You are on page 1of 21

ARALIN 3:

Ang Paglinang ng Kurikulum


Upang mapaunlad ang mamamayan sa tulong ng
edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang
kalipunan ng kurso at gawaing pampagkatuto. Ito ngayon
ang tinatawag na kurikulum.
Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd, ay isang
daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng
mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng
kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang
pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa
pagpapaunlad ng sitwasyon ng lipunan.
Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at
kasama rito ang sumusunod:
1. Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
2. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
3. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila
matatanggap sa programa, at
4. Ang mga kagamitang panturo.
Mga salik na isinasaalang-alang upang mapaunlad ang
kurikulum:
Pamahalaan
Kultura
Pagpapahalaga
Relasyong pang-internasyunal
Ang pag-unlad ng kurikulum sa Pilipinas
Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay
kakikitaan ng iba’t ibang tuon ng kurikulum.

1. Panahon bago dumating sa Pilipinas


2. Panahon ng Kastila
3. Panahon g mga Amerikano
4. Panahon ng Hapon
5. Panahon ng Martial Law at ng 1996 Reboulusyon
6. Kasalukuyang Panahon
Mga batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino
bilang Wika ng Edukasyon

Legal ang batayan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika


ng edukasyon. Isinasaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon
na …. “ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles…”
Nagsilbi namang opisyal na batayan ang mga kautusan at
memoranda na ipinalalabas ng Kagawaran ng Edukasyon.
1.1 DECS Order 25, s. 1974
“Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilinguwal.”
Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na
kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan,
elementarya, sekondarya, at tersyarya.
1.2 DECS Order No. 50, s. 1975
“Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Billingual
Instruction at Tertiary institutions.”
Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa antas
tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pag-implementa
sa programa.
1.3 MEC Order No. 22, s. 1978
“Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level”
Bilang pag-alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS
Order 50, s. 1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa
antas tersyarya.
1.4 DECS Order 52, s. 1987
Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987,
nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol
dito sa pamamagitan ng dalawang kautusan.
o“Filipino and English shall be used as media instruction, the use allocated to
specific subjects in the curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s
1974.”
o“…Tertiary level institutions shall lead in the continuing intellectualization
of Filipino. The program ofintellectualization, however, shall also be
pursued in both the elementary and secondary levels…”
1.5 CHED Memo Order 59, s. 1996
“New General Education Curriculum (GEC).”
1.6 CHED Memo 04, s. 1997
Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong
memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa
Implementasyon ng CMO 59, 1996.
1.7 CHED Memo Order 11, s. 1998
Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI, particular an
Teacher Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan
tungkol sa minimum na rekwayrment ng general education para sa
magiging guro.
Pananaw sa Wikang Filipino

“ Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng
iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang
varayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita
nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1,
Agosto 26, 1996).
Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya

Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay ng mga aralin sa


Filipino, nararapat na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na:
A. INTEGRATIBO
B. INTERAKTIBO
C. KOLABORATIB
Ang Filipino sa Antas Elementarya

Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa


pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino.

Mga Inaasahang Bunga


Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan
(pasalita at pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng
iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto
upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya

Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of


1982 ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:
1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa
elementarya.
2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.
3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.
Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum
1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal at
masining na pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing
pagpapahayag sa iba’t ibang tunay na sitwasyon.
2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang
daan sa pagpapalago ng mga nakatagong kalakasan para sa sariling pag-unlad
at pagtataguyod ng kagalingang panlahat.
3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa
pambansang mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at
pagpapaunlad ng mga kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga ng lahing
Pilipino.
4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan, kagandahang-
asal sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong
pagpili at pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.
5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag-
uugali at matutunan ang mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa
pagkaunawa sa kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba
pa, kultura at lahi sa sariling bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon.
6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.
Mga Inaasahang Bunga:

Layunin:
Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na
mga kaalaman, kakayahan at kasanayan sa paggamit ngg
akademikong wika sa pakikipagtalastasan upang masabing mahusay
at mabisang komyunikeytor sa Filipino.
Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya
Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang
komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad
ang sumusunod na katungkulan:
A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon.
B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon
ay matamo o para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang
responsible at epektibong pamamahala, patingkarin ang
karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at
mayaman ang kasaysayan at kulturang minana.
Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act
(RA) No. 7722 (Higher Education Act of 1994)
CHED Memo Blg. 59, S. 1996
• Binuo ang “New General Education Curriculum”
CHED Memo Blg. 4, S. 1997
• Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59
• Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at
9 na yunit sa Ingles
• Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9
yunit sa Ingles
• Literatura 1 – ituturo sa Ingles at Filipino
• Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute
Ang Filipino sa Binagong Kurikulum n General Education
(CHED Memo Blg. 30, S. 2004)

Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Filipino 3: Masining na Pagpapahayag
Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
Literatura 2: World Literature
Iniulat ng ikalawang grupo:
Maribeth Docto
Michael Limos
Charmaine Madrona

You might also like