You are on page 1of 2

Maikling Banghay Aralin

sa

Filipino

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makikilala ang diptonggo at klaster
b. Matutukoy ang diptonggo at klaster na gagamitin sa pangungusap
c. Nakikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Diptonggo at klaster
b. Kagamitan: Tsart, Visual Aid
c. Sanggunian: www.teacherjet.com

III. Pamamaraan
A. Panimula
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumiban sa klase
B. Pagbabalik aral
 Ano ang natutunan ninyo sa nakaraang talakayan?
C. Pagganyak
 Ipapabasa ang mga inihandang salita na naka paskil sa pisara
 Ano-ano ang napansin sa mga ibinasa?
D. Talakayan
 Pagtalakay sa Diptonggo at Klaster
 Pagbibigay halibawa sa bawat topiko

HOTS:

1. Ano ang kahulugan ng diptonggo at klaster


2. Magbigay ng halimbawang salita at gamitin ito sa pangungusap.

E. Paglalagom
 Pagtatanong sa pangkalahatang natutunan sa aralin.
F. Pagtataya
PAGKILALA SA KAMBAL KATINIG AT DIPTONGGO

Bawat pangungusap ay may isang salita na may kambal-katinig at isang salita na may
diptonggo. Ikahon ang salitang may kambal-katinig at salungguhitan naman ang salitang
may diptonggo.

1. May kasuy sa tsokolate.


2. Gawa sa kahoy ang trumpo.
3. Kinagat ng beybi ang tsupon.
4. Ano ang kulay ng iyong blusa?
5. Umapaw ang tubig sa dram.
6. May mga unggoy sa Aprika.
7. Ano ang trabaho ng tatay mo?
8. Umiinom ng tsaa ang reyna.
9. Ang panganay niya ay trece anyos na.
10. Tinanggap ng pobreng pamilya ang abuloy.
11. Gutay-gutay na ang lumang trapo.
12. Narinig niya ang ingay ng trumpeta.
13. Kami’y hindi nagkakalat ng maling balita.
14. Tagumpay ba ang iyong proyekto?
15. Ano-ano ang mga problema sa barangay natin?
G. Takdang Aralin
 Pag-aralan ng maaga ang aralin patungkol sa tekstong narativ at expositori.

Inihanda ni:

Bb. Ivy Grace D. Celebrado

You might also like