You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII (Central Visayas)
Division of Bais City
MAYOR PRAXEDES P. VILLANUEVA II MEMORIAL HIGH SCHOOL
Tamisu, Bais City
Name: __________________________________________ Score: __________________

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


GRADE 9-CARREON
SY: 2021-2022
Quarter 1-Week 7
( October 25-29 , 2021)
8:00- 8:30 Wake up, make up the bed, eat breakfast, and get ready for an amazing day!
8:30-9:00 Have a short exercise/spiritual meditation/bonding with family.
9:00- 12:00 DISTRIBUTION OF SELF LEARNING MODULES TO PARENTS/GUARDIANS (For Monday Only)
Learning Area: ESP Day & Time: MONDAY (1:00 PM– 3:30PM) Mode of Delivery: Personal submission of output by the parent
to the teacher in school on Monday
Learning Competency SUMMATIVE TEST
Title/ Topic
Activity/ Learning Task:
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na
kasagutan.Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot
1.Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan
at binubuo ng lipunan ang mga tao.ito ay nangangahulugang:
A.Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B.Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aruga sa
kaniya;binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C.Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D.Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
2.Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
A.Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B.Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
C.Pakikinabang sa benepisyong hated ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito.
D.Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.
3.Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
A.Sa lipunan,ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay
ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
B.Sa lipunan,ang pangkat ng mga taoay may nagkakaisang interes,mithiin, at pagpapahalaga samantalang sa
komuidad,ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
C.Sa lipunan,ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad,ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
D.Sa lipunan,mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay may maliit na
pamahalaan.
4.Ang buhay ng tao ay panlipunan.Ang pangungusap ay:
A.Tama,dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
B.Tama,dahil lahat n gating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa.
C.Mali,dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
D.Mali,dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
5.Ang sumusunod ay element ng kabutihang panlahat maliban sa:
A.Kapayapaan
B.Katiwasayan
C.Paggalang sa indibidwal na tao.
D.Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat.
6.”Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo
para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A.Aristotle
B.St.Thomas Aquinas
C.John F. Kennedy
D.Bill Clinton
7.Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
A.kapayapaan
B.kabutihang panlahat
C.katiwasayan
D.kasaganaan
8.Ano ang kabutihang panlahat?
A.Kabutihan ng lahat ng tao
B.Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng Lipunan
C.Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D.Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
9.Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa
Tunguhin ng bawat indibidwal.Ang pangungusap ay:
A.Tama,dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
B.Tama,dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
C.Mali,dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
D.Mali,dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
10.Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig s alipunan. Ang pangungusap ay:
A.Tama,dahil ito ang mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao lipuan ayon sa Likas na Batas
C.Mali,dahil sa kalayaan,masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay,masasakripisyo
ang kabutihan ng indibidwal
D.Mali,dahil sa kalayaan,masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-
pantay,masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

II. Enumerasyon

11-13 ( Ibigay ang Mga hadlang sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat)

11

12

13

14-16 ( Ibigay ang Mga Kondisyon sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat)

14

15

16

17-19 ( Ibigay ang Mga element ng Kabutihang Panlahat)

20-24 ( Ibigay ang mga Halimbawa na karaniwang sinusukat ang kabuuang Pokus ng Lipunan)

20

21

22

23

24

25 Ano ang Hamon ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy?

Prepared by: SHEILA MAY U. CARREON


SST-II

Quality Assured by: SHEILA MAY U. CARREON


QA Member

Noted by: MARIA THERESA C. FUENTES


School Head

Date:

Parent’s Signature:_______________________

You might also like