You are on page 1of 1

MITOLOHIYA | FILIPINO 10 : BALANSE NG ISANG DEMIGOD

Nang mapanganak ang kauna-unahang sanggol na galing mula sa diyos at tao, maraming tao ay dumalo
upang mamangha kay Caeda, ang batang demigod.

Simula pa lang sa murang edad, pinagpala na siya ng dakilang karunungan at malawak na kaalaman
kasama ang mga kapangyarihan niya bilang isang demigod.

Binati siya ng kaniyang ama na si Soran, ang diyos na nagbabantay sa pinto ng kabuhayan at kamatayan.
Binigyan niya si Caeda ng mahalagang tungkulin: Alagaan ang balanse ng mundo ng mga tao. Ayon kay
Soran, kailangan niyang manatiling neutral sa lahat at gamitin niya lamang ang kaniyang mahusay na
pag-iisip upang hatulan ang mga tao.

Sa una, tumanggi siya dahil sa napakalaking responsibilidad na kailangan niyang tanggapin sa murang
edad, ngunit tinanggap niya rin ito sa huli nang bigyan siya ng payo ng kaniyang ina na si Lithea, isang
prinsesang tumakas patungo sa kanayunan nang malaman niyang ang anak niya’y mula sa isang diyos.

Pagdating sa edad na labing-apat, siya ay tinaguriang mahusay na tagapag-salita at maraming


pumupunta sa kaniya upang manghingi ng payo, mula sa mga taong mahihirap at nanghihingi ng tulong
papunta sa mga maharlikang nagnanais na bilhin ang kaniyang karunungan para sa kanilang sariling
pakinabangan, ngunit laging tumatanggi si Caeda dahil kailangan niyang sundin ang mga panuntunan ng
kaniyang ama.

Dumaan ang ilang taon at ang isang digmaan ay nagsimula sa pagitan ng dalawang malalapit na
kaharian, isa’t isang dumalaw ang mga embahador ng mga kaharian upang hingiin ang kaniyang tulong
at kapangyarihan upang manalo sa digmaan.

Tinanggihan niya ang unang embahador na dumating, ngunit nung tatanggihan na niya ang pangalawa,
nakilala niya si Lithea at nagbanta na papatayin ang ina niya sa dahilang pagtataksil sa kanilang kaharian.

Nang marinig ito ni Caeda, wala siyang magawa at pinili niyang kumampi sa kanila sa digmaan.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nilabag niya ang isa sa mga panutunan ng kaniyang
ama, ngunit hindi niya hahayaan na papatayin nila ang kaniyang ina.

Dumating ang araw ng digmaan at naglaban siya kasama ang mga hukbo ng kaharian, at ito ang unang
beses na ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan- hindi sa paghukom ng mga tao, pero sa pagpatay ng
taong nasa kabilang panig ng digmaan.

Nagpatuloy ang labanan sa loob ng maraming araw at natakpan ng dugo at patay ang larangan ng
digmaan, at nang ito’y matapos, tumayo si Caeda sa gitna ng lupa at pinagmasdan ang mga nasawi na
kalaban, kasama, at mga biktima na nadamay sa giyera.

Napatawa na lang siya sa kaniyang mga nagawa. Hindi niya naakalang makakapagpatay siya ng
mararaming tao. Sa kaniyang pagod, humakbang siya’t nawalan ng balanse at nahulog sa duguang lupain
kung saan siya naglaban.

Nang siya’y mahulog, nanahimik na ang kaniyang mortal na katawan at hindi na siya bumangon muli.
Nanalo nga siya sa digmaan, ngunit ang kaniyang kamatayan ay ang kaniyang parusa nang hindi niya
sinunod ang panutunan ng ama niya.

You might also like