You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

School Year 2021-2022


Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naibibigay ang kahulugan ng kolonyalismo
 Naipaliliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol
 Natatalakay ang konteksto ng kolonyalismo sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas
 Nakabubuo ng maikling sanaysay tungkol sa kolonyalismong Espanya
.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Ekspedisyon ng Espanya sa Pilipinas
B. Sanggunian: Kayamanan (Batayang Aklat) pahina 122-124
C. Kagamitan: Laptop
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalayaan, Nasyonalismo
E: Konsepto: Ang Ekspedisyon ng Espanya sa Pilipinas ay nagbigay daan upang makatuklas pa sila ng
mga lupain at maging isang kolonya nila.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin Pagdarasal
2. Pagbati sa Guro Tugon ng mga mag-aaral
3. Pagtala ng Liban Tahimik na nakaupo at nakikinig

B. Balik-Aral
Nakaraang Paksa: Kultura ng Sinaunang Pilipino
Mga bata, ano nga ibig sabihin ng kultura? Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng
isang pangkat ng mga tao.

Ano ang 2 uri ng kultura? Materyal at Di- material


Tama!
Magbigay ng halimbawa ng materyal at di- Materyal (tirahan, kasuotan at mga kagamitan)
materyal na kultura. Di-materyal (kaugaliang tradisyon,paniniwala sa
batas at wika)
Magaling! Tama ang inyong mga nabanggit.

C. Pagtatalakay
(Magpapakita ng iba’t-ibang larawan na may
kaugnayan sa Espanya)

by Unknown by Unknown
Ang mga larawang iyan ang may malaking Author is Author is licensed
licensed under
under
kaugnayan sa ating talakayan natin ngayon tungkol
sa Ekspedisyon ng Espanya sa Pilipinas.
Ekspedisyon - tawag sa paglalakbay o paglalayag
sa karagatan ng mahabang panahon. Layunin nitong
makatuklas ng bago at mas mabilis na ruta sa
paglalayag.
Pananakop - tumutukoy sa akto ng tuwiran,
tahasan, ‘di-tuwiran, marahas, o tahimik na pagkuha
o pag-angkin ng isang teritoryo o pagsupil sa mga
grupo ng tao.
Portugal – mahigpit na kalaban ng bansang
Espanya

(powerpoint presentation)

Nakilala ang Asya at Europa sa pakikipagkalakalan.


Ang mga kalakal na galing sa Silangan ay seda,
alpombra, mga bungangkahoy, mamahaling bato at
alahas at mga pampalasa sa pagkain ng tulad ng
paminta, luya at cinnamon.

by Unknown
Author is
licensed under

Noong taong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa


Europa na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Gusto
nilang madagdagan ang kanilang kayamanan at
kapangyarihan kaya sinakop nila ang ibang lugar at
dito nabuo ang kolonyalismo.
Ano ba ang Kolonyalismo?
- ito ay tumutukoy sa pananakop at pag-angkin ng
-ito ay tumutukoy sa pananakop at pag-angkin ng
mga lupang matutuklasan. Gumamit sila ng dahas
mga lupang matutuklasan. Gumamit sila ng dahas
upang masupil ang mga taong tumanggi sa kanilang
upang masupil ang mga taong tumanggi sa kanilang
pananakop.
pananakop.
Ano nga ba ang mga dahilan at layunin ng mga
Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
- ninais nila na maging pinakamayaman
- pinakamakangyarihan sa buong mundo - ninais nila na maging pinakamayaman
- ipalaganap ang Kristiyanismo - pinakamakangyarihan sa buong mundo
- ipalaganap ang Kristiyanismo
Ang kalakalan sa pagitan ng Europa at Silangan ang
nagapaunlad sa komersiyo. Dumami ang mga bangko
at lumaki ang puhunan.
Nagkaroon ng mga bagong tuklas at mahahalagang
kaalaman at kagamitang pang heograpiya tulad ng
mapa, kompas at iba pang mga kagamitan sa
paglalakbay ay nakatulong sa mga taga Europa na
dayuhin ang iba’t-ibang bahagi ng mundo at
sumakop ng mga lupain.

Mapa kompas astrolabyo

Nagpadala si Prinsipe Enrique ng Portugal ng mga


minerong Portuges sa iba’t-ibang lupain at
nadiskubre nila ang:

1434 - Aprika
1488 - Cape of Good Hope
1498 - India
1500 - Brazil

Dahil sa paglaganap ng Portugal sa ibat ibang


lupain, ninais na rin ng hari at reyna ng Espanya na
makatuklas ng mga bagong lupain.

1492 – natuklasan ni Christopher Columbus ang


Amerika para sa Espanya.

•Upang matigil ang paligsahan ng 2 bansa,


naglathala ng kautusan si Pope Alexander VI noong
May 3, 1493 na kumilala sa karapatan ng Espanya sa
lahat ng mga lupaing sinakop nito sa Amerika.
Pope Alexander VI

Demarcation Line – naghahati sa north at south


pole

Silangan – Portugal
Kanluran – Espanya

•September 26, 1493– nagpahintulot sa Espanya na


paabutin ang kapangyarihang saklaw nito sa lahat ng
mga lupaing matutuklasan sa silangan kabilang ang
India.
Kasunduan ng Tordesillas - upang malutas ang
sigalot ng dalawang bansa nilagdaan ang kasunduang
yan noong Hunyo 7, 1494. Binago ang demarcation
line at naging 370 liga pakanluran ng mga isla ng
Cape Verde.

D. Paglalahat
Ilarawan niyo nga mga bata ang naging Nagsimula ang ekspedisyon ng Espanya sa
ekspedisyon ng Espanya at ang kanilang pamamagitan lamang ng pakikipagkalakalan sa Asya.
kolonisasyon. Naging masidhi ang kanilang interes ng malaman nila
ang kayamanan at kagandahan ng mga bagay mula
sa Silangan tulad na lamang ng mga alpombra, mga
mamahaling alahas at bato at ang pampalasa tulad
ng paminta, luya at cinnamon.
Ngunit dumating ang taon na nais ng mga Europeo
na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo kung kaya
sila ay nanakop at nang angkin ng mga lupain na
kanilang natuklasan.

Magaling!

E. Paglalapat
Batay sa ating natalakay, nagdulot ba ng kabutihan Opo dahil lumaganap ang Kristiyanismo.
ang kolonisasyon ng Espanya sa mga bansang Hindi dahil naging alipin sila ng mga Espanyol.
nasakop nila? Bakit? Oo dahil nakatuklas ng iba’t-ibang kagamitang pang
heograpiya.

F. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral,paano mo maipapakita o “Maipapakita ko ang pagmamahal ko sa bansa sa
mapapahalagahan ang pagmamahal mo sa ating pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga likas na
bayan? yaman na mayroon ang Pilipinas.”
Salamat sa inyong mga kasagutan! “Pagtatapon ng basura sa tamang lugar.”
“Papahalagahan at gagamitin ko rin ang wikang
Filipino.”

G. Pagtataya
Bumuo ng isang maikling sanaysay kung bakit ninais ng Espanya na magkaroon ng kolonya? (10 puntos)

H. Takdang Aralin
Pag-aralan ang susunod na aralin na ang tema ay Ang Ekspedisyon ni Magellan

Inihanda ni:
Kristine Anne P. San Juan
4 th yr. BEED

You might also like