Professional Documents
Culture Documents
Batayang Kaalaman Sa Panitikan
Batayang Kaalaman Sa Panitikan
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 1/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
Description
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 2/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
Table of contents
1. Introduksyon
3. Pagtalakay sa Paksa
3.1. Kahalagahan
3.2. Uri ng Panitikan
3.3. Pantanghalan
3.4. Tuluyan
3.5. Patula
3.6. Aralin 2
4. Modyul 2- Forum 2
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 3/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
1. Introduksyon
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 4/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
1. Maipapaliwanag
mo ang kahulugan ng panitikan;
2. Mabibigyan
mo ng masusing pansin ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan
3. Matutukoy
mo ang iba’t ibang uri ng panitikan.
4. Maipaliliwanag
mo ang iba’t ibang teoryang pampanitikan;
5. Matutukoy
mo ang iba’t ibang pagdulog na ginagamit sa pagsusuring pampanitikan;
6. Makasusulat
ka ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akdang
pampanitikan.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 5/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3. Pagtalakay sa Paksa
Leksyon 1- Kahulugan,
Kahalagahan at Uri ng Panitikan
§ Ang
panitikan ay pagpapahayag ng
damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa
Dakilang Lumikha (Bro.
Azarias).
§ Aumang
bagay na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao,
maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog
lamang ay maaaring tawaging panitikan (Webster).
§ Ang
tunay na panitikan ay yaong walang
kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon
sa kaniyang
pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang
kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang
Maykapal
(Atienza et al.).
§ Ang
panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa
ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa,
hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga,at masining na mga
pahayag ( Maria Ramos).
§ Ang
panitikan ay hindi lamang lumilinang
ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga
mithiin ng bawat
bansa (Santiago et al.).
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 6/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3.1. Kahalagahan
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating
pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y maituwid at mabago.
4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling
panitikan.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 7/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
2.2 Patula – ito mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 8/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3.3. Pantanghalan
a. Komedya – ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manood. Nagwawakas ito ng
masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na nag opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan s
atrahedya tulad ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa
pangunahing tauhan ng dula.
c. Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sapagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa – ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing ng mga pangyayaring nakakatawa.
a. Karagatan – batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang
mahirap.Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa
larong ito.isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at
ang sinumang matapatan ng tandang ito sa paghinto aay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga.
b. Duplo – ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang mga pangangatwiran ay
hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
c. Balagtasan – ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng panginay na si Francisco”Balagtas” Baltazar. Tagisan ito ng talino
sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 9/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3.4. Tuluyan
a. Nobela – isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata, hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tauhan.
b. Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan, nahahati sa ilang yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
c. Maikling Kuwento – salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
d. Alamat – mga salaysaying hubad sa katotohanan, tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.
e. Talumpati – isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig na may layuning humikayat, magbigay ng impormasyon,
mangatwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
f. Pabula – mga salaysaying hubad sa kattotohanan na ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng
kanilang ugali at pagkilos. Ang mga gumaganap dito ay mga hayop.
h. Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa
mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata.
j. Parabula – mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota.May layunin din itong magbigay-aral sa mga mambabasa o
tagapakinig.
k. Balita – isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 10/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3.5. Patula
2.
A. Tulang Pasalaysay –naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga
suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.
a. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa
isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa panagnib at kagipitan.
b. Awit at Kurido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga
hari’t reyna, prinsepe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.. Ang awit ay may sukat na labindalawang pantig (12) at inaawit
nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya, samantalang ang kurido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumopas na martsa.
c. Balad – may himig na awit dahialng ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nalikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay
napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
B . Tula ng Damdamin o Liriko – nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o
mapangaraping guniguni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan.
a. Awiting Bayan – ang karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa
kabuuan, ito’ynaghahatid ng aral sa mambabasa.
c. Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.
f. Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng
taludtod sa isang saknong.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 11/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
3.6. Aralin 2
Teorya
– pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang
makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag
ukol dito.
Teoryang
Pampanitikan – isang sistema ng mga kaisipan at
kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang
layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan
na ating binabasa.
1. Bayograpikal –
ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinapaliwang dito ang mga
bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka’ na
inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
2. Historikal –
ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
3. Klasismo
– ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-
iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari ay matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
4. Humanismo –
ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
5. Romantisismo
– ang alyunin ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalay ng kanyang pag—ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam ang kanyang pag-ibig
sa tao o bayang
napupusuan.
6. Realismo –
ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda
sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka epektibo ng
kanyang isinulat.
7. Pormalistiko
– ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan., kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang
siyang nais nais niyang ipaabot sa mambabasa- walang labis walang kulang.
Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.
8. Eksistensyalismo
– ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo.
9. Feminismo
– ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin sa lipunan sa
mga kababaihan.
10. Dekonstruksyon
– ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang
mga manunulat at pilosopo na walang
iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong
pananaw na ang
nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
11. Istrukturalismo
– wika ang mahalaga dahil sa hinuhubog nito ang kamalayang
panlipunan-ipinalalagay ng maraming teorista na
napakahalaga ng diskurso sa
paghubog ng kamalayang panlipunan.
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 12/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
4. Modyul 2- Forum 2
https://collvle.neu.edu.ph/mod/forum/view.php?id=97183
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 13/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
https://collvle.neu.edu.ph/mod/assign/view.php?id=97199
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 14/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
5.1. KILATES
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 15/16
9/24/21, 4:07 PM Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN
kilates.docx
https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97138 16/16