You are on page 1of 1

Ang Makulit na Bola

Isang araw may isang bola na ang pangalan ay Baste, “Anak uwi na kakain na!” sigaw ng
kanyang ina, “Ayaw ko pa!”pasigaw na sagot ni Baste. Siya ay may sobrang kulit na
ugali at walang pinakikinggan. Ang kaniyang mga magulang ay hindi niya rin sinusunod
sapagkat ang nais niya ay siya lang ang dapat magdesisyon para sa kanyang sarili ngunit
kahit ganoon siya ay mahal na mahal pa rin siya ng kanyang mga magulang. Palagi
siyang pinapayuhan ng kaniyang ina na huwag siyang maging makulit sapagkat baka siya
ay mapahamak. Umalis ang mga magulang ni Baste upang bumili ng kanilang makakain
sa bayan at pinaalalahanan ulit siya ng kaniyang ama, “Anak pupunta kami ng iyong ina
sa bayan upang mamalengke, dito ka lang sa bahay at huwag kang aalis, huwag ka ring
makulit at baka mapahamak ka!” anya sa kanya ng kanyang ama at tsaka umali. Pagka
alis napagka alis ng kaniyang mga magulang ay umalis na rin siya at nag punta siya sa
kanyang mga kaibigan at sila’y naglaro. Sa kabilang banda, nang umuwi na ang kaniyang
mga magulang galling palengke ay wala silang nadatingan. “Nasaan kaya ang anak natin”
tanong ng in ani Baste sa ama ni Baste “aywan ko ah! Magkasama tayo diba “ pabirong
sagot ng am ani Baste .”ito naman nakuha pang mag biro”sabi ng ina ni Baste .Walang
alam ang kaniyang mga magulang kung saan siya nag punta sapagkat hindi ito nagpaalam
.Sakabilang dako ,si Baste ay nagsasaya kapiling ng kaniyang mga kaibigan “yehey!
yehey! “masayang sigaw ni Baste habang silay ay naglalaro ng pataasan sa
pagtalon.Habang sila ay naglalaro hind napansin ni Baste ang isang matulis na kahoy
,siya ay nasugatan at nabalatan ang kanyang katawan .Labis ang pag iyak ni Baste nang
siya ay nasugatan at kaniyang napagtanto na dapat ay sinusunod nya lamang ang kanyang
magulang.Hinanap ni Baste ang kanyang mga magulang at ilang sandali ay Nakita nila
itong umiiyak .Nilapitan nila ito at tinanong “Anak,bkit ka umiiyak?” naluluhang tanong
ng kanyang ina “Habang naglalaro po kase kami ay hindi ko po napansin ang matulis na
kahoy at iyo nasugatan at nabalatan ako” ,ginamot ng kanyang magulang ang sugat ni
Baste at tsaka umalis .Nang sila ay nakarating sa kanilang bahay ,humingi ng tawad si
Baste sa kanyang mga magulang ,”patawad po sa mga nagawa ko pong mga kamalian sa
inyo ,asahan nyo pong hindi na ako magiging makulit at pasaway ,palagi na rin po akong
susunod sa inyong mga inuutos, patawad po ulit,” sabi ni Baste . “ayos lang ito anak
basta di mo na ito uulitin,” sagot ng kaniyang ama sabay nagyakapan silang lahat. Simula
noon nagbago si Baste, hindi na siya nagging makulit at sumusunod na sa kanyang mga
magulang. Tuluyan ng nagbago si Baste.

ARAL: Huwag tayong maging makulit at palaging sumunod sa ating mga magulang.

You might also like