Gel Module1 Fil1

You might also like

You are on page 1of 6

Unit Mga Konseptong Pang wika

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng


Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |1

INFORMATION SHEET PR-1.1.1


“Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa”

DESCRIPSYON NG KURSO
Ang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino o KOMFIL ayisang praktikal na
kursong nagpapalawak at nagpapalalim sakontekstwalisadong komunikasyon sa wikang
Filipino ng mga mamamayangPilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular , at sa
buonglipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrongkasanayang
pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamitng iba’t ibang tradisyonal at
modernong midya na makabuluhan sakontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Mga Layunin:Kaalaman:
Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisangwika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sabuong bansa.
Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikangpambansa, pagpapatibay
ng kolektibong identidad, at pambansangkaunlaran.Kasanayan:
Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyongpangkomunikasyon sa lipunang
Pilipino.
Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitanng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino
.Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ngimpormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang

konteksto.Halagahan:
Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ngmga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sapakikipagpalitang-ideya.

Noong Hulyo 15, 1997, nilagdaan ng dating Pangulong Fidel Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041
na higit na magtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga
natatanging programa para sa buong buwan ng Agosto, mula sa dating isang linggong pagdiriwang
lamang.
Ang hakbang na ito ang nagsilbing muling pagkilala sa pagtataguyod ng dating Pang. Manuel
Quezon sapagkakaroon ng sariling wikang magbubuklod sa isang bansang pinaghihiwa-hiwalay ng
kanyang heograpiya, kasaysayan, at kultura. Bilang pag-alala sa kanyang kaarawan sa Agosto 19, kinilala
ang Tomasinong ito bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Sa kasalukuyan, pinangungunahan ng KomisyonsaWikang Filipino (KWF), sa pakikipag-ugnayan
sa Department of Education, Culture and Sports (DECS), ang pangangasiwa ng mgaprograma para sa
buwangito.
Sa adhikaing mapayaman lalo ang wika, nagtatag ang KWF ng 21 sentro o Departmento ng
Filipino samga piling pampublikong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Sa pamamagitan nito,
magiging mas madali ang pakikipag-ugnayan ng mga paaralan sa KWF tungkol sa pagpapatupad ng mga
proyektong kanilang inihanda.
Bilanggantimpala, naglalaan ang KWF ng sampunglibong piso para sa mga sentrong nakagawa ng
mga pananaliksik at ang nasabing halagarin ang magiging pondo para sa mga patimpalak ng sentro.
Hindi nakasama sa mga sentro ng KWF ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa pagkat
binibigyan sila ng kalayaang sundin o hindi ang mga proyekto ng KWF.
Sa kabuuan, sinusuportahan ng KWF ang layuning mapalaganap ang mataas na antas ng
paggamit ng wikang Filipino upang magsilbing modelo ang mga guro nito sa kanilang estudyante at
karaniwang tao at upang higit na makahikayat nasundan at mapag–ibayo ang mga produktibong gawain
para sa paglinang ng sariling wika.

KAHULUGAN NG WIKANG PAMBANSA


Ang pambansang wika ay nakilalang Pilipino noong 1961.Ang Pambansang Wika ay ang
wika o diyalekto na kumakatawan sa isang bansa. Ang pambansang wika ay ang opisyal na wika
na ginagamit ng isang bansa. Ang pambansang wika ay maaring isa o higit pang mga wika na
APPROVED FOR IMPLEMENTATION:
st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng
Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |2

sinasalita bilang unang wika sa teritoryo ng isang bansa at ang wika na ito at itinatalaga sa batas
bilang pambansang wika ng bansa.

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA


Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay tumutulong upang magkaroon ng pagkakaisa
ang mga mamamayan at ito din ay nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba't ibang aspeto sa
ibang bansa. Sa pamamagitan nito, nakakatulong ito upang magkaroon ng magandang
transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang pilipino ang
makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating
ekonomiya.

PAMBANSANG WIKA
Ang Filipino, Wikang Filipino, ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino
kasama ang Ingles, bilang isang opisyal na wika ng bansa.Isa itong pamantayang uri ng wikang
Tagalog, isang pang-rehiyong wikang Austronesyo na malawak na sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24
milyon katao o mga nasa sangkapat ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang nagsasalita ng
Tagalog bilang unang wika, habang nasa 45 milyong katao naman ang nagsasalita ng Tagalog
bilang ikalawang wika sang-ayon noong 2013. Isa ang Tagalog sa185 mga wika sa Pilipinas na
tinukoy sa Ethnologue. Sa pagka-opisyal, binibigyan kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) bilang "ang katutubong diyalektong sinasalita at sinusulat, sa Kalakhang
Maynila, ang Pambansang Rehiyong Kapital, at sa mga ibang sentrong urbano ng
kapuluan."Noong 2000, higit sa 90% ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog,
tinatayang nasa 80% ang nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles.

Ang Filipino, tulad ng ibang wikang Austronesyon, ay karaniwang ginagamit ang pagkakaayos na
verb-subject-object o pandiwa-paksa-bagay subalit maari din gamitin ang pagkakaayos na
paksa-pandiwa-bagay. Ang direksyon nito ay puno-muna (head-initial directionality). Isang
aglutinatibong wika ito nguint maaring taglayin nito ang impleksyon. Hindi ito wikang tonal at
maaring ituring ito bilang isang wikang tonong-punto (pitch-accent).

Opisyal na hinango ang Filipino upang maging isang wikang plurisentriko, habang pinagyayaman
at pinapabuti pa nito ang iba pang mga wika sa Pilipinas sang-ayon sa mandato ng Konstitusyon
ng 1987. Naobserbahan sa Kalakhang Cebu at Kalakhang Davao ang paglitaw ng mga uri
(varieties) ng Filipino na may katangiang pambalarila na iba sa Tagalog. Kabilang ang mga lugar
na ito at ang Kalakhang Maynila sa tatlong pinakamalaking kalakhang lugar sa Pilipinas.
PAGTALAKAY HINGGIL SA BATAS PANGWIKA.

Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming wikaing ginagamit. Dahilsa pagkakaiba-iba


ng mga wika, na tinatawag na dayalekto, naging mabagalang pagsulong ng bansa. Kaya naman
si Pangulong Manuel L. Quezon aynagsikap na magkaroon ang mga Pilipino ng sariling wikang
Pambansa.Kaya siya ay tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Mula noon hindi nanaging
mahirap ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ng mga Pilipino.

Subalit, ito rin ang naging ugat ng napakaraming isyu o usapinhinggil sa wikang
Pambansa, noon hanggang sa kasalukuyan. Lalongnaging mainit ang usapin hinggil dito sa
pagpapalabas ng Memorandum ngCHED blg. 20, serye 2013, na nagsantabi sa pagturo ng
Filipino bilangrequiredsubjectsakolehiyo.

 Walang katotohanan na noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang
wikang pambansa. Wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o
magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika.

 Isa sa naging mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa UnangPambansang


Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindina dapat ipaliwanag pa, na ang

APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng
Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |3

mga mamamayang may isangnasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay


ng wikangsinasalita at nauunawaan ng lahat.”

 Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mgadiyalekto sa


pangkalahatan para sa layuning magpaunlad atmagpatibay ng isang pambansang
wikang batay sa isa sa mga umiiralna wika” (Batas Komonwelt Blg. 184). Ang
pagpili ng isangpambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng
estruktura,mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng
malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog angnapili.

 Noong 13 Disyembre 1937, pinagtibay ang Tagalog “bilang batayanng wikang pambansa
ng Filipinas” (Kautusang Tagapagpaganap Blg.134). Ngunit magkakabisa lamang ang
nasabing kautusan pagkaraanng dalawang taon, at ganap na masisilayan noong
1940.

 Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyonnoong 13 Agosto


1959, na tawaging “Pilipino” ang “WikangPambansa.” (Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7).

 Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng SaligangBatas ng 1986, at sa


naturang batas din kinilalang ang pambansangwika ng Pilipinas ay
“Filipino.”

 Habang ang Proklama Blg. 19 noong 1986 ay kumikilala sa WikangPambansa na gumawa


ng napakahalagang papel sa himagsikangpinasiklab ng kapangyarihang bayan na
nagbusod sa bagongpamahalaan. Dahil ditto, ipinahayag na taun-taon , ang
panahongAgosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging PangulongManuel L.
Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ayLinggo ng Wikang Pambansang
Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahatng mga mamamayan sa buong bansa, sa
pangunguna ng pamahalaanat mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba’t ibang
larangan ngbuhay.

 Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong14 Agosto 1991, na
nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang
makapagmumungkahing mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil sa mga
wika,lalo na sa paggamit ng Filipino bilang pambansang wika.

PAGTALAKAY SA MGA BATAS SA PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO


Kautusang Pangkagawaran at Sirkular Blg. 26 (1940) – ipinag-utosang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ngpampubliko at pribadong paaralan at sa mga
pribadong institusyongpasanayang pangguro sa buong bansa (kwf.gov.ph/kasaysayan-at-
mandato/)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 74 - Mother tongue hasedmultilingual education


ang ituturo sa preschool-ikatlong baitang. Sakautusang ito nakapaloob na ang unang wika ang
gagamiting wikangpanturo. (http://www.deped.gov.ph/2009/07/14/do-74-s-2009-
institutionalizing-mother-tongue-based-multilingual-education-mle/)

Memorandum ng CHED Blg. 20, serye 2013 - Sa paglabas ng CHEDMemorandum Order


No. 20, series of 2013, binabalangkas angbagong General Education Curriculum na nagsantabi
sa pagturo ngFilipino bilang required subject sa kolehiyo. Sanhi nito, nagkaisa angmga guro ng

APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng
Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |4

wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino namanindiganlabansapolisiya.


(https://upd.edu.ph/~updinfo/jun14/articles/Bantay%20Wikang%20Filipino.pdf)
Memorandum ng CHED Blg. 57, serye 2017 – pagpapanatili ngasignaturang Filipino sa kolehiyo
bilang bahagi ng new generaleducation curriculum na ipatutupad sa taong 2018.
(http://newsinfo.inquirer.net/907311/ched-to-keep-filipino-in-curriculum)

Batis ng Impormasyon:
https://www.slideshare.net/ReinaFebCernal/antas-ng-wika-80045513?qid=af7e0ad5-de0a-
41ba-8927-9bc78291b235&v=&b=&from_search=1
https://www.slideshare.net/ReeHca/paggamit-nang-wasto-ng-antas-ng-pang-uri-sa-
paglalarawan-sa?qid=af7e0ad5-de0a-41ba-8927-9bc78291b235&v=&b=&from_search=2

APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng
Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |5

SELF-CHECK PR-1.1.1

A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.


1. __________________ Petsa noong nilagdaan ng dating Pangulong Fidel Ramos ang
Proklamasyon Blg. 1041 na higit na magtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagdaraos ng mga natatanging programa para sa buong buwan ng
Agosto, mula sa dating isang linggong pagdiriwang lamang.
2. __________________ Ang hakbang na ito ang nagsilbing muling pagkilala sa
pagtataguyod ng dating Pang. Manuel Quezon sapagkakaroon ng sariling wikang
magbubuklod sa isang bansang pinaghihiwa-hiwalay ng kanyang heograpiya,
kasaysayan, at kultura.
3. __________________ kinilala ang Tomasinong ito bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
4. __________________ Departmento ng Filipino samga piling pampublikong kolehiyo at
unibersidad sa buong bansa.
5. __________________ Sa kabuuan, sinusuportahan ng KWF ang layuning ano.

SELF-CHECK ANSWER KEY PR-1.1.1

1. Hulyo 15, 1997


2. Proklamasyon Blg. 1041
3. Agosto 19
4. nagtatag ang KWF ng 21 sentro
5. Mapalaganap ang mataas na antas ng paggamit ng wikang Filipino upang magsilbing
modelo ang mga guro nito sa kanilang estudyante at karaniwang tao at upang higit na
makahikayat nasundan at mapag–ibayo ang mga produktibong gawain para sa paglinang
ng sariling wika.

APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mataas na Antas ng
Module
Edukasyon at Lagpas pa
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |6

STUDENT NAME: ________________ SECTION: __________________

PAMANTAYAN PARA SA PAGSUSURI SA NAKASULAT NA GAWAIN-1.2.1


KRITERIA
PAGMAMARKA
Ako ba ay. . . 1 2 3 4 5
1. Pokus - Ang nag-iisang punto ng pagkontrol na ginawa gamit ang isang
kamalayan ng gawain tungkol sa isang tiyak na paksa.

2. Nilalaman - Ang paglalahad ng mga ideya na binuo sa pamamagitan ng


mga katotohanan, halimbawa, anekdota, detalye, opinyon, istatistika,
mga dahilan at / o opinyon
3. Organisasyon - Ang pagkakasunud-sunod ay nabuo at nagpapanatili sa
loob at sa buong talata gamit ang mga transitional aparato at kasama
ang pagpapakilala at konklusyon.
4. Estilo - Ang pagpili, paggamit at pag-aayos ng mga salita at istruktura ng
pangungusap na lumilikha ng tono at boses.
5. Mga Kombensiyon - Gramatika, mekanika, pagbabaybay, paggamit at
pagbuo ng pangungusap.
TEACHER’S REMARKS:  QUIZ  RECITATION  PROJECT

GRADO:

5 - Napakahusay na Ginampanan
4 - Napaka-kasiya-siyang Pagganap
3 - Masisiyahang Pagganap
2 - Patas na Ginampanan
1 - Mahinang Ginampanan

_______________________________
TEACHER

Date: ______________________

APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


st
WEEK 1
PRELIMS
1 Meeting MR. WILBERT A. MAÑUSCA
School Director

You might also like