You are on page 1of 2

May mga Utos ba si Kristo?

Kung paano hindi lubos na maisalaysay ng marami ang Sampung Utos, ganoon din na
marami ay walang kaalaman sa mga Utos ni Kristo.

Ganito ang ilan sa mga sinabi ng Panginoon,

 Mateo 28:20a – At turuang sumunod sa lahat ng ipinag uutos ko sa inyo.


 Juan 13:34 – Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.
 Juan 14:15 – Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mg autos.
 Juan 14:21 – Ang tumatanggap sa mg autos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin.
 Juan 15:14 – Kayo’ y mga kaibigan ko, kung tinutupad ninyo ang mg autos ko.

Ang mga Utos ni Kristo at ang


Kautusan.
Kalimitan ay hindi nati n napag-iiba ang mga Utos ni Kristo sa mga kautusan sa lumang
ti pan.

Ganito ang ilan sa mga sinasabi ng Panginoon,

 “Narinig ninyo noong una’y iniutos sa mga tao, huwag kang papatay.” (Exodus 20:13).
Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: sinomang may galit sa kaniyang puso sa kaniyang kapatid ay
pumapatay na. “Kaya makipagkasundo ka sa iyong kapatid.” (Mateo 5:21-24).
 “Narinig ninyo noong una’y iniutos sa mga tao, huwag kang makikiapid. “(Exodus 20:4). “Ngunit
ngayo’y sinasabi ko sa inyo: “Huwag kang magnanasa.” (Mateo 5:27-30).
 “Narinig ninyo noong una’y iniutos sa mga tao, huwag kang sisira sa iyong pinanumpang
pangako” (Leviticus 19:12). “Ngunit ngayon ay sinasabi ko sa inyo. “Huwag kayong
manunumpa.” (Mateo 5:33-37).
 “Narinig ninyo noong una’y iniutos sa mga tao, mata sa mata at ngipin sa ngipin”. Ngunit ngayon
ay sinasabi ko sa inyo: “Huwag ninyong labanan ang masamang tao.” (Mateo 5:38-42).
 “Narinig ninyo noong una’y iniutos sa mga tao, ibigin ninyo ang iyong kaibigan at kapopootan
mo ang iyong kaaway.” Ngunit ito naman ang sabi ko: “Ibigin mo ang iyong kaaway.” (Mateo
5:43-47).

Ilan lamang ito sa mga talatang nagpapakita ng kaibahan ng mga utos ng Panginoon sas Lumang
Tipan.

You might also like