You are on page 1of 2

Dauin Science Senior High School

Senior High School ng Agham Teknolohiya Inhenyero at Matematika


KAGAWARAN NG FILIPINO
Negros Oriental
Pangalan:
Rhea Jane A. Avanzado

Konseptong Papel Sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik

Paksa: Epekto ng Bullying sa mga Mag-aaral

Rasyonal
Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng
bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na
pag-ikot ng mundo kasabay ngmabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang
bagay sa kanyang paligid, laganap ang isang dipangkaraniwang suliranin na
kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito.Ang kabataan ay
namulat sa tinatawag na “bullying”. Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha
sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sakanila, mga nagaganap sa kanyang
sarili o kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaringnakakaapekto sa
bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan, at
pagkaligalig(istres o presyon). Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay
isang agresibong pag-uugali nanagdudulot ng negatibong epekto sa taong
dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sadepresyon na maging sanhi ng
pagkawalang-tiwala sa sarili odi kaya ay pagkamatay.Nakakagambala ito sa
kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal atmaging
sa batang naaapi.

Layunin
Ang “bullying” o panloloko sa kapwa ay isang seryosong usapin na
dapattalakayin upang sa gayon ay maiwasan na ang mga gawaing ito
nanakakapagpahamak sa maraming tao. Sa ganitong uri ng problema marapat
na lamangna bigyan na karapatang solusyon na maaring magamit ng bawat isa
sa atin upangmaprotektahan natin angating sarili laban sa ganitong gawain. Ang
pag-aaral sa“bullying” ay tatalakay sa malawakang suliranin na ito kung saan
maraming kabataanang nadadamay at nasasaktan. Layunin nito na magbigay ng
kongkretong solusyonpara sa bawat isa.

Metodolohiya
Sa gagawing pag-aaral ngmananaliksik siya ay gagamit ng iba’t ibang
uri ng paraan upang makapangalap at mangolekta ng datos. Isang paraan ang
pagsasarbey. Magsasagawa ng pagsasarbey ang mananaliksik sa iba’t ibang
estudyanteukol sa mga maaring epekto ng bullying sa mga mag-aaral.

Inaasahang Bunga

  Sa pang araw- araw na pamumuhay, naoobserbahan ng mananaliksik


na maraming mag-aaral ang nakakaranas ng bullying. Inaasahan ng
mananaliksik na magbabago ang mga ugali ng mga mag-aaral na nambubully.
Inaasahan din ng mananaliksik na sana ang bullying ay mahinto na dahil hindi
biro ang problemang ito. Sana ay may magawa din silang maganda sa
kanilang mga kapwa.

You might also like