayon pa?

"Alex?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Bruno. I studied his look and I
assumed that he came from the state of panic because of his face full of sweat.
"Bruno, nasaan si Yasmin?"

"Ayos na siya. Nagpapahinga na siya sa kwarto niya," sabi niya at nakahinga ako ng
maluwag. "How about her baby?" I asked thoughtfully.

"Ligtas silang dalawa. Pasensya na kung naabala pa kita. Pvta, nakakataranta eh!"
Pinasadahan niya ng kanyang kamay ang buhok niya. "Pasensya na, 'tol."

"Ayos lang. Pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto niya?"

"Sige. Samahan na kita."

Sinamahan ako ni Bruno papunta sa kwarto ni Yasmin. At nadismaya ako sa kundisyon


ng pinagpapahingahan niya. Hindi niya solo ang kwarto. May anim na pasyenteng
nakapwesto roon. What could I expect in a public hospital anyway?

"Bakit dito?" tanong ko habang palapit kay Yasmin. She was in deep sleep.

"Eh bakit hindi?"

I tried to calm myself as I faced Bruno. "Makakapagpahinga ba siya ng maayos dito?


Ang init at maingay--"

"Wala kaming pambayad. Ang mahal kapag sariling kwarto."

"Then I'll be in charge to pay everything. I-transfer mo siya sa private hospital."

"Hindi na kailangan."

Natigilan ako nang marinig ko ang malamyang boses ni Yasmin. Nagising siya. "Yas--"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Look, Yasmin. Tinawagan ako ni--"

Tinignan ng masama ni Yasmin si Bruno. Kahit na naghihina ito ay naibato pa niya


rito ang isang unan na nadampot niya. "Bakit mo yun ginawa!?"

"Sorry na. Hindi ko sinasadya. Maiwan muna kita dyan. Bibili lang ako ng makakain,"
sabi ni Bruno at tinapunan muna ako ng makahulugang tingin bago umalis. Naiwan
kaming dalawa ni Yasmin. How I wish we're left alone but heck, this room is too
crowded.

"Ano bang nangyari?" I broke the silence. She looked down and I bet she's
controlling her tears not to fall... again.
"Hindi mo na kailangang malaman--"

"Gusto kong malaman, Yasmin. Lahat ng tungkol sayo ay interesado ako dahil may
pakielam ako!"

Hindi siya sumagot. Narinig ko na naman ang paghikbi niya. Tang1na. Hanggang kailan
ba kami magiging ganito?

"Yasmin--"

"Ayaw niya akong panagutan! Hindi siya naniniwalang siya ang ama nitong bata sa
tiyan ko!!!"

Nabato ako sa sinabi niya. Nag-init na naman ang ulo ko. Si Blue... Napakahayop
talaga ng lalaking 'yon. Pagkatapos magpasarap, tatalikuran niya lang ang
obligasyon niya?

"S...siya ba talaga ang ama?"

Sumubsob siya sa sariling palad niya at dun na humagulhol. Gusto ko siyang


patahanin pero nanghihina ako.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayong siya nga!"

Napalakas ang boses niya kaya nakuha namin ang atensyon ng lahat ng tao sa kwartong
ito. Lumapit sa akin ang isang nurse at halata sa mukha nito ang pagkaalarma.

"Sir, hindi niyo dapat ini-stress ang pasyente. Bumalik na lang kayo sa ibang
araw," sabi nito pero hindi ako gumalaw. Ayokong umalis. "Sir..."

"Pasensya na," sabi ko at nilisan na ang kwarto nang may dalang mabigat sa dibdib.
Pagkalabas ko, nakita ko si Bruno na parang may hinihintay. Pagkaangat niya ng
tingin, nagtama ang mga paningin namin.

Naglabas ako ng pera sa wallet ko at iniabot iyon sa kanya. "Ilipat mo siya sa


pribadong ospital. 'Wag dito."

"Alex--"

I cut through his words. Wala akong pakielam sa mga sasabihin niya. Ang gusto ko
lang ay malaman ang tunay na nangyari kay Yasmin. "Ano ba talaga ang nangyari?
Bakit siya isinugod dito?"

Napasapo siya ng noo. Tila nagdadalawang-isip kung anong isasagot.

"Bruno, sabihin mo ang lahat sa akin."

"Hindi ko alam. Basta naabutan ko nalang siya na umiiyak sa kwarto habang


sinasaktan ang sarili niya. Sinusuntok niya ang tiyan niya."

Dammit.

"Pero buti nalang ay ligtas siya dahil naitakbo ko kaagad siya sa ospital nang
makita kong dinugo siya," dagdag niya. This is all that bastrd's fault! He's a
fvcking coward for running away from this!

"Thank you for being there for her," sinserong sabi ko. If it wasn't for him, I
don't know how Yasmin is now. Thank God she's safe.
"Wala 'yon. Kababata ko kasi 'yang si Yasmin e. Sige na, mauna na ako sayo. Ibibili
ko muna siya ng pagkain. Salamat din sa lahat. Malaking tulong 'to," paalam niya.

"Sumabay ka na sa akin."

Pagkaharap ko sa hallway, natigilan ako nang makita ko si Daddy. He was carrying a


basket full of fruits. Anong ginagawa niya dito?

***

"Dad, how did you know I'm here?"

Nasa corridor kami ngayon ng ospital. Ipinadala ko na kay Bruno ang dala ni Dad na
prutas kay Yasmin bago ko siya niyaya dito.

"I heard it from you this morning," he said smilingly at me. "So, how is she now?"

"She's fine."

Bumuntong-hininga siya bago tinapik ang balikat ko. "Nandito lang ako, nakasuporta
sayo. May maitutulong ba ako?"

Kusang naalala ng isip ko ang mga sinabi sa akin ni Yasmin. I feed bad about her.
Alam kong mas grabe ang pinagdadaanan niya ngayon kumpara sa akin. She got pregnant
out of wedlock and was denied by the guy who darned her. Napaisip tuloy ako. Hindi
dapat ako nagagalit ng ganito. Alam kong may dahilan ang lahat ng bagay.

May dahilan kung bakit lahat ng ito ay nangyayari.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero kusa nalang
na lumabas sa bibig ko ang katanungang hindi ko inaasahan na itatanong ko sa sarili
kong ama ngayon.

"By any chance, will you let me get into marriage now, Dad?"

-21- Her Side

***21*** HER SIDE


"Are you sure about this?" Arthur asked seriously to me. Pinapunta ko siya sa condo
unit ko kinabukasan matapos kong makausap si Dad. I also told him the whole story.
Everything, even Yasmin's condition. Wala na rin naman akong maitatago sa kanya
dahil alam na niya ang tungkol kay Yasmin.

"Sigurado na ako. Papanagutan ko siya," I answered firmly.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi na nagsalita pa. Alam kong nadismaya siya sa
desisyon ko base sa reaksyon niya.

Kahapon, nang mag-usap kami ni Dad, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay isang
malaking desisyon ang gagawin ko-- na sa desisyong ito ay mababago ang takbo ng
buhay ko.

Alam kong mahirap pero gustong-gusto ko talaga si Yasmin at lahat gagawin ko para
mapabuti ang kalagayan niya.

"Aakuin mo ang ipinagbubuntis niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Dad. Bumuntong-


hininga ako at taas-noong itinango ang ulo ko.

"Kung yun ang makabubuti sa kanya, yun ang gagawin ko, Dad."

His face hardened and worry etched across his face. "Hindi basta-basta ang
pagpapakasal---"

"Gusto ko siya, Dad. At gusto kong gawin 'yon dahil ayokong mahiwalay sa kanya," I
retorted in a hard voice. "Pakakasalan ko si Yasmin."

He sighed deeply and I don't know if what that sigh is for. Nakumpirma ko lang iyon
nang magsalita siya matapos ang iang minutong hindi pagsasalita.

"Sinabi ko namang susuportahan kita sa kagustuhan mo diba? Pero masyadong


kumplikado ang papasukin mo, Alex. Handa ka na ba?"

Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa mga mata ng ama ko. Alam kong biglaan itong
desisyon ko pero wala na akong ibang gusto bukod sa makasama si Yasmin. Nasanay na
ako sa presensya niya at nasasaktan ako kapag nagtatangka siyang lumayo sa akin.

"Handa na po ako."

He heaved out a sigh again as he gave me a warm hug. "Sige, pumapayag na ako, pero
kailangan mong ipakita sa akin ang diploma mo bago mo gawin ang gusto mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. I felt somewhat relieved. "D-dad..."

"'Wag ka munang magpasalamat. Asikasuhin mo muna ang pag-aaral mo at siguraduhin


mong papayag ang babaeng gusto mo na magpakasal sayo. Saka mo na siya ipakilala sa
amin kapag nasunod na ang kundisyon ko."

Nabalik ako sa realidad nang tapikin ni Arthur ang balikat ko pagkatapos ay


sinalinan niya ako ng orange juice sa baso ko.
"Kung 'yan ang gusto mo, susuportahan kita, dude. Kampai!"

Sinunod ko ang sinabi sa akin ni Dad. Hindi ko alam pero naging motivation ko 'yon
para pumasok sa mga klase ko nung mga sumunod na araw. Hindi ko rin kinakalimutan
na kamustahin si Yasmin kay Bruno. Tatlong araw na akong hindi nakakadalaw doon.
Mabuti na rin yun dahil alam kong hindi pa pisikal na maayos si Yasmin.

One fine Friday, I decided to go straight to the hospital which Yasmin was into.
Hindi man siya inilipat ng ospital dahil hindi raw ito pumayag ay napalipat naman
siya sa isang solong kwarto. It was much better than the ward she was into a few
days ago.

"How's she?" tanong ko kay Bruno. Tinext ko siya para lumabas ng kwarto. Hindi ko
kasi alam kung papasok na ba ako o hindi. Ayokong ma-stress na naman siya.

"Pwede na raw siyang lumabas ng ospital."

I sighed in relief as I turned to look at her door. "Gising ba siya?"

"Oo. Kung gusto mo, pumasok ka. Mukha namang maganda ang timpla niya ngayon,"
nakangiti niyang sabi sabay tingin sa hawak kong plastic. "At saka tamang-tama.
Gusto-gusto niya ang mango crepe. Pinaglilihian niya ata."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako naniniwala sa paglilihi ng buntis
pero mayroong parte sa akin na nakapukaw ng atensyon ko.

"Mango crepe?"

"Oo. Mali ba ako ng sabi? Mango crip o mango cre-pe?" Napakamot siya sa ulo niya sa
pag-aalangan.

Nagkibit-balikat nalang ako sa kanya. "Mango crepe. Tama yung una mong sinabi,"
sabi ko. I brought mango crepes for her today. Naalala ko kasi na gusto niya ito
noong nagbirthday siya. Natuwa pa nga ako nang malaman kong paborito niya ito. We
do have the same interest on food.

"Papasok na ako," ani ko at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Nakita ko ang pigura
ni Yasmin na nakatalikod sa direksyon ko. Hindi siya gumagalaw. Natutulog na ba
siya?

"Yasmin," I called her but she did not move even a bit. Inilagay ko ang plastic na
dala ko sa bedside table at saka ko hinila ang upuan sa harap niya. She was
sleeping indeed.

Ngayon ko lang napansin na tumataba na nga siya ng bahagya. Pumipintog na ang mga
pisngi niya. Bakit hindi ko man lang napansin na buntis siya sa nakaraang dalawang
buwan na lumipas?

"Kung hindi mo sana sinaktan ang sarili mo, edi sana wala ka dito," sabi ko sa
kanya.

I took the chance to talk to her even she's in deep sleep. Alam kong 'di ko naman
siya makakausap kapag gising siya. Tiyak ay ipagtatabuyan niya lang ako.

"Kung sana, sinabi mo ng maaga na buntis ka, edi mas maaga kong pinaligo sa sarili
niyang dugo ang gag0ng Blue na 'yon," nanggigigil na sabi ko. Automatikong nag-init
ang ulo ko. "Ano ba kasing nagustuhan mo sa tarantad0ng 'yon?"

Naalala ko ang sinabi niya sa aking dahilan kung bakit niya nagustuhan ang gag0ng
'yon. Mas lalo lang tuloy nanaig sa dibdib ko ang galit.

"Hindi siya tunay na lalaki. Darn that arsehole," I hissed as I fisted the blanket
on bed. I took few deep breaths as I calmed myself.

"Fvck, that's not the reason why I went here." I muttered as I pulled the words
together in my head. Gusto kong ilabas ang ikinikimkim ko sa dibdib ko. Gusto ko
nang tuluyang makahinga ng maluwag.

"Yasmin," I called her name softly as I stroke her hair with my fingers. "Gusto
kita. Gusto mo rin ako diba?"

Nakita ko ang paglunok niya. Lumakas tuloy ang kaba sa dibdib ko. She moved to the
other side and heck, is she pretending to be asleep?

"Gising ka ba?"

Hindi siya sumagot. Lumipat ako sa kabilang gilid at tinitigan ang mukha niya. Her
face was not as relaxed as awhile ago. Pilit pa ang pagpikit ng mga mata niya.
Fvck. "Did you hear what I just say?"

Nagtaklob siya ng kumot at parang walang narinig dahil hindi pa rin siya sumasagot.

"Kanina ka pa gising. Narinig mo ang sinabi ko. Kaya tigilan mo na ang pagtutulog-
tulu---"

Naputol ang sana'y sasabihin ko nang ibaba niya ang kumot at sinamaan ako ng
tingin. "Bakit ka ba kasi nandito? Ayaw kitang makita!"

Kununot ang noo ko sa pagtataray niya. "Bakit? Wala akong alam na dahilan para
kagalitan mo ako, Yasmin."

"Wala na akong mukhang ipapakita sayo. Nakita mo naman diba? Nagloko ako. Buntis
ako. Nadisappoint kita. Binigo kita!"

"Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari. What we need to do is to face


it. I'll face it with you, Yasmin. Sasamahan kita. 'Wag mo akong ipagtabuyan."

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya, babala ng
pagbabadyang pagtulo ng mga luha niya.

"Bakit ba ang bait mo sa akin?" Her lips were trembling as she asked the question.
"Ginag0 na nga kita pero nandito ka pa rin."

Inangat ko ang kamay ko para punasan ang mga luha sa pisngi niya. Tinitigan ko siya
sa mga mata at kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko. Hindi kagaya ng dati. Hindi
gaya ng dati na kapag tumitingin ako sa mga iyon ay may naaalala ako.

"Nasabi ko na sayong gusto kita diba?" seryosong pag-amin ko.

Sinalubong niya ang mga mata ko. Her eyes were etched with pain. I could see that
through them. I was on the verge of pulling her into my arms to comfort her but I
shook the thought away. Napalitan ng galit ang nababakas sa mga mata niya.

"Ginusto mo lang ba ako dahil sa mga mata ko? Tuwing tumitingin ka ba sa mga mata
ko ay siya ang nakikita mo?"

Natigilan ako't nanlamig sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito ay alam na niya?

"Yas--"

"Alam ko na," ngumiti siya ng mapait sa akin. "Siguro tinatawanan mo ako nung
pinuri mo ang mga mata ko at sinabi kong minana ko yon sa nanay ko no'? Syet.
Syempre oo, diba? Napakasinungaling ko ba naman e. Nang-angkin ng mga mata ng ibang
tao."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Handa na ako na mangyari ito pero hindi ko alam
kung bakit naduwag ako.

"Hindi ka makapagsalita dyan?" Natawa siya ng pagak habang tuloy-tuloy ang pag-agos
ng mga luha niya. "Alam mo ba kung sinong nagsabi sa akin? Si Carlene. Bakit naman
ganun, Alex? Bakit sa kanya sinabi mo pero sa akin ay itinago mo?"

Napalunok ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Anong sinabi kay Carlene?
"Wala akong sinasabi sa kanya. Maniwala ka sa akin."

"Wala naman akong pakielam dun. Kahit nga yung nalaman kong ikaw pala talaga ang
sponsor ko e, wala lang sa akin yon. Ganun ka naman diba? Lahat nalang tinatago mo
sa akin."

Para akong ginigisa sa sarili kong mantika sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang
tungkol doon? Paksh1t. How did Carlene know about this? Wala naman akong sinasabi
sa kanya.

"Believe me, I was really gonna admit everything to you, Yasmin, pero naunahan mo
lang ako. I'm sorry."

Bumangon siya at muling ngumiti sa akin, pero sa pagkakataong ito ay isang


malungkot na ngiti ang sumibol sa mga labi niya. "Hindi mo naman kailangan humingi
ng patawad sa akin. Ako nga dapat ang magsorry sayo. Sorry sa lahat ng katangahan
ko. Hindi ako karapat-dapat sa tulong mo, sa atensyon mo, sa---"

"'Wag mong isipin 'yan."

Nagsisimula na naman siyang humikbi. Tang!na. Walang katapusang pasakit. "Siguro


nagtataka kung bakit nangyari sa akin ito? Kung paano ako nabuntis ng lalaking
'yon?" Huminto siya at lumunok. Sinusubukan ko siyang patigilin pero hindi niya ako
pinansin. "Nagustuhan ko si Blue simula nang pumasok ako sa E.H.U. Naging malapit
kami sa isa't-isa at hindi ko napansin na nahuhulog na ako sa kanya."

Nakukuha ko na. November nang pumasok siya sa E.H.U at nung mga panahong iyon ay
hindi pa kami gaanong nag-uusap.

"Pangatlong Linggo ko sa E.H.U nang magbirthday si Blue. Inimbitahan niya ako.


Nagsaya kami. Naalala ko pa ang nangyari nung gabing yun. Para akong hinahatak sa
alapaap. Noon ko lang naramdaman ang pakiramdam na yun. Ganun pala ang party ng
mayayaman. Napakaagresibo. Siya ang kadikit ko noon. Hindi niya ako tinantanan.
Kaya naman kinabukasan, nagising nalang akong katabi siya sa kama. Parehas kaming
walang saplot sa ilalim ng kumot. May nangyari sa amin ni Blue."

Naikuyom ko ang mga palad ko sa galit. She took advantage of Yasmin.


Napakatarantad0 talaga ng lalaking 'yon!

"Simula no'n, naghabol na ako sa kanya. Akala ko, may gusto siya sa akin kaya niya
yun ginawa pero... pero..." Nanginginig siya habang nagsasalita. Puno ng
paghihinagpis ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "... sabi niya nung
birthday ni Carlene na hindi niya ako gusto. Natanga ako sa sinabi niya. Pakiramdam
ko, pinaglaruan niya ako pero wala akong pakielam. Kaya siguro nagtataka ka kung
bakit ako nababaliw sa kanya at kung bakit ako naghahabol sa kanya. Sabihan mo na
ako ng masasakit na salita, Alex. Hinabol ko siya dahil kinuha niya ang
importanteng bagay sa akin."

I never thought they've done it. Wala akong kamalay-malay. Kaya pala. Sh1t.

"Sinabihan pa ako ni Blue na kalimutan nalang ang gabing yun at bumalik nalang kami
sa pagkakaibigan. Kaya pinilit kong maging kaswal sa kanya kaysa ang layuan niya
ako."

Hindi agad pumasok sa isip ko ang mga inamin niya. Tumayo ako at naglakad ng
pari't-parito sa loob ng kwarto hanggang sa huminto ako sa harap niya.

"Kailan mo nalaman na buntis ka?"

Yumuko siya at napahawak sa tiyan niya. "Last week lang. Napansin ko kasing hindi
na ako dinadatnan kaya nagpacheck up na ako. Wala akong ideya na nagdadalang tao na
ako. Kaya pala panay ang pagsama ng pakiramdam ko tuwing umaga."

And then it hit me. 'Yung panahong nagsusuka siya sa Tagaytay at yung nahilo siya
noong seminar.

She stared at me with full of tears. "Kaya patas lang tayo. Naglihim ka sa akin at
naglihim naman ako sayo."

Instinctively, I walked towards her and gave her a hug. She stiffened but
eventually, she sobbed like a little girl in my arms.

"'Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Kalimutan mo na ang lahat. Kalimutan mo na


ang lalaking 'yon," I stopped and swallowed the lump on my throat. I need to say it
or else. "Hindi na kita hahayaang umalis. Dito ka lang sa tabi ko. Kayong dalawa ng
baby mo."

"Alex--"

"Pakasalan mo ako, Yasmin."

***

Hindi siya nakasagot sa tanong ko nung araw na 'yon. Hinayaan ko naman siya dahil
alam kong gulong-gulo pa siya. Pero inaamin ko, parang gusto kong kulit-kulitin
siya para mapa-oo ko siya.

"What the heck, Alex? Seryoso ka? Dito sa lugar na 'to siya nakatira?"

Kasama ko ngayon si Arthur at kasalukuyan kaming nasa lugar ni Yasmin dahil kagabi
ay nailabas na siya ng ospital. Gusto niya kasing makilala ang babaeng gusto kong
pakasalan kaya ko siya sinama.

"Wala namang masama dito," sabi ko. Inayos ko ang pagbitbit ng dala kong bulaklak.
Si Arthur naman ang nagdala ng basket ng prutas.

"Buntis siya diba? Baka magkasakit siya dito," sagot niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa bahay nila Bruno. Pagkakatok ko sa


pinto ng tatlong beses ay pinagbuksan ako ni Bruno.

"Oh, repa!" bati niya sa akin sabay tingin kay Arthur. "Aba, may bagong salta."

"Bruno, kaibigan ko nga pala, si Arthur. Arthur, si Bruno, kababata ni Yasmin,"


pagpapakilala ko at nagfist bump sila. Pinatuloy niya kami sa loob at bumungad sa
paningin namin si Yasmin na kumakain ng mango crepe. Tumingin siya sa akin at
tumaas ang isang kilay niya.

"Anong ginagawa ko dito?" Inunahan ko na siya ng tanong. Ngumiti lang ako at


nagtaas pa siya lalo ng kilay.

"Umaakyat si Alex ng ligaw," nakangising sabi ni Arthur. "Ako nga pala si Arthur."

"Siya si Yasmin," sabi ko nung umiwas nang tingin si Yasmin sa kanya. She
completely ignored us.

"Siya pala yun? Yung babaeng papakasalan mo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Arthur. Napatingin tuloy sa kanya si Yasmin at


sumimangot. "Hi, future wife ni Alex." This guy intentionally said that. Tsk.

"Wala akong panahon sa kalokohan niyo," padabog na tumayo si Yasmin at papanhik na


sana sa taas nang pigilan ko siya. "Ano ba!"

"Magpakasal na tayo, Yasmin. Aalagaan ko kayo ng baby mo. Ituturing ko siyang


sarili kong anak."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Alex? Disgrasyada ako."

Nasaktan ako sa tinawag niya sa sarili niya. Ayoko sa lahat ay yung minamaliit ang
taong gusto ko.

"Gusto kita, Yasmin. Gusto mo rin naman ako diba?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago niya kami tinapunan ng masamang tingin.
"'Wag mong sayangin ang sarili mo sa tulad ko," sabi niya at tuluyan nang umakyat
sa kwarto niya.

Tila wala sa huwisyo akong lumabas ng bahay. Kung hindi pa ako inakbayan ni Arthur
ay hindi pa ako mababalik sa sarili ko.

"Huwag mawalan ng pag-asa, Alex. Hindi naman niya sinagot ng direkta ang tanong
mo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Tama. Alam kong may pag-
asa pa ako. Mapapa-oo ko rin si Yasmin.

"Ibang klase ka rin kung magmahal e 'no? Wala ng pero-pero. Basta kapag mahal mo,
sugod." Natatawa niyang sabi. Hindi ko nalang siya sinagot. Mahal? Masyadong
malalim na ang salitang pagmamahal. Hindi pa ganun ang nararamdaman ko para sa
kanya.

All I know is that I like Yasmin so much.

Pinuntahan na namin ang pwesto kung saan nakaparada ang kotse ko. Pagkasakay namin
ay may napansin akong black Ford na tila ba hinihintay na makaalis ako sa
pinaparadahan ko.

"O, nakanang! May bigtime din pala sa lugar na ito? Yan yung bagong model ng Ford
e. Astig," sabi ni Arthur. Bumusina pa ito ng pagkalakas-lakas kaya naman pinaandar
ko na ang kotse ko. Nang tuluyan na akong makalayo ay nakita ko sa rear-view mirror
na pumarada ito sa pwesto ko kanina. Tss.

"Balikan mo nalang bukas si Yasmin, Alex. Baka nailang lang sa akin kaya ka niya
pinaalis," mayamaya'y sabi ni Arthur sa akin habang nagakapokus ako sa kalsada.

Babalikan kita, Yasmin. I won't give you up that easily.

-22- Responsibilities

***22***

Panay ang paghikab ko noong sumunod na araw. Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos
sa kakaisip ko kung paano ko mapapaamo si Yasmin. This may sound odd, but the
thought of proposing to her in a romantic way is so hard for me. Nakalimutan ko na
yata kung paano mag-please ng babae, at idagdag pa ang ideyang hindi basta-bastang
babae ang pinag-uusapan dito.

Yasmin is one heck of a stubborn girl. Kahit na gusto niya, hindi niya gagawin.
Kahit na pwede namang gawin, kinokontra niya. Ganun katigas ang ulo niya... At isa
yun sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

Kasalukuyang akong nasa gitna ng Business Law class ko. Halata sa mga kaklase ko
ang pagkabagot sa subject na ito, pero hindi ako. Hindi ko alam kung bakit
ginaganahan ako sa pakikinig. Gusto ko nang grumaduate. Gusto ko nang maipakita sa
mga magulang ko ang pagmartsa pati na rin ang diploma ko.

Habang tahimik ang paligid at tanging boses lang ng professor ang naririnig sa apat
na sulok ng homeroom na ito, pasimple kong inilabas ang cellphone ko. Nakasanayan
ko nang i-check ito every now and then simula ng pangyayari kay Yasmin.

Wala man lang akong message na natanggap. Kung sabagay, kakacheck ko lang naman
half hour ago. I decided to send Bruno a message asking him;
Me: Kamusta si Yasmin? Kumakain ba siya sa tamang oras?

Pagkasend ko ay ibinalik ko sa loob ng bulsa ang phone ko at bumalik sa pakikinig


sa discussion. I couldn't be able to check Yasmin directly because of our situation
but nonetheless, I have my other ways. Kinokontact ko si Bruno pati na rin ang
kapatid nito.

I felt my phone vibrated inside my pocket so I fished it out and checked the
message.

Bruno: NagkukuL0ng pa rin xa sza kwart0 nia. Ka2tap0z lang nyang mgm!ryendA.

Natigilan ako sa binasa ko. Heck, is it because of me? Sabi ni Bruno, kagabi pa raw
nagkukulong si Yasmin sa kwarto niya. Tsk! I typed in my reply to his message right
away.

Me: Alamin mo kung anong gusto niya para mabili ko para sa kanya. Don't mention my
name to her. Sabihin mo ikaw ang bibili.

I was about to tap the send button when I heard the professor declare, "Class
dismiss. See you next meeting," he said and went off.

Binura ko naman agad ang nauna kong itinype. Mas mabuti siguro kung ako nalang
mismo ang magpunta roon.

Me: Pakitanong kung anong gusto niya para mabili ko. Pupunta ako dyan ngayon.

As soon as I hit the send button, I stormed out of the homeroom quickly. Ano kaya
ang gusto ni Yasmin? Bruno said that she likes mango crepes right now. Siguro
bibili nalang ako no'n ng marami. Does she like to drink milk too? Yes, she should.
Besides, makakabuti yun sa ipinagbubuntis niya.

Pagkalabas ko ng building, natigilan ako sa lalaking humarang sa dadaanan ko. He


was proudly standing there with his hands inside his pocket. There were still a few
scratch and wounds on his face and I assumed that he got it from my attack last
time. Tss. Serves him right though. Tila bang sinadya niyang hintayin ako. "Alex,
pwede ba tayong mag-usap?"

My hands clenched into fists. I couldn't help but to throw a glare at his filthy
presence. I started to walk past him but he spoke all of a sudden.

"I can't talk to her right now. I know she hates me," he said as a matter of
factly.

I turn to face him and looked at his eyes fiercely. "She loathes you, arsehole," I
corrected.

He dropped her eyes to the ground as though he turned into a pathetic animal that
was beaten by whoever. "Hindi ko siya kayang panagutan."

My teeth clenched in anger. Right at that moment, I wanted to smash his face with
my own hands.

"Napakawalang hiya mo," I hissed in anger. Heaven knows how much I tried to stay
calm infront of this bastrd when in fact I really wanted to knock him off. "Hindi
mo ba alam kung gaano siya nahihirapan ngayon? Ang gag0 mo."

"Kung may pananagutan man ako, hindi siya kundi ang bata. Aminado naman akong---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil tuluyan nang uminit ang ulo ko at
nasuntok siya ng malakas sa pisngi. Bumagsak siya sa semento sapo-sapo ang mukha
niya. We're making another scene but that's not my fvcking concern now. Gusto kong
ibalik sa lalaking ito ang lahat ng pasakit na ginawa niya kay Yasmin.

Hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong reaksyon. His eyes were as ice.

"Don't you ever dare to show your fvcking face to Yasmin again! Hindi niya
kailangan ng tarantad0ng katulad mo!!!"

Tumayo siya at pinunasan ang dugo sa labi niya. Naiinis na tinignan niya ako sa mga
mata. "Bakit ka ba nangengeelam? Sino ka ba?!" Tumawa siya ng pagak at tinignan ako
ng nakakaasar. "Ah, may gusto ka ba sa babaeng 'yon?"

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya kaya mabilis kong hinablot ang kwelyo niya.
Hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang ngisi. "She has a name, slacker!"

"Angas mo, pare. Pagkatapos kay Carlene, kay Yasmin ka naman ngayon," he stated
sarcastically. My fists started to tremble and I don't mind raising him high by my
own hands. "Makasabi ka ng gag0 sa akin, e isa ka rin namang tarantad0 na
pinaglalaruan lang din ang mga babae!"

Sinapak ko ulit siya sa mukha. Nagpapanic na ang mga tao sa paligid namin. Walang
umaawat dahil kilala akong myembro ng peacemaker ng campus. Yeah, peace maker who's
smashing a heck of an id1ot right now.

"If you just feel bitter about me and Carlene's fake relationship, then grow your
own balls, dude. Wala akong gusto sa kanya. Magsama pa kayong dalawa. Tutal parehas
naman kayong manggagamit," sabi ko at tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon. Hindi
lang manggagamit, sinungaling pa!

Fvck that arsehole! Napakawalang kwenta niyang tao. Anong akala niya kay Yasmin?
Isang parausan? Pagkatapos magpakasarap, iiwanan nalang? Tang1na niya.

Nanginginig ako sa galit habang nagdadrive papunta kina Yasmin. Hindi ako papayag
na sa gag0ng yun mapunta si Yasmin. Hindi siya karapat-dapat sa lalaking 'yon. She
took advantage of Yasmin's likeness towards him. Magsama sila ng Carlene na 'yon!
They've ruined everything!

I got stuck in a traffic jam and I took the chance to take few deep breaths to calm
myself. Mas mabuti pang mapunta sa iba si Yasmin kaysa mapunta siya sa Blue na
'yon. He doesn't even have his own balls to take responsibility. Kung pananagutan
man niya ang bata, panagutan din niya dapat ang ina. Afterall, she'll be the one to
suffer like hell.

Dumaan muna ako sa mall para bilhan si Yasmin ng mango crepe. I bought 8 boxes of
mango crepe for her. Dumaan na rin ako sa grocery shop para bumili ng grocery items
para sa kanya. If Blue can't stand being his child's father, I am willing to take
over and fill in the role not only for the baby but also for Yasmin.

Sustento? Hindi niya kailangan nun. Kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kanya at
yung lalaking sasamahan siya sa paghihirap niya. Hindi kagaya ng gag0ng yun na
sinamahan lang siya sa sarap.

Ala-singko na nang makarating ako sa bahay nila Yasmin. The house was quiet and it
seemed like there's nobody inside. Nilabas ko ang phone ko at tinext si Bruno kung
nasaan siya and he replied right away.

Bruno: Repa, sensxa na. Sinusund0 qo ang kapatid qo sa trabah0 nia. Nanjan c
Yasmeng sa kwarto nia. Kat0k ka nalang.

I did not bother to send a reply. As I pocketed my cellphone, I stared at the house
infront of me for awhile. Hindi dapat dito manatili si Yasmin. I need to make her
go back to her apartment. Mas makakabuting dun siya mamalagi kaysa rito.
Napakaingay at napakagulo ng lugar na ito. Maalinsangan pa paligid. Mas mabuti kung
aalis siya rito.

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto bago ako pumasok na nang tuluyan. Malinis
ang sala at kusina. Napakatahimik pa at animo'y walang tao ang nandoon.

"Yasmin?" I called her name softly but there was no respond. Paulit-ulit kong
tinawag ang pangalan niya at nang wala pa ring sumagot, pumanhik na ako sa itaas.

Bruno said that she's been staying inside her room all night. Nag-aalangan akong
kumatok dahil sobrang tahimik. Parang walang tao.

"Yasmin?" I called her again and finally knocked at the door. Paulit-ulit ko yung
ginawa. "Yasmin? Si Alex 'to."

Kinabahan na ako. Wala man lang akong narinig na kahit ano mula sa loob. Baka kung
ano na ang nangyari sa kanya. Hindi malabong gawin na naman niya ang pananakit sa
sarili niya.

"Yasmin, buksan mo 'to!!" Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito. "Sh1t! Yasmin!
Open the door!"

"Alex, anong nangyayari?"

Nilingon ko ang nagsalita. I saw Bruno ascending the stairs, panic visible his
face. "Kanina pa ako kumakatok dito pero hindi siya sumasagot. May susi ka ba
nito?"

"Oo, teka lang," sabi niya at may kung anong dinukot mula sa bulsa niya. Inabot
niya sa akin ang limang susi at agad ko yung sinubukan isa-isa. Sa pangatlong susi
ay nabuksan ko ito.

Pahangos-hangos ako nang maabutang natutulog nang mahimbing si Yasmin sa kanyang


kwarto habang yakap-yakap ang isang unan. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung
ano na naman ang nangyari sa kanya.

"Natutulog lang naman pala siya," sabi ni Bruno. Pumasok siya sa kwarto at
pinagmasdan si Yasmin. Sinundan ko naman siya at tinitigan din ang maamong mukha
nito.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bakas ng luha mula sa mga mata niya.

"Kagabi pa siya umiiyak. Sabi ng kapatid ko, hindi raw siya nakatulog. Napagod na
siguro siya kaya ngayon lang nakatulog," seryosong sabi ni Bruno.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi niya naman kailangang umiyak pa. Aakuin ko naman
ang lahat ng responsibilidad. Hindi na siya mahihirapan pa kapag tinanggap niya ako
sa buhay niya.

"Bakit daw siya umiiyak? May masakit ba sa kanya? May problema na naman ba siya?"

Nagkibit-balikat siya at kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bruno.


"Pagkaalis mo kahapon, may dumating na lalaki rito."

Kumunot ang noo ko. Lalaki? Sinong lalaki naman 'yon?

"Pagkatapos nilang mag-usap, parang nawala sa isip si Yasmin. Miski nga ako e,
parang nawala rin sa huwisyo. Punyemas, sumasakit tuloy ang ulo ko sa nangyayari sa
babaeng ito. Napakagulo ng buhay niya." Pinukpok niya ang ulo niya at napabuga
nalang sa hangin.

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan sa sinabi niya. Anong ginawa ng


lalaking yon kay Yasmin at umiiyak siya ng ganito?

Hindi ko alam pero automatikong pumasok sa isip ko ang kotseng nakita ko kahapon.
It is very unusual in a place like this to have a resident who owns an expensive
car. Hindi kaya iyon ang bisita ni Yasmin?

"Bruno, sino yung lalaking bumisita sa kanya kahapon?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Siguro, may


karapatan kang malaman ito. Tutal naman malaki na ang itinulong mo kay Yasmin," he
said.

My chest started to tighten for some reason. Kinakabahan ako na malaman ang rason
kung bakit nasasaktan na naman si Yasmin.

At tama nga, tila nabato ako sa sinabi niya...


"Bumalik na ang tunay niyang ama, Alex."

-23- Apology

***23***

"Bumalik na ang tunay niyang ama, Alex."

Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa sinabi sa akin ni Bruno. Hindi ko alam kung anong
dapat kong maramdaman. Dapat nga ay matuwa na ako dahil hindi pala ulilang lubos si
Yasmin. May natitira pa siyang pamilya na mag-aalaga sa kanya bukod sa akin.

Pero hindi yun ang nararamdaman ko ngayon. Nangibabaw sa akin ang pag-aalala at
takot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Naguguluhan ako sa sarili ko.

"A...a...nong gusto niyang mangyari?" That was not an appropriate question to ask.
Sino ba naman ako para tanungin 'yon?

"Gusto na yata siyang isama. Nakakagag0 nga e. Akala mo kung sino siyang bigla-
bigla nalang sumulpot dito. E kahit kailan naman ay hindi pa sila nagkikita. Kung
hindi nga lang niya pinakita yung pruweba niya na siya ang ama ni Yasmin e
ipinabarangay ko na 'yon e."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa nga naaayos ang gusot sa problema namin ngayon ay
may dumagdag pang isa. Tumayo si Bruno at may kinuhang kung ano sa ibabaw ng
refrigerator saka niya iyon inabot sa akin.

Isang envelope.

"Basahin mo. Yan ang pruweba na siya ang tunay na ama ni Yasmin," sabi ni Bruno.

Tahimik kong inilabas ang kung anumang nasa loob ng envelope na iyon. Puro litrato
ito ng babae't lalaki. I was cluelessly checking the pictures when Bruno spoke up.

"Yung babae sa litrato ang nanay ni Yasmin. Yung lalaki naman yung tatay niya at
siya ang nagpunta dito kahapon."

Kunot-noo kong tinitigan ang mga pictures. Halata sa mga litratong ito na may
relasyon silang dalawa. Mukhang nasa highschool pa sila noong mga panahong ito,
pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa simpleng mga litratong ito.
Besides, there was no any other proof aside from these pictures. Isa lang ang
nakapukaw ng atensyon ko sa mga picture na ito at iyon ay ang eskwelahan na
pinapasukan nila. Sta. Monica Academy?

"'Wag kayong magpaniwala sa mga 'yan. Litrato lang 'yan. Walang katibayan,"
inilapag ko ang envelope sa mesa at napabuntong-hininga nalang sa inis. "Anong
pangalan niya?"
"William dela Fuentes."

Inilabas ko ang cellphone ko at gumawa ng message para kay Arthur. Ibinilin ko sa


kanya ang identity ni William dela Fuentes at ibinigay ko rin ang pangalan ng
eskwelahan nito para makatulong sa paghahanap niya. Gusto kong malaman ang
background ng taong iyon.

"Paano raw niya natuntong si Yasmin dito?" tanong ko pa nang mai-send ko na ang sms
bago ko siya binalingan.

Nag-taas baba ang mga balikat niya. "Sa internet daw. Matagal niya nang hinahanap
si Yasmin. Hindi ko alam na ganoon kayaman pala ang tatay--"

"Hangga't hindi napapatunayan na siya talaga ang ama, 'wag kayong maniniwala."

***

Days passed by quickly and I did not notice that graduation is fast-approaching.
First week na ng March kaya abala na ako sa pagiging estudyante ko. We're working
on a feasibility study together with my collegemates. Mabuti na nga lang at
napagrupo ako kay Arthur kaya hindi na ako masyadong naghihirap sa pag-aasikaso
nito.

"Okay na yung ibang chapters diba?"

"Yeah," I retorted in a tired voice. Humikab ako at ipinikit na ang mata ko. Arthur
can surely handle this proof-reading. Tutal nagawa ko na rin ang dapat kong gawin
kaya mabuti pang magpahinga na ako.

"Next week na ang defense nito. Pag-aralan mo nang mabuti," sabi niya pero hindi
ako sumagot. I was nearly drifting to sleep when I felt him tap my head. "Alex."

"Oh?"

"Yung sinasabi mo sa aking William dela Fuentes, may balita na ako sa kanya."

Nagising ako sa sinabi niya. I saw him scrolling through his phone quietly. "What
about him?" It has been 2 weeks since I asked him to search something about Mr.
dela Fuentes and I got a bit dismayed when he did it slowly. Kung sabagay, abala
siya sa thesis namin.

"William dela Fuentes. Graduated in St. Aloysius Academy. Nag-aral siya sa Sta.
Monica Academy simula 1st year highschool hanggang 4th year, pero bigla itong
tumigil noong August ng nasabing taon at inilipat sa St. Aloysius kung saan siya
grumaduate ng highschool. He then moved to Australia with his family and continued
his studies there. Ngayon, kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang malaking
kumpanya bilang Marketing Director sa Australia."

He stopped reading and pointedly looked to me. His eyes were full of questions, so
I had to give him the stuff he wanted to know.

"Yun lang ba ang nasagap mo?" tanong ko at nagkibit-balikat siya. "Hindi yan
pwedeng maging batayan para malaman na siya ang ama ni Yasmin."

"Ano? Siya? Teka, dude. Medyo naguguluhan ako."

Tumayo ako at dumiretso sa kitchen. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon. Sumunod
naman sa akin si Arthur kaya hinarap ko siya. "Ang alam ng lahat, ulilang lubos na
si Yasmin. Namatay ang Mama niya sa isang aksidente kung saan siya nabulag. Ang
kinalakihan niyang ama ay yung namatay naman noong isang taon. Wala na siyang ibang
pamilya kaya kinupkop ko siya."

"Sinabi mo na rin naman na hindi niya tunay na ama yung kinalakihan niya, hindi ba?
May posibilidad na yung William dela Fuentes ang ama niya."

Mabilis kong iniling ang ulo ko. Ayokong maniwala ng ganun-ganun nalang. "Sige,
sabihin na nating may posibilidad pero hindi tayo pwedeng maniwala agad na yung
dela Fuentes nga na 'yon ang ama niya."

"Nakita niya na raw ba ang tunay na ama niya noon? Kilala ba niya?"

Natigilan ako sa tanong niya. Yun din ang gumugulo sa isip ko noong mga nakaraang
araw. Ang alam ko ay hindi niya pa ito kahit kailan nakikita base sa ikinwento niya
sa akin noon.

"Una, hindi ko kilala ang tunay kong ama. Highschool student si Mama nang mabuntis
siya ng kanyang boyfriend. Nang malaman ng ama ko na buntis si Mama, bigla nalang
itong naglaho ng parang bula. Sa madaling salita, tumakas siya sa responsibilidad."

I shook the thought off and gulped another glass of water. "Anak siya sa
pagkadalaga. Yun ang sabi niya sa akin," mahinang sambit ko.

"Teka," tinignan ulit ni Arthur ang cellphone niya at binasa ulit yung nakasulat
doon. "Nag-aral siya sa Sta. Monica Academy simula 1st year highschool hanggang 4th
year, pero bigla itong tumigil noong August ng nasabing taon at inilipat sa St.
Aloysius kung saan siya grumaduate ng highschool."

Kumunot ang noo ko nang pumitik sa ere si Arthur na animo'y isang magandang ideya
ang naisip niya.

"Hindi mo ba nakukuha, Alex? Sabi dito, bigla siyang umalis sa Sta. Monica at
lumipat sa St. Aloysius. Biglaan. Walang sinabing dahilan. Hindi kaya dahil
tinakbuhan niya yung responsibilidad niya sa nabuntisan niya?"

"It doesn't make sense."

Tinalikuran ko na siya at akmang lalabas na ng kitchen nang muli siyang nagsalita.


"Conclusion lang naman, pero isa lang naman ang dapat gawin kung gusto mo ng
accurate na sagot. Run a DNA test."

DNA test? Yeah, right. Yun nalang ang tanging paraan para makasigurado. Pero hindi
ko alam kung bakit mayroong parte sa akin ang 'di sang-ayon na gawin ito. Marahil
natatakot lang siguro ako na malaman ang resulta.

Ayokong mangyari ang bagay na kinakatakutan ko.

Nasa bahay ako nila Bruno ngayon para dalhan ng mango crepes si Yasmin. Nasanay na
rin siguro ako na maging supplier ng gusto niya dahil hindi ako palagay kapag hindi
ko yun ginagawa. Habang nag-aayos ako ng mesa ay narinig ko ang mga yabag pababa ng
hagdanan.

Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa ni Yasmin at saglit siyang natigilan
pero mabilis din siyang nagbawi ng tingin at mukhang babalik pa ata sa taas.
"Yasmin, may dala akong mango crepes. Kumain ka muna ng tanghalian bago mo kainin
ang mga 'to."

Napahinto siya sa pagpanhik at mayamaya pa ay bumaba rin ng padabog. Pumwesto na


siya sa harapan ng lamesa at napahinto siya nang ipaghain ko siya ng kanin.

"Kumain ka ng mabuti. 'Wag mong pabayaan ang sarili mo," sabi ko habang binubuksan
naman ang food container na naglalaman ng ulam na chopsuey. "Hindi ako ang nagluto
niyan pero sigurado akong masarap yan dahil pinaluto ko pa yan sa cook namin."

"S-salamat," mahinang sabi niya at napangiti nalang ako. Binuksan ko pa ang isang
container na naglalaman ng menudo.

"Masarap din 'to."

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang kumain. Kapag susulyap siya sa akin,
nagkukunwari akong iiwas ng tingin. Alam ko naman 'staring is rude' lalo na't
kumakain pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngayon nalang yata ulit nangyari
ito sa aming dalawa. Ang magsama nang hindi nag-iiyakan o nag-aaway.

"Papanuorin mo lang ba ako dyan? Sabayan mo nga akong kumain."

Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Ayoko naman siyang tanggihan kaya kumuha na rin
ako ng plato at sinabayan siya. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

"Yasmin-"

Tumayo siya't dinala na ang pinagkainan niya sa lababo. Tapos na siyang kumain.
Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa pala dahil nakita kong kinuha niya yung
mango crepe sa loob ng ref. Nakatayo siya habang kumakain no'n. Pasulyap ko siyang
tinignan at kita kong sarap na sarap siya sa pagkain nito.

"Masarap ba?" I broke the silence between us. Nakita kong nilingon niya ako
pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Oo, salamat."

"Nakapagpa-check up ka na ba ulit?" Kinuha ko na ang pagkakataon na kausapin siya


hangga't kaya niya pa akong kausapin ngayon. I'm glad that she's in the mood to
talk to me today.

She smiled warmly. "Oo, binigyan ako ng pre-natal vitamins ng doktor para raw sa
kalusugan ng anak ko."

"Maselan pa rin ba?"

"Oo. Hindi na ako nagtataka. Ilang beses ba naman akong uminom ng alak noon, e.
Buti nalang malakas 'tong anak ko sa pagkapit," sabi niya at saka siya bumuntong-
hininga. "Gusto ko sanang magsorry sa inasta ko."

Mabilis akong tumingin sa kanya sa pagkabigla. She was looking straight in my eyes
sincerely. "Hindi ko alam kung bakit kita ginaganito. Ikaw kasi e. Napakatanga mo."

Lumunok ako at napangiti nalang ng matipid. "Hindi ka ba natutuwa na may


nagpapakatanga sayo?"

"Hindi. Hindi naman kasi ako karapat-dapat dyan sa katangahan mo," she grinned like
a fool and tapped my arm lightly. "Tigilan mo na ako, Alex. Mas matutuwa ako kapag
bumalik ka na sa katinuan mo. Hindi mo ako gusto. Naaawa ka lang sa'kin."
"Yasmin, hindi totoo yan. I like you because--"

She smiled to me and this time, it was a sad one. "Pakiusap. Tama na," she said and
was about to leave when I hugged her from behind. "Alex--"

"Hindi ako titigil hangga't 'di ka pumapayag sa proposal ko. Gusto kitang
pakasalan, Yasmin. Willing akong tumayong bilang ama ng baby mo."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at dahan-dahan 'yong kinalas. Parang dinurog ang
puso ko sa ginawa niyang 'yon.

"Alam mo na siguro yung tungkol sa tunay kong ama, diba?" seryosong sabi.

"Don't believe him easily--"

"Positive ang DNA."

Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya. Hindi ko man lang nalaman na napa-DNA
test na pala siya. Naunahan na ako. Sh1t, this is the thing that scares me.

"Kakalabas lang ng DNA test noong isang araw. Kahit ayaw ko, pumayag ako sa DNA na
'yon." Humarap siya sa akin at napakagat sa ibabang-labi niya. Nanginginig na naman
ang mga ito. Parang pinipigilan ang sarili niya sa pagluha. "Siya ang ama ko."

I breathed deeply and managed to flash a casual smile. "Then, g..good. I'll talk to
him. I'll ask for your hand---"

"Gusto kong maranasan ang magkaroon ng ama. Sasama na ako sa kanya."

Nanghina ako sa sinabi niya. Iiwanan niya na rin ba ako gaya ng pang-iiwan sa akin
ni Fatima?

-24- Red Velvet Box

***24***

Iniisip ko pa lang na aalis siya ay hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, bumalik ako sa
mga panahong tuluyan akong iniwanan ni Fatima. Sobrang sakit. Ilang taon kong
tiniis ang sakit na 'yon. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti rin 'yong nawala
dahil sa pagdating ni Yasmin.

"You're alone."

I flinched a bit when I heard that deep voice infront of me. I looked up at him
only to find out it's Kurt. I quickly put the red velvet box I was holding inside
my pants pocket in panic that he might inquire about it. He sat next to me on the
stoned bench and stared at me like a fool.

Nasa campus ako ngayon dahil may pasok. Submission na ng feasibility report namin
pero nandito ako ngayon, nakatanga lang sa kawalan.
"How's the feasib going?"

I sighed as I pulled my thoughts together. Nawawala na ako sa sarili. Buti na nga


lang at sa Friday pa ang defense kundi siguradong lagapak ang finals ko nito. Gusto
ko pa namang grumaduate sa tamang panahon.

"Ayos naman," I answered coldly.

"How about you? Are you okay?" he asked and I did not give an answer. Hindi ako
okay. At hindi ako magiging okay hangga't hindi naaayos ang problema ko.

"You don't look fine to me," he said seriously that made me turn to look at him.
"Is it something serious? Ngayon lang kitang nakitang ganyan."

"Don't worry about me."

He shook his head in disbelief. "I am not used to it. Shouldn't I be the one to
stare out of nowhere and not you?"

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako sa sinabi niya. Kung sabagay, tama siya.
Siya ang madalas na nakikita kong nakaupo rito at tulala dati. Mukhang nabaligtad
yata kami ngayon.

"May problema din kasi ako gaya mo."

Umayos siya ng upo at pinagmasdan ang tinititigan kong soccerfield. "Whatever it


is, I know you will get through it. As you had said to me before, you have to focus
on other things for awhile to free yourself from stress."

Tinignan ko siya. May maliit na ngiting nakasibol sa mga labi niya nang sinabi niya
'yon.

"Isn't it weird? I'm telling you the stuff you adviced me before. Well, I know, you
might need it too. My bad, if you don't."

I can't help but to be amused towards him. Knowing Kurt, he's a bad arse jerk you
don't want to get along with. Pero nag-iba na siya ngayon. Hindi ko alam kung dahil
sa amnesia o dahil sa pinagdadaanan niya. Either way, I'm glad about his
improvement.

"What's with the smile?" he asked annoyingly.

"Wala. Nirecord ko sana yung sinabi mo para may maiparinig ako sayo kapag dumating
na yung araw na bumalik na ang mga alaala mo."

I did not expect his reaction on my joke. It's as if I had hit a sensitive part of
him. I was about to say my apologies when he cracked a chuckle.

"Hindi ko na inaasahan na bumalik pa ang mga alaala ko. Kung may gusto man akong
bumalik sa buhay ko, yun ay si Crystal lang."

I could feel his pain everything he talks about Gail. Isa lang naman ang
pinanghihinayangan niya at iyon ay ang baliwalain niya ang babaeng mahal niya.

Regrets...

I don't want to have regrets in my life right now. As long as there's still a
chance to get what I want, I have to do it by hook or by crook.
The day went by so slow. Sobrang bagal ng oras para sa akin. Hindi ko alam kung
dahil ba naiinip lang ako o sadyang wala lang ako sa mood pero nakahinga na ako ng
maluwag nang tuluyan nang magdismiss na ang professor namin sa Humanities.

I grabbed my stuff and was about to step out of the homeroom when I saw Carlene
standing by the corridor. Hindi ko sana papansin ang presensya niya pero nagtama
ang mga paningin namin. I was about to walk away when she took steps towards me.
She then purposedly blocked my way.

"Alex, pwede ba tayong mag-usap?" she asked, her lips trembling in fear.

Nangunot ang noo ko sa pagtitig niya sa akin. "What for?"

"Everything."

Tinitigan ko siya sa mga mata. Tila nagsusumamo ang mga iyon. Tumingin ako sa wrist
watch ko at nang makitang maaga pa ay tumango ako sa kanya bilang pagsagot.

"Okay, five minutes."

Sa likod ng Business College Building ko siya dinala. Kakaunti lang ang tao dito
kaya tahimik. She was playing her own fingers while she sat on the stoned bench.
Nakatingin lang ako sa kanya. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya
nagsasalita.

"Wala ka bang balak magsalita?"

She flinched in surprise at my voice. Napansin kong hindi siya makatingin sa akin
ng maayos. I gave her another minute to speak but she never did, so I got up and
readied myself to leave.

"You are wasting my time," I said. Paalis na sana ako nang marinig ko siyang
magsalita.

"... Sorry."

Huminto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita kong pinipigilan niya ang
sarili niya sa pag-iyak.

"Sorry sa pangingielam ko. Tanggap ko naman na ayaw mo sa akin e. It's just that I
got hurt that's why I told Yasmin about what I heard from you and your friend.
Hindi ko sana sinabi. Nagkagulo pa kayo. Yes, intensyong kong sirain kayo pero...
that was only a childish act. Narealize kong mali ako. I am sorry."

Nabigla ako sa sinabi niya. Unang pumasok sa isip ko ang oras na kinausap ako ni
Arthur tungkol sa problema ko. Hindi kaya iyon ang narinig niya? Si Arthur lang
naman ang napagsabihan ko noon kaya hindi malabong iyon nga ang tinutukoy ni
Carlene. Bukod dun, hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako tungkol dito. Akala
ko ay kakalimutan niya na iyon gaya ng pagkalimot ko sa ginawa niyang iyon.

"It's no big deal. Malalaman din naman niya 'yon. 'Wag mo nang alalahanin 'yon.
Tapos na. Nangyari na," sabi ko at tumalikod na.

"Alex, totoo bang buntis si Yasmin at si Blue ang ama?"

Natigilan ako. Tuwing naririnig ko talaga ang pangalan ng gag0ng iyon ay


automatikong nag-iinit ang ulo ko. "Oo."

"Oh, God."
Nilingon ko siya at nakita kong napatutop siya sa sarili niyang bibig. It was if
she heard an unbelievable news just now.

"P...paano nangyari 'yon?"

"3 months na siyang buntis ngayon. Isipin mo kung anong nangyari 3 months ago sa
bestfriend mo at kay Yasmin."

Namutla siya at tila tinakasan ng dugo. "November... " she paused to think over and
then, mumbled helplessly. "Birthday ni Blue. Wala ako no'n. Hindi ako pinayagan ng
parents ko na pumunta do'n dahil alam nilang puno ng kalokohan ang party na 'yon."

My brow creased in confusion. "Kalokohan?"

"Boys and their vices. Blue used to be a drug-user that time. Pikit-mata lang ako
sa ginagawa niya. Kahit na ilang beses na niyang sinasabing tumigil na siya, hindi
ako naniniwala. Kaya nga hindi ko siya kahit kailan ginusto e. Afterall, he's my
bestfriend. Yun din ang dahilan kung bakit desperado akong makalayo sa kanya."

Napapikit ako at napalunok nalang. Fvck that sh1t of a guy. Mali talaga siya ng
ginag0ng babae. Bakit sa lahat ng babae ay siya pa?

"Will he take full responsibility?"

I let out a deep sigh as I ran my fingers through my hair in frustration. "Good
thing, he won't. I will regret most of my life if I let him do that," I said in
clenched teeth.

"Pero siya pa rin ang ama, Alex."

"Hindi na ngayon. Aakuin ko ang bata pati na rin si Yasmin."

Napaawang ang bibig niya marahil sa pagkabigla. Buo na ang desisyon ko. Kahit
anuman ang mangyari, papakasalan ko si Yasmin.

"W...what? Are you sure?"

Hindi ko siya sinagot. Sapat na ang pagtitig ko sa mga mata niya para malaman
niyang seryoso ako.

"Alex, hindi kaya--"

She stopped her words when my phone suddenly rang. I fished it out and looked at
its screen. Si Bruno ang tumatawag.

"Hello?"

["Tang1na! Ngayon daw ang alis ni Yasmin. Sasama na siya---"]

Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at pinutol ko na ang tawag. Walang sabi-sabi
kong iniwan si Carlene doon. Sh1t! Bakit biglaan?

***

Pahangos-hangos ako sa pagtakbo papunta sa bahay nila Bruno. Nataranta ako lalo
nang maabutan ko ang kotse sa harapan nito at may ilang gamit na hinahakot na mula
sa loob ng bahay. Sh1t! 'Wag namang ganito. Bakit ngayon pa?
"Yasmin!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay. Naabutan ko si Bruno na
nakapameywang habang ang kapatid naman nito ay umiiyak.

"Nasaan si Yasmin?" tanong ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso na
sa itaas. Dun ko naabutan si Yasmin na kausap ang isang lalaking nakadamit ng
pormal.

They both looked at me in surprise but I didn't give a darn and immediately
approached Yasmin. "Ngayon ang alis mo?"

"Who's this guy, Yasmin?" tanong nung lalaki. Nakakunot-noo pa ito sa akin.

I caught my own breath before I held out my hand to him. "I'm Alexander de Silva,
Sir."

His face lit up suddenly. He held my hand for a hand-shake. "Nice to finally meet
you, Mr. de Silva."

Nabigla ako sa sinabi niya. Kilala niya na ba ako? I caught myself staring at this
man. Hindi man ito hawig kay Yasmin pero halata rito na sa kanya nagmana ang kutis
nito. Nabigla ako nang humarang sa akin si Yasmin kaya nabalik ako sa huwisyo. "Pa,
mauna na muna kayo sa baba. Kakausapin ko lang si Alex."

"Sure."

He gave me a nod before he left. Hinarap ako ni Yasmin at umupo muna sa kama.

"Alex, pasensya na kung 'di ko sinabi sayong ngayon na ang alis ko. Ayoko na talaga
kasing malaman mo."

Nagpanting ang mga tenga ko sa sinabi niya. "Bakit, Yasmin? Bakit gusto mong
sinasaktan ako?"

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatitig sa akin. "Hindi naman sa
gano'n. Ang akin lang--"

"Fvck reasons! Ganyan ka ba talaga?! Nang-iiwan nalang ng basta-basta? Hindi mo man


lang inisip kung anong mararamdaman ko! Tang1na, Yasmin! Ikaw lagi ang iniisip ko
nitong mga nakaraang Linggo pero wala ka man lang pakielam sa akin?"

"Mali kasi 'yang nararamdaman mo para sa akin."

"Mali?! Anong magagawa ko kung minahal na kita bigla? Mapipigilan ko ba 'to?"


Dinuro ko ang kaliwang dibdib ko. Hindi na ako nagulat sa kusang lumabas nalang sa
bibig ko.

Mahal ko na siya.

At alam ko kung bakit ako nagkakaganito dahil mahal ko na siya.

Nag-angat siya ng tingin at 'di makapaniwala niya akong tinignan. "Naaawa ka lang
sa akin."

Tumayo siya sa kama pero pinigilan ko siya. Lumuhod ako sa harapan niya ang
inilabas ang maliit na box mula sa bulsa ko. I took out the ring and let her see
the whole thing.

My heart started to pound faster that I could not even breathe properly.
"Y...asmin, marry me. I promise to give you the things you need in life. Just
please--"

Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya. She was wept with
tears in her eyes. Sumikip ang dibdib ko nang umiling siya.

"Sorry... Hindi ko kaya."

Muli siyang tumayo kaya pinigilan ko siya sa braso. No, she can't leave me.
"Yasmin, bakit--- anong dahilan kung bakit ayaw mo sa akin?"

"Wala akong sinabing hindi kita gusto, Alex. Sa katunayan, gustong gusto talaga
kita simula pa lang pero pinigilan ko lang 'yon. Ang kapal ng mukha kong magkagusto
sa mayamang tulad mo." Pinunasan niya ang tuloy-tuloy na luhang bumabagsak sa mga
mata niya. Nanghihina ang buong katawan ko. Gusto ko siyang yakapin pero tinakasan
ako ng sarili kong lakas.

"At masaya ako dahil sa narinig ko mula sayo. Ang swerte ko kasi mahal mo pala ako,
pero Alex, hindi kita kayang pakasalan ng ganun nalang. Hindi.... hindi ko kaya."

"Yasmin, bakit? Naguguluhan ako."

Gusto niya ako pero ayaw niya akong tanggapin sa buhay niya. Ano bang mali sa akin?

"Saka mo na sa akin ialok 'yang singsing na 'yan kapag maayos na ang buhay natin.
Kailangan ko pang patunayan sa sarili ko na magiging matagumpay ako. Na makakatapos
ako ng pag-aaral. Na kaya kong buhayin ang anak ko. 'Wag kang magmadali. Marami
pang oras."

Sinapo niya ang mga mukha ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Hindi ko siya
maintindihan. She was as if leaving me a big puzzle to solve in mind.

"Hayaan muna nating hanapin ang sarili natin. Mabuhay ka nang wala ako, at
mamumuhay din ako ng wala ka. Pansamantala."

She got her hands off me and took the ring from the bed. She returned it to me with
a big smile. "Kung tayo talaga para sa isa't-isa, magkikita ulit tayo at kapag
nangyari yo'n, at malaya pa rin tayo, pangako, hindi na kita sasaktan pa."

"Yasmin..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Is she bidding goodbye to me already?

She tapped my arm lightly before she smiled broadly. "Aalis na ako."

Paalis na sana siya nang magsalita ako. "Yasmin, babalik ka diba?"

She turned to face me and cracked a chuckle. "'Wag masyadong umasa. Tanga ka pa
naman."

And those were the last words I heard from her. She's right. We need to find
ourselves first in order to get into a new life.

-25- One Sweet Glimpse


***25***

6 years later...

"Congratulations. Best wishes."

Ngumiti ng malawak sa akin si Carlene sabay abot ng kamay ko para makipagshake


hands. Katatapos lang ng wedding ceremony niya at nandito kami ngayon sa reception.
She's still the same bubbly girl I've known except to the fact that she's now
married.

"Thanks for coming. Ano, bagay ba kami ng husband ko?" she asked and then giggled.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan niya. Sa totoo lang, parang nakita ko na
dati ang asawa niya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Kanina pa nga ako isip ng
isip kung saan ko nga siya nakita pero wala talaga akong maalala.

"Parang nakita ko na siya dati."

"Oh?" Binalingan ako ni Carlene sabay tango niya sa akin. "'Di imposible. Baka
nakita mo na nga siya. Nagtratrabaho kasi siya ngayon sa Jimenez General Hospital.
Wait, ipapakilala ko siya sayo."

Carlene left to fetch her husband and then went back after a minute. Nakangiti pa
sila nang makalapit na sa akin. Pinakatitigan ko yung lalaki. Mas lalo tuloy akong
nafrustrate alalahanin kung saan ko siya nakita noon dahil sobrang pamilyar ng
mukha niya.

"Alex, si Errol nga pala. You know, husband ko."

Nagtama ang mga paningin naming dalawa. Ewan ko pero parang parehas kami ng naging
reaksyon. Now I'm sure that we knew each other before.

"Have we met before?" tanong ko sa kanya.

He jerked his head sideways and then smiled a bit. "Alexander de Silva diba? East
High Academy?"

"Yeah." Were we schoolmates?

Ngumiti siya sabay abot ng kamay niya sa akin. Inabot ko naman yun habang hindi
inaalis ang tingin sa kanya. "Errol Martinez, pre. Batchmates tayo. Section 1 lang
ako."

Hindi ako kumibo. Wala akong matandaan. Siguro dahil wala akong pakielam sa paligid
noong highschool pa ako kaya hindi ko siya makilala. Yun nga lang, parang may parte
sa akin na nagsasabing kilala ko ang taong ito.

"Hindi mo na nga siguro ako matandaan," he said grinning and pulled me to whisper
something to me. "Errol Martinez. Battle of the Brains. Admirer ng girlfriend mo
noon," sabi niya sabay bitaw sa akin.

I have to admit that my reaction was fvcking priceless. Ngumisi lang siya sa akin,
samantalang si Carlene naman ay nagtataka sa kung anong sinabi niya sa akin.
Errol Martinez?

Heck, how could I forget about this guy? Siya lalaking yung naunahan pa ako noon sa
panliligaw kay Fatima. Yung lalaking nagbibigay ng chocolates, teddy bears at kung
ano-ano kay Fatima. Yung lalaking tinakot ko pa para tantanan na si Fatima.

"W..wow, congratulations," I muttered, shock still registered my face.

"Thank you," they answered in chorus as they held each other possessively.

***

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kanina. Carlene married the guy who tried to
court my ex-girlfriend way back in highschool. Napailing nalang ako ng ulo't natawa
dahil sa liit ng mundo para sa amin.

Si Carlene, naging isa siya sa naging kaibigan ko pagkagraduate ko ng College.


Masasabi kong hindi naging maganda ang nakaraan naming dalawa pero nakakatuwa dahil
gumawa talaga siya ng paraan para magkaayos kami. We seldom go out with each other
and the last time we hung out was when she said she was getting married. At eto
nga, inimbitahan niya pa ako sa kasal niya.

Wala na rin kaming balita tungkol kay Blue. Ang tanging alam ko lang ay nang
makagraduate ako ng College ay wala na akong pakielam sa presensya niya... hanggang
ngayon.

It's been 6 years since I graduated in College. Meron na akong stable job ngayon sa
kumpanya ng pamilya ko. I have my own properties and savings. Kuntento na ako sa
meron ako ngayon except for one thing.

"Alex?"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang pangalan ko. Agad-agad akong tumayo at
pumunta sa counter para kunin ang in-order kong cafe latte' saka ako bumalik sa
pwesto ko. Matapos ang reception ng kasal nina Carlene at Errol ay napagpasyahan
kong dumaan muna rito sa coffeeshop. Wala naman akong gagawin sa bahay kundi ang
matulog. Bukas naman ay may pasok ako. That's how my life goes; Live and work.

Habang humihigop ako sa kape ko ay napansin ko ang babaeng nasa kabilang mesa.
Nakaharap siya sa akin at nagbabasa ng libro. I don't care about the girl who's
reading it. The thing that caught my attention was the book.

Yung disenyo nito ay kakaiba sa lahat ng nakita kong libro. Kulay puti at gray ang
illustration. Medyo naluluha pa ang babae habang binabasa iyon.

'Weird'-- Yun agad ang pumasok sa isip ko habang tinitignan ang babae. Humihikbi na
siya habang nakatuon ang atensyon sa libro. Napansin kong panay ang punas niya ng
mga luha niya gamit ang kanyang palad kaya kinuha ko ang kape ko at saka siya
nilapitan.

I gave her my handkerchief that made her stop from reading. She looked up at me and
chuckled in embarrassment. "T..thank you."

"Are you okay?"

She wiped her tears with my handkerchief and then nodded. If I'd estimate her age,
she looked like in her forty's. "I'm fine. Masyado lang akong nadala dito sa
binabasa ko."
"Good book, probably," I commented and she smiled. Inabot niya sa akin ang panyo ko
pero umiling ako't ipinaubaya na 'yon sa kanya. Babalik na sana ako sa mesa ko nang
makitang may nakaokupa na roon. Naghanap ako ng ibang bakanteng pwesto pero wala
na. Darn. I should have left my coffee on my table. Hindi sana may babalikan pa
akong pwesto.

"Pwede hong makiupo?"

"Sure."

I pulled out a chair and sat on it right away. Kinuha ko ang phone ko at nagcheck
ng e-mails. I was amidst my reading, when I heard her sob again so I looked to her
curiously.

"I... I'm sorry," sabi niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti
lang ako ng tipid at uminom na sa kape. Now, I'm starting to get curious about the
book. I'm no bookworm. Hindi ako palabasa ng libro dahil mabilis akong mainip. For
some reason, I got curious about the book the lady was reading.

Sinilip ko ang title nito. It was 'One Sweet Glimpse'. Kumunot tuloy ang noo ko.
Parang may kung anong kakaibang bumalot sa dibdib ko.

"Done," sabi nung babae pagkatapos ay inilapag ang libro sa mesa. She was wiping
her endless tears with my handkerchief. "I recommend you this book. Are you a novel
reader?"

"I don't have much time to finish a book," sabi ko nalang.

"It's different. Kapag inumpisahan mo na 'tong basahin, you won't notice that
you're reading it continuously. Yung walang hintuan. Kasi, you'll be thirsty to
read the next chapter."

Tumango nalang ako dahil wala naman akong kainteres-interes sa kahit anong libro.
Siguro, nacurious lang ako dahil apektado siya sa binabasa niya pero bukod dun,
wala na. "It's all about a tragic life of a girl," she stated.

Hinawakan niya ang libro at napabuntong-hininga nalang. Hindi ko alam kung bakit
niya ako kinakausap. Maybe she's a chatter type person. I don't know.

"You'll be surprised on how tough she was. Yun nga lang, open-ended. Siguro may
sequel?" she said, hopeful. She stood up and gathered all her stuff. "Thanks for
the hanky by the way. Goodnight," she said and left.

Umuwi ako sa unit ko nang iniisip ang librong binabasa ng babae kanina. Wala talaga
akong hilig sa libro pero hindi ko alam kung bakit curious na curious ako sa
kwentong iyon. She said it was a tragic story of a girl. What the hell? What if
it's a chick lit? I won't read such kind of book. It'll just be a waste of time.

Kasabay ng pagbukas ng elevator ay siyang pagbungad sa akin ng tatlong tao sa


harapan ko. Mukhang pababa na sila.

"Ginagawa niyo dito?" I asked as I walked past them. Sinundan naman nila ako
hanggang sa... teka. "Oh, ba't nandito kayo sa unit ko?"

Yeah, they followed me inside my unit. Tumawa lang sila at sumalampak na sa sofa.
Tsk. Imbes na magpapahinga na ako, may mga bwisita pang dumating.

"Alex, painom ka naman dyan," sabi ni Arthur. Sa nakalipas na anim na taon, ang
daming nangyari sa gag0ng yan. Sa sobrang dami nga ay pati ako ay sumasakit na rin
ang ulo.

"Sa bar na kayo uminom. 'Wag dito," sabi ko.

Tumawa naman itong si Toffer. It's been 6 years yet he's still the same Mama's boy.
"'Ge na. Para tipid. Nandito na e. Ayaw kasi kaming ientertain ni Wayne. May bisita
raw siya."

Bumaling naman ako kay Dustin. 'Wag niyang sabihing makikiinom din siya? "Ako ang
sagot sa pulutan. Dali," malamig niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong meron pero nakita ko nalang ang sarili kong umiinom na rin
kasama sila. Nagpadeliver ng tatlong box ng pizza si Dustin, samantalang ako naman
ang sumagot sa mga alak.

"Ano bang problema?" panimula ko.

Alam kong meron silang problema. Hindi naman sila mag-aaya ng inuman ng walang
dahilan. Sa edad naming ito, minsan nalang kaming lumabas. Abala na rin kasi kami
sa kanya-kanyang buhay namin.

"Wala akong problema. Itong si Dustin ang meron," sabay turo ni Toffer kay Dustin.
Tinabig naman nito ang kamay ni Toffer at saka uminom.

Away mag-asawa na naman siguro. Napailing nalang ako. "Anong pinag-awayan?"

"Nagseselos ata." Si Arthur.

Binalingan ko siya. "Yung anak mo? Baka hinihintay ka na noon."

"Kasama niya ang secretary ko. Mas gusto niya pang kasama yun kesa sa sarili niyang
daddy," sabay turo niya sa sarili niya. Lasing na ata. Tss.

"Iiyak ka na nyan?" Natatawang asar sa kanya ni Toffer.

"Darn you!"

"Uwi na tayo. Baka hinahanap na ako ni Mhine." Tumayo si Dustin pero natumba siya.
Nagtawanan tuloy ang dalawa. Tsk tsk. Inubos ba naman ang tatlong boteng beer at
pagkatapos ay tumungga ba sa whiskey. Tsk tsk.

"Dito na kayo matulog. Maaksidente pa kayo sa daan."

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Sanay na ang sistema ko sa paggising ng ala-


sais. 7:30 ang trabaho ko at 15-20 minutes lang ang byahe papunta sa office ko kaya
hindi hassle. Nagluto ako ng almusal para sa amin. Yung tatlo, ayun bagsak pa.

"Iinom-inom, hindi naman kaya," bulong ko habang nagluluto. Pagkaharap ko sa mesa,


naabutan ko si Dustin na papasok naman ng kusina. Sa wakas, nagising din.

"Sumabay ka na sa akin ng kain. Iiwan ko na kayo dito," sabi ko habang naghahain.

Pumwesto naman siya at inilapag ang bag niya sa mesa. Tahimik kaming kumakain nang
bigla siyang nagsalita.

"Tingin mo, galit pa kaya sa akin si Chloe?"

Natawa nalang ako sa tanong niya kaya napahinto ako sa pagkain at tinignan siya.
"Para kayong bata."

"Galit na galit siya sa'kin. Sinigawan ba naman ako sa office ko. Peste, pinahiya
ako."

"Ba't ba nagalit?"

"Nagselos nga."

"Kanino?"

"Sa secretary ko."

Napasapo nalang ako ng ulo. May mga anak na't lahat-lahat nagkakaselosan pa. Ibang
klase. "Palitan mo ng lalaki ang secretary mo para 'di na magduda."

"Tss." Humigop muna siya sa kape niya bago siya may inilabas na libro mula sa bag
niya. Natigilan ako nang makita iyon. "Peace offering ko para sa kanya."

"One Sweet Glimpse?" What the hell?

He nodded his head. "Yeah. Best-selling 'to. Alam kong matutuwa siya-- Hey, give it
back to me."

Inagaw ko ang libro at binasa yung title. "Ito yung binabasa nung babae sa
coffeeshop kahapon. Iyak siya ng iyak habang binabasa ito."

"Maganda nga kasi yan."

Oo nga pala. Bookworm nga pala ang mag-asawang Chloe at Dustin. Parang may kakaiba
talaga sa librong ito. Una, ito yung librong iniyakan ng babae sa coffeeshop at
pangalawa, ireregalo naman 'to ni Dustin sa asawa niya. Why does this book keep on
appearing to me somewhere?

"Dustin, pwedeng akin nalang?"

From his cold expression, his face turned hard. "No way. Akin na yan," sabay lahad
ng kamay niya. Umiling ako at inilagay na iyon sa loob ng bag ko. "Alexander, I'm
serious. Mahirap hanapin ang librong 'yan."

"Maghanap ka nalang ng ibang libro."

"Yan ang target ng asawa ko."

"Marami namang ibang libro."

Tumayo na ako at uminom na ng tubig bago ako lumabas ng kitchen. Habol-habol pa ako
ni Dustin. "Alex, hindi ka naman mahilig magbasa ng libro."

I opened the door before I jerked my head back at him. "Lock everything before you
leave. Thanks for the book."

Sa office, gaya ng nakagawian, nakapokus ako sa lahat ng trabaho ko. I even skipped
meals just to assure my works are perfectly done. 9PM na ako natapos at isa-isa
nang nagpapaalam sa akin ang mga officemates ko. I decided to stay for awhile and
closed my eyes to take a rest.

As soon as I closed my eyes, images of her flashed through my mind. Napamulat tuloy
ako ng mga mata. Palagi nalang, Alex. Why don't you move on already? It's been 6
years. 6 fvcking years in despair and yet there's no sign of her.

I wanted to run an investigation about her but I refused myself to do so. Sabi nga
niya, kung kami talaga, kami pa rin at pinanghahawakan ko yun ng anim na taon.
Siguro tama na ang anim na taong paghihintay.

She will never come back.

I sighed as I remember her again. I need to get her off my mind from now on.
Nagmumukha na akong tanga sa kakahintay sa wala. Sabi nga ng iba, hindi ko alam
kung ano nang meron sa kanya ngayon. Kung may asawa na ba't meron ng sariling
pamilya.

Fvck, what am I thinking? I shook my head as my eyes turned to the book over the
table. Kinuha ko yun at pinakatitigan ang pamagat nito.

'One Sweet Glimpse'

Anong meron sa librong ito at ganun nalang ito pagkaguluhan? Binuksan ko ito at
dinala ako sa unang pahina ng librong ito...

Dedicated to Zack and the guy who I've left...

"Ibang klase. Idededicate na nga lang, sa lalaking iniwanan pa niya," naiiling kong
bulong sa sarili. Itinaas ko ang paa ko sa desk at binasa ang unang kabanata.

I'm just an ordinary girl with a superficial life. I lived with my step-father who
loves to beat me up. Even so, I still managed to keep by his side. I gave
everything he needs since I owe him my life.

I am Jackie and I'm 18 years old. I used to be blind a couple of years ago because
of the worst scenario that happened in my life-- I lost my Mom and I lost my sight.

Napatigil ako sa pagbabasa. Nanlamig ang mga kamay ko. Alam kong bukas ang air-con
pero hindi ko alam kung bakit abot-abot nalang ang kaba sa dibdib ko. Pamilyar ang
kwento. Sobra.

"Nagkataon lang siguro," bulong ko at nagpatuloy na sa pagbabasa.

I am just a simple girl with a pathetic life until someone came into my life and
changed everything about me.

I met him one gruesome night when I was selling street foods outside my house. He
was with my friend and I noticed how he stared at me. Right at that moment, I find
him very attractive. I never believed I felt myself blush when our eyes met. That
was the first freak1ng time I blushed infront of a stranger. He was tall and good-
looking. He looks manly yet innocent. He has a dark brown set of eyes that could
captivate every girl's heart.

"What are you staring at?!" I asked annoyingly, trying to hide the awkward feeling
I had inside.

"N-nothing," he stammered. Heck, he looks cuter!

I managed to roll my eyes on him and went back on my business but my heart kept on
thumping hard as I felt his stare still at me. "Brian, who are you with?" I asked
my friend, Brian. "Jackie, I'd like you to meet Nicko. Nicko this is Jackie."

Nicko sounds so good to my ears. Does my name sound good to him too?

Pabagsak kong isinara ang libro. This is insanely weird. Parang nangyari na ito sa
totoong buhay. Hindi, hindi lang ito 'parang'. Nangyari na nga ito sa tunay na
buhay. For some reason, I stared at the book.

One Sweet Glimpse...

My eyes trailed its way down at the bottom of the book and my mouth suddenly dried
up upon seeing the author's name which was written on it.

One name but everything flipped inside me.

Yasmin

Could it be her?

Sh1t. Malaman ko lang ikaw 'to, lagot ka sa akin.

-Epilogue-

***Epilogue***

He begged for me to stay but I chose to run away. No, I can't stay with him now,
not with my situation. I love him but I need to fix myself. I need to prove that
I'm worthy of him and that I deserve this one great guy.

"Jacky," he called, his voice almost pleading and his eyes were watery.

As much as I wanted to hug him, I controlled myself. I might change my mind if I


do. Instead, I tapped his arm slightly like I usually do when we were still good.

"I'm leaving."

I turned my back to leave when I heard his voice shaking. "You'll come back,
right?"

I sighed to ease the sting feeling inside my chest before I pasted a smile on my
face. "Don't assume too much. You know, you're one heck of an idiot."

Those were the last words I told him that day. As the car went off, my tears
started to stream endlessly.

"You okay, Jackie?" my dad asked thoughtfully.

I smiled, a sad one though. "I'll be fine, dad," I answered softly before I decided
to take out something from my purse. It was a small notebook I received few years
ago from a friend.

A friend who gave me another chance to see the world and a friend who trusted me
the day she met me.

"Hi, I'm Pinky," she introduced her name to me energetically but I'm not dumb not
to feel she's weak. I knew it even I'm blind.

"I don't know anyone named Pinky. You may leave."

"Oh, don't be so grumpy to a girl who will die in a few months or who knows, maybe
after a week," she said. I got confused by her words and I got more confused when I
felt her hold my hand.

"What are you---"

"You're pretty."

I snatched back my hand from her before I turned my back on her. Such a wuss.
"Leave me alone, will you?"

"Since when did you lose your sight?"

I felt a twinge of pain inside my chest. What's up with this annoying girl? If I
wasn't fvcking blind, I will drag her out from my room myself. "Just go!!"

I was about to get random stuff to throw at her but I felt her touch my cheek
softly. "The moment I saw you at the hall way, I felt something special towards
you."

What the heck? Is she a lesbian? Am I her type? Fvck. Double sh1t.

"Miss, I am not into--"

"I'm dying, Ms. Grumpy. Would you appreciate if I give you my eyes?"

I did not know how exactly I felt the moment she said that. I wasn't sure if she's
whether making fun of me or really serious. But I know for sure, that I felt a hope
rose up through me. "What?" I asked.

"... Only if you grant my request in return."

"Are you out of your mind, miss? Will you just go out! You're hella' annoying me!"
I yelled and laid my back against my cot.

I was waiting for her to move but I did not feel anything. I was so sure she was
still staring at me. She's giving me creeps!

"I am serious. I only have remaining time to leave. I will give you my eyes only if
you take care of my boyfriend. I don't wanna leave him miserable."

I felt the sadness through her voice. For some reason, I sat up and let my hands
touch her face. I was puzzled when I felt hot liquids through her cheeks. She's
crying.

"But I realize it's not a good idea. If I'd give you my eyes, I should not ask
anything in return. Don't mind what I said," her voice turned joyful again. "I'd be
glad if you take care of my eyes. It's my boyfriend's favorite part of me. I don't
want my eyes to die too. I want them to live."

I snapped back from my deep thoughts as the car stopped infront of the airport. Dad
assisted me out of the car and so I had the chance to stare at the place for a bit.
I am so lucky to have the chance to see the world again. Thanks to her... thanks to
Nicko's ex girlfriend.

Life is full of mysteries. I refused to grant my friend's request yet there was
still a way for us to meet each other. Weirdly enough, I did not have any idea that
Nicko's the one who my friend was talking about. Nah, my life is full of
impossibilities. I was once a broke girl who met a man who tried to fix me.

But I chose to leave him... for awhile.


I'll come back, Nicko. I hope you're still there waiting for me. I have to ask you
one question 'coz I'm dying to know what your answer is when I come back.

Nanlamig ako sa nabasa ko. It took me a couple of hours to finish this novel and I
didn't expect that it was open-ended. Hindi tuloy ako mapakali. Paulit-ulit kong
binasa ang ending nito. Dammit! What was the question she's about to ask?

"Alex, wala akong makitang article tungkol sa kanya," sagot ni Dustin nang tanungin
ko siya tungkol sa author ng librong ito. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko
nakikilala ang sumulat ng librong ito. Hindi imposibleng si Yasmin Jacinto ang
author nito. Malabong nagkataon lang. Hindi pwede. Alam kong siya ito. Lahat ng
pangyayari sa buhay niya ay nakasaad dito maging yung tungkol sa nangyari sa kanila
ni Blue.

"Wala bang pictures?"

"Wala nga."

I sighed in exasperation as I lied back against my bed. "Imposibleng wala, Dustin.


Try harder," I said as I turned off the engine.

"Bakit ka ba interesado sa author no'n?"

Hindi ako sumagot. Aakalain niyang nahihibang na ako kapag sinabi kong kwento iyon
ng babaeng matagal ko nang hinihintay.

"Gotcha, I found it," malamig na sabi ni Dustin pagkatapos ng mahabang katahimikan


sa linya. Tila nabuhayan naman ako ng dugo sa sinabi niya.

"Ano 'yon?"

"Uh, sh1t. 'Di pala. Mali. Book review lang pala."

Napailing nalang ako ng ulo sa sinabi niya. It seemed like this Yasmin is playing
anonymous in public.

"Call me once you find out something about her, alright?" I said before I hung up.

I felt hopeless. I couldn't see any details about her. Wala man lang all about the
author sa libro, pictures niya sa internet o kahit anong article na tungkol sa
kanya. Ang alam ko lang ay naka-base sa Canada ang publisher ng librong ito. Bukod
dun, wala na akong alam.

Bumangon ulit ako at bumalik sa tapat ng computer. Magbabakasaling may makita akong
detalye tungkol sa kanya. I need to see her. I want to ask what Jackie was about to
ask Nicko if they meet each other again--- or rather, what Yasmin was gonna tell me
if we meet... again.

Are you trying to play hide and seek with me, Yasmin?

***

Nagising ako sa malakas na buzzer na tumutunog sa loob ng kwarto ko. Napakamot ako
sa ulo sa pagkainis. Sobrang sakit ng ulo ko. Marahil sa pagkapuyat. Pagmulat ko,
napansin ko pang panay ang pagvibrate ng cellphone ko sa computer desk. Hindi ko
alam kung anong uunahin ko: ang i-check ang phone ko o ang pagbuksan ang kung
sinumang kumakatok.

"Fvck!" I hissed as I scratched my head in annoyance. Dinampot ko ang cellphone ko


bago ako lumabas ng kwarto.

Chineck ko muna ang cellphone ko habang pababa ako sa hagdan at nadismaya lang ako
nang makitang may 12 unread sms ako't lahat ng iyon ay galing sa sekretarya ko.

Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang walang humpay na buzzer. Sa sobrang inis ko,
nakasimangot akong binuksan ang pinto at ang bumungad sa paningin ko ay sina Dustin
at Arthur.

"What the hell? Kulang ako sa tulog. Bumalik nalang kayo kapag nakabawi na ako.
Aabsent din ako sa trabaho. Magpapahinga ako," bungad ko sa kanila. I know it is so
rude of me to say that but I can't help it. I was lack of sleep for whoever's sake!

"Napuyat din kami. Pinuyat mo kami, actually. Nagpatulong na nga ako kay Arthur sa
paghahanap sa Yasmin na yan e," sabi ni Dustin saka siya pumasok sa loob ng unit
ko. Umupo sila sa sofa saka nila ako tinignan ng seryoso.

Nawala ako saglit sa sarili. Pakshet, si Yasmin nga pala ang dahilan kung ba't ako
napuyat kagabi. Pagkatapos kong basahin ang nobela niya, mas pinili ko pang hanapin
ang katauhan niya kaysa ang matulog. Napatingin tuloy ako sa orasan. Napasinghap
ako nang makitang ala-una y medya na.

"Hindi mo man lang sinabi na siya pala yung matagal mo nang hinihintay," malamig na
sabi ni Dustin ngunit may halong inis. "Kung 'di pa sinabi ni Arthur sa akin, hindi
ko pa malalaman," sabi niya bago niya inihagis ang isang maliit na papel sa center
table. Napakunot nalang ang noo ko hindi dahil sa papel kundi dahil sa sinabi ni
Arthur kay Dustin. My friends knew everything what I've been through but I never
mentioned a name to them. Kung mayroon mang isang nakakaalam ng pangalan ng babaeng
anim na taon ko nang hinihintay, iyon ay si Arthur lang.

"Oh, ba't ganyan ang tingin mo sa akin? Malalaman din naman nila 'yon. No big
deal." Si Arthur.

Umupo nalang ako sa one-seater sofa at isinandal ang ulo ko sa headrest saka ako
pumikit. "May balita na?"

"Wala."

"What made you come here then?" Wala naman pala. Mga istorbo. Tss.

"Anonymous siya, dude. Hindi nagpapakita sa fans niya, pero may nabasa akong
article na magkakaroon siya ng booksigning sa convention center sa isang mall. Yun
ang magiging first appearance niya sa madla."

Napamulat ako sa narinig ko. Napatingin ako sa dalawang taong nakangiti sa harapan
ko. Mayamaya lang ay may inihagis sa akin si Dustin ang kapiraso ng papel na
inilagay niya kanina sa center table.

"Check it out."

Isang ticket pass.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong pinagpawisan ng malamig nang makita ang
papel. Litrato ng isang pares ng mga mata ang nakalagay dito kasama ng detalye ng
mismong event.

"February 14?" sambit ko.

Automatiko akong napatingin kina Dustin at Arthur, at ang mga ngisi nila ang
nagpagising sa diwa ko. "Is it happening today?"

"Happy Valentines day, dude," sabay na bati nila sa akin.

Sh1t. Double sh1t. Today is February 14!

***

"Where the heck is that event?" iritableng tanong ko sa dalawa. Tang1na, hindi man
lang nila sinabi sa akin agad na ngayon na mismo ang booksigning ni Yasmin!

Malalaki ang mga hakbang ang ginagawa namin para hanapin ang event. Kung kani-
kanino pa kami nagtatanong. Sh1t, may maaabutan pa ba ako dun? 3-5PM lang ang
booksigning at quarter to 5 na ngayon!

"Relax, mukhang nandun yata, Alex," sagot ni Arthur habang nakaturo sa kaliwa ko.
Mabuti sana kung sa Maynila lang ang booksigning pero hindi e, sa Tagaytay pa and
it took us forever before we got here. Darn the traffic!

Madaming tao sa mall. Siguro dahil may okasyon. Puro pula at puti ang nakikita ko
sa paligid. Puno ng mga lobong hugis puso.

Hinila ako ni Dustin sa entrance ng convention center pero napamura nalang ako nang
makitang close na.

"Langya, close na!" Si Arthur.

Lumapit si Arthur sa entrance at kinausap ang guard. Lumapit din kaming dalawa ni
Dustin doon. "Sir, baka pwedeng pumasok kami. Galing pa kaming Maynila oh."

"Naku, Sir. Matatapos na kasi yung event. May cut off na," sagot ng guard.

Napahawak nalang ako sa batok ko para pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong
pumasok sa loob. I badly wanna meet her. "Pwede bang kahit ako nalang? May ticket
ako," saka ko ipinakita sa kanya ang ticket ko. "Sige na, Sir."

"Oo nga. Pagbigyan mo na kahit siya lang. Die-hard fan yan ni Yasmin," singit ni
Arthur.

"Wait lang, Sir," sabi nung guard at tila may kinausap sa talkie niya. Binalingan
niya kaming muli pagkatapos ngisang minuto. "Sir, pasensya na. Hindi talaga pwede."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong makiusap ng
maayos. "Sir, gusto ko talagang makita si Yasmin. Hindi mo alam kung gaano katagal
ko siyang hinintay," pakiusap ko. Tinitigan ko siya ng mata sa mata. Fvck, pag ito
hindi pa umubra, wala na akong magagawa kundi ang sapilitang pumasok. Tsk!

Bumuntong-hininga siya. Hindi ko alam kung dahil naiinis na siya sa amin o dahil...
"Sige, Sir pero 'wag dito."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Napangiti nalang ang dalawang kasama ko.
May sinenyasan siyang isang gwardya na pumalit sa pwesto niya saka niya kami dinala
sa backgate. May mga ilang pumuna sa kanya pero pinakiusapan niya lang ang mga ito
na papasukin kami. Butil butil ang pawis na namumuo sa noo ko hanggang sa makapasok
na kami ng tuluyan. Tila bang may kung anong nagkakarera sa dibdib ko nang marinig
ko ang malakas na tugtog sa loob.

"Salamat, Sir!" sabi ni Arthur sa gwardya saka nito pasimpleng inabutan ng kung ano
sa palad nito bago umalis. "Tara na!"

Pakiramdam ko, nalunok ko ang dila ko habang dumadaan kami sa gilid ng stage.
Sobrang liwanag ng paligid ng stage kaya hindi ko gaanong maulinagan ang babaeng
nasa gitna. Hinila pa ako nina Arthur at Dustin papunta sa pila at nakipila na rin.
Fvck, ngayon lang yata ako ninerbyos ng ganito.

Nasa gitna kami ng pila nang may itanong si Dustin na siyang nagpabalik sa wisyo
ko. "Para tayong tanga. Ba't tayo nakapila dito e wala naman tayong libro? Nasan
ang libro?"

"Takte, wala tayong libro," sabi naman ni Arthur.

Napatingin ako sa kamay ko. Wala akong dalang libro. Sh1t, nakalimutan ko pa yata
sa kotse. Wala nang oras kung babalikan ko pa iyon at tiyak na hindi na ako
makakapasok kapag lumabas pa ako.

Napalingon ako sa paligid. Kaunti nalang malapit na ako. "Dyan lang kayo," sabi ko
at umalis sa pila. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.
Pumunta ako sa booth at dumampot ng sampung libro saka ko iyon binayaran at bumalik
na sa pila.

"Parang gag0, ba't ang daming libro? Haha!"

"Papapirmahin mo yan lahat?"

I rolled my eyes heavenwards as I faced upfront. One last shot and it's my turn.
Huminga ako ng malalim nang binigyan na ako ng signal ng usher na turn ko na.
Nanlalamig ang mga palad ko nang pumanhik ako sa hagdan.

May nakaharang pang isang babaeng nagpapapirma sa kanya. Hindi ko alam pero
napahinto ako. Sh1t. Mas lalo akong kinabahan nang makitang tumayo ito para yakapin
ang babaeng nagpapirma sa kanya.

I took few more deep breaths as I took steps towards her. As soon as the girl went
off, she shifted her head to me and just like what my reaction is...

... she almost drop her jaw.

Napalunok ako dahil naramdaman ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Parang gusto kong
lapitan siya at yakapin sa mga bisig ko pero nanghina ako.

Anim na taon...

Anim na taon ko siyang hinintay at ngayon ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko


akalain na sa ganitong paraan pa kami muling magkikita.

"S...sikat ka na."

Her lips slowly formed a sweet smile. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong libro at
saka siya napangiti pa lalo. "Ang dami naman n'yan. Nabasa mo na ba?"
I took one step forward as I placed the books over the table. Hindi ko matanggal
ang tingin ko sa kanya. Parang hindi na siya ang babaeng nakilala ko noon. Nagbago
na siya.

"Ikaw ba yan, Yasmin?"

She chuckled awkwardly as she shook her head in anticipation. Hindi niya ako
sinagot bagkus ay inumpisahan na niyang pirmahan ang mga librong binili ko.

"Hindi mo pa siguro nababasa," sabi niya nang matapos niyang pirmahan ang mga
libro. "It was nice meeting you again, Alex."

"Y...Yasmin--"

"Sir, dito na po tayo. Cut off na." Guards appeared on my both sides. Nakahawak
sila sa braso ko at pilit akong dinadala pababa sa stage.

"Yasmin, yung ending--- yung ending ng libro--sh1t! Bitawan niyo ako. May sasabihin
lang ako."

May dumating namang dalawang ushers sa tabi ni Yasmin at pilit siyang pinapabalik
na sa backstage. "Yasmin--"

"Sir, bumaba na po kayo."

"YASMIN! Kausapin mo ako!" Yun nalang ang nasambit ko nang tuluyan nang pinapasok
si Yasmin sa backstage.

Nanlulumo ako habang nakaupo sa gutter sa parking lot ng Convention Center. Kung
hindi ko pa naramdaman ang pagtapik ng kung sinuman sa balikat ko ay pakiramdam ko
ay nawalan na talaga ako sa sarili.

"Alex, makakausap mo din siya."

I sighed deeply as I tilted my head upwards. Inabutan niya ako ng tubig pero
tinanggihan ko iyon. "Mga bwsit sila," iritableng bulong ko. "Kung hindi nila ako
pinigilan, makakausap ko na sana si Yasmin."

Nakiupo na rin sina Arthur at Dustin sa tabi ko. Madilim na ang paligid at malakas
na ang ihip ng hangin ngunit hindi ko yun inanlintana. Pakiramdam ko, lugmok na
lugmok ako. Abot kamay ko na, nabitawan ko pa.

"At least, nakita mo. Astig, dude. Kayo na ang may sikat na ex. Yung kay Master,
model na ngayon tapos ikaw naman best-selling author," biro ni Dustin.

"Hindi ko siya ex. Hindi naging kami," I honestly answered.

"Tanga ka e. Pinakawalan mo pa. Pwede mo namang pigilan," sabi naman ni Arthur at


bahagyang natawa. "Wala na. Hindi ka na kilala nun. Sikat na e."

Napasubsob nalang ako ng mukha sa mga tuhod ko. Tila may isang malaking parte ng
pagkatao ko ang nawala sa nangyari kanina. Ito na siguro ang hudyat na kailangan ko
na siyang kalimutan. Kahit mahirap, kailangan kong gawin.

Beeeeep!

Napaangat ako ng ulo sa malakas na businang narinig namin sa aming harapan. May
isang puting Honda Civic ang bumubusina. Lumabas ang babae at lumapit sa amin.
Kalmado ang mukha niya pero halata ang pagkairitable.

"Excuse me? Is this car yours?"

Tumayo si Arthur pati na rin si Dustin. "Yes, it's mine."

"It's blocking my car. I don't mean to be rude pero pwede bang pakialis ang kotse
mo sa daan? Hindi makalabas ng kotse ko," sabi nito.

"Alright. Chill, miss."

"Daanan yan. Hindi yan parking space," and then she rolled her eyes upwards. Walang
bakanteng espasyo kanina kaya wala kaming nagawa kundi ang i-park sa daanan ang
kotse ni Arthur. Hindi ko na siya masisisi kung naiinis siya sa ginawa namin dahil
mali naman talaga kami.

"Sorry, Miss Beautiful," Arthur sarcastically said as he stepped inside the car and
moved it to the vacant side. He then rolled down its window and signaled us to get
in. "Tara na, uwi na tayo, Alex, Dustin! Sorry nga pala ulit, Miss."

I was about to get up and go to his car when the lady spoke again. "Excuse me?
You're Alex, right?"

Nilingon ko ang babae. Lumapit naman siya sa akin at tinitigan ako mula ulo
hanggang paa. What's with the stare?

"Ay, ayaw sumagot? Ikaw ba si Alex?"

"Ako nga. Bakit?"

She grinned like a fool before she clapped her hand over her mouth. "So, you're the
guy! Alexander de Silva?" She extended her hand to me and when she noticed I didn't
take it, she quickly grabbed my hand for a hand shake. "Ikaw yung lalaki kanina sa
stage diba? Ako nga pala si Antonia."

Wala akong pakielam sa sinabi niya. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya ako
nakilala. "Paano mo nalaman ang--"

"Yasmin told me!" she squeaked and I gawked at surprise. "Ako nga pala ang P.A
niya. I'm sorry sa inasal ng mga security ha? For security purposes, you know."

Binitawan niya ang kamay ko saka siya kumaway sa akin. Nagkatinginan tuloy kaming
tatlo nila Arthur at Dustin.

"Bye, nice bumping into you guys."

"Wait." Pigil ko at nilapitan siya bago pa man siya makasakay ng kotse. Kinapa ko
ang bulsa ko pero wala akong papel at pen na makapa. "Sh1t."

"What do you need?"

"A pen and paper."

"Wait--" sabi pa nito at nilabas ang phone niya saka niya inabot sa akin. "Type mo
nalang dyan kung anong gusto mong ipaabot kay Yasmin at ako na ang bahalang ipabasa
sa kanya," she said smiling before I took it and typed what I intended to tell her.

***
'Magkita tayo sa vacation house bukas. Hihintayin kita, Yasmin. Call me at
+6390*******. Kapag hindi ka dumating bago lumubog ang araw, hahayaan na kita.'

"Fatima, anim na taon akong nangulila sayo, anim na taon din akong naghintay para
sa kaibigan mo nang iniwan niya ako, 'wag mong sabihin anim na taon din akong
maghihintay sa kanya dito?"

Nandito na naman ako sa munting-bahay ni Fatima, kinakausap siya tungkol sa mga


bagay-bagay. It's been awhile since I visited her in here. Ngunit ganun pa man,
hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

... dahil naging parte siya ng buhay ko.

"Mahilig ka sa mga nobela, diba? Tiyak magugustuhan mo 'to," sabi ko at inilapag sa


tabi ng lapida niya ang libro. "Kwento yan ng buhay ni Yasmin. Naging parte tayo ng
buhay niya, Fatima."

Hinaplos ko ng paulit-ulit ang pangalan niya saka ko huminga ng malalim. Habang


tumatakbo ang oras, unti-unting nawawala ang pag-asa ko para kay Yasmin. Marahil sa
anim na taong nakalipas ay marami nang nagbago.

"May asawa na siguro siya," bulong ko at tipid na ngumiti. "Ayos lang. At least,
masaya na siya."

Tumingin ako sa oras. 5:40PM na. Sumilip ako sa bintana at kapansin-pansin na ang
kulay kahel na kapaligiran. Sa paglubog ng araw, kasunod nito ang paglaho ng pag-
asa.

"Bigyan mo ako ng sign, Fatima. Kapag hindi siya dumating, hindi na ako mag-aasawa
pa," I cracked a chuckle before I ran my hands again over the grave. "Seryoso ako.
Ayoko na. Tama na yung dalawang beses akong iniwanan."

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya inabot ko iyon mula sa sahig. Inaamin ko, umasa
akong baka siya ang tumatawag pero mali ako.

"Dude, ano? Dumating ba?"

I sighed deeply. "Hindi."

"Mag-aala-sais na."

"I know."

"Anong plano mo?"

Ipinikit ko ang mga mata ko habang may maliit na ngiting sumibol sa mga labi ko.
"Pakamatay nalang."

"What?! Pakshet ka, Alex! 'Wag mong itutuloy yan! Marami pang babae sa mundo. -
Dustin, papakamatay daw si Alex!!"

Natawa nalang ako. Mga gag0 talaga. Kahit ganyan sila, nagpapasalamat ako dahil may
kaibigan akong dumadamay sa akin.

"Alex, tarantad0 ka. Kasalanan yan sa Diyos."

"I'm just joking," I said before I hung up and turned off the phone. Tumayo ako at
nag-inat saglit. Tinapunan ko ng ngiti ang litrato ni Fatima.
"Is this the sign?"

Dahan-dahan nang lumulubog ang araw. Kitang-kita ko iyon mula sa kinatatayuan ko sa


bintana. Siguro, kailangan ko nang itigil ang pagkatanga ko. Masyado akong umasa na
babalikan niya ako.

"Psst!"

Napalingon ako sa pinto. Naabutan kong may tumakbo papunta sa garden. Lumabas ako
ng bahay at tinignan ang direksyong iyon. Napatigil ako nang may maapakan akong
maliit na toy car sa paanan ko.

Kanino 'to?

"Psst!"

Lumapit ako sa direksyon ng pinanggalingan ng sumutsot sa akin. Nanggaling iyon sa


mataas na halaman sa likod ng fence. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. Sumisibol
na ang dilim sa paligid at malakas na ang hangin kaya hindi ko mapigilan ang hindi
kilabutan.

"Psst! Psst!"

Kumunot na ang noo ko at napahinto nalang ako sa paglalakad. Binuksan ko ang


cellphone ko at sunod sunod na phone calls ang natanggap ko mula kay Arthur pero
inignora ko iyon. Kailangan ko ng flashlight.

"Sino 'yan?" I asked.

"Ikaw? Who are you?"

I frowned as a little boy with a brown hair appeared from the garden. Kung
eestimahin ko ang edad nito, tila ba nasa 5-6 years old na ang batang ito. Nakasuot
pa siya ng spiderman costume, sabay lahad niya ng palad niya sa akin. "I am
Spiderman! Who are you? Are you Incredible Hulk?"

I threw him 'the look' before I chuckled. Tama ba ang narinig ko? Incredible Hulk?
"I am Alex. Nice meeting you, Spiderman. But may I know who are you with? It's a
restricted area. You're not allowed here."

Just when I said that, I heard a familiar voice from my back. Sa sobrang pamilyar
nito ay tila nasemento ako sa kinatatayuan ko.

"Zac!! Nasaan ka bang bata ka!! ZAAAAAC!!"

"Hey, Hulk. I gotta go. Catwoman is here!" sabi naman ng bata at tumakbo na sa kung
saan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makita kong sinalubong siya ng isang
babaeng matagal ko nang gustong makita.

Niyakap niya ang bata bago niya pinisil ang pisngi nito. Lumingon pa siya sa
paligid at pagkatapos ay akmang aalis na nang...

"Yasmin!" Tinawag ko siya.

Napahinto siya at napalingon. Matagal ko siyang tinignan. Ibang-iba na siya ngayon.


She's better than before, I must say.

"Yasmin-"
Napahinto ako hindi dahil sa hindi ko malaman kung anong dapat kong sabihin kundi
dahil ngayon lang pumasok sa sistema ko na nandito siya. Heck, she fvcking came!

"Uy, Alex," naiilang siyang ngumiti sa akin sabay patong ng palad nito sa ulo ng
bata. "Si Zac nga pala. Baby ko..."

Unti-unti akong lumapit sa kanila nang hindi tinatanggal ang titig ko sa mga mata
niya. God, how I missed this woman. "Ang laki na ng baby ko 'no? Hehe."

"Baby natin."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, at inosenteng napatingin naman sa akin si
Zac. Ngumiti ako at lumuhod sa harapan ng bata. "Hi, Spiderman."

"Hello."

"Ang cute mo. Mana ka sa Mommy mo."

"Huh?"

Napansin ko na tinakpan ni Yasmin ang mga tenga ni Zac saka niya ako sinamaan ng
tingin. "Englishero ang anak ko. 'Di ka niya maiintindihan."

"Bakit mo tinatakpan ang tenga niya?"

"Baka kasi kung anong marinig niya mula sayo!" asik niya pagkatapos ay inabutan
niya ng cellphone ang bata at pinasakan pa ng earphones ang mga tenga nito bago
niya ako hinarap ulit.

"Nakakahiya ka kahapon. Alam mo bang may media kahapon sa event ko?" sabi niya at
nagpameywang pa. "You should have spoken to me nicely hindi yung sumisigaw ka dun."

"Nagbago ka na."

Natigilan siya. Tinignan niya ang anak niya at inilayo niyo sa akin ng bahagya bago
niya ako nilapitan ulit. Nawiwirduhan na tuloy ako sa kanya.

"Gag0, walang nagbago."

I looked at her in surprise. Now it seemed like nothing has changed. Ganun pa rin
ang tabas ng dila niya kahit elegante na siyang tignan ngayon.

"Sikat ka--"

"Sayo ba, may nagbago?"

Nabigla ako sa tanong niya pero automatikong umiling ako bilang pagsagot. "Wala.
Baka sayo may nagbago? Ang ganda mo na e," sambit ko.

Sumimangot naman siya at umirap pa sa akin. "Matagal na akong maganda," sagot niya
at nilapitan na naman niya ang anak niya. Nagtaka ako nang pinatalikod niya ito
saka niya ako binalikan ulit.

"Ano bang ginagawa mo sa bata?"

Huminga siya ng malalim bago siya may inilabas na red velvet box mula sa bag niya.
Nabigla ako nang buksan niya ito bago siya lumuhod sa harapan ko.

What the hell?


"Sige nga. Kung wala talagang nagbago, maaari mo ba akong pakasalan?" Nakangiting
tanong niya sa akin. Hinila ko siya patayo pero hindi siya gumalaw. Umupo naman ako
para lumevel sa kanya pero hinampas niya ang binti ko. "'Wag kang malikot! Naka-
base sa sagot mo ang sequel ng nobela ko!"

I smiled as the answer to her question came out of my lips.

"I'll marry you. Tanga ko nalang kung tatanggihan pa kita."

***

Epilogue

"I love you," I whispered to his ear. He captured my lips as he wrapped his arms
around me and replied, "I love you too, my wife."Geez, how I love this man! He's
the only one that can make my heart flutter.

My heart that is afraid to fall

Afraid not to be caught by someone I fall for

But there's a thing that changed my mind

A glimpse that fixed the brokenheart of mine

... That one sweet glimpse of his that I will never exchange for the world.

"Oh, ano? Ayos ba, 'tol?" tanong sa akin ni Yasmin matapos niyang ipabasa sa akin
ang manuscript ng epilogue ng sequel para sa One Sweet Glimpse novel niya.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ko dinampian ng halik ang kaliwang pisngi niya.
"Maganda. I never expected that you'll become a famous author. Hindi lang sa
Pilipinas kundi sa ibang bansa. Are you really my wife?"

She chuckled before she nuzzled towards me. "Sira. Nakalimutan mo bang graduate ako
ng Creative Writing? Nobelista talaga ang bagsak ko, duh?" she giggled as she
sniffed my shirt. "Bebe ko, 'wag ka munang maliligo. Ang bango mo, sweetie pie."

Sa dalawang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, kung ano-ano nalang ang
itinatawag niya sa akin. Bebe ko, 'tol, darling, sweetheart, sweetiepie, mahal,
labidabs, at kung ano-ano pang napulot niya kung saan man.
I don't mind about it at all kahit na minsan ay nakokornihan ako. The important is
that we're together now. Masaya na ako sa buhay ko kasama siya pati na rin ang
dalawa naming anak na sina Zac at Jasmine.

Hindi ko man tunay na anak si Zac ay hindi yun naging hadlang sa pamilya namin.
Simula pa lang ay tanggap ko na siya at ngayon ay masaya ako dahil tinuturing niya
akong tunay na ama at ganun din ako sa kanya bilang tunay na anak.

I was pulled from my deep thoughts when Yasmin fisted my shirt. "Wait lang! Ugh!"
Bumangon siya sa kama para tumakbo sa banyo at sumunod nalang na narinig ko ay ang
pagduwal niya.

"UGGGGGHHH!!!"

Look's like we're having a new member in our family. Cool.

---

A/N: OMG! Natapos ko rin ang story ni Alex. It took me 2 years to finish this one.
Kasabayan ng AIWG 2. Haha! Masasabi kong ito ang pinakamalapit na story para sa
akin dahil ito yung pinakasimple kong ginawa. Simple pero mahirap. Simple pero may
kabuluhan. Simple pero nawindang ang utak ko tuwing gumagawa ng POV ni Alex. Ito
lang kasi yung story ko na seryoso at manly.

Ayun, thank you so much sa lahat ng nagbasa nito! Sa mga nakiiyak sa pagpanaw ni
Fatima at sa pagkainis dahil isang Yasmin ang pumalit kay Fatima sa puso ni Alex,
thank youuuuuuuuuu! Fun fact lang: Nahirapan ako kung pa'no ko papalambutin ang
puso niyo para magustuhan niyo ang character ni Yasmin. Masyado kasi kayong
naattach kay Fatima. And I'm glad dahil as time went by, nagustuhan niyo na rin
siya. It has been a challenge indeed!

Inuulit ko, thank you so much! Super love ko si Alex. Super love ko ang story na
'to. :D

PS: Wag nang magtanong kung may Softcopy. Papaluin ko kayo, hala sige! WALA PO!
Haha.

PS2: Sorry kung 'di naabot ng expectation niyo ang ending. Sobrang nahirapan kasi
ako dito XD Sana maappreciate niyo pa rin.

Self-published Book Details (One Sweet Glimpse Season 1&2)

Posted: May 17, 2016

Hi, guys! I'm planning to self-publish One Sweet Glimpse Season 1&2!

*Book Details*
OSG Season 1 - P500

OSG Season 1 & 2 Bundle - P750

Kapag malalayong lokasyon: OSG book price + shipping fee = amount of payment

*FAQs*

1. Ano ang pinagkaiba ng self-published version kaysa sa WP Version?

- Mas maayos ang pagkakaedit. At walang errors.

- With special chapter (in Fatima's and Yasmin's POV)

- With my sign and dedication.

- Hardcopy of the story, of course. (Softbound)

2. Pwede po bang mag-order ng season 1 lang at hindi kasama ang season 2?

- Pwede po. P500 ang price kapag season 1 lang.

3. Paano po kung season 2 lang?

- Hindi po pwede. Yung season 1 lang ang pwedeng i-order nang isahan.

4. Paano po magbayad kapag malayo ang lugar?

- Pwede pong ipadala ang bayad sa LBC at Palawan Express (mas mura dito).

5. Paano naman po kapag malayo ang lugar at gustong mag-order? Paano matatanggap
ang order?
- Via LBC, 2GO. Choice na ninyo kung door to door or pick up sa branch. Kapag
around Metro Manila naman ay baka Abest since mura du'n.

6. How about sa mga gustong um-order overseas?

- Hmm, siguro I suggest na kung oorder ay sa family o relatives niyo nalang ipa-
ship ang order ninyo para safe. Mahal kasi kapag international shipping, at medyo
kinakabahan ako kung makakarating. 'Di ko pa kasi nata-try.

7. May meet up po ba to claim the order?

- Meron po. Baka sometime in July. SM North or Trinoma. :)

8. Pwede po bang mag-order pero sa susunod nalang ang bayad?

- No. Magbabayad muna, then wait for the shipping or meet up to claim the book.
(Strictly payment first before process)

9. Kailan po makukuha ang libro?

- By July na. Kasi for the rest of the month of June ay pre-order muna o process of
payment.

10. May next batch po ba?

- Wala na po.

So, here's the thing...


Kung saka-sakaling umabot ng 200 orders ang One Sweet Glimpse, it's either:

1. Libreng shipping fee (Wala ka nang babayaran bukod sa in-order mo. All-in na
'yon. Basta dito lang sa loob ng Pinas!)

or...

2. Free 'YSG shirt'. (Parang official uniform ng YSG members since magtatatlong
taon nang nabuo ang fb group ng mga readers ko sa Facebook. Yay!)

It's your choice naman kung anong pipiliin mo sa dalawa. Ngunit may dalawang
malaking PERO:

1. Isa lang dapat ang pipiliin sa dalawa options.

2. Magiging posible lang 'yan kapag umabot sa 200 o higit pa ang oorder.

Bongga, 'di ba? It's either OSG book + YSG Shirt or OSG book + free shipping fee.
Pero kung hindi aabot sa 200 orders ay OSG books lang muna ang matatanggap
ninyo. :D

For further announcement, just join 'Yhel's Stories Group' on Facebook. Dun na po
mag-aanunsyo ng iba pang details. :)

You might also like