Professional Documents
Culture Documents
Kuyajen Castillion Brothers S4 FourthCastilliontxt - Version
Kuyajen Castillion Brothers S4 FourthCastilliontxt - Version
by Kuyajen
COMPLETED
Soon to be published in Elf King Publishing House
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Fourth Series
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Prologue
ISANG oras ang iginugol niya sa biyahe kahit na wala ng trapik dahil sa
kalayuan ng kanilang mansyon sa hotel na kinaroroonan niya kanina.
"Good evening este good morning boss." Napapakamot sa ulong salubong ni Ando,
ang kanilang head security bodyguard matapos nitong tignan ang relo. Ito ang
nagbukas ng gate para sa kanya.
Its 3:00 AM. Kaya umaga na nga.
Tango lang ang isinagot niya bago tuluyang ipasok ang sasakyan sa garahe ng
mansyon.
Tahimik na ang buong kabahayan kaya hindi na rin siya nag-abalang buksan ang
ilaw. Ramdam na niya ang labis na antok kaya ang sariling silid agad ang tinungo
para magpahinga.
Nasa second floor ng bahay ang kwarto nilang magkakapatid na tabi tabing
nakahilera. Agad naman niyang narating ang ikaapat na kwarto kung saan ay pag-aari
niya.
"Finally." Pagod niyang tugon sa sarili pagkatapos hubarin ang sapatos na suot
at pabagsak na humiga sa sariling kama. "I miss you." Bulong niya habang yakap
yakap ang unan.
Medyo matagal na rin simula ng magamit niya ang kwartong ito dahil sa pagiging
abala sa kanyang firm kaya wala na siyang panahong umuwi. Sa sariling condo na
lamang siya nagpapalipas ng gabi o sa mismong Law Firm dahil sa dami ng kasong
hinahawakan.
"Hmm." Kumunot ang kanyang noo dahil sa ungol na iyon na kung hindi siya
nakakamali ay nagmumula sa unang yakap yakap niya.
Nanlaki ang mga mata ng binata hindi pa man tuluyang nahahanap ang
pinanggagalingan ng ungol dahil sa pagtanday ng isang malambot na palad sa kanyang
dibdib.
"Shit!" He cursed, napagtanto niyang may ibang tao sa kama niya kaya mabilis
niyang binuksan ang ilaw.
Sa pagkakataong naging maliwanag ang paningin ay nagtagis ang kanyang mga panga
ng makita ang isang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
"Who the fuck are you?" Sigaw niya at wala siyang pakialam kung magising ang
ibang tao sa bahay na ito na malabong mangyari dahil sa laki ng kanilang mansyon.
Napasabunot siya sa buhok ng hindi manlang natinag ang babae, doon niya lang
nakitang napakahimbing ng tulog nito.
Gamit ang kanyang unan, ang kanyang kumot at ang kanyang kama. Nilamon siya ng
iritasyon dahil sa nasaksihan, ang pinakaayaw niya sa lahat ay may ibang taong
humihiga sa kama niya lalo na kapag babae at mas lalo kung hindi niya kilala.
Naikuyom niya ang kamao at malalaki ang hakbang na lumapit sa paanan nito bago
walang pakandungang hinila ang kumot na nakatakip sa katawan ng babae.
Natulos siya ng bumungad sa kanya ang hubad nitong katawan. Walang kahit na
anong takip ang buong parte nito lalo at tinanggal niya ang kumot. Kitang kita ng
dalawang mata niya ang pagsayad ng pagkababae nito sa unan niya na ginawa nitong
tandayan ng papuputing hita, nasa gitna iyon ng harapan nito.
Ilang ulit na napamura si Fourth, hindi niya mabilang kung ilang mura ang
lumabas sa kanyang bibig dahil sa nararamdamang pagkabuhay ng pagkalalaki at
biglang paglukob ng init sa kanyang katawan dahil sa tanawing nasa kanyang harapan.
Mahimbing pa rin ang tulog ng babae.
"Bro, are you there?"
Mabilis pa sa alas kwatrong muli niyang binalot ang kumot sa hubad na katawan
ng babae pagkarinig sa marahang katok at boses ni Fifth na nagmumula sa pinto ng
kanyang silid.
Kunot noong ibinalik niya ang kumot sa pagkakatakip sa katawan ng babae at
tumuwid ng tayo.
Napailing siya at mas lalong dumagdag iyon sa kanyang iritasyon dahil sa
paggamit nito ng kama niya ng walang permiso galing sa kanya. Siya namang pagpasok
ni Fifth.
"What are you doing here?" Malamig niyang tanong.
Nagtataka namang tumingin sa kanya ang kapatid. "Bakit ang init ng ulo mo?"
Napahilamos siya ng mukha. "Sino ang babaeng 'yan?" Tanong niya ulit.
Doon naman dumapo ang tingin ng kapatid sa babaeng nasa kanyang kama.
"Oh." Siguro'y nasagot na niya ang tanong nito dahil alam ng lahat na myembro
ng pamilya ang patakaran niya pagdating sa kanyang kwarto.
"Hot 'no?" Pang-aasar nito na mas lalong nagpabulusok ng kanyang inis.
Inambahan niya ito ng suntok.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 1
Fourth POV
EVER SINCE my life is boring. I don't want to talk because I'm lazy. I don't
want to smile. I don't want to think. I just want a peaceful life, a peaceful life
with her.
Just with her and I know I will be happy and contented.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling ngumiti. Hindi ko na matandaan
kung kailan ako naging totoong masaya. Napakatagal na siguro kaya ngayon hindi na
ako sanay na gawin ang mga bagay na may kaugnayan sa totoong ligaya dahil alam kong
wala na akong rason.
I really miss her. I miss her cute smile, her laughter, her small yet pretty
face. I miss having her around, hugging me while kissing my cheecks. I miss her
baby scent, I miss her long her, her giggle, her pouty lips and adorable gesture.
I really miss everything about her. She's my first love and I know she's the
last.
Kapag nag-uusap usap ang mga kapatid ko hindi ako madalas sumali kapag usaping
pag-ibig ang pinag-uusapan nila. Not because I don't believe in love but because
it's always reminds me about her.
I know the feeling of being in love kaya minsan lihim akong naiinggit sa mga
kapatid kong may asawa't mga anak na. While me, still alone and unhappy.
"I still remember your pretty face, my love." Hawak ang paint brush ay
nakatitig ako sa blangkong canvas na nasa harap ko.
I'm stressed and the only thing I want to do right now is to see her face. At
ito lang ang tanging paraan, she's always my stress reliever sa kahit anong bagay
na napagdadaanan ko. Bukod sa pagiging abogado na matagal ko ng pinangarap ay ang
pagpipinta ang isa pang mahal na mahal kong gawin. Kasi kapag nagpipinta ako
pakiramdam ko nasa tabi ko siya, nakayakap sa likod ko at masayang tumatawa.
Nagpatuloy ako sa pagpinta habang nakatatak sa isip ko ang mukha niya. At doon
hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Lahat ng bigat sa kalooban ko ay nawala
at napalitan ng saya. Siya lang ang may kakayahang pangitiin ako at kontento na ako
doon.
Palagi ko nalang inaalala ang una at huli naming pagkikita para makasurvive sa
araw araw kong buhay.
"Good morning everyone, good good morning. Good good morning, lalalala~" lahat
kami ay napatingin sa pintuan ng art room namin dahil sa matinis na boses na
kumakanta at kasabay n'on ang pagpasok ng isang batang babae.
Kulay purple at pink ang suot nitong dress habang ang mahahabang buhok ay
nakaponytail side by side. Ang sapatos niya ay color white at para siyang
prinsesang sumasayaw sayaw habang patingin tingin sa mga nagpipinta.
Malapad na malapad ang ngiti niya at pati ang mga mata ay kumikislap. Imbes na
mainis lahat kami ay napangiti pagkakita sa kanya, even our instructor hindi siya
sinaway kahit na napakaingay.
"Magandang umaga, magandang umaga." Patuloy siya sa pagkanta at mas lalo akong
napangiti ng marinig ang pagtatagalog niya na hindi tuwid ang pagsasalita.
Hindi ako masayahing tao pero pagkakita ko sa kanya ay bigla nalang gumaan ang
loob ko at nahawa ako sa maganda niyang ngiti. Ngumunguso pa siya habang parang
model na palakad lakad sa buong room namin.
Malapit na malapit siya sa kinauupuan ko at dahil sa pagdating niya ay hindi pa
ako nakakapagsimulang pagpinta ng art project namin. Pinulot ko ang paint brush
habang nakakatitig sa maganda niyang mukha. Kahit na malikot ang mga kilos niya ay
mabilis kong nakabisa ang bawat detalye ng mala anghel niyang mukha.
"Mabuti pa kayo you know how to draw." Ngumuso niya at humagikhik pagkakita sa
ipinipinta ng kaklase ko.
Ngayon ko lang siya nakita dito simula ng ipasok ako ni mommy sa art school.
Noong una ay ayaw ko dahil matanda na ako para sa bagay na ito pero ngayon mukhang
may rason na ako para ipagpatuloy ang pagpipinta.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 2
Demone POV
MALAWAK na malawak ang ngiti ko nang magising ako na hindi ang kwarto ko ang
nakita ko. Yehey! Wala ako sa bahay namin.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang humihikab. Tumalon talon ako sa ibabaw
ng kama at napapalakpak sa tuwa. Sa wakas pwede na akong lumabas kahit saan ako
magpunta.
"Hindi na ako nakakulong, eeh!" Panay ang sigaw ko dahil ang lambot lambot ng
kama. Mas malambot ang kama ko sa bahay namin pero masaya ako kasi hindi iyon ang
gamit ko.
Ginulo ko ang buhok ko at kumuha ng suklay habang naghehead bang na parang rock
star. Nakangiti akong pumikit at kumanta.
"I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in LOVEEEEEEE~"
Sigaw ko sa huling linya. Bumirit ako ng bumirit.
"What the hell do you think your doing?"
Napangiwi ako dahil sa galit na boses na narinig ko. Napatingin ako sa pinto ng
kwarto at doon nakita ko ang isang lalaking gwapo. No, hindi siya gwapo dahil
napakagwapo niya.
Napatili ako at tumakbo papalapit sa kanya dahil kamukha siya ng Castillion
brothers na nakilala ko kagabi ng dumating kami dito.
"Bonjour frére." Tuwang tuwang bati ko pero siya ay matalim lang ang tingin
sa'kin.
"Tsk. Nasa Pilipinas ka." Agad nitong sinarado ang pinto kaya napanguso ako.
"I know po, I'm here in the Philippines. Did you know that it's more fun here?"
"And did you also know that this is my room? So get out." Seryoso niyang sabi.
Nawala ang ngiti ko sa labi at agad akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi
niya. Kung sa kanya ang kwarto ko na ito it means na siya si Kuya Fourth? Sabi kasi
ni Tita kagabi ng dumating kami ay siya daw ang may-ari ng room at dito muna ako
dahil hindi naman daw ito uuwi.
But how come he is here?
"Pero sabi po ni Tita na dito po muna ang room ko because the guest's room daw
po ay hindi pa nalilinis and binati ko po kayo ng good morning kanina pero hindi pa
kayo sumagot."
Ang tingin niya sa'kin ay mas lalong sumama kaya nakagat ko ang mga labi ko.
Hindi siya nagsasalita pero mukha siyang kakain ng tao kaya medyo napaurong ako sa
kanya.
Naglakad siya papunta sa kama niya habang hindi ako pinapansin kaya mas lalo
akong nalungkot. Kagabi noong sinalubong kami ng mga kapatid niya masayang masaya
sila, they even hug me kaya akala ko gan'on rin siya kapag nakita ako pero parang
ayaw niya sa'kin.
"Kuya, I'm Demone po pala." Ngumiti ulit ako dahil naalala kong hindi niya pa
pala ako kilala. How rude of me.
"I don't care, just get out." Humiga siya na hindi pa rin kumikibo.
Bakit parang galit siya? It is because ginamit ko ang kama niya ng walang
paalam? Or maybe dahil naligo ako sa bathroom niya at ginamit ko ang shampoo niya?
I don't really know.
Naglakad ako papunta sa couch at hindi lumabas sa kwarto dahil wala akong
damit. Isang dress lang ang dala ko na siyang suot ko kahapon pagpunta namin dito
kaya hanggang ngayon ay nakahubad pa rin ako. Marumi na kasi ang dress ko na 'yon
at bilin sa'kin ni daddy na dapat hindi daw ako mag-uulit ng damit dahil masama daw
sa skin ko.
Napatingin tingin ako sa loob ng kwarto para maghanap ng magagawa pero
napanguso lang ako ng makitang walang halos gamit dito. Isang malaking kama, mga
unan at couch lang, well center table din at isang bookshelve na puno ng mga libro.
Kulay gray with mix of dirty white ang kulay ng room niya hindi kagaya sa room ko
na masasabing pambaae sa unang tingin palang.
Ang boring. Hindi tulad ng room ko sa bahay namin na
maraming barbies and disney dolls. May mga instrument din para magplay ako kapag
wala akong magawa.
Naiinip ako dahil napakatahimik ng lugar kaya tumayo ako at lumapit kay Kuya
Fourth na nakadapa pa rin sa kama at nakapikit ang mga mata. He's sleeping.
Napangiti ako at lumapit sa kanya dahil ang linis linis ng mukha niya tapos ang
gandang tingnan.
"Quit staring." Napatayo ako ng tuwid dahil bigla siyang nagsalita pero
nakapikit pa rin.
"Ahm. Kuya can I borrow your clothes?" Nahihiya kong tanong at napangiti ako ng
dumilat siya pero masama pa rin ang tingin sa'kin tapos ang mga kilay ay salubong.
"No."
"But--"
"No."
Magsasalita pa sana ako ng sabay kaming makarinig ng katok tapos may nagsalita.
"Son? Nandyan pa ba si Demone, let's eat breakfast and please wake her up."
Boses ni Tita.
"Sure mom." He answered.
"Okay, hurry up." Nang mawala na ito sa pandinig namin ay bumangon si Kuya
Fourth at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Fix yourself." Aniya at itinuro ang isang pinto na nasa tabi ng bookshelve.
"That's the bathroom and my closet, wear some cloth." Istriktong utos niya bago
walang lingon na lumabas ng kwarto.
"Aye, aye." Sumaludo ako at mabilis na tumakbo sa itinuro niyang pinto.
Napahagikhik ako ng bumungad sa'kin ang napakalinis na banyo, may bath tub at sa
dulo ay ang transparent glass na mayroong shower.
Tumakbo ako sa isa pang pinto doon at napangiti ako ng makitang may mga damit
doon. Maayos na nakatupi ang mga ito at nakahanger naman ang mga formal suits niya.
Nakahelira rin ang mga kumikinang na mga sapatos at relo.
Malaki ang closet niya, kasing lawak siguro ng mismong kwarto kapag isinama
pati ang bathroom. Mayaman sila kaya hindi na ako nagtaka. Malaki rin naman ang
closet ko sa bahay namin dahil lahat ng gusto ko ay ibinibigay ni Daddy pero mas
magandang tingnan ang kanya.
Naghalungkat ako ng pwede kong isuot at nang akmang hihilahin ko na ang isang
boxer ay may narinig akong tumunog mula sa loob nito. Nagtataka kong hinanap iyon,
tinanggal ko ang mga nakaharang na damit at doon ko nakitang may kandado doon.
"Ano kaya 'to?" Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng pwedeng
pambukas pero wala akong nakita. Inalalog alog ko 'yon pero ayaw matanggal.
"Bakit may ganitong pinto dito?"
Natigilan ako ng marinig ko ang malalakas na katok.
"Matagal ka pa ba dyan? Don't you dare touch anything in my closet, just my
clothes." May pagbabanta sa boses nito kaya agad kong ibinalik ang mga damit at
hindi nalang pinansin kung para saan ang lock na iyon. "Hurry up woman."
"Opo, matatapos na po." Sagot ko.
MALAPAD ang pagkakangiti ko ng bumaba ako. Nagtatakbo ako pababa dahil
napakaganda ng bahay nila. Napakalaki at napakalinis. It is a masion, anyway.
"Bonjour." Bati ko sa maid na nakasalubong ko. Napahagikhik ako ng mapakamot siya
sa ulo na parang hindi niya ako maintindihan. "Good morning po."
Doon siya ngumiti. "Magandang umaga rin, iha."
May isa pa akong nakasalubong, nagpupunas siya ng mga vases na madadaanan sa
hallway. "Hello, good morning."
"Good muring din ma'am, may kailangan po ba kayo?" Nakangiting bati niya.
"Wow, may accent ka? Are you british or something?"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 3
"LET'S go! Come here na Demone, malamig ang tubig." Aya sa'kin ni Ate Mimi at
nagtatakbo papalapit sa asawa niyang agad na umalalay sa kanya.
Ngumiti ako pero hindi sumagot dahil nakatingin lang ako sa kanila. Ang saya
saya kasi nila tapos parang walang mga problema, may pool party na ginaganap ngayon
dito sa mansyon nila dahil bukas ay pupunta na kami bukas sa bahay ng mag-asawa at
magsisimula na ako sa trabaho.
"Bakiy ayaw mong sumali sa'min, nahihiya ka ba?" Ngumiti ako at bumaling kay
Kuya Second na nasa harap ko na pala.
"Hindi naman po gustong gusto ko lang na pagmasdan ang bonding niyo kasi
nakakatuwa, ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganito kaya hindi pa rin ako
makapaniwala." Paliwanag ko.
Ginulo niya ang buhok ko. "Don't be shy, kay? You are a family now so feel at
home."
"Thank you po Kuya."
"No prob, lahat kaming magkakapatid ay mga lalaki kaya palagi kaming natutuwa
kapag may nadadagdag na babae sa pamilya." Natatawa pa siya habang nakatingin kay
Ate Anton na kanina ko lang nakikilalang asawa niya, galing daw ito sa misyon.
"Bakit po nasa malayo si Kuya Fourth?" Hindi ko napigilang itanong dahil ang
totoo kanina ko pa rin napapansin na nasa sulok lang si Kuya Fourth, sa dulo ng
pool habang may hawak na bote ng beer. Nakatingin lang siya sa malinis na tubig at
parang tulala.
"Don't mind him gan'on lang talaga siya mas gusto niyang mag-isa kaysa makipag-
usap lalo kapag wala siya sa mood. He's always quite at kapag ganyan siya wag mo
nalang lapitan dahil susungitan ka niya, magsasalita at makikijoin naman 'yan
pagtrip niya."
"King." Napatingin kami kay Ate Anton na kumaway at mukhang tinatawag si Kuya
Second kaya nagpaalam na ito at masayang lumapit sa asawa.
Lumapit na ako sa kanilang na nagkakainan na at nakisalo na rin pero hindi ko
pa rin talaga maiwasan na mapatingin kay Kuya Fourth na hanggang ngayon ay tahimik
lang. Walang lumalapit sa kanya at parang sanay ang lahat na gan'on siy katahimik.
"Wala ka bang boyfriend Demone?" Tanong ni Kuya Fifth habang magkakaharap
kaming kumakain ng snack.
"Hoy off limits si Demone sa kalokohan mo." Saway ni Kuya Second.
"Nagtatanong lang." Angal niya na napapakamot pa sa ulo.
Napahagikhik ako. "Wala naman po ako n'on hindi po pwede e."
"Bakit hindi pwede?" Kunot ang mga noo nila na nakatingin sa'kin at halatang
naghihintay aa sagot ko.
"Wala naman akong pwedeng maging boyfriend, hindi ko nga alam kong ano 'yon."
Napatango tango tango sila at hindi na ulit nagtanong pa. Napatigil ako ng
makitang wala na si Kuya Fourth sa kinauupuan niya at naglalakad na ito papasok sa
loob ng bahay.
Tumayo ako at nagpaalam na gagamit ng CR pero ang totoo ay gusto ko siyang
sundan. Ewan ko pero parang may humihila sa'kin na sundan siya at alamin ang
dahilan kung bakit napakalungkot ng mga mata niya.
Ngumingiti naman siya kanina n'ong kaharap ang pamilya niya pero mayroon sa
mata niya na hindi ako makumbinsing masaya talaga siya. Nakangiti nga ang labi niya
pero walang emosyon ang mga mata at madalas ay parang patay.
Papaakyat na siya sa second floor ng makapasok ako. Hindi ako nagpahalata sa
pagsunod sa kanya hanggang sa makapasok siya sa kwarto. Tahimik na ang buong bahay
dahil maagang natutulog ang mga maids nila dito. Sobrang bait kasi ng pamilya at
kahit ang mga katulong ay parang kadugo ang turing nila na isa sa mga hinahangaan
ko.
"What the fuck are you doing here?" Pag-uulit niya na gamit
ang mas madiin na boses.
Dahan dahan akong humarap ulit sa gawi niya at sinalubong ako ng galit niyang
mga mata. Napangiwi ako.
"N-Nothing, gusto ko lang sanang magpahangin dito pero naabutan kita. S-Sorry."
I lied. Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
"Really?" Pang-uuyam niya at napalunok ako ng lumapit siya sa'kin.
Hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa kaya gan'on nalang ang panlalaki
ng mga mata ko ng sakalin niya ako at marahas na isinandal sa pinto.
"Do you think maniniwala ako? Alam ko kapag nagsasabi ng totoo ang isang tao o
nagsisinungaling." Mas lalong dumiin ang pagkakasakal niya sa'kin kaya halos
kapusin ako ng hininga. "Anong kailangan mo? Bakit kailangan mo akong sundan?"
Wala akong magawa dahil kahit gusto kong kumawala ay napakalakas niya.
"Don't you dare mess with me woman. Kapag naulit 'to sisiguraduhin kong
tutuluyan na kita." Itinulak niya ako at napasubsob ako sa sahig. Napapaubo ako
dahil sa paghahabol ng hininga at hindi na nakapagsalita ng galit siyang umalis.
Ito ang napapala mo sa pagiging curious.
Ilang minuto ang inabot bago ako kumalma pero ang kirot sa leeg ko ay hindi
nawala. Siguradong mamumula na ito mayamaya lang. Kahit na nagawa niya sa'kin 'yon
ay hindi ko magawang magalit sa kanya o matakot ng tuluyan dahil mas nangingibabaw
sa'kin ang awa dahil alam kong malungkot siya.
"This is what you get, Demone." Bulong ko sa sarili.
Natatawa nalang akong naglakad papalapit sa hinigaan niya at pinulot ang mga
gamit na naiwan niya. Dahil siguro sa sobrang galit sa'kin ay nakalimutan na niya
ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga namang mali ang ginawa kong pagsunod
at pakikinig sa mga bagay na personal tungkol sa kanya.
NAPANGIWI ako ng makabangon dahil sa pagkirot ng likod ko. Kagigising ko lang
pero hindi na ako nagtaka dahil sa sahig ako humiga. Hindi pumayag si Kuya Fourth
na gamitin ko ulit ang kama niya kaya hindi na ako nagpumilit dahil alam kong galit
siya.
Inayos ko ang suot kong t'shirt niya at underwear na ibinigay sa'kin kagabe ni
Ate Mimi na hindi niya pa raw nagagamit.
Wala na si Kuya Fourth sa higaan niya kaya tumuloy na ako sa banyo para
maghilamos. Nagtoothbrush na rin ako dahil nakakahiya sa mga tao dito sa bahay kung
maaamoy nilang mabaho ang hininga ko.
Muling kumirot ang leeg ko at hindi ako nagkamali na pulang pula pa rin ito
hanggang ngayon, malinaw na malinaw iyon sa reflection ng salamin. Sensetive kasi
ang balat ko at kahit konting bagay lang ay may pagkakataon na namumila ito o
nagpapasa.
"Hays, ayos lang naman ako." Nakangiti akong kinausap ang sarili ko.
Napakunot ang noo ko ng mahagip ng tingin ko na bukas ang walk in closet niya.
Lumapit ako doon para sana isara ng mapansin kong nakaawang rin ang pinto na nakita
kong nakalock kahapon.
"Good morning, love."
Automatic na natigil ang paghakbang ko ng marinig ko ang boses niya na
nanggagaling sa loob ng siwang na 'yon. Nagtatalo ang isip at kalooban ko kung
sisilipin ko ba o hindi pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay mas pinili ko
nalang na umatras at patayin nalang ang kuryusidad ko tungkol sa kanya.
Baka sa susunod hindi lang sakal ang matanggap ko kapag nagpatuloy ako sa
pakikinig. Hmp, bahala siyang mabaliw kakausap sa love niyang invisible naman.
Bumaba na ako at hindi na ulit lumingon sa kwarto niya dahil baka may mag-udyok
na naman sa'kin na sumagap ng chismis.
"Good morning Demone."
"Ay, chismis." Napatili ako dahil sa sobrang gulat at nilukob ako ng takot
dahil muntik na ako mahulog sa hagdan. Mabilis akong nahila ni Kuya Fifth at dahil
sa kaba ay bigla ko siyang nayakap ng mahigpit.
"Shit! Sorry, sorry kung nagulat kita." Tarantang kabig niya sa'kin.
"M-Muntik na akong mahulog." Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko
dahil sa nerbyos. Nanginig ang kalamnan at tuhod ko dahil doon.
"Mommy, help!" Sigaw niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa braso
niya dahil hindi ko mapigilan ang reaksyon ng katawan ko. "S-Sorry na, sorry."
"What happened Singko?" Dinig ko ang mga yabag nila at parang nagkakagulo.
Naramdaman ko ang pagpangko sa'kin ni Kuya Fifth. Mariin lang akong nakapikit
dahil pakiramdam ko ay mahuhulog pa rin ako.
"Nagulat ko po siya pero hindi ko po sinasadya." Puno ng pagsisisi ang boses
niya.
"Oh my gosh, magagalit ang daddy niya kapag nalaman ito." Nag-aalalang sabi ni
Tita. Naalarma ako sa narinig ko kaya pinilit kong labanan ang panginginig ng
katawan ko.
Ayokong malaman 'to ni Daddy dahil alam kong pipilitin niya akong umuwi sa'kin
at ayoko n'on. Ayoko ng makulong.
"P-Please Tita, don't tell daddy I'm fine." Sabi ko. Inilapag ako sa kama at
mabilis na pinainom ng tubig. "Nabigla lang po talaga ako dahil akala ko gugulong
ako sa hagdan, I okay na po." Ikinuyom ko ang kamao ko para hindi nila mapansin ang
panginginig nito.
Hinaplos ni Tita ang buhok ko. "Are you sure?"
Agad akong tumango. "Ayoko pa pong bumalik sa'min at ayoko pong mag-alala
sa'kin si daddy. I promised him na magiging dependent ako kaya sana po hindi na
niya malaman."
Alam kong OA ang naging reaction ko, simpleng bagay lang iyon pero ng makita ko
kanina ang hagdan at akala ko mahuhulog ako ay talagang nilukob ako ng takot.
"If that's what you want, sige." Ngumiti ako dahil doon.
"Ngayon na tayo uuwi kaya mag-ayos ka na." Sabi ni Ate Mimi.
Bigla akong nahiya dahil nandito silang lahat at mukhang nakaabala pa ako.
"Opo."
"What's happening here?" Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng banyo ng
bumukas iyon at lumabas si Kuya Fourth na seryoso at kunot na naman ang noo.
Ibinalik nila ako sa kwarto niya?
Mabilis akong bumaba sa kama niya at pinagpag iyon. Naalala kong ayaw niya nga
palang may gumagamit na iba sa kahit anong pag-aari niya.
"Muntik na kasing mahulog sa hagdan si Demone dahil ginulat ni Fifth." Sagot ni
Kuya Six.
Nalipat sa'kin ang tingin niya kaya nagkasalubong ang mga mata namin. Bumalik
na naman ang matinding kaba sa dibdib ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Napahawak ako
sa dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa sobrang pagkabog.
"Are you okay iha?" Napabaling ako kay Tita.
"Ang lakas po kasi ng pintig ng puao ko."
Nagkatinginan sila at parang nalilito dahil sa naging sagot ko.
"Tsk. Clumsy." Dinig kong sabi ni Kuya Fourth at naglakad na ito palabas na
walang pakialam.
"Gusto mong tawagan ko ang family doctor namin?" Si Ate Mimi.
"Wag na po, ayos lang ako kaba lang po ito ng muntik kong pagkahulog kanina."
"Anong nangyari dyan sa leeg mo iha, bakit pulang pula?" Bakas ang pangamba sa
boses ni Tita ng mapansin ang leeg ko.
Mabilis ko iyong tinakpan ng kamay ko at pilit na ngumiti. "Wala po, medyo
naipit lang po ng kumot at agad na namula kasi po sensetive ang skin ko."
Doon lang nawala ang pag-aalala nila na ipinagpasalamat ko at sabay sabay na
kaming bumaba para sa agahan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 4
Tumango ako. "Para daw iyon sa'kin dahil hindi niya daw ako
hahayaang mapunta sa isang taong hindi ako ituturing na reyna."
"E, ibig sabihin tatanda kang dalaga?" Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay
agad niya akong hinila papunta sa couch at pinaupo dahil gusto niyang mag-usap pa
kami.
"Maybe, I don't really know."
Nagpout siya at napahawak sa baba. "Sayang gusto pa naman kita para kay Kuya
Fourth."
Nanlak ang mata ko dahil sa biglaang pagdagsa ng kaba sa puso ko dahil sa
pangalang binanggit niya. Nandoon na naman ang pagwawala nito. "Gusto mo ako para
kay Kuya Fourth?" Tanong ko.
Napapalakpak siya at kulang nalang ay tumalon. "Yup, yup, yup, nakita ko kasing
parang bagay kayo. Napakaseryoso niya kasi palagi tapos kahit na medyo tumatanda na
siya ay wala pa rin siyang naipapakilalang babae sa'min." Lumungkot na naman siya.
"Minsan nga umiiyak si Mommy Tita kasi baka daw tumandang binata si Kuya Fourth
dahil sa sobrang kasungitan ay walang babaeng natatagal sa kanya."
"Oo nga masungit siya." Sang-ayon ko.
"Napansin mo rin pala?" Sumeryoso siya pero ilang saglit lang ay nanlaki na
naman ang mata niya habang nakatingin sa leeg ko. "Hala anong nangyari sa leeg mo
at pulang pula?"
Agad naman akong napahawak sa leeg ko na medyo kumikirot kapag lumilingon ako
at gumagalaw. "Wala lang 'to, medyo nasakal ng kumot kaya pumula gan'on talaga kasi
sensitive ang skin ko." Pagsisinungaling ko. Dahil ito sa pagsakal sa'kin ni Kuya
Fourth kagabi pero wala naman akong balak na magsumbong.
"Mabuti naman akala ko kasi may sumakal talaga sa'yo."
BUONG araw ay inubos ko ang oras ko sa pagpapaturo ng mga gawaing bahay. May
isang katulong na mula sa malaking bahay ng mga Castillion ang panapunta dito para
turuan ako. Si Ate Edith. 'Yong maid na probinsyana na may accent.
Nakakapagod pero masayang masaya pa rin ako dahil may natutunan na naman ako.
Nakakatuwa dahil naaappreciate ko na ang nga paghihirap ng mga taong mula pagkabata
ay nag-aalaga na sa'kin.
Kahit pagod na pagod ang katawan ko kinaumagahan ay nagising pa rin ako ng
maaga para magpaturo namang magluto. Suot ko ang isang black leggings at white
t'shirt na ibinili sa'kin kahapon ni Ate Mimi ang ginamit ko.
"May hearing po siya ngayon?" Natigil ako sa paglalakad sa hagdan pababa ng
makita ko si Ate Mimi sa sala na may kausap sa telepono. "But Tita Mommy we're
going to Cebu today, opo isasama po ako ni First ko dahil may meeting siya doon."
Napapakamot pa siya sa ulo. "Okay, si Ate Edith nalang po siguro. Yup, sige po
bye."
"Good morning." Bati ko ng humarap na siya sa'kin. Agad na ngumiti si Ate Mimi.
"Good morning, tara kain na tayo ng breakfast." Agad niya akong hinila sa
dinning at doon naabutan namin sina Kuya First at Maine handa na sa pagkain.
Binati ko rin sila at humalik sa mga pisngi nila bago masayang sumalo.
Nagsimula na kaming mag-usap usap na as usual ay hindi naman nakikisali si Maine,
ni hindi nga siya nag-angat ng tingin sa'min habang patuloy sa pagkain.
"Pupunta kami ngayon sa Cebu kaya kayo muna ang maiiwan ni Maine dito kasama si
Ate Edith, don't worry babalik kami the day after tommorow." Imporma ni Ate Mimi.
"Okay lang po magpapaturo rin ako kay Ate Edith sa iba pang bagay na dapat kong
malaman."
"Wag mong papagurin masyado ang sarili mo dahil hindi na naman kailangan. Hindi
naman na iba ang turing namin sa'yo isa pa ay alam naming hindi ka sanay."
Nakangiting sabi niya.
"My wife is right, don't pressure yourself." Sang-ayon ni Kuya First.
"I'm okay lang po."
Sandali kaming binalot ng katahimikan dahil sa pagsubo namin ng mga pagkain ng
bigla nalang basagin iyon ng tili ni Ate Mimi kaya napatingin kami agad sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang siya at malapad ang pagkakangiti
habang pumapadyak pa.
"Why not ikaw nalang ang magdala ng lunch ni Kuya Fourth?" Kumikislap pa ang
mga mata niya habang nakatutok sa'kin.
"Ha?" Takang tanong ko.
"Tumawag sa'kin si Mommy Tita at gusto niyang padalhan si Kuya Fourth ng lunch
kaso hindi kami available ngayon." Tumango naman si Kuya First at pinainom ang
asawa niya. Napangiti ako dahil sa sweetness nila.
"Bakit kailangan pang padalhan?"
"May hearing kasi siya ngayon at kapag gan'ong may hearing siya ay
nakakalimutan niya palaging kumain ng lunch dahil sa pagiging busy at ayaw n'on ni
Mommy Tita dahil baka magkasakit ito kaya palagi niya kaming inuutusan na dalhan si
Kuya Fourth ng pagkain."
Hindi agad ako nakasagot pero 'yong tambol sa dibdib ko ay nagsisimula na
namang mabuhay. Napahawak ako sa dibdib ko para pigilan iyon pero walang nagawa ang
kamay ko.
"So ikaw nalang ang magdala? Magluluto si Ate Edith ng dadalhin mo." Mas lalong
lumawak ang pagkakangiti niya at parang masayang masaya siya sa ideya niya kaya
tumango nalang ako dahil gusto ko rin namang makita kung paano ang hearing na
sinasabi niya.
Siguro mas lalong gumagwapo si Kuya Fourth kapag nasa trabaho.
"Pagdating mo doon sabihin mong pinapunta ka ni Atty. Castillion para papasukin
ka at hindi pagbawalan ng mga guard." Bilin niya pa.
"Hindi ba siya magagalit kapag ako ang nagdala?" Alanganing tanong ko dahil
naalala ko na hindi maganda ang huling tagpo namin ni Kuya Fourth.
Ayaw niyang pinapakialaman ki siya kaya malaki ang possibility na magalit siya
sa'kin kapag ako ang nagdala ng lunch niya.
"Kapag nagalit siya maghubad ka." Tumawa siya ng malakas habang ako ay
nagtataka.
"Stop it wife." Saway sa kanya ni Kuya First pero umirap siya dito.
"Che! Hindi nalang ako sasama sa Cebu." Asik niya na agad namang ikinaalarma ng
asawa niya. Tumayo si Kuya at niyakap siya.
"Baby naman, alam mo namang ayokong umaalis na hindi ka kasama." Paglalambing
nito.
"Bakit ako maghuhubad?" Hindi ko mapigilang isingit.
Napanguso si Ate Mimi at yumakap din sa asawa niya bago kumindat sa'kin. "Kapag
nagagalit ang isang lalaki maghubad ka lang mawawala ang galit n'on."
"Talaga?"
Akmang sasawayin na naman siya ni Kuya First ng samaan niya ito ng tingin kaya
hindi na umapila ang huli.
"Kahinaan ng mga lalaki ang katawan nating mga babae." Sabi niya pa.
"Effictive ba 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Mabilis siyang tumango. "Effective na effective, mawawala agad ang galit n'on
pero kailangan kung sino ang unang pakikitaan mo ng katawan mo siya lang hanggang
huli." Payo niya pa.
Napangiti ako ng maalala ang galit galit na mukha sa'kin ni Kuya Fourth. Kapag
ba naghubad ako sa harap niya mawawala ang galit siya sa'kin? Effective kaya 'yon?
Ayaw na ayaw ko kasing may nagagalit sa'kin dahil nakakabigat ng kalooban.
Maghubad kaya ako sa harap niya?
Napatingin ako sa katawan ko at napangiti.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 5
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 6
___
Namiss ko kayo guys. :) Ako ba namiss niyo rin?
Please vote and comment for Fourth. #CBSFourthCastillion
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 7
NGITING ngiti si Demone habang tinitingnan ang nighties na binili nila ni Edith
bago sila umuwi kanina galing sa trial court.
"Sigurado ka bang gagamitin mo 'yan?" Tanong nito na ilang ulit na niyang
narinig simula kanina.
"Why not? Ikaw nga ang nag-advice di ba?" Balik tanong niya.
"Kanina ng pauwi na tayo iyon ang adbice ko kung gusto mong mawala ang galit
sa'yo ni Ser Pourt pero diri ko man alam na tototohanin mo." Napapakamot pa ito sa
ulo. "Bakit nga pala gusto mong mawala ang galit sa'yo ni Ser?" Tinaasan siya nito
ng kilay.
Nasa maids quarter sila kung saan sila magkasamang natutulog. Nagpresinta ang
mag-asawa na doon sila sa guest dahil hindi na raw sila iba sa mga ito pero
pinagpilitan nila na sa maids quarter na sila manatili bilang totoong katulong at
hindi kapamilya o kaibigan ng mga ito.
Paano nga ba naman niya matututunan ang totoong kalakaran sa buhay kung
palaging may special treatment na matatanggap? Useless lang pala kung gan'on ang
mga pagaod niya.
"Ayaw ko kasing may nagagalit sa'kin, mabigat sa kalooban." Napanguso siya at
muling itinaas ang nighties, kulay itim iyon na kung ididikit sa mala porselana
niyang kutis ay talagang lalantad ang ganda ng kanyang katawan na nasa tamang hubog
at parte.
Tumango tango si Edith. "Tama naman 'yong adbice ni Ma'am Mimi dahil totoong
nawawala ang galit ng mga lalaki kapag nakakakita ng hubad na katawan ng babae.
Pero dapat may eppect para nakakapaglaway." Humagikhik ito na parang may ideyang
pumasok sa isipan.
"So, what should I do?" Tanong niya dahil wala siyang alam sa dapat na gawin.
"Don't inglish me." Saway nito kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi para
tumahimik.
"Kung basta ka lang maghuhubad baka sapakin ka pa ni Ser." Napahawak ito sa ulo
habang siya ay nakasunod lang ang tingin dito at naghihintay ng sagot. "Mas maganda
kung sasayaw ka bago maghubad." Anito.
"Sasayaw? But I don't know how to dance." Aniya.
"Don't inglish me, nga." Saway ulit nito kaya napahagikhik siya. "Tsk. Kapag
nag-inglish ka hindi na kita tutulungan."
Nanlaki ang mga mata niya. "But--" sinamaan siya nito ng tingin. "Ahm. Sige
sige tagalog nalang."
"Bery good." Pumalakpak ito at mabilis siyang hinila patayo. Nagpatinaanod siya
sa gustong gawin nito.
Ngumiti ito at taas noong humarap sa kanya. "Tuturuan kita kung paano sumayaw
na nakapagpapatigas."
"Ha? Napapagkatigas?" Kunot noo niyang tanong na tinawanan nito ng malakas.
"Nakakapagpatigas, basta basta sundin mo lang ang gagawin ko." Anito. Hinila
nito ang isang stool na nasa gilid ng kanilang higaan at inilagay sa kanilang
harapan. Samantalang siya ay nakasunod lang sa bawat galaw nito.
"Ang tawag sa ituturo ko sa'yo ay nakakapagpatigas dance." Tumango siya. Ti-nap
nito ang upuan bago siya balingan. "Kunwari dito nakaupo si Ser Pourth, tatayo ka
sa harapan tapos kapag nagsimula na ang kantang ihahanda mo ay igagalaw mo ang pwet
mo ng ganito." Iginiling nito ang pwet habang nakahawak sa stool, siya naman ay
ginagaya iyon para hindi niya makaligtaan.
"Pagkatapos ay humawak ka sa beywang mo pataas sa buhok at igalaw galaw mo para
maging sekse ka." Sabay silang sumasayaw at tinuturuan siya ni Edith ng tamang step
para maging sexy daw siya.
Tuwang tuwa naman si Demone dahil ito ang unang beses na sumayaw siya at naaliw
siyang gawin iyon.
"Tama, tama. Ang galing mo." Napapalakpak ang kaibigan habang sumusunod siya sa
turo nito.
Chapter 8
"KAHIT NAMAN hindi ka na sumama ay ayos lang, baka masama ang pakiramdam mo."
May pag-aalalang tugon sa kanya ni Edith.
Patungo ito ngayon sa wet market at nagpupumilit siyang sumama dahil gusto
niyang makita ang lugar na iyon. Hindi pa siya nakakatuntong sa kahit anong
palengke at hindi niya palalampasin ang ganitong mga pagkakataon.
Maaga siyang nagising kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam dahil nais
niya talagang sumama.
"Please, pretty please. Gusto kong makita ang kung anong hutsira nga ba ng wet
market." Pagmamakaawa niya at sadyang pinapungay ang mga mata at inginuso ang mga
labi.
"Kuu, sige na nga kung hindi ka lang maganda nunka namang maawa ako." Tatawa
tawang sabi nito.
Napapalakpak siya at napatalon sa tuwa. Nagmamadali siyang mag-ayos dahil sa
excitement na nararamdaman. Ilang sandali lang ay nakaayos na siya at tinatahak na
nila ang daan patungong palengke.
"Gustong gusto ng pamilya Castillion na palaging sa wet market mamili dahil
lahat ng tinda doon ay fresh pa at hindi gaanong kamahalan." Pagkukwento ni Edith
habang nasa taxi sila.
"I like their family, malaki tapos mukhang ang saya saya nila." Hindi niya
mapigilang usal.
Aliw na aliw si Demone sa pagtanaw sa mga kabahayan at mga gusaling nadadaanan
ng sasakyan. Maingay na maingay ang paligid na siyang gustong gusto niya. She hate
silence. She hate to he alone. At naiiwasan niya iyon kapag nakikipagsalamuha sa
mga tao.
"Hindi rin naman lahat masaya."
Naagaw nito ang atensyon niya. "What do you mean?"
"Hindi naman lahat ng nasa pamilya Castillion ay masaya, tulad nalang ni Ser
Pourth."
Tuluyan ng nawala ang atensyon niya sa pagtanaw sa paligid at buong buo niya
iyong itinuon sa kaibigan upang hindi mapalagpas ang mga sasabihin nito tungkol sa
binata.
"Alam kong napansin mo na siya ang pinakatahimik sa kanilang magkakapatid.
Misteryoso si Ser Pourth at mukhang istrikto pero madalas ko siyang makitang
umiiyak." Naging malungkot ang mukha nito. "Sabi ng lahat ay gan'on na talaga siya
pero alam naman talaga ng buong pamilya na hindi siya gan'on, yawa, actuwali palagi
naman talaga siyang seryoso pero may emosyon naman ang mga mata 'di tulad ngayon na
parang yelo."
"What do you mean?"
"I men, alam ng pamilya na malungkot siya pero gusto lang niyang sarilihin."
Hindi niya alam ngunit sa kaalamang lungkot ang nasa likod ng pagiging yelo ni
Fourth ay bumigat ang kanyang damdamin. Hindi niya gusto ang ideyang malungkot ito.
Lumapit pa ito sa kanya at bumulong sa kanyang tenga. "Hindi ako sigurado pero
basi sa chismis na narinig ko, nagkagan'on daw si Ser Fourth dahil sa pirst lab
niya."
"First love?" Manghang tanong niya.
Tumango ang kaibigan. "Oo, at alam mo ba na kapag daw nagmahal ang isang
Castillion ay isang beses lang, ibig sabihin kun sin-o an una nga gin higugma siya
na hanggang huli "
Hindi siya nakatugon dahil sa ideyang nalaman.
"At ito pa, kaya daw naging abogado si Ser Pourth ay dahil din sa pirst lab
niya. Ang totoo niya kasing pangarap ay maging sikat na pintor pero inisantabi niya
iyon para sa babaeng mahal niya." Dinig niya ang paghagikhik nito. "Alam mo bang
maraming naiinggit sa mga babaeng mamahalin ng isa sa magkakapatid at iba pang
Castillion dahil mas minamahal nila iyon higit pa sa buhay nila."
Kilig na kilig ito at patuloy sa pagkukwento samantalang si Demone ay tahimik
lang sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
Bakit masakit sa dibdib? Tanong niya sa sarili at sinapo ang didbib.
"Nandito na tayo." Doon lamang siya natauhan dahil sa masiglang tinig ni Edith
at bumaba na ng taxi. "Ito po ang bayad manong, sige po batsi na kami." Anito.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makita ang sinasabing wet market. Maraming
mga tao na paroon at parito, may sumisigaw at naglalako ng mga paninda, may mga
mamimili na nag-aagaw sa mga paninda, naghahalo ang malangsang amoy ng isda at
halimuyak ng mga sariwang gulay.
Basa ang sahig at may mangilan ngilan pang bahagi na maputik. Nagsisiksikan ang
mga tao pero sa kabila n'on ay kapansin pansin mga sariwa nga ang mga paninda,
patunay doon ang mga nagsisidatingang truck at nagbababa ng mga buhay bang isda at
mga berdeng mga gulay at sangkap sa pagluto.
"Kaya tinawag na wit markit ay dahil sa basa, at dry markit naman kapag tuyo."
Paliwanag ni Edith.
Agad niyang hinila ang kaibigan at walang inhibisyong nagtatakbo papasok sa
dagsa ng mga mamimili. Ang suot na sapatos ay nadadaan sa putik ngunit balewala
lamang iyon sa kanya ang mahalaga ay nawala ang bigat sa kanyang kalooban na kanina
ay lumulukob sa kanyang damdamin.
"Ang dami nating kailangang bilin kaya baka matagalan tayo." Bakas ang
pagkabahala sa tinig ni Edith habang bitbit nila ang mga sangkap na kanilang
nabili.
"Ahm, what if maghiwalay muna tayo ng way at hatiin ang mga bibilhin." She
suggested.
"Nadali mo." Kinuha nito ang listahan at hinati iyon sa dalawa. Ang isang
bahagi ay ibinigay sa kanya na agad niya namang tinanggap. "Ito ang mga bibilhin
mo, sigurado ka bang marunong ka?"
Mabilis siyang tumango. "I can handle this konti lang naman para matuto rin ako
on how to buy here." Idinipa niya ang mga braso na tila inilalahad ang buong lugar.
Hindi mawala wala ang malapad at masayang ngiti sa maganda niyang mukha.
"Ok, ok basta kapag tapos ka na hintayin mo ako sa labas at kapag ako ang nauna
ikaw naman ang hihintayin ko doon."
"Copy." Aniya.
Ilang ulit pa siyang tinanong ng kaibigan kung kaya niyang mag-isa at walang
pag-aalinlangan niya iyon sinagot ng oo, bago sila tuluyang maghiwalay ng landas.
Pakanta kanta siyang naglakad patungo sa area kung nasaan ang mga isda dahil
iyon ang nangunguna sa listahan na hawak niya.
Lets have fun, Demone.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 9
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 10
"WHAT----"
"I said stop asking anything." Pagpuputol niya sa sanay tanong ni Tarinio ng
magkita sila sa tapat ng sasakyan nito.
Nasa bisig niya pa rin ang dalaga suot ang coat na kanyang hinubad upang
maitago ang katawan nito. Karga niya si Demone habang ito ay nakasiksik ang katawan
sa katawan niya. Tulog na tulog na ito dahil sa pagod sa sobrang pag-iyak.
"Ikaw ang magdrive." Utos niya sa pinsan na agad na tumalima. Ipinagpasalamat
niyang hindi na ito nagtanong ng kahit ano tulad ng utos niya.
Pumasok siya sa backseat na hindi binibitawan ang dalaga sa takot na magising
ito at muling bumalik sa pag-iyak.
"Sleep tight." Bulong niya dito habang hinahaplos ang magandang mukha nito na
namumula dahil sa pagluha.
"Sa condo tayo, Tari." Aniya.
"Copy."
Naging tahimik ang buong biyahe samantalang siya ay nakatitig lamang kay
Demone. Hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang kalooban at panginginig ng mga
kamay. Naikuyom niya ang kamao at mariing ipinikit ang mga mata.
"You okay?" Tanong ni Tarinio.
Dumilat siya at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang palipat lipat
ang tingin sa kanilang dalawa ng dalaga.
"I'm fine." Aniya.
No you're not fine, and you will never be. Kontra ng kanyang isipan.
Mariin niyang naihawak ang malayang kamao sa art materials na bigay sa kanya ng
dalaga. Mas lalong lumalala ang panginginig ng kanyang mga kamay at buong katawan.
Nagsisimula na ring mamawis ang kanyang noo at bumibigat na rin ang paghinga.
Hindi niya magawang idilat ang mga mata dahil sa unti unting paglukob sa kanya
ng matinding takot.
"Kwatro, ayos ka lang ba talaga? Inaataki ka na naman ng--"
"Just fucking drive Tari, hurry up and don't mind me." Asik niya na siyang
pumutol sa sasabihin ng kaibigan.
Pilit niyang isinandig sa kanyang dibdib ang dalaga bago isinandal ang
sumasakit na ulo sa noo nito. Amoy na amoy niya ang mabango nitong buhok at pilit
niyang ibinabaling doon ang atensyon upang maibsan ang takot sa dibdib.
"We're here." Anunsyo ni Tarinio makalipas ang hindi niya mawari kung ilang
oras.
Kahit hirap ay pinilit niya pa ring dalhin ang art materials at tila wala iyong
balak na bitawan kailan man tulad ng kung paano niya hawakan ngayon ang maliit na
katawan ng dalaga.
"Ako na ang bubuhat sa kanya." Mabilis na presenta ng kanyang pinsan at akmang
kukunin nito ang dalaga sa kanyang mga bisig.
Ngunit agad niya itong iniiwas. "No, I can carry here." Aniya.
"But--"
Hindi na niya hinintay ang apila nito at nagsimulang humakbang papasok sa
kanyang condo. Nanlalabo ang kanyang mga mata at nanginginig ang binti ngunit tuloy
lamang siya sa pagbuhat dito.
"Ako na ang magdadala nito." Tugon ni Tarinio at hinawakan ang art materials na
nasa kanyang kamay. Ngunit tulad kanina ng magpresinta itong buhatin si Demone ay
walang pagdadalawang isip niyang tinanggihan.
Hindi na ito nagpumilit pa at minabuting sumunod na lamang sa kanya.
Maingat niyang ihiniga ang dalaga sa malambot na kama ng sa wakas ay marating
nila ang kanyang silid.
Tumango siya sa pinsan. "You can go now, I will take care of here." Aniya.
"Hindi ako pwedeng umalis. Tsk. Alam kong kapag hindi mo napakalma ang sarili
mo ay hindi magiging maayos ang lahat. What if you hurt here?" Seryosong pahayag
nito na ikinatigil niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 11
"OH MY GOSH!" Tili niya at masayang napakapit sa braso ni Fouth. "Anong gagawin
natin dito?"
Halos mabali na ang kanyang leeg dahil sa pagkakatingala nito habang aliw na
aliw na nakatingin sa malaking gusali ng isang sikat na mall.
"I will buy you some clothe." Sagot nito at bahagyang pinasadahan ng tingin ang
suot niya.
Ang pag-aari nitong puting long sleeve na umabot hanggang sa kalahati ng
kanyang hita at nakapaloob doon ang boxer short nitong natabunan na ng damit dahil
sa ikli.
"But I have my clothes na, binilhan na ako ni Kuya Fifth at nina Ate Mimi at
Kuya First. Nakakahiram din naman ako ng damit kay Edith e. You don't have to buy
anything for me ang importante friends na tayo." Tugon niya at masayang kumapit sa
kamay ni Fourth.
"Tsk. Mag-aalala sila kapag nakitang ganyan ang suot mo." Bahagya nitong inayos
ang butones ng kanyang damit dahil hindi maayos na nakakabit at kita na ang
kalahati ng kanyang dibdib. "Behave or else I will get mad."
Mabilis siyang tumango at ikinurap kurap ang mga mata. "Yes, Attorney." Sabay
hagikhik.
Dala ng excitement ay walang pakandungan niyang hinila ang binata papasok sa
naturang establisyimento. Malaking malaki ang kanyang pagkakangiti dahil sa galak
at tuwa, maraming mga tao na siyang may kanya kanyang pinagkakaabahalan.
Napatalon siya sa tuwa ng mapadaan sila sa isang kilalang fast food chain at
doon nakita niyang may pulang mascot na sumasayaw. Malaki ang pwet nito at may
puting kapa na nasa ulo. Malalaki ang mga bilugang mata at matambok ang mga pisngi.
So cute.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa binata at balak man siya nitong pigilan ay agad
na siyang nakihalubilo sa mga kabataang natutuwa rin sa panonood ng mascot.
Pumapalakpak na sumabay siya sa pagsayaw. Iniindak niya ang balakang at pwetan
habang panay ang hagikhik, itinaas niya ang mga braso at walang inhibisyon na
sumayaw ng sumayaw.
Walang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao. Ang lahat ay
nakangiti sa kanya na mabilis naman niyang sinusuklian ng magandang ngiti.
Please drop your reaction guys, gusto kong malaman ang say niya about sa daloy
ng kwento. :)
Thanks.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 12
"But?"
Muli itong napatikhim. "I'm yours."
Nanlaki ang mga mata niya ng maintindihan ang gustong ipakahulugan nito.
"Seryoso?"
"Do I look like I'm kidding?" Tumaas ang kilay nito kaya napabungisngis siya.
"Nope, wala ng bawian ha?" Dahil sa tuwa ay dinamba niya ito ng yakap. "Waaa,
my friend na ako. May friend na ako." Paulit ulit niyang sabi.
"Tsk. I am not your friend." Apila nito at inalis ang pagkakapulupot ng mga
braso niya sa balikat nito at ibinalik siya sa pagkakaupo sa kanyang pwesto.
"Always remember that I don't want you to be my friend, itatak mo 'yan sa isip mo."
At pinitik ang kanyang noo.
Napanguso siya pero kahit ilang ulit pa nitong sabihin na ayaw nitong maging
magkaibigan sila ay hindi nawala ang tuwa sa kalooban niya. Masayang masaya siya
dahil may isang taong masasabi niyang kanya.
"Yes Attorney." Aniya sabay saludo. Mas lalo siyang napabungisngis ng makita
niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito na tila nagpipigil ng ngiti.
"Stop giggling, just finish your food." Anito.
"Yes Attorney." Aniya. Ganado siyang bumalik sa pagkain kahit naroon pa rin ang
panghihinayang niya sa mga ito.
TUWANG TUWA si Demone na humawak sa braso ng binata habang panay ang libot nila
sa loob ng mall. Wala siyang magustuhang damit kaya hanggang ngayon ay panay pa rin
ang hanap nila.
Seryoso lamang ang kanyang kasama, ni hindi ito ngumiti kahit saglit habang
siya ay halos mapunit ang bibig dahil sa kakangiti sa kahit na sinong makasalubong
nila.
"Stop doing that."
"Eh?" Tiningala niya ito.
"Smiling. Stop smiling." Utos nito habang ang magkabilang kamay ay nasa bulsa
ng khaki short na suot nito.
"Bakit naman bawal akong ngumiti?" Napakamot siya sa tungki ng kanyang ilong.
"You look like an idiot." Kinurot nito ang ilong niya kaya napangiwi siyang
tinampal ang kamay nito.
"Hindi naman masama ang magsmile, friendly gesture iyon 'no. Hindi naman kasi
ako katulad mo na parang tree na nakatayo lang at walang emotion."
"You don't need to let them see what you feel just to please them, they'll
taken you for granted." He reasoned out.
"Hindi ko naman ipinapakita sa kanila." Nanggigigil niyang kinurot ang braso
nito at parang batang iwinawagayway iyon.
"Smiling is a way on telling them that you are happy and that is being
vulnerable. They can easily break you." Sandali silang nagkatitigan at kitang kita
niya ang seryoso nitong mga mata na nawalan na naman ng emosyon.
"Hmp, ano ba talagang ipinaglalaban mo? Parang ngiti lang naman 'yon ang dami
mo pang sinabi."
"And you smiling is also a way of showing them how beautiful and innocent you
are. Damn, you're so sexy so stop doing that, 'kay?" Tugon nito na hindi pinansin
ang litanya niya.
Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi at pagtayo ng kanyang
mga balahibo sa batok dahil sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Hindi rin
nagpahuli sa pagwawala ang puso niya habang pinagsasawa ang mga mata sa napakagwapo
nitong mukha.
He's emotionless yet so gorgeous.
"Baby is that you?" Natigilan sila pareho at napakurapkurap ng may bigla nalang
humarang sa kanilang daan at dumamba ng yakap sa binata. Dahil doon ay napabitaw
siya sa pagkakahawak sa maskulado nitong braso. "I miss you." Malandi ang boses
nito kaya hindi niya mapigilang pagmasdan ang anyo ng walang pasubaling babae.
Nakasuot ito ng itim na dress na abot hanggang tuhod ngunit
ang dibdib ay kulang nalang lumuwa ang ipangalandakan sa lahat. Mataas ito ng kunti
sa kanya dahil sa kulay pilak na stiletto na suot nito.
Muling bumalik ang kanyang tingin sa dibdib nito dahil iyon ang kapansin
pansin. Wala sa sariling napatingin siya sa kanyang hinaharap.
Bakit mas malaki ang akin?
"Who are you?" Doon lamang siya napatingin sa binata dahil sa lamig ng boses
nito ng magsalita.
"It's me Evon, your girlfriend." Masayang sagot ng babae na mas lalong
pinalandi ang boses at pasimpleng ikinikiskis ang dibdib sa braso ni Fourth.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Girlfriend siya ni Kuya Fourth?
Hindi ba ako ang girlfriend niya?
Nagpabalik balik ang tingin niya sa dalawa.
"Alam mo bang nagtatampo ako sa'yo kasi hindi mo na ako binalikan at tinawagan?
I really miss you and ofcourse your big buddy." Napasinghap siya ng walang pag-
aalinlangan nitong sinapo ang hinaharap ng binata. Nang-aakit ang mga titig nito.
"I miss you inside me having a wild and rough sex, baby."
Naiiskandalo siyang napatingin sa paligid at laking pasalamat niya dahil
mukhang walang nakakapansin sa kanila.
"I don't have--"
"Di ba ako ang girlfriend mo?" Hindi niya mapigilang sabat na pumutol sa
sasabihin ng binata.
Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya na mukhang nakalimutan na ng tuluyan
ang presensya niya. Tumingin siya sa binata na tila walang pakialam sa nangyayari
at ibinalik iyon sa babae bago namaywang sa harap ng mga ito.
"What are you talking about?" Tumaas ang kilay ng babaeng nagngangalang Evon at
humalukipkip. "I am his girlfriend, bitch."
Agad siyang nakaramdam ng inis dahil sa sinabi nito. Itinuro niya kamay nitong
nakapatong pa rin sa hinaharap ng binata. "Take it off." Aniya. "I. Am. His.
Girlfriend. And. He. Is. Mine." Puno ng diin niyang tugon. Ayaw na ayaw niya sa
lahat ay inaagaw ang sa kanya.
"What--"
"He is mine, at hindi mo siya maaagaw sa'kin dahil akin siya." Aniya at
humalukipkip rin habang bahagyang inililiyad ang dibdib. Mas malaki akin, akala mo.
Sa isipan niya.
"Is it true?" Halos umusok ang ilong na tanong nito sa binata. Sa wakas ay
inalis na nito ang malikot na kamay.
Napasimangot siya ng makitang umiling ang binata habang kagat ang ibabang labi.
Napangisi ang babae at nagmamayabang na tumingin sa kanya. "See? Nag-aasume
kang girlfriend were in fact ako ang tunay na girlfriend. Well, I used to it marami
talagang nagkakadarapa sa boyfriend k--"
"She's not my girlfriend but she owns me." Sabat ni Fourth at bumaling sa
kanya. "Lets go." Nagsimula itong maglakad palayo.
Napahagikhik siya at inirapan ang babaeng natulala. "See? He's mine so back
off." Taas noo siyang sumunod kay Fourth na medyo malayo na sa kanya dahil sa laki
ng mga hakbang nito. Iniwan nila pareho ang babaeng tulala at siguradong uusok ang
ilong sa galit.
"Wait..." sigaw niya. Biglang tumigil sa paglalakad ang binata dahilan para
sumubsob siya sa likod nito. "Ouch." Sapo niya ang noo na humarap dito. "Ang bad
mo, napahiya ako kasi sabi mo hindi mo ako girlfriend."
"I'm just telling the truth. You are not my girlfriend." Walang abog na sagot
nito at bahagya pang ginulo ang kanyang buhok.
"Girlfriend mo kaya ako." Pagpupumilit niya.
Sorry for the very slow update. Nabusy po kasi ako sa school, sunod sunod na
activities pagkatapos ng midterm. So here it is, don't worry dahil medyo makakapag-
UD ako ng madalas ngayon.
Thank you for reading. Xoxo. ;)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 13
Chapter 14
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 15
Happy reading :)
BAKAS ang labis na iritasyon sa mukha ni Fourth habang papasok sa hospital ng
kapatid na si Seven. Hindi niya magawang ngitian ang bawat nakakasalubong.
Kagagaling niya lamang sa bahay ng kanyang nakakatandang kapatid na si First at
nagkaroon sila ng konting sagutan dahil sa hindi niya pagpayag na siya ang maging
bantay sa bahay nito kapag lumipad ang mag-asawa patungong Singapore.
Ayos lang sana sa kanya kung hindi marami ang kanyang trabaho at isa pa ay may
kalayuan ang bahay ng mga ito sa law firm niya. He can't sacrifice his work just to
take care of the house were in fact it doesn't need his presence because of the
tight security of the village.
"You look like a grumpy old man." Natatawang tugon ng kanyang bunsong kapatid
nang pabagsak siyang maupo sa couch na meron ang opisina nito ng makarating siya
doon.
Hindi niya ito kinibo. "How are you?"
"Fine." Anas niya.
"But you look like you're not."
"Tsk. Don't talk to me." Asik niya habang kunot na kunot pa rin ang noo.
"So upset, why?" Mahinahong tanong nito na agad niyang sinagot ng iling. Alam
niyang hindi ito titigil sa kakatanong hanggat hindi siya sumasagot ng matino.
"Come on, you can tell me everything, anything." Hinubad nito ang suot na lab gown
at naupo sa kaharap niyang couch.
Mariin niyang itinikom ang bibig ngunit napabuntong hininga pa rin siya.
"Napapadalas ang mabilis na pagbabago ng mood ko." May pagsuko sa kanyang tinig.
"What makes you upset?"
"Nightmares."
"Again? Gaano kadalas?"
"Everytime I slept and most of the time I have a trouble on sleeping." Hindi pa
rin nawawala ang kanyang iritasyon habang nakaharap sa bunsong kapatid na nakamasid
lamang sa bawat galaw niya.
"You are aware that you have a bipolar disorder, right?"
"Damn, yes I know." Maagap niyang sagot at pinukol ng masamang tingin ang
bunso.
"Since when?" Hindi nito pinansin ang nakamamatay niyang tingin. Ngumiti lamang
ito.
"Tsk. Since I woke up in the hospital after that incident."
"What incident?"
Nakipagsukan siya ng tingin dito ngunit hindi natinag ang kapatid. "Gusto mong
isalaysay ko pa? Alam mo na hindi ba?"
"What incident?" Pag-uulit nito.
Kumuyom ang kanyang kamao at nauwi sa galit ang kanina'y iritasyon lamang.
"Incident happened ten years ago in the Inspiration's parking lot. The time when
she died infront of me!" He gritted his teeth.
"Who died?" Tanong pa nito.
"She died."
"Who died?"
"This is bullshit!" Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng kanyang emosyon kaya
nasuntok niya ang center table na pumapagitna sa kanilang dalawa. "Just change your
question, I can't answer that."
"We are having our session now." Matigas ang bawat bigkas nito ng mga salita at
hindi manlang natinag sa kinauupuan. "You are aware that you have a bipolar
disorder?" Ulit nito sa tanong kanina. Hindi siya umimik. "And you also know that
bipolar disorder is also known as manic-depressive illness, which is a brain
disorder that causes unusual shifts in mood, energy and activity levels?"
"I already know that, why are you asking stupid questions again?"
Nakakaunawa itong tumango. "This is your session and you should answer anything
I ask."
INISANG inom niya lamang ang isang baso ng whisky habang nakaupo sa stool na
nasa harap ng bar counter. Pagkatapos ng kanyang session sa hospital ng kapatid,
kung matatawag mang session ang naging daloy ng kanilang usapan ay dumiretso siya
doon upang libangin ang sarili.
Lunod na lunod siya sa lungkot at pakiramdam niya ay wala siyang ibang
masasandalan kundi ang sarili niya. He's having a self pity, again.
Down na down siya at wala siyang ibang lugar na maisip na makakapagtanggal ng
kanyang nararamdaman.
"Hi, handsome." Napangisi siya nang lumapit sa kanya ang babaeng alam niyang
kanina pa panay ang tingin sa kanya, mula ng dumating siya ay nakatingin na ito at
nagbibigay motibo ngunit hindi niya iyon pinansin.
"I'm not interested." Sagot niya at pinigilan ang malikot nitong kamay na
hahawak sana sa kanyang pagkalalaki. "Leave me alone."
"Mukhang may problema ka, I can give you a massage if you want. Any service."
Mapang-akit ang boses nitong hinipan ang tenga niya.
Drop your comment guys. Gusto kong marinig ang mga reactions niyo para mas lalo
akong ganahan sa pagsusulat.
And sorry for typos and grammatical error. :)
-Kuyajen
#AttorneyFourthCastillion
#confuseFourth
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 16
Happy reading. :)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 17
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 18
'COOK A LUNCH for me and bring it to my office, honey.' Hindi niya mapigilan
ang kinikilig na ngiti habang paulit ulit na binabasa ang natanggap na minsahe
galing kay Fourth. Kasama sa mensahe nito ang address ng firm.
Pagkatapos nilang maligo kanina na talagang pagligo lang ang nangyari ay umalis
din ito agad para pumasok sa firm nito. Pero bago iyon ay kinuha ang number niya.
Ayaw niya sanang ibigay dahil personal number niya iyon at ang cellphone ay bigay
pa ng ama ngunit hindi niya magawang tanggihan ang binata.
May napakahalaga daw itong kliyente ngayon at kailangang siya ang humarap dito
ng personal.
Agad agad naman siyang nagpatulong na magluto sa kaibigan na tila imbestigador
na tinadtad siya ng mga tanong na ni isa ay wala siyang matinong nasagot. Kaya bago
siya umalis ay kinurot siya nito at sinabing mamayang gabi ay wala na siyang kawala
sa mga pang-uusisang gagawin nito.
Humugot muna siya ng malalim na hininga habang nakatingala sa building ng firm
ni Fourth.
Eh, tinawag niya akong honey. Tili niya sa isipan.
Kanina pa siya nakarating ngunit pansamantala muna niyang pinahupa ang kabog ng
diddib bago humakabang papalapit sa guard.
"Ano pong maitutulong ko ma'am?" Nakangiting tanong nito.
"Ahm, pinapunta po ako ni Attorney Castillion." Magalang niyang sagot.
"Kayo po ba si Miss Demone?"
Tumango siya. "Opo."
"Ibinilin nga po niyang darating kayo at ako na rin po ang maghahatid sa inyo
sa mismong opisina niya." Anito.
"Thank you po." Masayang sagot niya.
Inalalayan siya nitong makapasok sa loob ng gusali patungong elevator. Hindi
niya mapigilan ang pagtataka dahil wala siyang makita ni isang babae sa paligid,
kahit ang nasa front desk ay dalawang lalaki. Nagpalinga linga siya at nakompirma
talagang puro mga nakaformal attire na mga lalaki ang makikita sa paligid dala ang
mga attached case.
"Puro po talaga mga lalaki ang nagtatrabaho dito." Napabaling siya kay Kuyang
Guard dahil sa sinabi nito, siguro'y napansin sa expression ng mukha niya ang
pagtataka. "Bali kayo po ang unang babaeng pumasok dito maliban sa mga kliyente."
Hindi niya alam ang sasabihin kaya tumango na lamang siya. Gan'on ba kailap ang
binata sa mga babae para gawin iyon? Masyado pala talaga nitong pinapahalagahan ang
puwang ng babaeng mahal nito para hindi maalis sa puso ng binata.
Agad niyang iwinaglit ang kirot sa dibdib dahil sa mga iniisip.
"Ang saya ko nga po ng magbilin siya sa'kin na may babaeng darating dito para
daw magdala ng lunch niya kaya dapat daw papasukin ko agad. Unang beses po kasi
iyon kaya naging masaya ako dahil sa wakas ay mukhang may iba na siyang
pagkakaabalahan maliban sa pagiging tutok sa trabaho." Muli siyang tumingin sa
gwardya, bakas nga ang saya sa kislap ng mga mata nito. Medyo may katandaan na ito
at mukhang kilalang kilala na si Fourth. "Aba'y napakaganda mo kaya hindi
nakapagtatakang ikaw ang girlfriend niya."
"Opo, kaibigan niya nga po ako." Sagot niya.
Mas lalo itong napangiti. "Alagaan mo ang binatang iyon ha? Marami na iyong
pinagdaanan kaya kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya para kahit papaano'y maibsan
ang bigat na dinadala niya." Payo pa nito at siya namang pagbukas ng elevator,
hindi na ito lumabas pa at ngumiti lamang sa kanya. "Iyan ang office niya." Sabay
turo sa pintong nasa harap niya mismo. "Mauuna na ako sa baba at kailangan ko ng
bumalik sa trabaho." Anito.
"Maraming salamat po."
"Walang anuman iha."
May sumalubong sa kanya na isang lalaki na siguro'y secretary ni Fourth at ito
na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Agad na nagbago ang kanyang emosyon dahil sa bumungad sa kanya.
Guess what will happen next? Drop your comments :)
-Kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 19
Sa bawat series po may mga pasilip sa bawat partner pero hindi ko po ipenattern
ang time and year doon, it only serves as pasilip. Tulad po ng scene sa Second
Series na nagalit si Fourth kay Demone, mapapansin niyong hindi pa mag-asawa n'on
sina Segundo at Anton samantalang dito sa kwento ay mag-asawa na sila at
nagsisimula pa lang love story ng mga bida.
Wag niyo nalang pong pansinin iyon dahil hindi ko po ibinasi taon ang kaganapan
na 'yon. Just go with the flow of this present story para hindi kayo maguluhan.
That's all thank you. :)
I will relly appreciate if you drop more comments and reactions.
-Kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 20
Hi everyone. :) Medyo sinisipag lang akong mag-update. Gusto ko kasing matapos ang
kwento ni Fourth before this year end. Kung kaya lang naman.
Happy reading.
"Hindi naman kasi talaga mali ang magmahal pero hindi rin
makakabuti ang sobra sobra kaya ikaw maging wais ka, wag puro si hart ang sundin
kasi kahit na ang sinasabi ng puso ang makakapagpasaya sa isang tao ang isip pa rin
ang makakapagsabi sa kung ano ang tama at nararapat." She stated.
Tumatagos sa kanyang kalooban ang bawat salita ng kaibigan. Ngayon lamang niya
nakita ang ganitong side nito, malayo sa pagiging mapagbiro at palatawa. Siguro
nga'y bawat isa, bawat tao ay may itinatagong kakaibang side na hindi kilala ng
lahat. May isa pang pagkatao maliban sa nakikita ng karamihan.
"Tatandaan ko lahat ng mga sinabi mo." Aniya.
Malaking bagay sa kanya ang mga payo nito tulad ng kung gaano kalaki ang
pagmamalakasit nito sa kanya.
"OLA PAPAI." Seryoso ang tinig na bungad niya ng sa wakas ay sagutin nito ang
kanyang tawag.
Naiyos niya ang higaang nakalaan para sa kanya habang nakaipit sa pagitan ng
braso at tenga ang kanyang cellphone upang makausap ang ama.
May gusto siyang sabihin dito at hindi na niya kayang patagalin pa iyon kaya
siya na mismo ang tumawag dito.
"Que surpresa sua minha linda filha." What a surprise call from you my
beautiful daughter. Bakas ang pinaghalong tuwa at pagtataka sa boses nito dahil sa
biglaan niyang pagtawag.
"Isso ê pai urgente." This is urgent dad. She replied. Seryoso ang tabas ng
kanyang mukha, malamig ang emosyong mababanaag sa mga mata habang mahigpit ang
pagkakahawak sa cellphone. Pabagsak siyang naupo sa kutson.
"O que ê tudo sobre esse tempo." What is it all about this time? Naging seryoso
rin ang tinig nito. Kilalang kilala niya ang kanyang ama at kilalang kilala rin
siya nito bilang nag-iisang anak.
"Eu preciso do Pexus aqui." I need Pexus here.
Pexus is her father's trusted person. Simula ng maging tauhan ito ng ama ay ito
na rin ang naging personal bodyguard niya noong nasa puder pa siya ng ama. He is
ten years older than her that' why she treat him like her real brother.
"Pelo que?" What for? Tanong pa ng ama, sa tono ng pananalita nito ay tila
hindi sang-ayon sa gusto niya. As she says, he knows her too well and her
capability to do anything she want.
"Alguma coisa importante." Something important.
"Quão importante? Why so sudden, my daughter? Is there any problem?" How
important? Sunod sunod na tanong nito.
Umiling siya na tila nakikita siya nito. "Custou a vida e a morte." It cost
life and death. Nagtatagis ang mga bagang na tugon niya. Kuyom ang kamao ng dalaga.
Nag-iisa lamang siya sa silid dahil nagpaalam ang kaibigan na magpapahangin muna sa
labas kaya nagkaroon siya ng pagkakataon nakausapin ng ganito ang ama.
"Whatever it is please don't do it." May pagmamakaawa sa boses nito pero tila
siya bato na hindi pinakinggan ang pagkabahala ng ama.
"You know me dad." Aniya.
"Exactly my point, I really really know you so I also know what you are capable
of." Nagmamakaawa pa rin ito. "Please, whatever your plan is just forget it."
Masamang masama ang tingin niya sa pader na kaharap at mas lalong nagngitngit
ang kanyang kalooban. "Forget? I fucking can't."
Natahimik ang nasa kabilang linya. "Just send Pexus here." Aniya bago tuluyang
tapusin ang tawag.
HINDI pa lumilipas ang halos kalahating minuto ay muling tumunog ang aparatong
hawak.
Pexus Calling...
Agad niya iyong sinagot, wala pa ring pagbabago sa kanyang emosyon. Hindi pa
rin humuhupa ang galit na nasa dibdib, malamig pa rin ang kanyang emosyon na hindi
niya magawang pigilan.
"Ola Senhora." Hello, Madame. Bungad ng lalaki. "I heard from Mestre that you
want me there?" Malalim ang baritono nitong tinig na tulad niya ay tila nagyeyelo
sa lamig, kung iba ay magsisitaasan ang mga balahibo kapag narinig ang boses nito.
Tumango siya. "Eu tenho uma tarefa para você." I have an assignment for you.
Katumbas ng lamig ng boses nito ang sa kanya.
"O que é isso, Senhora?" What is it Madame? He asked.
"Encontrar qualquer informasão sobre o Senior Alvarez." Find any information
about Mr. Alvarez.
"Mas Senhora--" But Madame--. Tulad ng inaasahan na niya ay pareho ang reaksyon
nito sa reaksyon ng kanyang ama. Tututolan siya.
"Faça o que eu digo Pexus, sem mais pergustas." Just do what I say Pexus, no
more questions. Anas niya. "I don't need your opinion."
Sandali itong natahimik bago muling sumagot.
"Mas quando o Mestre descobrir sobre isso, ele vai ficar com naisa de mim." But
when Master found out about this, he will be mad at me.
"He knew except the target involved in my plan."
"Paano kung malaman niya?" Yes, he can speak tagalog. Pexus Mendrez is a pure
Filipino but he was born in Brazil, grow and live a life there until now.
"Se você disses a ele, ele pode descobrir." If you tell him, then he will find
out.
Tulad ng ama kanina ay hindi na ito nakaapila pa sa kagustuhan niya. Wala itong
nagawa kundi ang sundin siya, sinabi nito na bukas na bukas din ay lilipad ito
papuntang Pilipinas at gagawin ang mga utos niya, personally.
Walang problema sa lahat ng kakailanganin nito dahil sagot iyon ng kanyang ama.
Matapos ang pakikipag-usap ay nahiga siya sa kutson at tumitig sa kisema. Pilit
niyang pinapahupa ang emosyon ngunit tila mahihirapan siya, ilang taon niyang
kinimkim ang galit at ngayo'y may pagkakataon siya ay hindi hindi niya iyon
palalagpasin.
Magbabayad ang dapat na magbayad.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 21
Happy reading :)
'MOMMY!' Halos mabingi ang batang babae dahil sa napakalakas na sigaw na
sumabay sa malalakas na putukan ng baril papunta sa gawi ng kanilang sasakyan.
Ang pagkatulala ng bata sa nakitang pagbaon ng bala sa katawan ng ina ay
biglang nadagdagan ng labis na takot dahil sa pagsigaw ng kanyang kapatid.
'DETHINIA!' Sigaw ng kanyang isipan ngunit hindi nakisama ang kanyang tinig.
Walang lumabas na boses sa kanyang bibig kahit na gustong gusto niyang pigilan
ang kapatid dahil baka ito naman ang mapahamak.
Mas lalong nanginig ang kanyang katawan habang patuloy sa tahimik na pagtangis,
kahit nais niyang humagulhol ay walang ingay na lumalabas sa kanyang bibig.
Sobra sobra ang mga pangyayaring kanyang nasasaksihan para sa bata niyang edad.
Hindi makatarungan ang karahasan na nangyayari sa kanyang harapan.
"MOMMY!" Muling sigaw ng kanyang kapatid, alam niyang takot rin ito.
Tahimik lamang itong natutulog kanina sa likod ng sasakyan dahil napagod sa
biyahe ng magtungo sa Inspiration, ang art school ng kanyang Tita na siyang
kagustuhan niya. Iyon ang dahilan kung bakit mag-isa siyang pumasok sa paaralan at
naiwan ang mga ito sa parking lot dahil binabantayan ng ina ang kanyang kapatid.
'Please Demone don't go out!" Ang pagbulong na lamang sa kanyang isipan ang
tangi niyang nagawa samantalang ang kapatid ay tumatangis na mabilis na nakalabas
ng sasakyan bago niya pa mapigilan.
'No! No! Please help them!'
Halos mawalan siya ng ulirat ng walang magawang pinanood ang sya ring pagtama
ng bala sa maliit na katawan ng kapatid. Tuluyan siyang natulos at hindi na
nakagalaw sa kinasasadlakan.
Ilang bala ang bumaon sa katawan ng kapatid hanggang sa tuluyan itong bumagsak
sa ibabaw ng kanyang inang wala na ring buhay. Patuloy ang putukan at walang sino
man ang sumaklulo sa kanila.
Tila siya bingi at walang buhay na nakatingin lamang sa dugong dumanak na
nagmula sa dalawang taong pinakamahalaga sa kanyang buhay, ang dalawang taong
pinakamamahal niya.
Ang kanyang ina at ang kanyang kakambal.
'N-No'
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makaramdam ng kirot at pagbaon ng mainit na
bagay sa kanyang dibdib. Niyuko niya iyon at nakita niya ang pagkalat ng dugo sa
sariling damit bagp tuluyang mawalan ng malay.
HUMAHANGOS NA napabangon si Demone mula sa kanyang pagkakatulog dahil sa
masamang panaginip na muling dumalaw sa kanya. Napahagulhol siya ng iyak habang
patuloy sa pagdagsa sa kanyang isipan ang naging kaganapan sa kanyang panaginip.
No, it's not a dream. Alaala iyon mula sa naging nakaraan ng kanilang pamilya.
Ang pinakamasaklap na pinagdaanan ng kanilang pamilya.
"Dem, ayos ka lang?" Naramdaman niya ang masuyong paghaplos sa kanyang likod,
mas lalong napalakas ang kanyang pag-iyak.
Si Edith iyon na nagising dahil siguro sa kanyang ingay. Magkatapat lamang ang
kutso na kinahihigaan nila kaya madali itong maaabala kapag lumikha siya ng ingay.
Ilang ulit siyang umiling at hindi nagsalita. Niyakap niya ang mga tuhod at
nagsumiksik sa sariling katawan. Parang pinagpipiraso ang kanyang puso dahil sa
sakit habang inaalala ang mukha ng kakambal at kanyang ina. Duguan at walang mga
buhay na nakahandusay sa malamig at maduming sahig ng parking lot.
"Sandali lang ikukuha kita ng tubig." Sambit ng kaibigan. Narinig niya ang pag-
alis nito.
Tahimik lamang siyang umiiyak tulad ng kung gaano siya katahimik noong
tinatadtad ng bala ang kanilang sasakyan.
Chapter 22
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 23
MINSAN sa buhay ng isang tao may mga desisyon tayong ginagawa dahil sa
masidhing emosyong ating naramdaman. Tulad ng galit at poot dahil sa mga taong
ipinagkait sa'tin ang kaligayahang minsan nating natamasa.
Pilit ang ngiti sa mga labi ni Demone habang naglalakad papasok ng malinis na
bakuran ng mga amo. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam dahil
nabigyan siya ng pagkakataon na ipakita ang tunay na pagkatao kahit na isang araw
lamang. Nakakapagod rin ang magpanggap na ayos lang kahit ang totoo ay araw araw
siyang dinadalaw ng masamang bangungot ng kanyang buhay. Nakakapagod rin ipakitang
masaya ka kahit ang totoo ay nawawawasak ka. Nakakapagod magpanggap na mabuti kang
tao kahit sa isipan mo ay nais mong pumatay dahil sa nag-uumapaw na galit.
She was never been an innocent tulad ng pagkakakilala sa kanya ng mga taong
nakasama niya mula ng tumungtong siya sa Pilipinas. She was never been an naive
woman dahil pinalaki siyang dapat alam ang lahat dahil sa paghahanap ng hustisya.
Pinalaki siyang hindi takot sa pagdanak ng dugo, pinalaki siyang normal lamang ang
pagpatay lalo kung makasalanang mga tao ang pinag-uusapan. Pinalaki siyang kayang
ipagtanggol ang sarili lalaki man o babae ang kalaban.
She's the opposite person on who she is today, sa harap ng marami, sa harap ng
hindi nakakakilala sa kanya.
"Where have you been, hon?" Napaigtad siya dahil sa malamig na boses na
sumalubong sa kanya ng pumasok siya sa kabahayan.
Sandali siyang natigilan dahil hindi niya inaasahang nandito si Fourth. Nakaupo
ito sa couch habang kaharap ang mga papeles, suot ang reading glasses nito na
lalong nagpatingkad sa pagiging gwapo ng mukha. Hindi ito nakaharap sa kanya dahil
abala sa ginagawa. He's wearing a black sando and blue pajama.
"Ahm, naglibot libot ako e." Napapakamot sa pisnging sagot niya, napangiwi siya
sa sariling palusot.
But despite of everything one thing is for true, isang bagay ang totoo sa lahat
ng kasinungalingan niya 'yon ay ang kanyang nararamdaman para sa binata. She loves
him. May mga bagay nga siguro sa buhay natin na hindi natin makokontrol, dadating
at dadating kahit wala sa planong ating inaasahan.
Kaya niyang dayain ang lahat sa paligid niya pero hindi ang kusang pagkabaliw
ng puso niya kapag si Fourth ang usapan.
Minsan nakakakonsensya, isang bagay na ito rin ang nagturo sa kanya. Noon ay
wala siyang alam sa salitang konsensya ngunit ang pagmamahal niya para rito ay
tinuruan siya ng hindi niya namamalayan. Nakokonsensya siya sa pagpapanggap na
ginagawa pero para iyon sa hustisyang matagal na nilang inaasam ng ama. At walang
makakapagpabago n'on.
"Naglibot-libot at inabot ka ng diyes oras ng gabi?" Sarkastiko ang tinig nito
na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
Napanguso siya dahil para itong tatay kung magtanong. "Naligaw ako." Aniya,
halos karaniwan na rin ang paglabas ng mga palusot sa bibig niya tanda na sanay na
sanay siyang nanlilinlang ng mga tao.
Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito na halatang hindi naniniwala. Ano pang
aasahan mo Demone? Abogado 'yang kaharap mo kaya hindi basta basta maniniwala sa
lame mong palusot.
Padabog siyang umupo sa single couch na kaharap nito, nakasunod ang tingin nito
sa kanya.
"Atleast ako ginabing umuwi kasi naligaw hindi katulad ng iba diyan na hindi
manlang tumawag sa'kin dahil busy sa pakikipaglandian sa unano niyang babae." Hindi
niya napigilan ang paglabas ng inis dahil naalala niya ang nakita niya sa law firm
nito kanina.
Natauhan siya sa mga sinabi ni Pexus kanina pero gan'on talaga siguro ang
pusong nagmamahal hindi mo namamalayang nagpapakababa ka na at nagpapakadesperado.
"What are you saying?" Mas lalong kumunot ang noo nito.
Inirapan niya ito habang nakasimangot at imbes na sumagot ay minabuti na lamang
niyang tumayo para magpunta sa kanyang silid.
"Hey, hey halika nga dito." Bago pa siya tuluyang makaalis ay nahila na nito
ang kamay niya at bumagsak siya sa kandungan nito.
Awtomatiko ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi pero hindi niya iyon
ipinahalata. Hindi pa rin siya sanay na ganito ang binata, mas nasanay siyang
masungit ito. Noon ngang palaging lukot ang mukha at tila allergic sa presensya
niya ay nagawa niyang mahulog ngayon pa kayang may ipinapakita na naman itong ibang
pagkatao, baka malunod na siya at hindi na makabangon pa.
"Bakit ikaw pa itong galit ngayon? Ipapaalala ko lang na hindi tama ang umuwi
ng ganitong oras lalo at babae ka, baka mapahamak ka sa labas tanga ka pa naman."
Ngumisi ito dahil napaingos siya sa huli nitong sinabi. Inayos nito ang hibla ng
mga buhok na tumatabing sa kanyang mukha at inilagay iyon sa likod ng kanyang
tenga. "Saan ka galing? Wag mong ibahin ang usapan." Hinalikan siya nito sa
sentido, napapikit siya at napangiti ng gumaan ang kanyang kalooban dahil sa ginawa
nito.
Nag-iwas siya ng tingin. "P-Pumunta ako sa firm mo kanina."
"What? Bakit hindi kita nakita?" Muli na naman siya nitong hinalikan ngunit sa
noo naman ngayon.
"Paano mo ako makikita busy ka kaya sa pakikipaglandian sa unano na 'yon."
"Sinong unano? At hindi tamang nanlalait ka ng kapwa."
"Ewan, basta 'yong babae sa labas ng firm mo kanina ngiting ngiti ka pa habang
nakikipag-usap d'on pero kapag ako ang kausap mo you're so grumpy and irritated.
Palagi pang salubong ang kilay mo like inaabangan mong magkamali ako para
pagalitan." Nagpumilit siyang bumaba sa kandungan nito dahil totoong naiinis na
siya ngayon dito. Pero mas hinapit siya ng binata at hinigpitan ang pagkakayapos sa
kanyang bewang.
"Si Sandra ba ang tinutukoy mo? Tsk. Nag-usap lang kami tungkol sa kasong
ipinahawak ko sa kanya, isa siya sa mga abogado ng firm ko. Don't be jealous okay?
I maybe smiling while talking to her but that's because of work. Magselos ka kung
nakita mo akong nakikipaghalikan." He explained.
Sinalubong niya ang nakakapaso nitong tingin. "Why are you explaining? And you
talk so long hindi ka na tamad magsalita." Puna niya.
Ngumiti ito at pagod na napasandal sa couch. He shrugged. "I don't know, hindi
ako ang tipo ng tao na nagpapaliwanag but I'd rather talk too much than seeing your
grumpy face because of jealousy. I want you to always smile for me." Dumampi ang
labi nito sa tungki ng kanyang ilong. Napangiti siya.
Sige lang, unahin ang kalandian Demone para mawala lahat ng pinaghirapan mo.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng isip. Kahit ngayon lang ayaw niyang
magpanggap sa harap ng binata.
"Girlfriend mo na talaga ako?" Tanong niya bago iniyakap ang mga braso sa leeg
nito. She felt secured and contented. Napakagaan ng kanyang pakiramdam ngayong nasa
loob siya ng mga bisig nito.
"Yeah, ang kulit mo e." Sinimulan nitong haplusin ang kanyang buhok.
"Napipilitan ka lang?"
"Nope, I want to try it. Having a girlfriend and being committed. Hindi ko pa
nararanasan 'yon since then, so I want to give it a try." Sandali itong natigil sa
pagsasalita. "You know I have my past but I like you so maybe that's enough reason
to settle my feelings for you." Sinsero niyang tugon. Tiningala niya ito at
nagkasalubong ang kanilang mga tingin, may lungkot pa rin sa mga mata ng binata
pero hindi na siya maghahangad ng ano pa man. Makukuntento na siya sa kayang ibigay
nito ngayon, maybe she can also help him to move on.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 24
Napangiti siya.
Hindi niya alam kung ano ang punto nito ngunit matyaga siyang nakinig dahil
tungkol iyon sa lalaking mahal niya. She's maybe a deceiver and a bad person but
she loves Fourth more than anyone else next to her dad.
Sandali silang natahimik ng dumating ang waiter at maglapag ng kape.
"Pupuntahan sana kita sa bahay ni Kuya First kaso nakita kita dito kaya pumasok
na ako, mas mabuting wala si Kuya Fourth." Tumingin ito sa kanyang mga mata."Hindi
ko alam kung bakit kasama mo si Attorney Alvarez pero sana hindi iyon maging
dahilan para masaktan ang kuya. I know what you are doing but it's not my business
and I everyone of us has a reason why we act in any way. I am a psychiatrist and I
am not one if I don't master everything about it, so yeah maybe I can't read a
person's mind but I can read one's action.
Matanda na si Kuya Fourth kaya alam kong tama ang babaeng pinili niya para
pumasok sa isang relasyon. I am telling you this not as his doctor but as his
brother. Please don't hurt him in any way, his though but deep inside he's also
fragile." Lumamlam ang mga mata nito habang sinasabi ang mga iyon tungkol sa
kapatid.
"I don't understand your point, really but I promise I wont hurt him. Mahal ko
siya tulad ng kung gaano ka nagmamalasakit sa kanya at hindi ako gagawa ng mga
bagay na ikasasakit niya dahil para ko na ring sinaktan ang sarili ko." Hindi siya
sanay sa ganoong mga salita dahil ito ang unang pagkakataon na umibig siya pero
madali lang sa kanya ang sabihin lahat ng iyon dahil iyon mismo ang sinasabi ng
kanyang puso.
"I'm really glad to hear that. Mapapanatag ako, and another thing please be
patient, kung may mga bagay man siyang magawa sa'yo sana intindihin mo siya. Kung
masaktan ka man niya lagi mong tatandaan na hindi niya iyon sinasadya. I have no
right to speak as if I am his but I don't want him to get hurt kaya kahit ang mga
bagay na siya lang ang may karapatan ay pinangungunahan ko siya."
Nakaramdam siya ng pangamba dahil sa mga salitang sinasabi nito. Hindi siya
natatakot kung maaari man siyang saktan ni Fourth ang ipinapangamba niya ay
kapakanan nito.
"Why are telling this?"
Bumuntong hininga siya. "Para maging handa ka sa mga posibilidad, kuya has
bipolar disorder." Napatulala siya dito. "Akala ng lahat ay simple lamang iyon but
it's not, ang pagbabago bago ng mood ng isang tao sa parehong oras ay hindi maganda
dahil kapag nangibabaw ang emosyon ay nagiging irrational ang pag-iisip. Ayokong
gumawa ka ng bagay na ikasasakit niya dahil kapag natrigger ang galit niya ay
maaari siyang makapanakit ng tao, walang makakapigil sa kanya at kung masasaktan
naman siya at malulungkot baka tuluyang bumigay ang mentality niya.
See? Hindi siya malakas tulad ng akala ng iba, mahina ang kuya at
ipinagkakatiwala ko siya sa'yo. This is his first time entering a relationship at
alam kong hindi magiging madali para sa kanya ang mga emosyong maaaring iparamdam
sa kanya." Bumalik ang masayang ngiti nito bago iangat ang tasa ng kape at
kalmadong humigop doon.
Samantalang siya ay hindi nakapagsalita dahil sa mga sinabi nito. Ayaw man niya
pero nag-aalala siya para sa kasintahan. Sa pisikal nitong anyo ay hindi masasabing
may pinagdadaanan itong gan'on, napatitig siya sa kapatid nito at lihim siyang
humanga sa pagmamahal nito para sa kapatid. Bakas na bakas sa mga salita nito ang
pag-aalala.
"Ayaw na niyang magpagamot dahil hindi naman daw siya gumagaling, so the less I
can do right now is to secured that he's in the good hand." Makahulugan itong
tumingin sa kanya.
Tumango siya. "I will take care of him, salamat dahil pinagkatiwala mo sa'kin
ang isang bagay na tungkol sa kanya." Aniya.
Nagkatitigan sila at parehong natawa bago ito tuluyang tumayo at gan'on rin ang
ginawa niya. "Nice meeting you again, by the way." Natatawang sabi nito bago siya
yakapin. "Welcome to the family." Anito.
GABI NA NGA MAKARATING sila sa harap ng village kung saan ang bahay ng kanyang
mga amo. Pagkatapos nilang mag-usap ni Seven ay nagpaalam rin itong babalik na sa
hospital habang sila ni Clint ay sandali pang nag-usap bago siya magpasyang umuwi.
Ayaw niyang ihatid siya nito ngunit nagpumilit ang binata.
Laking pasalamat niya ng makababa sa sasakyan nito. Bahagya niyang ibinaba ang
suot na damit dahil halos umakyat na ito sa puno ng kanyang hita.
"Sigurado ka bang hindi na kita ihahatid sa loob?" Pangungulit pa nito.
"I'm fine." Akmang lalapit na siya sa guard upang pabuksan ang gate ng
maramdaman niyang hinawakan siya nito sa braso. Hindi niya namalayang nakababa na
ito ng sasakyan.
"Ahm. Pwede pa ba tayong magkita ulit?" Tila nahihiya itong tumingin sa kanya.
Kulang nalang ay itikwas niya ang mga kilay ngunit pinigilan niya ang sarili.
Lihim niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Hindi niya gustong
dumadaiti ang balat ng kalaban sa balat niya. Baka maghalo ang balat sa tinalupan
kapag hindi siya napagpigil.
"Busy na kasi ako sa mga susunod na araw, maybe next time I'll text you if I'm
available." Pasimple niyang pagtanggi sa paanyaya nito. Hindi pa naman umuusad ang
kaso kaya siguro'y hindi pa gan'on kadami ang impormasyong kanyang makukuha dito.
Muli siyang tumalikod rito upang pumasok na sa village ngunit hindi niya
inaasahan ang biglang pagkabig nito sa kanya at ang paghalik sa kanyang mga labi.
Nanalaki ang kanyang mga mata dahil sa kapangahasan nito at gusto niyang tuluyang
tapusin ang buhay nito ngunit bago niya pa iyon magawa ay may humila na sa binata
at bumagsak ito sa sahig.
Napasinghap siya ng makita ang tila sasabog sa galit na mukha ni Fourth.
Nagtatagis ang mga bagang nito at kahit siya ay nakaramdam ng kilabot sa galit na
ibinubuga ng pagkatao nito.
"F*ck you!" Dumagundong ang galit na galit nitong boses na bumasag sa
katahimikan ng gabi.
Pinagsasapak nito ang mukha ni Clint, ang mga kamao ay napapahiran na ng dugo
at tila balak nitong patayin ang lalaki. Hindi niya alam ang gagawin lalo't nabigla
rin siya sa mga nangyari.
"Papatayin kita!" Para itong halimaw na nakawala sa kulungan at hayok na hayok
na kumitil ng buhay. Halos hindi na niya makilala ang mukha ni Clint dahil sa
dugong bumabalot sa basag na nitong mukha.
"Fourth, tama na. Tama na." Tila siya natauhan, hindi niya namalayan ang pag-
agos ng kanyang mga luha dahil sa pangmabang baka mapatay nito ang lalaki. At hindi
niya gusto iyon dahil baka ito ang mapahamak.
Niyakap niya ang likod nito na patuloy sa pagsipa at pagsuntok sa nakahandusay
na katawan ng pobreng lalaki.
"Tama na, please. Tama na." Paulit ulit niyang tugon. Mas hinigpit niya ang
pagkakayakap dito upang tumigil ito pero tila nasagad niya ang galit nito dahil
wala itong pinalinggan. Ang hiling niya lang na sana'y hindi nito napatay si Clint.
"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw nito, hindi na gumagalaw ang lalaki ng hilahin
siya ni Fourth papasok sa village. Walang umawat na mga gwardiya dahil kahit ang
mga ito ay takot na salubungin ang labis na galit ng binata.
Mariin niyang kinagat ang kanyang mga labi upang pigilan ang pag-iyak.
Natatakot siya hindi para sa sarili kundi para sa kasintahan, mukhang walang
magpapakalma dito at natatakot siya sa pwedeng gawin nito sa sarili dahil sa
paglukob ng sariling emosyon.
Chapter 25
KAPAG NAGMAHAL ka hindi lang puro saya ang handa kang maranasan. Dapat handa ka
rin sa posibilidad na masaktan, mabigo at lumuha. Dahil ang pag-ibig hindi
pinapatatag ng saya kundi ng mga pagsubok na handa niyong lagpasan ng magkasama.
It's not about the happiness you'd been together but the love that bond you to stay
each other's side. At iyon ang nararamdaman niya ngayon para kay Fourth.
Hindi panandaliang pagmamahal na mang-iiwan kapag nakita ang pangit na side ng
kasintahan. It's not love if you can't accept the worst side of your partner.
Simpleng atraksyon lamang iyon na nauuwi sa hiwalayan. And she don't want that kind
of relationship.
"Does it hurt?" May pagsuyong tanong ni Fourth sa kanya. Hinahaplos haplos nito
ang kanyang braso na ngayon ay may pasa na, doon mahigpit siyang hinawakan kanina
ng binata.
Nakangiti siyang umiling at hinalikan ang hubad nitong didbib. Nang kumalma ito
kanina ay puno ng pagsisisi na paulit ulit itong humingi ng tawad na agad niya rin
namang pinatawad. Sapat na 'yong guilt nito para lumambot ang kanyang puso.
"Nope." She answered popping the 'p'. "Mawawala din naman 'yan maya-maya. Ikaw
kumusta pakiramdam mo? Your mood?" Tiningala niya ito at matamis na nginitian.
Binihisan siya nito kanina kaya ang t'shirt nito ang suot niya ngayon,
samantalang ito ay nakaboxer shorts lamang. Nakahinga siya sa ibabaw nito habang
mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng kasintahan.
"I'm okay, sorry dahil hindi ko talaga nacontrol ang emotion ko. It anger me
seeing you kissed by another guy." Malungkot nitong tugon.
"Hindi ko rin inaasahan na gagawin niya 'yon, nabigla ako kaya hindi agad ako
nakaiwas. I'm sorry kasi ako ang nagtrigger ng galit kaya nasaktan ka." Hinalikan
niya ang baba nito, lumamlam ang tingin sa kanya ng binata. Puno iyon ng pagsuyo
dahilan para magwala na naman ang puso niya.
Ilang sandali itong nakatitig sa kanya habang panay lamang ang haplos sa
kanyang buhok at nasugatang labi. "How did you do that?"
"Do what?"
"Yong mas inaalala mo ako kaysa sa mga nagawa ko sa'yo, hindi kita nirespeto sa
paraan ng pagsasalita at marahas kong pagdala sa'yo dito. Inaasahan kong magagalit
ka, kamumuhian mo ako at iiwan. How can you be so selfless?"
"Hindi ako selfless, I'm a selfish daughter. I'm a selfish person, hindi ako
mabuting tao kaya hindi ko rin alam kung bakit ganito ako kalambot pagdating sa'yo.
Maybe because my love for you is too much to handle kaya sa sobrang pag-uumapaw ay
nagagawa kitang patawarin kahit alam kong mali. Isa pa iyon ang isinisigaw ng puso
ko, na patawarin at intindihin ka. Hindi ako nakaramdam ng pagkamuhi o nag-isip na
iwan ka dahil habang ginagawa mo sa'kin 'yong kanina, ang sabi ng isip ko mas
mamahalin ko itong taong 'to dahil kailangan niya ako, mas mamahalin ko ang taong
'to dahil kahit gaano siya katapang sa panlabas na anyo ay napakahina ng kalooban
niya."
Napangiti siya ng bumakas ang paghanga sa mga mata nito, kumikislap iyon habang
nakaabang sa lahat ng mga sasabihin niya. "Bakit parang ang matured ng kausap ko?"
Nakangiting tanong nito.
She shrugged. "Matured naman talaga ako, ikaw lang naman ang nagsasabing
hindi."
Nanggigigil na hinalikan siya nito sa ilong. "Alam mo bang nalulunod ako dahil
sa ipinaparamdam mo sa'kin ngayon? The feeling is too much, parang napakahalaga
kong tao."
Bilang ganti ay pinupog niya ito nga halik sa buong mukha. "Just stay still and
I will do the rest, I will love you fully. Hindi ako matatakot na sumugal kahit na
alam kong gusto mo lang ako at may mahal kang iba. This is my first time taking
risk using my heart so why not give it whole to you then when you break it, oo
masasaktan ako pero hihilom rin naman siguro ang sugat. It's your loss kasi
mawawala na ako sa'yo habang buhay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 26
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 27
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 28
Iba po ang 'first love' sa unang niligawan. First love means the first person who
teaches you what love is, at ang unang panliligaw ay hindi pwedeng iconsidered agad
na first love. Love is far different to courtship. Kasi may nanliligaw naman na
hindi niya mahal ang isang tao.
So in this case, walang pa ring nagpapatunay na may bumali sa paniniwala ng mga
Castillion na 'kung sino ang unang minahal ay siya na ang pikahuli.' Gets?
😄😄
May nabasa po kasi ako sa mga comment na parang pinopoint out na bali na ang
paniniwalang iyon dahil daw ang unang niligawan ni Third ay si Natalie so hindi na
si Gail ang first love, hindi po gan'on 'yon. 😍😍
She's still the first love because she's the first woman who teaches Tres to
fall in love. She's the first woman who made Tres felt what love is.
P.s Please read the third series and kindly understand the whole story.
😊😂
-Kuyajen
Hi to @AlyssaLelis. Happy reading. 😍😍
"KAYO NA?" Nanlalaki ang mga mata ni Mimi habang nagtatanong, para itong batang
nangingislap ang mga mata sa galak.
Magkakaharap silang lahat sa hapag kainan upang mag-agahan, hindi pumayag ang
mag-asawa na hindi sila sumasabay sa mga ito sa pagkain dahil hindi raw sila basta
katulong lang.
Nahihiyang nagyuko siya ng ulo dahil magkatabi nila ni Fourth habang seryoso
itong umiinom ng kape.
"Yeah." He simply replied.
Namayani ang tili ni Mimi sa buong hapag at napapalakpak pa. "I knew it, I knew
it from the start na may chemistry kayo e. Bagay na bagay kayo, may spark."
Napatingin siya kay Fourth na hindi na nagsalita. Kumunot ang kanyang noo ng
mapansing tulala ito. Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan. "Hey, you okay?"
Doon lamang ito kumurap at nagtatakang tumingin sa kanya. "You were sayin'?"
Pinisil niya ang kamay nitong nasa ilalim ng mesa. "Tinatanong kita kung okay
ka lang, mukhang tulala ka e."
Hinalikan siya nito sa noo na mas lalong ikinainit ng kanyang pisngi. "Don't
mind me, just eat." Ipinaglagay siya nito ng pagkain sa kanyang pinggan.
"Ee, kinikilig ako sa kanila. Sabi na nga ba at magkakaroon din ng katapat
itong masungit na si Kuya Fourth e. Hindi na siya grumpy everytime kasi may
lovelife na siya." Kantyaw pa ni Mimi. "Kunwari ka pang ayaw mong bantayan ang
house namin, ang naiwan pala ang gusto mong bakuran e."
Umangat ang sulok ng labi ni Fourth dahil sa sinabi ng sister in law. "Still
talkative." Komento nito.
"Iniiba mo usapan ha, marunong ka pa lang lumandi." Humagalpak ito ng tawa.
"Baby, stop teasing them buhay nila 'yan." Sabat ng asawa nitong kanina pa
abala sa pagsubo ng gulay kay Mimi.
"Ayaw mo lang kantyawan ko si Kuya Fourth kasi alam mong pareho kayong mahilig
sa bata." Humagikhik pa siya kaya hindi napigilan ni Demone ang sumabay sa tawa
nito habang ang magkapatid ay lukot ang mga mukha. Salubong ng mga kilay at walang
kangiti-ngiti sa labi kaya mas lalong nadepena ang pagkakahawig ng mga mukha at
masasabing magkapatid ngang tunay.
"May kasama na ako sa wakas, you know what Demone pwede tayong magbuild ng team
kapag masyado ng matanda ang mga asawa na'tin. Kapag di na sila makalakad hanap
tayo ng papa." Tuwang tuwang suhestyon nito samantalang siya halos mabilaukan dahil
sa pagsasabi nitong 'asawa na'tin', ito lang naman ang may asawa pero bakit isinali
siya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 29
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 30
Tulala lamang si Demone kaya hindi niya namalayan ang muling paglabas ni Fourth
sa banyo. Hindi mawala sa kanyang isip ang mga narinig tungkol sa usapan ng asawa't
Senior Alvarez.
"You're awake." Napakurap kurap siya at bumalik ang naglalakbay na isip ng
maramdaman ang malambot na labi ng asawa sa kanyang noo at labi. "Lets go down
stair I will cook breakfast for you." Tugon nito, hindi pa man siya nakakatayo mula
sa pagkakasadlak sa kama ng bigla siya nitong buhatin na tila bata.
Napayakap ang kanyang mga braso sa leeg nito habang ang mga braso't kamay ng
huli ay nakasalo sa kanyang pang-upo. Napangiti siya ng ito mismo ang nagpulupot ng
mga hita niya sa bewang ito.
"Bakit mo ako binubuhat kaya ko namang maglakad?" napahigikhik na tanong niya
dito.
Nakangising kumindat si Fourth habang nakatitig sa kanyang mukha. "Gusto kitang
lambingin."
Nag-init ang kanyang mga pisngi habang napupuno ng saya ang kanyang puso.
"Bakit pinapakilig mo ako?"
Tumaas ang kilay nito ngunit hindi mawala wala ang ngisi sa mapupulang labi.
"Because you're my wife? Or because I love you?" He simply shrugged his shoulder.
"You choose, hon."
"Eeh, mas mahal kaya kita." Ungot niya habang kinakawag ang mga paa.
Sumama ang tingin nito sa kanya. "No, I love you more." nasa tono nito na tila
ayaw magpatalo.
Mabilis siyang umiling. "Mas mahal kita."
Umiling din ito. "Tsk. Mas mahal kita."
"Mas mahal nga kita e." kinurot niya ang matangos nitong ilong dahil sa
panggigigil.
Umirap si Fourth. "Mas mahal na mahal nga kita."
"No, mas love na love na love kita." Para siyang batang ayaw magpatalo sa
argumento.
"Stop arguing, I love you more than anything in this world." Seryoso ang boses
ng asawa .
Nakasimangot siyang humalukipkip. "E, mas mahal kaya kita. Ganito kalaki oh."
Idinipa niya ang mg braso at ipinakita dito kung gaano kalaki ang sinasabi niya.
"Well, no one can measure my love for you, I love you with no limits and no
boundaries. So shut up because you will never win, I'm Attorney Fourth Castillion,
wife."
"And I am Denia Monette San Carlos, and I am your wife, husband. Pagsinabi kong
mas mahal kita iyon dapat ang paniwalaan mo, no buts." Taas noo niyang sabi dito at
humalukipkip.
Mas lalong sumama ang mukha nito, salubong na ang mga kilay kaya pigil ang
kanyang tawa dahil halatang malapit ng mapikon. "Tsk. Mas mahal kita period, and
it's Denia Monette San Carlos- Castillion." Pagdidiin nito sa sariling apelyido.
Tila ayaw talaga nitong magpatalo. "Whatever, bakit ba na'tin pinagtatalunan
ang bagay na 'yon."
"Dahil ayaw mong maniwala na mas mahal kita."
Nagsalubong na rin ang kanyang mga kilay. "Mas mahal nga kita, at ang liit na
bagay nakikipagtalo ka sa'kin."
Hanggang sa makarating sila sa kusina ay hindi pa rin ito nagpapatalo. Nagtaka
pa siya kung bakit umupo lang ito sa stool na malapit sa kitchen counter at
kinandong siya sa mga hita nito.
"Akala ko ba magluluto ka ng breakfast?"
"Hindi lang iyon maliit na bagay dahil ang pagmamahal ko sa'yo ang pinag-
uusapan na'tin at hindi ako magluluto hanggat hindi mo tinatanggap na mas mahal
kita." Seryosong tugon nito habang ang mukha ay nakasubob sa gitna ng kanyang
dibdib.
OMG! Konting push nalang po ay matatapos na ang kwento nina Kwatro at Demone.
Thank you for reading my stories and for inspiring me.
Hope you like it. 😍😍
-Kuyajen
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 31
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 32
"EAT YOUR BREAKFAST." Iyon agad ang bumungad sa kanya ng makapasok siya sa
kusina.
Namamaga ang kanyang mga mata ng magising siya pero wala siyang pakialam kahit
na makita nito para makonsesya manlang.
Abala ito sa paghahanda ng agahan niya na karaniwan nitong ginagawa ngunit ni
hindi manlang nagagawang tumingin sa kanya. Ayos na ayos na ito at halatang handa
na sa pag-alis patungo sa firm nito. Ipinaghila siya nito ng upuan at ipinaglagay
ng pagkain sa pinggan tila napakaperpektong asawa. Kung nasa iba silang sitwasyon
ay siguradong makakaramdam siya ng kilig at mapupuno ng saya ang kanyang dibdib.
Pero iba ang sitwasyon nila ngayon at sagad na sagad na ang pasensya niya. She
never felt useless even before not until he became cold and distant at hindi niya
na kayang tagalan iyon, para siyang pinapatay araw araw dahil sa inaasta nito.
Wala siyang kibo na nakamasid lamang sa mga galaw nito. Nagtagis ang kanyang
mga bagang ng tumingin ito sa wrist watch nito, sinyales iyon na aalis na ulit ito.
"Eat this, I'll go ahead." Tila nagpantig ang kanyang pandinig dahil sa sinabi
nito.
"Himala at mukhang nagpapaalam ka, naalala mo na bang may asawa ka?"
Sarkastikong tanong niya. Humalukipkip siya at taas kilay na sinalubong ang mga
tingin nito.
Tila hindi na ito ang asawa niya dahil walang emosyon ang mga mata nito, walang
suyo at paglalambing. Masakit iyon para sa kanya ngunit kakayanin niya hanggat
hindi ito mismo ang nagsasabing tapos na sila. Masyadong naging mabilis ang
kanilang pagpapakasal at kung matatapos rin iyon ng gan'on kabilis ay hindi
nakapagtataka.
"Just eat." Tugon nito.
"Ano ako aso o robot? Na lahat ng sasabihin mo ay susundin ko ng walang pag-
angal?" Asik niya. "Alam mo sagad na sagad na ang pasensya ko sa'yo, kung may
problema sabihin mo para pag-usapan na'tin hindi 'yong bigla bigla ka nalang
manlalamig at magkakaganyan. Nasasaktan ako sa pinaggagawa mo, pakiramdam ko hindi
mo ako asawa, pakiramdam ko ibinahay mo lang ako para may mauwian kang masasabi
mong pamilya, pakiramdam ko wala akong kwentang tao." Hindi niya napigilan ang pag-
alpas ng kanyang kinikimkim na emosyon samantalang ito ay seryoso lamang na
nakatitig sa kanya.
Napahalakhak siya ngunit wala iyong laman. "Nakahanap ka na ba ng ibang babaeng
mas mahal mo? Nakahanap ka na ba ng ibang babaeng magpapaligaya sa'yo sa kama?
Tutal naman wala pang nangyayari sa'tin, wala na akong regla o kahit ano pa man
'yan pero hindi mo ako magawang halikan manlang na parang nakakadiri akong tao. Ano
pang silbi ng pagiging asawa ko 'kuno' sa'yo kung itrato mo ako ay parang asong
pakainin mo lamang. Tapatin mo ako kung ano man 'yang kinimimkim mo dahil hindi ko
manghuhula." Ramdam niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha ngunit hindi siya nag-
abalang punasan iyon dahil alam niyang magsasayang lang siya ng panahon dahil hindi
iyon basta basta maaampat.
Para siyang tanga dahil lahat ng sinasabi niya ay bumabalik sa kanya ang sakit.
Natatakot siya na baka sabihin nitong totoo lahat ng mga sinabi niya, hindi niya
kakayanin.
"Sex ba? Sex ba ang kulang? Then fuck me all you want hindi ko iyon ipagkakait
sa'yo dahil simula ng pumayag akong magpakasal sa'yo ay handa na akong ibigay sa'yo
ang buong ako. Nasasaktan na ako ng sobra sobra dahil sa mga ikinikilos mo, para
akong tanga dahil sa kaiisip kung anong nagawa ko sa'yo para magkaganyan ka."
Nasapo niya ang noo dahil sa pagkirot nito. Kagabi pa siya walang kain at kulang sa
tulog kaya mukhang magiging masama ang pakiramdam niya sabayan pa ng labis na pagod
dahil sa pag-iyak. "Pagod na pagod na ako." Usal niya na tila nagmamakaawa.
#CBSFourtCastillionSecret
Konting konti nalang. 😍😍
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 33
Happy reading. 😍😍
#CBSFourthCastillionTheCase
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 34
MABIGAT ANG loob ni Demone habang nakaupo sa harapan katabi ng kanyang abogado.
Nakahanda na ang lahat para sa idadaos na paglilitis ngunit siya ay lumilipad pa
rin ang isipan. Hindi maihiwalay ang tingin niya sa asawang nakaupo sa kabilang
parte. Kampante at seryoso lamang itong nakahalukipkip at diretso ang tingin sa
unahan. Ni hindi siya nito magawang balingan ni segundo lamang.
Hindi niya ito nagawang kausapin kanina tulad ng plano niya dahil hindi siya
nito binigyan ng pagkakataon at palagi itong nasa tabi ni Senior Alvarez kasama ang
mga bodyguard nito.
Napatiim bagang siya ng mahagip ng tingin si Clint, ngumiti ito sa kanya na
tila ba magkaibigan sila. Alam niyang napagtanto na nito ngayon na ginamit niya
lamang ito para kumuha ng konting impormasyon tungkol sa plano ng mga ito sa kaso.
At wala siyang pakialam kung ano ang iniisip nito sa kanya.
"Everything is settled, make sure that we'll win this case Attorney. Kailangan
na naming bumalik ng Brazil as soon as possible so that we need to finish this case
as early as we can." Dinig niyang tugon ni Pexus sa kanilang abogado, katabi niya
lamang ito ngunit hindi niya pinagtutuonan ng pansin.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng magkatinginan sila ni Senior Alvarez,
ngayon lamang niya nakita sa personal ang matanda dahil kahit nasa mundo ito ng
politika ay mailap ito sa mga tao. Palagi itong napaliligiran ng sandamakmak na
bodyguard.
Kahit na may katandaan na ay bakas pa rin dito ang pagiging matikas at sigurado
siyang magandang lalaki ito noong kabataan nito. He's like the old version of
Clint, afterall he's his father. Wearing his formal black suit ang glasses, his
aura screams intimidation and power.
Tumaas ang kanyang mga kilay ng ngumiti ito sa kanya. Ngiting walang halong
pang-aasar o kahit na anong dapat ibigay sa kalaban. He was smiling at her
genuinely. Samantalang siya ay puno ng poot ang kalooban, dumagdag sa galit niya
ang katotohanang nasa panig nito ang kanyang asawa.
O, asawa nga ba akong maituturing? Pagkatapos ba ng kasong ito ay magiging mag-
asawa pa rin kami? Paano ko siya pakikitunguhan kapag natalo kami at paano niya ako
pakikisamahan kapag sila ang natalo?
Mapait siyang napangiti dahil napagtanto niyang wala siyang ideya. Sa tanong
buhay niya ngayon lamang siya nawalan ng kaalaman sa mga dapat mangyari at dapat
niyang gawin. She's always been good at reading people's mind and manipulating them
pero ngayon tila siya tutang nawawala at hindi alam kung saan pupunta.
Everything is settled! Iyon ang matagal na niyang pinaghandaan mula pagkabata
ng magising siya sa hospital matapos ang aksindente. Plinano niya lahat ng
mangyayari sa buhay niya para makuha ang hustisya, gusto niyang gamitin ang
pangalawang buhay na mayroon siya para sa pagkawala ng ina't kapatid. Nag-aral siya
ng mabuti kung paano bumaril, pumatay at maging masama para kung sakaling
makakaharap niya ang mga kalaban ay makakaya niya ang mga ito.
Naalala niya ang sinabi ng ama noon. "You can not kill the evil if you are not
one of them, you can not get the justice you wanted if you would not be a criminal
as they are!"
Hindi niya matatalo ang demonyong nagpapatay sa mga mahal sa buhay kung hindi
siya magiging demonyo tulad ng mga ito. Mata sa mata, ngipin sa ngipn. That's why
she became what she is right now, an evil woman with an innocent face.
Nang masiguro niyang handa na siya ay sinimulan niya ang plano, nagpanggap
siyang gusto niyang maging katulong ng mga Castillion dahil nalaman niyang isa sa
mga ito ay isang napakagaling na abogado na wala pang naipapatalong kaso. And that
is Fourth Castillion. And his mother is her father's close friend kaya hindi siya
nahirapang makapasok sa buhay ng mga ito.
First, ang plano niya ay si Fourth ang kukunin niyang abogado para sa kaso pero
hindi umayon sa kanya ang pagkakataon, mailap ang lalaki at hindi basta basta
pwedeng malapitan. Kaya pinilit niyang mapalapit dito kahit na dumaan siya sa butas
ng karayom.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 35
Sorry for the very late update I'm really busy po kasi
talaga sa school works. 😂😂 Pinaghahandaan po na'tin ang ending.
😍😍
Keep on dropping comments dahil gusto kong malaman ang nasa isip niyo.
By the way, thank you so much for reading. Para po sa inyo 'to, masayang masaya
po ako dahil naaappreciate niyo ang gawa ko.
And thank you so much for the great and inspiring message jmtonic. This chapter
is for you too.
Happy reading. 😂😂
"Or should I say, Dethinia Monique San Carlos- Alvarez, Denia Monette San
Carlos- Alvarez and Dorethy Alvarez, the twin daughter and wife of Senior Claro
Alvarez." At may inilabas itong mga dokumento.
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa huling mga sinabi ni Kwatro.
The twin daughter and wife of Senior Claro Alvarez.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng umabot sa kanila ang ibang kopya
ng dokumentong ibinigay nito.
It's a livebirth cetificate sealed by the Philippine Statistics Authority.
At nakatala doon ang kanyang pangalan, nang kanyang kapatid at nang kanyang
ina. Nandoon ang mga pangalan nila ngunit iba ang apelyido, not Gonçalvez but an
Alvarez. Napakurap kurap siya dahil sa panlalabo ng mga mata, nanginginig rin ang
kanyang mga kamay dahil hindi siya makapaniwala sa nakakabaliw na katotohanang
iyon, kung iyon nga ba talaga ang totoo.
Hindi niya alintana ang mga singhap at iba't ibang komento ng mga taong nasa
loob ng silid na iyon. Naikuyom niya ang kamao dahilan para malukot ang mga papel
dahil sa sari-saring emosyon meron ngayon ang puso niya.
Gusto niyang tumakbo at lumayo dahil tila hindi niya kakayaning tanggapin ang
kung ano pang susunod na mga salitang lalabas sa kung sino man ang may alam ng
lahat pero hindi siya makagalaw sa kinauupuan. Namamanhid siya.
"More than a decade, eleven years or twelve years ago in Inspiration, a famous
art school may naganap na ambush sa mismong parking lot. Sinalakay ng mga armadong
lalaki ang isang sasakyang nasa pinakadulong bahagi nito kung saan nakasakay ang
mag-iina, Mrs. Alvarez and her twin daughter. At exactly 5:53 in the afternoon,
tuesday nangyari ang krimen and Mrs. Alvarez died together with her daughter Denia
Monette Alvarez." Sa bawat pagbanggit nito ng mga pangyayari ay siyang pagplay ng
video at mga litrato sa gilid ng session hall kung nasaan ang projector.
Ang panginginig ng mga kalamnan niya ay mas lalong lumala, parang sasabog ang
utak niya kakaisip kung ano ang nangyayari.
Mrs. Alvarez died together with her daughter Denia Monette Alvarez.
Iyon ang mga salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan dahil sa nakakabaliw na
rebelasyong pinakikinggan.
Pero ako si Demone, bakit sinasabing ako ang namatay?
Kahit pagkurap ay hindi niya magawa dahil sa kaguluhan ng isipan, nakatulala
lamang siya sa mga larawang nakikita. Parang pinipiga at pinagpipiraso ang kanyang
puso sa brutal na paraan.
Bumalik lahat ng alaala niya sa art school na iyon, ang pamamaril at kung paano
wala siyang nagawa para iligtas ang ina't kapatid.
"But sadly, ipinagpalit ni Mr. Gonçalvez ang identity ng kambal upang mahirapan
si Senior Claro at ipalabas sa lahat na patay na ang anak nito. No one knows that
he has a twin daughter dahil noong kapangankan pa lamang ni Mrs. Alvarez ay
kinidnap na ito ng mga tauhan ni Mr. Gonçalvez sa ilalim ng kanyang pag-uutos."
Panibagong mga larawan ang nagflash at nandoon ang dalawang taong masayang masayang
nakangiti habang hawak ang may kalakihang tiyan ng babae.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 36
Okay, medyo hindi ako busy kaya may update. Anyway, thank you for reading.
😘😘
#CBSFourthCastillionCommunication
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 37
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 38
I'm back!
Sorry for the very very late update. HIATUS po ako the past months kasi naging
busy po talaga sa school. Pasensya na sa matagal na pagpapahintay sa update. Don't
worry tatapusin ko po ang mga stories ko.
Thank you for waiting and still holding on to this story.
Malipayon nga pagbasa. 😘😘
"And after that day nagising ako sa hospital, may tama ako dahil sa ligaw na
bala sa naganap na ambush. I don't know what happened next, hindi ko alam kung sino
ang nagdala sa'kin sa hospital at paano ako nabuhay." Patuloy sa pagkukwento ang
kanyang asawa sa huli niyang katanungan kanina.
Napapakagat siya sa ibabang labi upang pigilan ang labas na galak at kilig
habang sinasalaysay nito kung gaano siya nito kamahal. Siya na siguro ang
pinakamasayang babae sa buong mundo. Nalaman niyang simula ng mawala siya ay sa
pagpipinta ibinubuhos ni Fourth ang pagkamiss sa kanya. At isa iyon sa mas lalong
nagpapalakas ng pagtibok ng kanyang puso, nakita niya ang mga painting na sinasabi
ito at hindi niya iyon mabilang sa sobrang dami kung kaya't ibig sabihin ay palagi
siyang nasa isipan ng binata at palagi itong na nangungulila sa kanya.
Hindi pa rin siya lubos makapaniwala kung gaano siya nito kamahal at hindi ito
natatakot na ipakita iyon sa kanya. Minahal siya nito sa napakahabang panahon kahit
alam nitong patay na siya, at ang mas lalong nakakahanga ay hindi manlang umabot ng
isang araw na nagkakilala sila pero minahal siya nito ng sobra. An unconditional
love indeed.
"Then, nalaman kong si Senior--your dad-- ang nagdala sa'kin. He told me about
it, naabutan daw nila akong duguan sa parking lot at hindi siya nagdalawang isip na
iligtas ako. Aside from being the father of my beloved, he's also my hero kaya
labis na labis ang respeto ko sa kanya." Ngumiti ito dahilan para lumitaw ang
mapuputi nitong mga ngipin na mas lalong nagpatingkad sa angking kagwapuhan ng
kanyang asawa. Nawawala ang mata nito dahil sumasabay sa mapupulang labi kapag
ngumingiti.
"You love me that much?" Hindi na rin niya naitago ang masayang ngiti.
"Very, very much." Malambing nitong hinaplos ang mahaba niyang buhok, kanina pa
nito sinusuklay iyon matapos patuyuin. Kahit sinasabi niyang kaya na niya ang
sarili niya ay ayaw pa rin nitong paawat lagi nitong rason ay gusto siya nitong
paglingkuran. Sa huli hindi na siya umangal dahil ang totoo ay nakakataba ng puso
ang pagpupursige nitong ipakita ang pagbawi sa mga nagawa nito, kahit na para sa
kanya ay hindi iyon malaking bagay.
Isa sa pangaran nga mga babae sa mundo ay ang makahanap ng lalaking magmamahal
sa kanila ng totoo, lalaking may respeto, lalaking marunong umintindi sa
napakagulong mood ng mga kababaihan, lalaking ikaw lamang ang babae sa buhay at
wala ng iba. At ramdam niyang napakaswerte niya sapagkat isa siya sa mga babaeng
nakatagpo ng lalaking pangarap magkaroon ng karamihan. Ramdam na ramdam niyang
napakaswerte niya sapagkat siya ang minahal ng isang Fourth Castillion.
Akmang hahalikan siya ng asawa ng pareho silang matigilan dahil sa pag-iingay
ng kanilang doorbell. Napapailing itong napabuntong hininga bago mabilis na halikan
ang kanyang mga labi, pinangko siya ng asawa habanh siya ay panay lamang ang yakap
dito.
"Stay here." Nakangiting bilin nito nang makarating sila sa sala, hinalikan
nito ang kanya noo bago tunguhin ang pinto para pagbuksan ang kung sino mang nasa
labas.
"Senior." Dinig niyang tugon ng asawa na umagaw sa kanyang atensyon.
Mabilis siyang napalingon sa direksyon ng asawa at nagtagis ang bagang niya ng
makita kung sino ang hindi nila inaasahan bisita.
Kung may mga katanungan please kindly drop it to the comment section para
masagot.
Malapit na po tayong matapos. Yehey!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 39
Sorry for the late update. Hahaha nabusy na naman ang lola
niyo. 😂😂
Anyway, enjoy reading.
NAGTATAGIS ang mga bagang ni Demone- este Dethinia, ang kanyang asawa habang
walang humpay ang pagkalabit nito ng gatilyo. Tila ito halibaw sa galing kung
umasinta, ni wala sa hinuha niyang makikita niya ang ganitong side ng asawa.
Puno ng pawis ang maganda't makinis na mukha habang seryosong seryoso na hindi
inaalis ang paningin sa target. Hindi niya mapigilan na mas lalong humanga sa
angking kagandahan nito. Sa kabila ng mga nalaman niya sa katauhan nito at dating
mga gawi ay hindi iyon nakabawas sa pagmamahal na meron siya para dito, bagkus ay
mas lalong lumalim ang kanyang nararamdaman.
Napakahot at sexy nito sa kanyang paningin habang mahigpit ang hawak sa baril
at ni walang gear na isinuot. Ramdam niya ang galit nito sa mundo, hindi niya ito
masisisi kung bakit gan'on ang nararamdaman nito kung kaya't hindi niya hinahayaang
mag-isa ito. Gusto niyang iparamdam ng asawa na lagi siyang nasa tabi nito sa kahit
anong laban nito sa buhay.
For better or for worst. And even death will never do us part. Aniya sa isipan.
Nakangiti siyang hinugot ang panyo sa kanyang bulsa ng bumaling sa kanya ang
asawa matapos nitong ilapag ang hawak na baril. Napakamulsa siyang lumapit dito at
nang akmang kukunin nito ang hawak niyang panyo ay mabili niya itong hinalikan at
siya na mismo ang nagpunas ng pawis nito.
"Are you tired?" Labis ang lambing na tanong niya.
Napanguso ito at nag-iwas ng tingin bago umiling. "Gusto kong makausap si M-Mr.
Gonçalvez." Bakas ang ilang sa boses nito ng banggitin ang pangalan ng kinilalang
ama.
Ramdam niyang nahihirapan pa rin nitong tanggapin ang lahat kaya hindi niya
magawang tutulan ang mga bagay na alam niyang gusto nitong gawin para tulungang
mapawi ang galit sa sarili kalooban.
"Nasa hospital pa rin siya ngayon nagpapagaling." Aniya.
Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito ngunit agad rin iyong napawi at
napalitan ng galit. Kahit gaano kasama ang katauhang natuklasan niya dito at sa mga
naging kwento nito tungkol sa nakaraan ay alam niyang may mabuting puso't kalooban
ang asawa.
Nasa isang shooting range sila ngayon dahil ginusto nitong maglibang upang
sandaling mailabas ang nararamdaman. Nang sabihin nitong sa ganitong lugar nito
gustong pumunta ay nag-alinlangan siya ngunit sa huli ay wala pa rin siyang nagawa
dahil iyon ang gusto ng mahal niya.
Boss lang ako sa korte pero alipin ako pagdating sa asawa ko. Hindi niya
mapigilang mapangiti dahil sa tugon ng isipan.
"Gusto ko siyang makausap." Anito.
Agad niyang tinapos ang pagpupunas sa pawis nito bago hubarin ang coat na suot
at ipatong iyon sa balikat ng asawa. Siniguro niyang balot ang katawan nito.
Tanging leggings at sports bra ang suot nito dahilan para rentahan niya ang buong
range na iyon upang walang ibang makakita sa katawan nito. Makakamatay siya kapag
nagkataon.
"Let's go home first, after lunch ipapaschedule ko ang pagpunta na'tin sa
hospital. Mas lalong pinahigpit ng Senior ang pagbabantay doon upang hindi
makatakas si Gonçalvez." Aniya habang inaalalayan ito sa paglalakad, magkasiklop
ang kanilang mga kamay habang sabay na naglalakad papalabas ng nasabing lugar.
Napatigil si Dethinia dahil sa narinig. Seryoso nitong sinalubong ang kanyang
tingin. "Sabihin mo kung kailangang triplehin ang security na meron ang kapulisan
ngayon gawin nila dahil mas tuso sa salitang tuso ang matandang iyon." Muling
nagtagis ang mga bagang nito. "Yong drama niya sa korte? Purong kasinungalingan
lahat ng iyon, kilala ko siya hinding hindi siya basta susuko at hinding hindi siya
aapak sa bansang 'to para lang magpakulong at magpahuli." Pinisil nito ang kanyang
kamay bago bumalik sa paglalakad. "Mas malaki ang planong meron siya sa pagbabalik
niya kaya hindi dapat tayo maging kampante."
ILANG kalye pa lamang ang nalalampasan nila nang maramdaman niya ang mas lalong
pagbilis ng pagpapatakbo nito.
"Calm down, baby. Wala naman tayong hinahabol." Hindi niya mapigilang tugon
dahil nangangamba siyang baka maaksidente sila at mapahamak ito.
"Wala nga tayong hinahabol pero may humahabol sa'tin." Walang emosyong tugon
nito.
Agad siyang napalingon sa likod dahil sa sinabi nito at doon niya lamang
napansin ang dalawang van na mabilis na nakabuntot sa kanila. Hindi niya mapigilan
na balutin ng pag-aalala para sa asawa nang hindi na niya makita ang security team
na kanina'y nakasunod lamang sa kanila.
"Sigurado akong mga tauhan 'yan ni Gonçalvez." Kalmadong tugon nito habang wala
pa ring mababakas na emosyon sa buong mukha.
"What are you doing?" Tanong niya nang mabagalan nito ang pagmamaneho.
"Hindi ako sanay na tumatalilis ng takbo kapag may kalaban, mas gusto kong
hinaharap sila."
"Tsk. Don't you dare." Aniya, naiiling siyang tumingin sa likod at nang
makitang malapit na sa kanila ang dalawang van ay napilitan siya hugutin ang mga
baril na nasa ilalim ng backseat.
Napairap siya nang makita ang kakaibang kislap ng mga mata nito ng makita ang
mga baril na ngayon ay hawak na niya. Sa mga mata palang nito nababasa na niyang
hindi ito takot pumatay o mamatay. Well, hindi rin naman siya takot pumatay pero
ang masaktan kahit hibla ng buhok ng asawa niya ay ibang usapan na.
Please do click the star button and drop your comments. Thank you.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 40
"Wow!" She clasped her hand when she saw the decorated room
full of paintings. Mas lalong lumaki ang awang bibig nito bago tumakbo papalapit sa
mga paintings at tila nangangarap na humaplos doon.
"Parang unang beses mong nakita e." Natatawang tugon niya bago sumandal sa
hamba ng pinto. Nakahalukipkip at pinagmamasdan ang babaeng mahal niya.
"Sa sobrang ganda kasi parang sa pantasya lang makikita, buhay na buhay at
napakaganda." Bawat daanan nito ay masuyong hinahaplos ng mga daliri, sandaling
matutulala at masayang ngingiti.
"Gan'on mo ako kamahal? Ipininta mo ako na tila matagal na tayong magkakilala,
kuhang kuha mo kung ano ang mukha ko noong bata pa ako." Anito habang nakatanaw sa
pinakamalaking painting na siyang pinakasentro ng silid.
Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay masaya siyang tumango. "Walang ano mang
bagay o salita ang makakasukat kung gaano kita kamahal. Kahit sarili ko hindi alam
kung paano nagsimula basta nagising nalang akong mahal na mahal na kita. Love is
mysterious and magical, it's not about how long we've known each other, it's not
about when we met and where I first saw you. I just love you, no questions because
I don't have any explanation how it started."
Dahan dahan siyang humakbang papalapit dito upang yakapin ito ng mahigpit
ngunit natigilan siya nang lumingon ito sa kanya at nakita niya ang ilang butil ng
luha na pumapatak mula sa mata nito.
"Baby, why are you crying?" Agad niyang tinawid ang pagitan nila.
Umiling ito. "Wala, wala 'to. Naiiyak lang ako dahil sa sobrang saya, hindi ko
kasi lubos maisip na may ganito palang pagmamahal. 'Yong sobra sobra na tipong
parang hindi na totoo." Nakangiti ito habang nagpupunas ng luha, hinawakan niya ang
kamay ng asawa at masuyo itong hinalikan. Pinunasan niya ang mga luha nito.
"Noon kasi hindi ako naniniwala sa pagmamahal, akala ko imposibleng magmahal
ang isang tao ng sobra nang walang dahilan. I don't believe in love not until I met
you, not until I found you. I don't believe in love not until you made me felt
loved." At bigla itong napahagulhol.
"Psssh! Stop crying baby. I love you, okay? Don't cry." Alo niya sa asawa.
Tumango tango ito at mahigpit na gumanti ng yakap sa kanya.
"I love you too."
Hinalikan niya ang noo nito habang sapo ang magkabilang pisngi. Nakangiti
siyang hinalikan ang namumula nitong ilong bago mulang niyakap.
"Gusto mo ipinta kita ngayon?"
Ramdam niyang natigilan ito sandali at mabilis na tumingala sa kanya. Natawa
nalamang siya ng makitang mas lalo itong napaiyak habang mabilis na tumatango.
"Stop crying baby, bahala ka magiging pangit ka sa painting ko. Sa sobrang
galing ko pa naman lahat ng detalya sa likha ko buhay na buhay." Pang-aalaska niya.
Laking tuwa niya ng mabilis itong magpunas ng mga luha at malaki ang ngiting
humarap sa kanya.
"Game."
"Ihahanda ko lamang ang mga gamit ko."
"Tulungan na kita para mabilis." At hindi nga ito nagpaawat. Natawa na lamang
siya sa reaksyon ng asawa.
"HINDI NIYA BA binawi lahat ng testimonya niya?" Walang emosyon ang mukha ni
Dethinia habang naglalakad papasok ng departamento.
Isang kabanata nalang then epilogue na. Hahaha 😍 thank you for reading.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 41
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 42
BUHAY ANG KAKAMBAL niya. Iyon ang pinakamahalagang bagay na mayroon siya.
Inayos niya ang pagkakasuot ng seatbelt ng kapatid at hinaplos ang buhok nito.
Lulan na ito ng sasakyan at handa ng ihatid ni Pexus sa bahay ni Fourth.
Mapait siyang napangiti dahil sa pagsagi ng gwapong imahe ng lalaki. "Hindi na
maitutuloy ni ate ang pagpapanggap na ikaw, nasa ayos na ang lahat kaya hindi na
ako mangangamba na baka mapahamak ka. Hindi ko pa kayang magpatawad sa mga taong
nagkasala sa atin kaya sa'yo ko na iaasa 'yon. Kapag nagawa mo na silang patawarin
ay papatawarin ko rin sila."
Tumingin ito sa kanyang mga mata na may inosenteng ngiti. "Bakit palagi mong
inuuna ang kaligtasan ko?" Tanong nito.
Sandali siyang natigilan bago gumanti ng ngiti sa kapatid. "Dahil ikaw nalang
ang meron ako, nang mangyari ang ambush sa Inspiration noon ay pareho pa tayong
walang muwang sa mundo kaya wala tayong nagawa para iligtas si mommy." Ang kirot sa
kanyang dibdib ay nandoon pa rin kapag binabanggit ang tungkol sa kanyang ina.
"Akala ko noon pati ikaw ay kinuha na rin pero dahil nailigtas ka ni Tito Pit
ay nagkaroon ako ng pag-asa na magpatuloy." Pagtukoy niya sa ama ni Pexus na siyang
nagligtas sa kapatid noon halos bawian ito ng buhay sa naganap na ambush.
Halos magdedesi otso anyos na siya noon ng ipaalam sa kanya ng matalik na
kaibigan ng kanyang ina na kanyang kinilala bilang Tito Pit ang kanang kamay noon
ng matandang Gonçalvez ang tungkol sa kakambal. Sinabi nito sa kanyang buhay ang
kanyang kapatid na inakala niyang patay, sa takot ay itinago nito si Den para na
rin sa kaligtasan nilang dalawa.
"Ngayong naisakatuparan ko na ang plano na'tin ay mapapanatag na ako,
naipakulong ko na si Gonçalvez at alam na nila Mr. Alvarez ang tungkol sa anak
niya." Paliwanag niya.
May lungkot na bumakas sa mga mata ng kambal. "Bakit kailangang magtago ang isa
sa atin?"
Hinalikan niya ang noo nito. "Dahil iyon ang alam ng lahat at para protektahan
ka, para maipatanggol kita sa paraang alam ko."
"Pero paano ka?"
Umiling siya. "Maging masaya ka lang, masaya na rin ako."
"Dalawin mo ako paminsan minsan ha?" Anito. Hindi agad siya nakasagot, hindi
pwede ang gusto nito ngunit kung 'yon ang gusto ng kanyang kapatid ay sisikapin
niyang gawan ng paraan, kaya tumango siya.
"Alam 'kong aalagaan ka ng mga Alvarez kaya hindi ka na mapapahamak, nandito
lang ako palagi sa tabi mo." Alam niyang tunay nilang ama si Mr. Claro Alvarez
ngunit hindi niya pa rin magawang tanggapin iyon, sa dinami rami ng kanyang
pinagdaanan, hinubog na ng panahon at karanasan ang kanyang puso na maging matigas
at manhid sa kahit anong sakit.
Maliban sa pag-ibig.
"Thank you ate."
"Basta para sa'yo."
Matapos nitong yumakap sa kanya ng mahigpit ay agad na ring pinaandar ni Pexus
ang sasakyan. Kasabay ng pagtanaw niya sa pag-alis ng mga ito ay ang pagpatak ng
kanyang mga luha.
Lahat ng hirap ay kinakaya niya para lamang mapabuti ito. Hindi niya kayang
makitang nasasaktan ang nag-iisang pamilyang meron siya sa mundo.
Kahit ikasasakit ko!
"KUMUSTA SI DEN?" Bungad na tanong niya kay Pexus nang makarating ito sa
airport dala ang iilang mga gamit nila.
Sandali itong tumingin sa kanya at nagkibit balikat. "She's safe but as usual
kulang nalang patayin ako ng asawa mo--" natigilan ito at napatitig sa kanya bago
muling nagsalita. "I mean, nang asawa niya. Ang sama palagi makatingin e."
"Hindi naman siguro niya nahalata ang pagpapalit na'min?" Iwas niya sa naging
tugon nito.
"Halatang hindi, agad na hinalikan si Den n'ong makita akala mo matagal na
nagkawalay. Tsk."
Note
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 43
MARIING IPINIKIT NI DEMONE ang kanyang mga mata ng sa wakas ay makaupo sa pwestong
nakalaan para sa kanya. Hinubad niya ang suot na shade at hinayaang tangayin ng
katahimikan ang malalim na pag-iisip. Nakatanaw siya sa bintana ng eroplano at
nakatingin sa kawalan. Maraming tanong sa kanyang isipan ngunit pinipilit niya
iyong iwaksi at isantabi na lamang.
Mapait siyang napangiti habang pumapasok sa kanyang isipan ang mga sandaling
nabigyan siya ng pagkakataon na makasama si Fourth Castillion. Ni sa hinagap niya
ay hindi niya nakita ang sarili na iibig sa sandaling panahon lamang, nasira ang
plano niya dahil sa biglaang pag-usbong ng pag-ibig na kailanman ay hindi niya
naranasan at hindi inaasahan.
Nakakabaliw pala talaga maglaro ang tadhana. Dahil ang mga hiram na sandali ay
umukit sa kanyang mailap na puso.
"May mga pangyayari talaga sa buhay na'tin na hindi na'tin inaasahang
magpapabago sa pananaw at prinsipyo na'tin." Hindi niya pinansin ang usal ni Pexus,
ramdam niya ang pag-upo nito sa kanyang tabi.
"Hindi mo ba naisip ang mga paano at bakit sa naging desisyon mo ngayon?"
Tanong nito, gusto niyang mairita sa dami ng tanong ng kasama ngunit mas pinili na
lamang niya ang manahimik.
Ayaw niyang ipamukha nito na habang buhay niyang pagsisisihan ang desisyon niya
ngayon. Ang mas mahalaga lamang ay ang kapatid niya.
"Paano kung pagbalik na'tin sa Pinas ay may anak na sila?" Walang paawat na
tanong nito.
Pasimpleng naikuyom niya ang mga kamao dahil sa tila masong dumagan sa kanyang
dibdib. Alam niyang hindi niya kaya iyon pero wala siyang pagpipilian.
Kakayanin ko, para kay Den.
"Paano kung pagbalik na'tin dito ay masaya na sila?"
Hindi na tayo babalik, kailanman. Piping sagot niya.
"Paano kapag malaman ni Attorney Fourth ang lahat at kamuhian niya kayo ng
kapatid mo dahil tila pinaglaruan niyo siya?"
Nag-iwas lamang siya ng tingin dahil sa pangingilid ng kanyang mga luha.
Napakamesirable ng kanyang puso ngayon at sa bawat tanong na ibinabato ni Pexus ay
dumadagdag sa pagdadalamhati nito.
"Paano kapag magalit siya at bumalik sa dating pagiging babaero? Paano---"
"Can you fucking stop it!?" Sigaw niya ng hindi na mapigilan ang sariling
emosyon. "Hindi mo na kailangang ipamukha sa'kin ang lahat ng ito, alam kong mali
pero kung ikasasaya ni Den ay kaya kong gawing tama lahat ng mali sa letseng
mundong 'to! Pag-ibig lang 'to at hindi ito ang magpapabagsak sa lahat ng
sakripisyo ko para sa kapatid ko!" Hinihingal niyang ibinagsak ang sarili sa upuan
at mulang tumingin sa labas ng bintana matapos tila bulkang sumabog.
Kagat kagat ng mariin ang kanyang mga labi habang tahimik na umaagos ang mga
luha sa kanyang mga mata.
"S-Sobrang sakit, ang sakit sakit." Malakas niyang sinuntok ang dibdib habang
ang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa hagulhol. "Sobra sobra ang sakit pero wala
akong pagpipilian kundi tanggapin lahat."
"May pagpipilian ka." Matigas ang bawat bigkas ng binata sa mga kataga.
Marahas siyang bumaling rito at kitang kita niya ang pagiging seryoso ng mga
titig nito.
Mapait siyang napangiti. "Ang ano, ang agawin sa kapatid ko ang kaligayahang
meron siya ngayon at maging makasarili ako? Iyon ba ang pagpipiliang tinutukoy mo?"
Sarkastikong tugon niya.
5 MONTHS LATER
ABALA SI DEMONE sa pagpirma ng mga papeles na nakatambak sa kanyang desk. Kahit
pagod na pagod ay hindi niya pa rin magawang iwan iyon dahil nakasalalay doon ang
mga deals, operations at transactions ng Gonçalvez Empire.
Nagtatagis pa rin ang kanyang bagang hanggang ngayon dahil sa palpak na
operation ng kanyang mga tauhan. Ngunit alam niyang pagsubok lamang iyon para sa
kanila, wala siyang problemang hindi nalulutas sa lalong madaling panahon.
Chapter 44
HINDI lamang sa pag-ibig umiikot ang mundo. Iyon ang paniniwala ko noon simula ng
bata pa ako despite of seeing how much my dad loves my mom, and she is to dad. Wala
lang, siguro dahil madalas kong paniwalaan kung ano ang mga naranasan ko. I've
never been inlove, not until I met her.
Doon ako nagsimulang maniwala sa mga bagay na tinatawanan ko lamang noon. I
laughed at myself, kasi kahit sabihing madami akong alam sa mundo, well, I love
learning and exploring, ay nanibago ako sa pakiramdam ng pag-ibig. Gan'on pala ang
tinatawag nilang 'love', hindi mo basta basta maipapaliwanag. No words can
described the feeling of being inlove to someone. No formula, no computation and
explanation just simply you are deeply inlove.
That's it.
At dahil nasa akin na ang babaeng mahal na mahal ko ay wala na akong hihilingin
pa. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya, gan'on ang kapangyarihan ng pag-ibig
at hindi lamang babae ang naiinlove ng todo dahil kami ring mga lalaki and I am the
living proof that men can be loyal, men can be faithful, men can be honest, and men
can love only one woman.
I am a one woman man.
Dumaan ako sa phase ng buhay ko na napakababaero ko, I love having sex with
different woman. That is my safe haven. Pero nagawa kong magbago dahil sa pagdating
niya, if a man is really inlove believe me hinding hindi na 'yon gaganahang
makipagsex sa iba, if a man is really inlove hinding hindi sasagi sa isip niya ang
magloko dahil sapat na sapat na ang pagmamahal niya para sa iisang babaeng mahal
niya.
If a man is really inlove he will accept all the flaws and imperfection of the
woman he loves. And I am that kind of man.
"Bro." Hindi ako natinag mula sa pagmamasid sa magagandang ilaw na nagmumula sa
nagtataasang mga gusali sa labas.
Nananatili akong tulala at tinatangay ng laman ng isipan. Kahit gabing gabi na
ay napakaliwanag pa rin ng paligid dahil sa nagkikislapang mga ilaw na tila mga
bituin. Napakaganda sa paningin dahil nagbibigay iyon ng kapayapaan sa maingay na
syudad.
"Nandito na ang mga papeles na hinihingi mo." Doon lamang ako lumingon kay
Volt, inalis ko ang pagkakasuksok ng aking kamay sa kaliwang bulsa at niluwagan ang
aking kwelyo. Naglakad ako papalapit sa office table ko habang sumisimsim ng wine
sa kopitang nasa kanang kamay ko.
"Lahat na ba?" I asked, looking at the brown envelop at the table.
"Yes, by the way the biding in Brazil is cancelled." Seryosong tugon nito
habang nagmamasid sa paligid.
"I know." I replied.
"And you know the reason why?" He asked frowning, I just shrugged my shoulder.
"Well, I don't care about it either." Sarkastikong tugon niya at walang paalam
na tumalikod at umalis. Napapailing na lamang ako sa asta ng pinsan ko, madalas
hindi ko siya maintindihan.
Pinulot ko ang envelop na inilapag ni Volt, maraming mga lamang papeles ngunit
hindi ko muna iyon pinansin dahil mas interesado ako sa mga litratong laman niyon.
Napangiti ako ng makita ang mukha ng aking asawa, kuha iyon sa isang high end bar
na madalas naming puntahan noon ni Fifth. As the date stated ay kuha ito kagabi.
"Tsk. Kung hindi lang kita mahal." Natatawang pagkausap ko doon, napapansin ko
ang pagiging mahilig nito sa pagpunta sa mga bar nitong lumipas na tatlong araw.
Napahilot ako sa batok ko habang kagat kagat ang ibabang
labi, siguro ay kailangan kong bumawi sa kanya. We need to unwind para mawala na
rin ang pagod at stress ko.
Right, kailangan kong tapusin lahat ng trabaho ko para sa kanya ako magfocus
this week.
Inayos ko agad ang mga gamit na nasa table at nagsimulang magreview sa mga
kasong hawak ko ngayon. Napakadami ng natambak na trabaho ngunit kailangan ko itong
tapusin sa lalong madaling panahon.
"But before that, I will call Edith." At iyon ang ginawa ko, dinial ko ang
numero niya at ilang ring lang ay agad niya itong sinagot.
"What do you need Kwatro?" Inis na bungad ng boses ni Volt, napangisi ako dahil
hindi na rin bago sa akin na siya ang madalas na sumagot kapag tumatawag ako kay
Edith, she's my wife's bestfriend.
"I want to talk to Edith." Sagot ko sa flat na tono.
"Tsk, hindi pwede sa'kin mo nalang sabihin ang kailangan mo. I'll do it just
don't come near her nor talk to her." Mas bakas na bakas na ang inis sa boses nito.
Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa sinabi niya but I smiled. Tsk. Jealous
bastard!
"Fine! Gusto kong magpabook ng flight to Cebu."
"Cebu? At anong gagawin mo do'n?"
"None of your business." I replied.
"Tsk. I don't care your fucking business." At bigla nitong pinatay ang tawag.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon sa pagiging masungit niya.
Naging masungit ako at kahit ngayon ay may pagkakataong grumpy ako pero hindi
gan'on kalala. He's hopeless.
Anyway, I am excited to see my wife.
DEMONE POV
HINDI ko mapigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao ng makita ang hitsura ni
Den, galing na naman ito sa isang bar at hindi na naman maituwid ang paglalakad
dahil sa labis na kalasingan.
Ikatlong araw na namin ngayon sa Pilipinas at tila kami mga buntot na palihim
na bumabantay sa bawat galaw niya. Kapag wala akong oras dahil abala ako sa
pagpapatakbo ng mga deals na pansamantala kong iniwan sa Brazil ay si Pexus ang
bumabantay sa kanya.
"Damn, she's drunk again." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Pexus ng maihiga
niya sa kama si Den.
Agad kong inayos ang pagkakahiga ng aking kapatid, ang gulo gulo nitong buhok
ay inalis ko sa pagkakatabing sa kanyang mukha. Natuto na rin itong maglagay ng
makapal na make up, magsuot ng mga damit na halos ipangalandakan ang buong balat sa
katawan.
Noong unang araw namin dito sa bansa ay hindi muna ako nagpakita sa kanya at
tanging si Pexus lamang ang umasikaso ng lahat at nang sumunod na araw ay ako na
ang sumundo sa kanya sa bar na pinuntahan dahil matigas ang kanyang ulo.
"Ako na ang bahala dito." Tinapik ko ang balikat ni Pexus, tumingin siya sa'kin
ng ilang segundo bago bumalik ang nag-aalalang tingin sa kakambal ko.
"Sige, tawagin mo ako kapag may kailangan ka nasa baba lang ako." Aniya na
sinagot ko ng tango.
Nang magsimula itong humakbang palabas ng silid ay sinimulan kong linisan ng
katawan si Den. Panay ang ungol nito ngunit nakapikit ang mga mata.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Pinag-aalala mo ako." Tugon ko, kumuha ako ng kumot
ang ibinalot sa kanyang halos lantad na katawan.
Ni sa hinagap ko ay hindi sumagi sa isipan ko na makikita
siya sa ganitong punto. Hindi ko tuloy mapigilang sisihin ang kanyang asawa, noong
umalis ako ay napakasaya niya ngunit ngayon ay tila magkaiba. Hindi siya
magpapakalunod sa pag-inom kung walang mali at bakit parang walang pakialam si
Fourth?
Napahilot ako dahil sa mga tanong na namuo sa aking isipan. Alam kong hindi
siya magagawang saktan ng kanyang asawa sa kahit anong paraan.
"A-Ate?"
Napatingin ako sa kanya ng unti unting dumilat ang kanyang mga mata, namumungay
iyon dahil sa kalasingan.
"Ate is here." Sagot ko.
"Y-You are here nga, can you bring me home? Ee, baka nag-aalala na sa'kin si
Fourth e." Nauutal niyang tugon at sinubukang bumangon ngunit agad ring nasapo ang
kanyang noo at dumaing.
"Be careful." Alo ko. "Hindi ka pwedeng umuwi na ganyan ang lagay mo."
Ayokong makita siya ni Fourth na nagkakaganito.
"B-But I want to go home, hindi 'yon mapapakali kapag hindi ako umuwi."
Pagpupumilit nito.
"Fine. Magpahinga ka lang saglit then ihahatid kita." Sinubukan ko siyang
pabalikin sa pagkakahiga ngunit nagmatigas siya.
"N-No, I need to go home na." At hindi ko na siya napigilan ng tumyo siya.
"Shit!" I cursed dahil sa muntikan niyang pagbagsak sa sahig. "I told you hindi
mo kaya."
"B-But I need to go home, ayokong magalit si Fourth sa'kin e."
Napatiim bagang ako ng magsimula siyang umiyak. Damn! Ang ayaw ko sa lahat ay
'yong nakikita siyang ganito, I can't resist her.
"Hindi magagalit sa'yo si Fourth, hindi." I whispered at muli siyang sinubukang
pabalikin sa paghiga, this time ay pumayag siya.
"P-Pero ayaw niyang nakikita akong lasing, please Ate I need to go home." Ungot
nito.
Napahilot ako sa batok at nag-isip ng maaaring solusyon. Sa lagay niya ngayon
ay alam kong hindi niya kayang umuwi, ni maglakad ay hindi niya kakayanin.
"What happened?" Sabay kaming napatingin sa pinto at doon nakita kong papasok
si Pexus na ang tingin ay nasa kapatid ko.
"P-Pexus, I need to go home dahil magagalit sa'kin si Fourth kapag hindi ako
nakauwi ngayon e." Agad na sagot ni Den.
Natuon sa'kin ang tingin niya na inilingan ko. "She can't manage, kung ngayon
siya uuwi ay talagang mahahalata ng asawa niya at napakaimposibleng hindi iyon
magalit kung sa kanyang state siya uuwi."
Lumapit ito kay Den at inalalayang makaupo. "Hindi mo kayang umuwi ngayon."
Tulad ng inaasahan ko ay itinulak niya si Pexus at nagtaklob ng kumot. "Ayokong
magalit siya, ayoko." At mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.
"Pero hindi mo kaya, mas papagalitan ka talaga kapag nagpumilit ka." Ani Pexus.
"AYOKONG MAGALIT SIYA!" She shouted.
Agad akong umupo sa gilid ng kamang kinahihigaan niya at niyakap siya. "Hindi
siya magagalit, Ate will make a way."
Hindi ito nagsalita ngunit patuloy pa rin sa paghikbi. Nagpumiglas ito pero
hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, she's having her tantrums at sanay ako sa
ganitong mga pagkakataon.
"Magpahinga ka lang ako na ang bahala." I said. Dahil sa sinabi ko ay inalis
niya ang pagkakatakip ng kumot at tumingin sa'kin.
"Really?"
Pinunasan ko ang kanyang mga luha at tumango. "Yes, di ba kapag sinabi ni Ate
na siya na ang bahala ay nagtitiwala ka sa kanya?" Sunod sunod ang kanyang pagtango
pero napangiwi rin at sinapo ang ulo.
"Right, so take a rest then tomorrow we will bring you home."
"Bakit bukas pa ako uuwi, baka magalit si---"
"I will do something para hindi niya malamang hindi ka umuwi then kapag ayos na
ang lagay mo bukas syaka ka na babalik sa bahay niyo." Paliwanag ko na agad niya
namang sinang-ayunan.
Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa'kin bago bumalik sa pagkakahiga at
ipinikit ang mga mata. Tumingin ako kay Pexus na ngayon ay seryosong nakatingin rin
sa'kin at salubong ang mga kilay.
"Anong balak mong gawin?" Tanong nito.
Kinumutan kong muli si Den bago tumayo at lumabas ng kwarto. Nandito kami sa
condominium na dati kong tinutuluyan kapag may transactions kami dito sa Pilipinas.
"Bumili ka ng damit na kapareho ng kay Den, heels and stuffs na dala niya
ngayon." Tugon ko.
"What!?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Tumango ako. "Sundin mo nalang ako."
"Don't tell me na gagawin mo ang bagay na nasa isip ko ngayon." Hindi
makapaniwala ang kanyang reaksyon. Hindi ako kumibo.
"Binabalak mong pansamantalang pumalit na naman sa kanya ngayong gabi para lang
hindi magalit ang asawa niya sa kanya?"
"Exactly." I replied, emontionless.
"Damn, do you even thinking? Mas mabuti nalang na umuwi siya na ganyan kalasing
kaysa naman isangkalan mo na naman 'yang sarili mo. Magkikita kayo ni Fourth kapag
itinuloy mo 'yang balak mo." Bakas ang matinding pagtutol nito.
Tumitig ako sa kanyang mga mata gamit ang malamig kong tingin. "Hindi pwedeng
umuwi si Den na ganyan ang lagay dahil magagalit ang asawa niya at hindi na'tin
alam kung ano ang maaari niyang sabihin kay Fourth ngayong lasing siya, paano kung
mabanggit ako?"
Dahil doon ay hindi siya nakaimik. Napangisi ako. "To remind you, palagi akong
nag-iisip at nangako ako sa kapatid kong hindi magagalit ang asawa niya sa kanya."
Napabuntong hininga si Pexus at naiiling na tumalikod. "Bahala ka basta 'wag
mong hahayaang mapahamak ang sarili mo."
"Tsk."
Hanggang sa makaalis ito ay nakatingin lamang ako sa kawalan. Gusto ko mang
bawiin ang desisyon ko ngunit wala naman akong ibang maisip na paraan para
pagtakpan si Den, mas pipiliin ko nalang na ganito kaysa ang baliin ang pangako ko
sa kanya.
Isang gabi lang naman 'to, kinaya ko noon na magpanggap na siya kaya alam kong
kaya ko rin ngayon. Isang gabi lang!
Ilang malalim na buntong hininga ang hinugot ko bago muling bumalik sa silid
para ipagpatuloy ang pag-aasikaso kay Den.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 45.
DEMONE POV
HINDI ko napigilan ang pag-alpas ng masayang ngiti sa aking mga labi habang
nasa mga bisig ko ang babaeng mahal ko. Ngayon lamang siya tumugon ng ganito, 'yong
tipong kahit walang sabihing salita ay ramdam ko ang labis na pagmamahal niya para
sa'kin.
Wala ng mas sasaya pa sa punto ng buhay ng isang taong nagmamahal na malaman
kung gaano siya kamahal ng taong laman ng kanyang puso. Dahil sa halik na
pinagsasaluhan namin ay napatunayan kong ikakabaliw ko kapag nawala siya, hindi ko
maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya. Wala pa ring pinagbago, bawat araw ay
mas lalo akong nalulunod.
Nandoon pa rin ang napakalakas na tibok ng puso ko kapag nasa malapit sa'kin
ang presensya niya. Nandoon pa rin 'yong pakiramdam na para akong lumilipad sa
alapaap kapag nayayakap siya. Nandoon pa rin 'yong napakasayang pakiramdam kapag
ipinaparamdam niyang akin siya.
"I love you." Bulong ko habang magkalapat pa rin ang aming mga labi. Hindi ako
magsasawang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal at hindi ako magsasawa sa
paghalik sa kanya.
She's my safe haven.
Hindi mawala wala ang ngiti sa aking mga labi pagdilat ng kanyang mga mata at
tumitig sa'kin.
"Mahal din kita, mahal na mahal." She answered sincerely.
Mas lalong napuno ng saya ang puso ko dahil sa sagot at katapatang nakikita ko
sa mga mata niya.
"Ngayon ang 11th anniversary na'tin." Bulong ko at hindi ko mapigilang matawa.
"Ito rin ang araw na una tayong nagkita sa Inspiration at una kong nasilayan kung
gaano ka kaganda." Hinaplos ko ang kanyang namumulang mga mukha at naluluhang mga
mata. I hate seeing her tears.
"Napakatagal na panahon na pala kitang mahal pero 'yong pakiramdam dito sa puso
ko parang kahapon lang." Mariin kong hinalikan ko ang kanyang noo at muling niyakap
ng mahigpit. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa'kin, hindi ko
kakayaning mawala sa'kin ang asawa ko."
"Hindi naman ako mawawala e." Aniya.
"I know, ramdam ko 'yon. Alam kong hindi mo ako sasaktan, at kahit saktan mo
ako hindi mababawasan ang pagmamahal ko para sa'yo." Hindi ko alam pero kusang
tumulo ang aking mga luha, may kung anong mabigat sa aking dibdib pero natatabunan
pa rin iyon ng labis na saya dahil hindi ako makapaniwala na sa haba ng panahong
minamahal ko siya ay nasa akin pa rin siya.
Noon, napakamiserable ng buhay ko dahil akala ko wala na siya pero muli niyang
pinaranas sa'kin ang kakaibang saya meron ang pag-ibig noong nalaman kong buhay
siya. At baliw man pakinggan para sa iba, handa akong masaktan ng paulit ulit,
handa akong mamatay kung 'yon ang dapat upang mapanatili ko siya sa tabi ko.
"I love you too." Sagot niya.
I laughed. Tumingin ako sa relo ko at malapit na palang magtwelve midnight.
"Buti nalang umabot ako."
"Kahit naman hindi ka umabot ayos lang." Pinagsiklop niya ang aming mga kamay
at tulad ng halos normal na reaksyon ng puso ko ay nagwala ito. Sa simpleng galaw
niya lang ay mas lalo akong nahuhulog, alam kong hindi na ako makakaahon.
"No, hindi ayos sa'kin 'yon. Mahalaga sa'kin ang araw na ito, mahalaga sa'kin
ang bawat araw na may kinalaman sa'yon. At lalong mahalaga sa'kin ang bawat araw na
kasama kita." Sabay kindat sa kanya.
Unti unting sumilay ang masayang ngiti sa kanyang mga labi, mga ngiting gustong
gusto kong nakikita sa kanya.
"Seriously, hindi ko alam na ngayon ang anniversary na'tin." At mataray na
tumaas ang kanyang kilay na ikinatawa ko.
"Ako lang talaga ang nakakaalam, don't worry monthsary na'tin next month doon
ka nalang bumawi at marami pa tayong anniversary na magkasama."
Sa isiping siya ang kasama ko sa pagtanda ay hindi ko mapigilang maging masaya.
Kahit siguro matanda na kami ay hindi pa rin mapapagod ang puso kong mahalin siya.
Napakarami kong plano para sa aming dalawa at ng magiging anak na'min.
"Baka naman may iba ka pang babaeng kasamang magcelebrate ng monthsary." Ingos
niya. Hindi ko napigilang panggigilan ang kanyang mga labi, kinagat ko iyon at
ilang ulit na sinipsip.
"Ikaw lang sapat na, sobra pa. Kulang ang salitang pagmamahal para ilarawan ang
nararamdaman ko para sa'yo."
"Napapansin kong sa bawat araw mas lalo kang nagiging bolero at madaldal."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya ngunit bigla ring natawa dahil sa reaksyon
niya.
"Mahal lang talaga kita ng sobra." Sinipat ko ang suot niya at ang mga kilay
ko naman ang nagsalubong. "Hindi ko gusto 'yang damit mo, masyadong kita ang
balat." Napatili siya ng pangkuin ko. Nakangisi akong tumitig sa magaganda niyang
mga mata.
"Ano ba naman, ibaba mo ako." Ungot niya pero mas lalo ko lamang hinigpitan ang
hawak sa kanya.
"Alam mong ayokong nagsusuot ka ng ganyan. Doon tayo sa kwarto mag-usap."
Nanlaki ang kanyang mga mata kaya kinindatan ko siya.
"B-Bakit kailangan doon pa tayo mag-uusap? Pwede naman dito, mas relaxing."
"Dahil huhubarin na'tin 'yang suot mo at ipapaalala ko sa'yong akin ka." Hindi
ko mapigilang hindi mapakagat sa labi upang pigilan ang pagtawa dahil bakas ang
takot sa nanlalaki niyang mga mata.
"Pero--" Bago pa siya makaangal ay malalaki na ang mga hakbang ko patungo sa
aming kwarto. Panay lamang ang tawa ko sa bawat pagtili niya.
I really love this woman. My woman.
Song used:
Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong
By JM De Guzman
Favorite ko talaga ang song na 'to kapag down na down ako at gustong gusto kong
umiyak. 😘
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 46
PEXUS POV
HINDI SA PAG-IBIG umiikot ang lahat ng bagay sa mundo, iyon ang paniniwala ko
noon lalo noong mga panahong sinubok ako ng pagkakataon. Simula bata ay naging
abala ako sa iba't ibang training dahil gusto ng aking ama na sumunod sa kanyang
yapak. Aminado akong halos lahat ng illegal na ginagawa ng samahan mula sa mga
Gonçalvez ay walang tanong kong sinusunod dahil iyon ang tungkulin ng aming
pamilya, ang paglingkuran ang mga Gonçalvez sa abot ng aming makakaya.
I'm a bad man. Hindi ko itinatanggi 'yon, sa dami ng kasalanang nagawa ko sa
mundo kahit siguro sa empyerno ay malabo akong tanggapin.
When my parents died doon mas lalong nasira ang buhay ko, not literally but I
am broken in the inside. Para akong patay na naglalakad at kumikilos ayon sa
sinasabi ng utak ko but I am dead emotionally. Ang mawalan ng magulang ang
pinakamasakit na karanasan ko, umabot sa puntong ayoko ng magpatuloy dahil alam
kong wala ng dahilan, nag-iisa na lamang ako kaya ano pang silbi para mabuhay?
At nasagot ang tanong kong 'yon noong makilala ko ang kakambal ni Demone, si
Dethinia. Anong silbi ng buhay ko? Ang panatilihin ang kaligtasan niya at
protektahan siya. Lahat ng ikasasaya niya ay handa akong ibigay ng walang pag-
aalinlangan.
Yes, I am inlove with her. Matagal na panahon na, siya iyong naging dahilan ko
para hindi sumuko kahit alam kong hindi siya magiging akin. Kahit na gan'on, kahit
na alam kong wala akong aasahang kapalit sa pagmamahal na meron ako sa kanya hindi
ko nasabi na sarili ko na nagpapakatanga ako.
That's love, hindi lahat ng mahal mo ay kailangang mahal ka rin kasi kapag
totoong mahal mo ang isang tao kahit na walang kapalit ay tuluyan kang magmamahal.
Aaminin kong kahit na walang pag-asa ay hindi pa rin ako napapagod na hilinging
sana mapansin niya ako sa paraang gusto ko.
So corny, Pex.
Aminado akong hindi ako nagdadasal at umabot sa puntong hindi na rin ako
kumikilala sa diyos pero nabago ang pananaw ko sa bagay na iyon noong naisin na ng
puso ko na sana, sana mahalin niya rin ako dahil kasabay ng paghiling kong 'yon ay
ang panalangin ko na sana bigyan Niya ako ng himala.
At masasabi ko ngayong sa pag-ibig umiikot ang mundo, be it love for your
family, friends and intimate love. Doon nabubuhay ang tao, iyon ang nagiging rason
para manatiling lumalaban sa kahit anong hamon sa buhay.
"Hays, hindi pa naman ako bakla." Natatawang sabi ko sa sarili ko habang
nagpiprito ng itlog. Naghahanda ako ng agahan dahil anytime now ay magigising na si
Den at uuwi na si Demone.
Akmang ilalagay ko na ang prinitong itlog sa isang pinggan ngunit bigla akong
napamura dahil may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.
"Fuck!"
Halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa kakaibang kabang umusbong sa dibdib
ko. Damn you Pex, calm your fucking heart.
"Pexus." Malambing na pagtawag niya sa boses ko ang bumungad sa'kin, kahit
hindi ko pa man lingonin sapat na ang reaksyon ng puso ko para malaman kung sino
iyon.
Den.
Dali dali kong tinapos ang ginagawa at humarap sa kanya, pasimple kong
tinanggal ang pagkakayakap ng kanyag mga braso mula sa aking bewang. Isa sa
pagiging malambing ang malaking pinagkaiba niya kay Demone, madalas siyang yumakap
sa'kin mula pa man noon dahil kung ituring nila ako ay para na ring kapatid.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 47
Keep on reading.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 48
Another one. ❤
HABANG PAPASOK ng kabahayan ay pinipilit ni Den na wag ipahalata ang pagkirot
ng sakit sa kanyang ulo dahil sa hangover, hindi niya namalayang naparami ang
kanyang inom. Ngayon ay pinagsisisihan niya ang ginawa dahil sa sakit ng ulo.
Inayos niya ang suot bago taas noong naglakad papasok ng bahay nila ni Fourth.
Mapait siyang napangiti dahil sa isiping iyon, hindi siya parte ng bahay na ito
dahil alam niyang hindi siya ang totoong asawa kundi ang kanyang kapatid na si
Demone.
"Good afternoon ma'am." Bati ng guwardiya na agad niyang sinuklian ng ngiti.
"Magandang hapon din." Ganti niya.
Akmang mararating na niya ang bungad ng sala ng makarinig ng ugong ng
paparating na sasakyan. Napairap siya ng wala sa oras dahil kilala na niya kung
kaninong sasakyan iyon, kay Fourth.
Hindi rin naman kaila na alam niyang hindi siya ang mahal nito, napansin niya
ang lahat ng pagbabago dito mula ng bumalik siya matapos silang magpalit ng
katauhan ng kanyang ate. Alam niyang sa sandaling panahon na nagsama ang dalawa ay
agad na nahulog ang loob ng binata, hindi na iyon kataka taka dahil sa kabila ng
pagiging cold at seryoso ni Demone ay kaibig ibig ito.
"Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong sa kanya matapos niyang marinig ang
yapak papasok sa kabahayan.
Tsk. Si Fourth.
"Anong paki mo?" Pairap niyang tanong na ikinailing nito.
Kung tutuosin ay siya ang may atraso sa binata dahil sa panlilinlang na ginawa
nilang magkapatid kaya wala siyang karapatan na tarayan ito o mainis manlang pero
hindi niya mapigilan. Naiinis siya dahil hindi siya nito nagawang mahalin tulad ng
pagmamahal nito sa kapatid.
"Hindi tama 'yang ginagawa mo, pinag-aalala mo si Dad." Tukoy nito sa tunay
niyang ama.
"Tsk." Ismid niya at humalukipkip na humarap dito. "Napabalik ko na siya,
siguro naman wala na akong atraso sa'yo." Aniya.
Kumunot ang noo ni Fourth. "Wala ka namang atraso sa'kin."
Hindi niya pinansin ang tugon nito, palagi nitong sinasabi na ayos lang ang
lahat at wala lang dito ang ginawa nilang panlilinlang dahilan para mas lalo siyang
makonsensya at mainis dahil sa kabila ng lahat ay tinatanggap pa rin nito kahit na
mali, ni hindi nito nagawang magalit kahit noong malamang hindi siya ang tunay
nitong asawa.
Ang dahilan? Ang pagmamahal nito sa kanyang kakambal.
"Nakabalik na siya, malapit na sa'yo wala ka pa rin bang gagawin para maiuwi
siya dito?" Asik niya, isa pang kinaiinisan niya ay hinahayaan lamang nito ang mga
desisyon ng kapatid ni konting pagtutol ay wala. Masyadong pinapairal ang
pagmamahal.
"She will be home soon." He smiled sincerely. Mariin niyang nakagat ang mga
labi upang pigilan ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso ng masilayan ang totoo
nitong ngiti.
Hindi niya ikakailang mahal niya ito ngunit mas hindi niya maatim na siya ang
humahadlang sa magiging kaligayahan ng kapatid. Si Demone ang nagsakripisyo ng
lahat upang magtamasa siya ng karangyaan at magkaroon ng normal na buhay. Lahat ng
ikasasaya niya ay ginagawa nito kahit na wala ng matira para dito.
Ito na rin siguro ang pagkakataon para siya naman ang magbigay, siya naman ang
magsakripisyo para ang kapatid naman ang sumaya. Alam niyang mahirap sapagkat
sarili niyang nararamdaman ang kalaban niya pero kung para sa kanyang kakambal ay
pipilitin niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 49
Enjoy. 😍
LAGPAS NA ang oras para sa hapunan ngunit hindi pa rin lumalabas ng opisina si
Fourth kaya si Den ay hindi mapakali sapagkat alam niyang hindi pa kumakain ang
kanyang bayaw.
Matapos ang kaganapan sa sala kanina ay hindi na ito muling lumapit sa kanya at
naging abala na sa trabaho nito. Madalas ay ganito ang routine nito ngunit hindi pa
rin niya mapigilan ang hindi mag-alala para sa kalusugan nito.
"I must bring him coffee." Aniya sa sarili makalipas ang ilang sandali.
Agad siyang umalis sa kinauupuan at magtimpla ng kape matapos ay nagtungo sa
opisina ni Kwatro.
"Fourth?" Tawag niya ng nasa tapat na ng pinto, no one is answering kaya
kumatok siya. "Fourth? Can I come in? I made a coffee for you." Aniya ngunit tulad
kanina ay wala siyang natanggap na sagot kung kaya'y sinubukan niyang pihitin ang
doorknob at napakunot ang noo ng mabuksan ang pinto.
"Hindi siya naglock?" Nagtatakang tanong niya sa sarili dahil ngayon lamang
nangyari na hindi naglock ng pinto ang lalaki gayong nasa loob ito.
Nagdadalawang isip man ay ginawa niya pa rin ang pumasok. Inilibot niya ang
tingin sa paligid ngunit wala siyang nakitang tao. "Nasaan 'yon?"
Naglakad siya patungo sa office table upang ilapag ang kape. Tahimik ang
paligid habang ang mga papeles ay nakatambak sa gilid ng mesa nito. Napakarami nga
niyang dapat tapusin.
Matapos ilagay ang dala ay nagpasaya siyang umalis na dahil baka kagalitan siya
nito sa panghihimasok sa pribado nitong silid. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang
siya ay nahagip ng kanyang tingin ang dalawang ticket na nasa gitna ng mesa.
Kunot noo niyang kinuha iyon dahil nakita niya ang larawan sa isa sa mga ito.
Demone Alvarez-Castillion
Eh, hindi pala ako. Nakangiwing tugon ng isipan. Alam niyang hindi siya
gugustuhing isama ni Fourth sa kahit saang lugar na dalawa lamang sila kaya't alam
niyang para iyon sa kanyang kapatid, kahit pa siya ang gumagamit ng identity nito
ngayon. Kahit siya ay nadadaya ang paningin sa pisikal na aspeto nilang magkapatid.
"Balak nilang pumunta sa Cebu?" Napangisi siya sa naisip at dali daling kinuha
ang ticket para sa kapatid. At agad na umalis ng opisina.
"ARE YOU OKAY, Dem?" Nag-aalalang tanong ni Pexus sa kaniya ng makita siya
nitong tulala na nakaupo sa counter ng kusina.
"Yeah." Wala sa sariling sagot niya.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong pa nito.
Hays. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng malalim na buntong hininga dahil sa
naguguluhang isipan. Napapangiwi rin siya kapag kumikirot ang pagkababae.
"Damn!" Inis niyang tugon ng maalala lahat ng nangyari sa pagitan nila ni
Fourth. Ewan niya pero habang nasa mainit silang tagpo ay hindi siya nakaramdam ng
konsensya ngunit ngayong nasa tama na siyang pag-iisip ay nilulukob siya nito dahil
sa isiping masasaktan niya ang kapatid.
Maling mali na nagpadala siya sa dinidikta ng sariling damdamin. Hindi ko na
alam ang gagawin ko!
"Alam kong may problema ka ngayon pero hayaan mong dagdagan ko." Natatawang
tugon ni Pexus. "Tumawag si Den kanina at sinabi niyang papunta siya ngayon ng
Cebu."
"Anong problema d'on?" Aniya.
"Well, mag-isa lang siya at alam natin pareho na hindi niya pa kabisado ang mga
lugar dito sa Pinas." Tugon nito.
"What!? Bakit mag-isa lang siya, nasaan ang asawa niya?" Asik niya at tahimik
na napamura dahil sa muling pagsidhi ng kirot sa pagitan ng kanyang mga hita dahil
sa biglaang pagbaba sa counter.
"SHE'S GOING to Cebu right now." Tugon ni Volt matapos ibaba ang cellphone.
"Bakit niya ginagawa 'to?" Kunot noong tanong ni Fourth, nakatingin siya sa
kawalan habang nakasandal sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Bago siya
pumasok sa firm ay hindi niya nakita si Den kahit ipinasuyo niya sa pinsan na
alamin kung nasaan ito.
"Tsk. Simple, gusto niyang bumawi." Iritang sagot nito na tila sinasabing
napatanga niya at hindi niya alam ang sagot.
"How do you say so?"
"First, nagrerebelde siya noong mga nagdaang araw. She's into clubbing and such
na hindi naman niya gawain at alam niyang makakarating agad iyon sa kapatid niya at
sabi mo nga sinabi niya sa'yong wala na siyang atraso dahil napabalik na niya ang
ate niya.
Second, alam niyang wala lang sa'yo na umuwi siya ng lasing dahil ang
importante ay ligtas siya pero nakipagpalit siya sa kambal noong isang gabi.
And third, kinuha niya ang ticket papuntang Cebu kahit hindi kanya dahil alam
niyang magagamit niya iyon at sa paglayo niya ay mapipilitan ulit si Demone na
pumalit sa pwesto niya." Paliwanag nito. Tumango siya at natawa dahil alam niyang
hindi namamalayan ng pinsan niya na nagiging madaldal ito ngayon.
Siguro'y nakahome run kaya masaya. Gan'on ang ugali nito, nagiging madaldal
kapag masaya.
"Tinitulungan ka niyang mapalapit sa kapatid niya, talagang bumabawi siya. Ma
madali mong magagawa ang plano mo." He continued.
Hindi niya pinuna ang pagiging madaldal nito ngayon dahil nasisiyahan siya sa
mga conclusion na pinagsasabi nito, naisip niya na rin ang ideyang 'yon ngunit ayaw
niyang paniwalaan at ngayong pinsan na niya mismo ang nagsabi ay napapanatag siya.
Napangisi siya dahil sa naisip. Kung tama nga ang hula ng ugok na 'to ibig
sabihin ay ang asawa ko mamaya ang magiging kasama ko. Nagdidiwang ang kanyang loob
dahil sa ideyang iyon.
Agad siyang tumayo. "I need to go home." Aniya.
"What? Umaga palang and still working hour. Ni hindi ka pa nga nag-iisang oras
dito." Apila nito.
"Mag-oovertime nalang ako sa susunod, kailangan kong salubongin ang asawa ko."
Tuwang tuwa tugon niya at mabilis na tumakbo palabas.
"Crazy fucker!" Dinig niyang sigaw ni Volt kaya napahalakhak siya, alam niyang
para siyang baliw sa inaasta ngunit ayos lang dahil sa sayang nararamdaman.
KUNG PUTIKAN lang ang marmol na sahid na nilalakaran ni Fourth ay siguradong
malamin na ang bakas doon dahil sa hindi mabilang na pabalik balik niyang lakad.
Bakas sa kanya ang labis na kaba na parang Totoy na unang beses makakaharap ang
crush. Para siyang natataeng di makatae dahil sa pawis.
Malapit na ang oras para sa dinner ngunit ni anino ng asawa ay hindi niya pa
nakikita, siguro'y mali ang hinala nila ni Volt. Siguro nga'y wala namang ibig
sabihin ang mga ginagawa si Den para mapaglapit sila ng kakambal nito.
Sinasagad sagad ko na ang pag-update kasi ngayon lang ako may oras. Hahaha
Final exam is waving at me. 👋
Sa may mga exams dyan, mag-aral ng mabuti and always pray para pumasa. You will
pass! Aja!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 50
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 51
Northern Samar has no electricity because of the damages left by typhoon Tisoy, so,
I can't update everyday.
Thank you for your consideration.💛
"HERE." Tugon ni Volt habang iniaabot ang mineral water kay Demone na kanina pa
tulala at walang imik. Nang hindi nito tanggapin ang iniabot ng binata ay ito na
mismo ang naglagay ng bote ng tubig sa kanyang kamay.
Naupo ito isang dipa ang layo sa kanya sa upuang kahoy sa park na malapit sa
mansyon ng mga Castillion, doon siya dinala nito matapos ang pagsaksi nito sa mga
rebelasyon ni Maine.
Kalmado nitong ipinagcross ang mga hita at sumandal sa upuan samantalang siya
ay hindi alam kung dapat nga ba siyang magsalita o manahimik na lamang.
Malalim siyang napabuntong hininga dahil sa mga problemang tumatakbo sa kanyang
isipan.
"Wala naman talagang problema, ikaw lang ang gumagawa n'on." Pagbasag nito sa
katahimikan makalipas ang ilang sandali.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay at bumaling dito. "Hindi mo alam kung ano ang
mga pinagdaanan namin ng kapatid ko kaya ang bagay na simple para sa inyo ay
napakahirap sa'kin." Aniya bago muling tumingin sa malayo.
"Sabihin na na'ting iniisip mo ang kaligayan ng kapatid mo pero sigurado ka
bang sasaya talaga siya? Hindi mo kontrolado ang nararamdaman ni Kwatro sa kung
sino ang babaeng mamahalin niya at alam na'tin pareho na hindi ang kapatid mo ang
mahal niya." Anito.
"Magagawa niyang mahalin ang kapatid ko kung hindi niya alam na magkakambal
kami." Apila niya.
"Kung! But unfortunately alam niya." Ngumisi ito ng magpatingin siya sa gawi
nito.
Hindi na siya nagulat kung talagang alam nga ni Kwatro ang tungkol sa kanya at
kanyang kakambal dahil kung si Maine nga na napakabata pa ay may alam paano pa
kayang ang uncle nitong sa sobrang talino ay tanyag na abogado.
At alam niyang gayon din ang kausap, alam nito ang sekreto nilang magkapatid
basi sa paraan ng pagbibigay ng punto sa kanilang usapan. Pero ang tanong niya ay
paano nalaman ng mga ito?
Hindi siya kombinsido sa mga sinabi ni Maine kanina na ang pinagkaiba nila ng
kapatid ang basihan ng mga ito kaya nalaman ang katotohanan. Kilala niya s Fourth
at bilang abogado alam niyang hindi ito maniniwala sa haka haka lamang o opinyon,
siguradong may ebidensya ito kaya nalamang buhay ang kakambal niya.
"As I told you before I know everything." Tumango siya dahil sa sinabi nito,
naalala niya noong muntik na siyang tumalon noon sa gusaling kaharap ng firm habang
sinasalaysay ni Fourth ang katotohanan sa pagkatao niya. Alam na niya ang tungkol
doon ngunit ng isalaysay ito ng lalaking mahal ay tila siya ibinalik sa nakaraan
dahil sa sakit.
"Ako ang nagsabi ng totoo kay Kwatro." Iyon ang nakaagaw ng kanyang atensyon.
Itinuon niya dito ang atensyon. "I don't have the right to be a meddlesome in your
lives, personal lives. Pero bilang pinsan hindi ko gustong makitang gawing tanga si
Kwatro at hayaang mamuhay sa kasinungalin. Hindi biro ang pag-aasawa at maling mali
na ipapaniwala mo sa kanya na ikaw ang kapatid mo. Ayokong umabot sa punto na hindi
na niya kayanin ang lahat." Seryosong tugon nito, ito naman ngayon ang nakatingin
sa kawalan.
Naikuyom niya ang kamao dahil sa katotohanang lumalabas sa bibig nito. Sa
pangalawang pagkakataon ngayong araw ay nawalan siya ng sasabihin.
"May sakit siya at hindi ko gugustohing mabaliw siya kapag sa huli niya malaman
ang lahat."
Ang bigat ng bawat salita nito ay tila may babala. "Paano mo nalaman? Na hindi
ako ang kasama niya sa mga nakaraang buwan?" Sa wakas ay naitanong niya ang
katanungang gumugulo sa kanyang isipan.
"KUMUSTA ANG KUYA mo, bunso?" Hindi mapalagay ang ina ng mga ito habang hawak
hawak ang kamay ng walang malay na si Fourth, iyon ang naabutan niyang tagpo sa
silid nito.
Bigla siyang tinamaan ng hiya dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya ang
lahat. Kaya't pinili na lamang niyang manatili sa labas ng silid, sa bukana ng
pinto habang pinagmamasdan ang pagchecheck ni Seven sa kuya nito.
"Calm down mom, hindi makakatulong kung iiyak ka." Alo ni Segundo sa inang.
"Hindi ako kakalma hanggat hindi ako nakakasigurong maayos ang kapatid mo, sa
dami ng hirap at sakit na nilihim niya sa'tin noon na pinili niyang sarilihin ay
alam kong hindi maayos ang lagay niya. Diyos ko, ang anak ko." Hysterical na tugon
ng ina.
"Kuya is fine, mom. Natrigger lang ang emotion niya kanina ng makitang umiyak
si Maine but he is fine. Kailangan niya lang magpahinga at inumin ang gamot niya."
Malumanay na paliwanag ni Seven.
"Where's Demone?" Naalerto siya dahil sa pagbanggit ng ginang sa pangalan
niya.
"I'm here mom." Aniya. Agad itong lumapit sa kanya na may nangungusap na mga
tingin.
"Ikaw ang agad na hinanap niya kanina ng makitang umiyak si Maine, hindi ko
alam ang nangyayari sa inyong mag-asawa but please don't leave him, iha. Hmm?
Please take care of my son, ngayon lang siya nagbreakdown ng ganyan and it's not
healthy for him. He needs to be mentally and emotionally stable, and I know you can
help him. He loves you more than anyone else, you are his cure. I know that as a
mother, so please." Pakiusap nito at hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang
luha ng makitang masaga ang pagdaloy ng mga likido sa mata nito.
Isa itong ina at hindi niya pa man nararanasan ang maging katulad nito ay alam
niya ang sakit na nararamdaman ng isang ina habang nakikitang nasasaktan ang anak
nito. Gan'on rin ang pagkadesperadang naramdaman niya noong si Den ay nasa bingit
ng kamatayan. Na halos tawagin niya ang lahat ng Santong makakapagpagaan ng
kalagayan ng kapatid.
Mariin siyang pumikit at niyakap ito. "I will take care of him, I promise mom."
Nang sambitin niya ang mga katagang 'yon ay tila may isang tinik na unti unting
tinatanggal sa kanyang dibdib dahilan para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Unti unti niyang nararamdaman ang paglaya ng puso niyang ilang buwan niyang
tiniis ang nais. Ilang buwan niyang hindi pinakinggan ang sigaw sa kabila ng
pagsalungat sa kanyang isipan.
"I will take care of him." Bulong niya.
"I know you will, ramdam kong mahal na mahal mo ang anak ko. Magtitiwala ako sa
pagmamahal mo sa kanya." Anito.
Napangiti siya dahil sa sinabi nito dahil sa mabilis na pagtibok ng kanyang
puso na tila sumasang-ayon.
From now on, I will take care of him and I won't leave his side as a wife.
"W-Wife." Garalgal ang boses na pagtawag sa kanya ng pamilyar na boses. Si
Kwatro.
"I'm here." Sagot niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 52
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 53
This is it. ❤
"IMBES na palakasin ka siya pa 'yong hinimatay. Tsk. Naku naman mabuti nalang
talaga nandoon kami kung wala lagot na." Naiiling na daldal ni Clint habang
nagmamaneho.
Samantalang si Demone ay hindi matigil tigil sa pagtawa ng nalaman ang naging
reaksyon ng asawa matapos nitong malamang buntis siya. Ang totoo ay nabigla rin
siya ng magising at ibalita sa kanyang nagdadalang tao siya. Hindi niya inaasahan
ang pagdating ng blessing sa kanila.
She's one month pregnant. Hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang pisngi
kapag naaalala ang unang gabi nila. Napailing iling siya habang hinahaplos ang
impis na tiyan.
"Siguro naman wala na tayong rason para ipagpaliban ang wedding." Tugon ni
Fourth na kanina pa hindi mahiwalay sa kanya simula ng pareho silang magising sa
hospital.
Hindi nito pinapansin ang mga pang-aasar ni Clint samantalang ang kanilang ay
pangiti ngiti lamang sa tabi nito ngunit makikita sa mata nito ang labis na saya.
Napatingin siya sa asawa dahil sa sinabi nito, kanina pa ito tahimik at malalim
ang iniisip. "Wag mong sabihing ipagpapaliban na naman na'tin. Wala na namang
problema at ayokong isilang mo ang anak na'tin na hindi tayo kasal." Seryosong
tugon nito.
Napatingin siya sa mga kasama nila na parehong nag-iwas ng tingin at bumaling
sa ibang direksyon. Napabuntong hininga si Demone dahil alam niyang kailangan na
niyang harapin ang asawa. "May dapat pa tayong pag-usapan bago tayo magpakasal,
hindi biro ang kasal Kwatro."
"Bakit sino bang nagsabing nagbibiruan tayo? Walang nagbibiruan sa relasyon
na'tin." Anito at halatang desidido na sa gustong gawin.
Walang kaso sa kanya ang magiging kasal nila sa simbahan, actually ay noong
isang linggo pa handa ang lahat para doon dahil nga sa pagmamadali ni Fourth na
maikasal sila ngunit pilit siyang nakikiusap dito na ipagpaliban muna kahit ilang
linggo lamang. Gusto niyang hintayin ang pagbabalik ng kapatid niya at makausap
ito.
"Sa bahay tayo mag-usap, mamaya pagdating na'tin." Mahinahon niyang tugon at
hinawakan ang kamay nito.
"Dito tayo mag-usap 'yong makikita nila para masaksihan nila ang pagtanggi mo
sa'kin." Nag-iwas ito ng tingin at bumaling sa daan ngunit hindi nakaligtas sa
kanya ang pagbabadya ng mga luha nito.
Mariin niyang kinagat ang mga labi at naisin man niyang magsalita ay nahihiya
siya dito. Alam niyang napakarami na nitong naging sakripisyo sa kanilang relasyon
samantalang siya ay puro sakit at sama ng loob ang ibinibigay dito. Tama nga si
Maine at Volt sa mga sinabi ng mga ito, hindi man niya gustong saktan at ang
kapatid niya ay may masasaktan at masasaktan talaga sa mga desisyon niya.
"We're here." Basag ng kanyang kapatid sa katahimikan.
Akmang hahawakan niya si Fourth upang kausapin ito ng mauna itong lumabas at
tuloy tuloy na pumasok sa kabahayan. Ni hindi ito lumingon o bumati sa mga bantay,
kita niya rin ang pagkuyom ng mga kamao nito.
"Sundan mo anak, mag-usap kayo ng mabuti. Ang mga ganyang bagay sa pagitan ng
mag-asawa ay dapat hindi pinapatagal at pinag-uusapan ng mabuti." Payo ng kanyang
ama.
"Wag na kasi mag-inarte, kami na bahala kay kambal." Ani Clint na umalalay sa
kanya sa paglabas ng sasakyan.
"Hindi ako nag-iinarte gusto ko lang makausap ni Den bago ako sumagot sa
kanya." Apila niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Epilogue
NATULALA LAMANG si Demone sa kanilang silid mula ng iwan siya ng asawa. Hindi niya
alam ang gagawin, nanghihina siya at walang kahit anong pumapasok sa kanyang isip
kundi ang mukha ng asawa.
"Anong nangyari dito?" Doon lamang siya natinag sa kinauupuan dahil narinig
niya ang boses ng kapatid.
Nanlaki ang kanyang mga mata at naiyak nang makitang ito nga ang dumating. Dali
dali itong lumapit sa kanya at mabilis siyang niyakap. Gumanti siya dito ng
mahigpit na yakap at humagulhol sa balikat nito.
"Den, he left me. He left me." Paulit ulit niyang tugon.
"Si Fourth?" Gimbal na tanong nito na tinanguan niya.
"Pagod na daw siya dahil sa sakit na ibinibigay ko sa kanya. Den, napagod na
siya sa'kin. Napagod na siya sa pag-intindi sa'kin." Para siyang batang umiiyak
dahil talagang tila dinudurog ang puso niya sa pag-alis ng asawa. Wala sa hinagap
niya na iiwan siya nito, masyado siyang nakampante sa pagmamahal nito sa kanya.
"Abusado kasi ako e. Kasalanan ko kasi napanatag akong sobrang mahal niya ako pero
sabi niya kahit gaano daw niya ako kamahal ay napapagod na siya. Anong gagawin ko?"
Sumbong niya sa kapatid. Humiwalay ito ng yakap ay hinawakan ang kanyang mukha na
basang basa na ng luha.
"Stop crying, stop crying. Dad told me that you are pregnant makakasama kay
baby kapag umiiyak ka." Alo nito. "Sigurado namang babalik siya, alam ko kung gaano
ka niya kamahal." Inayos nito ang buhok niyang kumalat sa kanyang mukha.
Umiling siya. "Pero pagod na siya, ayaw niya na sa'kin. Oo mahal niya ako pero
pagod na siya, pagod na siya."
Muli siya nitong niyakap. "Sshhh, kapag nakapagpahinga 'yon at nakapag-isip
isip babalik din siya. Asawa ka niya at may karapatan ka."
Mas lalo siyang naiyak samantalang ang kanyang kapatid ay nahihilam na rin ng
luha ang mga mata. "Stop crying na ate, nasasaktan ako dahil ganyan ka, ngayon lang
kita nakitang umiyak at hindi ko na gugustuhin na makita kang ganito. Tama na,
kakausapin ko si Fourth. Kakausapin ko siya." Patuloy ito sa pag-alo sa kanya
samantala siya ay gustuhin mang tumahan ay masyado siyang emosyonal ngayon kaya
hindi niya mapigil ang emosyon.
"Umalis nga ako pansamantala para magkaayos kayo e, tapos ito pa ang dadatnan
ko. Ayokong nakita kang nasasaktan, sapat na 'yong mga paghihirap at sakripisyo mo
noon para sa'kin. Gusto ko namang maging masaya ka kaya wag ka ng umiyak.
Kakausapin ko si Fourth at sasabihin sa kanya na balikan ka na. Alam kong iniisip
mo na naman ako kaya umabot kayo sa ganito but please ate don't mind me. Sarili mo
naman ang isipin mo." Dinig na dinig na rin niya ang paghikbi ng kapatid, alam
niyang nasasaktan din ito ngayon.
"Ako naman ang magsasakripisyo ngayon at ayokong pahirapan niyo pa ang mga
sarili niyo dahil alam kong nagmamahalan kayo at ayokong kunin sa'yo 'yong
karapatang maging masaya, ate." Hinaplos nito ang kanyang buhok tulad ng kung paano
niya ito aluin noong mga bata pa sila kapag natatakot itong mag-isa o hindi naman
kaya kapag malungkot ito. Ngayon ito naman ang gumagawa ng mga bagay na siya ang
gumagawa noon.
"I'm sorry Den, I'm sorry mahal ko kasi siya. Mahal na mahal ko siya at ayokong
saktan ka pero nasasaktan na din kasi ako e." Pag-amin niya. Nakita niya ang
pagngiti nito at pagtango.
"I know ate, ramdam kong mahal na mahal mo talaga siya hindi naman aabot sa
ganito kung hindi and I wanted you to be happy. Follow your heart at ako na ang
bahala sa sarili ko, malaki na ako at kaya ko 'to. Ang hindi ko kaya ay makita kang
ganito." Anito at hinalikan siya sa noo.
"P-Pero--"
"No more buts, minsan hindi masama kung sarili mo naman ang iisipin mo at hindi
ibang tao."
"Pero hindi ka ibang tao kapatid kita, kakambal." Pinunasan nito ang kanyang
mga luha.
"Kambal tayo ate pero hindi na tayo mga bata na pwedeng magshare sa mga bagay
na gusto na'tin." Mas lalong lumaki ang pagkakangiti nito dahil sa pagtitig niya.
Hindi niya alam na ganito na pala ngayon mag-isip ang kanyang kapatid. Siguro'y
pinamature ito ng mga karanasan noong mga buong hindi na sila magkasama.
Hindi napansing nagiging matured na rin ito. Siguro nga ay nawala sa isip niya
na may sariling isip ang kapatid, may sariling damdamin at may sariling buhay dahil
simula pagkabata ay namuhay ito sa kung ano ang desisyon niya, sa kung ano ang
sabihin at ibilin niya. Ngayon ay napapagtanto niyang dapat nga itong maging malaya
sa anino niya, dapat walang magtago sa kanila.
"Kaya stop crying na at magpahinga ka na dahil bukas ay pupunta tayo sa OB mo
para icheck si Baby then after that magsisimba tayo dahil sa blessing na dadagdag
sa family na'tin." Matapos nitong magpunas ng mga luha ay hindi na nabura ang mga
ngiti nito at pinilit siyang alalayang humiga sa kama at magpahinga.
Samantalang siya ay nakatitig lamang sa bawat galaw ng kapatid. Napansin niya
ring pumayat ito siguro dahil sa mga buong hindi naging maayos ang lahat, may kulay
na rin ang buhok nito na nagpamatured at mas lalong nagpaganda dito.
"Wag mo akong tignan ng ganyan, alam ko ang inisip mo. Don't worry about me
okay? I'm okay, really." At humagikhik pa ito bago tumabi sa kanya ng higa at
yumakap.
Tulad noong mga bata pa sila.
"Kantahan mo ako ate." Pagkuay tugon nito makalipas ang ilang minutong
katahimikan sa kanilang pagitan.
"Kakantahan kita kung sasabihin mo sa'kin kung anong ginawa mo sa loob ng isang
buwan." Aniya at hinaplos ang buhok nito.
Tumingin ito sa kanya at muling ngumiti. "Ahm, pumunta sa Cebu naglibot libot
tapos gumastos." Tuwang tuwang kwento nito.
"At si Pexus?"
Agad itong sumimangot dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng binata.
"Tinakasan ko siya kasi napakakulit niya ayaw niyang humiwalay sa'kin, kahit
pupunta lang ako ng CR mag-aabang pa siya sa labas. Nakakairita!" Anito at nakita
niya ang pag-ikot ng mata nito. Napangiti siya dahil hindi pa rin nagbabago ang
expression nito kapag naiirita.
"Tulog na nga tayo." Sabi nito at muling yumakap sa kanya ng mahigpit.
Napangiti siya dahil sa pagiging malambing nito. Noon ay palagi silang
magkatabi kapag natutulog at ayaw na ayw nitong nahihiwalay sa kanya, akal niya ay
hindi na mangyayari ang ganitong tagpo sa pagitan nila ng kanyang kakambal ngayong
patanda na sila.
I love you Den, mahal na mahal ka ni Ate.
"KAHIT ano nalang talaga ang naiisip mo e." Sermon kay Fourth ng kanyang Kuya
First. Napapakamot sa ulong nag-iwas siya ng tingin at napangiwi ng madako ang
atensyon sa bagahe niyang nagkalat na sa sahig ng kanyang kwarto.
"Mabuti na 'yon dahil kung hindi madala sa santong dasalan daanin na sa santong
paspasin." Natatawang tugon ni Singco na abala sa kanyang laptop habang nakaupo sa
sopa.
"Paano kung sumama ang loob niya? Buntis ang asawa mo Kwatro baka mapa'no 'yon
sa sama ng loob." Apila ni Segundo.
Lahat silang magkakapatid pati ang pinsang sina Tarinio at Volt ay nasa kanyang
silid dahil pinatawag niya ang mga ito at sinabi dito ang pag-alis niya sa kanilang
bahay ng asawa.
The End.
Thank you so much for supporting my stories. Sunod na po ang kay Singco.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Special Chapter