You are on page 1of 10

REBYUNG PELIKULA

I. Batayang Impormasyon
a.) Pamagat
-Muro Ami (1999)
b.) Prodyuser
- Marilou Diaz-Abaya
- Jimmy Duavit
- Butch Jimenez
c.) Direktor

-Marilou Diaz-Abaya

d.) Mga Gumanap


- Cesar Montano
- Pen Medina
- Jhong Hilario
- Amy Austria
- Rebecca Lusterio
- Jerome Sales
- Teodoro Penaranda Jr.
- Walter Pacatang
- Ranilo Boquil
- Cris Vertido
- Gigi Agustin
- Erwin Sevilla
- Policarpo Araula
II. Pagsusuri
A. Introduksyon
1. Kaligiran ng Pelikula

-Ang pelikulang Muro-Ami ay tungkol sa iligal na gawain na nagaganap sa


isangdalampasigan sa Pilipinas. Ipinokus ang istorya sa isang mangingisda, si Fredo o mas
kilalasa tawag na Maestro,na siyang namumuno sa barkong Aurora. Marahas ang pamumuno
niFredo sa kanyang barko, kaya ang mga taong pinamumunuan niya ay unti-untingnaggagalit
sa kanya, kabilang na rito si Botong. Dahil dito, nagplano si Botong at ilan sakanyang mga
tauhan na patayin si Fredo. Binugbog nila ito at itinapon sa dagat, kasama narin and tatay ni
Fredo na si Dado. Si Botong ang pumalit kay Maestro bilang pinuno ngbarko, at sa kanyang
pagkagulat, bumalik si Fredo sa kanyang barko. Naglaban and dalawaat ito ang nagging
dahilan ng pagkasunog ng barkong Aurora.

B. Katawan
1. Banghay ng Pelikula

A. Panimula

- Ang Muro-ami o muroami ay isang diskarte sa pangingisda na ginagamit sa mga coral


reef sa Timog Silangang Asya. Gumagamit ito ng isang nakapaligid na lambat kasama ang
mga bayong aparato. Ang mga aparatong ito ay karaniwang binubuo ng malalaking bato na
nilagyan ng mga lubid na pinatutuyo sa mga coral reef.

B. Kasiglaan

-.Ang mga corals ay paulit-ulit na nasisira, ang marine ecosystem ay napipinsala rin
dahil ang karamihan sa mga species ng koral (coral) ay tumatagal ng mga taon upang mabawi
mula sa kahit na ang pinakamaliit na pinsala. Sa ibang sitwasyon, ang mga koral na reefs na
apektado ng muro ami fishing ay aabutin ng daan-daang taon upang mabawi. Sa mga
pinakamasamang kaso, hindi na nila ito mababawing muli.
C. Kasukdulan

- Maganda ang palabas,hindi ito nakaka kilig ngunit may halong lungkot at galit.

D. Kakalasan

- Sa pamamagitan nito nagsimula na ang iba’t ibang sigalot na mayroon. Mula sa


paghihiganti, natapos din sa magandang kalooban.

E. Konklusyon

- Bilang pinuno ay mahirap ngunit ang mga pinamumunuan nya ay nawawalan na sila
ng tiwala kaya ang mga tao ay galit kay Fredo. Namatay ang kanyang asawa at anak dahil sa
Dagat kaya ito naghiganti sa dagat. Ngunit sa masamang palad nabugbug ito at itinapon nila
sa dagat. At nung bumalik sya ulit ay maganda na ang kanyang loob dahil alam na nya ang
mga tama at ang mali.

2. Tunggalian

A. Tao laban sa Tao

- Si Fredo ay siyang namumuno sa barkong aurora , kaya ang mga taong


pinamumunuan niya ay nagagalit sa kanya gaya ni Botong. Naglaban ang dalawang pinuno
na si Fredo at si Botong.

B. Tao laban sa Sarili

- Linalabanan nya ang kanyang nararamdaman dahil puno ito ng galit ang lungkot ang
kanyang sarili.

C. Tao laban sa Kalikasan

- Pakikipagkaisa ang ating kailangan. Ngunit wag gumamit ng mga iligal na gawain
sa dagat dahil ito ang nakakamatay sa mga isda.

D. Tao laban sa Pagkakataon

- Si Fredo ay mag isa na lamang sya dahil namatay ang kanyang asawa at anak. Puno
sya ng galit at lungkot ang kanyang nararamdaman.

3. Reaksyon sa:
A. Kwento

-Sa kabuuan ng storya, ay nagustuhan ko ito. Dahil mahusay at maganda ang


kinalabasan ng pelikula. Ito ay may halong takot, saya, at pag iyak na dimo maipaliwanag.

B. Pagganap/ Karakterisasyon

- Maganda ang kanilang pagganap bawat isa. Napakahusay ang kanilang mga acting
at maganda lahat ang kanilang mga binibigkas. Madaming mapupulot na aral dito sa
pelikulang ito.

C. Iskrip/Dayalogo

- Maganda ang kanilang iskrip at sobrang galing silang umarte.

D. Musika

- Maganda ang ginamit nilang musika.

E. Sinematograpiya

- Maganda ang kulay ng pelikula at ang pagkuha ng mga videos.

F. Direksyon

- Malinis at maganda ang kanilang mga direksyon.

4. Kaugnay ng Pelikula sa:

A. Sarili

- Nakaranas na ako dahil ako ay mismo kong natutunan sa aking sarili kung ano ang
tama at maling mga desisyon.

B. Lipunan

-Ang pelikulang Muro ami ay isang magandang pelikula, sapagkat ipinamumulatnito


sa ating mga Pilipino ang problema ng bansa na hindi masydongnabibigyang pansin.
Nagampanan ng mga artista ang kanilang tungkulin ngmaayos, napaka makatotohanan ng
pelikulang ito.Masasabi kong malaki ang naitulong/maitutulong ng pelikulang ito upang
matauhan ang mga kababayan natin. Masasabi kong dapat mapanood ito ng mga Opisyales
ng ating bansa upang malaman rin nila kung ano na ang kalagayan ng bansa at kung ano
dapatang maging solusyon sa problemang ito.

C. Konklusyon

1. Aral/Pagpapahalaga

-Maraming aral ang matututunan sa pelikulang ito. Ipinapakita dito na hindi dapat
nating abusuhin ang kalikasan dahil kayamanan ito ng ating bansa. Huwag nating hayaang
maubos ito at tuluyan nan gang mawala dahil baka dumating ang araw na ang mga susunod
na henerasyon ay wala ng aabutan na magandang kalikasan. Huwag din nating hayaan na ang
mga musmos na bata ay abusuhin. Sila ay hindi dapat pinagtratrabaho lalo na at napaka
delikado. Ang dapat na ginagawa ng mga kabataan ay nag aaral sa paaralan upang pagdating
ngpanahon ay sila ang magtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa. Ayon nga kay Dr. Jose
Rizal “Ang kabataan ang pag asa ng bayan.”

2. Rekomendasyon

- ito ay may magandang maidudulot na mensahe sa ating buhay.

Paglalapat ng Teorya

-Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaganh ginamit na moralidan at disiplina.


Rebyung Pelikula

I. Batayang Impormasyon

a.) Pamagat

- Ang Babae sa Septic Tank

b.)Prodyuser

- Chris Martinez

c.)Direktor

-Marlon N. Rivera

d.)Mga Gumanap

- Eugene Domingo

- JM de Guzman

- Kean Cipriano

- Cai Cortez
II. Pagsusuri

A. Introduksyon

1 .Kaligiran ng Pelikula

- Ang Babae sa Septic Tank ay pelikula kung saan inilalarawan o ikinukwento ang
buhay ng tatlong “filmmakers” na naghahangad ng tagumpay sa larangan ng paggawa ng
maipagmamalaking pelikula na makikilala sa buong mundo dahil nais nilang ipakita ang
galing ng mga Pilipino sa paggawa ng mga “worldclass” na pelikula. Sina Kean Cipriano
bilang Director Rainier, JM de Guzman bilang Producer Bingbong and KaiCortez bilang
Production Assistant Jocelyn ay ilan sa mga pangunahing tauhan sa pelikula. Naniniwala sila
na ang kanilang istorya ang magpapanalo sa kanila at makikita mo rin na sila
aynagsusumikap upang maging maganda ang kalalabasan ng bawat hakbang na kanilang
gagawin. Nais nilang gumawa ng pelikula na tatalakay sa kahirapan at sa kalagayan ng isang
ina na si Milana ang tagapagganap ay si Eugene Domingo.Si Mila at ang kaniyang pitong
anak ay nakatira sa “Payatas dumpsite” kung saan damang damaang kalunos-lunos na
kalagayan ng kanyang pamilya. Upang makaraos mula sa labis nakahirapan nagpasya si Mila
na ibenta ang kaniyang isang anak sa pedopilya Ang “Pedophilia” ay isang abnormal na
kalagayan ng isang tao kung saan nakararamdam ng sekswal na attractionmula sa mga
bata.Ang mga gumagawa ng pelikula na sina Rainier, Bingbong at Jocelyn ay pinag-uusapan
kung papaano nila maisasagawa ang pelikula. Ilan sa mga pinagpilian nila ay
pangkaraniwang osimpleng pelikula, makatotohanang pagganap kung saan ang mga
tagapagganap ay mga totoongtao na galing sa lugar ng kahirapan, “musical” kung saan may
pagkanta at pagsayaw, mala-teleserye na damang dama ang emosyon ng bawat eksena.
Binisita rin nila ang “dumpsite” na sinasabing tagpuan at pagdarausan ng kanilang pelikula.
Dahil sa sobrang pagkatuwa nila dahilsa labis na kagalakan, nakaligtaan na nila ang
katotohanan at panganib na dala ng kanilang piniling paksa.

B.Katawan

1.Banghay ng Pelikula

A. Panimula

- Malalim ang pinanggagalingan ng istorya nito. Kung titingnan akala sa una isang
nakakatawang kuwento lang ito at nais lang magpasaya. Ngunit pinakikita nito ang
katotothanan. Isang katotohanan na bihirang gawin ng mga malalaking kumpanya sa
kadahilanan baka hindi kumita ang kanilang palabas. Hindi nito sinasabi na wala ngang
forever pero karamihan ng totoong sitwasyon na nakikita natin sa ating mga napapanood ay
hindi makatotohanan. Pinapaniwala tayo upang bigyan ng pag-asa at mapasaya kahit
panandalian lamang.

B. Kasiglaan

- Hindi matatawaran ang pagganap ni Domingo, tanging siya lang ang nababagay sa mga
ganitong klaseng pelikula. Magaling din ang support cast nina Cortez, Rosales, Torre,
Ramos, at Cipriano. Hindi man big time ang production nila ngunit magandang mensahe
naman ang naipaabot nito sa mga manonood. Madalas sa mga indie movies gaya nito ay
tumatalakay sa mga tunay na sitwasyo at pangyayari ng ating bansa. Sana ito ay maging
simula ng mas marami pang pelikula na magmumulat sa atin at magbibigay kaalaman sa
lahat. Nawa’y tangkilin din natin ang mga ganitong klaseng palabas. Siguradong magiging
bukas isip tayo at mas malalaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid.

C. Kasukdulan

- Maganda ang palabas,hindi lamang ito nakakatawa ito at medyo naiirita ako kay
Mila.

D. Kakalasan

- ito ay mataas ang kanyang pride at bossy sya, demanding.

E. Konklusyon

- ito ay isang palabas na napanuod ko na nag turo sakin na dapat ay, hindi mag benta
ng mga anak dahil madami namang paraan para makakuha ng pera dahil, sa huli ay mag sisisi
ka. Ang ginawa na palabas ni direk marlon rivera ay isang napagandang palabas dahil ito ay
nag papakita ng totoong nangyayari sa ating bansa.

2. Tunggalian

A. Tao laban sa Tao

-Madaming nagagalit sa kanya at may ayaw sa kanya.

B. Tao laban sa Sarili


- napaka demanding at bossy

C. Tao laban sa Kalikasan

- Pakikipagkaisa ang ating kailangan. Kailangan maging maayos ang ating paligid at
manatiling malinis.

D. Tao laban sa Pagkakataon

- Si Mila ay naging ina at ama ang kanyang mga anak ngunit ibinenta lamang nya ang
kanyang mga anak. .

3. Reaksyon sa:

A. Kwento

-Sa kabuuan ng storya, ay nagustuhan ko ito. Dahil mahusay at maganda ang


kinalabasan ng pelikula. Akala ko ay comedy lahat ngunit nakakaiyak din ito.

B. Pagganap/ Karakterisasyon

- Maganda ang kanilang pagganap bawat isa. Napakahusay ang kanilang mga acting
at maganda lahat ang kanilang mga binibigkas. Madaming mapupulot na aral dito sa
pelikulang ito.

C. Iskrip/Dayalogo

- Malinaw ang pagbigkas ng diyalogo pati narin ang nilalaman nito. Naiparating
naman ng mgatauhan ang mga mensahe na nais nila iparating sa mga manunuod. May
pagkakataon nga lang nanagsasambit sila ng mga salitang masasama o hindi kaaya-aya sa
pandinig ng ibang tao. Siguroginawa ito ng director upang mas gawing makarealidad ang
bawat situwasyon na kabilang saeksena. Ang dating saakin ng palabas na ito ay parang
nanunuod ka ng paggawa ng pelikulangunit isang pelikula na ang pinapanuod mo. Ngayon,
nalaman ko na kaya pala may mga ibang pelikula na hindi nasusunod ang orihinal na
diyalogo dahil habang ipinoproseso ang pelikula nagbabago ang mga ideya at konsepto ng
mga “filmmakers” kaya hindi maiiwasang magbago ang diyalogo at ang orihinal na storya

D. Musika

- Maganda naman ang musika.


E. Sinematograpiya

- Maganda ang kinalabasan dahil tumutugma ang pag-iilaw sa bawat eksena.May


napansin lamang ako na may parte na kung saan ay dumidilim at tila nakulangan ng ilaw.Ung
parte na iyon ay nasa loob ng bahay. Mas mabuti sana kung mas maliwanag ang eksenadahil
masaya sila at kumakanta. Sa aking opinion mas maganda kung mas maipapakita
ngmaliwanag ang pagsasalosalo ng pamilya para mas dama ang bawat pangyayari.

F. Direksyon

- Malinis at maganda ang kanilang mga direksyon.

4. Kaugnay ng Pelikula sa:

A. Sarili

- kung maikukumpara ko sa aking sarili ay walang masasayang na oras, gagawin ko


ang lahat para sa aking kinabukasan at sa mga magiging anak ko..

B. Lipunan

- Madaming ina ang hindi kayang ibenta angkanilang mga anak kahit man sila
walang makain. At meron ding ina kayang ibenta ang mga anak na hindi na nila kaya o ayaw
lang nila sa mga anak nila. Ito ay makasarili.

C. Konklusyon

1. Aral/Pagpapahalaga

- Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay “Sa gitna ng kahirapan may pagsubok
tayo na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi puro sarap at kasaganahan, sa
halip angtotoong buhay dito sa ating mundo ay puno ng pagsubok na malalampasan natin
kung tayo ayhaharap ng matatag sa mga problemang ating nararanasan dahil sa katagalan
magtuturo ito saatin ng leksyon at pangaral para sa ikabubuti ng ating kapakanan.

2. Rekomendasyon

- ito ay may magandang maidudulot na mensahe sa ating buhay.

You might also like