You are on page 1of 3

4

nating masuri sa pamamagitan ng isinagawa ng aming pangkat

na pananaliksik.

Magiging isang seryosong problema ito kung ito’y ating

ipagsasawalang bahala, kaya nararapat lamang na ito ay

bigyang aksiyon.

HINUHA

1. Na ang Social Media ay may mga iba’t-ibang positibo

at negatibong epekto sa pamumuhay ng mga mag-aaral.

2. Na ang paggamit ng Social Media ay may magandang

naidudulot sa pag-aaral at pakikisalamuha sa kapuwa.

3. Na ang paggamit ng Social Media ay may espisipikong

edad na labis na naaapektuhan sa paraan ng pag-gamit nito.


5

HYPHOTHESIS

1. Nakatutulong ang Social Media sa pag-aaral ng mga

estudyante at nagkakaroon sila ng mga panibagong kaalaman

dahil dito.

2. May masama at mabuting naidudulot sa pamumuhay ng

mga mag-aaral ang pag-gamit ng Social Media.

3. Halos lahat ng mag-aaral ng 11 Accountancy,

Business and Management ay gumagamit ng Social Media.

4. Nakatutulong at positibo ang epekto ng Social Media

sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng 11 Accountancy, Business

and Management ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua.


6

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epektong dulot ng paggamit ng iba’t-ibang

uri ng Social Media. Maaaring mabuti o masama ang idulot

nila sa tao ngunit ito ay nakadepende na lamang sa gumagamit

nito. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa

mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

makatutulong ito para makakuha ng paraan kung paano mababago

at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social

Media. Makakatulong din ito para mamulat ang mga estudyante

sa tamang pag-gamit ng ng iba’t-ibang Social Media para sa

ikauunlad ng kanilang sarili at maging ng kanilang kapuwa.

Sa mga Guro, upang magkaroon ng ideya ang mga Guro sa

mga maaaring maging epekto ng Social Media sa kanilang mga

estudyante. Makatutulong ang mga ideyang napulot sa

pananaliksik na ito upang makuha ang atensiyon ng mga Guro

ang kanilang estudyante.

You might also like