You are on page 1of 1

7 patay sa kaguluhan malapit sa Kabul Airport.

August 22, 2021

Sa London, United Kingdom namatay ang pitong Afghan civilians dahil sa nangyaring
kaguluhan malapit sa Kabul Airport matapos magtangkang tumakas ang libu-libong tao sa
bansa, ayon sa British defense ministry nitong Linggo.

“Our sincere thoughts are with the families of the seven Afghan civilians who have sadly died in
crowds in Kabul,” ayon sa Ministry Spokesman.

Nahihirapan umano ang United States at ang mga kaalyado sa maraming bilang ng tao na
sinusubukang makapasok sa evacuation flights isang linggo matapos sumalakay ang mga
Taliban.

Bulkan sa Indonesia, sumabog!


August 12, 2021

Sa Jakarta at Indonesia ay sumabog ang pinaka aktibong bulkan na nag-ngangalang


Mount Merapi na nasa pagitan ng Central Java at Yogyagarta, nitong Lunes, Agosto
16. Nagbuga ng makapal na abo ang bulkan na may taas na 3.5 na kilometro at
bumalot sa mga komunidad.

Binalaan naman ng pamahalaan ang mga residente na iwasang lumapit o pumasok sa


loob ng ipinaiiral na 5-kilometer radius permanent danger zone dahil sa panganib nito.

28 patay sa fuel tank explosion sa Lebanon.


August 15, 2021

Sa Lebanon ay umabot na sa 28 ang nasunog nang buhay at 79 ang nai-ulat na


nasugatan matapos sumabog ang isang fuel tank na puno ng gasolina na
ipinamamahagi sa mga residente sa Beirut nitong Linggo ng madaling araw.

Sa pahayag ni Health Minister Hamad Hassan, nakapila na ang mga residente at bitbit
ang kanilang plastic container sa tabi ng tangke ng gasolina sa Al-Tleil, Akkar region
nang bigla umanong may naghagis ng lighter hanggang sa tuluyang sumiklab ang
lugar.

Nagtakbuhan ang mga residente matapos nilang makitang nasusunog ang kanilang
mga kasamahan. Naiulat na 28 na kaagad ang nasawi sa insidente at 79 naman ang
nasugatan matapos malapnos ang kanilang katawan. Sa report ng militar, ang nasabing
fuel tank ay nakumpiska nila sa ikinasang sunud-sunod na pagsalakay sa gas stations
sa lugar upang malansag ang hoarding o pagtatago ng produkto nito kasunod na rin ng
desisyon ng Central Bank na ibinasura ang subsidiya ng mga produktong petrolyo.

You might also like

  • Pantahanan
    Pantahanan
    Document1 page
    Pantahanan
    Camille Elacan
    No ratings yet
  • Jms Doc1
    Jms Doc1
    Document8 pages
    Jms Doc1
    Camille Elacan
    No ratings yet
  • Jms Doc
    Jms Doc
    Document8 pages
    Jms Doc
    Camille Elacan
    No ratings yet
  • CAJOTOC
    CAJOTOC
    Document6 pages
    CAJOTOC
    Camille Elacan
    No ratings yet
  • AP
    AP
    Document4 pages
    AP
    Camille Elacan
    No ratings yet