You are on page 1of 5

Ateneo de Davao University

Senior High School


Bangkal Talomo, Davao City

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa Pangangailangan ng Kursong Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
(Filipino 11)

“Mga epektong nadudulot ng online class sa kalusugang pangkaisipan sa mga mag-aaral


ng 11- Pongracz ng Ateneo de Davao University Senior High School”

Ipinasa nina:
Revellame, Jullianne S.
Rizon, Luis Sebastian U.
Royo, Jahna Raya A.

Ipinasa kay:
Bb. Stephanie Camille Nietes

Oktubre 2020
Rasyunale

Ang online class ay isang nababaluktot na sistema na tumutulong sa mga paaralan na nais

ipagpatuloy ang edukasyon para sa mga mag-aaral. Sa pagpasok ng Covid-19 sa bansa, nagsimula

na ang mga panibagong paraan upang mabuhay at maging ligtas laban sa nakakahawang sakit. Isa

na rito ang pagbubukas ng online class; at kung ano ang mga epekto ng teknolohiya at online class

sa kalusugang pangkaisipan sa mga mag-aaral mula sa ika 11 na baitang, Seksyon Pongracz ng

Ateneo de Davao University, Bangkal Campus.

Isa sa makabuluhang kinahinatnan ng online class ay ang epekto nito sa kalusugan ng mga

mag-aaral, partikular sa kalusugang pangkaisipan. Sa paglipas ng panahon, dumarami na ang

bilang ng mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya. Ang paggamit ng teknolohiya at

pagsasaisip ng mga dapat isumite, lalo na sa mga akademikong gawain ay nasasabing isang dahilan

kung bakit dumadanas ng depresyon, balisa, hindi kumakain ng tama, at istress ang mga mag-

aaral.

Sa pamamagitan ng online survey, malalaman ng mga mananaliksik ang kalagayan ng mga

mag-aaral tungkol sa kanilang kalusugang pangkaisipan at ang kanilang pananaw sa online class.

Maliban dito, malalaman din namin ang bilang ng mga mag-aaral na talagang apektado sa online

class at dumadanas ng problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kalusugang pangkaisipan ng mga

mag-aaral ng 11-Pongracz ng Ateneo de Davao University Senior High School at kung ano ang

epekto ng online class sa kanilang kalusugan. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tayahin ang

epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Makakatulong din itong

pananaliksik na ito upang makalap ang impormasyon kung talagang naaapekto ang kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral sa online class.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impresyon hinggil sa epekto ng online

class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral na mula sa 11-Pongracz ng Ateneo de Davao

University Senior High School at naglalayong matugunan ang mga sumusunod:

a. Malaman ang bilang ng mga mag-aaral na apektado sa online class at dumadanas ng

problema sa kalusugang pangkaisipan.

b. Paano naapektuhan ang kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa online class.

Metodolohiya

Sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik, diskriptibong pananaliksik ang gagamitin

dahil tumutulong ito upang mas maintindihan ang kahalagahan at magbigay ng pananaw tungkol

sa nagawang pananaliksik. Ang paraan na gagamitin upang makapangalap at mangolekta ng datos

ay sa pamamagitan ng online survey gamit ang google forms. Magsasagawa ng pagsasarbey ang

mga mananaliksik para sa mga mag-aaral mula sa 11-Pongracz ng Ateneo de Davao University

ukol sa mga maaaring epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan. Sa mga sagot ng mga

mag-aaral, ay itatala ng mga mananaliksik ang mga tugon tungkol sa mga epekto ng online class

sa kalusugang pangkaisipan. Malalaman din ng mga mananaliksik problema na dinaranas ng mga

mag-aaral tungkol sa kalusugang pangkaisipan sa online class.

Inaasahang Bunga

Sa pang araw-araw na pamumuhay, naobserbahan ng mga mananaliksik na maraming mag-

aaral ang dumadanas ng problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan ng dahil sa online class.

May mga mag-aaral na naiistress at nagiging balisa, ngunit mayroon din mga mag-aaral ang medyo

nasisiyahan sa online class. Sa pananaliksik na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na magiging


tapat ang mga mag-aaral sa kanilang tugon tungkol sa epekto ng online class sa kalusugang

pangkaisipan. Inaasahan ng mga mananaliksik na malaman kung ano ang epekto ng online class

sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral ng 11-Pongracz ng Ateneo de Davao University.


Talasanggunian

Minutillo, S., Cleary, M., & Visentin, D. (2020b). The Mental Health of Online Learners within

the Educational Sector. Issues in Mental Health Nursing, 41(10), 963–965.

https://doi.org/10.1080/01612840.2020.1776552

Lee, J. (2020). Mental health effects of school closures during COVID-19. The Lancet Child &

Adolescent Health, 4(6), 421. https://doi.org/10.1016/s2352-4642(20)30109-7

Han, M., & Pong, H. (2015). Mental Health Help-Seeking Behaviors Among Asian American

Community College Students: The Effect of Stigma, Cultural Barriers, and Acculturation.

Journal of College Student Development, 56(1), 1–14.

https://doi.org/10.1353/csd.2015.0001

Tiene, D. (2000, January 1). Online Discussions: A Survey of Advantages and Disadvantages

Compared to Face-to-Face Discussions. Retrieved from

https://www.learntechlib.org/p/9551/

Caalaman, L. (2020, May 24). Pahirap na lockdown, dulot ay pahirap na online class sa mga

mag-aaral ng FEU. Retrieved from https://manilatoday.net/pahirap-na-lockdown-dulot-

ay-pahirap-na-online-class-sa-mga-mag-aaral-ng-feu/

You might also like