You are on page 1of 2

JACKIE P.

GASTADOR 10/11/21
BSHM 3D PROF. REYNALDO ANDALES JR.

“Ang aking Talambuhay”

Ako po si Jackie P.Gastador, isang simpleng lalaking may mataas na pangarap sa


buhay. Tinatawag nila ako sa palayaw na “Jack”. Ipinanganak ako noong labing-apat ng Agosto
sa taong isang libo’t siyam na daan at siyam na pu’t siyam. Nakatira ako sa Brgy. Maya
lungsod ng Daanbantayan, lalawigan ng Cebu. Ang aking mga magulang ay si Melchor Gastador
ang pinaka gwapo sa aming pamilya na dating mangingisda lamang at ngayo’y mangingisda pa
rin at si Teresita Gastador ang aming Dyosa at napakabait na ina na kasalukuyang nagpatuloy
sa pag aalaga at pagmamahal sa aming magkakapatid. Mayroon akong tatlong kapatid na lalaki
at tatlong babae, hindi sila gaanong ka gwapo’t kagandahan dahil ako lamang may itsura dito sa
aming magkakapatid ngunit mahal ko naman sila. Si Jason ang panganay kong kapatid na
kasalukuyang nagtatrabaho sa abroad sa sobrang bait at matulungin niya sa amin hindi pa siya
naka pag asawa ngayon, sinundan naman nina Jeden at Jake at pareho ding nasa abroad at
wala ring balak pa mag aasawa, baka ako pa ang unang magbibigay ng apo kay mama,biro lang,
tatlo ko namang kapatid na babae sina Michelle, Rosa mae at si Mica na bunso namin sila ay
wala lang, maganda lang sila.

Mahilig talaga ako sa biruan tulad ng papa ko,dito sa aming tahanan nagbibiruan
kami kahit na may pinuproblemang hinaharap, gusto lang namin kasi na masaya aming buhay
kahit papaano gusto rin naming makakita ng matatamis na ngiti ,kahit may problema man o
wala kailangan talaga nating maging masaya , ika nga nila Laughter is the best medicine,
maging masaya tayo kahit anong estasyon ng ating buhay dahil ang problema ay palaging
masusulosyonan kapag may tiwala ka sa sarili at sa ating panginoong Diyos.Ito ako ngayon si
Natoy na mahal na mahal ka palaging masaya kahit may problemang hinaharap sa buhay kasi
alam ko ang kakayahan ko at may tiwala ako sa itaas at sa aking sarili, hindi ko kayang may
problema baka kasi pumangit ako, masaya lang ako palagi para ako’y pumogi lalo.

Marami talaga akong hilig noong bata pa ako. Ngunit ang pagsasayaw ang
nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng pagtamasa ng palakasan o mga hilig sa buhay. Hilig
ko talaga ang pag sasayaw kahit hindi ako gaanong sumasayaw, Opo, mahiyain po akong tao
pero hindi hadlang sa akin ang pagiging mahiyain kasi alam kong may talento ako sa
pagsasayaw at hindi ako matatakot ilabas ang aking talento,gusto mo sample? Char .Gustung-
gusto ko ring gumawa ng mga gawain sa bahay na nagsisilbing aking mga kasanayan sa
pagtanda ko. Ngunit sa lahat, ang pag-aaral ang nananatili sa aking hilig sa lahat. Maaaring
mahirap o mainip sa una, ngunit nilalabanan ko ito dahil ito ang pinakamahalagang instrumento
para sa akin upang mabuhay nang maayos at masaya. Sa buhay ko ngayon, marami pa akong
dapat matutunan. Papayagan akong makamit ang aking mga pangarap upang maging
matagumpay ako, hindi lamang sa aking sarili, kundi pati na rin sa aking kapwa.

You might also like