You are on page 1of 2

EKOKRITISISMO AT

CSSH-ABFIL
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Ryann Claude S. Sionosa


SEKSYON: 35J

PAMAGAT NG GAWAIN: Plantitos at Plantitas


Sa Panahon Ng Pandemya- Novaliches Quezon City PETSA: 10/15/2021

Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kalikasan?

Ang ating mga kababayan natin ngayon sa panahon ng pandemya ay naghahanap at


nagpupursigi na makahanap ng diskarte upang matugunan ang pang araw-araw na
pangagailangan. Dahil sa hirap ng buhay dulot sa covid-19 ay nagpasya at nagtulongan
ang mga tao sa pag gawa ng sarili nilang pantustos sa kanilang pamumuhay. At dahil rin
sa pandemya ay nahirapan ang ating mga kababayan sa trabaho, pag-aaral, negosyo,
mga aktibidad, at pati narin ang mga tao na naninirahan lamang sa kanilang tahanan. Hindi
rin nakatulong ang paglungsad ng mga patarakan na nag lilimit sa mga aktibidad at pag
galaw ng mga tao upang hindi lumala ang pag kalat ng virus, at dahil dito ang ating bansa
ay nasa krisis kaya’t maraming tao ang nagdurusa nang dahil sa pagkawala ng kanilang
mga trabaho at negosyo. Pati na rin ang mga istudyante ay nahihirapan din sa pag adjust
sa online or virtual class kaya marami rin ay hindi na nagpatuloy sa pag aaral nang hindi
ito matugunan ng kanilang mga magulang. Pero ngayon ay mas pinapahalagahan na ng
mga tao ang pagprotekta at paglinis ng ating kalikasan dahil malaki ang naitutulong nito sa
atin. Mas naging aktibo ang ating mga mamamayan sa pag ayos at paglinis sa kanilang
mga kalat at dumi upang mas ma ipreserba ang kalinisan ng ating paligid at nang
mapapakinibangan nila ang mga positibong epekto nito.

Paano mo napahalagahan ang kalikasan sa panahon ng pandemya?

Dahil sa ating pandemya ay mas aking napahalagahan ang ating kalisan dahil marami
itong na naibibigay na bagay na pwede nating mapapakinabagan. Isa ito sa mga solusyon
upang manatilingin malinis at maayos ang kating kapaligiran upang hindi lumala lalo an
gating sitwasyon ngayong pandemya. Nagbibigay rin ito ng mga positibing epekto sa ating
sarili sa pisikal man na pang anyo at pati narin sa ating pag iisip. Pinahalagahan natin ito
dahil ito ay ating responsibilidad bilang mga tao, at nang makatulong ito sa ating
pamumuhay sa mga paparating na panahon.

You might also like