You are on page 1of 6

Ang mga nagkakaisang pangulo ng TANAUAN, SAN NICOLAS, TAAL, ALITAGTAG, STA.

TERESITA ,______
Batangas Varsitarian 1974 at ng buong pamunuan ng aming mga chapter ay nais magbigay ng pahayag
at posisyon kaugnay ng lumabas na issue sa pagitan ng Lipa City Chapter at ng Grand
Chancellor/President ng BVSC at pamunuan ng PCBV.

HINGIL SA INILABAS NA HINAING NG LCC SA SOCIAL MEDIA.

1. Ang nagkakaisang chapter ng Tanauan, San Nicolas, Agoncillo..etc na kabilang sa bumubuo ng PCBV ay
hindi pumapanig at hindi makikialam sa anuman personal na problema na involve sa usapin na ito at
walang pagtutol sa anuman nais ihain na reklamo o akusasyon sa ating GC dahil ito ay parte ng ating
sistema at nakapaloob sa ating BYLAWS bilang karapatan ng bawat isa na maghain ng anumang reklamo
na paglabag ng sinuman opisyal.

IMPEACHMENT: [art. X sec 9. Members of the BV supreme council and other elected officials of the
Fraternity, may be impeached for misconduct or malfeasance in office.

CHARGES MAY BE SUBMITTED IN WRITING TO THE BV SUPREME COUNCIL.]

HINGIL SA PANAWAGAN NG NG LCC SA SOCIAL MEDIA.

2. Batay dito ang ang nagkakaisang chapter ng Agincillo, San Nicolas, Tanauan...etc bilang mga
community chapter na bumubuo sa PCBV at nasa ilalim ng pamamahala ng kataastaasan konseho na
BVSC ay nagpapahayag ng suporta at pagkilala sa authority ng BVSC at Grand Chancellor neto sa ilalim
ng ating BYLAWS nakasaad ng ang authority ng pagmamanage at pagplan o mga directiba ay nasa GC at
pinagtibay ng nakaraang CONVENTION.

Ang posisyon ng nagkakaisang mga chapter.......San Nicolas, Tanauan, etc ay hindi sa Tao o Personalidad
nakatoon at sa halip ito ay nakasentro sa pagkilala at respeto sa OPISINA ng GC o POSISYON ng GC
mismo bilang naatasan mamahala sa pangkalahatang konseho at tumatayong ULO ng ating
organisasyon.

Ito ay batay na rin sa ating sinumpaan sa BYLAWS na siyang kikilalanin bilang pinakamataas na
tagapamahala ng pamunuan at sumisimbolo ng tagapagbigay direksyon ng buong pamunuan.
Ang nagkakaisang chapter ng __________ ay hindi kikilalanin ang anumang pagkilos na labag o salungat
sa naitatag na proseso at sistema ng BYLAWS upang tangalin o pababain ang sino man sa pamunuan. Sa
kabila nito ay hindi rin sinasangayunan ang anumang pagabuso ng kapangyarihan na hindi makakatulong
o makakasira sa pamunuan at sa ating organisasyon at kinikilala namin ang karapatan ng bawat isa na
maghain ng kaukulang petition o reklamo.

PARLIAMENTARY PROCEDURES

Base sa ating BYLAWS mismo ay narito ang mga proseso at hakbang na maari sanang ginawa upang
masolusyunan ito o anuman problema.

According to the BYLAWS there are several ways for the GC and other officers to be replaced or impeach
and here are the mechanism for such a procedure.

-TRIBUNAL [art. XII sec 2 Duties of the Disciplinary Tribunal to hear all disciplinary action cases referred
to it by internal affairs committee for review, evaluation and appropriate action in accordance with
provisions of the Standard Policy of Discipline.]

-ang Tribunal ang naatasang duminig ng ano mang kaukulang reklamo ng mga opisyal at namumuno.

FACTS BASED HEARING OF COMPLAINTS.

Base on the allegations of LCC negligence of duty as GC.

Ito ang BVSC

-BVSC powers and function: [art. X Sec.1 There shall be a BV Supreme Council which shall be the
Governing Body of the Fraternity between BV Conventions, with power to act on all matters for the best
interest of the Fraternity between BV Conventions, with power to act on all matters for the best interest
of the Fraternity, consistent with the provisions of these BYLAWS. Each Member of the BV Supreme
Council shall be held responsible for the near-term and long range planning and development for his or
her prescribed duties in accordance with the Fraternities common, overall, near term and long range
goals.]

PRESIDENT BVSC:
PROPER DECORUM

-PARLIAMENTARY AUTHORITY -The rules contained in Roberts Rules of Orders, Newly Revised, shall
govern all meetings of the BV Convention in all cases to which they are applicable and in which they are
not inconsistent with these Bylaws and any special rules of order of the Convention may adopt]

*maproseso at hindi 1 click pero ito ang proseso base sa BATAS na nailagak sa BYLAWS as per
convention.

*Note: All this process was designed to protect the LEADERSHIP in its entirety from unnecessary
distractions without factual basis and evidences.

We cannot bypass the procedures simply because we are not happy with the person in charge.

This is why rules based procedures were established to prevent chaos and confusions within the
organizations.

HINGIL SA PANAWAGAN NG LCC SA PAGLUNSAD NG IKA 4 NA CONVENTION.

3. Ang nagkakaisang Chapter ng __________ ay kaisa ng LCC sa panawagan sa Convention upang


matalakay hindi lang ang mga issue na binabato kungdi upang magkaroon ng pagkakataon na maiupdate
ang mga batas kung may kulang o dapat baguhin na nakapaloob sa ating BYLAWS.

Base sa tatlong puntong ito ang pamunuan ng mga sumusunod na chapter (________________) ay
nagdedeklara ng buong pagsuporta sa PCBV at BVSC at naninindigan sa tamang proseso na naayon sa
ating bylaws.

Ang aming pagsuporta ay hindi nakatoon o nakabase sa personalidad o tao na nakaupo kundi sa opisina
o mismong posisyon(Grand Chancellor) neto na sentro ng pamunuan ng organisasyon kung kaya hangat
walang naiilatag na pormal na petition na may maayos na basehan ay hindi mababago sapagkat ang
BVSC ay nirerepresent ng GC at ang GC ay ang nagrerepresenta sa BVSC. Anumang pagdeklara ng tangal
suporta o paglaban sa tinayo at kinikilalang lider ng pumunuan ay mistula na ring pagtangal suporta at
paglaban sa BVSC, maliban na lamang kung may nakafile na petition sa pagimpeach dito.
Ang posisyon ng nagkakaisang chapter ng _______________________ ay nakaatuon sa batas at
sistemang nakapaloob sa ating BYLAWS,

kung saan ay nakapaloob ang bawat mandato natin bilang myembro, chapter at mga officers at leaders,
at mayroong naturang mekanismo at proseso para tumalakay sa mga bagay na tulad neto.

nais naming muling linawin na ang nagkakasiang chapter ng __________________________ ay hindi


tutol sa anumang hinaing ng Lipa City Council at nakikiisa sa panawagan na maganap ang ika 4 na
Convention, at bukas ang aming isipan sa kanilang hinaing na pag-papababa sa nakaupong Grand
Chancellor/President base sa akusasyon ng mga pagpapabaya at paglabag sa kaniyang katungkulan.

Subalit ito ay nararapat na naayon sa batas at proseso natin.

Ito ay aming susuportuhan lalo na at ito ay magbubukas sa mga sinasabing naging sanhi ng kaguluhan.

Subalit kami ay hindi sumasangayon at mariing kinokondena ang naging pamamaraan nila ng paglatag
dito na kung saan ay sa socail media ito inilahad na makaladkad sa iskandalo ang buong organisasyon.

Na bagama't ang kanilang intensyon at mithiin ay ang kwestyunin lamang ang nakaupo ay nakapagdulot
ng pinsala sa hindi lamang sa pamunuan ng BV 1974 kungdi sa kabuuang imahe ng ating organisasyon.

Ito ay hindi naayon sa sistema at policy na nakasaad sa ating BYLAWS at hinihinge ang pagtanggal nito
sa public views kung maari sapagkat ito ay nakakasira sa kabuuan ng organisasyon.

Ang ating BYLAWS ay may sapat na mekanismo upang tugunan ang ano mang hinaing o petition ng kahit
na sino at hindi ang social media ang tamang venue upang buksan ito.

Hindi namin masasangayunan ang hiling na agarang pagpapatangal sa pinakamataas na posisyon ng


ating organisasyon ng walang naiilatag na konkretong patunay at basehan upang tangalin ang authority
nito o dumaan sa prosesong parliamentaryo,

sapagkat pinagtibay ang posisyon nya ng isang Convention at proseso na naayon at nakasaad sa ating
BYLAWS.

Ang nagkakaisang Chapter ng ___________________ ay kasamang babantayan at aantabay sa pagusad


ng anumang hinaing ng Lipa City Chapter dahil ang nais namin ay ang kaayusan ng organisasyon.
Sa naturang alegasyon sa ating GC (na sa kasalukuyan ay wala pang pormal na nakahaing reklamo) kami
ay patuloy sa pagkilala at pagsuporta dito kaugnay ng aming pagsunod at paninindigan sa BYLAWS na
gabay ng ating organisasyon.

Anumang proseso at pagkilos na salungat sa ating BYLAWS ay hindi kikilalanin at hindi susupurtahan ng
aming mga pamunuan, dahil kami ay kabilang sa bumubuo ng PCBV at kumikilala ng authority ng BVSC
na mangalaga at maglatag ng direksyon na tatahakin ng ating organisasyon hangat ito ay naayon sa
nakalagay sa BYLAWS.

Ang deklarasyong ito ng suporta ay pagpapakita ng aming pakikiisa sa PCBV/BVSC at may layong tangalin
ang anumang agam agam ng pagkakawatak ng pamunuan ng BV 1974.

Ito ay nagpapakita ng mahigpit namin paniniwala sa ating BYLAWS at sistema polisiya ng pamunuan.

Ang deklarasyong ito ay pinagtitibay at pinapatotoohan ng nagkakaisang posisyon ng pamunuan ng


nagkakaisang mga CHAPTER ng ___________________ bilang pagpapatoo ay lumagda ang bawat
pangulo ng mga chapter na ito at ng kani kanilang mga Vice President.

Marlon Lajara

President Tanauan Chapter

Vice Pres. Tanauan Chapter

President San Nicolas Chapter

Vice Pres. San Nicolas Chapter.


witness herein to by:

Chamverllyn Tenorio

Adviser Tanauan Chapter/NCBV FEU.

Adviser Tanauan Chapter

Adviser Chapter

You might also like