You are on page 1of 5

So in our last topic. nakakaaccumulate tayo ng funds in several ways. It can be through borrowing/utang or issuance of stocks.

So ngayon in this chapter, we will discuss about short term financing.

Ito yung mga hiniram o inutang natin na kailangan din bayaran within one year

So makikita natin ang short term financing sa balance sheet which is represented by current liabilities.

2nd

Advantage of Short Term

1. Madali lang siyang iarrane since shorter yung term and mas less expose sa risk.

2. Mas mababa yung interest na babayaran natin since nagamit mo lang naman siya in a short period of time

3. Once na bumaba yung interest rate sa paguutang pwedeng magavail ng loan si borrower ng pauntiunti lang para makatake
advantage niya yung mababang interest rate.

Disadvantage

1. Interest rate is pabago bago minsan tumataas minsan bumababa, thus once na tumaas ang interest rate ang interest na
nagagrab ng borrower ay mataas din

2. Once na may gusto kang baguhin or may nabago sa contract niyo napakatime consuming niya kasi madaming mga
documents ang dapat na iprocess.

3. Once na nalate ka ng magbayad on the said due date, makakaapekto yun sa credit rating mo. The lender will have an
impression to you na di ka nagbabayad on time.

3rd

Trade Credit

-ito yung liability ni buyer sa mga goods na inavail nya without paying cash upon the purchase

- so the seller will send invoice to the buyer na naglalaman ng information ilke the goods purchased, purchase price, yung total
amount na babayaran ni seller at yung term of purchase. And magbibigay siya ng cash discount.

- for example binigyan tau ni seller ng credit term na 2/10 n/30, it means na kapag nabayaran mo yung utang o credit purchase
mo within 10 days may 2% kang discount but kapag dika nakaayad within that 10 days kailangan mong bayaran yun ng buo on
30th day.

computation

so in computing the accounts payable or average accounts payable ididivide lang natin si annual purchase whis already given
to the problem na 1,500,00 and then divide sa 360 multiply by credit period which is all given naman na sa problem na 30
days. Credit period yun yung 30th day or yung final due date na dapat kang magbayad. so pagsinimplify natin ang
makuukuhatin is 125.000.

sa cost of discount forgone naman, kino kompute natin to para malaman kung ano yung cost of not availing the discount or
how much it will cost us if we did not grab or avail the cash discount. Kasi sabi sa problem hindi nag avail ng discount si buyer
pero nagbabayad soya on time or in the end of credit term.

So para makuha ang cost of discount foregone Ang formula na gagamitin natin ay Discount percent divided by 100 percent
minus Discount percent then times natin sa 360 divided by Final due date minus Discount period. Ang value ng discount
percent ay makukuha sa credit term na inoffer ni seller na 2/10 just substitute , kaya naging 2 % over 100 percent minus 2%.
Then multiply natin sa 360 over final due date na 30 na nakuha din sa credit term na n/30 and then minus natin 10 which is
yung 10 naman na discount period na nakuha sa credit term na 2/10. Then simplify 2 percent divided by 100 percent minus 2
percent is equa lto 0.020408 multiply by 18 na nasimplify sa 360 divided by 30 minus 10. and then lastly pagmultipyain natin
yung dalwang result so the result will be 0.3673 or 36.73%.

Pwede rin nating gamitin yung isang formula natin na discount over purchase price minus discount over 360 multiply by oepen
anf close parenthesis credit period less discount period. Parang yung ginawa din natin kanina na magsusubstitute lang ng mga
given sa formula since nasa problem na lahat. Ang mababago lang is yung discontt since naging 30,000 yun kasi Imumultiply
na natin agad yung 1,500,000 na annual purchace natin sa 2% na cash disccount natin kaya naging 30k. So 30,000 divide by
1,500,000 minus 30,000 over 360 multiply by close and open parenthesus 30 minus 10 ang makukuha rin ulit is 36.73. So
ganon parin. Kung ano sa tingin natin ang formula na madadalian tayo yun yung gamitin natin.

Next slide

So pano naman natin malalaman na worth it ba mag avail ng cash discount? or kailan natin dapat igrab yung cash discount. So
malalaman natin yan gamit din itong cost of discount forgone. Ito yung example.

so parang yung ginawa natin kanina, isubstitute lang natin sa formula natin yung mga data galing sa problem or yung mga data
na galing sa credit term. and makukuha na natin yung cost of discount forgone.

So yun nakuha na natin yung cost of discount forgone. Nakuha natin is 30%. Ngayon icocompare natin sya sa borrowing rate
which is 12%. Diba mas mababa yung borrwoing rate kesa sa cost of discount forgone. Therefore dapat na igrab nong company
yung cash discount and it is more worth it na umutang sa bangko kasi mas mababa yung rate of borrowing kesa sa cost of
discount forgone. Lagi lang natin tandaan na once na mas mababa yung cost of borrowing rate kesa sa cost of discount forgone
worth it na igrab yung cash discount.

next slide

Advantage

1. Available or inooffer na agad ni supplier as part ng business.

2. hindi mo na kailangang magpledge ng mga equipment or personal asset.

3. Walang interest charge but there is an impression to the company na parang mas napamahal sa bayarin once na hindi ka
nakavail ng discount.

4. Madali mo nalang na mababayran yung credit since naklagay naman na don lahat ng info: yung amount and discount.

5. Madali lang siyang maavail as long as nasusundan mo yung credit term.

6. Yung mga nagpapautang is very supportive to those who are in need especially sa mga nakakaranas ng problems in finances
and kailangan nila ng supply na iroroll sa business nila

Next slife

Disadvantage

1. Pwede mong di maavail yung discount once na kinulang ka o wala available cash.

2. May time kasi na nangungutang su buyer sa banko para maavail niya yung discount pero di niya narerealize na mas malaki
pala yung binabayaran niya na interest sa bangko kesa sa maavail niya na discount.

3. Kapag di ka kabayad within the discount period maaaring ang tingin na nila sayo is hindi nagbabayad on time which will
reflect a poor credit rating of company.
may tinatawag din tayong dating. Na kung saan nakukuha na natin yung mga pinurchase natin but babayaran natin in delay. It
is a way of seller to attract more customer by giving them lenient trade credit . For example, sabihin natin na nagbebenta ka ng
mga summer outfits ngayon yung mga customer mo pwede na sila omorder as early as december and then idedeliver mo yung
product in february or march pero yung bayad palang nila is in April. Ganon yung dating.

next slide

1. Market Condition – So kung alam ni seller na bumabagsak ang ekonomiya natin, magiging strikto rin siya sa pagoofer ng
trade credits kasi nga alam niyang mahirap maningil kapag may gantong situation.

2. Ang pagbibigay ng trade credit ni buyer is dependent on financial capability ng isang company syempre doon siya sa
siguradong may pangbayad at may kakayahan magbayad within the due date.

3. So para makahikayat pa si seller ng mga customer siya nagoofer siya ng lenient or di gaanong strict na credit terms since ang
buyer is mas prefer yung mga business na nagoofer ng lenient credit.

4. So yung mga madaling masira na mga product is may shorter credit period compared sa mga products na tumatagal for
how many months.

5. If mas mataas yung supply kesa demand therefore kailangan pataasin ang demand o mas paramihin yung mga customer na
magaavail ng products and one way to encourage them para magavail ng mga products is to offer a lenient or yung di mahigpit
na credit term o pagooffer ng utang na products.

next slide

Stretching Payables – from word itself “stretch” which means papahabain. therefore papahabain o ipoprolong mo yung
pagbayad mo sa utang mo. It is done almost all of the businesses para pahabain yung holding period nila sa fund na dapat
pambabayad nila.syempre diba pag mahaba yung holfing period it also means magagamit pa yung fund na dapat pambayad sa
operation ng Busines.

So this strategy can help the business to have short term financing but it can also be detrimental to the business itself.

Kasi nga Pag lagi mo na itong ginagawa, mawawalan na ng tiwala sayo si seller kasi hindi ka tumutupad sa usapan at sa agreed
time na bayaran. Therefore, next time hindi ka na niya papautangin or worst malaman din ng ibang supplier and mahihirapan
ka ng makautang.

computation

So para malaman natin kung ano nga ba ang nangyayari once na nagproprolong or nagdedelay tayo ng payment. So here is the
example. for intance binigyan tayo ni seller ng credit term na 1/10 n/30, ang magiging cost of discount natin is 18.18%. Gamitin
ulit natin yung cost of dicount forgone na formula natin. And then isubstitute natin yung mga data na given na sa problem
specifically galing sa credit term natin sa ating formula.So pag sinimplify natin yunh 1% divide by 100% minus 1% ang
makukuha is 0.01010101 multiply natin sa result ng 360 divide by 30 minus 10 which is 18, ang lalabas na sagot is 0.1818
multply natin sa 100 para maging 18.18%. Therefore yung cost of discount forgone natin kapag nagbayad tayo on 30th day is
18.18%. Pero once na pinahaba pa natin yung time ng pagbabayad natin from 30 to 45th day ang cost of discount forgone
natin is 10.39 which is mas mababa na.

next slide
Accruals – ito yung mga expenses na narecognize, nagamit, at narecord na natin pero hindi pa natin nababayaran. Gaya ng
salaries taxes and interest.

Salaries – so sa employees or workers natin, nagagamit o Narender na nila yung service nila pero hindi pa natin sila
nababayaran kasi nga monthly or quarter ang sahuran.

Taxes – Ganon din sa taxes kasi hindi naman tayo araw-araw na nagbabayad ng tax. Its either monthly, quarterly, semi-
annually or annually yung payment .

Same applies to accrued interest. Nagagamit na natin yung principal but babayaran lang natin yung principal and interest on
agreed time. So from this accruals nakakaaccumulate tayo ng fund or nakakaobtain tayo ng short term financing kasi hindi
naman tayo daily na nagbabayad or nagbabayad agad once na nagamit na natin tong mga to.thersgfore mapapahaba pa yung
holding period mo sa fund na dapat pambayaf mo and magagamit mo pa siya in operation of business.

next slide

So para malaman natin yung mga accrued interest sa said dates. Gagamitin natin yung formula na I=PRT where I is the Interest,
P is the Principal, r is the interest rate and T is the time or kung gaano mo katagal nagamit yung fund.

1. March 15= 1,000,000 na principal multiply by rate na 12% multiply by 15 days divide 360. 15 days, kasi 15 days mo nagamit
yung fund from March 1 to march 15 so ang sagot is 5,000. Ganon din sa march 30 maiibahan lang yung time kasi 30 days mo
siyang ginamit from march 1 to march 30. ang sagot is 10,000. Same applies to April 15 . 1,000,000 multiply by 12% multpily by
45 days since march 1 to april 15 mo siya nagamit. And sagot is 15,000

Sa example natin, yung FLT corporation is nakaobtain ng short term loan sa interest natin na 5,000, 10,000, and 15,000 na
babayaran dapat natin sa March 15, 30 and April 15. Pero instead na bayaran natin siya sa mga dates na yun, nagamit pa natin
yung fund para sa operation ng business kasi obliged lang tayo magbayad after 60 days or sa April 30. however yung babayaran
mo na is yung principal na 1,000,000 and yung 20,000 na interest na inutang mo.

next slide

Short Term Bank loans – so hindi lang siya basta basta na utang epro ito yung utang natin galling sa bangko or mga financial
institutions in which oblige tayo na bayaran within a year. so yung pinapautang ni bank is galling sa savings or mga deposit ng
customer niya. Kaya may interest yung inuutang natin is para rin may maibigay si bank na interest sa savings na nagamit sa
deposit ni depositor.

next sllide

Bago magpautang si bank isinaalang-alang muna niya yung C’s ng credit which is nadiscuss na sa previous chapter pero
pahaphawan ulit natin.

1. Character – or yung mismong background ng umutang. Yung credit history kung katiwatiwala o hindi.

2. Capital – Ito yung personal investment mo sa business. Yung assets mon a nakainvest sa business.

3. Capacity – Ito yung evaluation kung kaya bang bayaran ni borrower yung utang. Ito yung kakayahan niya na magbayad.

4. Collateral – Ito na yung mga assets such as land, equipment or machinery na ipepledge ni borrower kay lender. And once
na hindi siya nakabayad ng, ito na yung kukunin ni bank na payment sa loan.

5. Condition – Dito nakapaloob yung nature ng loan kung magkano yung uutangin, yung interest na ipapatong and saan
gagamitin ni borrower yung hiniram niya na pera which is a great help for the borrower to encourage si bank ma pautangin
siya through its purpose.
So bago maaprovan yung loan ung account officer is magbibigay muna ng condition bago niya ibigay yung inuutang mo.

1. Dapat may compensating balance or maintaining balance sa aacount mo. For example nagparequired si bank ng 10%
compensating balance sa deposit mong 1,000,000 therefore 100,000 dapat ang maiiwan don at hindi mo yun pwedeng
galawin.

2. So may basis din yung pagbibigay ni lender ng interest rate kung ano sa palagay niya ang reasobnable.

3. Yung loan is pwedeng ibagay sayo na buo and pwede ring in installment or hahatiin yung pagbibigay depende sa approving
officer.

4. Maaring magparequired din ng collateral si lender. Nakagalay dito kyng anong klaseng collatefal ang dapat mong ipledge.

5. And lastly the amount of loan to be given.

You might also like