You are on page 1of 1

Paalala sa Sarili

By: Glenn Veluz

Tatlong Segundo, bago bumalik sa reyalidad at pait ng mundo,

Lahat ay kulay abo, ni hindi ko matukoy kung para sa akin, Ilan ang naririto.

Dalawang araw, dilat ang mga mata ko sa magdamagan,

Tinatanong sa sarili, kung sa lahat ng hamon, Kaya ko pa kayang lumaban?

Ngunit iisa lamang ang tugon nagging saksi ang mga bituin at ang namumugtong Ulap sa kalangitan.

Sa panahon ngayon, sarili ko lang din ang aasahan ko sa lahat ng pagkakataon.

Pagod ka na ba?

Punasin ang luha, sa namumulang mata.

Muling tanungin ang sarili, Ako ba’y pagod na?

Hindi din natin maaring sagutin na ‘oo, ginagawa ko nalang yata itong lahat para sa wala.”

Bagkus kahit tayo’y napupuno ng galos, gasgas at pasa,

kinakailangan natin tumindig at itapak sa lupa ang ating mga paa.

Mundo man sa atin ay madaya, lakas loob nating isigaw ang kataga “Kaya ko pa!”

Kaya nila, at alam ko rin na kaya mo pa.

Kaya kaibigan, wag tayong mag alala sa pagkat ang dating pighati, sakit at mga luha

ay mapapalitan rin nang pagtanggap, tiwala sa sarili at tuwa.

Tayo’y makatatayo mula sa lupa kung saan tayo’y minsan ding nadapa at kung saan natin dinanas ang

gasgas, pagdurugo at mga pasa.

Magpatuloy lang tayo dahil ang ating buhay ay isang malaking karera kung ipagpapatuloy mo ang

pagtakbo nang may lakas ng loob ay tiyak na sa mga nagwagi ay kasama ka.

You might also like