You are on page 1of 3

Gemperoa: (groan) Ang aga-aga pa naman, 'bat ba may tumatawag…

Narrator: Kahit na inaantok pa siya, kinukuha niya ang lahat ng enerhiya para sagutin ang
kaniyang selpon na nagri-ring.

Gemperoa: Hello, sino ba po ito?, (yawn)

*gibberish gibberish gibberish*

Gemperoa: Ano? Sige po, teka lang, magmamadali akong papunta diyan. (acts like in a rush,
changes clothes and carries bag or wallet in a hurry)

Narrator: May balita siyang natanggap sa umaga, kaya't nagmadali siyang bumangon sa
kanyang higaan, naligo, pumunta sa hospital na kung saan ang kanyang lolo ay nagpapahinga.
Ang kaniyang pinakamamahal na lolo ay nahimatay raw dahil sa sobrang pagod sa
pagtarabaho sa kanilang tindahan at nanganganib dahil pwede lumala ang pagkasakit sa puso,
kaya't nagalala si Glaine at hindi mapakali. Pagdating niya sa hospital, nagmadali siya pumunta
sa silid ng kanyang lolo. Doon niya nakita ang nakahiga na tagapag-alaga na walang kamalay-
malay at mahimbing na natutulog.

Gemperoa: Salamat sa diyos at maayos ka lang! (sigh)

Narrator: Gaya ng paghawak ng isang babasagin na porselana, maingat at dahan-dahan


niyang hinawakan ang kamay ng kanyang lolo, dinala niya ito sa kaniyang noo at marahang
nakiusap,

Gemperoa: (holds a hand carefully and gently chuchu) Lolo…. Ako lang po muna ang
magagawa sa lahat ng trabaho. Huwag niyo pong pilitin ang iyong katawan. Gagawin ko ang
lahat para makapag ipon ako ng pera para maalagaan kayo, ang kailangan mo lang gawin ay
magpahinga ng maayos.

Narrator: Pagkatapos niyang itong pabulong na sinabi sa kanyang natutulog na lolo, tinignan
niya ang lolo na may malambot na ngiti sa labi. Ilang minutong nakalipas, at nakatulog na rin
siya, hawak-hawak ang kamay ng kanyang lolo, habang ang malamig na hangin ay marahang
tumama sa kanyang balat. Nang siya ay gumising, nakita niya na ang kamay na kanyang
hinahawakan ay nasa ulo niya. Nagising ang kanyang lolo kanina noong siya ay natutulog pa at
tinapik ang kanyang ulo upang sabihin na maayos lang siya. Nang umalis na siya sa silid upang
magtrabaho, bumalik siya sa bahay upang magpalit ng damit at ginawa ang kanyang pang-
araw-araw na gawain. Dahil kailangan pa niyang makakuha ng mga part time na trabaho bilang
isang mag-aaral, inayos niya ang kanyang mga iskedyul para sa araw na iyon.

Gemperoa: Ang singil sa ospital ay hindi magbabayad para sa sarili, kaya’t kailangan kong
magsumikap para sa aking lolo. Magtatrabaho ako magdamag upang makakuha ng mas
maraming pera, at kasabay nito ay mag-aaral ako ng mabuti, upang mapanatili ang aking
scholarship. (says and does this like a person going on battle)

Gemperoa: Dahil sa pandemya, mahihirapan ata akong maghanap ng mga trabaho na


handang kumuha ng isang estudyante, (sighs deeply) pero kakayanin ko ito para kay lolo
(smiles). Alam kong kahit na matapos ang lahat ng iyon, ang pera na kikitain ko mula sa
pagsusumikap ay hindi pa rin sasapat. Mas mabuting mag-apply ako sa maraming part time
jobs para mas makaipon.

Narrator: Nagsimula na ang isa pang araw, tumingin siya sa langit at nakita niya ang
perpektong maaraw na panahon, bigla niyang naalala ang kanyang mga malapit na kaibigan.
Ang kanyang mga kaibigan ay tulad ng pamilya sa kanya, palagi silang tumutulong sa kanya
kapag kailangan niya nito, at palagi din silang masaya at puno ng enerhiya. Habang naglalakad
siya patungo sa kaniyang patutunguhan, bigla niyang naalala na hindi siya nagsabi sa kaniyang
mga problema at mga pag-aalala buong araw, ngunit naisip niya na ang kanyang mga abala ay
dapat sa kanya lamang, at hindi ito dapat sabihin para hindi siya maka-abala. Puno ng
kalungkutan ang kanyang mga mata sa isip na iiwan siya ng kaniyang mga kaibigan dahil sa
mga paghihirap na ibibigay niya sa kanila kung sasabihin niya ang kaniyang mga problema.
Umiling siya upang matanggal ang mga negatibong kaisipan na tumatakbo sa kanyang isipan at
umalis upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

Caballero: Glaine, punta tayo sa bahay ni Juan mamaya 8pm, tumambay tayo at uminom
doon.

Narrator: Tiningnan niya ang kanyang kaibigan at tatanggi na sana, ngunit ngumiti ang iba
niyang mga kaibigan at sinabing,

Legal: Halika na nga, mag chill ka! Medyo matagal nong huli tayong tumambay, di makakasakit
kung magkaroon tayo ng kaunting katuwaan.

Narrator: Muli, hindi niyang gustong sumama sa kanila ngunit ang kanyang kaibigan ay
nanlilisik at nagsabi sa kanya.

Legal: Mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin, kung hindi, hihilain kita doon.

Narrator: Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang kaibigan, napasinghap siya at walang nang
ibang nagawa kundi tanggapin ang paanyaya nila. Pagdating sa bar, nag-order sila ng kanilang
piniling mga inuming nakalalasing at nagsimulang uminom. Ang magkakaibigan ay hindi
lightweight, kaya't hindi pa sila nalasing. Habang nag-iinuman sila, bigla na lang nagtanong ang
kanyang kaibigan kung nagkakaroon ba siya ng problema.

Caballero: Sa tuwing nakikipag-usap ka kasi sa amin, medyo nagiging iba ang ekspresyon mo
at mukhang nahihirapan ka sa isang bagay, alam naming nahaharap ka sa isang problema
ngunit ayaw ka naming tanungin hangga't hindi ikaw na mismo ang magsasabi sa amin.
Legal: Hindi na namin ito nakayang pigilan kaya tinanong ka nalang namin

Narrator: wala siyang ibang magawa kundi sagutin ang katanungan dahil mukhang galit na galit
na ang kaniyang mga kaibigan sapagkat hindi niya sila hinarap tungkol dito. Sinabi niya sa
kanila ang tungkol sa kaniyang pinagdadaanan at nagsimula na silang gumawa ng galit na galit
na ekspresyon, pero inaasahan na niya ito.

Gemperoa: (sighs deeply) Mag dodrop-out ako at mag-fofocus nalang ako sa trabaho ko para
kumita ako ng mas maraming pera upang mabayaran ang singil sa ospital ng aking lolo.
Pasensya na't hindi ko kayo sinabihan sa mga ito, ayokong magalala kayo ng sobra.

Caballero: Ha !?(angry and shocked tone) Ano ang ibig mong sabihin na 'ayaw mong magalala
kami ng sobra?' Nakatulong na sana kami! Matagal na naming kilala ang iyong lolo kaya nais
naming tumulong!"

"..."

Legal: Hah .. Sige na nga. Tutulungan ka naming magbayad ng singil sa ospital ng lolo mo
kaya hindi ka na kailangang mag-drop out.

Gemperoa: Eh ..? T-teka ..! Pinahahalagahan ko ang inyong alok ngunit ayos lang talaga ako!

Legal: Tama si Crispin, (points at a direction, either left or right) tulad nga ng sinabi niya,
matagal na tayong magkaibigan, okay lang naman na tulungan ka namin!

Caballero: Tama. Saka hindi ba mas mabuti kung magtutulungan tayo? Mas madaling nating
mababayaran ang singil ng ospital

Narrator: Nag-isip siya ng malalim, ngunit sa huli ay bumigay na lamang siya. Kung tatanggi
siya, magagalit sa kanya ang kanyang mga kaibigan dahil hindi siya umasa sa kanila kahit konti
lang.

Gemperoa: ... Kung ganon, salamat sa inyong lahat. (smile)

Narrator: Matapos magpasya na tanggapin ang tulong na inalok sa kanya ng kanyang mga
kaibigan, kaagad niyang binayaran ang singil ng ospital sa pagpapagamot sa kanyang lolo,
nahati ang bayad kaya hindi ito gaanong kamahal. Napaginhawa siya ng malalim dahil ang
kalagayan ng kanyang lolo ay hindi na masyadong mabigat at ang kaniyang problema ay
nalutas nang mas maaga kaysa sa inaasahan niya. Pinag-isipan niya kung tama bang humingi
muna siya sa kanyang mga kaibigan na tulungan siya para mas madaling malutas ang
problema. Sinabi niya sa kanyang sarili na:

Gemperoa: Baka ang pagtutulungan sa isa't isa ay ang pinakamahusay na pagpipilian, after all,
no man is an island diba? (faces camera and smiles)

You might also like