You are on page 1of 6

i Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon

ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang


hapunan.  Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga
kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng
pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na
siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya.  Inalok ni Simoun
na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung
papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na
dumating.  Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang
mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay
gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango.  Siya ay
lalakad sa mga mapipiit upang kumita.  Napilitang sumang-ayon si
Quiroga.  Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa
komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng
sapatos para sa mga sundalo.  Sa pulutong ng mga pari, ay
pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya
sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Maganda ang gabi.  Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at


manonood.  Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa
kubol ni Mr. Leeds.  Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng
magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si
Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina.  Punyales!
Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong
prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb.  Si Isagani nama’y inis sa
bawa’t tumititig kay Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat
nina Padre Camorra.  Naghawigan sila-sila.  Ang isa raw ay
kahawig ni Zayb.  Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa.
Marami ang lilok na anyong Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-
gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng
lumang damit.  Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang
umisip ng larawang iyon.  Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa
pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas.  Isa
namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos
ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil.
Pamagat Ang Bayan na Akaba.  Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun.  Hinanap nila ang
mag-aalahas.  Wala ito.  Ayon kay Padre Camorra’y natakot na
baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds.
Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng
kanyang kaibigan si Mr. Leeds.  Makikita ninyo’t ang lahat ay sa
salamin lamang.

Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya.


Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayb upang
makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit
wala siyang nakita.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy
sa kanyang pagbabalik.  Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan
aniya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng
Ehipto.  Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na
kinasusulatan ng dalawang salita.  Sa pamamagitan ng pagbigkas
ng unang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang
ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating
kinalalagyan nito.
Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at
sinabi nitong siya si Imuthis.  Siya ay umuwi sa sariling bayan
pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.  Sa kanyang
pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi
ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama,
isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong
ng pandaraya.  Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay
binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng
Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan.
Siya ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito
ang pari sa Abidos.  Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya
ang sinangkalan.  Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay.
Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong
kataksilan.  Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang
nagsasalita ito.  Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
Kinabukasan nagpalabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal
sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong
dala ang kanyang lihim.

Kabanata 19: Ang Mitsa (Buod)


Home > Buod > El Filibusterismo > Kabanata 19
« Kabanata 18Kabanata 20 »

Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali


ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang
kinabukasan.
Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa
kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya.

Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina.
Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at
isinalaysay ang nangyari sa kanya.

Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng


binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang
pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas.

Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda
ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng
mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat
ang isip at kalooban ni Placido.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 19
Hanggang mayroong pagkakataon samantalahin ito upang makapagtapos sa
pag-aaral. Ang oras kapag lumipas ay hindi na maibabalik pa.

by Maestro Valle Rey


Date: January 28, 2020
in: EDUCATIONAL

Kabanata 20 El Filibusterismo – “Si Don Custodio”


(BUOD)
KABANATA 20 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 20 ng El
Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang
magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal
(buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at
hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawalampung


kabanata.

Ang Kabanata 20 ay may titulo na “Si Don Custodio” na sa bersyong Ingles ay “The
Arbiter”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa


pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang pagiging banal ng papa.

Bata pa siya nang dumating sa Maynila. Dahil sa mataas niyang katungkulan ay


nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lungsod. Ginamit niya ang per ng
kanyang asawa sa pangangalakal. Naging tanyag siya at napabilang sa mga
kinikilalanga tao sa lipunan.
Mahigit na dalawang linggo na sa poder si Don Custodeio ang usapin ukol sa
paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa
ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay
naayon o hindi.

Ang kanyang pag-iisip ay mahirap mawari. Siya ay minsang kakampi at


tagapagtangol ng mga Indyo. Minsan rin siyang humahamak ng pagkatao nito.

Sa kanyang pagbibigay ng pasya ukol sa usapin, isa lamng ang nais niyang
mangyari, ang mapasaya ang mga prayle, lalo na si Padre Irene.

You might also like