You are on page 1of 231

*******************************************

Downloaded by Wattpad2Any Online


Alrights Reserved by
their respective owners
-------------------------------------------
+ DONT PLAGIARIZE,PLEASE SHARE +

-------------------------------------------

http://w2a.l6.org
---------------BOOK DETAILS----------------
[BOOK NAME] 30 Days with Mr. Playboy //COMPLETED
[TOTALPARTS] 52
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
YURI: The story of the popular guy in town, Andi Rivas. Him as the playboy,
womanizer, and Casanova loved by everyone. Searching for the right girl, a
mysterious girl came and declared her feelings towards him. This girl is so
persistent to be his girlfriend just for 30 days. A story brings out a lot of the
more serious feelings that had this taste of reality to it.
-------------------------------------------

*******************************************
[1] 30 Days with Mr. Playboy
*******************************************
I don't know everything about her, yet I think I'm falling for her.
Just because of this 30 Days contract.

Ngayon hindi ko alam kung tama na mahalin yung taong alam mong mawawala din sayo.

Ang alam ko lang ..


na sa bawat araw at oras na kasama ko siya.
Gusto kong maging masaya kaming dalwa.

Na sa bawat araw na lumilipas ..


naiisip ko, na 'kaya ko pa ba?'

PAANO NGA BA LUMABAN KUNG ALAM MONG WALA KA NG IPINAGLALABAN..

---------
PLEASE VOTE AND COMMENT!!!

I'll appreciate it more.. Thanks for reading :)) Godbless

<3 Yuri

*******************************************
[2] Chapter 1
*******************************************
"Uhm.. break na tayo.?"

Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa batok ko at kung saan saan nakatingin. Hindi
ko Makita ang reaction ng first gf ko, si Kristina.

Biglang tumahimik. Napansin ko na lamang na nasa tabihan na ang mga kamay niya.
Kaya agad akong tumigin sa kanya.

"Sigurado ka ba?" ngayon siya naman ang hindi makatingin at.. namumula pa ang mga
mata niya. ??? Nakuu.. mukhang iiyak siya.

"Ano kasi.. 2nd year highschool pa lang kasi tayo. At mukhang hindi pa tayo ready
sa ganitong relationship." Ang tanga ko. 6 months kong niligawan si Kristina pero
ngayong kaka-1 week lang naming. Ako pa ito mismong nakikipagbreak.

Hayy.. ewan ko ba. Kasi naman, ang boring pala niyang kasama. Hindi man lang siya
umiimik. Di gaya ng mga kaklase kong babae.

"Okay. Pero." Hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede bang.. text text parin?" agad ko
naming binawi ang kamay ko.

"Oo naman.." nagging awkward ang moment kaya.. "Xa. Uwi na ako a." kinaway ko ang
kamay ko. At tumalikod.

Hindi ko na nilingon si Kristina.

Hindi ko alam kung bakit siya ganon? Mahal ba niya ako? E ako? Minahal ko ba talaga
siya? Ang natatandaan ko. Simula grade 6, gusting gusto ko na si Kristina. Noon.
Hanggang tingin lang ako sa kanya. Ang ganda niya kasi. Sobra. Para siyang anghel.
Pero ako.. Pangit ako noon.

Gumagamit ako ng sunglasses. Nakasanayan, medyo Malabo rin kasi ang pagtingin ko.
Hindi ko alam, pero noon attract na attract ako kay Kristina. Pero kahit na kelan
din, hindi siya lumingon sakin. Nalaman ko na lang na may crush siya sa isa sa mga
kaklase ko. Si Jared, gwapo siya. Pero mayabang. Niligawan pa nga niya si Kristina.
At kung minsan, pinagtitripan niya ako sa harap ni Kristina. Mukha kasing alam niya
na may gusto ako kay Kristina. Paulit ulit. Hanggang sa bumaba na ang pagtingin ni
Kristina sakin. Oo, medyo baduy ako noon. Pero matalino naman ako a. Yun nga lang..
ang maipagmamalaki ko.

Kaya nung naging sila. Wala din akong nagawa. Kahit grade 6 ako noon, para bang ang
lawak lawak na ng kaalaman ko tungkol sa pagmamahal. Lalo na nung nakita kong
umiiyak si Kristina at dahil daw kay Jared. Naging close kami ni Kristina kahit
isang oras lang yun. Kaya sa sobrang inis ko nung malaman ko yung kwento, walang
pagdadalwang isip na sinugod ko si Jared. Kahit na, antanga tanga ko pa noon. Ang
nangyari, ako pa ang bugbog sarado. At pagkatapos akong mabugbog. Mas lalo akong
hindi kinilala ni Kristina.

Kalalaki kong tao pero may mga karanasan akong ganito. Mas lalo akong pumangit
dahil sa ginawang pambubugbog ni Jared sakin.

Grumaduate ako. At tumigil ng isang taon. Pumunta sa ibang bansa at pagbalik ko.

"Niko!" sabay high five ko sa nerd kong pinsan. Nagtaka lang ako nung tiningnan
niya ako ulo hanggang paa sabay sabi ng.. "Sino ka ba?"

Ako naman ang tumingin sa kanya ng ganito ???

Pagka explain ko ng lahat, hangang hanga siya sakin. Ngayon ko lang nalaman na..
nagbago pala ako. Ang laki ng pinagbago ko. Mas lalo akong pumuti. At ang contact
lence na brown, mas bagay pala sakin. Mas bagay pala sakin ang hindi nakasalamin ng
laking laki. At yung hairstyle ko, di na gaya ng kay Jose Rizal. Mas bagay pala
sakin. At sa pananamit, kahit simpleng t shirt at pants, parang pumoporma na rin
ako.

Ang tanong? Gwapo ba ako? E bakit hindi ako nagkagf sa ibang bansa?

"Ah sorry." Sabi ko dun sa babaeng nakasagi ko. Transferee kasi ako sa bagong
school at hindi ko alam kung anong pasikot sikot dito.

"ah.." may sasabihin sana siya. Kaso napatitig lang siya sakin. Napahawak ako sa
mukha ko.

"Miss?" ngumiti naman siya sabay hawak sa buhok niya.

"Ang sakit kasi ng braso ko.. pwede ko bang makuha ang num. mo incase na sumakit
uli to?" ngumiti siya ng nakakaloko at kumikinang pa ang mga tingin niya.
? Doon ko lang natanto, Masaya palang maging gwapo.

*******************************************
[3] Chapter 2
*******************************************

"YOU!!!" napalingon kaming pareho.

(o.o) Nagulat naman ako ng makitang nasa harap ko na siya at pinaghahahampas ang
braso ko.

"Why did you do this to me!?" sinalo ko ang panglima niyang hampas.

"Mitch. I told you, break na tayo." Hinigit ko naman ang kamay ni Irene. Kaso..

"YOU b!tch! Bakit nasa iyo to!!!?" she mean .. the bralelett.

Akala ko bisto na ako. Pero humanga naman ako kay Irene ng matapang niyang binawi
ang kamay niya. "This bracelet was given to me by Andi! And Andi is NOW mine!" dun
lang siya nagkamali. NOBODY OWNS ME.

Lumink siya sakin.

"That bracelet-" tinakpan ko ang bibig ni Irene gamit ang hintuturo ko.

"Mitch, thank you. I had fun with you. But for now, let us be happy. Okay?" ngumiti
ako. At salamat, speechless na siya.
Umalis na kami dun ni Irene. Tuwang tuwa parin siya. Habang nililikot likot ang
maganda kong kamay. Tsss.. pagkatapos kong makipaghalikan sa babaeng to. Ngayon ko
lang natanto na.. nagsasawa na ako. Hayy.. paano naman kaya ako makikipagbreak sa
isang to. Kung makadikit kasi sakin. Daig pa ang linta.

Hinatid ko na siya sa condo niya.

"Andi?"

"Hm?"

"Next time dito na lang sa condo ko. Ayoko na sa hotel. Mas romantic kung sa sarili
mong lugar tayo gagawa ng memories." Sabi niya habang nililikot ang mukha ko. Agh!
Piling naman maaakit ako. Ayoko na! nagsasawa na talaga ako.

"Sige, next time." I wink. At the same time.. with a fake sweet smile.

Agad ko namang ni-start ang engine at kumaripas ng takbo.

Mamaya maya, tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"Hi, is this Andi Rivas?" this voice? Hindi siya pamilyar? At.. unknown number pa.

"Who's this?"

"This is Sabrina from tourism department. See you at Greenfield hotel this Friday,
9pm. Bye." Pagkaend niya ng call. Bigla akong kinilabutan. Naks, bakit ba ganon ang
mga babae ngayon.

Ang bilis naman ata ng panahon. Ano bang meron ako at masyado naman ata akong
maswerte. 8))

"I'm home." Yumuko naman ako at pinat ang ulo ni Terry. Hinimod naman niya ang
pisngi ko. Napangiti naman ako.

Okay, take note: aso si Terry. Isa siyang German Sheperd. At simula pagkabata
inaalagaan ko na siya. Siya lang ata ang first love ko na sineryoso ko. ;D hahaaha

"Oh pinsan!" lumapit naman sakin si Niko. "Musta ang maghapon? Ang mga girls?"
umupo siya at kumwatro. Habang nagbabasa ng dyaryo.

"Eto. Gusto na si Sabrina."

"Dapat ko bang hulaan na bagong target siya o.. seryoso ka na?" halatang curious na
curious siya. Natawa naman ako.

"Ano ka ba naman pinsan! Malabo na nga ang mata mo, Malabo pa pati pag iisip mo!"
tumabi ako sa kanya habang sunod sunod naman sakin si Terry.

"So bagong target?" tumango naman ako habang napatingin narin sa binabasa niya.

"Bakit ka nagbabasa niyan?" binaleng ko muli ang atensyon ko kay Terry habang
naghihintay ng sagot sa kanya.

"Kahit doctor na ako, nahihirapan parin ako."

"Malamang! Buhay ng tao ang hawak mo e!" natatawa kong sabi.

"At kahit doctor ako, wala parin akong magawa sa mga taong malapit ng mamatay."
Napatigil ako sa sinabi niya.

"Pinsan, lahat naman tayo mamamatay e. Okay lang yan,"


"Ang nakakatawa, babae itong may sakit. Sakit sa puso."

"Oh ano naman?" kumuha naman ako ng m&m sa table at isinubo. Siya ding binigay ko
kay Terry.

"Kapag bumibilis ang tibok ng puso niya, agad agad siyang dinadala sa hospital. At
ang nakakalungkot nung sinabi niya.."

'doc, kung ganito ako ng ganito. Maaga pala akong mamamatay kung magmamahal ako.'
Natameme ako sa sinabi niya.

*******************************************
[4] Chapter 3
*******************************************

Ang pag-ibig daw.. kapag naramdaman mo.. lalakas ang tibok ng puso mo. Bibilis ang
tibok ng puso mo. Mamumula ka.. at..

ARGH! Ano ba tong naiisip ko. Naalala ko na naman yung sinabi sakin ni Niko. Ano
bang pakealam ko. :-\ Pero.. sa pagkakakwento ni Niko sakin tungkol sa babaeng yun.
Para bang naramdaman ko yung pain. Mahirap siguro kung ikaw ang nasa sitwasyon. Ang
lala ng sakit niya. :( Sana yung mga ganon tao.. nabibigyan ng pagkakataon.

"Hi, Andi!" nagulat naman ako ng may lumink sakin. Ang linta!

"Oh Irene," nilayo ko siya sakin. At ngumiti na lang ako para di halata.

Luka talaga siya. Di niya ba napapansin na sawa na ako sa kanya. Aist!!!

"Saan mo gusto pumunta ngayon? Madami pa tayong time, since.. mamayang 10 pa ang
start ng class ko." Nilikot naman niya yung dibdib ko. Kaya agad ko siyang nilayo.
"No! may class ako Irene, okay?" ngumiti na naman ako.

Agh. Kailangan ko na talagang mabawi kay Irene yung bracelet, I want Sabrina.

"Ano ba yan, ang weirdo."

"Estudyante ba siya dito?"

Sa bulungang naririnig ko, hindi ko maiwasang macurios. Kahit matagal na panahon na


rin akong hindi nakakaranas ng ganon. Pero.. sino nga ba ang tinutukoy nila?

"Ah." Aba.. ang weird nga. Girl version ko noon. ???

At? Nakatingin siya sakin. Shet. Ayoko sa mga ganyan, kailangan kong umiwas. Tama,
late na ako sa klase ko.

"ANDI RIVAS!!!" napatigil ako.

Nang bigla ko na lang siyang nakita sa harap ko. At..

"Andi Rivas, GUSTO KITA!!!" yumuko siya habang inaabot sakin yung love letter.
Okay, sigurado naman kasi akong love letter yun. Ano to, sa ibang bansa. Adik ba
tong babaeng to?!

Napansin ko naman na lahat ng tao nakatingin samin. Shet!

Ngiting ngiti pa siya. Pero infernes, ang ganda ng mga ngiti niya. Yung ngipin I
mean. Hala ano ba tong iniisip ko. Dapat paalisin ko na ang babaeng to sa harap ko!

Tumalikod naman ako. Syempre, dedma na lang. kesa naman sa pahiyain ko pa siya. Ay,
napahiya ko na pala siya sa lagay na yan.

"ANDI RIVAS! PLEASE BE MY BOYFRIEND!" nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Shet! Kahit ganyan ang itsura ko noon, hindi naman ganyan kakapal ang mukha ko. Sa
sobra kong inis. Hinarap ko siya. Naiinis ako kasi ba naman, kahit ganyan ako noon,
hindi naman ako ganyan pagnagkakagusto. Isipin naman niya yung pride niya.

Kaso napasobra ata ako ng sabihin ko ang mga katagang ito:

"Hindi ako pumapatol sa mga pangit!" agh. Agad na lumabas yan sa bibig ko. Kaya the
next thing na ginawa ko, tumalikod muli. Still, nanonood parin ang mga tao samin.

"Kung gaganda ba ako, magiging gf mo na ako!?" napatigil na naman ako sa


paglalakad.

Hinarap kong muli siya, "Adik ka ba!? Bahala ka sa buhay mo!?" this time. Bin

*******************************************
[5] Chapter 4
*******************************************

"Hi, Andi!" lumink na naman siya.

"Oh hey , Irene. " naglakad lang kami. Hinayaan ko siyang nakalink sakin. Bigla
namang may nagtext sakin. Sina Loraine at Trisha. Niyayaya nila akong magbar. Sa
bagay 6 pa lang naman. Naisip ko rin.. na kung dalhin ko na lang kaya si Irene dun,
since dun ko naman siya nakilala e.

Tapos, ipamumukha na nila Loraine at Trisha ang break-up. A'right!!

Pumunta nga kami dun. Nginingitian pa ako ni Irene. Tss..


"Andi here!" kumaway sila Loraine at Trisha sakin.

"Sila ba ang mga friends mo?" inalis ko ang pagkakalink ni Irene sakin. At lumapit
ako kila Loraine at Trisha.

They kissed me on my cheeks tapos humawak na rin ako sa mga baywang nila. Takang
taka naman si Irene.

"Anong ibig sabihin nito, Andi?" hinalkan ko sila Loraine at Trisha. Tapos lumapit
ako kay Irene. Hinawakan ko ang kamay niya at bumulong ng: "Just enjoy the night,
my girlfriend." Binitawan ko naman agad ang kamay niya.

"Punta lang ako dun girls." Iniwan ko naman si Irene. Sinulyapan ko pa siya. At
mukhang susunod pa siya. Pero... syempre, pagdating sa bar na'to. Wala akong gf na
hindi nabi-break pag dinala ko na sila dito. 8)

Umupo ako sa pinakamalayong table pero kita parin sila. I smirk. Mukha sinisimulan
na nila Trisha at Loraine. Gaya ng ineexpect ko sa dalwang yun. Take note: they are
my fling chiks also my friends. At okay lang naman sa kanila yun. They love boys,
especially Andi Rivas.

Uminom ako ng tequila na nasa harap ko.

"Hey, Andi." May tumabi sakin? I look at her.. cleavage.


Perfect!

"And you are?" nilapit niya mukha niya sa mukha ko.

"Just call me, Honey."


"Honey?"

BLAG!!!

Kahit malakas na ang sound dito sa bar. Narinig ko parin ang pagdadabog na yun.
Napatingin kaming parehas ni Honey. Si Irene? ::)

"Irene." sabi ko w/ a calm tone of voice. Ang sama ng tingin niya samin nung Honey.

"Ano to!? So totoo ba lahat ng sinabi ng mga babaeng yun?" ngumiti lang ako. Sa
totoo lang, hindi ko naman alam kung anong sinasabi nila Loraine at Trisha.

"Pahoney-honey ka pa dyan. Hmf!" nagwalk-out naman si Irene.

"Who is she?" ngumiti ako kay Honey.

"My ex-girlfriend." 8)

"Oh really." she put her hands around my neck then start kissing me.

Pagkatapos ng mahaba habang halikan. Hindi ko officially'ng naging gf si Honey..


dahil.. may bf sya. Bumalik ako kila Loraine at Trisha. 8:00 na pala. "What's with
that girl? Muntik na niya kaming awayin nung sinabi naming pang 36th ex girlfriend
mo na sya." pumulupot si Trisha sakin.

"At talagang inis na inis sya ng sabihin naming ex girlfriend." binigay ni Loraine
sakin yung beer na pinag inuman niya.
"Ayaw niya ng sinasabihan sya ng ex. Irene is a spoiled brat. At sa lahat ng ayaw
niya, ay yung tinatapakan ang pride niya." Loraine kissed me torridly.

"So, for now, goodbye girls?" they both kissed me on my cheeks.

"See you soon, Andi." sabay nilang sabi. Bigla namang tumunog ang phone ko.

Lumabas ako ng Bar at agad na pinaandar ang sports car ko. 8:15 na. At malapit ng
mag-9.

Ang sabi sa text, room 116. 2nd floor. Nagdoor bell ako. Mga 2 minuto, nagbukas ang
pinto. At..

Tiningnan ko sya, ulo hanggang paa. 36-25-34. Pwede na. "Hi, Andi." ngumiti ako.

Hindi ko akalain na pati ang model student ay bibigay rin sa isang Andi Rivas.

*******************************************
[6] Chapter 5
*******************************************

"What! Si Sabrina Montenegro girlfriend mo na!" sabay sabay na sinabi ng mga


kabarkada ko.

"Sya yung Suma cum laude ng batch nila a." sabay ayos ni Darryl ng eyeglasses nya
habang naglalaptop. Take note: kahit may pagkanerd yan. Hot yan. Chikboy din pero
no permanent gf. Mahilig lang syang makipagdate. But not a fling. 8)

"Pati ba naman Matino papatulan mo?" sabat naman ni Kevin. Bolera pero di pa
nagkakagf. Ayaw niya. Gusto lang nyang makipaghang out sa mga babae.
"Tourism yun pare. Hindi na nakakapagtaka. Alam mo naman yang si Andi, good or
wild. Basta Hot at may beauty. Go yan." sabi ni Danson habang inaayos ang porma.
"Sige mga pare, nandyan na ang girlfriend ko." di ko gaya. Si Danson. Mga 1 week
lang ang limitation niya sa mga babae.

"Lupet mo talga, Andi!" hangang hangang sabi ni Albie. Ang pinaka bata sa grupo.
Ang torpe, pero matinik din sa chiks. Mahilig syan makipagfling. Pero dahil daw sa
friendship yun. Inshort, immature.

"Okay lang yun Albie. Balang araw, magiging ganto ka rin!" sabay patong ko ng kamay
sa balikat ni Albie at sabay alis naman ni Kevin ng kamay ko dito.

"Wag mo nga syang idamay, Andi. Magkaiba kayo ni Albie. Ikaw, playboy ka na simula
3rd year highschool ka pa lang."

"Hmf! Nagsalita naman ang gurang."

"Ano!!! >:D" akmang sasakalin ako ni Kevin. Nang..

"An..di?" napatigil kami. ???

"Wow ang ganda niya." bulong ni Kevin sakin. Hinigit higit pa ni Albie ang damit
ko. Tapos narinig ko na nag-'tsk tsk' si Darryl.

Umayos naman ako ng tayo.


Ang ganda kasi ng babae na nasa harap ko. Nakadress sya, pero I think this one is
better. Mukha syang inosente. 8)

"You are?"

"Chelsea." she offers me a shake hands. Oh. I can see a naugty smile. Tss.. akala
ko matino. Mukhang nagpapanggap lang pala.

"Kilala na kita simula highschool palang tayo. Pinapanood na kita. At talagang


napapahanga mo ako hanggang sa pinakamaliit na bagay." napapangiti ako ng wala sa
oras lalo na at naririnig ko pang umaahehm si Kevin.

"Matagal na kitang gusto, kaya naglakas loob ako na lumipat dito sa school at
hanapin ka. Andi, I really like you." hindi ko napansin na hindi pa pala kami
nagbibitiw ng mga kamay.

Pero ngayon, with her both hands, hawak niya ang kanang kamay ko lang. 8) Mukhang
natamaan talaga sakin ang isang to a.

Tumunog naman ang phone ni Darryl. Nagkatinginan kami ni Chelsea. "Time for my
class. See you, Chelsea." tumalikod ako at nagsmirk.

"Sige, bye Chelsea!" masayang nagpaalam si Albie.

Habang umaalis kami. Halatang halata ang isa na namang scandal.

Uulitin ko pa ba, kaming lima ang pinakapopular sa campus. At ako, I'm just the
most popular guy in town. Malalaman niyo kung bakit. 8)
Nagdito kami ngayon sa bahay ni Kevin. Siya ang pinakamayaman sa grupo. At si Albie
naman ay average lang. Dahil sunday. Naisipan namin na tumambay muna dito. Si
Danson, time out muna sa mga girls. Si Darryl, mamaya may date.

Ako. Mamaya susunduin si Sab sa mall. Pagkatapos ng mga duty namin, ako, si Kevin,
Danson at.. bawal pala si Albie. 16 pa sya. Punta kasi kaming bar.

"Bye girls." nagpaalam naman si Sab sa dalwa nyang kaklase. "Hello, Andi." bineso
niya ako. Mabilis ko naman syang hinatid sa bahay nila.

Di ko na naman siguro dapat sabihin na kami na diba? 8) Kasi obvious naman.

Pagkatapos ng konting oras na pagtambay sa bahay nila Sab. Agad naman ako bumalik
sa bahay nila Kevin. At Gigimik na kami.

"Wow, tol! At talagang pinagbake ka pa ni Sab ng cookies. Ambait!" sabi ni Kevin


habang kinakain ang cookies na binake ni Sab.

"Uy, Danson. Baka mabasag ang salamin sa kakaayos mo ng buhok mo." natawa lang
ako.

Nang mamaya maya.

BEEEEEPPPPPPPP!!!..

*******************************************
[7] Chapter 6
*******************************************
"Pasensya na!" sabay sabay kaming muntik ng mauntog sa sobrang lakas ng preno.

"Ouch." este. Nauntog na pala si Danson. "What the heck!?" sabay sabay kaming
napatingin sa una. At..

"Keli!!!" si Niko?

"Ano ba namang klaseng doctor yan!? Sandali, bababa--"

"Buhay sya, Niko!" pareparehas kaming natahimik nang makita nung ngumiti na yung
babae habang hawak hawak yung kuting.

Biglang may nagbeep. Siguro yung nasa likod namin. At nagkameron ng dahilan para
mapatingin samin yung babae.

Ang ganda niya.

"Ang ganda niya, tol."

"I like her."

Para syang anghel. :-[ Nagulat ako nang makita syang ngumiti. Sakin ba sya
nakatingin. :o
Kaya agad kong pinaandar ang kotse ko. Nang inakbayan na sya ni Niko. At
inalalayang tumawid ng kalsada.

"Ang ganda niya talaga. Sayang bf niya pala yung doctor."

"Malay mo hindi, at kung magkataon. Hahanapin ko sya at gagawing gf!"

"Ay gago!"

thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung mga ngiti at tingin ng
babaeng yun. Agh! Bakit ganito? Di naman kaya masyado akong naamazed sa
kagandahan-- NOO!~ dahil lang sa malakas na pagpreno to. Tama! 8)

Mabilis ko namang nakalimutan ang lahat pagkapunta namin sa bar. Siguro naging
hobby na namin ang palaging dumikit sa iba't ibang klase ng mga babae.

"Text text na lang." ngumiti naman ako kay Sab.

Kahahatid ko lang sa kanya dito sa dept. niya. Don't get me wrong, hindi special si
Sab sakin. Mabait lang talaga sya kaya magaan ang loob ko sa kanya. Pero hindi rin
naman sya ang una kong gf na ganyan sakin. At gaya ng nakagawian, hindi rin
magtatagal ang relasyon na'to.

Naglalaro ako ng phone ko ngayon.

"Andi, hindi ko maintindihan ang part na'to." tiningnan ko lang yung laptop niya.

"Ah yan ba, kasi ganto yan.."

"Andi." napatigil kaming parehas ni Albie.


"Oh. Hi, Chelsea." nagkawayan naman sila Albie at Chelsea. Ang mokong talagang to,
kung titingnan, mas flirt sya sakin e. Ang friendly kasi sa mga babae. >:(

"Bakit napadaan ka ata?" sabi ko. Medyo di ako interesado sa babaeng to, parang
pagpapanggap lang ang mga ginagawa niya. Kung gusto niya ako, ipakita niya ang
tunay nyang kulay.

"Let's date." nakangiti sya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

Karaniwan kasi, pagkakilala ko sa isang babae. Bundot na sila ng bundot sakin


meaning na kami na. Kaso hindi ako pwedeng magkagf sa iisang lugar. Si Chelsea at
Sab. Magkakaschool mate kaming tatlo. Lalo na, madami ng nakakakilala sa mga
pinaggagagawa ko. Ayokong lumaki lalo ang issue.

"Pag iisipan ko.

Tara na Albie." umalis naman kami dun.

"Bye, Chelsea!"

Alam ng lahat na playboy ako at walang matinong relationship. Chikboy. Manloloko.


Lahat na ata. Pero walang ni isa ang magtangkang kumalaban sakin dahil.. alam
siguro nila na mapakikinabangan din naman nila ako. Ang mga babae, manggagamit din
sila. Everyone is a user. At kung dumating yung taong handang kalabanin ako at
putulin ang kalokohan ko, matutuwa pa ako. Minsan kasi, bored na rin ako sa
ganitong buhay. Pero.. si Andi Rivas ako. Dyan nakilala si Andi Rivas. Hindi ko
pwedeng agad agad na baguhin ang image ko.
"Andi! Punta ka sa bahay, gusto kang mameet ng pinsan ko!" tumango ako.

"Andi, maya sa bar a!" I wink.

"Hi Andi!" sabi ng tatlong babaeng nakasalubong ko.

Papalabas na ako ng campus. Naghihintay narin kasi sakin si Sab.

"ANDI RIVAS!" napatigil naman ako sa tumawag sakin. Lilingon na sana ako.. bzzt.
Nagvibrate ang phone ko ???

Tumatawag si Sab.

"Hello Sab--"

"I REALLY LIKE YOU, ANDI!" :o nang may biglang yumakap sakin sa likod.

*******************************************
[8] Chapter 7
*******************************************
"I really like you, Andi." :o Shet!

Agad ko namang tinurn off ang phone ko at bumitaw sa babaeng yun.

"What the heck!?" ngiting ngiti naman sya. >:( Parang :-[

Agad ko naman nilagay ang cp ko sa bulsa ko. Pupunta na lang ako sa labas,
naghihintay na sakin si Sab baka pati namisunderstood niya.

"Andi." agh >:(

"Andi!" nagpatuloy tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan.

"Anthony Dee Rivas!!!" :o muntik na akong matapilok.

"Sh!t How did you know that!?" nakakagat labi sya habang ngiting ngiti. :-[ Ang
cute nya. Walang halong fake. She looked innocent.

"Diba sabi mo, hindi ka pumapatol sa mga pangit. Kaya heto. Nagpahair extension
ako. Inalis ko na yung malaking salamin. Tapos.. tapos.." ang mga ngiti nya. :-
[ "Nag-aral na din akong magsoot ng mga magagandang damit! Gustong gusto talaga
kita Andi!" ahehm.

"Ah!" nagulat naman ako ng bigla bigla na lang syang nasa harap ko at yakap yakap
na ako. Hindi ako makawala agad sa mga yakap niya. Masyadong mahigpit.
"Ano ba! Hindi kita kilala--" :o agad ko naman syang naitulak pagkakita ko sa
masasamang tingin ni Irene.

b-Bakit sya nandito?!

"Andi Rivas! Oo na, madami ka ng babae!" may ibinato sya sakin. Buti na lang
nasambot ko. "Hindi ko na pag aaksayahan ang oras ko para seryosohin mo ako!" tapos
bigla na lang syang tumakbo. ??? Ang lupet.

Pagkakita ko naman sa binato nya 8) Ang bracelet. Buti naman at naisipan pa nyang
ibalik to. Akala ko aangkinin nya na. Tss..

"Ang ganda naman nyan!" tumingin ako ng masama sa babaeng nagsalita.

"Hoy. Kahit na babae ka. Hindi kita papatulan, ayoko sa mga babaeng kagaya mo.
Parang..

parang.. wala kang kahihiyan. At lahat na lang handa mong ibigay para sa isang
lalaki. So low.." tatalikod na sana ako-

"Magsiping tayo para mapatunayan ko sayo!" :o


Agad ko syang hinarap.

"Baliw ka na talaga!" tapos tuluyan ko na syang iniwan.

Pagkalabas ko, muntik ko pang makalimutan ang tungkol kay Sabrina. Mabuti na lang
na sya na mismo ang lumapit sakin. At ngayong kaharap ko na si Sab. Dapat ko na
sigurong kalimutan ang babaeng yun. Hindi ko naman sya kilala.

"Uhm, Andi. Yung kanina sa phone."

Hayy.. narinig palang talaga ni Sab. "Oo. May mga babae na naman kasing umaaligid."
sinuntok nya ako ng mahina sa dibdib.

"Ikaw kasi, napakabait mong masyado sa mga babae. Masyado kang mapagbigay.." naging
malungkot si Sab.

Thump

Bakit ganito? Bakit.. parang ayoko ng nagkakaganyan sya? Ah!. Tama! Yung bracelet.

"Here. Wear this." napatingin sya.

"Ang ganda. :)" ang ganda talaga niya. Walang halong fake ang mga ngiti. Sincere.
At hindi basta kasiyahan lang. Romance.. I mean.

"Ah! Ikaw din, here."


Nakatingin lang ako sa kanya habang sinosoot niya sakin yung something na black sa
kamay ko. "It suits you." wow. Maganda nga. Ito ang first time na may babaeng
nagbigay sakin ng ganitong klase ng bracelet.

"Sabi kasi nila, bracelet resembles handcuffs. Kaya inaangkin mo yung isang tao."
wow. Alam niya yun. Haha. Yun nga ang reason ko kung bakit puro bracelet binibigay
ko sa mga nagiging gf ko. Kaso.. pareparehas naman sila ng bracelet. ::)

"I love you." hindi ako sumagot. I just kissed her.

Pag-uwi ko sa condo ko. Agad kong pinark ang kotse. Tapos papasok pa lang ako.

"Gusto ko rin ng bracelet para angkinin mo ako! :D"

*******************************************
[9] Chapter 8
*******************************************

"a-Anong ginagawa mo dito sa condo ko?" :o

"Sabi ko naman sayo diba, na gusto kita!" agad ko naman syang nilalayo.

"Alam ko masarap akong yakapin, pero wag mo naman sanang gawing hobby ." ngumiti
lang siya habang sinisigaw sigawan ko na siya ??? anong problema ng isang to? :o

At paano niya nalaman kung saan ang condo ko?


"Hoy! Stalker ba kita! Paano mo nalaman ang buo kong pangalan, at.. itong condo
ko!!" >:( Hindi ko alam na ganito na pala kalupit ang mga stalker sa panahong to.
Tsk.

"Matagal na kitang gusto. Simula nung highschool ka pa lang." nangilabot ako ng


hawakan niya ang kamay ko. "Matagal na kitang pinapanood. Hinahangaan. Malaki ang
nagawa mo sa buhay ko. Dahil sayo nasabi kong masayang mabuhay. Ikaw ang
inspiration ko, Andi. Matagal na kitang gustong malapitan, gustong gusto kita..
kaya naglakas loob akong harapin ka.

Andi, I really like you." Parang narinig ko na yung line na yun ah.

Nang biglang papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin.

"Tumigil ka nga!" nilayo ko siya at binawi ko agad ang kamay ko. Lumayo ako.
Nagpout naman siya. Kahit cute siya. Parang takot na takot ako sa kanya.

Kinikilabutan ako sa kanya. Sa mga sinasabi niya. Sa pagkagusto niya sakin. Sa mga
ginagawa niya. At sa pagiging stalker niya. Lahat ng tungkol sa kanya, ang ayoko sa
isang tao. Parang siyang baliw.. :o

"Narinig ko na yan." Bubuksan ko na sana ang pinto.

"Nagpaka effort ako para gumanda. Gumastos ako para sa contact lence, para sa buhok
ko. Sa mga damit na gusto mo. Nagresearch ako tungkol sayo. Palagi kitang
sinusundan, pinapanood." Thump.thump.thump. Anong pinagsasabi niya?

"Bakit sa lahat ng babae, ako ang ayaw mo?" hinarap ko siya :o


"B-bakit ka umiiyak!?"

"*sob* Gustong gusto kita, Andi. Please be my boyfriend. Kahit ano.. gagawin ko
para sayo." Bigla na lang. :o

Siyang nahimatay.

"Miss!!!"

Dinala ko agad siya sa loob ng bahay. Sa kwarto. Nataranta ako. Hindi ko alam ang
gagawin. Nicontact ko naman si Niko. Pero busy ang cellphone niya. Agh. Kaya
tumawag na lang ako ng ibang doctor.

Kahit sa pag-alis ng doctor, hindi parin siya nagigising. Hanggang sa di ko na


namalayan na.. nakatulog na pala ako.

At paggising ko.. wala na yung babaeng yun.

"Agh. Sana naman hindi ko na makita pa yung babaeng yun. Ayoko na talaga.
Nagkakameron lang ako ng problema pag nakikita ko siya. Agh."
"Sinong babae?" nabigla naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Si Chelsea.

"Ako.. ba yung babaeng ayaw mong Makita?"

"Hindi." Ngumiti naman siya.

" :) Akala ko ako!" hinawakan naman niya ang kamay ko. "Ah nga pala. Heto oh."
Binawi ko ang kamay ko at tiningnan yung binigay niya sakin?

"Isang ticket?"

"Hmm! Gusto ko sanang pumunta tayong dalwa. Binigay kasi yan sakin ng pinsan ko. At
ikaw ang gusto kong makasama. Please.." tiningnan ko muli yung ticket.

"ANDI!" napalingon naman kaming pareho. Si Sab.

"Pasensya na, pero hindi ako pwede e." ibinalik ko naman yung ticket at naglakad
palapit kay Sab.

"Maghihintay ako sa 7-eleven this 7pm. Maghihintay ako kahit na anong mangyari.
Maghihintay ako kahit na gaano katagal." Hindi na ako lumingon sa kanya. Kumaway na
lang ako kay Sab.

Pagkatapos ng klase ko. Eksakto namang nagkasabay sabay ang vacant namin nila
Albie, Kevi, Darryl at Danson. Kaya naman naglaro muna kami ng basketball. Medyo
napasarap ang paglalaro namin. Hindi na namin tuloy napansin ang oras. Tapos
nagkabiruan pa. Madaming foul na naganap. Kaya di sinasadyang magkasakitan. Pero
masaya naman. Pawisan pa kami. At ng matapos, 2 oras pala kaming nakapaglaro.
"Waa ang basang basa ako ng pawis!" sabay amoy ni Danson sa katawan. "Pero infernes
mas mabango pa ako kay Kevin!"

Nag-akmang sasakalin naman ni Kevin si Danson.

"Shower lang ako."

"Ako din. Punta lang akong locker."

"Ah sama na kami!"

Hinihipan ko naman ung gasgas sa siko ko. "E ikaw Dee?"

"Punta pa akong infirmary. Mukhang kailangan ko ng cure dito."

"Magshower ka muna." tumawa lang ako habang pinapanood silang umalis.

Inamoy ko naman ang sarili ko. Hindi naman mabaho. Pero, basang basa ako ng pawis.
Agh. Ang hapdi ng sugat ko. Makapunta na sa infirmary.

Habang naglalakad ako. Nakasalubong ko naman si Sab. Hingal na hingal sya.

"May nakakita sayong kaklase ko. Nagkasakitan daw kayo sa pagbabasketball." agh!
Ang mga babae talaga.

"Okay naman ako e." inis kong inagaw ang bulak at alcohol. Woah ang hapdi. Pero
nakakainis parin. Nag-aalala kasi sya ng wala sa oras-

"Hindi naman yun e. Ayoko lang naman na nasasaktan ka." hinawakan nya yung siko ko.
:-[ I can feel her sincerity.

"Sige na nga, ikaw na ang manggamot sakin." ngumiti naman ako. Ganon din naman sya.

Habang tinititigan ko si Sab. Hindi ko malimutan ang nangyari simula ng gabing yun.
Oo, I stayed at hotel with her. Sleep with the same bed with her. Pero walang
nangyari.. we just.. kissed. A long kiss. Kahit ganito ako, nirerespeto ko parin
ang mga babae sa part na yun.

*******************************************
[10] Chapter 9
*******************************************

"Here. Look at this. This is me, my parents and my little brother." sabi nya habang
ipinapakita sakin ang iba't ibang photo ng family niya sa photo album.

"Tama na yan. Heto na lang." sabi ko habang hinahawakan ang chin niya papalapit sa
mukha ko.

At hinalkan ko sya.

Pagkauwi ko, hindi ko alam kung bakit. Pero bigla na lang akong napatingin sa
orasan kahit na wala na naman akong gagawin. 8:05. Yan na ang oras. At bago ko
malimutan, kanina pang 7. Nagsimula na ba yung theater na dapat panonoorin ni
Chelsea? Pero.. Hihintayin ba nya talaga ako?

hayy.. baka naman. Nakaalis na yun. Wala naman sa mukha ng babaeng yun na
makakapaghintay sya ng isang oras. ::)Pero di ko akalain na dadaan parin ako sa
harap ng 7-eleven. Hindi naman papuntang 7-eleven ang papuntang bahay namin. Siguro
dahil nagbabakasakali na rin ako.

Naglakad lakad ako sa harap ng 7-eleven at hinanap ang babaeng yun. 8:30 na. 1 hr
at 30 mins.? Naghintay kaya talaga..-

"Ah." nagkatinginan kami. Teary eye na sya.

"Andi!" tumayo sya at tumingin sa mga mata ko. Tumungo tapos pinunasan ang mga luha
nyang nagbabadyang pumatak. "I knew it, alam kong pupunta ka. Alam kong naniniwala
ka sakin." ngumiti sya.

"Naghintay ka ba ng matagal?" umiling naman sya.


"No. Ayos lang ako. I'm used to it since highschool. Diba sinabi ko naman sayo.."
shet. Mukhang nahuhulog na ako sa mga patibong nya. Hindi ko na malaman kung fake o
real ba sya.

"Tara. Ihahatid na kita sa bahay--" pinigilan nya ang mga kamay kong hihigit sana
sa mga kamay niya.

"Please, magdate muna tayo." sa sobrang cute nya sa mga sandaling to. Wala naman
akong nagawa, kaya hindi narin ako nakatanggi.

Naglakad lakad kami. Masayang masaya naman sya. Ngumingiti na lang ako. "Hmm..
pwede ko bang hawakan ang kamay.." ako na mismo ang humawak sa kamay niya.

Nakakita naman kami ng catcher machine. Mukhang tuwang tuwa sya. Kaya naglaro ako
para makuha yung stuff toy na gusto nya. Hindi naman ganon kahirap kunin yun.

Bumili kami ng ice cream. Magkaiba kami ng flavour kaya nagsusubuan kami ng ice
cream. Masyado syang makulit. Pero sa tuwing tumatawa sya, napapangiti narin ako.

"Ang saya saya." sabi nya habang umiikot sa paglalakad. "Thanks, Andi." tumigil
sya. At lumapit sakin.

She kissed me on my cheeks.


"No, it's not enough." hinawakan ko ang braso nya at hinalkan sya sa mga labi nya.
Not a simple kiss. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nakahawak na sya sa leeg
ko.

*******************************************
[11] Chapter 10
*******************************************

"Andi."natigil ang pagtatawanan naming mga kaklase ko. Nang makita namin ang
tumawag sakin.

Si Sab.

Ngumiti lang ako.

"Can I talk to you?" tumayo naman ako. At nagpaalam sa mga kaklase ko.

Naglakad lakad lang kami hanggang sa makalayo sa bench.

"Hmm. Pwede ka ba mamayang gabi?" sabi niya sa kalagitnaan ng paglalakad.

"Siguro." tumigil sya at humarap sakin.

"Mamayang 8. Kita tayo sa bahay. Wala din kasing tao.. at.." biglang nagvibrate ang
cp ko. Nagtext pala si Chelsea.

"..at.. Bir--"

"Sige punta na lang ako. Mamaya na lang uli." iniwan ko na si Sab. Nagtext si
Chelsea. Magkita daw kami sa infirmary.Habang naglalakad naman ako. Nagulat naman
ako sa nakasalubong ko :o

Nakangiti na naman sya sakin. Ang babaeng to na naman. Pagkatapos nyang mahimatay
at mawala, magpapakita naman sya sakin. Tss. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad,
iiwasan ko sana. Nang..

"Anthony Dee!" niyakap nya na naman ako. Kaya tinulak ko sya. Medyo napalakas, buti
na lang at tumama sya sa pader at hindi sya napaupo.

Nagpout naman sya. :-[ Ang cute. Agh!

"Ikaw. Wag mo nga akong tawagin sa buo kong pangalan! At! At wag mo sabi akong
niyayakap!" aalis na sana uli ako.

"Pupunta kang infirmary?" lumingon ako sa kanya. Paano niya nalaman? >:(

"Pakealam mo! Tss..

stalker." bulong lang yung stalker. Aalis na uli sana ako..

blag.

"Yung babae!" napalingon naman ako sa bumagsak :o

"Hoy!!!" sabay takbo ko.


Tinapik tapik ko ang mukha niya. Hindi sya magising.

"Andi. Kasama mo ba sya? Dalhin mo na kaya sa infirmary." sabi ng babaeng ngiting


ngiti pa sakin. Pero di ko naman kilala.

Tumango na lang ako at binuhat yung babaeng yun. Sa infirmary room 2 ko dinala yung
babae. Dahil nasa room 1 si Chelsea. Badtrip nga e. Buti na lang hindi nagalit si
Chelsea. Imbes, aattend na lang daw sya ng klase.

"Aish!" sabi ko.

"Haha!" bigla na lang may sumabit sa leeg ko.

"Woy!" agad akong lumayo. Blank expression naman sya. >:( "Ikaw! Nakakainis ka na
a!" tiningnan ko naman sya. Ngumingiti na naman sya. "Magaling ka na ba?" tumango
sya.

"Hmm. Wag mo na kasing lapitan yung babaeng nakapink!" ??? Pink?

:o

"Hoy! Pati ba si Chelsea inistalk mo!?"

"Stalk? Hindi a! Kasi naman.. narinig ko silang nag-uusap. Pinag uusapan ka nila.."
ngumiti naman sya habang hinahawakan ang dibdib ko gamit ang hintuturo niya..
"Ayokong mapahamak ka Andi." tapos niyakap na naman niya ako.
"Agh!" nilayo ko naman sya habang hawak ang balikat niya. "Ikaw. Imbes na maging
chismosa ka sa mga taong nag uusap. E mag aral ka na lang, bakit ba nag aaksaya
kang mang stalk sakin!? Sa lahat ng ayoko, stalker! Kaya di kita magiging
girlfriend! Tss." lumabas naman ako ng infirmary at iniwan sya.

Ang babaeng yun talaga. Kapag dumadating sya sa moment, minamalas ako. Hindi ko
tuloy nakasama si Chelsea. Agh. Sa huli natukso parin ako, akala ko si Sab na muna.
Pero di rin ako nakapagpigil. Nagkagf ako sa parehong lugar. Baka mabisto ako nito.
Di pwede. Agh.

*******************************************
[12] Chapter 11
*******************************************

Buti na lang mas unang uuwi sakin si Sab. Muntik pa nga akong hindi makatakas e,
kasi ba naman. Hihintayin daw niya ako. Buti na lang sinabi ko na wag na, 1 hour pa
kasi sya maghihintay kung magkataon. Parang narin akong gentleman sa sinabi ko. 8)

Makikipagkita kasi ako kay Chelsea.

"Wazzup!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya at hinawakan ang mga kamay ko.

Manonood daw kami ng sine. Pero ang totoo naghalikan naman kami. Muntik ko pa ngang
malimutan ang salitang respeto sa sobrang galing niyang humalik.

"Goodnight. See you tomorrow." ngumiti naman ako.

Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko naman si Nicko. Nagsenyasan lang kami. Sinalubong


ko na din si Terry tapos pumunta kaming kwarto. Nahiga naman ako. Nang maalala ko
ang cellphone ko. 32 new message. Hindi ko na binasa. Yung kay Chelsea lang.
Nagpapasalamat sya. Tss.. mga babae talaga.

Bibitawan ko na sana ang cellphone ko nang makita ko ang 5 message ni Sab. Hindi ko
na binasa. Dinelete ko na lahat ng message.
Kinabukasan, maaga na naman akong pumasok. Pumunta akong infirmary. At nakita ko si
Chelsea. Good thing walang tao. 8)

"Andi, dito!" kumaway si Kevin. At lumapit ako.

Habang may pinapakita sakin si Kevin na iba't ibang number ng mga babae. Bigla
namang nagsalita si Darryl.

"Kahapon? Wala naman sigurong okasyon." agad ko namang kinuha yung mga number ng
mga bagong chiks na na kay Kevin.

Bigla namang tumunog ang cp ko. Pero nireject ko.

"Si Sab yun a?" sabi ni Darryl.

"Ah. Oo. Kanina pa nga sya tumatawag e. Mamaya pupuntahan ko sya." abala parin ako
sa pagkuha ng mga number ng mga bagong chiks. Tapos eksakto, may 3 new message.
Galing daw kina Marikris, Ella, at Julia. Haha. Galing talaga 8)

"Wuy! Birthday pala ni Sab kahapon." napatawa naman ako.

"Tingnan mo Kevin, gustong makipagkita sakin nitong Ella daw sa mall. Astig talaga.
Ang bilis. Tss.." tumawa kami ni Kevin. "Ah anung sabi mo Albie?"

"Birthday ni Sab kahapon. Kaya pala ang daming nagbibigay sa kanya ng gifts. Pero
wala syang tinanggap ni isa."

"Ahh." sabi ko lang.

"Bakit, wala ka bang alam Andi?" umiling ako. E wala naman talaga akong alam e.

"Pero sabi ni Sab sa mga kaklase namin na magkikita kayo ng 8." napatingin kami kay
Darryl. "..narinig ko." pahabol niya.
Napaisip naman ako. "Ah oo. Kaya pala. Kaso nakalimutan ko e. Masyado akong nadala
kay Chelsea. Naks pare, ang sarap niyang humalik. Expert nga e!" tumawa kami nila
Kevin at Albie.

"Pupuntahan mo ba si Sab?"

"Ah oo. Tara kain tayo." yaya ko naman sa kanilang tatlo.

Mamaya maya. Nagkahiwahiwalay na. Natapos ang dalwa kong klase. Vacant ng 30 mins.
Text-text lang ang ginawa ko. Tapos klase uli. Hanggang sa nalimutan ko na naman
ang tungkol kay Sab. Agh. Pinuntahan pa nga niya ako sa classroom pero nawalan din
kami ng oras. Hala. Hayaan na nga.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" may narinig akong familiar na boses.

"Wag mo na kasing ituloy." at isa pang familiar na boses.

"Wala kang pakealam!" napalakas yung boses nung isa. At may kumalampag pa.

Hanggang sa maalala ko, na kay Chelsea ang boses na yun.

*******************************************
[13] Chapter 12
*******************************************

"Chelsea?" tinawag ko sya nang bigla naman syang napaupo.

"Aray!" agad naman akong lumapit kay Chelsea.


"Chelsea! Okay ka lang!" hawak niya ang paa niya.

"Ikaw pala, Andi. Kasi..

kasi yang babaeng yan!" tinuro niya yung babae sa harap namin. :o Nagulat naman ako
nang muli syang makita. >:( Nandito na naman sya sa school ko.

Inalalayan ko naman sya sa pagtayo.

"Andi.." sabi niya ng malumanay.

"Iwan na natin sya Andi." hinigit ni Chelsea ang kamay ko. Pero.. hinigit din ng
babaeng yun ang damit ko.

Napatigil ako.

"Wag. Wag kang sumama sa kanya, may masama syang binabalak sayo." ??? Di ko talaga
sya maintindihan.

"Tinulak mo na nga ako, tapos ako pa ang may masamang ginagawa!" umiling lang yung
babaeng yun. Hindi ko sya mabasa. "Let's go." nagulat naman ako ng higitin niya ang
bag ni Chelsea.

"Anu ba!!!" napahiyaw si Chelsea sa sobrang galit. At pati ako naiinis na.

Kaya tinulak ko sya. "Bakit ka ba nanggugulo!? Tigilan mo na nga ang kasusunod


sakin!" hindi ako naiinis dahil ginaganito niya si Chelsea. Naiinis ako dahil
palagi na niya akong ginugulo at pati na ang mga ginagawa ko.Tutulungan ko na
sanang limutin ang mga gamit ni Chelsea pero agad niyang nalimot lahat. Kaasar
talaga yung stranger na yun.
Pumunta kami sa pinakamalapit na cafe at dun nag usap. Nagsori sya.

"Sabi mo sinusundan ka niya? Hayy.. kaya siguro niya ako sinisiraan sayo. Gusto ka
niya no." malungkot ang mukha ni Chelsea.

"Don't worry. Hindi ko siya type." tumingin sakin si Chelsea.

"Hindi ko naman hinihiling na wag mo silang patulan. Alam kong mabait ka talaga sa
mga babae. Pero.. nagiging makasarili na ako Andi. Gusto ko kasi na sa akin ka
lang." nagkatitigan kami. Hanggang sa halikan niya ako.

Mamaya maya. Uwian na. Nakasalubong ko naman si Darryl.

"Umiiyak si Sab. Puntahan mo sya." yan lang ang sinabi niya tapos umalis na agad
sya.

Dahil utos ng kaibigan, wala din akong nagawa. Kahit na tinatamad din ako. At gaya
nga ng sinabi ni Darryl, umiiyak si Sab. Lumapit ako sa kanya at nag-offer ng
panyo. Napatingin naman sya sakin at tinanggap yun. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit?"

"Huh?"

"Ano bang totoo, yung rumor na di ka makuntento sa isang gf o..

talagang nice ka talaga sa lahat ng babae kaya lahat pinapatulan mo. *sob*" sabi
niya habang umiiyak. Hindi na ako nagulat. Alam ko ang lahat ng yun.
"Sige alis na ako."

"Pero kahit ganon, gusto talaga kita Andi." napatigil ako.

"No. Let's just break up, Sab." agad syang tumayo at tumakbo papunta sakin.

"Unfair mo naman eh! Bakit kung kelan mahal na mahal na kita?! *sob*" inilayo ko
sya habang hawak ang mga balikat niya.

"Masyado ka ng seryoso. Sab, hindi mo pa ako masyadong kilala. Ayoko ng masaktan


ka." tatalikod na sana ako.

"NOO!~ You know that I can't let this happen! You know that I like you. I really
love you, Andi." naramdaman ko naman na nababasa na ng mga luha niya ang damit ko.
Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.

"Sab..rina.."

"*sob* hmm.. Ayoko Andi! Please don't leave me! Kahit makita ko pa kayong
naghahalikan ni Chelsea, okay na sakin. Just don't break up with me." so nakita nga
niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Ang init niya. Eto ang ayoko sa break up e. Ang
makitang umiiyak ang mga inosenteng babae na nabihag ko. Agh..
Mamaya maya, tumahan naman din si Sab. Hindi ko na sya nagawang ihatid dahil sa isa
pang bagay. Parang nakita ko si Niko dito sa school. Kaya sinundan ko sya. Kaso
bigla syang nawala. Kaya naisipan kong umuwi-

"Ah." bigla akong napatigil.

Isang picture. Pagkakita ko sa picture na yun, isa lang ang pumasok sa isipan ko.
'..may masama syang binabalak sayo.'

*******************************************
[14] Chapter 13
*******************************************

Umuwi ako sa bahay. At nadatnan ko naman na nandun si Niko. Taka syang nakatingin
sakin. Di ko napansin, inaabot na ako ni Terry.

"May problema?" umupo ako para abutin c Terry.

"Pumunta ka ba sa school kanina?" umiling sya.

"Sa tingin mo, ang itsurang to pupunta sa school ninyo." nagsmirk lang sya. "Bakit
dito ka nga pala dumiretso?"

Lumapit ako sa kanya. "May nangyari kasi, mukha naisahan ako ng isa sa mga gf's
ko." nagreact naman si Niko. Pero di ko magets yung reaction niya.

"So.. bakit daw?"

"Hindi pa ako sigurado. Sige. Tulog na ako."


Agad akong nahiga sa kwarto ko. Tiningnan kong muli yung picture. Picture namin ni
Chelsea habang naghahalikan. Pero bakit? Bakit kailangan pa niyang kunan ang mga
ganitong bagay? Hindi naman siguro dahil gusto niyang mabisto ako sa harap ng
madaming tao.

Kung ganon nga..

hindi ko pala sya dapat pagkatiwalaan.

Kinabukasan, at dahil alam ko kung saan kami nagtatagpo ni Chelsea.

"Salamat nga pala, Andi. Heto oh, ginawan kita ng cookies."

"Thanks. So kita na lang tayo uli." hinalkan ko sa cheeks yung hs student na yun.
At gaya ng inaasahan ko. Makakasalubong ko si Chelsea.

"Sino yun?" inakbayan ko sya.

"Wala." nakikita ko naman ang naiinis nyang reaction.

"Hi, Sea! Hello, Dyn." bati ko naman dun sa dalwang hs student din na palagi akong
chinachat sa fb. At eksaktong dating ni Chelsea dala ang mga orders namin.

"Masyado ka naman atang friendly ngayon." ngumiti lang ako ng pinakapeke kong
matatamis na ngiti.

Sa lahat ng ayaw ako, yung mga taong gagaguhin na nga lang ako, hindi pa marunong
mag-ingat.
"Shet talaga." may nasagi naman ako.

"I'm sorry." at nung magtama ang tingin namin. Bigla syang namula. I bet, alam ko
na ang tawag dito.

Napansin ko naman ang maya't mayang tingin ni Chelsea sakin. Text kasi ako ng text.
At katext ko yung babaeng nakabangga ko lang kanina. Sinusubukan parin niyang
manahimik. Agh. Dapat mapaamin ko na agad ang babaeng to.

"Tss." sabi ko habang hinihintay magcr si chelsea. Naiinis na talaga kasi ako.

"Uhm. Hi." may dalwang babae na lumapit sakin.

Ngumiti ako.

Nalaman ko naman ang pangalan nila. Gianne daw at Isa. Tapos nag exchange kami ng
mga numbers. Maya maya dumating na rin si Chelsea.

"Mukhang ang dami mo naman atang nakakahalubilong mga babae?" sabi niya habang
naglalakad. Inakbayan ko naman sya.

"Okay lang yun." bigla naman niyang hinili ang colar ko. Papalapit ng papalapit sa
mukha niya-- Pumikit ako..

"STOP!!!"
*******************************************
[15] Chapter 14
*******************************************

"Sab." sabi ko. Lumayo naman ako kay Chelsea.

"Stop all of this. Ang sakit sakit na, Andi.." umiiyak sya. Bakit naman kasi
nandito sya?

Tumingin ako kay Chelsea. Sigurado ako na may kinalaman sya. Biglang tumakbo si
Sab. Sinundan ko naman sya. At hinayaan lang ako ni Chelsea. Tama ako, sya ang may
pakana nito. Matalino talaga sya.

"Sab! Open this!" sigaw ko sa labas ng kotse niya. Pero agad din naman nyang
napatakbo ang kotse.

Kaya agad akong pumunta sa kotse ko at sinundan sya. Kaso, agad din naman syang
nawala sa paningin ko. Kaya pumunta na lang ako sa bahay nila.

Pagdating ko dun, bukas ang gate at ang pinto. Agad akong pumasok. Sinarado ko ang
gate. Sa bahay nila. Pero wala sya sa salas. Pumunta akong kwarto. Lock?

"Sab! Sab! Nandito na ako! Sab, si Andi to! Buksan mo to! Sabrina!"

"Bakit Andi!" bigla akong natahimik. Naririnig ko ang pag-iyak ni Sab.

"Hindi mo ba ako kayang mahalin? Hindi ba pwedeng sakin mo na lang gawin ang mga
ginagawa mo kay Chelsea." naramdaman ko naman na nasa may pinto na sya.
"Just open this door." sabi ko ng mahinahon.

Narinig ko naman ang pagpigil niya sa pag iyak.

"Sab.." unti unti niyang binuksan ang pinto.

Umiiyak talaga sya. Pero maganda parin sya.

Nagulat naman ako ng higitin niya bigla ang collar ko at halikan ako. :o Hindi agad
ako nakagalaw sa mga halik niya. Pero nung maramdaman ko na mali yung ginagawa
niya, agad ko syang nilayo.

"*sob* Just let me do this Andi." lumapit uli sya.

"No!" nilayo ko naman sya.

Tapos bigla syang umiyak. "Diba sinabi ko na sayo. Break na tayo. Itigil mo na'to
Sab. Alam ko sa simula palang alam mo na na hindi ako nagseseryoso. Pero bakit
hinayaan mong mahulog ang sarili mo sakin.

Hindi ako ang may kasalanan. Sab, be okay. Kalimutan mo na lahat."


Sa pag-alis ko, narinig ko pa na umiyak talaga sya. Nasaktan ko talaga si Sab.

*******************************************
[16] Chapter 15
*******************************************

"Hindi ka ba nagsasawa dyan sa pinaggagagawa mo, Andi?" natigil kami nila Kevin sa
paglalaro ng psp.

"Naglalaro lang ng tekken, minasama mo pa!" nagpatuloy na uli kami.

"Wag kang mag-alala, Daryl. Papasok tong si Andi. Hindi pwedeng hindi!" sabat pa ni
Kevin.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Yung tungkol sa pambababae mo."

"Waaaa! Talo ako! Nasaan ba si Danson?" inabot ko naman kay Albie ang psp. "Yung
tungkol dun. Diba napag-usapan na natin ang tungkol dito,Daryl." ngumiti ako.

"Ah Andi, si Danson, umattend sya ng klase gawa nung bagong chiks." tinaasan ako ng
kilay ni Albie. Tumawa naman ako. Si Danson talaga.

"Si Sab. Hindi daw sya pumasok." bigla ko namang naalala ang mga nangyari.

"Sige. Alis na ako. Maya na lang uli." iniwasan ko ang sinabi ni Daryl. Kasi naman,
tuwing naaalala ko si Sab. Naaalala ko yung mahinang ako dati.
Ang pag-ibig, oras na seryosohin mo. Masasaktan ka lang.

Naglakad lakad ako. Hindi na ako umattend ng klase. Mamaya maya. May narinig akong
nag-aaway dun sa room na medyo malapit sakin. May kumalampag. Lalapit na sana ako
ng may dalwang babae na lumabas ???

"Ah. a-Andi!!" sabay nilang sabi. Nakita ko pang nilock nung isa yung pinto. Under
construction pa yung room a.

"Anong meron?"

"w-Wala! May nag-utos lang samin na gumawa ng maliit na pabor.

Tara kumain naman tayo!" lumink sila sa magkabilang braso ko.

Kahit nacurious ako kung ano ba talagang meron. Wala din akong nagawa dahil sa
kapit nung isa. Lumalapat na yung braso ko sa dibdib niya ng hindi man lang niya
napapansin.

Kumain nga kami sa canteen. Sagot nila ang pagkain ko. At masaya din naman silang
kasama. Mga Junior narin pala silang kagaya ko, at parehas silang BSBA ang course.
Tawa ako ng tawa sa kwento nila. Hanggang sa 2 klase na pala ang hindi ko
naattendan.

"Tss. Ibang klase." sabi ko habang tinitingnan ang number nung dalwang yun.
Kasalukuyang papunta ako sa klase ko. Nang mapansin ko, na may sugat pala ako. ???

Pumunta akong infirmary. Pagtingin ko dun sa salamin ng pinto, nakita kong may
babae. May kausap sa phone. Aalis na sana ako dahil ayokong makaabala-- pero.. nung
balikan ko at tingnan kung sino ang babaeng yun.
"Chelsea?"

Binuksan ko ang pinto ng konti lang, para.. marinig ang mga pinag uusapan nila.

"Oo. Buti na lang talaga ligtas itong flash drive ko. Kundi, mawawalan ako ng
evidence." tumawa naman sya. "Baliw kasi talaga ang babaeng yun. Alam mo yun, kahit
sinabi ko na kung gaano kasama ang Andi Rivas na yun, sinira parin niya ang laptop
ko!" tungkol sakin >:( Sinabi na e, may masama syang binabalak sakin.

"Kailangang makita ng lahat ang mga video ng Andi na yun with different girls.
Hindi naman talaga sya friendly at playboy lang. He's a USER! A fake! Dapat sa
kanya, sinisira. " sa sobra kong inis. Pumasok na ako sa loob.

"No way! Simula ng magbago sya at manggamit ng mga babae, hindi ko na sya
nagustuhan. Nandidiri ako sa kanya! Masyado syang FAKE-- Ah!"

"E ano naman." agad naman syang lumingon. Gulat na gulat at nanginginig pa.

"Andi.."

*******************************************
[17] Chapter 16
*******************************************

"Gaano mo ako kakilala Chelsea." nagbago agad ang reaction niya. This time, galit
na sya.

"Gimme back that!" sinubukan niyang kunin ang flash drive. Pero lumapit ako sa
mukha niya.
"Sino ka ba talaga Chelsea?" tinulak niya ako.

"Syempre, hindi mo ako kilala! Dahil kahit na kelan! Hindi nag eexist sa mundo mo
ang kagaya ko!" ano? Wala akong nagets.

"You don't need to understand that. 3 years ago pa yun. At wala na akong pakealam.
I just want a REVENGE, Anthony Dee Rivas!!!" galit na galit sya. "Nagtataka ako,
bakit kahit ganyan ka. May mga nagmamahal parin sayo..

lalo na ang babaeng yun." ??? Ano ba talagang pinagsasabi niya.

"Gusto na kitang siraan Andi. Para malaman ng lahat na isa kang GEEK, WEIRD AT
LOOSER NOON. Na pangit ka rin, gaya ng mga babaeng ayaw mo.

Pero bakit ganon, bakit kahit nireject mo na ang babaeng yun. Nagpaganda parin sya
para sayo. Minamahal ka parin niya kahit alam niya Fake at User ka. At sinasabi
parin niya sakin na 'gusto ka parin niyang maging boyfriend'. That damn girl, dapat
syang mawala! Sinira niya ang mga plano ko!" tinapon niya ang phone niya.

At..

"Chelsea.. Yung babae na sinasabi mo.."

"Naikulong na namin. Paniguradong di na yun makakahinga..." nagkatinginan kami.

"What are you? You can't kill someone with that trick." agad naman akong tumakbo.
"Wait. Andi!"

"Wala akong pakealam kung masira ako, handa na ako dun noon pa. Ang ayoko lang,
yung ginagago na ako, tapos malalaman ko pa. Pwede sa susunod Chelsea, galingan
galingan mo naman ang paghihiganti sakin." iniwan ko na sya pagkasabi ko nun.

Agad akong sumakay ng elevator at pumunta sa kaninang room. At pagdating ko doon,


saka ko lang natanto na lock nga pala..

Masyado akong nataranta.

"a-Andi!" agad naman akong lumingon. Sila!

"a-Anong ginagawa--" agad akong lumapit sa kanya.

"Ibigay mo sakin ang susi." agad naman niyang binigay.

Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko inexpect na siya nga yung babaeng tinutukoy ni


Chelsea. Nilapitan ko sya. Wala syang malay. Tinapik tapik ko ang mukha niya pero
hindi sya magising. Kaya binuhat ko na sya. Sinamaan ko pa ng tingin yung dalwa.

Agad ko namang dinala sa infirmary yung babae. Kaso pagdating namin, nagkataon na
wala pang nurse.

"Tumawag kayo ng nurse!!" agad naman silang tumakbo.

Nang..
"Please.. Ilayo mo ako dito.." hawak niya ang damit ko.

*******************************************
[18] Chapter 17
*******************************************

Nahihirapan syang magsalita. Mukhang kahit na anong oras bibigay na agad sya. Dapat
tatawag na ako ng doctor-

"..ilayo mo ako dito.. please." may tumulong luha sa mga mata niya.

BLAG

Nagkatinginan kami.
"Keli!!!" tinulak niya ako at binuhat niya yung babae.

"Sandali, ano sa tingin mo ang ginagawa--" tiningnan niya ako. Mga tingin na parang
sinasabing wag akong mangialam. Kaya nanghina ako. Nawalan ng karapatan.

Masyado akong nadala sa mga tingin ng lalaking yun. Hindi naman maangas ang dating
niya. Pero.. parang takot na takot ako. Parang.. kilala ko ang mga tingin na yun.
Tama. Nakita ko na ang mga tingin na yun ng isang beses.

Sino sya???

Mamaya maya dumating yung nurse. Hinayaan ko naman na yung dalwa na ang
magpaliwanag.

Hindi ko alam kung bakit. Pero sa bahay ako dumiretso.

"arf.arf!" lumapit sakin si Terry at inabot abot ako. Agad kong hinanap si Niko-

"Oh pinsan. Nandito ka na agad?" tiningnan ko sya sa ulo hanggang paa.

"Niko. Diba malabo ang mata mo? Diba ayaw na ayaw mong nagsosoot ng contact lense?
Di ka naman marunong pumorma diba? At lalong lalo na..-" bigla niyang pinat ang
balikat ko.

"Ano bang nangyayari sayo pinsan? Diba nung minsang sinubukan mong baguhin ang
pagkatao ko, hindi ba sumuko ka rin? Nerd ako. A geek. Baduy. Weirdo. Pero..
Matalino ako. Hindi ako magiging kagaya mo. Hindi ko kaya. At mas comfortable ako
sa ganito. Kaya..
Are you contented?" speechless parin ako. Hanggang sa may tumunog na ilaw sa utak
ko. Naalala ko na lahat.

"Yah. Yah. Yah. The nerd. Haha." sabi ko habang hinahaplos haplos si Terry.

Natatawa parin ako. Bakit ko naisip na si Niko yung lalaki kanina? Porke ba parehas
silang makatingin noon. Sandali, isang beses lang naman nangyari kay Niko yun. Ang
weird talaga minsan ng stinct ko.

"Sige labas muna ako." itinali ko naman si Terry.

At pagkalabas ko ng gate..

"Anthony Dee!!!" napalingon naman ako. :o

"b-Bakit nandito ka!? Paano mo nalaman ang bahay ko!?" at gaya parin ng dati.
Ngumingiti parin sya ng masaya na parang walang naririnig ?

*******************************************
[19] Chapter 18
*******************************************
"p-Paano mo nalaman ang bahay ko?" ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung
papalapit siya.

"Salamat sa pagligtas sakin kanina." Naalala ko na naman ang nangyari .


"Pati ba naman pangingialam sa buhay ko, ginagawa mo." Inayos ko naman si Terry.
Ang likot niya kasi. :o Nagulat na lang ako ng biglang lumapit si Terry sa babaeng
yun. "Hoy! Lumayo ka! Kundi kakagatin-" pinagmasdan ko naman silang dalwa. Si
Terry, bigla siyang nagbehave.

Pero.. ayaw niya sa mga babae?

"Ahh namiss kita!" niyakap niya si Terry. Kaya agad akong lumapit sa kanila at
tinulak siya.

"Arf. Arf." Medyo napalakas ata ang pagkakatulak ko sa kanya. Napaupo kasi siya,

"Pati ba naman ang aso ko, yayakapin mo din ng walang permiso!" aalis na sana ako.
"Salamat nga pala. Kung hindi dahil sayo-"

"Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat!" tiningnan ko siya. Nakahanda ang mga palad
niya animo'y may hinihingi.

"May condition ako, please."

"Ano ka ba talaga!?" napasigaw ako sa sobrang inis.

"Be my boyfriend in 30 days. I'm asking you, just only for 30 days. Andi, I need
you." Nagtiteary eyes na siya,. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. :(

"30 Days!? Ano ako hilo!!!?" tumalikod naman ako at naglakad palayo. Kapal kasi
talaga, at siya pa itong may ganang mamili ng araw. Paano kung magsawa ako! Kapal..
grr~

"30 days lang ang hinihingi ko. Andi, please.. nauubos na ang araw ko." Narinig ko
pa na mas lalo siyang naiyak.

Kahit pa ang likot likot ni Terry, pinilit ko pa rin siyang hilahin. Thump..
thump.. Agh! Nakokonsensya ang puso ko. Pero bakit naman kasi may mga ganong tao.
Kailangan pa ba talagang magmakaawa sila para mahalin din sila ng ibang tao? Diba..
ang pag-ibig dumadating sa tamang araw. Pero.. bakit ako!? At first, ayoko ng
relationship. Lalo na if it takes more than 2 weeks..
"ARF! ARF!" nabitawan ko naman si Terry.

"TER-" (0.O ) Yung babae!!!

BEEEEEPP!!!

"Ah!" agad akong tumakbo at.. hinila siya! Kaya napayakap na ako sa kanya at
parehas kaming napahiga sa sahig.

"Arf! Arf!"

"Aray.."

"a-Andi.." pagmulat ko ng mata ko.

"WAAA~" ngumiti lang siya. :|

Agh! Bakit nasa ibabaw ko ang babaeng ito!?

"Umalis ka nga dyan!" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Sabihin mo muna na boyfriend na kita!" agh! Na naman! >:( "Sige na Andi. Sige
na.." papalapit siya ng papalapit sa mukha ko.. :o
"OO NA! BOYFRIEND MO NA AKO!!!" ewan ko ba! Pero bigla siyang namula at tumawa. Ang
saya saya niyang tingnan.. (//.T )

"Yehey!" agh.. kailan pa ako natakot mahalikan ng babae?

Nung gabing yun, hindi talaga ako nakatulog. Buong gabi ako nakadilat na para bang
hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Lahat ng yun, first time kong
maramdaman.First time na nangyari. Parang natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Nagkagirlfriend ako ng isang stalker..

"Aray.. ang sakit ng ulo ko." Pinukpok pukpok ko pa yung ulo ko.

"Ano ba talagang nangyari?"

"Mahabang storya. Tinatamad tuloy akong umattend ng klase." Yawn..

"Andi.." tumingin ako kay Darryl at sa tinitingnan niya.

Si Sab?

Pumunta kami ni Sab sa lugar na pwedeng kami lang dalawa yung tao. Agad din naman
siyang nagsalita pagkatapos.

"I just want to give it back to you." Yung bracelet. Agad ko namang kinuha at
nilagay sa bulsa ko.

Aalis na sana ako.

"Andi.. can you do me a favor?" tiningnan ko naman siya.


"Sab, kahit na kelan hindi ka naging special sakin. Don't ask me a favor as if I
treated you as one." Umalis na ako at narinig ko pa siyang umiyak. :(

Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko. Ayoko naman talagang gawin 'to
sa kanya. Ayokong makasakit. Pero masyado na akong nasanay. Nagsasawa din ako, pero
wala akong magawa. Ito ang Andi na nakilala ng lahat.. :(

"Bad!" may nagpoke sa pisngi ko.

Hayy.. nandito na naman siya.

"Ikaw ba ay walang pasok? O lagi ka lang nagkacutting para sakin?" may bigla siyang
inabot.

"Hindi ako nag-aaral." At pagtingin ko sa inabot niya.. ?? Isang lunchbox.

"At talagang tinamad ka ng mag-aral para sakin-"

"Andi, please ask me to be your official girlfriend. Gusto kong maging memorable
ang mga araw ko na kasama ka. It's only for.. 30 days." Ayy! Kaya pala nagbigay ng
lunchbox >:(

Bigla namang tumunog yung bell.

"Nakuu time na. sige na paalam." Tumalikod naman ako para umalis.

Kaso pilit na tinutulak ng puso ko naintindihin ang mga kahilingan niya. Bakit
ganon.. sa tuwing nirereject ko siya.. bumibigat yung pakiramdam ko..

"Pag-iisipan ko!" tumigil ako but still nakatalikod parin sa kanya. " This is the
first day of 30 days contract. Girlfriend?" nilingon ko siya with blank
expression. Napansin ko pa ang pamumula ng mga pisngi niya. Kaya umalis din ako..
Habang kinakain ko yung home made lunch box na binigay niya, na aaminin ko ay
masarap, sobrang sarap talaga. Pero hindi pa rin ako mapakali.. agh! Ang babaeng
yun sakit sa ulo talaga! Di man lang ngumiti nung tawagin ko siyang girlfriend!
Magpasalamat nga siya na pumatol ako sa kanya kahit hindi ko naman talaga siya
type.! PSH!

Di naman kaya.. gusto niya talaga na magpropose ako sa kanya?? Agh!! Sumosobra
naman na ata siya! >:(

"Hoy Andi! Kung ayaw mo ng kainin yan. Ibigay mo na lang sakin! Mukhang masarap e.
Galing sa isa sa mga chiks mo na naman?" aakmang kunin naman ni Kevin ang lunch ko.

"Tumigil ka nga!" sumubo uli ako.

"Ano bang problema, Andi?" tanong naman sakin ni Albie.

"May bago akong girlfriend. Pero masyadong paplease. Mas good girl pa kay Sab!"
inakbayan naman ako ni Kevin.

"Just do what you always do. Just play and have fun." Sabi niya sabay subo ng beef
sa lunch ko. Gago! Haha

Kaya naman may naisip na ako. Tama si Kevin. Yung bracelet. Lahat naman ng babae
natutuwa pagnakakatanggap ng regalo.

"Dumating ka Andi!!" nakangiti siya.

Lumapit ako sa kanya at nag-'I love you' sa mga tenga niya. Medyo nashock siya.

"Can you be my girlfriend?" kinuha ko ang kamay niya at sinoot dito yung bracelet.

Matagal siyang sumagot. Kahit ganon sumagot pa rin siya gaya ng inaasahan ko.
"Yes.. Andi." THUMP! Narinig ko naman yung hearbeat ko. I see.. she faked it.
Mas lalo namang nasaktan yung puso ko nung makita ang mga luhang pumapatak sa mga
mata niya.

Agh hindi ko na talaga alam ang gagawin sa babaeng ito.. :((

*******************************************
[20] Chapter 19
*******************************************
Hindi na naman ako makatulog. Bumangon ako sa kama at tiningnan ang mga messages sa
cellphone ko. Rereplayan ko sana pero.. nawalan na naman ako ng gana.

Humiga ulit ako at pumikit. Pero yung mga mukhang yun na naman ang nakikita ko.
Agad naman akong bumangon. Agh! Hindi ko talaga maintindihan yung babaeng yun.
Umiyak siya kahit ginawa ko naman yung gusto niya. Masaya ba siya!? Pero bakit
bigla bigla na lang siyang umaalis! Agggh! Kapal talaga! >:(

Day 2:

Maaga ang uwian namin ngayon kaya pagkadismissal namin, hindi ko tuloy alam kung
saan ako pupunta. Tinatamad naman akong sumama sa mga nagtetext sakin. Ang dami
kong pwedeng puntahan pero tamad na tamad talaga ako.. sigh.

"Hi Andi!" may lumapit sakin. "Diba wala ka ng klase? Gusto mo bang.." hindi ko
siya pinakikinggan. Basta tingin lang ako ng tingin sa paligid.. at-

"ah Andi?" pumunta naman ako dun.

"Uhm ano kasi.. may hinihintay ako."

"Sige na bigay mo na ang phone number mo!" may nakita akong dalwang lalaking
kinukulit naman yung babaeng yun.

"Anong nangyayari?" sabi ko naman pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila. Napatingin


naman sila sakin. Pati siya..

"a-Andi Rivas!? Tss." Umalis din naman agad sila.

Tiningnan ko siya.

"Nandito ka na naman." Ngumiti siya. Mas maganda talaga siya pag ngumingiti.

"Dismissal niyo na diba? Gusto ko sanang sumama sayo." Ngumiti siya at nagpeace
sign. "Be close to your boyfriend." Kinagat niya ang labi niya habang ngumingiti.

"Psh. Wala ako sa mood makipagdate-"

"Hindi naman date e. sasama lang ako sayo." Tumingin ako sa kanya.

"E kung sabihin ko sayo na gusto kong matulog-" nagulat naman ako nang bigla siyang
lumapit sakin at lumink sa braso ko.

Hinila naman na niya ako. At pumunta kami sa pinakamalapit na fast food chain.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo kaming parehas. Ngiting ngiti siya na
parang wala ng bukas. Ang saya niyang tingnan. :||

"Waah." Kagat kagat niya hintuturo niya habang ngumingiti at tumitingin sa mga
pagkain. Parang bata!

"Here's your order ma'am."

"Wah ang sarap ng fries! Kumain ka Andi!" kumuha naman ako ng burger at kumagat. ??
Ang dami niyang inorder. Mukhang gutom na gutom siya a.

"Heto oh juice!" inabot ko naman sa kanya.

"Ihihm. Pasensya na a. hindi kasi ako nakakain. Nagmadali ako para makita ka."
Ngumiti siya sabay subo ng pasta.

"Heto oh."inabot niya sakin yung tinidor niyang may nakapalupot na pasta. Gusto
niya sigurong kainin ko yun >:( Pero in the end.. kinain ko pa rin.

Pagkatapos naming kumain dun. Naglakad lakad kami. Yung mga ginawa namin, nagawa ko
na rin sa iba sa mga naging girlfriends ko kaya natural na sakin yun. Pero
pinagtataka ko.. parang natural lang din sa kanya ang lahat. Kung anong
pagkakakilala ko sa kanya, siya pa rin yun hanggang ngayon. Ang masayahin nya na-
Sandali!

"Hoy babae wala ka bang balak magpakilala sakin!"

Biglang siyang tumigil at humarap sakin. Nakangiti sya.

"Keli ang pangalan ko." wala akong nireact.

Naglakad lang ako at sinundan sya. Lakad lang sya ng lakad. Mukha naman syang nag
eenjoy. Tinitigan ko sya sa likod. Ang laki nga ng pinagbago niya. Ulo hanggang
paa. Dati rati iba pa sya manamit. Yung tipong aayawan mo agad. Tapos yung buhok
niya na maikli, pinahaba niya. Nagbago siya dahil sabi ko ayoko sa mga pangit. Pero
hindi naman talaga niya kailangang magbago. Nagtataka ako kung bakit pinili parin
niya akong maging boyfriend kahit alam niyang manloloko ako at walang sineseryoso.

..pinili parin niya ako kahit alam naman niya ang masasama kong gawain.

"Andi, dito tayo!" hinila niya ang kamay ko. Medyo dumadami narin ang mga taong
sumasakay sa mrt.

Napatingin ako sa kanya, hindi naman siya ganong kalapit sakin. Hanggang sa nadala
na siya ng ibang tao papalayo sakin. Nung una nagwalang pake ako. Pero nung
napatingin ako sa kanya.. ??? Takot na takot ang expression ng mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nakipagsiksikan at lumapit sa
kanya. Hinila ko pa sya papalapit sakin. :-[ Kinabahan ako sa ginawa ko, dahil
masyado syang nakatitig sakin. Titig na titig sya habang namumula mula ang pisngi
niya. Ang cute niya. Di tuloy ako makatingin sa kanya.
"Ahehm. Baka matunaw ako." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. :-[

nang...

"Uy! Anu ba! Madaming tao di--"

"So close talaga Andi!" ngiting ngiti sya. :-[

Nang maalala ko na sobrang sikip pala. Kaya wala ding nakapansing nakayakap si Keli
sakin.

*******************************************
[21] Chapter 20
*******************************************
Day 3

103 new messages

Dinelete ko lahat yun. Nang bigla kong maalala si Keli. Bumangon ako ng kama at
napaisip ako kung bakit hindi pa niya ako tinetext. ??? Ito ang unang pagkakataon
na nagkagirlfriend ako ng hindi man lang nagpaparamdam ang gf ko sa text. Kalimitan
kasi gusto nilang 24-7 na may connection sakin. ???
Ibang klase. Ang boring pala pagganito. Pero bakit ba ako tamad na tamad
makipagflirt. Pero di rin ibig sabihin nito e tumigil na ako. 8) Wala pa lang
talaga akong makitang interesting. Humiga na lang ulit ako. Ipipikit ko na sana ang
mga mata ko nang..

ring.. ring..

Sinagot ko ang phone ko.

"Hello?"

"ANDIIIIII~" napalayo ko ang phone sa sobrang lakas ng boses ng nagsalita sa phone.

"Sino to?" narinig ko pa na tumatawa sya ?

"Kahit sa phone ang pogi pogi ng boses mo! I love you, Andi!" medyo nairita ako. E
gago ata tong nasa phone e.

"Huy bakla! Wala akong oras makipaglokohan sayo. Bahala ka--"

"Pero girlfriend mo ako." mahinahon niyang sinabi. Sa sobra kong inis, muntik ko pa
syang masigawan. Mabuti na lang at bigla akong may naalala.

"Paano mo nalaman ang number ko?" bigla akong kinabahan. Ay antanga! Bakit
nagtanong pa ako..

"Kung yung ngang mga bagay na hindi alam ng ibang tao e alam ko, panu pa kaya yung
alam ng lahat." kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.

"Nasaan ka ba?" narinig ko pa na tumawa sya. ??? Nang- aasar ata to e. >:(
"Pasensya ka na huh. Di kasi kita mapupuntahan ngayon kaya tumawag na lang ako.
Kahit na ayaw talaga kitang tawagan." medyo nainis ako sa sinabi niya. "Gusto ko
kasing mas nakikita kita." naiinis parin ako. Ewan ko ba. Parang kasing may mali sa
sinabi niya na nakakatapak ng pride.

"Andi.." parang nakakaramdam ako ng pagkirot saking puso.

"Saka ka na lang ulit tumawag. Matutulog kasi ako dapat." may sinabi sya pero agad
kong ni-end ang call.

Nahiga at pinikit ko ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko.
At naiinis ako. Pinatong ko ang braso ko sa noo ko at nagmulat ng mata. Paulit ulit
sa utak ko ang mga sinabi at ginawa ni Keli. Nakakaiba sya. Aaminin ko, sya pa lang
ang kauna unahang babae na gumawa ng mga bagay na yun sakin. Kaya hindi ko malaman
kung nagpapanggap ba siya gaya ng ginawa ni Chelsea o baka.. masyado lang siyang
patay na patay sakin gaya ni Sab. Haha kapal ko talaga! Pero.. wala talaga akong
ideya.. :( Hindi ko siya mabasa..

Natatakot ako. Naaalala ko lang ang mga ginawa ko sa una kong nagging girlfriend.
Alam kong mahal niya ako.. dahil nagbago ako. Naging ganito ako.. nagtatago bilang
ako ngayon. Walang sinong magmamahal sa tunay na Anthony Dee, kahit.. ang gaya ni
Keli..

"Hi Andi!" hinalikan ako ni Loraine sa lips. Smack lang. wala naman si Trisha.
"Let's go there! Nandun si Danson." ngumiti ako.

Pagdating ko naman dun, nakita ko si Danson na tinuturuang magbilliard ang bago


niyang gf. Tss.. chansing lang e!

"Hi Andi!" may dalwang babaeng lumik sa braso ko.

"This is Elin and Trix. Enjoy them, but let me borrow your phone first." Binigay ko
naman kay Loraine yung phone ko.

Iniwan namin si Loraine at naupo kami sa sofa. tinawag ako ni Loraine pero di ko
siya napansin. Masyadong maingay kaya dun sa dalwang babae na lang ako nagfocus.
Nagkwento sila tungkol sa mga sarili nila. At kung gaano nila kakilala si Andi
Rivas. Ang mga babae talaga.. tsk. Uminom lang ako ng uminom habang nakikipagflirt
sa kanila. Hanggang sa hindi ko na napansin na maggagabi na.

"Agh. Mukhang malalasing pa ata ako." Sinarado ko ang pinto ng kotse ko at


sinimulang paandarin ito.

Pagdating ko sa condo ko. Agad akong dumiretso sa kama ko. 10 na pala. Hinubad ko
ang jacket ko at.. ??? Nalaglag ang phone. Hihiga na sana ako nang..

'Nag-enjoy ka ba ngayon, Andi?' napindot ko ang phone ko at bigla na lang nagsalita


to. 'Sana oo. Masaya naman ako at nag-eenjoy ka. But please, fling lang huh.
Please! Just for 30 days. Ako lang muna. Naka2days naman na tayo e. Please..' may
narinig akong humikbi. Umiiyak siya. Kahit na gusto ko ng matulog, gising na gising
naman yung puso ko dahil sa mga naririnig ko ngayon..

'Tawag ako ng tawag sayo. Alam ko kasi, hanggang 5 hrs lang ang tulog mo. Kaya
kanina pang 2:00 kita tinatawagan. Pero pagdating ng 4, iba ang sumagot. Babae?
*sob* Alam ko naman na playboy ka. At chikboy.. but I still like you. Hindi ako
susuko.. I don't expect you to love me, just look at me and it's enough. I love
you, bukas nga pala. Pang 4 na araw na natin. Gusto na kitang makita.' narinig ko
pa na nagpigil syang humikbi bago niya iend ang call.

Nakarecord? Pero.. bakit? Paano niya nalaman na may kasama akong mga babae? At 5
hrs. She's right. Hanggang dun lang ang tulog ko sa araw. Shet!

Ring.. Ring.. Ring..

10:30pm na. 1hr at 30 mins. pa bago mag4th day.

"h-Hello." may kumalampag.

"Miss, are you okay!?" biglang may kumalampag ulit.

"Ah a-Andi, ikaw ba yan?" kabado niyang sabi.


"Ano yun? Nasaktan ka ba?"

"Ah. Hindi. Ano kasi.. tumakas lang ako. Masyado na kasing gabi. Tulog na lahat."
mahinahon niyang sinabi. Bakit naman kasi ako nag-aalala.

"Narinig ko yung message mo. Nasaktan ba kita? Alam mo kasi, walang patutunguhan
ang--"

"Okay lang naman e. Basta fling lang huh." medyo nadisappoint ako sa sinabi niya.

"Oo nga naman, bakit ko ba iniisip na masasaktan ka. E gaya ka lang naman ng--"

"Masakit." agad niyang sabi. "Umiyak ako, Andi. Kasi nasaktan ako. Pero kaya kong
magtiis, kasi ginusto ko 'to. Atsaka.. kailangan kong tapusin ang 30 days. Kahit 30
days, Andi. Kahit hindi mo ako magawang mahalin, hayaan mo lang akong gawin ang mga
bagay na gusto kong gawin sayo." biglang kumirot ang puso ko. Ang bilis ng tibok ng
puso ko. :-[

"Oo na!" inend ko ang call. At talagang ang lakas ng kabog ng puso ko. SYET!

Ano na naman bang problema!?

*******************************************
[22] Chapter 21
*******************************************
Day 4

'..hayaan mo lang akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo.'

"Waaaa!" hingal na hingal ako pagkagising ko. Napahawak ako sa buhok ko.

Syet! Napanaginipan ko yung babaeng yun. Agh. 7 na pala. Kaya bumangon na ako at
naghanda para pumasok.

At pagkalabas ko ng condo, agad ko ding pinaandar ang kotse ko para umalis na.

BEEEPPPP!!!

"Anu ba." asar talaga. Sino bang baliw ang bigla bigla na lang manghahara ng
sasakyan?!

At pagkatingin ko..

"ANDI!!!" :o pumunta sya sa left ko at binuksan ang pinto ng pasenger's seat.


Pumasok sya.

"Anong ginagawa mo? Wag mong sabihing sasama ka sakin paschool." umiling sya sabay
ngiti.

"Diba sabi ko sayo gusto kitang makita. Kaya heto, pero.. mukhang mawawala ako for
2 days. Kaya please, ihatid mo muna ako sa bahay namin! Bago.. tayo magkalayo.."
papuppy eyes pa! >:( wrong timing talaga ang babaeng to.

"Oo na! Tss.. Hmm. 2 days a? Hehe. Pwede yun! Saan ba?" gaya ko, nakangiti rin sya.
Baliw nga talaga.

Habang nasa byahe kami. Di ko napansing late na ako ng 1 hr. Pero di ako nag-alala
dahil 2 days namang mawawala ang babaeng to.

"Andi! Nagdala nga pala ako ng makakain. Heto oh!?" di ko sya pinansin. "Andi, inom
ka nitong lemon juice na ginawa ko. Gawa ko talaga!" inuga uga niya ang braso ko.
Ang kulit talaga!

"O sige na. O sige na!" ngiting ngiti naman sya. At pagkatikim ko, nasarapan naman
ako. ::)
"Masarap nga." ibabalik ko na sa kanya nang sinubuan niya ako ng.."Waa ang hang-
hang!"

"Inom! Inom!" dinamihan ko naman pag-inom nung lemon juice niya. At infernes.
Masarap talaga.

"Agh. Anu ba yung pinakain mo sakin?"

"Masarap naman diba? Parang pizza." tumango ako at uminom uli ng juice.

Di ko naman ineexpect na sa kalagitnaan ng byahe bigla akong nakaramdam ng pag-pee.


Syet wrong timing. Ayoko namang umihi kung saan kasi aso lang ang gumagawa nun.
Pero ihing ihi na talaga ako. 3 bottles pala ng juice na yun ang nainom ko. Maiihi
talaga ako. Xet!

"Malayo pa ba tayo?" nakakaloko talaga ang babaeng to. Nakangiti kasi syang humarap
sakin.

"Huh? Bakit ba?" ayoko namang sabihin sa kanya na naiihi ako. :-[

"Don't tell me, you need to pee!" muntik ko namang mapreno ang sasakyan. "Haha!
Kasi naman, 3 bote ang nainom mo! Gusto mo pa?" nainis naman ako.

"I can't take it!" nipreno ko naman ang sasakyan at agad akong lumabas.

Kahit na masamang tingnan, ginawa ko parin. Since.. Wala namang tao ??? As in wala
talagang tao. Parang nasa looban kami a?

"Huy! Nasaan na ba ang inyo? Ang pangit na ng view dito e!" kinuha ko yung alcohol
sa bag ko at siyang niligo sa kamay ko.

"Malapit na!" ngiting ngiti sya. ??? Tiningnan ko ang oras, 2 hrs na ang
nakakalipas.
Ni-start ko ang engine. Pero..

"Sandali lang a." lumabas ako ng kotse. At.. :o

"Flat ang gulong ng kotse ko!!" agad na lumabas si Keli.

"Hala. Anong nangyari!?" ngiting ngiti niyang sabi sakin. ??? Ang babaeng to,
painosente!

"Aayusin ko na lang." pinigilan naman niya ako.

"Malapit na dito ang amin. Tara lakarin na lang natin!" tiningnan ko lang sya.
Bakit ba ang saya saya niya ???

Naglakad nga kami. Iniwan ko na yung sasakyan ko since sabi niya, wala daw talagang
napunta sa lugar na'to. At habang naglalakad lakad kami napansin kong paganda ng
paganda ang kapaligiran. Hanggang sa.. nakarating din kami..

"Hi, Ma'am!"

"Hello manong. Nga pala si Andi." tinaas ko naman ang kilay ko.

"Ahehm. So siya pala yun. Gwapo siya." napatawa si Keli. Ngumiti sya sakin. Ako
naman.. No Reaction.

Maya maya, pumasok na kami. At.. Isang mansion ang bumungad samin. Nagulat ako.
Parang wala kami sa probinsya.

"Tara. Pumasok na tayo, Andi." gulat parin ako sa mga nangyayari. So mayaman pala
ang angkan nila. Hindi ko inexpect.
"Andi, please meet my parents." nakangiti sila sakin. Habang tumitibok ng mabilis
ang puso ko.

*******************************************
[23] Chapter 22
*******************************************
Hindi agad ako nakaimik.

"A magandang tanghali po!" nagbow ako. Syet. Ito ang unang pagkakataon na
ipinakilala ako ng girlfriend ko sa mga magulang niya. Mali ito! Mali.. :-[

"Sayo din, hijo. Halika, kumain muna tayo." nauna naman sila. At nilapitan ako ni
Keli.

"Don't worry, hindi nila iniisip na boyfriend kita." tiningnan ko lang siya. "Pero
alam nila, na matagal na akong may gusto sayo." thump.thump.thump. Bigla ko namang
naramdaman ang pag iinit ng mga pisngi ko.

"Tara."

Madaming nakahandang pagkain, parang talagang pinaghandaan. At medyo naiilang pa


ako dahil palagi akong nginingitian ng mga magulang ni Keli. Parang lang din silang
si Keli. Hindi ko matukoy kung mga fake ba ang mga ngiting yun. At sa tuwing
iniisip ko na natutuwa sila sakin, nagiguilty ako. :-[

"Ah." bigla akong natigil sa pag inom ng tubig. Nasa balcony ako at mga bandang
alas 3 na din.

"Salamat nga po pala sa tanghalian." ngumiti ako. Napapangiti ako sa mga ngiti
niya. Asan na ba si Keli?

"Salamat din. Nang dahil sayo kaya dumalaw samin si Keli." nagtaka naman ako sa
sinabi niya. "8 yrs na syang hindi tumitira dito. Dumadalaw na lang sya."

"Bakit naman po? May problema po ba?" nginitian lang niya ako.
"May mga bagay na dapat nating tanggapin kung wala na tayong magagawa. Si Keli,
gusto ko syang maging masaya." hinawakan niya ang kamay ko. "Sa ngayon, ikaw lang
ang kukumpleto sa kasiyahan niya." bigla naman akong kinabahan.

"Ma? Andi?" napatingin kami.

"Hija." kiniss sya ni Keli. "O sige maiwan ko na muna kayo."

Pinanood lang ni Keli ang mama niyang umalis habang ako naman e pinapanood sya.

"Mamimiss ko si mama." sabi niya.

"Bakit ba ayaw mo dito tumira." di parin sya lumilingon sakin.

"Nga pala, Andi. Dito ka muna hanggang bukas. Di mo kasi mapapaayos ang kotse mo
dito." nagulat naman ako. Kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Hindi maaari yun!" nakangiti lang sya. Biglang pumasok sa isip ko 'to. "Pinlano mo
'to no!?"

"Waa maghahapunan na. Kaya ayaw ko sa farm e. Palagi na lang akong nabubusog."
iniwan naman niya ako.

Agh. Bakit ba di ko naisip yun? Una sa lahat. Hiningi niya na maging gf ko sya for
30 days. Tapos aabcent sya for 2 days. Asa pa ako!? E ang desperada ng babaeng yan.
Agh.

"Ito ang magiging kwarto mo, Andi." namangha naman ako sa laki ng kwarto ko. Astig.
8)

"Punta na akong kwarto ko a."


Umalis naman sya. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Maganda. Kahit walang aircon,
malamig parin. Malaki din, gaya ng ineexpect mo sa kwarto ng mayaman. Kung ganito
pala kaganda dito, e bakit ayaw tumira ni Keli dito ???

Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

5th day

"Goodmorning Andi!" nagulat naman ako kay Keli na nasa kama ko at sobra pa ang
lapit sakin. "Kain na!" inabot niya sakin ang breakfast.

"Thank you." sabi ko sabay takip ng bibig. Shet namumula pa ata ako! :-[

Tapos nakangiti pa sya. "Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! >:("

"O sige. Pagkatapos mo dyan, mag-ayos ka. May pupuntahan tayo para di ka mainip.
Maghihintay ako sa baba." tiningnan ko lang sya.

Napaisip naman ako dun sa sinabi niya ??? Sabi niya may pupuntahan kami? E saan
naman kaya yun?

Matapos ko ngang kumain, agad akong pumuntang banyo para magsipilyo. Paglabas ko
naman, may dalwang maid na sa kwarto ko. Yung isa para iligpit ang tray at
pinagkainan ko. At yung isa ang may dala ng mga kakailanganin ko. Personal
belongings at mga damit pang alis. ??? Parang.. pinaghandaan talaga.

Pagbaba ko naman ng hagdan, parang naman akong isang prinsesa na inaabangan ng


mapapangasawa ko at ng mga magulang nito. Napakamot ako ng batok sa naisip ko.
Nakangiti silang lahat sakin. Ang bading pati nung iniisip ko.. (T.T )

"Ahm, Keli, Saan ba talaga tayo pupun--"


"Pangako po, iingatan ko ang sarili ko!" medyo nagulat ako sa biglaang paglink niya
sa braso ko. "..lalo na't kasama ko naman po si Andi." naramdaman ko naman ang
biglang pagtibok ng puso ko dahil sa mga malalagkit niyang tingin.

"Sige po, mauna na po kami! Tara na, Andi." narinig ko pang tumawa si Keli.

Habang may hinahanap siya ay malalim naman ang iniisip ko tungkol sa mga
nangyayari. May di talaga ako naiintindihan e. Tumitibok ng mabilis ang puso ko na
ang weird. Namumula ako kahit ilang beses na naman akong nakipagtitigan sa iba't
ibang babae. Isa na lang.. :-/ at iisipin ko ng nahuhulog na talaga ako sa kanya.

"Dito tayo sasakay a! :)" mabuti na lang at di pa nararamdaman sa kanya yun.

"Waa! Ang hangin!" baliw na talaga ang babaeng to. Ang bilis ko na ngang magpatakbo
pero di man lang sya natatakot. At natutuwa pa kamo! Tss..

"Ang saya, Andi!" medyo napahigpit ang yakap niya sakin kaya medyo hininaan ko ang
pagpapatakbo ng bike. "Bakit?"

Nakaupo siya sa likod ko at nakayakap sakin. Biglang tumahimik ang paligid.

"Dinala mo ba talaga ako dito para maipakilala sa mga magulang mo?" hindi agad sya
sumagot. Tapos.. lumuluwag pa ang pagkakayakap niya sakin. Nailang ata sya sa
tanong ko.

"Galit ka ba?" katahimikan.

Napatingin ako sa paligid, nasa tabi kami ng sapa. Sabi niya diretsuhin ko lang ang
daan, at pagmay nakita daw akong puno ng acasia, saka daw ako tumigil.

"Gustong gusto ko ang lugar na'to. Madami akong nakaraan dito. Nakaraan na ang
sarap balikan. Masaya ako kahit malimit akong mag-isa. Magbike, mangisda, manghuli
ng mga alitaptap.. lahat ng yun hindi na pwedeng balikan."
"Bakit naman?" tanong ko ng walang kasiguraduhan kung gusto ko nga ba ng dahilan.

Yung lugar kasi..

"Madami kasing nangyari, dahil din dito kaya nasira ang paniniwala ko."

Di ko masyadong narinig ang sinabi niya, basta bigla na lang akong tumigil. Tulala
ako sa puno ng acasia..

"I think we're here.." nakatingin parin ako sa punong yun habang bumaba ng bike.
Pati si Keli nakatayo na..

"Madami tayong alaala sa buhay, minsan gusto na nating kalimutan na lamang ang mga
'to kesa ang masaktan, pero.. minsan gusto din nating bumalik. Dahil hindi
maitatanggi.. dahil sa alaalang yun.. nabuo kung sino ka ngayon." napatingin ako sa
kanya. Hindi siya nakatingin sakin pero para bang para sakin ang mga salitang
binitawan niya.

"Ang punong yan..

maganda parin hanggang ngayon." parang hindi naman yun ang gusto niyang sabihin.

"Naghihintay na sila satin." ngumingiti na naman siya.

Habang naglalakad lakad kami, unti unti namang naiiba ang daan. Dumadami ang tao
at..

"Nasa bayan na tayo!" nakangiti siya. "Kaya mamimili muna tayo." kinindatan pa niya
ako. Mamaya pa e kinuha niya sakin ang bike at may dumating pang van.
"Hi, Keli!" napalingon naman ako. At :o

"Namiss kita ate Nea!" ang babaeng nasa harap ko. :o "Ah. Andi, meet Nea De Guzman,
ang pinsan ko." Siya!? Siya ang Student Pres. nung highschool ako. Sabi na! Ang
lugar na'to..

dito ako lumaki!

*******************************************
[24] Chapter 23
*******************************************
"Andi, kakain na." sabi ni Keli habang inoobserbahan ko parin ang lugar.

Ang tagal ko ng di nakakapunta uli dito. Highschool pa ako noon. Ngayon ko lang
nalamang madami pala akong alaala sa lugar na'to. Mga alaalang iniwan ko, :-\ Okay
lang kaya kung magstay ako dito?

Sa hapagkainan, ang daming tao. Madaming mga kasing edad ko at yung iba may mga
asawa na. May mga bata at nandun din ang lola ni Keli. Lahat sila mga kamag anak ni
Keli na nakatira sa lugar na yun. Salo salo kaming lahat. Nagkukwentuhan habang
kumakain. Ang saya. Lahat kami tumatawa. Hindi ka mao-OP. Parang barkada lang.
Tiningnan ko kung paano tumawa si Keli, ang saya saya niya. Pero.. bakit di niya
ako pinakilala bilang boyfriend niya?..

"Nag-enjoy ka ba?" lumingon naman ako sa nagsalita.

"Bigla ka na lang umalis kanina. Iniwan mo ako, tuloy ininterview nila ako. Ang
daming tanong pero.. masaya." nakangiti lang siya.

Ang mga ngiting yun. Maganda talaga ang mga ngiti niya. Noon pa man, kahit di pa
siya nagbabago, maganda na talaga siyang ngumiti. :) Gustong gusto ko na nakikita
siyang ngumingiti.
"Gusto mong magcomputer? Baka kasi nabobored ka na."

Bigla na lang tong pumasok sa isip ko.

"Gusto mo gawin natin yung mga ginagawa mo noon? Gaya ng.. mangisda." nakangiti
kong sabi.

Nang bigla naman niya akong yakapin. "Tapos manghuhuli tayo ng mga alitaptap!" ang
laki ng ngiti niya. :-[ Sobrang saya niya.

"Oo" hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng saya ngayon. Siguro masyado na
akong masaya sa mga nangyayari.

Kinuha niya ang bike at pumunta kami dun sa may sapa. Natatawa nga ako kasi sa
tuwing makakahuli kami, pinapakawalan din niya. Nakakaawa daw kasi ang mga isda.

"E diba kumakain ka naman ng isda?"

"Oo. Pero.. hayaan na natin ang mga tunay na mangingisda ang magkasala. :D"

At dahil katuwaan lang naman to, hinahayaan ko na lang siya. Cute nga e.

Tumingin ako sa orasan. 6 na. Medyo madilim na. Hinanap ko si Keli. Naglalakad
lakad siya. Agad naman ako lumapit sa kanya. Nang bigla syang tumalon papunta dun
sa may damuhan. Nawala sya sa paningin ko. Kaya bumaba din ako. Nakaupo si Keli ???

"Ano yan?" lalapit pa lang ako nang tumayo sya at naglahad ng kamay niya na
nakatiklop ???

"Magwish ka." nakangiti sya.

Tiningnan ko lang sya. Tapos tumawa ako. Tawa na nang aasar.

"Hahaha! Naniniwala ka dyan?! Ano ba!" tawa lang ako ng tawa. Nakakatawa kasi
parang syang bata. E 19 yrs old na sya!
Pero unti unting napawi ang mga ngiti niya. Tumahimik ako. Umupo uli sya habang
nakatalikod sakin. Pinaglalaruan na naman niya yung mga alitaptap.

"Tama ka. Mga bata lang ang naniniwala sa mga wish thingy. Hindi naman talaga
nagkakatotoo ang wish e. When I was in grade 6, I kept wishing one thing na alam ko
na imposibleng magkatotoo." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hindi ko naman sinabing masamang magwish. I'm sorry kung tinawanan kita." tumingin
ako sa kanya. Ang lungkot niya :-\

"Haha! Ang gaganda ng mga alitaptap!" tumayo sya at inabot abot yung mga
nagliliparang alitaptap.

Ang saya saya niyang tingnan pero kumikirot ang puso ko. Ang weirdo. Naiinis ako.
May mali sa sinabi ko pero di man lang sya nagcomplain.

"Bakit di mo nga pala ako pinakilala sa kanila bilang nobyo mo?" bigla syang
tumigil. Napakamot ako ng batok.

Ano ba tong tanong ko!? :-[ Noon, hindi ko talaga hinahayaang maipakilala ako ng
mga girlfriends ko sa mga magulang nila, kapatid, at kaibigan. Pero ngayon..
bumaligtad ba ang mundo? Agh! Hindi sa gusto ko. Pero.. okay naman ang pamilya
niya. Hindi ako naiba sa kanila. Hindi ko kailangang maging Andi Rivas. Kaya kong
magpakatotoo. :-\

Kaya okay lang..

AGH!!!

Shet! Kanina pa akong nakahiga pero di ako makatulog! Kinamot ko ulo ko. Tiningnan
ang phone. Daming message. Tinry kong magreply sa isa sa mga message. Tama! Ang
text nila Kevin, Danson, at Albie! Bakit walang text si Daryl?
"Agh!" binato ko ang phone ko sa kama. Bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa kwarto ni Keli. Medyo malayo. Yung pinto lang ang kita ko.

Asar talaga! Alam niyo ba kung anong sagot niya sa tanong ko?

'..ayoko kasing malaman nila na nagkabf ako ng playboy! He.He.'

"Tss." tumalikod ako. Oo yun ang sinabi niya. Kapal talaga! >:(

Galit ako pero papunta ako sa kwarto niya. Hmm.. tama! Padalwang araw na'to. Dapat
kong malaman kung kelan niya ako pauuwiin at kung kelan niya ibabalik ang kotse ko!

BLAGGG!!!

"Ahh!" :o

Pagkadinig ko nun. Agad akong tumakbo sa kwarto niya. Bubuksan ko na ang pinto
nang-

"Bakit?" lumabas si Nea. Agad niyang sinarado ang pinto.

"Si.. Keli." sabi ko ng nag-aalala.


"Tulog!" tiningnan ko sya ng pinaka unconvince na reaction ko. "Tulog na sya. Kaya
kung ako sayo tumulog ka na rin." ngumiti sya ng papilit.

Tumango na lang ako. Syet so di ko pala matatanong si Keli tungkol sa nangyari sa


kotse ko.

6th day

"Uuwi narin tayo, Andi!" sabi niya matapos naming magpaalam sa mga kamag-anak niya.
Tumawag na din sya sa mga magulang niya na uuwi na kami.

Tss. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon. Ang inosente, pero nakakainis.

"Sige. Bye na, Andi! Pahinga ka a! Tapos pasok ka na uli ng 2!" ngumiti sya habang
umaalis.

Pagdating ko naman sa bahay, agad din akong nagpahinga at nakatulog. Nagising ako
ng 2. Naalala ko naman si Keli. Alam na alam niya pati sched ko. Tss. Scary
Stalker!

Dismissal naman pagka 5:30. Naisip ko na dumaan ng Bar. Miss ko narin ang mga girls
dun..

0905+ Calling..

Dinedma ko yung call. Binuhay ko yung engine at pinaandar ko na yung kotse ko.
Napatingin uli ako sa phone ko. 5 received calls. At.. new message. ??? Dahil
parang ang weird, tiningnan ko ang inbox. At yung 0905+ ang nagtext. At pagkabukas
ko ng message.. :o

Agad kong niliko ang kotse ko patungong park.

Pagdating ko sa park, agad akong tumakbo at pinuntahan yung lugar na pinangyarihan.


Pero pagdating ko.. >:(

'Andi, si Nea to. Si Keli kasi, nahimatay! Punta ka dito sa park na pinakamalapit
sa school niyo. Nasa may tabi kami ng fish pond.'

"Hi, Andi!" nakaupo sya sa bench at walang kasama. >:(

Tumalikod ako at naglakad palayo.

"Sandali, Andi!" hinawakan niya ang braso ko. "Galit ka?"

Di ako umimik.

"Sori. :(" nainis ako.

"Sabi sa text, nahimatay ka. Sa tingin mo sinong di mag-aalala! Tapos nanloloko ka


lang pala!" hinarap ko sya. Nakatingin lang sya sakin. Titig na titig.

Ngumiti sya. >:(

"ANO!?"

Bigla niya akong niyakap. :o "Ang pula pula mo Andi nung nagagalit ka! Laykit!" ang
higpit ng pagkakayakap niya kaya medyo nakiliti ako at nawala ako sa mood magalit.

"Ano ba. Ilang beses ko bang sasabihin sayo.." nag ahehm ako. Syet namumula na nga
ako. :-[

"Sori na kasi. Tara, sa condo mo na lang tayo since dismissal mo na." ??? sabi niya
ng may seryosong ngiti.
Hindi naman ako makatanggi at ang seryoso nga niya. Pero pinagtataka ko kung bakit
kailangan pa niyang manloko para lang makapunta sa condo ko. Dahil kaya alam niyang
di ko naman sya papayagan? Agh. Hindi na naman natuloy ang plano ko dahil sa kanya.

"Ang ganda pala ng condo mo. Ang linis linis." nagpasikot sikot sya sa loob ng
condo ko kaya pumunta muna ako sa cr ng kwarto ko para magshower.

Matapos kong magshower, agad akong lumabas ng cr habang soot ang headphone ko. At
pagkalabas ko--

(//.O' ) --> Keli

( ~.^) --> Andi.

"Ah-/-Ano!?" :-[

Tumungo sya. >:( Mahihiya hiya sya dahil nakita niya akong nakatopless?! E bakit ba
sya nandito sa kwarto ko!? :-[

"Ahehm." nakahubad ako pero ang init init. Katatapos ko lang magshower a.

"A-ano. May gusto kasi akong makilala." tiningnan ko sya. Kami lang dalwa sa
kwarto. :-\

"Lumabas ka na nga sa kwarto ko!" tumalikod ako. Agad kong binuksan ang kurtina.
"Gusto kong makilala ang pamilya mo."

"Huh?--"

:o Nasa harap ko na siya. Ang lapit niya sakin. thump thump thump. Ang bilis at
ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ang katawan mo, Andi." napatingin ako sa katawan ko. Titig na titig naman sya. :-[
Ang pula ng mukha niya.

"Nakatopless ka nga pala!" nakatingin sya sakin.

Hindi ko napansing papalapit na ng papalapit ang mukha ko sa kanya. As in nakapikit


na sya at inch na lang. Pero ng makita ko na nanginginig siya, tumigil ako. :-\
Ngayon ko lang nakita na natakot siya sakin. Halik? Anong nakakatakot sa paghalik.
Yah right, umiyak nga pala sya nung nag-I love you ako. >:(

"My real parents died after my birth." sabi ko matapos magmadaling magsoot ng damit
at naupo na sa kama. Siya naman e biglang namula dahil sa nangyari. "Ang lola ko
ang nag alaga sakin. Inampon naman ako ng Tita at Tito ko matapos mamatay ni lola.
Kung anu ako ngayon, sila ang may gawa." ngumiti ako. Nakatingin lang sya.

"This is my real parents. And my Auntie and my Uncle." tiningnan niya yun.

Ang tagal niyang nakatitig. "My grandparent. Si lola, ginawa niya lahat para
mapalaki ako ng maayos." tumawa ako. "Stalker ka pero yung mga pinakamahahalagang
bagay hindi mo alam." hindi siya umiimik.
"Gusto ko sa susunod, dalawin natin ang puntod nila. Gusto kong makilala sila. At
sana mameet ko ang Auntie at Uncle mo." (??.-- ) Sa lahat ng gf's ko, siya pa lang
nakaalam ng tungkol sa family background ko.

Bako ba sinabi?

*******************************************
[25] Chapter 24
*******************************************
7th Day

Paggising ko, wala sa kama si Keli. Maayos ang kama parang walang humiga. Agad
akong bumangon sa pagkakahiga sa sofa at pumuntang salas. May naaamoy naman ako
kaya pumunta akong kusina--

"Ikaw?" humarap sya.

"Pinagluto na kita. Alam ko kasing hindi ka marunong magluto." sinubuan naman niya
ako, sabay nguya ko naman.

"Wag kang mag-alala. Kahit di ako marunong magluto, hindi ibig sabihin nun na hindi
na ako mabubuhay." tinikman ko naman yung soup niya. ::) Ang sarap niya talagang
magluto.

"Ang talitalino mo, pero ang pagluluto hindi mo kaya?" bigla akong tumigil sa
pagkain.

Napatingin ako dun sa may bintana. Tiningnan ko ang oras. Sabado pala ngayon.
Mamaya may pasok parin ako.

"Hindi ka dito natulog kagabi no?" kumain uli ako.

"Nandito ako no! Pinanood pa nga kitang matulog--"

"Kasya ka nga naman sa bintana e. Masyadong malaki yun. Kaso nakalimutan mong
linisin yung ebidensya." nagpout sya. "Saulo mo na agad ang condo ko a."

"Lilinisin ko yan. Kailangan ko lang kasi umuwi kaya di ako nakapagstay."


"Bakit ka nag eexplain!? Porke may nangyari kagabi akala mo na--" biglang pumasok
sa isip ko yung nangyari kagabi.

Kumain na lang ako.

"Bakit nga pala hindi mo tinuloy yun.." nainis ako. Muntik ko ng masabi ang dahilan
kaso nakita ko yung expression ng mukha niya. Guilty? :-\

"Sige na! Papasok pa ako. Umuwi ka na, bibigyan na lang kita ng susi para kahit
anong oras maaari ka dito." sabi ko habang papunta sa kwarto ko.

Napatigil naman ako sa sinabi ko. Agh! Sabi ko bibigyan ko sya ng susi!? Ano bang
naiisip mo, Andi!? >:( Bakit masyado kang mabait sa kanya!? Agh..

Sa klase, si Keli parin ang naiisip ko. Ang lahat sa kaniya. At nung una ko syang
nakilala. Bakit parang nagbago ako.. at feeling ko ng dahil sa kanya. Ang dami kong
ginawa sa kanya na di dapat gawin ni Andi Rivas. Mali lahat! Mali to.. parang..
nahuhulog na naman ako..

"Hi, Andi!" may dalwang babae na nilagpasan ko lang.


Pumunta akong canteen para bumili ng tubig, pero iba ang nakita ko.

"Hi Andi! May gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mong sumama sakin-"

"Baliw! Sakin kaya siya sasama! Andi, pwede bang makuha ang num. mo?"

"Sinabi na e, mang aagaw ka! Akala ko pa naman kaibigan kita."

Lumapit naman ako kay Sab.

"Andi." tumingin ako kay Daryl na kaaalis lang.

"Iba talaga ang appeal mo. Di mo lang ba sila papansinin? Kung pagbigyan mo kaya
sila." tumingin naman ako sa tinitingnan ni Sab. Yung dalwang magkaibigan na
kinakausap ako kanina na ngayon nagpapatayan na.

"Kaya mo silang pag-ayusin." mukhang ayos na siya.


"Anong meron sainyo ni Daryl?" halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Mabait siya. Magkaiba kayo ng intensyon sakin."

"May gusto ka ba sa kanya?" tiningnan niya ako ng masama.

"Masaya sya pagkasama niya ako.. Naiiba siya sa lahat. Minsan hindi ko na
napapansin na may nagagawa na pala ako sa kanya na hindi ko pa nagagawa sa iba.

siguro nga nagugustuhan ko na siya. Minsan kasi nag aalala ako sa kanya.
Nagseselos. At higit sa lahat, masaya ako pagkasama ko siya." naramdaman ko ang
pagtibok ng puso ko.

"So dahil lang sa nararamdaman mo nasabi mo ng my gusto ka sa kanya?" kabado kong


tanong.

Hindi agad siya sumagot. Nakatingin lang siya sa malayo. Mas lalo naman akong
kinabahan. Tumingin naman siya sakin at nginitian ako.
"Sana maramdaman mo rin yun. See ya, Andi."

Habang pinapanood kong umalis si Sab, naalala ko naman ang tungkol kay Keli.

thump.thump.thump.

I think.. I like, Keli..

*******************************************
[26] Chapter 25
*******************************************
"What's up, Andi?" pumulupot si Loraine sakin habang nililikot niya ang pisngi ko.

"May mga nanggugulo na naman ba sayo.?." binigyan naman ako ni Trisha ng beer.
Uminom lang ako ng konti.

"Hindi ko maintindihan." sabi ko ng may pinakawalang kabuhay buhay kong expression.

"Then let's just enjoy the party!" hinila nila Trisha at Loraine ang kamay ko at
dinala sa dance floor. Nung una wala talaga ako sa mood pero dahil ginusto kong
maging maayos ang lahat at bumalik sa pagiging Andi Rivas. Uminom ako ng uminom
hanggang sa nawala na ako sa sarili.

8th Day

*Click*
"Ano ba!?" :o nagulat naman ako ng makita sya sa kama ko at sobrang lapit pa namin
sa isa't isa.

*click* "Goodmorning, Andi!"

Napahawak naman ako sa ulo ko. "Heto oh, kape." ininom ko naman yun. Habang patuloy
naman sya sa pagpipicture, bigla naman akong naubo.

"Pinipicturan mo ako ng nakahubad?" Bigla syang namula pero nakangiti parin.

"Kagabi kasi, dinala ka ng kaibigan mo dito. At dahil nandito naman ako, ako na ang
nag-ayos sayo. Nagsuka ka pa kasi kaya hinubad ko yung damit mo. Yung damit lang
naman." ang pula pula niya.

Agad akong bumangon. At nakapantalon pa nga ako. Pero ang sakit parin ng ulo ko.
"Andi!" bigla nya akong inalalayan. Pagmulat ko ng mata ko.. :-[

"Andi?" agad ko syang tinulak. thump. thump. thump. Heto na naman yung weird na
thump sa puso ko >:(

"Magshower ka na dali. Magpipicturan tayo!" nasampal ko naman ang kamay niya.

"Wag mo akong hawakan." agh ang ulo ko. Pati na.. ang puso ko. :-\

"May problema ba, Andi?" tiningnan ko sya.

Agad akong kumuha ng damit pang alis.

"Tara!" hinila ko ang kamay niya.

"Sandali! Saan ba tayo pupunta!?"


Agad ko syang isinakay sa kotse. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan.

"Andi, san ba tayo pupunta?" di ko sya sinagot. "*Click* Kahit di ka nagshower,


ampogi mo parin! *click*

Alam mo ba.. :-[ Ang ganda ng hubog ng katawan mo. Hahaha. Ang sexy mo! May abs pa!
Kahit medyo payat ka, ang hot mo parin. You're perfect, Andi :D --"

BEEEP!!

"Ah?"
Naiinis ako. Syet ang puso ko. Naiinis ako at tumitibok na naman to ng mabilis,
gusto ko syang halikan. Gusto ko syang halikan hindi dahil gusto ko lang.. it's
because.. I like her. :-[

"Tumigil ka na!" nagkatitigan kami. Pero bigla syang ngumiti.

*Click*

"Haha. Ang cute mo dun, Andi--" hinigit ko ang kamay niya at hinila sya papalapit
sakin. "Andi, nasasaktan--" pumikit ako at--

"Hmm!" tinakpan niya ng kamay ang bibig niya. Nakapikit sya at takot na takot.

Binitawan ko sya at nagdabog ako.

"Girlfriend kita pero bakit bawal kitang halikan! Bakit bawal mag-I love you!" inis
na inis kong sigaw.
"Sori. Hindi naman sa ayaw ko.. pero kasi.. ayokong itulad mo ako sa mga babae mo."

"I love you, Andi. :-[" agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko. Binuksan ko din
yung kanya at sapilitan syang inilabas.

"Andi, bakit?" dinala ko sya sa loob ng bar kung saan ko dinadala ang mga nagiging
gf ko na gusto kong ibreak.

"So ito ang favorite tambayan mo?"


"Gusto ko ng tapusin ang larong to." sabi ko ng pabulong habang iniiwan ko sya.
Narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko sya nilingon.

"You want us to handle this?" tanong nila Loraine at Trisha.

"Alam na namin ang gagawin." sabi ni Trisha.

"Mag-enjoy ka na lang muna." sabi naman ni Loraine.

Parehas nila akong hinalkan sa magkabilang pisngi. At nung umalis sila. Pumunta na
lang akong 2nd floor at nanood ng live band habang umiinom.

Mga 1 oras din yun. Kaya agad akong bumaba pagkatapos. Hindi ko na kinamusta sina
Loraine at Trisha. Alam ko naman na magtatagumpay sila. Kaya lumabas na lang ako
para umuwi.
"Agh." sabi ko pagkalabas.

Papunta pa lang ako sa kotse nang mapansin ko ang isang taong nakatingin di
kalayuan sakin. Napahawak ako sa ulo. Heto na naman yung weird na thump. Ang sakit.
Naninikip ang dibdib ko.

"Bakit di ka pa umalis?" tanong ko sa kanya sa kabila ng katahimikan. Gabing gabi


na.

"Sabi nila wala daw akong mapapala sayo. Yung dalwang babae, friendly sila at
madami akong nalaman tungkol sayo." napatingin ako sa kanya. "Nobody owns you daw.
Pero kahit sino pwede mong iflirt at halikan. Nagpapakatanga lang daw ako kung
naghahanap daw ako ng seryosong relationship. *sob*

Ang galing nga e, nagawa nga nila akong saktan. Pero nagkakamali sila sa paghusga
sakin. Kasi in the first place di ko hiniling na magustuhan ako at seryosohin ako
ni Andi Rivas. E ano kung playboy ka at hobbies mo ang makipagflirt sa iba't ibang
babae. E ano kung lahat ng to e pampalipas oras lang sayo. Okay lang sakin, basta
kasama kita Anthony. Basta ako lang muna gf mo in 30 days! *sob*" umiiyak sya.

" Mahal nga kasi kita, Andi. So please, I'm begging you.. just please let me finish
this 30 days. Okay lang kahit masaktan ako."
Umalis naman sya matapos niyang sabihin yun.

*******************************************
[27] Chapter 26
*******************************************
9th Day

Buong gabi kong pinag isipan ang tungkol sa mga sinabi ni Keli. Ang mukha niya.
Nung umiyak sya. Lahat ng yun, totoo. At yun ang masakit. Ayokong magtiwala kahit
kitang kita ko na ang ebidensya. Dapat diba na magustuhan ko na talaga sya, pero
bakit pakiramdam ko may hindi pa ako alam. May kulang pa kahit alam kong mahal na
mahal niya ako.

"Uy Dee! Gimik tayo mamaya!" sabi ni Kevin pagkadating na pagkadating ko.

"Wala ako sa mood." sabi ko ng wala sa mood habang umuupo. Nagulat naman ako ng
bigla silang nagkaapiran sa isa't isa.

"Galing mo, Kevin. Paano mo nalamang tatanggi si Andi?" tanong ni Albie. Habang si
Kevin naman ay bilib na bilib sa sarili niya.

"So totoo ba yung rumor sa Bar na may gf kang stalker? Na mas madikit kay Irene? At
mas malupit?" tumataas taas pa ang kilay ni Danson. Sinimangutan ko na lang. I'm
sure type niya yun.

"Pero, sino yung babae sa condo mo!?" bigla akong kinabahan. "Naghintay sayo buong
gabi. Bakit alam niya ang condo unit mo. Mukha naman syang inosente. Sino siya,
Andi?" nakatingin silang tatlo sakin na para bang hinihintay ang isasagot ko.
"Siya.. si..--"

Calling..

Napatigil kami ng marinig ang phone ko na nagring. "Wait lang." pagkasagot ko. Si
Keli pala ang nasa kabilang linya. Kinakabahan na naman ako. Malumanay syang
magsalita. Gusto kong itanong kung okay na ba sya?

"O sige, punta na ako." tumayo naman ako. Ni-end ko na ang call. At nakatingin
parin sila sakin. "Saka ko na lang ieexplain lahat." aalis na sana ako.

"Nagdedate ba talaga sila Sab at Daryl?" tanong ko.

"Hmm.. hindi sila pwedeng magdate diba. Si Daryl yun tol!"

"Pero alam ko, sobrang close nila ngayon."

Tumango na lang ako at umalis. Agad kong pinuntahan si Keli sa carnival.

"Two tickets! Tara!" nakangiti na siya :-\ Pero di ko alam kung totoo ba ang mga
ngiting yun.

Pinagtataka ko lang, bakit mas gusto pa niya akong makasama.. pagkatapos ko syang
saktan.

"Tara kumain muna tayo! Anong gusto mong kainin?" ang saya niyang tingnan.

"Burger na lang sakin."

Kahit wala ako sa mood pagkaharap sya, still nakakangiti parin sya. Ang saya niyang
tingnan :-\
"Ferris wheel daw ang pinakaromantic ride na tampok sa mga couple. Haha. Buti na
lang naisipan nating sumakay dito." napansin ko naman ang kamay niya.

Hinawakan ko to gaya ng isang normal na couple--

"Yan na, bababa na pala tayo." binawi niya ang kamay niya. At mabilis syang
naglakad.

"Kuya. Sure kayo na hindi niyo tatapusin ng gf niyo ang ride?" sabi nung lalaki.
Hindi ko na lang sya pinansin at pinuntahan ko na lang si Keli.

"Andi, ang sarap oh!" kumakain na maman sya.

Lumapit naman ako sa kanya at napansin ko yung sauce na malapit sa lips niya.
Sinubukan kong tanggalin yun gamit ang kamay ko. Namula naman sya at halatang
kinabahan. Hindi ko naman napansing, papalapit na yung mukha ko sa kanya. At
nahalikan ko sya sa part na yun..

Bakas sa mukha niya ang gulat at inis. Napapaluha na siya. Medyo naguilty ako.

"It's not a kiss.

I try to wipe the sauce with my hand--"

"But you kissed me!" tumulo ang luha niya. Tumalikod sya at agad na tinapon yung
pagkain.

Nainis ako. >:(

Lumapit ako sa kanya at hinigit ang braso niya.


"Galit ka dahil ginawa ko yun." pinunasan niya ang luha niya. "Girlfriend kita at
may karapatan akong gawin yun." binawi niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"So hindi mo pala ako pinakinggan kagabi--"

"You don't love me! Hindi mo talaga ako minamahal! Bawal mag-I love you. Bawal ang
kiss at bawal magholding hands! You're just playing! Ikaw ang nakikipaglaro--"
bigla nyang hinigit ang kamay ko.

At dinala.. sa isang couple booth.

"Patutunayan ko sayo na mali ka. Sa loob niyan..

pwede tayong magsex." :o

*******************************************
[28] *Restricted* Chapter 26.1
*******************************************
Nagulat ako sa sinabi niya, pero pumasok parin kami sa loob. May nagbigay samin ng
kwarto. Umupo si Keli dun sa malaking bilog na may mga unan. Hindi to ang first
time ko dito, dinala narin ako ng mga ex ko dito. Pero never na may nangyari samin.
At kung may mangyari sa amin ni Keli ngayon, ibig sabihin, ito ang magiging first.

"Uy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" pagpigil ko sa kanya sa pag-a-unbutton


niya.
"Diba magsesex nga tayo. Kaya naghuhubad na ako!" namumula sya. Napakaganda ni Keli
ngayon. "I-ikaw din, maghu-hubad ka na!" pinigilan ko ang kamay niya at hinawakan
to. At hinalikan ko din ang kamay niya.

"Sigurado ka ba Keli na gusto mo tong gawin? Sabi mo sakin, gusto mo lang sumakay
ng rides." ipinatong ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Ang init mo Keli."

"Tama na, Andi." binawi niya ang kamay niya. Ang pula pula niya.

"Tama na? So ititigil natin to?" lumapit ako sa kanya.

Teary eye na siya. Pero bakit parang wala na akong pake dun.

"Ikaw ang magiging first time ko, kung gagawin natin to Keli." iniharap ko ang
mukha niya sa mukha ko. Hinalkan ko ang noo niya.

"Itigil mo na ang pagtawag sa pangalan ko." nakahawak sya sa balikat ko. "Andi,
sobrang bilis ng tibok ng puso ko."

"Ang pula mo nga e." hinalkan ko sya sa ilong.

"Alam mo ba..

Gusto na kita, Keli." I kissed her gently.

Hinalkan ko lang sya ng normal pero hindi na agad sya makasabay. So ito ang
tinatawag na first kiss. It's her first kiss. At dahil di pa rin ako nakontento,
hinalkan ko naman sya ng torrid.
Yung dila niya. Yung lips niya.

"AH!" napatigil naman ako.

"Sorry!" nakagat niya ang labi ko. Ngumiti na lang ako.

"Let's continue." napahawak sya sa bibig niya. Mukhang natatakot sya sa mga susunod
kong gagawin.

I kissed her on her neck habang hinuhubaran ko sya. Dahan dahan ko namang hinalkan
sya pababa papunta sa dibdib niya at--

"Ah Andi! :-[" nag iwan ako ng kiss mark sa may dibdib niya.

"Tingnan mo, kasing pula mo na yung kiss mark." hinalkan ko uli siya sa lips.
Inalis ko naman ang damit niya. At hinubad ko na din yung damit ko.

Habang hinahalikan ko sya. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa sexy nyang


katawan. At yung pants niya..

"Sandali, Andi!" pagpigil niya sakin nung hawak ko na yung zipper ng pantalon niya.
Napatingin ako sa kanya, sobrang pula niya. :o

"Anong nangyayari sayo, Keli." nakahawak sya sa dibdib niya.

"Mahal na mahal kita, Andi--" bigla syang nawalan ng malay.

"KELI!!!"
Nang hindi ko sya magising. Agad akong nagdamit. Isinoot ko na din ang damit niya
sa kanya. Dinala ko naman sya sa bahay kung nasaan si Niko.

"Anong nangyari?" inunbutton ni Niko ang dalwang butones ng damit ni Keli at..

"Kiss mark?" inis nyang tingin sakin. "ANDI!"

"Don't worry Niko! This time seryoso na ako sa babae. :-[" dinedma lang niya ang
sinabi ko. >:( Suplado!

Ginawa naman niya ang tungkulin ng isang doctor.

"Lumabas ka na muna." nanlaki ang mata ko.

"Bakit kailangan ko pang lumabas!?" tiningnan niya ako ng masama. "Oo na! Pero wait
lang." binutones ko ulit ang damit ni Keli.

"Doctor ako at hindi rapiest, Andi!" nagulat naman ako sa kanya.

"Naninigurado lang. Alam mo na, gf ko yan e." at tinulak naman niya ako palabas.

Mamaya maya, lumabas din agad si Niko.

"Ano, kumusta na sya?" binigyan niya ako ng inumin.

"Inumin mo muna to maniac bago mo tingnan ang kalagayan niya."


"Tss.. Maniac ka dyan. Hindi ko naman sinasadya. Talagang nasa limitation na ako."
ininom ko naman yung binigay niya sakin. Umalis si Niko.

Hanggang sa..

Nakatulog ako.

*******************************************
[29] Chapter 27
*******************************************
10th Day

Ang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala. Syet. Ang naaalala ko lang, nagdate kami
ni Keli sa carnival. Sa ferris wheel.. tapos.. tapos.. >:( black! ALL BLACK! Wala
talaga akong maalala. Nagtanong naman ako kay Niko kung bakit nasa bahay ako, pero
pinagtripan niya lang ako.

Katatapos lang ng dalwa kong subject. Kaya kumakain na muna ako. Kinuha ko yung
bagong sim na kabibili ko lang ngayong umaga, magpapalit na ako ng number. Nang
makita ko naman sa bag ko yung susi na pinagawa ko para kay Keli. Nalimutan kong
ibigay sa kanya. Agh.

"Hi, Andi!"

"Icheer kita huh!"

"Go Andi! Galingan mong magtable tennis!"

"Ang pogi niya talaga!"

Agh, ang mga babae. Paano nila nalamang mag-pi-P.E. ako ngayon? Pero diba dapat
maging masaya ako, more girls mas happy! :-\
"Mr. Rivas! Good job! Tingnan mo umabot ka sa p.e. ngayong 3rd year. Ganyan siguro
dahil once a month ka lang umattend!" sabi niya. "Magpasalamat ka at may matino ka
pang utak. Puro pagpapagwapo kasi inaatupag!" pabulong niya.

"Kaya pala umuulan na naman ng mga kababaihan sa gymnasium ay dahil nagbalik ka!
Buti na lang at ang favorite Sports mo ang lalaruin natin."

Umalis naman sya sa harap ko. At halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat. Ang
pinakahate na sports para sakin, Tennis. Galing! At kung kelan umattend ako ng p.e.
ito pa ang sports.

"Akala mo magaling kahit saan, pero may kahinaan din pala."

"Mukha syang tanga kanina."

Sabi ng ibang boys sa locker room. Kahit lahat ng girls love si Andi, lahat naman
ng boys mortal enemy sya.

"Good job, Mr. Rivas!--" sabay harap ko sa nagsalita habang naghuhubad ako.

"Ms. Santos?"

"Mr. Rivas!"

"Ah! Mr. Salazar!"

"Ms. Santos, boy locker room to bakit ka nandito?"

"Ah onga pala!"

Nagtatakbo naman si Ms. Santos. Lagi syang pumapasok ng locker room tuwing nagpi-
P.E. ako. At lagi pa niya akong tinatawag sa tuwing maghuhubad ako. (-.-) Ang
weird.

"Pati teacher, malandi! Tsk!" sabi ni Mr. Salazar.

Hindi naman agad ako lumabas ng locker room. Wala lang. Gusto ko munang hintayin
maubos ang lahat ng tao sa gym. Hanggang sa nakatulog pala ako..

'Andi' napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya ng di kalayuan sakin. Nakangiti
sya habang nakatingin lang ako at walang reaction. Naglakad ako papalapit sa
kanya..

pero kahit anong bilis ng paglalakad ko, kahit tumakbo ako. Hindi ko sya
maabot. ??? Napatingin ako sa mga paa ko.

'Andi!' tumingin ako sa kanya. Pero wala naman sya.

Hinanap ko siya. Pero kahit saan wala siya.

'Andi.' paglingon ko sa likod ko. 'Andi.' nasa harap ko siya. Sinubukan kong
hawakan siya.. pero.. nawala siya..

"Andi? Andi!"

Tapos biglang nagblack..

"Andi!.."

"Ahh!" napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit kasi.

"P.E. niyo pala ngayon." napatingin ako sa nagsalita. thump.thump.thump. Ang bilis
ng tibok ng puso ko. Tinitigan ko siya at ngumiti naman siya. "Laro tayo!"

Sinubukan kong hawakan ang mukha niya, pero pinat ko na lang ang ulo niya. Hindi ko
alam ang ginagawa ko. Feeling ko kasi gustong gusto ko syang makita, pero nung
mahawakan ko siya, wala akong naramdaman. Parang may nalimutan akong mahalagang
bagay tungkol sa kanya.
"Ano bang gingagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng bigla niya akong hilahin
palabas ng locker room.

Binigyan niya ako ng raketa tapos bigla syang tumira.

"Ano ba!" sabi ko ng pagalit.

"Kalabanin mo ko, Andi." tumira naman ako ng walang kabuhay buhay pero tinamaan
niya ng malakas ang bola pabalik sakin. Muntik na naman akong matamaan.

"Nananadya ka ba?" bigla naman niyang tinira yung isa pang bola.

"Pwes, galingan mo!" muntik na naman uli akong tamaan. Kaya naglaro na rin ako
kahit na walang wala naman akong laban sa kanya.

Sa bawat pagkakamali ko, tumatawa siya :-[ alam ko namang mukha akong tanga. Oo na,
tennis ang hinding hindi ko alam kung paano laruin.

"Tubig?" basta ko namang kinuha sa kamay niya yun. Tumabi siya sakin.

"Hanggang ngayon hindi ka parin magaling sa sports na favorite ko." napatingin ako
sa kanya.

"May gusto kang bagay na ayaw na ayaw ng taong gusto mo!? Ha-ha. Ibang klase!" sabi
ko ng sarcastic. "Sinundan mo na naman ako. Bakit ba gusto mo araw araw akong
nakikita at nakakasama?" sabi ko ng inis.

"Noon, palagi kang pinagtatawanan sa tuwing magpi-P.E. ka nung highschool. Tapos


pinagtatawanan ka parin hangganga ngayon dahil sa sports na yan. Why not try to to
play this hateful sport?" may binigay siya sakin. Pagkabukas ko, tiningnan ko sya
ng naaasar na tingin. Nakangiti lang siya.

"Sige na, subukan mo muna sa psp!" tumango na lang ako sabay abot sa kanya nung
susi.
"Eto ay?.."

"Para di ka na maghintay pa sakin ng matagal." sabi ko ng namumula. Ngumiti naman


siya. :-[

*******************************************
[30] Chapter 28
*******************************************
11th Day

Saking paglalakad, may nakita akong grupo ng mga tao na nakatalikod sakin. Parang
may pinagkakaguluhan sila, at kahit hindi ako interesado, dinala parin ako ng mga
paa ko sa kanila. May nakita ako, isang babae na walang mukha. Umiyak ako at lahat
ng mga taong yun.. nakatingin sakin..

"Shet." sabi ko pagkabangon ko. Napahawak pa ako sa ulo ko, ang sakit na naman
kasi.

Pagkatingin ko sa harap ko.. :o

"Anong ginagawa mo dito, agang aga?" nakatingin lang sya sakin. Malungkot ??? Ano
na namang nasa isip nito.

Hindi ko na lang sya pinansin, magtataka pa ako e lagi naman syang sumusulpot bigla
bigla. Atsaka binigyan ko sya ng susi kaya walang nakakapagtaka kung makapasok sya
sa condo ko.

"Sa may bintana ka na naman dumaan?!" sigaw ko at eksakto naman niyang punta sa
kusina.

"Nakalimutan ko kasing gamitin yung susi." lumabas ako para tingnan kung anung
ginagamit niya para makalusot sa mataas na bintanang yun. "Ginagawa mong tuntungan
ang bike? Nagbabike ka pala?" tumango siya. Yun parin ang expression ng mukha niya.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan.


Kumain ka na ba?" binuksan ko ang ref.

"Nakita kong lumuha ang mga mata mo kanina.. habang natutulog ka.." napatigil ako.
Bigla naman akong napaisip. Pero wala akong maalala.

"Ewan ko. Siguro may napanaginipan lang ako." sabi ko habang naglalabas ng almusal.

Bigla naman niya akong niyakap sa likuran ko. "Hoy!" >:( :-[

"Ayokong nakikita at makikita kang umiiyak at iiyak. Ayokong masasaktan at


nasasaktan ka.. Andi."

Kahit minsan di ko sya maintindihan, alam ko na mahal na mahal niya ako.

Pagkatapos naming kumain, bumalik naman sya sa dati. Ang Keli na masigla. Madaldal
na uli siya. Nanood din kami ng movie. At may part dun sa movie na napatitig siya.
Naisip ko na gusto niya yung part na yun, pero sabi niya gustong gusto daw niyang
pumunta sa lugar na yun..

"Waaa.. Andi! Talagang nandito na nga tayo! Kanina lang.. pinapanood lang natin ang
lugar na'to sa isa sa mga sikat na pelikula.. Hindi ko akalaing.. mas maganda 'to
sa personal." titig na titig siya.

Nasa tabing dagat kami. Maganda ang view. At ang sariwa ng hangin. Hindi
nakakapagtaka kung bakit gusto niya dito.

"Pagnamatay ako, gusto kong ipacrimate ang katawan ko. Tapos dito itatapon ang abo.
Gusto ko sa tuwing may mga pumupunta ditong mga tao, ngingiti sila sa ganda ng
view. At hindi nila maiisip na sa ganda ng lugar na'to.. may alaala pala dito ng
taong namatay na.." lumapit ako sa kanya. At napakaemosyonal ng expression ng mukha
niya.

*sob*
"Umiiyak ka?"

Tumingin siya sakin at pinunasan niya yung luha niya sa mata niya.

"Haha. Napuwing na pala ako, hindi ko pa napapansin." ngumiti na lang ako at


tumingin sa kapaligiran.

Ang ganda nga ng view, "Sa ganda nga ng view na'to. Sinong makakaisip na may mga
malulungkot na alala dito?"

"Tama ka.." malungkot na naman siya.

Naisip ko namang asarin siya, "Matagal ka pang mamamatay. Sa sobra mong kulit, sa
tingin mo kukunin ka ni Lord. Hahaha. Matagal na panahon pa yun na mapaparimate mo
ang bangkay mo.." tumalikod ako para bumalik na sa kotse ko.

"Sana nga matagal na panahon pa yun.." narinig ko naman yung bulong niya.

Nairita ako.

"Kung hindi ka patanga tanga, baka nga maaga kang mamatay." agh. Bakit naman kasi
tungkol sa kamatayan ang pinag-uusapan namin. >:(

*******************************************
[31] Chapter 29
*******************************************
12th Day
Sa condo ko siya muna nagstay matapos ng araw na yun. Sa kwarto ko siya natulog,
habang sa sofa naman ako. Yun ang pagkakaalam ko, pero nung madaling araw na
magising ako. Wala siya sa kama. Akala ko nasa baba siya pero nung hanapin ko siya
sa buong condo, wala siya. Nainis naman ako.

"Goodmorning, Andi!" sabi niya pagkagising ko. Pero di ko siya pinansin.

"Gutom ka na ba?" dirediretso naman akong lumabas ng kwarto.

Pumunta akong kusina at sinundan naman niya ako.

"Cereals and milk na naman!?" sabi niya habang naglalagay ako ng cereals sa may
bowl.

"Magluto ka na lang kaya." inagaw niya yung cereals sakin. Sinubukan kong agawin
pero nilagay niya sa likod niya kaya kaysa makipag agawan sa kanya, hindi na lang
ako kumain.

"Galit ka ba?" umupo sya sa tabi ko. Hindi ako umimik.

"Nagugutom na ako, Andi! Sige na magluto ka na." binuhay ko na lang ang tv. Pero
inagaw niya ang remote at niturn off yun. Tiningnan ko siya ng masama. Nakapout
naman siya.

Nakita ko ang ipod ko sa table, kinuha ko yun at sinoot ko ang earphone para di
siya marinig. Sinusubukan kong sumulyap pero titig na titig siya. Nang mapansin
kong nagsasalita siya, hininaan ko ang volume ng music para marinig..

"..ko alam kung bakit di ka namamansin." napatingin ako sa kanya at agad ding
umiwas.

"Hahalikan na talaga kita pagdi mo pa ako kinausap!" kinilabutan ako ng hawakan


niya ako sa braso ko at sa mukha ko.. papalapit sa kanya-- Agad ko syang tinulak.
"Ano bang ginagawa mo!? :-[ " agh! Ito na naman ang weird na heartbeat!

"Nagugutom na ako!" hinampas niya ako. "Gutom na ako! Gutom na ako! Gutom na ako!
Gutom na ako! Gutom na--"

"MAGLUTO KA!" tiningnan niya ako, agad naman akong umiwas. "..hindi ako marunong
magluto." :-[ bulong ko. Pero dahil bigla syang tumahimik, sigurado ako na narinig
niya ang sinabi ko.

Tumayo ako. Nakakainis--

"Kaya nga ako nandito e, para turuan ka." nagulat ako sa sinabi niya. "Alam ko na
yun! Kaya nga.. magluto na tayo." yan na na naman ang mga ngiti niya.

Wala din akong nagawa at agad ko ring nakalimutan ang galit ko sa kanya. Pumunta
kaming kusina, tuturuan daw niya akong magluto ng pinakafavorite kong seafoods.
Shrimp! Medyo natawa nga ako e, pati kasi yun alam niya. E si Niko lang ata ang
nakakaalam nun. ::)

Pumunta kami ng supermarket para mamili ng mga kulang na recipe.

Agad naman niyang hinanda ang mga kakailanganin sa pagluluto. Tinuruan niya akong
magbalat ng hipon at maggayat ng mga gulay. Tinuruan din niya akong gumawa ng soup,
ang pinakamadali. Nagprito naman sya ng ng hipon na madaming sauce. At ang sobrang
bango. Gumawa kami ng sinigang na hipon, pati tempura. At nung matapos ang mga
pang-ulam. Inutusan niya akong magluto ng kanin.. na di gumagamit ng rice cooker.

"Oh diba, nagawa natin! :)" umupo siya.

"Ang tagal namang magluto. Papatay na yung kakain oh." sabi ko ng padabog. Kinuha
ko yung kutsara, susubo na sana ako--

"Magdasal muna tayo." hayys..

Pagkatapos naming magdasal, kumain na kami. At.. ang sarap ng mga niluto niya-
namin. (//.--' )
Tiningnan ko sya. Ang saya niyang tingnan. ::) Natutuwa talaga ako sa kanya. Kahit
na minsan may na gagawa syang nakakainis. Gusto kong itanong kung bakit nawala na
naman sya kagabi, kaso nawala na ako sa mood.

*******************************************
[32] Chapter 30
*******************************************
Day 13

'anong gawa mo?'

*message sent*

'diba may klase ka?'

Napatingin naman ako sa una, sa prof ko na kasalukuyang naglelecture. Natawa naman


ako bigla ng maalala na saulo nga pala ni Keli ang sched ko.

'naggreet lang ako ng goodmorning e. Kaw a mag-aral ka!'

Nagtext agad siya. Napangiti naman ako nang bigla akong tawagin ng prof. para
ituloy yung binabasa niya sa textbook.

'mamaya punta ako dyan a! v^.^'

"Wuy! Ano yan? Bagong chiks!?" sabi ni Kevin pagkatapik sakin. Dumating na din sila
Danson at Albie.

Napatawa naman ako. Pagkatingin ko sa kanila, nakatingin silang lahat sakin.


Napaubo na lang ako. Kaya natawa sila sabay akbay ni Kevin sakin. Tinago ko naman
yung cp ko.

Gusto ko na sanang sabihin sa kanila ang tungkol kay Keli pero bigla ko namang
napansin si Darryl, "Nasaan si Darryl?" madalas na siyang hindi sumama sa barkada.
Umiwas sila ng mga tingin sa akin.

"Wag ninyong sabihing.. puro Sab na lang yun!?"

"Ah ha.ha.ha. o-Oo! G-ganon na nga!" parang baliw si Kevin at Albie. Sasagot lang
naman ng oo e. napatingin tuloy ako kay Danson, umiwas din siya ng tingin sakin
sabay tingin sa cellphone niya. Hmm..

Pumunta naman ako sa sunod kong klase. Sa pagmamadali ko dahil late na ako, hindi
ko tuloy sinasadyang masagi yung taong nakasalubong ko. Nalaglag yung mga gamit
niya, kaya tinulungan ko agad.

"p-Pasensya na." inayos ko ang mga gamit niya.

Napatingin ako dun sa babae nung mapansing kong parang nakatingin ito, "Oh Sab."
Ngumiti ako.

Ngumiti din naman siya.

"Naku! Late na ako! Sige alis na ako a." sabi naman niya. Nagkibit balikat na lang
ako at pinuntahan si Keli.

"Andi!!!" ngiting ngiti siya. Tuloy di ko maiwasang hindi rin mangiti.

Ang babaeng ito, palagi siyang masaya pagnakikita ako. (//.-- ) Kumakaway pa siya.
Mukhang siyang tanga.. Ganon pa man. Hindi ko makitaan ng masama ang babaeng ito..
Napakapure niya.

Toink!

"Aray! Bakit?" pinitik ko ang noo niya. Nakakahiya kasi siya.


Pansin ko pa na may ibang tao na hindi maiwasang mapatingin samin. At may iba pang
nagbubulungan.

"Andi!" ang babaeng ito, hindi niya alam ang pinasok niyang gulo. Kung seryoso siya
sakin.. bakit ako pa.. :'c

"Ano? Tara na nga." hinigit ko yung kamay niya pero agad ding binitawan.

Naglalakad lang ako. Medyo malayo layo na rin ang nalalakad ko nang maalala ko na
di ko alam kung saan nga pala kami pupunta.

"Oi--" paglingon ko sa likod. Hindi ko siya nakita. Dalwang babaeng nagbubulungan


ang nakita ko.

"Uhm Hi!" biglang sabi sakin nung babae na medyo mga 2 taon ang tanda sakin.

"Ang gwapo mo naman. Nag-iisa ka ba?" napakunot ang noo ko. Nasaan na ba kasi ang
babaeng yun!

"You know what, you look familiar!"

"Nagmeet na ba tayo?"

Biglang pumasok sa isip ko na baka iniwan na ako ng babaeng yun. Kaya naisip ko na
lang na makipagflirt. Magsasalita pa lang ako nang..

mapansin ko yung babaeng naglalakad di kalayuan samin. Tumigil siya..

"Uhm gusto mo sumama samin? Hehe."

"Ang gwapo niya.."

Ang lungkot nung mukha niya. At nung magtagpo ang mga mata namin.. bigla na lang
siyang..

ngumiti?

"So ano, let's-"

Nilapitan ko siya.

Naiinis talaga ako sa babaeng ito. Minsan hindi ko siya maintindihan. Ngayon
kaharap ko siya.. hindi ko maintindihan kung iiyak ba siya sa kabila ng mga pekeng
ngiting yan.

"Hey!" tinawag naman ako nung dalwang babae. Si Keli naman.. nawala ang ngiti.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Kaya dahan dahan kong ni-poke ang
noo niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Pasensya na, pero kasama ko siya." ngumiti naman yung dalwang babae at nagpaalam.

"Andi.."

At sa wakas nagsalita na siya. Tiningnan ko siya ng masama. Pero mas napansin ko


na.. di niya soot yung sapatos niya.

"Ano ba talagang ginawa mo?" tumingin siya sa tinutukoy ko.

"Ahh.. masakit kasi yung paa ko sa soot kong heels na'to." pinakita niya sakin. At
alam niyo kung anong iniisip ko?

Ang weird niya.


"Yung dalwang babae.." napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ba ako dumating..
sasama ka ba sa kanila?"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Tama, sasama nga ba ako dun sa dalwang babaeng
yun kung hindi ko siya nakita? Agh bigla akong nainis bakit ko ba kasi iniisip ang
mga ganitong bagay! Sa totoo lang ang lahat ng ito'y kasalanan niya! >:(

"Eh ano naman sayo.." tiningnan ko siya ng masama. Hindi pa rin nagbabago ang
expression ng mukha niya. "Tara na nga."

Naglakad naman ako habang sumusunod naman siya. Kahit pa hindi ko naman alam kung
saan kami pupunta.

Ring.. Ring..

Napatingin ako sa phone ko. Di ko pa man nasasagot-nang mapansin kong hindi pa rin
soot nung babaeng yun yung sandals niya.

"What's with you!? (~,^ )" ngumiti lang siya pagkatapos ay kumapit saking likod.

"Andi, pwede ba akong sumakay sa likod mo?"

Bigla akong nainis sa sinabi niya. As in nagkasalubong yung mga kilay ko. Kaya agad
naman siyang napatungo. Wala pa man siyang sinasabi pero alam ko na nasaktan siya
sa reaction ko. Pero sino bang hindi maiinis, ano bang klaseng utak ang meron siya
at naiisip niya ang mga ganitong bagay? Sumakay sa likod ko? Pinagsoot ko ba siya
ng high heels? >:(

"Haha.. isoot ko na nga lang ito." Hindi pa rin siya tumitingin habang sinosoot
naman niya yung sapatos niya.

Tapos bigla bigla na lang siyang naglalakad. Obvious na nagtatampo siya.


Kaya sa huli hindi ko rin siya natiis at hinigit ko yung kamay niya.

"Weee piggyback ride :D" psh ang ingay niya!

"Oi ano ba!" tumawa naman siya. tss bigla bigla niya kasing hinihigpitan ang
pagyakap sa leeg ko. Hindi naman masakit.. nakakailang lang :||

Sobrang lapit niya. Mas mabuti pa yung niyayakap niya ako. Kesa dito.. >:
( nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Tss! Naaamoy ko siya!

"Andi?" nagulat naman ako nung magsalita siya.

"Mabigat ba ako?" Hinawakan naman niya yung kilay ko."Naiinis ka kasi?"

"Ano ba!?" inalog alog ko yung ulo ko para maalis yung kamay niya. Tss! Kainis
talaga siya!

"Wag ka na nga lang magtanong ng kung ano! Gusto mo ibaba kita!"

"Hahahaha! Mahal na mahal talaga kita Andi!" mas hinigpitan niya yung kapit.

Agggh! Sasabog na ata yung puso ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Tae talaga ang
babaeng ito! >:(

Naiinis ako sa kanya dahil pinapatibok niya ang puso ko..

*******************************************
[33] Chapter 31
*******************************************
Ring.. ring.. ring..

"Keli?"

"Hmm?"

"Yung phone ko nagriring." Wala naman talaga akong pakealam kung nagriring yung
phone ko. Kaso, kanina pa itong nagriring. Baka isa kila Albie ang may kailangan
sakin. Kaya kahit hindi ko naman gusto, bumaba pa rin si Keli.

Tiningnan lang niya ako habang sinasagot ko yung call. Unknown number?

"Hello?" tumingin din ako kay Keli. Napangiti naman siya.

Kaso habang nakikinig ako, agad akong napatalikod kay Keli nung marinig ko yung
sinasabi nung nasa kabilang linya.

"Ganon ba.. ah sige. Pupunta na ako.

Salamat ulit." Ni-end ko naman yung call. Pero hindi ako tumingin kay Keli.

"May problema ba?"

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Agad ko namang nilagay yung phone ko sa bulsa
ko.

"Kailangan ko ng umalis."

Hindi siya nagsalita. Kaya naisip ko na umalis na-

"Andi.." hinawakan niya ang kamay ko.


Hindi ko alam pero bigla akong nainis. "Nagawa ko naman yung gusto mo diba?! Kaya
pwede ba.." huminahon ako. "..umuwi ka na." tapos iniwan ko na siya.

Agad akong pumara ng taxi at pumunta sa isang Bar.

Sa totoo lang, ayoko naman talaga iwan si Keli. Kaso.. naiinis ako. Si Chelsea,
lasing na lasing at hindi ko alam kung bakit ako pa ang tinawagan para sunduin
siya. Pero mukhang may alam ako sa nangyayari. This past few days din kasi, may mga
naririnig ako rumors na masyado daw pinahihirapan si Chelsea ng mga kaklase niya.
Pinagwalang bahala ko lang yun. Pero ang malaman na wala siyang kasama sa Bar. Agh!
Kung isa man itong trap, hindi ko siya uurongan!

Pagdating ko naman dun, agad ko siyang hinanap. At nung makita ko siya, nakaub-ob
ito habang may isang lalaki na nasa tabi nito. Mukhang yung lalaking yun ang
tumawag sakin. Nagtatrabaho siguro siya sa Bar na'to. Kaya nilapitan ko na sila.

"Excue me." Sabi ko. Napatingin naman yung lalaki.

"ah kayo po ba si Andi Rivas?" ngiting ngiting sabi nung lalaki.

"Ako na ang bahala sa kanya." Nagbow naman siya at umalis.

Nilapitan ko naman si Chelsea at hinawakan ang braso nito. "Chelsea! Si Andi ito!"
tumingin siya sakin. Namumula mula siya, halatang lasing na lasing. Tsk! Ano na
naman bang drama ng babaeng ito!? >:(

"Andi?.. Andi Rivas? Hahah oi Andi!" hinawakan ko naman siya sa magkabilang braso.
Naa-out of balance na kasi siya.

"Ikaw Andi! Hic* a-ano bang kamalasan ang meron ka a! Hah!" tinulak niya ako. Pero
parang wala namang nangyari. Tsk lasing na nga talaga siya. tiningnan ko kung
nakailang bote siya. :o Nakawalo siya?!

"Oi kailan ka pa dito?"


"Ikaw!" hinawakan niya ang mukha ko. Ang makabila kong pisngi.

"Andi Rivas.. hic* NAPAKASAMA MO! *sob*" bigla siyang napatungo sabay hawak sa
damit ko. Nasa dibdib ko yung ulo niya.

"o-Oi!" napansin ko yung iba na napapatingin samin. Tsk! Nakakahiya ito. Kung ano
pang isipin ng iba! Pahamak talaga!. (//,-- )

Pero ang mas kumuha ng atensyon ko at ang maramdamang umiiyak siya. "Napaka mo..
ang gusto ko lang naman.. *sob* marealize mo na mali ang ginagawa mo saming mga
babae! *sob*"

Lasing ba talaga siya? :(

"..gwapo ka! Pero bakit kailangan mo kaming lokohin. Bakit kailangan mo kaming
paglaruan.. bakit mo ako ginaganito.. *sob* ang sa-ma.. mo.." nawalan naman siya ng
malay.

Day 14

Tiningnan ko yung phone ko, pero wala akong natanggap na message galling kay
Chelsea. *sigh* Pagkatapos kasi ng gabing yun, hindi na ako mapalagay. Sigurado ako
na may problema si Chelsea..

Pagkatapos ng dalwa kong klase, napag-usapan namin ni Keli na magkita sa


pinakamalapit na café. Since 2 oras naman yung vacant ko.

"Ah sorry!"

"Andi!!!" ngumiti na lang ako sa dalwang babae na nasagi ko. Pero agad din akong
umalis-
"Si Andi nga yung tinutukoy nila diba?"

Kaso napatigil ako nung marinig yung bulungan ng dalwang babaeng yun.

"Oo. Yung Chelsea kasi, may masamang ginawa daw kay Andi. Tsk tingnan mo na lang
ang nangyayari sa kanya."

"Hmf! Ano bang problema ng babaeng yun? Maswerte nga siya dahil sa dami dami ng
babae na pwedeng maging girlfriend ni Andi Rivas, isa siya sa mga napili."

"Tama."

Napalingon ako sa dalwang yun na ngayo'y naglalakad na palayo sakin.

Hindi ko alam kung bakit, pero naisip ko bigla na puntahan si Chelsea sa room niya.
Mabuti na nga lang at nasa phone ko pa yung schedule niya.

"Hahaha." Malayo pa lang ako naririnig ko na yung tawanan sa loob. Napatingin ako
sa wrist watch ko, may 5 minutes pa bago dumating yung prof.

"Ay oo nga ano! Let's go guys!" di pa man ako nakakalapit sa may pintuan, napansin
ko may mga nagsilabasan. Nagtago naman ako. At mabuti na lang walang nakapansin na
ako si Andi Rivas.

Kakaunti na yung tao sa loob ng classroom. At yung iba pa dun ay may balak pa atang
umalis. Sinubukan kong tingnan kung nandun ba si Chelsea. Nakaupo lang siya dun at
parang walang balak umalis. Nagvibrate yung phone ko. Pagtingin ko, nagtext pala si
Keli, mukhang nandun na siya sa usapan namin.

Kaso hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Chelsea. Bakit hindi siya kasama ng mga
kaklase niya? Bakit hindi pa siya umaalis.

*sob* :o

Papasok na sana ako nung marinig ko yun sa kanya-


"Andi!?" napalingon ako sa tumawag sakin. "Andi, may kailangan ka ba? Bakit ka
nandito! Waa" siya yung kasa kasama dati ni Chelsea. Yung kaibigan ni Chelsea na
nagkulong kay Keli dun sa old room.

Tatanungin ko sana siya ng mapansin ko naman na lumabas na si Chelsea. Nakatingin


lang siya samin.

"Uhm.."

"May nakalimutan kasi akong notes, Andi! Hintayin mo ako a." hindi niya pinansin si
Chelsea.

"Chel..-" sabi ko kaso biglang dumating yung isang babae at agad siyang lumink sa
braso ko. At hinigit ako palayo.

"Yanie.." narinig kong nagsalita si Chelsea. Pero hindi siya pinansin nung babaeng
nakalink sakin. Nung lingunin ko si Chelsea. Nakita ko naman na umaalis na siya.

"Sandali." Tumigil naman ako at inalis ang kamay niya.

"Huh? :D" ngiting ngiti siya.

"Hindi ako nandito dahil sayo." Nagpout naman siya. "Gusto kong malaman kung anong
meron kay Chelsea." Umiwas siya ng tingin sakin.

"Naku! Malelate na ako, sige nanga Andi next time na lang." hinigit ko yung braso
niya bago siya umalis. Bigla naman siyang nainis.

"Ano ba! Bakit ba nag-aalala ka sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sayo!


Unforgivable! Tapos.. pati kami binabalewala mo e hindi naman talaga namin gustong
saktan yung babaeng yun kung hindi lang sinabi ni Chelsea na stalker mo daw yun.
Mahalaga ka kaya samin! Pero ano.. iniwasan mo kami dahil sa ginawa ni Chelsea!

Hindi namin mapapatawad si Chelsea!"


Mukhang naiintindihan ko na ang mga nangyayari.. >:(

"Pero alam mo Andi, hindi mo naman talaga kailangang mag-alala sa kanya-"

"Anong mga klase kayong kaibigan!" naiinis ako.

Ang mga babae.. pareparehas talaga sila! Mas mahalaga sa kanila ang image ng isang
tao! >:(

"Ayoko ng makikitang binubully ninyo si Chelsea." Agad naman akong umalis


pagkatapos.

Naisip kong sundan si Chelsea.

*******************************************
[34] Chapter 32
*******************************************
Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Lakas loob naman akong tumabi sa kanya.
Nagulat naman siya nung tingnan ko siya, kaya agad akong umiwas ng tingin. Sa totoo
lang, hindi ako comfortable sa ginagawa ko.

"May klase ka pa diba? Cutting?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam kung saan yung sunod kong klase. Ang alam ko may sinabi
si sir sa kanila.. pero hindi nila sinasabi sakin." Napansin ko ang paniniklob ng
mga kamay niya. Alam kong nasasaktan siya.

Hindi ako nagsalita.

"Ang nangyari kagabi. Gusto ko sanang magpasalamat sa paghatid mo sakin sa bahay


namin." Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman
ko.. pero para bang hindi ko magawang iwan siya. Ayokong iwan siya.

Tumingin naman siya sakin. Medyo nagulat siya na makitang nakatingin pala ako sa
kanya. Umiwas siya at medyo tumungo.. dun ko napansing.. umiiyak na pala siya.

Hahawakan ko sana siya-- ,"Galit na galit ako sayo. *sob* Galit na galit ako na
nagmahal ako ng kagaya mo.. akala ko okay lang kasi parehas lang naman tayo noon.
Simple ka lang naman noon e. Akala ko kahit nagbago ka sa panlabas, ang panloob na
kaanyuan mo ay mananatili..Hindi pala! *sob* Anong dahilan? Bakit kailangan mo
akong saktan? Kailangang gawin mo ito..

Hindi na ikaw si Anthony.. bakit.." iyak siya ng iyak. At hindi ko alam kung bakit
ako nasasaktan sa sinasabi niya.

Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko magawang sumagot sa mga sinabi niya.
Nakinig lang ako at pinanood siya. siguro nga.. ang sama sama ko..

6:00 na ng gabi at hindi pa rin ako umuuwi. Nandito ako sa Bar. *sigh*

Hindi ko iniwan si Chelsea kanina. Ang totoo ako ang iniwan niya.. wala akong
sinabi. Hinayaan ko lang siya. At mukhang tapos na talaga siya sakin.. tiningnan ko
naman yung cellphone ko na kanina ko pa hindi pinapakealaman. May 52 messaged ako,
at may 10 messages dun na sunod sunod. Galling kay Keli? :o

Bigla kong naalala ang usapan namin. Ang alam ko naghihintay sakin si Keli.. Aggh!
Hindi ko man lang siya nagawang itext. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun sa mga
oras na ito?

Calling..

Lumabas ako ng Bar at tinawagan ko siya. 5 rings.. hindi pa rin niya sinasagot. 10
rings.. ni-end ko na. Ano kayang problema ng babaeng yun? Nagalit kaya siya? tsk.
Tumawag ulit ako. At this time, 3 rings lang ay sinagot na niya..

"*cough* h-Hello?" medyo natakot ako sa ginawa niyang pagsagot.


"Oi! May sakit ka ba? Nagkasakit ka ba kakahintay sakin!?" matagal siyang sumagot.

"Hmm.. hahaha Andi! Ikaw pala!" napakunot ako ng noo. May hindi tama. Bakit ganyan
siya magsalita? Kanina pa akong natawag pero bakit hindi man lang niya alam na ako
ito? At.. parang pinipilit lang niya maging okay.

Yaan na. mukhang hindi ito ang time para pag-usapan kung okay nga siya. dahil hindi
okay yung ginawa kong paghintayin siya.

"Sorry kanina. Sorry talaga.." magsasalita sana siya ng ituloy ko yung sasabihin
ko, "..nakalimutan ko." At dahil sa huli kong sinabi. Bigla siyang nanahimik.

Akala ko nga nawala na lang siya, "o-Oi?"

"Hmm.. okay lang. " hindi naman talaga siya okay.

"s-Sandali! Bakit nga ba kailangan pa nating magkita kanina? Mahalaga ba yung


sasabihin mo? May sasabihin ka ba?" tsk. Natataranta tuloy ako. Hindi kasi ako
sanay na nagkakaganito siya.

"Wala yun. Hindi na yun mahalaga. Hm-" ewan ko. Pero parang narinig ko siyang
humikbi. Hindi ako sure.. pero parang..

"a-Andi. Pwede bang next time na lang tayo mag-usap." Bigla na lang.. tuuuuuuuut..
ang narinig ko.

Binaba niya. :( I think nasaktan ko siya. Kaya agad akong pumunta sa kotse ko at
kinontact ulit siya.

10 rings.. 15.. Hindi ko siya titigilan.

Calling..
"Tangna! Please naman oh sumagot ka!"

Ni-end ko ulit yung call at tinawagan siya. alam ko, sigurado ako, umiiyak siya.
kasalanan ko naman talaga e. sigurado ako naghintay siya. Pinagmukha ko siguro
siyang tanga habang naghihintay! AGH! Tanga ko talaga!

"h-Hello?"

"Ano ba! BAKIT HINDI MO AGAD SINASAGOT!" naiinis na talaga ako. "Sabihin mo sakin
kung nasaan ka, pupuntahan kita."

"Imposible na yun, Andi. Sa mga oras na ito nasa-"

"KAILANGAN NATING MAGKITA! Kung ano man yung dapat gagawin mo kanina, GAGAWIN MO
NGAYON dahil pupuntahan kita!"

"Andi.." nag-over take naman ako sa sasakyang nasa unahan ko.

"Ano!?"

"Wait..

Magkita tayo sa Park malapit sa may Jollibee."

"Okay." Sabay ni-end ko naman yung call.

Agad akong pumunta sa napag-usapan namin since medyo malapit naman na ako.
Pagdating ko dun, wala pa siya kaya umupo ako sa bakanteng upuan. Hindi pa ganon
katagal, nung mapansin ko agad siya di kalayuan sakin. Agad akong tumakbo papunta
sa kanya.

"Ah Andi?-" hawak hawak ko siya sa magkabila niyang braso, nung tingnan ko siya.

"SORRY!" medyo napalakas yung boses ko kaya medyo nakuha ko yung atensyon ng ibang
taong napapadaan samin.

"eh?" nagulat naman siya. at biglang natawa.

"Ikaw talaga!" hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko, pero parang napaluha siya
sa ginawa ko. Tsk mga babae talaga ang babaw. *blush*

"So ano, ano ba yung ibibigay mo?"

May binigay siyang box. At pagtingin ko naman, "Chocolate?"

"Yep!" ang cute niyang ngumiti. Tss (//.-- )

Medyo naweirduhan ako pero hindi ako galit, "So ito ba talaga ang dahilan ng lahat
ng pagkikita natin kanina?"

Nagpout siya. "Ano ka ba! 14 kaya ngayon! (~3~ )"

"Valentines? Haha tagal pa nun a!" pero sa totoo lang masaya ako kahit ang weird
lang talaga.

"Gusto ko kasing maexperience ang mga ganitong bagay." Tumingin ako sa kanya. Gusto
kong magtaka sa mga sinabi niya. Pero nakangiti kasi siya, siguro..

Wala naman siyang ibang ibig sabihin dun diba?

*******************************************
[35] Chapter 33
*******************************************
Day 15

Bell ring..

"Ah." Agad naman akong tumayo gaya ng iba.

"Andi, ano tara sa Bar?"

Lumingon naman ako kay Kevin, "Hindi ako pwede ngayon. Sige!" at agad naman akong
umalis ng classroom.
Ang totoo niyan may usapan kami ni Keli. At ngayon nga ay magkikita kami. Since
wala na naman akong problema kay Chelsea, at yung tungkol naman sa ibang babae
binabalewala ko na lamang.

"Andi!" nakita ko naman siya agad habang kinakaway kaway niya yung kamay niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo pagkalapit ko sa kanya.

"Let's go." Tumango naman siya.

Pinuntahan namin ni Keli yung napag-usapan naming puntahan. Kumain sa tabi tabi. At
kung anu anong pinanood na iba't ibang tinda.

"Waah tingnan mo Andi ang cute no." may soot soot siyang headband na may bunny
ears. Ang cute niya. Ngumiti na lang ako. May sinoot naman siyang bonnet sakin.

"Tara, picture tayo." Hinigit ko naman siya.

"Ah sa-sanda-" bigla na lang siyang lumayo. Nagtaka naman ako. ?? "L-look! Can you
hear that!? That's my favorite song!" hinigit naman niya ako.

I will stand by you forever


You can take my breath away

"Manong! Pwede po bang pakiulit nung kanta?" hinawakan naman niya yung kamay ko.
Ngiting ngiti siya.

"Andi, can I have this dance?" bigla bigla na lang siyang naglahad ng kamay.

"o-Oy! Mahiya ka nga!" pero hindi niya ako pinakinggan at ngumiti lang siya. (//.<
)

Narinig ko na lang na nagsimula na yung kanta. Umikot siya sa likod ko. Habang
hindi ko naman mapigilang hindi mapatingin sa paligid ko.
Would you dance, if I asked you to dance?

Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa baywang niya habang nilalagay naman niya
yung kamay niya sa balikat ko. Habang yung kanang kamay niya ay hinahawakan ang
kaliwa kong kamay. ( o.0) For real sasayaw kami sa harap ng madaming tao?

Would you run, and never look back?

Aalisin ko sana yung kamay ko nung mapansin ko na may mga ibang tao na napapatingin
samin. Kaso (o.O ) Bigla na lang niyang hinawakan ang mukha ko papalapit sa mukha
niya. Ipinatong niya yung noo niya sa noo ko. at hindi binitawan ang mukha ko.

"Kung nahihiya ka, ipikit mo na lang ang mga mata mo." Pinikit naman niya ang mga
mata niya.
Thump.thump.thump.

Ang puso ko. parang sasabog. Ang lapit naming sa isa't isa. Hindi ko alam pero..
yung kaliwa kong kamay. Gustong hawakan siya.

Hold me in your arms, tonight

Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko. at dahan dahan kong hinawakan ang kabilang
baywang niya. I'm holding her.. Yung kanta. Yung sayaw. Ngayon ko lang naramdaman
ito..

Ang sarap sa pakiramdam.


*Clap* *Clap* *Clap*

Natauhan na lang ako nung marinig ko yung palakpakan ng mga tao.

Nanlaki yung mata ko na makitang ang dami nila.

"hahaha Andi oh, napanood nila!" bago pa siya lumingon sakin ng may malaking ngiti
sa mukha ay hinigit ko na siya palayo sa lugar na yun.

"a-Andi! *pant* s-Sandali!" higit higit ko yung kamay niya habang tumatakbo kami.
Habang yung isa kong kamay ay pinantataklob ko sa mapula kong mukha. Agh!
Nakakahiya kasi talaga!
"AH!!" napatigil naman ako ng bigla ko siyang marinig na sumigaw.

(0.O ) Napaluhod si Keli habang hawak ko yung isa niyang kamay.

"k-KELI!?" agad naman akong umupo para pantayan siya.

"ha.ha.ha.ha. *pant* a-Andi! Mabuti tumigil ka-" napabitaw naman siya sakin at
umubo ng umubo.

Hindi ko alam ang gagawin ko at that time, kaya agad ko siyang binuhat at dinala sa
pinakamalapit na clinic.

Nung matingnan na siya nung doctor at pinainom ng gamot, saka ako lumapit.

"o-Okay ka na ba?" tumango siya. pero natatakot pa rin ako. "Gusto kong malaman
kung anong kalagayan m-" pinigilan niya ako.
"Hmm.. *pant* o-Okay na a-akoo.." bumalik naman ako sa pagkakaupo ko.

"s-Sorry!" hinawakan ko yung kamay niya. "Sorry talaga!"

Ngumiti siya. pero alam ko nahihirapan siyang gawin yun.

Matagal na katahimikan. Nung maramdaman kong ipat niya ang ulo ko. napatingin ako
sa kanya.

"Hm :) Wag kang mag-alala. Nagulat lang talaga ako sa pagtakbo. Ang totoo kasi
niyang, yun ang first time na tumakbo ako ng ganong kabilis. At ganong katagal.
Hahahahh." Mukhang okay na siya. kaya agad ko siyang niyakap.

"Natakot ako! Akala ko! Akala ko.." shet! Ano ba itong nararamdaman ko.. :'(
Naramdaman ko na lang na niyayakap na rin niya ako. "Hindi lang kasi ako sanay.
Pero don't worry, hindi na ito mauulit."

"Ayoko.. na makikitang nag-aalala ka ng ganyan.. Andi. Please.."

*******************************************
[36] Chapter 34
*******************************************
Day 16

'HELLO ANDI~'

Uggghh!

'ANDII!~'

Kahit ayoko pa, pinilit ko pa ring imulat ang mga mata ko para lang i-answer yung
call.

"hello?.." mahina kong sabi. *yawn*

"ANDI!!! Wah Gising ka na! Yay!" napahawak ako sa ulo ko.

"bakit ka ba napatawag? >:(" napapikit naman ako. Sa totoo lang kasi inaantok pa
talaga ako.
"Andi! May secret ako.. shh~" agh ang weirdong babaeng ito! Diba niya naiintindihan
na inaantok pa ako.

"Ano ba kasi yun!?" naiirita ko ng sabi.

"Teehee. Andi,

Hulaan mooooo~"

Agh! Sa inis ko, ni-end ko na yung call. At niyakap na lang ulit ang unan ko para
matulog.

*yawn*

Nagising naman ako. Pagbangon ko..

"WAH!!!" mukha niya agad ang nakita ko. Nakapout siya. *blush* "a-Anong ginagawa
mo.."

"Tawag ako ng tawag pero hindi mo sinasagot.Tapos binabaan mo pa ako kanina, ang
sama mo talaga Andi!" tumalikod siya. Napahawak naman ako sa ulo ko. Ang babaeng
ito. Ginamit niya siguro yung susi para makapasok dito sa condo. Tsk, gagawin niya
talaga ang lahat para makita ako. Walang araw na hindi ko ata makikita mukha niya
e.

"Ano ba talagang pinunta mo?"

"birthhsfdfvdayvdbko."
"Huh?" hindi ko marinig sinasabi niya. Humarap naman siya ng nakasimangot. Hindi ko
alam kung matatakot ako o matatawa, ang cute niya kasi.

"Sabi ko,

BIRTHDAY KO NGAYON!!!" bigla siyang namula, sobrang pula. Gusto ko na sanang


matawa-kaso bigla kong narealizde yung sinabi niya. (o.O )

"EH???!" hindi ko alam ang irereact ko!

Umiwas siya ng tingin. Mukhang malungkot siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko,
kaya naisip ko na batiin na lang siya.

"Happy Birthday."ngumiti ako. Lumingon naman siya.

Nang bigla naman siyang ngumiti ng ngiting ngiti. *strange* Mukhang alam ko na kung
bakit. May binabalak na naman siya.

"Andi..~" lumapit siya sakin.

"a-Ano na naman ba?"

Nagpout siya. "Naman? Wala pa nga akong nasasabi e. :3 Pero!

Andi, gusto ko ng regalo!" nakangiti na naman siya. Pinitik ko yung noo niya.

"Aray?"

Umalis ako sa kama at tumayo. Nilingon ko ulit siya at tiningnan ng masama. Tsk!
Palagi na lang siyang ganito. Kinuha ko na lang yung tuwalya at dumiretso sa banyo.

"May usapan kami ng barkada. Hindi ako pwede ngayon." Sabay sarado ko ng pinto at
binuksan yung gripo.

Pero sa totoo lang, iniisip ko kung anong pwede kong iregalo sa kanya.

*BLAG*

Nagulat ako nung may biglang kumalampag.

"BASTA GUSTO KO NG REGALO~" at pagbukas ko ng pinto. Wala na siya sa kwarto ko..?

Pumunta naman ako sa tambayan. At gaya pa rin ng dati, may mga chiks na naman
silang dala. May pinakilala din sila sakin at gaya pa rin ng dati, syempre
kailangan makipagfling ako. Pero iniisip ko rin kung anong pwede kong iregalo sa
makulit na babaeng yun. Nasa kanya pa yung bracelet at hindi maganda kung necklace
naman ang ibibigay ko sa kanya. Tsk..

"Eh?" bigla namang dumating si Darryl. Nagkatinginan kami kaya napangiti ako. "oi!"
binati ko siya. tumango lang siya.

"Musta na? ngayon lang ulit tayo nagkita a." ewan ko ba. Pero may feelings ako na
dumidistansya siya sakin. May nagawa ba ako?

"Okay naman. Oi Albie, may kadate ako mamaya kaya hindi pala ako pede." Pasigaw
niyang sabi kay Albie. Napalingon tuloy ako para hanapin si Albie. "Tsk. Nasaan ba
yung abnoy na yun."

"Mukhang umalis ata." Hindi pa rin tumitingin si Darryl sakin. May katext din kasi
ata siya sa cellphone.

"Andi, tara magbilliard oh." Anyaya naman sakin nung babaeng kanina pang nakalink
sa braso ko. hindi ko siya sinagot lalo na nung umalis si Darryl. Kaya agad kong
inalis yung kamay nung babae at hinabol si Darryl.
"Kamusta na nga pala kayo ni Sab?" bigla siyang napatigil.

At saka lang siya tumingin, "Okay naman." Binuksan niya yung can ng beer at ininom.

"Siya ba yung kadate mo?"

Tumalikod siya. "Hindi.

Ah! Pasabi na lang kay Albie, na hindi ako pwede mamaya. Sige alis na ako." At
umalis na siya pagkatapos nun.

Sigurado ako sa nararamdaman ko, may mali talaga samin ni Darryl. At mukhang
tungkol ito kay Sabrina.

Umalis naman ako pagkatapos kong masabi kay Albie yung pinahibilin ni Darryl sakin.
Pumunta ako sa mall para nga maghanap ng ireregalo ko kay Keli. Halos lahat ng
boutique tiningnan ko. Pero wala akong maisip na ireregalo ko sa kanya na magfifit
sa character niya.

Hanggang sa makalabas ako ng mall. At dun ko nakita yung ireregalo ko sa kanya..

"Thank You Sir." Ngumiti ako at lumabas ng shop. "Eee ang gwapo niya! :D"

Kaso paglabas ko..

"Keli?" may nakita akong isang babae na kamukhang kamukha niya. Kaso bigla na lang
itong tumalikod at umalis.. kasama ang isang lalaki.

At dahil feeling ko tama ako. Kaya sinundan ko sila.

Nakarating kami sa Park. Nasundan ko sila ng hindi nila ako napapansin. At tama ang
hinala ko.. si Keli yun. Pero.. ang mas nakakagulat..
"Thanks talaga Jared dito sa regalo."

Si Jared (0.O' )

*******************************************
[37] Chapter 35
*******************************************
Nakatayo pa rin ako malayo kila Keli. Titig na titig ako at sigurado ako sa mukhang
yun, na yung mukhang yun ang Jared na mortal enemy ko nung grade 6 ako. Tsk! Ngayon
ko na lang ulit yun nakita. At talaga pa lang..

Mas gwapo ako sa kanya ~(*-* ~)

Agh! Hindi ito ang oras para dun. Ang ibig kong sabihin. Bakit magkasama sila ni
Keli? Anong kaugnayan niya sa babaeng ito? Sa nakikita ko mukha namang masaya si
Keli kasama itong si Jared. Hanggang sa umalis ito, nakangiti pa rin siya.. :(

Tsk >:|

Calling..

"Eh?" sinagot ko naman yung tawag ni Keli. Hindi nga pala niya alam na nakikita ko
siya ngayon.

"Andi!!" agh ang sakit talaga sa tainga ng boses niya. Bakit ba palagi siyang
masaya pag tinatawag ang pangalan ko?!

"Oh bakit?"

"Punta ako sa condo mo. Icelebrate natin ang birthday ko! Yung regalo ko ah!
Bye~"agh! Adik talaga ang babaeng ito. Ang lakas mang-utos!
Tiningnan ko naman siya. Eh? Bakit hindi pa siya naalis? Agh! Ako pala dapat ang
unang umalis. Aalis na dapat ako pero hindi ko napigilang hindi siya sulyapan. At
nung makita ko siya.. napansin ko na malungkot siya. ??

Bakit siya malungkot? Ah! biglang nagbago yung reaction ng mukha niya at tumakbo
siya. napatingin ako sa cellphone ko nagbabakasakali na tatawag siya. pero hindi
naman. May problema kaya?

Sa huli, naunahan pa niya ako sa condo ko. tinitingnan ko siya pero ang saya saya
naman niyang tingnan. Ang weird lang talaga.

"Talaga bang kailangan na dito pa sa condo ko icelebrate ang birthday mo?" pinakita
naman niya sakin yung mga dala niya.

"Magcecelebarte tayo ng walang sawa! :D Hanggang bukas." Binigyan ko siya ng look


na 'hindi ako naniniwala'. Palagi kaya siyang nawawala pag gabi, tapos sasabihin
niya..

"Ano ba yang mga dala mo?" tiningnan ko yung laman ng plastic. May mga beer at
cali. Mga chichiria. At cake.

"Magluluto rin ako! Tara pasok na tayo." Hinigit niya ang kamay ko.

Inabot kami ng 9 bago kami matapos sa pagluluto. Ang dami niyang hinandang pagkain
tapos kinontact ko na rin yung mga kakilala ko kahit gabing gabi na. dumating sila
Albie, Kevin, at Niko. Kami lang lima ang nagcelebrate ng birthday niya. Puro
kwentuhan habang kumakain at umiinom. Nagkaraoke rin kami. At sa nakikita ko naman
kay Keli, mukhang masayang Masaya siya.

Hanggang sa nagkatulugan na. at sabi ni Keli, dito daw siya matutulog kahit sa
totoo lang ay hindi ako naniniwala. Hindi ko tuloy napansin na nakatulog din pala
ako. Kahit antok na antok na talaga, pinilit ko pa ring bumangon. Napansin ko na
tulog na tulog na sila Albie at Kevin sa may sahig. Kinuha ko yung tuwalya para
ipangkumot kay Albie. Hinanap pa ng mata ko kung nasaan si Kevin. Pero since
nakatayo na ako, naisip ko na rin na puntahan si Keli sa kwarto niya- ( ??,o)

Kaso iba ang nakita ng mata ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat o magtaka
lang. Si Keli.. at Niko. Bakit gising pa sila? At bakit.. :\ Magkasama sila..?

"Hmm." Bigla na lang niyakap ni Albie ang paa ko. Na dahilan para hindi ko na lang
lapitan sila Keli at Niko. Bumalik ako sa pagkakahiga at kinalimutan ang nangyari.

Day 17

*yawn*

Pang -lima ko ng hikab ngayong umaga pagkatapos kong bumangon para lang magpaalam
sa pag-alis nila Niko.

"Bye bye!" habang itong si Keli gising na gising habang kumakaway pa kila Albie.
7am pa lang kasi..

Hanggang sa umalis na nga sila kaya naisip ko na humiga na ulit sa sofa. Antok na
antok pa talaga ako..

"Andi.. Anong gusto mong break fast? Alam mo napakasaya ko talaga kagabi, yun na
ata ang pinakamasaya kong birthday sa tanang buhay ko. Yun ay dahil kasama kita!
Teehee." tumango na lang ako pero pikit pa rin.

Pero sa totoo lang hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa sinasabi niya. Kahit hindi
ko nakikita, ramdam na ramdam ko na masayang masaya nga talaga siya. Weird talaga.
XD Kung tutuusin madami pa namang pagkakataon. Pero sa pinapakita at inaasta niya
parang wala ng bukas ang pag-eenjoy niya. Siya yung tipo ng tao na parang walang
pahinga at ang gusto lang ay ang maglaro buong araw..

"Nakikinig ka ba? Hehehe Andi. Matulog ka lang a, gigisingin kita mamaya."


naramdaman ko naman ang pag-alis niya.
'Andi..'

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya. Ngumiti siya, gaya pa rin ng dati.
Palagi siyang masaya. Masayang masaya. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapangiti.

Palagi siyang masaya pagkasama ako. Palagi siyang nag-eenjoy pagnandyan ako. Siya
yung babae na kahit wala pa akong ginagawa, masaya na agad siya. Palagi siyang
ngumingiti at tinatawag ang pangalan ko..

Tinaas ko ang kamay ko at inabot siya..

'Ah' bigla akong napuwing kaya napapikit ako at napahawak sa mata ko. Pagmulat ko..

:o

Wala na siya..

"Andi!!!

Ahhhnndddiiii~" napahawak naman ako sa ulo ko nung marinig ang boses na yun.
Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko na lang na nakahalumbaba siya sa sofa kaharap ng
ulo ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya napabangon ako ng wala sa oras.

"b-Bakit?" aray, ang sakit ng ulo ko dahil sa posisyon ko.

:o Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang tabi ng kanang mata ko.

"Umiiyak ka Andi.." naging malungkot siya. "Malungkot ba ang napanaginipan mo?"


hindi ko alam kung bakit.. :'c pero biglang kumirot ang puso ko.
Natawa na lang ako. "Hahaha. Ano bang pinagsasabi mo?!" pinunasan ko yung tabi ng
mata ko at meyo basa nga.? Napaisip tuloy ako, 'ano nga ba ang napanaginipan ko?'

"Tss! Panaginip? Di ko na maalala! Atsaka wag ka ngang nagpapaniwala dun.


Imahinasyon lang yun ng tao :)." ngumiti na lang ako para baguhin yung mood.

Pero sa totoo lang. Napapaisip ako. This past few days palagi ata akong gumigising
na may luha sa mga mata ko. At alam ko.. na may napanaginipan ako. Pero bakit hindi
ko nga ba maalala?

Kumain naman kami ng breakfast pagkatapos. At gaya nga ng sabi niya, nagluto siya.
Pagkatapos nun, nagcomputer ako habang siya naman ay naggagala sa buong parte ng
condo. Para nga siyang di mapalagay. Kaya.. bigla kong naisip na umalis ng bahay
kasama siya.

"Gusto mo bang mamasyal?" parang date? Haha

"Huh. Ayaw!"

*TOINK*

Aray! Sapol sa puso yun a. Diba niya naisip na parang niyayaya ko na rin siyang
makipagdate. Tsk kung kelan ko naiisip ang mga ganitong bagay.. saka naman siya
nagpapakainosente. Saming dalwa, dapat siya pa nga nakakaisip ng mga ganitong
bagay. Tsk!

"Mamaya kasi aalis na ako. Ah!--" so kaya pala. Agh bakit parang naasar ata ako..

"Andi! Naggigitara ka?" tsk ngayon naman iniiba niya ang usapan!

"Waaah Andi pwede bang kantahan mo ako!?" napakunot naman ang noo ko lalo na nung
sumulpot siya sa harap ko.

"May kachat ako." wala talaga akong kachat pero may mga nagchachat sakin.

"Pero wala ka pang regalo sakin."


"Anong wala! Binili kaya kita--" agh nakalimutan ko nga palang ibigay sa kanya
kahapon. Tsk kasi naman nandito sila Niko.. nahiya ako.

"Talaga!? Yun ba yung nasa kwato? Waaah tama nga ang hinala ko. Para sakin nga
yun." napalingon naman ako sa kanya.

"Alam mo pa lang iyo yun e bakit kinakasuhan mo pa ako na wala akong regalo sayo!?"
she never fails to irritate me!

"Ehehe. Hm sige na kantahan mo na ako. Last favor. Pretty please?" nagblink blink
pa yung eyes niya. Shet! *blush* ang cute niya!

Agad akong tumalikod at inasikaso yung ginagawa ko sa computer. Pero nung ni-stram
na niya yung gitara, bigla akong nadistract.

"Will you cut that fucking sound!" nagulat siya sa sinabi ko. Pero mas nagulat ako
nung ngumiti siya at nagbeautiful eyes na naman. *blush*

TAKTE! Bakit ba umiinit yung mukha ko. Agh.. Ang bading!

Sa huli wala din akong nagawa. Pagdinededma ko kasi siya, gumagawa naman siya ng
mga nakakairitang tunog sabay kanta ng 'ohh maawaing Andiii kantahan mo ako. Woaaah
please ooooh~' kaya mas lalo akong naiinis. XD Kaya eto hawak ko na yung gitara
para ipakita sa kanya ang tamang pagtugtog at sinabayan ko na rin ng kanta..

"Andi, hindi ko alam na kumakanta ka." napatawa naman ako.

"So kahit papaano pala.. may mga bagay rin na hindi ka alam tungkol kay Andi
Rivas."
*******************************************
[38] Chapter 36
*******************************************
Day 18

"Hi, Andi!" ngumiti naman ako.

"Kyaaah~ nginitian niya ako."

"Ako kaya!"

"Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago!" sabay hampas naman ni Kevin sakin.


Napatawa naman ako.

"Eh kamusta naman kayo ni Keli? Talaga bang wala lang?" tanong naman ni Albie
sakin.

"Oo nga no. kung titingnan, diba si Keli lang ang unang babae na dinala mo sa
condo? Hehe. Anong meron a! Seryoso ka na ba?!" medyo nangilabot ako sa mga
sinasabi nila.

Napahawak naman ako sa batok ko, "Girlfriend ko siya. natural lang na gawin ko ang
mga bagay na yun.. bukod dun.. wala na. ang totoo, hindi ko iniisip na magseryoso.
Para kasing natural na lahat ng ginagawa namin.. ewan ko ba.

Pakiramdam ko, responsable ako sa lahat." Tiningnan ko sila. May bakas ng


pagkagulat ang mga mukha nila. Agh! (//.T ) Sabi ko na e, hindi nila
maiintindihan. After all, hindi ganito ang Andi Rivas na kilala nila.

"Ganon pa man, Andi! Susuportahan ka namin sa lahat ng desisyon mo. Nandito lang
kami!" sabi ni Albie. Ganon din si Kevin kaya sabay sabay kaming nagtawanan.

At sabay sabay din kaming napatingin kay Daison na kasalukuyang tinetext siguro ang
mga kaflirts niya.
"Ganon ka din ba Daison?" ang flirt na'to.

"Huh? Kung ano man yan, sige na lang!" at mas lalo pa kaming nagtawanan na dahilan
para makuha namin ang atensyon ng ibang tao lalo na ng mga babae.

Maya maya din ay bumalik na kami sa mga klase namin. Ganon pa rin, hindi pa rin
nawawalan na may mga babaeng bumabati sakin sa tuwing makakasalubong ko sila. Hindi
ko akalaing.. darating yung oras na mapapagod ako bilang si Andi Rivas.

Bzzt..

1 new message

From Keli: Free ka ba ngayon? Holiday diba ng dalwang araw.. gusto mo bang mag-out
of town tayo? ^.^v

Totoo kayang.. tapos na ako sa pagiging ako? Seryoso na ba ako sa isang babae? Si
Keli na ba yung babaeng dapat kong mahalin? Handa na ba ako?

Kaya ko na bang magtiwala..

Nung matapos ang mga klase ko, saka ko nireplayan si Keli. Since tama naman siya na
2 araw nga kaming holiday at pagkatapos nung holiday na yun ay final exam na. sigh.

To Keli: Wag mong sabihin sa lugar niyo ulit tayo pupunta?

Pumunta akong parking lot at sumakay ng kotse since ngayong gabi din ata kami aalis
ni Keli.
Bzzt..

From Keli: Hindi. May lugar akong gustong puntahan. Early vacation na rin :p

Early vacation? Tsk! Ang dami niya talagang alam. Binuhay ko ang engine at
nagsimulang paandarin ito. Hindi ko pa nga pala alam kung saan siya tatagpuin. Oo
nga no, madami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Yung pangalan lang niya
ang alam ko, 'Keli'. Bukod sa family niya at mga kamag-anak.. wala na?

To Keli: Bahala ka. Saan ba kita susunduin?

Nagvibrate uli yung phone ko. at naramdaman ko din yung tyan ko.. mukhang nagugutom
na rin ako. :|

From Keli: Dun na lang ulit sa dati. Hihintayin kita.

Sinundo ko naman agad siya gaya ng napag-usapan at nagdecide kami na kumain na muna
bago umalis. Sa isang fast food chain kami pumunta since gutom na gutom na ako.
Agad akong kumagat sa chicken ko pagkaupo namin sa table.

"Hahaha gutom na gutom ka ngang talaga, Andi!" natawa din naman ako sa sinabi niya
pero.. bukod dun may iba pa akong napansin.

Nakita ko sila Sab at Darryl na magkasama sa labas, at nung iwan ni Darryl si Sab
mag-isa..?? Anong nangyayari? Mukhang may problema sila. This past few days, hindi
pala, matagal na pala, si Darryl ibang iba yung kinikilos niya simula nung
maghiwalay kami ni Sab. Ang alam ko nagkakabutihan na sila, pero bakit iba ata ang
nakikita ko ngayon? At anong-

"Andi, okay ka lang ba?" napatingin ako sa kanya. "Hindi mo na ginalaw pagkain mo."

"Ah hahaha." Sumubo naman ako ng kanin kaya ngumiti na siya. pero..

Ano nga kayang ginagawa nila dito? Gabi na? at.. ano ng nangyayari sa kanila?
"Bibili lang ako ng pwede nating makain." Iniwan ko naman siya sa may kotse.

Di pa man ako nakakarating sa pinakamalapit na convenience store nang makatanggap


ako ng text message galling kay Keli. Nagpapabili siya ng ice cream cake. Medyo
natawa ako. Masyado akong nakatingin sa cellphone ko kaya hindi ko napansin na may
nasagi ako-

"Ah sorry!" sabi ko sa babae sabay upo ko para tulungan siya sa mga nalaglag niyang
gamit. Agad kong inabot yung mga gamit niya at nagulat naman ako nung makita kung
sino ang babaeng yun.

"Ikaw pala, Andi." Nagulat din siya na makita ako.

Pinagtataka ko lang, bakit nandito pa siya?

"Salamat ulit." Umalis na siya pagkatapos. Hindi man lang siya nagpaalam? Pero
bakit nga ba nandito pa siya? may nakalimutan kaya siya? o di naman kaya.. nandito
pa si Darryl?

Binili ko naman lahat ng mga pwede naming kailanganin. Medyo excited ako sa mga
mangyayari dito sa pag-a-out of town namin. Kami lang na dalwa?.. kung ano anu
tuloy ang naiisip ko na pwede naming gawin. Napainom ako ng drinks nung mapansin ko
na naman..

"Darryl? Sab?" tama nga ang hinala ko. hinihintay nga ni Sab si Darryl? Pero ano ba
talagang nangyayari?..

Ayoko mang mangialam pero sa huli nagawa ko pa ring makinig sa pamamagitan ng


pagtago ng hindi nila napapansin. Parang nakikiusyoso na rin..:\

"Darryl-"

"Ilang beses ko ba talagang dapat sabihin sayo-" nagulat naman ako nung makitang
humihikbi na si Sab. Agh cry baby talaga. At mukhang pinapaiyak din siya ni Darryl?
Akala ko pa naman nice guy itong lokong ito..

Uminom ako at muntik ko ng madura yung iniinom ko nung makita ang expression ng
mukha ni Darryl. Hindi na siya galit. Pinat naman niya yung ulo ni Sab, "Sinabi ko
na sayo. Tigilan mo na ako. Kahit gusto kita, kahit gusto natin ang isa't isa..
hindi pwede. Hindi ko kayang gamitin ka para lang sa kagustuhan ng mga magulang ko.
I prefer doing this than to make you suffer.

Let's go. Ihahatid na kita."

*pant* parang tumigil yung paghinga ko dahil sa nangyari. Just now, hindi ko pa
nakikitang naging ganon si Darryl.. he admits that he loves her. Shet! Ano ba itong
ginagawa ko!

Bumalik naman agad ako kay Keli. At pagdating ko nginitian niya ako. Tuloy hindi ko
rin maiwasang hindi mapangiti. Pumasok ako sa loob at binuhay na ang engine.

"Hindi ka ba nabored?"

"Hmm hindi. Katext ko rin kasi yung maggaguide satin dun sa lugar na pupuntahan
natin." Napatingin ako sa kanya gamit lang yung mga mata ko.

"So madami ka pa lang katext." Binaleng ko ulit ang atensyon ko sa daan.

"Oo! Hehehe." Bigla naman akong napapreno. >:|

"Eh! May problema ba Andi?" napatingin ako sa kaniya pati dun sa nagawa ako.

"Hahaha. May nakita kasi akong pusa. Hehehe." Agh!

"Pusa? E nasa highway tayo a." ngumiti na lang ako.

Hindi na ako nagsalita at nagtanong pa pagkatapos nun. Tinuro lang niya yung mga
daan papunta sa pupuntahan namin. Kahit nakakairita na naririnig ko yung mga tawa
niya sa tuwing.. may katext siya.
"Finally, nandito na tayo Andi!" binaba ko naman yung mga gamit namin.

"Keliii!"

"Waaah~ nandito ka talaga!"

Narinig kong may kausap siya. Lalaki? Mukhang yun yung taong maggaguide samin. Kaya
agad akong lumapit sa kanila.

"Keli, ito na yung mga gamit na..tin..

(O,O )

Thump.thump.thump..

Tae. Tama ba itong nakikita ko!?

"Andi! Si Jared nga pala, remember!?" remember? Anong sinasabi mo dyan Keli. Sinong
makakalimot sa pagmumukha niya! At higit sa lahat..

BAKIT NANDITO SIYA!?

"Kamusta pare?"
(~.^ ) mukhang hindi ko maeenjoy ang out of town na 'to. >:|

*******************************************
[39] Chapter 37
*******************************************
Day 19

Kagigising ko lang at katatapos ko lang maghilamos kaya naisipan kong pumunta sa


kusina. Nung makita ko naman sila na magkasama at mukhang nagluluto para sa agahan.
Hindi pa man ako nagsasalita ng mapansin naman ako nung Jared.

"Hey. Anthony." Tss.. tinatawag pa rin niya ako sa pangalan na yun. Hindi ba niya
alam na sikat na ako.

"Goodmorning, Andi!" ngingiti na sana ako dahil sa mga ngiting yun, kaso.. bakit ba
talaga kasama namin dito si Jared!? At magkaano ano ba talaga sila!?

Tss..

"Nagluluto kami pang-almusal. Maghanda ka na ng mga pinggan-"

"Hindi ako kakain." malamig kong sabi na hindi tumitingin sa kanya.

"Pero Andi. Umagahan ito. Breakfast ang pinakamahalagang-" pinakita ko sa kanila


yung milk na kinuha ko sa ref. at kinuha ko din yung cereals na binili ko kahapon
sa convenience store.

Wala akong imik na kumuha ng bowl para ilagay yung cereal at the same time yung
milk. Inaabangan kong magsalita si Keli pero nung tumingin ako sa kanila, nakita ko
na lang na hawak hawak ni Jared yung likod niya at masayang masaya silang
nagluluto. Kaya padabog akong kumain habang nakasimangot na ngumunguya. Nakakainis
talaga! Akala ko pa naman na maeenjoy ko itong vacation na ito-

"Ah!" napatigil naman ako sa pagnguya nung may dalwang babae na nasa may pintuan ng
kusina na titig na titig sakin. Ang weird ng mga tingin nila at parang silang hindi
humihinga. Nakikipagtitigan lang sila sakin.
Nung mapansin kong ang weird na talaga, iniwas ko yung tingin ko at kumuha na lang
ulit ng isang kutsarang pagkain ko at kinain ko.

"WAAAAAAHHH!!!~"

Nagulat naman ako sa biglang sigaw. napatingin ako dun sa may pintuan pero wala na
yung dalwang babae. Pagtingin ko naman sa kinakain ko, nasa harap ko na si Keli.

"Tsk tsk, sila Joana at Lian talaga." Sabi naman ni Jared habang nilalagay niya
yung mga pagkain niluto niya dun sa mesa.

Si Keli naman, nakangiting nakatingin sakin. Inirapan ko siya at napansin ko naman


yung pagpout niya. Nahalata na siguro niya na I'm being cold with her. Well, it's
her fault anyway.

Naagaw naman ang atensyon ko nung marinig na may nagtatakbuhan palapit samin. Yung
dalwang babae na naman, nakatingin ulit sila sakin. Hindi ko alam ang irereact ko
kaya ngumiti ako. My daily routine.

"KYAAAAAA~"

( O______0)

Bigla silang tumabi sakin na siyang kinagulat ko talaga matapos nilang sumigaw.

"o-OI JOANA AT LIAN-"

"HI --- HELLO!" sabay nilang sabi. Naiilang naman ako but I tried to smile.
"Anong name mo?"

"Ilan taon ka na? mas matanda ka ba samin?

"May girlfriend ka ba?"

"Anong cellphone number mo?"

"Taga saan ka---

*PLAK!*

Nagulat naman ako sa sunod na nangyari. Hinampas lang naman ni Jared yung dalwang
babae na nasa tabi ko ng frying pan na hawak niya. Na obviously ay pinaglutuan lang
naman niya.

"Aray, Kuya naman e." sabay na sabi ulit nila.

"Kuya??" pagtataka ko.

"haha Andi, kapatid ni Jared sila Joana at Lian." Napatingin naman ako sa kanya.
Kaso, hindi ako natuwa kahit narinig ko yun. Kaya tumayo ako at umalis na lang.

"Magpapahangin muna ako."

Tsk. Bakit ba ang dami niyang alam tungkol kay Jared.

Naglakad lakad na lang ako sa labas kung saan kitang kita naman yung lawa. Ang
ganda ng view dito sa part ko. mayaman nga pala sila Jared. tsk pagnaiisip ko ang
lalaking iyo, hindi ko mapigilang hindi mainis. Pero paano nga ba sila naging
ganong kaclose ni Keli.. :\
"Hey." Bigla na lang may tumabi sakin. At ang nakakagulat na nakakainis ay yung
jared na yun pala yun.

FC talaga ang gagong ito!

"Kanina ka pang mainit ang ulo a! Hahahaha." Tss. Ang sarap talagang bangasan ng
mukha niya.

Aalis na sana ako.

"Tol, payo lang pahalagahan mo siya." napatigil naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya. hindi ako sigurado kung ano yung ibig
sabihin niya, pero alam kong sakin niya sinasabi ito. "Sa lahat ng nangyari satin,
ngayon lang ako humanga sayo." Lumapit siya sakin at sinuntok ako ng mahina sa
dibdib. Nagtaka ako at napakunot ang noo. Tiningnan lang niya ako ng maangas na
tingin.

"Don't you dare think.. of leaving her. Kung hindi mo kaya, maaga pa lang iwan mo
na siya. Ibigay mo na siya sa iba.. at hayaan mong ang iba ang magpasaya sa kanya.

She's deserves a million happiness than those million girls you flirt." Hindi ko
alam kung anong irereact ko sa bawat salitang binibitawan niya. Nabalik lang ako sa
sarili ko nung tinapik niya yung balikat ko at umalis.

Hindi naman ako nagkameron ng pagkakataong tanungin si Jared dahil pagkatapik na


pagkatapik niya sa balikat ko ay bigla namang sumulpot itong dalwang kapatid niya
na sobrang laki ang pagkacrush sakin. (--,-- )

Buong araw na pabundot bundot sakin yung dalwang magkapatid. Yung Jared na yun
naman ay tinatawanan lang ang lahat ng nangyayari, habang si Keli walang pakealam
at nagagawa pang ngumiti.
Hanggang sa maghapunan, sila pa rin ni Jared ang magkasama sa kusina at nagluto.
Close na close sila. Habang ako.. close na close dun sa magkapatid..

"AH!! *bump*"

"Andi!-Eh? Bakit hingal na hingal ka?"

Hinabol ko naman ang hininga ko habang lumingon lingon sa likod ko.

"i-Itago mo ako!"

"Huh?"

"ANDII!!!~" nangilabot naman ako nung marinig na naman yung boses nung dalwa. Kaya
agad akong tumakbo.

"Asan na kaya yun?"

"Baka natakot sayo!?"

"Ano namang nakakatakot kung magkatabi kaming matulog!"

"Baka kasi rape-in mo siya!"

"Ano ka ba! Wag ka nga!! <3"

Mas lalo akong kinilabutan sa mga pinagsasabi nila. Minsan talaga nakakatakot na
ang mga babae..
Napatingin naman ako kay Keli na bigla na lang hinawakan ang laylayan ng damit ko.

"Aggh nasaan na kaya si Andiii!?" naririnig ko pa din ang boses nung magkapatid na
mukhang lumalayo na sa kinatatayuan ko. Pero mas nakatuon ang atensyon ko kay Keli
na nakakapit parin sa laylayan ng damit ko ng hindi tumitingin sakin. At medyo..
parang nahihiya siya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita.. Napansin naman na niya yun.

"Uhm.." bago pa siya makapagsalita, napansin ko na agad kung nasaan kami. Nasa
kwarto niya kami. Ang weird na bigla pumasok sa isip ko ang bagay na'to..

"Gusto mo ba na dito na lang akong matulog?" napatingin naman siya sakin. Kaya agad
naman akong umiwas ng tingin. Binitawan naman niya ako at naglakad lakad naman ako.

"Kaso paano yan, walang sofa.. ayoko namang sa sahig matulog." kung tama ang hinala
ko, gusto niyang.. yayain akong matulog sa kwarto niya. *lunok*

Wala akong iniisip bukod sa matulog. Mas mabuti rin yun kesa yung dalwang babae na
yun ang makasama ko sa pagtulog. Tsk yung Jared na yun naman kasi, walang pakealam.

Hindi pa rin siya nagsasalita at nung tingnan ko naman siya, nakatingin lang siya
sakin. Pero agad ding umiwas. *Ahehm* Ang awkward..

"Ok lang sakin.." ngumiti naman siya.

Magkatabi nga kami sa kama. Hindi ko na rin narinig na hinahanap ako nung dalwang
magkapatid. Mukhang napagod na sila. Ang tahimik. Habang si Keli nakatalikod naman
sakin.. mukhang naiilang siya. Hindi ako makatulog. Iniisip ko na parang
napakawalang kwenta ng araw na'to.. This should be our vacation, just the two of
us. Akala ko.. ito rin yung time na mas makikilala ko si Keli..

We're close.. but still not. Umayos ako ng higa at tiningnan siya kahit
nakatalikod. Ni-poke ko yung likod niya. Bakit ganon.. sa tuwing kasama ko siya,
nararamdaman ko yung saya.. at the same time lungkot. Para bang may doubt sa bawat
oras na kasama ko siya. natatakot ako.. kahit hindi naman dapat.

Ang misteryosa niya..

( __ _) Zzzz..

At that time, I was so happy. Finally, I'm holding the girl I love.

*******************************************
[40] Chapter 38
*******************************************
Day 20

Napahawak ako sa ulo ko pagkabangon na pagkabangon ko. Bigla namang bumalik sa


alaala ko yung panaginip ko. Sa panaginip ko, nasa paraiso daw ako. Nakahiga sa
duyan habang nakayakap si Keli sakin at ginagawang unan ang kaliwang braso ko.
Napakasaya ko.. at-

"Aray.." may nahawakan naman ako sa noo ko. Isang smiley??

Alam ko.. na hindi yun ang unang pagkakataon na napanaginipan ko si Keli. Tama!..
palagi ko siyang napapanaginipan.. dahil palagi sa panaginip ko, sa huli may
nangyayaring masama.

"Andi!!!" sinalubong niya ako sa kusina at binigyan ako ng sandwich.

Kakagat pa lang ako, "Gising na ba si Andi!?" nang muntik na akong mabilaukan nung
marinig ko yung boses na naman nung dalwang magkatid na yun.

"Tara." Bigla namang hinigit ni Keli ang kamay ko at tumakbo kami palabas.

Sumakay kami sa kotse ko at naisipan naming umalis muna ng bahay. Namili kami ng
mga prutas. At dumaan sa isang flower shop.

"Goodmorning, Sir." ngumiti naman ako habang si Keli ay agad agad na tumingin ng
mga bulaklak. Sinundan ko siya.

"Waaah ang gaganda nila."bawat bulaklak inaamoy niya.

"Ano ka ba! Wala namang amoy ang mga yan. Kung gusto mo, sampaguita na lang bilhin
natin. Ayun amoy santo pa.!" ang mga babae talaga. Bakit ba tuwang tuwa sila sa mga
bulaklak.

Umalis na naman siya at parang may hinanap. Ako naman sunod ng sunod. Hanggang sa
may bigla siyang tinigilan at umupo pa siya.

"Gustong gusto ko talaga ito.." tiningnan kong mabuti yung bulaklak na tinigilan
niya.

"Ang bulaklak na yan.."

"Red Chrysanthemum. Ang kaunaunahang bulaklak na natanggap ko sa lalaking


pinakamamahal ko." napataas ako ng kilay. Ibig ba niyang sabihin yung first
boyfriend niya? Ang drama naman niya.

"Gusto mo bang bilhin natin yan?" umiling naman siya.

"Hindi na kailangan."

Bumalik naman kami at napansin namin ni Keli na dumami ang tao.

"Waaaah girls siya yung tinutukoy ko!" ( 0.0 ) sumulpot na lang bigla yung
magkapatid at may kasama pa silang madaming mga babae na mukhang mga kaibigan nila.
"Ang cute niya.~"

Lumink naman sa magkabilang braso ko sila Joana at Lian. At sunod sunod na


nagtanong ng kung anu ano yung mga kaibigan nila. Habang si Keli ay sumunod naman
kay Jared >:|

Sabi ni Jared pupunta daw kami sa lawa para maglangoy. Ayos lang sana pero hindi
ako tantanan ng mga kaibigan nila Joana at Lian. Para silang linta.. tapos si Keli
hindi naman ako nilalapitan. Agggh!

"Waaah Andi maghubad ka na!!!" hinigit higit nila ako dun sa may tubig. Pinipilit
nila akong paghubadin kasi lahat sila nakabikini na.

At aaminin ko, okay naman ang mga highschool students na'to. Magaganda ang katawan
nila. Kaso wala ako sa mood makipagflirt sa mga bata sakin. At si Keli naman ay
kasama na naman nila Jared habang nagluluto dung barbecue o kung anu man. Naiinis
lang ako, kaya naisip ko na makipag-go-with-the-flow sa mga batang ito.

Naglaro kami ng volleyball sa may lawa.

"Hahahaha." Ngumingiti na lang ako habang nakikipaglaro sa mga batang ito.

May isang babae naman na lumapit sakin. "Bakit hindi ka maghubad? O alisin mo na
lang yung polo mo at magsando ka na lang. teehee." (~,^ ) cute naman ang isang
ito. Pero gaya ng sinabi ko, wala ako sa mood makipagflirt sa mga bata. Kaya laking
tuwa ko na lang nung tumama sa mukha niya yung bola.

"Waah si Angelie tinamaan."

"oo nga. Oo nga." Sumulyap ulit ako kila Keli. Napansin ko naman na umaalis kung
saan si Keli. "Kukuha lang ako ng gamot." Agad naman akong tumakbo. May balak pa
ngang sundan ako nung mga batang yun kaya binilisan ko na lang ang takbo.

Takbo ako ng takbo habang hinahanap ko si Keli. Kaso hindi ko agad siya nahanap
nung may bigla na lang akong nasagi.
"Oh Andi." Ang laki ng ngiti ko na makitang siya yun.

"o-Oi!" pero bigla ko ding naisip na magkasama nga pala sila kanina ni Jared.
Binalewala niya ako! >:| Tss..

*SPLASH*

"WOY!!!" sinigawan ko siya dahil bigla na lang niya akong binasa gamit yung hos.
Tawa siya ng tawa. At dahil basa na ako kaya hinubad ko na yung polo ko. at
nagsando na lang ako. Gumanti ako at binuhos sa kanya yung isang timba na puno ng
tubig.

"waaaah!" napatingin siya sa sarili niya na basang basa.

"Hahahahahahaha! Ikaw kasi e." tumingin siya sakin ng nakapout at ngumiti sabay
binasa ulit ako nung hos. Kaya binuksan ko din yung gripo nung isang hos at binasa
siya.

Naghabulan kami habang nagbabasaan.

Kaso..

"WAAAAA SI ANDI NAKASANDO NA LANG!!!" nataranta ako ng marinig na naman ang mga
boses nila.
May bigla bigla na lang humigit sakin.

"Tara maligo na tayo sa lawa." Pinilit kong makawala.

"s-Sandali! K-kasama ko si Keli!" tinuro ko si Keli. Na sa kasalukuyang basang basa


gaya ko. bigla naman akong namula na mapansin yung looks niya. (//.T ) Ang ganda
niya..

"Hindi na. Okay lang ako." Ang sweet ng ngiti niya atsaka umalis.

"Waaaaah tara na tara na!!!" tiningnan ko lang siya habang umaalis palayo samin.
Kanina lang ang saya saya namin.

Pagkatapos kong makipagswimming kasama yung mga bata na yun ay kumain na rin kami.
Napag-alaman ko rin na nagku-culinary pala itong si Jared kaya lagi silang
magkadikit ni Keli. Dahil parehas sila ng interest. TSK. Nung nagkachance ay
tumakas ulit ako at naglakad-lakad..

Ang dami kong napansin sa lugar na yun. Napakarefreshing.

Nagulat na lang ako nung bigla na lang lumitaw si Keli kung saan. Nakangiti siya
habang papalapit sakin. Nasa likod ang mga kamay niya. "Tss." Nasabi ko na lang.
ang pacute niya kasi.

"ANDI!!!" narinig ko na naman ang boses nung mga batang yun.

Lumingon naman ako para hanapin ang boses nila.

Pero nagulat ako nung higitin ni Keli ang kamay ko at dalhin ako dun sa may lawa.
At nagtago kami dun sa malaking bato.

Tinago niya ako. Hindi naman ganong kalalim yung pwesto namin. Pero hanggang
baywang ko yung tubig. Pinagmasdan ko siya.. at dahan dahan kong binawi ang kamay
ko sa pagkakahawak niya sakin.

"No need. Bumalik na tayo."

At dahil pagabi na. Naisip namin na umuwi na. Pero hindi pa dun natatapos ang
celebration dahil nagpa-barbecue party sila Joana at Lian. Kasama ko pa rin yung
mga highschool students na yun. At kasama pa rin ni Keli si Jared.

Hindi ko maiwasang hindi paulit ulit na sumulyap sa kanila. Ngayon lang.. ako
nagkaganito ulit. Ngayon lang ako ulit nagselos pagkatapos kay Katrina. At masama..
nagseselos ako.. sa iisang tao.

"Andi! Inom ka oh!" natauhan naman ako nung bigla na lang ako kausapin nung mga
highschool students na yun.

Ginawa ko na lang yung inuutos nila.

"Kyaaa!" nagulantang ako sa bigla nilang pagsigaw. "Ang galing galing mo talaga
Andi!!!"

"Isa pa! Isa pa!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga babaeng ito..

"Andi!!.. isa pa. isa pa!" agh! Lasing na yung iba sa kanila. Hindi ko na alam ang
gagawin ko. mga highschool girls talaga..

"Tama na! tama na! di niyo na kaya e." pinilit naman niyang uminom kaya inagaw ko
yung baso sa kaniya. "Igagawa ko na lang kayo ng kape. Dyan lang kayo a." pagtayo
ko. hinanap naman ng mga mata ko sila Keli. Pero hindi ko sila nakita.

Pumunta akong kusina at gumawa nga ng kape. Naaasar ako sa mga nangyayari. Naaasar
talaga ako!

"Ah Andi!!" lumingon naman ako sa tumawag sakin. Si Joana. Isa pa itong problema e.

"Yo!" sabi ko habang itinuloy ko na lang ang pagtitimpla ng kape.

Nabigla na lang ako nung bigla siyang yumakap sakin. "Wah! Hey!?" tumingin ako sa
kanya. At naamoy ko na amoy alak siya. Tss?!

"Andi.. ang pogi pogi mo talaga. Kahanga hanga. Ngayon lang ako nakakita ng kagaya
mo.. " hinawakan niya ang mukha ko at palapit siya ng palapit sakin.
Alam ko ang gusto niyang mangyari.. pero huli na ang lahat bago ko pa siya
maitulak. Nakita na kasi kami ni Keli.

"Keli!!!" tumakbo siya. kaya agad ko naman siyang hinabol. Pero nawala siya sa
paningin ko.

"Andiii.." nataranta ako nung marinig ang boses ni Joana. Kaya the next thing I do
is magtago. Hingal na hingal akong pumasok sa isang kwarto. *pant*

Napansin ko naman yung kwarto.. ay kay Keli.

"Tss. Lagi na lang akong napupunta sa lugar na'to." Napakamot naman ako sa batok
ko. At di ko maiwasang mangiti na makita ang mga gamit niya.

Nahiga ako sa kama niya. Kahit na naiinis ako sa ginawa niyang ito.. alam ko.
Sigurado ako na may dahilan siya sa lahat ng ito. May tiwala ako sa kanya. Alam
kong wala lang sa kanya si Jared. Hindi siya gaya ni Katrina..

Naisip ko naman na umalis na. Pagtayo ko. bigla kong nasagi yung bag ni Keli.
Inayos ko naman agad yun. Baka kasi magtaka si Keli pag nakita niyang magulo ang
mga ito. At habang inaayos ko yun.. isang cute na notebook ang umagaw ng atensyon
ko.

"30 Days with Mr. Rivas? Tss." Alam kong ako yun. Baliw talaga siya. so gumawa pa
talaga siya ng diary para lang ma-details niya lahat ng mangyayari sa loob ng 30
days. Pero hindi naman niya kailangang gawin ito.. dahil hindi ako papayag na
hanggang 30 days lang kami.

At sa totoo lang.. masaya ako.

"Day 1?" tiningnan kong mabuti ang mga nakasulat. Binuklat ko ng binuklat ang mga
sumunod. Hindi ko alam ang irereact ko..

"Ano ito.."

*******************************************
[41] Chapter 39
*******************************************
"Bye bye!!!"
"Andi.. kailan ka babalik?" pinalibutan na naman ako ng mga highschool students
na'to.

"At least man lang ibigay mo samin ang number mo oh."

"Oo nga! Andi!"

Ang kulit talaga nila.

"Hahaha. Don't worry. Bibisita ulit ako dito!"

"Kyaaaaa~" ngayon lang ako nainis ng ganito sa mga bata. TSK!

Tumingin naman ako kila Keli at Jared. Ang saya nilang nag-uusap. May pahawak hawak
pa si Jared sa ulo ni Keli. Mukhang close talaga sila.

"Ah! Andi!" ngumiti siya. lumapit naman ako sa kanila. "Alis na kami Jared, let's
go Andi." Hindi ko pinakinggan si Keli at tiningnan ko ng diretso si Jared.

"Hey! Hey! What's with those eyes? May sama ng loob ka pa rin ba sakin." Nakita ko
naman si Keli na nakatingin samin.

"Go ahead Keli. Magpapaalam lang ako ng maayos sa taong 'to." Nung makaalis naman
si Keli.

"So goodbye!? Hahahah tol ang bakla mo!" agad kong nigrab ang damit niya. Nagulat
siya pero agad na sumeryoso ang mukha niya. Mukhang alam na niya ang ibig kong
sabihin.

"Kailangan nating mag-usap gago!" tinulak ko siya.

"Tss! Ano ba talagang-" tumigil siya sa pagsasalita nung tingnan ko siya ng masama.

Umalis naman ako at iniwan siyang balisa.

Tahimik lang kami ni Keli sa loob ng kotse at sa buong byahe. Natulog din kasi
siya. At wala din naman akong sasabihin.. at wala na rin akong pakealam.

"Andi! Magkita na lang tayo mamaya a!" tumango naman ako habang may tinitingnan ako
sa cellphone ko.

Nagulat na lang ako nung hawakan niya ang mukha ko at halikan ang kanang pisngi ko.

"I love you." Nakangiti siya.

Tinulak ko naman siya ng mahina. THUMP. Yung puso ko.. ang bilis ng tibok.

"Sige na. magkita na lang tayo mamaya."

"Okay!"
Nung makalayo siya. Inis akong nagdabog. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko.

"Day 21.."

Naisip kong dumiretso muna sa Bar.

Nakita ko naman sila Loraine at Trisha. Kaya nagpasama na rin akong uminom sa
kanila. Pero hindi lang sa kanila. Kung kani kaninong babae rin. Napansin ko rin
ang pagbabago sa Bar at kung gaano na pala ako katagal hindi pumupunta dito. Namiss
ko lang..

"Dee!!" napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Kevin.

"Tss. Buti dumating na kayo, sinabi ko na sainyo nababaliw na ang gagong yan!"

"Hahaha! Kayo pala Kevin. Tara samahan niyo ako, pwede rin kayong magsama ng mga
babae niyo. Este! Hindi nga pala pwede si Darryl dahil may Sabrina na siya! Hahaha
*hic." Uminom naman ako ng alak at nakipaghalikan sa babaeng nakaupo sa lap ko.

Ang pula ng mga labi niya. Totoong mahaba ang buhok. Maganda ang katawan. Ganito
ang mga babaeng gustong gusto ni Andi Rivas. Yung pangit na Keli'ng yun na gumanda
lang. Letche! Bakit kailangan pa niyang dumating sa buhay ko!

"Ah! Andi masakit-" biglang sumigaw yung magandang babae na hinahalikan ko lang
naman sa leeg.

"Tama na Andi!!"

Lumayo sakin yung babaeng pokpok na yun. At hawak-hawak niya ang namumula niyang
braso. Mukhang.. *hic sa sobrang galit ay nahawakan ko ng mahigpit ang mga braso
niya. TSS wala akong pakealam. Nandito sila para pasayahin ako!-

"Bitawan mo nga ako Kevin."

Lumayo ako sa kanila at naghanap ng sexy'ng babae.

"Hayaan niyo na lang kasi siya. Kanina pa siyang ganyan e."

"Kanina pa pala siyang ganyan! Pero bakit hindi mo man lang siya pigilan Daison!!"
dumaan ako sa gitna nila Daison at Kevin na mukhang nag-aaway dahil sakin. Habang
may hila hila akong sexy'ng babae. Sabi ko naman diba na maghahanap ako.

"Halika dito sexy! *hic" sabi ko dun sa babae pero pinigilan siya ni Darryl."

"Oh Darryl? Bakit mo pinipigilan ang chiks ko.! dun ka na nga lang kay Sab!"
tinulak ko siya. "*hic Haha maswerte ka nga at seryoso sayo yung tao. Magpasalamat
ka rin sakin! Kung hindi ko siya iniwan.. hindi siya mapupunta say-" bigla naman
niya akong sinuntok.

Hindi ko na kaya ang sarili ko kaya napahiga ako sa sahig. Nakikita ko na


tumitingin samin ang mga tao. Saka lang ako natauhan sa pinaggagagawa ko. ang
sakit.. ang sakit ng puso ko *sob*

"Nasaan na ang girlfriend mong si Keli, huh Andi!?" lalo na nung marinig ko ang
pangalan na yun.

Nanggigigil ako. Gusto kong tumayo at ilabas ang galit na ito.. pero hindi ko
magawa. *hic

Bigla naman niyang nigrab ang damit ko.

"Nagloloko ka na naman ngayon, Andi. Ganyan ka talaga-" hindi na ako nakapagpigil


at nasuntok ko na rin si Darryl.

"Ano ba! Tama na! KAYONG DALWA!!!"

Lumapit ako sa kanya at hinila ang collar niya. Wala pa siyang kamalay malay nung
suntukin ko siya ng magkabila sa mukha niya. Parang nandilim ang paningin ko at
hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Ano ba! ANTHONY!!!" may dalwang humihigit ng braso ko. pero hindi ako nagpapigil.

Masyado akong naiinis to the point na gusto kong pumatay ng tao.

"TAMA NA!!!

ANDIIII!!!~" natauhan na lang ako..

Nung may sumampal sakin at tumulo ang mga luha ko.

Napatungo ako at napahawak sa ulo ko.

"Hey you people! Sarado na kami!!!" naririnig ko ang boses nila Loraine at Trisha.

Unti -unting naubos ang mga tao. Hanggang sa kami na lang ang natira.

"Darryl? Darryl!? Darryl.. *sob*" ang boses ni Sabrina. Si Sabrina ang sumampal
sakin. Agh!
Nasaktan ko si Darryl. Binugbog ko ang kaibigan ko.

"Andi, saan ka pupunta!?" pipigilan sana ako ni Kevin pero agad akong kumawala.
Gusto ko lang umalis-

"NAPAKASAMA MO TALAGA ANDI!!!" biglang sumigaw si Sabrina. Napatigil ako..

"Pati ang kaibigan mo.. *sob* handa mong saktan dahil lang sa mga babae. Ganyan ka
ba talaga! HINDI KA NA BA MAGBABAGO!" tiningnan ko siya. iyak na iyak si Sabrina.

"Si Darryl.. ayaw niya akong pansinin dahil gusto niya na makita kang maging masaya
at maging seryoso sa iisang babae. Gusto niya na bago siya magseryoso.. makita man
lang niya na yung taong nanakit sakin ay seryoso na sa iba. *sob* Akala namin.. si
Keli na yun.

Hindi pala..

Ikaw pa rin si Andi Rivas.

Kailan ka ba magseseryoso. Pati mga kaibigan mo.. pinag-aalala mo.." ang marinig
ang mga bagay na'to. Mas lalo lang akong naiinis..

Hindi nila ako naiintindihan. Wala silang naiintindihan.

"Andi!"

Umalis ako sa lugar na yun at naisip na umuwi na lang sa condo ko.

Ang sakit ng ulo ko.. at mas lalo lang nanakit nung makita ko siya. Tumayo siya, at
ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Tumitibok na naman ang puso ko.. alam kong gusto
ko siya. Pero nagagalit ako sa kanya. Of all people.. bakit ikaw pa Keli.
"Andi!"

Pumasok ako at nagdiretso sa kusina. Sinundan niya ako. Iinom sana ako ng kape
pero hindi ko magawa. Nanginginig ang kamay ko.

"Gusto mo ba nito? Ako na!" lumayo naman ako sa kanya. "Andi!?"

Umakyat ako sa kwarto at pumuntang banyo. Nag-shower ako.

Habang nag-iisip ako. Bigla na lang pumasok sa isipan ko lahat ng nasa notebook na
yun. Nasuntok ko ang pader sa sobrang galit!

"Bakit!.. akala ko iba ka.. *sob*"

Pinatay ko ang shower at half naked na lumabas ng banyo.

"Andi!--" nakita ko naman siya na nakaupo sa kama ko. Nag-iba ang soot niya.
Namumula pa yung mukha niya.

Kumuha na lang ako ng damit kaysa pansinin siya. Papansin talaga siya. pupunta
punta siya sa kwarto ko tapos mamumula ang mukha niya pagnakita akong ganito.

"Look at me, Andi. Maganda? Pinasadya ko ito!" nilagpasan ko siya at kinuha ang
nagriring na cellphone ko. "Andi?.." naging malungkot ang tono ng boses niya.

"Couple shirt? Nice." Tiningnan ko ulit ang cp ko. tumatawag sakin si Kevin.

"Hehe. Paano mo-Tama ka! Here, isoot mo yung iyo." Inabot niya sakin yung paper bag
niya. Siguro nandun yung shirt na ibibigsay niya sakin.

"Loraine?" nilagpasan ko ulit si Keli.

'What's the matter Andi?'

"Sorry nga pala kanina."

'It's fine. Okay ka na ba?'

"Medyo masakit pa yung ulo ko. Pero I'm sorry talaga. Mali yung inasal ko. Nagcause
pa tuloy ako ng trouble. I really am sorry.." napatingin naman ako kay Keli.
Nakaupo siya at parang malungkot. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako kaya
napatingin siya sakin. Ngumiti siya pero agad naman akong umiwas ng tingin.

"I'll make it up to you, Loraine. Bye." Ni-end ko yung call.

Naramdaman ko naman na lumapit si Keli sakin kaya lumingon ako sa kanya.

Inabot niya sakin yung kape na siguro tinimpla niya kanina, "Drink this. Hindi ko
alam kung bakit ka nag-inom pero sana.. okay ka lang."

Tiningnan ko siya sa mga mata. Nakangiti lang siyang nakatingin sakin. Hinawakan
niya ang kamay ko at nabigla ako ng bigla kong nasampal ang kamay niya-

*BLAG*

Nabasag ang tasa.

Nagulat siya..

"a-Andi?"

Ayoko na..

"Tama na. Itigil na natin ito.. STOP DOING THIS!!!" natakot siya sa bigla kong
pagsigaw.

Naramdaman ko na lang na may dumaloy na luha sa mata ko.. Umiwas ako ng tingin sa
kanya..

"Umalis ka na dito. Iwan mo na ako."

1.. 2.. 10 seconds na katahimikan. Hindi pa rin siya umaalis. Nung tingnan ko
siya.. nakatingin lang din siya sakin.

"Kung ayaw mo, ako na lang ang aalis." Iniwan ko siya.


At umalis na ako sa condo ko..

*******************************************
[42] Chapter 40
*******************************************
"Andi? Wow, it's been a long time.. bakit napadito ka-" agad kong sinarado ang
pinto ng kwarto ko.

Nahiga ako sa kama.

Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Niko. Dito muna ako since nandun si Keli sa
condo ko. Bigla ko namang narinig na kumakalampag ang pinto ko.

"Terry wag dyan!!" hindi ko pa nga pala nababati si Terry. "Mukhang may problema si
Andi e.."

Napaub-ob ako sa mga tuhod ko.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit., at galit. Galit na galit ako na
nagawa sakin ito ni Keli. Hindi ko matanggap na magagawa niya sakin ang mga bagay
na ito kaya sobra akong nagagalit at mas pinili kong lumayo sa kanya. Lumayo sa
kanya ang solusyon para makalimutan ko na lang ang lahat.

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil nagpauto ako at nagtiwala na naman. Mahirap pala
talagang ibigay ang tiwala sa iisang tao.. dahil sa huli masasaktan ka lang. Ang
tanga tanga ko talaga.

Ang tanga ko na nagmahal na naman ako..

Hindi naman ako nagtagal sa bahay dahil back to school na ulit. Final exam na.
hindi ako nakapag-aral pero hindi naman yun naging problema sa pagkuha ko sa exams.
Yun nga lang medyo mahirap. Kaya kailangan kong bumawi bukas.

"Ang gwapo niya!"

"Sino kaya siya? parang familiar ang mukha."

"Estudyante ba siya dito?"

"Kyaaaa~"

"Anthony!!!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Papunta na dapat kasi akong
parking lot.

"Jared?" tapos makikita ko pa itong taong ito. Of all places bakit ang school ko.
kaya pala.. ang ingay ng mga babae sa part na yun.
"Magkakilala sila ni Andi?"

"Ika nga nila 'birds with the same feather, flock together"

"Kyaaaa~"

"I guess hindi tayo makakapag-usap ng maayos dito." Sabi niya habang nagpapacute.
Ang gagong ito!

So in the end pumunta kami sa isang restaurant. Gutom na daw kasi siya. Kahit ayoko
naman siyang makita pero kailangan.

"So anong gusto mong itanong.. tungkol ba it okay.. ahehm Keli." Nakakairita talaga
ang gagong ito. Uminom na lang ako ng tubig.

"O baka naman sa ex girlfriend mong si Katrina!-" muntik ko ng mabuga sa kanya yung
iniinom kong tubig. Todo ubo tuloy ako.

"Hahahha! I can't believe it. Ikaw pa rin yung Anthony na kilala ko-" hindi na ako
nakapagpigil. Na-grab ko yung collar niya. Tiningnan ko siya ng masama.

Nakangiti siya pero seryoso yung mukha.

"Easy ka lang, dude!" binitawan ko naman siya.

Narinig ko pa na tumawa siya.

"Ano ba talagang relasyon mo kay Keli?" napatigil siya sa pagkain niya. At bigla na
lang tumawa.

"You really jump to conclusion!! Hahahaha." sa totoo lang. May tama ba sa ulo ang
gagong ito!?

Tumigil din naman siya nung makaramdam siyang seryoso ako.

"To tell you the truth, KAMI!" napatayo naman ako sa galit. Sinundan naman niya ng
tawa.

Nagets ko agad ang tawa niya. Naupo naman ako sa hiya ng mapansin na napapatingin
na samin yung ibang tao.

"Hahaha! You really are funny, Anthony. So naniwala ka talaga!" tawa siya ng tawa.
Natanto kong hindi pa rin siya nagbabago. Maloko pa rin.

"To be honest, you are his first and also.. will be the last boyfriend." bigla
naman akong kinabahan. Sumeryoso kasi siya bigla.

"Tss. Last? Really. Paano kung sabihin ko sayo na wala na kami."

Tumingin siya sa labas. "I'm really sure of that."

Kinwento naman sakin ni Jared ang lahat ng tungkol sa kanila ni Keli. Napag-
alamanan ko na..
'Wala kaming relasyon. But I really care for her. Nakilala ko siya after nung
gulong nangyari satin nung highschool pa tayo. Ang nerd pa niya noon.. Napatunayan
ko na mahal ka talaga niya. Dahil noon pa lang pinaglalaban ka na niya. Tapos
ngayon.. na handa siyang magbago para sayo.'

Napatigil ako sa paglalakad at tinitigang mabuti anb cellphone ko. Day 22 na namin
ngayon. Medyo galit pa rin ako sa kanya.. but I must saw her..

'Kung may isang tao man na totoong nagmamahal sayo.. napatunayan ko na si Keli
yun.'

Bzzzt..

52 new message/s

From: Keli

Andi, maghihintay ako..

Agad naman akong tumakbo papunta sa kotse ko. Pumunta ako sa lugar na sinabi ni
Keli sakin.

Hindi ko alam kung tama ba na magtiwala ako sa kanya.. sa kanila. Na tamang mahalin
ko si Keli. Pero ngayon.. Gusto ko lang malaman ang totoo. After this, saka ako
magdedesisyon.

Nakarating ako sa isang restaurant. Pinark ko ang kotse ko. Sa may pinto may isang
note. Kinuha ko ito, 'You're finally here' ang nakasulat. Pumasok ako at may
nabasa ako sa sahig.

'You're finally taking your first step'

Naglakad pa ulit ako. Kinuha ko naman yung note sa may pader, 'Just follow the
petals' nakita ko di kalayuan sakin ang mga petals sa sahig. Sinundan ko yun.
Hanggang sa makarating ako sa may hagdan. Pero may dalwang kahon akong nakita at
may nakalagay ulit na note.
'Do you hate me?' sa isang kahon may nakasulat na 'yes' at dun sa isa 'no'. Syempre
ang kinuha ko ay yung no. Binuksan ko yung box at may nakalagay ditong isang red
rose at isa pa ulit na note.

'If you love me, go upstairs.'

Tiningnan ko yung hagdan. Sa taas nito, nandun siya at naghihintay. Kapag umakyat
ako ibig sabihin parang sinabi ko na rin na mahal ko siya. Na parang umamin na rin
ako. Na kapag nandun na ako, makikita ko siya.. at masasaktan na naman ako. Minahal
ko naman talaga siya.

Thump.thump..

Pero.. paano kung malaman ko ang katotohanan. Matatanggap ko ba? Mas masasaktan ba
ako.

Nakarating na ako sa taas. Nakita ko naman siya, lumingon naman siya sakin. Unti
unting lumabas ang mga ngiti niya. Ito naman talaga ang gusto ko. ito naman talaga
ang pinunta ko.. Kahit ano pa man ang katotohanan. Kailangan ko yun tanggapin. Nasa
akin na lang ang desisyon.. kung ipagpapatuloy ko pa ang kalokohang ito.

"Andi."

Tiningnan ko ang paligid. As expected, ganito nga ang nakasulat sa notebook niya.
Everything was according to plan. Lumapit naman siya sakin.

"Akala ko hindi ka na darating.." paiyak niyang sabi pero mukha parin siyang
masaya.

Inabot ko naman sa kanya yung red rose. Ang saya saya niyang tingnan.

"Halika kumain muna tayo!" hinila niya ang kamay ko at dinala ako dun sa may table.
Mukhang nagluto siya. Talagang pinaghandaan niya ang dinner date na'to.

Nagkwento siya ng kung anu-ano. Nakikinig naman ako. Pero hindi pa rin nagbabago
ang expression ng mukha ko. Ayokong ipakita sa kanya na nag-eenjoy ako dahil ang
totoo ay hindi.

Habang tinititigan ko siya, hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga nakasulat sa
notebook na yun. Kaya umiwas na lang ako ng tingin at umaktong wala sa mood.

"Andi?." Nakaramdam siguro siya. Saglit na katahimikan.

"Ha-ha. Hmm.." pa rin ako tumitingin sa kanya. Napapansin ko naman yung mga effort
na ginawa niya sa dinner date na'to. Nakakatuwang tingnan.. at the same time.
Nakakadisappointed.

Bigla namang may tumunog na kanta. Napatingin tuloy ako sa kanya. Na dahilan para
mapangiti siya.

Tumayo siya at lumapit sakin.

"Sayaw tayo." Ang laki ng mga ngiti niya habang nakatayo sa harap ko.

Tinitigan ko lang siya. nakangiti siya habang kagat kagat ang mga labi niya. Siguro
pansin niya na may mali sa kinikilos ko. Napansin ko naman ang pag-o-offer niya ng
kamay. Tiningnan ko ito.. at naitanong sa sarili kung dapat ko bang kunin ang offer
na yun.

Hinawakan ko ang kamay niya. Pero napatungo ako.. Hindi ko pala kaya.

"Andi?" saglit na katahimikan.

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.. o kahit sa kanya. Nanatili akong
nakatungo habang hawak ang mga kamay niya.

"Andi, may problema ba?" nagtataka na siya sa pinagkikikilos ko. pero hindi ko
binitawan ang kamay niya. "Andi.." narinig ko na lang na paghikbi niya.

"Galit ka ba sakin, Andi? *sob*" tiningnan ko siya. Umiiyak si Keli..

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya, "Gusto kong malaman ang katotohanan sa
lahat ng ito." Naiinis ako. At nasasaktan.. Hindi pa ako handa. "Please, sabihin mo
sakin ang totoo. Bakit mo ito ginagawa sakin? Ano ba talaga itong.. 30 days."
Binitawan niya ang kamay ko.
Na aking kinabigla.

Umiwas siya ng tingin. At binalot kami ng sobrang katahimikan. Tanging yung music
lang ang naging sounds. I guess, ayaw niyang aminin ang katotohanan. Tama nga
siguro ako, pinaglalaruan lang niya ako. Hindi totoong inlove siya sakin, dahil isa
akong Playboy. Gaya lang siya ng ibang mga babae.

Tumayo ako at pinat ang ulo ni Keli. Nagdecide na rin akong umalis.

"I'm sick." Napatigil ako nung marinig na magsalita siya. pero hindi ko narinig ang
sinabi niya. Lilingon pa lang ako nung marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"Andi, I'm dying.."

*******************************************
[43] Chapter 41
*******************************************
'I'm dying..'

Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang yun na binitawan ni Keli.
Napahawak ako sa ulo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

'Be my boyfriend in 30 days. I'm asking you, just only for 30 days. Andi, I need
you.'

Ngayon.. naaalala ko na ang lahat. Nasagot na lahat ng tanong ko. Kung bakit
napakadesperada niya. At kung bakit parang responsibilidad ko ang lahat. ,'Matagal
na kitang gusto. Simula nung highschool ka pa lang. Matagal na kitang pinapanood.
Hinahangaan. Malaki ang nagawa mo sa buhay ko. Dahil sayo nasabi kong masayang
mabuhay. Ikaw ang inspirasyon ko, Andi. Matagal na kitang gustong malapitan,
gustong gusto kita.. kaya naglakas loob akong harapin ka. Andi, I really like you'.
Pero bakit kailangang mangyari pa itong lahat..

Tumayo ako, pero pagtayo ko may nasagi ako. Pagtingin ko sa paper bag na yun..
'Look at me, Andi. Maganda? Pinasadya ko ito! Here, isoot mo yung iyo..'

Everything was according to her plan. Ngayong araw na'to.. 23rd Day.. Agh.
Naisip ko na umalis muna sa condo ko at mag-stay muna sa bahay namin ni Niko.
Patuloy pa rin akong iiwas kay Keli. Iisipin ko na lang na isa itong malaking
bangungot.. na dapat kalimutan. Wala akong pakealam..wala akong narinig.

"Terry!" masayang masaya naman akong sinalubong ni Terry.

Nakita ko naman si Niko, at napatayo ako nung makita ang porma niya.

"Niko?" hindi ko alam kung anong irereact ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko


maiwasang hindi mabigla sa pagtingin sa kanya ulo hanggang paa.

"a-Andi? K-kanina ka pa ba dito? Bakit.." mukhang nailang siya sa ginawa kong


pagtingin sa kanya.

"Ah." Napahawak naman ako sa may batok ko. "Hindi ko alam kung gaano na ba katagal
tayo hindi nagkikita Niko at.. may nabago na pala sayo." Hindi kasi nakasalamin si
Niko. Bukod pa dun ang porma porma niya. Malayong malayo siya sa Niko na pinsan ko.

At ngayong natitigan ko siya.. parang may naalala ako.

"Hehe. Hindi ka na rin kasi nakakauwi. S-sige aalis na ako. Nagmamadali kasi ako-"

"Niko, matagal ka na bang nagsosoot ng ganyan? Nagkasalubong na ba tayo noon sa


school namin?" bigla bigla na lang lumabas ang mga katanungan na ito sa bibig ko.
Tama ako, itong pagkatao ni Niko ngayon.. nakita ko na ito noon sa school. Sa may
old room kung saan..

Naaksidente si Keli.

"a-Ano bang pinagsasasabi mo? Ako? Sa school niyo? Ano namang gagawin ko dun? At..
ano naman.. kung marunong na akong pumorma noon pa.

Masama bang maglihim ng sikreto." Parang akong tinamaan sa mga sinabi niya.

Medyo naguilty ako, "Kung ganon-"

"Sige na aalis na ako!!" agad naman siyang lumabas.

Lumapit naman si Terry sakin. Kaya imbes na masyado kong isipin ang mga nangyayari,
ngumiti na lang ako habang hinahawakan si Terry. Hindi ko kailangan pagkaisipan
yun. Wala naman sigurong kinalaman si Niko.. samin ni Keli.

Cellphone's ringing..
Napalingon ako kung saan at hinanap ang cellphone na tumutunog. Hindi ko cellphone
yun dahil iba naman ang ringtone ko. sumunod si Terry sakin sa paghahanap. Hanggang
sa matagpuan ko yung nagriring na phone sa kwarto ni.. Niko.

At ang laking gulat ko nung makita ang screen name sa cellphone niya. Hindi lang
yun.. Ang picture na nasa table niya. Nanginginig ang mga kamay ko habang
hinahawakan ang picture frame na yun. ang bilis ng tibok ng puso ko..

"Hindi ito pwede.." tiningnan kong mabuti ang kwarto ni Niko. Tama, hindi ako
pumapasok sa kwarto niya. Pero bakit.. of all people si Niko pa. bakit ang pinsan
ko pa ang magtatago ng ganitong sikreto sakin.

Nag-end naman yung call. Kinuha ko ang cellphone at agad na nagpunta sa messages.

At mas lalo akong nainis sa mga nabasa ko..

Hintayin mo ako. Pupunta ako dyan..

Alam na niya ang lahat. Wag ka ng umasa na itutuloy pa ni Andi ang 30 days
contract.

Gusto kong pumunta si


Andi, Niko. Niko.. tulungan mo ako.

Itutuloy mo pa rin ba ang mga bagay na yun!?

23rd
day na ngayon Niko.. anong gagawin ko :'(

From: Keli

Nanginginig ang mga kamay ko. Ang pinsan ko.. matagal na niyang kilala si Keli.
Parehas nila akong pinaglalaruan. Agh! Ngayong malinaw na ang lahat sakin.. naalala
ko ang araw na yun.. tama si Keli yung babaeng kasama niya na muntik na naming
mabangga nila Kevin. Si Keli ang pasyente na inaalagaan ni Niko. Tinago ng pinsan
ko ang sakit ni Keli sakin.

At ang masakit!!! Parehas kami ng pinsan ko na nagmamahal sa iisang babae!!

Sa inis ko naitapon ko ang mga gamit ni Niko.. kasama na ang mga picture frame na
yun na magkasama sila.

Unti-unting nagflashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Simula nung araw na


makilala ko si Keli. Ang mga ngiting yun. Ang mga salitang binitawan niya.. lahat..
Lahat ay may dahilan. Lahat ay may kahulugan.

Nagmahal ako.. ng taong mawawala na balang araw..


Naiinis ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ito nangyayari sakin.!? Bakit kung
kailan ako nagmahal.. sa kagaya pa niya! Sa taong hindi ko pa makakasama habang
buhay. Bakit ko hinayaan ang sarili ko na mafall sa kanya.. bakit hindi ko agad
napansin ang lahat ng ito?.. ang tanga tanga ko..

Gulong gulo na yung isip ko sa mga nangyayari. Buong araw akong nakahiga sa kama ko
habang nakatingin sa kisame at nakalagay ang kamay ko sa noo ko. Iniisip ko ang
lahat lahat ng nangyari. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Gusto kong tumawa at
the same time gusto kong mainis. Pero mas nananaig ang sakit. Ang sakit na malaman
na sa kabila ng lahat ng ito, ang katotohanan na.. nahulog ang loob ko sa taong
iiwan pala ako.

For the nth time, pumatak ang mga luha ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala
ako.

Nung magising ako., naisip kong puntahan ang beach resort na yun. Kung saan dapat
kami magkikita.

Napansin ko ang kagandahan ng lugar. Napakapresko. Napakapayapa. Hindi ko naman


inaasahan na sa paglalakad ko, makakasalubong ko siya. Gaya ko, gulat siya na
makita ako. At the same time malungkot. Pero mas napansin ko na hindi niya kasama
si Niko.

"Andi.." malumanay niyang sabi na may malungkot na ngiti sa mukha.

"Nandito ka pa pala.."

Katahimikan ang bumalot samin. Hindi rin nagtagal at gumalaw din ako para umalis.

"Andi! *sob*" nakatalikod na ako nung tawagan niya ako. Narinig ko pa ang paghikbi
niya. Ang pagpigil niyang umiyak..

Wala na siyang sinabi pagkatapos. Naiinis akong humarap sa kanya. Nakita kong iyak
na iyak siya.
"Bakit!? Bakit mo ba talaga pinlano ito!? BAKIT SINASAKTAN MO AKO!!!" mas lalo
siyang umiyak.

Pinilit naman niyang huminahon.

"Oo. Pinlano ko ang lahat ng i-*sob*-to! Pinlano ko na maging boyfriend ka. Pinlano
ko ang lahat ng ito para wala kang malaman sa sakit ko. *sob*

Dahil ayokong kaawaan mo ako! At ayokong maging boyfriend kita dahil ayokong isipin
mo na responsibilidad ka sa sakit ko!!!" napatungo siya.

"Ayoko.. ayoko.." nakita ko na lang na nanginginig siya. sa sobrang takot ko agad


akong lumapit sa kanya.

"Keli!?" napahawak siya ng mahigpit sa braso ko habang nakahawak sa dibdib niya ang
kanang kamay niya. Ubo siy ng ubo.

"Andi.. pinlano ko ang lahat ng ito.. *ubo* d-dahil mahal kita! *ubo* *ubo*"
ngumiti siya. pawis na pawis siya. "Mahal na mahal kita, Andi. Noon at hanggang
ngayon." Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.

"..masaya ako na kahit papaano na natupad mo ang 23rd day wish ko.." nahimatay
siya. agad ko naman siyang inalalayan.

"Keli? Keli! KELIII!!" binuhat ko siya at dali dali akong nagtatakbo papunta sa
kotse ko.

Agad naman akong pumunta sa hospital ni Niko. At agad nilang dinala si Keli sa
emergency room. Tinawag na rin nila ang doctors ni Keli.. na si Niko nga. Dumating
si Niko.. at nagulat siya na makita ako. Pero agad din naman niyang pinuntahan si
Keli at ginawa ang responsibilidad ng isang doctor.

Nung mga oras na yun, ang bilis ng tibok ng puso ko. hindi ko na talaga malaman
kung anong mangyayari.. ang gusto ko lang ay sana wag agad NIYANG kunin si Keli.
Gusto kong at least tumagal pa si Keli at matapos namin ang 30 days na contract.
Mahalaga siya sakin. Minahal ko na si Keli. Mahal na mahal ko na siya..

Hindi ko pala dapat sayangin ang oras na magagalit lang ako sa kanya..

*******************************************
[44] Chapter 42
*******************************************
"Heart Cancer.

Ang alam ko karaniwang heart disease lang, nagpatransplant pa nga siya noon.
Nagulat na lang kami pagkatapos ng development ng kanyang puso, karaniwan ng
kumalat ang cancerous cells sa katawan niya. Pero malabo pa rin ng dahilan. Siguro
ang naging simula ng pagkakameron niya ng cancer ay dahil na rin sa heart failure.

Ang hospital na ang naging tirahan niya simula nung 14 years old pa lang siya. mas
naging malala lang ngayon.."

Nag-uusap kami ngayon ni Niko. Kalalabas lang niya ng ER. At ngayon ay walang malay
pa rin si Keli, pero tumitibok na ng normal ang puso niya. At gaya nga ng sinabi ni
Niko.. may sakit pala sa puso si Keli.

"Patawad kong tinago ko sayo Andi na kilala ko si Keli at alam ko ang mga bagay na
ito."

Umayos ako ng upo. "Kailan mo siya nakilala? At maaari ko bang malaman kung paano
nagsimula ang lahat ng ito?

Wala parin kasi akong maintindihan.." napatungo ako.


"Tanda mo ba noon.. nung unang beses kong sinabi sayo na may nagugustuhan akong
isang babae. Crush na crush ko siya. kahit nerd siya." parang biglang may
nagflachback sa utak ko.

Ang mga alaalang yun.. nung unang beses na nakilala ko si Keli.

"Diba.. gustong gusto ko pa ngang ipakilala siya sayo. Kaya nung nagbago ka,
nagpaturo ako sayo kung paano pumorma. Kasi seryoso talaga ako sa babaeng yun. Noon
pa lang gusto ko ng maging doctor.. kasi gusto kong alagaan siya. Dahil alam ko
kung anong kalagayan niya. Tapos isang araw.. dumating ako sa kwarto niya. Ang saya
saya niya habang may hawak hawak siyang bulaklak. Sabi niya may nakasalubong siyang
prinsipe. Ang gwapo daw. At ang prinsipeng yun.. ang nagbigay sa kanya nung mga red
chrysanthemum na yun."

Noong grade 6 kami, may nabanggit nga si Niko na may nameet siyang batang babae.
Umiiyak ito pero oras na ngumiti ito, mahuhumaling ka daw sa ganda niya. 1 taon man
ang lumipas. Natawa ako na parehas na iisang babae parin ang nagugustuhan niya.
Tinuruan ko siyang pumorma. At akala ko hindi siya natuto. Sabi pa niya na imi-meet
ko daw ang babaeng yun sa hospital na palagi niyang pinupuntahan.. kaya naisip kong
magdala ng bulaklak. Yun lang naman kasing bulaklak na yun ang nasa bahay. Pero
dahil makikipagkita ako kay Kristina, naisip ko na ibigay na lang kung sinong
pasyente ang makasalubong ko. parang familiar ang babaeng yun.

Bigla akong natawa.. kaschoolmate ko nga pala si Keli nung grade school pa lang
ako.

"Naalala mo nung time na iuwi ko si Terry sa bahay. Simula nung sabihin ko na


pinsan kita, naisip niyang ibigay sayo si Terry. Pagpapasalamat daw. Kahit ang
totoo, alam ko ng gusto ka na niya noon."

May bigla na naman akong naalala. Tungkol kay Jared, nabanggit din niya ang tungkol
kay Keli na may.. kinalaman sakin. Ang tagal na pala niyang nag-eexist sa buhay ko.
Pero ngayon ko lang siya nakilala..

Tangna! Bakit ngayon ko lang nalaman na may isang tao dyan.. na totoong nagmamahal
sakin!
"Andi, kung ako sayo.. hindi ko na lang sasayangin ang mga natitirang araw na
makakasama ko pa ang taong mahal ko. Kung ipapangako mo na hindi mo siya sasaktan..

Ititigil ko na itong nararamdaman ko para kay Keli." Napatingin naman ako kay Niko.

Mga 30 mins. after, pinuntahan ko naman si Keli sa kwarto niya. Wala pa rin siyang
malay. Umupo ako sa tabi niya. Tinitigan ko siya. at dahan dahan kong hinawakan ang
kamay niya.. nakita ko yung bracelet na binigay ko sa kanya. As a sign that she's
really Andy Rivas' girlfriend.

Bigla na lang nagflash back ang lahat sakin. At nagsimula na namang mamuo ang mga
luha ko.

*Sniff*

"Bakit.. bakit sa lahat kailangan ikaw pa..

Sa lahat ng pwedeng maging karma.. bakit ganito pa." tinanggal ko naman yung
bracelet sa kamay niya.

At umalis na ng kwarto.

Day 24

Nung mag-alarm ang cellphone ko, agad akong bumangon sa kama at binuksan ang
kurtina sa kwarto ko. at nakakabadtrip na sobrang tirik ng araw. Napatingin naman
ako sa cellphone ko.

"Agh!" napahawak ako sa buhok ko. Hindi ko makocontrol ang panahon? Pero..

PAANO??

Pumunta naman akong hospital. Pero pagdating ko sa kwarto ni Keli, wala siya dun.
Agad kong tinanong siya sa mga nurses, pero umalis na daw ito. Mabuti na lang
nakasalubong ko si Niko.

"n-Niks!!!" hingal na hingal akong tumigil. Agad din naman siyang napalingon.

"Andi?"

"ha.ha. *pant* n-Nasaan siya?" nagtaka naman siya. pero agad din niyang nagets.
Tumingin siya sa relo niya.

"Hindi pa siya nakakalayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na tumakbo
ulit.

"Salamat!!!"

Takbo ako ng takbo. Kahit na nagagalit na yung ibang mga nurses at guards. Pero
sinisigurado ko naman na maingat ako at walang mapapahamak sa pagtakbo ko. tinodo
ko na lang lalo na nung nakalabas na ako ng building. Akala ko hindi ko na siya
maaabutan. Mabuti na lang napadpad ako sa bus stop. Nakita ko siyang sumakay ng bus
kaya agad naman din akong sumakay sa bus na sinakyan niya. Hinanap ko yung seats
niya. Sa kasamaang palad, may katabi na siya.

"Hijo, uupo ka ba!?" nawala na pala ako sa sarili. Kaya agad akong tumabi at
nilingon ulit ang part ni Keli. Nakatayo siya at para bang lumapit ng seats. Sa
sobrang tuwa ko, agad ko siyang hinabol at siniguradong mapupunta sakin yung
katabing seats niya.
"s-Sorry po!" sabi ko sa mga nasasagi ko. at sa wakas nasa harap ko na siya.

Nakatitig ako sa kanya nung muntik ng may magtangkang umupo dun sa tabi ni Keli.

"Sorry bro, dito ako!!" sabi ko dun sa lalaki.

"Tss! Ayaw agad uupo!" muntik pa akong matawa. Paglingon ko kay Keli.

"Ah! :o" nagulat din ako sa expression ng mukha niya na nagulat din. pero agad
naman akong natawa.

"a-Andi?!" bigla siyang namula. "Anong.. ginagawa mo?" nagtataka yung mukha niya
pero may kasamang lungkot.

Ayokong magpa-affected kaya ngumingiti na lang ako.

"Hah? Ginagawa? May ginagawa ba ako? Masama na bang sumakay ng bus?" nagcrossed
arms naman ako.

Nagbayad kaming dalwa at bumaba ng bus. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, basta
sinusundan ko na lang siya. nagtataka siya pero nginingitian ko na lang siya. may
pinupuntahan siyang shop kaya minsan hinihintay ko na lang siyang lumabas.

"Ginagawa mo ba ito dahil ika-24 na araw na natin ngayon?" bigla na lang siyang
nagsalita habang naglalakad kami.

"Hindi uulan." Napawi naman ang ngiti ko sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil bigla akong nawalan ng confident sa plano ko.
sinusubukan kong maging matapang para sa kanya. Sinusubukan kong kalimutan.. ang
tungkol sa sakit niya. Pero.. pilit.. pilit niyang dinidiin na hindi ko kaya.
Tumigil siya at humarap sakin nung maramdaman niya sigurong hindi ko na siya
sinusundan.

Tinaas niya ang kamay niya, "Hindi mo na ako girlfriend."

I smirked.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko yung leeg niya at lalapit palang ako sa mukha
niya-nung mapaatras agad siya. tumingin ako sa mga mata niya. Bakas sa mukha niya
ang takot. Hinawakan pa niya dibdib ko para magbigay space saming dalwa.

"Natatakot ka na mahalikan kita?" gusto kong matakot na baka atakihin siya bigla sa
ginagawa ko. pero ito lang talaga yung way ko para mapaniwala ko siya na hindi ako
naaawa sa kanya kaya ko ginagawa ang mga bagay na'to.

"Eh ano kung hindi umulan. Pwede naman nating pekein e, imaginin mo na lang na
umuulan tapos hahalikan na lang kita-"

*SPLASH!!!*

Napalayo kami sa isa't isa.

"MAGHANAP KAYO NG KWARTO A! WAG DITO SA HARAP NG BAHAY NAMIN!!!"


------------

xoxo

Epal muna ako (author) Wala po talaga akong alam tungkol sa Heart Cancer.
Nagreasearch lang po. Kaya po hindi malinaw yung information. Kung may hindi po
kayo maintindihan. ASK po kayo hah. :))

At kung may magulong part. Comment niyo po :))

-------yuri-------

*******************************************
[45] Chapter 43
*******************************************
Napatingin kami sa isa't isa.

Nagkatinginan kami. Bakas sa mukha namin ang gulat at.. inis.

Pumunta kami sa pinakamalapit na laundry shop. At pinatuyo namin yung mga damit
namin. Binigyan naman kami ng may-ari ng malinis na white shirt. Kasama na sa
bayad.

"It's all your fault." narinig kong sabi niya. Nairita naman ako.

"My fault!? Kung hindi ka pumunta dito! At kung hindi ka nagkakaganyan--" napatigil
ako sa sinasabi ko. May bigla akong narealize. Nagtaka naman siya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?.. Tss. Ikaw si Keli diba? Hindi naman talaga sayo big
deal kung nabasa tayo."
Katahimikan. Mukhang tinamaan siya sa sinabi ko. Tumingin naman ako sa kanya,
napatingin din siya sakin. Pero agad ding umiwas.

"Ikaw! Bakit mo ba ito ginagawa.. I already told you not to fall for me. Tapusin na
natin ito. Alam mong hindi kakayanin ng konsensya ko kung mamatay akong nakikita
kang nasasaktan." agad akong tumayo. At naglakad paalis.

"h-Hoy saan ka pupunta, Andi!?"

"Ikaw na ang bahala sa damit ko."

Umalis naman ako dun. Hindi ko alam kung saan ako papunta.

"Ang gwapo niya."

"Kyaa ang hot niya!"

Kung ano anung naririnig kong bulungan sa daan lalo na kapag may mga nakakasalubong
akong mga grupo ng mga kababaehan. Naisip ko na lang na tumambay sa pinakamalapit
na basketball court. Wala masyadong tao, mga batang naglalaro lang ng patintero.
Nanonood lang ako sa mga bata habang naghihintay sa kung anong pwedeng mangyari.
Bigla namang nagvibrate phone ko. akala ko kung ano, mga walang kwentang text lang
pala.

Umabot ng 2 oras, pero hindi dumating si Keli. Alas 3 na pala.

"o-Oy saan ka nakatingin!?"

"Hah?wala naman e."

"Nakatingin ka kay Kuya na pogi e."

"Ayiii kaw nagsabi niyan. Jelly siya!"

Napatingin ako sa dalwang magsyotang mukhang mga highschool student lang na medyo
di kalayuan sakin.
"Dun na nga lang tayo."sabi pa nung lalaki habang hawak hawak ang syota niya sa
baywang. Nikiss naman siya nung babae. At nagtawanan sila..

Ang sakit.. ang sakit sakit na makita yung ibang tao.. na kayang maging masaya. Na
sa maliit na bagay lang.. naipapakita na nila yung pagmamahal nila sa isa't isa.

Ang sakit.. na ang mga bagay na'to.. hindi ko kayang maramdaman. Hindi ko kayang
maging masaya.. kung yung taong magpapasaya sakin.. mawawala rin pala.

"ha.ha.ha.ha. *pant* ANDI RIVAS!!!"

Lumingon ako sa tumawag sakin. Kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko, ay tumayo
ako. Naging malungkot siya. napakunot naman ako ng noo.

"Bakit ka tumatakbo!!? At bakit mo ba ako sinundan dito!!" inayos ko buhok ko


kunwari para lang mapawi yung luha sa mukha ko.

"Ikaw.. umii-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya. agad na akong lumapit sa
kanya at niyakap siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako magsalita.

"Ayokong isipin mo na naaawa ako. Ayokong isipin mo na responsibilidad ko ito. Bago


ko pa nalaman ang kondisyon mo.. naramdaman ko na na mahal kita.
Mahal na mahal kita, Kelsey Cojuanco." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya
sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha niya.

"Kahit 6 na araw na lang yung natitira. Kahit 2 araw pa yan o isa. Kahit ilang
Segundo pa.. ikaw pa rin ang mamahalin ko. Pagkakasyahin ko yun, maipakita ko lang
na mahal kita. Ikaw ang una..

At ang huling taong mamahalin ko.." hinawakan ko ang mukha niya at dahan dahan na
naglapat ang mga labi namin.

Nung hapong yun, bigla na lang umulan..

Kahit tirik pa ang araw.

*******************************************
[46] Chapter 44
*******************************************
Day 25 - 26

Natapos ang klase ko ng 5. Masyado na kaming hinapon para sa pagrereview at dahil


narin sa mga thesis namin. Kaya agad agad akong pumunta at umuwi na sa condo ko.
pero naisip ko munang bumili ng cake pati na rin ng ice cream.

"Nadito na ako." Pumasok ako at nakita ko naman siya habang dinedecorate niya yung
Christmas lights sa christmas tree.
"Oh Andi, nandito ka na pala." Bumaba siya dun sa upuan at binuhay yung Christmas
lights. "Tingnan mo, Andi. Napakaganda diba?" tumango ako.

"Ano yang dala mo?"

"Cake and ice cream."

"Waah talaga! Halika madami akong niluto." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala
ako sa kusina.

Napakadami nga ng niluto niya at halos lahat mga favorite namin. Pinicturan namin
ang mga pagkain. Nagpicturan din kami na magkasama. Kumain.

"Ano yan? Gift? May usapan ba na magbibigayan tayo ng regalo?"

"Hmm. Wala. Photo album lang ito. From now on, punuin natin ng memories ang photo
album na'to."

Inabot niya sakin yung photo album. Isa isa kong yung binuklat. Naiisip ko lang na
ilalagay namin yung mga bawat pictures namin na magkasama, ano kayang mararamdaman
ko kung isang araw wala na siya? magiging alaala na lang nga talaga ang lahat.

Ngumiti ako.

Nung matapos siyang kumain, agad siyang pumunta sa salas. At nung lapitan ko siya
nakita ko na masyado niyang pinagkakaabalahan yung photo album. May mga sinusulat
pa siya sa mga piraso ng papel. Lumingon naman siya sakin.

"Andi, tulungan mo rin ako! " nataranta ako. Kaya pinakita ko sa kanya yung hawak
kong ice cream sabay subo ko.

"Kumakain ako." Ngumiti ako habang kumakain. Tumalikod naman siya sakin.
Ang totoo, ayokong gawin yun. Ang totoo.. ayokong gumawa ng kahit na anong bakas na
pwedeng magpaalala sa kanya balang araw. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang
mangyayari oras na mawala siya.

Hindi ko kasi maimagine kung anong mangyayari kapag wala na siya.

"Oh ano naman yan?" nilapitan ko siya.

"30 days with Mr. Rivas."

"Oo alam ko, nababasa ko."

"My plan. And I accomplished the 25 days." Kinuha ko yung notebook. Nakita ko ulit
ang notebook na'to.

"The last time I saw this, nanggigil ako sa galit. Just what the F?" natawa ako.

"Naalala mo ba nung una tayong nagkita. Sabi mo ang pangit ko. hahaha. Nagulat ako
na masama pala ang ugali mo!" tinitigan ko siya. "Pero hindi counted ang araw na
yun."

Sinubo ko sa kanya yung ice cream.

"After that day, tinanong ko kay Niko kung hanggang kelan pa ako mabubuhay.."
parang tinusok yung puso ko. "Hindi niya ako sinagot. Pero ramdam ko naman na hindi
na ako magtatagal. Kaya ginawa ko ito. At sinabi ko sa kanya na gusto ko magkameron
ng oras kay Andi Rivas per day sa loob ng 1 buwan. After nito, mag-istay na ako sa
hospital. At pwede rin.. diretso na akong mamahi-"

"Now that I read this." Pinakita ko yung notebook sa kanya. "..saka ko lang
naalala na lahat ng nakalagay dito, nagawa mo. Wala kang pinalagpas." Tumawa ako.
At pinat siya sa ulo.
Sana wag niyang mapansin na sinadya kong putulin ang sinasabi niya.

Sana wag niyang makita na nasasaktan ako sa sinasabi niya.

"Day 25, Celebrate early Christmas day. Diba nga pasko natin ngayon." Hinawakan
niya ako sa magkabilang pisngi. "Gusto kong sabihin sayo ang lahat na ito. Kung
nasasaktan ka, please ipakita mo."

Tinitigan ko siya. nung maramdaman ko na namumuo na ang mga luha ko, hinalikan ko
siya. naalis yung pagkakahawak niya sa mukha ko. I kissed her passionately hanggang
sa makasabay siya sa mga halik ko. at pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.

"Haha."ni-poke ko yung ilong niya. mapulang mapula siya.

"Waaah first time kong ginawa yun." Napahawak siya sa dibdib niya. Nag-alala naman
ako.

"OKay ka lang?!" kinabahan talaga ako. at medyo naguilty sa ginawa.

"Hmm. I'm okay. uminom naman ako ng gamot e." ang laki ng ngiti niya.

"Mas matindi pa ang gagawin natin pagka-28 at 30 na." kinindatan ko siya.

Hinabol niya ako.

Naghintay naman kami mag-12 para macelebrate namin yung 26th day. Bukas kasi
kailangan niyang magstay sa hospital. Yun ang sabi ni Niko. At sabi niya wag ko daw
siyang dadalawin sa hospital. Bigla pa siyang inatake, kaya agad ko siyang dinala
sa kwarto. Pero sabi niya siya na daw ang bahala. Kaya hinayaan ko siya.
"Okay ka na ba?" pawis na pawis siyang pumunta sa labas.

Mahahalata mo na talagang nahihirapan siya.

"Nainom ko na yung gamot. At medyo okay na ako."pinilit niyang ngumiti.

"Malapit ng mag 1. Halika."

Umupo siya sa tabi ko. At maya maya din ay naglabasan na ang iba't ibang fireworks.

"Ang ganda." sabi niya habang nakangiti.

"Mas maganda pa mamaya, hintayin mo lang."

"Huh?" tumingin siya sakin pero agad ding tumingin sa fireworks.

Parang siyang bata. Ni di man lang niya maalis ang mga tingin sa mga fireworks. Ang
laki pa ng ngiti niya.

Tumayo ako at pumunta sa likod niya.

"Andi, bakit dyan ka pumwesto?"

"Just keep looking."

Lilingon sana siya sakin pero napatigil siya ng magform ng word sa fireworks.
Niyakap ko siya. Napatakip naman siya ng bibig.

"a-Andi? S-seryoso ba ito?"

Pinakita ko sa kanya yung kwintas.. na may singsing. Lumingon naman siya sakin.
Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Marry me." inalis ko yung singsing sa kwintas at kinuha ko ang kamay niya. "Hindi
mo na kailangan nung walang kwentang bracelet na yun. Kasi ito ang katibayan na
ikaw lang. Ikaw lang talaga ang minamahal ko Kelsey Cojuanco." tuluyan na siyang
napaiyak. Agad naman niya akong niyakap.

"Baliw ka. Paano kung may makabasa nun." niyakap ko rin siya.

"Mahal na mahal talaga kita, Andi Rivas."

-----
PLEASE VOTE!!! PRETTY PRETTY PRETTY PLEASEEEEEEE.. ~(*^* ~ )

*******************************************
[47] Chapter 45
*******************************************
Day 27

Lunch time na. ngangayon lang ako nagbreak matapos ng mahabang pagdidiscuss tungkol
sa thesis. At hindi pa rin ako mapakali sa paghihintay ng text galing kay Keli o
kahit kay Niko man lang.

"Dee, di mo pa nagagalaw pagkain mo." Napatingin ako kay Albie. Hinawakan ko naman
ang kutsara ko pero nasa cellphone pa rin ang atensyon.

"Bakit hindi mo na lang puntahan, tol?" sabi ni Kevin.

Napailing ako at medyo natawa. Inakbayan naman ako ni Kevin.

"Seryoso na talaga si Andi Rivas." Tumawa naman si Kevin at nakipag-apir kay Albie.
Walang alam ang barkada tungkol sa sakit ni Keli. At mas mabuti siguro na kung wala
silang malalaman.

Sumubo ako ng isa. Naagaw naman ang atensyon namin nung tumayo si Danson.

"Aalis ka na agad?"

Sinoot niya ang shades niya, "Gustong makipagkita ni Ara." Angas lang.

"Sino? Yung bang tigasin na babae na sabi mo pakipot?"

"Kayo na?"
Sunod sunod na tanong nila Albie at Kevin. Umayos naman ako ng upo, ako lang ata
ang walang alam.

"Hindi pa. pero sigurado malapit na, tinatago lang niya. alam niyo naman yun,
masyadong pahard to get. Di niya ata kilala kung sinong binabangga niya."

"Tss." Sabi ko. napatingin tuloy sakin si Danson. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo Dan.
May limitasyon ang lahat."

Nabigla ako nung bigla niya akong belatan. "Nag-eenjoy pa ako, Andi. Wag mo akong
igaya sayo. Handa naman na ako sa magiging karma ko balang araw. Para saan pa ang
maging makasalanan." Sabay alis niya.

Tinitigan ko si Danson. At nakikita ko ang dating ako sa kanya, pero magkaiba pa


rin kami. Si Danson, he chose this dahil alam na niya ang limitasyon niya. ako,
heto hindi ko maipagkasya ang oras ko dahil huli na ang lahat bago ko marealize ang
limitation ko.

Hindi na ito kagaya ng dati.

Noon, ang dami kong oras para magloko. Kahit ang pinakawalang kwentang bagay
sinasayang ko sa mahahalagang oras.

"Andi, hindi ka pa ba uuwi?" nagtatype pa ako nung biglang nagtanong yung isa sa
mga kagrupo ko sa thesis. Umiling naman ako.

"Malapit na rin naman ako dito sa ginagawa ko."

"Sige una na kami." Tumango ako.

Ako na lang ang nag-iisa sa dito sa room. Napatingin ako sa orasan, 7 na pala.
Buong maghapon akong nasa school. Pero.. hindi pa rin nagtetext man lang kahit isa
si Keli. Nag-aalala ako. Kanina ko pa rin siya tinatawagan, kahit si Niko. Pero
wala akong macontact sa kanila.

Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko, mga laptop at libro at nagdiretso sa
kotse ko. may napansin naman ako, isang kapirasong papel na nakadikit sa salamin.
May nakalagay dito note.

Napangiti ako. At agad na pumunta dun sa nakasulat.

Ang daming tao. At parang may pinagkakaguluhan sila. Kasabay noon ang isang malakas
na strumming ng gitara. Hindi ko alam yung kanta. Hindi ko rin alam kung narinig ko
na yun noon.

There's somethin' 'bout the way the street looks when it's just rained

Nagulat ako nung marinig ang boses na yun. Napakalambing. At napakaganda..

There's a glow off the pavement, you walk me to the car

And you know I wanna ask you to dance right there

In the middle of the parking lot, yeah

"Sino siya?"

"Estudyante ba siya dito?"

"Ang cute naman niya. ang ganda pa ng boses."

"Sinong kinakantahan niya?"


And I don't know how it gets better than this

You take my hand and drag me headfirst, fearless

And I don't know why but with you I dance

In a storm in my best dress, fearless

Kung anu anong mga bulungan ang naririnig ko sa kung sinu sino. At sa wakas nakita
ko rin siya. Nakangiti siyang kumakanta. Nakatingin siya sakin. May soot siyang
gitara at ang saya saya niyang tingnan.

'Cause I don't know how it gets better than this

You take my hand and drag me headfirst, fearless

And I don't know why but with you I'd dance

In a storm in my best dress, fearless

Naramdaman ko na lang na ang lahat ay nakatingin sakin. Pero na kay Keli pa rin ang
atensyon ko. at hindi ko maalis sa mukha ko ang ngiti.. at ang sayang mararamdaman
ko sa mga sandaling ito.

Natapos ang kanta, at tapos na din ang pag-i-strumming sa gitara. Tumahimik ang
paligid at nagsimulang magbulungan ang lahat. Iba't iba ang makikita mong reaksyon.
Pero wala akong pakealam. Nakatingin pa rin ako kay Keli.

"Bakit pinayagan ng guard na papasukin siya?"

"Tch. So siya yung babaeng yun!"

"Anong kalokohan ito?"

Hinawakan niya ang microphone. "Good Eve. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako
nakatayo dito at gumagawa ng ganitong klaseng trip."
May iba na nag-aalisan pero nanatili si Keli sa kinatatayuan niya. lalapitan ko na
sana siya pero may pumigil sakin. Sila Kevin.

"Just watch tol. Mukhang nagcoconfess ang sweetheart mo at sinisigaw sa lahat, na


'You're hers."

Alam ko. dahil ngayon ang 27th day wish niya. tumingin siya sakin.

"Nandito ang taong mahal ko. Ang taong minamahal ko ng 8 taon. Noon hanggang
ngayon. Hindi ako sumuko. Mahal ko siya dahil siya ang naging inspirasyon ko.. sa
lahat ng bagay." Habang sinasabi niya ito, pakiramdam ko. kami lang na dalwa ang
tao sa mundong ito. Napakasarap sa pakiramdam.

"Perpekto siya sa kahit saan anggulo. Kaya hindi ko masisisi ang iba na magalit
sakin na nakuha ko ang taong ito. Nag-iisa siya." kahit medyo malayo siya. kita ko
ang pagpatak ng mga luha niya.

Ngumiti ako. Pero ramdam ko ang sakit.

"Hayaan niyong mahalin ko ang taong ito. Dahil pinapangako ko.. na habang buhay ko
siyang mamahalin ng buong puso.."

Inakbayan ako ni Kevin.

Pinilit kong ngumiti. Kahit masakit..


Habang buhay.. sana totoong may habang buhay..

*******************************************
[48] Chapter 46
*******************************************
tik.tak.tik.tak.tik..

Unti unti kong minulat ang mata ko. Napatitig ako sa kisame. Saka ako bumangon.

Day 28

Magkikita kami ngayon ni Keli at napag-usapan namin na ipagluluto ko siya. Nag-


aaral na akong magluto at medyo madami na rin akong alam. Sinisigurado ko rin na
healthy yung mga niluluto ko. Ayoko kasing mag-alala si Keli.

Nandito ako ngayon sa bahay at wala sa condo. At nandito kami sa labas ni Terry
habang hinihintay ang dati niyang amo. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga
nangyari nung unang beses habang hinahawakan ko si Terry.

"Makikita mo na ulit siya."

Naghintay kami ng 1 and a half hour. Kaya naisip ko na lumigo na muna at mag-ayos.
Ininit ko ulit yung mga pagkain. 30 minutes ulit ang lumipas at nagring naman ang
doorbell. Masaya akong sinalubong ni Terry at dali dali naming binuksan ang pinto.

"Welcome." sigaw ko ng may malaking ngiti.

*ubo*
Panay ang ubo niya. Natakot ako kaya agad akong yumuko at tinakluban si Terry.
Hindi ko alam ang gagawin.

"I-it's o-okay." tiningnan ko siya. Pilit ang mga ngiti niya. "Gutom na ako. Let's
go."

She looks pale. At nag-aalala ako.

From: Niko

Mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman niya. Kahit ang mga gamot medyo wala
ng effect. Mas mabuting bantayan mo siya ng maayos. At dalhin mo agad siya dito sa
hospital pag inatake siya.

Yun ang text ni Niko sakin. Wala namang kamalay malay dun si Keli. Lumapit ako sa
kanya at binigay yung pinaluto niya sakin.

"Ang sarap mo ng magluto, Andi! Diba Terry!" ngumiti ako. Hindi ko alam kung paano
ako aakto.

Habang papalapit ng papalapit ang 30th day, mas lumulubha lalo ang kalagayan niya.
Mas lalo kong nararamdaman na mawawala siya..

"Syempre, ako pa!"

Kaya ko 'to!

Di rin kami nagtagal at umalis din kami ng bahay. Balak kasi naming mamasyal.
"Terry, aalis na muna kami ni Andi. Pero pangako na babalikan kita!" hinaplos
haplos pa niya si Terry. hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.

"Tara na?" tumayo siya at tumango.

Hindi ko dinala ang kotse ko. sabi kasi niya na magbus na lang daw kami gaya ng
isang normal na couple.

Sa bus mas pinili kong tumayo kaysa sa makatabi ang ibang tao. At nung nawalan
naman ng katabi si Keli, saka ako tumabi sa kanya. Napansin ko ang pagtawa niya sa
maliit na bagay na yun. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at buong byahe kaming
magkahawak kamay.

Nakarating kami sa mall at ang una naming pinuntahan ay ang game zome. Ang daming
tao at halos karamihan ay mga estudyanteng kagaya ko. hindi ito ang first time ko
pero hindi rin naman ako madalas dito. At ang totoo bago sakin yung atmosphere.
Pinagtitinginan ako ng mga tao at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa
ganitong klase ng lugar. Feeling ko ang cheap cheap ko. Parang madudungisan ata ang
pangalan ko sa gagawin kong 'to-

"Andi!" bumalik lang ako sa sarili nung marinig kong tinawag niya ako. May ngiti sa
mga labi niya habang may hawak siyang card.

Napakamot ako sa batok. At napaisip. Just what am I thinking, hindi na ako ang Andi
Rivas. Mas may priority ako ngayon. Wala na talaga akong pakealam sa sasabihin ng
iba.

"Tara maglaro!!" hinila niya kamay ko.

Nagulat naman ako ng dalhin niya ako sa may open karaoke. Umupo kaming dalwa sa may
stage at agad siyang pumili ng kanta. Di pa man nagsisimula yung kanta, dumarami na
yung audience. May iba pang nagvi-video. Napaface palm na lang ako. Di ko na talaga
alam ang gagawin ko.
Pero nung magsimula siyang kumanta.. unti unti ding nawala yung hiya ko. Ang ganda
niya kasi..

Madami kaming ginawa sa game zone. Nagrace. Nagbasketball. At pinakathe best yung
larong di ko na maalala. Basta may paradise yun. Kung saan babatuhin mo ng palastik
na bola yung mga kalaban. Nakakatawa si Keli sa tuwing maaalala ko kung gaano siya
naiirita at nagpapanic sa mga kalaban namin. Tawa lang ako ng tawa kapag kasama
siya..

At sigurado ako.. MAMIMISS KO ITO..

"Saan na ba tayo pupunta ngayon? Pagabi na a. sigurado ka bang okay ka pa?" ilang
beses ko ng tinatanong sa kanya ito pero hindi niya ako sinasagot.

Nasa unahan ko siya at masayang naglalakad. Kanina pa rin kaming naglalakad. At


nag-aalala ako na baka mapagod siya.

"Keli!! Ano ba!-" nainis na ako kaya agad akong humarap sa kanya.

"Nandito na tayo." sabi niya.

Lumingon naman ako sa likod ko. At nakita ko ang bar. Yung bar na palagi kong
tinatambayan. Ang bar na puro kakilala ko ang makikita ko. Nandyan sila Kevin. Ang
mga babaeng nakaflirt ko. Puro usok. Puro gulo. Hindi pwede si Keli sa lugar na'to.

"Tara na!" hinigit ko ang kamay niya pero nagpumiglas siya. Tiningnan ko siya ng
masama. "Uuwi na tayo, Keli!"

"Hindi, Andi." sinubukan ko ulit na pilitin siya pero nahawakan niya ang mukha ko.
Ang magkabila kong pisngi.
Pinatibok niya ang puso ko nung sabihin niya ang mga kagatang yun..

'Gusto ko.. bago ako mawala. Maayos ang buhay mo. Not Andi Rivas as the biggest
jerk! Womanizer. Casanova. Heartbreaker. Playboy..

Ayoko ng mabuhay ka na kinikilala ka ng lahat na isa sa mga salitang yun. Ikaw si


Anthony Dee Rivas. Mabait. Mapagmahal. Mabuting tao ka, Andi.. Gusto kong malaman
yun ng lahat.

Para next time na magmahal ka.. at mahalin ka. Sigurado na akong sasaya ka.'

Gusto kong maiyak pagkatapos marinig ang mga katagang yun. Talagang.. NAGPAPAALAM
NA SIYA.

"Oh Andi." nakasalubong ko sila Lorraine at Trisha. Hahalikan sana nila ako pero
agad na nahagilap ng mata nila ang walang kamuang muang na si Keli.

"That girl again!"

"Why is she here?"

"Ginugulo ka pa rin ba niya?

"Let us handle this!-"

Pinigilan ko sila. Umiling ako. At pumunta sa stage.

Hindi natanggal ang tingin ko kay Keli. Nainis naman ako ng makitang nilapitan siya
ng ibang lalaki. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakita ko pa sa isang
table sila Sab at Daryl na nakatingin sakin na parang nagtataka sa ginagawa ko. Si
Danson na nakikipagflirt. At si Kevin na mukhang pupuntahan si Keli para sakin.

Nagsimulang magtaka ang lahat. Magbulungan.


"Hey, Andi. Come here." they laugh. Ngumiti ako.

Napailing pa si Darryl.

Nainis naman ako ng makita kong binabastos na ng mga lalaking yun si Keli at walang
magawa si Kevin.

Kaya hinawakan ko ang mic at gumawa ng ingay.lahat sila nainis sa ginawa ko. Agad
naman akong umalis ng stage at pumunta kay Keli. The next thing I did. Hinawakan ko
sa collar yung lalaking nambastos kay Keli at sinuntok. Lahat sila nagulat sa
ginawa ko.

"What's going on?.."

Inakbayan ko si Keli.

"EVERYONE, THIS GIRL IS MY GIRLFRIEND. ANYONE DARES TO TOUCH HER, I'LL MAKE SURE
I'LL YOU GIVE YOU WHAT YOU GOT!! WAG NIYO AKONG SUSUBUKAN. WAG NIYONG BABANGGAIN SI
ANDI RIVAS." humarap ako kay Keli at hinagkan ko siya. For the nth time, she
smiled..

"SHE'S ONLY MINE."


*BLAGGG*

Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. Parang nagslow motion ang lahat.

"Waaah anong nangyari?"

"What happened on her?"

"ANDI!!"

Lumingon ako kay Keli.. nakahiga na siya sa sahig. Walang malay. Hawak hawak na
lang siya ni Kevin. Parang nawala ako sa sarili.

Si Keli.. INATAKE SIYA SA PUSO.

*******************************************
[49] Chapter 47
*******************************************
"Everything will be alright."

Sabi nila Kevin sakin for the nth time. Pero POTA isang oras na si Keli sa ER pero
hindi pa rin lumalabas si Niko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. *sob*


"Ang tanga tanga ko.. Hindi ko na dapat siya dinala dun.."

"Wala kang ginawa, Andi."

"May sakit pala sa puso yang Kelsey? At.. may taning na ang buhay--" hindi ko
napigilan ang sarili ko at nasugod ko na lang bigla si Danson. Gigil na gigil ako
habang pumapatak na yung mga luha ko. Halos masakal ko na siya ginawa ko.

Mabuti naawat agad kami nila Kevin at Daryl.

Ubong ubo si Danson.

"ANDI!?" dumating si Albie.

Pero agad na nagsalita si Danson, "Bakit?! Hindi mo pa ba alam na may taning na ang
buhay ng gf mo! O kasi hanggang ngayon hindi mo lang matanggap na NAGMAHAL KA NG
TAONG MAMATAY NA!!" hindi na talaga ako makapagtimpi. Pero pinipigilan pa rin ako
nila Kevin.

"Tama na--"

"Fvck! Magseseryoso ka na lang Andi Rivas sa maling tao pa! Wala ka ba talagang
kokote! Tanga ka ba? Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? HABANG BUHAY
MASAKTAN!"

Hindi ko masaktan si Danson. Kaya nasuntok ko na lang ang pader na pinakamalapit


sakin. Dumugo yung kamay ko. At patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko. Ang
sakit sakit..
*sob*

"Tama na Danson! Wala kang alam. Wala tayong alam.. siguro naman may dahilan
siya.." natawa ako sa sinabi ni Albie.

Napaupo ako sa sahig. At tumawa habang umiiyak.

"a-Andi.."

"Wala akong rason. Pagkatapos kong marealize na mahal ko siya. Saka ko nalaman ang
totoong kondisyon niya. Niloko niya ako.. pero minahal ko pa rin siya."

Nagdabog si Danson. Nanahimik sila Albie.

"Akala ko ba matalino ka! Bakit pinili mo paring ipagpatuloy ang relasyon niyo kung
alam mo na! Nagmamahal ka ng taong mamamatay! MARTIR KA BA!! This is SOO STUPID!"

"I know.."

"WHAT? Hah! So ano, pagkatapos nito. Pag iniwan ka ng babaeng yan, anong mangyayari
sa buhay mo!?

Ang sabi mo, lahat may limitasyon. Pero sa tingin ko, wala ka ng pag-asa. NILOLOKO
MO LANG ANG SARILI MO!" lumabas ng kwarto si Danson.

"Dee, alam ko mahal mo siya. pero.. parang kasing mali. Mahirap ang ganitong
sitwasyon. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari pagkatapos. Hindi ko
maimagine.. kung anong pwedeng mangyari. Andi, ikaw lang mahihirapan sa ganitong
klase ng sitwasyon."

*sob* Napahawak ako sa ulo ko. Gulong gulo na ako..

"Gusto ko lang na makasama siya.. makasa siya sa mga natitirang araw niya. Eh ano
ngayon kung isang araw iwan niya ako.. Wala na akong magagawa dun. Kahit masakit.
Dahil mas iniisip ko ang ngayon. Kung paano ko pagkakasyahin ang oras..

Yun lang.."

Umalis nun si Kevin at sumunod sa kanya si Daryl. Nagstay sila Sab at Albie. Pinat
ni Sab ang balikat ko at niyakap ako. Dun lang ako nagkameron ng pagkakataon ilabas
ang lahat ng sakit. Ang sakit na nararamdaman ko.

Umalis kami sa hospital kahit wala pa ring malay si Keli. Kahit gusto kong magstay
hindi na pwede dahil tapos na ang visiting hour. Panatag din naman ang loob ko
dahil dumating ang mama ni Keli.

"Get some rest, Andi. Kailangan mo yan. Kailangan ka din ni Keli." pinat ni Sab ang
balikat ko. She's trying to cheer me up. Kaya pinilit kong ngumiti.

"Salamat. Sayo din, Albie."

"Ah hehe! Kahit hindi ko maintindihan kung ano ba talagang mali sa desisyon mo,
nandito pa rin ako Dee! Susubukan kong paintindi kila Danson ito." naging malungkot
ang boses ni Albie. Halatang nag-aalala siya. Pinat ko ulo niya.

"Nag-aalala lang sila sayo."

"Alam ko. Mukhang.. palaging mali ang desisyon ko." sinuntok ako ng mahina ni
Albie. Ngumiti ako.
"Pwede ba akong humingi ng favor sa inyong dalwa?" nagkatinginan sila at medyo
nagtaka.

Tinitigan ko ang cellphone ko. Nagresearch sa computer at nag-isip isip. Kailangan


maging memorable ang event na yun para sa kanya. Pero una sa lahat sana.. magising
na siya.

Hindi talaga ako natulog. Nagplano ako sa event na mangyayari bukas. Nagmessage
call na rin ako sa mga taong maaaring mag-organize ng event. Mga taong makakasali
sa event na'to. Gusto kong maging perpekto ang lahat.

Maaga rin akong pumunta sa hospital. Pumunta ako sa kwarto ni Keli. Natutulog pa
rin siya. Hinalkan ko ang noo niya at nilagay ang sulat sa mga kamay niya. pati na
ang malaking kahon sa sofa.

At binulong ang mga katagang ito, "I Love you.."

Lumabas ako ng kwarto niya at natanggap ko rin sa wakas ang tugon ng mga taong
inaasahan ko. ang saya saya ko.. Pero bago ako bumili ng pinakamahalagang bagay,
kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya.

"Panatag na ang loob ko. Na nakikita ko kung gaano mo kamahal ang anak ko. Matagal
kang hinintay ng anak ko na dumating sa hospital na'to at muli kang makita. Noon pa
man, minamahal ka na niya. hindi mo alam kung gaano mo napapasaya ang anak, hijo."
Nakangiting sabi ni mrs. Cojuangco habang inaakbayan siya ng asawa niya.

"Buong buhay ng anak ko.. simula ng malaman niya ang tungkol sa sakit niya,
kailanman hindi siya naging ganyang kasaya at kasabik sa mga nangyayari sa buhay
niya. Ngayon lang. simula ng makasama ka niya.
Nakapagpatransplant na siya lahat. Ilang taon sa hospital. Pinilit maging malakas.
Sinunod ang mga doctor. Pero wala na talaga.. pasensya ka na hijo kung hindi man
maganda ang magiging kapalit nito para sayo. Kokonti na lang ang araw ng anak ko.
baka nga oras pa.. hindi na namin alam kung kakayanin pa ng puso niya.." pumatak na
ang luha sa mga mata ni mrs. Cojuangco. Kahit ito ay hindi na napigilang umiyak.

Kahit ako man.. alam kong masakit. Pero kailangan kong magpakatatag.

"Gusto ko ho sanang hingin ang kamay ng anak niyo. At makasal sa kanya ngayong araw
na'to.."

---------------

PLEASE VOTEEEEEEEEEEEEEE! PRETTY PLEASE????? (!__________!)

ILANG CHAPTERS NA LANG KASI AT TAPOS NA ITO! SA WAKAS! KAYA VOTE NA!! :D ;D

-------yuri------

*******************************************
[50] Chapter 48
*******************************************
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa
reflection ko sa salamin. Habang inaayos ang barong na soot ko. muli kong binuksan
ang maliit na kahon na yun at tiningnan ang singsing na isosoot ko mamaya sa kamay
ng taong pinakamamahal ko.

Ngayon araw na'to na talaga.


"Andi?." Nakita ko si Sab sa salamin na pumasok. Napatingin siya sakin.

"Tama na yan." Ngumiti siya. "Maya maya na lang.. gigising na rin si Keli.."

Napatungo ako at tinago sa bulsa ko ang singsing.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Dahil alam ko pagkatapos nito.. o bukas
makalawa.. baka wala na siya. Baka kunin na siya sakin. At naiinis ako.. dahil ang
HINA HINA KO!

"Tara na?" ngumiti ako. Lumink naman si Sab sa braso ko habang papalabas kami at
papunta sa garden ng hospital.

Nagulat ako sa kabuuan ng venue. At napangiti.. Sana magustuhan ni Keli. Nakita ko


na nandun ang mga magulang niya. Nginitian ko ang naluluhang si mrs. Cojuangco.
Tumingin ako kay Sabrina at nagpasalamat. Ngumiti naman din siya.

"I'm not yet done." Umalis siya. Dumating naman yung apat na ulupong.

Si Daryl na inaayos yung long sleeves niya. Si Kevin na nakahalf-smile. Si Albie na


hawak hawak sa likod si Danson. Habang si Danson nakalagay ang parehang kamay sa
bulsa ng pantaloon niya at maangas na nakatingin sakin.

Magpapasalamat sana ako sa pagdalo nila, nang bigla akong sinuntok ni Kevin sa
tyan. Masakit pero hindi naman ganon kalakas.

"Hey!" nag-aalang sabi ni Sab. Natatawa na lang ako..

"Salamat mga dre!"


"You owe me one, asshole!" tumawa ako sa sinabi ni Kevin.

"Gago! Binugbog mo na nga ako e." tumingin naman ako kay Daryl. Lumink naman si Sab
sa kanya.

"Congrats, bro!"

"Tss!" napalingon naman ako kay Danson. "Gusto mong makasal sa taong walang
future.. ikaw na nga talaga ang pinakagago na Andi Rivas na kilala namin.!" Ang
angas ng tingin niya.

"For once in my life, ito lang yung masasabi kong maipagmamalaki ko." hindi siya
umimik. Nakatingin lang.

"..wala na akong maipapakilala sayong mga babae pagkatapos nito." Sabi niya nung
lagpasan niya ako. Nagtawanan sila Kevin.

"Siya talaga ang pinakachildish sa tropa!"

Dumating na yung organizer at pinapila na ang mga kasali sa event. May mga kasali
na mga kaibigan ni Keli dito sa hospital. Ako naman ay tumayo na malapit sa may
altar. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Na halos manginig na yung mga kamay ko. Sabik
na sabik.. na akong makita siya.

"Today we are gathered here to celebrate the matrimony of Anthony Rivas and Kelsey
Cojuangco."
Halos hindi na mapawi ang mga ngiti sa mukha ko nung lumabas na si Keli. Soot ang
wedding dress na binigay ko sa kanya. Yung namumutlang mukha.. napawi ng make-up na
soot niya. Kahit mukhang ang hina hina na niya.. maganda pa rin siya. Hindi pa ako
naging ganito kasabik sa buong buhay ko. Ganito pala kasarap sa feeling.. ang
makasal sa taong.. gusto mong makasama panghabang buhay.

Niyakap ko ang mama ni Keli at kinamayan ko ang ama niya.

"Thank you po." Sabi ko habang inaabot ko ang kamay ng anak nila.

Ngumiti ako kay Keli habang nilalagay ang kamay niya sa braso ko. Kita ko ang
pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Kung paano pumatak ang mga ito. Napakagat ako
ng labi habang nginingitian siya. Ayokong.. magpakita.. ng kahit na anong kahinaan
sa napakaespesyal na araw na'to. Tumingin ako sa altar. Kahit hindi tunay na altar
ang nasa harap namin. Kahit wala kami sa tunay na simbahan. Kahit walang pari. Ang
marriage na'to.. ang tatatak sa mata ng lahat ng tao na nandito. Kahit na..hindi
panghabang buhay ang kaligayahang ito..

Tinitigan ko siya. At pinunasan ang mga luha niya. Hinawakan ko ang mukha niya.
Hinawakan naman niya ang mga kamay ko.

"Kelsey Cojuangco." Tumango siya habang umiiyak. "I love you. Very simple, very
truly. Mamahalin kita ng buong buhay ko. Ikaw lang, at wala ng iba. I swear my love
to you."

I leaned my forehead on hers. Ngumiti ako. Just like this, gusto ko sakin lang siya
nakatingin.

"Anthony Rivas." Humikbi siya. "This kind of certainty comes but once in a
lifetime. I might be the only one.. ako lang.. ang nakakaappreciate sayo in every
single thing that you do. Noon. Hanggang ngayon. How you say what you mean, and
how you almost always mean something that's all about being straight and good.
Kahit nakakasakit na. Kahit.. parang di na tama. Hindi ako sumuko. Alam mo.. kung
gaano kita kamahal. At natatakot ako..

Andi, I'm scared of not being with you.. I'm sorry."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"I promise to love and care for you, and I will try in every way to be worthy of
your love." Kinagat ko naman ang labi ko. habang sinosoot ko sa kanya ang singsing.

Tumingin siya sakin. Mas lalo siyang naiyak. "..salamat."

Hinawakan ko ang mukha niya na nakatungo. Tumingin siya sa mga mata ko. Bago pa man
niya makita ang mga luhang pumatak sa mata ko, hinalikan ko na siya.

Hinalikan ko ulit siya.

Narinig ko naman.. ang palakpakan ng mga tao.

*******************************************
[51] Chapter 49
*******************************************
WARNING!!!

KUNG 17 BELOW AGE KA. WAG MUNA LANG BASAHIN ITO.


PERO MAS MAHALAGA KUNG BOBOTO KA. HAHAHAHA EPILOGUE IS THE NEXT.~ :D

-----------------------

"Ito pa! Ito pa! ito! Hahaha.." tinulak ko naman yung cart at sinundan siya.

Ang dami niyang pinamiling pagkain. Para daw maraming stacks sa condo at hindi ko
na kailangan kumain sa labas. Pati mga ulam, gulay, at prutas bumili siya.

Pero bago kami umalis sa mall. Nagpapicture na muna kami. Soot ang couple shirt
namin at habang hawak ang couple na stuff toy na binigay ko sa kanya noong birthday
niya.

"Sigurado ka ba na ako lang ang magluluto?" pinuntahan ko siya sa salas habang


nakasoot ako ng apron. Nagluluto kasi ako. At nakaupo lang siya sa sofa habang
nilalaro si Terry.

"HMM! Gutom na nga kami ni Terry e!"

"Arf! Arf!"

Nagpiece-sign siya. at nagpout. "Maawa ka naman sakin, kalalabas ko lang kaya sa


hospital!" nakakainis! Ang cute niya kasi.

Bumalik naman ako sa pagluluto. Ganito pala kahirap pagsilbihan ang isang asawa.
Tss.

"Andi! Gutom na sila mini Andi at mini Keli.~" Yun ang tawag niya dun sa couple
stuff toys na binigay ko sa kanya.
Pinagserved ko din siya ng pagkain sa salas. Nakaupo kami sa may carpet.

"mmm.. ang sarap! Nag-iimproved ka na Andi!" tinikman niya isa isa ang luto ko.

"Magaling ang tutor e." tinikman ko yung niluto ko. pero.. napatigil ako. Nasaktan
sa reaction na ginagawa niya. masayang masaya siya.

Hindi ako na disappoint dahil hindi naman talaga masarap yung luto ko. Kundi
dahil.. pinapaalala lang nito na may sakit talaga si Keli. Hindi niya.. nalalasahan
ang pagkaing niluto ko dahil.. may sakit siya. at kahit alam niyang wala siyang
panlasa.. pinapakita parin niya sakin kung gaano siya kasaya dahil pinagluto ko
siya.

"Tapos na rin akong maghugas." Nilalaro pa rin niya yung mga stuff toys na yun.

"Dalwa."

"Hah?" lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Dalwang pinggang. Dalwang baso. Ang nabasag mo!" bumangon siya at nipoke ang ilong
ko.

"Kesa naman ikaw ang maghugas-" kiniliti ko siya at niyakap.

Pero agad siya kumawala. Then she spread her arms. Na parang bang nagpapayakap pero
hindi naman.
"Let's have sex."

Parang nagloading ang utak ko sa sinabi niya. nagwink pa yung mata niya paulit
ulit. Nung maramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko. agad naman akong
nagtakip ng mukha.

"a-Ano bang pinagsasabi mo. Tanghaling tapat kung anu anong pumapasok sa isip mo."
Tumayo ako pero hinigit niya ang damit ko.

Pinakita niya ang notebook niya, "Based on my bucket list, on 30th day.." tinuro-
turo niya yung nakasulat. Nakangiti pa siya.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. mukhang ako naman ang aatakihin ng tukso
este-sa puso sa mga hinihingi niya! hindi ko alam.. kung ako ba ang talo dito.. o-
AGH! Parang ang init ata...

"Hm! Gusto ko buhatin mo ako hanggang sa kwarto natin! Yung parang ginagawa talaga
ng mga bagong kasal sa tv!" sasabog na talaga ako sa hiya nung sabihin niya ito.
Hahalikan ko na kasi siya tapos-AGH TALAGA!!

"Ayoko na! dadalhin na kita sa hospital!" tatayo na ako nung yakapin niya naman
ako.

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. nakapout siya at sa lips niya lang ako
nakatingin. "Tara na."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa panunuksong ito.

Binuhat ko nga siya na parang newlywed lang. kaso hindi siya nakawedding dress at
hindi rin naman ako nakabarong. Yung mga titig niya.. sapat na yun para maging
ganito ako kasaya. Siya na ata ang pinakamaganda sa lahat ng nakilala kong may
sakit. Yung mga ngiti niya. yung mga labi niya na nagpipinkish sa tuwing kinakagat
niya.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nung inihiga ko siya. Na ako mismo nasa ibabaw
niya. Habang nakawrap ang mga arms niya sa leeg ko. Napakaintense ng mga titig
niya. Natatakot ako na baka anu mang oras ay atakihin siya sa ginagawa namin.

"Okay ka lang.?" ngumiti siya at tumango. Hinawakan niya ang dibdib niya.

"Kaya ko.."

Hinalikan ko siya. ang kamay niya.. napahawak sa dibdib ko. maya maya.. tumigil
ako. Bumangon. Nagtaka siya kaya bumangon din siya.

"Bakit.?"

Tinitigan ko siya.. "Can you take off my shirt?" parang mas kinabahan siya sa
sinabi ko. natakot ako na parang ayoko na. pero ginawa pa rin..

Nanginginig ang mga kamay niya.

Hinakawan ko naman yung isa niyang kamay at pinaramdam sa kanya kung gaano kabilis
ang tibok ng puso ko. Kung gaano rin ako kakaba.

"Hindi lang ikaw.. pati ako kinakabahan. Pero.. kung hindi mo talaga kaya. Okay
lang." umiling siya.

"Hmm.. alam mo namang ito na ang last day ko bago ang surgery. Gusto kong.. matupad
ang huli kong kahilingan kahit na anong mangyari." Hinalikan niya ako.

Nagawa rin niyang hubarin ang damit ko. Now it's my chance to undress her. Kaya
naman.. hinalikan ko ang leeg niya habang ginagawa yun. Ramdam ko ang panginginig
niya. Pero hindi yun naging dahilan para tumigil ako. Nung bigla na lang siyang
nagreact nung iunhook ko na ang bra niya. kita ko ang mga fists niya kung gaano
niya pinipigilan ang sarili niya. pero bago ko tuluyang hubaran ang pantaas ni
Keli.. dahan dahan ko muna siyang inihiga at hinalikan sa noo.

"I promise I'll be gentle." Hinalikan ko ulit siya sa mga labi niya habang inaalis
ko ang soot niyang bra. Inaagaw ko ang atensyon niya sa paghalik para hindi siya
makaramdam ng hiya habang ginagawa namin ito.

Gusto kong makita ang itsura niya pero she wrapped her arms around my neck and kiss
me passionately. Napatigil na lang siya at pinandilatan ako nung hawakan ko mismo
ang dibdib niya. Sininok siya. at parang takot na takot na paiyak na..

"Andi.." namumuo na yung luha niya. kaya hinalikan ko na lang ulit siya. sinubukan
niyang itulak ako. Pero.. hindi ako tumigil.

Hanggang sa dahan dahan na hinawakan ko ang legs niya. Napasigaw na lang siya nung
tangka ko ng isunod ang panty niya-

Gusto kong matawa nung makitang lumuluha na siya.

"Andi.. *sob* kailangan bang ako muna..?" tumingin siya sa paligid. "..pero
masyadong maliwanag." Napangiti na lang ako.

"Gusto mo na bang itigil natin? Baka matuluyan ka na niyan.. o mas gusto mo..
dalhin na kita sa hospital."

Mas nakakatuwa palang.. asarin siya.

Umiling iling siya. Kaya hinalikan ko na lang siya. Paulit ulit. Sa mga labi niya.
sa leeg.. sa dibdib..
Hanggang sa makatulog siya.

Oo. Hindi namin nagawa. Hindi ko kaya.

Tinitigan ko lang si Keli habang natutulog siya. at napalunok ako ng laway ng


makita kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Kaya bago pa ako matukso, kinumutan
ko na siya. gusto kong humingi ng tawad kung hindi ko kayang gawin ang huling
kahilingan niya. Pero.. I'm on my limit na talaga. Baka kapag mas tinitigan ko ang
katawan niya.. baka hindi ko maalala ang totoong sitwasyon niya.

Nung mag-3:00 dinala ko naman siya sa hospital. Wala na rin kaming oras para pag-
usapan ang nangyari dahil sobra na siyang nanghihina. Kailangan pa niyang uminom
ng mga gamot at magpahinga. Kaya naisip kong umuwi na muna.

Nung gabing yun.. hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayari..

Naglalakad na ako nun papunta sa parking lot. Hanggang ngayon hindi ko pa rin
matanggal sa sarili ko ang tuwang nararamdaman ko sa nangyari kanina. Hindi ko
alam.. na sa gabing yun.. yun na rin yung huling oras na nakasama ko si Keli..

Niko's Calling..
Ang taka ko kung bakit tumatawag sakin si Niko. hindi siya madalas tumawag, kaya
siguro mahalaga ito. Ngiti kong sinagot ang tawag ni Niko. Ilalagay ko pa lang sa
tainga ko.. nung may biglang sumagi sakin dahilan para mabitawan ko yung phone ko.
Napatingin ako dun sa lalaking nakahood.

"IKaw ba si Andi Rivas?" yun ang una niyang sinabi.

"Oo. Ako nga. May kailangan ka ba?" hindi ko alam ang irereact ko ng maglabas ng
kutsilyo ang lalaking yun. medyo napaurong ako.

"a-Ano ito, pare?" tinanggal niya ang hood niya, at dun ko lang naaninag ang mukha
niya. Familiar.

He smirked. "Mukhang nakikilala mo na ako, Rivas!"

Lumalapit siya, umuurong naman ako.

"Bakit parang natatakot ka ata Rivas? NASAAN NA ANG TAPANG MO!!"

"Hindi ako nakikipagbiruan. Ibaba mo ang kutsilyo, pare!" tumigil siya. at medyo
natawa.

"BUkod sa inagaw mo na ang gf ko. Ngayon, Inuutusan mo pa ako." tumingin siya


sakin. Tapos tumawa siya ng malakas pagkatapos ay itinapon ang kutsilyong hawak.

Sinagi pa niya ako bago umalis. Akala ko.. weird ang kinikilos niya. some prank.
Pero nung mapalingon ako sa likod..

*VROOoom! VRROooooommm*
"..."

Everything seems to happen so slowly, it's like as if everything's in slow motion


even though it's happening really quickly. Hindi ko agad naramdaman ang sakit..
puro dugo.. dugo..

at bumagsak ako.

Nakita ko na lang yung cellphone ko..

At narinig ko pa ang boses ni Niko.

'Andi, nakikinig ka ba!? ANDI! PUMUNTA KA NA DITO SA HOSPITAL. Hinihintay ka na ni


Keli..'
*******************************************
[52] The nth Day
*******************************************
*laughters*

"Nanadyan na si mam!"

"Mam! Mam! Ano pong day na natin?"

"Kukwentuhan niyo po ba ulit kami?"

"Gusto na namin malaman ang sunod na nangyari!"

Sunod sunod ang mga tanong nila. Ang kukulit nila talaga. At ang iingay. Hindi mo
aakalaing.. ang mga batang ito ay may mga sakit. Mga batang ng dahil sa sakit nila,
naging tirahan na nila ang hospital.

"May bago tayong lesson. Dapat unahin natin-"

"Pero gusto na naming malaman ang nangyari sa main character!"

"Buhay ba siya?"

"Eh yung boyfriend niya? nagkatuluyan ba sila?"

"Masaya ba sila ngayon?"

Hindi ko mapigilan ang matawa. Lahat sila masyadong excited.. lahat sila gustong
malaman ang nangyari. Ang kukulit talaga. Natutuwa rin ako na kahit papaano ay
natutulungan ko sila.. Parang lang din silang mga karaniwang bata.

"O sige. Magkukwento na ako." Naghiyawan sila. "Shh! Shh~ pero pagkatapos nito.
Magkakameron tayo ng maikling pagsusulit." Naghiyawan sila.

"GAME NA! GAME NA!"

At nagkwento nga ako ng nangyari 2 years ago.

Ibang klase ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kinukwentuhan ko sila. Nakikinig


talaga sila sa bawat sabihin ko. nagrereact. At nakakaramdam. Sa tuwing pinapanood
ko sila.. bumabalik sa alaala ko nung mga panahong ako ang nasa sitwasyon nila.
Ayokong.. isipin nila na nakakatakot ang kamatayan. Na hindi masaya mabuhay. Na
hindi hadlang ang sakit nila.. para hindi sila mabuhay gaya ng mga karaniwang bata.

Gusto kong iparamdam sa mga batang ito.. ang hindi ko naramdaman noon..

*BLAG*

Natigil ang kwentuhan ng magbukas ang pinto.

"NURSE! ANG ANAK KO!~" agad akong tumayo.

At agad naman akong tumakbo. "Class! Behave, okay?"

Agad akong pumunta sa kwarto. At agad na inobserbahan ang pasyente.

"d-Dapat ko bang tawagin si doc?" umiling ako.

"Ako na hong bahala dito."


I've been a nurse assistance for 6 months. At ang batang ito ang una kong naging
pasyente. May.. sakit siya sa puso. At 1 linggo na lang ay surgery niya. nakakaawa
dahil 10 years old lang ang batang ito. At hindi pa siya ganong nakakahalubilo sa
ibang mga bata. Hindi siya ganong kaactive at madalas.. tahimik lang. madalas ko
siyang kausapin at kwentuhan gaya din ng mga ibang bata sa tuwing pumupunta ako sa
kwartong ito.. pero never siyang ngumiti..

"Kamusta na ang anak ko?"

"Okay na ho siya." umiling iling yung matanda. Halatang pagod na pagod na ito at
mukhang hindi pa nag-uumagahan.

"Ako na hong bahala dito. Kumain na ho muna kayo. Ako muna hong magbabantay kay
Sev.."

Bumalik naman ako sa kwarto. At nakita kong gising na siya. nakatulala lang siya sa
labas. Lumapit ako.

"Bakit mo ginawa yun?" hindi siya nagsalita. At wala ring.. ibo.

Minsan naiisip ko na sumuko na sa tuwing tinitingnan ko ang batang ito..


Napakatigas ng ulo. Masyadong insensitive. At madalas walang pakealam sa
kapaligiran niya.. lalo na sa mga taong nagmamahal sa kanya. Pero mas nangibabaw
ang awang nararamdaman ko.. dahil naiintindihan ko ang sitwasyong meron siya.

"Alam mo bang halos patayin mo sa takot ang mama mo?" inabot ko sa kanya ang apple
na binalatan ko.

Pero hindi niya kinuha. At hindi pa rin siya umiibo..

"Bakit.." medyo nabigla ako ng magsalita naman siya. "..bakit binalikan ng babaeng
yun ang taong mahal niya?.." hindi ko agad nagets ang tinutukoy niya. "..yung babae
dun sa kwento mo.. diba.. halos cancer yun? Napakaimposible na mabuhay siya. bakit
nagawa pa niyang maging magmahal.. hindi ba niya alam na masasaktan lang ng sobra
ang lalaking yun.. kahit na sabihin nating playboy siya.."
Napakahina ng boses niya. Napangiti naman ako.

"Nakikinig ka?" kinukwentuhan ko siya sa tuwing wala siyang magawa. Sa tuwing


nakahiga siya at nakatulala lang sa labas.

"..napakasama ng babaeng yun. Hindi niya naisip.. na sobrang sakit ang maiwan na
nag-iisa.. kahit na kailan hindi ko yun gagawin.. mas mabuti ng ipamukha ko sa
lahat na mamamatay din ako balang araw. Para.. hindi sila mas lalong masaktan.."

Agad ding napawi ang ngiti sa mga labi ko. hindi pa rin nagbabago ang posisyon
niya. nakatingin pa rin siya sa labas. Blanko ang expression ng mukha. At sobrang
lungkot.. ng mga mata.

Inayos ko ang kurtina sa may bintana. Binuksan ko ito ng mas maaliwalas. Dun lang
siya nagreact. Napakunot ang noo niya.

"Masayang buhay..

Yun ang gusto ng babaeng yun." Iniwasan niya ang tingin ko. "Kagaya mo siya.
hospital na ang naging tirahan niya. kama ang naging playground niya. mga nurse at
doctor ang naging kaibigan niya. Di siya makakain ng maayos.. kasi di niya
maapprecite yung food na walang lasa. Di siya makadaldal ng maayos.. kasi ang bigat
bigat sa pakiramdam.

Pero alam mo ba.. kung gaano kaimportante sa kanya sa tuwing lumalabas siya ng
hospital. Kung makikita mo lang ang ngiting abot tainga. Ang babaeng yun.. gusto
lang niyang maging gaya ng iba. ang mag-aral. Ang pumasok sa eskwelahan. Ang
makihalubilo sa iba't ibang tao. Ang mamamasyal. At.. mainlove..

Gusto niyang mainlove.. gusto niyang maramdaman ang pagtibok ng puso niya sa tuwing
makikita ang taong pinakamamahal niya.." naramdaman ko ang daloy ng mga luha sa
mukha ko. "Gusto niyang maging masaya at mahalin din ng lalaking yun. Ang desperada
man. Kahit hindi man totoo. Kahit ang tanga tanga lang. at least maranasan niya ang
lahat ng yun..

Gusto kong mamatay ng nakangiti. Ng masaya." Napatingin siya sakin. Na may gulat na
reaction.

Ngumit ako. "Alam ko kung ano iniisip mo. Kung bakit sa dinami dami ng tao.. ikaw
pa? tayo pa yung nakakaranas ng ganitong kahirapan. Gusto mong mabuhay.. pero wala
naman tayong magawa. Ang dami mong gustong gawin.. pero hanggang higa ka lang. may
iba na gustong magpakamatay.. nasasayang lang yung buhay. Pero tayong may mga
sakit.. gustong gusto nating mabuhay. Pero hindi natin pwedeng hingin ang buhay na
yun.

Kung alam mo lang.. na ilang beses din akong sumuko. Pero tumayo pa rin ako..at
heto ako ngayon.

Buhay.

Himala? Siguro nga himalang maituturing ito.

Para sa taong yun.. nabuhay ako. Ayokong.. masayang yung buhay niya na nawala. Yung
buhay na pinahiram niya sakin. Kahit wala na siya.. nagpapasalamat pa rin ako sa
kanya."

May pumatak na mga luha sa mga mata ni Sev. Nagulat ako.


"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng magiting na lalaking yun?"

"Andi..

Anthony Rivas."

Umiwas siya ng tingin, "Napakaswerte mo.. Nurse Keli."

---------------
Sorry If I disappoint you. Ilang beses na rin akong gumawa ng epilogue. At plano ko
talaga na isa sa mga bida ang mamamatay. dapat si Keli dahil napakaimposible niya
ng mabuhay dahil sa sakit niya. Pero nung magresearch ako.. may ilan akong nalaman
kaya yan na lang ang ginawa kong ending.

30 days with mr. Playboy. sana nagets niyo yung pinararating nung epilogue sa
title. Hehe :))

kung gusto niyo malaman ang mga bucket list ni Keli. yung mga plano niya gada day,
nasa blog ko yun. :)) kung may hindi kayo naiintindihan. tanong niyo lang. baka may
mga mistakes din ako. THANKS! AT GODBLESS SA LAHAT!!! :D

************************************************
STORY END
************************************************

*******************************************
Downloaded by Wattpad2Any Online
Alrights Reserved by
their respective owners
-------------------------------------------
+ PLEASE SHARE, DONT LEECH, PLEASE SHARE +

-------------------------------------------

http://w2a.l6.org
*******************************************
*******************************************

You might also like