You are on page 1of 2

“Pandemya! May hangganan pa ba?

Nagsimula sa isang epidemya na kalaunay naging pandemya,

Sakuna, na mahigit dalawang taon na nating iniinda.

Dalawang taon na tayo’y naghihirap, nabalot ng takot at pangamba

Pangamba na sana ako, ikaw, tayo’y d’ mahahawaan sana.

Ito’y lubos kong pinapanalangin sa ating Ama,

Na pamilya ko’y maging ligtas at d’ madapuan ng sakuna.

Isang sakit na hangang ngayon milyon-milyong tao ang kinuha.

Kaya tanong ko sa sarili, “Pandemya! may hangganan pa ba?”

Sa napakaraming pagbabago ng dahil sa pandemya, maibabalik pa ba?

Maibabalik pa ba ang kahapon nung kelan nasa maayos pa?

Nung ang systema ng pag-aaral ay harap-harapan,

Harap-harapan na d’ tulad ngayon na kung saan pahirapan.

May hangganan pa ba?

Sa mga pangyayaring nagbigay sa akin, sa atin ng takot at pangamba.

Hindi na ako, tayo nakakalabas pa nang sa tayo’y takot, nababahala

Kung tayo ba’y ligtas sa sakit at hindi mahahawa.

Ako’y nanalig sa poong maykapal,

Na babalik sana ang lahat sa normal.

Bakuna sana’y maging solusyon ng paglitas ng marami,


At hindi maging dahilan ng ating pagkasawi.

Palubog na ang araw sa dapit-hapon,

May bukas pa tayong aabangan at muling babangon.

Kahit na hindi man natin maibabalik ang kahapon

Masasabi ko pa rin, “Pandemya, sa tulong Dios ay may hangganan ka pa”

You might also like