Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES DEPARTAMENTO NG FILIPINO Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021
PANGALAN: Ryann Claude S. Sionosa SEKSYON: 35J
PAMAGAT NG GAWAIN: Plantitos at Plantitas
Sa Panahon Ng Pandemya- Novaliches Quezon City PETSA: 10/15/2021
Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kalikasan?
Ang ating mga kababayan natin ngayon sa panahon ng pandemya ay naghahanap at
nagpupursigi na makahanap ng diskarte upang matugunan ang pang araw-araw na pangagailangan. Dahil sa hirap ng buhay dulot sa covid-19 ay nagpasya at nagtulongan ang mga tao sa pag gawa ng sarili nilang pantustos sa kanilang pamumuhay. At dahil rin sa pandemya ay nahirapan ang ating mga kababayan sa trabaho, pag-aaral, negosyo, mga aktibidad, at pati narin ang mga tao na naninirahan lamang sa kanilang tahanan. Hindi rin nakatulong ang paglungsad ng mga patarakan na nag lilimit sa mga aktibidad at pag galaw ng mga tao upang hindi lumala ang pag kalat ng virus, at dahil dito ang ating bansa ay nasa krisis kaya’t maraming tao ang nagdurusa nang dahil sa pagkawala ng kanilang mga trabaho at negosyo. Pati na rin ang mga istudyante ay nahihirapan din sa pag adjust sa online or virtual class kaya marami rin ay hindi na nagpatuloy sa pag aaral nang hindi ito matugunan ng kanilang mga magulang. Pero ngayon ay mas pinapahalagahan na ng mga tao ang pagprotekta at paglinis ng ating kalikasan dahil malaki ang naitutulong nito sa atin. Mas naging aktibo ang ating mga mamamayan sa pag ayos at paglinis sa kanilang mga kalat at dumi upang mas ma ipreserba ang kalinisan ng ating paligid at nang mapapakinibangan nila ang mga positibong epekto nito.