You are on page 1of 2

Kapit-bisig sa Gitna ng Pandemya

Isang hindi maipaliwanag na sakit na nagmula sa bansang Tsina,

Ang unti-unting kumalat sa iba't-ibang bahagi ng Mundo.

Ito ang COVID o Corona Virus Disease na nagdulot ng matinding hawaan at maging kamatayan
sa sangkatauhan.

Mula sa simpleng pagtalsik ng laway sa pamamagitan ng pag-imik, pag-ubo at pagbahin ay


maaaring pagsimulan ng hawaan.

Malaki ang naging epekto nito lalo na sa sektor ng ekonomiya,

Marami ang nawalan ng trabaho o di kaya ay nalugi sa negosyo.

Kung kaya't maraming mga negosyante ang napilitang magsara o magbawas ng empleyado.

Mas dumami ang mga pamilyang naghirap at nakaranas ng gutom dahil sa kawalan ng pinansyal
na pangangailangan.

Lubos na nanibago ang mga Pilipino sa makabagong reporma sa sektor ng transportasyon.

Nagtaas ang pamasahe dulot ng paglimita sa bilang ng mga pasahero.

Nagtakda ang pamahalaan ng mga panuntunan at ordinansa bilang tugon sa nakamamatay na


sakit.

Pang-unawa at pagsunod sa mga awtoridad ang kailangan ng mamamayan, upang


mapagtagumpayan ang Laban kontra-COVID.

Sa ngayon, bakuna ang pinakamahalagang panlunas upang mas mabawasan ang hawaan at
malalang epekto nito sa mga tao.

Ngunit, bakuna nga lang ba ang susi para tuluyan ng mapuksa ang COVID? Paano naman ang
pagtutulungan at pagdadamayan sa oras ng pangangailangan?

Samantala, nagsimula ng makilala ang makabagong pamamaraan ng pagbabayanihan.

Naglabasan ang mga community pantry sa daan na isa sa pinakamabisang paraan upang
matugunan ang pangunahing pangangailangan.
Ito ay nagpapakita ng pagkakaisa sa gitna ng pandemya.

Ang pamahalaan at ang mga awtoridad ay nagtulungan na, upang makagawa ng mga
epektibong hakbang na kanilang isasakatuparan.

Pagbalanse sa mga sektor ng lipunan kontra sa paghihigpit at pagsasara ng mga daanan sa


komunidad ang masusi nilang pinagdesisyunan.

Upang Pilipinas, ang ating bayan ay tuluyan ng makabalik sa normal na tahimik at mapayapang
pamumuhay.

You might also like