You are on page 1of 14

Pitaka

Isang One –Act Play

Sinulat ni

Guy de Maupassant
Tauhan
Isog De Asis – 46 taong gulang, isa siyang tanyag na minero sa
Siquijor. Ama-amahan ni Eleena

Mang Gabo – 50 taong gulang, isang kutsero

Eleena – 20 taong gulang, isang dalaga galling sa bundok ng


Bandilaan

Basilisa – 21 taong gulang, matalik na kaibigan ni Eleena,


nakatira siya sa Bayan ng San Jose

Padre Ernesto Basion – 57 taong gulang, pinuno ng mga pari sa


Siquijor.

Heneral Balaid – 62 taong gulang isang beteran na sundalo na


nakadistino sa Bayan ng San Juan

Kapanahunan
1970’s

Lugar
Bayan ng San Juan sa Lungsod ng Siquijor
SCENE 1:
Mahimbing na ang lahat. Itim na ang paligid, ngunit, sa isang
paseo ay may makikitang babae, Eleena, dalawampung taong gulang,
inaabot ang kaniyang hininga at tila may pinagtataguan.

ELEENA:
Diyos ko, tulungan mo ako laban sa ganid na Heneral. Ayaw ko
mamatay sa kaniyang maruming kamay!

(Mahigpit na hinawakan ni Eleena ang sarili at nagdasal. Matagal


nang may pagtingin sa kaniya si Heneral Balaid ngunit dahil hindi
ito gusto ng dalagang si Eleena ay naisipan ng Heneral na
sapilitan niya itong kunin. Nakita ng Heneral ang paseo kung saan
nagtatago si Heneral Balaid...)

HENERAL:
Tsk, tsk, tsk! Mahal kong Eleena, sinabi ko naman sa'yo, wala
kang takas sa akin! Alam mo bang ilang gabi na ako sabik na
matikman ang iyong mga labi... (Sapilitang hinawakan ng Heneral
ang mukha ng dalaga at akma itong hahalikan.)

ELEENA:
(Nagpupumiglas) Ayaw ko nga sa'yo! Isa kang buwaya! Hindi ko
kayang magmahal ng lalaking taksil sa bayan at hindi marunong
rumespeto sa kababaihan!

HENERAL:
Aba! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo Eleena! May patunay ka ba?
Wala, kasi wala kang kwenta!

(Tinawag ng Heneral ang kaniyang mga kasamahang alalay at


inutusan ang mga ito na talian si Eleena. Nang maitali na ang
dalaga ay pinagsamantalahan siya ng Heneral. Doon, ay tila
tumigil ang mundo ni Eleena, parang may pumanaw sa loob ng
damdamin niya.)
SCENE 2:
Nagbunga ang panggagahasa ng Heneral kay Eleena, isang batang
babae na pinangalanang Basilisa. Sa kahihiyan na dinala ni
Eleena, ipinakilala niya ang sarili niya kay Basilisa bilang
nakatatandang babaeng kapatid. Tinuring niya na tunay na kapatid
si Basilisa ngunit sa kalooban ni Eleena ay mahal niya si
Basilisa bilang isang anak. Mahirap man ang dinanas niya noon at
isang kahig, isang tuka sila ngayon ay nagkaroon siya ng katiting
na pag-asa dahil kay Basilisa. At ang Heneral Balaid na
nanggahasa kay Eleena ay gumanap na kanang kamay ng namumuno sa
kanilang baryo na si Padre Ernesto Basion. Parehas nilang
ginagamal ang pera ng taong-bayan. Narration

(Sa harap ng Simbahan)

PADRE ERNESTO:
Makinig kayo aking mga kababayan! Sapilitan na ang maglagay ng
pera dito sa ating kaban. Sisiguraduhin kong kayo ay mapupunta sa
langit at pagpapalain ng Diyos! Ang hindi, ay tiyak na impyerno
ang bagsak niyo!

HENERAL BALAID:
(May bitbit na lalaking duguan) Padre, ano kaya ang magandang
gawin sa isang ito, nakita kong tumatakas.

(Ang lalaki ay lumuhod sa harap ng Padre.)

LALAKI:
(Humahagulhol) Padre! Kaawaan at patawarin niyo ako ngunit, wala
akong maibibigay! Apat na araw na kaming walang makain. Mabait
naman ang Diyos diba? Alam kong maiintindihan niya.

PADRE:
Walang lugar rito ang mga katulad mo! Sinasabi mo bang
tinatanggihan mo ang Panginoon dahil ikaw ay tamad magbanat ng
buto? Hindi sapat ang ginagawa mong hanap-buhay kung ganoon!
Heneral, alam mo na ang gagawin! Paslangin mo ang lalaking ito.

Hinagip ni Heneral Balaid ang lalaki at dinala ito sa isang


liblib na lugar, pagkatapos ay narinig ang isang putok ng bala.
Ang taong bayan ay napuno ng takot at napilitan na maghulog sa
kaban.

PADRE:
(Akmang may sasabihin sa taong-bayan) Isa pa, isa sa aming
pitaka na naglalaman ng pera para sa ating baryo ay nawala. Gusto
ko na hanapin niyo ito, alam niyo na ang mangyayari sa inyo kung
hindi niyo ito mahahanap sa loob ng 5 araw.

Scene 3:

(Nagkukumahog na nagsi-alisan ang mga taong bayan upang hanapin


ang sinasabing nawawalang pitaka ng pari. Alam nila kung gaano
kalupit ang pari at ang heneral kaya wala silang magawa kundi
sumunod nalang.)

TAO 1:
(humarap sa mga kasamahan niya) Halina kayo, atin nang hanapin
ang pitaka, ayaw ko na may makitang isa sa inyo ang pahihirapan
at papatayin na naman nila.

TAO 2:
(umiiyak habang nagsasalita) Sawang sawa na ako sa ganitong
sistema at palakaran nila.

TAO 1:
Ngunit wala tayong sapat na lakas upang pugsain sila.......
Gayundin naman ako, gusto ko na matigil ang ganito.

Tao 3:
(Sumingit sa usapan ni Tao 1 at Tao 2) Kaunting tiis pa mga
kababayan, matatapos din to. Magiging malaya din tayo.........
Hala halina kayo at hanapin na natin.

(Nagsimulang maghanap ang mga mamamayan ng bayan nina Eleena


ngunit kahit anong gawing paghahanap ng mga ito ay hindi nila ito
mahanap. Mawawalan na sila ng pag-asa na mahanap ito ngunit
nabuhayan sila nang sandalaing marinig nila ns kinakausap ni
Basilisa ang kanyang sarili.) Narration

Basilisa:
(kinakausap ang sarili ngunit hindi nya alam na sinasabi nya ito
ng malakas) papatayin ako. Papatayin ako. Papatayin ako. Lagot
ako kay padre. Papatayin ako. Maawa kayo heneral. Utang na loob.
Maawa kayo. Wag nyo akong patayin.

(Ipinagkalat nila ang narinig. Itinuro nilang akusado si Basilisa


sapagka’t nakita nila itong balisa at tila kinakausap ang
sarili.)

Nagkaroon ng diskusyunan ang taong bayan hinggil sa kakaibang


aksyon ni Basilisa. Itinuro nilang akusado si Basilisa sapagka’t
nakita nila itong balisa at tila kinakausap ang sarili. Kumalat
sa ito sa buong bayan at nagsimulang magsumbong ang mga ito.
Narinig ng heneral ang mga bulung bulungan ng mga tao kung kaya’t
tinanong niya ang mga ito kung ano iyon.

Heneral: Anong pinag didiskusyunan nyo diyan? Bakit di nyo pa


hanapin ang pitaka aber?! Antamad nyong lahat! Nararapat na
parusahan kayo!
Nagsimulang matakot ang mga tao, kanya kanya silang tahimik.

HENERAL BALAID:
Ah ganon? Hindi nyo sasabihin sa heneral nyo? (Humablot ng baril
at biglang pinaputukan ang isang matandang nakatungkod)

(Humandusay sa sahig ang katawan ng kawawang matanda, duguan ito,


dilat ang mata at walang buhay. Labis na nasindak ang mga
nakakita sapagka’t hindi man lamang nag atubili ang heneral sa
pagbunot ng baril at pagpatay.)

ELEENA:
B-basilisa..... Hindi galit si ate, ngunit mali ang ginawa mo,
isa itong krimen. Alam kong ginawa mo lamang ito dahil naaawa ka
na sa kalagayan ko. Pasensya ka na kung hindi ko maibigay ang
buhay na karapat dapat mong matamasa. Pasensya ka na kung ito
lang ang kaya kong iparanas sayo. Pasensya ka na kung kulang pa
ako. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. (ubo na mahaba) hirap
na hirap na din ako ngunit kailangan kong lumaban, hindi ako
maaaring lumisan dahil maiiwan kita, ang isa’t isa nalang ang
meron tayong dalawa. Ikaw ang lakas ko. Sa kabila ng lahat ng
pinagdaanan ko, ikaw ang pinaka magandang nagyari sa buhay ko.
Hindi ako makakapayag na ganun ka nalang papaslangin sa kamay ng
heneral at pari.

Scene 4:
Isang madilim, malungkot at masalimuot na buhay na tila hindi na
magkakaroon pa ng kulay at liwanag kung maihahalintulad ang buhay
ng mag ina.

Basilisa: (balisa, hindi alam ang gagawin) A-ate n-nandito n-na


a-a-ako.

Isang bagsak na katawan, malamlam ang mata, uubo ubo at puno ng


hinagpis at kalungkutan ang sumalubong kay Basilisa.
ELEENA:
Oh (ubo) Basilisa (ubo) aking pinakamamahal na kapatid (gusto nya
sabihin na “anak” ngunit hindi pwede) nandyan ka na pala, kamusta
ang araw (ubo) mo?

BASILISA:
(hindi makatingin ng diretso, nakokonsensya)

ELEENA:
(ubo) may problema ba? (ubo) bakit ganyan ang mga mata mo? Ang
lungkot, hindi bagay sa maganda kong kapatid.

BASILISA:
(hindi pa din naimik)
ELEENA:
Basilisa, sabihin mo kay ate (ubo) anong nangyari?

Nagsimulang umiyak si Basilisa at ikinuwento ang ginawang


pagnanakaw ng pitaka. Nagulat si Eleena sa inamin ng kanyang anak
ngunit hindi nya magawang magalit dito dahil alam nya na ginawa
lamang iyon ni Basilisa dahil sa hirap ng buhay.

ELEENA:
B-basilisa..... Hindi galit si ate, ngunit mali ang ginawa mo,
isa itong krimen. Alam kong ginawa mo lamang ito dahil naaawa ka
na sa kalagayan ko. Pasensya ka na kung hindi ko maibigay ang
buhay na karapat dapat mong matamasa. Pasensya ka na kung ito
lang ang kaya kong iparanas sayo. Pasensya ka na kung kulang pa
ako. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. (ubo na mahaba) hirap
na hirap na din ako ngunit kailangan kong lumaban, hindi ako
maaaring lumisan dahil maiiwan kita, ang isa’t isa nalang ang
meron tayong dalawa. Ikaw ang lakas ko. Sa kabila ng lahat ng
pinagdaanan ko, ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.
Hindi ako makakapayag na ganun ka nalang papaslangin sa kamay ng
heneral at pari.

BASILISA:
(umiiyak) a-a-ateeeeeee!!! (niyakap si Eleena)

ELEENA:
Si ate ang aako. Magtiwala ka sakin, hindi ka mapapahamak.
(nagyakapan ang mag ina)

TAO 1:
Sinasabi ko na nga ba! Tama ang hula namin! Ikaw Basilisa ang
nagnakaw! Dapat kang managot!

(Gulat na gulat ang mag ina dahil nasa kanilang pamamahay ang mga
taong bayan. Sinundan si Basilisa ng isang pangkat ng mamamayan
sa kanilang lugar upang ipagkanulo ito.)

ELEENA:
Mali! Hindi ganoon iyon! Nagkakamali kayo! Makinig muna kayo
sakin!

(Nagsimulang magkwento si Eleena tungkol sa karanasan nya sa


kamay ng heneral. Nakinig naman ang mga tao. Isiniwalat nito ang
madilim na sikreto ng pari at ng heneral. Hindi makapaniwala ang
mga tao sa nalamang iyon. Hindi nila lubos akalain na magagawa
iyo ng heneral at pari)

Scene 5:
Nanatiling tahimik ang mga tao hinggil sa isyu sa bayan nila.
Dinakip ng mga tauhan ng heneral si Eleena at Basilisa upang
patawan ng kamatayan.
(Araw ng kamatayan. April 15, 1976)
(Gulat na gulat ang heneral nung makita si Eleena. Hindi nito
akalain na ang dati nyang minimithi at inaasam ay syang bagsak
ang katawan at lubog ang dating mapupungay na mga mata.
Mahahalata mo rito ang sindak na tila ba minumulto ito ng
nakaraan.)

Eleena:
(galit na galit) demonyo ka!!!!!! Mamatay ka na!!! Wala kang
karapatan gawin sakin to!!!! Hudas ka!! Walang katulad ang
kahayupan mo!! Hinding hindi kita mapapatawad!!

(Tila nagulantang ang taong bayan sa kanilang narinig. Hindi nila


lubos akalain na ganon nalamang ang itinatagong galit ni Eleena.
Mahinhin, tahimik, mabait at mapagpakumbabang dalaga ang
pagkakakilala nila rito.)

Heneral:
E-eleena......(dilat na dilat ang mata sa gulat, balisa)
Eleena:
Oo ako nga!! Binaboy mo ako!! Tinuring mo akong parang isang
hayop!! Hindi ka na naawa!! Napakababoy mo!!! Hayop ka!! Hindi ka
nararapat mabuhay!! Wala kang patawad!!! Demonyo ka!!

Sa kabilang dako, naroon si Padre Ernesto Basion na tila


binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. Hindi niya lubos
mawari kung ano dapat niyang ikilos sapagka’t siya ay gulantang
pa din.

(napatingin ang heneral sa pari na may halong konsensya at pag


aalinlangan na tila ba sinasabi ng mga mata nito na hindi totoo
ang mga ibinibintang ng babaeng may sakit)
(Mahabang katahimikan)

Continuation:
Heneral:
H-hindi ko ginusto iyon Eleena. N-Nadala lamang ako ng tawag ng
laman. H-Hindi ko intensyong gawin iyon sa iyo.
Eleena:
Ganid ka!! Nagkaroon ng bunga ang kahayupan mo sa akin!! Si
Basilisa. Sya ang anak ko, dahil sa kahihiyan ay nagpakilala
nalang ako bilang nakatatandang kapatid nya!!
Heneral:
(Gulat at di makapaniwala) (tumingin kay Basilisa at saka bumalik
ang tingin kay Eleena) M-may anak tayo?

Eleena:
(umiiyak) Sagad ang kademonyohan mo!! Wala kang karapatan
tawaging anak ang anak ko. Wala kang kwenta!
Nanatiling tahimik ang Heneral.

Eleena: Mga kababayan (ubo) hindi pa rito nagtatapos ang mga


nalalaman ko! Isisiwalat ko ang lahat!!!!!! Makinig kayo! Alam
nyo ba kaya ako binababoy ng heneral ay dahil nahuli ko sila ng
Padre, Oo si Padre Ernesto Basion na may ginagawang kamunduhan.
Ang pari ay isang silahis!! Nakita ng aking dalawang mata kung
paano silang dalawa nagkasala sa Diyos! Dahil sa aking nakita,
napilitan ang heneral na gahasain ako upang patunayan sa akin na
hindi sya “bading”. Ipinalabas nito na isa akong baliw! Alam kong
lahat kayo ay maaaring magduda sa mga isiniwalat ko ngunit lahat
ng ito ay totoo! Nakikita nyo ba itong katawan ko? Itong bagsak
na katawan, uubo ubo at tila nanghihina??? Dahil yan sa heneral!
Mayroon itong sakit na nakakahawa! (Ubo) Sa pagiging mahilig sa
babae nito, na kung sino sino ang tinitikman na babae at lalaki,
nakuha nya itong sakit na ito at ipinasa sa akin. Bilang nalang
ang mga natitirang oras ko. Ang heneral at ang pari ay pawang mga
“silahis “ at “bading”. Ginahasa ako ng heneral at nagkaroon ng
bunga! May tagalay na sakit ang heneral dahil sa kakatikim nito
sa iba’t ibang babae at lalaki!!!

Tadhana nga naman, naroon ang isang makakapagpatunay na totoo at


hindi kwentong barbero lamang ang hinaing ni Eleena, si Mang
Gabo.
Mang Gabo:
Mga kababayan, lahat ng inyong mga narinig ay pawang
katotohanan. Naroon ako mismo noong mangyari iyon.
(Si Mang Gabo ang pina nilalapitan ng taong bayan sa tuwing may
problema ang mga ito. Respetado ito at maganda ang imahe sa
kanilang bayan.)
Sa isang banda, naroon ang isang tagapahayag at patnugot ng
kabilang baryo. Isinulat niya ang mga narinig at agad agad itong
lumisan upang ihayag ang mga natuklasan.

Pari:
Hindi!! Hindi totoo iyan!! Hindi yan totoo! Huwag kayong
maniwala! (Binunot ang baril ng heneral na nakasuksok sa
tagiliran nito)
Itinutok ng pari ang baril kay Mang Gabo.
Pari:
Sabihin mong hindi totoo lahat ng ito!! Ngayon din! Kundi
papatayin kita!

(Akmang papaputukan na ng pari si Mang Gabo nang dumating ang mga


sundalo na ipinadala ng karatig na lugar. Dahil ito sa mabilis na
pagkalat ng balita. Agad dinakip ng mga ito ang dalawang tila
naliligo sa kahihiyan. Ipinatapon ang mga ito sa selda.)
(Selda)

Bantay 1:
Oh pagkain mo! Hahaha! Bading pala to pare e (humarap sa
kasamahan niya)
Bantay 2:
Hahaha oo nga pare kadiri! Lumayo tayo dyan baka magkasakit din
tayo! Mga salot!
(Tila napuno ng kahihiyan ang pari at ang heneral sa mga sinabi
ng dalawang bantay. Labis na naghinagpis ang dalawa. Palaging
malungkot, di makausap at balisa ang dalawa.)
(September 5, 1976)
Hindi rin nagtagal, makalipas ang limang buwan, sa pareho din ng
taong iyon ay kinitil ng pari at heneral ang kanilang buhay dahil
sa kahihiyan. Wala na silang mukang maihaharap.
(Bayan ng San Juan sa Siquijor)
Madadatnan ang mga tao sa bayan na ito na tila masaya at walang
pinoproblema dahil sila ay malaya na sa kamay ng malupit na pari
at heneral. Nagkaroon ng piging at pagsasalo-salo sina Mang Gabo,
ang punong baranggay sa kasalukuyan, si Eleena at Basilisa na
bumawi sa isa’t isa sa kabila ng lahat at ang mga taong bayan.

Mang Gabo:
Mga kababayan, may aaminin ako sa inyo. Pawang kwentong barbero
lamang ang lahat ng narinig ninyo. Ito ay pawang gawa lamang.
Planado ito dahil ayaw ko nang makita ang isa sa inyong
matuligsa. Parte ito lahat ng plano, utang na loob natin kina
Eleena ang lahat ng ito.

You might also like