You are on page 1of 2

KONSEPTONG PAPEL (GROUP 6)

AGCAOILI, FRANCESZ AGGABAO, ERIC


GANTALA, PRINCESS GERARDO, KHEANNE
TABULOG, NINA

COVID-19: PAGSUSURI SA PAG-AALANGAN SA BAKUNA NG MGA GURO SA


USLT
INTRODUKSIYON
Ayon sa World Health Organization (WHO) Strategic Advisory Group of Experts on
Immunization (SAGE) (2021), ang pag-aalangan sa bakuna na isang pagkaantala sa pagtanggap
o pagtanggi sa pagbabakuna sa kabila ng pagkakaroon ng mga serbisyo sa pagbabakuna, na
maaaring mag-iba sa anyo at tindi batay sa kung kailan at saan. nangyayari ito at anong bakuna
ang kasangkot, tulad ng nakumpirma sa maraming pag-aaral. Ang pagkalat ng Corona virus
disease (COVID-19) ay humantong sa buong mundo sa isang pandaigdigang krisis sa kalusugan
na nagkaroon naawasak sa paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan sa ating lipunan. Ang
nakakahawang sakit ay tumapos sa buhay ng mga bata at kanilang mga pamilya sa buong
mundo. UNICEF, (2021) Ang pagbuo ng mga bakuna laban sa SARS-CoV-2 at ang kanilang
pandaigdigang pag-access ay isang prayoridad upang wakasan ang pandemya. Gayunpaman, ang
tagumpay ng diskarteng ito ay nakasalalay sa pagtanggap ng mga tao sa pagbabakuna: paano
kung ayaw magpabakuna ng mga tao? Ang katanungang ito ay hindi retorikal; maraming
eksperto ang nagbabala laban sa isang pagtanggi sa buong mundo sa pagtitiwala sa publiko sa
pagbabakuna at pagtaas ng pag-aalangan ng bakuna sa nakaraang isang dekada. Simpson et. al.,
(2020) Ang pag-aalangan sa bakuna ay isang napakahalagang isyu na kailangang tugunan dahil
na rin sa sitwasyong hinaharap ng mundo ngayon kung saan ang bakuna ay isa sa importanteng
paraan upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19. Sa pag-aaral na ito, nilalayon naming
malaman ang mga rason sa likod ng pag-aalangan sa bakuna at kung sinu-sino ang mas may pag-
aalinlangan sa pagpapabakuna, Lubos na makakatulong ang pananaliksik na ito sa pagbibigay ng
bagong impormasyon tungkol sa pag-aalangan sa bakuna at makatulong upang mabawasan itong
pag-aalangan ng karamihan patungo sa bakuna. Ang bibigyang pokus ng pananaliksik na ito ang
mga guro sa Unibersidad ng San Louis sa bayan ng Tuguegarao. Nakatuon lamang itong
pananaliksik sa pag-aanalisa sa mga kadahilanan sa likod ng pag-aalangan sa bakuna ng mga
guro sa sinabing unibersidad.

KATAWAN
Ayon kay Saied (2021), sa kabila ng labis na dami ng katibayan sa mga benepisyo ng
pagbabakuna, nananatili parin ang malawak na maling akala at kawalan ng tiwala ng publiko sa
impormasyon tungkol sa pagiging epektibo at kaligtasan ng mga bakuna. Ang paglitaw ng pag-
aalangan ng bakuna ay maaaring pahabain ang paglaganap ng virus, na nag-iiwan sa panganib ng
buhay ng mga bawat tao sa buong mundo. Gayunpaman, nabigo ang mga ibang naisagawang
pag-aaral na idetalye ang mga tiyak na dahilan sa pag-aalangan ng bakuna at siyasatin kung sino
ang mga mas nag-aalangan sa pagkuha ng bakuna. Sa kabila ng ebidensiyang pang-agham na
sumusuporta sa katotohanan na ang mga bakuna ay pangunahing solusyon para maiwasan ang
mga nakakahawang sakit, ilang porsyento ng populasyon ay inaasahang paring tatangging
tanggapin ito. Ang pag-aalangan ng pagbabakuna ng COVID ‐ 19 ay negatibong nakakaapekto
sa pagpapatupad ng mga programang pagbakuna sa masa at maging ang pagkontrol sa
kasalukuyang bilang ng naaapektuhan ng sakit. Upang mapanatili ang matagumpay na mga
programa sa pagbabakuna, mahalagang kilalanin ang mga taong nag-aalangan na kumuha ng
mga nito upang maunawaan ang mga sanhi or rason ng kanilang pagkabahala, at upang bumuo
ng mga diskarte upang matugunan ang isyung ito. Dahil dito, nilalayon ng pag-aaral na ito na
tukuyin ang antas ng pag-aalangan, ilarawan ang mga kaisipan na sumasaklaw sa bakunang
COVID-19 at suriin ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pag-aalanganin ng bakuna sa mga
guro ng Unibersidad ng San Louis na maaaring magbigay ng bago o karagdagang impormasyon
na maaring maging tulay sa pagbawas ng bilang ng mga taong nababahala patungo sa bakuna at
maging sa pagbaba ng bilang ng naaapektuhan ng nakakahawang sakit.

METODOLOHIYA
Ang grupo ay magsasagawa ng panayam sa isang daang guro ng USLT batay na rin sa ito sa
layunin ng aming paksa. Magbibigay ang aming grupo ng iba't ibang katanungan batay sa aming
napiling paksa. Ang paraan namin para mangalap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng google
meet at zoom meeting batay na rin ito sa ating sitwasyon sa ngayon.

INAASAHANG RESULTA
Ang bakuna kontra COVID-19 ang isa sa mga susi upang puksain ang kumakalat na sakit. Ito
ang magsisilbing proteksyon ng mga tao upang bumaba ang posibilidad na sila ay mahawa at
upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Sa kabila ng mga benepisyo na ibinibigay ng bakuna,
marami pa rin ang mg taong nag-aalangan sa pagtanggap ng bakuna. Ang suliraning ito ay
maaaring maging hadlang sa pagpuksa sa nasabing sakit.
Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na matutukoy ang mga pangunahing dahilan
kung bakit nag-aalangan ang mga guro ng University of Saint Louis-Tuguegarao sa nasabing
bakuna. Inaasahan din ng mga mananaliksik na maiuugnay sa kalusugan, pinansyal, at
sikolohikal ang magiging tugon ng mga guro.

You might also like