You are on page 1of 1

Maguumpisa po ako sa ang Unang Republika mula pa sa Himagsikan ng

1896—isang rebolusyong pinasimulan ng Katipunan. Pinamunuan ito ni


Andres Bonifacio para sa layuning makamit ang kasarinlan ng Pilipinas mula
sa mga mananakop na Español.

Sa kabila ng iisang layunin ng Katipunan, nagkaroon pa rin ng mga di


pagkakaunawaang personal at politikal sa pagitan ng mga kasapi nitong taga-
Maynila at mga tagalalawigan. Umusbong ang mga alitan at pagkakawatak-
watak sa loob ng Katipunan. Sa pagtatangkang pagkaisahin muli ang
organisasyon, idinaos ang Pulong sa Tejeros noong Marso 22, 1897.

Ginawa ang Pulong sa Tejeros upang pagkasunduin ang mga magsalungat


na pangkat ng Katipunan. Dalawa ang lumabas na grupong nagkaalitan isa
po dito ang Magdalo (itinuring na pinuno si Emilio Aguinaldo) at ang
Magdiwang (kinilalang lider si Bonifacio). Napagkasunduan sa Tejeros na
oras nang mapalitan ang Katipunan ng isang rebolusyonaryong pamahalaan.

Sa botohan ng mga opisyal ng bagong tatag na gobyerno, nanalo si


Aguinaldo bilang unang Pangulo habang ang dating pinuno ng Katipunan na
si Bonifacio ay inihalal bilang Kalihim Panloob. Noong umpisa, tinanggap ni
Bonifacio ang pagiging kalihim sa kabila ng pagbaba ng kaniyang posisyon.
Subalit nang binalewala ni Daniel Tirona ang pagkapanalo ni Bonifacio, lubha
siyang nainsulto. Naging dahilan ito upang ideklara niyang walang bisa ang
mga itinatag sa Pulong sa Tejeros—kabilang dito ang bagong gobyerno at
ang paghalal sa mga bagong opisyal. Para sa iba, itinuring nilang pagtataksil
ang pagtanggi ni Bonifacio na kilalanin ang bagong Rebolusyonaryong
Pamahalaan. Dinakip siya at pinatawan ng parusang kamatayan sa
Maragondon, Cavite.

Nagpatuloy ang pagkilos ng Rebolusyonaryong Pamahalaan sa ilalim ni


Aguinaldo. Sa puntong ito, naramdaman ng mga Español na humihina na ang
himagsikan kaya ibinuhos nila ang kanilang panahon sa pagtugis kay
Aguinaldo at sa kaniyang mga kasamahan. Sa huling bahagi ng taong 1897,
napaatras din ng mga puwersang Español si Aguinaldo sa kabundukan ng
Biak-na-Bato.

Noong Nobyembre 1, 1897, nagpatawag si Aguinado, kasama ng ibang mga


rebolusyonaryo, ng pagtitipon ng mga mamamayan upang maibanghay ang
isang pansamantalang konstitusyon. Kinilala ito bilang Konstitusyon ng Biak-
na-Bato.

You might also like