You are on page 1of 12

MGA LIKAS NA

ANYONG LUPA
Mga Layunin:
 mailarawan ang ganda at yaman ng bansa

 matutukoy ang mga likas na anyong lupa na nagpapaganda sa bansa.


ANYONG LUPA

 Ang lupain sa ating bansa ay may iba’t ibang anyo.


Ilan dito ay ang bundok, burol, talampas,
bulubundukin, kapatagan at lambak.
 Ang mga ito ay pinagtatayuan ng mga tirahan,
mga taniman, at mga pang-akit sa mga turistana
dumarayo sa ating bansa.
 Ang Disyerto ng Sahara na matatagpuan sa
Aprika ang tinaguriang pinakamainit na disyerto
sa buong mundo, samantalang ang Disyerto ng
Gobi ay ang pinakamalamig na disyerto sa Asya
na matatagpuan bansang Mongolia.
MGA ANYONG LUPA

1. BUNDOK – mataas na
anyong lupa na higit na mas
mataas kaysa burol. Maraming
punungkahoy sa bundok kaya
naman dito kinukuha ang mga
troso na ginagawang bahay at
iba pang kasangkapan.
Pinagkukunan din ito ng mga
yamang mineral tulad ng ginto,
tanso, pilak, at nikel.
 Bundok Apo – pinakamataas na bundok na matatagpuan sa
pagitan ng Davao del Sur at Hilagang Cotabato.
 Bundok Makiling – matatagpuan sa Laguna na dinarayo ng mga
mahilig sa abentura o mga gawaing kakaiba o mapanganib.
MGA ANYONG LUPA

2. BUROL – mas mababa sa


bundok ang anyong lupang ito.
Mainam itong pastulan ng mga
hayop dahil sa mabeberdeng
damo nito.
 Chocolate Hills –
magaganda at tanyag na
burol na matatagpuan sa
Carmen, Bohol. Ang kulay
nitong tsokolate kung tag-
araw at kulay berde naman
kung sa tag-ulan ang
nakakaakit sa mga turista.
MGA ANYONG LUPA

3. BULKAN – mataas na
anyong lupa na may bunganga
sa tuktok. Nagbubuga iton ng
kumukulong putik at usok kapag
pumutok.
 Bulkang Mayon– aktibong
bulkan sa bansa na
matatagpuan sa Albay. Ito ay
may perpektong hugis-apa na
dinarayo ng mga turista.
 Bulkang Taal – ito ay ang
pinakamaliit ng bulkan sa
daigdig na nasa Batangas na
dinarayo din ng mga turista.
MGA ANYONG LUPA

4. LAMBAK – ito ay ang patag


na lupa sa pagitan ng mga
bundok.
 Lambak ng Cagayan –
pinakamahabang lambak sa
Pilipinas na angkop
pagtaniman ng mga tabako,
tubo at niyog.
 Lambak La Trinidad –
matatagpuan sa Benguet na
angkop naman na pagtaniman
ng mga sari-saring gulay tulad
ng repolyo, patatas, pipino at
letsugas.
MGA ANYONG LUPA

5. TALAMPAS – isang patag na


lupa sa ibabaw ng bundok.
Mainam itong pagtaniman ng
gulay at prutas na angkop sa
malamig na klima dito.
 Lungsod ng Baguio – ang
tinaguriang Summer Capital
ng Pilipinas na nasa talampas.
 Bukidnon – mayroon ding
talampas dito na nasa parteng
Mindanao. Inaani dito ang
mga pananim tulad ng mais,
palay at kape.
MGA ANYONG LUPA

6. KAPATAGAN – ito ay patag,


mababa at malawak na anyong
lupa. Matatagpuan dito ang mga
sakahan at taniman.
 Ang mga ilan sa halimbawa ng
mga kapatagan sa ating bansa
ay Gitnang Luzon, Bicol,
Kalakhang Maynila,
Iloilo, at Cotabato. Angkop
ditong itanim ang mga palay,
gulay, pinya, abaka, bulak, at
iba pang mga pananim.
MGA ANYONG LUPA
7. BULUBUNDUKIN – ito ay
binubuo ng dalawa o higit pang
magkakadugtong o hanay na
mga bundok. Marami din
punungkahoy dito na kailangan
sa paggawa ng tahanan at iba
pa.
 Ang mga ilan sa halimbawa ng
mga bulubundukin ay ang
Cordillera, Sierra Madre
at Caraballo na pawang
matatagpuan sa Luzon
samantalang makikita naman
sa parteng Mindanao ng
Bulubunduking Diwata.
MGA ANYONG LUPA

8. BAYBAYIN – ito ay anyong


lupa na nasa tabing dagat. May
mahabang baybayin ang ating
bansa. Nakukuha sa baybayin
ang mga kabibe at iba pang
mga palamuti.
 Ang tanyag na baybayin sa
ating bansa ay ang Beach
Resort na matatagpuan sa
Boracay. Mainam itong
pasyalan at paliguan.
MGA ANYONG LUPA

9. ISLA o PULO – ito ay maliit


na anyong lupang napaliligiran
ng katubigan. Maituturing na
isang arkipelago ang ating
bansa dahil binubuo ito ng mga
kapuluan.
 Ang Batanes, Sulu at
Tawi-tawi ay ilan lamang sa
mga maituturing na
kapuluang komunidad sa
bansa. Dinarayo ng mga
turista ang kilalang
Hundred Islands sa
Alaminos, Pangasinan.
MGA ANYONG LUPA

10. TANGWAY– anyong lupang


nakausli sa katubigan at
nakadikit sa mas malaking
anyong lupa.

 Ang mga lalawigan ng


Bataan at Zamboanga ay
ilan sa mga halimbawa ng
tangway na matatagpuan sa
ating bansa.

You might also like