You are on page 1of 5

STI Colleges Ortigas-Cainta

Bachelor of Science in Hospitality Management


(BSHM)

Isang Di Gradwadong Pagsusuri sa Panitikan

Pagsusuri sa Akdang
Aloha
(Pamagat ng Akda)

Na Isinulat ni
Deogracias A. Rosario
(Panangalan ng Manunulat)

Gamit ang mga Teoryang

Romantisismo, Moralistiko at Formalistiko

Inihanda nina:

De Guzman, Alexandra Nicole


De Torres Sean Gabriel

Ipapasa kay:
G. Bon Jovi B. Marcelo
Ano ang mga Teoryang Ginamit?

Mga pag-aaral sa Teoryang Ginamit.


Pagsususri sa Kuwento ayon sa Pormalistikong Pagdulog

Mga Tauhan at Gampanin sa Kuwento:

 Daniel Merton – ama ni Dan Merton; taliwas sa kagustuhan ng anak na mapangasawa ang isang
Kanaka.
 Dan Merton – anak ni Daniel Merton; kapitan ng footballsa Unibersidad ng Southern California;
anak ng milyonaryo sa Hollywood; ikinasal sa isang Kanaka na si Noemi
 Noemi – isang tunay na Kanaka; dalagang may mataas na pinag-aralan; pinakasalan ni Dan
Merton.
 Ang Editor – kaibigan ng kaniyang ama na sumalubong sa kaniyang pagdating sa Honululu;
editor ng pinakamalaganap na pahayagan sa Honolulu.
 Aloha – anak nina Don Merton at Noemi.

Banghay ng Kuwento:

 Panimula
Nagsimula ang kwento sa bakasyon ni Dan Merton sa Hawaii na regalo ng kanyang ama sa kanyang
pagtatapos. Sa kanyang bakasyon sa Hawaii niya nakilala si Noemi nang magpunta siya sa Punahu School
kasama ang kaniyang kaibigan na editor. Nagkagusto si Dan Merton kay Noemi na isang kanaka dahil sa
napakagaling nitong magsalita. Dahil sa pagmamahal ni Dan Merton kay Noemi ay isinama niya ito sa
Amerika sapagkat nais niya itong pakasalan.

 Suliranin
Ang naging suliranin sa kuwento ay kung paano ipaglalaban ni Dan Merton ang kaniyang sinisinta
laban sa pananaw ng kaniyang Ama na hindi kailanman pantay ang pagtingin nito sa ibang lahi na may
mataas at may mababang uri.

 Pataas na Aksyon
Binalaan ni Dan Martin ng kanyang kaibigan na editor na hindi papayag ang kaniyang ama sa
kanyang nais na pakasalan si Noemi. Sa pagdaong ng bapor na kanilang sinasakyan sa Amerika, Nakita ni
Dan Merton ang kanilang awto at ang kanyang ama. Sa pagtatagpo nila, sinabi ng kanyang ama na sa
isang Hotel katabi ng dagat sila tutuloy at may magaganap na isang party sa kanilang dalawa. Hiniling ni
Noemi kay Dan Merton na sana hindi ito isang wild party, ngunit pagsapit ng ika-4 umaga ay nakita ni
Noemi na lasing si Dan at may babaeng nakapalupot sa kanyang halos wala ng damit.

 Kasukdulan
Tinatong ng ama ni Dan si Noemi kung nabawasan daw ba ang kanyang pagmamahal para kay Dan
sa kanyang nga nakita at inalok niya si Noemi ng $10,000 kung nais niyang tumakas. Sinabi din niya na
hindi magiging maligaya ang kanyang anak sa pili ni Noemi sapagkat lalayuan si Dan ng kanyang mga
kalahi. Tinanggihan iti ini Noemi kaya’t tinaasan pa niya ito at ginawang $25,000 para pabayaan niya si
Dan. Nagalit si Noemi sa narinig kaya’t tumakbo si Noemi sa kanyang silid at paglabas niya ay suot niya
ang kanyang damit na pang-kanaka kung saan walang takip ang kanyang dibdib kundi makapal na lei at
ang kanyang saying damo.nagpunta at nakisalamuha siya sa at nagsayaw ng hula-hula at lahat naman ng
lalaki ay nagtungo sa kanya. Nakita ito ni Dan Merton at prinotektahan si Noemi sa mga humahabol sa
kanya at sumigaw na dudurugin niya ang sinumang mangahas na humipo sa katawan ng asawa niya.

 Pababang Aksyon
Tumawa si Noemi ng marinig niya ito dahil siya ay nagtagumpay at tumugtog ngg piyano at umawit
ng Aloha, isang awit ng tagumpay. Nang iwan ng $500,000 ang ama ni Dan Mertonat sila’y bumalik sa
Honolulu.

 Wakas
Matapos ikwento ni Noemi Merton ang kanilang romansa ay sinabi ni Dan na pag-ibig ang
magpapalapit sa Silangan at Kanluran. Nagtapos ang maikling kwento sa pagsabi nila Dan at Noemi na
mayroon silang anak na nagngangalang Aloha.

Tema:
Racial Discrimination

Pagsusuri Batay sa Teoryang Moralistiko


(Ilahad ang mga 10 linya sa akdang pampanitikan na sinusuri at ipaliwanag ito na nagpapakita ng
Aspetong Moral)
Pagsususri Batay sa Pangunahing Ginamit:
Teoryang Romantisismo
(Ilahad ang mga 10 linya at ipaliwanag ang ang mga ito sa akdang pampanitikan na sinusuri na
nagpapakita ng Teoryang Ginamit)

You might also like