You are on page 1of 6

Scene 1: Mahimbing na ang lahat.

Itim na ang paligid, ngunit, sa isang paseo ay may makikitang babae,


Eleena, dalawampung taong gulang, inaabot ang kaniyang hininga at tila may pinagtataguan.
Eleena: Diyos ko, tulungan mo ako laban sa ganid na Heneral. Ayaw ko mamatay sa kaniyang maruming
kamay! Mahigpit na hinawakan ni Eleena ang sarili at nagdasal.
Matagal nang may pagtingin sa kaniya si Heneral Balaid ngunit dahil hindi ito gusto ng dalagang si
Eleena ay naisipan ng Heneral na sapilitan niya itong kunin.
Nakita ng Heneral ang paseo kung saan nagtatago si Helena...
Heneral: Tsk, tsk, tsk! Mahal kong Eleena, sinabi ko naman sa'yo, wala kang takas sa akin! Alam mo
bang ilang gabi na ako sabik na matikman ang iyong mga labi... (Sapilitang hinawakan ng Heneral ang
mukha ng dalaga at akma itong hahalikan.)
Eleena: (Nagpupumiglas) Ayaw ko nga sa'yo! Isa kang buwaya! Hindi ko kayang magmahal ng lalaking
taksil sa bayan at hindi marunong rumespeto sa kababaihan!
Heneral: Aba! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo Eleena! May patunay ka ba? Wala, kasi wala kang
kwenta!
Tinawag ng Heneral ang kaniyang mga kasamahang alalay at inutusan ang mga ito na talian si Eleena.
Nang maitali na ang dalaga ay pinagsamantalahan siya ng Heneral. Doon, ay tila tumigil ang mundo ni
Eleena, parang may pumanaw sa loob ng damdamin niya.

Scene 2: Nagbunga ang panggagahasa ng Heneral kay Eleena, isang batang babae na pinangalanang
Basilisa. Sa kahihiyan na dinala ni Eleena, ipinakilala niya ang sarili niya kay Basilisa bilang
nakatatandang babaeng kapatid. Tinuring niya na tunay na kapatid si Basilisa ngunit sa kalooban ni
Eleena ay mahal niya si Basilisa bilang isang anak. Mahirap man ang dinanas niya noon at isang kahig,
isang tuka sila ngayon ay nagkaroon siya ng katiting na pag-asa dahil kay Basilisa. At ang Heneral Balaid
na nanggahasa kay Eleena ay gumanap na kanang kamay ng namumuno sa kanilang baryo na si Padre
Ernesto Basion. Parehas nilang ginagamal ang pera ng taong-bayan.
(Sa harap ng Simbahan) Padre Ernesto: Makinig kayo aking mga kababayan! Sapilitan na ang maglagay
ng pera dito sa ating kaban. Sisiguraduhin kong kayo ay mapupunta sa langit at pagpapalain ng Diyos!
Ang hindi, ay tiyak na impyerno ang bagsak niyo!
Heneral Balaid: (May bitbit na lalaking duguan) Padre, ano kaya ang magandang gawin sa isang ito,
nakita kong tumatakas.
Ang lalaki ay lumuhod sa harap ng Padre.
Lalaki: (Humahagulhol) Padre! Kaawaan at patawarin niyo ako ngunit, wala akong maibibigay! Apat na
araw na kaming walang makain. Mabait naman ang Diyos diba? Alam kong maiintindihan niya.
Padre: Walang lugar rito ang mga katulad mo! Sinasabi mo bang tinatanggihan mo ang Panginoon dahil
ikaw ay tamad magbanat ng buto? Hindi sapat ang ginagawa mong hanap-buhay kung ganoon! Heneral,
alam mo na ang gagawin! Paslangin mo ang lalaking ito.
Dinakip niHeneral Balaid ang lalaki at dinala ito sa isang liblib na lugar, pagkatapos ay narinig ang isang
putok ng bala. Ang taong bayan ay napuno ng takot at napilitan na maghulog sa kaban.
Padre: (Akmang may sasabihin sa taong-bayan) Isa pa, isa sa aming pitaka na naglalaman ng pera para sa
ating baryo ay nawala. Gusto ko na hanapin niyo ito, alam niyo na ang mangyayari sa inyo kung hindi
niyo ito mahahanap sa loob ng 5 araw.

Scene 3: Nagkukumahog na nagsi-alisan ang mga taong bayan upang hanapin ang sinasabing
nawawalang pitaka ng pari. Alam nila kung gaano kalupit ang pari at ang heneral kaya wala silang
magawa kundi sumunod nalang.
Tao 1: (humarap sa mga kasamahan niya) Halina kayo, atin nang hanapin ang pitaka, ayaw ko na may
makitang isa sa inyo ang pahihirapan at papatayin na naman nila.
Tao 2: (umiiyak habang nagsasalita) Sawang sawa na ako sa ganitong sistema at palakaran nila.
Tao 1: Ngunit wala tayong sapat na lakas upang pugsain sila....... Gayundin naman ako, gusto ko na
matigil ang ganito.
Tao 3: (Sumingit sa usapan ni Tao 1 at Tao 2) Kaunting tiis pa mga kababayan, matatapos din to.
Magiging malaya din tayo......... Hala halina kayo at hanapin na natin.
Nagsimulang maghanap ang mga mamamayan ng bayan nina Eleena ngunit kahit anong gawing
paghahanap ng mga ito ay hindi nila ito mahanap. Mawawalan na sila ng pag-asa na mahanap ito ngunit
nabuhayan sila nang sandalaing marinig nila ns kinakausap ni Basilisa ang kanyang sarili.
Basilisa: (kinakausap ang sarili ngunit hindi nya alam na sinasabi nya ito ng malakas) papatayin ako.
Papatayin ako. Papatayin ako. Lagot ako kay padre. Papatayin ako. Maawa kayo heneral. Utang na loob.
Maawa kayo. Wag nyo akong patayin.
Ipinagkalat nila ang narinig. Itinuro nilang akusado si Basilisa sapagka’t nakita nila itong balisa at tila
kinakausap ang sarili.
Nagkaroon ng diskusyunan ang taong bayan hinggil sa kakaibang aksyon ni Basilisa. Itinuro nilang
akusado si Basilisa sapagka’t nakita nila itong balisa at tila kinakausap ang sarili. Kumalat sa ito sa buong
bayan at nagsimulang magsumbong ang mga ito. Narinig ng heneral ang mga bulung bulungan ng mga
tao kung kaya’t tinanong niya ang mga ito kung ano iyon.
Heneral: Anong pinag didiskusyunan nyo diyan? Bakit di nyo pa hanapin ang pitaka aber?! Antamad
nyong lahat! Nararapat na parusahan kayo!
Nagsimulang matakot ang mga tao, kanya kanya silang tahimik.
Heneral: Ah ganon? Hindi nyo sasabihin sa heneral nyo? (Humablot ng baril at biglang pinaputukan ang
isang matandang nakatungkod)
Humandusay sa sahig ang katawan ng kawawang matanda, duguan ito, dilat ang mata at walang buhay.
Labis na nasindak ang mga nakakita sapagka’t hindi man lamang nag atubili ang heneral sa pagbunot ng
baril at pagpatay. Walang naglalakas ng loob umimik o magbigay ng hinaing hinggil sa ginawa ng
henaral sapagkat sanay na sila dito ngunit nagugulat pa din ang mga ito sa tuwing gagawin ito ng heneral.
Heneral: Wala talaga?! Gusto nyo pumaslang ulit ako? Sige!
Akmang bubunot uli ng baril ang heneral nang may isang lalaki na naglakas ng loob sabihin ang bulong
bulungan.
(Nagsimulang ikwento ng lalaki ang nakita na balisang si Basilisa at mga pinagsasasabi nito)
Galit na galit ang heneral. Nagsimulang umalis ang magtungo sa pari upang sabihin ang nalaman.

Scene 4: Isang madilim, malungkot at masalimuot na buhay na tila hindi na magkakaroon pa ng kulay at
liwanag kung maihahalintulad ang buhay ng mag ina.
Basilisa: (balisa, hindi alam ang gagawin) A-ate n-nandito n-na a-a-ako.
Isang bagsak na katawan, malamlam ang mata, uubo ubo at puno ng hinagpis at kalungkutan ang
sumalubong kay Basilisa.
Eleena: Oh (ubo) Basilisa (ubo) aking pinakamamahal na kapatid (gusto nya sabihin na “anak” ngunit
hindi pwede) nandyan ka na pala, kamusta ang araw (ubo) mo?
Basilisa: (hindi makatingin ng diretso, nakokonsensya)
Eleena: (ubo) may problema ba? (ubo) bakit ganyan ang mga mata mo? Ang lungkot, hindi bagay sa
maganda kong kapatid.
Basilisa: (hindi pa din naimik)
Eleena: Basilisa, sabihin mo kay ate (ubo) anong nangyari?
Nagsimulang umiyak si Basilisa at ikinuwento ang ginawang pagnanakaw ng pitaka. Nagulat si Eleena sa
inamin ng kanyang anak ngunit hindi nya magawang magalit dito dahil alam nya na ginawa lamang iyon
ni Basilisa dahil sa hirap ng buhay.
Eleena: B-basilisa..... Hindi galit si ate, ngunit mali ang ginawa mo, isa itong krimen. Alam kong ginawa
mo lamang ito dahil naaawa ka na sa kalagayan ko. Pasensya ka na kung hindi ko maibigay ang buhay na
karapat dapat mong matamasa. Pasensya ka na kung ito lang ang kaya kong iparanas sayo. Pasensya ka na
kung kulang pa ako. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. (ubo na mahaba) hirap na hirap na din ako
ngunit kailangan kong lumaban, hindi ako maaaring lumisan dahil maiiwan kita, ang isa’t isa nalang ang
meron tayong dalawa. Ikaw ang lakas ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, ikaw ang pinaka
magandang nangyari sa buhay ko. Hindi ako makakapayag na ganun ka nalang papaslangin sa kamay ng
heneral at pari.
Basilisa: (umiiyak) a-a-ateeeeeee!!! (niyakap si Eleena)
Eleena: Si ate ang aako. Magtiwala ka sakin, hindi ka mapapahamak. (nagyakapan ang mag ina)
Tao 1: Sinasabi ko na nga ba! Tama ang hula namin! Ikaw Basilisa ang nagnakaw! Dapat kang managot!
Gulat na gulat ang mag ina dahil nasa kanilang pamamahay ang mga taong bayan. Sinundan si Basilisa ng
isang pangkat ng mamamayan sa kanilang lugar upang ipagkanulo ito.
Eleena: Mali! Hindi ganoon iyon! Nagkakamali kayo! Makinig muna kayo sakin!
Nagsimulang magkwento si Eleena tungkol sa karanasan nya sa kamay ng heneral. Nakinig naman ang
mga tao. Isiniwalat nito ang madilim na sikreto ng pari at ng heneral. Hindi makapaniwala ang mga tao sa
nalamang iyon. Hindi nila lubos akalain na magagawa iyo ng heneral at pari.
Scene 5: Nanatiling tahimik ang mga tao hinggil sa isyu sa bayan nila. Dinakip ng mga tauhan ng heneral
si Eleena at Basilisa upang patawan ng kamatayan.
(Araw ng kamatayan. April 15, 1976)
Gulat na gulat ang heneral nung makita si Eleena. Hindi nito akalain na ang dati nyang minimithi at
inaasam ay syang bagsak ang katawan at lubog ang dating mapupungay na mga mata. Mahahalata mo rito
ang sindak na tila ba minumulto ito ng nakaraan.
Eleena: (galit na galit) demonyo ka!!!!!! Mamatay ka na!!! Wala kang karapatan gawin sakin to!!!! Hudas
ka!! Walang katulad ang kahayupan mo!! Hinding hindi kita mapapatawad!!
Tila nagulantang ang taong bayan sa kanilang narinig. Hindi nila lubos akalain na ganon nalamang ang
itinatagong galit ni Eleena. Mahinhin, tahimik, mabait at mapagpakumbabang dalaga ang pagkakakilala
nila rito.
Heneral: E-eleena......(dilat na dilat ang mata sa gulat, balisa)
Eleena: Oo ako nga!! Binaboy mo ako!! Tinuring mo akong parang isang hayop!! Hindi ka na naawa!!
Napakababoy mo!!! Hayop ka!! Hindi ka nararapat mabuhay!! Wala kang patawad!!! Demonyo ka!!
Sa kabilang dako, naroon si Padre Ernesto Basion na tila binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig.
Hindi niya lubos mawari kung ano dapat niyang ikilos sapagka’t siya ay gulantang pa din.
(napatingin ang heneral sa pari na may halong konsensya at pag aalinlangan na tila ba sinasabi ng mga
mata nito na hindi totoo ang mga ibinibintang ng babaeng may sakit)
(Mahabang katahimikan)
Continuation:
Heneral: H-hindi ko ginusto iyon Eleena. N-Nadala lamang ako ng tawag ng laman. H-Hindi ko
intensyong gawin iyon sa iyo.
Eleena: Ganid ka!! Nagkaroon ng bunga ang kahayupan mo sa akin!! Si Basilisa. Sya ang anak ko, dahil
sa kahihiyan ay nagpakilala nalang ako bilang nakatatandang kapatid nya!!
Heneral: (Gulat at di makapaniwala) (tumingin kay Basilisa at saka bumalik ang tingin kay Eleena) M-
may anak tayo?
Eleena: (umiiyak) Sagad ang kademonyohan mo!! Wala kang karapatan tawaging anak ang anak ko.
Wala kang kwenta!
Nanatiling tahimik ang Heneral.
Eleena: Mga kababayan (ubo) hindi pa rito nagtatapos ang mga nalalaman ko! Isisiwalat ko ang lahat!!!!!!
Makinig kayo! Alam nyo ba kaya ako binababoy ng heneral ay dahil nahuli ko sila ng Padre, Oo si Padre
Ernesto Basion na may ginagawang kamunduhan. Ang pari ay isang silahis!! Nakita ng aking dalawang
mata kung paano silang dalawa nagkasala sa Diyos! Dahil sa aking nakita, napilitan ang heneral na
gahasain ako upang patunayan sa akin na hindi sya “bading”. Ipinalabas nito na isa akong baliw! Alam
kong lahat kayo ay maaaring magduda sa mga isiniwalat ko ngunit lahat ng ito ay totoo! Nakikita nyo ba
itong katawan ko? Itong bagsak na katawan, uubo ubo at tila nanghihina??? Dahil yan sa heneral!
Mayroon itong sakit na nakakahawa! (Ubo) Sa pagiging mahilig sa babae nito, na kung sino sino ang
tinitikman na babae at lalaki, nakuha nya itong sakit na ito at ipinasa sa akin. Bilang nalang ang mga
natitirang oras ko. Ang heneral at ang pari ay pawang mga “silahis “ at “bading”. Ginahasa ako ng
heneral at nagkaroon ng bunga! May tagalay na sakit ang heneral dahil sa kakatikim nito sa iba’t ibang
babae at lalaki!!!
Tadhana nga naman, naroon ang isang makakapagpatunay na totoo at hindi kwentong barbero lamang ang
hinaing ni Eleena, si Mang Gabo.
Mang Gabo: Mga kababayan, lahat ng inyong mga narinig ay pawang katotohanan. Naroon ako mismo
noong mangyari iyon.
Si Mang Gabo ang pina nilalapitan ng taong bayan sa tuwing may problema ang mga ito. Respetado ito at
maganda ang imahe sa kanilang bayan.
Sa isang banda, naroon ang isang tagapahayag at patnugot ng kabilang baryo. Isinulat niya ang mga
narinig at agad agad itong lumisan upang ihayag ang mga natuklasan.
Pari: Hindi!! Hindi totoo iyan!! Hindi yan totoo! Huwag kayong maniwala! (Binunot ang baril ng heneral
na nakasuksok sa tagiliran nito)
Itinutok ng pari ang baril kay Mang Gabo.
Pari: Sabihin mong hindi totoo lahat ng ito!! Ngayon din! Kundi papatayin kita!
Akmang papaputukan na ng pari si Mang Gabo nang dumating ang mga sundalo na ipinadala ng karatig
na lugar. Dahil ito sa mabilis na pagkalat ng balita. Agad dinakip ng mga ito ang dalawang tila naliligo sa
kahihiyan. Ipinatapon ang mga ito sa selda.
(Selda)
Bantay 1: Oh pagkain mo! Hahaha! Bading pala to pare e (humarap sa kasamahan niya)
Bantay 2: Hahaha oo nga pare kadiri! Lumayo tayo dyan baka magkasakit din tayo! Mga salot!
Tila napuno ng kahihiyan ang pari at ang heneral sa mga sinabi ng dalawang bantay. Labis na
naghinagpis ang dalawa. Palaging malungkot, di makausap at balisa ang dalawa.
(September 5, 1976)
Hindi rin nagtagal, makalipas ang limang buwan, sa pareho din ng taong iyon ay kinitil ng pari at heneral
ang kanilang buhay dahil sa kahihiyan. Wala na silang mukang maihaharap.
(Bayan ng San Juan sa Siquijor)
Madadatnan ang mga tao sa bayan na ito na tila masaya at walang pinoproblema dahil sila ay malaya na
sa kamay ng malupit na pari at heneral. Nagkaroon ng piging at pagsasalo-salo sina Mang Gabo, ang
punong baranggay sa kasalukuyan, si Eleena at Basilisa na bumawi sa isa’t isa sa kabila ng lahat at ang
mga taong bayan.
Mang Gabo: Mga kababayan, may aaminin ako sa inyo. Pawang kwentong barbero lamang ang lahat ng
narinig ninyo. Ito ay pawang gawa lamang. Planado ito dahil ayaw ko nang makita ang isa sa inyong
matuligsa. Parte ito lahat ng plano, utang na loob natin kina Eleena ang lahat ng ito.

You might also like