You are on page 1of 1

Name: Kyla C.

Arcilla
Course&Section: BSAIS-1A

Pamagat: MURO AMI


Gumanap: Cesar Montano (Fredo) Walter Pacatang (Tibo)
Pen Medina (Dado) Ranilo Boquil (Kokoy)
Jhong Hilario (Botong) Cris Vertido (Albularyo)
Amy Austria (Susan) Gigi Agustin (Aurora)
Rebecca Lusterio (Kalbo) Erwin Sevilla (Dante)
Jerome Sales (Filemon) Policarpo Araula (Kanor)
Teodoro Penaranda Jr. ( Tagubok)

Buod: Tungkol ang pelikula sa isa sa mga malalang uri ng trabahong pambata sa ilegal na
paraan ng pangingisda, ang muro-ami. Ang muro-ami ay isang paraan ng pangingisda na
ginagamitan ng mga lambat na may nakalagay na mga malalaking bato at kung saan
binabayaran ang mga bata upang magtrabaho sa kanila. Ipinapakita sa pelikula ang pang
aabuso ng ating kalikasan at pang mamaltrato sa mga bata. Pinapaksa dito ang ilan sa mga
problema ng ekonomiya ng ating bansa.

Mensahe/Aral ng kwento: Maraming aral ang matututunan sa pelikulang ito. Ipinapakita dito
na hindi dapat nating abusuhin ang kalikasan dahil kayamanan ito ng ating bansa. Huwag
nating hayaang maubos ito at tuluyan ng mawala dahil baka dumating ang araw na ang mga
susunod na henerasyon ay wala ng aabutan na magandang kalikasan. Huwag din nating
hayaan na ang mga musmos na bata ay abusuhin. Sila ay hindi dapat pinagtratrabaho lalo na at
napaka delikado. Ang dapat na ginagawa ng mga kabataan ay nag aaral sa paaralan upang
pagdating ng panahon ay sila ang magtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa.

You might also like