You are on page 1of 5

PRETEST sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

1. Ano ang tamang pagpapakita ng pagpapasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loobsa kapwa na naghihintay ng kapalit.
b. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
c. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pag-usal ng pasasalamat.
d. Pagsasabi ng salamat ngunit salat sa gawa at sinseridad.
2. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat ukol sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at mababa ang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Nanghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng normal na
presyon ng dugo at pulse rate.
c. Nanghihina ang katawan dahil laging nag-iisip kung paano ang tumpak na pagpapasalamat.
d. Nakakapagdagdag ng likas na anti-bodies na responsable sa pagsugpo sa bacteria sa katawan.
3. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
c. Ito ay pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pang-aabuso ng mga mamamayan sa kakahayan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.
4. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat malibansa:
a.Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinakikita mo ang iyong taos sa pusong pasasalamat sa kanila.
d. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa isang tao.
5. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng:
a. kalooban b. isip c.damdamin d. konsiyensya
6. Alin ang hindi kabilang sa tatlong antas ng pasasalamat na ibinahagi ni Santo Tomas de Aquino?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa c. Pagpapasalamat
b. Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya d. Pagtugon
7. Sinabi ito ni Susan Jeffers: “Simulan ang kasanayan sa pagsasabi ng pasasalamat kahit sampung beses sa bawat
araw
upang ito ay maging isang birtud”. Ang mga sumusunod na pahayag ukol sa pasasalamat ay mali maliban sa:
a. Ang pagtanaw ng utang na loob ay bahagi ng pasasalamat c. Hindi na kailangang sambitin ang
pasasalamat
b. Ang nagpapasalamat ay dapat magregalo sa taong kanyang d. Lahat ng nabanggit
pinasasalamatan
8. Si Shariff Kabunsuan ang nagpakilala ng relihiyong Islam sa Mindanao, ano ang tawag sa paraanng pasasalamat sa
kanilang komunidad?
a. Dinagyang Festival c. Kanduli
b. Maskara Festival d. Ati-atihan Festival
9. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a.Pagpasalamat ng hindi bukas sa puso c. Hindi pagpapahalaga sa taong gumagawa ng kabutihan
b. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matum- d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga panguna-
basan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya. hing pangangailangan dahil menor de edad
10. Ang “Sinadya sa Halaran” ay pistang pasasalamat ng mga tao sa Visayas. Isinasagawa nila ito upang magpasalamat
sa Birhen ng Immaculate Concepcion? Ito lang ba ang tanging paraan ng pagpapahayag ng pasasalamat? Alin sa
mga
sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na katuwiran?
a. Opo, ang pista lang ang pinakaangkop na paraan ng pasasalamat sa poon.
b. Opo, kailangan ang pista para maipakita ang pasasalamat sa lahat ng tao kahit na ipangutang ito.
c. Hindi po kailangan ang pista dahil ang higit na mahalaga ay ang pagpapasalamat na may handog mula sa puso.
d. Walang tama sa mga nabanggit

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakatumpak na halimbawa ng entitlement mentality?


a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang na loob sa mga taong tumutulong
12. Ang mga sumusunod ay dahilan ng kaligayahan dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Nagpapataas ng halaga sa sarili c. Nagpapatibay ng moral na pagkatao
b. Nakatutulong malampasan ang paghihirap d. Pumipigil na makamit ang mithiin
at masamang karanasan

13. Ang salitang Latin na “Gratia” o pasasalamat ay may mas malalim na kahulugang:
a. Gracia b. pagtatangi o kabutihan c. pagmamahal d. pagmamalasakit
14. Ito ay paglingon o pagtinging muli na nagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa isang tao o
bagay. Sa salitang Latin ay tinatawag na “respectus”:
a. Paggalang b. Pasasalamat c. Pag-unawa d. Pagmamahal
15. Paano naipakikita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pasasalamat?
a. Sa pamamagitan ng pagtanaw ng “utang na loob” c. Ipamalita sa kapitbahay kung paano ka natulungan
b. Pagbabalik ng mga bagay na naitulong sa iyo d. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang “salamat”

16. Maaaring maipakita ang paggalang sa kapwa sa pamamagitan ng:


a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan c. pakikipag-ugnayan sa mga piling taong
nakakahalubilo
b. pagpapahalaga sa sariling pananaw ng isang tao d. pagkilala sa taong minsang naging bahagi ng buhay
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng mabuting pakikipagkapwa:
a. “hindi ko siya ngingitian dahil hindi ko siya kilala” c. “salamat sa tulong mo, pagpapalain ka nawa ng
Diyos”
b. “tumigil ka, ayoko ng marinig ang sasabihin mo” d. “halika, alamin natin kung nagsasabi siya ng totoo”
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugalian ng mga Pilipino kaugnay sa paggalang?
a. Ang pagmamahal at pagsisilbi sa mga nakatatanda c. Pagtugon sa mga kahilingan ng matatanda
b. Paglagak sa mga matatanda sa bahay-ampunan d. Pagtrato sa kanila bilang isang huwaran

19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka nanaman?” c. “Sana sa susunod hindi ka na mahuli sa takdang oras”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero d. “Tatlumpung Minuto na akong naghihintay sa iyo”
sana umalis ka ng bahay ng mas maaga”
20. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga awtoridad/kapangyarihan?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa na para sa kabutihang panlahat.
21. Ano ang tanging kapalit na maibibigay ng anak sa magulang upang magkaroon ng kapanatagan ang kanilang
damdamin
lalo at malayo ang magulang sa mahal na anak.
a. Pagsunod sa tagubilin o pangaral ng buong katapatang sinusunod c. Pag uwi ng wala sa oras
b. Pagkikipagbarkada sa mga kaklaseng iresponsable d. Paggawa ng mga Proyekto

22. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng mga sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan ng loob at nakauunawa sa kanya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa tamang paggalang at pagsunod.
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
23. Ang paggamit ng salitang “pakisuyo” kapag may ipinag-uutos ay nagpapahiwatig ng;
a. Kayabangan b. Kabutihan c. Paggalangd. Kabastusan
24. Si Carla ay naniniwala na ang lahat ng payo ng kaniyang mga magulang ay makakabuti para sa kanya. Ito ang
nagging
pundasyon niya upang magsikap sapag-aaral hanggang sa makatapos at maging matagumpay sa buhay. Ang kilos ni
Carla ay nagpapakita ng;
a. Katarungan b. Pagpapasakop c. Kasipagan d. Pagsunod
25. Ang sumusunod na pangungusap ay nagpapatunay na ang pamilya ay malapit sa iyo, maliban sa:
a. Nagmula ang iyong pag-iral sa makasaysayang proseso ng pag-ibig na mula sa Diyos.
b. Nakasentro sa iyong sarili ang maaari mong ikatuwa o ikainis.
c. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon ng dalawang taong nagmamahalan.
d. Ang iyong paniniwala at paninindigan ay nag-ugat sa mga taong nagpalaki sa iyo.
26. Ang buhay dito sa mundo ay walang katiyakan, kaya ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa komunidad?
a. Tumulong sa mga community services lalo na kung may media.
b. Ang buhay na kaloob ay maaaring mawala o bawiin sa takdang oras, kaya dapat unahin ang pamilya.
c. Magpamalas ng kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.
d. Gawin ang lahat ng makapagpapasaya sa sarili o sa lahat ng tao sa paligid.
27. Ang salitang ugat na buti mula sa salitang kabutihan ay nangangahulugan ng mga sumusunod maliban sa:
a. Kaaya-aya b. Kaayusan c. Kabaitan d. Katarungan
28. “Kinukuha ngDiyos nang maaga ang mababait sa mundo at tumatagal ang buhay ng masasamang damo”, ayon sa
talinghaga. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalapit na kahulugan?
a. Oo, kinukuha ng Diyos ang mabubuti upang makarating na sila sa langit.
b. Ang masasama ay binibigyan pa ng pagkakataon na magbago upang magsisi at itama ang pagkakamali.
c. Pinagpapala ng mahabang buhay ang masasama sa mundo.
d. May kabutihan din ang puso ng mga taong masasama, kaya nagtatagal sila sa mundo.
29. Para kay Aristoteles, ang “ultimate-end” o huling layunin ng tao ay ang;
a. Kaginhawahan b. Kaligayahan c. Katwiran d. Kalungkutan
30. Paano naipapakita ng isang tao ang kaniyang lubos na pagpapakatao? Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan.
a. Kung siya ay nakikipagkapwa-tao c. Kung nakikihalubilo sa masamang impluwensiya ng
komunidad
b. Kung hindi siya nakakagawa ng pagkakamali d. Kung nasusunod ang kanyang kagustuhan.
31. Ang loob ay tumutukoy sa inner self o real self. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita nito?
a. Kalusugan ng pangangatawan c. Katapatan sa tungkulin
b. Kakayahang magpasya sa kung ano ang tama d. Kapusukan ng isang kabataan
at nakalulugod sa Diyos
32. Ang mga sumusunod ay etikang naisulat ni Aristoteles tungkol sa kahulugan ng pagpapakatao. Alin sa mga
sumusunod
ang hindi kasama sa kahulugan ng pagpapakatao?
a. Nag-uugat sa kalikasan ng tao na magpakatao c. Pagkilos ng may layunin
b. Kaligayahang nararamdaman sa pagkilos ng tama d. Pagsunod sa style ng iniidolo dahil kinikilala itong
isang
mabuting ehemplo.
33. Ang kabutihan o kagandahan ng loob ng bawat tao ay tunay na nag-uugat sa kaniyang pagkatao. Likas sa tao ang
pagiging maganda o mabuti dahil sa paniniwalang ang lahat ng nilikha ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may
angking
kabutihan. Kaya ang sumusunod ay dahilan ng Diyos sa paglikha ng tao maliban sa:
a. Nilikha ang tao bilang tagapangasiwa ng lahat ng nilalang ng Diyos sa sanlibutan.
b. Nilikha ang tao ayon sa wangis o larawan ng Diyos.
c. Nilikha ang tao na may pinakamataas na lebel ng karunungan at kaalaman.
d. Nilikha ang tao upang maging makapangyarihan, kilalanin at maging tanyag sa lupa.
34. Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang loob sa kabila ng sakit na nararamdaman. Dahil
likas
ito sa isang nilalang, ano ang pinakadakilang gawa na nagpapakita ng kabutihan o kagandahang loob?
a. Karangalan b. Kaligayahan c. Pagbubunyi d. Pagpapatawad
35. Ang Buddhist Tzu Chi Foundation ay grupo ng mga Pilipino at Tsino na ginagabayan ng mga turo at aral ng
kanilang Founder na si Dharma Master Cheng Yen. Ilan sa mga gawain nila dito sa Pilipinas ay ang paggawa ng
kabutihang loobTulad ng mga sumusunod malibansa:
a. Tumutulong sa aspekto ng edukasyon at medisina
b. Ang magkapatid na Rachel at Leah Awel, isang conjoined twin ay natulungang paghiwalayin
c. Nagpapatayo ng maraming gusali sa iba’t-ibang lugar para sila ay makilala.
d. Tumutulong din sila sa pangangalaga ng kalikasan at pagkakawanggawa.
36. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kabutihan o kagandahang loob sa kapwa?
a. Tinutugunan ko ang pangangailangan ng aking kapamilya sa abot ng aking makakaya.
b. Sumasama at nakikibahagi ako sa mga gawaing nakatutulong sa pamayanan.
c. Sa panahon ng eleksyon ay kailangang gumawa ako ng kabutihan para sa aking kamag-anak na kakandidato.
d. Ipinapakita ko ang malasakit sa kalikasan, mga hayop at mga halaman.
37. Isa sa mga katangian na dapat tularan ng lahat ng tao ay ang ginawang pagpapatawad ni Pope John Paul II sa taong
nagtangka na siya ay patayin sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya. Ito ay tanda ng kanyang:
a. Pag-alaala sa aral na ang Diyos ay nagpapatawad din c. Pagiging mapagmalaki
b. Pagiging maawain d. Pagiging matulungin
38. Ang kabutihan o kagandahang-loob ng Diyos ay nag-uugat sa;
a. Katarungan b. Pagmamahal c. Kalangitan d. Kabaitan
39. Ano ang magiging daan ng isang tao para hindi niya pagsawaan ang paggawa ng mabuti ay ang kanyang:
a. Real self b. Inner self c. Unconditional love d. Transcendent self
40. Sumusunod ako sa mga ipinag-uutos ng aking mga magulang at nakatatanda. Ito ay alam kong paggawa ng mabuti
sa
kapwa,Saanong institusyon ng lipunan ito nakapaloob?
a. Pamilya b. Paaralan c. Pamayanan d. Bansa

41. May isang slogan sa isang social networking site na naglalaman ng ganito, “Teacher call it cheating but we call it
teamwork”, ano ang kahulugan nito?
a. Ang pangongopya sa oras ng pagsusulit ay malalang suliranin c. Nakakaalarma ang ganitong sitwasyon
b. Normal na lang sakabataan ang pangongopya d. Dapat parusahan ang mag-aaral sa kanilang
maling pagpapahalaga
42. Si Jose ay isa sa kinikilalang mag-aaral sa paaralan dahil lagging mataas ang kanyang marka sa mga
pagsusulit.Minsan
ay nahuli siyang kanyang guro na may kodigo sa oras ng pagsusulit at nakita din ito ng kaniyang mga kamag-aral.
Ano
ang maaaring maging bunga ng ginawang mali ni Jose?
a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit. c. Hindi na siya paniniwalaan at
pagkakatiwalaan
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo din upang d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
maging mataas ang grado sa pagsusulit.

43. Ang mga sumusunod ma pahayag ay pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo, malibansa:
a. Ito ang tanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari.
b. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hindi pagkakasundo.
c. Ang pagsasabi ng totoo ay magsisilbing proteksyon ng mga inosenteng tao.
d. Naghahanap ang tunay na may kasalanan ng kanyang masisisi upang siyang maparusahan.
44. Sa edad na ito, napapanindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling. Nakakikilala na sila ng pagkakaiba ng
kanilang
iniisip at kung paano pag-aaralan ang kilos ng ibang tao para sa kanyang sariling kapakanan.
a. 7 b. 6 c. 8 d. 5
Para sa bilang 45-47. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng isang tao base sa sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
a. Nagsisinungaling ang isang tao upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
b. Nagsisinungaling ang isang tao upang isalba ang sarili at maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan.
c. Nagsisinungaling ang isang tao upang sadyang makasakit ng kapwa.
d. Nagsisinungaling ang isang tao upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
45. Ipinagkalat ni Jonan na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil
palakaibigan ito kaya maramiang nagnanais na makipagkaibigan dito.
46. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Arman dahil sa kanyang nagawang paglabag sa alituntunin ng paaralan.
Sa
takot na mapagalitan ay humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap bilang magulang niya.
47. Kilala si Princess sa pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang mga guro na hindi nakikinig.
Sa talakayan at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang ibang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro ay sinasabi
Niya na nadadamay lang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
Para sa bilang 48-50. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod na
sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
a. Pag-iwas c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
b. Pananahimik d. Pagbibigay ng maling impormasyon
48. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang
kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Patrick.
49. Sinabi ni Angelo sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na
malayo ang tirahan nito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
50. Iniiba ni Juno ang usapan tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mgamagulang na
matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinaramdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa halip na
sabihin niya rito ang tunay niyang naramdaman.

You might also like