You are on page 1of 7

FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

Pangalan :
Antas/Lebel :
Seksiyon :
Petsa :

GAWAING PAMPAGKATUTO
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – ARALIN 2

PAKSA Kritikal na Pagsulat: Uri at Proseso

KASANAYANG PAMPAGKTUTO
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ay on sa layunin, gamit at
katangian (CS_FA11/12PN-0a-c-90)

PANGUNAHING TANONG
Ano ang kritikal na pagsulat at paano mo ito mahuhubog bilang isang mag-aaral?

PANIMULA
Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paglinang ng damdamin at isipan ng manunulat
sapagkat naipahahayag niya ang kanyang damdamin at mithiin tungo sa maayos na pakikipag-
ugnayan sa kanyang mambabasa.
Bakit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya nga bang
mas mahirap magsulat kaysa magsalita? Kung minsan, nagsasalita ang tao nang hindi gaanong
nabibigyang pansin ang kawastuhan sa gramatika sapagkat walang tala o dokumentong
pagbabatayan ng kanyang sinabi. Hindi gaya sa pagsulat, isang dokumento ang nalilikha na
nagpapatunay ng kaalaman, opinyon, at kahusayan.

Gawain 1. Ang islogang “ Think before you click” ng isang kilalang estasyon ng telebisyon sa
Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng pagpapahayag partikular sa Facebook Nagbibigay
ito ng babala na anuman ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng akademikong pagsulat, magbigay ka ng mga
paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable at
makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat sa social media.

Gawain 2. Awitin mo!

Ako ay Pilipino
Inawit ni Kuh Ledesma

Ako ay Pilipino Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino


Ang dugo’y Maharlika Isang bansa isang diwa
Likas sa aking puso Ang minimithi ko
Adhikaing kay ganda Sa bayan kot Bandila
Sa pilipinas na aking bayan Laan Buhay ko’t Diwa
Lantay na perlas ng Silanganan Ako ay Pilipino, pilipinong totoo
Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino
Bigay sa king talion Taas noo kahit kanino, Ang Pilipino ay ako!
Sa Mabuti lang laan Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino
Sa aki’y katutubo Taas noo kahit kanino, Ang Pilipino ay ako!
Ang maging mapagmahal

Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mararamdaman ninyo habang inaawit ang kanta?

1|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

2. Ano ang mensahe ng awitin?

Mahalagang Tanong
1. Bakit kailangan na maunawaan ng mabuti ang kritikal na pagsulat?
2. Ano ang pinagkaiba ng haka-haka at haypotesis?

Pagtalakay sa aralin

Kritikal na Pagsulat
• Sa pagpapalawak ng ugnayan ng kognisyon at wika, mahalagang salik ang
kasanayan sa kritikal na pagsulat, Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay
pagpapahayag ng saloobin, papanaw, damdamin, idea, opinyon at impormasyon na
maaring sa anyong pasulat, nakalimbag at digital ( Kompyuter at iba pang gadget).
• Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
Hindi lahat ng datos at mga pag-aaral ay basta mo tinatanggap kung hindi sinusuri
muna at tintingnan ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng
isang idea sa iba pang idea o kaya’y ng mga partikular na idea sa kabuuang idea.
• Tinatawag na kritikal na pagsulat ang pagkakaroon ng tiyak na layunin at audience (
babasa ng teksto) na pinagnilayan o pinag-isipan ng manunulat batay sa paksa o
isyung gusto niyang talakayin.
Halimbawa, magiging kritikal ka kung makikita mo na ang EDSA Revolution ay hindi
lamang isang pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986 kung hindi bunga ito ng
matagal na panahon ng paninikil sa karapatan, kolonyalismo, at iba pang mga
kadahilanan

Hinuha o pala-palagay
Lahat ng tao’y maaring magbigay ng kanyang pala-palagay o haka-haka. Kadalasan,
ginagawa ito kapag kulang o hindi sapat ang impormasyon. Halimbawa, kung nawawala ang
birth certificate ng isang bata at hindi makapagbigay ng kopya ang mga magulang, ano ang
maaring dahilan o kahuluugan nito? Kunwari’y naiwan ng batang nakabukas ang gripo sa
lababo ng tatlong oras ano ang mangyayari?

Haypotesis
Sa mga siyentista, haypotesis ang tawag nila sa pagbibigay ng tentatibong paliwanag
o hinuha sa mga bagay-bagay na pinag-aralan nila. Kailangan nilang patunayan sa kanilang
experimentasyon o pag-aaral ang bisa ng kanilang haypotesis. Kapag tapos na ang
experimetasyon, maaring mapatunayang mali o tama ang kanilang hinuha. Kadalasan
nauuna ang tanong bago ang pagbibigay ng haypotesis. Halimbawa, Bakit nawawala sa abot
tanaw ang malaya nang naglalayag na barko.
Haypotesis 1; bangin ang nasa dulo ng karagatan
Haypotesis 2: dahil bilog ang mundo.
Ano sa palagay mo ang tamang haypotesis?

Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat


1. Akademiko - halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabinng akademiko mula
sa antas primarya hanggang doktoradong pag-aaral. Ang pagsulat nito ay maaring
maging kritikal na sanaysay, tesis, term paper.
2. Teknikal - ito ay espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong
suliranin
- karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa
isang partikular na paksa tulad ng science o technology.
3. Journalistic - pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa
ng mga mamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng mga balita, editorial,
kolum, lathalain at iba pa.

2|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

4. Reperensyal - ito’y uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang


reperens hinggil sa isang paksa. Binubuod o pinapaikli ng isang manunjulat ang idea
ng ibang maanunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon.
5. Propesyonal - Uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Itinuturo na
rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa tiyak na propesyon na napili ng mga
mag-aaral. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng investigative report ng
mga imbestigador, mga legal forms, medical reports, patients journal.
6. Malikhain - masining ang uring ito sa pagsulat ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat maaring piksyonal at di piksyonal ang akdang isinusulat. Samakatuwid
ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula, sanaysay, at iba pa.

Proseso ng Pagsulat
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana
ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging
epektibo at makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.

1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa


o maraming tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha
ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang
mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot sa tanong.Ang
pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik.

2. Pagsulat ng Unang Borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na


ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na
ang unang borador.Dito na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan,
kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel.

3. Pagpapakinis ng Papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin


ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang
daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.

4. Pinal na Papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng


papel, pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito

Akademikong Sulatin
Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa
pagpapataas ng kaalamansa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.
Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian


Abstrak Ito ay karaniwang ginagamit Hindi gaanong mahaba,
sa pagsulat ng akademikong organisado ayon sa
papel para sa tesis,papel pagkakasunod sunod ng
siyentipiko at teknikal, lektyur nilalaman.
at report. Layunin nitong
mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel.
Sintesis Ang kalimitang ginagamit sa Kinapapalooban ng overview ng
mga tekstong naratibo para akda. Organisado ayon sa sunod
mabigyan ng buod, tulad ng sunod na pangyayari sa kwento.
maiklling kwento.
Bionote Ginagamit para sa personal Kinapapalooban ng overview ng
profile ng isang tao, tulad ng akda. Organisado ayon sa sunod
kanyang academic career at sunod na pangyayari sa kwento.
iba pang impormasyon ukol
sa kanya.
Bionote Ginagamit para sa personal May makatotohanang paglalahad
profile ng isang tao, tulad ng sa isang tao.

3|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

kanyang academic career at


iba pang impormasyon ukol
sa kanya.
Memorandum Maipabatid ang mga Organisado at malinaw para
impormasyon ukol sa maunawaan ng mabuti.
gaganaping pagpupulong o
pagtitipon. Nakapaloob dito
ang oras, petsa at lugar ng
gaganaping pagpupulong.
Agenda Layunin nitong ipakita o Pormal at organisado para sa
ipabatid ang paksan kaayusan ng daloy ng
tatalakayin sa pagpupulong pagpupulong.
na magaganap para sa
kaayusan ng at organsadong
pagpupulong.
Panukalang Proyekto Makapaglatag ng proposal sa Pormal, nakabatay sa uri ng mga
proyektong nais ipatupad. tagapakinig at may malinaw ang
Naglalayong mabigyan ng ayos ng idea.
resolba ang mga prolema at
suliranin.
Talumpati Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay sa uri ng mga
nagpapaliwanag ng isang tagapakinig at may malinaw ang
paksang naglalayong ayos ng idea.
manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng
kabatiran o kaalaman.
Katitikan ng Pulong Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na organisado ayon
pagdodokumento ng mga sa pagkakasunud-sunod ng mga
mahahalagang puntong puntong napag-usapan at
nailahad sa isang makatotohanan.
pagpupulong.
Posisyong Papel Ito ay naglalayong Ito ay nararapat na maging
maipaglaban kung ano ang pormal at organisado ang
alam mong tama. Ito ay pagkakasunod-sunod ng idea.
nagtatakwil ng kamalian na
hindi tanggap ng karamihan.
Replektibong Sanaysay Ito ay uri ng sanaysay kung Isang replektib na karanasang
saan nagbabalik tanaw ang personal sa buhay o sa mga
manunulat at nagrereplek. binasa at napanood.
Nangangailangan ito ng
reksyon at opinyon ng
manunulat.
Pictorial Essay Kakikitaan ng mas maraming Organisado at may
larawano litrato kaysa sa mga makabuluhang pagpapahayag sa
salita. litrato na may 3-5 na
pangungusap.
Lakbay-Sanaysay Ito ay isang uri ng sanaysay Mas madami ang teksto kaysa sa
na makakapagbalik tanaw sa mga larawan.
paglalakbay na ginawa ng
manunulat.

PAGSASANAY 1. Ibigay ang haka-haka at Haypotesis sa angkop na talahanayan.

Sitwasyon Haka-haka
1. Naiwan ang libro sa Algebra
2. Kumain nang marami sa
tanghalian
3. Nag-withdraw ng pera sa
bangko
4. Naglayas ang pusa

4|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

5. Tumaas ang presyo ng bilihin

Sitwasyon Haypotesis
1. Paano nalalaman kung gutom
na ang aso?
2. Saan nagtatago ang ahas
kapag tag-ulan?
3. Sino ang mas takot sa dentista
ang kalalakihan o kababaihan?
4. Paano nalalaman kung
paparating na ang bagyo?
5. Bakit mas mura ang bilihin sa
palengke kaysa sa mall?

PAGSASANAY 2. Maghanap ng isang (1) halimbawa ng limang (5) akademikong sulatin na


iyong napili. Gawan ito ng sariling pagsusuri gamit ang talahanayang nasa ibaba.

Akademikong Sulatin Katangian Layunin/Gamit

Rubriks sa Pagmamarka

25 20 15 10
Napakahusay Mahusay Katamtaman Di gaanong Mahusay
Siksik ang Kompleto ang Taglay ang ilang Ang pagsusuri ay
pagsusuring pagsusuring bahagi ng maraming kakulangan
iainagawa batay sa isinagawa batay sa pagsusuring at hindi nakasunod sa
balangkas na balangkas na isinagawa batay sa pinagbatayang
sinundan. sinundan. balangkas na balangkas.
sinundan.

PAGTATAYA. Isulat sa patlang ang tamang sagot sa mga tinutukoy na pahayag.

1. Ito’y tawag sa pagbibigay ng tentatibong paliwanag o hinuha


sa mga bagay-bagay na pinag-aralan nila. __________________
2. Masining ang uring ito ng pagsulat. __________________
7. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang
tiyak na propesyon. __________________
8. Ginagawa ito kapag kulang o hindi sapat ang impormasyon. __________________
9. Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba
pang reperens hinggil sa isang paksa __________________
10. Ito ay maaring maging kritikal na sanaysay, lab
report,eksperimento, tesis, disertasyon. __________________
11. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing nasa
uring ito mula sa primarya hanggang sa doktoradong pag-
aaral. __________________
12. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamahayag o journalist. __________________
13. Ito’y pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa. __________________
14. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon bukod pa sa
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. __________________

5|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

Basahin.

WALANG NAGBAGO, KAHIT MARAMING PAGBABAGO


ni Gregorio V. Bituin Jr.

Matagal na nating pangarap ang pagbabago. At alam nating kahit ang mga susunod na
henerasyon ay maghahangad nito, lalo na’t nakikita’t nararamdaman nila ang malaking agwat ng
mahihirap at mayayaman. Ngunit ang kadalasang lumalaganap lamang sa media ay ang mga
pangyayari at balita hinggil sa mga naghaharing uri sa lipunan. Ang mga rigodon ng mga
pulitikong imbes na paglilingkod sa sambayanan anginaatupag ay nakatingin na sa susunod na
pambansang eleksyon?
Magsuri tayo. Ito bang mga pulitikong ito ay may nagawa para magkaroon tayo ng
moratoryum sa demolisyon? May nagawa ba sila para makakain ng sapat ang ating pamilya sa
bawat araw? Ang kanilang ginagawa’y pulos buladas lamang, pangako dito, pangako doon kapag
kampanyang elektoral. Nasaan na ang isyu ng maralita kapag sila’y naupo na sa poder? Nasaan?
Ang pakialam ng maralita ay kung papaano babaguhin ang kanilang kalagayan, paano
makakaahon sa kinasasadlakang kahirapan, at kung paano wawasakin ang sistemang
mapagsamantala sa lipunan – ang lipunang kapitalismo.
Sadyang napakabilis ng pagbabago sa lipunan, pero wala pa rin talagang nagbago sa
lipunan. Ngayon ay cellphone na, at marami pa ang naiimbento para sa kaunlaran (daw) ng lahat
pero hindi naman kaya ng bulsa ng mga mahihirap. Pero wala pa rin talagang nagbago sa lipunan,
dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pantay-pantay ang kalagayan ng tao sa lipunan. Patuloy pa
ring yumayaman ang mga mayayaman, habang lalong naghihirap ang mga mahihirap. Nasaan
ang pagbabago? Nasaan na itong pagbabagong matagal nang inaasam nating mga
mahihirap?Ang nais nating pagbabago ay ang tunay na pagbabago ng sistema ng lipunan, hindi
pagbabago lamang ng sistema sa gobyerno. Hindi lamang relyebo ng mga namumuno ang ating
pangarap, kundi pagpawi mismo ng mga uri sa lipunan upang maging maayos at pantay-pantay
ang kalakaran at ang ating kalagayan. Kailangang pantay ang distribusyon ng yaman sa lipunan.
Kailangang pawiin ang pagmamay-ari ng iilan sa mga kagamitan sa poduksyon – na ginagamit
sa pagsasamantala sa kasalukuyang lipunan. Malupit ang sistemang kapitalismo. Napakalupit.
At tama lamang na pangarapin natin ang isang lipunang makatao upang ang lahat naman ay
makinabang. Kung mapapalitan ang sistema ng lipunan at ang mga maralita’t manggagawa ang
mapupunta sa poder, tiyakin nating ang hustisya ay para sa lahat, dahil ito mismo ang prinsipyo
ng sosyalismo at makakamit natin ito, hindi sa patunga-tunganga, kundi sa ating aktibo at tuloy-
tuloy na pagkilos upang abutin ang ating pangarap. Kilos na, kaibigan. Ngayon!

Sagutin ang mga Tanong:

1. Mapanuri ba ang akda? Bakit? Patunayan.

2. Paano maituturing na sukatan ng katalinuhan ng isang tao sa pagsulat?

3. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?

6|Page
FPL-AKADEMIKS-ARALIN 2

4. Ano ang naging inspirasyon ni Gregorio V. Bituin Jr. sa paglikha ng isang sanaysay na may
pamagat na Walang Nagbago, Kahit Maraming Pagbabago?

5. Paano naisagawa ang malinaw na pagsulat ng sanaysay?

Mga Sanggunian:
Florante C. Garcia, P. S. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Sibs
Publishing House, Inc
Constantino, Pamela C., Zafra, Galileo S. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon
City: Rex Book Store, Inc.
https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

Inihanda nina:

ROLANDO J. SUPREMIDO
Guro II ng/sa Filipino

EDWIN G. PELONIO
Guro I ng/sa Filipino

7|Page

You might also like