You are on page 1of 1

ELOISE AUSTRIA

GRADE 8, SJP II // AP
MARCH 20, 2020

Ang una at ikalawang digmaang pandaigdig ay nagbibigay ng mahalagang papel sa kabuoan ng


kasaysayan ng mundo. Marami itong mga naging sanhi at pangyayari kung bakit ito nangyari o
kung paano ito nagsisimula. Nagdulot rin ito ng mararaming ambag sa pagkakaroon ng
mararaming sistema, kaisipan, alyansa, at iba pa. Ang dalawang digmaang ito’y naging sanhi rin
ng mga mararaming pangyayari na idinulot ng mga tao sa kasaysayan ng buong daigdig.

Maraming tao’y nakilala rito sa kanilang kalupitan, kapangyarihan, o kanilang karangalan nang
mangyari ang mga digmaang ito, mabuti man o hindi. Ngayon, and mga paksang ito ay
tinatalakayan at pinag-uusapan ng mararaming tao, lalo na sa mga paaralan hanggang ngayon
upang malaman ng mga tao ang mga nangyari noong WWI at WWII. Ang mga taong nakilala
dito ay mga taong nagkaroon ng malaking papel sa kabuoan ng mga digmaang pandaigdig.

Sa aking palagay, ang mga nagkasunod na kaganapang ito ay nanggaling sa pagkakaisa o sa


kawalan ng kakayahang makipagtulungan at magkaisa ng mga bansa dahil sa iba’t ibang
pinaniniwalaan, sistema, relihiyon, layunin o mga motibo ng mga bansa. Marami mang bansang
nagkasundo ay mayroon pa ring mga bansang nag-aaway at naghahanda para sa mga susunod
na digmaan.

Dahil sa mga pangyayari noong una’t ikalawang digmaang pandaigdig, hanggang ngayo’y may
mga bansang hindi parin nagkakasundo dahil sa mga nangyari noong una’t ikalawang digmaang
pandaigdig dahil sa mga nangyaring nagbibigay ng matinding takot sa mga bansang nadamay,
lalo na sa mga taong may relatibong sumali sa digmaan at namatay.

You might also like