You are on page 1of 2

PANUNURING PAMPANITIKAN

Kayraming panitikan ang nagsilabasan at naitalakay, at isa na rito ay ang kwentong isinulat ni Benjamin
Pascual na pinamagatang “Di mo masilip ang langit. Ginawa ang akdang 'Di Mo Masilip Ang Langit' upang
itama ang pagtrato ng mga taong nakakataas sa mga taong nakabababa. Ginawa ito upang ipakita ang mga
karanasang panlipunan na totoo nang nangyayari sa pagitan ng mahirap at mayaman. Ang tema nito ay
pagpapakita ng hindi wastong pagtrato ng mayayaman sa mga mahihirap. Ang kuwentong ito ay tumutukoy
sa malupit na hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa
mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan
ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan. Pinamagatan itong ‘Di mo masilip ang langit’ dahil ang
mag-asawa ay hindi man lang nabigyan ng konting pagmamalasakit o hindi man lang sila inasikaso ng mga
doctor at nars kahit sila’y nahihirapan na. Kumbaga, di man lang sila nakalasap ng kaginhawaan o langit
dahil sa pagtrato sa kanila.

Sa kwentong ito ay nakapaloob ang mga tauhan na nagngangalang Luding. Si Luding ang asa ng nakulong
na siyang unang pangunahing tauhan na tagapagsalaysay sa kwentong Di Mo Masilip ang Langit. Si Luding
ang nawalan ng sa’y kauna-unahang anak nila ng kaniyang asawa. Siya ang tinuturing na kasiyahan ng
pangunahing tauhan sa kabila ng matinding kahirapan. Sunod ay ang unang tauhan o Asawa ni Luding na
siyang nakulong dahil sa pgsunog niya sa isang ospital dahil sa matinding galit sa pagkamatay ng kanilang
anak dahil pinabayaan at hindi inatupag ng mga nars at doktor dahil sila ay mahirap lamang. Siya ang
tagapagsalaysay sa kwentong ito kung saan kinakusap niya ang isang taong kasama niya na nsa kulungan
din. Siya ang galit na galit dahil sa pagkamatay ng kauna-unahan sana nilang anak ni Luding. Siya ang taong
nawalan na ng pag-asa na may Panginoon pa na umaalalay sa kanila sa kabila ng mga mapait na nangyari sa
kanila at ang hindi nila pagkamit ng hustisya. Pangatlong tauhan dito ay sina Mr. at Mrs. Cajucom na
naninirahan doon sa subdibisyon at nilapitan ni Luding na bahay dahil doon na siya napahinto. Sila ang
siyang nilapitan ni Luding at tumulong papuntang ospital nang may pag-aalinlangan. Si Mr. Cajucom ang
nagdala kay Luding sa ospital at agad na nilapitan ng mga nars at doctor dahil sila ay isa sa pinakamayaman
nsa tinuturing. Subalit nang malaman nila na ito’y hindi kadugo o asa ni Mr. Cajucom ay agad nila itong
pinabayaan. Nakapaloob din sa mga tauahan ang nars at doktor na sabi ko nga ay siyang nagpabaya sa anak
ni Luding kung gayon ay namatay na lamang.

Ang mga tagpuan sa kwento ay masasabi kong naaayon sa mga pangyaring naganap subalit masyadong
masalimuot at hindi kaaya-aya dahil sa hindi nila pagkamit sa natatanging hustisya. Ang unang tagpuan sa
kwento ay ang kulungan kung saan pinapakita ang naging epekto ng ginawang pagsunog ng pangunahing
tauhan sa ikinwento niyang pangatlong tagpuan kung saan iyon ay ospital. Msasabi ko na ang unang tagpuan
ay nagpapakita lamang ng kaparusahan sa mga mahihirap na nadala lamang sa galit dahil sa hindi pagkamit
sa hustisya na tunay na ninaais ng hindi lang sa isang parte ng tao kundi sa buong pamilya mismo. Ang
barung-barong naman na siyang pangalawang tagpuan ayon sa kwento ng tagapagsalaysay ay masasabi
konghindi din kagandan dahil parang hindi sila tao kung ituring sapagkat parang masyado silang pinagkaitan
ng tadhana. Ang sitwasyo nil sa tagpuang iyon ay tinuturing na nilang malaking bagay kesa sa wala. Doon
sila nagplano ng lahat at nakakalungkot lamang dahil hindi iyon natuloy lahat. Sa pangatlong tagpuan naman
ayon sa kwento ng tagapagsalaysay ay ang isang ospital. Masasabi ko na sa tagpuang iyon ang
pinakamasakit sa lahat sapagkat iyon ang tinuturing sana nilang pianka perpektong puntahan para sa
kaligtasan subalit iyon pa pala ang tagpuan ng kamatayn ng kanilang pinakamamahal sa buhay.

Pagdatig sa suliranin ng mga tauhan sa kwento, hindi nabigyan ng solusyon o hindi ito naresolba sa halip ay
naging masalimuot lamang dahil imbis na hustisya lang naman ang nais nila subalitipinagkait pa ito sa
kanila. Hindi ito naresolba sapagkat nakulong pa ang unang tauhan at nawalan pa ng pag-asa ito sa Poong
Maykapal dahil nasabi na lamang niya na hindi na siya naniniwala na may langit pa sa labas ng kulungan na
kaniyang pinaglalagyan. Hindi ito naresolba sa halip ay lumala pa dahil hindi na naging maayos pati ang
pamumuhay ng kaniayng asawa sa labas ng kulungan at halata rin sa mukha nito na siya ang hindi na
ngumingiti pa.

Ang mga teoryang nakapaloob dito ay Moralistiko, Sosyolohikal at Sikolohikal. Moralistiko ito
sapagkat ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila
binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang pag-
uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap. Ipinakita dito ang hindi kaaya-ayang pagtanggap
sa mahirap ng mga mayayamang kanilang nakakasalamuha. Ipinapakita ang mga aktwal na aksiyon ng mga
mayayaman kapag nakita nila na ito’y hindi nila ka lebel. Naipakita kung gaanosila mandiri at magpabaya
dahil lamang sila ay mahirap. Pangalawang teorya na nakapaloob dito ay ang Sosyolohikal sapagkat
ipinakita ang pakikipagsalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng
mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento. Naipakita ang pakikipagsalamuha nila na halatang
may pamantayan o pamantayan kung pasok ka ba sa kaantasan nila sa buhay o hindi. Ipinakita ang
pagsasama ng mahirap at mayaman kahit ito pa ay may dalang pag-aalinlangan. Pangjatlong teorya naman
na nakapaloob dito ay ang Sikolohikal sapagkat ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon
ng panibagong ugali dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing
tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong nagkaroon ng pagbabago at
hinanakit sa kanyang puso. Ito ay nang may namuong galit sa puso ng unang tauhan dahil sa kamatayan ng
kauna-unahan sana nilang anak ng kaniyang asawa. Ito ay dahil hindi na nakapagdesisyon ng tama ang ispan
dahil mas nangibabaw na ang sakit sa puso kaysa sa matinong pag-iisip.

Ang kwentong ito ay maganda at mas naging kaakit-akit dahil ginamit ng awtor ang reyalidad sa buhay o
mga totoong nagaganap sa pagitan ng mahirap at mayaman. Kaakit-akit ito sapagkat hindi lamang ito basta
kwento na ginawa gamit ang kathang isip lamang subalit ito’y isang pinakamagandang kwento na
kakapulutan ng ara ng hindi lang ng isang tao kundi ng karamihan pa mismo. Hindi man naging maganda
ang kinalabasan ng kwento subalit naging maganda naman ang pagkakasulat nito dahil alam kong hindi lang
ako ang isang mambabasa na napukaw o natindig ang damdamin dahil sa mga pangyayari na naganap dito.
Maganda ang akdang ito dahil hindi lamang ito basta-basta babasahin ng mambabasa ngunit siguradong
isasaisip at isasapuso din nila dahil madaming bagay ang nakapaloob dito na siguradong mapapaiyak ka at
masasabi mong ayaw mo ng mga ganitong pangyayari kung gayon kikilos ka ng nararapat at hindi ka
makakasakit ng damdamin ng ibang tao.

Madaming aral ang mapupulot dito katulad na lamang ng “wag magpadala sa galit, sa halip ay kumalma at
mag-isip muna”, “huwag nang dagdagan ang problema ng isa pang problema.” Ito ay dapat hindi tayo
matulad sa unang tauhan na nagsunog ng ospital dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak. Sunod ay “dapat
itrato natin ng pantay ang kapwa natin tao kung mayaman man ito o mahirap.’’ Ito ay dapat hindi tayo
tumulad sa mga mayayamang tao, nars at doktor sa kwento na parang naliliit sa mahihirap sa halip ay
tulungan natin sila dahil tao rin naman sila katulad ko na isag mahirap din naman. Isa pang pinakamalaking
aral sa kwento ay “hindi dapat tayo magalit, kumalimot, mawalan ng tiwala o mawalang pananalig sa ating
Panginoon sa kabila ng masasalimuot na pangyayari na nagaganap sa ating mga buhay.’’ Ito ay katulad ng
nangyari sa unang tauhan kung saan siya ay hindi na nanalig na may Panginoon pa dahil siya ay naiwala na
sila ay masyadong pinabayaan na at nagkaroon na ng patong-patong na mga problema sa buhay. Sinasabi
dito na dapat tayo ay magiging matatag lang at sa huli ay makakamit at makakamit din natinang liwanag ng
buhay.

Sa pangkalahatan, ang akdang ito ni Benjamin Paascual ay isa sa mga pinakamagandang istorya na aking
nabasa dahil talagang naantig at napukaw ang puso kong nahihimbing sa pagkakatulog. Talagang ako’y
ginanahana nang simula ko itong basahin dahil ang topiko nito ay masyadong nakakaagaw atensyon dahil
kahit ako man ay nakaranas na rin ng panliliit sa kamay at mata ng mga mayayaman o may kaya sa
buhay.Masasabi ko na marami akong aral na napulot dito at nagpatatag pa ito lalo sa akin para sa pangarap
ko na ipaglaban ang karapatan ng tulad naming mahihirap. Mas nangibabaw ang tapang sa aking puso na
ilaban ang pantay-pantay na karapatang pantao sa parte ng istorya na may namatay pa na walang
kamuwang-muwang na tao. Mas nangibabaw ang kagustuhan kong ipaglaban ang katuald kong mahihirap
hindi lamag para guminhawa ang kanilang puso at magamit ang hustisya sa buhay at mabigyang
importansya ang kanilang mga dignidad, ngunit dahil ayaw ko rin na mawalan sila ng pag-asa sa buhay lalo
na sa ating Poong Maykapl. Kaya naisip ko na mas lalo ko dapat ipaglaban ang mga inaapi katulad na
lamang ng pagprotekta ko sa kasulukuyan na natutunan kong isagawa magmula pa ng ako’y mamulat na sa
katotohan o reyalidad ng buhay.
-Ipinasa ni: Ma Jessa B. Tiangson

You might also like