You are on page 1of 1

TANGGAPAN NG PUNONG LALAWIGAN

17 Hunyo, 2021

Igg. __________
Punong Bayan/Lungsod
Pamahalaang Bayan/Lungsod ng ________

Mahal na PUNONG BAYAN/LUNGSOD _________:

Mapagpalang araw po sa inyo!

Magkakaroon po ng pagpupulong sa pamamagitan ng Zoom meeting ang mga Information Technology


Officers/Staff o kawani ng tanggapan ng MIS (Management Information Systems Office) ng bawat
bayan/lungsod sa ating mahal na lalawigan sa darating na araw ng Miyerkules, ika-23 ng Hunyo, 2021 sa
ganap na ika dalawa ng hapon (2:00 n.h.). Magalang pong inaanyayahan ang inyong kinatawang kawani
upang makadalo sa naturang pagppupulong. Mag rehistro via Zoom – Meeting ID: ______; Meeting
Passcode: _________.

Ito po ay kaugnay sa isinasagawang pag-aaral ng Web Development and Maintenance Division (WDMD)
sa ilalim ng Panlalawigang Tanggapan ng Impormasyong Panteknolohiya sa pagkakaroon ng isang
sentralisadong QR Code Contact Tracing System para sa buong Bulacan upang mapadali ang contact
tracing ng mga nagpopositibo sa Covid19 virus at mga closed contacts nito sa ating lalawigan.

Pauna na po ang aking taus pusong pasasalamat sa inyong mahalagang pakikiisa.

Mabuhay ang Lalawigan ng Bulacan!

Lubos na sumasainyo,

Igg. DANIEL R. FERNANDO


Punong Lalawigan
Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan

You might also like