You are on page 1of 2

Artifact Analysis Worsheet #1

1. Ano ang palamuti? Ilarawan ang katangian nito?


isang uri ng mga bagay na karaniwang ginagamit upang mas kaaya-aya at maganda ang
representasyon at maging matingkad ang isang lugar, tao o bagay. Ito rin ay tinatawag na
pampaganda, dekorasyon o kolorete. Ang mga palamuti na ito ay galing sa buto ng mga
hayop ,sa sinaunang panahon ay ito ang mga sinusuot ng mga tao, ang ilan sa mga
palamuti na ito ay gawa rin sa bato o mga bagay na galing sa lupa katulad ng ginto
Makikita ang ganitong kasuotan sa ilang tribo ng ibang bansa. Bawat pangkat-etniko sa
Pilipinas ay may kakauting pagkakaiba. Pero karaniwan na ang mga palamuti sa katawan.

2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?


Sa dami ng iba’t ibang palamuti sa buong mundo, Sa aking palagay ay ito ay ginagamit
nila para lagyan ng dekorasyon ang kanilang mga katawan. Katulad ng pag gawa ng
kwintas, sing-sing o mga aksesorya na nilalagay sa ulo o sa ating buong katawan,
ginagamit ito ng mga tauhan sa sinaunang panahon para lagyan ng dekorasyon ang
kanilang sarili.

3. Bakit mahalaga ang palamuti na ito sa kasalukuyang panahon?


Marami pa din ang nagaganyak na magsuot ng tulad ng sinauna. Ang mga palamuti sa
katawan noong sinaunang Pilipino ay kakaiba. Madaming tao ang natutuwa sa mga
dekorasyon na nilalagay sa kanilang mga tahanan o sa kanilang mga katawan. Dahil nag
bibigay ito ng kulay at buhay sa ating tahanan. Matutuwa karin sa tuwing makakakita ka
ng palamuti sa loob ng inyong tahanan dahil nakakabawas ito ng stress at nakaka-kalma
ng sarili.

4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Hȕyȕk?


Bukod sa mga labi ng tao na natagpuan sa tahanan ng mga taga Catal Huyuk, may mga
artepakto o artifacts pang natagpuan. Katulad ng palamuti mula sa bato at buto ng hayop, ang
ipinahihiwatig nito ay

Artifact Worksheet #2

1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hȕyȕk batay sa iyong ginawang


imbestigasyon?
Base sa aking imbestigasyon ,Ang Catal Huyuk ay isa sa mga pinakaunang pamayanan
ng mga sinaunang tao noon na ngayon ay tinatawag na Turkey, ito rin ay isang
malaking pamayanan sa Anatolia noong panahong Neolitiko, ang Catal Huyuk ay may
populasyon na 3000-6000 ka tao, sila rin ay gumagawa ng mga magagandang bahay na
parang kahon na dikit dikit para pag inatake ay agad makaka tulong sa isa’t isa. Ang
mga bahay na kanilang ginawa ay gawa sa putik ladrilyo.

2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa


kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto:
a. pang-araw-araw na Gawain- Catal Huyuk ay nagkaroon ng mga paggawa ng
ladrilyo, pagsasaka, paggawa ng kagamitan, artisan, at paggawa ng palayok, pagsasaka
ang kanilang Gawain dahil isa itong pamayanang sakahan.

b. paraan ng paglilibing- isa sa mga paraan nila ay ang mag lagay ng kung anong uri
ng halamang pampabango sa bangkay para hindi mangamoy ito sa kanilang bahay.
nililibing at binabalot ng tela ang mga bangkay.

c. Sining- Nagpipinta sila sa kanilang mga ding-ding ng mga hayop, kapaligiran, tao o
pangyayari.

d. pinagkukunan ng pagkain- base sa pag-iimbestiga ng mga arkeologo, ang mga


ginagawa ng mga taga Catal Huyuk ay ang pagsasaka para makakuha ng kanilang
pagkain o sa tabi ng ilog kumukuha ng pagkain.

You might also like