You are on page 1of 10

PAGSUSURI NG ISANG AKDANG PAMPANITIKAN

UTOS NG HARI

NI JUN CRUZ REYES

Ipanasa ni : Mikylla F. Relizan

Para sa pagsusuri ni: Edison G. Lunas Jr

(April 10, 2021)

I. A. PAMAGAT NG KATHA - Utos ng Hari


May akda - Pedro Cruz Reyes Jr. • Mas kilala bilang Amang Jun Cruz Reyes
• Isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino • Assistant Professor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas (1993-2004) •
Most Outstanding Faculty sa PUP noong 2003 Tondo, Maynila (Hulyo 27, 1974)
-makata, priksyon, pintor.

B. SANGGUNIAN O AKLAT NA PINAGKUHANAN -


http://www.marx2mao.com/Other/LPOE70NB.html

II. BUOD - Kuwento ito ng isang estudyante na mayroong hindi magandang pag-
uugali at hindi seryoso sa kaniyang pag-aaral. Problema na ng mga guro niya si
Jojo dahil sa kaniyang madalas na pagpasok nang nakainom at ang hindi magalang
na pagsagot nito sa mga guro niya.

Isang araw, nag-usap-usap ang mga guri na kinabibilangan nina Mrs. Moral
Character at iba pang guro sa paaralan. Pinag-usapan nila kung ano ang gagawin
kay Jojo. May isang guro na nagsabing pumapasok ito nang nakainom sa klase.Ang
iba naman naman daw na guro ay parang hinuhuli nito at titiyaking may alam sa
aralin. Dahil daw dito ay nagbigay ang guro nang maraming saliksik sa estudyante
bilang ganti. Napagkasunduan nilang hindi na ipasa si Jojo.

Kinabukasan ay kinausap na ng guro ang mag-aaral. Sinabi nito na hindi niya gusto
ang pag-uugali nito sa klase. Tila wala namang pakialam ang estudyante sa sinabi
ng guro tungkol sa kaniya. Sinabi rin ng guro na nakita niya ang estudyante sa
chapel noong gabi.

Nang tanungin ng mga kaibigan ni Jojo kung anong ginagawa niya sa chapel noong
nahuli siya ng guro, sinabi nitong naroon lamang siya at ang kasintahan na
magkahawak ng kamay. Magkahawak-kamay daw sila bilang tanda na hindi sila
maghihiwalay sakaling mapatalsik sa paaralan
III. PAGSUSURI

A. Uring Pampanitikan

Ito ay isang "Maikling kwento" sapagka't ito ay maikling salaysay


lamang. Ito ay nag tataglay ng pagiging makatotohanan. Ito dn ay ikakapulutan ng
magagandang aral.

B. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang kwentong ito ay gumagamit ng "Pagbibigay katuturan" sapagka't


napapalinaw nito ang pag uunawa sa kahalagaan ng bawat isa at ng isang bagay,
tao, pangyayari pinadarama o konsepto.

C. MGA TAYUTAY

1. PAGTUTULAD/SIMILE -" Para namang akong si gago na isip nangisip kung ano
nanaman ang sasabihin nito saakin

• ito ay isang patutulad o simile dahil ang pangungusap at nag tutulad,


tinutulad nya ang kanyang sarili sa isang gago

2. PAG UULIT/ ALLITERATION - " Mahilig Mang inis at Manubok sa kakayahan ng


guro

• sapagka't ito ay ginamitan ng mag akdang pantig na "ma" sa simula ng


tatlong salita.

3. PAGTATANGGI/ LIOTES - " HINDI lang yan, minsan gusto pa mandin akong
kulitin sa klase.

• Gumamit ng salitang "hindi" sa nagpapahayag upang itanggi na hind


lamang iyon ang salitang sumusunod.
4. METAPORA/METAPHOR - "at higit sa lahat ay isang intruder , pakialamera
sa buhay

• ito ay naghahambing tulad ng patutulad ngunit ito ag tiyakang


naghahambing at hindi gumagamit ng, gaya ng, at iba pa.

5. EKSAHERASYON/HYPERBOLE - " Pinilit pa din niya na ngumiti dahil alam


niyang hindi siya mananalo sa guro.

• gumamit ng may akda ng labis na paglalarawan sa kalagayan ni jojo ng


gamitin niya ang salitang " hindi siya mananalo sa guro".

6. PAGDARAMDAM/SARCASM - " isang pasaway na estudyanteng si jojo,


nakukuha pa rin niya ang makinig at makaramdam at ibigay ang respeto nito sa
kanyang guro kahit papano.

• sinasaad dito ang damdamin ng isang estudyante sa kanyang guro.

7. PAG UULIT/ALLITERATION - Mahirap Makisama sa isang Mundo ng taliwas sa


mundong gustong mong kalagyan

• sapagka't ito ay ginamitan ng mag akdang pantig na "ma" sa simula ng


tatlong salita.

8. PAGUYAM/SARCASM - " alam niya na hindi tatanggapin ang mundong


kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto niyang gawin

• para saakin ang pangungusap na ito ay nag papakita ng bahid ng


pangungutya.

9. . PAGDARAMDAM/SARCASM - " ikukumpara ng pangunahing tauhan ang


kanyang kalagayan na tulad ng pagkakatali nito sa sintas ng guro

• nag papakita ito na pagdaramdam. Ang damdamin ng isang tauhan.

10. PAGPAPALIT - TAWAG - " Pakikisama" lang ang sambit ng tauhang si Jojo sa
paglalarawan ng kanyang kasalukuyang sitwasyon bilang estudyante.

• ginamit ang salitang "pakikisama".


D. SARILING REAKSYON

1. Teoryang Pampanitikan(Ipaliwanag)

- Ang maikling kwento na Utos ng hari ay nag papakita ng Teoryang


pampanitikan sa REALISMO sapagkat ito at nag papakita ng mga makatutuhanang
kaganapan sa isang institusyon na masasalamin sa kasakuyan

2. MGA PANSIN AT PUNA

A. tauhan

• Jojo

✓17 taon na mag aaral

✓isang pasaway na estudyante sa mata ng mga guro

✓ Mahilig mang inis ng guro at manubok na kakayahan

✓ madalas lumiliban sa klase

• Mrs. Moral character

✓Guro sa social science

✓Gurong tagapayo ni jojo

✓ kilala rn bilang Mrs. Eraser dahil sa mga pinaggagawa niyanoong


nakaraang eleksyon

✓ isang guro na palaging nanenermon tungkol sa mga moral vitues

• Minyong

✓kaibigan ni Jojo

✓ isang caltural minority

✓ pinagkamalang baliw
• Mga mag aaral - oasis , armando

•Ibang mga Guro - Mr espejo, Mrs kuwan, Mr discipline , Mrs Gles-ing, Mr


mathematician , Mrs spermatozoa, Mrs Robinson

B. Galaw ng pangyayari

Simula

Nagsimula ang kwento noong sinabihan ni Mrs moral character si jojo na


pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos ng lunch. Nakutuban na si jojo na tiyak
na panenermon ang ipangbubungad ng kanyang guro sa kanya

Suliranin

Si jojo ay isa sa mga kandito na makikickout sa kanilang paaralan dahil sa kanyang


barkada ba si minyong. na pinag pasyanan ng guro na hatulan ng pagtanggal sa
kanilang paaralan

Kinalabasan

Bago matapos ang panenermon ay sinabihan si jojo na may nakakita sa kanya at


kay tess sa chapel. Sinabi ni Mrs moral character na ang babata la nila. At
makakarating sa kanyang ina ang kanyang mga pinaggagawa

Wakas

Napagdesisyonan ni Jojo na magsalita na siya mag reklamo sa kung ano ang


sitwasyon na pinag dadaanan niya sa kanilang paaralan ngayon, ngunit natapos
nya ito isipin sinabi na lamang niya na idi'jingle niya na lang muna ang kanyang
sama ng loob

3. BISANG PAMPANITIKAN

A. Bisang pangkaisipan

• napaisip ako ng malalim. Alam ko naman na totoong may mga ganitong


pangyayari sa tunay na buhay na tulad sa kwento ng akda. Masakit lang isipin ba
may i'ilang mga guro na hindi maayos na ginagampanan ang kanilang mga
tungkulin. Sa aking palagay panahon na upang gumawa ng aksyon ang
departamento ng edukasyon upang masiguro na ang mga guro ay propesyonal ag
kompetent sa kanilang mga trabaho

B. Bisang pandamdamin

• nakakapanlumo dahil bilang isang estudyante. Nabasa ko ang kwento na


nag papatungkol sa estudyante at mga guro. Mga gurong hindi matapat sa
kanilang serbisyo. sa halip na maging mabuting ehemplo ito sa mga kapwa ko mag
aaral ay sila pa ang nag papakita ng mga hindi kanais nais na pag - uugali sa
paaralan

C. Bisang Pangkaasalan

• pumukaw ito sa aking panlob na katauhan naisip at naramdaman ko na totoo


talagang may mga ganitong pangyayari sa sistema ng edukasyon at maraming
mag aaral na lubusang naapektuhan dahil dito, nagiging sanhi ng despresyon at
pagkawalan ng tiwala sa sarilu ang hindi pantay na pag trato ng mga guro sa
kanilang mga mag aaral

D. Bisang panlipunan

• nararapat na matuto tayong magsalita bilang indibidual. Sapagkat lahat tayo


ay may karapatang magsalita kung ano ang nais nating sabihin/ipahiwatig,
matutong tumayo sa mga paa at ipahayag ang totoong nararamdaman , ipahayag
ito ng may buong tapang. Sapagka't ito ang karapatan na mayroon tayo bilang
mga mag aaral.

You might also like