You are on page 1of 2

Kultura Natin Ating Mahalin

Mula sa galaw ng mga paa’t kamay

Hanggang sa mga bandiritas na makulay

Handog nitong yamang taglay

Sa mundo’y ibahaging tunay

Mga taong tunay na ‘likhain

Tunay na diyamante sa buhangin

Kasipagan, kasiyahan, aliw ng sangkatauhan

Ang tao ang ating kayamanan!

Relihiyong katapatan ay sa Diyos

Pag-ibig sa kultura, sa puso’y taos

Sa bilis ng agos ng panahon,

Ang tanging alay ay ngiting bumangon

Mga telang balot ay ginto,

Mga kamay na humabi ng iyong barong

Sining ay tatak hanggang sa huling patak ng dugo

Kultura ng Pilipinas ay ikaw, ito’y sining ng tao

tong Lahing Kayumanggi sang-ayon sa kasaysayan,


May sarili, katutubo at mayamang kalinangan;
Pinagpala't dinakila, pinagtanggol sa dayuhan
Nitong mga Pilipinong bayani ng ating bayan.

Isang paham ang nagwika at matatag na tinuran:


"Ang kultura ay bahagi nitong mga mamamayan,
Nagsisilbing isang moog at bantayog na may dangal,
Nararapat na mahalin at sa puso ay itanghal."
Kalinanga'y pagyamanin sa isipan at damdamin,
Sa dula at katutubong mga sayaw at awitin;
Lagi sanang tatandaan at sa diwa ay itanim,
Ang kultura'y isang hiyas... kayamanang ituturing.

You might also like