You are on page 1of 4

PROYEKTO SA

FILIPINO
Pagsusuri ng Maikling Kuwento
ni Deogracias A. Rosario

Ipinasa nina:
TALAMBUHAY NI
DEOGRACIAS A. ROSARIO
Deogracias Rosario

(Oktubre 17, 1894 – Nobyembre 26, 1936)

Si Deogracias Rosario ay isang mangangatha, mamamahayag, at makata. Kinikilala siya


bilang “Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog.”
Unang naging aktibo si Rosario sa larangan ng pamamahayag. Naging bahagi siya ng
pahayagang Ang Demokrasya noong 1912 at ng satirikong magasing Buntot Pagi noong 1914.
Noong 1917, naging reporter siya ng Taliba at pagkaraa’y naging katuwang na editor nito.
Sumulat din siya sa Pagkakaisa ng Bayan at ng Photo-News (ngayo’y Liwayway).
Pinamunuan din niya ang iba’t ibang samahang pampanitikan at pangwika. Isa siya sa
itinuturing na cuarteto ng Ilaw at Panitik, at naging pangulo pa nito, gayundin ng Kalipunan ng
mga Kuwentista, at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog.
Ngunit mas nakilala si Rosario sa mga naging ambag niya sa larangan ng maikling
kuwento. Itinuturing na unang maikling kuwento sa Tagalog ang kaniyang akdang “Kung
Ipaghiganti ang Puso” na inilathala sa Liwayway noong 21 Marso 1924. Ilan pa sa mga
kinikilalang mahuhusay niyang kuwento ang “Aloha” (1932), “Ako’y Mayroong Isang Ibon”
(1932) at “Greta Garbo.” Ang mga kuwento niya ay napabilang na sa mga antolohiya ng
pinakamahuhusay na akda.
Nakapagsulat si Rosario ng mahigit sa 80 maikling kuwento, dalawang maikling nobela,
dalawang de-seryeng nobela, at maraming personal na sanaysay, artikulo, at tula na inilathala
sa Photo-News. Nagkaroon din si Rosario ng kolum sa Taliba—ang “Mga Sulyap na Pang-Sabado
ni D.A.R.” na nagtampok ng mga rebyu ng aklat at mga ulat tungkol sa mga pangyayari sa
larangan ng panitikan.
Ipinanganak siya noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila sa isang mahirap na
pamilya. Nag-aral siya sa Manila High School (ngayo’y Araullo High School). Nagsimula siyang
magsulat sa napakabata ng edad na 13. Namatay siya noong 26 Nobyembre 1936.
PAGSUSURI SA
MAIKLING
KUWENTO
“Aloha”
Akda ni Deogracias A. Rosario

I. Tauhan
a. Dan Merto- isang Amerikano na nag tapos sa California, USA. Asawa ni Noemi.
b. Noemi- isang kanaka na kayumanggi na taga Honolulu, Hawaii. May-bahay ni Don
Merton
c. Editor- matalik na kaibigan ni Dan Merton
d. Aloha- anak nina Dan Merton at Noemi
e. Ama ni Dan Merton- mahigpit na tinutulan ang pag- iibigang Dan Merton at Noemi
dahil sa pagkakaiba nila ng lahing pinagmulan

II. Tagpuan
a. Honolulu, Hawaii
b. California, USA

III. Banghay

a. Simula
Nagsimula ang kwento sa bakasyon ni Dan Merton sa Hawaii na regalo ng
kanyang ama sa kanyang pagtatapos. Sa kanyang bakasyon sa Hawai niya nakilala si
Noemi nang magpunta siya sa Punahu School kasama ang kaniyang kaibigan na editor.
Nagkagusto si Dan Merton kay Noemi na isang Kanaka dahil sa napakagaling nitong
magsalita. Dahil sa pagmamahal ni Dan Merton kay Noemi isinama nya ito sa Amerika
sapagkat nais nya itong pakasalan.

b. Pataas na Aksyon
Binalaan si Dan Martin ng kanyang kaibigan na editor na hindi papayag ang
kaniyang ama sa kanyang nais na pakasalan si Noemi. Sa pagdaong ng bapor na
kanilang sinasakyan sa Amerika, nakita ni Dan Merton ang kanilang awto at ang kanyang
ama. Sa pagtatagpo nila, sinabi ng kanyang ama na sa isang hotel katabi ng dagat sila
tutuloy at may magaganap na isang party para sa kanilang dalawa. Hiniling ni Noemi kay
Dan Merton na sana hindi ito isang wild party, ngunit ng pagsapit ng ika-4 ng umaga ay
nakita ni Noemi na lasing si Dan at may babaeng nakapalupot sa kanyang halos wala ng
damit.

c. Kasukdulan
Tinanong ng ama ni Dan si Noemi kung nabawasan daw ba ang kanyang
pagmamahal para kay Dan sa kanyang nga nakita at inalok niya si Noemi ng $10,000
kung nais niyang tumakas. Sinabi din niya na hindi magiging maligaya and kanyang anak
sa piling ni Noemi sapagkat lalayuan si Dan ng kanyang mga kalahi. Tinanggihan ito ni
Noemi kaya't tinaasan pa niya ito at ginawang $ 25,000 para pabayaan niya si Dan.
Nagalit si Noemi sa narinig kaya't tumakbo si Noemi sa kanyang silid at paglabas niya ay
suot niya ang kanyang damit na pang-kanaka kung saan walang takip ang kanyang
dibdib kundi makapal na lei at ang kanyang sayang damo. Nagpunta at nakisalamuha
siya sa at nagsayaw ng hula-hula at lahat naman ng lalaki ay nagtungo sa kanya. Nakita
ito ni Dan Merton at prinotektahan si Noemi sa mga humahabol sa kanya at sumigaw na
dudurugin niya ang sinumang mangahas na humipo sa katawan ng asawa niya.

d. Pababa na Aksyon
Tumawa si Noemi ng narinig niya ito dahil siya ay nagtagumpay at tumugtog
ng piyano at umawit ng Aloha, isang awit ng tagumpay. Nag-iwan ng $ 500,000 ang
ama ni Dan Merton at sila'y bumalik sa Honolulu.
e. Wakas
Matapos ikwento ni Noemi Merto ang kanilang romansa ay sinabi ni Dan na
pag-
ibig ang magpapalapit sa Silangan at Kanluran. Nagtapos ang maikling kwento sa pagsabi
nila Dan at Noemi na mayroon silang anak na nagngangalang Aloha.

IV. Mahahalagang Kaisipan


a. Ang tunay na pagmamahal ay hindi matutumbasan ng salapi o anumang
bagay sa mundo.
b. Matutong tanggapin ang mga bagay na hindi mo kayang tutulan.

You might also like