You are on page 1of 5

Ang Batangas Varsitarian 1974 Tanauan Chapter sa ilalim ng pamumuno ng pangulo neto na si brod

Marlon Lajara at mga bumubuo ng buong pamunuan simula sa opisyales hangang sa mga bagong
myembro ay nais magbigay ng pahayag at posisyon kaugnay ng issue ng Lipa City Chapter at ng Grand
Chancellor/President ng BVSC.

1. Ang BV 1974 Tanauan Chapter na kabilang sa bumubuo ng PCBV ay hindi pumapanig at hindi
makikialam sa anuman personal na problema na involve sa usapin na ito at walang pagtutol sa anuman
nais ihain na reklamo o akusasyon sa ating GC dahil ito ay parte ng ating sistema at nakapaloob sa ating
BYLAWS bilang karapatan ng bawat isa na maghain ng anumang reklamo na paglabag ng sinuman
opisyal.

IMPEACHMENT: [art. X sec 9. Members of the BV supreme council and other elected officials of the
Fraternity, may be impeached for misconduct or malfeasance in office.

CHARGES MAY BE SUBMITTED IN WRITING TO THE BV SUPREME COUNCIL.]

HINGIL SA PANAWAGAN NG NG LCC SA SOCIAL MEDIA.

2. Batay dito ang Tanauan bilang isa sa mga community chapter na bumubuo sa PCBV at nasa ilalim ng
pamamahala ng kataastaasan konseho na BVSC ay nagpapahayag ng suporta at pagkilala sa authority ng
BVSC at Grand Chancellor neto.

Ang posisyon ng Tanauan Chapter (o ang nagkakaisang mga chapter.......) ay nakabase hindi sa Tao o
Personalidad na nakaupo bilang GC, kungdi nakabase ito sa pagkilala at respeto sa OPISINA o POSISYON
ng GC na siyang tumatayong ULO ng organisasyon, at nakaayon sa sinumpaan natin sa BYLAWS na siyang
kikilalanin bilang pinakamataas na tagapamahala ng pamunuan at sumisimbolo ng utak ng buong
pamunuan ng BV.

Ang Tanauan ay hindi kikilalanin ang anumang pagkilos na labag sa proseso at sistema na itinatag ng
ating BYLAWS laban sa kahit sino man sa pamunuan subalit hindi rin sangayon sa anumang pagabuso ng
kapangyarihan na hindi makakatulong o makakasira sa pamunuan at sa ating organisasyon.

Base sa ating BYLAWS mismo ay narito ang mga proseso at hakbang na maari sanang ginawa upang
masolusyunan ito o anuman problema.
According to the BYLAWS there are several ways for the GC and other officers to be replaced or impeach
and here are the mechanism for such a procedure.

-TRIBUNAL [art. XII sec 2 Duties of the Disciplinary Tribunal to hear all disciplinary action cases referred
to it by internal affairs committee for review, evaluation and appropriate action in accordance with
provisions of the Standard Policy of Discipline.]

Base on the allegations of LCC negligence of duty as GC.

Ito

-BVSC powers and function: [art. X Sec.1 There shall be a BV Supreme Council which shall be the
Governing Body of the Fraternity between BV Conventions, with power to act on all matters for the best
interest of the Fraternity between BV Conventions, with power to act on all matters for the best interest
of the Fraternity, consistent with the provisions of these BYLAWS. Each Member of the BV Supreme
Council shall be held responsible for the near-term and long range planning and development for his or
her prescribed duties in accordance with the Fraternities common, overall, near term and long range
goals.]

-PARLIAMENTARY AUTHORITY -The rules contained in Roberts Rules of Orders, Newly Revised, shall
govern all meetings of the BV Convention in all cases to which they are applicable and in which they are
not inconsistent with these Bylaws and any special rules of order of the Convention may adopt]

*maproseso at hindi 1 click pero ito ang proseso base sa BATAS na nailagak sa BYLAWS as per
convention.

*Note: All this process was designed to protect the LEADERSHIP in its entirety from unnecessary
distractions without factual basis and evidences.

We cannot bypass the procedures simply because we are not happy with the person in charge.

This is why rules based procedures were established to prevent chaos and confusions within the
organizations.

HINGIL SA PANAWAGAN NG LCC SA PAGLUNSAD NG IKA 4 NA CONVENTION.


3. Ang Tanauan Chapter ay nakikiisa sa LCC ng panawagan sa Convention upang matalakay hindi lang
ang mga issue na binabato kungdi upang magkaroon ng pagkakataon na maiupdate ang mga batas kung
may kulang o dapat baguhin na nakapaloob sa ating BYLAWS.

Base sa tatlong puntong ito ang pamunuan ng BATANGAS VARSITARIAN 1974 TANAUAN CHAPTER ay
nagdedeklara ng buong pagsuporta sa PCBV at BVSC at naninindigan sa tamang proseso na naayon sa
ating bylaws.

Ang aming pagsuporta ay hindi nakatoon o nakabase sa personalidad o tao na nakaupo kundi sa opisina
o mismong posisyon(Grand Chancellor) neto na sentro ng pamunuan ng organisasyon kung kaya hangat
walang naiilatag na pormal na petition na may maayos na basehan ay hindi mababago sapagkat ang
BVSC ay nirerepresent ng GC at ang GC ay ang nagrerepresenta sa BVSC. Anumang pagdeklara ng tangal
suporta o paglaban sa tinayo at kinikilalang lider ng pumunuan ay mistula na ring pagtangal suporta at
paglaban sa BVSC, maliban na lamang kung may nakafile na petition sa pagimpeach dito.

Ang posisyon ng TANAUAN CHAPTER ay nakaatuon sa batas at sistemang nakapaloob sa ating BYLAWS,
kung saan ay nakapaloob ang bawat mandato natin bilang myembro, chapter at mga officers at leaders,
at mayroong naturang mekanismo at proseso para tumalakay sa mga bagay na tulad neto.

nais naming muling linawin na amg TANAUAN CHAPTER ay hindi tutol sa anumang hinaing ng Lipa City
Council at nakikiisa sa panawagan na maganap ang ika 4 na Convention, at bukas ang aming isipan sa
kanilang hinaing na pag-papababa sa nakaupong Grand Chancellor/President base sa akusasyon ng mga
pagpapabaya at paglabag sa kaniyang katungkulan.

Subalit ito ay nararapat na naayon sa batas at proseso natin.

Ito ay aming susuportuhan lalo na at ito ay magbubukas sa mga sinasabing naging sanhi ng kaguluhan.

Subalit kami ay hindi sumasangayon at mariing kinokondena ang naging pamamaraan nila ng paglatag
dito na kung saan ay sa socail media ito inilahad na makaladkad sa iskandalo ang buong organisasyon.

Na bagama't ang kanilang intensyon at mithiin ay ang kwestyunin lamang ang nakaupo ay nakapagdulot
ng pinsala sa hindi lamang sa pamunuan ng BV 1974 kungdi sa kabuuang imahe ng ating organisasyon.

Ito ay hindi naayon sa sistema at policy na nakasaad sa ating BYLAWS at hinihinge ang pagtanggal nito
sa public views kung maari sapagkat ito ay nakakasira sa kabuuan ng organisasyon.
Ang ating BYLAWS ay may sapat na mekanismo upang tugunan ang ano mang hinaing o petition ng kahit
na sino at hindi ang social media ang tamang venue upang buksan ito.

Hindi namin masasangayunin ang agarang pagpapatangal sa pinakamataas na posisyon ng ating


organisasyon ng walang naiilatag na konkretong patunay at basehan upang tangalin ang authority nito
na mamuno sapagkat pinagtibay posisyon nya dito ng isang Convention at proseso na naayon at
nakasaad sa ating BYLAWS.

Ang Tanauan Chapter ay kasamang babantayan at aantabay sa pagusad ng anumang hinaing ng Lipa City
Chapter dahil ang nais namin ay ang kaayusan ng organisasyon.

Sa naturang alegasyon sa ating GC (na sa kasalukuyan ay wala pang pormal na nakahaing reklamo) kami
ay patuloy sa pagkilala at pagsuporta dito kaugnay ng aming pagsunod at paninindigan sa BYLAWS na
gabay ng ating organisasyon.

Anumang proseso at pagkilos na salungat sa ating BYLAWS ay hindi kikilalanin at hindi susupurtahan ng
aming pamunuan sa Tanauan dahil kami ay kabilang sa bumubuo ng PCBV at kumikilala ng authority ng
BVSC na mangalaga at maglatag ng direksyon na tatahakin ng ating organisasyon hangat ito ay naayon
sa nakalagay sa BYLAWS.

Ang deklarasyong ito ng suporta ay pagpapakita ng aming pakikiisa sa PCBV/BVSC at may layong tangalin
ang anumang agam agam ng pagkakawatak ng pamunuan ng BV 1974, at nagpapakita ng mahigpit
namin paniniwala sa ating BYLAWS at sistema polisiya ng pamunuan.

Ang deklarasyong ito ay pinagtitibay at pinapatotoohan ng nagkakaisang posisyon ng buong TANAUAN


CHAPTER July 23, 2021. Patunay nito ang paglagda ng pangulo namin at ng dalawang bise presidente ng
aming pamunuan.

Marlon Lajara

President Tanauan Chapter

Vice Pres. Tanauan Chapter External.


Vice President Tanauan Chapter Internal.

witness hereinto by:

Adviser

Adviser

You might also like