1. Paano makakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pagiisip sa isang magaaral ng
senior high? A ng mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay -akademiko at maging sa gawaing di - akademiko. Nagtutulungan ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.Sa Akademiya ,ang mga katangiang ito ay nilinang at pinauunlad sa mga mag-aaral.Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo , trabaho at araw-araw na pamumuhay