You are on page 1of 1

Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa

mundo at ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinusuri din ng isang geographer Kung
paano nakaaapekto ang kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano nakaaapekto ang lokasyon
at lugar sa pamumuhay ng mga tao. Ang salitang “heograpiya” ay galing sa wikang Griyego Sa
salitang Griyego, ang “geo” ay nangangahulugang mundo o daigdig, Ang heograpiya ay ginamit
ng mga sinaunang tao upang bigyan ng tawag ang kanilang pag-aaral, pagsulat at paggawa ng
map na nakakatulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman kaugnay ng kanilang mundong
ginagalawan. Ang kabihasnan ay ang paraan Kung saan ang isang komunidad sa isang lugar ay
umabot sa isang progresibong yugto ng pag-unlad at organisasyon ng lipunan at kultura. Ang
kabihasnan ay tumutukoy sa kaunlaran ng isang pamayanan o lipunan sa loob ng isang yugto
kung saan ito ay nagtataglay ng sariling wika, angking galing sa sining, husay sa arkitektura, mga
gawaing pang-kaisipan, uri ng pamahalaan, at ang kanilang kakayanan upang ipagtanggol ang
kanilang mga sarili. Ang mga sinaunang tao ay kilala bilang mga nomadiko, sila ay palipat-lipat
ng lugar upang makahanap ng pagkain at iba pang kinakailangan upang mabuhay. Dahil dito ay
wala silang permanenteng tirahan, ang iba ay nakatira lamang sa kuweba o kaya naman ay sa
itaas ng puno. Hindi kalaunan ay natuto gumawa ng tirahan ang mga ito na gawa sa kahoy at
nangaso upang may pagkain. Natuto sila gumawa ng kanilang sariling teritoryo upang kanilang
maging depensa sa mababangis na hayop at panangga sa malakas na ulan.

You might also like