Professional Documents
Culture Documents
LAS FPL Akademiks Aralin 2
LAS FPL Akademiks Aralin 2
Pangalan :
Antas/Lebel :
Seksiyon :
Petsa :
GAWAING PAMPAGKATUTO
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – ARALIN 2
KASANAYANG PAMPAGKTUTO
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ay on sa layunin, gamit at
katangian (CS_FA11/12PN-0a-c-90)
PANGUNAHING TANONG
Ano ang kritikal na pagsulat at paano mo ito mahuhubog bilang isang mag-aaral?
PANIMULA
Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paglinang ng damdamin at isipan ng manunulat
sapagkat naipahahayag niya ang kanyang damdamin at mithiin tungo sa maayos na pakikipag-
ugnayan sa kanyang mambabasa.
Bakit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya nga bang
mas mahirap magsulat kaysa magsalita? Kung minsan, nagsasalita ang tao nang hindi gaanong
nabibigyang pansin ang kawastuhan sa gramatika sapagkat walang tala o dokumentong
pagbabatayan ng kanyang sinabi. Hindi gaya sa pagsulat, isang dokumento ang nalilikha na
nagpapatunay ng kaalaman, opinyon, at kahusayan.
Gawain 1. Ang islogang “ Think before you click” ng isang kilalang estasyon ng telebisyon sa
Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng pagpapahayag partikular sa Facebook Nagbibigay
ito ng babala na anuman ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng akademikong pagsulat, magbigay ka ng mga
paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable at
makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat sa social media.
Ako ay Pilipino
Inawit ni Kuh Ledesma
1|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
Mahalagang Tanong
1. Bakit kailangan na maunawaan ng mabuti ang kritikal na pagsulat?
2. Ano ang pinagkaiba ng haka-haka at haypotesis?
Pagtalakay sa aralin
Kritikal na Pagsulat
• Sa pagpapalawak ng ugnayan ng kognisyon at wika, mahalagang salik ang
kasanayan sa kritikal na pagsulat, Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay
pagpapahayag ng saloobin, papanaw, damdamin, idea, opinyon at impormasyon na
maaring sa anyong pasulat, nakalimbag at digital ( Kompyuter at iba pang gadget).
• Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
Hindi lahat ng datos at mga pag-aaral ay basta mo tinatanggap kung hindi sinusuri
muna at tintingnan ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng
isang idea sa iba pang idea o kaya’y ng mga partikular na idea sa kabuuang idea.
• Tinatawag na kritikal na pagsulat ang pagkakaroon ng tiyak na layunin at audience (
babasa ng teksto) na pinagnilayan o pinag-isipan ng manunulat batay sa paksa o
isyung gusto niyang talakayin.
Halimbawa, magiging kritikal ka kung makikita mo na ang EDSA Revolution ay hindi
lamang isang pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986 kung hindi bunga ito ng
matagal na panahon ng paninikil sa karapatan, kolonyalismo, at iba pang mga
kadahilanan
Hinuha o pala-palagay
Lahat ng tao’y maaring magbigay ng kanyang pala-palagay o haka-haka. Kadalasan,
ginagawa ito kapag kulang o hindi sapat ang impormasyon. Halimbawa, kung nawawala ang
birth certificate ng isang bata at hindi makapagbigay ng kopya ang mga magulang, ano ang
maaring dahilan o kahuluugan nito? Kunwari’y naiwan ng batang nakabukas ang gripo sa
lababo ng tatlong oras ano ang mangyayari?
Haypotesis
Sa mga siyentista, haypotesis ang tawag nila sa pagbibigay ng tentatibong paliwanag
o hinuha sa mga bagay-bagay na pinag-aralan nila. Kailangan nilang patunayan sa kanilang
experimentasyon o pag-aaral ang bisa ng kanilang haypotesis. Kapag tapos na ang
experimetasyon, maaring mapatunayang mali o tama ang kanilang hinuha. Kadalasan
nauuna ang tanong bago ang pagbibigay ng haypotesis. Halimbawa, Bakit nawawala sa abot
tanaw ang malaya nang naglalayag na barko.
Haypotesis 1; bangin ang nasa dulo ng karagatan
Haypotesis 2: dahil bilog ang mundo.
Ano sa palagay mo ang tamang haypotesis?
2|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
Proseso ng Pagsulat
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana
ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging
epektibo at makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.
Akademikong Sulatin
Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa
pagpapataas ng kaalamansa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.
Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
3|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
Sitwasyon Haka-haka
1. Naiwan ang libro sa Algebra
2. Kumain nang marami sa
tanghalian
3. Nag-withdraw ng pera sa
bangko
4. Naglayas ang pusa
4|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
Sitwasyon Haypotesis
1. Paano nalalaman kung gutom
na ang aso?
2. Saan nagtatago ang ahas
kapag tag-ulan?
3. Sino ang mas takot sa dentista
ang kalalakihan o kababaihan?
4. Paano nalalaman kung
paparating na ang bagyo?
5. Bakit mas mura ang bilihin sa
palengke kaysa sa mall?
Rubriks sa Pagmamarka
25 20 15 10
Napakahusay Mahusay Katamtaman Di gaanong Mahusay
Siksik ang Kompleto ang Taglay ang ilang Ang pagsusuri ay
pagsusuring pagsusuring bahagi ng maraming kakulangan
iainagawa batay sa isinagawa batay sa pagsusuring at hindi nakasunod sa
balangkas na balangkas na isinagawa batay sa pinagbatayang
sinundan. sinundan. balangkas na balangkas.
sinundan.
5|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
Basahin.
Matagal na nating pangarap ang pagbabago. At alam nating kahit ang mga susunod na
henerasyon ay maghahangad nito, lalo na’t nakikita’t nararamdaman nila ang malaking agwat ng
mahihirap at mayayaman. Ngunit ang kadalasang lumalaganap lamang sa media ay ang mga
pangyayari at balita hinggil sa mga naghaharing uri sa lipunan. Ang mga rigodon ng mga
pulitikong imbes na paglilingkod sa sambayanan anginaatupag ay nakatingin na sa susunod na
pambansang eleksyon?
Magsuri tayo. Ito bang mga pulitikong ito ay may nagawa para magkaroon tayo ng
moratoryum sa demolisyon? May nagawa ba sila para makakain ng sapat ang ating pamilya sa
bawat araw? Ang kanilang ginagawa’y pulos buladas lamang, pangako dito, pangako doon kapag
kampanyang elektoral. Nasaan na ang isyu ng maralita kapag sila’y naupo na sa poder? Nasaan?
Ang pakialam ng maralita ay kung papaano babaguhin ang kanilang kalagayan, paano
makakaahon sa kinasasadlakang kahirapan, at kung paano wawasakin ang sistemang
mapagsamantala sa lipunan – ang lipunang kapitalismo.
Sadyang napakabilis ng pagbabago sa lipunan, pero wala pa rin talagang nagbago sa
lipunan. Ngayon ay cellphone na, at marami pa ang naiimbento para sa kaunlaran (daw) ng lahat
pero hindi naman kaya ng bulsa ng mga mahihirap. Pero wala pa rin talagang nagbago sa lipunan,
dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pantay-pantay ang kalagayan ng tao sa lipunan. Patuloy pa
ring yumayaman ang mga mayayaman, habang lalong naghihirap ang mga mahihirap. Nasaan
ang pagbabago? Nasaan na itong pagbabagong matagal nang inaasam nating mga
mahihirap?Ang nais nating pagbabago ay ang tunay na pagbabago ng sistema ng lipunan, hindi
pagbabago lamang ng sistema sa gobyerno. Hindi lamang relyebo ng mga namumuno ang ating
pangarap, kundi pagpawi mismo ng mga uri sa lipunan upang maging maayos at pantay-pantay
ang kalakaran at ang ating kalagayan. Kailangang pantay ang distribusyon ng yaman sa lipunan.
Kailangang pawiin ang pagmamay-ari ng iilan sa mga kagamitan sa poduksyon – na ginagamit
sa pagsasamantala sa kasalukuyang lipunan. Malupit ang sistemang kapitalismo. Napakalupit.
At tama lamang na pangarapin natin ang isang lipunang makatao upang ang lahat naman ay
makinabang. Kung mapapalitan ang sistema ng lipunan at ang mga maralita’t manggagawa ang
mapupunta sa poder, tiyakin nating ang hustisya ay para sa lahat, dahil ito mismo ang prinsipyo
ng sosyalismo at makakamit natin ito, hindi sa patunga-tunganga, kundi sa ating aktibo at tuloy-
tuloy na pagkilos upang abutin ang ating pangarap. Kilos na, kaibigan. Ngayon!
6|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2
4. Ano ang naging inspirasyon ni Gregorio V. Bituin Jr. sa paglikha ng isang sanaysay na may
pamagat na Walang Nagbago, Kahit Maraming Pagbabago?
Mga Sanggunian:
Florante C. Garcia, P. S. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Sibs
Publishing House, Inc
Constantino, Pamela C., Zafra, Galileo S. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon
City: Rex Book Store, Inc.
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/
Inihanda nina:
ROLANDO J. SUPREMIDO
Guro II ng/sa Filipino
EDWIN G. PELONIO
Guro I ng/sa Filipino
7|Page